Kalakip ng mithiing ipalaganap ang agham sa lahat ng sulok ng Pilipinas, ipinasa ang House Bill (HB) 9726 o mas kilala bilang Expanded Philippine Science High School Act. Datapwat, imposibleng maisakatuparan ang layuning ito sapagkat nananatiling mababa ang pananalapi ng Department of Science and Technology (DOST) batay sa General Appropriations Act (GAA) ngayong 2025 na pumapalo lamang sa P28 bilyon, malayo mula sa iminungkahing P49 bilyon. Kung sa gayon, idinidiin lamang nitong nalilimutan ng pamahalaan na kaakibat ng kalidad na edukasyon ang salaping sapat at hindi tinatapyasan.
Mahalaga ang pagpapatayo ng mga paaralan upang maging kanlungan ng kaalaman, lalo na sa agham. Kung kaya, hinahangad ng naturang batas na magpatayo ng panibagong 10 kampus, dagdag ito sa kasalukuyang 16 na kampus ng buong sistema. Higit pa, isinusulong ng pagpapalawak na ito ang ika-4 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) na dala-dala ang layuning mahatiran ng de kalidad na edukasyon ang kabataan sa daigdig.
Epekto ng confidential funds sa bumabagsak na edukasyon
OPINYON YAMANG KUBLI
indi maitatangging salat pa rin ang kalidad ng edukasyon sa bansa matapos ang katakatakang paggastos ng dating kalihim ng edukasyon, Bise Presidente Sara Duterte, ng halagang P125 milyon confidential and intelligence funds (CIF) sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Bilang pangontra sa mga batikos, ani niya’y ginamit ito nang maayos laban sa pagbabanta ng terorismo sa Pilipinas. Kaakibat ng dagdag-seguridad sa bansa ang pagkupas ng yamang kaalaman ng kabataang Pilipino, kung kaya’t marapat lamang siguraduhing napaglalaanan pa rin ng sapat na pondo ang edukasyon ng mga tinaguriang pag-asa ng bayan.
Kung tutuusin, mapapansin, kahit sa Terrorism Index ng Pilipinas, ang pag-unlad ng seguridad sa bansa laban sa terorismo. Bumaba sa 5.38 puntos ang Pilipinas noong taong 2023 mula sa 6.33 puntos ng taong 2022. Marahil isa sa mga puno’t dulo ng pagbagsak nito ang masusing paggastos ng confidential funds sa pagpapasuko ng mga terorista sa bansa.
Sa kabilang palad, hindi napaninindigan ng mga nabanggit na haka-haka ang untiunting pagpapabaya sa pag-aaral ng mga humahaligi sa kinabukasan ng bansa–ang kabataan. Isiniwalat sa National Budget ng Pilipinas sa taong 2025 na mababawasan ng P12 bilyon ang pondo ng Department of Education (DepEd). Malaking puwang ang iniwan ng confidential funds sa kabuuang pondo ng bansa kung kaya’t apektado ang kagawaran, maging ang edukasyon ng kabataang Pilipino.
Dagdag pa, ipinahayag din ni Juan Edgardo “Sonny” Angara, kasalukuyang kalihim ng DepEd, na gagamitin sana ang natangay na pondo para sa pagpapalaganap ng computerization program sa mga paaralan. Iginiit din ng DepEd na walang akses sa kompyuter ang 70% sa mga pampublikong paaralan, isang kagamitang aangat sa pag-aaral ng kabataan tungo sa modernisasyon. Mula rito, mananatiling hilaw ang kaalaman ng kabataan sapagkat mas binibigyan ng pansin ang mamahaling confidential funds.
Gayundin, siksikan ang mahigit 50 hanggang 60 mag-aaral sa iisang dingding sapagkat hindi sapat ang kasalukuyang bilang ng silid-aralan upang matustusan ang milyon-milyong mag-aaral. Inilantad sa press release ng senado noong Nobyembre 2024 na umabot sa humigitkumulang 165,443 ang bilang ng kulang na silid-aralan sa Pilipinas. Bunsod dito, halos hindi na nakakalap ng kabataang Pilipino ang mga tinuturo ng kanilang guro, ngunit kabalintunaang babawian pa ng pondo ang DepEd–ang kagawarang tutulong sana sa mga mag-aaral na nagmistulang sardinas
Kung susuriin, matatandaang pang-6 sa 12 na Karapatan ng Kabataang Pilipino, alinsunod sa Presidential Decree No. 603 o Child and Youth Welfare Code, ang karapatan ng kabataang Pilipino na
matamasa ang dekalidad na edukasyon. Kung titipirin ang salapi ng kagawaran ng edukasyon upang bigyang-priyoridad ang kahina-hinalang confidential funds, paano mo aasahang makakamit ng kabataan ang hangaring makapag-aral nang mabisa? Higit sa lahat, sinuspinde ng National Commission on Indigeneous
Alinsunod sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon, nararapat na pahalagahan ng pamahalaan ang pagunlad ng edukasyon, lalong lalo na sa tungkulin nitong palaganapin at tugunan ang pangangailangan ng sektor ng agham at teknolohiya. Kung gayon, makatuwiran lamang na maglaan ng salapi at magpunyagi ang pamahalaan hinggil sa layuning palawakin ang Philippine Science High School System (PSHSS), sapagkat itinataguyod nito ang kolektibong mithiin ng daigdig at bansa.
Gayunpaman, mabigat na pasanin sa usapin ng salapi ang pagtatayo ng panibagong kampus na umaabot sa halagang humigit-kumulang P300 milyon ayon sa ulat ni Ronnalee Orteza, ehekutibong direktor ng PSHSS. Dagdag pa sa pasan na ito ang kakulangan ng imprastraktura sa kasalukuyang mga kampus, lalo na sa mga paaralang bata pa. Kasalungat ng mga katotohanang ito ang dalawang hangarin ng konstitusyon na nagbibigay-halaga sa parehong edukasyon at agham.
ang edukasyon ng kabataang Pilipino. Kapalit ng pagkukubli sa yaman ng bansa ang pagtatapyas sa kalidad
edukasyon ng mga kayod-kabayong mag-aaral. Burahin ang baluktot na sistema ng tagong yaman nang sa gayon maipapamahagi nang wasto ang pera ng taumbayan. Nawa’y huwag kaligtaan ang kahalagahan ng bawat kabataan na makapagtapos sa pag-aaral at masisilayan din ang yaman ng kinabukasang hawak nila para sa kanilang mga sarili, maging sa Pilipinas.
ng ahensiya mula P26 bilyon noong nakaraang taon, nararapat pa ring isaisip ng pambatasan kung akma at sapat ang salaping kanilang ipinamamahagi habang isinasaalang-alang ang mga programang inilulunsad nito. Hindi makakamit ang karunungang nais kung patuloy na magbubulag-bulagan ang pamahalaan hinggil sa marapat na paglalaan ng pananalapi.
nananatili ang siwang na iniwan ng salapi na nagdudulot ng mababang pagtatapos sa paaralan ng mahihirap na 17% lamang, mababa kung ihahambing sa 49% ng mayayaman batay sa pananaliksik ng PBEd. Isinisiwalat ng mga bilang na ito ang agwat na matagal nang dapat napunan ng pamahalaan hinggil sa pagkakapantaypantay sa edukasyon.
Higit pa, isinusulong nito hindi lamang ang pandaigdigang adhikain ng pamahalaan tungo sa isang hinaharap na tigib sa kaalaman, kung hindi pati sa pagtuman ng mga nakasulat sa batas ng bansa.
Bagkus, mistulang hindi magkatugma sa parehong mithiin ang ipinasang pananalapi at panukala ng kongreso. Ngayong taong 2025, P21 bilyon ang agwat ng iminungkahing pananalapi ng kagawaran at ang salaping kanilang natanggap matapos ang matagal na deliberasyon. Bagaman umakyat ng P2 bilyon ang badyet
Marahil higit pa sa paglaganap ng kaalaman sa agham at teknolohiya ang kalakip ng pagpapalawak ng mga paaralan ng PSHSS, kung hindi kasama rin nito ang hangarin sa pamamahagi ng sapat at angkop na dunong para sa lahat. Matagal nang mababa ang pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa mga paaralan na umaabot na lamang sa 30.5% pagsapit sa sekundarya kahit na 82.4% ito noong elementarya ayon sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd). Inilalantad nito ang kagyat na paglubog ng bilang pagdating ng sekundarya, kung kaya, sineselyuhan nito ang pangangailangang gawing mas inklusibo ang mga paaralang sekundarya upang higit na maraming musmos ang makatanggap nito.
Bukod dito, nararapat na tugunan ng pamahalaan ang panawagan ukol sa kakulangan sa pananalapi sapagkat karapatan ng bawat paslit ang makatanggap hindi lamang ng simpleng impormasyon bagkus mga kaalamang huhubog sa kanilang karunungan at pag-iisip. Subalit,
Upang makasigurong maayos ang pagpapatupad ng mga batas, lalo na sa larangan ng edukasyon sa kabataan, nararapat ang kaakibat na pananalaping sapat at akma sa mga pangangailangan. Isinasaisip dapat ng mga mambabatas ang kabuluhan ng hustong salapi sa pagtataguyod ng edukasyon gayong hindi lamang malinang ang kaalaman sa agham bagkus mabigyan ng pagkakataon ang bawat batang mahubog ang kanilang karunungan. Samakatuwid, kalakip ng matiwasay at kalidad na paglilinang ng dunong ang pananalaping husto
KOMENTARYO
ANNE KYLE V. MANTILLA
Dr. Jonald P. Fenecios
Ayon sa Republic Act 12116 General Appropriations Act
Karangalang nilimot
Hakbang tungo sa pagpapaalala sa halaga ng GMRC sa kabataan
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
MBas bukas at malawak na ang isipan ng kasalukuyang lipunan sa mga bagay na hindi pa gaanong katanggap-tanggap noon. Subalit, hindi ito sapat na dahilan upang kunsintihin ang kabataan sa kanilang tuwaling pakikitungo sa kapwa. Samakatuwid, maituturing bilang isang mainam na hakbang ang kagustuhan ng Department of Education (DepEd) na patibayin ang pagkakaroon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa panibagong kurikulum upang labanan ang unti-unting naglalahong kagandahang asal ng kabataang Pilipino.
Kalakip ng inilunsad na makabagong kurikulum ng DepEd mula sa kindergarten hanggang ika-10 na baitang o higit na kilala ng karamihan bilang MATATAG, ipinapangako ng programang ito ang pagpapaigting ng basic skills kahit sa murang edad. Sakop nito hindi lamang ang pagtuturo sa pinakapayak na kasanayan sa pagbasa at pagsulat datapwat pati na rin ang pagtuturo sa pinakamahahalagang pag-uugali at katangiang dapat tinataglay: ang respeto at pagmamahal sa sarili, sa kapwa, sa pamilya, sa komunidad, sa bansa, at sa Poong Maykapal.
Itinataguyod ng mga paksang ito ang kolektibong hangarin ng United Nations (UN) na itinakda bilang ika-4 na Sustainable Development Goals (SDG) na naghahangad tungo sa kalidad na edukasyon para sa lahat. Sa Pilipinas naman, ayon sa Presidential Decree No. 603 o Child and
Youth Welfare Code, ika-6 na karapatan ng bawat batang Pilipino ang makatanggap ng edukasyon. Hindi lamang sa mga marka nasusukat ang kalidad ng kaalaman bagkus kasama rin ang maayos na pakikitungo sa kapwa, mga paksang nais ipaalam ng GMRC.
Sa katunayan, minsan nang nawala ang pagtuturo ng mga klase ng GMRC sa kurikulum ng DepEd. Muli itong ibinalik taong 2004, subalit nawala na naman kalaunan sanhi ng pagdagdag ng samu’t saring asignatura sa kurikulum kagaya ng Values Education (VE) at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP). Dulot nito, talaga namang hindi na kinakailangan pa ang GMRC sapagkat nananatili ang asignaturang VE na may parehong layuning maging patnubay sa paglinang ng kagandahang asal sa mga bata.
Gayunpaman, muling sinelyuhan ang pamamahagi ng mga klase ng GMRC sa mga silidaralan nang isinabatas ang Republic Act (RA) 11476 noong taong 2020. Bilang dagdag, ipinahayag din ng DepEd ang planong sasaklawin ng kurikulum na MATATAG ang pagpapatibay ng pagtuturo ng GMRC. Higit pa sa karaniwang mga paksa sa paaralan, nararapat ding isaulo at isapuso ng mga paslit ang makabuluhang mga aral ng pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Limang taon na ang nakalipas matapos ibunsod ang naturang batas, datapwat, walang
Arugang karampot
makabuluhang pagbabagong mababatid sa kasalukuyang kalagayan ng kabataan. Bilang patunay, batay sa huling Global School-Based Health Survey (GSHS) ng World Health Organization (WHO), pumalo sa 24.2% ng Pilipinong kabataan ang nagdurusa sa malubhang kapanglawan, isang pagtaas mula sa 19.4% na datos noong 2015. Patuloy na nananalaytay ang suliranin sa pakikitungo sa kapwa sa mga musmos sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan hinggil dito.
Marahil nanggagaling ang kabiguan ng asignatura sa kakulangan ng oras upang maayos na mapagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin sa GMRC. Ayon kay Sam Verzosa, isang mambabatas sa Kongreso noong iminungkahi niya ang House Bill (HB) 8243, gumugugol ng humigit-kumulang 10 oras ang kabataan sa pag-aaral bawat araw. Bunga nito, nagiging dagdag pasanin lamang sa mga bata ang mga klase GMRC sapagkat madaragdagan ang mga takdang-aralin na kailangang tapusin.
Bukod dito, hindi lamang pagpapatupad o hindi ng GMRC sa mga silid-aralan ang katanungan, kung hindi pati ang mga araling ipinamamahagi nito sa mga musmos. Nararapat na ipaalam sa kabataan ang mga salik tungo sa pagiging mabuting tao, isa na sumusunod sa wastong moralidad at hindi sa awtoridad. Dapat tiyakin na nagpapalaki ang bansa ng mga supling na tuwid sa mga tuntunin
Panganib ng kakulangan ng guidance couselor sa ‘student apathy’
ESTELLE ZOE ATHENA R. MATURAN
uhat noon hanggang ngayon, suliranin pa rin ng bayan ang kakulangan ng mga programang nakatuon sa kalusugang mental ng kabataan. Ayon kay Dr. Sheila Marie Hocson, RGC, RPSy, RPm, LPT, isa sa 25,000 ang ratio ng guidance counselor sa mga magaaral sa ating bansa; isa itong malaking agwat sa pandaigdigang pamantayan na isa para sa 125 na mag-aaral lamang. Gayong kaakibat ng pagsuko ng kabataan ang alagang natatanggap nila, kailangang tugunan ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga programang makasisiguro na maiuugnay ang ating kabataan sa tamang gabay, payo, at impluwensiya.
Gayundin, hindi maipagkakaila na kahirapan talaga ang pumuputol sa mga pangarap ng kabataan sapagkat imbes na mag-alala sa kanilang mga takdang-aralin, mas naabala sila sa kanilang pang-araw-araw na pantustos. Kung kaya’t, sa mga nakaraang taon, taon-taon talagang tinitiyak ng DepEd at iba pang mga ahensiya sa edukasyon ang mga scholarships. Sa katunayan, nitong panuruang taong 2024-2025, mayroong
mag-aaral sa kolehiyo.
Bukod dito, hindi nakakapagtaka na nawawala ang interes ng kabataan sapagkat hindi sila nabibigyan ng sapat na atensiyon sa paaralan dulot ng mataas na teacher-to-student ratio. Sa panuruang taong 2023-2024, ayon sa tala ng DepEd, 1:35 ang karaniwang teacher-to-student ratio ng mga elementaryang paaralan. Sobra ito sa inilatag na katanggap-tanggap na ratio ng Kagawaran ng Edukasyon na 1:25 sa kanilang Executive Order No. 349 kaya’t upang tugunan ang problemang ito, pinaplano ng kalihim ng DepEd, Juan Edgardo “Sonny” Angara, na punuin ang mahigit kumulang 147,000 na mga bakanteng posisyon ng mga guro.
Subalit, sa kabila ng mga hakbang ng kagawaran sa mga isyu ng kurikulum at scholarships, kinukulang pa rin ang sektor ng edukasyon sa mga programang papansin sa kalusugang mental ng mga kabataan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mahigit isang milyong kabataan na may edad 5 hanggang
2023-2024 dahil sa kawalang-interes. Patunay ang lumolobong datos na ito na hangga’t hindi nararamdaman ng mga mag-aaral na pinakikinggan sila, mananatiling malayo ang kalooban nila sa pag-aaral.
Gayundin, nababawasan ang mabuting epekto ng mga extracurriculars sa kurikulum ng DepEd sa matagumpay nilang pagganap sa pang-akademiko dahil sa kakapusan ng mga programang sumusubaybay sa kanilang progreso. Alinsunod ito sa isang pag-aaral na umuugnay ng paglahok sa mga extracurricular na aktibidad sa 2% na pagbuti sa interes ng pag-aaral. Malaking kawalan ang mga programang ito na kumikilala sa mga talento, nagbibigay ng career assessment, at tumutulong sa mga mag-aaral na mahanap ang kanilang gustong direksyon sa buhay.
Dagdag pa rito, dahil sa kakulangan ng mga propesyonal na guidance counselors, hindi matitiyak na mapupunta sa mga totoong naghihirap ang mga scholarships na inilatag ng kagawaran. Kung pagbabasehan lamang ang
ng moralidad, ibayo sa sapilitang pagkatuto sa paaralan.
Nariyan man ang GMRC upang ituro sa mga mag-aaral kung papaano makitungo sa kapwa at iba pang magagandang asal, nawa’y hindi lamang sa salita nagwawakas ang pangangaral; dapat naipapakita rin sa gawa. Magsilbi rin sanang maging uliran ang mga magulang, pamahalaan, at paaralan sa kabataang Pilipino upang maibalik ang karangalang mistula nang nilimot.
(PBEd) noong 2024, 17% lamang ng mga naghihirap na mga mag-aaral ang nakatuntong sa kolehiyo. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng guidance counselors dahil hindi lamang sila tagapayo, kundi tagapamagitan din sa pagitan ng mga mag-aaral at ng iba’t ibang mga scholarships. Hindi maitatanggi na ginagambala ang isipan ng ating kabataan sa mga suliraning hindi pa naman dapat nila pinagkakaabalahan sa kanilang mga murang edad, kagaya ng kahirapan at kakulangan sa pera. Sapagkat, hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang isyung ito sa ating bayan, pagbibigay-pansin sa kalusugang mental ng mga mag-aaral at pagdinig sa kanilang mga hinaing ang tanging magagawa ng kagawaran upang makatulong. Hindi makatutulong ang mga programang nakatuon lamang sa akademiko kung mananatiling kulang ang mga propesyonal na guidance counselors na umuunawa sa mga pangangailangang mental, emosyonal, hanggang sa iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral.
Espasyong nagpapaunlad
Pagkilos para sa makabagong pasilidad sa paaralan
Karapatan ng bawat mag-aaral na libreng maihandog ng pamahalaan ang mga bagay at pasilidad na kailangan nila upang makapag-aral nang maayos. Gayunpaman, sa taong 2024, wala pa ring nakikitang pagdagdag sa mga pasilidad ng bansa dahil kahit na may mga inaasahang plano ang DepEd para sa pagpapatayo ng dagdag 10,000 na mga silid aralan, kalahati lamang dito ang naisakatuparan. Sa paglaki ng populasyon ng Pilipinas, marapat lamang na unahin ng mga opisyal ang matapat na paghahatid ng mga serbisyong pinopondohan ng bayan lalo na ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng kabataan.
Maraming mga mag-aaral ang tumatambay sa mga coffee shops upang mag-aral sapagkat ito rin naman ang kanilang madaling mapupuntahan. Nitong taong 2024, base sa ginawang pagaaral ng Corner Coffee Store nakaranas ang ating bansa ng pagtaas ng 12% sa bilang ng mga nagbubukas na kapehan. Maganda ang kapaligiran ng mga kapehan at tahimik ang lugar, kung kaya, hindi nakapagtataka na mas
komportable ang kabataan na maging produktibo dito.
Subalit, ipinapakita ng paggamit ng mga pampublikong espasyo tulad ng mga kapehan bilang alternatibong lugar para sa pag-aaral ang malalim na isyu sa ating lipunan. Ayon sa Rappler noong nakaraang taon, matagal nang hindi nakakamit ng DepEd ang nararapat na classroomstudent ratio na isang silid para sa 35 mga magaaral. Mas komportable talaga ang ating kabataan sa malawak na lugar ng mga kapehan, lalo na’t dagdag pasakit din sa kanila ang pagsisiksikan ng napakaraming mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Gayundin, nagsisilbing tinik ang kakulangan ng mabisang internet sa mga pampublikong paaralan sa mga kabataan. Ayon rin sa tala ng Department of Information and Communications Technology (DICT), mahigit-kumulang 853 lamang na mga pampublikong paaralan ang may access sa libreng Wi-Fi. Gayong lumolobo ang mga responsibilidad ng mag-aaral, mapipilitan silang pumunta sa mga
coffee shops na ibinibida ang kanilang malalakas na kuryente at internet. Bukod pa rito, naiipit sa masamang posisyon ang kabataan kung magpapatuloy ang kanilang pagdalaw sa mga coffee shops sapagkat gagastos sila nang mahigit kumulang na 100 piso kada punta. Malaki itong bawas sa kanilang pang-araw-araw na allowance dahil ayon sa mga pag-aaral ang karaniwang Pilipinong mag-aaral, tumatanggap lamang ng mula 150 hanggang 250 piso mula sa kanilang mga magulang.
Hindi lahat ng mga kabataan ang pumupunta sa mga kapehan upang magpahinga dahil ang iba pumupunta upang makaramdam lamang ng ginhawa. Responsibilidad ng DepEd, pati na rin ng iba pang kagawaran ng pamahalaan, na maglaan ng pondo at itaguyod ang mga proyektong magpapatayo ng maayos at sapat na pasilidad para sa mga mag-aaral. Gayundin, responsibilidad natin bilang mamamayan na huwag kutyain o gambalain ang mga kabataang tumatambay sa mga kapehan upang mag-aral, lalo na’t tayo rin ang
bumubuo ng pamahalaang dapat may malasakit sa kanila. Sa bawat pagkakataon na boboto tayo, binibigyan din natin ng pagkakataong mahatiran ang kabataan sa isang kalidad na edukasyong nararapat sa kanila.
panukalang uunlad sa sektor ng edukasyon sa bansa. Kung tuluyang magiging salat ang bilang ng mga guro sa Pilipinas, isa itong paglabag sa batas na siyang tungkulin ang itaguyod ang paglinang ng kaalaman sa isipan ng kabataan. Dagdag pa, balikwas din ito sa ika-4 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) na nilalayong mamahagi ng kalidad na edukasyon sa mga paslit. Bagaman isang makabuluhang bahagi sa pag-unlad ng lipunan, patuloy namang lumilisan ang mga indibidwal na siyang nangangasiwa sa paglalahad ng dunong. Bilang patunay, ayon sa Department of Education (DepEd), humigitkumulang 30,000 ang mga guro na umalis mula sa kagawaran mula 2022 hanggang 2023. Isiniwalat ng datos na ito ang pagtalikod ng mga guro sa sektor dulot ng kanilang hangarin sa ika-9 na SDG ng UN, na hindi kayang tugunan ng bansa.
Bunsod nito, ibinabandera
ESTELLE ZOE ATHENA R. MATURAN
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
ANNE KYLE V. MANTILLA
Baluktot na dahas
Pagtalakay sa mga dinanas ng kabataan noong panahon ng war on drugs
HFIONA MIKAELA L. GALENDEZ
indi maipagkakaila ang negatibong pagpapalagay ukol sa war on drugs, lalo na at umamin si dating Pangulo Rodrigo Duterte sa isang pagdinig sa Senado, partikular na sa kaniyang pamumuno ng isang pangkat ng mambubutang na tinatawag na Davao Death Squad. Bagaman humigit-kumulang 122 na mga bata ang pinatay ayon sa pananaliksik ng parehong World Organisation Against Torture (OMCT) and the Children’s Legal Rights and Development Center (CLRDC), ni isa wala pinagkalooban ng angkop na karapatan sa batas bagkus direktang binawian ng buhay na lamang. Samakatuwid, nananawagan ako ng isang masusi at makatarungang paglilitis ukol sa mga krimen upang mahatulan ng angkop na hustisya ang kabataan.
Sa gitna ng matatamis at mababait na pangakong binitawan noong eleksyon ng 2016, lumantad si Duterte kalakip ng kaniyang matalas at magiting na bibig. Marahil ito ang pangunahing dahilan sa kaniyang panalo at nagbigay na pag-asang tuluyan nating makakamit ang ika-16 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) na naglalayong maghatid ng kapayapaan at hustisya sa mga institusyon. Subalit, umusbong ang kaniyang mararahas na salita tungo sa kaniyang naging kilos sa layuning sugpuin ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Gayundin, marami sa nasawing mga musmos ang tiyak na tinudla bilang umaabuso ng ipinagbabawal na gamot. Subalit, mayroon ding napagkamalang salarin at pinatay nang hindi sinasadya na tinatawag ng mga awtoridad na simpleng pinsalang kolateral. Napatunayan mang kriminal o hindi, ika-12 na karapatan ng lahat ng kabataan batay sa Presidential Decree No. 603 o mas kilalang Child and Youth Welfare Code ang mabuhay nang malaya at matiwasay at maisasakatuparan ito kung susunod ang mga awtoridad sa angkop na proseso ng batas.
Phil-HELP!
Pasanin ng taumbayan hinggil sa zero budget ng PhilHealth
IIginiit ni Senador Grace Poe na hindi na kinakailangang dagdagan ang pondo ng PhilHealth sapagkat sapat na ang mahigit P600 bilyon na reserve fund nito para sa taong 2025. Sa laki ng halaga nito, mahihinuhang nasa hustong sukat pa rin ang pondo ng PhilHealth kung kaya’t makatuwiran lamang ang pagkakaloob ng zero budget para sa ahensiyang ito.
Bukod pa rito, isiniwalat din ng IBON
mga serbisyong pangkalusugan mula 2020 hanggang 2023; P300 bilyon ang kabuuang halaga ng naiwang salapi. Kung may salapi namang naititipid ang ahensiya, mainam lamang na bawasan ang pondo nito para sa susunod na taon.
Dagdag pa, inatasan din ng Department of Finance (DOF) ang PhilHealth na isauli sa Bureau of Treasury (BTr) ang hindi nagamit na subsidiya sa taong 2024. Mula sa paglaanan ng subsidiya ang mahihirap at mga senior citizen taun-taon alinsunod sa General Appropriations Act (GAA). Abonado na sa gastusin ang mahigit 25.24 milyong Pilipinong naghihikahos ayon sa PSA; bagkus, lalo pa silang mahihirapan kalakip ng kadudadudang zero budget para sa PhilHealth.
Kung susuriin, taliwas din ang naturang subsidiya ng PhilHealth sa RA 10351 o Sin Tax Reform Law sapagkat binigyang-diin nitong mapupunta sa ahensiya ang 80% ng kita mula sa buwis sa mga tabako at inumin upang mapondohan ang Universal Health Care Act.
Kung kaya, kapag tuluyang mapagkalooban ng zero budget ang PhilHealth sa taong 2025, maaaring babagal ang usad ng panukalang ito tungo sa pagkamit ng hangaring mabigyan ng suportang pangkalusugan ang lahat ng sektor ng mamamayang Pilipino.
Bilang karagdagan, ipinahayag din ng pangulo ng PhilHealth, Emmanuel Ledesma Jr., na tataas nang 50% ang halaga ng mga benepisyong iniaalok ng ahensiya bago matapos ang taong 2024. Datapwat, malinaw lamang na tila mawawalan ng kislap ang mga salitang ito kung kaya’t hinding-hindi kakayanin ng PhilHealth na pataasin ang mga benefit rates kung walang pagkukunan na pondo para sa susunod na taon.
Higit sa lahat, magiging hadlang ang panukalang zero budget sa samu’t saring programa ng PhilHealth sapagkat hindi sapat ang reserve funds nito para tustusan ang buong taon ng 2025. Sa kalagayang ito, paano mo aasahang makamit ng United Nations ang pangatlo sa 17 Sustainable Development Goals (SDG) o ang hangaring mapabuti ang usaping kalusugan sa bansa kung salat ang pondo ng ahensiyang may
Balotang sugal
Sa bawat pagsisiyasat sa mga pangyayari sa mga pagsalakay, iisa lamang ang inuulit na kuwento–nanlaban ang mga biktima.
Sa kabuuang pagtanaw sa karahasan ng war on drugs sa bansa, naitala ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bilang ng mga nasawi sa 5,601. Salungat dito ang Konstitusyon at mga panukala ng Pilipinas. Wala namang batas ang sumusuporta ng parusang pagkitil kapalit anumang krimen sa bansa. Pinatitibay nito ang katotohanang isa itong paglabag ng karapatang pantao na nararapat na lubos na kilatasin ng ating pamahalaan at International Criminal Court (ICC). Masaklap na katotohanan ang patuloy na paglaganap at paglunod ng mga Pilipino sa pangaabuso ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa Dangerous Drugs Board, 5,546 na mga Pilipino ang kasalukuyang nagpapagamot sa 82 Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers (DATRCs). At higit na nakababahala, 41.96% ang nasa 15 hanggang 19 taong gulang. Kung ito ang henerasyong didikta sa kinabukasan ng ating bansa, tiyak na wala tayong maayos na hahantungan.
Sa kabila ng mga malupit na war on drugs, hindi natin ganap na masasabing matagumpay ito sa paglaban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa katunayan, 39% pa rin ng ating mamamayan ang gumagamit nito 2 hanggang 3 beses bawat linggo ayon sa pananaliksik ng Dangerous Drug Board (DDB). Hindi nagmumula ang kabiguan ng kilusang ito sa kakulangan ng kalupitan mula kay Duterte, kung hindi mula ito sa mga malalalim na suliranin sa edukasyon sa negatibong epekto ng droga sa kalusugan ng indibidwal.
Bagaman nagsimula ang labanang ito sa dalisay na hangaring sugpuin ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, humantong naman ito sa paglaganap ng karahasan at pagsasawalangbahala ng batas sa lipunan. Ayon sa Department of Justice (DOJ), 33 na kamatayan lamang ang nakarating sa korte. Bunga nito, nararapat lamang na magpatakbo ang ICC ng makatarungang pagsisiyasat sa mga kilos noong war on drugs. Unang hakbang lamang ito upang mahatiran ng hustisya hindi lamang ang kabataang naging biktima bagkus ang lahat ng 6,252 na nasawi. Hindi ko maitatanggi na labis ang masasamang epekto ng paggamit at pang-aabuso sa ipinagbabawal na gamot. Gayunpaman, hindi karahasan ang natatanging sagot ng suliraning ito. Kung kaya, patuloy ang aking paninindigan sa karapatan ng mga biktima ang magtamo ng makatuwirang paglilitis at desisyon mula sa parehong pamahalaan at ICC. Gamit ang hustisya, tuluyan na nating sugpuin ang kalupitan mula sa baluktot na dahas.
Kung nagiging dagdag-pasanin sa taumbayan ang panukalang pagtitipid sa pondo ng pamahalaan, marapat lamang itong burahin bago pa man maging bukal sa hinanakit. Karapatan ng bawat isa na makuha ang halaga ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth–hindi bilang reserve funds na lalangawin sumasalba ng milyon-milyong buhay;
Pagtataya ng mga mamboboto bilang pagiwas sa pananamantala
– batay sa kakayahan, hindi sa apelyido o kasikatan. Hindi nagkulang ang ating mga mambabatas sa pagpapasa ng mga panukalang puputol sa anumang plano ng mga dinastiyang pamilya sa ating pamahalaan. Nitong mga nakaraang taon, marami nang mga panukalang naimungkahi ng ating mga mambabatas tulad ng Anti-Political Dynasty Act of 2018 o Senate Bill No. 1765 ni Senador Francis Pangilinan, ang House Bill No. 3587 ni Fredenil Castro, at ang Bangsamoro Electoral Code. Kahit na dalawa sa mga ito’y hindi pa ganap na mga batas, isa na itong malaking hakbang tungo sa patas na pamumuno ng bansa.
Subalit, base sa datos ng GMA News Research sa taong 2022, nabibilang sa mga politikal na dinastiya ang 79% ng ating mga senador, 90% ng mga kongresista, at 34% ng mga kinatawan ng mga party-list. Bukod pa rito, alinsunod sa pagaaral ng Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU) sa taong 2024, kabilang rin sa mga dinastiya ang 75% ng ating district representatives, 85% ng mga gobernador, at 66.67% ng mga mayor sa Pilipinas. Ang kanilang dominasyon sa pamahalaan ang siyang dahilan kung bakit kahit na’t daan-daang panukala ang ipapasa ng ating mga mambabatas hinggil sa pagpupugsa ng mga tanyag na politikong pamilya, halos lahat hindi naisasabatas sa kongreso.
Bukod pa rito, kinulang na nga ng suporta ang ating mga panukala sa kongreso, mas kukulangin ng boses ang repormang ito sa puso ng ating mga mamamayan. Ayon sa tala ng WR Numero poll nitong Setyembre 2024, 65% ng mga tao galing ng Visayas, 58% ng mga taga Mindanao, at 46% ng Metro Manila ang tumatanggap na sa paglaganap ng mga dinastiya sa bansa. Minsan na nga tayo nagkakaisa, huwag naman sa pagiging kuntento sa pamamahala ng mga dinastiya at pagsuko sa demokrasyang namumuno sa bansa.
Gayundin, sa parehong pag-aaral, kalahati sa mga taong lumahok sa pag-aaral ng WR Numero ang naniwala na nangungurakot at nagnanakaw ng pera ng bayan ang mga opisyal na galing sa mga dinastiya. Ngunit, 56% pa rin sa parehong grupo ng mga tao ang sumasang-ayon sa kanilang pagtakbo bilang mga kandidatong galing sa mga dinastiyang ito. Nakalulungkot isipin na kahit alam nating harap-harapan na nga tayong niloloko, tayo pa mismo ang pumipiling humarang sa pagbabago ng sistema.
Gayong alam naman nating matagal nang pinagpupugaran ng mga kilalang pamilya ang aitng politika, bilang mga botante at susunod na mga botante, huwag tayong manatiling tahimik na mga alipin ng mga dinastiyang pamilya. Lumaban tayo sa kahirapang kanilang dinudulot sa simple lamang pag-iwas ng pagboto sa kanila dahil sapat na ang ilang taon nilang pamumuno upang magturo sa ating wala silang mabuting maibabahagi sa lipunan. Hindi man maiiwasan ang banta na maaaring baluktot rin ang pamumuno ng mga baguhang kandidito o mga artistang sasali sa politika, ang ating talas lamang ang ating magiging alas upang mabigyan
RYAN DAVID C. MAQUILING
ESTELLE ZOE ATHENA R. MATURAN
Naghihingalong binhi
Agam-agam ng mga iskolar ng bayan sa kinabukasan ng agrikultura sa Pilipinas
Nagaman patuloy ang pagbaba ng halaga ng mga gulay mula pa noong 2023, kasalungat ang sa bigas. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na ito sa halagang 48.51 piso kada kilo, mas mataas ng halos 30 piso mula sa ipinangakong halaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos
pagtakbo niya
pagkapangulo.
Tolentino, Senate Majority Leader, na mahatiran ng tulong pinansyal ang mga magsasaka bilang paraan upang ibaba ang salaping kanilang ginugugol sa produksyon. Pumapanig ako rito, subalit hindi lamang tulong pinansyal ang dapat ibahagi bagkus dapat ding punan ang iba pang pangangailangan tulad ng angkop na pasilidad ng imbakan at mabisang transportasyon. Mga hakbang ito tungo sa pagbibigay ng karampatang nutrisyon na nagpapalakas sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan.
Sa Pilipinas, batay sa pag-aaral ng International Rice Research Institute (IRRI), 4.82 milyong ektarya ang nakatuon sa pagtatanim ng palay. Tunay na mahalaga ito para sa bansa, kung kaya, humantong sa tagumpay ng eleksyon ang simpleng pangako ng pagbaba ng halaga nito. Bukod sa mga benepisyo nito sa ating ekonomiya, tinutugunan ng bigas ang kalam ng tiyan ng 44.1% or 51 milyong na Pilipino araw-araw upang ating makamit ang ikalawang Sustainable Development Goal (SDG) ng United Nations (UN) na naglalayong puksain ang suliranin ng kagutuman sa mundo.
Subalit, bago umabot ang mga butil ng bigas sa ating mga merkado at pinggan, nakasalalay ang produksyon nito sa mga kamay ng ating mga magsasaka. Para sa 2.4 milyong Pilipino, isa itong kabuhayan mula sa pananaliksik ng Consultative Group on International Agricultural Research (CGIAR). Ngunit, inamin ng Department of Agriculture (DA) ang kakulangan ng maayos na pasilidad para sa postharvest ng mga palay. Nararapat itong pagtuunan ng pansin sapagkat naapektuhan nito ang 30% ng ating mga magsasakang nahihirapang makaahon mula sa karalitaan.
Gayunpaman, hindi nakararaos mula sa karalitaan ang ating mga magsasaka dulot ng pagkalunod mula sa mga salaping pasanin ng kanilang trabaho. Ayon sa tala ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), muling tumaas ng 3.13 piso kada kilo ang karaniwang halaga ng produksyon ng bigas. Nakadadagdag ito sa dati nang mabigat pasan ng mga magsasaka sapagkat, batay sa ulat ng PSA noong 2020, umabot ang halaga ng produksyon sa 47,196 piso bawat ektarya sa panahon ng tag-ulan at 46,650 piso bawat ektarya tuwing tag-init. Hudyat ang mga pananaliksik na ito sa nararapat na mga hakbang tungo sa mabisang produksyon upang hindi tuluyang masayang ang salaping kanilang ginugol para sa pagtatanim ng palay.
Maraming salik ang nasa likod ng pagtaas ng halaga nito, isa na ang presyo ng mga fertilizer na ginagamit pantaboy sa mga peste sa palayan. Bilang patunay, batay sa pag-aaral ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), halos triple ang pagtaas ng halaga ng urea sa merkado na umabot sa 2,998.55 bawat 50 kilo na sako, kung sa gayon, napilitan ang mga magsasaka na humumpay sa paggamit ng fertilizers na naging sanhi ng pagbawas ng produksyon. Kinakailangan na agarang matugunan ito nang hindi pa bumaba ng 1.1 metric tons (MT) ng bigas o katumbas ng 600,000 MT na maaaring makain ng ating kabataan at lipunan ng 10 araw.
Kalakip ng produksyon ng bigas na walang kupas ang pagbaba, nasasayang hindi lamang ang mga salapi at pagsisikap ng ating mga magsasaka bagkus pati na rin ang binhi ng paghubog ng karunungan ng ating kabataan–ang kanilang edukasyon. Batay sa isang pagsusuri ng mga guro, nababatid nilang 76% ng mga gutom na paslit kaakibat ang bumababang marka sa paaralan. Ibinubunyag nitong katumbas ng kasalatan sa pagkain ang kawalan sa kaalaman, mga suliraning talamak sa ating lipunan.
maayos at sapat na pasilidad sapagkat paraan ito upang maiwasan hindi lamang ang pagkabulok ng mga ani kung hindi pati ang pagkaligta sa pagsisikap at salaping nasa likod ng bawat butil.
Higit pa, malaking kalbaryo din para sa ating mga magsasaka ang laganap na kakulangan ng maayos na imprastraktura tulad ng mga kalsada, tulay, pasilidad sa pagpapadala na bumubuklod sa parehong palayan at merkado. Pagkaraan ng pag-ani ng mga palay at pagproseso sa bigas, sila rin ang mismong nagbabayad at kumakayod sa transportasyon ng mga ito. Sapagkat limitado ang mga imprastraktura, lubhang mahirap ito lalo na at mula 57 hanggang 59 taong gulang na ang karaniwang edad ng ating mga magsasaka batay sa ulat ng United States Agency for International Development (USAID).
Hindi makasabay sa patuloy na pagbabago ng klima ang produksyon ng bigas sa Pilipinas. Kung sa gayon, naninindigan ako sa iminungkahing tulong pinansyal para sa ating mga magsasaka. Datapwat, makatuwiran din kung mayroong sapat at maayos na pasilidad ng imbakan at mabisang transportasyon mula sa mga may katungkulan sa ating pamahalaan at DA. Tungo sa pagtanim ng kaalaman sa panibagong henerasyon, nananatiling unang hakbang ang salbahin ang ating naghihingalong binhi. B
Gayunpaman, malaking tulong ang subsidiya upang makabili ng sapat na fertilizer ang mga magsasaka, datapwat, hindi dapat dito nagtatapos ang solusyon. Taong 2020 pa noong unang binigyangdiin ng DA ang kakulangan ng pasilidad ng imbakan sa bansa, subalit, hanggang ngayon walang makabuluhang pagbabago sa bilang ng mga ito. Tunay na kinakailangan ang mga ito sa pagbagal ng pagkasira ng mga ani, kung kaya, nararapat na mayroong
Pagtubong inaasam
Papel ng agham sa pagsulong ng agrikultura sa makabagong panahon
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
oong 2023, ipinahayag ng Pangulo, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang plano ng kaniyang pamahalaan hinggil sa layuning makamit ang pagsasarili ng Pilipinas sa produksyon ng bigas sa loob ng dalawang taon. Subalit, bago lamang pumasok ang taong 2025, nagdusa sa humigit-kumulang 10 bilyong pisong kawalan ang sektor ng agrikultura dulot ng unos. Hindi na bago ang mga bagyo sa ating bansa, ngunit patuloy pa rin natin itong nakaliligtaan sa pagpaplano. Kung sa gayon, naniniwala akong mayroong makabuluhang bahagi ang bagong henerasyon sa pag-unlad ng industriya at magsisimula ang pagbabagong ito sa kanilang edukasyon, lalo na para sa ating mga mag-aaral ng science high schools.
Makabuluhan ang papel ng agrikultura hindi lamang sa ekonomiya bagkus maging sa karaniwang mamamayan. Batay sa tala ng World Bank, 23% ng ating puwersang manggagawa ang nagmumula sa naturang sektor. Datapwat, unti-unti nang humihina ang likod ng ating mga magsasaka sapagkat ayon sa Department of Agriculture (DA), mula 55 hanggang 59 taong gulang na ang kanilang karaniwang edad. Kung kaya, nilalagay nito sa panganib ang ika-2 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) na naglalayon tungo sa ganap na pagsugpo ng kagutuman.
Kalakip ng walang humpay na pagtanda ng ating mga magsasaka, pahirap nang pahirap ang integrasyon ng makabagong teknolohiya sa bansa. Bilang patunay, batay sa mga pag-aaral
Png Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), itinakdang nasa 1.23 horsepower per hectare (hp/ha) ang antas ng mekanisasyon ng agrikultura sa bansa. Malayo pa ang agwat nito mula sa 4 hp/ha na layunin ng DA, kung sa gayon, ipinahihiwatig lamang nito ang pangangailangan ng Pilipinas sa mga indibidwal na nagtataglay ng kaalaman sa teknolohiya–ang kabataan. Gayunpaman, mayroon namang inilatag na mga batas ukol sa pagpapatibay ng sektor tulad ng Republic Act (RA) 8435 o mas kilala bilang The Agriculture and Fisheries Modernization Act. Subalit, 28 na taon matapos ito maipasa ng ating pamahalaan, walang makabuluhang pagbabago ang mababatid sa ating mga sakahan. Nananalaytay ang mga luma at hindi gaanong produktibong
gawi. Taliwas ito sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon na tinatanim ang pagpapahalaga sa parehong agham at teknolohiya sa anumang sangay ng ating industriya at pamahalaan.
Dulot ng lumalawak na kaalaman hinggil sa ating klima, nararapat lamang na maghanda tayo at iakma ang mga teknolohiya sa pagtatanim upang maiwasan ang danyos mula rito. Kung sa gayon, dapat mamuhunan ang mga may katungkulan sa pamahalaan, DA, at Department of Science and Technology (DOST) ng makabuluhang edukasyon upang manghikayat at maturuan ng angkop at sapat na impormasyon sa agrikultura ang kabataan, lalo na sa mga mag-aaral ng science high schools. Marapat lamang na magtanim ng kaalaman sa isipan ng kabataan upang tuluyang makamit ang pagtubong inaasam.
Tinagong Butil
atuloy na nasisira ang agrikultura ng ating bansa dahil sa hindi maigting na pagpapatupad ng mga batas laban sa rice smuggling. Ayon sa ulat ng Bureau of Customs (BOC) Commissioner, Bienvenido Rubio, umabot sa 856 milyong metrikong tonelada ang nakumpiskang mga agricultural product. Nangangailangan ang pagtugon sa isyu ng rice smuggling ng mas matatag na sistema ng monitoring at mahusay na ugnayan ng iba’t ibang sektor.
nagpapataw ang Republic Act (RA) 12022 ng 20 hanggang 30 taong pagkakakulong at multang doble ng halaga ng mga produktong kasangkot. Magsisilbing babala ang matinding parusang ito sa mga nasa likod ng ilegal na mga gawaing gaya ng smuggling.
mahalagang matuunan
ang suliraning ito
panganib
ng bigas at kaligtasan ng mga mamimili sanhi ng smuggling. Base sa ulat ng PNA, umabot sa P5.87 bilyon ang halaga ng mga
nakumpiskang smuggled agricultural product mula Hulyo 2022 hanggang Nobyembre 2024. Dahil sa dami ng mga nakumpiskang produkto, higit na nadidiinan ang pangangailangan para sa mas mahigpit na quality control at inspection. Gayundin, nagreresulta ang kawalan ng tamang koordinasyon sa hindi pantay na presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), kahit bumaba ang halaga ng bigas sa wholesale sa P38 kada kilo, nananatiling mataas ang retail price sa P42 hanggang P55 kada kilo. Ipinapakita ng malaking agwat sa presyo ang kakulangan sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon at tumatawag sa mas
matinding pangangailangan para sa mas mahusay na sistema ng price monitoring.
Isang suliranin ang rice smuggling na may malawak na epekto sa ating mga mag-aaral at sa kinabukasan ng ating bansa. Upang protektahan ang kinabukasan ng ating mga iskolar at kabataan, dapat magpatupad ang DA at pamahalaan ng mas masusing sistema ng pagsubaybay sa mga nagbebenta ng bigas at magkaroon ng regular na pagpupulong kasama ang mga stakeholders. Mahalagang seryosohin ng bansa ang kanilang bawat hakbang sapagkat tungo ito sa pagtiyak ng food security at umuusbong na ekonomiya para sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
KLunas o lason
Masaklap na kahulugan ng 64 pesos bawat araw sa mga mag-aaral
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
alakip ng patuloy na pagtaas ng kakayahang bumili ng pagkain sapagkat bumaba ang food poverty sa bansa mula sa 3.9% noong 2021 hanggang 2.7% noong 2023 ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), ipinapalagay ding mababa ang salaping kinakailangan upang makakain ang isang indibidwal sa bansa. Sa katunayan, batay sa pananaliksik ng National Economic and Development Authority (NEDA), 9,581 piso lamang ang kinakailangan para sa pagkain ng pamilyang mayroong limang miyembro o katumbas ng 64 piso bawat tao. Hindi nagsisinungaling ang mga bilang subalit kapos ito sa kakayahang unawain ang buong katotohanan mula sa mata ng mga Pilipino. Samakatuwid, naninindigan ako para sa datos na sumasalamin sa buhay ng Pilipino upang mabigyan sila ng angkop na panukala.
Mayroon namang inilatag na Republic Act (RA) 11037 o mas kilala bilang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act kalakip ng layuning tugunan ang suliranin sa kagutuman sa kabataan. Bukod dito, kaugnay nito ang Presidential Decree No. 603 o Child and Youth Welfare Code, kung saan ika-4 na karapatan ng kabataan ang mabahaginan ng sapat na pangangailangan, kabilang na ang pagkain. Ipinapahayag ng mga tuntuning ito ang pagbibigay-halaga ng ating pamahalaan sa suliranin hinggil sa sustansya ng mga musmos.
Naka-ugat din ang mga panukalang ito sa mga pandaigdigang suliranin ukol sa kagutuman. Bilang patunay, isinusulong ito ng ika-2 na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations (UN) na naglalayong ganap na sugpuin ang naturang suliranin. Kung kaya, makatuwiran lamang na mayroong angkop na batas at panukala ang pamahalaan upang tugunan ang kagutuman sa lipunan, lalo na sa ating mga paslit.
Gayunpaman, walang kakayahan ang mga bilang na ito upang iparinig ang tunay na kalam ng sikmura ng mamamayan. Lalo na’t pumalo sa 16.8% ang kagutumang nananalaytay sa mga Pilipinong pamilyang nasa laylayan, batay sa ulat ng PSA noong Mayo ng taong 2024. Kung susuriin, mas malubha ang kasalukuyang katotohanan sa Mindanao na umabot sa 30.7%, bilang na pinakamataas sa buong bansa. Isinisiwalat ng mga datos na ito ang lugmok na kalagayan ng nutrisyon sa bansa at ang panawagan para sa higit na matibay na pananaliksik ukol sa suliraning ito.
Ikinagulat ng mga Pilipino ang pagbuklat ng NEDA ukol sa salaping kinakailangan upang makakuha ng sapat na pagkain sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral ng Standard and Poor, 25% lamang ng mga Pilipino ang nakauunawa ng konseptong pinansyal. Kalakip nito, inaasahang hindi maintindihan ng karaniwang mamamayan ang kontekstong pangekonomiya tulad ng ulat ng NEDA. Kung kaya, marami ang inakalang nais ipahayag ng pananaliksik na sapat na ang 21 piso para sa isang pananghalian. Ipinapahiwatig nito na salat ang Pilipino sa parehong pagkain at kaalaman.
Datapwat, walang pakialam ang ating pamahalaan sa katiyakan ng pagaaral hinggil sa pagtugon ng suliraning ito. Sa isang panayam na kinabibilangan ng NEDA, dinepensahan nila ang pagaaral sapagkat ayon sa kanila, humigitkumulang 7 piso lamang ang halaga ng isang pakete ng instant noodles sa merkado. Salungat ito sa halagang mula 12 hanggang 20 piso na tunay na matatagpuan sa ating mga sari-sari at pamilihan. Kalakip ng makabuluhang mga isyu ng ating lipunan, nararapat ang masusing pagsisiyasat upang mahatiran ng angkop na solusyon ang ating mamamayan.
Gayundin, kaduda-duda ang ulat na ito hindi lamang sa usapin ng salapi bagkus pati na rin sa nutrisyong dala nito. Sa katunayan, naglalaman ng 600 hanggang 900 milligram (mg) ng sodium ang isang pakete ng pancit canton habang 1,500 mg ang inirekomendang dami ng sodium bawat araw. Nabahala rin ng Philippine Nutrition Council sa pamantayang inilatag ng NEDA ukol sa nutrisyon. Sa pagkalkula ng salaping kinakailangan, dapat kaya nitong tustusan hindi lamang ang halaga ng bilihin bagkus ang nutrisyong tinataglay nito. Nakatuon ang papel ng mga pananaliksik sa pagbibigay ng plataporma para marinig ng mga nasa katungkulan ang kalam ng sikmura ng mga mamamayan. Kung sa gayon, naninindigan akong tungkulin ng mga kagawaran tulad ng NEDA ang magbahagi ng pag-aaral na tunay na sumasalamin sa pasanin ng karaniwang Pilipino. Dati-rati itinuturing na
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
ANNE KYLE V. MANTILLA
JULIA MICHAELA M. CERVANTES
INOBASYON
BNagbabantang unos
Panawagang patatagin ang bansa laban sa dumadalas na mga bagyo
unga ng tumataas na lebel ng tubig sa ating mga karagatan, lumulubog ang ating mga lungsod. Pinalulubha nito ang bilang ng mga bagyo na tumatama sa Pilipinas. Bilang patunay, ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), mayroong kabuuang 1.71 sentimetrong pagtaas ng tubig bawat taon sa Metro Davao. Naniniwala akong nakababahala ito, hindi lamang hinggil sa pinsalang dala ng mga sakuna kung hindi para sa kabuhayan ng mga Pilipinong umaasa sa yaman ng dagat–ating mga mangingisda.
Mayroong nakalatag na Republic Act (RA) 8550 upang magsilbing patnubay sa pamamahala at pangangalaga sa mga yamang nasa ilalim ng karagatan ng ating bansa. Bukod dito, sinusuportahan ng ika-14 na Sustainable Development Goal (SDG) ng United Nations (UN) ang parehong hangarin. Datapwa’t, taong 1998 pa naipasa ang batas, kung kaya, hindi nito sakop ang makabagong mga konsepto tulad ng tumataas na lebel ng tubig dulot ng pagbabago ng klima.
Masaklap lamang na labis ang negatibong epekto nito sa matagal nang dehadong bahagi ng ating lipunan, ang mga mangingisda. Bagaman hinuhuli nila ang mga isdang ating kinakain sa hapag, 30.6% ng kanilang populasyon ang nananatiling lunod sa kahirapan ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nailalantad ng mga bilang na ito ang paglubha ng malayong agwat sa lipunan dulot ng nagbabantang pagkasira ng kalikasan. Bilang dagdag, kung tuluyang mawawasak ang kalikasan
at mga yamang kalakip nito, apektado ang huli ng 476,000 na pinapatakbong mga sasakyang pangingisda. Kasama nito, ang paglubha ng kalagayan ng 1.9 milyong mangingisda at kanilang mga pamilya sapagkat pumipinsala ito sa kanilang hanapbuhay. Kinakailangan nila ang agarang kilos hinggil sa pagbabago ng klima upang hindi masira ang karagatang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.
Subalit, hindi lamang sila ang apektado ng mababang bilang ng isda sa ating mga dagat. Sa katunayan, malalagay sa alanganin ang nutrisyon ng 87 milyong Pilipinong kumakain ng isda batay sa tala ng Department of Agriculture (DA). Higit pa, nanggagaling ang 60% ng 60 kilo ng protein bawat taon ng mga mamamayan mula sa mga isda sapagkat abot-kaya ang halaga nito para sa karaniwang Pilipino. Nakasalalay ang malaking bahagi ng nutrisyon ng ating lipunan sa industriya ng pangingisda, kung sa gayon, nararapat lamang na maglapat tayo ng karampatang paraan sa pangangalaga rito.
Dahil dito, nakatakdang umurong ang anumang hakbang sa pagsulong ng kalusugan sa bansa. Nilalagay sa peligro ang nutrisyon ng 13.1% or 2.9 milyong kabataang nagugutom sa Pilipinas ayon sa bilang ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), lalo na kasabay ng katotohanang batay sa pananaliksik ng World Health Organization (WHO), 50% lamang ng ating populasyon ang nakatatanggap ng angkop na pangangalaga sa kalusugan. Upang mamuhunan sa ating kalusugan, kinakailangan nating simulan sa pagbabahagi ng sapat na nutrisyon sa mamamayan.
Datapwat, hindi lamang nakakubli sa nutrisyon at kalusugan ang mga salik ng suliraning ito bagkus damay din ang kalidad ng edukasyong mananalaytay sa ating mga paaralan. Nararapat lamang na maglunsad ng mga solusyon ukol sa patuloy na produksyon ng pagkain sapagkat bahagi rin ito ng pagtugon sa mga hamon sa ating sistema ng edukasyon. Para maisakatuparan ito, dapat suportahan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagprotekta sa kalikasang pinagkukunan nila.
Sa parehong suliranin ng kalikasan at kabuhayan, makabuluhan ang bahagi ng karalitaan dito. Kalakip ng katotohanang marami ang naninirahan sa mga impormal na pamayanang pumapalibot sa ating baybayin, apektado ang 55.47% ng ating munisipalidad at 48.72% ng mga lungsod ayon sa tala ng PSA. Mga mangingisda ang karamihan sa mga naninirahan sa mga komunidad na ito at lalong lulubha ang kanilang kahirapan kung hindi matutugunan ang pinsala sa ating kalikasan.
Sa sunod-sunod na pag-usbong ng mga suliranin sa pagbabago ng klima, hindi lamang ang kalikasan ang nawawasak.
Sa katunayan, apektado rin ang mga mangingisdang nakasalalay ang kabuhayan sa yaman ng ating karagatan. Bilang kapalit sa nutrisyong dala ng ating mga mangingisda sa ating lipunan, nanawagan ako para sa mga panukala tulad ng pagbabawas ng emisyon na magsisilbing paraan sa pagsugpo sa nagbabantang unos.
Mga daing ng mga mag-aaral
Mapaminsalang tulay
Pangambang dulot ng Davao-Samal Bridge sa kalikasan
Lantarang salat ang implementasyon ng proyektong flood control, kung kaya’t patuloy pa ring hinahamon ng mga perwisyo at kapahamakan ang mga Pilipino dulot ng madalas na pagbaha. Isinaad sa
Bago matunton ang Island Garden City of Samal (Igacos) mula sa lungsod ng Davao, kinakailangan munang araw-araw na sumakay ng humigit-kumulang 25,000 sasakyan sa lantsa matapos tiisin ang mahabang pila ayon sa tala ni Manuel Bonoan, kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Bunga nito, inilunsad ang Samal IslandDavao City (SIDC) Connector Project o mas kilala bilang Davao-Samal Bridge. Nasa likod ako ng anumang panukalang pagpapabuti sa transportasyon ng ating bansa, subalit, hindi natin dapat makaligtaan ang nakapipinsalang epekto ito sa ating kalikasan sa ilalim ng dagat.
Binubuo ng 7,641 na mga isla, itinuturing na isang kapuluan ang Pilipinas. Dahil dito, mahirap at nakababagot ang transportasyon ng parehong indibidwal at kalakal. Kung kaya, nangangailangan ng maayos na imprastraktura tulad ng tulay na ito. Sa katunayan, paiikliin nito ang karaniwang 20 minutong pagsakay sa lantsa hanggang 5 minuto na lamang. Sa inaasahang pagbubukas nito sa taong 2028, tiyak na mapapadali nito ang transportasyon sa pagitan ng dalawang lungsod.
Subalit, hindi lamang ito ang natatanging naipatayong imprastrakturang pandagat sa Pilipinas sapagkat bahagi rin ang bagong bukas na Panguil Bay Bridge Project (PBBP) at ang patuloy na pagpapalawak ng reklamasyon sa Manila Bay. Mga katibayan ito ng ating naging at magiging pag-unlad bilang mga lungsod at isang bansa. Bilang suporta ng ika-9 na Sustainable Development Goal (SDG) ng United Nations (UN), itinataguyod nito ang pagpapaigting ng ating industriya, pagbabago, at imprastraktura sa bansa.
Bagaman sumusuporta sa mga SDG, isa itong espadang may dalawang talim sapagkat mayroon itong mapanirang epekto sa kalikasang kalapit nito. Kasalungat nito ang ika-14 na SDG na naglalayong pangalagaan ang mga buhay sa ilalim ng dagat. Samakatuwid, nananawagan ako ng mga pasya na nagtataguyod ng mga kolektibong hangarin para sa ating kalikasan.
Sa kasalukuyan, ayon kay John Michael Lacson, isang Marine biologist, samu’t saring kolonya ng matitigas na korales sa Davao Gulf at malapit sa tanyag na bakasyunan, Paradise Beach Resort, ang namatay. Dagdag pa, umabot sa 600 metro kuwadrado o katumbas ng 10 silid-aralan ang lawak ng pinsala. Ang mga niyaring craneway ang itinuturong salarin sapagkat magkalapit lamang ito. Tunay na nakababahala na ang destinasyong minsang naghatid ng kanlungan para sa parehong turista at kalikasan ang dahan-dahang kinukubkob ng panganib.
Bukod dito, tiyak na kapabayaan ang siyang hahamak sa ating kalikasan. Sa ulat ng DPWH sa kanilang Environmental Impact Assessment (EIA) noong 2020 bago simulan ang proyekto, hindi nila tinalakay ang epekto ng pagtatayo ng tulay sa mga korales kung hindi mga epekto sa mga damong-dagat at isda lamang ang kanilang pinagtuunan. Ipinapahiwatig nito na dapat isaalangalang ang maaaring kabuuang kalabasan at hindi tahasang kaligtaan ito.
Gayunpaman, nasa ilalim ang Isla ng Samal sa National Integrated Protected Area System (NIPAS) Act of 1992. Datapwat, naglathala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa DPWH upang pahintulutan ang pagtatayo sapagkat hindi raw ito bahagi ng mga protektadong lugar na pinamamahalaan ng Protected Area Management Board (PAMB). Pinayagan man silang yumari ng isang tulay sa Samal, hindi nito ipinararating na mayroon silang karapatang wasakin ang anumang buhay sa ilalim ng dagat.
Ang 2021 Coral Reef Assessment (CRA) ng DENR ang naging batayan ng kanilang paghatol kahit na ang matitigas na korales lamang ang tinatalakay nito. Kasalungat sa mga natuklasan nito, ayon sa pananaliksik ni Dr. Filipina Sotto noong 2019, nasa mabuting kalagayan
ang karamihan sa mga korales sa isla maliban sa Lomos Beach at Bridgeport, isang lumang pagawaan ng barko. Ipinapahayag nito na mayroong mga mas mabuting lugar kung saan ilalagay ang tulay nang hindi sinisira ang kalikasan at mga buhay na nakasalalay dito.
Tiyak na malaki ang tulong na dala ng bagong tulay sa pagpapadali ng transportasyon para sa mga indibidwal at industriya, kung kaya, nararapat lamang na ilagay ito sa isang lugar kung saan hindi ito magdudulot ng pinsala sa parehong benepisyaryo nito. Ayon sa payo ni Sotto, higit na mainam kung ilipat ang tulay sa Bridgeport, kung saan matagal nang hindi maganda ang kalagayan ng mga korales, upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa kalikasan. Sumang-ayon dito ang isang feasibility study noong 2016 na isinagawa ng Japan Ministry of Economy, Trade and Industry (METI) sa paglalagay ng tulay sa Bridgeport sapagkat ito ang pinakamaikli, pinakamura, mas mababang epekto sa kalikasan. Sa pagsisiyasat ng mga panukalang ito, mahalaga ang pagsusuri mula sa mga mapagkakatiwalaang batayan.
Sa unang tingin, ang imprastraktura ang nagsisilbing tanda sa kaunlaran ng isang lungsod. Hindi ko maitatanggi ang kabuluhan ng mga tulay lalo na sa isang kapuluan tulad ng Pilipinas. Subalit, kung ang mismong nagsusulong ng pag-unlad sa industriya at transportasyon ang parehong salarin sa pagkasira ng kalikasan, naniniwala akong dapat maghanap ng mas mainam na lugar o pamamaraan ang pamahalaan upang iligtas ang kalikasan at mga buhay na umaasa rito. Sa gitna ng usapin sa pag-unlad at kalikasan, huwag nating pabayaang maging dahilan ng karagdagang hamak ang mapaminsalang tulay.
Kaya masasabing makatwiran ang mamahaling salapi na ibinigay sa proyektong flood control sapagkat masasalba nito ang milyon-milyong tahanan laban sa mga
sa kanila ay lubos na nasasalanta tuwing may pagbaha. Isinapubliko ng Harvard Humanitarian Initiatives (HHI) na 36% sa mga Pilipino ang nagsasabing hindi sila handa sa anumang sakuna
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
FIONA MIKAELA L. GALENDEZ
RYAN DAVID C. MAQUILING
YOHANE SAMUEL S. PEREZ
ANNE KYLE V. MANTILLA
ANNE KYLE V. MANTILLA
Mapaklang Nutrisyon
Ang masalimuot na katiyakan sa pagkain ng isang Pisay iskolar sa dormitoryo
Isang kasanayan kung hindi isang hamon sa mga mag-aaral na naninirahan sa dormitoryo ang sariling pagsisikap. Kahit karaniwang pagpapakain sa sarili ay isang diskarteng nangangailangan ng anim na taong pageensayo kung paano manirahan nang mag-isa malayo sa piling ng mga magulang. Sa gitna ng pangungulilang nakaukit sa malalamig na pasilyo ng paaralan, nananatiling isang kahig at isang tuka lamang ang pagpapakain sa sarili habang danas ang sandamakmak na mga gawain.
Ito ang naging paglalarawan ni Jerome A. Espinola, isang mag-aaral ng ika-12 na baitang, sa anim na taong paninirahan niya sa dormitoryo ng Pisay-SMC. Sa loob, tanging mga FoodPanda, pastil, de-lata, at mga inihaw na pagkaing tinitinda sa likuran ng paaralan ang kinakain ni Jerome sa pagsapit ng Sabado at Linggo. Ito ang tanging mga araw na hindi siya makagagastos ng P200 sa kantinang malabas na pasakit ang halaga ng mga bilihin.
Ngayong taon, tumaas ang presyo ng mga pagkain sa kantina mula nang nagpalit ng bagong canteen concessionaire. Umakyat ang halaga ng mga ulam sa kantina mula P60 hanggang P70 habang ang kanin naman ay nagkakahalagang P15. “Mahirap bumili sa canteen [dahil] kahit nasa menu na ang mga nutritious foods, separate ang pag-order sa kanila, [at] kung gusto mo mag-add ng isang food, magdagdag ka ng bayad, which makes it more expensive,” pahayag ni Jerome. Kamakailan iminungkahi ng Food and Agriculture Organization (FAO) na hindi lamang nakasalalay sa pisikal na availability at access ng isang tao sa pagkain ang food security kung hindi naaayon din dapat ito sa mga nutrisyonal na pangangailangan ng katawan. Naitala ng Social Weather Stations (SWS) survey na
tumaas ang porsyento ng mga pamilyang nakararanas ng gutom kada buwan mula 10.7% noong 2023 patungo sa 22.9% nitong 2024.
Binubuo ng malaking bahagi nito ang Mindanao na may 30.3% na bahagdan ng gutom.
Itinuturong sanhi nito ang kahirapan na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may mga 25.24 milyong Pilipino na hindi sapat ang kinikita para matustusan ang pangunahing pangangailangan katulad ng damit at pagkain.
Habang patuloy na isinawalang-bahala ni Jerome ang gutom, nagkaroon ito ng mga pangkalusugang epekto sa kaniyang katawan na kalaunan ay nagbunga sa isang karamdamang kaniyang naranasan lamang nitong Nobyembre 2024. “Sabi ng aking doctor, possible na cause daw ang kakulangan ng nutrition because may
isang time this year na nag-skip ako ng meals for nine days straight. Then, I didn’t have energy for the rest of the week like matulog na lang ako most of the time. That’s why hindi rin ako magawa ng assessments,” iminungkahi ni Jerome.
Sa pangkalahatan, nangangailangan ang bawat tao ng mga masustansyang pagkain upang mapanatili ang mga operasyon ng katawan at mapangasiwaan ang mga pangaraw-araw na tungkulin lalo na sa paaralan. Hindi lamang laro ng sinsilyong nakasandal sa kapalaran ang pagkain nang tatlong beses sa isang araw. Subalit, sa sinalungguhitang pinggan na kapos sa tamang nutrisyon, naisasawalang-bahala ang pribilehiyong nararapat na maging isang karapatan na natatamasa ng bawat mag-aaral.
PINTONG MAKALUMA
Pagdungaw sa tradisyong ipamamana sa bagong henerasyon
anaw ng isang mag-aaral ang pintong nababalot na ng agiw at alikabok. Kasabay ng paghakbang papasok sa makalumang lagusan, kunot-noo siyang nagtataka nang masilayan ang tanawing hindi pamilyar. Sa bawat hakbang na tinatahak sa araw-araw, tangan ng bawat isa ang pamana ng nakaraan subalit madalas itong nakalilimutan, kung kaya sa pamamagitan ng pintong ito, namumulat ang sinuman sa hiwaga ng pagbabalik-tanaw.
Hango sa isang durian– isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng Davao, ang National Museum of the Philippines-Davao na napapalooban ng mga mahahalagang parte ng paglago ng rehiyon ng Davao.
Matatagpuan ito sa People’s Park Compound, J. Palma Gil St., Brgy. 4A Poblacion District, Davao
Sa pagpasok bubungad sa iyo ang ga-higanteng mga agong na “Ahungan sa Panaghiusa” na gawa ni Kublai Millan, isang batikang iskultor ng Lawig-Diwa, Inc. kasama ang mahigit 50 mahuhusay na Manobo ng Davao Occidental– isang matibay na patunay ng pagbabayanihan ng bawat isa upang makabuo ng magandang likha.
Matatagpuan sa unang palapag, ang iba’t ibang mga larawan na iginuhit ng mga Dabawenyo na nagpapahayag ng iba’t ibang mensahe tungkol sa likas na kultura ng Davao. Sa ikalawang palapag naman matatanaw ang iba’t ibang yaman na matatagpuan sa rehiyon katulad na lamang ng mga mineral na sulfur at ginto, pati na rin ang mga hayop na madalas naninirahan sa lugar.
Bumibida naman ang magkakaibang kultura ng mga tribong naninirahan sa rehiyon sa ikatlong palapag ng museo. Mga sari-saring sining na nagbabahagi ng ekspresyon naman ni Ang Kiukok ang bubungad sa iyo sa ikaapat na palapag.
Tiyak na maipagmamalaki ang lubos na biyaya ng Maykapal sa rehiyon ng Davao. Mula sa mga masasarap na pagkain, mga magagandang tanawin, mga matatarik na bundok at bulubundukin,
Pinansyal na tulong buhat ng pagdidisenyo ng kuko ng Pisay iskolar
Sa bawat hagod ng makukulay na brush, hindi lang disenyo ang ipinapatong niya sa mga kukong binibigyang buhay—nilalagyan niya rin ito ng bahagi ng kanyang puso. Sa tuwing nababagot at walang magawa, isang libangan ang magpapagilas ng kanyang talento. Habang marahang dumadampi ang kulay sa ibabaw ng kuko, hindi niya inaasahang ang simpleng libangang ito ay makakatulong sa kanyang hilahin ang sarili mula sa matinding suliranin.
Hindi tulad ng nakakahalinang palamuti, mistulang natuyo naman ang kulay sa buhay ng mga mag-aaral na naghahanap-buhay, matustusan lamang ang suliranin sa salapi. Sa inilahad ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 1.37 milyong kabataan ang nagtatrabaho upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kalakip na ang kanilang pag-aaral. — ito ang sitwasyong kinakaharap ni Zandro Masangcay, isang mag-aaral mula sa ikalabindalawang baitang ng Pisay-Davao.
Nang tumuntong siya sa ika-9 na baitang, nabuksan ang kanyang mga mata sa hamon kumakadena sa kanyang mga pangarap—ang kakulangan sa salapi. Kasabay ng pagkamulat sa realidad, umusbong rin ang
hilig niya sa pagpipinta ng kuko kung kaya’t nagsimula siyang tumanggap ng kliyente at tumahak sa landas ng pagnenegosyo.
Tila dalawang bagay ang nakikinabang sa iisang hakbang lamang sapagkat hindi lang nakakatulong ang serbisyo niya upang mas mapabuti ang kanyang kakayahan, ito rin ay isang malaking tulong sa kaniyang pamilya. “It’s really helpful for me because I’m able to buy the things I need from my own pocket and I don’t have to ask my mom too much anymore”, wika ni Zandro.
Kasabay ng mga patongpatong na gawain sa paaralan, sa kasalukuyan, naluklok din si Zandro sa mataas na posisyon sa Student Government (SG) na naghahatid ng malaking responsibilidad. Sa kabila ng panibagong paglalakbay, palagi pa rin siyang bumabalik sa bagay na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan—ang pagpipinta ng kuko.
mga kakaibang hayop sa tubig at lupa hanggang sa mga makukulay na mineral sa ilalim ng mga batong saksi sa kasaysayan ng mga ninuno. Sa tulong ng museo, mas lumiliyab ang dilaab ng kaalaman sa mga kabataan.
Namamanghang isinalaysay ng iskolar na si Hayly Venice Diente ang kaniyang saloobin nang libutin niya ang museo. Ika niya, “Naipakita talaga ng museo ang kasaysayan ng Davao. Bilang laki sa Davao, nakakaproud din na kahit hindi mo naabutan ang panahong iyon, dahil sa museo makikita mo kung gaano kayaman ang kasaysayan ng Davao”.
Bagama’t kakaiba ang yaman ng kultura, nagpapatuloy ang paghakbang tungo sa iba’t ibang pinto ng buhay. Kaya sa susunod na mangyari ito, nawa’y hindi na kukunot ang noo at magkakasalubong ang kilay ng mga mambabasa. Sana’y manatiling lumiliyab ang dilaab ng kaalaman dahil ang yaman ng kahapon ay hindi lamang nananatili sa mga pahina ng librong ating pinag-aaralan.
Kahiligang Nambubusog
Tulad ng marahang pagdampi ng makukulay na palamuti sa mga kuko, unti-unti rin nawang mabuhay ang mga natutulog na determinasyon na siyang magiging sandata sa mabagsik na mundo. Higpitan pa nawa ang pagkapit sa mga pangarap sapagkat tulad ng pagpipinta ng kuko, walang sinuman ang mag-aakalang ang mga daliring nilalagyan ng palamuti ay maghahatid ng yamang makakatulong sa pagkamit ng inaasamasam na pag–unlad.
Timpla Pagsusumikap
Hawlang
Nagpupumiglas na pangarap ng isang Matigsalug
FAITH HAMCHELLE LEONG
CHRISTIAN GABRIEL L. BARON
KRISHNA JAZZ ARES
KENA ROSE D. SANCEBUTCHE
KUHA NI: Denzel Heart D. Hontanosas DISENYONG PANGTUSTOS. Nakakukuha si Zandro Pana ng karagdagang salapi sa bawat sahod ng makukulay niyang brotsa.
KUHA NI: Bb. Janena Pajulas
TUKLASIN. Nagmamasid si Hayly sa mga impormasyon na handog ng National Museum sa People’s Park, Davao City. Unang nagbukas ang museo sa publiko noong Disyembre 1, 2024 at libre ang pagbisita rito.
KUHA NI: G. Johnel T. Lumacao DIWANG KATUTUBO. Ipinapamalas ng isang iskolar mula sa Matigsalug Tribe ang kanilang tradisyonal na kasuotan.
KUHA NI: Christine C. Gomez PANANDALIANG SUSTANSYA. Masayang pinagsaluhan ng dormers ang pagkaing nakahanda para sa isang gawaing pampaaralan.
Timpla ng Pagsusumikap
Nalusaw
Matigsalug iskolar sa mundong mapanghusga
kakahuyan, yumayakap at binabalot siya ng malamig na simoy ng hangin. ang malamyos na huni ng mga ibon. Subalit, para sa mata ng isang munting ang kanyang inaasam na pagbabago. Buo ang loob niya na kumawala sa
pa ang diskriminasyon na kanyang natatanggap kaysa sa pandemyang kinatatakutan ng lahat. Bagama’t hindi maikukubling umiiral ang kawalan ng tiwala, hindi siya nagpatinag at muling umusbong ang naudlot niyang pangarap—ang makapag-aral sa City College of Davao.
Bilang bahagi ng tribong Matigsalug, ang karapatan sa edukasyon ay waring natatakpan ng makakapal na ulap. Pilit mang kinukulong sa hawla ng kahirapan, hindi siya sumuko, bagkus, naging pamukaw-sigla ito upang maging matiya nang sa gayon ay mapaglingkuran niya ang kanyang tinatanging kuminidad.
Even though we are just poor, I firmly believe that poverty is not a hindrance to having a proper education,
wika niya
Tulad ng unti-unting pagsilip ng liwanag sa makulimlim na mga ulap, marahan din ang pagkamit ni Rocky sa minimithi niyang pagbabago. Kapag liwanag ang labanan, hindi magpapahuli ang kanyang ningning na ngayon ay patuloy na nagtatagumpay sa kanyang pag-aaral. Ang dating paslit na naghahangad ng pagbabago sa buhay ay siya nang nagbabago ng buhay ng mga mamamayan. “As a future educator my heart will always look back in my community where I could give something, where I could provide something, as a future educator.”
Sa mundo kung saan nakakayamot na ang paulit-ulit na tanawin sa paligid, tunay ngang tiyaga at determinasyon ang magiging susi upang makamit ang pagbabago. Tulad ng araw na patuloy na nagbibigay ng liwanag sa kabila ng masamang panahon, huwag nawa tayong magpadaig sa diskriminasyon. Pilit mang sinusugatan ng sibat ng kahirapan, maging sandata nawa ito upang warakin ang mga hawlang naglalayo sa atin sa kaunlaran.
Pintang Malabnaw
Ang pag-asang dala ng tie-dye sa mga paslit na nakikidigma sa kanser
FAITH HAMCHELLE LEONG
Sa isang tahimik na sulok ng isang lumang silid, nakalapag ang isang walang buhay na guhit. Habang nakatitig sa mga linya ng obrang pilit na sinasalba, nadarama ng maliliit na mga daliri ang nakahimlay na mga pangarap. Sa mga mata ng mumunting mga bata, ang guhit sa puting papel ay simbolo ng kawalan ng pag-asa. Tulad ng mga bulang unti-unting naglalaho sa himpapawid, inilahad ng Philippine Council for Health Research and Development (DOSTPCHRD) na mahigit 3,000 ang bilang ng mga batang pinagkaitang tuparin ang mga pangarap nang dahil sa kanser. Sa kadahilanang kinakailangang tugunan ang tumataas na bilang na ito, itinatag ang isang tahanang magbibigay ng pag-asa at kalinga sa mumunting mga bata.
Tila umuusbong na sa liwanag ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa hinaharap ng mga paslit sa pamamagitan ng isang proyektong isinasagawa ng mga mga mag-aaral mula sa ikalabing-isang baitang ng nasabing paaralan—ang Scholar’s of Hope. Mala-higante ang tulong na naidudulot ng pagkukulay ng mga damit na mas kilala bilang “tie-dye” sa mensahe ng pag-asa at pagkakaisa. Ang Scholars of Hope ay patunay na sa simpleng paraan, maaaring maipadama sa mga batang may kanser na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban. Maging katuwang nawa sa pagpapamalas ng malasakit at aruga nang sa gayon ay muling makulayan ang naburang pag-asa sa buhay ng mga bata.
Waring unti-unti mang nabubura ang pangarap ng mga paslit, nakatuon naman ang House of Hope Foundation for Kids With Cancer Inc. sa pagbibigay ng pag-asa, buhay, at kalinga sa mga batang nakikipagdigma sa kanser. Ngunit sa kabila ng kanilang matibay na hangaring tumulong, nananatiling isang hamon ang kakulangan ng kamalayan ng marami sa kalagayan ng mga batang ito.
Bagama’t tila binura ang pag-asa mula sa kanilang mga buhay, hindi lamang ng sakit, kundi ng kawalang pansin ng lipunan, may mga malikhaing indibidwal naman ang nagpapaulan ng kulay—muling ginigising ang mga pangarap na minsang nang kinalimutan. Isa ang Philippine Science High SchoolSouthern Mindanao Campus sa mga institusyong handang tugunan ang hinaing ng tahanan.
Labanang matapang
PSigaw ng pangarap ng iskolar na may rheumatoid arthritis (RA)
Maituturing na malawak at walang hangganan ang kakayahan ng isang tao. Gayunpaman, madalas nasusumpungan ang sariling kakayahan sa mga limitasyong guhit lamang ng sariling mga pader. Kaya, bunga ang sariling naiiwanan, napipigilan, at naaapakan ng mga sementong nagkukumpol-kumpol kung saan man may kahinaan. Nakakahon sa mga pader na ito ang imahinasyon ng mga nawalang pangarap dulot ng mga paniniwala na mabibilang lamang ng kamay ang kayang abutin sa buong kalawakan.
Sa mahigit-kumulang 4,466,649 na PWDs na naitala ng National Council on Disability Affairs (NCDA), nabibilang ang sigaw ng lakas at katatagan ni Clarence Jethro B. Gavira, isang iskolar sa ika-12 na baitang na ipinaglalaban ang pangarap sa kabila ng mga hamon ng rheumatoid arthritis (RA). Ang rheumatoid arthritis ay isang autoimmune disease kung saan ang inyong immune system ay inaatake ang iyong cell na kumukonekta sa iyong mga kasukasuan na nagiging sanhi ng pamamaga, paninigas, at pananakit ng mga kasukasuan na kalaunan ay maaari nitong masira ang mga kasukasuan, kartilago, at kalapit na buto.
kaniya ang masaksihang may ibang iskolar din na tulad niya na nakatulong upang mamulat na hindi siya nag-iisa sa kaniyang paglalakbay.
SA BAWAT HAKBANG. Ipinapakita ni Clarence Gavira na hindi hadlang ang rheumatoid arthritis
Nagsimula ang kapansanan ni Clarence sa edad na 14 nang nagsimula siyang makaranas ng pananakit at paninigas sa kaniyang mga tuhod. Nagpatuloy ang mga sintomas nang tumuntong siya sa edad na 15 hanggang humingi na ang kaniyang pamilya ng tulong mula sa isang ortopedikong doktor. Nang dumaan siya sa ilang pagsusuri, natagpuang siya ay may Juvenile Idiopathic Arthritis (JIA), na kalauna’y naging Rheumatoid Arthritis (RA) nang tumuntong siya sa edad na 18. Isang realidad sa buhay ni Clarence ang mga pisikal na limitasyon sa kaniyang katawan. Subalit, hindi niya ito hinayaang maging hadlang sa kaniyang kakayahan bilang isang matalino at mahusay na iskolar sa Chemistry at Mathematics. Bagkus, patuloy na nagniningning ang determinasyon ni Clarence na patunayang kaya niya ring makipagpaligsahan sa iba. Inihayag ni Clarence na dapat aalahanin ng mga taong may kapansanan tulad niya na hindi sila nag-iisa sa laban. Kaya, makahulugan sa
Para kay Clarence, normal na lamang ang sakit na kaniyang nararanasan dahil sa pamamagitan ng pagtanggap sa RA bilang isang panghabambuhay na karamdaman, natutunan niyang pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang bahagi ng kaniyang buhay. “Your disease does not define who you are. Don’t let your disability hold back from pursuing what you want to do in the future because you are so much more than that,” sigaw ni Clarence na yakapin ang lakas at katatagan sa kabila ng sariling kahinaan. Ang bawat isa ang tanging may hawak sa sari-sarili nating limitasyon at pagkukulang sa buhay. Nagsisilbing makapangyarihang halimbawa ang kuwento ni Clarence sa kung paano makatutulong ang determinasyon, suporta, at positibong pag-iisip upang malampasan ang mga hamon sa buhay. Sa paglikha ng isang mundo kung saan ang lahat, anoman ang kakayahan, ay maaaring umunlad at maging bahagi ng isang mas masaganang lipunan.
Nasa Mais ang Tamis
inaniniwalaan na natatamasa lamang ang tamis ng buhay mula sa mga linyahang “corny” na nagpapangiti ninuman. Subalit may pamamaraan pang malalasap ito mula sa sipag at tiyaga na nagpaparamdam ng sinseridad at pagmamahal tulad ng manamis-mais na putaheng mula Bukidnon- ang binaki.
Hindi lamang ordinaryong pagkain ang Binaki, gawa ito sa dinurog na mais na hinaluan ng gatas at mantequilla. Matapos mahalo, binalot naman ito sa dahon ng mais. Kagaya ng buhay, hindi lang ito tungkol sa tamis ng mga sangkap kundi sa proseso ng paggawa na binubudburan ng tiyaga at pagmamahal. Hindi natin kailangang magpakabihasa sa matatamis na salita. Minsan, sapat na ang pagiging totoo tulad ng simpleng sarap ng Binaki.
“Sa amin, hindi lang ‘to Binaki, it’s more than just a food, Binaki is our pride, bringing back memories and stories from
Binaki, isang corny delicacy mula sa Bukidnon
the past, especially for the Indigenous people. In the old times, the first harvest of corn was made into Binakbak and offered to Magbabaya (isang diyos). Binakbak was prepared for special occasions and intended for special people. If you were given Binakbak, it meant you were special,” saad ni G. Sanny V. Carpio, ama ng isang iskolar tubong Malaybalay, Bukidnon..
Katulad ng Binaki na niluluto sa tamang init para mapalasa ito, kinakailangan ang pagmamahal, oras, at pagsisikap para makamit. Hindi kayang ipagmadali lamang ang hakbang na ito at tulad naman ng maingat na pagbalot sa dahon ng mais, nangangailangan ang matamis na buhay ng masusing pag-aalaga at pag-iisip para hindi ito masayang.
Katulad ng Binaki na niluluto sa tamang init upang abutin maabot ang perpektong lasa, ang tamis ng buhay ay nangangailangan ng pagmamahal, oras, at pagsisikap. Hindi ito maaaring madaliin nangangailangan ng maingat na pagbalot sa
dahon ng mais, ang isang matamis na buhay ay nangangailangan ng masusing pag-aalaga at pagpapahalaga upang hindi ito masayang.
Kaya kung naghahanap ka ng isang natatanging karanasan, huwag palampasin ang pagkakataong matikman ang Binaki. Hindi lamang ito pagkain; isa itong paalala na ang tunay na tamis ay matatagpuan hindi sa matatamis na salita, kundi sa mga gawaing may puso, sa kulturang iniingatan, at sa mga sandaling hinuhubog ng pagmamahal. Matikman mo man ito sa kauna-unahang pagkakataon o balik-balikan bilang alaala, ang Binaki ay isang pangako ng kasimplehan at kasiyahan—na tunay na nasa mais ang tamis.
CHRISTIAN GABRIEL L. BARON
DIANA NICOLE GAER
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim NGITING ABOT LANGIT. Pagsasagawa ng mga aktibidad at pakikipagkulitan ang nagbigay ng ngiti at saya sa mga bata mula sa House of Hope for Kids with Cancer, Inc., hatid ng mga iskolar ng Pisay-Davao.
KUHA NI: Zyescha Kiz C. Lim
sa pag-abot ng kaniyang pangarap.
KUHA NI: Arlet Carpio
ANNE KYLE V. MANTILLA AT JULIA MICHAELA M. CERVANTES
bagwis-agham
Ang Opisyal na Pampahayagang Pangkampus ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus
TOMO XXXIV, BLG. 1 | Agosto 2024 - Enero 2025
Kinadenang Agos
Hinaing ng iskolar sa karapatan ng mamamayan sa ligtas na akses ng tubig
HAYLY VENICE B. DIENTE
Sa maraming pamayanan sa kaibuturan ng kabundukan, isang bagay na kasing halaga ng hanging hinihinga ang nananatiling mailap—ang tubig. Para sa iba, sapat lang ang pagbukas ng gripo upang mapawi ang uhaw, ngunit para sa ilang kababaihan at bata, ang bawat patak ay bunga ng pawis, pagod, at panganib.
Ito ang natutunan ni Juris Justine D. Borong, isang estudyante ng Philippine Science High School, mula sa kanyang ina na dating kawani ng Davao City Water District (DCWD). Bata pa lamang siya, isinasama na siya sa mga seminar ukol sa gender roles at gender sensitivity subalit hindi sapat ang kaalamang natutunan niya sa loob ng seminar room, sapagkat ang tunay na aral ay natuklasan niya sa mga liblib na lugar na kung saan ang tubig ay madalang lang makamtan.
Sa kanyang pagbisita sa matataas na lugar kung saan mahirap ang akses sa tubig, nakita
walang maayos na pipe connections. Dahil dito, ang pagkolekta ng tubig ay isang pang arawaraw na pakikipagsapalaran at sa laban na ito, kababaihan ang laging nasa harapan.
Sa mga tahanan, ang mga kababaihan ang naatasan na mag-igib ng tubig, sapagkat sila ay babae kung kaya’t sila rin dapat ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Lalo itong mahirap para sa mga babaeng may regla, sapagkat limitado ang kanilang akses sa malinis na tubig.
Dahil sa mga obserbasyong ito, isinusulong ni Juris ang Project AGWA (Associates of Gender and Water Advocates), isang adbokasiyang naglalayong ipalaganap ang kaalaman tungkol sa koneksyon ng tubig at kasarian.
Noong nakaraang Hulyo ay kinilala si Juris bilang Water Ambassador ng DCWD at tagapagsalita sa Davao City Water District E-Congress na ginanap sa Malagos Watershed Reservation.
Sa kasalukuyan, abala siya sa pakikipagugnayan sa DCWD at sa paghahanap ng financial partners upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa. Orihinal na tatlong araw ang itinakdang tagal ng proyekto, ngunit pinag-iisipan pa niya kung paano ito maisasakatuparan sa mas maikling panahon.
Nakaplanong ilulunnsad ito sa Marso, kung kailan siya ay magsisimulang magbigay ng seminar sa mga mag-aaral ng ika-anim na baitang.
Sa patuloy na pag-agos ng Project AGWA, kasabay din ang pagdaloy ng panawagan na: hindi lang isang pangangailangan ang ligtas na akses ng tubig—kundi isang karapatan.
kaugnayan pa rin ang dalawa dahil ang mga kababaihan at batang babae ang karaniwang tumatanggap o gumagamit ng tubig. Sila rin ang lubos na naapektuhan ng mga isyung may kinalaman sa kakulangan ng tubig
ika ni Juris
KUHA NI: Juris Borong TINIG PANAWAGAN. Pagsabak ng isang iskolar sa pampublikong pagsasalita upang ipadinig ang kanyang panawagan ukol sa malayang akses ng tubig.
pahinang kapos
Pighati ng isang librarian sa aklatang hindi makasabay sa modernong pamantayan
Sa bawat sulok ng paaralan, maririnig ang alingawngaw ng mga kabataang naglalakbay sa mundo ng kaalaman, nagsusumikap mangalap ng mga kasagutan sa mga katanungan. Gaya ng paghihinagpis ni Florante na dumaraing sa masukal na gubat, si Ginoong Lito Calacar, ang librarian ng Philippine Science High School - Southern Mindanao Campus ay patuloy ring minamalas ang maalikabok na aklatang nalalagakan ng lumang kagamitan na mapait na repleksyon ng walang
limitadong pondo. Mahigit 300,000 hanggang 500,000 pesos para sa isang taon ang dapat inilalaan para sa subscription sa online resources. Tila serpyente’t basiliskong pumupulupot at itinatali ang aklatan sa lumang
kasi mas makasave siya ng espasyo, mauupdate
kaagad,” dagdag ni Sir Lito na patuloy na nagsusumikap na mapabuti ang sistema ng aklatan, kahit na puno ng mga hadlang ang daan patungo sa digitalization.
Gayunpaman, umaasa pa rin si Sir Lito na magkaroon ng learning commons ang aklatan, isang espasyo na hindi lang magbibigay kaalaman kundi mag-aalok din ng pahinga at kasiyahan sa mga estudyante.
Kung kaya dulot nito’y isang tanong ang bumabagabag ninuman. Sa isang paaralang tinitingala at inaasahang nangunguna sa kaalaman, bakit tila napag-iiwanan ang silid-aklatan?
Sa panahon kung saan mabilis ang daloy ng impormasyon, paano natin mahahabol ang pamantayan ng makabagong silid-aklatan?
Lahat ng ito’y tila isang impit na panaghoy ng pusong nag-aasam ng konting katiyakan sa napakaraming kakulangan. Hindi pa sapat ang mga tugon sa malaking agwat ng pangangailangan kahit may mga hakbang upang itaas ang kamalayan ng mga mag-aaral.
Mailap pa ang pagbabago subalit nawa’y paglaanan din ng mataas na pondo ang mga aklatan at suporta sa cloud-based resources upang ang mga panaghoy na ito’y marinig din ng mga nagmistulang Alading magliligtas sa mga Floranteng tumatangis sa mapanglaw na gubat. Sa ganitong paraan, mas magiging handa ang mga mag-aaral upang makipagsabayan sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at makuha ang mga kinakailangang kaalaman para sa kanilang tagumpay.
PAGTUTULUNGAN
Lingap Dilim
Pagsasalin-dunong ng mga Pisay iskolar sa Davao School For The Blind
SKUHA NI: Denzel Heart D. Hontanosas SA BAWAT PAHINA. Pag-aasikaso ng tagapamahala ng aklatan sa mga libro habang isang estudyante ay nakapokus sa pananaliksik gamit ang kanyang laptop.
Basurang Biyaya
Pag-usli ng palaruang pambata mula sa dating tambakan ng basura
Langit Lupa, ta-taya-taya!”--- ito ang mga linyang naririnig sa tuwing nakikita ang mga batang naghahabulan. Sa mga unang sandali ng laro, lahat ng manlalaro ay nasa lupa bago pa ito makatakbo sa langit. Kawangis ng mga batang nagkakandarapang makarating sa langit, may mga lugar din na matagal nang naghihintay ng kanilang pagkakataon upang maghatid ng kagalakan sa mga tao. Ang itinuturing patapon na’y nagtataglay pa rin ng bagong pag-asa sa komunidad. Isa sa mga bagong proyekto na isinagawa ng Barangay Sto. Niño sa tulong ng punong barangay na si Romeo F. Alberca- ang mini park sa bakanteng lote sa gilid ng paaralan ng Philippine Science High School (PSHS- SMC).
“Kailangan kong palinisin ang lugar dahil dati itong tambakan ng basura, hindi ko kayang iwanan itong bakante lamang. Ginawa ko itong mini park dahil wala tayong mini park. Kaya, nagising ako at sinabi ko sa sarili ko na kailangan nating gawin ito. “ ani ni Alberca.
Sa ilalim ng mandato ng Local Government Code ng Pilipinas, seksyon 17, kailangang magtayo ng mini park o palaruan ang bawat barangay, kung kaya nagsilbing biyaya ang bakanteng dating tambakan lamang ng basura upang maghatid ng kapakinabangan.
a umagang ginising ng humuhuning mga ibon at mainit na dampi ng araw, nagmistulang tulay ng liwanag ang boses ng isang guro sa isang grupo ng mga batang bulag. Sa gitna ng kanilang kawalang-malay sa anyo ng mundo, marahang inilalarawan ang kulay ng kalikasan—“sing lamig ng yelo ang kulay ng mga ibon, at tila sing init ng bagong lutong itlog sa umaga ang kulay ng araw.” Kahit hindi nakikita, ramdam ng mga bata ang sinag ng imahinasyon na gumuguhit ng liwanag sa madilim nilang realidad.
Sa tulong ng proyektong pampaaralan ng Philippine Science High School, naghatid ng liwanag ang mga iskolar ng PSHS-SMC sa pamamagitan ng Tulong Liwanag, isang organisasyong binuo upang matulungan ang mga mag-aaral ng Davao School for the Blind. “Nabuo ito dahil nais naming tulungan ang paaralan sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa materyales para sa mga mag-aaral,” pagbabahagi ni Martisa Lois Acelar, ang punong kasapi ng organisasyon.
mabagal na pag-usad ng mga mag-aaral, tila nagpapabigat ang sistema sa kanilang edukasyon.
Subalit patuloy ang pag-agos ng pag-asa. Kahit limitado ang mapagkukunan, patuloy silang naghahatid ng kaalaman at inspirasyon. “Mas napabuti ang aking kaalaman sa pagbibilang at pag-unawa ng Ingles,” saad ni Lyn, isang batang natulungan ng Tulong Liwanag.
Mas papalakasin pa ng organisasyon ang kanilang adbokasiya upang mas mabigyang-kaalaman ang publiko tungkol sa komunidad ng mga bulag. Sa pamamagitan ng kanilang Facebook page: Tulong Liwanag, nais nilang tanggalin ang mga maling akala at magbigay-inspirasyon sa mas marami pang tao.
“I believe people should recognize just how talented these kids are. You’ve heard them sing earlier—they’re just like us. They’re individuals with lives of their own,” ani Kyle Mikaelah Nasayao, isang iskolar-boluntaryo ng organisasyon.
“I come up with the idea na meron tayong tema sa mga mural. Inimbitahan ko ang ilang mga mag-aaral na gustong sumali sa patimpalak. Pinabunot ko sila ng tema at naayon doon ang dapat nilang iguhit sa pader. Ilan sa mga ito’y mga suliraning panlipunan tulad ng kalikasan, edukasyon, at pagkakaisa,” dagdag ni Alberca.
Nagsisilbing paalala ang mga likhangsining na ito sa komunidad na posible ang pagbabago kung ang bawat isa ay magtutulungan.
Kasabay nito, ipinatupad din ang mahigpit na seguridad upang mapanatili ang kaayusan sa lugar. Napapalibutan
Samantala matatanaw rin sa pader ng palaruan, ang makukulay mural na likha ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sakop ng Sto. Nino. bunga ng isang kompetisyon na nagbigay-diin sa iba’t ibang suliraning panlipunan tulad ng kalikasan, edukasyon, at pagkakaisa.
ito ng matatayog na mga bakod at mga karatulang nagsasabing “slow down” upang ipaalala sa mga motorista na magingat sa pagdaan malapit sa palaruan. Bukod pa rito, nakaantabay rin ang mga barangay tanod sa kaligtasan ng mga kabataang naglalaro.
Sa bawat hagikhik at tawanan ng mga bata, nararamdaman ang tunay na diwa ng Langit-Lupa. Ang kanilang pagtakbo mula sa lupa patungo sa langit ay tila nagiging simbolo ng pagbangon ng lugar mula sa dating tambakan ng basura tungo sa isang sentro ng kasiyahan. Ang simpleng espasyong- hindi lamang nagsilbing palaruan kundi isang sagisag ng tagumpay ng pagkakaisa at determinasyon para sa komunidad.
Bawat buwan, ang silidaralan ng Davao School for the Blind ay nagiging himig ng talakayan, musika, at pagtuklas. Ang mga iskolar ay hindi lang nagtuturo; sila’y gumagabay ng liwanag—sa pamamagitan ng braille typewriters na tila tumutunog ng melodiya ng siyensya, matematika, at Ingles sa ilalim ng kanilang mga daliri. Gayunpaman, nagtatago sa likod ng mga ngiti ang mga hamon. Isa na rito ang kakulangan ng pondo at mga gurong kayang turuan ang mga
Sa kabuuan, ang paglilingap sa dilim ay makakamit sa pamamagitan ng pagsasalindunong—hindi lamang ng kaalaman kundi ng pag-asa at pagkalinga. Kung ang bawat isa ay magbibigay ng oras at suporta, ang dilim ay mapapalitan ng liwanag na walang hanggan, isang mundong puno ng pantay na oportunidad sa lahat. Liliwanag ang bukas hindi lamang para sa mga sanay nang mamuhay sa liwanag, kundi para rin sa mga matagal nang niyayakap ang