Issuu on Google+

LUHA AT POOT ang naghahari sa damdamin ng taongbayan kasunod ng marahas na pagbuwag sa mga mapayapang demonstrasyon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila (sa itaas), sa panulukan ng Sanciangco St. at Osme単a Blvd. sa Cebu City (sa gitna), at sa Mabuhay Rotonda sa Manila-Quezon City boundary. Mga kuha ni JIMMY DOMINGO, DAX ENRIQUEZ , LARRY MERCADO at ROBERT ROXAS


Bagong Umaga

2

Balitang Bayan

HULYO 2, 2004

BAYANG SAWI Ni Junex Doronio

TUMATANGIS ang bayan kasabay ng hagupit ng bagyong “Igme” na animo’y nagbabadya ng parating na unos sa pagkaluklok ng isang huwad na pangulo na nangako na naman na iaangat ang kalidad ng pamumuhay sa pamamagitan ng 10-puntong programa. Masyadong ambisyosa ang pangako ni Gloria , ayon sa karamihan na mga economic experts, na makakalikha ng anim hanggang sampung milyong trabaho sa loob ng kanyang anim na taong termino. Bukod dito, hindi maaaring gumanda ang kabuhayan ng bayan kung peke ang Pangulo dahil hindi ipagkakaloob ng mamamayan ang kanilang tiwala sa liderato at walang susunod sa kanya. Ang nakaraang tatlong taon ay matibay na batayan ng palpak na pagmamaneho ng ekonomya at sa nakaraang taon lamang ay hindi kukulangi sa $1.2 bilyon ang inutang ni Gng. Arroyo kaya umakyat sa $56.7 bilyon ang panlabas na utang ng Pilipinas. Tuloy nabangkarote ang gobyerno dahil sa chop-suey at ispagheting “economic policy “ ng kanyang administrasyon. Malungkot din ang nakikinitang eksena sa mga kawani ng gobyerno dulot ng planong “retrenchment” ng kasalukuyang rehimen. Ang pagpapakalat ng ibat ibang departamento ng pamahalaan katulad ng Department of Agriculture, Department of National Defense at Department of Tourism ay pinaniniwalaang bahagi ng pagbabawas ng gobyerno dahil

naghihikahos na ang kaban ng bayan. Nagpasabi na sa pamamagitan ng isang memorandum na may petsang June 26 si kalihim Roberto Pagdanganan sa kanyang mga kawani ng pagpapatupad ng paglilipat ng sa Cebu ng opisina ng DOT. Pinagbilinan sa direktiba ang mga opisyal ng DOT na ihanda na ang mga retirement at separation packages sa mga kawani na hindi makakasunod sa kautusan na nagmula kay GMA. Sa kasalukuyan ay nasa may Luneta Park ang DOT. Tiyak na maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho na magiging bahagi ng mga nananaghoy na mamamayan sa ilalim ng isang huwad na presidente. Tumaas pa rin ng mahigit sa limang milyong Pinoy ang walang trabaho samantalang umaalma ang mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa kawalan ng suporta ng administrasyon laban sa pang-aabuso sa kanila sa ibayong dagat. Kunwa’y nag-aalok ng rekonsilasyon ang rehimeng GMA sa mga tumutuligsa sa kanyang pamamahala subalit walang habas naman ang kanyang mga tutang kasundaluhan at kapulisan sa paninikil sa karapatang pangtao na naghahahayag lamang ng kanilang hinaing. “No permit, no rally policy” ang pinapairal ng estado at sa tuwing dispersal ng mga nagproprotesta ay lumilitaw ang mabangis na mukha ng kanyang rehimen masahol pa sa martial law noong dekada setenta. Bukod dito ay parang sinikmuraan ang taongbayan sa pagtaas ng presyo ng bilihin at

maging ng pamasahe. Para sa ordinaryong Juan dela Cruz, mabigat sa bulsa ang pagtaas ng pamasahe sa P5.50 mula sa P4, at ang pagtaas ng boundary sa mga pobreng jeepney drivers sa P600 hanggang P700 kada araw mula sa dating P400 hanggang P450. Maging ang pasahe sa MRT at LRT ay itataas na ng P10 dahil daw kailangan ng dagdag na kita ang kabang-bayan. Dahil ‘di niya nakayang patawan ng tamang buwis ang mga mamamyan, dito na lang niya kukunin sa naging popular na sasakyan pampubliko ng mga manggagawa at estudyante sa Metro Manila . Kaya’t nakakatuwa dahil nangako pa siya ng pagpapautang sa ating mga kababayan para makuha ang kaniyang taarget na pag-usbong ng mahigit tatlong libong mga entrepreneur gayong alam naman ng lahat na bangkarote na ang kabang bayan. Sigurado na rin ang pagtaas ng todo-todo ang singil sa kuryente at tubig dahil malaki ang utang na loob sa oligarko na humahawak sa mga nasapribadong public utility firms. Malaki rin ang naitulong noong nakaraang kampanya sa kay Gng. Arroyo. Samantala, hindi pa man bumaba ang tama ng kalasingan ng kanyang alipores mula sa “simpleng inagurasyon” na ginastusan ng mahigit P4 million ng PAGCOR ay mangungutang na naman si GMA ng P24.5 billion sa buwang ito. Panibagong dagdag sa trilyones na utang ng administrasyon na ang magbabayad ay ang taongbayan, himutok ng mga economic experts.

Laban ni FPJ tuloy – Tatad

NASA desisyon na ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) standard bearer Fernando Poe Jr. kung ipupursigi o hindi ang election protest sa Presidential Electoral Tribunal (PET). Ayon kay dating Senador Franciso Tatad, KNP senior political adviser, wala siyang nakikitang senyales kay FPJ na isusuko nito ang pakikipaglaban sa katotohanan. Gayunman, nagbabala si Tatad na ang paghaharap ng kaso sa PET ay isang “exercise in futility” dahil ipagkakait ng kasalukuyang administrasyon sa PET ang nakalaang pondo kung didinggin ang kaso. “In the presumption that the case will be on a level playing field, the administration will simply delay the funding of the PET so that the proceedings will be delayed,” wika ni Tatad. Tinukoy ni Tatad ang sitwasyon ni Senador Miriam Defensor Santiago, na dating kumandidato sa pagkapangulo, nang magharap ito ng election protest sa PET laban kay Presidentelect Fidel Ramos noong 1992. Hindi umaksyon ang PET para simulan ang proceedings, pahayag ni Tatad. “Tulad ng kanyang pangakong ‘papel na bangka’ sa tatlong Payatas boys, kailangan pa niya itong tuparin.” “Hindi ako nakinig sa kanyang talumpati dahil hindi siya ang lehitimong pangulo ng bansa,” ani Tatad. “Kailangan pa niyang patunayan ang kanyang pagiging lehitimo sa gitna ng mga hinala.” “Kailangang palobohin ang national budget ng 60% para magkaroon ng 10 milyong trabaho, kung ipagpapalagay na ipatutupad sa kanyang administrasyon ang pangako. “Ito’y nangangahulugan ng karagdagang buwis sa mamamayang Pilipino,” dagdag ni Tatad. Lalung sumama ang imahe ng administrasyon nang marahas na binuwag ang mapayapang demontrasyon sa Mabuhay Rotonda sa hangganan ng Maynila at Quezon City, at maging sa Cebu City. “Paano ma-encourage ang mga investors kung ang mga pulis at sundalo ay ginagamit ng administrasyon para supilin ang karapatan ng mga tao? E, mukhang masahol pa ngayon sa martial law ni Marcos,” diin ng

mga analyst. “Ambot lang kon matuman niya ang iyang mga gisaad kay mahinumdum lang na siya namo kon dunay eleksyon (Ewan lang kung matutupad niya ang kanyang mga pangako dahil naala-ala lang niya kami tuwing may eleksyon),” pahayag ng sidewalk vendor sa downtown Colon Street na si Tikboy Tugas. Dagdag na ulat ni Monique del Monte

DITO PO SA BAYAN KO Ang inagurasyon ng pekeng presidente sa isang republikang basahan Ang inagurasyon ng pekeng presidente. Dahil hindi tutoong si GMA ang nanalo sa nakaraang eleksyon nagging isang magarbong entertainment ang isinagawa nilang inagurasyon mula Luneta hanggang Cebu. Ito ang pinakaroadshow presentation ng pangkating GMA sa bayan at siyempre at the expense of people’s money para naman makalimutan natin ang gutom.

Ang inagurasyon ng pekeng presidente. Sa Republika ng Cebu raw gaganapin ang main event ng inagurasyon dahil dito nga lang siya nanalo noong nakaraang eleksyon. At sa kaunaunahang pagkakataon ngayon lang magkakaroon ng pangulo ang Cebu sa katauhan ni GMA na isang Kapangpangan, bahagi raw ito ng pederalismo na kanyang inilalako. Good riddance ba!


Balitang Bayan

HULYO 2, 2004

3

Bagong Umaga

GMA, puputaktihin ng protesta Inagurasyon ni Ni Monique del Monte

ITO ang idineklara ng pinagsanib na samahan na kumakatawan sa “People’s Summit” na patuloy na makikibaka upang mawakasan ang ilehetimong rehimen ni Arroyo. Sa isang pulong-balitaan sa Annabelle’s restaurant sa Quezon City kamakailan, inamin ni Atty. Ed Araullo na isa sa convenor ng Kilos Para sa Bagong Umaga (KBPU) na ang laban ng mamamayan upang maisulong ang katotohanan at demokrasya ay pangmatagalan subalit tinitiyak niya na magwawagi din sa huli ang taongbayan. Hindi na umano laban para kay Fernando Poe Jr. ang isinusulong ng nagsama-samang organisasyon ng mamamayan kung hindi layunin ng pakikibaka ang mapairal ang demokrasya na pinatay ng represyon ng administrayon ni GMA. ‘The fight goes beyond electoral fraud , but it is a fight for

democracy,”ang binigyan diin pa ni Araullo. Ibinunyag pa ni Araullo na ang dami ng taongbayan ay isang matinding lakas at bentahe upang matamo ang ipinaglalaban kahit na ang sagabal pa ay ang mga nabubulagang elemento ng militar at kapulisan na instrumento ng karahasan ng kasalukuyang rehimen. Inaasahan pa niya na makakabuo ang samahan ng bagong taktika upang magiba at mawasak nang tuluyan ang kamay na bakal ng mga awtoridad. Inihayag ni Araullo na kailangan na matuto ang umaaalmang uri laban sa mapasistang mga kapulisan at militar sa kanilang ginagamit na taktika na agad na was akin at gibain ang ano mang nabubuong pagkakaisa ng masa. Pinayunan pa ng naturang opisyal ng KBPU ang mga nag

iilusyong pulitiko na pag aralan ang leksyon na pinatunayan sa nakalipas na halalan lalu na sa pagpapahusay ng sindikato ng dagdag bawas. “They have perfected the dagdag bawas,” ayon pa kay Araullo. Idinagdag pa niya na nasira ng naturang sindikato ang ating halalan pati ang Commission on Elections bilang isang matibay na institusyon ng pamahalaan dahil naging talamak ang pamimili ng Certificates of Canvas (COCs) kung saan ang mga boto ay madaling napapalitan pabor sa isang kandidato. Nawalan tuloy ng pag asa ang masang Pilipino na makaasa pa sa ano mang reporma sa lipunan at pamahalaan. Kaya lang, hindi na makakapayag pa ang naturang koalisyon na laban kay GMA sa 6 pang taon na pamamayagpag nito at tinitiyak nila na mapapatalsik ang huwad na pangulo.

Loren: Walang rekonsilasyon Ni Danilo Ramos

SINABI ni Loren Legarda ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na hindi na kailangan ng rekonsilyasyon dahil wala naman siyang kaaway kahit pa ang nakatunggali niya sa nakaraang halala na si Noli de Castro. “Reconciliation is not even an option. Nothing needs to be reconciled since I have no enemies…Whether GMA or my compadre Noli. We were never estranged,”ani Legarda na noong Miyerkules ay nagtapos na ang anim na taong termino sa Senado.

Ang inagurasyon ng pekeng presidente. Magiging auster daw ang inagurasyon ni GMA sa Republika ng Cebu. Sa tutoo nga raw makalilang ulit na ginamit ni GMA ang gown na gawa ni Tito Sotto, este, ni Inno Soto, ang susuutin niya sa inagurasyon para ipakitang nagtitipid talaga ang gobyerno. Kung nagtitipid siya ba’t hindi na lang siya magdaster na galing Divisoria, di ba? Hoy, walang Kapangpangang matipid, ha!

LEGARDA

Sa inaugural speech ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Quirino Grandstand noong Miyerkules, ilang beses nitong inulit na kailangang magkaisa ang buong bansa.

Sinabi ni Legarda na kung rekonsilyasyong politikal ang paguusapan, dapat daw na nakabase ito sa katotohanan at katwiran. Sinabi rin ni Legarda na ‘di siya susuko sa kanyang laban noong nakaraang halalan. Pinagaaralan ng kanyang mga abogado ang pagsasampa ng electoral protest sa Korte Suprema, aniya. “There is no need to concede defeat. We did not lose,” ani Legarda na matibay na pinanghahawakan na dinaya sila (kasama si KNP standard-bearer Fernando Poe, Jr.) ng administrasyon Arroyo noong sa nakaraang eleksiyon. Ang inagurasyon ng pekeng presidente na ata ang pinamalaking hoax nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Dinaig pa nito ang pekeng inagurasyon ni Makoy noong ideklara niya ang “The New Republic” noong maagang yugto ng dekada 80, na kung saan sinabi ni dating US VicePresident Bush kay Makoy na “Thank you for adhering to the principles of democracy, Mr. President!” Hindi nagtagal bumagsak ang rehimeng Marcos dahil sa peoplepower ng mamamayan laban sa kanya.

GMA binulabog Ni Joe Galvez

MAGING sa bayang pinagmamalaki ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo, naging mainit ang pagsalubong ng mga militanteng grupo sa kanyang pekeng proklamasyon at inagurasyon. Pito katao ang nasugatan sa Cebu City ng makipagsagupaan ang mga nagpoprotesta sa mga anti-riot police na humarang sa kanila sa kahabaan ng Sanciangco Street habang patungo sila sa kapitolyo kung saan gaganapin ang inagurasyon ni Gng. Arroyo. Nangyari ang sagupaan bandang alas-11 ng umaga bago sumumpa si Gng. Arroyo. Mahigit sa 400 taga-suporta ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) presidential candidate Fernando Poe Jr at 200 miyembro ng militanteng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Anak Pawis ang hindi pinayagan ng mga pulis na makatuloy sa kapitolyo. Ang grupong pro-FPJ na pinamumunuan ni Edward Ligas at ang grupong Freedom from Debt Coalition (FDC) na pinamumunuan ni Lito Vasquez ang nagsagawa ng isang rali sa kahabaan ng Colon Street kung saan hinarang din sila ng mga anti-riot police. Napag-alaman ng Bagong Umaga na nakipagusap sina Paul Rodriguez ng Bayan Central Visayas at Vida Arcamo ng Gabriela sa mga pulis pero hindi sila pinagbigyang makatuloy maski man lang isang kilometro mula sa kapitolyo. Nang sumapit ang mga nagpoprotesta sa Sanciangko Street sa may panulukan ng Osmena Boulevard ay tinulak at

pinagpapalo na sila ng mga pulis. Gumanti naman ang mga raliyista at pinukol ng mga plastic na silya, plakards at bato ang mga umatakeng pulis. Sinabi ni Rodriguez na duguan si Inario Tabura dahil sa tinamo nitong sugat mula sa palo ng truncheon ng mga pulis. Anim na kasamahan pa nila ang nasugatan din. Sinabi ni Arman Perez, secretary general ng Bayan-Cebu na magsasampa sila ng demanda laban sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Police Regional Office (PRO 7) Director Rolando Garcia dahil sa marahas na pagbuwag ng kanilang rali. Sa Maynila naman ay nagrali din ang mga miyembro ng grupong Patriots, Gabriela, Anak Pawis, Anak ng Bayan, at Alliance of Health Workers (AHW) sa Liwasang Bonifacio para maghayag ang kanilang pagtutol sa pekeng proklamasyon at inagurasyon ni Gng. Arroyo. “Ang panawagan ni GMA na reconciliation ay hindi katanggaptanggap sa taongbayan dahil wala siyang moral na karapatan na mamuno dahil nakaw lang ang kanyang posisyon,” sabi ni Fr. Joe Dizon ng Patriots. “Hindi siya ang tunay na nanalo sa halalan.” “Gusto ni GMA na saisantabi muna ng taongbayan ang mga karaingan nila pero ano ang ginagawa niya? Puro pananakot at marahas na pagbuwag ng mga mapayapang kilos protesta,” dagdag pa ni Fr. Dizon. Mahigit sa 300 miyembro ng nasabing mga grupo ang hinarang ng mahigit sa 500 anti-riot police para hindi makatuloy sa Chino Roces Bridge sa Mendiola.


Bagong Umaga

Opinyon

HULYO 2, 2004

4

EDITORYAL

Ang BAGONG UMAGA ay inilalathala ng People and Advocacy, Inc. na may tanggapan sa 6F Lansbergh Place, Tomas Morato Ave., Quezon City. Telefax 372-8560 SUSAN TAGLE Chairman of the Editorial Board JOEL PAREDES Editor-in-Chief • JUNEX DORONIO Managing Editor JOE GALVEZ Metro Editor • ISKHO F. LOPEZ Entertainment Editor BENJO LAYGO Art Director • NANIE GONZALES Associate Art Director JOSEPH MUEGO Photo Editor ROJA SALVADOR Research Head • ROSE BINGAYEN Editorial Assistant NATY GUERRERO Marketing Manager • RAINNIER TAVU Circulation Manager

Ang Say Ko Bibeth Orteza

Neknek nila! A

NG say ng isang kaibigan, gusto raw niyang mainvolve sa kasalukuyang mga kilos protesta hinggil sa May 10 elections, pero hindi na lang daw niya gagawin at tanggap niyang ganito naman talaga ang eleksiyon sa ‘Pinas, pirming may dayaan. Nakita niya kami sa TV, sa rali noong Martes sa Mabuhay Rotonda, naulanan, na-bomba ng tubig, at na-tear gas. Naawa raw siya sa amin, pati na rin daw siyempre sa aming mga kasamahan. Ba’t pa raw kasi kami nagpunta? Nagkabuhol-buhol ang trapik sa Quezon Avenue noong hapong iyon, at nagalit raw sa amin ang mga naipit at hindi tuloy nakarating sa kani-kanilang mga appointment sa tamang oras. Pumorma-porma pa raw kasi roon nang walang permit. Ganoon daw ba naming kamahal si FPJ? Ang say ko, sa puntong ito, hindi na lang si Fernando Poe Jr. ang isyu. Una sa akin ay ang paglalabas ng katotohanan. Oo nga’ t naproklama na si Bulilit, pero nakita niyo naman ang nangyayari. Di lang puwersang FPJ ang nagpo-protesta sa kalye. Kinabukasan ng Martes, halos kasabay ng oathtaking ni Thumbelina sa Cebu, nag-rali ang Patriots, kasama ang Bayan Muna, Gabriela, AnakBayan, at Concerned Artists of the Philippines sa Liwasang Bonifacio. Doon mismo sa Cebu na supposed to be isang GMA stronghold, nag-rali rin ang local chapters ng mga nabanggit na cause-oriented groups, rali na nagwakas sa isa na namang bayolenteng dispersal. Wala nang katapusan ang mga kilos-protesta na iyan. Lalo pa’t nakatakdang magtaas ng singil ang NAPOCOR, ang fuel costs, ang paggamit ng cellphone, at maging ang dating nakapataw na 10% VAT sa mga bilihin ay “pinag-aaralan” na gawing 12%. Walang “moral ascendancy” ang panguluhan na magpataw ng karagdagang buwis at mag-apruba ng pagtaas ng kostas dahil sa lambong ng pandaraya sa eleksiyon. Kahit igiit pa ng Malakanyang na kailangan itong gawin dahil walang laman ang Kaban ng Bayan, at malaki ang Budget Deficit, walang matitigatig, walang makikiisa. Nalantad sa publiko ang eskandalosong gastusan ng nakaraang halalan. Open secret na P20M ang ibinayad kay actress/TV host para mag-endorso at mangampanya, P8M para kay male TV host, P8M para kay Comedienne/TV Host, P8M pa uli para kay Comedian/TV Host. At kung isasama ang diumano’y P6.2M na tinanggap ng kumanta ng National Anthem sa Cebu, mahigit P42M na ang lumabas para lang sa lima. Ibinuko ni dating Solicitor General Frank Chavez na P15B daw ang nadale nitong nakaraang eleksiyon: P6B mula sa Overseas Workers Welfare Administration Fund; P2.3B mula sa kagila-gilalas na Kalsada Natin, Alagaan Natin National Recovery Program; P714M mula sa Department of Interior and Local Government para sa mga opisyal ng barangay; Sundan sa pahina 5

Pangakong mapapako W

alang karapatang maghambog itong si Gng Arroyo na kanyang pagagandahin ang ekonomiya ng bansa sa loob ng anim na taon. Hindi maaaring gumanda ang kabuhayan ng bayan kung peke ang Pangulo dahil walang tiwala ang mga mamamayan sa kanyang liderato at walang susunod sa kanya. Kapag ang naturingang pinuno ng bayan ay huwad, hindi siya maaaring maging inspirasyon o halimbawa. Siya ay itatakwil ng bayan, gaya ng nangyayari ngayon. Ang nakaraang tatlong taon ay matibay na batayan ng palpak na pagmamaneho ng ekonomiya, at sa nakaraang taon lamang ay hindi kukulangin sa $1.2 bilyon ang inutang ni Peke kayat umakyat sa $56.7 bilyon ang panlabas na utang ng Pilipinas. Kahit na mga taga Cebu ay hindi mabobola ni Peke dahil alam nilang sa kasalukuyang taon, P60 bilyon ang kailangang gastusin ng pamahalaan upang bayaran ang mga empleyado, tustusan ang mga proyekto at iretiro ang obligasyon sa lokal at banyagang pinagkakautangan. Sa ilalim ng tatlong taon ni Gng.Arroyo, di kukulangin sa $9 bilyon ang dagdag na inutang ng bansa. Paano gaganda ang ekonomiya kung P460 bilyon ang programado sa national budget para ibayad sa nilustay ni Gng. Arroyo. Ito ay higit sa kalahati ng panustos sa lahat ng gastusin ng pamahalan. Maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay umaalma na sa pangungulit ni Gng. Arroyo na kaagad na magbigay ng P1.8 bilyon sa kanyang bangkaroteng pamahalaan. Ilang matataas na opisyal ng BIR ang nagbibitiw o kaya’y nagreretiro na dahil imposible ang hinihingi ni Peke. Ang sabi nila, kung hindi nilapa ni Gng. Arroyo ang P15 bilyon na salapi ng bayan sa kanyang kampanya, disin sana’y may pagkukunan pa ang pamahalaan ng kapirot na salapi. Isang malaking kaululan din ang pangakong 10 milyong trabaho ang kanyang ibibigay sa mga Pilipino. Sa katunayan,

Ang Buhay Nga Naman Joel Paredes

Sino ang imoral? T

UNAY ngang imoral kung ang isang tao ay manatili sa kapangyarihan dahil lamang sa pandaraya, pagsira sa mga pangunahing institusyon ng pamahalaan at paggamit ng mga instrumento ng karahasan. Tunay ngang imoral ang mangako ng mangako— tulad ng anim hanggang sampung milyong trabaho — basta siya lang daw ang pangulo ng bayan. Tunay ngang imoral ang magsabing pangangalagaan ang bawat piso sa ating kabangbayan, kung siya mismo ang nagbaon sa atin sa utang. Tunay ngang imoral ang ipangalandakan ang patriotismo samantalang isinusugal ang buhay ng kaniyang mga kababayan sa digmaan na ilang malalakas na bansa lamang ang nakikinabang. Tunay ngang imoral ang talikdan ang kasaysayan, at gawin na lamang mga alaala ng “people power”

sa ilalim ng kanyang palsipikadong pamumuno, higit pa sa 13 porsyento ang unemployment rate at 5.5 milyong Pilipino ang ngayo’y walang trabaho. Hindi kukulangin sa 34 milyong kababayan natin ang nabubuhay na parang daga sapagkat sila ay nasa ibaba ng poverty line.Ang ibig sabihin nito ay higit sa 40 porsyento ng mga mamamayan ay nabubuhay na aliping bayad utang. Subalit dahil palsipikado ang kanyang panalo, palsipikado rin ang kanyang gagawing trabaho. Parang noong nakaraan, binibilang pala ni Gng. Arroyo ang taong may trabaho ng isang oras bawat araw na tunay na may hanapbuhay. Pati sa estadistika ay garapal na dagdag-bawas ang ginagawa niya. Binobola ni Gng. Arroyo ang bansa sa pamamagitan ng pagpapangako na ibibigay niya ang kanyang buhay, kayamanan at paggawa para sa bayan. Lumang tugtugin na ito. Subalit yung iaalay niya ang kanyang buhay sa bayan ay maaaring magkatotoo dahil sisingilin siya ng mga mamamayan sa kanyang utang sa dugo at ang kanyang pandaraya sa nakaraang eleksyon. Hindi ba kamatayan ang parusa sa mga mandarambong? dahil natatakot siya sa kaniyang sariling anino. Tunay ngang imoral ang mangakong ibabangon ang ating ekonomiya kung wala naman siyang naipakitang pagkalinga sa naghihikahos na masang Pilipino. Tunay ngang imoral ang maglakas loob na batikusin ang mga “influence peddler” sa pamahalaan, kung siya naman ay napapalibutan ng mga mandarambong sa Malakanyang at maging sa sariling tahanan. Tunay ngang imoral ang mangako ng kapayapaan kung ang kaniyang susi sa kapangyarihan ay ang mga taong utak-pulbura at walang respeto sa karapatang pantao. Tunay ngang imoral ang isang taong ang humihiling ng rekonsilyasyon sa kaniyang mga kaaway sa putilika habang siya’y nagpaplano kung paano patahimikin ang sinumang kakalaban sa kaniyang pamahalaan. Tunay ngang immoral dahil kahit na masabing siya ay nagwagi sa isang halalan, tuloy pa rin ang pagkakakulong sa Pangulong Joseph Estrada, ang lider na ninakawan niya ng kapangyarihan. Tunay ngang imoral ang magmalaki sa buong mundo ng pagklainga sa mga prinsipyo ng demokrasya kung siya at mga kaalyado nito sa Korte Suprema at Kongreso ay kasabwat sa pagyurak sa ating Saligang Batas masunod lamang ang kaniyang kapritso. Imoral nga talaga ang maging pekeng pangulo. Kawawa naman talaga itong bayan nating sawi.


Opinyon

Kidlat Junex Doronio

Halimuyak ng teargas M

ATAGAL-TAGAL na rin akong ‘di nakalanghap ng amoy ng teargas at nang muli ko itong nasinghot nitong nakaraang Martes ay sinikap kong ‘di maluha. Pero matindi talaga ang usok na nagpasikip sa hininga ng mga rallyista at maging sa ilang pulis na napilitang umatras. At kasama ang ilang mga rallyista at pulis, pinagsaluhan namin ang paghilamos ng tubig mula sa galong plastik ng isang sidewalk vendor. *** Habang nanggagalaiti sa kasisigaw ng mga slogan ang mga rallyista, mababakas naman sa mukha ng maraming pulis ang alinlangan. Alam kong alam nila sa kanilang sarili na kauri nila ang mga taong nagpoporotesta sa lansangan. Kapwa sila mahirap na kinakailangang magsumikap upang maitawid sa gutom ang pamilya. Ngunit bakit kailangang magkasakitan ang parehong inaapi at pinagsasamantalahan?

HULYO 2, 2004

*** Samantala, sa wikang banyaga ay iniaalok ni Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang kamay sa pakikipagsundo sa kanyang mga katunggali sa pulitiko. Naiimadyin ko lang ang kilig ng matatandang Cebuano na mas gustong pakinggan ang mga pawerswers kahit ‘di nila ito maintindihan kaysa sa pambansang wika na nakabase sa Tagalog. Alam ni Gloria ang kiliting ito at lalo niyang ginatungan ang ganitong kolonyal na kaisipan sa kanyang inagurasyon noong Miyerkules. *** Halatang kinakabisado lamang ni Gloria ang kanyang inaugural speech sa harap ng mga Cebuanong “wow na wow” sa hilaw na Bisaya. Over-acting naman ang mga pulis at militar sa kanilang pagbabantay sa pinakamamahal na Mutya ng Pampanga. *** Ayon sa isang sikat na psychic, masamang pangitain ang biglaang pagkamatay ng ilaw habang nanunumpa si Gloria sa loob ng Cebu Cathedral. Tulad ng pagkabali ng gavel noong nakaraang canvassing sa Kongreso, ito ay nagbabadya na hindi matatapos ni Gloria ang anim na taong termino, dagdag ng psychic. Alam na natin kung bakit, ‘di ba?

Joe Galvez

Diskarteng Kalye Jess Santiago

Batas ng Dahas “Di namin intensyong lumikha ng gulo.” Tugon ni Mang Juan sa isang interbyu, “Batas ay igalang, ang bilin po ni Poe, At amin po namang sinunod ang payo. “Mapayapa kaming nagmartsa sa daan, Plakard at istrimer ang amin pong tangan. May sarili kaming marshalls na patnubay Para siguruhing maayos ang hanay. “Ang hangad lang nami’y payapang magtipon At maibulalas ang aming pagtutol Sa naging dayaan sa huling eleksyon At katotohana’y ilahad sa nasyon. “Pero, iyon nga po, nang aming marating Ang pagdarausan ng malaking miting, Agad pumalibot ang pulis sa amin, Daan-daang pulis, nagbanta ng lagim. “Nakakatakot po ang itsura nila, Parang mga hukbong sasabak sa gyera. Gayong kami naman ay walang sandata, Hawak nga lang nami’y plakard at bandera.

“Hindi pa nagkasya sa bomba ng tubig— Parang asong ulol na naninibasib— Tinirgas pa kami! Sa mata’y kay sakit! Di ka makahinga sa sikip ng dibdib!

FPJ at Loren, mga tunay na tao SANG buwan matapos ang halalan, ilang araw matapos ang pekeng proklamasyon ng dalawang huwad at mapagpanggap na lingkod bayan, at ilang walang sawang pagbuwag sa mapayapang kilos protesta ng mamamayan, nasaksihan ko kahit sa maiksing sandali lang ang mga dinaang pagsubok ng dalawang natatanging tao na minsa’y tumulay sa masalimuot na larangan ng pulitika. Malupit ang hagupit ng mga mapagsamantalang elitista at trapo kina Fernando Poe Jr. at Loren Legarda. Pinaglaruan sila, minaliit, niyurakan, inapi, dinaya. Maging ang kanilang taga-suporta ayhindi pinalagpas at patuloy na niluluray sa pamamagitan ng marahas na pambubugbog sa kamay at batuta ng pulisya at military. Hindi pa naging kuntento sa kanilang katusuhan ay umeksena pa itong si Miriam Defensor-Santiago upang lait-laitin at lalung ibaon ang pako sa nuo ni FPJ sa pamamagitan ng pagpakawala ng matatalim na insulto laban sa aktor – nakakasuka! Pero ang lahat ng ito ay may katapusan dahil lahat tayo at maging sila man na nakakubli sa saya ng kanilang kagalanggalang na kaanyuhana ay mamamatay din at sa alabok pupulutin. Ang aral na natutuhan natin sa nagdaang halalan ay simple lang – ‘yan ay ang katutohanan na meron ngang mga kampon si satanas na malayang nakakagawa ng kasamaan sa mundong ating tinatahak. Karamihan sa mga kampong ito ay nakasuot ng barong at amerikana at ang iba ay nakadamit pari pa. Kung bakit si FPJ at Loren ang kanilang napiling paglaruan ay sila lamang ang tanging nakakaalam. Si FPJ ay isang taong may malinis at tapat na hangaring paglingkuran ang taongbayan. Ito lang ang

Bagong Umaga

“Ay! Laking gulat ko! Mga antiriot, Biglang-bigla na lang kami ay nilusob. Kinulata kami, hinataw, kinadyot, Binomba ng tubig na pamatay-sunog.

Pasaway

I

5

simpleng nais niya para makatulong sa bayan pero ipinagkait pa ito sa kanya. Lumahok siya sa isang demokratikong proseso sa akalang ang kanyang makakalaban ay mga taong may prinsipyo at malinis ang pagkatao – nagkamali siya. Mga kampon pala ni satanas na nagdamit tao lamang ang kanyang mga nakabangga. Bagamat alam ng marami na si FPJ ang tunay na panalo sa halalan, hinadlangan ito ng mga kampon at ‘di pinagbigyang makapaglingkod sa taongbayan dahil hindi nila matanggap na isang simpleng tao lang pala ang tatalo sa kanila. Maging si Loren na naging bahagi na rin ng serbisyo publiko ay nakatikim ng kalbaryo sa kamay ng mga manlulupig. At tulad ni FPJ, hindi rin siya nakalusot sa mga bansag at maling paratang. Madumi ang pulitika dito sa Pilipinas. Panalo ka na ay talo ka pa. Ganyan ang labanan dito. Huwag sanang panghinaan ng loob ang mga nagmamahal kina FPJ at Loren dahil hindi pa tapos ang laban. Mahal pa rin ng tao sina FPJ at Loren. Ano man ang mangyari ay tiyak na manatiling tapat sa dalawang lider ng makbagong Pilipino ang kanilang taga-suporta. Dito lamang masusukat at maipapamalas ang tunay na pagmamahal nila kay FPJ at Loren. At sa pamamagitan ng pagmamahal na ito, maaring maibsan ang kalbaryong sinapit ni FPJ at Loren sa kamay ng mga mandaraya. Isa lang tiyak ko, ito ay ang taas nuo na makakatingin si FPJ at Loren sa mata ng tao dahil hindi sila nandaya. At dahil malinis ang kanilang naging hangarin, tiyak na taas nuo sina FPJ at Loren na haharapin ang bagong umaga.

“Habang tumatakbo, kami’y takang-taka. Akala po nami’y merong demokrasya. Kaya nga ang tanong ng tao kay Gloria: Madam Macapagal, martial law na ho ba?”

Orteza Mula sa pahina 4 P9.84B sa distribution ng government health cards; P200M mula sa Students for a Strong Republic; P68M mula sa PAGCOR; at P2.2B mula sa farm inputs. Tapos, iyon pala, pagkatapos ng proklamasyon, taong bayan ang kakarga sa lahat nang nakupit na iyon? Aba, eh hello! With or without a permit, magpapatuloy ang protesta ng bayan at asahang lalo pang mag-iigting. At dito na papasok ang pangalawang isyu. Inalisan na nga si Juan de la Cruz ng tunay na resulta ng kanyang boto, inaalisan pa siya ng karapatang makipagtipon sa kapwa, at hayagang maghain ng mga hinaing. Oo na nga’t walang permit ang rally sa Welcome o Mabuhay saRotonda, pero noong nag-rali kami two weeks ago sa Freedom Park, Quezon City nang merong permit, nadisperse pa rin kami, at marami sa aming mga kasama ang hinarang at hindi pinapasok sa area. Ano yon? Ironic talaga na ang salitang Welcome ay patibay ng kagandahang asal, pero kawalang paggalang ang ipinakita ng mga pulis na gumamit ng water canon laban sa amin, nag-tear gas at nagbawal sa mga kasamahan naming pumasok sa Sto. Domingo Church. Say ng pulisya sa media, napilitan lang daw silang magtear gas kasi naunang mambato ang grupo namin. Neknek nila. Nauna ang pagti-tear gas sa pambabato. Nakita ko ito, mula sa puwesto ko sa truck na ginamit namin pinakaentablado. Say rin ng pulisya sa media, mas maraming mga pulis ang nasaktan ng tear gas kaysa sa mismong rallyista. Neknek nila talaga. Ito ang say ko. Para sa inyong liham, puna at suhestyon mag-email lang poe sa bagongumaga04@yahoo.com.


Bagong Umaga

6

Balitang Bayan

HULYO 2, 2004

Panunumpa ni GMA binatikos DUDA ang KNP na matutupad ang layuning ito inilahad ni Gng. Arroyo na pagkaisahin ang bansa sa kanyang pagbali ng isang sagradong tradisyon ng panunumpa ng isang pangulo ng bansa Sa isang pahayag, sinabi ng KNP: “Sa kanyang panunumpa sa tungkulin sa Cebu, nawala ang pagkakataon ni Gng. Arroyo na ipakita na siya ang pangulo ng buong bansa at hindi lamang ng isang rehiyon kung saan nakuha nito ang kuwestionableng pinakamataas na bilang ng boto para iproklama siya ng Kongreso matapos ang madugong proseso sa canvassing. “God knows that she needs to unite the people behind her, considering that at least 60 percent of the voters did not vote for her. And these did not include the millions of the disenfranchised and those whose votes were not counted or which had been wrongly tallied.

“Sa kanyang inaugural speech, sinabi ni Mrs. Arroyo na, ‘Para matamo ang nagkakaisang bansa , kailangang harapin ang malalim na dibisyon ng bansa, hindi lamang ang katotohanan kungdi ang solusyon.’ “Pero paano mahihilom ang dibisyon kung ang una niyang galaw bilang isang umano’y pangulo ay tumalikod sa makasaysayang tradisyon ng panunumpa sa kapital ng bansa

na simbulo ng pambansang pagkakaisa at partikular sa Luneta, na sagradong lugar ng mga pambansang bayani? Sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, ang panunumpa nito sa Barasoain Church sa Malolos ay makasaysayang basehan dahil dito ang inagurasyon ng First Philippine Republic mahigit isang daang taon na ang nakalilipas.” “Paano magagamot ang dibisyon ng bansa kung ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pamamahayag at malayang pagtitipon ay brutal na sinisikil sa lansangan? “Paano mahaharap ng mamamayang Pilipino ang katotohanan makaraan itong supilin sa Kongreso noong isinasagawa ang canvassing? Ang tunay na damdamin ng sambayanan ay nasa ballot box. “Kailangang harapin ang katotohanan pero dapat magsimula ang katotohanan sa May 10 elections.

‘Wag galitin ang tao – FPJ MAHIGPIT na nagbabala si Fernando Poe Jr. sa administrasyong Macapagal Arroyo na huwag nitong sagarin ang pagtitimpi ng taongbayan kasunod ng marahas na pagbuwag sa mapayapang demonstrasyon sa Mabuhay Rotonda noong nakaraang Martes. Ayon sa standard-bearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, hindi kayang takutin ng administrasyon ang oposisyon at ang taongbayan sa ginawa nitong paninikil sa kanilang mga demokratikong karapatan. “Ang ganitong patakaran ay lalong magpapaigting lamang sa malawak na oposisyon kay Gloria Macapagal Arroyo na ang pagkakahalal ay itinakwil ng masa,” ani Poe. “Kung ang taongbayan ay hindi na makapagpahayag ng kanilang lehitimong opinyon sa publiko, maari na

silang matuksong humanap ng ibang kaparaanan na magpahayag ng kanilang sariling saloobin.” “Paano magamot ang dibisyon ng bansa kung ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pamamahayag at malayang pagtitipon ay brutal na sinisikil sa lansangan?” ani Poe. Binatikos din ni Poe ang panunumpa ni Gng. Arroyo sa Cebu bilang pagtalikod sa makasaysayang tradisyon na ang mga inagurasyon ng Pangulo ng bansa ay karaniwang ginaganap sa Luneta. “Sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, ang panunumpa nito sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan ay may makasaysayang batayan dahil sa simbahang nabanggit naganap din ang inagurasyon ng kauna-unahang republika ng Pilipinas mahigit isang daang taon na ang nakalipas,” paliwanag ni Poe.

Class suit vs PNP isasampa NAKATAKDANG magsampa ang mga tagasuporta ni Fernando Poe Jr. ng isang class suit laban sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na marahas na nagtaboy sa kanila habang nagsasagawa sila ng isang kontra-administrasyong rali noong Martes ng hapon sa Quezon City, ito ang sinabi outgoing Sanlakas Rep. JV Bautista. “Hindi kami papayag na basta na lamang kami gaganituhin,” ani Bautista sa isang news conference. Sinabi ni Bautista na magsasampa sila ng isang class

suit dahil sa paglabag sa karapatang pantao ng mga naturang pulis. Aniya, magsasampa rin sila ng reklamo sa Commission on Human Rights (CHR). Ayon kay Chief Superintendent Ricardo de Leon, hepe ng National Capital Region Police Office, walang kaukalang permit ang mga raliyista kung kaya isinagawa ng kanyang mga trauhan ang pagtataboy sa mga ito. Subalit sinabi ni Bautista na sa ilalim ng demokrasya, isang teknikal na pangangailangan lamang ang permit upang

makapagsagawa ng isang demonstrasyon. Idinagdag pa ni Bautista na hindi banta sa seguridad ng bansa ang ginawa nilang pagpruprotesta noong bisperas ng panunumpa ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Atty. Edwin Nakpil ng Kilos para sa Bagong Umaga, isang batang taga-Quezon City ang namatay dahil sa naganap na marahas na pagtataboy ng mga miyembro ng pambansang pulisya. Idinagdag pa ni Nakpil na patay na ng idating ang bata sa United Doctors Medical Hospital (UDMH). Danilo Ramos

BINATIKOS ng mga kasapi ng Migrante International ang huwad na panguluhan ni Gloria Macapagal Arroyo na anila’y lalong maglulugmok sa mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat.

GMA, no mercy sa OFW – Migrante IDINEKLARA ng isang alyansa ng mga grupo ng overseas Filipino workers na isang bogus president si Gng. Gloria Macapagal Arroyo na lalo lamang magpapalala sa labor export policy ng bansa. Ayon kay Maita Santiago, secretary general ng Migrante International, ang panunumpa ni Gng. Arroyo ay resulta ng halalang batbat ng malawakang dayaan at karahasan ng estado. “Kahit na siya ay makapanumpa, kailanman ay hindi niya makukuha ang mandato at tiwala ng sambayanang Pilipino, lalo na ang mga OFW at kanilang pamilya,” diin ni Santiago. Idinagdag ni Santiago na sa halip makalikha ng pangmatagalang trabaho sa sariling bansa, patuloy na pag-export ni Gng. Arroyo araw-araw ng halos 3,000 manggagawang Pinoy sa iba’t ibang bansa. “Ang kanyang ipinagmayabang na anim na milyong trabaho sa loob ng kanyang termino ay sa katunayan anim na milyong pamilyang magkawatak-watak dahil sa kanilang pangangailangang maka-survive,” ani Santiago. Batay sa record ng National Statistics Office, ang unemployment rate ay umakyat sa 13.7

porsyento nitong buwan ng Abril mula sa 12.2 porsyento ng parehong panahon noong nakaraang taon. Samantala, sa kabuuang labor force na 36.5 milyon ay limang milyon ang walang trabaho kumpara sa 4.2 milyon noong 2003. Isinauli naman ng pamilya ng isang OFW na nasiraan ng bait ang award na ipinagkaloob sa kanila ni Gng. Arroyo. Sinabi ng pamilya ni Joyce AlonAlon na walang kuwenta ang “award for science and technology” na ibinigay ni Gng. Arroyo kay Joyce noong nakaraang taon matapos itong mag-graduate na topnotcher sa kanyang batch sa Polytechnic University of the Philippines. Noong Mayo 28, bumalik sa Pilipinas si Joyce na may diperensiya na sa pag-iisip matapos ang 12 araw lamang sa Saudi Arabia kung saan siya ay dapat magtrabaho. Subalit ayaw magbigay ng tulong ang Overseas Workers Welfare Administration para man lang maibsan ang bigat ng pamilya ng biktima sa P1,000 kada araw na gastusin sa mga gamot dahil hindi raw sagot ng OWWA ang mga kasong katulad ni Joyce na kasalukuyang nakaconfine sa Psychiatric Ward ng Philippine General Hospital.

Aba naman GLORIA! napupuno ka ng Grasya. Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. Pnagpala rin ang iyong angkan. Wala ng natira sa AMEN.


HULYO 2, 2004

MASAYANG nakikipag-usap si Mayor JV Ejercito sa kanyang ninong na si FPJ matapos manumpa bilang bagong halal na alkalde ng maunlad na bayan ng san Juan. Kuha ni ARMANDO OLIVA

JV Ejercito nanumpa DINALUHAN ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino presidential candidate Fernando Poe Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng kanyang inaanak na si re-elected San Juan Mayor JV Ejercito sa gitna ng mainit na pagsalubong ng kanyang mga supporters. “Isang katuparan na manalo ng landslide at malaman na kontento ang mamamayan sa kanyang pamumuno at pangasiwaan,” wika ni Ejercito. “Isang malaking katuparan.” Ayon kay Ejercito, pareho siyang masaya at

Tilamsik

malungkot na muling mahalal. “Nakalulungkot sabihin na alam natin ang katotohanan na si FPJ ang nanalo sa eleksyon pero natalo sa bilangan,” pahayag ni Ejercito. “Makakaapekto ito sa buong bansa.” Sinabi ni Ejercito na ikokonsidera lamang niya ang rekonsilasyon na iniaalok ni Pangulong Arroyo kung may sinseridad. “Gayunman, personal akong saksi sa nakalipas na tatlong taon kung paano ang ginawa nila sa pamilya ko, laluna kay Pangulong

Estrada na hindi magandang senyales,” diin ni Ejercito. “Isang senyales na hindi sila tapat sa rekonsilasyon.” Ayon kay Ejercito, laging sinasabi ng gobyerno ang rekonsilasyon at pagkakaisa, pero patuloy nilang hinaharas ang pamilya ko at si Pangulong Estrada. “Not only my family but the many people as well, are being harassed one way or the other by this administration, batikos ni Ejercito. “Isa itong mapanupil na rehimen.” Sa inagurasyon ni

Ejercito, sinabi ni FPJ na natutuwa siya sa kanyang inaanak dahil nanalo ito. Sinabi ni Ejercito na bukod sa ninong niya si FPJ at standard bearer ng partido, karapatan niyang anyayahan tiop sa kanyang inagurasyon. Kasama sa mga dumalo sa inagurasyon ni Ejercito ay sina KNP vicepresidential candidate Loren Legarda, Senador Juan Ponce Enrile at Makati Mayor Jejomar Binay. “Sila ang mga taong kasama naming lumaban sa nakaraang eleksyon,” dagdag ni Ejercito.

Mula sa pahina 8

Pipilitin daw niya sa pamamagitan ng maraming gimik. Iba-ibang characters ang ipakikita niya, kabilang na ditto ang mga markadong roles niya sa TV na Bitoy, Bebang, at Junie Lee. Sa pelikula naman, Rubberman, Lastikman at Fantastic Man. Pangako niya na magiging masaya ang show na pinamagatang Michael V: Show Ko ‘To. Guests niya sina Janno Gibbs, Allan K, Aubrey Miles at The Sexbols. xxx Marami ang nag-uudyok kay Iza Calzado na sumali sa Binibining Pilipinas or sa Mutya ng Pilipinas, pero nag-aalangan siya. “Kasi ang gaganda at ang tataas ng mga nananalo,” sabi niya. Eh bakit, di ba ang ganda-ganda at ang taas-taas naman niya? “Hindi, ha. Basta wala akong confidence (pagdating sa beauty pageant). Acting at modeling ang gusto ko,” paliwanag ni Iza. Pangatlong pelikula ni Iza - at pinakamalaking role

PINIRMAHAN nina Judy Ann Santos at Raymart Santiago ang kanilang kontrata sa Aishite Imazu kasama si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment

niya so far - ang pelikulang Sabel. Ginampanan niya ditto ang role na best friend ni Judy Ann Santos at nagging kaagaw nito kay Wendell Ramos sa huli. Una rito ay nabigyan siya ng small roles sa Annie B at Milan. xxx Bini-build up ngayon ang love team nina Mark Herras at Yasmien Kurdi. Pero ang totoo,may boyfriend si Yasmien, si Brian Sombero, band vocalist at stage actor. Two years na silang mag-sweetheart.

7

Bagong Umaga

Aba naman GLORIA! napupuno ka ng grasya. Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. Pinagpala rin ang iyong angkan. Wala ng natira sa AMEN.

Mga kuha ni JIMMY DOMINGO

M a r a m i n g nakakita kina Brian at Yasmien sa Linkim’ Park concert sa CCP grounds a few weeks ago. xxx Star material si Angel Locsin. Maganda, sexy, magaling umarte. At marami raw kaaway. Yasmien Kurdi at Mark Herras Isa na si Chynna Ortaleza sa kasama niya sa GMA. Makikipagbati lang daw si Chynna kung si Angel ang unang lalapit sa kanya. Otherwise, huwag na lang. O, di ba ang taray. May kontrata si Angel sa Regal Entertainment, at kung ako si Mother Lily Monteverde, ipapareha ko si Angel kina Richard Gutierrez, Oyo Boy Sotto, at Warren Austria. Pwede isang trilogy gaya ng ginawa ni Mother Lily kay Assunta de Rossi sa Red Diaries.


Kamalasan dala ni Gloria Entertainment PARA sa mga taong di kuntento sa takbo ng pulitika sa bansa, lalo na doon sa mga anti-GMA, hinala nila, nadadamay pati ang showbiz sa kamalasan ng nakaambang administrasyon sa susunod na anim na taon. Ang lola ko naman ang naalala ko, masyado kasing mapamahiin. Lahat ng mga pangyayari sa paligid, nabibigyan niya ng kahulugan. Higit sa lahat, naniniwala siya sa katagang “malas.” Kumbaga, para sa mga elitista, “bad karma.” Bawal daw magputol ng kuko kapag araw ng Lunes. Bawal daw maligo kapag Biyernes Santo. Bawal magwalis sa gabi, lumalayo ang swerte. Huwag aniyang gagawa ng anumang bagay sa madaling araw, “tulog pa ang Diyos, di panagsasabog ng grasya.” Pero natanim sa isip ko, yung salitang “malas.” Kaya nga noong iproklama si GMA noong madaling araw bilang halal daw na pangulo, naalala ko ang Lola. Tiyak kakong bibigyan niya ng kahulugan ang kasama ang asawang insidenteng iyon, dikasi, si Lucy, para sa isang hindi normal na panyayari shooting competition. iyon. Kung nabubuhay Ni Kuya Mar Nang maulinigan siya, sasabihin niya, kong kausap ni “Malas ‘yan.” Annabelle si Goma ay Natatakot tuloy ako na magdala ng baka sa susunod na hiningi ko ang cellphone dahil sa may anim na taon e puro kamalasan ang importante akong mensahe para sa maranasan ng bansa. At nauna nang kanya. Nang malaman ni Sen. Jinggoy kamalasan ang nangyari sa na kausap ko si Goma, hiniling niyang nakaraang Manila Film Festival na makapag-usap din sila. Matapos ang kanilang di gaanong kumita sa takilya. kamustahan, nadinig kong sinabi ni Lola, ‘wag naman! Sen. Jinggoy, “Ikaw ang coach, Sen. Jinggoy at Goma sa Star player lang ako, kasama sina Joey (marquez), Anjo at Jomari (Yllana), Olympics Noong isang gabi nang magkita- at lahat ng talents ni Tito Dougs, di kita kami sa Bakahan at Manukan ba masaya?” At sinundan ito ng Retaurant sa San Juan ay naka-table malakas na halakhak. Paglalaro ng basketball sa Star ko si Sen. Jinggoy, ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, si Olympics ang napag-usapan nila. Rep. Ompong Plaza, pati na rin si FPJ. Waring masaya sila at tila payag si Nagkataong tinawagan ni Goma sa mungkahi ni Jinggoy. Annabelle si Richard Gomez para Palatandaan lang ito na napaghilom imbitahin sa nakatakdang birthday na ang sugat ng nakaraan matapos party ni Ruffa at ang anak nito na ang halos tatlong buwan nilang naganap na noong nakaraang pagsasama sa kampanya sa Sabado. Nasa Baguio si Goma, pangunguna ni FPJ.

Teka muna

SEN. Jinggoy Estrada

RICHARD Gomez

8 HULYO 2, 2004

Taon1 Blg.20

Marriage plans nina Raymart at Claudine R

AYMART Santiago and Claudine are planning to get married middle or late next year. Tapos na ang bahay na ipinagawa ni Raymart sa Quezon City at si Claudine ang nag-ayos nito. Botong-boto ang BENJO LAYGO/www.bayanangbida.com pamilya ni Raymart kay Claudine, lalong-lalo na si Mama Celing (Cielito Legaspi, dating star ng Premiere KC wala pang BF Tahasang pinabulaan ng mega- Productions). daughter na si Katrina Cassandra Ganoon din Cuneta Concepcion Pangilinan ang naman ang famNi Ronald K. Constantino balitang may karay-karay na siyang ily ni Claudine, Guest Columnist boyfriend nang siya’y dumating dito ang kanyang Papa Mike, mula Paris para magbakasyon. Inamin niya na may kasama siyang Mama Inday, Frenchman, pero kaibigan lang daw pati elder sisters niyang sina Gretchen at Marjorie. Matalik na kaibigan ng yumaong producer-direcat di dapat ito bigyan ng malisya. Nagulat kayo dahil nakasabit sa tor Pablo Santiago, ang ama ng magkakapatid na sina Rowell, Randy, JunJun at Raymart kanyang pangalan ang “Pangilinan?” Santiago, si Fernando Poe Jr., ang Ang alam ko ay may legal papers nanalo pero dinayang opposition tungkol sa pagkaka-amppon ni Sen. standard-bearer. Ito ang dahilan Kiko Pangilinan sa kanyang stepng all-out support ng Santiago daughter. Hindi ko lang tiyak kung brothers kay FPJ noong pinagtibay na ito ayon sa bagong nakaraang kampanya. Family Code. Ang higing ko nga, Nananatili silang loyal supPangilinan ang ginagamit ni KC porters ni FPJ hanggang sa school. ngayon. Naging kontroGagawa si Raymart ng bersyal ang legalidad pelikula, sila ni Judy Ann ng nasabing papeles Santos, para sa Regal Entertaindahil di raw ment. Isang love story ito na set nagustuhan ni noong panahon ng Hapon, Aishite G a b b y Imasu ang title at malamang na Concepcion, maging entry ng Regal sa Metro lehitimong ama Manila filmfest sa December. ni KC. Sa Si Claudine naman bongga sa kabilang dako, pelikula at television. No. 1 soap ang wala naman daw fantaseryeng Marina sa ABS-CBN magagawa si at blockbuster ang pelikula nila ni Gabby komo ito’y CLAUDINE Barreto Piolo Pascual, ang Milan, na itinatadhana ng ipinalabas earlier this year. Posibleng batas. Magugunita na si gawing pelikula ang Marina early Gabby ay nagpakasal next year. nang muli sa ikalimang xxx pagkakataon noong Sabi ni Michael V, hindi siya nakaraang buwan. singer. Pero bakit ang lakas ng Ginanap ang kasalan loob niya na sa Araneta Coliseum sa San Francisco, mag-show sa July 17? Kaya ba Callifornia, USA. niyang punuin ang Big Dome na Narito si KC dahil may seating capacity na 15,000 or bakasyon siya sa kanyang more? pag-aaral sa Paris. Babalik Sundan sa pahina 7 siya doon sa Agosto.

TILAMSIK


Bagong Umaga