
2 minute read
KULANG PA
Dagdag sa SRI hiling ng ilang mga guro ng CaiSenHigh
Naaprubahan na ni
Advertisement
Pangulong Ferdinand
Bongbong Marcos Jr ang hiling na PHP 20,000 Service
Recognition Incentive (SRI) para sa gobyernong manggagawa, ngunit hiling ng ilang mga guro sa Cainta
Senior High School (CSHS) na dagdagan pa ito
Sa isang panayam, sinabi ni Mr Rodel Occiano, isang guro sa CSHS na siya ay naging masaya sapagkat naaprubahan ang hiling nilang 20k SRI ngunit sa kabilang banda ay lubos siyang nalulungkot sapagkat hindi buong 20k ang kanilang natanggap kundi 15k lamang
“Masaya ngunit at the same time malungkot kasi may 15k, ngunit malungkot suppose to be 20k ito Hindi ko alam, hindi namin alam kung ano ang reason kung bakit siya naging 15k pero ‘yung ibang government employees sa pagkakaalam namin 20k ‘yong ibinigay sa kanila ng government, ” aniya
Dagdag pa ni Occiano na sana kung ano ang nararapat, maibigay sa mga guro sapagkat ginagawa naman ng mga guro ang kanilang trabaho Isa ito sa hinaing ng mga guro na maibigay kung ano ang dapat at kung ano ang nararapat
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ang mga guro rito sapagkat napunan nito ang kanilang pansarili at iba pang pangangailangan gayong disyembre ito ibinigay
“Natuwa, dahil magkakaroon ng additional budget para sa mga gastusin Kasi una, december ‘yon eh, tapos, actually ginamit ko rin iyon pampa-ospital sa kapatid ko, so tamang-tamang din na nagkaroon ako ng pera na extra para roon, nagamit siya actually sa medical purpose ng kapatid ko,” ani Ms Cenecia Moreno, isang guro sa CSHS
✍ Ken Mark Lemente
Dagdag pasahe hiling ng mga driver sa Cainta
Ikinabahala ang mga mamamayan sa Cainta, Rizal sa pagtaas ng presyo ng gasolina mula 0.45 pesos sa 0.85 pesos kada litro dahil kaugnay nito ang pagtaas ng pamasahe. Sa isang panayam, sinabi ni Cyd isang rider na gumagamit ng gasolina, maaaring mabawasan ang kanyang kikitain sa arawaraw dahil sa pagtaas ng gasolina “Nababawasan ang aming kita, dahil sa mataas na presyo ng gas” ani cyd. Sinabi ni Zusete komyuter sa Cainta sa isang sarbey, dahil sa pagtaas ng gasolina sa Pilipinas ay nahihirapan sila sa pagbabadyet dahil kaugnay nito ang pagtaas din ng pamasahe, tulad na lamang ng tricycle at jeep “As a commuter, pag tumaas yung oil then tataas ang pamasahe ,so mahihirapan kami ulit magbudget kase stable ung fare” Dagdag naman ni Dan Cristobal isang estudyante at komyuter,, natanong din n’ya ang ilan sa tiyuhin n’yang mga tricycle driver, na si Roel San Juan at nasabi nito ang dahilan ng pag angat ng presyo ng sibuyas at ibang mga bilihin na sabay sa pag angat ng presyo ng mga produktong iniluluwas ang pagtaas ng presyo ng langis
Ayon sa Department of Trade and Industry noong disyembre na inaasahan na ang naturang pagtaas ng halaga ay maaaring maganap sa unang linggo o pagtatapos ng Enero na kung saan may 50 produktong tataas ang presyo nang hanggang 10%
Anila na kasama sa mga magtataas ng presyo ang mga sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, asin, toyo, suka, sabon at iba pang delata
Dagdag pa nito na hanggang 50 produkto lamang ang pinapayagan ng DTI na sabaysabay na magtaas ng presyo upang protektahan ang mga konsyumer sapagkat sa ganitong paraan, hindi rin magagawa ng mga manufacturers na magbawas ng produksyon o manggagawa
Sinabi ng isang tindera ng isang sari-sari store sa Cainta, Rizal na si Naida San Pedro na grabe ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buhay natin ngayon natin ngayon
Anito, na nakakaapekto ang pagtaas ng presyo “sa pinansyal, dahil hindi ba, hindi tumataas ang sahod tapos ‘yung mga budget ng mga tao para sa mga pagkain, parang dumoble ang budget Although, hindi pa lahat apektado, hindi pa lahat lumabas ang bagong presyo pero unti-unti naring nararamdaman talaga ”
Dagdag pa ni San Pedro na “sa kagaya naming mamumuhunan, ‘yong budget namin dati sa puhunan, kinakapos na Mas konti ang nabibiling items ”