Greenhouse ng Pisay-Davao, sinusulong ang school-based modern farming
SIL VENNXAE NECESITO
Matatagpuan sa loob ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang bunga ng pagsisikap at dedikasyon ng isang guro—isang tahanang hitik sa bunga at punla ng inobasyon. Sa inisyatibo ni Michael G. Nalitan, isang inhinyero at guro ng PSHS-SMC, nabuo ang isang greenhouse na gumagamit ng hydroponics at pinapagana ng solar energy sa pagpapatubo ng mga pananim. Sa tulong ng mga bagong kagamitan sa Fabrication Laboratory ng PSHS-SMC, mismong ginawa ni G. Nalitan ang karamihan sa mga bahagi ng greenhouse—mula sa mga tubo na nagsisilbing taniman hanggang sa water circulation system na nagpapatuloy ng sustansya sa mga ugat ng halaman.
“Gusto kong ipakita sa mga estudyante na posible ang self-sustaining systems, lalo na sa panahon ng krisis sa pagkain at enerhiya, at magagawa ito sa loob ng paaralan lamang,” ani Nalitan.
Nagtuturo si Nalitan ng Design, Materials, and Technology (DMT) at aktibong isinusulong ang aplikasyon ng agham at teknolohiya sa mga konkretong solusyon. Kabilang dito ang greenhouse project na hindi lamang moderno kundi masinop din sa paggamit ng kuryente, dahil gumagamit ito ng solar panels para sa buong operasyon.
Hindi na sapat ang kasalukuyang sistemang pangekonomiya at agrikultura. Kailangang ihanda natin ang mga estudyante para sa hinaharap kung saan ang inobasyon ang magiging susi sa sustainability.
ayon kay Engr. Michael Nalitan, Pisay-Davao school engineer.
Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Nalitan ang kahalagahan ng paglinang ng mga ideyang makatutulong sa pagresolba ng mga suliranin sa lipunan. Aniya, mahalaga ang paggamit ng agham at teknolohiya upang maisakatuparan ang mga solusyong makaaambag sa mas makabuluhang
MODERNISASYON
Digi- aklatan
Pisay smart library, nagpapabilis ng book lending ng iskolars
SIL VENNXAE NECESITO
Maituturing ang mga mag-aaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (Pisay-SMC) bilang mga iskolar na uhaw sa kaalaman at masigasig sa pagbabasa. Sa katunayan, tinatayang mahigit sa 110 magaaral ang pumapasok sa silid-aklatan ng paaralan araw-araw, ayon sa datos mula sa aklatan. Upang makatulong sa kanilang pagaaral, mas pinabago ngayon ng iba’t ibang inobasyon at teknolohiya ang silid-aklatan ng Pisay-SMC.
Mas naging moderno ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyanteng naka-tuon sa mga kursong STEM. Mula sa manu-manong proseso patungo sa mga makabagong sistema, mas umunlad ang serbisyo na hinahatid ng silid-aklatan.
Nakakatulong talaga ang mga inobasyon na ito, hindi lamang sa amin kundi para rin sa mga estudyante. Kung ikukumpara noon, mas madali na talaga mag hiram ng libro at mas marami pa ang inaalok na serbisyo ng ating silid-aklatan
ayon sa pamunuan ng aklatan na si Joselito M. Calacar.
Isa sa mga pangunahing inobasyon na ipinatupad ay ang Destiny Library Manager
P300,000
lamang ang pondo para silid-aklatan sa Pisay-Davao.
(Ayon sa librarian)
(DLM), isang makabagong sistemang gumagamit ng internet na pinapakinabangan ng iba’t ibang paaralan at unibersidad. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan ng estudyante ang nakasanayang borrower’s card dahil maaari na silang gumamit ng QR code na pwede lamang i-scan. Maliban dito, bilang suporta sa STEM na edukasyon, inilunsad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ang Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosks (STARBOOKS), isang estasyong may libulibong resources na matatagpuan din sa silidaklatan ng PSHS-SMC. Bagaman kakaunti pa lamang ang gumagamit nito sa kasalukuyan, nakakatulong pa rin ito sa mga mag-aaral. Sa kabila ng mga teknolohikal na pagbabago, patuloy pa ring isinasagawa ng aklatan ang mga tradisyonal na hakbang upang hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang mga resources nito. Isinasagawa ang mga orientation program para sa mga bagong estudyante, at patuloy na ina-update ang mga online resources ng aklatan sa pamamagitan ng mga bulletin boards at social media platforms gaya ng Facebook. Nagpapakita ang mga inobasyon at teknolohiyang ipinatupad sa silid-aklatan ng Pisay-SMC ng dedikasyon ng paaralang suportahan ang mga estudyante, partikular na sa larangan ng STEM. Sa tulong ng DLM, STARBOOKS, at mga inaasahang pagbabago sa sistema, mas magiging madali at epektibo ang paghiram sa mga aklat at iba pang resources mula sa daluyan ng karunungan, na makakatulong sa kanilang mas malalim na pagtuklas ng kaalaman.
AGOS-AGHAM
Solar-powered water system, ambag ng Pisay-Davao sa agrikultura
Nasungkit ng mga iskolar mula sa PSHS-SMC ang kampeonato sa PSHS System’s Kids’ Innovation Challenge (KIC) sa kanilang inobasyong WASSER: Watering Automated System for Sustainable Environmental Rehydration, isang inobasyong naglalayong matulungan ang lokal na magsasaka sa harap ng matinding init at tagtuyot.
Sa pamamagitan ng mga Arduino-based sensors at modules na nagdi-detect ng pagbabago sa panahon, lumikha ang mga mag-aaral ng isang awtomatikong sistema para sa pagpapalamig ng mga hayop at irigasyon ng pananim sa pagkontrol ng daloy ng tubig.
Lonzaga, “He’s elderly and has been facing extreme difficulties during the scorching summer months.”
Maaaring magdulot ang matinding init ng panahon ng stress sa mga hayop at pananim, na nagreresulta sa pagbaba ng kanilang produksyon. Kung gayon, dinisenyo ang WASSER upang awtomatikong magbigay ng tubig sa tamang oras, na nakakatulong upang mapanatili ang tamang kondisyon ng mga alagang hayop at ani.
ng pagbabago ng klima. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa daloy ng tubig, mas napapamahalaan ng mga magsasaka ang kanilang suplay ng tubig, na mahalaga lalo na sa panahon ng tagtuyot.
“
ng
ng
ang
Sa
ng
“Our students were deeply moved by the struggles of a local farmer they personally know,” ani ng kanilang coach na si Ace
ng mga Pilipino ang vulnerable sa mga sakuna tulad ng landslide.
(Ayon sa World Bank)
Mga sangkap ng landslide preventer:
“While it does require an initial investment, the students believe that the long-term benefits far outweigh the costs,” dagdag pa ng kanilang coach, “More importantly, they see WASSER as a way to empower small farmers.”
Mayroong malaking papel ang paggamit ng teknolohiya sa pagharap sa mga hamon
KALASAG-SAKUNA
I think what really set WASSER apart was the team’s strong connection to the local farmer they visited. Beyond identifying the problem, they provided a working solution.
ani G. Ace Lonzaga, tagapayo ng mga iskolar sa Kids’ Innovation Challenge.
Maagang babala sa landslide , likha ng mga iskolar
Sa mundong patuloy na hinahamon ng kalikasan, ang teknolohiyang kayang tukuyin ang banta ng pagguho ng lupa ay nagiging susi sa pagsagip ng buhay sa harap ng panganib. Noong STEM FAIR 2024, na ginanap sa Philippine Science High SchoolSouthern Mindanao Campus, ipinamalas ng mga mag-aaral na sina Zyanna Gail P. Deguito, Martina Claire G. Soriano, Carlos R. Torreon, Gabrielle Mari V. Siangco, at Daniela Claire Dumugho ang kanilang husay at galing sa larangan ng inobasyon nang ilahad nila ang kanilang teknolohiya na tinawag nilang Landslide Preventer. Nagbibigay babala ang teknolohiyang ito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng text message tungkol sa mga pagyanig sa lupang nadidetect nito nang maaga na maaaring magdulot ng pagguho sa lupa.
Sa bawat segundo bago mangyari ang sakuna, may pagkakataong mailigtas ang buhay ng maraming tao. Sa tulong ng aming teknolohiya, mas maagang makakahanda ang mga residente at maka-iiwas sa panganib.
ani Zyanna Gail Deguito, iskolar mula sa ika-8 na baitang.
language na Arduino, inilikha nila ang isang
sistema na may kakayahang tukuyin ang paggalaw ng lupa bago ito magdulot ng sakuna. Ang real-time na babala na ipinapadala sa pamamagitan ng Short Message Service (SMS) o text message ay isang malaking agapay na nagbibigay ng pagkakataon sa mga residente na maghanda at makalikas agad.
“Isang hamon para sa amin ang pagsasama ng agham at teknolohiya upang lumikha ng isang abot-kayang solusyon. Ngunit alam naming ang ganitong uri ng inobasyon ay kailangang makarating sa mga nangangailangan, lalo na sa mga komunidad na madalas naaapektuhan ng landslide.” paliwanag ni Soriano. Napatunayan ng Landslide Preventer ang halaga nito matapos masungkit ang tagumpay sa Research Fair 2024. Sa isang bansang tulad ng Pilipinas, kung saan mahigit 60% ng lupain at 74% ng populasyon ay lantad sa
1.3°C
ang pagtaas ng global average temperature taon-taon mula 1880. (ayon sa Wisconsin Department of Natural Resources)
iba’t ibang panganib tulad ng bagyo, baha, at pagguho ng lupa, ayon sa Climate Change Portal, mahalaga ang ganitong teknolohiya sa pagbibigay ng proteksyon sa mga komunidad na nasa panganib. Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling hamon ang pagkakaroon ng abot-kayang solusyon para sa mga komunidad na higit na nangangailangan. Ngunit sa pamamagitan ng Landslide Preventer, isang hakbang ang napagtagumpayan tungo sa mas ligtas at handang hinaharap. Hindi man nito kayang pigilan ang paggalaw ng lupa, ngunit binibigyan nito ang mga tao ng mahalagang kaalaman, oras, at pagkakataon upang makapaghanda at mailigtas ang kanilang sarili at mahal sa buhay.
Pinatunayan
mga estudyante na
agham at teknolohiya ay maaaring maging tulay upang mapabuti ang buhay ng mga nasa sektor
agrikultura.
pamamagitan
makabagong inobasyon, nabibigyan ng mas mabisang paraan ang mga magsasaka upang harapin ang mga hamon ng klima at siguruhing may sapat na pagkain para sa hinaharap.
SIL VENNXAE NECESITO
KUHA NI: G. Ace L. Lonzaga
BUHAY SAKAHAN. Matiyagang nagsikap ang isang magsasaka upang mapanatiling malamig at ligtas ang kaniyang mga hayop.
KALIGTASAN
PAGBABAGO NG KLIMA
KUHA NI: Francis Gabriel Dangoy
MODERN READING. Gamit ang Smartbooks, mas na-aaccess ni Denzel Hontanosas ang mga libro at iba pang babasahin nang mas mabilis.
SIKSIK-wate
Saganang tinik
Time series analysis ng Pisay iskolars, tulong sa Davao Durian producers
SIL VENNXAE NECESITO
Nakahanay ang mga durian sa tabi ng daan, wari’y mga hiyas ng pista na ipinagmamalaki ng Davao tuwing anihan. Matagal ng kinikilalang simbolo ng Davao ang Durian, na patuloy nagpapatunay ng halaga nito sa agrikultura. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumapangalawa ang durian sa kabuuang produksyon ng pananim sa rehiyon, na may 60,331.33 metriko toneladang ani—katumbas ng 1.7% ng kabuuang produksyon ng pananim sa taong 2023. Sa layuning mas mapag-aralan ang daloy ng produksyon nito, isinagawa ng mga iskolar mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na sina Lyza
Rhey M. Nagar, Jamilah Hoda A. Nur, at Jeni Fran Cys Kara C. Sacramento ang isang pananaliksik gamit ang time series analysis, isang paraan ng pagsusuri ng datos na nakabatay sa panahon. Sa pamamagitan nito, nakabuo sila ng modelo upang mataya ang posibleng ani ng durian sa mga darating na taon.
“Napag-alaman naming kulang ang datos at mga pag-aaral ukol sa
produksyon ng durian sa Davao Region, kahit pa isa ito sa mga pangunahing pananim sa Pilipinas” ani ni Nagar. Tinaguriang “Hari ng mga Prutas”, likas ang durian sa mga bansang nasa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas, Thailand, at Malaysia. Ngunit para sa maraming Dabawenyo, hindi lamang ito prutas—ito’y isang haligi ng kabuhayan. Tulad ng punong matatag sa gitna ng unos, nagsisilbing sandigan ng mga lokal na magsasaka ang pagsasaka ng durian sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
“Ginamit namin ang datos mula sa PSA at gumawa kami ng modelo upang mataya ang posibleng ani ng durian sa mga susunod na taon. Ayon sa aming pagsusuri, may statistical significance ito at maaaring maging batayan sa mga darating na panahon,” dagdag ni Sacramento Ayon sa kanilang pagsusuri, pinakamataas ang produksyon ng durian tuwing ikatlong quarter ng taon—mga buwang Hulyo, Agosto, at Setyembre— habang pinakamababa ito sa unang quarter.
“
Nais naming makatulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay na maaari nilang gamitin. Sa ganitong paraan, nakatutulong din kami sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura sa Davao.
ani Lyza Nagar, Jamilah Nur at Kara Sacramento, student durian researchers sa PSHS-SMC.
Layunin ng pananaliksik na ito na isulong ang Sustainable Development Goal (SDG) 2 na Zero Hunger at SDG 8 na Decent
Work and Economic Growth, sa pamamagitan ng pagbibigay ng datos at kaalaman na maaaring makatulong sa pagpapalago ng ani at kita ng mga durian farmer
Habang patuloy ang paglago ng industriya ng durian sa Davao, nagpapataunoy ang kanilang pananaliksik bilang isang hakbang upang tiyakin ang tagumpay ng mga magsasaka sa mga susunod na taon. Sa kanilang pag-aaral, nakatulong ang mga iskolar sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa rehiyon, isang hakbang tungo sa mas mataas na kita at kasiguraduhan sa buhay ng bawat magsasaka.
Yamang MINDANAO
Theobromine sa cacao, mabisang alternatibo sa caffeine—Pisay study
SIL VENNXAE NECESITO
SAng sobrang paginom ng caffeine, lalo na mula sa energy drinks, ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure at maaaring humantong sa heightened anxiety, insomnia, at iba pang mental health issues.
ani Dr. Euvin Paul G. Lagapa, isang neurosurgeon mula sa Davao City na nakapanayam ng BagwisAgham.
a likod ng bawat baso ng kape at energy drink na nagiging sandigan ng maraming iskolar sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHSSMC), maaaring nagkukubli ang hindi inaasahang panganib sa kanilang kalusugan—lalo na sa kanilang isipan. Subalit ayon sa isang pananaliksik mula sa mga mag-aaral ng PSHS-SMC, may alternatibong mas ligtas at kapakipakinabang: ang theobromine na matatagpuan sa cacao. Ayon sa isang pananaliksik na isinagawa ng Bagwis-Agham, halos 70 bahagdan ng mga mag-aaral ang umiinom ng caffeine araw-araw upang manatiling produktibo sa kanilang mga gawain. Umaasa ang karamihan sa kanila sa kape at energy drinks upang mapanatili ang mataas na antas ng enerhiya, lalo na sa panahon ng pagsusulit at paggawa ng proyekto. Ayon sa mga pananaliksik, maaring magdulot ng mood swings at pagkairita ang hindi maayos na regulasyon ng dopamine sa utak dahil sa sobrang caffeine, bagay na maaaring magdulot ng stress at depresyon sa mga mag-aaral. Ngunit hindi lahat ay umaasa sa kape at energy drinks, bagkus may iilang mag-aaral ang nakadiskubre ng alternatibong inumin na hindi lang
KUHA NI: Vivencio Necesito CACAOISGOLD. Maingat na kinukuha ng magsasaka ang isang cacao pod na ibinebenta sa mga chocolate manufacturer.
nagbibigay ng enerhiya kung hindi mas masustansiya rin. “Mas gusto namin ang sikwate na binibili namin sa tindahan sa labas ng paaralan,” ayon sa isang Grade 11 na mag-aaral sa PSHS-SMC. “Mas nagustuhan ko ito at pakiramdam ko mas steady ang energy level ko sa buong araw,” aniya. Ayon sa pag-aaral, nagbibigay ang sikwateinuming gawa sa purong cacao - ng enerhiya at mayaman din sa bitamina at theobromine—isang natural na kemikal na nagbibigay ng mas banayad at matagalang epekto kumpara sa caffeine. Maliban dito, hindi rin ito nagdudulot ng energy crash, o ang biglaang pagbagsak ng enerhiya matapos ang panandaliang pagtaas ng sigla, na karaniwang nararanasan ng mga umiinom ng energy drinks.
Bagamat may mas ligtas na alternatibo, ang labis na pag-inom nito ay maaari pa ring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan. Kung gayon, walang mas mahalaga kaysa sa isang malusog na katawan at isipan— sapagkat ang tunay na yaman ng isang iskolar ay hindi lamang kaalaman, kundi ang kakayahang alagaan ang kanyang kalusugan.
Gumuguhong ningning
Geological integrity ng T’boli gold, silver deposits, mapanganib
KRSIHNA JAZZ ARES at EDELWEIS IEYA GABRONINO Sa unang tingin, karaniwang bato lamang ang makikita sa kabundukan ng T’boli, Mindanao. Ngunit sa mata ng mga mananaliksik, ang mga batong ito ay maaaring magtaglay hindi lamang ng mahahalagang mineral tulad ng ginto at pilak, kundi pati na rin ng posibleng panganib. Upang mas mapagaralan ang epekto ng mga mineral deposit sa kalikasan at seguridad ng lupain, nagsagawa ng masusing pananaliksik ang mga guro at iskolar ng Pisay-Davao sa mga yamang-lupa ng lugar. Naisakatuparan ng guro ng PSHS-SMC, na si G. Alan Royce Tizon, kasama ang kanyang mga mag-aaral, ang pananaliksik na “Characteristics of the Kematu epithermal gold
deposit at Tboli, Mindanao, Philippines”. Layunin ng pag-aaral na ipaliwanag ang proseso ng pagbuo ng mga mineral at masusing suriin ang komposisyon ng mga yamang-lupa sa Mindanao.
If we study the deposit further, we will be able to identify theminerals. This gives me an idea of how to manage the deposit itself. Moreover, if we understand the deposit, we also know how to properly and responsibly navigate a hazardous environment.
ani Alan Royce Tizon, guromananaliksik ng PSHS-SMC.
Ayon sa kanilang pag-aaral, tinatayang mayroong humigitkumulang 3.8 milyong tonelada ng mineral sa T’boli, South Cotabato. Natuklasan din nila na ang mga depositong ito ay may direktang
Tahanang bag
Mabisang nesting sites para sa tinukoy ng iskolars gamit ang
Naroon sa himpapawid ng Katimugang Pilipinas ang mga agilang minsang naghahari sa kalangitan. Subalit, sa patuloy na pagkalbo at pagkasira ng kalikasan, unti-unti silang napipilitang lumisan, hinahawi mula sa kagubatang matagal na nilang tahanan. Ngunit paano kung maaaring matunton ang kanilang natitirang mga kanlungan mula mismo sa kalangitan? Gamit ang satellite imaging, sinuri ng mga mag-aaral-mananaliksik mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang mga posibleng pugaran o nesting site ng agila upang makatulong sa kanilang konserbasyon bago pa tuluyang maglaho ang mga ito.
Ayon sa Climate Change Commission, mahigit 1.42 milyong ektarya ng kagubatan ang nawala mula 2001 hanggang 2022, na nagbunsod ng lalong pagliit ng tirahan ng mga agilang umaasa sa matatayog na puno para sa kanilang tahanan. Sa bawat ektaryang naglalaho, bumababa rin ang kanilang populasyon, itinutulak silang lumipad palayo; sa mas delikadong teritoryo o sa bingit ng tuluyang pagkawala.
Kung kaya, upang matukoy ang mga lugar na maaaring maging tahanan ng mga agila, isinagawa nina Harriet Elaine R. Limpot at Yyoni Xandria M. Tiu ang pananaliksik na pinamagatang “GIS-Based Suitability Analysis of Possible Nesting Sites of the Pithecophaga Jefferyi (Philippine Eagle) at Mt. Apo Forests.” Sa tulong ng Geographic Information System (GIS), isang satellite imaging technology, at pagsusuri sa datos, natuklasan nila ang mga posibleng pugad ng mga agila batay sa mahahalagang ekolohikal na salik tulad ng
kaugnayan sa aktibidad ng Bulkang Parker o Mt. Melibengoy, na nagsimula noong Panahong Pliocene, humigit-kumulang 5.3 hanggang 2.6 milyong taon na ang nakalilipas, at nagpatuloy hanggang sa Panahong Holocene, mahigit 11,700 taon na ang nakaraan. Nagpapatunay ang mga natuklasang mineral sa T’boli sa mayamang geolohikal na katangian ng Pilipinas. Gayunpaman, kaakibat ng yamang ito ang panganib na dulot ng kalikasan—mula sa pagyanig ng lupa hanggang sa posibleng pagguho ng bundok. Sa patuloy na pananaliksik at maingat na paggamit ng mga likas na yaman, maaaring mapakinabangan ang potensyal nito habang pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga komunidad na itinuturing itong tahanan.
1.42M
ektarya ng kagubatan ang nawala mula 2001 hanggang 2022. (Ayon sa Climate Change Commission)
kasaganaan ng pagkain, densidad ng kagubatan, anyo ng kalupaan, at layo sa mga komunidad tao.
Batay sa mga elementong ito, nakabuo ang kanilang grupo ng detalyadong mapa nagpapakita ng mga potensyal na lugar para mga pugad sa Mt. Apo—isa sa natitirang kanlungan ng pambansang ibon ng Pilipinas. Konserbasyon ng agila
Because Philippine eagles are considered as critically endangered, there is a need for increased environmental concern and attention for its preservation,” “ ani Harriet Elaine Limpot at Yyoni Xandria Tiu, mga estudyanteng mananaliksik ng PSHS-SMC.
Sa kabila ng mga pagsusumikap sa konserbasyon, patuloy na nababawasan tirahan ng mga agila dulot ng malawakang pagkalbo ng kagubatan. Ang mga epektong nagiging sanhi ng pagkawala ng mga lugar saan sila maaaring magtago at magpugad. nawalan pa ng mga pook na ito, lalo lamang ang banta sa kanilang populasyon.
“The map would ensure secure and sustainable
DIANA NICOLE R. GAER
KUHA NI: Alan Royce Tizon
YAMANG BIYAK. Maingat na hinahati ng mananaliksik ang mineral upang suriin ang mga katangiang taglay nito.
PHILIPPINE EAGLE
Sea turtle hatchlings, pinalaya ng Pisay volunteers; pawikan sanctuary
SIL VENNXAE O. NECESITO
Sa pamamagitan ng paglilinis ng baybayin, pagtatanim ng bakawan, at pagkalinga sa mga sinagip na pawikan, ipinamalas ng mga mag-aaral at guro mula sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang kanilang malasakit sa kalikasan sa isinagawang aktibidad noong Pebrero 1, 2025 sa Aboitiz Cleanergy Park, isang santuwaryo ng mga pawikan sa Punta Dumalag, Matina Aplaya.
Isa sa mga pangunahing bahagi ng aktibidad ang pagpapalaya ng mga bagong pisang pawikan patungo sa dagat. Sa panonood ng paglalakbay ng mga hatchling patungong karagatan, nasaksihan ng mga estudyante ang aktwal na proseso ng konserbasyon bilang bahagi ng kanilang gawaing pangkalikasan.
“Project Baybayon is all about saving the sea turtles and our environment. There, we got to clean the area, meet baby turtles, see turtles that are diseased, and learn how plastic damages these turtles,” pahayag ni Hannah Nicole Sison, isang mag-aaral at volunteer sa aktibidad.
Pinangunahan ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang na sina Eubby Dyllan T. Barrios, Karina Louise B. Dañganan, Johannes Claire G. Jalapon, at Audric Rianne S. Reyes ang proyektong ito bilang bahagi ng kanilang Social Science 6 Civic Engagement
Project, na naglalayong isulong ang Sustainable Development Goals (SDG) 12 o “Responsible Consumption and Production” at SDG 14 o “Life Below Water.”
Like, our mentor said, ‘You are not supposed to be here. You’re not supposed to clean up after other people because that is their own responsibility.
ani Hannah Nicole Sison, PSHS-SMC student-volunteer sa Aboitiz Cleanergy Park.
Ayon sa datos ng World Bank, mahigit 2.7 milyong tonelada ng plastik ang itinatapon sa Pilipinas bawat taon, at 20% nito ay napupunta sa karagatan. Dahil dito, nalalagay sa panganib ang mga pawikan, dahil maaaring mapagkamalan nilang pagkain ang mga plastik, tulad ng mga dikya, na maaaring magdulot ng pagbara sa kanilang sistema at posibleng ikamatay nila. Kung kaya, sinabi ni Sison na “It helps that we are learning about research and getting a grasp on what it is. It gives an idea that, ‘Oh, we can use these problems to turn them into a solution.’ So as a student, I would like to keep on thinking about innovative ideas to help save Earth’s biodiversity.”
6.5M pawikan ang naiiwan sa wild. (Ayon sa Earth.org.)
(Ayon sa pananaliksik ng iskolars.)
Guso bioplastic
Red algae, ginger extract, tugon sa plastic pollution
EDELWEIS IEYA L. GABRONINO
lang taon na ang paghahanap ng
Ikinabukasan.
Sinuri ng mga mag-aaral sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) na sina Raisha Cabrera, Keene Dampal, at Halcyone De Leon ang pag-aaral na “Investigating the Potential of Kappaphycus alvarezii Biofilms Infused with Ginger Essential Oil as Sustainable Alternatives to Petroleum-Based Plastics.”
Pinag-aralan nila ang tibay, water resistance, at antibacterial properties ng kanilang bioplastic, isang alternatibong materyal sa nakasanayang petroleumbased plastics, upang masuri ang pagiging epektibo nito.
Mo
2.7 milyong tonelada ng plastic waste ang nabubuo sa Pilipinas bawat taon. (AyonsaWorldBank)
napapansin, ay may hawak na potensyal na maaaring humubog sa
“Napansin namin na ang ginger essential oil ay may antimicrobial at hydrophobic properties. Sa pagsasama nito sa red seaweed-based biofilms, tinitingnan namin kung paano ito makatutulong sa paggawa ng mas matibay at biodegradable na plastic,” saad ni De Leon. Sa isinagawang eksperimento, natuklasan na ang biofilms na may 3% ginger essential oil ay may pinakamahusay na water resistance at antibacterial activity laban sa mga bakterya, higit na sa Staphylococcus aureus isang pangkaraniwang mikrobyo na nagkokontamina sa pagkain. Bukod dito, napatunayang nabubulok ito sa loob ng pitong araw, isang malaking hakbang patungo sa mas sustenableng packaging material.
May malaking potensyal ang pananaliksik na ito sa pagbabawas ng polusyon sa plastik. Kung mas mapapalawak ang mga pag-aaral at inobasyon, maaaring magbigay-daan ito sa mas ligtas na alternatibo para sa hinaharap.
Nadiskubre namin na ang ginger essential oil ay may malakas na antimicrobial at hydrophobic properties. Sa pagsasama nito sa red seaweed-based biofilms, pinagaaralan namin kung paano ito makapagbibigay daan sa mas matibay, biodegradable, at ekolohikal na alternatibo sa plastik,”
ani Halcyone De Leon, isang mananaliksik mula sa PSHS-SMC.
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
aliban sa higit na seguridad na dala ng panibagong polymer na perang papel na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong 2025 sa buong bansa, makabuluhan din ito sapagkat hindi ito madaling marumihan at mabasa. Ayon sa Consumer Expectation Survey ng BSP, 61.3% ang sumasang-ayon sa panukala. Gayunpaman, may mga tumututol sa pagtanggal ng larawan ng mga bayani kapalit ng hayop na likas sa bansa. Bagamat mahalaga ang pagbibigay-pansin sa ating likas na yaman, paninindigan kong nararapat ding may konkretong solusyon ang pamahalaan sa mga suliraning kinakaharap nito. Kabilang ang Pilipinas sa 18 mga bansang tinaguriang mega-biodiverse ng Convention on Biological Diversity (CBD), taglay ang 70% hanggang 80% ng lahat ng uri ng halaman at hayop sa mundo. Kung kaya, inilapat ng ating pamahalaan ang Republic Act (RA) 7586 at 11038 o mas kilala bilang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act. Ipinahihiwatig nito na iniako ng pamahalaan ang kanilang tungkulin
na hadlangan ang anumang pipinsala sa mga yamang ito. Gayunpaman, kalakip ng patuloy na pag-unlad ng ating mga siyudad, dahandahang kinukubkob ng pinsala ang kalikasang para naman sa ating kabahagi sa mundo – mga halaman at hayop. Bilang patunay, 1.42 milyong ektarya o katumbas ng 7.6% ng ating mga kagubatan ang nawala mula taong 2001 hanggang 2022. Samakatuwid, idinidiin ng mga bilang na ito ang panawagan ng ika-13 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) o “Climate Action”. Mahigit isang dekada na mula noong inilunsad ng ating pamahalaan ang Philippines National Climate Change Action Plan na nagsimula noong 2011 at iminungkahing tatapusin sa darating na 2028. Mayroon man tayong planong inilatag upang tugunan ang suliraning ito, batay sa survey ng Harvard Humanitarian Initiative (HHI), 78% ng mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa mga kilos ng pamahalaan hinggil sa pagbabago ng klima. Isinisiwalat nito ang kakulangan sa konkretong tugon ukol sa suliraning kinakaharap ng ating kalikasan.
Sa pagsugpo ng suliranin sa pagbabago ng klima sa Pilipinas, hindi sapat ang idikit sa perang papel ang mga larawan ng mga hayop na likas sa ating bansa. Habang nabibigyan ng panukalang ito ng pagkilala sa ating lipunan, nararapat ding mabahaginan sila ng tiyak na solusyon mula sa ating pamahalaan at Department of Environment and Natural Resources (DENR) tulad ng pagpapaigiting sa plano nila hinggil dito. Hindi sa mga larawan sa mga salapi nagtatapos ang ating laban sa pagprotekta sa ating mga kayamanan kung hindi sa pagtugon sa kasalatan ng kilos ukol sa pagsugpo ng suliranin.
mga ekolohikal na solusyon upang maiwasan ang plastik sa karagatan at kalupaan ng Pilipinas. Bukod pa sa plastik, marami din sa Pilipinas ang Kappaphycusalvareziio mas kilala bilang red algae
guso, at ang laging nakikita natin sa ating mga putahe: luya. Ngunit ang dalawang likas na yaman na ito, palasak ngunit hindi lubos
isang mas luntiang
Kakulangan sa pondo para sa nasisirang biodiversity ng PH
KUHA NI: G. Johnel Lumacao LINGAP-PAWIKAN. Maingat na nililinisan ni Adrielle Reduta ang isang rescued sea turtle bilang bahagi ng pangangalaga sa likas na yaman sa fisheries immersion.
AG-TEK
Monkey science
2 kaso ng mpox, naitala sa Davao City; Pisay, disease watch center, naghahanda kontra ‘pandemya’
SIL VENNXAE NECESITO
Tahimik ang mga lansangan, walang katao-tao ang mga pamilihan, at nababalot ng pangamba ang bawat tahanan—ito ang reyalidad ng biglaang pagbabagong dulot ng pandemya. Arawaraw, may bagong sakit na natutuklasan, na lalo pang nagpapalalim sa takot ng mamamayan. Sa likod ng lahat ng ito, tahimik ngunit buong tapang na kumikilos ang mga siyentista at mananaliksik, nangunguna sa laban para masugpo ang lumalalang banta sa kalusugan ng mundo. Kamakailan, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang dalawang kaso ng monkeypox o mpox sa lungsod ng Davao. Isa itong paalala na bagamat tila bumabalik sa normal ang lahat, hindi pa rin ganap na ligtas ang mundo mula sa panganib ng mga bagong sakit.
Bilang tugon, pinagtibay ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at ng Mindanao Center for Disease Watch and Analytics (DiWA) ang kanilang kolaborasyon upang makapaghatid ng makabago at epektibong estratehiya sa pag-iwas at pagtugon sa mga sakit. Sa pangunguna ng mga iskolar at eksperto, isinusulong ang mga inisyatibang nakatuon sa pagsusuri ng datos, maagang pagtukoy sa mga outbreak, at mas epektibong komunikasyong pangkalusugan.
“Aktibong nakikipag-ugnayan ang aming sentro sa mga health center sa buong Mindanao at sa
DOH upang makakalap ng mahahalagang datos. Naniniwala kami na ang matibay na kolaborasyon ang susi sa epektibong pagtugon sa mga hamong pangkalusugan,” pahayag ni Ms. Laylan Andao, mananaliksik mula sa DiWA. Sa pamamagitan ng pananaliksik, nagiging mas makabuluhan ang mga datos. Ginagamit ang mga ito bilang batayan ng mga babala, oportunidad, at gabay sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiyang epektibo sa pagpigil at pamamahala ng mga sakit.
Paketeng lunas
Antibacterial chitosan-carabao grass food packaging, likha ng Pisay researchers
IKRSIHNA JAZZ ARES at EDELWEIS IEYA GABRONINO
sa sa pangunahing suliraning kinakaharap ng mundo ang pagkasira at pagkapanis ng mga pagkain. Sa katunayan, idineklara ng World Health Organization (WHO) na umabot sa 600 milyong tao ang nahawaan at 420,000 na namatay dahil sa mga foodborne na sakit sa buong mundo habang tumaas ng 42 bahagdan ang kaso ng mga sakit na ito sa Pilipinas. Maaaring ikamatay ang kontaminadong pagkain dahil sa lason mula sa dumadaming mikrobyo.
Upang masolusyonan ito, pinag-aralan nina Christian Gabriel L. Baron, Napoleon V. Delos Reyes III, at Vince Godwin Q. Verzo mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang potensyal ng chitosan at carabao grass sa paggawa ng food packaging. Ginagamit ito upang maiwasan ang kontaminasyon ng mikrobyong nakasisira sa kalidad at lasa ng pagkain. Sa kanilang pag-aaral, ginamit ang chitosan— isang nabubulok na materyales mula sa balat ng hipon—bilang pangunahing sangkap ng bioplastic. Inihalo ito sa acetic acid at glycerol, na tumutulong sa pagdikit ng molecules upang makabuo ng manipis at matibay na plastik. Idinagdag din ang katas ng carabao grass, kilala bilang kalo-kawayan sa Katagalugan at kauatkauat sa Visayas at Mindanao. Karaniwan itong halamang ornamental na may makintab na dahon at sumasangang ugat. Ang nilagang katas nito ay ginagamit laban sa impeksyon dahil mayaman ito sa glycosides, saponins, at triterpenes—natural na kemikal na lumalaban sa mikrobyo.
Bukod sa maiwasan ang mabilis na pagkasira ng pagkain, napatunayan din namin na kahit simpleng ornamental plants katulad ng carabao grass ay makatulong din para maibsan ang mga mikrobyong nasa hapagkainan. Kaya we proved na carabao grass is so much more than what society envisions it to be, and that is what innovation means for us as young scientists to go beyond those expectations.
mungkahi ni Vince Verzo, Grade 12 researcher.
Sa mundong balot sa sigalot ng mga nakahahawang mikrobyo, inobasyon ang pundasyon upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit. Sa tamang timpla ng pagkamalikhain at pagiging madiskarte, hindi lamang lunas ang matatagpuan sa paketeng ito kundi ang pagbabagong alay ng siyensiya sa bayan.
Layunin naming ipakita sa mga mag-aaral kung gaano kahalaga ang pananaliksik sa pagpigil sa pagkalat ng mga sakit. Balang araw, sila rin ang magiging lider sa sektor ng kalusugan.
ani Ms.LaylanAndao mananaliksik mula sa DiWA.
Sama-samang pagtuklas
Dahil dito, higit na pinahahalagahan ang ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral at mga eksperto. Sa pamamagitan ng kolaborasyon sa iba’t ibang research center at unibersidad, natututunan ng mga iskolar ang paggamit ng estadistika at teknolohiya
upang mas mapalalim ang pag-unawa sa mga pattern ng pagkalat ng sakit.
“Sa pamamagitan ng mga science internship sa PSHS at iba pang unibersidad, isinusulong namin ang paggamit ng estadistika para pag-aralan ang mga outbreak at mapahusay ang response strategies,” dagdag pa ni Andao. Kabilang sa mga kasalukuyang proyekto ang paggamit ng matematikong modelo upang pag-aralan ang pagkalat ng mpox. Ginagamit din ang mga makabagong kasangkapan at molekular na datos upang matukoy kung may panibagong variant ng virus.
“Naniniwala ako na mahalagang tingnan ang kabuuang larawan—hindi lamang ang epekto sa populasyon, kundi pati ang maliliit na aspekto ng sakit tulad ng DNA ng virus,” pahayag ni Ivy Panogalinog, isang bioinformatician mula sa DiWA. Dahil sa research-based curriculum ng PSHS-SMC at pagtutok nito sa mga makabagong teknolohiya tulad ng artificial intelligence (AI), nagkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na aktibong makilahok sa pananaliksik at lumikha ng mga solusyon para sa mga hamong pangkalusugan ng kasalukuyan at hinaharap. Sa panahon ng lumalalang banta sa kalusugan, higit kailanman ay kailangan ang kolaborasyon at aksyon. Sa tulong ng samasamang pananaliksik ng mga eksperto at iskolar, naisasalin ang kaalaman tungo sa konkretong solusyon—para sa mas ligtas na kinabukasan.
Iwas-mpox: Mga paraan ng pag-iingat
(Ayon sa Department of Health)
Maghugas ng kamay Iwasan ang direktang kontak sa may pantal o sugat
1 2 3 4
Magpatingin kung sintomasmay
Alamin ang tamang impormasyon Top 3 foodborne pathogens
(Ayon sa World Health Organization, taon-taon)
Labang presyon
Neurosurgeon, naglatag ng life hacks kontra ‘academic-induced’ stroke
SIL VENNXAE O. NECESITO
HFloral cyber-med
Santan-based SARS-CoV ‘drug candidates,’ nasilip ng Pisay via molecular docking
Sa mundong pinapabilis ng teknolohiya, isang panibagong yugto ng panggagamot laban sa mga sakit na nagbabanta sa kalusugan ng mamamayan ang nagbubukas. Tila isang susing bumubukas sa kaalaman ang paggamit ng molecular docking—isang makabagong paraan ng pagsusuri sa pamamagitan ng kompyuter—sa pagtuklas ng lunas mula sa mga halamang matagal na nating nakakasalamuha. Isa sa mga ito ang karaniwang santan: isang bulaklak na madalas lamang nating nakikitang palamuti sa hardin.
Sa pananaliksik nina Daniel Jan M. Garay, Matthew M. Gutierrez, at Zach Enrico D. Tia, mga mag-aaral ng Philippine Science High School – Southern Mindanao Campus, sinuri nila ang Ixora coccinea o santan at natuklasan ang potensyal nitong pigilan ang
indi inaasahan na sa murang edad pa lamang ay haharapin na ng iilan ang pagsubok na dala ng stroke—ang biglaang paghinto ng daloy ng dugo sa utak na maaaring magdulot ng malubhang epekto sa kalusugan o, mas masaklap, kamatayan. Kamakailan, isang mag-aaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang nakaranas ng kondisyong ito, na nagdulot ng pag-aalala sa kalagayan ng kalusugan ng mga kabataan.
SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19. Sinubukan nila ang mga sangkap tulad ng rutin at quercetin, na kilala bilang mga “drug candidates” mula sa santan.
“Gusto naming subukan ang teknolohiyang abot-kaya para sa mga estudyanteng tulad namin. Sa tulong ng aming mga mentor, natutunan naming gamitin ang computer upang makita kung maaaring mamatay ang virus kapag ‘kakapit’ dito ang isang kemikal,” ani Zach Tia. Hindi sa tradisyunal na paraan ginawa ang pagsusuri sa halamang gamot. Sa halip, ginamit nila ang in silico method, isang proseso kung saan sinusubukan sa computer kung kaya ng isang kemikal na kumabit sa bahagi ng virus. Sa iba’t ibang larangan ng agham, ginagamit ang in silico method upang ipakita ang pakikipag-ugnayan ng mga molekula at tuklasin ang istruktura ng mga
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang stress, sedentary lifestyle, at labis na paggamit ng teknolohiya, tumataas ang kaso ng stroke kahit sa mas batang edad. Ayon kay Dr. Euvin Paul G. Lagapa, isang neurosurgeon na nakapanayam ng Bagwis-Agham, kung dati ay mas madalas itong makita sa mga nasa edad 40 pataas, ngayon ay maraming nagkakaroon nito sa kanilang 20s at 30s. Dahil dito, nagbigay siya ng mahahalagang payo upang mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang stroke.
1
kemikal bago isagawa ang eksperimento.
Nais naming lumikha ng solusyong abotkaya, lalo na sa mga komunidad na walang agarang access sa ospital, at mga indibidwal na walang pera upang bumili ng gamot.
ani Daniel Garay, Grade 12 santan researcher.
Bukod sa
SIL VENNXAE NECESITO
kasalukuyang medisina, layunin nilang tumuklas ng isang alternatibong mas malapit sa kalikasan at sa karaniwang Pilipino.
Ayon kay Dr. Lagapa, mahalagang limitahan ang pag-inom ng kape, energy drinks, at iba pang inuming may caffeine, dahil maaari itong magpataas ng blood pressure—isang pangunahing sanhi stroke. Sa halip, mas mainam na uminom ng tubig o masustansyang inumin upang mapanatili ang tamang hydration at
na daloy ng dugo.
KUHA NI: Zyescha Kiz Lim TUKLAS-LIKAS. Sinisiyasat ni Sil Vennxae Necesito ang physical properties ng santan sa PSHS-SMC.
BAGONG TUKLAS
na Pahayagang Filipino
Sagip-pantog
Abot-kayang microfluidics para sa UTI detection, inobasyon ng mag-aaral
SIL VENNXAE NECESITO
Tahimik ngunit mapanganib—isang pangkaraniwang impeksyon ang Urinary Tract Infection (UTI) na maaaring magsimula sa simpleng pananakit ng hawak subalit mauwi sa malubhang komplikasyon kung hindi agad mapasuri. Ayon sa datos ng National Institutes of Health (NIH), tinatayang mayroong 404.61 milyong kaso ng UTI sa buong mundo noong 2019, habang 236,790 katao ang namatay dahil dito.
Upang matugunan ang pangangailangan sa maagang pagtukoy at paggamot ng UTI, isang makabagong kasangkapan na gumagamit ng microfluidics ang binuo ng mga mag-aaral mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus na sina Camille Jilliane D. Puentespina at Erdsan Rene O. Suero II. Naglalayon ang kanilang imbesyong gawing mas mura, mas mabilis, at mas epektibo ang pagsusuri ng sakit.
“UTI is very common, but currently, the technology used to diagnose it is expensive and often inaccessible.” paliwanag ni Puentespina.
Ayon sa kanilang pag-aaral, ang microfluidics—ang agham ng paggalaw ng likido sa loob ng napakaliit na mga daluyan—ay may potensyal sa maagang pag-detect ng UTI. Ginamit nila ang pagsusuri sa nitrite, leukocyte esterase, at pH sa pamamagitan ng colorimetric assays, isang proseso na tumutukoy kung may UTI ang isang tao batay sa pagbabago ng kulay sa reaksyon ng mga kemikal sa isang sample ng ihi.
“The students determined the precise dimensions of their device—such as height, hole diameter, and channel length—in their invention called the Tubular Urinary Basin Section (TUBS) to find the most effective combination.” paliwanag ni Sharon M. Dejarme, kanilang tagapayo sa pananaliksik.
Dahil sa kanilang tagumpay, na-patent ng mga mag-aaral ang kanilang imbensyon— isang aparatong mas mura, epektibo, at sensitibo, na may mas mabilis na oras ng pagproseso kumpara sa tradisyunal na mga pagsusuring medikal.
Dengue hotspot analysis sa Davao, isinakatuparan ng Pisay
SIL VENNXAE NECESITO
Kagat-free
K85%
ng UTI ay mula sa bakteryang
E.coli
It was one of the first times that our school was able to patent a device. This just shows the potential of these scholars to innovate something to help the community.
ani Dr. Sharon Dejarme tagapayo ng pananaliksik.
Sa tulong ng ganitong inobasyon, nagiging mas abot-kaya at madaling ma-access ang teknolohiya para sa maagang pagsusuri ng UTI—isang hakbang patungo sa mas mabilis at mas epektibong pangangalaga sa kalusugan.
asabay ng pag-unlad ng mga lungsod sa Pilipinas ang pagtaas ng panganib na dala ng sakit na Dengue. Nagsisilbing paraiso sa mga lamok na Aedes aegypti ang mga mataong lungsod na may saganang lugar na maaaring pamugaran, tulad ng nakatiwangwang na tubig sa kanal, gulong, at iba pang lalagyan. Sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng Dengue sa lungsod ng Davao, isang pangkat ng mga mag-aaral mula sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) ang nagsagawa ng pananaliksik upang tukuyin ang mga hotspot ng sakit at alamin ang mga salik na nagaambag sa pagkalat nito.
Sinuri ng mga iskolar na sina Gian Luis Navalta, Jules Clarence Lumantas, at Ryan David Maquiling ang datos ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa kaso ng Dengue mula 2019 hanggang 2023 gamit ang statistical software. Kanilang tinukoy ang mga barangay sa Davao na nagiging hotspot ng sakit—
Citrus-derived mosquito repellant, pinabisa ng iskolars
ESTELLE ZOE ATHENA MATURAN at SIL VENNXAE NECESITO
Sa gitna ng lumulobong bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa, tatlong mag-aaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) mula sa ika-12 baitang na sina Cheska Marie Abella, Michelle Antoinette Dalangin, at Krystelle Lucia San Miguel ay matagumpay na nagwagi ng gintong medalya sa 2024 PSHS System Science Research Summit sa kanilang pananaliksik na “Application of Ureaformaldehyde Microencapsulated D-limonene Oil in
nilikha ng mga magaaral ang napakaliit na mga kapsulang naglalaman ng D-limonene oil,
mahalagang energy caffeine, blood ng uminom upang maayos
(Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention)
mga lugar na may mas mataas na insidente ng Dengue kumpara sa iba.
“First and foremost, since Davao is an urban city, it is naturally prone to dengue cases. Before, cases went down, but now they are rising again.” ani Maquiling.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Dengue ay isa sa pinakamabilis kumalat na vectorborne diseases, o mga sakit na napapsa ng hayop, sa mundo, na may mahigit 390 milyong kaso taun-taon.
Sa Davao, patuloy na tumataas ang kaso ng Dengue, na maaaring dulot ng urbanisasyon, kakulangan sa tamang pagtatapon ng basura, at pabago-bagong klima na lumilikha ng mas maraming breeding sites para sa lamok.
“Most hotspots kay gi-correlate namin sa kanilang population. Most hotspot na barangay ay highly populated siya. So nag-factor din siya sa pollution na nag-cause ng mosquito breeding spots,” dagdag ni
Maquiling.
Dagdag pa nila, mahalaga ang masusing pagsusuri sa hotspots upang matukoy kung aling mga barangay ang nangangailangan ng agarang aksyon, tulad ng mas pinaigting na fogging operations, paglilinis ng mga kanal at stagnant water sources, at edukasyon sa komunidad tungkol sa tamang Dengue prevention.
“Akin lang, dapat mas mapalawak ang awareness ng mga tao at mas marami pang aksyon ang gawin ng gobyerno kasi tumataas talaga ang kaso ng dengue,” pahayag nila, “Aming wish lang, gamit ang aming research, sana may magawang konkretong solusyon ang government.”
Sa patuloy na paglaban ng lungsod sa Dengue, naniniwala ang mga iskolar-mananaliksik na ang agham at datos ay may mahalagang papel sa pagbibigay-solusyon sa lumalalang suliranin.
isang uri ng langis na nagmumula sa citrus at kilala sa kakayahang itaboy ang mga lamok sa amoy nito. Linilalapat ang mga kapsulang ito sa tela ng koton fabric, kung saan unti-unting nilalabas ang langis sa loob ng mas mahabang panahon. Sa pamamagitan ng urea-formaldehyde, isang kemikal na bumabalot sa D-limonene oil, naproprotektahan ito mula sa mga elemento gaya ng tubig, liwanag, at hangin na nagpapabilis sa pagkawala ng bisa ng langis. Napapanahon ang pananaliksik na ito, lalo na nananatiling apektado ang mga paaralan sa bansa sa galamay ng Dengue. “Just from this school year, there have been eight reported dengue cases from the school,” pahayag ni Gng. Aileen Eguia, ang nars sa paaralan ng Pisay-Davao. Sa pamamagitan ng scanning electron microscopy (SEM), isang makabagong mikroskopyo
na gumagamit ng electron beam para makakuha ng detalyadong larawan ng mga napakaliit na bagay na hindi nakikita ng mata, napatunayan ng pag-aaral na mas tumagal nang 13 na araw ang bisa ng mga telang may microencapsulated D-limonene oil kumpara sa mga telang direktang nilagyan nito.
Sa bawat patak ng citrus, sumisilid ang tagumpay, talino, at dedikasyon ng henerasyon ng kabataang Pilipino. Habang ang mundo ay patuloy na umiikot at umuunlad, unti-unting lumilikha ang mga bagong henerasyon ng mga solusyong magbibigay-daan sa mas ligtas na kinabukasan. Isang kinabukasan kung saan ang simpleng katas ay maaaring maging pansagang ng lason ng lamok.
72%
ng mga kaso ng dengue sa Pilipinas mula 2010–2019 ay kaugnay ng pagtaas ng temperatura (Ayon sa pananaliksik)
Akin lang, dapat mas mapalawak ang awareness ng mga tao at mas marami pang aksyon ang gawin ng gobyerno kasi tumataas talaga ang kaso ng dengue. Aming wish lang, gamit ang aming research, sana may magawang konkretong solusyon ang government.
ani Gian Luis Navalta, dengue hotspot researcher ng PSHSSMC
12.
83 bacteria cultures, namatay sa brown-out; 3 buwang microbiology research ng mag-aaral, naantala
SIL VENNXAE NECESITO
Nagdulot ng pagkasira sa 83 bacterial cultures na ginagamit sa mga eksperimento ng mga mag-aaral para sa kanilang pananaliksik ang hindi inaasahang pagkawala ng kuryente sa Academic Building 1 ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) noong Disyembre 5, 2024. Ayon sa pamunuan ng paaralan, sanhi ng grounding sa electrical lines dulot ng matinding pag-ulan ang pagkawala ng kuryente, na nakaapekto sa mga kagamitang de-kuryente na kritikal sa mga eksperimento. Apektado sa insidente ang mga grupo nina
Christian Baron, Napoleon Delos Reyes, Vince Godwin Verzo, at iba pang mga estudyante na gumagamit ng mga bakteryang Staphylococcus aureus at Escherichia coli sa kanilang pananaliksik.
“Idineklara ni Ma’am Ferly Caga, [ang laboratory manager] na may malawakang kontaminasyon sa mga samples, kaya hindi kami pinapasok. Naiwan ang mga patay na cultures, at hindi rin namin makuha dahil kailangan pa ng decontamination,” ayon sa isang mag-aaralmananaliksik.
Bilang tugon, magpapatuloy ang laboratoryo
sa pagpapabuti ng pamamahala at pagbabawas ng panganib, kabilang ang mahigpit na paggamit ng logbook, daily monitoring ng culture samples, at dagdag na oryentasyon sa mga protocol at safety measures.
“We were able to recover and move forward with our research by learning to manage our time, and we focus na lang on finishing the writing the write-up of our manuscript kasi sayang po ang time and progress. Para at least po, diretso na defense by the time na matapos yung last phase ng experimentation since buo and complete na yung paper for grading,” ani pa
ni Baron.
Suhestiyon ng isang mag-aaral, “Sana mapalakas ang mga wirings sa Academic Building 1 para hindi maapektohan ng malakas na ulan, tulad ng mga bagong building na hindi naman naapektuhan.”
Sa kabila ng mga hamon, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang dedikasyon at kakayahang magpatuloy sa kabila ng sakuna, na nagsisilbing patunay ng kanilang kahandaan sa mga pagsubok sa larangan ng agham.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sapat na tulog. Maraming kabataan ang natutulog nang apat hanggang limang oras lamang dahil sa gadgets o dami ng gawain. Bagama’t maaaring kayanin ito sa murang edad, maaari itong magdulot ng pangmatagalang epekto tulad ng mataas na blood pressure at panghihina ng katawan. Upang mapanatili ang kalusugan, dapat makatulog nang hindi bababa sa pito hanggang walong oras bawat gabi. 2
Dagdag pa rito, kung nakararanas ng sintomas tulad ng matinding sakit ng ulo, pagkahilo, o panghihina, dapat itong ipagbigay-alam agad sa nakatatanda o ikonsulta sa doktor. Ang maagang pagtugon sa mga senyales ng stroke ay maaaring makatulong upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon. 3
Bagama’t mas karaniwan ito sa mga nakatatanda, lumalabas na maaaring magkaroon ng stroke ang mga kabataan kung hindi nila inaalagaan ang kanilang kalusugan. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at simpleng hakbang, maaaring maprotektahan ang katawan laban sa sakit na ito.
JULIA MICHAELA CERVANTES
Grade
KUHA NI: Sil Vennxae Necesito PAGSIYASAT. Maingat na kinukuha ni Dyll Marc Valdez ang sample ng ihi mula sa male CR para sa pagsusuri sa isang biology class.
KUHA NI: Sil Vennxae Necesito
MAPANURINGMATA. Nakatuon si Adeleine Bautista sa kompyuter upang magsuri ng datos mula sa Mindanao Philippine Genome Center.
ENERGY
EnerHiyas
Pisay: Bioethanol mula durian, saging, ‘mainam’ na panghalili sa fossil fuels
Sa patuloy na paglala ng climate change dulot ng labis na paggamit ng fossil fuels, isinagawa ng mga mag-aaral na sina Alexandrea M. Gamale, Lemiel LJ L. Acuña, at Sil Vennxae O. Necesito ang isang pananaliksik upang tukuyin ang potensyal ng Cavendish Banana at Puyat Durian bilang bioethanol—isang mas ligtas na alternatibong enerhiya. Ayon sa datos ng Energy Institute (2022), tinatayang 36.2 bilyong tonelada ng carbon dioxide (CO2) ang nailalabas sa atmospera bawat taon mula sa paggamit ng fossil fuels, na nagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa mundo. Ang pangunahing dahilan nito ay ang greenhouse effect, isang natural na proseso kung saan
nakakulong ang init ng araw sa mundo dahil sa labis na dami ng greenhouse gases gaya ng CO2. “Sa pamamagitan ng aming pananaliksik, layunin naming makatulong sa paglaban sa climate change gamit ang mga lokal na pananim upang makalikha ng renewable energy. Sa ganitong paraan, hindi lamang namin natutulungan ang mga magsasaka kundi nakakatulong din kami sa pangangalaga ng kalikasan,” paliwanag ni Acuña, isa sa mga mag-aaral-mananaliksik. Ayon naman sa Kagawaran ng Enerhiya, 23.42% lamang ng enerhiya sa bansa ang nagmumula sa renewable sources, at 1.06% lamang dito ang biomass fuel tulad ng bioethanol. Dahil dito, kinakailangang pag-aralan ang mas malawakang paggamit ng biofuels mula sa agricultural waste, lalo na’t sagana ito sa cellulose—isang compound na maaaring gawing glucose at iproseso bilang ethanol sa pamamagitan ng fermentation gamit ang Saccharomyces cerevisiae o yeast. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pananaliksik ng mga mag-aaral upang matukoy ang pinakamabisang kondisyon para sa produksyon ng bioethanol mula sa Cavendish Banana at Puyat Durian. Gayunpaman, nagpapakita ang kanilang pananaliksik sa potensyal na paggamit ng lokal na mga produkto sa pagtugon sa pandaigdigang hamon ng climate change.
metric tons ang inani sa Davao Region (2019).
Pinakamalubhang naaapektuhan ng climate change ang mga developing countries tulad ng Pilipinas, kahit na hindi tayo ang pangunahing nag-aambag sa carbon emissions... Gayunpaman, ito rin ay isang pagkakataon upang makahanap ng solusyon gamit ang ating saganang likas na yaman.
ani Lemiel LJ Acuña, Grade 11 researcher.
Tamis-anghang
PANGKALIKASAN
Balinghoy polymer
Lactic acid tech mula cassava, susi sa biodegradable plastic
U3.43M 78K 1.7 kg halaw sa Philippine Statistics Authority
halaw sa FreshPlaza
metric tons ang inani sa Davao Region (2023) reduction of carbon dioxide per liter.
halaw sa US Department of Energy.
pang mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas sa paglikha ng nabubulok na mga polymerbased product, nakipag-kolaborasyon ang mga mag-aaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) at University of the Philippines Mindanao (UP-Min) upang tuklasin ang makabagong paraan ng paggawa ng Polylactic Acid (PLA), isang klase ng biodegradable plastic, gamit ang cassava.
Gamit ang lactic acid fermentation, maaaring iproseso ang starch mula sa cassava upang makuha ang lactic acid, isang pangunahing sangkap sa paggawa ng PLA. Dahil sagana ang cassava sa Pilipinas, nagiging mas abot-kaya at mabisang alternatibo ito kumpara sa ibang pinagkukunan ng bioplastics.
In terms of efficiency, our technology is much more efficient because it cuts down on the process, especially in terms of time and cost of producing lactic acid.
ani Melvin S. Pasaporte, mananaliksik mula sa UP-Min.
Ayon sa Department of Science and Technology - Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD), umabot sa $3.81 bilyon ang halaga ng global lactic acid industry noong 2020. Dahil dito, lumalaki ang pangangailangan para sa mas maraming alternatibong plastic, kaya’t mas nagiging mahalaga ang mga pagsisikap sa pananaliksik tulad ng proyektong ito.
“And now we are also working on establishing our very own three pilot plants. One for biomass processing, fermentaion, the third is biopolymers pilot plants,” ani Pasaporte. Layunin nilang mapaunlad ang proseso upang maipatupad ito sa mas malawakang produksyon, na maaaring makatulong sa pagsulong ng biodegradable plastics sa bansa.
Sa patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad, maaaring maging pangunahing tagapagtaguyod ng biodegradable plastics ang Pilipinas sa rehiyon. Kung maisasakatuparan ang proyektong ito, magiging daan ito sa pagbawas ng plastik na basura at pagsusulong ng mas luntiang teknolohiya para sa hinaharap.
Bayabas-labuyo antibacterial extracts, nakalap ng Pisay scientists
ESTELLE ZOE ATHENA R. MATURAN
Sa bawat sulok ng Pilipinas, karaniwang matatagpuan ang mga puno ng bayabas at siling labuyo—mga prutas at pampalasang hindi lang masarap, kundi may mga benepisyong pangkalusugan. Ayon sa mga pananaliksik, ang bayabas at siling labuyo ay naglalaman ng mga kemikal na mayroong antimicrobial properties - katangiang maaaring gamitin panlaban sa mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit. Kung kaya, upang makabuo ng mas epektibong solusyon, maaari bang pagsamahin ang bayabas at siling labuyo
upang maging isang sandata laban sa bakterya?
Sinagot ang tanong na ito ng mga magaaral mula sa Philippines Science High School - Southern Mindanao Campus na sina Kid
Leocario, Faith Malintad, at Jerri Suelto sa kanilang pananaliksik na “Synergy Potential of Psidium guajava (Guava) and Capsicum frutescens (Labuyo) Fruit Extracts As Antimicrobial Agents Against Staphylococcus aureus And Escherichia coli.”
“Maraming kaming nakitang compound sa dahon ng bayabas tulad ng gallic acid at
EDITORYAL
capsaicin sa siling labuyo ang nagpakita ng potensyal bilang antimicrobial. Naisipan naming linangin ang antimicrobial activity nito upang malaman kung mas mabisa ito laban sa bakterya” ani ni Suelto.
Ayon sa National Library of Medicine (NIH), ang Staphylococcus aureus ay isang bakterya nagdudulot ng impeksyon sa baga tulad ng pneumonia, habang ang Escherichia coli o E. coli ay isa sa sanhi ng diarrhea sa ating bituka. Ang mga bakterya na nabanggit ay isa sa pinakamahirap puksain, hindi lamang dahil sa
SDG 3 ng tinutugunan ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng antibacterials sa larangan ng medisina.
kanilang karamihan kundi dahil din sa kanilang Antimicrobial resistance (AMR), ang kakayahang labanan ng mga bakterya ang mga gamot na kayang patayin ang mga mikrobyo.
Sa katunayan, ayon sa datos ng Institute for Health Metrics and Evaluation, mayroong 56,700 ang namamatay dahil sa AMR sa Pilipinas sa taong 2019.
pananaliksik na ang bayabas at siling labuyo, na karaniwang matatagpuan sa ating paligid, ay maaaring maging susi patungo sa mas epektibong pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pilipino.
MaLABO-RATORYO
Sa patuloy na pagtaas ng banta ng antimicrobial resistance, mahalagang bigyangpansin ang potensyal ng likas na yaman bilang alternatibong solusyon. Ipinapakita ng
Pagsiyasat sa naghihikahos na school laboratories sa Pinas
ESTELLE ZOE ATHENA R. MATURAN
ailangan ng agarang pagpapataas ng bilang ng mga laboratoryo sa mga paaralan sa Pilipinas upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ng agham. Ayon kay Cebu Third District Rep. Pablo John Garcia, humigit-kumulang 4,500 sa 13,000 na mataas na paaralan sa bansa ang walang access sa gumaganang science laboratories. Ang ating mga mag-aaral ay nangangailangan ng sapat na resources upang lubos na mapagyaman ang kanilang mga malikhain at mapaghangad na isipan.
Naglalaan na ang kasalukuyang administrasyon ng pondo para sa pagpapaunlad ng mga laboratoryo. Sa isang talumpati, inanunsyo ni Pangulong Marcos na naglaan ng P11.7 bilyon para sa mga proyektong pang-edukasyon, kabilang ang mga bagong silid-aralan at laboratoryo. Nagpapakita ang hakbang na ito ng positibong simula at pag-asa ng mga dagdag na pasilidad para sa mga mag-aaral. Gayunpaman, nakababahala na hindi nakakatugon sa pamantayan ang karamihan ng mga kasalukuyang laboratoryo sa bansa. Isang pag-aaral sa Davao del Sur sa nakaraang taon ang nagsiwalat na ang compliance rate ng mga napiling paaralan sa mga pasilidad ng laboratoryo ay 69.04% (good), kagamitan ay 65.59% (good), materyales ay 43.33% (fair), at pagsunod sa kinakailangang dami ay 50.39% (fair) lamang. Nagpapatunay ang mababang compliance rate na ito na hindi ligtas at hindi sapat ang mga kasalukuyang laboratoryo para sa mga mag-aaral. Higit sa lahat, hindi rin nakakatulong ang pagbawas ng pondo para sa agham at teknolohiya. Ang iminungkahing budget ng DOST para sa 2025 ay P49.253 bilyon, ngunit P28.772 bilyon lamang ang naaprubahan sa National Expenditure Program (NEP). Ang pagbawas na ito ay direktang makakaapekto sa kakayahan ng mga paaralan, gaya ng Pisay-Davao, na magpanatili at pagpapabuti ng kanilang mga laboratoryo. Patuloy na nalalagay sa panganib ang mga mag-aaral dahil sa hindi sapat na pasilidad. Isang halimbawa nito ang insidente sa Makati kung saan anim na mag-aaral ang nasugatan sa isang chemical explosion, na naganap dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa kanilang sariling paaralan. Ang ganitong mga insidente ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga ligtas at kumpleto na laboratoryo sa bawat paaralan. Ang kakulangan ng mga pasilidad at
4,500 high schools ang walang access sa gumaganang science labs.
kay Cebu Third District Rep. Pablo John Garcia)
kagamitang pang-laboratoryo ay hindi lamang isang simpleng isyu ng kaginhawahan at komportabilidad kundi isang mahalagang usapin ng kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng ating mga mag-aaral. Nararapat na palakasin ng Kagawaran ng Edukasyon ang kanilang programa sa pagpapagawa at pagpapaunlad ng mga laboratoryong pang-agham, at dapat ding tiyakin na may sapat na pondo para sa patuloy na pagpapanatili ng mga ito upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga magaaral. Huwag sanang mapagkaitan ang ating mga mag-aaral na Pilipino sa pagkakataong umambag sa ating bayan sapagkat sa bawat eksperimento at pagtuklas sa loob ng laboratoryo, gaano man ito kaliit, ay maaaring magbunga ng mga solusyong magpapaunlad sa ating bansa.
SIL VENNXAE NECESITO
SIL VENNXAE NECESITO
(Ayon
KUHA NI: Alexandrea Gamale LUNTIANGENERHIYA. Sinusuri ng isang iskolar ang kalidad ng durian rind para sa kaniyang pananaliksik.
KUHA NI: Johnel T. Lumacao PRODUKSYONGLOKAL. Sinasaka ng isang cassava farmer ang balinghoy na ginagawang biodegradable plastic.
Papaya bast fibers bilang water purifier, nadiskubre ng mag-aaral
RICAGEN GENITA
Habang patuloy na lumalala ang polusyon sa mga katawan ng tubig sa Pilipinas, isang hindi inaasahang solusyon ang lumitaw mula sa hibla ng tangkay ng papaya— isang materyal na karaniwang tinatapon lamang. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga magaaral mula sa PSHS-SMC, natuklasan nila ang potensyal ng mga hiblang ito sa pagtanggal ng mga tanso mula sa kontaminadong tubig. Maaaring magbigay ang kanilang natuklasan ng mas murang alternatibo sa paglilinis ng tubig, na makakatulong sa paglutas ng isang lumalaking problema.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), tanging 33% lamang ng mga ilog sa bansa ang itinuturing na ligtas na pagkukunan ng inuming tubig. Ipinapakita ng mataas na antas ng kontaminasyon ang agarang pangangailangan para sa mga makabago at epektibong solusyon sa mga hamong pangkalusugan at pangkaligtasan.
Dahil dito, naging sentro ng pananaliksik nina Dana Sofia B. Fernandez, Zaira Denise L. Fernandez, at Franz Achilles C. Lindayag, mga mag-aaral mula sa PSHS-SMC, ang pagsusuri sa Biosorption Potential of Carica Papaya
Bast Fibers for Copper (Cu2+) Ion Removal in Aqueous Solutions, para sa pagtanggal ng tanso sa mga kontaminadong tubig.
Since the Philippines is one of the top producers of papaya, we thought na why not tap into this underutilized byproduct? After reading studies that used plant fibers for biosorption, we explored if papaya bast fibers could work similarly for copper ion removal in water.
ani Franz Achilles Lindayag, mananaliksik mula sa PSHS-SMC.
Batay sa datos ng kanilang eksperimento, natuklasan nila na kayang i-absorb ng mga hibla ng tangkay ng papaya ang mga tanso mula sa tubig, ngunit hindi ito kasing epektibo ng tradisyonal na solusyon gamit ang activated carbon. Bagama’t mas maganda ang resulta ng activated carbon, mas mura naman para sa pangmatagalang alternatibo ang mga hibla ng papaya.
“The process to verify our results and defend it to the panel was difficult. You have to learn and unlearn a lot of things along the way—not just on your own, but with your groupmates, if you have any. And honestly, it’s a journey of growth,” pagtatapos ni Lindayag.
Sa isinagawang pag-aaral ng mga mag-aaral, ipinakita ang posibilidad ng paggamit ng natural na materyal bilang alternatibong solusyon sa mga isyu ng kalinisan ng tubig. Isinusulong ng kanilang proyekto ang SDG 6: Clean Water and Sanitation, patunay ng kakayahan ng mga iskolar na makatulong sa pandaigdigang pagsusumikap na tiyakin ang malinis at ligtas na tubig para sa lahat.
Upang matugunan ang pangangailangan para sa mas ligtas na proseso ng paggawa ng mga materyales na may sukat na hindi lalampas sa 100 nanometers o mga nanoparticles, sinaliksik ng mga mag-aaral ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus na sina Chynna Marie R. Abella, Diane Angeli T. Billones, at Mikael Nathan L. Limbo ang pag-aaral na pinamagatang “Green Synthesis of Zinc Oxide Nanoparticles Using Niyog-Niyogan (Combretum indicum) Leaf Extract as Reducing and Capping Agent and the Study of Its Photocatalytic Activity.”
Sa kanilang pananaliksik, gumamit ang mga mag-aaral ng natural na pamamaraan upang makagawa ng zinc oxide nanoparticles - isang sangkap na ginagamit sa mga sunscreen at water purification - gamit ang dahon ng niyogniyogan. Natuklasan nilang maaaring magsilbing likas na sangkap ang halaman sa proseso, na mas ligtas para sa kalikasan at sa tao.
“Kadalasang gumagamit ng mapanganib na kemikal ang tradisyunal na proseso ng nanoparticle synthesis, na maaaring magdulot ng kontaminasyon sa kapaligiran at panganib sa kalusugan ng tao,” ani Limbo, isa sa mga mananaliksik.
Ayon sa isang pag-aaral ng United Nations Environment Programme (UNEP), ang paggamit ng nakalalasong kemikal tulad ng ethylene glycol at sodium borohydride sa nanoparticle synthesis ay
Mango leaves bilang oil spill biosorbent, kinumpirma ng Pisay researchers
Isang makabago at ekolohikal na solusyon ang nabuo ng mga magaaral mula sa Philippine Science High School–Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) gamit ang Mangifera indica o dahon ng mangga, bilang isang alternatibong solusyon sa mga sintetikong kemikal sa oil spill cleanup.
“Oil spills are a significant environmental hazard, causing severe damage to aquatic ecosystems, wildlife, and human health, however, conventional cleanup methods, such as mechanical containment and chemical dispersants, often have limited effectiveness and can introduce additional environmental harm,” pahayag ng grupo sa kanilang research journal.
Isinagawa nina Faith Miralou Randing, John Bryan Arante, at John Gabriel Villegas ang proyektong ito bilang bahagi ng kanilang aralin sa agham at teknolohiya, na naglalayong makahanap ng sustainable na solusyon sa paglilinis ng langis mula sa tubig.
Sa kanilang eksperimento, natuklasan nilang kayang sumipsip ng langis ang mga dahon ng mangga, kahit na dumaan pa ito sa iba’t ibang kondisyon ng temperatura at init.
“Mango leaves were proven to have good sorption capacity, which is the maximum amount of substance a material can absorb,” saad ni Villegas, isa sa mga miyembro ng grupo.
Batay sa datos ang hilaw na dahon ng mangga ang may pinakamataas na
Using natural biosorbents like mango leaves can be a more accessible, affordable, and ecofriendly solution for oil spills compared to conventional methods.
pagtatapos ni John Gabriel Villegas, student-researcher sa Pisay-Davao.
nagreresulta sa produksyon ng hazardous waste na maaaring magdulot ng matinding polusyon sa tubig at hangin. Ipinaliwanag ni Limbo na ang proseso ng green synthesis ay isang mas ligtas at ekolohikal na alternatibo sa tradisyunal na chemical synthesis.
Sa halip na gumamit ng mapanganib na kemikal bilang reducing agent, ginamit namin ang extract mula sa dahon ng niyog-niyogan upang pasimulan ang proseso ng nanoparticle formation. Sa ganitong paraan, hindi lang namin pinapababa ang panganib sa kapaligiran, kundi nagbibigay rin kami ng posibilidad sa mas murang paraan ng produksyon.
Isang lumalawak na larangan sa agham ang green synthesis na gumagamit ng likas na sangkap upang makalikha ng nanoparticles nang hindi umaasa sa nakalalasong kemikal. Tulad na lamang ng niyog-niyogan, ang mga likas na kemikal na matatagpuan dito ay may kakayahang bumuo ng zinc oxide nanoparticles, kaya’t nagiging mas ligtas at mas mabilis ang proseso. “Sa aming pananaliksik, nais naming ipakita na posible ang pagsasama ng makabagong teknolohiya at pangangalaga sa kalikasan. Ang responsableng produksyon ng nanoparticles ay isang mahalagang hakbang sa pagsugpo sa kasalukuyang krisis pangkalikasan at sa paghahanap ng mas ligtas na alternatibo para sa hinaharap,” pagtatapos ni Limbo.
MUNTING luntian
SIL VENNXAE NECESITO
ani Mikael Limbo, iskolar ng Grade 12.
(Ayon sa pananaliksik)
KUHA NI: Alexandrea Gamale
HANDOG NG KALIKASAN
Election errors sa Pisay, winakasan ng AutoBallot
ALEXANDREA GAMALE
Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mahalagang aspeto ang digitalisasyon sa pangaraw-araw na pamumuhay. Gayundin, Isa sa mga pangunahing hamon sa panahon ng eleksyon ang pagtiyak ng mabilis at transparent na proseso. Bilang tugon sa hamong ito, sinaliksik ng mga mag-aaral ng Philippine Science High School – Southern Mindanao Campus ang AutoBallot, isang sistema na dinisenyo upang gawing mas madali ang validation, pagbibilang, at pagvisualize ng resulta ng Year-End Student Government Elections. Gamit ang Python 3.0, isang programming language, nagbunga ang pananaliksik nina Q J. Angos, Karlos Rafael U. Gelito, at Rod Vaughn B. Quinto sa isang software na naglalayong gawing mas mabilis ang proseso ng eleksyon sa paaralan. Ang proyektong ito ay hindi lamang nagtatampok ng husay sa agham at teknolohiya ng mga mag-aaral, kundi nagpapakita rin ng kanilang dedikasyon sa paglikha ng mga solusyong may praktikal na aplikasyon.
Binigyang-diin ni Ms. Pam G. Soriano, student-government adviser, na matagal nang naging hamon ang kawastuhan at katumpakan sa mano-manong bilangan ng boto. Aniya, “Human error is inevitable, especially in interpreting votes.” Dagdag pa niya, ang hirap sa pagbabasa ng sulatkamay ng ilang botante at ang mahabang proseso ng mano-manong bilangan ay nakapagpapabagal sa paglabas ng resulta. Sa nakaraang taon, ginamit ng Commission on Elections (COMELEC) ng PSHS-SMC ang AutoBallot.
When we tried it last year, it really made all the difference. Detailed logs and audit trails were created faster and processed accurately, reducing human inconsistencies. “ ani Pamela Soriano, tagapayo ng Student Government.
Nagpapakita ang inobasyong ito sa potensyal ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng mga tradisyunal na proseso at nagiging inspirasyon para sa iba pang institusyong pang-edukasyon na yakapin ang digitalisasyon bilang kasangkapan sa pagbabago.
Sweet battery
Supercapacitor na hango sa bayabas, binuo ng mga iskolar
SIL VENNXAE NECESITO
pang maisulong ang malinis at mabisang enerhiya, gumawa ang isang grupo ng mga mananaliksik sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus (PSHS SMC) ng activated carbon na magagamit sa mga supercapacitor—isang energy storage device—mula sa mga buto ng bayabas. Sa pag-aaral na Performance of Guava Seed Derived Activated Carbon for Use in Supercapacitors nina Nathaneal F. Batucan, Maher-Shalal-Hash Baz O. Diel, at Prinz Jakob C. Lim, natuklasang may kakayahan
“In connection to SDG 7, ‘Ensure access to affordable, reliable, sustainable and modern energy for all,’ AC-GS showed potential in being used as a supercapacitor electrode material due to its energy and power densities being within range of standard supercapacitor,” pabatid ng pag-aaral. Ayon sa pag-aaral, makatutulong ang natuklasang gamit ng mga buto ng bayabas sa mga supercapacitor sa pagsulong ng malinis na enerhiya dahil ginagamit ang mga ito bilang imbakan ng kuryente sa mga renewable energy depending on circumstance, such as the lack of solar energy when it is night, energy storage is imperative for these systems,” giit ng pag-aaral. Gayunpaman, kapos pa sa energy density—katangian na nagdidikta sa kapasidad ng isang materyal sa pag-store ng enerhiya— ang materyal na nabuo ng pag-aaral.
“Electrochemical analysis suggests the viability of activated carbon from guava seeds as an electrode material, albeit of lower quality,” hayag ng pananaliksik. Batay sa pagaaral, pinili ng mga mananaliksik ang bayabas bilang materyal para sa supercapacitor dahil kinokonsidera umano itong isang industrial waste sa industriya ng mga produktong pagkain at inumin kung kaya’t mas mura ito kumpara sa iba pang materyal pang supercapacitor ayon sa pag-aaral.
MAR-VEIGN-ROUZA-JANET O. DIEL at KENA ROSE D. SANCEBUTCHE
Hindi na bago sa mga Pilipino ang karaniwang eksenang tila pagkarera ng ambulansya sa gitna ng nagsisikipang kalsada, na tila walang makuhang daan sa gitna ng trapiko. Ayon sa datos mula sa Industrial Engineering and Operations Management Authority, umaabot sa 15 - 30 minuto ang average response time ng mga ambulansya sa mga urban areas— oras na madalas ay nagiging kritikal sa pagitan ng buhay at kamatayan. Isang makabagong solusyon ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa taunang STEM Fair 2025 na ginanap sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) noong Abril 23, 2025. Isa sa mga proyektong umani ng papuri ay mula sa isang grupo ng Grade 9 students: isang AI-aided traffic light system na layuning pabilisin ang pagresponde
ng mga ambulansya sa mga emerhensiya.
“Layunin naming gamitin ang AI hindi lang para sa kaginhawaan, kundi para sa pagligtas ng buhay,” ani ng isa sa mga estudyante habang ipinapaliwanag ang kanilang proyekto sa mga hurado.
Ipinakilala ng Grade 9 scholars ang kanilang prototype—isang AI-aided traffic light system na may kakayahang makilala ang anyo ng isang paparating na ambulansya. Gamit ang artificial intelligence, kusang magpapalit ng ilaw ang traffic light system upang bigyangdaan ang ambulansya—nag-iilaw ng berde sa rutang daraanan nito, at pula naman sa mga kasalubong o intersecting lanes upang mapadali ang pagdaan.
In connection to SDG 7, ‘Ensure access to affordable, reliable, sustainable and modern energy for all,’ AC-GS showed potential in being used as a supercapacitor electrode material due to its energy and power densities being within range of standard supercapacitor.
ayon sa pananaliksik.
Sa UN SDG 7, tinutugunan ang mga kakulangan at climate-friendly concerns ng enerhiya
NI: Zyescha Kiz Lim
INOBATIBO.Binubuo ni Arfred Sanchez ang isang arduinobased mechanism sa kaniyang klase sa engineering at gamit ang kagamitan ng PSHS-SMC.
Ang bawat minutong matitipid ay maaaring magsalba ng buhay, lalo na sa mga kaso ng cardiac arrest, stroke, o matinding trauma kung saan mahalaga ang ‘golden hour.’
ayon sa Grade 9.
Sa Pilipinas, nananatiling suliranin ang matinding trapiko na umaabot sa 40% congestion level sa mga lungsod tulad ng Davao, Manila, at Caloocan, ayon sa 2024 TomTom Traffic Index. Madalas ay nagiging hadlang ito sa mabilis na pagresponde ng
mga emergency vehicles, na humahantong sa pagkaantala ng serbisyo at, sa mas malalang kaso, pagkasawi ng pasyente.
“Bagamat simple pa lamang ang aming prototype, naniniwala kaming maaari itong i-scale up at maipatupad sa mas malawak na saklaw, tulad ng buong lungsod,” pagtatapos ng grupo.
Ipinapakita ng kanilang proyekto ang posibilidad ng paggamit ng artificial intelligence sa mga solusyong tumutugon sa mga suliranin sa transportasyon at serbisyong medikal. Bagama’t nasa prototype stage pa lamang, ipinapahiwatig ng kanilang pananaliksik na may potensyal itong magamit sa mas malawak na urban infrastructure, upang mapabuti ang daloy ng trapiko at mapabilis ang emergency response sa mga lungsod.
aglay ng teknolohiya ang kapangyarihang magbukas ng mga pinto tungo sa pag-unlad, ngunit maaari rin itong magdulot ng kapahamakan sa lipunan. Sa pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI) na nagbabago sa mundo, isang kasangkapan ang edukasyon sa paghubog ng kakayahan at moralidad ng kabataan upang harapin ang mga oportunidad at hamong dala nito. Kung kaya, upang hubugin ang kaalaman ng mga iskolar at nang magamit nila ito para sa nakabubuti, inilunsad ang kauna-unahang AI elective class sa Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC).
Maaaring kunin ito ng mga mag-aaral sa ika-
sampung baitang at layunin nitong gawing handa ang mga bagong henerasyon ng mga iskolar sa pananaliksik gamit ang AI upang makipagsabayan sa buong mundo. Ayon sa isang estudyante na kumuha ng AI elective class, “Tinuturuan kami paano kumuha ng data set online tapos fini-feed namin ito sa algorithm upang masanay ito sa pagsusuri at pagtukoy ng mga patterns.” Sa ganitong paraan, mas nagiging matalino ang AI sa pagsagot sa mga tanong habang dumarami ang datos na binibigay dito. Kung gayon, malaki ang potensyal ng AI na mas palaguin pa at gamitin sa iba’t ibang aspekto. Isa na sa pinakatanyag ang paggamit ng ChatGPT, kung saan tinataya na mahigit 200 milyong katao ang gumagamit nito bawat linggo ayon sa datos ng OpenAI - ang kumpanya na nagdedevelop nito. Sa tulong ng ChatGPT, mas napapadali ang pagkuha ng mga ideya onlayn sapagkat direkta ang pagsagot nito. Para kay sir Bernard Beduya, isang guro ng Computer Science sa PSHSSMC at nagtuturo ng AI elective, “I am convinced that the incorporation of AI into our life is unstoppable, like all previous
In
KUHA
Pana’t akademiko
Pagbalanse ng iskolar sa pag-aaral at pagiging atleta
HONEY BEA N. ALPECHE
Dalawang mundong magkaiba ngunit parehong nangangailangan ng oras, dedikasyon, at atensyon. Dalawang mundo na, kung hindi mabalanse, maaaring magdulot ng pagkaligaw ng landas ng sinuman. Ito ang hamon na hinaharap ng 13-anyos na iskolar ng Philippine Science High SchoolSouthern Mindanao Campus, si Phil Justine Lim.
The biggest challenge that I faced is balancing school and archery,”
unang sambit ni Lim.
Hindi biro ang pagiging iskolar ng bayan. Kasama nito ang mabibigat na ekspektasyon: maging pinakamatalino, pinakamahusay, at pinakamagaling. Ngunit sa kabila ng mga inaasahang ito, hindi nagpatinag si Phil. Pinili niyang ipagsabay ang dalawang mundong tila hindi magkasundo, ang pagiging iskolar at atleta.
Nagsimula ang kanyang pagkahumaling sa sports noong siya’y anim na taong gulang pa lamang. Sa murang edad, samu’t saring pampalakasan na ang kanyang sinubukan. Nagsimula ito bilang simpleng kasiyahan sa
paggalaw ng katawan, hanggang sa natagpuan niya ang mundo ng archery na nagbigay ng kakaibang saya at layunin sa kanyang buhay.
“I liked it because it’s fun,” saad ni Lim.
Sa simpleng rason na nagbibigay ng saya ang Archery sa kaniya, dalawang taon na siyang isang atleta. Sumabak na siya sa mga paligsahang sinalihan din niya hindi lang para sa karangal kung hindi para rin sa kasiyahan. At ang isa sa mga pinakamalaking kompetisyong nasalihan niya ay ang Batang Pinoy 2024.
Ngunit ngayon, sa harap ng sabayang hamon ng akademya at palakasan, ano ang pipiliin ni Phil? Mas maglalaan ba siya ng oras sa Batang Pinoy o pananatiliin ang kanyang pagiging batang henyo?
Napagdesisyunan ni Phil na mas maglalaan siya ng oras sa kaniyang pag-aaral sapagkat mas malaki ang kabigatan ng kaniyang pagiging estudyante kesa sa pagiging isang atleta. Ngunit, hindi ito magiging rason kung bakit ititigil niya ang mundong nagbibigay sa kanya ng
Sepa-TANGKILIK
Pagkalinga sa noo’y national na isports ng bansa
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at pagkalulong ng mga kabataan sa mga video games, naging kasabay nito ang unti-unting paglimot sa minsa’y umukit ng saya sa ating mga mukha at itinanghal na nasyonal at kultural na laro ng bansa, ang sepak takraw. Animoy alaala na lamang ng kahapon kung sariwain ito ng mga kabataan ng kasalukuyan. Dagdag pa rito na tila pili na lamang ang mga larong pampalakasan na binigyang halaga ng iilan.
Sa paaralan, kung saan basketball at volleyball ang mga larong nakasanayan at mga palarong online ang ginagawang libangan, hindi na nabibigyan pa ng importansya at pansin ang mga lokal na isports. Kung kaya’t tila isang liwanag ng nakaraan ang muling nasinayaan ng mga mag-aaral ng Philippine Science High School matapos matagumpay na inilunsad ng mga mag-aaral ng ika-12 na baitang ang RAGA o Sepak Takraw Association of Pisay scholars sa pangunguna ni Yesha Rolluna.
RICKY V. RAFOLS
saya. Kaya, kahit na nilimitahan niya ang kaniyang oras sa pag-eensayo, lakas loob parin niyang tinahak ang landas ng paligsahan patungong Batang
Pinoy 2024.
Pinatunayan niya roon na kayang maibalanse ang pag-aaral at pagiging atleta, at sa huli inuwi niya ang pilak na medalya. Ang buhay ni Phil ang nagpapatunay na hindi lang magaling sa larangan ng patalinuhan ang mga iskolar, may itinatago rin silang mga talentong pampalakasan na kayang isabay ang pag-aaral at pagiging atleta.
SEPAK Nangangahulugang ‘sipa’ sa Malay
TAKRAW Isang uri ng ‘bola’ ng Thailand
LIKHA NI: Alexandrea M. Gamale
Kakulangan ng atensyon para sa mga atleta sa Pisay-Davao
CASTOR TROY D. CORDOVA
na bakit hindi natin subukan ang mas lokal na mga larong pinoy, kaya nakapagdesisyon kaming sepak takraw na lamang,” paliwanag ni Rolluna.
ensayo, isang mahalagang leksyon ang natutunan ng bawat miyembro.
Sa bawat sipa, depensa, at talon tila nanunumbalik ang alaala ng kahapon. Sa muli nitong pagbangon, naway isang pag-asa ang inaasahang magbubunga sa mga mag-aaral, ang pagyamanin ang kulturang Pilipino at muling ibandera ang nilimot na alaala.
Nilalayon ng programang na maitawid sa kasalukuyan ang dating sigla ng larong kinagigiliwan ng karamihan. Kung ang pinuno nito ang tatanungin, nararapat na bigyang-pansin ng paaralan at ng mga estudyante ang mga larong lokal upang muling manumbalik ang dating sigla ng mga larong pinoy.
“Sumagi sa aming mga isipan kung gaano na kalaki ang narating ng kasikatan ng basketball, volleyball, gymnastics at iba pang mga isports dito sa Pilipinas, kung kaya’t naisip namin
Itinatag ang organisasyong ito upang bigyang daan ang muling pagpapakilala ng sepak takraw sa mga iskolar bilang isang “interactive” na laro na kayang makipagsabayan sa ibang mga isports at maaari ding laruin maliit ka man o matangkad, bata man o matanda. Sa ilalim ng patnubay ng mga miyembro ng RAGA, itinuturo ang mga tamang galaw at pag-asinta ng bola ng takraw pati na ang mga diskarte ng laro. Nais din nitong sanayin at hasain ang mga estudyanteng interesadong matutong maglaro ng sepak takraw.
Bukod sa mga komplikadong galaw, ang tamang disiplina at respeto sa kapwa manlalaro ang siyang mas binibigyang diin ng samahang ito. Sa bawat patak ng oras tuwing
NG KASAYSAYAN. Nagtuturo ang isang iskolar sa kanyang kapwa rin estudyante ng dating national isport,sepak takraw.
Labay-Pisay
Misyon ng Pisay scholars na mapalawak ang kasikatan ng Ultimate Disc
CASTOR TROY D. CORDOVA
7M i ang bilang ng mga manlalaro ng ultimate disc sa buong mundo. (Ayon sa Indianapolis Alicats) LIKHA NI: Alexandrea M. Gamale
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at pagkalulong ng mga kabataan sa mga video games, naging kasabay nito ang unti-unting paglimot sa minsa’y umukit ng saya sa ating mga mukha at itinanghal na nasyonal at kultural na laro ng bansa, ang sepak takraw. Animo’y alaala na lamang ng kahapon kung sariwain ito ng mga kabataan ng kasalukuyan. Dagdag pa rito na tila pili na lamang ang mga larong pampalakasan na binigyang halaga ng iilan.
Ang mga pangyayaring ito ay dulot ng Labyay, isang organisasyon na inilunsad ng mga mag-aaral na nagsasagawa ng libreng training sessions sa kapwang mga iskolar. Galing sa mga paraan sa paghagis ng disc, hanggang sa mga iba’t ibang stacking positions, sinasanay at hinuhubog ng organisasyon ang kaalaman at husay ng mga iskolar sa laro.
“Lingaw kaayo [ang Labyay], ma-sad ko when mahuman na ang sessions,” saad ng isa sa mga iskolar na kabilang sa Labyay.
We hope to make Labyay bigger than it is now in the future, hopefully we can also gather attention of people from other schools too,”
Isang katotohanan na ang Philippine Science High School Southern Mindanao Campus ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na sekundaryang paaralan sa buong Pilipinas, lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya. Dahil dito, inaakala ng karamihan na ang mga mag-aaral ng PSHS-SMC ay nakatuon lamang sa kanilang mga asignatura, pananaliksik, at iba pang gawaing pang-akademiko. Subali’t, mayroong malaking bahagi ng mga mag-aaral ang namamayagpag sa larangan ng pampalakasan. Ayon sa survey ng Bagwis-Agham, anim sa bawat sampung iskolar ang mahilig maglaro ng mga laro, tulad ng basketball, volleyball, at ultimate disc. Gayunpaman, mapapansin na hindi masyadong binibigyan ng tamang atensyon ang partisipasyon nila rito. Sa kasalukuyan, matinding pangangailangan ng mga estudyanteng atleta ng PSHS-SMC ang suporta para sa mga kompetisyon kagaya ng pondong inilaan sa mga pang-akademikong patimpalak. Isa sa mga pinakamalaking prayoridad ng nasabing institusyon ang pagsasanay sa mga iskolar sa kanilang kaalaman at kadalubhasaan sa larangan ng akademiks upang masigurado ang kanilang magandang kinabukasan. Sa katunayan, mahigit-kumulang na 91% ng mga mag-aaral sa buong sistema ang pumapasa para sa UPCAT o UP College Admission Test bawat taon, kumpara sa 13% na average sa buong bansa. Dagdag pa rito, itinanghal ang PSHS-SMC bilang ikalawang pinakamahusay na sekundaryang paaralan sa Category B ng UPCAT. Dahil dito, mainam na bigyan ng mga mag-aaral ang kanilang buong atensyon sa pang-akademikong mga gawain upang mapanatili ang reputasyon ng Pisay. Maaari na maging abala sa pag-aaral ng mga iskolar ang ibang mga gawain kagaya ng pampalakasan dahil mahihirapan silang makahabol sa kanilang mga asignatura. Dagdag na ang kabuuang 329 milyong piso na budget cut sa PSHS sa simula ng taon, kinakailangan ng institusyon na mas lalong bigyang- diin ang larangan ng akademiks kumpara sa isports.
Nanggagaling ang inisiyatibo ng organisasyon sa patuloy na pagbaba ng kasikatan ng Ultimate Disc hindi lamang sa paaralan, kung hindi sa buong bansa. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Sports News PH noong 2020, hindi nabibilang ang Ultimate Disc sa “Top 20 Most Well-known sports in the country”. Dagdag pa, kumukunti na rin ang numero ng mga lokal na liga sa laro na dating palaging sinasabikan ng mga manlalaro ng Labyay.
Sa pag-asang maitaas ang atensyon ng mga tao sa laro, idinudokumento ng organisasyon ang kanilang mga training sessions at schedule sa kanilang Facebook page, upang mahikayat ang iba pang mga iskolar na sumali sa inisiyatibo. Dagdag pa rito, may plano rin ang Labyay na magsagawa ng mga tournament upang makaranas ang mga mag-aaral ng kompetitibong kasanayan sa Ultimate Disc.
“We hope to make Labyay bigger than it is now in the future, hopefully we can also gather attention of people from other schools too,” saad ni Kai De Guzman, ang Secretariat ng Labyay.
Kahit na simula pa lamang ito ng Labyay, maaari ng masasabi na may epekto na ang organisasyon sa pagpalawak ng atensiyon sa Ultimate Disc. Dagdag na ang kanilang mahigit-kumulang na 100 followers sa Facebook, mayroon ding plano ang mga manlalaro ng Labyay na ipatuloy ang organisasyon kahit matatapos na ang training sessions.
Kahit na sa katotohanan na ito, kinakailangan pa rin na suportahan ang mga atleta sa paaralan dahil naging malaking parte na ang isports sa kultura nito. Ayon sa isang sarbey, mahigit-kumulang na 73% sa mga mag-aaral ay pinakasinasasabikan ang Kalasag o Intramurals sa lahat ng mga kaganapan bawat taon. Dagdag pa, karamihan sa mga student engagement activity ng paaralan ay tumutukoy sa pag-eensayo sa iba’t ibang larong pampalakasan kagaya ng football, volleyball, sepak takraw at iba pa. Dahil dito, maaari nang masasabi na mahalaga ang pampalakasan sa pagbuo ng identidad ng PSHS-SMC. Kung patuloy na pababayaan ng paaralan ang larangan ng isports, maaari na mawawala rin ang malaking parte ng kultura ng paaralan.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin na inuuna ng institusyon ang paglinang ng kahusayan ng mga mag-aaral nito. Subalit, hindi lamang sa akademiks nanggagaling ang kahusayan. Makikita rin ito sa mga atleta ng paaralan na walang tigil na nag-eensayo at naglalaban upang magtagumpay sa mga patimpalak habang bitbit ang pangalan ng paaralan. Sa panahon na mabibigyang-halaga ng Pisay ang larangan ng isports, maaari na magwawagayway ang bandera ng paaralan sa itaas ng ibang mga paaralan, hindi lamang sa akademiks, kung hindi kasama rin ang pampalakasan.
63% ng mga iskolar sa Pisay-Davao ang naglalaro ng isports. (Ayon sa survey ng BagwisAgham)
LIKHA NI: Alexandrea M. Gamale
KUHA NI: Francis Gabriel Dangoy
KUHA NI: Zyescha Kiz Lim
TAMA SA PUSO.
Ipinamalas ni Phil Lim ang kaniyang kahusayan at pokus sa larangan ng archery.
Hinintuang
akot ang balakid ng mga pangarap.
TNoong 2016, naranasan ng awardwinning 17-anyos na swimmer na si Fiona M. Galendez ang hamon na ito. Ito ang naging dahilan kung bakit nahinto siya saglit paglalangoy, ngunit ito rin ang kaniyang naging motibasiyon sa kanyang pagkamit ng mga tagumpay sa larangan ng swimming.
Nagsimula ang pagkahumalimg ni Fiona sa swimming noong nasa elementarya pa lamang siya. Sa kanilang paaralan, kinakailangan ang 20% na extracurricular kaya sumali siya sa samu’t saring mga isports ngunit swimming ang bumihag sa kaniyang puso.
“You feel free when you swim around and it’s refereshing,” saad ni Fiona.
Ang tuluyan niyang pagkahumaling dito ang naging dahilan kung bakit unti-unti siyang mas gumagaling at mas nahuhulma ang kanyang galing sa swimming. Sa kabila nito, hindi naging madali ang kanyang paglalakbay patungo sa karangalan.
Noong nasa Ikatlong baitang lamang si Fiona, sumubok siyang makapasok sa varsity team ngunit nangibabaw ang kaniyang takot. Dahil sa takot na nadama, tumigil siya ng pansamantala sa paglalangoy. Ang oportunidad na makapasok sa varisty team ay nawala dahil nahatak siya ng takot sa kailaliman.
Sa kabutihang palad, hinahanap ng kaniyang katawan ang kapreskuhan at kalayaan na nadarama niya tuwing lumalangoy kaya noong tumungtong siya ng ikaapat na baitang, sumubok siyang muli sa swimming kung saan buo na ang kanyang loob na sumali sa mga paligsahan.
Ang kaniyang muling pagsisimula ang nagbigay daan sa pagsimula ng kaniyang unti-unting paghakot ng mga parangal. Simula ika-apat na baitang hanggang sa ika-anim tuloy tuloy na siyang pumapasok sa mga paligsahan at tuloy tuloy na rin ang kaniyang paghakot ng mga medalya.
Hindi man naging madali ang kaniyang karanasan sa simula, binawi naman niya ito sa mga kinabukasang paligsahan kung saan nakapasok siya sa City meet noong nasa Ika-limang baitang siya at halos makatungtong siya ng regional level kung hindi lamang sa pandemya.
Swimming has taught me that conquering your fears is the key to growth,”
inihayag ni Fiona
Ang kaniyang pagahon sa balakid na kaniyang kinahakarap ang nagbigay daan sa kaniyang mga tagumpay ngayon sa hinaharap. Kaya ngayon, patuloy parin ang pagsali ni Fiona sa mga paligsahan at sa darating na Pebrero 2025, sasabak siya sa City Meet na kung kanyang maipapanalo ay bubuksan ang kaniyang daan patungo sa regional level.
Dedikasyon, pagsisikap, at pagmamahal sa bagay na ginagawa ang mga nakatulong kay Fiona na malampasan ang takot na naging dahilan ng kaniyang paghinto. Ang mga karanasan ni Fiona ang nagpapaalala sa atin na normal ang makaramdan ng takot, ngunit hindi dapat ito maging hadlang sa iyong mga pangarap.
Sa bawat tagumpay na nasungkit ni Fiona, pinapakita niya sa atin na wala kang matutunguhan kung magpapalunod ka sa takot.
Sa halip na magpadala rito, dapat mas manaig ang determinasyon at pagsisikap sapagkit ito ang susi ng mga pangarap.
pampalakasan
HAGIS NG HARI
Nostra Fiera, muling nanaig sa Ultimate Disc
As usual, our games started very slow to the point that our opponents led during halftime. But we were able to pick it up really quick and play with our strengths and against their weaknesses,”
saad ni Nostra Fiera Team Captain Kai Ryan De Guzman
ang kalamangan, 1-2. Mabagsik ang naging pagpapalitan ng puntos ng dalawang koponan sa huling dalawang minuto ng unang bahagi, buhat ng hammer pass ni Julius Benedict Rios tungo kay Audrey Chic Albarillo at forehand pass ni Matthew Guttierez tungo kay De Guzman, 2-3.
Muling pinatuloy ng Azul Mayari ang kanilang matibay na depensa sa unang tatlong minuto ng ikalawang bahagi ng girian, kung saan hindi lumampas sa 30 feet ang distansiya ng opensa ng Nostra Fiera sa middle line, dala ng mga interceptions ni Rios at Paul Jared Aladin.
Subalit, biglang nawasak ang buong defensive line ng Azul Mayari matapos rumatsada ng isang fast break give-and-go transition play sina Gutierrez, De Guzman, Joses Sajenes at Kara Sacramento upang muling itabla ang laro, 3-3. Mula rito, hindi na muling nagkaroon ng pagkakataon ang Azul Mayari na makapuntos sa laro matapos pinatuloy ng Nostra Fiera ang kanilang “run and gun strategy” na nagdulot ng tatlong magkasunod na transition points, 6-3.