Bagong Umaga

Page 1

Ipinapakita ni Joefrey Qui単ones, isang kolumnista ng Visayas Mirror, ang pekeng sanlibong piso na may kalakip na sample ballot ng dapat iboto nitong nakaraang eleksyon.


Ang Bagong Umaga

2

Balitang Bayan

MAY 21, 2004

Paghinto ng Channel 5 quick count, kasama sa dayaan

TAMANG BILANGAN, HINDI TAKUTAN Ni Joe Alban

INILATAG na ng rehimeng Arroyo ang dalawang malagim na pamamaraan upang takutin ang sambayanan at pigilan ang umuusbong na protesta laban sa malawakang pandaraya nitong nakaraang eleksyon. Una rito ang resolusyon ng Comelec Blg. 7149 na nagpahinto sa quick count ng Channel 5. Ang pangalawa ay ang pananakot ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng demanda ang mga taong diumano’y magkakalat ng mga maling balita hinggil sa eleksyon, lalung-lalo na ang paglilimbag ng mga ulat na nagsasabing lamang na lamang si Fernando Poe Jr. Dalawang bagay ang tinutumbok na magkapatid na hakbang na ito. Una, gustong palabasin ng Comelec na ang wastong bilang ay manggagaling lamang sa National Movement for Free Elections (Namfrel) dahil ito lamang daw ang may awtoridad mula sa kanila na magkaroon ng quick count. Nangangahulugan lamang ito na ang mga resulta na itinatala ng People’s Tally and Action Center (PTAC) sa Makati Coliseum ay hindi mapagkakatiwalaan dahil ito ay unofficial at partial. Subalit ganoon din naman ang bilang ng Namfrel, na sa katotohanan lamang ay huli sa bilang ng PTAC at ilan beses pa ngang nahuling nagdadagdag bawas para kay Gloria Macapagal Arroyo. Sino ba ang tatamaan ng atas na ito mula sa Comelec? Ang pangunahing biktima ng ganitong aksyon ay ang milyun-milyong botante na hanggang sa ngayon ay nalilito pa rin kung saan talaga nagmumula ang mga bilang na itinatala ng Namfrel. Sa kabilang banda, ang bilang ng PTAC, na ilang araw ding sinabotahe ng virus mula sa mga hig-tech na salarin, ay mula sa mga sertipikadong election returns, kabilang na

ang mga balwarte ni FPJ at ng kanyang mga katunggali. Ang Namfrel naman, na pinamumugaran ng mga dating amo ni Arroyo, gaya ni Jose Concepcion at Guillermo Luz, ang executive director ng Makati Business Club (MBC), ay nagpapakitang lumalamang si Arroyo. Sa unang bugso pa lang ng bilangan ay nakita na ng mga mamamayan na may trending ang Namfrel dahil puro ang mga election returns na lamang si Arroyo ang ginagamit. Ito ang naging dahilan upang kondenahin nila ang Namfrel at pati na rin ang ABS-CBN at Channel 2 dahil sila ang pangunahing nagdadala ng ulat mula sa Namfrel. Kumakalat ngayon sa buong Pilipinas ang mga polyeto na nagpapakita ang pagkukutsabahan ng Namfrel at Channel 2, at napilitan tuloy na magpaliwanag ang mga ito, isang bagay na hindi rin naman matanggap ng mga botante. Bukod dito, napansin din nila na ang mga balitang inilalabas ay pawang panig kay Arroyo at hindi kay FPJ. Balisa ang Malakanyang ngayon sa pagkontrol ng daloy ng balita hnggil sa resulta ng eleksyon dahil tila nahihirapan ang mga mekaniko nila na ayusin ang certificates of canvass (COCs) na kanilang papalitan. Kung ipipilit nila na gamitin ang mga palsipikadong COCs na ginawa sa Kalookan, hindi ito tatama sa bilang ng mga botong itinala ng election returns na hawak ng oposisyon. Upang masawata ang rumaragasang unos ng poot ng bayan, napwersa ang Malakanyang, diumano’y sa pamamagitan ni Pancho Villaraza, na hambalusin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pananakot. Ito ang batayan ng panibagong utos ni acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez. Iniutos ni Gutierrez, kilala bilang kaeskwela ni Mike Arroyo, ang asawa ni Gloria, na halukayin ang Letter of Instruction No. 6 na nagbabawal sa “rumor-mongering” o pakakalat ng tsismis lalo na kung ito ay hindi pabor kay Gloria.

Ang ibig sabihin nito ay gagamitin nila ang mga atas ng martial law upang hulihin, imbestigahan at kasuhan ang mga mamamahayag, kolumnista at mga komentarista sa radio at telebisyon na magpapakalat ng balitang “hindi totoo.” Ano ba ang batayan ni Gutierrez sa kanyang karumaldumal na utos? Tanging ang pangamba ng Malakanyang na kapag dumami ang mga balitang tumutuligsa sa kanyang imposibleng pangunguna sa bilang ng Namfrel, hindi magiging makatotohanan ang sinasabing panalo ni Gloria. Ang inaakala ng mga taga Malakanyang ay matatakot ang mga tao sa kanilang magkapatid na hakbang para supilin, hindi lamang ang kalayaan sa pamamahayag kundi pati na rin ang katotohanan. Higit pang lumala ang sitwasyon para sa pangkating Arroyo nang tumambad sa bayan ang paggamit ng kamay na bakal sa loob mismo ng ABS-CBN dahil nabulgar ang utos nila Gabby Lopez, ang puno ng ABS-CBN, at ni Dong Puno, na huwag magpalabas ng mga balitang pabor sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) at FPJ. Hindi pa nagkasya ang mga Lopez na bastusin ang kalayaan sa pamamahayag dahil iniutos din sa mga reporter at editor ng ABS-CBN na patayin ang istoryang pabor kay Juan Ponce Enrile, ang pangunahing kandidato na lumaban sa purchased power agreement (PPA) na naging parusa sa 18 milyong consumer ng Meralco sa Luzon. Ang mga nakatatakot na gimik na ito ay pagyurak sa tamang pagbilang at pagpapalabas ng tunay na pasya ng bayan noong Mayo 10. Kung igigiit ng Malakanyang, Namfrel at ABS-CBN ang panlolokong ito sa buong bayan, hindi maikukubli na malaking kaguluhan ang kanilang haharapin. Hindi papaya gang mga mamamayan na ang magluluklok sa bagong Presidente ay si Gloria mismo, si Joe Concepcion ng Namfrel, ang ABS-CBN at ang mga elemento ng Comelec na kasama sa dayaan.

‘Gag order’ ng DOJ, Comelec sa ABC-Channel 5

‘MARTIAL LAW’ NA BA? Ni Monique del Monte

ITO ang katanungan ng maraming mamamayan kasunod ng pagbabawal ng Department of Justice at ng Commision on Elections sa ABC-Channel 5 na isahimpapawid ang resulta ng bilangan kung saan nangunguna si Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino presidential candidate Fernando Poe Jr. Mariing tinuligsa ni KNP senatorial bet Francisco “Kit” Tatad ang napaulat na “gag order” ng DOJ at Comelec sa management ng ABC Channel 5 na bukod-tanging nagsasa-ere ng election results na nagpapakitang nangunguna si FPJ. Nakiisa rin sa pagbatikos ang Kasama ni Poe, Masa ni FPJ, at ang National Coordinating Center for Volunteers (NCCV) sa hakbang ng DOJ at Comelec, at sinabing ito ay pahiwatig lamang na ang mga naturingang independyenteng institusyon ay pawang mga “tuta ni Gloria.” “Nakapagtataka kung bakit ang quick count lamang ng ABC Channel 5 ang pinag-iinitan ng Comelec

samantalang wala itong ni katiting na komento sa mga quick count na isinagawa ng ibang news channel. Tapos na ang quick count operations ng ibang news channel na nagpakitang nangunguna si GMA, pero pinatigil ang quick count ng Channel 5 kung saan si FPJ naman ang nangunguna,” pahayag nina Mario Celestino ng Kasama Poe, Baby dela Cruz ng Masa ni FPJ, at Donn Remo ng NCCV. Sa isang press conference, inilarawan ni Tatad ang gag order bilang “direktang pag-atake sa Konstitusyon dahil sa sinusupil nito ang kalayaan sa pamamahayag at ang karapatan ng mamamayan na makaalam.” Binalaan ni Acting Justice Secretary Mercedita Gutierrez ang sinuman at anumang grupo na nagpapakalat ng “maling mga balita at impormasyon sa mga resulta ng eleksyon sa bansa, na nagbibigay ng duda sa kredibilidad at integridad ng May 10, 2004 electoral exercise.” Idinepensa ni Gutierrez ang kanyang hakbang at sinabing hindi ito gag order, kundi upang maiwasan ang kalituhang mula sa

Nag-rally sa harap ng PICC ang mga tagasuporta ni Fernando Poe Jr. bilang simpatya sa ABC Channel 5 kaugnay ng pagpapatigil ng Comelec sa ‘airing’ ng Hatol ng Bayan Quick Count.

hindi-awtorisadong grupo na naglalako ng “election results” mula sa kahina-hinalang pinanggalingan. Matapos ang DOJ order, nag-isyu ang Comelec ng Resolution 7149 at pinigil ang ABC Channel 5 na maglunsad ng sariling tuluy-tuloy na quick count ng elections. Sa dalawang-pahinang resolusyon ay nilagdaan ng lahat nang

Comelec commissioners sa pangunguna ni Chairman Benjamin Abalos Sr., binigyang-diin nito na walang pahintulot mula sa Comelec ang ABC Channnel 5. Sa pinakahuling kaganapan na ito, ang dalawang higanteng network sa bansa, ang ABS-CBN Channel 2 ng pag-aari ng pamilya Lopez at ang GMA-7, ay nagta-tally ng

election returns mula sa mga probinsyang pinaniwalaang nananalo si GMA, sa halip na kunin ang resulta mula sa National Capital Region. “Ang katotohanan ay hindi naiulat nang tapat ng media,” himutok ni KNP senatorial candidate Amina Rasul. “Binabaluktot nila ang katotohanan at niloloko ang taongbayan.” Sinabi ni Rasul na sa NCR lamang ay merong mahigit sa 14 million voters at mayorya sa mga ito ay bumoto sa oposisyon pero hindi pa rin nata-tally ng Namfrel ang kanilang mga boto. “Bakit kailangang i-tally ng Namfre ang mga boto sa Cebu and Pampanga? Bakit hindi sa mismong bakuran ng Namfrel?” ani Rasul. Nauna rito, inihayag ng isang lider ng KNP na ang bansa ay nasa ilalim ng isang “de facto martial law” at ang gag order ng Comelec and DOJ ay lalong nagpapatibay sa ganitong obserbasyon. “Naglaho na ang kredibilidad ng Namfrel. Nakapagbigay na kami ng ilang ebidensiya ng pandaraya (ng administrasyon) kay Ricardo Cardinal Vidal sa Cebu City… kahit ang kardinal mismo ay naging biktima ng election fraud nitong nakaraang May 10 national elections,” bulgar ni Tatad.


Opinyon

MAY 21, 2004

3

Ang Bagong Umaga

EDITORYAL

Bayan and bida, Namfrel kontrabida W

ALA nang kaduda duda na malaki ang ginagampanang papel ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) sa pandaraya ng Arroyo administration sa pagbilang ng mga boto nitong nakaraang eleksiyon. Sa simula’t simula pa lamang ng bilangan, ang Namfrel ay nagpakita ng kanilang tunay na misyon – ang palabasin na panalo si President Gloria Arroyo sa kanilang “quick count.” Binibilang muna nila ang mga boto para kay Presidente Gloria Arroyo, sabay isinasantabi ang mga dumarating na boto para kay Fernando Poe Jr., at inilalathala ang bilang na lamang si Gng. Arroyo. Ang ginagawa ng Namfrel ay isang malaking krimen laban sa mga mamamayang Pilipino. Labag sa ordinaryong batas at laluna sa ating Konstitusyon ang anumang uri ng paglapastangan sa kagustuhan at desisyon ng mga mamamayan hinggil sa mga opisyal na uugit ng ating pamahalaan. Isang pagyurak sa batas at sa karapatan ng ating mga mamamayan ang

Ito’y isang malaking kasinungalingan, at mapagpanggap na pahayag. Unang-una, walang otoridad ang Namfrel na magpasiya kung may pandaraya sa eleksiyon at bilangan ng mga boto, maliban lamang kung ito’y kanilang pag amin na sila mismo ang nagdaraya sa proseso. Ang Namfrel ay ang tanging grupong pansibiko na binigyan ng otoridad ng Commission on elections na gumawa ng “mabilis na pagbibilang” ng mga boto. Sa unang tingin ay hindi magkakaroon ng ganitong “kapangyarihan” ang Namfrel kung wala itong integridad bilang isang pansibikong grupo. Ngunt kung susriing mabuti ang nasabing isyu, angkop lamang na manggaling ang ganitong otoridad mula sa Comelec na tulad ng Namfrel ay siyang pangunahing pinanggagalingan ng mga pandaraya at panlilinlang sa mga botante. Kung ano ang puno ay siyang bunga. At pwede nating idugtong ang sinabi ni G. Fernando Poe, Jr. – ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

ginagawang “trending” ng Namfrel sa utos ni G. Jose Concepcion at ang garapal nilang panlilinlang sa bayan. Ni minsan mula noong kampanya hanggang sa bilangan ng mga boto ay di-pinakinggan ng Namfrel ang mga sumbong ng oposisyong Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino tungkol sa mga ebidensiya ng mga pandaraya ng kampo ni Gng. Arroyo. Bagkus ay inakusahan pa nina G. Concepcion at Guillermo Luz, mga pinuno ng Namfrel, ang KNP na “naninira at nagbibintang lamang” tungkol sa nawawalang mga balota, sa malawakang pamimili ng mga boto, certificates of canvass; palitan ng mga ballot boxes, at pananakot ng mga elemento ng kapulisan at ng military, at iba pang paraan ng dagdag-bawas” upang ipanalo si Gng. Arroyo. Ngunit ang pinakagarapal na panlilinlang sa bayan na ipinasiya ng Namfrel ay ang tahasang pagpapahayag nito na wala daw nangyari o nangyayaring dayaan sa nakaraang eleksiyon!

Analysis

Kidlat

Bagong Umaga Editorial Board

Junex Doronio

Manhid si GMA sa kapakanan ng kababaihan

N www.bayanangbida.com

DOBLE kara itong si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo pagdating sa usaping kababaihan. Habang nakabukaka ang kanyang pamahalaan sa lahat ng idikta ng Simbahang Katoliko ukol sa pagplano ng pamilya, patuloy nama ang pagsahod ng pondo mula sa USAID, WHO at iba pang ahensya para sa pag-promote ng makabagong pamamaraan ng family planning. Si dating Heath Secretary Alberto Romualdez na mismo nagbulgar na minsang binigay ng pamahalaan sa isang religious group ang pondonh mula sa USAID na dapat sana’y pang-family planning. Hindi lahat ng babae sa Pilipinas ay Katoliko at hindi lahat ng Katolikong Pilipina ay sang-ayon sa natural family planning method na idinidikta ng Simbahan. Sunud-sunuran ang pamahalaan sa kagustuhan ng Simbahan dahil kinailangan ni Ginang Arroyo ang suporta ng Simbahan sa nakaraang halalan. Gagawin niya ang lahat para hindi magalit ang Simbahang Katoliko. Pati kapakanan ng kababaihan ay kanyang tinalikuran. Hindi man lang nababahala ang pamahalaan sa patuloy na paglaki ng populasyon ng Pilipinas sa kawalan ng epektibong programa para sa reproductive health. Kung kaya’t ang population growth rate ng Pilipinas na 2.36% ang pinakamataas sa buong Southeast Asia. Ayon kay Sec. Romualdez, napakalaking kagaguhan na marinig sa pamahalaan ng mabuti daw ang mataas na population growth rate para sa ating ekonomiya. Dahil iisa ang paraan ng family planning na sinasangayunan ng pamahalaan – ang natural method – lubhang dehado ang mga mahihirap na pamilya na patuloy ang pagdami ng mga anak sa kawalan ng access sa ibang paraan ng family planning. Ayon sa Health Department, ang kababaihan sa 20% ng higher income bracket ay may dalawang anak, samantalang ang 80% sa mahihirap ay may limang anak. Ang pinakadukha sa ilalim na 20% ay lalong masaklap sa pagkakaroon ng pito at higit pang anak. Sa kabuuan,wala pa sa kalahati ng mga kababaihan ang gumagamit o may access sa mga contraceptives. Ang masamang epekto ng pagpapairal ng iisang family planning method ay ang paglaki ng bilang ng iligal na abortion. Napipilitang magpa-abort ang mga babaeng nabubuntis dahil walang ginagawa ang pamahalaan para

Martial law, GMA style

i-promote ang mga modernong paraan ng family planning. Taun-taon, umaabot sa 400,000 ang nagpapa-abort. 36% ng mga nagpapa-abort ay nasa edad na 15 hanggang 24, habang 70% ng tumitikim ng extra-marital sex ay hindi gumagamit ng anumang contraceptives. Ayon sa isang survey ng Pulse Asia nitong 2004, 97% ng mga Pilipino ay gusting magkaroon ng kakayahang makontrol ang bilang ng anak. Sa katunayan, gusto nga ng maraming Pilipina na tatlong anak lamang. Pero dahil sa unwanted o unplanned pregnancies, ang karaniwang pamilya ngayon ay may apat na anak. Ito ang bunga ng anti-poor, anti-women policy ng administrasyong Arroyo sa reproductive health na nakabase sa relihiyon. Sa halip na tugunan ang mas malaking krisis ng lumolobong populasyon, inuna ni Arroyo ang pagsasabatas kamakailan ng Anti-Violence Against Women and Children. Isa na namang palatandaan ng maling priorities ni Mrs. Arroyo. Lalong makikita ang pagkabulag ni GMA sa kapakanan ng kababaihan sa mababang priority sa kalusugan ayon sa national budget. Maraming items sa national budget ukol sa kalusugan ng kababaihan ang binawasan: ang family at primary health care ay binawasan ng P117 million; ang pondo para sa mga Centers for Health ay binawasan ng P274 million; at wala man lang nakalaan para sa mga proyektong pang-women’s health at safe motherhood. Lubhang nababahala si Sec. Romualdez sa mga figures na ito. Para sa kanya, ang administrasyon ni Gloria, ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, ay nagawang burahin ang anumang tagumpay na nakamit sa pagkontrol ng populasyon sa nakaraang isang dekada.

AKAKAKULO ng dugo ang ginawang pagbabawal ng Department of Justice at Comelec sa ABC Channel 5 na magpalabas ng quick count kung saan nangunguna si FPJ. Pakiramdam ko, parang bumalik tayo noong panahon ng kasagsagan ng martial law ni Makoy nang hayagang sinusupil ang kalayaan sa pamamahayag. At ang malupit pa nito’y mahigpit pang binalaan ni Acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez na meron daw aksyong kriminal laban sa sinuman o anumang grupo na nagkakalat ng mga maling impormasyon ukol sa resulta ng eleksyon. Kaagad sumunod ang Comelec at nag-isyu ng resolusyon na nagsabing walang awtoridad ang ABC Channel 5 sa paglabas ng quick count. ‘Ika nga ni human rights lawyer Rene Sarmiento na nahirang ni dating Pangulong Cory na maging kasapi ng Constitutional Commission (ConComm), bakit ABC Channel 5 lang ang tinatarget at hindi ang iba pang TV stations na gumagawa rin ng sariling quick count? “Hindi pantay ang pagpapatupad ng batas,” diin ni Sarmiento at komento naman ni KNP senatorial candidate Amina Rasul na mistulang nasa ilalim uli ng diktadurya ang bayan. Ang akala siguro ng administrasyong Arroyo ay kaya niyang sindakin ang bayan. Pero sabi naman ng isang kaibigang malapit sa kusina ng Palasyo, aware naman daw ang mga aso ni Gloria na hindi katanggap-tanggap ang panalo ni La Maldita. Kaya ganun na lang ang kanilang mind-conditioning ops. Target kasi nilang lalamang ng tatlo hanggang siyam na milyong boto si GMA kay FPJ, ngunit sa likod ng kanilang utak ay alam nilang si FPJ ang talagang panalo kaya hindi nila maiaalis ang pangamba. In short, natatakot sila sa sariling multo at nanginginig na ang kanilang tumbong sa oras na magdesisyon ang bayan. Sa tingin ko ay mukhang nag-mutate – politically — itong si Gloria. Anak nga siya ng kanyang tatay na sumira Sundan sa pahina 4


Ang Bagong Umaga

4

Opinyon

MAY 21, 2004

The Chair’s Notes Susan Tagle

Gag orders O

N MONDAY, May 17, 2004, two things gave me a sense of foreboding. First, the information that the DOJ and the COMELEC issued gag orders on the ABC5 quick count “Bilang Bayan.” Second, the refusal of some major newspapers to publish a paid ad by the Kilos para sa Bagong Umaga. On the gag orders: ABC-5 has been conducting its independent quick count since election day. The results of the said quick count shows FPJ consistently leading in the presidential race over GMA. In a memorandum signed by Acting Secretary Merceditas Gutierrez, the Department of Justice ordered ABC-5 to stop Bilang Bayan for reason of “national interest.”

Ang Buhay Nga Naman Joel Paredes

Muslim na naman? N

OONG isang araw nagkakuwentuhan kami sa may Makati ni Dr. Jun Alonto, isang intelektwal na Muslim at dating pangulo ng Mindanao State University sa Marawi City. Nadalaw siya sa Maynila dahil imbitado siya sa kasal ng isang matalik na kaibigan at bibisitahin na rin ang isang anak na nag-aaral ng medisina na kapapasok lang sa Philippine General Hospital bilang intern. Tanong agad n’ya, “Bakit ba ‘pag Muslim kontrabida ang tingin ng ibang tao?’ Nabanggit kasi niya na si Aboud Syed Lingga, isang dating aktibistang propesor sa MSU ay binigyan ng visa ng US embassy dito sa Maynila pero pagdating sa Los Angeles ay hinarang ng mga Immigration authorities. Patungo si Lingga sa New York para magsumite ng isang fact-finding mission report sa United Nations ukol sa mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao ng mga Muslim sa Mindanao. ‘Di na siya pinayagan pang lumabas ng airport at ipinabalik ito agad sa Pilipinas. Nagreklamo tuloy ang UN dahil ito ang nag-imbita sa kay Lingga. “Para bang tingin nila terorista ang lahat ng mga Muslim,” himutok ni Jun.

Today we are supposed to be living in a democratic and modern system yet the tools for coercion, fear and intimidation continue to be used against media. Is Gloria serious about strong republic? Or is she really after strong man rule? If the media can be gagged, what is this government prepared to do in case of community organizations and activists? If the politically powerful and vocal broadcast stations and broadsheets will cower before Gloria and her henchman-how prostate will they be once real repression begins? Make no mistake about it – the Arroyo administration is already exercising the time tested tools of repression popular during the Marcos period. The big question is – will civil society, the church, media, and business unite to forestall the dreadful reoccurrence of martial law? In the meantime, I caught myself unconsciously humming a song, popularized by Apo Hiking Society, that once stirred strong feelings of patriotism throughout the nation: Mambo mambo Magsaysay, People power mabuhay, Our democracy will die kung walang magbabantay…

Kaya’t ‘di siya nagtataka na kahit deka-dekada na ang negosasyon para tapusin ang secessionist movement sa Mindanao, ‘di pa rin nagkakaroon ng kalutasan ang problema ng mga Muslim. Nabanggit din nga pala ni Jun na sa buong Mindanao, nilampaso ni Fernando Poe Jr. ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. At sa mga lugar ng Muslim, landslide ang kanilang “idol.” Ayon kay Jun, paborito si FPJ ng mga Muslim dahil ‘di lang isa ang kanyang pelikula kung saan binigyan niya ng kahulugan ang mga Muslim sa Lagi na lang sila ang Mindanao. “sana ‘pag naapi, gayong tuwing pangulo na si FPJ, siya nangangampanya ang na ang lulutas sa mga kandidato sa problema sa pagkapangulo laging Katimugan,” aniya. sila ay pinapangakuang Hindi ko rin naman prayoridad sa talaga masisi si Jun, isang programang matagal nang kaibigan, kung bakit hangang pangkaunlaran. ngayon ay negatibo ang paningin niya sa mga pangyayaring nauugnay ang kanyang mga kapatid na Muslim. Tuwing ngang mag-eleksiyon bantog ang Muslim Mindanao sa “dagdag-bawas.” Para bang sinasabi na ang mga Muslim ay mga mandaraya o madaling dayain. Sa buong Pilipinas naman, talaga namang talamak na ang “dagdag-bawas” kaya’t kahit malinaw na panalo ni FPJ, ang lumalabas si GMA pa ang nanguna sa bilangan. Sino nga ba ang may pakana ng mga dayaan sa Mindanao? Kung titingnan natin si First Gentleman Mike Arroyo mismo ay naiuulat na umiikot ng Mindanao

matapos ang eleksyon. Maging ang Pangulong Arroyo mismo ang nagsabing kukuha siya ng maraming “command votes” sa Mindanao dahil kakampi niya ang mga local na lider dito. Ang masama nito halos lahat ng mga tao ng administrasyon sa Mindanao ay mga kilalang political warlord. Kaya’t di ako nagtataka kung nagmilagro sa pitong bayan ng Maguindanao matapos maitala na ito ang may pinakamataas na bilang ng bumoto nitong nakaraang eleksiyon. Ito ay nagtala ng 97.48% at kagulat-gulat na ang halos lahat ng boto sa lalawigan ay napunta kay Pangulong Arroyo. Paano naman ang mga biktimang Muslim? Sa galit nga nitong si Sheik Ali Gadi Tago, lumuwas siya sa Maynila kasama ng kaniyang maybahay para personal na magreklamo sa pandarayang ginawa sa kanilang bayan sa Barira, Maguindanao. Kandidato sa pagkameyor si Tago ng KNP sa kanilang bayan, ngunit noong gabi ng halalan sinunog ang kaniyang bahay ng ilang mga di kilalang tao. Nabuko kasi niya ang pagsagot sa balota ng ilang mga tao ng kaniyang kalabang meyor sa loob nang munisipsyo bago pa man magkaroon ng halalan. Ang masama pa nito, ‘di pa siya nakaboto dahil wala ang kaniyang pangalan sa talaan ng Comelec. Lagi na lang sila ang naapi, gayong tuwing nangangampanya ang mga kandidato sa pagkapangulo laging sila ay pinapangakuang prayoridad sa programang pangkaunlaran. Kawawang Mindanao. Hanggang ngayon, nanatili siyang lupa ng mga pangakong napako ng mga tradisyunal na pulitiko.

SUSAN TAGLE Chairman of the Editorial Board

Martial Law, GMA style

JOEL PAREDES Editor-in-Chief

sa pangakong di na tatakbo sa 1965 presidential election, pero tipong napag-aralan din niya ang style ni Makoy kung paano ito nakatagal ng 20 years sa kapangyarihan. Tama talaga si FPJ nang sabihin niya sa kanyang miting de avance sa “liberated area” ng Makati kamakailan na ang kapatid ng sinungaling ay magnanakaw. Inagaw na nga ni GMA ang kanyang kasalukuyang posisyon, nakuha pa niyang magsinungaling sa mismong parke ni Rizal noong Disyembre 30, 2003. Naglalaro pa lang ako ng holen noon nang nauso ang mga sandwich na may palamang beinte pesos sa Cebu. Ito ang pinakamadugo at pinakamagastos na eleksyon kung saan namili ng boto ang mga tuta ni Marcos na tumatakbo para sa kanyang re-election noong 1969. Thirty-four years later, 2004, naulit ang

JUNEX DORONIO Managing Editor BENJO LAYGO Art Director Ang BAGONG UMAGA ay inilalathala ng People and Advocacy, Inc. na may tanggapan sa 6F Lansbergh Place, Tomas Morato Ave., Quezon City, Telefax 372-8560

That same day, the COMELEC issued a resolution ordering ABC-5 to stop the quick count on ground that it does not have the necessary authorization of the poll body, and could therefore be used for trending. When asked why ABC-5 was being singled out when other networks were also airing their own count results, the COMELEC respondent that it was still investigating the other networks. On the ad rejection: The Kilos para sa Bagong Umaga submitted an ad for publication the next day. The ad showed a map of the Philippines with regional election results based on COCs complied by the People’s Tally and Action Center. The results showed FPJ leading the election overall. For undisclosed reasons, the legal departments of Philippine Star, Manila Bulletin, Pilipino Star and Bulgar rejected the ad. The Philippine Daily Inquirer also refused to print the ad, saying that they could not publish anything that contradicts the NAMFREL results, which they print on their front page. Gag orders on media are a feature of dictatorships and oppressive regimes. In the Philippines it was used effectively against the tri-media, and scores of journalists were imprisoned and tortured, and some were killed.

NANIE GONZALES Associate Art Director ROJA SALVADOR Research Head ROSE BINGAYEN Editorial Assistant NATY GUERRERO Marketing Manager RAINNIER TAVU Circulation Manager

Mula sa pahina 3

pinakamadugo at pinakamagastos na eleksyon sa bansa. Tulad ni Makoy na ginamit ang pondo ng bayan para sa kanyang re-election bid, sinamantala rin ni Gloria ang kanyang posisyon upang mangampanya sa palusot na government projects naman para sa mahihirap ang kanyang isinusulong. At tulad ni Makoy na merong “smiling martial law,” ang pautot naman ni Donya Gloria ay “strong Republic.” Ngunit kahit anong takip ng baho ng kasalukuyang administrasyon, sisingaw at sisingaw ito at mistulang bulkan na sasabog ang galit ng bayang dinaya. Naalala ko tuloy ang isa sa mga paborito kong tula ni Ka Amado Hernandez: “May araw din ang bulkan sa dibdib mo di na uungol…sisigaw ka ng buong giting sa liyab ng libong sulo… at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!”


Opinyon

MAY 21, 2004

5

Ang Bagong Umaga

ANG KATOTOHANAN SA HALALAN NG MAYO 10, 2004

FPJ, LOREN NANGUNGUNA SA PAMBANSANG BILANGAN CAR

REGION I / ILOCOS

FPJ LOREN

650,481 200,309

GMA DE CASTRO

628,964 212,766

FPJ LOREN

82,280 98,758

REGION II CAGAYAN VALLEY

GMA DE CASTRO

94,062 56,159

FPJ LOREN

459,822 322,149

GMA DE CASTRO

326,315 234,421 REGION IV CALABARZON

REGION III CENTRAL LUZON

FPJ LOREN

1,369,179 891,662

GMA DE CASTRO

792,689 656,704

1,226,197 478,237

GMA DE CASTRO

724,757 309,022 REGION V / BICOL

NCR FPJ LOREN

FPJ LOREN

959,232 337,698

GMA 711,567 DE CASTRO 223,764

FPJ LOREN

377,547 222,412

GMA DE CASTRO

353,356 236,105

REGION VIII E. VISAYAS

REGION VI W. VISAYAS

FPJ LOREN

155,256 64,141

FPJ LOREN

434,222 5,985

GMA DE CASTRO

378,248 142,989

GMA DE CASTRO

447,261 9,272

REGION VII C. VISAYAS

CARAGA

FPJ LOREN

171,770 8,168

GMA DE CASTRO

820,079 26,199

FPJ LOREN

100,402 43,252

GMA DE CASTRO

185,503 131,761

REGION XI / DAVAO

REGION IX ZAMBOANGA

FPJ LOREN

312,169 100,397

GMA DE CASTRO

366,464 164,373

ARMM

FPJ LOREN

178,197 5,020

GMA DE CASTRO

44,615 5,376

FPJ LOREN

478,091 78,864

GMA DE CASTRO

356,230 121,771

REGION X / N. MINDANAO

REGION XII SOCSKSARGEN

FPJ LOREN

278,114 103,095

FPJ LOREN

472,340 16,522

GMA DE CASTRO

271,890 241,833

GMA DE CASTRO

369,047 15,582

ILANTAD ANG KATOTOHANAN AT TUTULAN ANG PANDARAYA SA HALALAN! MAGKAISA UPANG PANGALAGAAN AT IPAGTANGGOL ANG KALOOBAN NG SAMBAYANANG PILIPINO! Results based on COC’s tabulated at People’s Tally And Action Center as of 7:40 pm, May 16, 2004.

Serbisyopinoy Solutions Inc. PAID ADVERTISEMENT


Ang Bagong Umaga

6

Balitang Bayan

MAY 21, 2004

‘Poll violence’ dumadagsa Ni Tina Torres

PATULOY na nakakatanggap ng karagdagang mga ulat ng karahasan at pandaraya sa panig ng kampo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino. Ang naturang field reports na natanggap sa People’s Action and Tally Center sa Makati Coliseum ay kinabilangan ng protest march na isinagawa ng Philippine Marines laban sa dayaan sa Iligan City. Nitong nakalipas na Biyernes ay dumanas ng total blackout ang lungsod ng Davao habang binibilang ang mga balota, samantala sa bayan ng Maddalum, dalawang kandidato ng KNP na nakilalang sina Misumala at Rocaya, pawang mga miyembro ng MUST-FPJ, ay iniulat

Pekeng P1,000 pinambili ng mga boto sa Cebu Ni Ian Pestelos

CEBU CITY — Mga pekeng P1000 at P500 ang ikinalat sa Lungsod ng Cebu para ipambili ng boto para kay GMA. Ito ang salaysay ni Joefrey L. Quiñones, 33 taong gulang, isang kolumnista ng pahayagang Visayas Mirror, at residente ng Sitio Sudlon, Barangay Lahug, Lungsod ng Cebu sa isang sinumpaang salaysay na isinumite sa kampo ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP). Ayon kay Quiñones, limang kalalakihan na nakasuot ng dilaw na t-shirt na may guhit na azul ang kumatok sa kanyang tahanan bandang 7:30 ng gabi ng Mayo 9

Quiñones

na pinaslang at 12 pa nilang kasamahan ang nasugatan, tatlo sa kanila ang grabe. Ang iba pang mga ulat ng pandaraya at iregularidad ay ang sumusunod: Iniulat ng isang pastor sa Calapan, Oriental Mindoro ang mga insidente ng vote-buying ng mga pro-Arroyo candidates na nagpamudmod ng P500 hanggang P1,000, nagkaroon din ng military harassment sa mga supporter ni FPJ at mga brownout habang may canvassing ng mga boto; Sa pitong bayan ng Maguindanao kung saan malakas ang oposisyon, biglang nagkaroon ng hindi kapanipaniwalang voters turnout ng 97.48% and 99.83% o 82,411 sa mga boto ay binilang pabor kay at ibinigay sa kanya ang isang ‘yellow card’ na may nakasulat na Bando Osmeña Pundok Kauswagan (BOPK). Kalakip nito ay ang sample ballot ng Lakas-CMD-BOPK kung saan nakaimprenta ang pangalan ni Gloria Macapagal-Arroyo para sa pagkapangulo at Noli De Castro para naman sa pangalawang-pangulo. Nakaimprenta din ang buong senatorial slate ng Lakas-CMD sa nasabing sample ballot. Wala daw nagawa si Quiñones kundi ang tanggapin ang iniabot sa kanya upang maiwasan ang di pagkakaunawaan. Sinabi pa ni Quiñones na isa sa limang lalaki ang nagsabi sa kanya na dapat ay iboto daw niya ng “straight” ang Lakas-CMDBOPK. Ang BOPK ay local na partido ni Cebu City incumbent re-electionist Mayor Tomas Osmeña na kaalyado kay GMA. “Labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko ang pera,” ani Quiñones. “Ngunit, nang aking ibili ng limang kilong bigas ang pera kinabukasan sa tapat ng JY Square ang nasabing salapi, laking gulat ko nang sabihin sa akin ng tindera na peke ang isang-libong perang hawak ko.” Ayon pa kay Quiñones, marami na siyang nakausap sa kanyang barangay na nakatanggap din ng mga pekeng P1,000 ngunit natatakot silang magsalita ukol dito. “Mahigit 2,000 ang rehistradong botante sa Barangay Lahug,” dagdag pa ni Quiñones. “Siguradong marami sa kanila ang nabigyan din ng pekeng P1,000.”

Arroyo samantalang 0.17% (142) lamang ang para kay FPJ; Sa iba pang lugar sa Maguindanao, binawasan ang FPJ votes ng 100,000 ng grupo ni Governor Andal. Sa Lanao del Sur, hindi pinayagan ang mga watcher ng KNP na makakuha ng kanilang kopya ng election returns na dapat sana ay sa partido; Sa Lanao del Norte, nakaranas ng terorismo mula sa pamilyang Dimaporo ang mga election officers na may tangan ng election returns upang paboran si Arroyo; Sa Sto. Tomas, Pangasinan, 5,470 votes ay napunta kay GMA samantalang bokya o “zero” ang lahat niyang katunggali sa presidential race; May mga ulat din ng massive

cheating sa Bohol, magmula sa ballot-snatching hanggang sa harassment sa KNP watchers; · Sa Cubao, Quezon City, maraming balota ang natuklasang may nakasulat nang “GMA” at mga kapartido niya at sa marami ring presinto ay mas mataas pa ang bilang ng boto kaysa bilang ng registered voters; th th Sa 5 at 6 district ng Pangasinan, nananalo si FPJ sa tally pero ipinapakalat ng kampo ni Speaker Jose de Venecia ng Lakas-CMD na si GMA raw ang leading; Sa Las Piñas, Metro Manila, walang tally ang Precinct 213 para sa national candidates at sa bayan ng Pamplona, maraming ballot boxes ang nawawala; Sa Olongapo City, patagong isinasagawa ng Comelec ang official counting; Meron ding mga report ng massive vote-buying sa maraming bahagi ng Bicol region na

pumapabor sa pro-administration candidates; Sa Capiz, isang Engineer Besa ang nahuling bumibili ng boto para kay GMA. Ito ay nasaksihan ng local media, at ang engineer ay nakulong at kaukulang kaso ang isinampa laban sa kanya; Sa maraming lugar sa Mindanao, Iniulat na nagbababa si First Gentleman Mike Arroyo ng mga kahon ng nakahanda nang election returns, kasama niya si Comelec Commissioner Garcillano at mga elemento ng Philippine National Police; Sa Sulu, pinilit naman ng isang Col. Alamea ng Philippine Marines ang Sulu Board of Canvassers na basahin ang lahat nang balota na GMA. Ayon sa KNP, kasalukuyang kinokonsolida nito ang mga ulat mula sa kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar at mga nagmamalasakit na mamamayan, pati na ang Bangon Pilipinas Movement (BPM).

Milagro sa Maguindanao Ate Glo nanalo kahit walang eleksyon Ni Bec Evangelista

MANIWALA man kayo o hindi, pitong bayan sa Maguindanao ang nagtala ng may pinakamatataas na bilang ng bumoto nitong nakaraang eleksiyon. Ito ay nagtala ng average na 97.48%. Kaya lang kagulat-gulat dahil lahat halos ng boto dito ay napunta kay Pangulong Arroyo. Ayon naman sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, wala talagang naganap na eleksyon sa mga bayang ito. Sa halip ay “pinauwi na lang” ang mga botante noong Mayo 10. Nasa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ang Maguindanao, kung saan napapabalitang nangunguna si GMA sa kanyang mga katunggali. Subalit ito rin ay isa sa mga rehiyon na nagtala ng pinakamaraming insidente ng pandaraya sa nakaraang eleksyon tulad ng pagboto ng mga patay at ilang mga insidente ng brown out. Nakakalap ang legal office ng KNP ng ilang affidavit mula sa ilang mga botante ng naturang mga bayan Tago sa Maguindanao, na patunay na walang naganap na eleksyon dahil sinabihan nga silang “umuwi na dahil tapos na ang eleksyon.” Sa Ampatuan at Datu Piang, 100% ng mga boto ang ibinigay kay GMA bagaman wala naman talagang nakaboto sa mga bayang ito dahil wala ngang naganap na eleksyon. 17,688 na rehistradong botante ang di nakaboto ngunit may may mga ulat na 97.56% ang voter turn out sa Datu Piang. Ang 17,250 na botanteng ito umano’y bumotong lahat kay GMA. Samantalang sa bayan ng Ampatuan, sa 9,616 na rehistradong botante, ang iniulat na bumoto ay 97.67% at lahat sa kanila’y GMA ang laman ng balota. 99% din ang boto ni Ate Glo sa mga bayan ng Mamasapano, Shariff Aguak, Datu Abdullah Sangki, Datu Unsay at Datu Saidi Ampatuan. Kahit papaano naman ay binigyan si Fernando Poe Jr na kandidato

ng KNP sa pagkapangulo ng 1% ng mga boto. Ang iba pang mga katunggali ni Ate Glo ay di man lamang nilagyan ng kahit isang boto. Sa isang press conference ay sinabi ni dating senador Francisco Tatad na “statistically improbable” ang mga naging resluta sa mga nasabing bayan sa Maguindanao. Sinabi pa niya na ang insidenteng ito, pati na rin ang pangunguna sa bilangan ni Pangulong Arroyo sa ARMM ay kahinahinala. Ang mga naturang botanteng nag-ulat ng mga iregularidad na ito sa pamamagitan ng mga affidavits ay sina Tanto D. Usop, 19, ng Datu Piang; Kado Dagayak ng bayan ng Shariff Aguak; Nasser G. Manduyan,28 ng Datu Piang; Datukon E. Dapu ng Datu Piang at si Haidar Balad ng Mainumaig, Datu Unsay. Ibinunyag ni Manduyan, isang poll watcher, na pumunta siya sa presintong 13-A sa Poblacion, Datu Piang noong Mayo 10 at nakita niya ang dalawang kahinahinalang tao na naglalagay ng thumbmarks sa mga balota sa loob ng nasabing presinto. Bukod pa dito, mayroong mga armadong lalaki na nagsasabi sa kanya at sa ilan pang mga botante na nais sanang bumoto na umuwi na lang dahil “tapos na” daw ang eleksyon. May iba pang mga affidavit ang nagpapatunay sa iba pang insidente sa Maguindanao. May nauna nang ulat na sinunog ng mga di kilalang tauhan ang bahay ng isang kandidato ng KNP sa pagka-mayor sa Barira, Maguindanao na si Sheik Ali Gadi Tago matapos niyang matunghayan ang ilang mga kalalakihan sa loob ng munisipyo na umano’y sinasagutan na ang mga balota noong Mayo 9, gabi bago mag-eleksyon. Isa rin si Tago sa mga botanteng hindi pinayagang bumoto, ayon umano sa utos ng kasalukuyang mayor ng Barira. Nakahanda ang KNP legal office na ilabas ang mga ebidensya na magpapatunay sa mga pandarayang ito na nagaganap sa Maguindanao, pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Balitang Bayan

MAY 21, 2004

“Irreversible Victory” ni FPJ Ni Monique del Monte

ITO ang pagtataya ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa pangunguna ni standard bearer Fernando Poe Jr. batay sa nakukuhang boto nito mula sa field reports na nakakarating sa KNP headquarters sa Makati Coliseum. Ayon kay dating Senador Franciso Tatad, malaki ang lamang ni FPJ laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa people’s tally ng KNP mula sa halos lahat ng lalawigan ng bansa maliban sa ilang lugar sa Luzon,Visayas at Mindanao. Llamadong-llamado umano si Poe dahil kinakatawan nito ang may 35 milyong mga botante mula sa 43.4 milyon na kabuaang botante,ayon pa kay Tatad. Kung sakaling binuntutan lamang ni Poe si Mrs. Arroyo sa Visayas, na kumakatawan sa mahigit sa 8 milyong botante, ang kabuuang abante naman ng aktor ay imposible ng mahabol,paliwanag pa ng dating mambabatas. Nanaig si FPJ sa halalang ito sa lahat ng pamamaraan na pandaraya kabilang ang pamimili ng boto, ang malawakang ‘disinformation at disenfranchisement’ ng mga botante, at lahat ng posibleng paglabag sa election law na nagsimula na ipinatupad ng unang araw ng kampanyahan. Samantala, patuloy na nakakatanggap ang KNP ng malaking pag abante ni FPJ laban kay Gng. Arroyo mula sa lahat ng lalawigan sa bansa. Sa Ilocos Region (Region 1), nanalo si FPJ sa 3 mula sa 4 na probinsya. Kabilang dito ang Ilocos Norte, La Union, at Pangasinan. Nakatisod ng boto si GMA sa Ilocos Sur lamang. Sa Region 2 (Cagayan), nanguna si FPJ sa 4 mula sa 5 lalawigan nito . Kabilang dito ang Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, at Quirino. Nagwagi lamang si GMA sa Batanes. Mula sa pitong probinsya sa Region 3 (Central Luzon), nanalo lamang si GMA sa dalawang probinsya. Ito ang Pampanga at Tarlac. Sa Region 1V,(Southern Tagalog), nagwagi si FPJ sa pito mula sa 9 na probinsya. Nagwagi lamang si GMA sa Marinduque, samantalang nanguna si Lacson sa Cavite. Hindi nagwagi si GMA sa ano mang lalawigan sa Region 5 o Bicol Region. Mula sa anim na lalawigan, dalawa dito ang nakuha ni Raul Roco at ang iba ay nakuha ni FPJ. Subalit, malinaw na nagwagi si GMA sa Western Visayas

o ang buong Region 6. Nagwagi din siya sa lahat ng probinsya. Sa Region 7 (Central Visayas) nanalo si FPJ sa 3 mula sa 4 na probinsya.Hataw si GMA sa Cebu . Dikit at mahigpit ang gitgitan nina FPJ at GMA sa Region 8 (Eastern Visayas) kung saan bawat isa sa kanila ay nakakuha ng 3 mula sa 6 na lalawigan nito. Sa Region 9 (Zamnboanga Peninsula), maliit ang lamang ni GMA sa tatlong probinsya kung saan ito nanalo. Nakuha ni GMA ang Misamis Oriental sa Region 10 (Northern Mindanao) samantalang nanalo si FPJ sa 3 probinsya. Sa Region 11, (Davao Region), bawat isa kina GMA at FPJ ay nakakuha ng dalawang lalawigan. Nanalo lamang si GMA sa Saranggani sa Region 12 (Socsargen), at umarangkada ng husto si FPJ sa iba pa nitong lalawigan na sakop nito. Dalawa sa apat na lalawigan sa Region 13 (Caraga) ang napunta kay FPJ. Nanalo naman si FPJ sa tatlong probinsya sa ARMM laban sa dalawa na nakuha ni GMA. Humataw ng husto si Poe dahil sa 580,932 na boto na nakuha nito laban sa 580,932 na nakuhang boto ni Mrs. Arroyo sa Metro Manila. Minapola ni FPJ ang 12 lungsod at 5 munisipalidad sa National Capital Region . Nilampaso ng husto ni FPJ ang Pangulo sa mga lungsod ng Makati,Manila at Quezon na nagbigay sa aktor ng matinding pag abante laban sa mga kalaban nito sa panguluhan.

Namfrel, nahuling nandaraya para kay Gloria Lamang si FPJ sa 11 rehiyon kaya’t paano mananalo si GMA? KATAKA-TAKA ang ginagawang “black magic” ng National Movement for Free Elections (Namfrel) sa kanilang quick count dahil batay sa kanilang bilang, higit na sa isang milyon ang lamang ni Gloria Macapagal Arroyo kay Fernando Poe Jr. noong Linggo, Mayo 16. Ano ba ang nangyayari sa Namfrel at sa halip na bumilis ay lalong bumabagal ang kanilang quick count at wala pang 20 porsyento ng lahat ng boto ang nabilang? Ayon sa mga observers, ang Namfrel ay bahagi ng pakana na nakawin ang panalo ni FPJ at iluklok sa trono ang palsipikadong presidente na si Arroyo. Anila, kasabwat ang Namfrel sa panlilinlang sa bayan at kasama ito sa pagmamasahe ng resulta ng halalan na inumpisahan ng Bataan ni Arroyo. Batay mismo sa Namfrel quick count, si Fernando Poe Jr. ang nangunguna sa 11 rehiyong malalaki ang boto. Ito ay ang mg sumusunod: Rehiyon 1 (Ilocos); Rehiyon 2 (Cagayan Valley); Rehiyon 3 (Gitnang Luzon); Rehiyon 4 (Timog Luzon); Rehiyon 8 (Silangang Visayas); Rehiyon 9 (Zamboanga Peninsula); Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao); Rehiyon 11 (Davao, North Western Mindanao); Rehiyon 12 (Socsargen); ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao), at National Capital Region (NCR). Batay na rin sa bilang nila, si Arroyo ay lumalamang lamang sa limang rehiyon – Rehiyon 6 (Panay-Negros Isalnd), Rehiyon 7 (Gitnang Visayas), Caraga, Cordillera Autonomous

region (CAR) at overseas voters. Tanging ang Rehiyon 6 at 7 lamang ang may malalaking bilang ng botante. Bakit hanggang ngayon ay pilit na pinalalabas ng Namfrel na ang nagwawagi ay si Arroyo? Ang Namfrel ay tuwirang itinatabi ang mga election returns na nagpapakitang milyunmilyon na ang lamang ni FPJ, subalit ang mga election returns na galling sa rehiyon 6 at 7 at iba pang lugar ang inilalatag sa tally board. Ito ay nangangahulugan lamang na nagtetrending ang Namfrel. Upang maumpisahan ang trending na ito, inabot na ng 9 na oras bago nakapaglabas ang Namfrel ng kanyang ulat, at ito ay matapos na ipalabas ng Channels 2 at 7 ang kanilang quick count batay sa operasyon ng AMA Computer College. Maliwanag na minamasahe ng Namfrel ang bilangan upang ipakita na nananalo si Arroyo kahit na ang tunay na resulta ay nanalo na si FPJ sa 62 probinsya at 10 lamang ang probinsyang nakuha ni Arroyo. Bakit hanggang ngayon ay ikinukubli ng Namfrel ang katotohanan sa bayan? Si Jose Concepcion ay bistadong kaalyado ni Arroyo, na dati niyang undersecretary sa Department of Trade and Industry (DTI) noong panahon ng gobyernong Aquino. Si Guillermo Luz naman ang executive director ng Makati Business Club (MBC) na hayagang kakampi ni Arroyo. Siya ang nagyabang na gaganda ang palitan ng piso-dolyar sa ilalim ni Arroyo. Bumagsak ang piso.

7

Ang Bagong Umaga

Pagtataas ng presyo ng langis, arina, karne atbp regalo ni Gloria HINDI pa man lamang natatapos ang bilangan ng boto para sa eleksyon noong Mayo10 ay dagdag na parusa na ang ipinataw ni Gloria Macapagal Arroyo sa mga mamamayang Pilipino. Ilang araw pa lamang matapos ang halalan ay walang-awang nagpataw ng P1 dagdag na presyo ng gasolina ang Shell, Caltex at dalawa pang kumpanya. Sumunod naman ang Petron ngayon Martes. Parang masamang biro ang pagtaas ng presyo at kaakibat naman nito ang pagtataas ng halaga ng arina, karne at iba pang pangunahing bilihin. Isa sa pinakamalaking kumpanya ng arina ay ang RFM, ang empresa na pag-aaari nila Jose Concepcion, ang puno ng National Movement for Free Elections (Namfrel) na pinaghihinalaang nagmamasahe ng resulta ng eleksyon para pumabor sa kanyang dating tauhan na si Gloria Macapagal Arroyo. Hindi lamang ang mga ito ang magiging marring dagok sa bayan sakaling malasin ang bayan at magwagi si Gloria Macapagal Arroyo. Nakaamba na rin ang pagtataas ng lahat ng uri ng bilihin dahil sa patuloy na paglagpak ng piso laban sa dolyar. Ito ay nakabatay sa napakalaking budget deficit na pinalala pa ni Gloria Macapagal Arroyo dahil sa walang-humpay na paggastos ng pera ng bayan. Ito ang mga bagay na hindi inintindi ng mga taong sumakay na lamang sa pamamahagi ni Arroyo ng Philhealth cards, na pawang hindi magagamit makalampas ang Hunyo. Ito ang hindi nakita ng mga taong tumanggap ng P500 kapalit ng kanilang boto. Ito ang hindi inalam ng mga sumakay sa pambobola ng rehimeng Arroyo na eksperto siya sa pagmamaneho ng eknonomiya. Ito ang hindi inisip ng mga elemento na kasama sa pandaraya, ang mga ibinenta ang boto kapalit ng panandaliang trabaho gaya ng sa Kalsada Natin, pati na ang mga polis at sundalo na nandaya para palabasin na nanalo ang kanilang amo. Lahat sila ay magbabayad ng malaki dahil sa ang kaunting perang pinakinabangan nila ng isa o dalawang araw ay babawiin sa kanila nang doble, triple at sandaang beses pa. Napakaaga pang manlumo ang mga mamamayang nagprotesta sa maling pamamalakad ni Gloria at tinanggihan siya noong eleksyon. Ang malawakang pandaraya, ang dagdag-bawas at ang panunuhol na ginawa ng pangkating Arroyo ay susuklian din naman ng nagdurusang bayan dahil batay sa lahat ng opisyal na resulta, si Arroyo ay natalo ng higit sa 3 milyong boto. Ang pinakamalaking dagok na ibibigay ng bayan ay ang palayasin si Arroyo sa kanyang luklukan ngayon dahil siya ay walang mandate, at tanging pandaraya lamang at salapi ng bayan na ninakaw nila ng kanyang esposo ang dahilan kung bakit siya ay mukhang nangunguna ngayon.

Tilamsik Mula sa pahina 8 Sana manalo si Maricar Balagtas na Miss Universe ngayon June. Lately puro “Luz Valdez” (as in loser) ang mga ipinapadala natin. Huling nanalo si Margie Moran noon pang 1973. At bago siya si Gloria Diaz (1969). Pero a few years ago, first runner up si Miriam Quiambao. O, maka-top five lang si Maricar okey na. Wag yung first round pa lang eliminated na. “Thank you girl.” #### Isang matalik na kaibigan ang dismayado sa kinalabasan ng eleksiyon sa bayan niya. Ang mga nanalo raw kundi jueteng lord ay drug addict o sex maniac. Tuloy ayaw na niyang umuwi sa bayan niya na pinanggalingan noon ng mga dakilang lalaki at babae. Patriots and nationalists. Ang consolation lang niya,landslide si FPJ kahit pinagtutulungan ng mga dirty politicians. #### Balak bigyan ni Mother Lily Monteverde ng solo starrer si Richard Gutierrez. Di pa lang siya makabasa ng script na swak na swak sa personality ni Chard. Susuportahan si Chard ng Regal Idols 2004. Di na Regal Babies ang bansag sa mga”anak” ni Mother Lily. Panahon pa yun nina Maricel Soriano, Snooky Serna, at Dina Bonnevie. Remember them as the Underage Girls of the early 70s. #### Totoong walang kupas si Pilita Corrales,Asia’s Queen of Song. At 60 plus beauty pa rin si Tita Pilita. Sexy, shapely. Malakas pa rin ang appeal at okey pa boses. Minsan kumanta si Pilita sa Baliuag (sa kampanya ni FPJ) at totoong nabighani ang mga Bulakeno. Sabi nga ng promding si Vir Gonzales (beteranong manunulat),”Walang sianbi ang mga batang singer kay Pilita. #### Ngayong tapos na ang eleksiyon,tuloy ba ang kasal nina Mar Roxas at Korina Sanchez? Eh, sina Mark Lapid at Kris Aquino? Di ba in love pa si Kris kay Joey Marquez.

For more news and information, log on to:

www.bayanangbida.com


Entertainment Sa ika-limang pagkakataon

Editor: ISKHO F. LOPEZ

GABBY CONCEPCION NAGPAKASAL NA NAMAN! Ni Mar D’ Guzman Cruz

IKINASAL uli noong May 15, 2004 sa ika-limang pagkakataon sa San Francisco, California ang dating kontrobersiyal na actor na si Gabby Concepcion. Nakausap ko si Mr. Rollie Concepcion, ama ng actor noong May 12, Wednesday, at inamin niya na paalis na kinabukasan ang kanyang maybahay na si Baby para dumalo sa nasabing kasalan. “Hindi ako makaka-attend dahil may pinapa-construct kami ritong building, walang magbabantay,” aniya. “Nandoon naming lahat ang kapatid ni Gabby at mga pamangkin, saka na lang ako pupunta roon,” aniya pa. Ibinalita rin ni Mr. Concepcion na isang nagngangalang Jeanbie (o Jeanby) ang kanyang magiging manugang, mula sa angkan ng mga Yapchingchay sa Laguna. Ang anak daw ni Gabby kay Grace Ibuna ng San Juan ay ipinasundo rin ni Gabby at doon na rin pag-aaralin. Tinanong ko kung alam ni KC, anak ni Gabby sa megastar na si Sharon Cuneta, ang pagpapakasal na naman ng kanyang ama sa ibang babae. Marahil daw ay alam dahil patuloy naman daw ang communication ng mag-ama. Si KC ay nasa Paris at nagaaral. Bale ito nga ang ika-limang pagkakataon na nagpakasal si Gabby. Una, sa diumano’y pagpapakasal nito sa Las Vegas bago pa man nito ligawan at pakasalan si Sharon. Di nga ba’t isa ito sa mga nagging rason kung bakit madaling napawalangbisa ang kanilang kasal ng megastar. Nawalan na nga raw ng bias ang kasal niya kay Sharon dahil sa may nauna na itong pinakasalan. Bukod sa marangyang kasalan nina Gabby at Sharon sa Manila Cathedral, may kasalan pang sibili pero nawalan din ng bisa ang kasalang iyon nang sila ay maghiwalay at tuluyan nang pawalan ng bisa ng simbahan. Ilang taon lang ang lumipas, pinakasalan naman ni Gabby si Jenny Sequia, nagkaanak sila ng isa at di rin naglaon, naghuiwalay sila sa isang kontrobersyal na pamamaraan. Yun ang pangapat na pagpapakasal ni Gabby. At ang panglima, ito ngang naganap noong sabado, May 15, sa isang dalagang taga-Lucena (Ang tulis mo, Gabo! - Ed).

Ayon kay Mr. Concepcion, mga officemates at ilang kaibigan lang ang imbitado sa simpleng civil wedding at isang simpleng reception pagkatapos ng kasal. Raymart at Claudine, handang-handa na! INAMIN sa amin ni Raymart Santiago na wala siyang nakikitang problema sa plano nila ng kanyang girlfriend na si Claudine Barretto. “Nagpagawa na nga kami ng bahay, e,” aniya. Bahay na, wala pang kasalan? “Walang problema,” tugon niya. Ibinalita ni raymart na ang lote na pinagpapatayuan nila ng bahay ay kay Claudine at hati sila sa pagpapagawa. Paano kung bago pa man matapos ang bahay ay may nangyari sa inyo, tulad ng di pagkakatuluyan? “Walang problema doon,” paniniyak niya. Ibig sabihin, hati sila sa pagpapagawa. Pero di ba nakakabahala na parang sugal ang kanilang ginagawa? “Tiwala lang ‘yan,” aniya, sabay kibit ng balikat. Malaki ang tiwala nila sa isa’t isa at lalong malaki ang paniniwala nila na sila na nga ang magsasama habambuhay. “Walang duda!” aniya. Tingnan natin. Sana. “Sana, lalaki naman!” — Sharon ANG textmate kong megastar na si Sharon Cuneta ay dumadalangin sa Poong Maykapal na sana, makalalaki naman sila ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan. “At sana, kamukha ko naman,” dugtong pa sa text na may kasamang “He! He! He!” At sana, magmana ng ugali sa iyo at kay Daddy at Mommy mo (Mayor Cuneta at Mommy Elaine). Tugon ko. “Ay naku, sinabi nyo pa. Siya na lang ang parating pinag-uusapan naminh ni Mommy,” aniya pa. Sino nga ba ang makakalimot kay Mayor Cuneta? Kahit ako, madalas kong maalala ang best friend ko na yon..Sabi ko nga

Sha at Gabby

kay Sharon di ko naman gaanong nami miss ang Daddy niya kung ano ang pag uusapan. Physically, di nga siya gaanong maalala, pero yung ugali,mahirap limutin. “Talaga, “ayon kay Sharon.”Sana nga, nakita man lang ni Daddy si Frankie,” patuloy na himutok ng megastar. Tama siya, halos kabuwanan sa pagbubuntis ni Sharon si Frankie nang mamatay si Mayor Cuneta. Di nga ba’t sa panahon ng lamay ay kay daming doctor at narses ang nagbabantay sa kanya. Alam naman natin na delikado siyang magbuntis. “Pero kung babae,siyempre, welcome na welcome”, patuloy ni Sharon. “Another hulog na naman yon ng langit,” dugtong pa. Matagal-tagal din naman kaming nagpalitan ng text ng megastar hanggang sa natukin kami kapwa. Ano kaya ang Bagong Umagang naghihintay sa pagpapakasal na itong muli ni Gabby Concepcion. Natikman ni FPJ ang Lupit ng Media Noong nasa kasagsagan ang isyu tungkol sa diumano’y pambabastos kay Fernando Poe Jr. ng isang field reporter ng isang higanteng network habang nagsasalita ito sa napakaraming tao, sumugod ang reporter at crew ng ABC-5 sa RMN Manila habang naghihintay ako ng oras para sa aking programang “Showbiz Power with Kuya Mar.” Paano kakong magiging Taray King yan, ang pintas nga sa kanya ay hindi siya madaldal. Hindi lang siguro inaasahan ni FPj na nababastos siya. Kasi, sobra kako ang respeto ng entertainment media sa kanya.Hindi siya sanay sa bastusan. Si FPJ, sa loob ng may 30

taon naming pagsubaybay sa kanya,kita naming ang ugali niya. Si totoo siya. Sinusuklian lang ng entertainment media ang respetong nakikita sa kanya. Mahabang panahong iningatan, inaruga, pinagyaman ni FPJ ang maging isang matinong lider ng industriya. Ngayon nga, para siyang tumutuntong sa numero na sa munting pagkabisala, mahuhulog sa kumunoy. Para nga siyang maamong tupa na pinakawalan sa “kagubatan ng lungsod” (pahiram ng mga katagang ito, Mr. Edgardo Mata Reyes) na pinnaghaharian ng mababangis na leon at gire para paglaruan at kutyain upang maudlot ang pagnanasang maghandog ng bagong uri ng liderato at responsableng paglilingkod. Hindi naman natin masisi ang ilang miyembro ng media dahil mayroon din silang sariling paniniwalang pulitikal. Alam ni FPJ ang kapangyarihan at tunkulin ng media. Pero tulad naming sa entertainment sector, respeto ang una, pangalawa lamang ang kapangyarihan at tungkulin. Ang nangyari tuloy, dahil sa kalupitang ibinato ng media kay FPJ, lalu lamang siyang napamahal sa puso ng mamamayan na parating kumakampi sa api. Para ngang pelikula, sa simula, bugbog sarado ang bida, sa banding huli, bumabalikwas at ipinagtatanggol ang mga naapi. Sa labanang ito, Si FPJ ang inapi, kinampihan siya ng baying api. Mahirap bang pairalin ang respetuhan ng pulitika? Mahirap bang sundan ang panuntunan ni FPJ? Tulad naming, kayo ay meron din naming gusotng mabanaag ,ang BAGONG UMAGA di o ba? Rufa Mae Quinto

8 MAY 21, 2004

Taon1 Blg.2

TILAMSIK Ni Ronald K. Constantino Guest Columnist

John Lloyd attracted sa older woman? ANG feeling ni Jean Garcia ang haba-haba ng buhay niya. Kasi naman nababalitang in love sa kanya si John Lloyd Cruz,who is young enough to be her son. Wag namang anak, nakababatang kapatid lang. Totoo ba Jean? “Wag kayong magbiro.Tsismis lang ‘yun. Nagkasama lang kami sa soap Jean Garcia nagka-relasyon na kami. Baka magalit pa sa akin sina Ciara (Sotto) at Bea (Alonzo),”sagot ni Jean. Si Ciara ay ex (at binabalikan daw) ni John Llyod. Si Bea raw ang current ng binata....pero mukhang nagkakalabuan. “Ang totoo, “ sabi ni Jean,”loveless ako ngayon.” May anak na dalagita si Jean kay Jigo Garcia. Lalaki ang bunso niya (Kitaro ang pangalan) sa isang mayamang Japanese businessman. Nakilala niya ito ng magtabaho siya sa Japan ng kung ilang taon. Wala namang masama kung magkakarelasyon ang may edad na babae sa nakabatatang lalaki. Look at Vilma Santos and Ralph Recto,Nora Aunor and John Rendez,Madam Auring and ...sino ba ‘yung hombre na inililigid niya sa tv? Madam Auring must be in her late 60s or early 70s. Yung hombre early 20s. Tunay na May-December romance. Teka, tunay ba ito o gimik lang. #### Oy, hindi bobita roswe (as in mahina ang ulo,gaga) si Rufa Mae Quinto. On the contrary, matalino siya. Marunong siyang humawak ng pera. May negosyo. Magaganda ang kotse (BMW, Mercedes,Porsche)). At producer pa. Co producer siya ng Viva sa “Masikip ang Dibdib” na kumita sa takilya.At ang pogi pa ng boyfriend ni Rufa Mae: maskulado,matangkad,mabait. Walang iba kundi si Rudy Hatfield ,basketbolista. Bago dumating si Rudy, isang Fil-American, na-link si Rufa kina Bong Revilla,Dingdong Avanzado,Mikey Arroyo. #### Sundan sa pahina 7

D NAMFRAUD QUICK COUNT OF JOECON N CANADIAN BILL LUZ IS D MOST SCANDALOUS ARITHMETHICAL POLL COUNT N HISTORY! MAY LIGHTNING STRIKE YOU BOTH D—D!


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.