

bagwis-agham
REACHING NEW HEIGHTS
Php 425,000


2,444


63%
ng mga iskolar sa Pisay ang gustong magtrabaho sa sektor ng STEM
9.4% ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa ang nanggagaling sa digital economy 35%




PINAKAMAHUSAY NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA NSPC



Upang maingat ang kalidad ng pamumuhay sa Information Age, nilagdaan ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at Department of Science and Technology Regional Office XI (DOST-XI) ang Memorandum of Agreement para sa Smart and Sustainable Communities (SSC) Program.
Kaugnay ng AmBisyon Natin 2040 at Philippine Development Plan 2023-2028, nilalayon ng kasunduan na bumuo ng komprehensibong Science, Technology, and Innovation plan bilang hakbang sa paglutas ng mga hamong hatid ng urbanisasyon sa Davao City.
Sa temang Smart Synergies: Fostering Sustainable Communities through Science and Technology, binibigyang-daan ang kolaborasyon ng mga guro sa pagpapabuti ng pinakamahalagang ‘smart synergies’ o ang collaboration, transferability, integration, shared vision, at sustainable solutions.
ng mga matataas na paaralan sa Pilipinas ang kapos sa mga laboratoryo


Kung kaya, kaakibat ng SMART Program ang ikaanim na Pakiglambigit Outreach Program, isang serye ng mga training session para sa mga guro ng STEM sa Rehiyon XI.
Handog ng Pakiglambigit 2025: Fostering Sustainable Communities through Science and Technology ang anim na session para sa mga piling high school STEM teacher ng Davao City: Sustainable Development Goals, Science Communication, Media Communication, AI Tools and the Internet of Things, Misinformation vs. Disinformation, at Robotics and Arduino Training.
Pinapaigting ng mga paksang ito ang kaalaman at kasanayan ng mga guro upang mas mabisa nilang gagabayan ang kanilang mga mag-aaral sa pagsulong ng mga pananaliksik
sa agham at teknolohiya, kasangga na rin ang mga Sustainable Development Goal ng United Nations.
Sa pamamagitan ng Pakiglambigit at iba pang mga proyekto, inaasahan ng SMART Program na maging huwaran ang Davao City sa mga lungsod sa “strengthened partnerships,” “data-driven governance,” at “smart and sustainable urban transformation.”
Ang programang ito ay pinangungunahan ni Gng. Michelle Anne Belenson, isang Social Science teacher sa PSHS-SMC.
Aprobado naman ang SMART Program ni Dr. Jonald Fenecios, PSHS-SMC Campus Director, at Dr. Anthony Sales, DOST-XI Regional Director.
Pakiglambigit 2024
Sa nakaraang taon, idinaos ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang ikalimang ‘Pakiglambit’ seminar noong ika-12 ng Nobyembre 2024 sa Ritz Hotel, Davao City.
Kaakibat ang Department of Science and Technology, layunin ng naturang kaganapan na linangin ang kakayahan ng mga guro sa iba’t ibang larangan ng agham sa pamamagitan ng mga lecture, technology demo, at inter-agency activities.
“Offering seminars and training to other public school STEM and Humanities teachers plays a great role in maintaining relationships with them. We’re all in the same community, so why not share, assist, and guide them in developing their school’s resources?” paliwanag ni Gng. Michelle Anne Belenson, ang nagpasimuno ng proyekto.
Sa temang “Creating and Safeguarding Sustainable Science Investigatory Project,” binigyang-diin ng PSHS-SMC at DOST ang halaga ng pagsulong ng United Nation Sustainable Development Goals sa kurikulum, na siyang daan sa pangmatagalang pag-unlad ng lipunan.
I wanted to conduct a seminar that would allow learners to produce innovations that would last for a few years, kasi what we usually produce is walang gamit or for compliance purposes lang,
ani Belenson
Tinutukan sa Pakiglambigit ang mga paksa hinggil sa United Nations’ Sustainable Development Goals in Science Education, Presentation of Research in Chemistry, Research Statistics, AI Research Tools, Copyright: Registering Works with IPOPHIL, at Application of Renewable Energy in Alternative Farming.
Ginanap ang kaganapan kaugnay sa Regional Science and Technology Week 2024, pitong buwan matapos ang ikaapat na yugto nito noong Abril.
face-to-face Taiwan-Pisay exchange program, ginanap; intercultural ties, binigyang-diin
Isinagawa ang kauna-unahang face-to-face exchange program sa pagitan ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at Kaohsiung Girls National High School (KGNHS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-3 ng Abril 2025.
Inihayag ni PSHS-SMC Director Dr. Jonald P. Fenecios sa pambungad na seremonya ang halaga ng programa sa pagpapalago ng samahan ng iba’t ibang kultura tungo sa dekalidad ng edukasyon.
“This is an exciting opportunity for you to explore not only the academic environment but also to discover the beauty of friendship that knows no boundaries,” aniya.
Naging pasabog sa pagdating ng mga bisita ang kanilang inihandang sayaw na nagpapakita sa kulturang Taiwanese at ang mga modern at neo-ethnic dance number ng Grade 11 at Oasioas. Four-day adventure Sa tulong ng Parent-Teacher Association, nakilala ng labinlimang mag-aaral ng KGNHS at ng kanilang dalawang guro ang mga kultura, tanawin, at pasilidad sa Davao City kasama ang kani-kanilang mga host family. Napuno ang kanilang apat na araw ng mga laboratory at club activity sa PSHS-SMC,
tulad ng pagluto, pagtahi, at pagtugtog ng mga tradisyunal na instrumentong Pilipino; mga sikat na destinasyon sa siyudad, tulad ng Philippine Eagle Center at Malagos Garden Resort; at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Para sa mga host family, nagbigay-daan din ito sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga hindi lamang sa banyagang kultura, kundi pati na rin sa kinagsinan.
“It [exchange program] opened my eyes to the differences in our cultures, but more than that it helped me understand that, despite this, we can still connect with each other. We still have similarities in how we live our lives as students,” isiniwalat ni Anya Jane Parreño, miyembro ng isang host family at iskolar ng Grade 11 sa PSHSSMC.
Bago pa mang naisakatuparan ang exchange program na ito, nagkaroon na ng mga online exchange program ang PSHS-SMC sa iba’t ibang paaralan sa Taiwan noong 2022 at 2023.



sa mga isyu ng mental health, tulad ng anxiety at depression.
“To raise awareness, we promote Mental Health Awareness through talks focused on mental health, emotional regulation, and selfcare strategies,” paliwanag ni Librero.
ipagpatuloy sa p3

Bilang ng aplikante sa Pisay entrance exam, lumobo ng 35.8%; Pisay-Davao outreach activities, tinurong dahilan


Inklusibidad Umakyat ng 35.8% ang bilang ng mga aplikante para sa National Competitive Examination ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC), mula 1,106 noong nakaraang taon tungong 1,502 sa pagsusulit na isinagawa noong Nobyembre 16, 2024. Samantala, itinampok na dahilan ang LIKHARAL, isang literacy outreach program na inihandog ng mga iskolar ng Pisay SMC na naglalayong
ng PSHS-SMC at matuto ng mas mataas na antas ng Agham, Matematika, Ingles, at Pananaliksik.
“I believe that Likharal has contributed to the 38.4% increase in the number of applicants for the NCE alongside other noble projects of PSHSSMC such as the NCE Caravan, SMART-UP, and the likes,” ani Marita Natasha Bautista, presidente ng Likharal.
Ipinunto ni Bautista na nakapagtala
ALEXANDREA
RICAGEN A. GENITA
KUHA NI: Kobe Sasuman
KATHLEEN ROSE A. PASAOL, KRISHNA JAZZ D. ARES, AT ALEXANDREA M. GAMALE
KUHA NI: Francis Gabriel Dangoy
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim

Paano ba umiwas sa sakit na dengue?
Buwan ng Wika, bumalik pagkatapos ng 5 taon




MADUGONG HUGONG
Iskolar,

1 2 3 4 5
kritikal
Pisay-Davao,
DENZEL HEART D. HONTANOSAS


USpang mas bigyang-diin ang diwa ng pagiging Pilipino, idinaos ang pagwawakas ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) noong ika-30 ng Agosto 2024.
Naunang pumarada ang bawat baitang at mga kawani sa kani-kanilang mga kasuotang Filipino bago naghatid ng Pambungad na Pananalita si Dr. Jonald Fenecios, ang Direktor ng PSHS-SMC.
“Sa ganitong mga pagkakataon, muling binabalikan natin ang ating mga ugat, ang ating mga tradisyon, at ang ating wika—na siyang pangunahing salamin ng ating pagkakakilanlan... Yakapin natin ang ating wika, ipagmalaki ito, at ipakita ang kahalagahan nito sa bawat aspeto ng buhay,” inihayag ni Dr. Fenecios sa kaniyang talumpati.
sa ICU sa pagtaas ng dengue cases;
City Health Office, tutok sa dengue
a kabila ng pagtatag ng mga hakbang laban sa pagkalat ng dengue, lumobo ang bilang ng mga kaso ng dengue sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) noong Setyembre 2024—isang mag-aaral, kritikal ang kondisyon dulot ng nasabing sakit.
“Mahirap itukoy ang eksaktong pinagmulan ng dengue infection. Maaari itong makuha sa barangay, sa paaralan, o saanmang kamakailan lamang pinuntahan. Mataas ang banta ng pagkalat ng dengue sa mga lugar na ito dahil sa presensiya ng mga lamok na hindi napapansin at may dalang impeksiyon,” tugon ni Bb. Ailene Eguia, nars ng PSHS-SMC, sa paglobo ng kaso.
Sa isang pagpapanayam kay Frio Kristoff Billanes, 12 taong gulang mula sa ika-7 na baitang, kaniyang binigyang-diin ang pinsala ng dengue sa mga iskolar, lalo na’t maraming breeding site ang mga lamok sa kampus na napapalibutan ng kahuyan.
“September last year, I got chills, and then I was cold. It got worse, and I had to bedrest, then I got hospitalized… My


PAG-ALPAS
Kriminalidad ng kabataan, jaywalking, tumaas; juvenile rehab, bagong police outpost, itinatag

Bunsod ng lumalaking bilang ng mga krimen na kinasangkutan ng mga kabataan sa Barangay Sto. Niño, Tugbok District, na siyang may pinakamalaking populasyon sa nasabing distrito, nagpatayo ng bagong juvenile rehab center at police outpost na tutulong sa pagmanman sa barangay.
“The PNP are having this kind of training and orientation to the Barangay Tanods the Purok Leaders on how to handle this kind of cases, because in my table, I don’t want that these children na masaktan physically,” pagpapahayag ni Alberca.
isa sa mga pangunahing hakbang ay ang programang “Tropang Pagbabago Season 2,” na tumutulong sa Children in Conflict with the Law (CICL) upang makapagbagong-buhay.
“Noong Season 1 nito, napakasaya namin na may natulungang nasa call center na, may sarili nang negosyo—nakikita mo talaga na nagbago na sila kaya gusto namin itong ulitin at makatulong pa ng mga CICL, “ ani Alberca.
“Karamihan sa mga CICL ay mga menor de edad, and they are from Barangay Sto. Niño,” dagdag pa niya.
Pinaigting din ang curfew mula 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. upang mapanatili ang seguridad ng kabataan sa gabi.
May inilunsad ding kampanya kontra jaywalking sa pamamagitan ng pagbabantay sa footbridge at pagpapatupad ng multa sa mga lumalabag.
“Kung may pregnant na women, PWD, at mga senior citizen, the PNP are willing to assist these special persons,” ayon kay Alberca.
Inisyatibo rin ng barangay ang pagpapatibay ng batas sa karapatan ng bata sa ilalim ng R.A. 7610 upang maprotektahan sila mula sa pangaabuso.
Aminado si Alberca na hindi madali ang mga hakbang na ito, ngunit positibo siyang malalagpasan ang mga hamon sa tulong ng gobyerno at komunidad.
grandparents suspect it’s from Pisay. mean, personally, I’m not sure, but it makes sense, seeing that there are a lot of places where mosquitoes could breed here [in the campus],” ibinahagi ni Billanes.
HAKBANG KONTRA DENGUE
Upang sugpuin ang paglitaw ng mga kaso ng dengue sa PSHS-SMC, pinagtibay ng pamunuan ang ugnayan ng paaralan sa Rural Health Unit - City Health Office (RHU-CHO) sa pagbibigayedukasyon sa mga estudyante at kawani sa paaralan, pagbibigaypansin sa mga mag-aaral na nagpapakita ng sintomas ng dengue, at pagtanggal ng stagnant water sa kampus.
“
Kailangang maging maingat ang lahat at sundin ang mga hakbang na ibinigay ng paaralan, CHO at DOH sa pag-iwas ng dengue,
ani Eguia
Bukod dito, ipagpapatuloy rin umano ang taunang fogging o misting sa PSHS-SMC alinsunod sa pagmumungkahi ng CHO Tropical Disease Prevention and Control Unit.
Fogging o Misting Activity, na nakadepende pa sa pagsusuri ng City Health Office (CHO) - Tropical Disease Prevention and Control Unit batay sa mga naitalang kaso sa paaralan.
Sa taong 2024, naitala ng Department of Health Region XI ang 7,089 kaso ng dengue sa Davao City, at isa sa mga dengue hotspots ng lungsod ay ang Tugbok District, ang kinasasakupan ng PSHS-SMC.


Teen center sa Pisay, nanatili sa kabila ng kawalan ng kaso ng teenage pregnancy

Bilang hakbang sa pagpapaigting ng sex education sa paaralan, opisyal na binuksan ang kauna-unahang Pisay Teen Center sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHSSMC) noong ika-8 ng Nobyembre 2024.
“Mahirap itukoy ang eksaktong pinagmulan ngKaakibat ang Davao City Health Office (CHO) at Department of Health - Region XI (DOH-XI), na naghatid ng mga volunteer at peer facilitator training at nagpatibay ng logistics, handog ng proyektong ito ang isang espasyo kung saan mas madaling sumangguni ang kabataan tungkol sa kanilang pisikal at mental na kalusugan.
“We are really after prevention because prevention is better than cure. At the same time, we are capacitating our health workers in the field and teachers on how to communicate with adolescents, and even adolescents with each other, to help prevent teenage pregnancies. In the case of actual pregnancies, we are also prepared with resources and
health facilities,” paliwanag ni Dr. Anabelle Yumang, Direktor ng DOH-XI.
Higit pa, pinangunahan ng Batch 2026 Parent-Teacher Association (PTA) ang PSHS-SMC Teen Center hindi lamang bilang legacy project, kundi isang paraan upang makiisa sa DepEd order no. 14 s. 2021 na pinamamagatang “Guidelines on the Health Standards in Basic Education Offices and Schools” at naglalayong magtayo ng mga school-based teen center na makatutulong sa paggabay ng mga mag-aaral sa antas ng sekondarya.
It [teen center] is a safe space, [where] you can be who you are. You can [express] the things that bother you without judgment,
ani Gng. Cecille Rodriguez, Presidente ng PTA

Kasalukuyang nabibilang ang PSHS-SMC sa 437 na mga paaralan sa buong Rehiyon XI at ika-151 na paaralan sa loob ng Lungsod ng Davao na may sariling teen center at ang kauna-unahan sa buong Philippine Science High School System.
“In initiating the opening of the teen center in our campus, do hope that we can set a precedent for the other campuses to also start their own teen centers, for the betterment of the students, and in turn, the entire system,” inihayag ni Aaron Francis Paner, Presidente ng Teen Center Peer Facilitators.
Inaasahan ni Dr. Jonald P. Fenecios, Campus Director ng PSHS-SMC, na magiging daan ang Teen Center sa paghubog ng pagkatao ng bawat iskolar.


Sinundan ito ng mga patimpalak: Lakan at Lakambini pageant; Sayawit performing competition; at Pista sa Nayon booth fair. Kalakip ang pagbabalik ng Buwan ng Wika sa PSHS-SMC pagkatapos ng limang taon, inilahad ni G. Johnel Lumacao, Filipino Unit Head, na marapat lamang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PSHS-SMC.

5 iskolar, kinalmot ng pusa; student-volunteers, pamunuan, nagpabakuna ng mga pusa kontra rabies

Upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, mahigpit na ipinatupad ng pamunuan ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at mga student volunteer ang mga patakaran sa pakikisalamuha ng mga estudyante sa mga pusa sa kampus.
Sa isang panayam, sinabi ni April Joy Andam, isang guro sa Biology na madalas na nagpapakain sa mga pusa, na matagal nang ipinagbawal ng pamunuan ng PSHS-SMC ang paghawak sa mga pusa na maaaring magsanhi ng pagkakakagat o pagkakagalos ng mga ito.
“Several times we’ve announced it during the flag ceremony that students are not to pet the cats, pero ang dami pa ring mga students na nagpe-pet ng cats,” pahayag ni Andam.
Upang maiwasan ang pagdami ng populasyon nito sa kampus, siniguro ng paaralan na ang mga pusa ay kasalukuyang nasa ilalim ng programa ng castration at neutering.
Ipinabatid din ni Andam na ang lahat ng pusa sa paaralan ay bakunado na laban sa rabies. Gayunpaman, sinabi niyang kailangan pa ring maging maingat ang mga estudyante dahil hindi maiiwasan ang peligro.
“As long as there are people who give food to them, magbalik-balik gyud na sila,” ani Andam. Dagdag pa niya, ang disiplina sa mga mag-aaral ang susi upang mabawasan ang interaksyon sa mga pusa at maiwasan ang mga insidente ng pagkakakagat o pagkakagalos.
‘Marumi, madilim’ na palengke sa Brgy. Sto. Niño, demolisado, ginawang multipurpose building
Giniba ang isang pamilihan sa Barangay Sto. Niño, Tugbok District bunsod ng talamak na basura at dumi rito na nakakapinsala raw sa kalusugan ng mga residente at sa reputasyon ng barangay, ayon sa Punong Barangay; kasabay ito ng paglilipat sa mga manininda sa mas maluwag, maliwanag, at organisadong puwesto sa multipurpose building upang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili.
Sa isang panayam, pinaliwanag ni Kapitan Romeo F. Alberca na matagal nang kinakaharap ng barangay ang isyu ng maruming kapaligiran sa dating palengke, bunsod ng walang ayos na puwesto ng mga manininda, siksikan, at nagkalat na mga basura—bagay na naging dahilan umano sa pagturing sa Brgy. Sto. Niño bilang isang
‘squatter area’ na pinabulaanan ng Kapitan.
“I want to clear up the image of Sto. Nino kasi when you think about Brgy. Sto Niño relocation there is a connotation na isa itong barangay squatter,” pahayag ni Alberca.
Sa kabila ng demolisyon, tiniyak ng Kapitan na inilipat na sa mas maluwag at organisadong lugar sa likod ng isang bagong-tayo na multipurpose building ang mga tindahan at palengke na ‘mas malinis’ daw at makatutulong sa pag-iwas sa dumi, peste, at kontaminasyon sa mga paninda.
Dagdag pa ni Alberca, dahil nasa iisang pwesto na lamang ang mga tindahan, hindi na magulo at mas kaaya-aya na sa paningin ang pamilihan.

Sinabi rin ni Alberca na lalagyan ng solar-powered na ilaw ang footbridge na konektado sa multipurpose building upang mas masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili sa gabi—bagay na wala sa demolisadong palengke.
Ipinabatid naman ng Punong Barangay na may nakalaang P13 milyon na pondo para sa nasabing proyekto, at inaasahang matatapos na ito bago sumapit ang Hunyo, 2025.


PAG-UNLAD
CHRISTIAN GABRIEL BARON AT ALEXANDREA M. GAMALE
KATHLEEN ROSE A. PASAOL
RICAGEN A. GENITA
MAYROONG
“Juvenile Justice and Welfare Act of 2006”
KALIGTASAN
KUHA NI: Christine C. Gomez
ANNE KYLE V. MANTILLA
ANNE KYLE V. MANTILLA suporta sa kultura
FIONA GALENDEZ
Manatiling hydrated at uminom ng sapat na tubig araw-araw.
Gumamit ng mosquito repellent kapag lumabas.
Alisin ang stagnant water na maaaring pagitlogan ng mga lamok.
Suportahan ang regular fogging sa eskwelahan.
Kumonsulta agad sa doktor kung may mga sintomas na nararamdaman.
Bagong Pisay curriculum, binalangkas upang makasabay sa global standards

USHALAL-HASH-BAZ O. DIEL
pang makiisa sa mga pamantayang internasyonal ang ‘premier science education’ ng Philippine Science High School System (PSHSS), napipintong palitan ng PSHSS ang kasalukuyang kurikulum ng mas ‘future-proof’ na kurikulum ayon sa Punong Direktor nito.
Sa isang Special Faculty Meeting sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na may temang “Moving Forward with Collaboration and Confidence”, ibinunyag ni Executive Director Dr. Ronnalee Orteza, Punong Ehekutibo ng PSHSS, ang bagong curriculum framework na PISAY: The WAY FORWARD na magpapaunlad sa global competitiveness ng paaralan.
“Ang challenge sa atin ng DOST [Department of Science and Technology]:
world class output based on the well-defined standards—we claim to be the premier,” giit ng ehekutibo.
Ipinakilala ni Dr. Orteza ang tatlong Strategic Initiative ng OED—Workout a Student Competitiveness Plan, Adopt an Organizational Performance Excellence Plan, at Yield Collaboration and Innovation Plan— na layuning maipatupad ng PSHSS sa mga susunod na anim na taon.
“Hopefully, this will now give us a dashboard on what to do para sabihin nating these are the things that we need to achieve,” saad ng punong direktor.
Sa mga inisyatibong ito, binigyang-diin ni Dr. Orteza ang paglinang sa edukasyong natatanggap ng mga mag-aaral ng PSHS, kundi pati na rin sa paglinang ng mga
Hakbang tungo sa mas ligtas at episyenteng klase Pisay-Davao, nagpatupad ng modernisasyon sa kuryente

Sa layuning masiguro ang kaligtasan at tuloy-tuloy na kalidad ng edukasyon, isinailalim ng Philippine Science High School – Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) sa komprehensibong pagsasaayos ang kanilang mga pasilidad matapos matukoy ang pagkasira sa underground electrical wirings ng paaralan.
Ayon kay Giemar Legaspi, Chief ng Finance and Administration Division ng Pisay SMC, ang hakbang ay bahagi ng preventive at modernizing efforts ng paaralan upang tugunan ang mga lumang pasilidad na hindi pa narerewire mula nang ito’y maitayo.
“Yung facilities natin is matanda na, ever since hindi pa narerewire kung kaya aging na talaga ang electrical wirings nito at sa tagal ng panahon nag wear over na talaga,” wika ni Legaspi.
Matapos ang masusing pagsusuri ng Davao Light, nadiskubre ang sirang linya sa ilalim ng lupa ng Academic Building 1—ang naging dahilan ng pansamantalang pagkaantala ng klase noong Disyembre 5, 2024.
“At first we thought maliit lang ito, ngunit pagkatapos malaman na mayroong umusok sa likod ng FAYP Center, hinukay ito at doon namin nalaman na mayroong naputol na underground electrical connections,” dagdag niya.
We should act on the principle that employees are the key drivers of an institution.
wika ng liderato

Ang Opisyal na Pampahayagang Pangkampus ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus
Agosto 2024 - Enero 2025 | TOMO XXXIV, BLG. 1

Ayon kay Dr. Orteza, pormal na inaprubahan ng PSHSS board of trustees ang naturang operational plan noong Oktubre 24, 2024 sa pangunguna ni DOST Secretary Renato Solidum.
Bilang tugon, agad nagpatupad ng online learning ang pamunuan upang hindi maantala ang edukasyon ng mga mag-aaral.
“Dahilan ang brownout upang magdecide kaming admin na mag online class dahil hindi naman pwede na walang kuryente dahil hindi siya suitable for classes,” paliwanag ni Legaspi.
Umabot sa P400,000 ang ginugol ng PSHSSMC para sa pagsasaayos, ngunit ayon sa pamunuan, isa itong mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng mga iskolar ng bayan.
Sa ngayon, isinasagawa na rin ang regular na electrical inspections sa lahat ng gusali upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
“Simula ngayong taon, sinisiguro naming ligtas at handa ang lahat ng imprastraktura para sa mga mag-aaral. Hindi lang ito simpleng pagkumpuni— ito ay bahagi ng pangmatagalang solusyon,” pagtatapos niya.
Sa kabila ng mga hamon, nananatiling tapat ang Pisay-Davao sa pagbibigay ng ligtas, moderno, at world-class na edukasyon para sa mga kabataang siyentipiko ng Mindanao.






UTUNGO


PSHS-SMC, ‘salat’ sa mga research facility; mga bagong laboratoryo, itinatag
Upang masolusyunan ang kakulangan sa mga classroom at laboratoryo sa Philippine Science High SchoolSouthern Mindanao Campus (PSHS-SMC), pagpapatayo ng karagdagang imprastraktura gaya ng Acad 3 ang patuloy na pinagtutuunan ng pansin.
Tinitiyak ng Finance Administration Division Chief, Giemar Legaspi na matatapos ang ginagawang Academic Building sa darating na susunod na taon, inaasahan na magkakaroon ito ng iba’t ibang mga laboratoryo.
“2nd to 4th floor will be laboratories, ito yung mga bio, chem, physics, at research, this year planong matatapos na ang infrastructure, sa susunod na naman na taon ay ang procurement ng mga kagamitan,” saad ni Legaspi.
Ipinagbigay-alam rin ni Legaspi na ngayong taon dapat ito malalagyan ng mga kagamitan, ngunit naging dahilan ang mga suspensyon
SA PANATAG NA

ng klase dulot ng heat index upang ma-extend ang construction period nito.
“Kasalukuyang nasa final phase 4 na ang acad 3 with painting at architecture works, naging extended ang construction dahil nag extend ang phase 3 noong kasagsagan ng mataas na temperatura,” aniya.
Dagdag pa niya, nakapagbigay na umano ng proposed budget ang Pisay-Davao sa kongreso para sa susunod na taong mga kailangan na instrumento sa pananaliksik.
“The building still lacks the equipment, but we already proposed a desired budget like computer sets and laboratory equipment,” pahayag ng FAD Chief.
Sa kasalukuyan, inaasahang matatapos at magagamit ng buo ang Acad 3 ng mayroong kagamitan at mga instrumento sa darating na ikatlong quarter ng taong 2026.
KINABUKASAN
Pisay-Davao, nakiisa sa Regional Science & Technology Week 2024
pang makibahagi sa pagsulong ng STEM para sa bayan, dinalo ng mga iskolar at kawani ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang Closing Program ng 2024 Regional Science & Technology Week (RSTW) sa Abreeza Ayala Malls noong ika-12 ng Nobyembre.
Sa pamamagitan ng mga exhibit at on-stage presentation, naunang itinampok sa naturang kaganapan ang samu’t saring proyekto, produkto,
at teknolohiya ng mga pribadong organisasyon, mga paaralan, at ng Department of Science and Technology (DOST) mula sa Rehiyon XI.
Kasali na rito ang tela mula sa uod at sinulid mula sa kawayan (Philippine Tropical Fibers at KAWAYARN ng DOST Philippine Textile Research Institute), plastik mula sa sago (Lactic Acid Technology ng University of the Philippines Mindanao), at ang pinakaunang rocket mula sa Pilipinas na ipinalipad sa Spaceport America
Cup 2024 Intercollegiate Rocket Competition (“Sibol” Rocket ng Ateneo de Davao University Rocketry Team).
Kasabay sa humigit-kumulang 80 na estudyante galing sa iba’t ibang probinsiya ng rehiyon, sunod na ginawaran ng DOST Science Education Institute ang 35 estudyante ng PSHS-SMC ng Youth Excellence in Science (YES) Award para sa kanilang pagtagumpay sa mga paligsahan sa larangan ng agham at teknolohiya.

ALEXANDREA M. GAMALE

UKung kaya, kinilala ang PSHSSMC bilang isa sa mga pamantasang may pinakatanyag na dedikasyon sa paglinang ng kahusayan at kakayahan sa STEM sa kabataan.
Sa tema ng 2024 RSTW na “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan,” layunin ng DOST na lalo pang hikayatin ang komunidad na paunlarin, panatilihin, at isadiwa ang STEM.
School psychologist, binigyang-opisina kontra lumalalang academic pressure galing sa p1 Research ethics committee binuo,
PAPEL NG PAMILYA
Sa kabila ng mga hakbang ng paaralan, binigyang-diin ng Guidance Counselor ang responsibilidad ng mga magulang at guro sa pagsuporta sa mga estudyante.
“Pinapaalalahanan ang mga magulang na maglaan ng oras para sa kanilang mga anak, at ang mga guro naman ay hinihikayat na maging mapagmasid at mag-ulat ng anumang senyales ng self-harm,” sambit ni Librero.
Samantala, aktibong sinusuportahan ng pamunuan ng PSHS-SMC ang proyektong Teen Center na pinangungunahan ng ParentTeacher Association, kung saan maaaring makapagpahinga ang mga mag-aaral mula sa kanilang mga gawain sa paaralan.
“Aditionally, the administration has shown strong support for the PTA’s project to open the Teen Center,” pahayag ng counselor. Bagama’t marami nang proyekto at hakbangin ang paaralan, patuloy pa rin nitong gagawin ang taunang ebalwasyon at pagkuha ng feeback mula sa mga iskolar, magulang, at guro upang mas mapabuti pa ang serbisyo para sa mental health.
“I believe, the school can further enhance its mental health support by consistently evaluating and refining existing programs and services,” saad ni Librero.
Inihayag niya sa huli na ang PSHS-SMC ay hindi lamang nakatutok sa pang-akademikong kahusayan ng mga mag-aaral, kundi pinahahalagahan din nito ang kalusugang pangkaisipan at emosyonal ng bawat iskolar.
kultura ng pananaliksik sa mga iskolar at kawani, kasalukuyang sumasailalim sa
ng pag-aproba sa Philippine Health Research Ethics Board (PHREB) ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) Research Ethics Committee (REC).
Itinatag ang REC sa Special Order No. 070 s. 2021 noong ika-1 ng Agosto 2021 upang protektahan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga kalahok sa pananaliksik at gumawa ng mga malayang desisyon hinggil sa pagrerepaso, pag-aproba, at pag-implementa ng mga research protocol at proposal.
“With the establishment of the PSHS SMC REC all students and personnel research proposals can now have their proposals reviewed by the committee specially those with humans as participants such as in surveys. Furthermore, the study can then be published in referred journals since we will be adhering to national and international standards,” pahayag ni REC Chairwoman Sharon Dejarme.
Ibinahagi rin ni Dejarme na kamakailan lamang natapos ng komite ang Version 2 ng Standard Operating Procedure (SOP) ng REC matapos ang mga training at consultation mula sa mga eksperto sa labas ng PSHS-SMC.
“We started with the Basic Research Ethics Training for all PSHS SMC personnel, then Good Research Practice Training for selected personnel. Then, in December 2023, we invited Dr. Elsa Mae Baron of SPMC to guide us in crafting our Standard Operating Procedure… We will be adhering to international standards,” isiniwalat ng Chairwoman.
Dagdag pa ni Dejarme na ipapatupad na ang SOP para sa mga research proposal ng ika10 na baitang ngayong taon.
Higit pa, inaasahan din ng REC ang akreditasyon mula sa PHREB ngayong Taong Panuruan o sa susunod.

kakayahan ng mga guro.
MAHER
RICAGEN A. GENITA
NAPOLEON DELOS REYES
ALEXANDREA M. GAMALE
KUHA NI: Christine C. Gomez AKTIBONG TALAKAYAN. Tinutugunan ng isang guro sa kampus ang isa sa mga estudyante nitong may hangaring katanungan tungkol sa diskusyon.
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim BUHAY NA PAGPUPUNYAGI. Nagsisilbing halimbawa ng sipag at tiyaga sa pagtatapos ng Academic Building III ng PSHS-SMC ang isang konstruktor.
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim
BUHAY NA PAGPUPUNYAGI. Nagsisilbing halimbawa ng sipag at tiyaga sa pagtatapos ng Academic Building III ng PSHSSMC ang isang konstruktor.
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim KAHUSAYAN. Nakatanggap ng ‘Youth Excellence in Science(YES)’ award galing sa DOST ang 35 na mga iskolar sa ginanap na Regional Science & Technology Week 2024 sa Abreeza Mall, Bajada, Davao City. Ang parangal ay ibinibigay sa mga estudyante na nagwagi sa mga international STEM competitions.
ANNE KYLE V. MANTILLA
ANNE KYLE V. MANTILLA
ANNE KYLE V. MANTILLA
Ang Opisyal na Pampahayagang Pangkampus ng
bagwis-agham
Job insecurity, suliranin Livelihood projects, sandigan ng kabuhayan sa Brgy. Sto. Niño

RICAGEN A. GENITA
Sa ilalim ng pamamahala ni Barangay Kapitan Romeo F. Alberca, ang Barangay Sto. Niño ay matagumpay na nagpatupad ng mga livelihood projects na nagbibigay ng karagdagang kita sa mga residente.
Ayon kay Kapitan Alberca, mayroong 33 women’s chapters na aktibong nakikilahok sa mga proyekto tulad ng pagbebenta ng bigas at pagpapautang.
“Nowadays, marami na ang income nila, ma’am, kasi every chapter may mga businesses sila. They are selling rice. Nagapa-utang sila,” pahayag niya. Bukod sa mga kababaihan, kabilang din ang LGBTQ+ community at ang mga kalalakihan sa mga proyekto ng barangay.
“Meron silang sound system for rent, chairs for rent, so they are earning. They also have activities, HIV test and everything,” ani Kapitan Alberca.
Sinisiguro naman ng pamunuan na may regular na pagpupulong ang bawat grupo upang matutukan ang progreso ng kanilang mga proyekto.
Php 481
minimum wage sa Davao Region ay ‘hindi sapat’ para sa pamilya ng lima,
ayon sa Nonoy Librado Development Foundation, Inc.





KALUSUGANG TIGANG
Brgy. Malagos, kapos sa gamot, serbisyong medikal; iskolar ng Pisay-Davao, nagkasa ng medical mission

MAHER-SHALAL-HASH-BAZ O. DIEL
a kabila ng pagkakaroon ng health center sa barangay, hirap pa ring abutin ng mga serbisyong medikal ang isang purok sa Barangay Malagos kung kaya’t naglunsad ang isang pangkat ng mga iskolar mula sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ng medical mission para sa mga residente nito---bagay na magsusulong kalusugan at health awareness ng purok ayon sa pinuno ng nasabing inisyatiba.
Sa isang panayam,
pangkalusugan ng Purok 4B.
“At the start we were already choosing a purok that was already behind the rest of Malagos, so what we were aiming to do, kasi the main problem was Purok 4b isn’t connected
properly via road,” wika ni Dugan.
Salaysay ng miyembro ng proyekto, malayo umano ang purok sa mga ospital at health center na nakapeperwisyo sa mga residente nito.
“ saad ni Dugan
What we’re trying to do is at least alleviate some of the problems that the community there is facing such as access to health access to

“This
Poor waste management, naobserbahan sa barangay;



halaw sa USAID

Ikinasa ang unang run ng pitong araw na programa ng Davao Youth Leadership Initiative (DYLI) na nilahukan ng 25 na mga kalahok sa 17 na mga paaralan noong Oktubre 26, 2024 sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at nagtapos noong Disyembre 14, 2024.
Isa sa mga adbokasiya ni Mesias ang youth empowerment kaya naman naisipan niyang buoin ang kanyang proyekto upang tumulong sa kanyang komunidad.
It should be every skill that every leader should acquire, yung other aim din namin is advocacy-building,
ani Mesias
Upang maisakatuparan ito, inimbitahan niya ang mga tagapagsalita mula sa Dyesabel PH, Positively Youth PH, at Family Planning Organization upang talakayin ang media literacy, mental health, at reproductive health rights.
Isinagawa rin ang isang MUN Simulation, na naging pangunahing paraan upang maunawaan ng mga kalahok ang konsepto ng MUN.
“Pisay is renowned for STEM, STEM education, we excel at science pero ang nakalagay kasi sa’tin is holistic development which does not only mean STEM,” paliwanag ni Mesias.
Dahil sa hamon ng iskedyul tuwing Sabado, plano niyang gawin itong isang linggong summer program sa susunod na run.
“Ang main challenge siguro namin is scheduling, [which] I think should really be improved, it will be improved next year,” dagdag niya.
Pinahigpit ang pagpapatupad ng
‘no segregation, no collection’ na polisiya sa Barangay Sto. Niño Tugbok District, Davao City sa taong 2024, sa ilalim ng pamamahala ni Kapitan Romeo F. Alberca.
Alinsunod ito sa Batas Republika 9003 ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang mapabuti ang sistema ng pamamahala ng basura.
“That’s why nakikita niyo ngayon, basurahan noon, mini-park na ngayon. Meron na tayong tinatawag ngayon na collection area, budgeted talaga ‘yan, para doon talaga ang collection ng mga basura,” ayon kay Alberca.
Malaki ang naitulong ng City Government of Davao sa pagbawas ng reklamo ukol sa basura at pagpapatupad ng mga patakaran sa kalinisan
“There is what we call a memorandum from the Department of Interior and Local Government (DILG), which states that there is what we call a clean-up drive every week. But wala namo na siya nasunod, because we are very busy, but what we do, is that we only have clean-up drive twice a month,” pagpaliwanag pa ni Alberca.

Target niyang palawakin pa ang DYLI upang magkaroon ng mas malalim na talakayan at mas inklusibong karanasan sa MUN.
“Opportunity favors the brave,” aniya, bilang inspirasyon sa kabataang nais magsimula ng kanilang sariling adhikain.
Upang mahikayat ang publiko, nagbibigay ang barangay ng insentibo sa mga sumusunod sa wastong segregasyon ng basura.
Samantala, inilunsad ng mga iskolar ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHSSMC) ang proyektong Kalambutan upang palaganapin ang tamang waste management.
“Ang focus for now, is aid and disseminate like proper waste management practices,” banggit ni Lemiel LJ Acuna, tagapanguna ng proyekto.
Mas nakatuon sa mga presidente at bise-presidente ng mga baitang na 7 at 8 ang kaniyang proyekto, dahil mas mabilis ang pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan nila, dagdag pa niya.
Bukod sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ay binigyang diin din ng Kalambutan ang responsibilidad ng mga kabataan na gumawa ng aksyon para sa ikabubuti ng kalikasan bilang mga tagapagmana nito.

the dormers who are below average social class and economic class,” wika ni Ongbay. Kinuwestiyon din ni Yrrol Dave V. Luayon, 18, isa ring dormer na mula sa baitang 12, ang ‘hindi makatarungang’ patong ng kantina sa mga produktong kanilang binebenta na mas mura daw sa labas ng paaralan.
Depensa naman ni Rian Casane, isa sa mga empleyado ng Romualdo’s Catering, tumaas ang presyo sa kantina dulot ng pag-akyat ng presyo ng mga bilihin sa merkado;




KATHLEEN ROSE PASAOL AT EDELWEIS IEYA GABRONINO
KUHA
KUHA
ANNE
ALEXANDREA