Bagwis-Agham Tomo XXXIII, Bilang I

Page 1


Kalidad ng edukasyon, di nababawasan - Direktor

PONDO sa paaralan para sa taong 2024, binigyang-diin ng pamunuan na mananatili ang dekalidad na pag-aaral sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC).

Tiniyak ng PSHS-SMC Management Committee (MANCOM) ang paglaan ng naiwang badyet para sa student allowance, pagpapatuloy sa pagtatag ng dalawang imprastraktura sa kampus, at pagbayad sa bayaran ng tubig at kuryente; subalit maaring tanggalin ang iilang minor na aktibidad upang magkaroon ng sapat na pera para sa mas

“I assure that the allowance for the scholarship is not affected, but the activities may be affected—those minor ones. Major activities will [continue to be] implemented, so that’s the effect of the budget cut,” binigyang-diin ni Dr. Jonald P. Fenecios, Campus Director. Isiniwalat naman ng Finance and Accounting Division (FAD) Chief, G. Giemar D. Legaspi, na nababahala ang pamunuan sa

U

YAMAN NG PAG-AARAL. Masusing ginagawa ng iskolar ang isang eksperimento para sa kanyang asignaturang advanced chemistry.

PANG MAS MASURI ang talino at kakayahan ng mga 24,000 na mag-aaral-aplikante ng National Competitive Exam, muling nagkaroon ng onsite na pagsusulit noong ika-18 ng Nobyembre 2023 sa layuning maiwasan din ang anumang anyo ng pandaraya.

TANGING HANGAD. Ang makapasa sa Pisay NCE ay ang pangarap ng mga estudyanteng nakilahok dito.

SA KABILA NG kakulangan ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan, patuloy na isinusulong ng mga iskolar ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang ‘Likharal,’ isang programang naglalayong magturo sa mga mag-aaral ng Grade 6 na nagsisilbing paghahanda na rin para sa entrance exam ng Pisay. Sa second run ng Likharal ngayong taong 2024 pagkatapos nahulog sa mababang ranggo ang Pilipinas sa mga international assessment ukol sa kakayahan ng mga 15 taong gulang na estudyante, inihahandog ng programa ang online

courses at electives na mapipilian ng 100 milang mga mag-aaral upang magkaroon ng mas detalyadong mga pagtatalakay kasabay sa pagtuturo ng mga advanced ‘science, math, at grammar-focused’ na sabjek.

“We give the schools an online copy of their courses and electives, at ang mga bata na ang bahala. All materials will be posted sa Likharal YouTube channel and may GDrive folder para sa kanilang worksheets,” paliwanag ni Jaymee L. Rubillar, ang Pangulo ng Likharal. Biology, Chemistry, Physics, at Study Skills ang mga asignaturang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng Likharal, subalit sinusuri pa nila ang bisa ng mga ito, lalo na sa

Kung kaya ay ibinahagi ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHSSMC) Students Services Division (SSD) Chief Bb. Carolyn Mae VillanabaSolamo na pursigidong lumikha ng mga estratehiya ang NCE Committee at Admissions Committee ng PSHSS kasama ang mga Department of Science and Technology (DOST) upang madagdagan ang bilang ng mga aplikanteng mula sa pampublikong paaralan.

“With this, we have also improved our visibility via social media. With the [recent] NCE, we coordinated with the Philippine Information Agency where they had a virtual presser to inform the public of the NCE of Pisay,” ibinahagi ni Solamo.

Dagdag pa niya, bumisita ang mga miyembro ng komite ng NCE sa mga pampublikong paaralang elementarya sa iba’t ibang probinsya upang imbitahin ang mga mag-aaral at himukin ang kanilang mga guro na ipaalam sa mga bata na mag-apply na maging iskolar ng Pisay.

“In the future, if [the] budget will allow, we also want to provide merchandise to entice the elementary pupils. Pandagdag excitement na rin ‘to and it will help in introducing to them what Pisay really is,” ipinaalam ng SSD Chief.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ng mga suhestiyon ang pamamahala ng PSHS-SMC sa mga maaari maging pamamaraan ng paggawa ng patalastas tungkol sa NCE maging sa social media man o sa pampublikong lugar.

pangyayaring 2.7 bilyong pisong ibinigay para sa buong Philippine Science High School System, na mas mababa kaysa sa budget proposal na 4.2 bilyon at sa laang-gugulin sa nakaraang taon na 3 bilyon.

“During the pandemic, our budget utilization got hampered because of online classes and students not going to school. So, somehow, the budget utilization during those years is not poor but only eighty-six to ninety-two percent. That’s quite lower than our standard. That’s why in the year 2024, ang binigay na badyet sa atin ay medyo kakaunti lang,” paliwanag ni Legaspi.

pag-aaral ng mga batang nahihirapan sa internet connection.

Gayunpaman, inaasahan nilang magkaroon ng mas magandang resulta ang mga bata sa kanilang mga pagsusulit dahil isinasaalang-alang ang kanilang mga marka sa mga preevaluation test upang matugunan ang mga tiyak na isyu tungkol sa kanilang pag-aaral ng iba’t ibang sabjek kasabay ang naangkop na pamamaraan ng pagtuturo para sa bata. “Since we section the students by their evaluation test scores, we can teach them at the right level depending which classroom we’re in, especially since the kids come from various schools with various levels of knowledge,”

binigyang-diin ni Rubillar. Ang Likharal ay nakabatay sa mga konsepto ng isa pang ‘tutor program’ ng mga elementaryang mag-aaral sa PSHS-SMC mula noong taon ng 2019, ang ‘ Pakiglambigit.’

TUNGO SA KAUNLARAN. Matiyagang tinuturuan ng isang iskolar ang estudyanteng kalahok sa Likharal.

CHIARA S. GRASSI
CHIARA S. GRASSI
PAHINA
HAKBANG
Zyescha Kiz Lim
Glenn Palijado
Zyescha Kiz Lim
Likha ni

PERWISYO

Basura sa tapat ng kampus, aayusin ng Barangay

Hakbang sa pagtitipid

Nang dahil sa budget cut, hinimok ng FAD Chief ang mga iskolar na umiwas sa pag-charge ng de-kuryenteng kagamitan, lalo na kung hindi ito para sa gawaing pampaaralan, at hiniling niya na maiulat ng mga mag-aaral ang mga makikitang leakage sa mga gripo sa loob ng paaralan upang ang mga ito ay agarang matugunan.

“I am encouraging all the students to really help us in cutting down our expenses, especially with water and electricity. Those are our topmost biggest expenses on our campus,” sambit ni Legaspi.

Bukod dito, isiniwalat niya na lilimitahan ng MANCOM ang paggamit ng pondo sa ibang gawain katulad ng Faculty and Staff Day at ang pag-sponsor ng mga mag-aaral sa mga paligsahan.

“We have given them two-hundred thousand [pesos] per unit, and they have to decide whether they will conduct the minor activities they have in their program,” aniya.

Mga bagong imprastraktura sa kampus ngayong taon

Ilang panukala para sa konstruksyon ng bagong imprastraktura ang iminungkahi ng PSHS-SMC sa Department of Budget and Management (DBM), subalit wala itong ipinatupad na proyekto.

Sa kabila nito, ibinahagi ni Legaspi patuloy pa rin ang paggawa ng Academic Building 3 na nasa 97% completion rate at ang pag-furnish sa bagong multi-purpose building sa likuran ng kampus.

“For School Year 2023, we still have the continuing projects. Phase 4 for Academic Building 3 is expected to start this January and will be scheduled to finish in January 2025. With the recently completed multi-purpose building by Congressman Ungab, we are just waiting for the delivery of the generator para talagang fully completed na,” saad niya.

Hindi lamang ang mga proyekto ng PSHS-SMC, kundi ang mula rin sa ibang kampus ng PSHSS ang nanganganib dahil sa systemwide budget cut, kabilang na ang buong Deparment of Science and Technology (DOST).

Pakikisali sa paligsahan

Dulot ng 300 milyong pagbawas sa pondo ng institusyon, iilang magaaral ang nawawalan ng pribilehiyong ma-sponsor para sa mga kumpetisyon sa lokal, nasyonal, at global na larangan.

Subalit ayon sa isang iskolar ng Baitang 10, hindi ito nagiging hadlang sa pagpapalawak ng kaniyang kaalaman sa labas ng silid-aralan.

“Dahil [sa budget cut] ako na ang kailangang gumastos para sa mga paligsahan na sasalihan ko, lalo na sa math kung hindi ako mapili para sa sponsorship. Kaya kailangan na rin talaga ang suporta ng pamilya ko. Willing naman sila… Dahil mahal na rin ang mga competition, di na ako masyado sumasali,” pag-amin ni Biddy Jo Hansh T. Gaspar.

PAKIGLAMBIGIT

UMASOLUSYONAN ang pagtambak

Bilang tugon sa iilang reklamo ng mga mag-aaral at maging ang kanikanilang mga magulang sa amoy at karumihan ng collection site ayon sa datos mula sa PSHS-SMC General Survey 2024, isiniwalat ni Romeo F. Alberca na tinitingnan na nila ni Mayor Sebastian Z. Duterte ang isang bakanteng lote sa Bago Oshiro bilang bagong pagtapunan ng basura.

“He [Mayor Duterte] wants to help me because we want to look for another vacant lot for our collection area from Bago Oshiro. If we are allowed to use the vacant lot, we have to use that as our collection point… because I want this barangay to beautify,” aniya.

Samantalang wala pang mapaglipatan, inihayag ni Alberca na mananatiling istrikto ang pangongolekta

ng basura sa tabi ng PSHS-SMC tuwing Sabado para maiwasan ang sagabal sa mga mag-aaral at kawani.

“This time, ni-schedule ko ng Saturday para hindi niyo makita kasi walang pasok, walang offices. But that’s just for the temporary,” pahayag ng Punong Barangay.

Nagsagawa na rin ang Barangay Sto. Niño sa ilalim ng pamumuno ni Alberca ng isang clean-up drive upang linisin ang mga nakakalat na basura sa komunidad, kasali na sa may PSHSSMC.

Plano ring imbitahan ng kapitan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralang sakop ng barangay sa isang mural painting contest na nakatututok sa environmental awareness.

Laboratory equipment, inihandog ng DOST sa DepEd

UJANNA RIEL M. ORCELINO AT ALEXANDREA M. GAMALE

PANG PALAKASIN ang kasanayan sa laboratorya ng mga guro mula sa geographically isolated at dehadong komunidad, nagkaloob ng mga basic laboratory equipment sa mga manunudlo ang Department of Science and Technology Provincial Science and Technology Office (DOST XI-PSTC) Davao Del Norte. Kaakibat ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), pormal na nagtapos ang PAKIGLAMBIGIT Training Sessions noong ika-27 ng Abril 2024, na naglalayong lutasin ang agwat sa kasanayan sa laboratoryo sa Biyolohiya, Kimika, at Robotika. “Of course, there are challenges. We need equipment. With the effort of the Department of Science and

DIWA NG PAGKAKAISA.

upang matapos ang kanilang mga gawain.

Technology, as well as our institution, we share our resources with you. So hopefully, we can continue this, maybe with different topics, we will collaborate. Anyway, we are one nation. We will help one another,” pahayag ni Dr. Jonald P. Fenecios, Direktor ng PSHSSMC.

Sa naturang kaganapan, ipinamahagi ng PSHS-SMC ang anim (6) na MakeBlock 2.0 kit, 15 Basic Laboratory kit, walong (8) Electric Microscope, tatlong (3) Light Microscope, tatlong (3) Electricity Board, at 28 Prototyping

IPINAHAYAG NG KAPITAN ng Brgy. Sto. Nino sa isang panayam ang kahandaan ng kaniyang barangay na haraping ligtas ang anumang sakuna, lalo na sa mga malalakas na ulan.

“We have 49 responders in our barangay. If there are calamities, they

Skit sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang dibisyon ng Davao del Norte.

Kabilang sa apat (4) na dibisyong nakilahok ang Tagum City Division, Island Garden City of Samal (IGaCoS) Division, Panabo City Division, at Davao del Norte Division. Nagpahayag ng aktibong pakikilahok sa kaganapang ito ang kabuuang 56 na guro mula sa mga paaralang Southern Davao NHS, Manay NHS, Pandapan NHS, Maximo A. Arellano NHS, San Isidro Integrated NHS, Busa-

8

3

on Integrated School, Sagayen NHS, Antonio Fruto NHS, Anibongan NHS, Semong NHS, Linamon NHS, Linao NHS, Kinamayan Integrated School, at Datu Jose A. Libayao Memorial NHS. Ang Pakiglambigit ay naganap noong buwan ng Abril sa ika-6, ika-13, ika-20, at ika-27, 2024 mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa PSHS-SMC Campus sa Brgy. Sto. Niño, Tugbok District, Davao City.

3

28

A ISANG MAKABAGONG HAKBANG tungo sa mas mabisang edukasyon at pamamahagi ng impormasyon, naglunsad kamakailan ang Philippine Science High School System (PSHSS) ng isang bagong update sa Student Information System(SIS) upang mapadali ang pagaccess ng mga dokumento ng mga iskolar.

Binigyang-diin ni Jearvy R. Lañohan, Chief ng Curriculum and Instruction Development(CID) ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang pagiging “inclusive” ng

are ready to rescue, not only in heavy rains but all the calamities,” tugon ng punong barangay.

Banggit ni Alberca, mayroong mga lugar sa barangay na sadyang mapanganib lalo na kung umulan, ngunit wala dapat umanong pangambahan dahil andiyan naman ang mga responders

sistema, na nagbibigay daan para sa mas maraming mag-aaral na makinabang mula rito. Ayon kay Lañohan, ang SIS ay hindi lamang nagbibigay ng access sa mga report card.

“The good thing about SIS is it can be a depository of many documents.”

Ipinaliwanag din ni Lañohan na maisama sa SIS ang iba’t ibang dokumento tulad ng discipline at attendance records.

“I’m not sure kung pwede ang clearance doon, baka lang, kasi yung attendance pwede doon, discipline records pwede doon so madaling ma access, madaling makita kung may discipline case

“Tanang accident and emergency na we have here, our responders are responsible to receive,” wika ni Alberca. Ayon kay Alberca, layunin ng kanyang administrasyon ang pagtugon sa umiiral na pagbaha sa barangay at sa patuloy na pagpapaganda nito.

ba ang bata mo”

Sa ganitong paraan, nais ng PSHSS na mapadali ang proseso ng pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon at dokumento para sa mas mabilis at mas epektibong edukasyon.

Sa pagtataguyod ng makabagong teknolohiya, naglalayon ang PSHSS na maging modelo sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kabataang Pilipino.

Sa kasalukuyan, maaari lamang itong ma-access ng mga guro, homeroom advisers, at ng mga iskolar na bibigyan ng pahintulot.

PANG
ng basura sa tapat ng kampus na ikinababahala ng mga iskolar at mga magulang, panukala ng bagong kapitan ng Barangay Sto. Niño na ilipat ang garbage collection site na sa kasulukuyang nakapwesto roon.
SA WAKAS. Sinimulan na ng Barangay Sto. Niño ang paglipat ng garbage collection site na dating nasa tapat ng PSHS-SMC.
MAAGAP SA PAGHAHANDA. Ibinahagi ng kapitan ng Barangay Sto. Niño ang kanilang mga plano kung may mangyaring sakuna.
Masayang nagkaisa ang mga iskolar
Zyescha Kiz Lim
Johnel Lumacao
Denzel Hontanosas

Sa kabila ng 7.4 magnitude SMC, ligtas pa rin sa mga iskolar

NG SUNOD-SUNOD na Lindol na naganap noong Disyembre 2023 ay naging sanhi kung bakit nabahala ang publiko lalo na ang mga mag-aaral, sa kabila ng lahat ng ito siniguro pa rin ng pamunuan na nasa mabuting kondisyon ang mga imprastraktura.

Ang mga imprastraktura ng PSHSSMC ay sinigurong akma sa pamantayan at sumusunod sa building code, ito ay napatutunayan sa material testing na isinasagawa tuwing may imprastrakturang kailangang ipatayo.

“For example, yung Acad Building 3 na’tin lahat ng mga materials na nilagay for the construction of that building is done through material testing. Like the cement, yung parts, yung mga bakal diyaan, talagang dumadaan yan through material testing,” ani ni FAD Chief.

Dagdag pa niya, bago pa man trabahuin ang imprastraktura, sinisigurado ng project engineer na lahat ng materyales ay nakalatag na. Ang Acad Building 2 din ay siguradong ligtas sa pamamagitan ng core testing, para alamin ang lakas ng building.

Based on the result, the strength of the building is more than the required capacity, that is 3000 kasi yung required, 3000 KSI (kilopounds per square inch), but based on the result, aminin na nating, on an average nasa 4000 KSI,

Isa sa mga nakikitang alternatibong solusyon ang posibilidad na pagbili ng tents at mats bilang isang safety measure kapag may nangyaring lindol lalo na kung gabi. Upang hindi na nila kailangang bumalik sa dormitoryo at manatili na lamang sa labas. “In terms of suspension of classes, we will rely on the local government, kasi we do not go beyond the announcement of the LGU. Kung napapansin niyo walang lumalabas na suspension from us unless, may state declaration from the LGU,” ibinahagi ni Dr. Jonald P. Fenecios, ang Campus Director.

' Wag mahiyang magsalita ’ - Punong Barangay

RICAGEN A. GENITA

BUNSOD NG MGA REKLAMO ng mga iskolar

hinggil sa catcalling, isinagawa ng bagong halal na kapitan ng Brgy. Sto Niño na mapanatiling ligtas ang mga mamamayan laban sa catcalling at sa iba pang anyo ng karahasan.

Binigyang-diin ng kapitan na si Romeo Alberca na nagpalibot-libot sa komunidad ang mga gender and development advocates upang masiguro ang siguridad ng mga iskolar at mga mamamayan.

Ayon kay Alberca, may mga kaso ng harassment na hindi iniuulat ng mga biktima at hindi rin umiimik, na tila’y isang tahimik na paraan ng pagharap sa sitwasyon.

“We got kind of cases, situations, there is sometimes that’s what we call a silent way of coping and if the victims will be silent, ‘di namin alam kung anong nangyayari sa kaniya,” aniya.

Ang pagbibigay halaga sa boses ng mga biktima at pagtutok sa kanilang kaligtasan ang pangunahing layunin ng pamunuan ng Barangay Sto. Niño sa

pamumuno ni Kapitan Alberca.

Ayon sa kamakailang isinagawang survey sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), lumabas na 20 porsiyento ng mga mag-aaral mula sa kampus ay nakaranas na macatcall sa Barangay Sto. Niño samantala ang 80 porsiyento ng mga iskolar ay hindi.

Nababahala si Alberca sa kinabukasan at kabutihan ng mga kabataan lalo na’t karamihan sa mga biktima ay nasa 17 anyos pababa.

“What we are very much particular is about the future of the children, the good of the children.”

Bilang bahagi ng hakbang para masiguro ang kaligtasan ng mga biktima, inaanyayahan ng kapitan ang kanilang atensyon at nagsasagawa ng mga pagsusuri upang malaman ang tunay na pangyayari.

Ayon din kay Jearvy R. Lanohan ang Chief ng Curriculum and Instruction Division (CID), may mga beses kung saan may kawalan ng katiyakan ukol sa mga anunsiyo at protokols, kagaya na lamang kung maayos naman ang lagay ng panahon sa umaga ngunit, magkakaroon na naman ng pagbabago sa gabi.

“Gaya noong last time, lumabas ng 2 am, napakahirap icommunicate non na kaagad-agad. Pero kapag nangyari naman yun we have gc naman sa parents, tsaka sa subject teachers, and yung sa SG, and the management team, pinapadala kaagad d’on but, hopefully magawa kaagad yung advisory at mailabas sa website natin or sa facebook page natin,” ani pa ni Fenecios.

Dagdag pa ni Lanohan, mayroon namang tiyak na mabuting pagbabago sa bilis ng pagbibigay-impormasyon ang management, kahit pa na may mga oras ng di katiyakan, sigurado naman na na mas mabilis na ito.

Sa usapin ng Anti-Terrorism Law

‘Ligtas

SNaghihintay ang isang

LUBUSANG PAG-IINGAT. Nagsiyasat ang mga guro sa mga imprastraktura ng PSHS-SMC pagkatapos ng lindol.

pa rin ang Dabaw’—pulisya

A GITNA NG BANTA ng terorismo

sa Mindanao, nananatili pa ring protektado ang mga mamamayan ng Lungsod ng Dabaw ayon sa isang patrol officer na sa kasalukuyan ay naka-estasyon sa Davao City Police Office.

Isiniwalat ni Hedilizo Gamale Jr. sa isang panayam noong ika-28 ng Enero 2024 na maraming intelligence na nakapalibot sa siyudad upang masigurado ang kaligtasan ng mga tao, maging ang mga mag-aaral.

“May mga mata at utak ang police sa

bawat sulok ng Davao City, kaya talagang ligtas at handa tayo. Hindi man makikita kung sino ‘yung intelligence kasi nakacivillian sila. Para silang mga guardian angel,” paliwanag ng pulis.

Sunod na ibinahagi ni Gamale na may mga batas nang inilunsad ang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang kapahamakan ng publiko.

“Kung mapansin mo sa Roxas Night Market at sa mga publikong kaganapan tulad ng Kadayawan Festival, pinagbabawal na ang mga backpack, mga tumbler na hindi transparent. Bawal na rin ang jackets. ‘Yan ay para madaling ma-check kung ano ang dala-dala ng mga tao. Baka may armas pala sila,” inihayag niya.

Lalo na at nagkaroon ng pagbomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong ika-3 ng Disyembre

2023, hindi na raw kailangang mag-alala nang matindi ang mga magulang para sa kanilang mga iskolar.

“Mas naging strikto talaga pagkatapos ng pagbomba ng MSU. Kailangan talaga naming maging vigilant. ‘Yung mga hindi namin kilala, i-consider naming mga suspek. Kaya sa mga magulang, isipin niyo na lang na Davao City is still a safe place,” diin niya.

Student-jaywalker, nabundol

Paggamit ng overpass, idiniin

UPANG MAPANGALAGAAN ang kaligtasan ng mga iskolar, gumawa ng panukala ang direktor hinggil sa mga mag-aaral at kawani na hindi sumusunod sa anti-walking law.

Alinsunod sa Ordinance 778 ng Lungsod ng Davao, ang lahat ng indibdiwal na hindi tumatawid sa pedestrian lane ay may multang 200 pesos o pagkakulong.

JANNA RIEL M. ORCELINO

Ayon sa Direktor ng kampus, “Ang mga mag-aaral na hindi susunod sa panukala ay maikondiserang level 1 offense o paglabag sa mga batas at alituntunin ng kampus. Hinimok din niya ang mga kawani ng paaralan na gamitin ang overpass na malapit sa kampus upang

Sa huli ay sinambit ni Gamale na ilang dekada nang handa ang Lungsod ng Dabaw pagkatapos ng iilang banta ng rebelyon mula sa National People’s Army, “We [have] already learned our lesson.”

maiwasan ang anumang peligro.

“Let us all be a good role model to our student and other members of the Pisay community,” diin ng direktor.

Madilim na overpass aaksyunan ng Kapitan

Kaligtasan ng mga iskolar, pinangangambahan

BILANG TUGON sa pag-alma ng iilang mag-aaral, tiniyak ng pamahalaan na magkakailaw na muli ang overpass sa tapat ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC); inaabangan na lamang ang pagtango ng Davao Light. Sa isang panayam, inihayag ni Kapitan Romeo F. Alberca, punong barangay ng Brgy. Santo Niño, Tugbok District, na sinimulan na ng barangay ang mga hakbang sa muling pagpapailaw ng overpass na ginagamit ng marami, kabilang na ng mga magaaral ng PSHS-SMC.

“We have already paid Davao light for the installation kasi nasunog kasi siya,” wika ng punong barangay. Inihayag ni Alberca na hinihintay na lamang na aprubahan ng Davao Light ang planong pagsaayos ng mga street lamp sa overpass.

“If that company will approve, I’m sure na magkaroon na tayo ng light diyan,” giit ni Alberca. Bukod dito, una nang napailaw ni Alberca ang Barangay Hall ng Sto. Niño.

“Actually my first project for my one month in service is the solar lights outside the barangay

hall,” pagmamalaki ng punong barangay.

Sa kanyang ikalawang buwan bilang punong barangay, ibinunyag ni Alberca na marami pang kaabang-abang na mga proyekto ang nakahilera alangalang sa mga mamamayan ng Brgy. Sto. Niño.

“We have lots of plans for the projects,” diin ni Alberca. Panata ng punong barangay, isa sa mga layuning isasaalangalang ng kanyang administrasyon ang pagpapaganda sa Brgy. Sto. Nino.

MAHER SHALAL-HASH-BAZ O. DIEL
ALEXANDREA M. GAMALE
MAPANGANIB.
mag-aaral sa dilim upang makasakay ng dyip pauwi.
ALERTO
SEGURIDAD
KATATAGAN
KALIGTASAN AT SEGURIDAD. Ipinaliwanag ng isang patrol officer na ligtas ang Lungsod ng Dabaw.
Johnel Lumacao
Sundy Gamale
Calvin Canoy
Likha ni CEM TALANDRON i

‘DI LANG SA AGHAM

PANDAIGDIGAN. Isinasagawa ng PSHS-SMC MUN ang kanilang pagpupulong kung saan pinaguusapan nila ang kanilang Sustainable Development Goals.

UNESCO, kinilala ang PSHS-SMC MUN bilang tagapagtaguyod ng SDGs

MALEXANDREA M.

ULING ITINAMPOK ang kaugnayan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa paggawa ng batas nang naging akreditado na ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus Model United Nations Organization (PSHSSMC MUN) bilang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Club sa Pilipinas.

Matapos ang apat na buwang pagkompleto sa mga pangangailangan upang ma-certify noong ika-25 ng Nobyembre 2023, binigyang-diin ng tagapayo ng organisasyon ang halaga ng sertipikasyon hindi lamang sa mga

iskolar, kundi pati na rin sa lokal at internasyonal na komunidad.

“PSHS-SMC Model United Nations is hoping not just to simulate the Rules of Procedures of the United Nations assemblies and conferences, but also to contribute to its core purpose of the international body even in a small way we can,” sambit ni Bb. Ariane Lou Sanchez.

Katulad sa ibinahagi ng tagapayo, isiniwalat naman ni Manuel Antonio Dugan, Secretary-General, ang kanyang mga naging realisasyon bilang isang delegado ng PSHS-SMC MUN.

“In my time in MUN, I’ve come to see that we have leverage, for good or for worse, and we must use our privileges to improve the welfare of

others. We, being the club for the United Nations, will set free those chained to war, violence, and poverty,” pag-amin niya.

Samantala, binigyang-diin ni Gabrielle Dwane Daquioag, Emeritus Secretary-General, na nagiging daan ang MUN sa pag-abot niya sa kanyang pangarap na makilahok sa mga larangan ng paggawa ng pampublikong patakaran at siyensya.

“MUN has definitely made me more aware of social issues and the world’s most pressing problems. It has been integral to my desire to study international affairs and public policy in addition to the science course I will be pursuing in college,” isiniwalat niya.

Dugtong pa nina Sanchez, Dugan,

SA GITNA NG LUMALALANG

ISYU at pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy at ang pag-usbong ng mga Sexually Transmitted Diseases (STDs), mahalaga ang tindig ni Keene Yael

Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Dampal na ang simpleng paalala na “huwag makipagtalik” ay hindi laging epektibo.

at Daquioag na marami man ang hamon sa pagiging kasapi ng MUN ay makatutulong ito sa mga iskolar sa paglinang ng kani-kanilang mga kakayahan sa pagbalanse ng oras, pakikihalubilo sa iba, at pagkamit ng holistikong pag-unlad. Maliban sa pagtaguyod ng Sustainable Development Goals, mithiin ng UNESCO Clubs of the Philippines ay ang pag-ambag sa kapayapaan at seguridad ng mundo at paggalang sa mga katarungang pantao sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtutulungan ng mga bansa sa aspekto ng edukasyon, agham, at kultura.

Pamemeke ng lagda, laganap sa SMC CID Chief,

nagbabala

K

ASALUKUYANG KINAKABAHALA ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang integridad ng akademikong proseso at moralidad ng pamahalaan sa patuloy na pagusbong kaso ng pagpapalsipikasyon ng mag-aaral sa lagda ng kanilang mga magulang o tagapagbantay.

“Your parents are also informed that they shouldn’t allow you [students] to sign on their behalf. But you see, the moment the student decides to do this, that’s on them,” diin ni Bb. Jearvy R. Lañohan, Curriculum and Instruction Division (CID) Chief.

Dinagdag niya na nagbubunsod ang isyung ito ng pag-aalinlangan sa bisa ng akademikong talaan at pagtuon ng pansin sa pangangailangan ng mas mabuting seguridad sa loob ng paaralan.

“Pag nakalusot kayo, sige. Pero kung nahuli kayo, you know that this comes with a consequence. And you know how our discipline procedure pans out, right? depende sa level,” puna ni Lañohan.

Ang pagsuway sa Code of Conduct ng PSHS-SMC hinggil sa pagpapalsipika ng lagda o dokumento ay itinuturing na Level 2 o 3 paglabag.

Dulot ng pagtaas ng mga kaso, nalalagay sa panganib ang tiwala sa pagitan ng mga magulang, estudyante, at institusyong pang-edukasyon, kung saan kinakailangang suriin nang maigi ng PSHS-SMC ang mga dokumento upang maiwasan ang kaguluhan sa administrasyon.

PAG-IINGAT. Hinihikayat ng Pangulo ng SG ang SexEd upang ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng teenage pregnancy at STD.

A. Dampal, Pangulo ng Student Government (SG) ng Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at aktibo sa usaping Sexual and Reproductive Health Rights (SRHR) na pagtibayin ang pangangailangang bigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataan tungkol sa ligtas na pakikipagtalik.

Binigyang-diin ni Dampal ang pangangailangan na magkaroon ng tamang kaalaman sa sex education para sa mga kabataan, at hindi lamang ituring itong isang ipinagbabawal na usapan.

Sa pagtuturo ng tama at dekalidad na kaalaman sa proper sex education, umaasa siya na mababawasan ang kaso ng teenage pregnancy at STDs.

Bagaman mayroon nang kurikulum ang SMC na may kinalaman sa sex education, tinukoy

ni Dampal na marami pa ring aspeto na hindi natutugunan ng kasalukuyang sistema.

May kanyang banggitin ang pangangailangan na ang sex education ay hindi dapat ituring na isang taboo na paksa, at ito’y dapat bigyan ng sapat na pansin at pag-unawa sa pamamagitan ng pagdestigmatize dito.

“In the context of Pisay SMC, I think we can do better in terms of addressing this problem,” aniya.

Hinimok niya ang pagsasagawa ng mga bukas na usapan tungkol sa usaping ito nang hindi ito isinasantabi bilang isang ipinagbabawal na paksa.

“We can do this by having open conversations about sex without making it a taboo topic as well as erasing the shame that one feels when discussing the topic,” dagdag pa niya.

pang paunlarin ang siyentipikong pag-iisip ng mga iskolar, nagdaos ng Research Fair 2024 ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) para bigyangoportunidad ang mga mag-aaral at guro na ipakita at ibahagi ang kani-kanilang mga pananaliksik. Sa unang pagkakataon, nakilahok sa naturang kaganapan ang iba pang mga kampus ng PSHS sa Mindanao, ang Soccsksargen Region Campus (SRC),

Zamboanga Peninsula Region Campus (ZRC), Central Mindanao Campus (CMC), at Caraga Region Campus (CRC) sa layuning palawakin pa ang saklaw ng kaalaman sa physical, applied, at life science. “This first ever Mindanao-wide research summit will gather different researches. And with that, we should let these researches inspire and intrigue us to explore,” inihayag ni Gng. Sharon M. Dejarme, Assistant Curriculum and Instruction Division Chief ng PSHS-SMC sa kaniyang Pambungad na Pananalita.

Unang tinalakay ng mga mag-aaral mula sa CMC (Bas, Jungao, at Ylanan), CRC (Blancaflor, Gapuz, at Wa-ayan), at ZRC (Rosel at Tigoy) ang paggamit ng halaman bilang natural na baterya, ang katangian ng

Batas na nag-aatas sa pagpapatupad ng Comprehensive Sexual Education sa kurikulum ng DepEd

JANNA RIEL M. ORCELINO
GAMALE
RICAGEN A. GENITA AT ABIGAIL V. CATAMORA
JANNA RIEL M. ORCELINO AT ALEXANDREA M. GAMALE
(Leocario, Malintad, at Suelto),
paggawa
plastik gamit ang red algae
(Cabrera, De Leon, at Dampal).
huli, nagpresenta si G. Feb Alexis
Marquez, guro
KATAPATAN
BUKAS NA ISIPAN
PAGKAKAISA LATHALAIN Walang Diyos sa Gabi Mallari Movie Review
Francis Gabriel Dangoy
Francis Gabriel Dangoy
Keene Dampal
Likha ni CEM TALANDRON i

INTEGRIDAD

Panuntunan sa paggamit ng AI, itatatag ng pamunuan

SRICAGEN A. GENITA

A LAYUNING PAIGTINGIN

ang seguridad, nagtipontipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang kampus ng Philippine Science High School System (PSHSS) upang lumikha ng mga gabay para sa tamang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa gitna ng mabilis na pag-usbong nito sa mga pang-akademikong gawain.

“To feel more secure, the PSHS System is actually convening with different representatives from different campuses to meet up for the vertical working group to create

guidelines for the use of AI,” ipinahayag ni Bb. Jearvy R. Lañohan, Chief ng Curriculum and Instruction Division (CID) ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC).

Ibinahagi naman ng PSHSSMC Campus Director Dr. Jonald P. Fenecios na komplikado ang usapin ng paggamit ng teknolohiyang ito sa pag-aaral sapagkat nangangailangan ito ng masusing pagsusuri at paggabay.

“Why will you not allow someone to use a calculator when it makes our job easier?...

Gumagamit ka ba ng AI sa pag-aaral?

Kursong tinangkiliksikolohiya, ng mga iskolar

Stigma laban sa mental health, tinugunan

JANNA RIEL M. ORCELINO

“PSYCHOLOGY IS STILL STEMBASED. Psychology is still STEM.” Ito ang mariing sinabi ni Bb. Bealaura Bencio, guro ng Psychology Elective sabjek na sinimulang ihandog sa mga mag-aaral ng Pisay-Davao. Ang pagtatag ng elective na ito, aniya, ay paraan upang maiparating sa mga estudyante na hindi dapat maliitin ang Psychology.

“Hindi alam ng karamihan, sapagkat ito’y nananatiling batay sa agham, andaming babasahin, andaming teorya- na ang lahat ng ito’y suportado ng pananaliksik at datos. Ganitong uri ng paniniwala ang layunin naming itatatag ngayon,” sambit niya.

Dagdag pa ni Bb. Bencio na mahalaga para sa estudyante na pagaralan ang Psychology sapagkat mas mauunawaan na nila ang kilos at pagiisip ng iba at ng sarili.

“Magiging mas bukas ang pagiisip ng mga estudyante sa iba’t ibang kilos ng tao; maging mas mabilis na silang mag-akma at umintindi. At matutunan din nila ang iba’t ibang uri ng sakit sa pag-iisip,” aniya.

Ipinahiwatig din ng guro na ang pag-aaral ng Psychology at pagkakamalay ng isang indibidwal sa Mental Health ay may koneksyon- at ito’y nakakatulong sa pag-empatiya at pag-unawa sa karanasan at Mental Health ng iba.

“Sa mga aralin na itinuturo ko, maialis nito ang stigma sa Psychology. And for personal reasons, mas maiintindihan mo pa ang mundo, pati na ang disorders. Marami parin ang stigma tungkol sa mental health, ngunit sana’y mas mapalawak ng Psychology elective ang pag-unawa at empatiya ng mga estudyante,” saad pa niya.

[Pero] AI might give you the wrong information, so you must be critical… [At] kung AI lang gagawa, parang plagiarism na rin ‘yon,” aniya.

Sa pagpapahayag pa ni Lañohan, hindi na mapipigilan ang pag-unlad ng AI at pagtungo sa makabagong panahon.

Habang wala pang malinaw na alituntunin, inudyok din ng Direktor ang mga iskolar na maging disiplina bilang hakbang sa ligtas na paggamit ng AI, maging ng anumang teknolohiya, at mapanatili ang etika sa pagaaral. Guidance,

ATULOY NA LUMULUBHA ang mental health ng mga mag-aaral dala ng mahigpit na akademikong pangangailangan sa kurikulum ng Philippine Science High School (PSHS), kaya naglunsad ang guidance unit ng PSHS-Southern Mindanao Campus ng taunang pag-uusap tungkol sa mental health ng mga mag-aaral.

KINABUKASAN NG BAYAN

Ipinahayag ng mga iskolar na iba-iba ang kinakaharap na alalahanin ng bawat baitang tungkol sa usapin ng mental health, kaya bilang aksyon, iniayon ng Guidance Unit ang paksa sa isinagawang pag-uusap sa mga isyung dinaranas ng bawat baitang.

“The difference between the talks that we have last school year sa talks na meron kami ngayon is that this year parang as you observe we have different topics per grade level, kasi diba before we only conduct one talk for everybody,” ani, Gng. Ronieleen Librero, gabayang tagapagpayo ng SMC.

Bukod pa rito, umupa ang SMC ng isang sikolohista bilang bahagi ng pagbibigay solusyon

sa dumaraming bilang na isyu ng mental health sa mga mag-aaral.

“You know that the service fee of a psychologist is very expensive but here in Pisay, parang pinaglaban talaga namin yan na makahire tayo,” ayon kay Librero. Sa kasalukuyan, libre na ang pag-access ng mga iskolar sa anumang oras para makipag-usap sa sikolohista.

Binibigyang-diin niya sa mga mag-aaral sa bawat sesyon ng pagsangguni na “our mind is very strong as a whole. “I really admire students, all of you actually na nakaka-survive dito sa Pisay,” sambit pa niya.

Dabaw isko, kampeon sa nat’l geography olympiad

Sa pamamagitan ng tiyaga at husay, nasungkit ng iskolar mula sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang gintong medalya sa 13th Philippine Geography Olympiad (PGO) na ginanap noong ika-2 hanggang ika-3 ng Marso 2024 sa University of the Philippines Diliman Campus.

Matapos ang komprehensibong paghahanda, mula sa 124 na mag-aaral sa sekondarya sa loob ng dalawang araw ng mga eksaminasyon at pagsusulat ng sanaysay, nakamit ni Lemiel LJ Acuna ng ika10 na baitang ang ikalawang kampeonato ng PSHS-SMC sa nasabing kaganapan.

“It was very surreal kasi last year [2023 PGO], I only reached the semi-finals, tapos this year,

face-to-face pa talaga. Grabe na rin kasi ang trainings namin, very comprehensive and challenging. Not to mention, I have been interested in geography ever since I was still six years old,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Acuna na ang mga paligsahan tulad ng PGO ay hindi lamang isang kumpetisyon, kundi isang paraan upang mapalawak ang kaniyang dunong at makipag-ugnayan sa mga taong may kaparehong interes.

“Honestly, PGO really expanded my view on geography because it isn’t just countries, flags, and capital cities, but it is also interconnected with other scientific disciplines. More than that, it helped me bond more with those who have the same interests as me, which made me learn more and also enhance my social skills,” pag-amin ng iskolar.

Binigyang-diin naman din

ni Acuna na naging mahalaga sa kaniyang pagkapanalo ang kanyang mga tagapayong sina Bb. Krishna Mie Zabate, G. Jim Ernsan Ferraren, Bb. Michelle Anne Belenson, at Bb. Czequinna Dainty Tanguihan. Kabilang din sa mga kumatawan sa PSHS-SMC sa PGO13 ay sina Earl Michael Jayme, Adrienne Faye Bautista na nakapasok sa Qualifying Round, at Jared Arden Apas na isa ring Finalist. Opisyal na magrerepresenta si Acuña sa Pilipinas sa International Geography Olympiad 2024 sa Dublin, Ireland ngayong Agosto.

Ang PGO ay ang pangunahin at opisyal na pambansang paligsahan sa heograpiya na handog ng University of the Philippines Geological Society para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.

Sa pagsulong ng responsableng pananaliksik Research Ethics Committee, pinaigting sa Pisay-Davao

PANG LINANGIN ang kakayahan ng mga iskolar at kasapi ng Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) sa larangan ng pananaliksik, itinatag ang Research Ethics Committee (REC) sa taong 2024.

Ang Research Ethics Committee (REC) ay isang grupo ng mga propesyonal na nagrerepaso at nag-aapruba ng mga pananaliksik upang tiyakin ang pagsunod sa moral at etikal na pamantayan bago ito isagawa.

“We are establishing the Research Ethics Committee (REC), kasi lahat ng research that we hold on to humans, as well as animals,

must have to go to an ethics review. Kapag hindi dumaan doon, hindi mo rin ma-publish yan, kasi the journals will require you to have that review,” ibinahagi ni Dr. Jonald P. Fenecios, direktor ng PSHS-SMC.

Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong komite, makakamtan ang isa sa mga layunin na maparami ang mga mailalathalang pananaliksik ng mga mag-aaral.

“Para may first hand experience kayo on how to publish journals before entering into a university in the Philippines or abroad, kasi it’s a culture that needs to be pushed like, in our case, na science high school tayo,” paliwanag

ni Fenecios.

Bagama’t hindi pa nasisiguradong matatapos ang pagpapatayo ng komiteng ito, umaasa si Dr. Fenecios na maayos ang implementasyon nito sa taong 2024.

Magiging daan ang komite upang mapabuti ang kalidad ng mga journal na gagawin ng bawat mag-aaral.

PAG-IINGAT. Nagsikap ang isang mag-aaral upang makamit ang kanyang kailangan para sa kanyang pananaliksik.

ALEXANDREA M. GAMALE
RICAGEN A. GENITA
PAHINGA. Nagsagawa ang PSHS-SMC ng libreng yoga sesyon para makapagpahinga ang mga estudyante at guro.
Ashley Dugho
Johnel Lumacao
Likha ni CEM TALANDRON i
MAGING MAPAGKILATIS. Binigyang-diin ni Dr. Jonald P. Fenecios sa MANCOM Press Conference ang mga kahinaan ng paggamit ng AI sa pag-aaral.
UMUWING PANALO. Nagtagumpay ang mga kinatawan ng PSHSSMC na sina Adrienne Bautista, Jim Ferraren (tagapayo), Lemiel Acuña, Earl Jayme, at Jared Apas sa ika-13 na Philippine Geography Olympiad sa UP Diliman.
Lemiel Acuña
Francis Gabriel Dangoy

BAGWIS

AGHAM

Palad ng

I

KINABABAHALA

NG MGA PILIPINO ngayon ang iminungkahing badyet ng pamahalaan para sa iba’t ibang sektor ng bansa. Sa kabuuang Php 5.268 trilyong ibinunyag ng Department of Budget and Management bilang National Budget sa taong 2023, pili lamang ang nabigyan ng malaking halaga ng pondo kung saan nababawasan naman nang lubos ang iilan. Kung naisusugal ang kahihinatnan ng bansa kapalit ng magagandang benepisyo ng nasabing budget cut, marapat lamang na baguhin ang paglalaan ng pera ng gobyerno nang sa gayon ay maisabalanse natin ang mga naaapektuhan sa mga natutulungan.

Inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang budget cut upang madagdagan ang pondo ng mga kagawaran ng bansang tumutugon sa samu’t saring isyu ng lipunan. Kabilang sa mga isyung ito ay ang tuluyang pagtaas ng gas prices kung saan umakyat umano sa 17.6 bahagdan ang presyo nito, kumpara sa 14.6 bahagdan noong Mayo. Sa ganitong estado, naglaan ang Department of Budget and Management ng P3 bilyon upang mabigyan ng salapi ang mga jeepney at tricycle drivers na apektado ng krisis.

Bukod pa rito, isinakatuparan din kamakailan ang pagpapatupad ng price cap sa mga bilihing bigas sa Pilipinas sapagkat naglalayon itong maisaalangalang ang patuloy na paglobo ng presyo nito.

Nasasaad sa Executive Order 39 na sa bawat kilo ng regular milled rice ay nalilimita na umano ang presyo nito sa PHP 41. Biyaya man ito sa paningin ng mga mamimili, kamalasan naman ang hatid nito sa mga rice retailers dahil apektado rito ang kita ng kanilang negosyo. Sa tulong ng budget cut, nakapaglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P3.75 bilyon upang matulungan ang 250 micro rice retailers na mabawi ang pagkalugi ng kanilang kita.

Isa rin sa magagandang hangarin ng pagpapatupad ng budget cut ay ang mapababa ang nakaaalarmang kalagayan ng unemployment rate sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, umangat sa 4.8 bahagdan ang unemployment rate ng Pilipinas noong July, 2023 kung saan umabot sa 2.27 milyong Pilipino ang nahihirapan sa paghahanap ng trabaho. Upang maisalba ang ekonomiya ng bansa, makatatanggap ng P1.418 trilyon ang programang Build Better More ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan nagnanais umano itong paramihin ang mga imprastaktura ng bansa. Sa pagrami ng imprastaktura ng bansa, mabibigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga Pilipinong makapagtrabaho sapagkat lalawak din ang demand ng mga manggagawa. Gayunpaman, may kalakip din itong kahinaang naidudulot sa bansa. Sa kadahilanang may karagdagang pondo na ang ibang sangay, mababawasan naman ang pondo ng iilang kagawaran at institusyon ng bansa. Kabilang na rito ang Philippine Science High School (PSHS) kung saan umabot sa 329 milyon ang ibinawas na pondo ng gobyerno. Ayon sa Executive Director ng Philippine Science High School na si Lilia T. Habacon, ang unti-unting pagtatapos ng mga proyekto sa mga paaralan ang isa sa mga dahilan kung bakit nabawasan ang pondo ng nasabing institusyon.

Kahit man maganda ang layunin ng budget cut sa paaaralang PSHS, hindi pa rin ito patas sapagkat may iilan pa ring kampus ang may kakulangan sa imprastraktura katulad ng sa Zamboanga at

Kung tutuusin, hindi matutustusan ng gobyerno ang pangangailangan ng lahat kung kaya’t hindi rin maiiwasang may iilang kapus-palad sa bawat kabutihang naidudulot ng budget cut sa bansa.

KOMENTARYO

INDI NABIBILI ANG TALINO ngunit hindi rin nadadala sa aral ang kahirapan sa pananalapi. Sa ulat ng Department of Education (DepEd) noong 2018, 1 sa 6 na batang Pilipino lamang ang nakakapag-aral dahil sa kakulangan ng suporta. Kung kaya, nakapagtataka kung bakit ang mga programa ng pamahalaang isinusulong ang mas inklusibong edukasyon ay higit na pinakikinabangan ng mayayaman kaysa ng mga tunay na nangangailangan ng karampatang tulong. Bilang mga iskolar, tungkulin nating kampihan ang mga magaaral na biktima ng kakulangan at kawalang-katarungan sa pamamagitan ng pagtatawag-pansin sa mga sitwasyong ito. Sa PSHS-SMC, higit na marami ang Partial 3 Scholars na may mas

Yaman ni Isko

Ang magkabilang dako ng socioeconomic status at edukasyon

maginhawang socioeconomic status kaysa Full Scholars na nangangailangan ng karagdagang suporta mula sa institusyon. Sa madaling tingin, walang kaugnayan ang salapi sa kalidad ng edukasyong natatamo ng isang tao. Halimbawa, hangga’t matalino ang isang bata, karapatan niyang hindi mapagkaitan ng de-kalidad na edukasyong inihahandog ng mga paaralan tulad ng PSHS-SMC. Gayunpaman, bulag ang paniniwalang ito sa katotohanang may kaakibat na pribilehiyong hatid ang kasaganaan sa salapi sa murang gulang, bago pa man mabatid ng isang bata kung ano ang kanyang mga pangarap sa buhay. Madaling sabihing hindi kinakailangan ang pera upang maging matagumpay sa pag-aaral, ngunit hindi rin mahirap mapansing mas nakaaangat sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang sa edukasyon, ang maririwasa. Kaugnay nito, maraming may-kaya

sa mga institusyon tulad ng PSHS-SMC at Unibersidad ng Pilipinas dahil kaya nilang magkaroon ng tutors at review materials na makatutulong sa kanila sa pagtunton ng mabubuting landas sa edukasyon. Samantala, dagdag suliranin lamang ito para sa mga naghihirap na kinakailangan pang isipin kung paano mapapakain nang tama ang kanilang pamilya sa loob ng isang bahay na may kuryente at tubig. Maaaring maging pinakamatalinong mag-aaral sa kanyang baitang ang isang bata ngunit salapi pa rin ang tutukoy sa uri ng pagsasanay at dami ng oportunidad na makakamit niya. Dagdag pa, may patutunguhan pa rin ang isang batang lumaking masagana kung hindi siya nakatanggap ng isang scholarship. Sa malungkot na kabilang dako, isang kapirasong pag-asa na ang scholarships sa mga hindi nabiyayaan ng maginhawang buhay.

Kung kaya, isang malaking dagok ito sa bansang may 91F learning poverty. Sa mga pagkakataong ito, mali ba ang magtanong kung para kanino nga ba talaga ang libreng edukasyon — sa nangangailangan o sa nasisinagan?

Sa isang bayang napupuno ng mga susunod na Jose Rizal o Fe del Mundo, pambihira pa rin ang de-kalidad na edukasyon. Habang nararapat nating singilin ang pamahalaan na ibigay ang tama, kinakailangan din nating kilalanin ang mga pribilehiyo at balakid sa ating lipunang may kaugnayan sa pambansang lagay ng edukasyon. Sa pamamagitan nito, natutukoy natin ang mga solusyong gumagana at hindi nang sa gayo’y magkaroon tayo ng isang uri ng edukasyong tunay na inklusibo. Ang yaman ni Isko ang tunay na pagasa ng bayan ngunit higit sa madalas, napagkakaitan si Isko ng yamang itong hindi lang nakikita sa puso at isipan.

Marlo J. Gordoncillo, Jr.
Likha ni ANNE MANTILLA i

ad aliang Pagbabag

blema sa edukasyon

JuliaMichaelaCervantes

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal kong Patnugot, Sa araw-araw na pagpasok sa paaralan, kinakailangan ko at ng aking mga kamag-aral ng malinis na inuming tubig. Samantalang mayroong itinalagang mga water fountain sa palibot ng kampus, hindi lamang ang mga kapwa ko mag-aaral, guro at tauhan ng paaralan ang gumagamit sapagkat dinudumog din ito ng mga palaboy na pusa. Nakababahala ito sa kalusugan ng pamayanan, kung kaya sana’y mapunan nang agaran ang suliraning ito.

Sumasaiyo, Fiona Mikaela L. Galendez 10 - Adenine

Mahal kong Fiona, Nais kong bigyang-diin na lubos naming nauunawaan ang inyong pangangailangan para sa malinis na inuming tubig sa paaralan. Ipinapangako namin na ito ay maipapaabot sa pamunuan ng paaralan upang agarang masolusyonan at aaksyunan ang inyong mga puna ukol sa mga hindi inaasahang bisitang nakikiinom sa mga water fountain. Layunin naming masigurong ligtas at malinis ang tubig para sa kalusugan ng buong komunidad ng paaralan.

Sumasaiyo, Punong Patnugot

Panibagong Lunas

Ang pag-asang hatid ng Catch-up Fridays sa nahuhuling kabataang Pilipino

HANGGANG SA KASALUKUYAN, patuloy na gumagapang ang sektor ng edukasyon sa bansa. Kaugnay ito sa sarbey ng World Bank na nag-uulat na 9 sa bawat 10 kabataan ang nakararanas ng learning gap sa Pilipinas. Dahil dito, nauudyok ang pamahalaan at kaalyadong mga ahensiya tulad na DepED na lumikha ng panibangong mga programa tulad ng “ Catch Up Fridays” upang matugunan ang lumulobong kaso ng learning poverty sa bansa. Ang pagpapatupad ng mekanismong tulad nito ay makatutulong sa pagpapabuti ng kaalaman ng kabataang Pilipino lalong-lalo na sa mga napilitang tumigil dulot ng pandemya. Kung kaya, mainam lamang na masusing

pagplanuhan ng mga namamahala ang pagpapatupad sa naturang programa upang masiguro ang epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung sisiyatin lamang ang kakayahan ng kabataang Pilipino sa Agham, Matematika, at pagbasa, lubos na mawawari na isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamahinang edukasyon at maaaring humantong ito sa isang mahinang workforce sa hinaharap. Kaugnay ito ng ulat ng PhilStar na nagbabalitang ika-77 ang Pilipinas mula sa 81 bansang nakilahok sa Program for International Student Assessment (PISA). Dahil dito, nagsisilbing patunay ang datos sa usad-pagong na edukasyong natatamo ng mga Pilipino. Gayundin, isang suliranin na kinakaharap ng bansa ay ang

kakulangan ng mga pasilidad na kinakailangan ng kabataan para sa mabisang pagkatuto. Ito ay isa sa mga suliraning kakaharapin ng pamahalaan kung sakaling ipatutupad ang Catch Up Fridays sa bansa. Sa kasalukuyan, nasa mahigit 185,000 silid-aralan ang kulang sa bansa ayon sa isang ulat ng Manila Bulletin. Dagdag pa, nagiging hadlang din sa kaunlaran ng pagkatuto ang kakulangan ng akses sa pampisikal na libro at iba pang materyales. Dahil dito, nagiging mabagal ang usad sa pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Subalit, nagsisilbi pa ring butil ng pag-asa ang programang ito sa 22 milyong kabataan na kasalukuyang nag-aaral sa bansa. Kung titingnan ang resulta ng PISA, masasabing makatutulong ang programang ito upang maibsan ang learning poverty

sa bansa. Dagdag pa, tinitingnan ang programang ito bilang susi sa pagunlad dahil sa huli ay magkakaroon ng oportunidad ang mga mag-aaral na makalikom ng panibagong kaalaman at makahabol sa mga konseptong nakaligtaan sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, matagumpay naman ang pagpapatupad ng panukalang ito sa piling mga paaralan sa Pilipinas. Pinaliliwanag din ng DepED na nakikitaan ng potensyal ang Catch Up Fridays sa pagpapalago ng kaalaman ng mga sinasakupan nito. Dagdag pa, nagsisilbing mabuting oportunidad ang programang ito upang magkaroon ng akses ang mga mag-aaral sa panibagong mga aralin. Subalit, haharap sa suliranin hinggil sa bilang ng mga guro ang ating bansa kung sakaling tuloy ang pagpapatupad ng panukalang ito. Ayon sa sarbey

ng DepED, nasa mahigit 90,000 guro ang kinakailangan upang umalalay sa student-teacher ratio ng bansa. Mula sa mga datos, masasabing may kakulangan sa bilang ng pasilidad at guro sa bansa na kinakailangang tugunan ng pamahalaan bago magpatupad ng ganitong programa. Sa kasalukuyan, masasabing mabuti ang motibo sa pagpapatupad ng Catch up Fridays sa bansa. Subalit, kinakailangang pagtuunan ng pansin ng mga namamahala ang mga isyu o salik na matagal nang nagiging hadlang sa kaunlaran ng edukasyon sa bansa. Sa pamamagitan nito, magsisilbing panibagong lunas ang Catch Up Fridays sa lumalalang suliranin hinggil sa learning poverty sa bansa.

Karisah G. Galendez
Likha ni ANNE MANTILLA i

BUTIL NG KAHIRAPAN

Angnanghihinanghaligingagrikulturasabansa

G. Galendez

KAAKIBAT NG PATULOY na pagtaas ng populasyon ang pasan na dala-dala ng mga magsasaka upang may maihain ang bawat Pilipino sa hapagkainan. Subalit, sa kasalukuyan, di-umano mas natatapakan at nadudungisan ang papel na kanilang ginagampanan dahil sa post-harvest losses na kinakaharap ng bansa. Sa katunayan, tinatayang nasa 12.7 bahagdan hanggang 15 bahagdan sa produksiyon ng bigas ang nasasayang dahil saz kakulangan ng pasilidad at angkop na suporta mula sa pamahalaan. Kung gayon, nararapat lamang na protektahan at isulong ang karapatan ng mga magsasaka at pag-isipan nang maigi ang pagpaplano sa anumang programang naglalayong magpabuti sa kalagayan ng agrikultura sa bansa. Kung tutuusin, may ginagawang hakbang ang pamahalaan upang mapabuti ang nanghihinang haligi ng agrikultura sa bansa. Iminungkahi ni Francisco Laurel, sekretarya ng Department of Agriculture, sa isang press conference na 93 bilyon ang proposed badyet nito upang malutas ang post-harvest losses ng bansa sa susunod na tatlong taon. Dagdag pa, sinisikap din ng DA na madagdagan ang mga pasilidad at matulungan ang mga magsasaka mula sa katiwalian at hamon na ibinabato ng pagbabago sa lipunan. Batay sa ganitong mga

pangyayari, mahihinuhang ginagamit ng kasalukuyang administrasyon ang buong kapangyarihan nito upang matugunan ang suliranin na kinakaharap ng bansa sa sektor ng agrikultura.

Dagdag pa, iminungkahi rin ni Francisco Laurel na layunin ng DA na mapamura ang presyo ng bigas. Kaugnay ito sa pangako ng pangulo na gagawing bente pesos ang presyo nito at tugunan ang pangangailangan ng bawat magsasaka. “20 peso rice is an inspiration to strive and improve” ani Laurel.

Gayunpaman, sa kabila ng mga mabubuting plano na hinahangad ng mga nasa itaas, nagiging palaisipan kung saan manggagaling ang perang gugugulin para sa mga proyektong ipapatupad. Sa isang press conference, isinaad ni Francisco Laurel na wala pang tiyak na plano ang DA hinggil sa badyet nito sa susunod na mga taon. Kung tutuusin, nakababahala ito dahil hindi na bago sa taumbayan ang mga ganitong pangako. Kung kaya’t, kinakailangan ng malinaw na probisyon at pagpaplano ang mga proyekto bago ipatupad upang maging matagumpay at epektibo.

“Habang hindi nakukuntento ang marami sa kalidad ng pagkain sa bansa, mas marami ang hindi nakakakain — kabilang na ang mga sikmurang nagutom para lang may makain ang buong bansang tila hindi nila kinabibilangan.”

Dagdag pa, pinunto rin ni Laurel na hindi sapat ang mga investment na ginawa ng pamahalaan sa mga nakaraang taon upang matugunan ang food insecurity sa bansa. Sa katunayan, nasa 18.1 bahagdan ang bilang ng mga Pilipinong walang akses sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Mula rito, kinakailangang pagbutihin ng pamahalaan ang pagpapabuti sa sektor ng agrikultura upang masugpo ang suliranin hinggil sa kakulangan ng akses sa pagkain. Sa ngayon, masasabing malayo sa malinaw ang pangako ng pangulo at mga kaugnay nitong ahensiya sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa. Karamihan sa mga proyektong pinaplano ay wala pang tiyak o sapat na probisyon at pagpaplano. Kung kaya, nararapat na gumawa muna ng malilinaw na hakbang ang pamahalaang abotkamay at nauunawaan ng mga taong pinangakuan nila ng karampatang tulong at kabutihan. Kung hindi, mananatiling mabagal ang pag-usad at patuloy na magsisilbing butil ng kahirapan ang bawat pananim na nililinang sa bansa.

NLimitasyon

Bilang AKSYON

Angpagbibigay-pansinsakalusuganninaIskoatIska

STuhod at Sikmura

Angmagkakaugnaynaisyungfoodinsecurityatcanteendissatisfaction

AHAHATI ANG PAMAYANAN ng Pisay SMC sa dalawang kagustuhan — ang pagsunod sa DepEd order 13 Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools at ang pagkakaroon ng mas malayang pagpili ng abot-kayang pagkain. Dahil dito, hindi mapigil ang paghimok sa kantina ng paaralang pagbutihin ang kalidad ng lahat ng aspekto ng kanilang serbisyo, lalo pa’t 77.3 bahagdan ang hindi kuntento rito ayon sa isang sarbey. Gayunpaman, hindi dapat ito sanhi ng pagkasayang ng dalawang balde ng tira-tirang kanin at ulam sa gabi. Isang malaking dagok sa agrikultura at ekonomiya ng Pilipinas ang tumataas na pangangailangan para sa pagkain habang nilalamon ng mga suliranin sa produksyon ang mga magsasaka. Habang umaasa sa pangako ng pangulong bababa na sa Php 20 ang bawat kilo ng bigas sa ilalim ng kanyang pamumuno, umaabot sa 325.5 gramo ng kanin ang nauubos ng isang Pilipino sa isang araw. Kaugnay nito ang datos ng Philippine Institute for Development Studies na nag-uulat na 5.3 milyong Pilipino ang food insecure.

Sa kabila nito, panay ang angal ng mga iskolar ng Pisay SMC ukol sa Food Delivery Ban sa paaralan maliban sa araw ng Miyerkules. Para sa kanila, hindi raw karapat-dapat ang Php 65 na halaga ng isang meal na binubuo ng 33 bahagdan kanin, 33 bahagdan gulay, 17 bahagdan karne, at 17 bahagdan prutas dahil kaunti lang ang katumbas nitong ibinibigay ng kantina. Ibig sabihin, hindi sila kuntento sa ‘low-quality, high price’ meals na arawaraw inihahanda ng kantina at mas pipiliin nilang bumili ng mas mahal ngunit mas sulit na pagkain mula sa iba. Maaaring sabihing wasto ang katwiran ng mga iskolar lalo pa’t iisa lang ang napagbibilhan ng pagkain nila sa loob ng campus. Ayon pa sa Economics teacher ng Pisay SMC na si Jefferson Nuñeza, masasabing isang uri ng monopolyo ang sistema ng kantina. Hindi rin dapat binabayaran ng mga estudyante ang mga gulay at prutas na pinipili nilang iwasan. Gayunpaman, mahalagang isaalangalang na hindi kasalanan ng mga nagpapatakbo ng kantina ang lahat ng ito dahil sumusunod lamang sila sa mga pamantayang itinakda ng pamunuan ng paaralan. Dagdag pa, ang paaralan mismo

ang istrikto sa pagsunod sa konseptong Pinggang Pinoy ng Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI). Wasto ang paninindigan ng dalawang panig ng isang kutsara —- sa mata ng mga nagsisilbi sa kantina, walang utang na loob ang mga bata habang sa mata ng mga bata, walang pakialam sa kanilang kapakanan ang kantina. Anumang panig ang titingnan, iisa lang ang isyung lumilitaw mula rito — may suliranin ang buong bansa ukol sa napipinsalang seguridad sa pagkain. Habang hindi nakukuntento ang marami sa kalidad ng pagkain sa bansa, mas marami ang hindi nakakakain — kabilang na ang mga sikmurang nagutom para lang may makain ang buong bansang tila hindi nila kinabibilangan. Kahit nagmumukhang maaarteng may pribilehiyo ang kabataang may daing ukol sa kalidad ng kanilang kinakain, husto ring isaisip na karapatdapat ang sinumang kumain ng pagkaing sapat, de-kalidad, at abot-kaya sa bulsa. Kung kaya, kinakailangang suriin nang mabuti ng pamahalaan ang mga umiikot na isyu sa pagkain upang ‘di tuluyang mabigo ang tuhod at sikmura ng kalusugan, agrikultura, at ekonomiya.

A PAG-USBONG ng ekonomiya at pamamaraan ng pamumuhay, naging sikat na ang pag-order online at pagpapahatid ng mga pagkain sa kinaroroonan ng mga umorder para sa mas madaling transaksyon. Higit 1,000 pataas na restawran ang pagpipilian ng pagkain sa isa sa pinakasikat na Food Delivery App sa Pilipinas na tinatawag na Foodpanda. Dahil pwedeng ma-order ang kahit anong pagkain sa naturang app, hindi maiiwasan ang food poisoning kung saan nagiging kontributor din sa 600 milyong tao na nagkakasakit dahil sa food contamination at 420,000 ka tao na namamatay kada taon dahil sa food poisoning sa buwong mundo (World Health Organization, 2022). Nananawagan ito na dapat mas higpitan pa ang food security sa bansa para sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan. Upang maiwasan ang mga kaso ng food poisoning sa Philippine Science High School – Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), binigyang limitasyon ang food deliveries ng paaralan, tuwing Biyernes, at sa mga araw na may okasyon tulad ng Kalasag, PTC, Foundation Day, at Recognition day na lamang pwedeng mag-order. Para naman sa mga mag-aaral na dormer, maaari silang mag-order tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. Kasunod ng limitasyon na ito, susundin ang patakaran ng hindi pagpapapasok ng mga pagkain na nabibilang sa Red Category. Ito naman ay nagdulot ng tahimik na pagbatikos ng iilang estudyante sa kadahilanang mas nais nila na makakain ng mga pagkain na mas pasok sa kanilang panlasa na karaniwan ay hindi masustansya.

Bukod pa rito, napatunayan naman na mahalaga ang mga Food Delivery apps na ito sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa datos ng Statista, ang Foodpanda lang mismo ay may 40 bahagdan market share sa Pilipinas noong 2022. Hindi maipagkakaila na sa kabila ng mga problemang naidulot ng mga online food deliveries ay nagbibigay din ito ng malaking kontribusyon sa ekonomiya, hindi lamang dahil malaki ang market share nito, ngunit marami rin itong napapatrabaho na mga tao sa bansa, kagaya na lamang ng mga drayber na nagdadala ng mga pagkain.

Subalit sa kabila ng lahat na ito, nananatili pa rin na pangunahing prayoridad ang kalusugan ng bawat tao, lalong-lalo na sa mga kabataan na kinakailangan ng lubos na nutrisyon para sa kanilang paglaki. Dapat sundin ng bawat paaralan ang DepEd Order No. 13 s. 2017 na pinamagatang “Policy and Guidelines on Healthy Foods and Beverages in School”. Sa paaralan ng PSHS-SMC, kasabay ng pagbigay limitasyon sa food deliveries, sinisigurado rin na ang mga pagkaing binibili ng mga estudyante sa labas ay sumusunod pa rin sa hindi pagpapapasok ng mga pagkain na nabibilang sa Red Category. Ang pagpapatupad at pagsunod nito ay isa sa mga mabisang paraan sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ng PSHS-SMC. Bukod pa rito, bawas gastusin din ang hindi pag-oorder online. Ayon sa Elluminati Inc, isang business analyst site, ang pangunahing kita ng mga food delivery apps ay nagmumula sa mga komisyon ng mga restawran na nagiging partner nila, 40 bahagdan ng kita nila ay mula sa delivery, at 10 bahagdan naman ang mula sa ads. Dahil nga may mga restaurant commissions, nadadagdagan ang presyo ng pagkain mula sa apps mismo at sa pisikal na tindahan, at karaniwan pa sa mga pagkaing ito ay fast foods na walang gaanong nutrisyon, kung kaya’t mainam na bigyan limitasyon ang pagbili ng mga estudyante ng pagkain online dahil hindi lamang sila makakapag-ipon, magkakaroon din sila ng malusog na pamumuhay.

Sa katunayan, nakasalalay pa rin naman ang desisyon sa tao kung nanaisin niya na kumain ng ano sa tingin niya ay pasok sa kanyang panlasa, ngunit sa konteksto ng kabataan at sa paaralan, mainam lamang na bigyang limitasyon ang pagbili nila ng kahit anong pagkain online upang matustusan ang nutrisyon na kinakailangan nila sa kanilang paglaki, at magawa nila ang kanilang responsibilidad sa hinaharap bilang mga mamamayan ng bansa nang maayos. Hindi man limitasyon sa pag-order ang kabuuang solusyon upang maging malusog ang kabataan, isa naman itong mabisang aksyon laban sa mga sakit na maaari nilang makuha sa kahit anong pagkain na nakikita nila at nabibili.

Kena Rose D. Sancebutche at Edelweis Ieya L. Gabronino
Rod Vaughn B. Quinto
Likha ni ANNE MANTILLA i
Julia Michaela Cervantes

Sukling Suporta

Tugonsahinaingngmgatsupernanapag-iiwananngprogramangmodernisasyon

MALAKING PAPEL ang ginagampanan ng mga jeepney sa pang-arawaraw na buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa mahigit 80 taong paglilingkod ng mga ito sa kalsada, ngayon lamang ito pinagbantaang tanggalin nang iminungkahi ng pamahalaan ang hakbang ng modernisasyon sa Pilipinas - ang jeepney phaseout. Maganda man ang hangarin nito sa bansa, ngunit marami naman ang apektado kung kaya’t mas mairam na bigyang-pansin ang kahihinatnan nito sa lipunan bago isagawa.

Pinakilala kamakailan lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program na siyang magpapalit sa mga lumang traditional jeepney na may gulang na 15 taon o higit pa, kapalit ng mga electric powered na sasakyan. Ayon sa kalihim ng DOTr na si Reinier Yebra, maaaring tumaas ang kita ng mga jeepney drayber sa programang ito sapagkat de-kuryente na ang kani-kanilang mga PUV at maiiwasan na rin nila ang nagsisitaasang presyo ng langis. Kung tutuusin, maganda ang layunin ng jeepney phaseout sa bansa lalo na sa pangako nitong lutasin ang hindi matigil-tigil na trapiko.

sa kanilang pupuntahan. Kadalasan ay nagmamaneho pa rin ang mga jeepney drayber kahit lumampas na sa 8 oras o Average Working Hours ng mga manggagawa sa Pilipinas, makipagsabayan lamang sa kita ng iba pang PUV na may maayos na makinarya. Sa pagpapatupad ng jeepney phaseout, makasisigurong bago at mabisa ang mga umiiral na PUV sa bansa. Dagdag pa rito, nakababahala rin ang masasamang usok na pinapalabas ng kasalukuyang jeep na siyang nagdudulot ng samu’t saring sakit sa mga motorista. Ayon sa datos, nakakapag-ambag ng mahigit 15 bahagdan ang mga jeepney sa kabuuang greenhouse gases sa kalsada. Dahil dito, pinapangako rin ng jeepney phaseout na magiging malinis na ang hangin sa daan sapagkat electric-powered na ang gagamiting mga PUV sa bansa. Gayunpaman, hindi makukubli na sa likod ng matatamis na pangakong inihandog, may masasaklap na balita naman para sa mga apektado lalong-lalo na ang mga jeepney drayber. Kung sakaling matutuloy ang jeepney phaseout, pasanin ng mga jeepney drayber ang lahat ng gastusin maging ang yunit ng isang electric-powered na PUV na umaabot sa halagang P1.4 milyon o higit pa. Sapagkat sapilitan ang paglisan ng mga tradisyonal na jeepney sa bansa, maaaring mawalan ng hanapbuhay ang karamihan sa mga drayber sapagkat hindi nila kayang bayaran ang halagang hinihingi ng pamahalaan.

Bunsod nito, tutol ang karamihan sa mga jeepney drayber. Sa pahayag nila’y hindi rin sapat o pangmatagalan ang salaping nagkakahalagang P260,000.

walang halaga ang modernisasyon kung kahit sa tigtreseng pasamahe ay umaaray na ang mga pasahero. Dagdag pa, pagsasabayin ang programang modernisasyon sa nagsisitaasang inflation rate ng bansa sa kasalukuyan. Pinahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 6.1 bahagdan ang inflation rate sa Pilipinas noong Septyembre, mas mataas kumpara sa 5.3 bahagdan noong Agosto sa taong 2023. Dahil dito, tumaas ang presyo ng mga bilihin at patuloy na maghihirap ang mga Pilipino. Sa kalagayang ito, malinaw lamang na hindi pa handa ang mga Pilipino sa modernisasyon na siyang

Mga Daing at Suhestiyon ng mga Mag-aaral

ni ANNE MANTILLA i

Sandatang Proteksyon

AngtunaynasuliraninukolsaterorismosalipunangPilipino

SA PATULOY NA PAGDULOT ng terorismo ng malaking banta sa kapayapaan at katatagan sa Pilipinas, nabansagan ng anim na mga eksperto sa karapatang pantao ng United Nations (UN) ang gobyerno ng bansa bilang “seemingly broad and unchecked” sa kanilang paggamit ng Republic Act No. 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 upang matarget ang mga naka-red-tag na makataong manggagawa at mga pinuno ng simbahan. Ang kamakailang isyung ito ay nagdulot ng mga debate tungkol sa potensyal na epekto nito sa mga karapatang pantao at demokrasya. Gayunpaman, sa gitna ng mga pagtatalong ito, ang papel ng edukasyon sa paglaban sa terorismo ay nananatiling mahalaga. Nabigyan din naman ng agarang aksyon upang matugunan ang isyung ito, inaprubahan ng Korte Suprema ang set ng procedural rules sa lahat ng petisyon at aplikasyon hinggil sa mga isyu tungkol sa Republic Act No. 11479. Ayon sa mataas na hukuman, ang mga alituntunin sa mga kaso laban sa terorismo, na sinasaklaw ng mga petisyon at aplikasyon hinggil sa mga detensyon nang walang mga hudisyal na warrant of arrest, surveillance at freeze order, mga paghihigpit sa paglalakbay, mga pagtatalaga, at mga reseta, at iba pang mga pagpapalabas ng korte ay pinabisa noong Enero 15, 2024. Bukod pa rito, nabanggit na ang mga tuntuning pamamaraan na ibinigay sa

Administrative Matter No. 22-02-19SC ng Korte Suprema na nagkabisa noong Enero 15 sa taong ito. Malalapat ng patakarang ito ang mga petisyon at aplikasyon na may kaugnayan sa mga detensyon nang walang mga hudisyal na warrant of arrest, mga utos sa pagsubaybay, mga utos sa pag-freeze, mga paghihigpit sa paglalakbay, at iba pang mga utos ng hukuman na inilabas upang ipatupad ang ATA at iba pang nauugnay na batas. Sa pamamagitan ng paglalathala nito sa dalawang papel ng pambansang sirkulasyon, ay higit na magpapalakas sa kampanya laban sa insurhensya. Sa kabila ng mga ginawang repormang ito, hindi maikukubli ang katotohanan na ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas ay hindi perpekto at may depekto. Nabilang ng mga eksperto ng UN na hindi bababa sa 24 ka tao ang nabiktima sa mga pagsusumikap kontra-terorismo ng gobyerno mula 2019 hanggang 2023. Kahit hindi gaano kalaki ang bilang na ito, pinapatunayan pa rin nito na may problema sa pagsasagawa ng gobyerno sa kanilang laban sa insurhensya. Dagdag pa rito, pumwesto ang Pilipinas bilang ika-18 sa mundo sa pagraranggo ng mga bansa na may terorismo (Global Terrorism Index, 2023). Hindi bababa sa 20,000 ang mga taong namamatay sa buong mundo kada taon dahil sa terorismo (Our World In Data, 2023). Isa sa mga pangunahing dahilan ng terorismo ay ang pagkakaroon ng kakulangan ng karapatang pantao, kakulangan ng

respeto, at diskriminasyon. Ang mga ito ay karaniwan din nagiging bunga ng kakulangan sa pag-intindi sa kapwa, at kakulangan sa edukasyon.

Sa pamamagitan ng edukasyon, maaaring maitaguyod ang mga halaga tulad ng respeto, pagtitiwala, at pagkakaisa, na nagbubuo ng mas matatag na komunidad at nagpapalakas sa resistensya laban sa radikalismo. Sa paaralan ng Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), pinapahalagahan ang mga values ng integrity, excellence at service to nation. Dahil sa pagpapahalaga na ito, nagkakaroon ng pagsusulong ng ugnayang pandaigdig sa pamamagitan ng mga palitan ng kaalaman, pananaliksik, at pagsasagawa ng mga joint na edukasyonal na programa na nagtataguyod ng respeto, na maaaring pakinabangan ng Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Sa huli, napakahalaga ng papel ng edukasyon sa pagsasaayos ng anti-terorismo sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kritikal na pag-iisip, pagpapalakas ng mga halaga ng pagtitiis at respeto, at pagpapalakas sa mga komunidad, maaaring malabanan ang terorismo at makatulong sa pagpapatatag ng isang ligtas at matibay na lipunan. Hindi man nito direktang masosolusyunan ang suliranin na hinaharap, nagsisilbi naman ang edukasyon bilang isang sandata ng proteksyon upang maiwasan ang terorismo.

WASAK NA PUNDASYON

Ang kakulangan sa pasilidad sa larangan ng edukasyon Fiona Mikaela L. Galendez

SA BAWAT SILID-ARALAN matatagpuan ang mitsa ng pagbabagong mismong magdadala sa nayon tungo sa matagal nang pinapangarap na maliwanag at makatwirang kinabukasan. Subalit, ayon sa ulat ng Philippine Inquirer, kinakaharap ng bayan ang patuloy na kawalan sa bilang ng silid-aralan na katumbas ng 159,000. Dulot nito, naniniwala akong nararapat na bigyanghalaga ang edukasyon sapagkat ito ang pundasyon ng bayan. Aking nagugunita na ipinangako ng kasalukuyang pangulo sa simulang mga yugto ng kanyang termino ang kanyang pagtatangi sa sektor ng edukasyon. Pinatunayan pa niya ito sa pagtatalaga ng kanyang Bise Presidenteng si Sara Z. Duterte bilang kalihim ng edukasyon. Sa unang pagtingin, maipagtanto na tunay na may pakialam ang pamahalaan sa estado ng edukasyon sa bayan. Subalit, tila hindi mahanap ang pakialam na ito sa mga katotohanang kinakaharap ng mga paaralan sa Pilipinas. Kung

ilalagay ang pokus sa kalidad ng edukasyong ibinabahagi sa bayang huli ng anim na taon, nakalantad ang pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa edukasyon at sa paglinang ng angking dunong at talento ng kabataan. Batid ang layo ng matatamis na salita sa mararahas na realidad na kinakaharap ng mga musmos sa rehas ng mababang antas ng edukasyon at pasilidad. Tiyak na kulang ang 12,316 hanggang 15,756 na matataas na paaralan mula sa 50,244 na mababang paaralang nagpapadala ng kanilang mga magaaral sa mga ito.

Karapatan ng bawat bata ang oportunidad na makamit ang kanilang pagkahuwaran sa kahit anumang larangang pinili. Kung sa gayon, hinihikayat ko ang pamahalaan partikular na ang Department of Education (DepEd) na maglunsad ng higit na pinalawak na mga programang susugpo sa talamak na suliranin sa edukasyon at magdadala sa bansa malayo sa pagwasak ng pundasyon.

Ryan David Maquiling
Lexine A. Porcil
Likha
AnishkaLorinGusad

Nangungulilang pangarap

Pinagkait na

mga anyo katatagan

Calvin Canoy
Q J. Angos

anyo ng katatagan

Kalinga para sa may Kapansanan sa Pag

Niña Batumbakal reyna raketera ng Pisay SMC

ULONG ANG MGA PILIPINO sa kabigha-bighaning pangako ng kaginhawaan sa dulo ng kahirapan. Hinahalikan natin nang tila paanan ng poon ang mga teleserye kung saan ang dungis sa pisngi ng marurukha ay napapawi ng numero sa lotto. Ang pananampalataya natin ay nasa bawat sampal na natatamo sa Kadenang Ginto at sa bawat butil ng rosaryong akay-akay ni Mommy Dionisia tuwing may laban si Manny Pacquiao. Marahil, lahat ng ito ay patunay na ang bawat aping may pangarap ay aahon din sa Kung ang buhay ay isa ngang dula, si Niña Hyacinth Joy Osorno Mula sa isang kamusmusang kilala lamang ang karukhaan, niyang hindi maging isang biktima ng ng buhay. Bulong ang “sige lang, sige sa pagharap ng mga hamon habang nakataas ang kilay, siya ang kaisa-isang sagisag ng Bonggang Inday sa Pisay. Bilang isang gurong hindi nabiyayaan ng katangkaran, hindi mo aakalaing ang Physical Education and Health teacher na ito ay nagtataglay ng isang makapangyarihang tinig na daig ang mga pwersa ng kalikasan. Madaling isiping makikita si Ma’am Niña sa mga patimpalak sa telebisyon gayong sa katunayan, naitanghal na siya bilang daily winner sa Tawag ng Tanghalan sa noontime show na It’s Showtime noong 2022.

Nang umulan ng talento, sumayaw sa gitna ng lansangan si Ma’am Niña dahil hindi riyan nagtatapos ang listahan ng kanyang mga kakayahan. Tuwing Sabado at Linggo kung kailan walang pasukan, nagtatrabaho siya bilang isang choreographer para sa dance troupes na nangangailangan ng kanyang husay sa malikhaing pagwasiwas ng katawan.

Kadalasan sa mga bar at resort kung saan nagkakaroon ng singing gig si Ma’am Niña ay nangangailangan din ng makeup artist — isa pang papel na kaya niyang punan nang mahusay. Kung tatanungin siya kung paano niya nakakaya ang buhay ng isang raketera, isa lang ang kanyang kasagutan — ang kaunlaran ng kanyang minamahal na pamilya. Bilang isa sa libo-libong Pilipinong saksi sa kawalan ng pagkakapantay-pantay sa buhay, ang kanyang buhay ay isang pagtatanghal. Ang kanyang mga kabiguan ay kasintunog ng mga himig na nililikha niya sa teatro. Ang kanyang pagkilos sa bawat araw ay tila isang ensayadong sayaw. Ang larawan ng kanyang buhay ay kasingtingkad ng mga koloreteng inilalapat niya sa kanyang mga kliyente.

Bati ng Dalampasigan

Ang pagkaligta sa mamamayan at kalikasan kalakip ng pagsulong ng coastal road

SA BAWAT HAMPAS ng simoy sa mukha’t katawan, labis na kaginhawaan ang nararamdaman. Subalit, tulad ng paghayo ng hangin sa buhok, may mga indibidwal din na pinahintulutang lumisan sa kanilang mga mahal na tahanan upang magbigay-daan sa isang mapaghangad na proyekto – ang Davao Coastal Road. Ayon sa opisyal na pahinarya ng pamahalaan, hindi lamang naglalayong bawasan ang tiyak na nakayayamot na trapikong kumukubkob sa mga pangunahing mga kalsada ng lungsod ang humigit-kumulang 17 kilometrong daan, kundi upang magsilbing proteksyon na rin sa mga mabagsik na bagyo. Ngunit, sa kasalukuyan, isang bahagi pa lamang ang nabuksan kahit na 90 porsyento na sa badyet ang nagulgol. Tunay na maganda ang hangarin ng proyekto upang tugunan ang mga talamak na suliranin upang mapagaan ang buhay ng mga mamamayan. Gayunpaman, mayroon itong kaakibat na lumbay at poot na matatagpuan lamang sa mga puso’t isipan ng mga pamilyang dating naninirahan sa Bago Aplaya sapagkat napilitan silang lisanin ang kani-kanilang bahay pati na rin ang pamumuhay at ang tabing-dagat na kanilang kinalakihan.

“Binigyan nila kami ng ilang milyon,” saad ng isang indibidwal na apektado sa pagtatayo ng Davao Coastal Road. Ibinahagi ito upang tulungan silang makahanap ng bagong bahay ay magsimula muli. “Hindi ito naging madali dahil kasama ko ang aking matanda at mahinang lola,” dagdag pa niya. Patuloy ang pag-apaw ng lungkot sa silid nang gunitain ang dating baybaying isang tanaw lamang mula sa mga bintana ng kanilang bahay.

Hindi lamang ito tahanan ng mga maligaya at magaang mga alaala, kundi tirahan din ito ng samu’t saring mga hayop. “Tandang-tanda ko noong gumigising kami ng maaga upang panoorin ang mga alimango pumunta sa kani-kanilang mga lungga sa ilalim ng buhangin,” gunita niya. Malumbay isipin na hindi na makababalik ang saribuhay nang matapos ang paglunsad ng coastal road.

Alinsunod sa isang pag-aaral sa Canada, nakapipinsala ang pagpapagawa ng mga daan sa tabi ng mga katawan ng tubig sapagkat maaaring madala ng hangin ang mga alikabok at tumagas ang langis mula sa mga sasakyan tungo sa karagatan.

“ Sinubukan naming isalba ang baybayin subalit hindi kami nagtagumpay,”

paliwanag niya. Kung kaya, nagpatuloy ang paglunsad ng malawak na proyekto.

Laging katuwang ng mga proyektong nagdadala ng isang napakabigat na mithiin ang isang malaking pasanin. Dahan-dahang pumapawi ang dating malugod na pagbati ng kalikasan sa lipunan sapagkat ito ang siyang puno’t dulo ng lahat ng suliraning kanyang kinaharap at patuloy na kinakaharap. Nararapat na naglunsad ang lokal na pamahalaan ng mga gawaing naglalayong payamanin muli ang kalikasang nawasak. Napalitan na ang saludo ng dalampasigan sa kanyang malumbay na pagpapaalam.

Sa kabila nito, nabibigyang kabuluhan ng kanyang mga dahilan ang kanyang mga bungang-pawis. Sa kabila nito, nabibigyang kabuluhan ng kanyang kwento ang kanyang mga luha. Sa huli, wagi siya sa laban ng buhay. Tulad ng sabi sa kanta, “ sa umaga dispatsadora, sa gabi s’ya’y bonggang-bongga, Annie Batungbakal, sa disco siya ang reyna. ”

Marlo J. Gordoncillo, Jr.
FIona Galendez
Niña Osorno
KINAKAYA. Sa kabila ng hamon sa buhay, lalong nagsikap si Nina Osorno upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Elmo
Likha ni ANNE MANTILLA i

ITINADHANANG LUNAS

Ang Kwento ng Pagbangon ni Sam Ashlee Cameros

Rod Vaughn Quinto

IPINANGANAK NA HINDI maihahambing sa karaniwang bata. Lumaking mayroong malubhang karamdaman kung saan kinakailangang maging aktibo upang maagapan. Sinubukan ang iba’t ibang larong pampalakasan ngunit hindi tugma sa sariling kalusugan hangga’t hindi inaasahang napunta sa mundo ng dancesport. Ito ang buhay ni Sam Ashlee Cameros, isang mag-aaral sa ika-siyam na baitang sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus. Kung titingnan, parang isang karaniwang bata lamang si Sam - matalino, masiyahin, at mahilig maglaro. Ngunit, iba si Sam sa mga karaniwang bata, matagal na niyang iniindang sakit sa puso. Dahil dito, pinayuhan siya ng kanyang doktor na lumahok sa iba’t ibang mga larong pampalakasan upang makatulong sa pagiging aktibo. Kung kaya, sinubukan ni Sam maglaro ng basketball, ang karaniwang isport na ginagawa ng kabataan ngunit hindi ito nagkaroon ng epekto sa kanyang kalusugan. Sinubukan niya rin ang swimming ngunit lalo lamang lumala ang kanyang mga allergy.

“Before po ako nakasali sa dancesport po, may malubha po akong karamdaman sa puso at pinayuhan ako ng aking doktor na sumali sa mga physical activities,” inilahad ni Cameros. Dahil sa mga pangyayaring ito, sumuko na si Sam at tinanggap na hindi talaga para sa kanya ang mga larong pampalakasan at lumahok sa mundo ng sining. Upang masimulan ang kanyang kampanya, sumali siya sa isang summer camp patungkol sa paksang ito. Habang natututo si Sam tungkol sa mga stratehiya at pamamaraan sa paggawa ng sining, nag-aantay naman ang kanyang ama sa labas. Dahil dito, natuklasan ng kanyang ama na sa isang lugar malapit sa summer camp, may mga atletang nag-eensayo ng dancesport at nagkataon na ang kanilang tagagpagsanay ay dating kamag-aral ng kanyang tatay.

Nang makita ito ng kanyang ama, kaagad iminungkahi sa kanya na subukin niyang sumali sa mga pagsasanay sa

discipline matapos ang limang taon. Masaya rin siya dahil dahandahang nawala ang kanyang sakit sa puso sa pagsasayaw. Dagdag pa rito, hindi rin niya pinagsisisihang makilahok sa dancesport

A at C noong 2019 at ang Junior Slow Waltz, Junior Tango, Junior Quickstep, at Junior Viennese Waltz noong 2023. Subalit, hindi madali ang buhay ni Sam bilang parehong atleta at mag-aaral. Inaamin niyang nahirapan siyang hatiin ang kanyang oras bilang atleta at mag-aaral dahil kinakailangan niya pang mag-ensayo matapos ang isang mahabang araw ng pagkatuto sa “Ang pagbalanse sa oras ang pinakamalaki kong struggle bilang isang national champion at mag-aaral, natatapos ang aking klase ng alas-3 ng hapon at nagsisimula naman ang aming ensayo ng alas-5 at natatapos ng alas-10 at minsan tumatagal pa,” ibinunyag Mahirap man ang kanyang pagbalanse ng kanyang oras ngunit hindi ito inisip ni Sam bilang hadlang upang lalo siyang gumaling sa kanyang isport. Inilahad niyang determinasyon at disiplina ang mga naging susi sa kanyang mga tagumpay ngayon, kaya nais niyang higitan pa ang mga ito. Dagdag pa rito, sinabi rin ni Cameros na hindi siya magiging kampante kahit pa nakamit na niya ang national championship sa kanyang larangan dahil nais niyang makamit ang pinakamataas na parangal sa isport na ito.

“Palagi kong gustong mapabuti ang aking mga kakayahan, kung anong nagawa ko ngayon, nais kong higitan pa bukas. Hindi ako magiging kampante ngayong national champion na ako, kinakailangan pa rin ang pagiging dedikado, determinado, at disiplinado upang maging isa sa pinakamagaling na mananayaw sa

Makikita sa kuwento ni Sam Ashlee Cameros kung gaano kahirap ang daan na kanyang tinahak bago makamit ang mga parangal na mayroon siya ngayon. Tunay na hindi niya inaasahang ng simpleng paghahanap lamang ng larong pampalakasang gagawin upang maging aktibo ay hahantong sa isang national championship sa nasabing larangan. Kung kaya, maituturing na isang itinadhanang lunas ang dancesport sa

INDAYOG. Buong pusong inialay ni Sam Cemeros ang kanyang pagsasayaw para sa kanyang sarili, pamilya, at bansa, pamilya.

SamAshleeCameros

SJuandre Allan FIguracion

A TEMPLO NG KAALAMAN na tinatawag na paaralan, sila’y naglalakbay sa landas ng buhay na puno ng lihim, lungkot, at pangarap. Bawat hakbang ay tila isang pag-akyat sa bundok ng pagsubok, kung saan ang bawat pagahon ay may kasamang luha ng pangungulila sa pagkakaroon ng pag-aalala mula sa pamilyang matagal nang hindi nakikita. Punong-puno ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHSSMC) ng mga mag-aaral na matatawag nating mga dormer, mga bituing naglalakbay sa mahirap at mapanghamong mundo ng pag-aaral. Ayon sa pagsusuri ni VelasquezGarcia &

Estudyante Blues

Garcia noong 2016, pangungulila, lungkot, at kawalang-kasiyahan sa mga kondisyon ng pamumuhay sa dormitoryo ang iilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pag-aalala at pagkapagod ng mga mag-aaral sa paninirahan sa paaralan.

Sa kabilang banda, isa sa kanila si Xavier Oliveros, isang mag-aaral mula sa ikasampung baitang na nagsasaad ng kabaliktaran, ayon sa kanya, “Masaya naman ang pagiging dormer, minsan ay hindi mo mararamdaman ang kalungkutan dahil may kasama ka.” Ang katotohanan ay hindi nag-iisa ang mga dormer, kasama nila ang iba pang mga mag-aaral kung saan nakahahanap sila ng kaakbay sa kanilang mga paghihirap. Bagama’t mahirap ang pag-aaral ay nakakahanap parin

Marlo J. Gordoncillo, Jr.

sila ng oras para sa kanilang mga sarili, ang pagiging isang dormer ay hindi lamang puno ng mga kasahulan ngunit meron di itong mga benepisyo. “Hindi mo kailangang maipit sa trapiko o gumising ng maaga dahil nasa paaralan ka na,” dagdag pa ni Oliveros. Iilan sa mga payo na kanyang nabanggit upang mas mapabuti ang paninirahan sa dormitoryo ay ang pag-aalaga sa sarili, regular na paglilinis, pagiging wais sa mga labada, pera, at lalong lalo na ang mga leave passes sa mga pagkakataong kailangang gamitin ang mga ito.

Sa kabila ng mga paghihirap at pangungulila, ang mga dormer ay patuloy na naglalakad sa landas ng edukasyon at kanilang mga pangarap.

Ang bawat hakbang ay tila ba isang tagumpay laban sa malupit na hamon ng buhay dormitoryo.

Ang kanilang pag-ikot sa paaralan ay nagiging alon ng lungkot, isang paglalakbay na may halong pangarap at pangungulila.

KATATAGAN. Sa murag edad, pilit na tinahak ang dormitoryong mag-isa, akay ang pangarap para sa pamilya.

Zyescha Kiz Lim

AKAKIKILABOT ang kasaysayan ng

Pilipinas. Sa bawat kabanata, dinadalaw ito ng mga multo, binabalot ng dugo, at nilalamon ng dilim. Hindi itinatago ng pelikulang Mallari ang katotohanang ito.

Walang DIyos sa GabI:

Sa unang tingin, maaaring sabihing tipikal na pelikula lamang ang Mallari ngunit sa kabila ng karahasan at jumpscares dito, mas mabisa ang hatid na takot ng pagkakawangis ng mga “halimaw” rito at mga taong tanyag sa totoong buhay.

Sa direksyon ni Roderick Cabrido, hango ang pelikula sa kwento ni Padre Juan Severino Mallari, ang unang naitalang

Pilipinong serial killer na ‘di umano’y pumaslang ng 57 katao sa Magalang, Pampanga noong ika-18 siglo.

Upang mapahaba ang buhay ng kanyang inang nag-aagawbuhay, sinusunod ni Mallari ang utos ng kanyang mga tagapagsilbi — pumatay ng mga “salot sa lipunan” upang ipakain ang laman-loob ng mga ito sa ina.

Nakakikilabot na hindi nasusupil ng taumbayan ang mga kampon ng kadilimang umaaligid sa pinakamaaliwalas na bahagi ng lipunan. Mula sa mga panginoong may lupa na

nangaabuso hanggang sa mga alagad ng Diyos na gumagawa ng kahalayan, kinasasadlakan ng mga halimaw ang bansa. Ipinamalas sa pelikula na marami ang naghahari-harian at nagbabanalbanalan upang pairalin ang siklo ng pang-aabuso. Tulad ng mga Alarcon, saksi ang milyon-milyong Pilipino sa karahasang nagaganap sa lipunan kung kaya ‘di na sila natitinag sa pagkabiktima ng bawat henerasyong umuusbong. Tulad ng mga Mallari, nahahawa ng kasamaan sa lipunan ang mga dapat ay biktima lamang ng kawalang-katarungan. Bagama’t dapat ikagalit ng mga manonood ang walang habas na pagpaslang sa mga “salot ng lipunan”, marapat maunawaan nilang itinutulak lamang ng sosyo-politikal na kalagayan ang naaaping tahakin ang maling landas. Tulad ng ulyaw ng mga halimaw sa Mallari, “walang Diyos sa gabi” lalo na sa isang bansang laging bumabagsak sa kamay ng mga halimaw na nagnanakaw ng salapi, nangangamkam ng lupain, at nanlilinlang ng pinagsisilbihan. Gaanuman kalakas ang panalangin ng mga nagigipit, walang Diyos na nakikinig sa lupa ng mga isinumpa.

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Philippine

LINGap-paNGkaLusuGaN

Agent-based modeling app, mabisa sa pagtataguyod ng kalusugan sa Pisay-Davao

katao ang kayang simulahin ng Agent-Based Modelling. (Ayon sa pananaliksik)

DURUNGAWAN NG KAALAMAN. Abala ang mga iskolar sa paggawa ng kanilang takdang-aralin sa labas man ng silid-aralan sa tulong ng laptop.

MATANG MAPANURI. Sinisiyasat ni Mariel Joy P. Tagimacruz ang paghihiwalay ng kemikal na anthocyanin mula sa itim na bigas. 600 MILYONG TAO

DULOT NG PATULOY na banta ng mga sakit sa loob ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), isang pananaliksik ng mga iskolar na pinamagatang “AgentBased Modelling (ABM) of Covid-19 Transmission in Philippine Science High School Southern Mindanao Campus” ang naglalayong paigtingin ang pagtugon ng paaralan sa mga hamong pangkalusugan.

Ayon sa datos mula sa pamunuan ng PSHSSMC, humigitkumulang 690 na mag-aaral, 75 na mga guro at 45 na mga manggagawa ang naitalang pumapasok sa paaralan na maaaring makahahawa ng sakit.

sa buong daigdig ang nagkakasakit dulot ng kontaminadong pagkain bawat taon. (Ayon sa World Health Organization) Likha ni ALEXANDREA GAMALE i

PZyescha Kiz Lim

Saging

Mga hakbang sa banana tissue culture

(Ayon sa Green Grow Genetics)

Ipinaliwanag ni Ivy Grace M. Panogalinog, University Researcher III sa Mindanao Center for Disease Watch and Analytics, na “Itong matematikong modelo (Agent-Based Modeling) na pinag-aralan ng mga mag-aaral… Isang computer model ito na kayang magsimulate ng maraming variables at kanilang effects upang ma-understand paano sila nag-i-interact.”

Binigyang-pansin sa pananaliksik na layunin nitong mangolekta at sumuri ng napakaraming datos upang magbigay ng impormasyon sa magiging takbo ng pagkalat ng sakit.

“Napakaraming bagay ang dapat isaalang-alang sa modelo, kabilang na ang mga numero ng mga unang nahawaan, ang tsansang kumalat ang virus, ang tsansang magkaroon ng resistensya ang bawat indibidwal, tulad ng mga bakunado at hindi bakunado, at iba pa, na maaaring baguhin sa ilalim ng iba’t ibang simulasyon,” pahayag ni Panogalinog.

Modelo bilang gabay

Makatutulong ang modelo sa maagang pagpapatupad ng mga panukala tulad ng pagsusuot ng face-mask, pag-iigting ng

social distancing, o pagpapatupad ng panandaliang online class.

”Sa paggamit ng Agent-Based Modelling, basically, malaman natin yung best scenario kung may bago na namang sakit,” sabi ni Panogalinog.

Ayon sa pananaliksik, mayroong limitasyon ang modelo tulad na lamang ng kakayahan nitong gamitin sa isang populasyon na umaabot lamang sa 500 katao, mahigit na kakaunti sa itinalang populasyon ng PSHS-SMC.

“Bagaman ang modelo ay dinisenyo batay sa PSHS-SMC, maaari pa rin itong gamitin sa iba’t iba pang mga paaralan,” pahayag ni Panogalinog.

Hakbang sa kalusugan

Para naman kay Ailene A. Eguia, ang school nars ng paaralan, malaki ang magiging potensyal ng pananaliksik na ito upang hindi lamang siguruhing ligtas ang mga paaralan sa mga sitwasyong kakalat ang mga sakit, kundi na rin ay paalalahanan ang mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang sa pagbabakuna.

SANDIGAN

KALUSUGAN AGRIKULTURA

“We can see sa maraming tests gamit ang model na habang mas marami ang vaccinated na mga students, slower rin ang pagkalat ng virus. This is great evidence na ang pagbabakuna is one of the most important thing when it comes to disease prevention,” pahayag ni Eguia.

Isinaad din ni Eguia na nawa’y maging inspirasyon ang pananaliksik na ito upang pagaaralan ang iba pang panibagong teknolohiyang may potensyal na makatutulong sa pagbabantay ng sakit sa loob ng paaralan.

Health and technology goes hand in hand so it’s really important that we should use these technology for the betterment of the whole community.

- Ailene A. Eguia

Buslong itim

Black rice bilang food packaging, likha ng mga iskolar

ATULOY ANG PAGSISIKAP ng mga mag-aaral na maghanap ng mga makabagong solusyon sa mga hamon sa pagbabalot at pag-iimbak ng pagkain. Ayon sa World Health Organization, mahigit sa 600 milyong tao sa buong mundo ang nagkakasakit dahil sa pagkaing kontaminado bawat taon.

Sa pangunguna ng mga estudyante mula sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na sina Ara Romelle R. Fernandez, Aliyanah Lorin G. Sicat at Cresfil Fate S. Sy, binigyang-diin ang pagsasaliksik at pagpapahalaga ng lokal na itim na bigas o Oryza sativa L. bilang sagot sa mga pandaigdigang hamon sa kaligtasan.

“Sa larangan ng pagkain, may iba’t ibang aspeto tayo, tulad ng pisikal, kemikal, at biyolohikal. Pinag-aaralan din namin ang kaligtasan at kalidad ng pagkain. Kasama na rito ang intelligent food packaging system,” ani G. Feb Alexis Marquez, guro ng PSHS-SMC sa food technology.

Ayon sa National Institutes of Health, gamit ang makabagong teknolohiya sa pagbabalot ng pagkain o tinatawag na intelligent food packaging, nasusuri ang mahahalagang impormasyon tulad ng temperatura, pH level, at iba pang mga salik na maaaring makaapekto sa kalidad ng pagkain. Napag-alaman sa kanilang pananaliksik na ang itim

SIL VENNXAE O. NECESITO

na bigas ay may anthocyanins, kemikal na maaaring gamitin upang malaman ang pH level ng pagkain sa pamamagitan ng pagbabago nito ng kulay, mahalaga para sa pagpapanatili ng tamang acidity o alkalinity ng pagkain upang matiyak ang kaligtasan nito.

“As long as food is a necessity, there will always be technology, diin ni Feb Alexis P. Marquez.

Nararapat lamang na isulong ang pagsasagawa ng mas marami pang pananaliksik, paghanap ng mga solusyon, at pagsusulong ng mga polisiyang naglalayong mapabuti ang lagay ng pagkain. Sa pagtuklas ng mga nakatagong hiyas sa mga likas na yaman, masisigurong laging may masarap, malusog, at ligtas na pagkain sa mga hapagkainan.

“Klaro sa among wine na there was research done kung unsa paghimo. Scientific mi sa paghimo… Nagamit pud akong pagka-Pisay kay nakahimo ko ug website na ma-calculate na niya immediately kung unsa imong need na ingredients,” d ISKO

Paglikha ng strawberry ang com-sci, tuklas

Paano nga ba dumiskarte sa makabagong panahon? Kailangan mo bang maging isang artista, henyo, o salamangkero? Para sa isang iskolar, ang pag-unawa sa teknolohiya ang naging daan sa pag-asenso ng kaniyang pamilya sa pagbenta ng strawberry wine mula lamang sa kanilang munting tahanan. Sa isang maliit na silid sa tahanan ni Q J. Angos, iskolar ng ika-12 na baitang mula sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus, siksikan ang mga galon ng alak na gawa sa presas. Kakaibang asim at tamis ang ninanamnam ng mga suki nang dahil sa masusing pagdurog, pagbuburo, at pagdalisay ng mga istroberi na galing pa sa eksklusibong sakahan ng pamilyang Angos sa Bukidnon. Kung kaya, napakahalaga para sa kanila ang saktong pagkahalo-halo ng mga sangkap—presas, tubig, asukal, lebadura, at glycerin na pampasinaw.

AHALAGANG SURIIN ang iba’t ibang mga pamamaraan ng pagsasaka upang mas mapabuti ang produksyon ng agrikultura ng ating bansa. Pinag-aaralan ng Green Grow Genetics Inc. (GGG) ang paggamit ng tissue culture, na naglalayong mapabilis ang pagpaparami ng mga halaman gaya ng saging. Sa pamamagitan ng tissue culture, maaaring mapanatili ang kalidad at dami ng ani, pati na rin ang resistensya ng mga halaman sa sakit at kalamidad. Ibinahagi ni Bb. Narissa Baluya, teknikal na tagapamahala ng GGG, ang mga hakbang sa pagsasagawa nito.

1

Una, pinoproseso ang corm o ang bahagi ng saging na ginagamit para sa pagpaparami ng supling, mula sa sucker, halamang saging na wala pang dahon, bago dadalhin sa laboratoryo.

2

3 M

Pangalawa, inihahanda ang pagtatamnan at pagkukunan ng sustansiya ng supling na ayon sa mga kinakailangang kondisyon depende sa uri ng saging.

isang corm.

SIL VENNXAE O. NECESITO
Pangatlo, sinusuri ang bago ito itatanim sa garapon. Baluya, umaabot sa humigit-kumulang 150 na supling ang sumisibol
Julia Michaela Cervantes
SIL VENNXAE O. NECESITO
ALEXANDREA
Johnel T. Lumacao

SABA-PRUBADO

Balat ng saba bilang gluten-free flour, mainam na alternatibo sa harina SIL VENNXAE O. NECESITO

SA KABILA NG TAGUMPAY ng Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing nagaangkat ng saging sa buong mundo, bumabalot sa bansa ang suliranin ng food waste na patuloy na lumulobo.

Tinataya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umaabot sa mahigit siyam na milyong tonelada ng saging ang naging produksiyon ng bansa sa taong 2022 at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na taon. Subalit, hindi maikakaila ang malaking bahagi nito ay napupunta lamang sa basurahan, lalong lalo na sa bawat balat ng saging na tinatapon lamang. Bilang tugon sa hamong ito, ang mga mag-aaral na sina Mary Grace U. Espino, Jico Samuel E. Babol, at Micah Paulina C. Limlengco mula sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang naghahanap ng solusyon sa saging na

CHIARA S. GRASSI

Bstrawberry wine gamit tuklas ng mag-aaral PAG-ASENSO

paliwanag ni Q. Ipinagmamalaki ni Q na nakatutulong siya sa pag-asenso ng kaniyang pamilya kahit sa maliit na paraan man lamang. Sa halip na maging sagabal ang pag-aaral sa kaniya, ito ay naglinang sa kaniyang kritikal at malikhaing paghanap ng mga solusyon. Para sa kaniya, dapat lamang na pagbutihin ang biyaya ng teknolohiya palibhasa ito ang susi sa pagdidiskarte sa buhay.

ang mga supling garapon. Ayon kay humigit-kumulang sumisibol mula sa corm.

Cardava o mas kilala bilang Saba. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang patapong balat na bumubuo sa 40 bahagdan ng prutas ay maaaring gawing gluten-free flour sa paggawa ng brownies.

Bukod dito, ibinahagi rin sa pananaliksik na ang harina mula sa balat ng saging ay may dagdag na nutrisyon tulad ng mga bitamina, potassium, protein, at fiber. Binigyang-pansin din nila ang potensyal ng harina sa pagtugon sa celiac disease, isang sakit dulot ng gluten na malubhang nakaaapekto sa bituka.

“Napapansin mo over time na exponential ang growth ng population ng Earth at ang demand for food follows.

Exponential rin ang demand, at hindi maka-keep-up ang food industry natin,” pahayag ni G. Feb Alexis Marquez, isang guro ng pananaliksik sa Food Technology sa PSHS-SMC.

Ayon kay Marquez, pinagtutuunan ng pansin ng industriya ng pagkain ang valorization o ang pagdadagdag ng halaga sa mga food waste. Ipinaliwanag niya

na ito ang madalas na isinasagawang pananaliksik sa larangan ng Food Technology.

“ki-na-capitalize natin ang food waste streams para mas ma-utilize natin ang mga pagkain, saad ni Feb Alexis P. Marquez.

Ayon sa Department of Budget and Management, humigit-kumulang 181.4 bilyong peso ang ginugol na badyet ng pamahalaan para sa agrikultura sa taong 2023. Maaaring ilaan ang bahagi ng pondong ito sa pagunlad ng makabagong paraan upang pakinabangan ang mga basura sa bansa kasabay ng kolektibong aksyon ng mga mamamayan, at mga pribadong kumpanya. Sa bawat hakbang upang bigyang halaga ang mga pagkaing hindi dapat masayang, ang mga basurang naglulunod sa bansa ay unti-unting nababawasan.

AGRI-H2O

Hydroponics ng DA-XI, panibagong kabanata sa pagsasaka

IHIRANG TANAWIN sa lungsod ang mga palayan at iba pang luntiang sakahan. Kadalasan, kinakailangang lumayo ng ilang kilometro mula sa mga matataas na gusali at sariling bahay upang makakita ng mga pananim. Ito ang realidad sa ilang lungsod, kaya nahihirapan ang mga magsasaka na maiparating ang kanilang ani sa mga palengke o kainan. Dumaragdag pa ang mga suliraning kalakip ng klima katulad ng matinding bagyo, nagbabagong temperatura, at natutuyong lupa—salik ng mga isyu sa kalidad at pagkakaroon ng mga pananim. Upang maipakilala ang konseptong ‘urban farming’ sa mabisang paglutas ng suliranin sa food insecurity, isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng hydroponics sa pagsasaka. Ang pagtanim ng mga

halaman sa liquid nutrient solutions ang pangunahing katangian ng hydroponics. Nang dahil sa kawalan ng lupa, ang nutrients at hydration na kinakailangan ng halaman ay matatagpuan sa liquid solution, kung saan maaaring baguhin ang hydroponic na sistema batay sa nais na antas ng acid at temperatura. Ang mga halaman o pananim sa hydroponic systems ay nangangailangan ng growing media na nagpapanatili ng nutrients at moisture. Ginagamit din ang net pots na nilikha mula sa mesh upang maaaring tumubo ang mga halamang-ugat sa tabi at ilalim ng paso na nagreresulta sa mas malaking exposure sa nutrients at oxygen. Ayon sa Philippine Hydroponics Development Corporation (PHDC), mas kikita ang tao kapag siya ay gumagamit ng hydroponics dahil sa ‘lower input costs’ nito.

Program (NUPAP) kung saan kasama ang hydroponics sa mga programang binibigyan ng mga investment upang maging laganap ito sa mga magsasaka at ibang komunidad.

“In hydroponics, irrigation and fertilization is controlled. Your total costs will be less than that of traditional farming because everything is computed. But, when you talk of hydroponics, you talk of the big investment,” pahayag ni Melani A. Provido, Chief Science Research Specialist ng

Hydroponics, when compared with traditional farming, produces vegetables of much better quality.

- Melani A. Provido

Inilunsad ng DA Region XI ang National Urban and Peri-Urban Agriculture

ari ng farm-to-table restaurants ang hydroponics nang dahil sa pagkawala ng pagiging sariwa ng mga gulay kapag ang mga ito ay hinahatid mula sa patungo sa siyudad. “The current trend in farming is the closer your produce is to the consumers, the better, using the available technology, most especially hydroponics and those that take up only little space

Produksyon ng SABA sa taong 2022

to plant volumes so we can provide the needs of those in urban areas,” ani Ferdinand Taglucop, may-ari ng Taglucop Strawberry hills. Kasabay ang nagbabagong mundo, kinakailangan ang pag-usbong ng teknolohiya at mga bagong konsepto at pamamaraan ng iba’t ibang aktibidad katulad ng pagsasaka para sa hanapbuhay ng mga mamamayan. Kasabay ng katanyagan ng hydroponics sa Japan, United States, at Australia, umaabot na sa 150 ang hydroponic farms sa Pilipinas batay sa datos ng PHDC, na kinasasangkutan ng mahigit 1,000 magsasaka. Upang mas maging laganap ang hydroponics sa bansa, kinakailangang pagsikapan ang pagbuo ng mga pananaliksik at programa upang ipaalam sa mga Pilipinong magsasaka at simpleng

Pang-apat, ang mga garapon ng tanim ng mga saging ay inilalagay sa initial hardening room para sa susunod na yugto ng kanilang pag-unlad.

Panlima, hinuhubog at sinasanay ang mga supling ng saging sa panlabas na kapaligitan sa loob ng isang greenhouse.

Pang-anim, ang mga supling ay handa nang ipadala para itanim sa lupa. Saad ni Baluya, na mayroong tatlong uri ng saging ang kanilang inaangkatCavendish, Lakatan, at Cardava o Saba.

M. GAMALE
NAKATAGONG YAMAN
Sil Vennxae Necesito
SIPAG AT SAGANA. Inaalagaan ng isang magsasaka ang tanim na saging na Cavendish.
Marlo Gordoncillo Jr. at Denzel Heart Hontanosas
SIYENTIPIKONG DISKURSO. Pinapaliwanag ni G. Michael Nalitan, Inhenyero ng PSHS-SMC, ang kahalagahan ng hydroponics sa modernong agrikultura.
sinusuri ni Q Angos ang kalidad ng isang kagamitan niya sa paggawa ng strawberry wine.
wine ni Q:

LiwanAGHAM

Solar-Power Printer, isinulong

sa Pisay-Davao

NSIL VENNXAE O. NECESITO

APIPINTA SA MUKHA ng mga

mag-aaral ang pagkabalisa tuwing palapit na ang takdang araw ng pagpasa ng kanilang mga gawain. Sa gitna ng kanilang pagsusumikap na matapos ang mga ito, isang hamon ang kanilang kinakaharap sa paglilimbag, isang hakbang na nagbibigay buhay sa kanilang mga ideya upang ito’y kanilang maipasa.

Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham, humigit-kumulang 55 bahagdan ng mga mag-aaral sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang nakararanas ng mga problema sa pag-print ng mga takdangaralin sa kanilang tahanan. Upang masolusyonan ang hamong ito, nag-isip ng paraan ang Robotics club, sa suporta ng Parents and Teachers Association (PTA), upang maisabuhay ang “Honesty Printshop”, isang

natatanging proyekto sa paggamit ng isang inobasyon kung saan pinapagana ito ng enerhiya mula sa araw gamit ang solar-powered technology.

Konektado ang Honesty Printer sa mga solar panels kung saan ito mismo ang nagpapatakbo nang hindi gumagamit ng kuryente mula sa paaralan. Gayunpaman, walang nakabantay rito, subalit inaasahang magbabayad ang mga gumagamit nito ng limang piso sa bawat papel na ipi-print.

Solar projects ng paaralan

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang solar energy sa PSHS-SMC, sapagkat ang iba pang pasilidad ng paaralan tulad ng kantina ay kasalukuyan nang gumagamit ng mga solar panels. Ayon kay G. Michael Nalitan, isang inhinyero ng PSHS-SMC, “I believe that

Tech-based attendance monitoring, tinutukan ng PSHS-SMC

IALEXANDREA M. GAMALE

NILUNSAD NG PHILIPPINE Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang paggamit ng Radio Frequency Identification (RFID) para sa mga mag-aaral ng ika-7 baitang upang mas mabisang masubaybayan ang attendance ng mga mag-aaral.

Sinimulan ang patakarang ito noong Pebrero 16, 2023 upang gawing mas madali ang pag-monitor sa pagpasok at paglabas ng mga freshmen.

“Sa ganitong paraan, ang listahan o monitoring sa attendance ng mga Grade 7 students sa pagpasok sa Pisay ay naa-update ng real-time, at nagbibigay ng mabilis at automated na sistema at iwas abala kumpara sa manual monitoring ng attendance ng mga estudyante,” saad ni G. Nexon Laborte na dating Batch Coordinator ng Baitang 7.

Dagdag pa ni Laborte na ang sistema ng RFID ay gumagamit ng mga tags na ipababasa sa mga RFID readers sa main gate o sa Academic Building 1 na kunektado rin sa isang central database.

KALIGTASAN

Depektibong water fountain, nasolusyonan Kalusugan ng mga iskolar, sinigurado

MSIL VENNXAE O. NECESITO

ATAPOS ANG SUNUD-SUNOD na reklamo ng mga iskolar mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) dahil sa mala-kalawang na amoy ng tubig na nagmumula sa water fountains ng paaralan, agarang pinalitan ng pamunuan ang mga ito upang resolbahin ang suliranin at tiyakin ang kaligtasan at kalinisan ng tubig na iniinom ng mga magaaral.

technology are like cellphones, madaling mag-phase-out. Totoo ‘yan, may bagong model ngayon, bukas may bago naman. Same with solar power technology.”

Binigyang-linaw ni Nalitan na maraming umuusbong na mga bagong disenyo at modelo ng solar panels sa merkado kung saan ang mga modelo na lumabas limang taon na ang nakalipas ay napakamura na ngayon.

Binigyang-pansin ni Nalitan na “‘Yon yung gusto ko sana sa Pisay na one day magkaroon tayo ng ganoong facilities upang makapagsave tayo ng electricity at makapagtipid tayo sa electric bill. ‘Yon

55%

ng mga mag-aaral ng PisayDavao ang nakaranas ng hirap sa pag-print sa bahay.

Tyung isa sa pinaka-feasible na pwede nating macontribute when it comes to emerging technologies and solar power technologies.

ang gumagamit ng Honesty Printer sa PSHS-SMC.

SA SINAG. Pinapakita ni Lemiel LJ L. Acuña ng 10-Cytosine ang kanyang dedikasyon upang maisumite ang kanyang gawain sa tulong ng Honesty Printer.

Rason ng hirap sa pag-print 70 57 28 20 11

Hindi paggana ng printer

Kakulangan sa ink at papel

Hindi pag-connect ng gadyet sa printer

Maling pag-format ng dokumento

Kawalan ng elektrisidad (Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham)

PISAY-ERGONOMIKS

Pagkalinga sa kapakanan ng mga mag-aaral na may Scoliosis sa kampus

SIL VENNXAE O. NECESITO

ILA MAY mahiwagang kapangyarihan ang mga disenyo ng upuan sa silidaralan sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga mag-aaral, lalo na sa mga may hindi pangkaraniwang pagbabaluktot ng likuran o scoliosis. Ayon sa MerriamWebster Dictionary, ang ergonomiks ay isang disiplina sa agham na nag-aaral ng tamang disenyo ng mga kagamitan tulad ng mga upuan upang umangkop sa pangangailangan ng tao.

not only in the workplace and also in the classroom.”

Salik ng silid-aralan

Ang pagsisikap na ito ay nagbunga ng ilang inobasyon mula sa paaralan. Ginamit ng mga iskolar ang kanilang kaalaman sa ergonomiks upang magdisenyo ng mga kagamitan na makatutulong sa kaginhawaan ng mga makikinabang nito. “Yung nakita ninyo na merong Grade 12 na nagpapa-testing ng kanilang chair, actually that was part of a research and an innovation na pwede palang magkaroon ng ganitong chair na multi-purpose and at the same time ergonomically designed,” dagdag ni Nalitan.

PAGPAWI NG UHAW. Umiinom ng tubig si Sil Vennxae Necesito ng 10-Cytosine mula sa water fountain.

Zyescha Kiz Lim

Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham, humigit-kumulang 62.3 bahagdan ng mga mag-aaral ang nakarananas ng mga isyu sa mga water fountain sa paaralan kabilang na ang mahinang agos, hindi kanais-nais na lasa, at malabong tubig. Binigyang-diin ni Bb. Ailene Eguia, ang school nars ng paaralan, na mahalagang naresolba agad ang isyung ito sapagkat maaaring magdala ng samu’t saring sakit ang mga bakteryang matatagpuan sa kontaminadong tubig.

Pahayag naman ni Mike Nalitan, isang inhinyero ng paaralan, sirang filter at kinalawang na mga tubong dinadaluyan ang tinuturong dahilan kung kaya’t hindi nasasala ng mabuti at hindi kanais-nais ang amoy ng tubig na lumalabas.

Upang matulungan ang mga mag-aaral, isa sa mga kamakailang hakbang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ay ang pagpapalit ng mga upuan at mesa sa mga silid-aralan mula ika-pito hanggang ika-sampung baitang. Batay sa isang panayam ng Bagwis-Agham, humigit-kumulang 95 bahagdan ng mga mag-aaral ang nasisiyahan sa mga bagong kagamitan. Ayon sa mga mag-aaral, nagagawa nila ng mas maayos ang kanilang mga proyekto, nagiging mas komportable ang kanilang mga likod, at mas nakapopokus sila sa kanilang mga leksiyon.

Binigyang-diin naman ng mga mag-aaral ng PSHS-SMC na sina Bastian L. Baysa, Isabela Louise M. Ang, at Andre Jerick B. Mante sa kanilang pananaliksik na pinamagatang “Design and Development of Ergonomic Chair With Removable Sliding Writing Tablet” na ang hindi komportableng upuan ay maaaring magdulot ng masamang epekto tulad ng pananakit sa likod at leeg na nagpapalala ng scoliosis. Ang “ergonomically designed chairs and desks” ay malaking tulong upang mabawasan ang pagod, maitaguyod ang tamang postura, at mapaunlad ang akademikong pagganap.

Ergonomiks sa Edukasyon

Hindi nagtatapos diyan ang mga hakbang na ginawa ng paaralan sa pagkilala ng ergonomiks, subalit itinuturo rin ito sa piling mag-aaral mula sa Grade 11-12. Ayon kay G. Mike Nalitan, isang inhinyero na nagtuturo ng Design and Make Technology (DMT) elective sa PSHSSMC, “Yung ergonomics is part ng topic namin sa DMT, that is why students were taught and are also aware of the importance of ergonomics

Kapag sinabing ergonomics, nakatutulong sa paggalaw while you are working,

paliwanag ni Engr. Michael V. Nalitan

Bukod sa disenyo ng upuan, may iba pang bahagi sa loob ng paaralan na maaaring makaapekto sa produktibidad ng mga magaaral. Ayon sa iba’t ibang mga pananaliksik, kasama na rito ang wastong ilaw na nagbibigayliwanag sa bawat sulok ng silid-aralan, ang tamang temperatura na nakatutulong sa kaginhawaan, ang kawalan ng ingay na nagiging distraksiyon sa pag-aaral, at ang paggamit ng naaayong kulay at mga palamuti na nagtataguyod ng masiglang kapaligiran. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa komunidad para suportahan ang mga proyektong naglalayong mapabuti ang mga pasilidad ng paaralan, mapapaunlad ang kalidad ng edukasyon at matitiyak ang kaginhawaan ng bawat mag-aaral, lalo na ng may scoliosis. Sa ganitong pagkakaisa, maitataguyod ang isang mas maginhawang hinaharap para sa mga kabataan ng bansa.

(Ayon sa panayam ng
SEGURIDAD
Sil Vennxae Necesito
(Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham)
PAGLILIMBAG
SILYANG SAKSI. Sa kabila ng tahimik na silid-aralan, si Lavinia Deborah Elizan ay nagpapatuloy sa kaniyang pagpupursigi upang tapusin ang kanyang gawain para sa araw.
Zyescha Kiz Lim
Likha ni ALEXANDREA GAMALE i
Likha ni ALEXANDREA GAMALE i
Likha ni ANNE MANTILLA i

Gumagamit ka ba ng single-used plastic?

55% 45% Oo Hindi (Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham)

LIPAD NG DUNONG.

Bumabalot ang halong kaba at pananabik sa mga kamay ni John Gabriel Bedez sa gabay ni G. Ace Lonzaga, na nag-aabang ng tamang sandali para sa isang kakaibang paglalakbay sa himpapawid.

KONSERBASYON

PLASTIC ROCKETS

Water Rocket Challenge, tugon sa hamon ng single-used polymer based products sa Pisay-Davao

DSIL VENNXAE O. NECESITO

ULOT NG

PAGDAMI ng mga mag-aaral na gumagamit ng singleused plastic sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), isinulong ng SciMath Club sa pagdiriwang ng Stem Camp noong Enero 26, 2024 ang Water Rocket Challenge, isang paligsahan kung saan pinakinabangan ng mga mag-aaral ang mga patapong bote sa paglikha ng mga obrang pinalipad sa himpapawid.

Ayon sa panayam ng Bagwis-Agham, 55 bahagdan ng mag-aaral mula sa PSHS-SMC ang patuloy na gumagamit ng single-used plastik na bote sa paaralan.

“Nais naming magamit ng mga iskolar ang kanilang kaalaman at pagkamalikhain upang makabuo ng mga rocket. Sa ganitong paraan, natutulungan rin nating labanan ang problema ng polusyon dito sa ating paaralan,” pahayag ni Rodriguez. Hindi lamang nagbibigay ang Water

SAGIP-BAGWIS

Pisay interns, katuwang sa eagle conservation efforts ng Davao

MARLO J. GORDONCILLO JR.

ITO ANG HIWAGA NG BUHAY

— maganda ba ang kalikasan dahil sa sangkatauhan o maganda ba ang sangkatauhan dahil sa kalikasan?

Magkabigkis ang tao at ang kalikasan kung kaya pinatitibay ang ugnayang ito - isang pagsisikap na mabisang hinahamon ng nagbabagong panahon. Isa sa mga tagapagsulong ng ideyang ito ang Philippine Eagle Foundation (PEF) sa Davao City.

Bagama’t 1987 pa nang itinatag ang PEF, lumalawak pa sa ngayon ang kanilang layuning pagyamanin ang natitira sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pakikianib sa nag-iisang pag-asa ng bayan — ang kabataan. Hindi mahirap para sa sinuman ang maging kakampi ng pagbabago dahil sa inihahandog na volunteering at internship programs ng PEF.

Hiwaga ng karanasan

Bunsod ng iba’t ibang nakahandang gawain sa ilalim ng mga programang ito, nabibigyan ng makabuluhang pagpapahalaga para sa kalikasan ang mga lumalahok dito na kadalasan ay mga magaaral. Halimbawa, naaatasan ang mga intern nilang gumawa ng recreational toys para sa mga

Hindi pantay na balikat

ni

i

Hindi pantay na rib cage

Pananakit ng likod

Sintomas ng scoliosis: 1 2 3 4

Hirap sa paghinga

Hindi pantay na bewang

5

(Ayon sa National Institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Disease)

unggoy na Macaque — isa sa mga hayop na nasa pangangalaga ng PEF.

Dagdag pa rito, minsang nasasaksihan ng volunteers ang artificial insemination — isang hakbang kung saan tao ang kumukuha ng semilya ng isang lalaking agila upang suriin ang kalidad nito sa laboratoryo bago ito ihatid sa babaeng agilang handa nang magparami. Isinasagawa ito upang matiyak ang wastong pagganap ng conservation breeding o ang pamamagitan ng tao sa pagligtas ng mga hayop at halaman mula sa pagkalipol o nasisirang tirahan.

Pakikiisa sa kalikasan

Ayon sa Conservation Education Officer ng PEF na si Tristan Leome N. Montemor, “Isang short term impact [ng youth in helping the foundation] ay ang volunteering aspect. They always come back to us and volunteer because they have meaningful experiences with animals and guests from different cultures. This may seem something small pero in the big picture, malaki talaga ang impact nito... When they get to different places, companies, they also remember their

experience here in the PEF so they get to lobby for a cause,” paliwanag ni Montemor.

Malayo ang mararating ng kahit isang linggong karanasan sa PEF dahil ang matang namumulat sa kamalayan ukol sa mga bagay na kumikitil at sumasagip sa ating kalikasan ay hindi na pipikit, hawiin man ng usok ng kapalaluan.

Buhay ang lipunang umaasa sa agham. Buhay ang agham na umaasa sa lipunan. Kung kaya, nararapat na isulong ang mga programang tulad ng isinasagawa ng PEF dahil ika pa ni Montemor, “its a challenge for us to inspire people na hindi lang sila nag-intern for the sake of having an internship. We’re investing our future in these interns.” Habang hindi pa nasasagot ang hiwaga ng buhay, mananatiling tungkulin natin ang pagsanib sa kaluluwa ng kalikasan — ang kaisaisang kayamanang pinalalamutian ng makataong pag-aaruga.

We’re investing our future in these interns.

- Tristan Leome N. Montemor

Ang nakakubling kurba

Scoliosis, di hadlang sa tagumpay

MSIL VENNXAE O. NECESITO

ATULING NAGLALAKBAY ang mga mag-aaral ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) sa larangan ng agham at teknolohiya, ngunit sa likod ng iilan sa kanila ay mayroong nakatagong paghihirap na dinudulot ng scoliosis, isang kondisyong sa kanilang pamumuhay ay bumabaluktot.

Mula sa isang panayam ng Bagwis-Agham, humigit-kumulang 10 bahagdan ng mga mag-aaral ng PSHS-SMC ang nagsasabing nadiagnose na sila ng scoliosis. Ibinahagi ng isang iskolar mula sa PSHS-SMC ang kanyang karanasan kung saan sumailalim siya sa isang operasyong nagbago ng kanyang buhay.

Rocket Challenge ng pagkakataon sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang kadalubhasaan sa Pisika kundi pati na rin ay nagbibigay ng solusyon sa problema ng pagdami ng single-used plastic sa kampus ng PSHS-SMC.

“Napakalaking tulong ng paligsahan na ito hindi lamang sa pagtuturo ng agham at teknolohiya kundi pati na rin sa pagpapalawig ng kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran,” ani Rodriguez.

Nagtampok ang paligsahan ng iba’t ibang mga disenyo ng rocket na ginawa mula sa mga patapong bote ng soft drinks kung saan nagwagi ang disenyo nina Euleces Benedict Dela Victoria, Jerome A. Espinola, at Maher Shalal-Hash-Baz O. Diel na nagtamo ng pinakamalayong distansiya.

Binigyang-diin naman ni Rodriguez ang layunin ng kanilang organisasyon na isulong ang Sustainable Development Goals bilang 12 ng United Nations o “Ensure sustainable consumption and production patterns,” sapagkat hindi lamang suliranin

sa loob ng paaralan ang single-used plastic kundi na rin sa buong daigdig.

Hindi lamang sa akademya nagtatapos ang responsibilidad ng bawat iskolar, kundi pati na rin sa pagiging instrumento ng pagbabago para sa ating kapaligiran.

Ang pagbabawas ng single-used plastic ay sa ilalim ng

“Responsible consumption and production” ng United Nations (UN)

EDITORYAL

15

13

Regular Volunteers (Ayon sa PEF)

ProjectBased Members

Bilang ng miyembro ng Philippine Eagle Foundation (PEF): 38

Regular Staff

ALAALA NG AGILA. Nakapreserba sa Philippine Eagle Center ang yumaong agila na si Pag-Asa sa pamamagitan ng taxidermy.

Sil Vennxae Necesito

PAGPUPURSIGI

“Sa simula, noong Mayo 2022, napansin ng mga magulang ko na hindi pantay ang bewang ko; mas mataas ang sa kanan kaysa sa kaliwa. Kaya nungu Agosto [ng parehong taon], nagpunta kami sa doktor at opisyal na na-diagnose ako na may scoliosis,” pagkukuwento ng mag-aaral.

Ayon sa National Institute of Arthritis, Musculoskeletal and Skin Disease, ilan lamang sa mga sintomas ng scoliosis ang hindi pagkakapantay ng bewan kundi maaari rin ang hindi pagkakapantay ng balikat o rib cage, at kung lumalala ay maaaring humantong sa pananakit ng likod at kahirapan sa paghinga.

“Kailangan kong magsuot ng braces nang 23 oras sa isang araw upang pigilan ang paglala nito at talagang hindi

komportable at masakit para sa akin,” pagbabahagi niya.

Isang mahalagang yugto sa kaniyang paglalakbay ang operasyon kung saan isinilid ang mga titanium rods sa kanyang likod upang ituwid ang mga vertebrae ng kanyang katawang nagdudulot ng hindi pang-karaniwang pagbabaluktot nito. Matapos ang pansamantalang kirot ng operasyon, naging mahalaga naman ang maingat na pagpapahinga para sa kaniyang paggaling.

Sa kabila ng pagsubok na dala ng scoliosis, patuloy na naglalakbay ang mga mag-aaral ng PSHS-SMC, patungo sa kanilang mga pangarap. Ipinamalas nila na ang mga nakakubling kurba ay hindi hadlang sa kanilang tagumpay.

Ang kawalan ng pagpapahalaga sa agham at teknolohiya sa Pilipinas

MFIONA MIKAELA L. GALENDEZ

ALUGOD NA SINASALUBONG ang simula bawat linggo sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng himno ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na siyang naglalaman ng katagang “ang siyensiya’y sandigan ng maunlad na bayan.” Subalit, akma ba ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mag-aaral sa agham sa makabuluhang bahagi nila sa pag-usbong ng dunong? Haligi ng karunungan man kung ituring ng lipunan ang agham, hindi ito kailanman naging ligtas sa kasakimang namamalagi mula sa bayang kanilang inaasam na hatiran ng tulong. Sa katunayan, patuloy ang kanilang pagdurusa nang muling kinaltasan ang badyet ng ahensya ngayong 2024, kung saan nabibilang ang Philippine Science High School (PSHS) System na nagtamo ng 11% kaltas na katumbas ng 300 milyong piso.

Sa kagyat na pagbabawas ng pananalapi sa kagawaran, sadyang nakalilito sapagkat sa mga naunang talumpati ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. naibanggit niya ang angking kahalagahan ng agham at teknolohiya sa paghahatid ng nasyon tungo sa pagunlad. Sa pagtingin ng pamahalaan, taglay ng mga indibidwal sa agham ang susi patungo sa isang higit na maliwanag at umaasensong Pilipinas. Ngunit, patuloy ang kanilang panggigipit sa mga mag-aaral ng PSHS na sa mga puso’t isipan matatagpuan ang pag-asa sa pag-unlad.

Tiyak na magkasalungat ito sa lahat ng nakaraang papuri at ang mga pangakong ngayo’y napako. Hindinghindi nito mapagagaan at magiging pasanin lamang sa patuloy na suliranin sa edukasyon sa bansa. Kung ilalagay sa mga bilang, humigit-kumulang 18 porsyento ng mga bata ang hindi man lang nakatapak sa paaralan at patuloy itong tumataas habang patuloy na bumababa ang mga bilang sa mga karatig bansa. Hindi rin papatalo ang mababang bilang ng mga silid-aralang mismong nagiging balakid sa maayos na pagpapatupad ng leksyon at talakayan. Sa kasalukuyan, kulang ng 159,000 na silid-aralan na inaasahang sa 2040 pa matatapos dulot ng pagkaltas sa badyet. Maliban sa mga unang nabanggit, ipinaalam din ni Geimar D. Legaspi, pinuno ng pinansyal sa SMC na “some events are also affected.” Tunay na apektado ang dating maayos na pagpapalakad ng klase, sapagkat patuloy ang pagbabawas ng learning materials hindi lamang ang nakalimbag sa papel kundi pati sa mga kompyuter.

Sa munting mga silid ng paaralan matatagpuan ang mitsa ng isang bayang maliwanag at nagbibigay ng oportunidad na makamit ng lahat ang parehong pansarili at panlipunang hangarin. Datapwat, kinakailangan muna nating gumawa ng nararapat at angkop na mga desisyon na tiyak na magtatagumpay ng ating kinabukasan. Kung sa gayon, inaanyayahan ang Kongresong mismong nagpapatupad ng pananalapi ng bansang bigyan ng badyet ang edukasyon na wasto sa kahalagahan nito. Siguraduhin nating patuloy ang liwanag ng ating mga natatanging tanglaw ng pag-asa –ang kabataan.

Christine Gomez
Likha ni ANNE MANTILLA i
Likha ni ALEXANDREA GAMALE i
Likha ni CEM TALANDRON i

BAHAGDAN

ng deforestation ay para sa pangangailangan ng tao.

(Ayon sa Global Forest Watch)

SPAGTANAW SA KALAWAKAN. Gumagamit ng communicator ang mga mag-aaral ng PSHS-SMC, kasama ang mga eksperto mula sa Philippine Space Agency (PhilSa), upang makipag-ugnayan sa mga satellite.

KALIKASANG TUKLAP

Satellite imaging technology, ginamit ng Pisay researchers sa pagsipat sa kalikasan

A PAGLIPAS NG PANAHON, teknolohiya ang nagiging mahalagang kasangkapan sa pagsugpo at pagtugon sa mga kalamidad, lalo na sa pagbibigay-diin sa winawasak na kalikasan — ang pangunahing sandigan laban sa mga

Ayon sa isang pananaliksik ng mga magaaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na pinamagatang “Forest Monitoring In Davao City Using LandSat Time Series Data Extracted From Google Earth Engine (GEE) And Geographic Information System (GIS)”, patuloy na lumulubha ang pagkawala ng kulay luntian sa mapa ng bansa. Binigyangpansin ng pananaliksik na lumulubha ang deforestation o pagkalbo ng kagubatan upang pakinabangan ng tao. Binibigyang-diin ng kanilang pananaliksik ang humigit-kumulang 83 bahagdan ng lupang ginagamit sa agrikultura ay nagmumula sa winasak na kagubatan mula sa taong 1980 hanggang 2000. Tinataya rin ng Global Forest Watch (GFW) na humigit-kumulang 85 bahagdan ng deforestation ay upang gamitin ito sa mga pangangailangan ng tao tulad na lamang ng papel na kadalasang nagmumula sa puno ng Falcata.

Madalas iniisip natin na ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakasisira ng kalikasan, subalit hindi ito totoo.

- Tristan Leome N. Montemor

Pahayag naman ni Tristan Leome N. Montemor, Conservation Education Officer mula sa Philippine Eagle Foundation, “Sa katunayan, meron na nga tayong mga satellite, AI, at iba pang teknolohiya na ginagamit ngayon upang makatulong sa ating kalikasan.”

hindi gumuho, habang sinisipsip naman nito ang tubig-baha upang hindi madaling umapaw.

Sa kabila ng pagsisikap na mapanatili ang kalikasan, kagaya na lamang ng pagiigting ng Republic Act No. 7161 o ang Forestry Code of The Philippines, na naglalayong mapanatili at maprotektahan ang ating mga kagubatan, patuloy pa rin ang pag-usbong ng deforestation. Nagpapakita ito ng pangangailangan para sa mas malawakang kampanya at aksyon upang mapanatili ang kalikasan para sa susunod na henerasyon. Sa pagsasama-sama ng ahensiya ng pamahalaan tulad na lamang ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (DENR), mga teknolohista, at mananaliksik, mas lalalim ang ating kaalaman sa mga proseso ng kalikasan at sa mga epekto ng mga kalamidad. Sa ganitong paraan, ang makabagong teknolohiya ay hindi lamang isang kasangkapan sa pagsugpo sa mga unos, kundi isa ring kasangga sa pagpapalakas ng ating kalikasan.

Matemati-kalinga Ang hinaharap ng disease watch sa Mindanao

Bunsod ng mga banta sa likas na yaman ng bansa, binigyang-pansin ng pananaliksik ang paggamit ng Land Remote-Sensing Satellite, isang teknolohiyang nagbibigay ng mga larawan mula sa kalawakan, upang obserbahan ang pagbabago sa mga luntiang espasyong dati’y pinupuno ang mundo. Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), mahalaga ang papel ng kalikasan upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga kalamidad. Sinasangga ng mga mangrove ang mga malalaking alon na nagmumula sa karagatan, pinapatibay ng mga puno ang kalupaan upang

MSIL VENNXAE O. NECESITO

GA NUMERO at datos ang nagiging sandata ng mga tagapagtaguyod ng kalusugan ng bayan sa pagsugpo sa mga sakit na nagdudulot ng kamatayan sa mga mamamayan.

Nagbahagi ang Mindanao Center for Disease Watch and Analytics (DiWA) ng kanilang kaalaman sa landas ng pampublikong kalusugan. Ang DiWA, isang sentro ng pananaliksik na matatagpuan sa University of the Philippines Mindanao ay nangangalaga at nangangasiwa ng kalusugan hindi lamang sa Lungsod ng Davao kundi pati na rin sa buong pulo. Binigyang-diin ni Ivy Grace M. Panogalinog, isang University Researcher III sa DiWA, sa isang interbyu ang kanilang pangunahing tungkulin. “Ang paggamit ng Mathematical Modelling at SIR (Susceptible, Infected, Recovered) models, ito ang pangunahing aktibidad na

ginagawa ng DiWA o tinatawag na Applied Mathematics in action,” aniya. Tinataya naman ng National Library of Medicine na humigitkumulang tatlong panibagong pathogen, mga mikrobyong nagdudulot ng sakit, ang natutuklasan bawat taon mula sa taong 1980 sa buong daigdig. Ibinahagi ni Panogalinog na sa pagsusuri ng genetic sequences, ang mas maaasahang basehan ng mga katangian nito, mas naiintindihan ang mga bagong umuusbong na sakit. Saad din ni Panogalinog, “Kung walang datos, talagang hindi tayo makabubuo ng solusyon. Kaya mahalaga talaga ang pakikipagtulungan sa mga institusyon sa kalusugan tulad ng DOH (Kagawaran ng Kalusugan) regional offices at iba pang akademiya upang makakuha kami ng datos.”

MGA BINABANTAYAN NG DiWA

(Ayon sa DiWA)

Iniulat ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) ang 306.1 bilyong pisong pondong ilalaan para sa kalusugan ng bayan sa taong 2024. Naglalayon itong palakasin ang kapasidad ng sistema ng kalusugan kung kaya’t mabibigyan din ng karagdagang suporta ang mga teknolohista at mananaliksik na nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang magbahagi ng kanilang serbisyo. Sa pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno tulad na lamang ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), at Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) sa mga eksperto sa larangan ng kalusugan, epektibong mababantayan ang kalusugan ng bayan.

Dengue

Malaria

Avian Influenza

Tuberculosis

HIV COVID

Likha ni ALEXANDREA GAMALE i

MATA NG DiWA. Ipinapakilala ng isang mananaliksik mula sa DiWA ang kaniyang proyekto ukol sa pagmanman ng pagkalat ng sakit sa Mindanao.

KOMENTARYO

GUMUGUHONG KATOTOHANAN

Ang panganib ng disinformation sa panahon ng lindol

KENA ROSE B. SANCEBUTCHE

SA BAWAT PAGYANIG NG LUPA, hindi lamang ang mga gusali at imprastruktura ang binabantaan kundi pati na rin ang kalidad ng impormasyon na ating natatanggap. Nagdudulot ito ng takot, kawalan ng tiwala sa mga awtoridad at kapahamakan.

Ayon sa American Psychology Association, ang disinformation ay ang pagpapakalat ng maling impormasyon na may layuning magdulot ng kaguluhan o mag-manipula sa mga tao. Ito ay isang seryosong hamon sa seguridad at kapanatagan ng lipunan, kaya’t mahalagang itaguyod ang integridad ng impormasyon sa online na espasyo. Subalit, sa panahon kung saan mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, lalong mas dumarami ang mga plataporma kung saan maaaring kumalat ang kasinungalingan. Ayon sa isang pananaliksik na inilathala sa Nature Journal ukol sa tanyag na social media platform na X, patuloy pa ring lumalaganap ang mga prediksyon ukol sa lindol na minsan ay nagsasangguni pa sa mga opisyal na awtoridad. Subalit, nakalilinlang ito sapagkat hanggang ngayon ay wala paring teknolohiyang nakapagsasabi nang eksaktong oras at lokasyon ng lindol.

Sa kabila ng mga umiiral na batas tulad ng RA 10175, o “Cybercrime Prevention Act of 2012,” ang disinformation ay patuloy pa ring sumasalakay online. Nagiging mas matindi ang pangangailangan ng masusing pagsasanay sa pagtukoy ng totoo sa gitna ng mga pekeng impormasyon. Sa bawat pagyanig ng lupa, lumalabas ang kahinaan ng ating lipunan sa harap ng patuloy na pagkalat ng kasinungalingan. Kung kaya’t nararapat na suriin at alamin ang siyentipikong basehan sa mga balitang natatanggap at kung tunay itong nanggaling sa maaasahang ahensiya tulad na lamang ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Gumuguho ang katotohanan

Batas na nagbabawal sa disinformation

Anishka Lorin Gusad

sa harap ng disinformation subalit tulad na lamang ng mga gusaling mayroong matibay na pundasyon, nararapat ding nakaangkla sa agham at pananaliksik ang ating pinaniniwalaan sa tuwing darating ang unos.

Pagbabantay ng water level ng creek sa loob ng paaralan FIONA MIKAELA L. GALENDEZ

ISA SA MGA pangunahing balakid na kinakaharap ng bansa at ng mundo ang mga baha at bagyo. Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction, sangkot ito sa 44 bahagdan at 28 bahagdan ng lahat ng sakuna sa daigdig. Kung Pilipinas lamang ang pagbabasehan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, humigit-kumulang 20 bagyo ang dumaraan bawat taon, nakakaalarmang bilang na itinuturing realidad ng maraming indibidwal.

Kasabay ng kagyat na pagdalas ng malalakas na ulan ang pagtaas ng bilang ng mga suspendidong mga klase dulot ng mga ulan at mga pinsalang kalakip nito. Ang creek na matatagpuan sa kalagitnaan ng paaralan na dating tahimik, ngayo’y dahan-dahang kinukubkob ng pinsala. Kung kaya, tiniyak ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na ipabuti ang flood management ng paaralan sa pagbabantay ng water level ng creek na ito.

“Maalala ko mayroon tayong project dito sa school about improvement of drainage systems in 2016. Nakita kasi nila noon na, although hindi tayo binabaha nang sobra, pero may naiiwan na tubig and itong mga tubig medyo matagal siyang ma-drain,” ibinahagi ni School Engineer Michael V. Nalitan ukol sa mga paghahanda ng paaralan.

Kung dati-rati, umaapaw ang baha sa mga pangunahing daanan ng paaralan, partikular na ang landas tungo sa Gymnasium, tuluyan na itong winakasan hindi lamang ng mga bagong drainage systems kundi pati na rin ng paglalagay ng riprap o patong-patong na mga blokeng yari sa bato sa gilid ng sapa. Maraming musmos na pangarap sa Pilipinas ang natatangay at naagnas dulot ng kawalan ng mga institusyong inuuna ang kaligtasan mula sa peligrong dala na baha. Kung kaya, nararapat lamang na higit na titigan ng mga paaralan kabilang na ang PSHS-SMC ang kabataang kanilang nililinang upang sila’y laging handa at alerto sa pagdating ng unos.

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng
KALUSUGAN
Batas na nagpoprotekta sa mga kagubatan
KALIGTASAN
Vivencio Necesito

BADAPS: Paglalakbay ng Talento, Pag-unlad ng Samahan sa Pisay

SA KAMPUS ng Philippine Science High School, naglalakbay ang isang samahang nagtataguyod ng kahusayan at pagkakaibigan sa larong badminton - ang Badaps, o Badminton Association of Pisay Scholars. Sa gitna ng akademikong hamon at personal na pag-unlad, ang Badaps ay naglalaan ng espasyo para sa pagpapakita ng galing sa badminton at pagbuo ng matatag na samahan.

Ang Badaps ay hindi lamang isang pangkat ng mga estudyanteng naglalaro ng badminton; ito ay isang pamilya na nagtutulungan at nagbibigay inspirasyon sa bawat isa. Itinatag ang samahang ito hindi lamang upang maglaro ng badminton kundi upang magbigay ng oportunidad sa bawat miyembro na pagyamanin ang kanilang kasanayan sa larong ito.

Ang pangunahing layunin ng Badaps ay ang magbigay ng libreng pagsasanay sa mga interesadong mag-aaral na nagnanais mapabuti ang kanilang kakayahan sa badminton. Sa ilalim ng patnubay ng mga propesyonal na mga coach, ang mga miyembro ng Badaps ay natututo ng mga diskarte at pamamaraan sa paglalaro, pati na rin ng tamang halaga ng disiplina at determinasyon.

Bukod sa teknikal na aspeto ng laro, ang Badaps ay naglalayong magtaguyod ng kultura ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa loob ng paaralan. Sa bawat ensayo at laban, hindi lang mas nade-develop ang bawat miyembro sa larong badminton, kundi pati na rin sa pagbuo ng matibay na koneksyon at pag-unawa sa isa’t isa. Ang Badaps ay patuloy na nagpapakilos ng pagbabago at inspirasyon sa loob ng Pisay. Sa bawat smash, rally, at laban, ipinapakita ng samahang ito ang dedikasyon, determinasyon, at diwa ng tunay na Pisay Scholar.

Sa wakas, ang Badaps ay hindi lamang tungkol sa paglalaro ng badminton; ito ay tungkol sa pagbuo ng mga lider, paglago ng mga talento, at pagpapatibay ng pagkakaisa sa komunidad ng Pisay. Ang bawat miyembro ay naglalakbay hindi lamang upang mapabuti ang kanilang sarili, kundi upang magdala ng karangalan sa kanilang paaralan at bansa.

SA KASALUKUYANG PANAHON, laganap ang mga kaso ng pangaabuso lalong lalo na sa mga menor de edad. Tinatayang mayroong 9,900 kaso ng pang-aabuso sa kabataan ang naitala ng Council of the Welfare for the Children (CWC) noong taong 2022. Hindi limitado sa mga pampublikong lugar ang mga pangaabusong nagaganap dahil posible rin itong mangyari sa loob ng bahay. Kung kaya, kinakailangang maituro ang martial arts bilang pamamaraan ng self-defense sa Physical Education na asignatura ng mga paaralan.

PAMPALAKASAN

PATULOY ANG DOMINASYON

Orange Timewalkers, humataw kontra Wicked Wisteria sa Women’s Basketball

UHAT NG MGA

MAESTRANG pick and roll plays at pusong umaarangkada sa depensa,nilampaso ng Orange Timewalkers (Grade 12) ang Wicked Wisteria (Grade 11) sa score na 14-4, isang tagumpay na puno ng kwento at pasiklab ng kahusayan na ginanap SMC

Gymnasium noong Kalasag 2023. Sa mainit na sagupaan sa Finals ng Women’s

Basketball, ipinamalas ng Orange Timewalkers ang kanilang buong galing at kisig mula simula hanggang sa pagtatapos ng laro noong ika-1 ng Disyembre sa PSHSSMC.

Nagningning si Loridelle Jane Hisoler ng Timewalkers, kung saan kayod-marinong binuhat ang kanyang koponan patungo sa tagumpay at nakamit ang pinakamaraming puntos sa magkabilang koponan.

Sa unang kalahating bahagi ng laro, agad na ipinakita ng Orange Timewalkers ang kanilang mataas na antas ng kasanayan sa pag-drive at magagandang assists, nagtutulungan upang mapalawak ang kalamangan.

Sinikap ng Wicked Wisteria na habulin ang kalamangan ngunit nauwi ito sa walang kabuhay-buhay na puntos dahil sa mahigpit na depensa ng Timewalkers. Natapos ang first half, 10-1.

Hindi nagpatinag ang Wicked Wisteria sa ikalawang bahagi ng laban, isinadlak ang

HARMONYA NG BADMINTON

SA MAINIT na paligsahan ng Men’s

Badminton Championship sa Kalasag 2023 sa PSHS-SMC Gymnasium, dama ang matindi at makulay na banggaan sa pagitan nina Rex Uriel Villaflores at Alexander Joshua Sanchez ng Orange Timewalkers (Grade 12) at Cerulean Titans (Grade 10), 35-21.

Naglunsad ang Titans ng agresibong opensa, ngunit hindi nagpatalo ang Timewalkers, nagtatanghal ng matinding depensa at likas na galing. Mabilis na umangat ang Timewalkers, nagtutulungan sa pagpapahirap sa kanilang kalaban.

Sa gitna ng laban, nagbigay aliw at pag-asa ang masigabong suporta ng Grade 12, na nagpadama ng kanilang sigla sa loob ng Gymnasium. Ang pagbibigay ng lakas mula sa kanilang mga kaklase ay nagbigay inspirasyon kina Villaflores at Sanchez na magtagumpay.

Bumabalikwas ang agos ng laro, kung saan nagtagumpay ang Timewalkers na maabante at mapanatili ang kanilang agresibong laro. Ayon kay Sanchez at Villaflores, “Sa una, medyo nahinaan kami kasi nga, kaka-start lang, pero later on or second half, we realized na easy naman din sila maexploit kasi hindi maayos ‘yung sides nila.”

Sa pangunguna ng Timewalkers, naging sunod-sunod ang pagtira ng mga puntos, nagiging masidhi ang bawat palo at galaw. Sa dulo ng makulay na paligsahan, umusbong ang Timewalkers bilang kampeon, 35-21, at naghatid ng ligaya sa kanilang mga tagahanga.

Ang pagiging kampeon ay tila isang makulay na pagtatapos ng kwento sa Kalasag para sa Timewalkers, na nagtagumpay mula sa pagkatalo noong nakaraang taon. Isang makabuluhang tagumpay na nagpapatunay ng kanilang kakayahan at determinasyon sa larangan ng badminton.

Maganda mang matutunan ng kabataan ang martial arts para sa kanilang kaligtasan, ngunit hindi nasisiguro na ang lahat ng mag-aaral ay gagamitin ang kanilang mga kakayahan sa tama. Maaaring gamitin ng kabataan ang kanilang natutunan sa kapwa magaaral upang maipakitang mas magaling sila sa iba. Maaaring lalo pang dumami ang maabuso tulad ng ginawa ni Joaquin Montes noong ika-19 ng Disyembre, taong 2018 kung saan inapi niya ang kanyang kapwa mag-aaral sa banyo ng paaralan. Dagdag pa rito, mahirap ding

Isang Alab na Digmaan sa Women’s Badminton

Sa maingay na entablado ng Kalasag, isang napakagandang laban ang naganap sa larangan ng Women’s Badminton Doubles sa PSHS-SMC Gymnasium, 31-22, ang kakaibang galing nina Alexandrea Gamale at Anya Jane Parreño ng Cerulean Titans (Grade 10) ang nagbigay buhay sa pangunguna ng kanilang koponan laban sa makapangyarihang Orange Timewalkers (Grade 12)

We don’t see them as enemies. We see them as people we want to share the passion of badminton with, - Alexandrea Gamale

Ang laro ay nagsimula sa isang masalimuot na sayaw ng palo at pitik, nagpapakita ng kahusayan ng mga manlalaro sa bawat galaw. Ang Timewalkers, na unang nagtala ng puntos, ay agad na sinagot ng mga Titans, naglalabas ng kahusayan sa bawat pag-ikot ng laro.

Bawat siko at pag-indak ay ay nagdadala ng tila isang makulay na pahina ng sayaw, isinasalaysay ang kwento ng tapang at determinasyon ng bawat atleta. Habang umuusad ang oras, naging maliit na entablado ng tensyon sa pagitan ng dalawang koponan.

Ang maingay na sigaw ng mga manonood ay nagpapakita ng kasiyahan at sigla, kasabay ng pag-usbong ng laban sa pagitan ng Titans at Timewalkers. Ang mga puntos ay patuloy na umuusad, naglalaro sa hangganan ng tagumpay at pagbabawi.

Sa gitna ng masalimuot na pagsusumikap ng bawat koponan, naging

maghanap ng mga gurong makatuturo ng martial arts. Karaniwan sa mga guro ng Physical Education ay bihasa lamang sa mga karaniwang laro tulad ng basketball, volleyball, at track and field. Kung kukuha pa ng dagdag na guro ang mga paaralan para lamang sa iisang paksa, kakailanganin pa nilang gumastos ng dagdag na pera para lamang dito. Subalit, kapag itinuro ang mga martial arts na ito, matututunan ng mga mag-aaral ang mga paraan upang maprotektahan ang kanilang sarili. Kahit na kakaunti lamang ang maaaring

sarili sa man-to-man defense upang harangin ang galaw ng Orange Timewalkers. Ngunit, hindi ito sapat at hindi nila napakinabangan ang steals na kanilang nakuha. Dahil dito, patuloy na bumulusok ang Orange Timewalkers, tinungo ang kampeonato sa Women’s Basketball, 14-4. Sa pangwakas, bukas ang puso ni Cheska Marie Abella sa pag-amin na ang kanilang “chemistry” ang nagtangi sa kanilang koponan tungo sa tagumpay.

“It’s less on what the other team has but more on what we have as team, we knew how to finally work together as a team and I think that’s the factor kung pano kami nanalo this year. Yes, teamwork lang talaga ang key diyan kung gusto niyo manalo,” wika ni Abella. Ang tagumpay na ito ay nangangahulugang pangalawang sunod na kampeonato para sa koponan nina Loridelle Jane Hisoler, Cheska Marie Abella, Michelle Antoinette Dalangin, at Eljen Aira Ocampo sa larangan ng Women’s Basketball sa Kalasag.

halata ang pag-aalab sa mata ng bawat atleta. Sa bawat sagupaan, parang isang dula na puno ng damdamin, nagbibigay-buhay sa paligsahan sa bawat palo at galaw.

Nang dumating ang dulo ng laban, isang tila magandang pagtatapos ang naganap. Sa isang maikli ngunit masalimuot na laban, nakuha ng Titans ang 31 puntos habang 22 puntos naman ang naiuwi ng Timewalkers. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapatunay ng kanilang kahusayan sa badminton, kundi pati na rin ng dimabilang na oras ng pagsasanay at paghahanda para sa nasabing paligsahan.

DETERMINASYON.

Kayod-marinong hinahabol ni Jino Babol ang shuttlecock upang maihampas patungo sa katunggali

matutunan ng mga mag-aaral at hindi sila magiging bihasa sa martial arts, sapat na ito upang malabanan ang mga maaaring umabuso sa isang tao. Marami ring benepisyong hatid sa kalusugan ng mag-aaral ang pagkatuto ng martial arts. Napalalakas ang kanilang mga kalamnan at napabubuti ang kanilang cardiovascular endurance sa paglalaro nito. Dagdag pa rito, ang pangkaisipang kalusugan ay napatatalas din sa pagkatuto ng martial arts. Mula rito, makikitang tunay na makatutulong ang pagkatuto ng martial arts upang maprotektahan nila ang

kanilang mga sarili. Makatutulong din ito sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan. Hindi maitatangging mayroong mga posibleng masamang epekto na hatid ang pagkatuto nito ngunit mas mabigat ang parteng ginagampanan ng pagkatuto nito kung ihahambing sa mga masamang kahihinatnan nito. Kung kaya, kinakailangang magkaroon ng kaalaman sa martial arts ang kabataan para sa kanilang kaligtasan.

Orange Timewalkers
Wicked Wisteria
Sanguine Minokawa Cerulean Titans Saffron Seraphs
Viridian Viserions
IVY GRACE SANCHEZ
IVY GRACE SANCHEZ
IVY GRACE SANCHEZ
PINAL NA RESULTA NG KALASAG 2024
Alexandrea M. Gamale

PAMPALAKASAN

HAMPAS NG MGA KAMPEON

Orange Timewalkers, dinomina ang Kalasag Volleyball

PROD VAUGHN QUINTO

INATAOB NG ORANGE

TIMEWALKERS (Grade 12) ang

Wicked Wisterias (Grade 11), 2-0, upang makamit ang inaasam na kampeonato sa Men’s Volleyball sa huling araw ng Kalasag 2023 sa PSHS-SMC Gymnasium.

Pinangunahanan ni hard hitter

Jayrad Adeva ang kanyang koponan sa isang dominanteng laban, 25-17, 25-15, nang magpaulan nang malalakas na spikes at magagandang blocks ang former Palarong Pambansa qualifier. Bagama’t nagkaroon ng service errors ang Timewalkers sa simula pa lamang ng unang set, agad naman silang bumawi nang kumamada si Adeva ng tatlong sunod-sunod puntos buhat sa kaniyang service aces kaya nakuha nila ang bentahe.

Bukod kay Adeva, nagpakawala rin si middle-blocker, Francis Billones, ng lumalagablab na spikes, drops, at blocks upang tulungan ang kaniyang koponang palawakin ang kalamangan.

Hindi na nakahabol ang Wisterias at tuluyan nang nakuha ng Timewalkers ang unang set, 25-17.

Sinubukan ng Wisterias na bumawi sa ikalawang set subalit mas ipinakita pa ng Timewalkers ang kanilang hagupit na depensa at opensa kaya napanatili nila ang kanilang momentum.

Kayod-marinong nilabas ni Ricky Rafols ng Wisterias ang kanyang lakas sa kanyang mga spike ngunit hindi pa rin ito sapat upang maidikit ang laban.

Dikdikan ang ipinakitang sagupaan ng dalawang koponan sa ikalawang set nang magkaroon ng magkasunod na mga rally, bagkus nangingibabaw pa rin ang puso at husay ng Timewalkers kaya nasikwat nila ang matamis na tagumpay, 25-15.

Pagkataposng laban, isinaad ni Jayrad Adeva na inaasahan

niyang magiging maganda ang laban dahil tinuturuan niya ang mga kasapi ng Wisterias.

“What i felt before the match was excitement and I expected a lot from my lower batchmates kasi lahat sila gi train ko like how to perform well inside and outside the court, marami na rin sila gi change ko since Grade 7 tapos overtime kay nag galing na sila sa kanilang Grade 11 and 12 nila”, ani ni Jayrad. Nang tanungin naman kung ano ang sikreto ng kanilang panalo, ipinahayag ni Adeva na inuudyok niya ang kanyang mga kakamping mag-ensayo upang lalong maging mas magaling na mga manlalaro.

“ dagdag pa ni Jayrad.

Yung key naman sa success namin is to boost my teammates para mag practice.

I know a lot of them have problems receiving overhand so like high chance na mapabayaan lang yung bola sa likod tapos makuha ng kalaban.

Nagliliyab pa rin ang Timewalkers sa larangan ng Women’s Volleyball - Jayrad Adeva

pagposisyon ng kanyang serves upang makamit ng Timewalkers ang inaasam na kampeonato.

Mainit ang naging simula ng laban nang magpaulan ng magkasunod na drop plays ang Titans upang magkaroon ng maagang kalamangan.

Sinubukang bumawi ng Timewalkers sa pamamagitan ng pagbago ng posisyon upang habulin ang kalamangan ngunit hindi nagpatinag ang Titans at tinapos ang set, 20-25.

Ipinakita naman ng Timewalkers ang kanilang

HAMPAS TUNGO GINTO. Nagpapatama ng isang malakas na spike si Jayrad Adeva upang makamit ang kampeonato

MANO Y MANO.

Nagbabakbakan si Karlos Rafael

Gelito at Kai de Guzman sa isang mainit na laban ng Ultimate Disc

Q J. Angos

Patuloy ang pagpapakitang gilas ng Orange Timewalkers nang inungusan ang Cerulean Titans (Grade 10) buhat ng malalakas na spikes at drops sa isang come from-behind na pagkapanalo, 2-1, na ginanap sa parehong araw ng Kalasag 2023. Pinamunuan ni Lyka Yzabel Dapitan ang reverse sweep, 20-25, 25-19, 25-21, na mula sa magagandang

determinasyon at naging agresibo sa pagpapaulan ng spikes at serves sa ikalawang set.

Sinabayan ng maling receives at maling komunikasyon, bigong nakahabol ang Titans at naitabla ng Timewalkers ang sets, 25-19. Tuluyan nang ipinamalas ng Timewalkers ang kanilang dominasyon sa ikatlong set ng laban gamit ang kanilang mahigpit na depensa.

Dahil dito, napayuko ng Timewalkers ang Titans at tuluyang nakumpleto ang reverse sweep, 25-21. Pagkatapos ng laban, inamin ni Lyka Yzabel Dapitan na nagaalinlangan sila kung mananalo ba sila sa labang ito dahil sa naturang lakas na ipinakita ng Titans sa elimination round at semifinals.

Orange Timewalkers

Ayon kay Dapitan, “Hindi namin alam if kaya namin kasi magaling din talaga ang Grade 10, so, we were doubting if we would win pero we were happy na nanalo pa rin kami.”

Ito ang ikalawang sunod na kampeonato ng Orange Timewalkers sa Men’s Volleyball at unang kampeonato sa larangan ng Women’s Volleyball.

Francis Dangoy 3 25-21

ISKOR 25-19 2 20-25 1 2

UNANG PAGTATANGHAL

Smc, idinaos ang kaunaunahang

Parents vs Faculty Games

NASAKSIHAN ang isang napakasaysayang pangyayari sa naglalayagang intramurals nitong nang unang sumalang ang mga magulang at kawani ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus sa mainit na laban sa basketball at volleyball noong nakaraang Kalasag sa PSHS-SMC Gymnasium.

CASTOR TROY CORDOVA

INAKITANG-GILAS ng Wicked Wisteria ang kanilang “run and gun” strategy kontra Orange Timewalkers sa Ultimate Disk Finals match upang sungkitin ang kanilang kauna-unang kampeonato sa isang major sport sa Kalasag 2023, ginanap noong ika-1 ng Disyembre sa Philippine Science High School – Southern Mindanao Campus Oval.

Matapos ang 15 minutong girian ng dalawang koponan, nagtala ng kabuuang dalawang puntos, apat na assists at pitong interceptions sina Wicked Wisteria Duo Kai De Guzman at Matthew Gutierrez upang dominahin ang kanilang oposisyon, 5-2.

“Malaki ang tiwala ko sa aking mga kakampi na tatakbo sila para magkaroon ng magandang posisyon sa transition. Isang pasa lang ang aking kailangan at nandoon na sila”, saad ni De Guzman, Ace ng Wisteria, tungkol sa husay ng

Nagpakita ng mabagsik na tagisan sa depensa ang dalawang koponan sa unang tatlong minuto ng laro, kung saan hindi lumampas sa 40 feet ang distansiya ng opensa sa middle line, dala ng dalawang interceptions ni Loridelle Jane Hisoler para sa Timewalkers at Matthew Gutierrez para sa Wisteria. Subalit, biglang nawasak ang buong defensive line ng Timewalkers matapos

bumirada si Gutierrez para sa isang deep cut tungo sa endzone upang maisalo ang 30-footer forehand pass ni De Guzman, 1-0.

fast break transition play na nagtapos sa isang De Guzman air-bounce pass tungo kay Gian Navalta sa endzone bago matapos ang unang half, 2-0.

Pinatuloy ng Wisteria ang kanilang bagsik sa ikalawang half nang rumatsada sila ng dalawang puntos sa loob lamang ng dalawang minuto, buhat ng isang De Guzman hammer pass tungo kay Gutierrez sa endzone at isang full field give and go transition play nina De Guzman, Gutierrez, Navalta at Daniel Jan Garay, 4-0.

Hindi naman nagpatinag ang Timewalkers sa puwersa ng Wisteria nang kayod-marinong nilang naitala ang dalawang puntos sa susunod na limang minuto, dala ng isang 30-footer catch ni Francis Billones at isang transition play nina Karlos Rafael Gelito at Joaquin Miguel Apostol, 4-2.

Subalit, hindi naging sapat ang pagpupunyagi na ito matapos hindi hinayaan ng Wisteria na makapuntos muli ang Timewalkers sa huling mga minuto ng laro, kung saan ay nagpakawala muli sina De Guzman at Gutierrez ng huling deep cut pass play upang tuluyang ipako ang kanilang kampeonato sa Kalasag. Magkakaroon muli ng pagkakataong depensahan ng Batch 2025 ang kanilang titulo sa susunod na Kalasag sa taong 2024 bilang seniors at binabandera ng kulay kahel. Wicked Wisteria, nagpakawala ng kamandag Timewalkers sa Ultimate Disk Finals

Nagkaroon ng dalawang pagkakataon ang Timewalkers na pumasok sa endzone sa susunod na apat na minuto, ngunit bigo silang makapuntos matapos maipuwersa ng Wisteria ang dalawang turnovers na sumiklab ng isang

Sa makabagbag-damdaming pagtatapos ng basketball match, nagtagumpay ang mga magulang na itala ang 77 na puntos laban sa 50 ng kawani, nagdulot ng tuwa at samahan sa gitna ng mga naglalaban.

“The staff’s skill was intimidating, but playing alongside fellow parents was truly enjoyable – it reinforced our mantra to ‘play to enjoy the game,” ayon kay Wilman Bulaclac, ang Pangulo ng PTA ng Grade 7.

Binigyang diin niya na ang pagsasanay kasama ang kapwa magulang ay isang nakaeenganyong karanasan, na nagbibigay-diin sa samahan na nabuo sa pagbabahagi ng court bilang mga unang beses na manlalaro.

Sa kabilang dako, naging masigla at masaya ang volleyball court nang maglaban ang mga magulang at kawani, kung saan nakamit ng kawani ang makitid na tagumpay laban sa mga magulang, 31-27.

“The volleyball game was both fun and nerve-wracking, highlighting the connection and unity it forged among parents, teachers, and students,” wika ni Niña Hyacinth Joy Osorno, isang kawani na lumahok.

Ibinahagi rin ni Osorno ang kanyang karanasan na naglalaro kasama ang mga kapwa kawani, anila’y pinalakas nito ang damdamin ng pagkakaisa at teamwork. Ang makasaysayang pagtatanghal ng laro sa pagitan ng mga magulang at kawani ay hindi lamang nagmarka ng kasaysayan sa SMC, kundi nagbigay rin daan sa pagtatanghal ng papel ng isports sa pagpapalalim ng koneksyon sa pagitan ng mga magulang, kawani, at mag-aaral.

IVY GRACE SANCHEZ
SAGUPAAN. Ipinapamalas ng mga guro at mga magulang ang kanilang angking galing sa paglalaro ng volleyball.
Q J. Angos
Likha ni CEM TALANDRON i

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.