SI FPJ at ang kanyang mga taga-suporta sa kanilang pakikibaka para sa katotohanan. Kuha ni JOE GALVEZ
Walang awang binuwag ang mapayapang rally ng mga FPJ supporters kasama ang mga militanteng grupo sa Mabuhay Rotunda.
Bagong Umaga
2
Balitang Bayan
HUNYO 30, 2004
HAGUPIT NI SATANAS Ni Junex Doronio
MISTULANG hagupit ni Satanas ang brutal na pagbuwag ng pulisya sa mapayapang pagtitipon ng libu-libong katao sa Mabuhay Rotonda sa hangganan ng Maynila at Quezon City. Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Atty. Harriet Demetriou sa ginawang dispersal ng pulisya dahil sa hindi man lang binigyan ng pagkakataon si KNP standard bearer Fernando Poe Jr na makapagbigay ng maikling talumpati para sa kanyang mga supporters. Nanggagaliiting binansagan ni Demetriou ang marahas na pagbuwag sa rali na isang “malademonyong” paraan. Binatikos din ng dating chairperson ng Commission on Elections (Comelec) at matapang na huwes ang tahasang pagsupil ni Quezon City mayor Sonny Belmonte sa kanilang konstitusyonal na karapatan dahil sa tumanggi itong magbigay ng permit kahit na ilang beses na humingi ng permiso ang mga rally organizers. Pinagbabato ng tear gas at sabay na binugahan ng tubig at pinaghahataw ng truncheon ng mga riot pulis at armadong sundalo na hinakot pa mula sa mga kalapit na probinsiya ang libu-libong mga rallyista nang malamang padating na si FPJ para lumahok sa kanilang martsa patungong Mendiola. Ayon sa mga rallyista, ang marahas na pagbuwag sa kanilang mapayapang pagtitipon ay malinaw na ganti ni Gloria Macapagal Arroyo dahil sa nilampaso siya ni FPJ sa Metro
Manila noong nakaraang eleksyon. “Hindi n’yo kami kayang takutin! Tuloy-tuloy na ito hanggang sa bumagsak ang pekeng presidente na si Gloria Macapagal Arroyo!” ang sigaw ng mga rallyista sa kanilang pagbalik sa Rotonda matapos na binuwag ang sapilitang pag-disperse sa kanila sa pamamagitan ng water cannon at teargas bandang alas 4:00 ng hapon kahapon. Marami ang nasaktan sa ginawang dispersal ng pulisya, kabilang na ang 50-anyos na si Cora Camara, isang miyembro ng Freedom, Peace and Justice Movement (FPJM) na nabalian
ng mga paa at kasalukuyang naka-confine sa United Doctors Medical Center. Mariing kinondena ni Fernando Poe Jr., standardbearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, ang bayolenteng dispersal ng pulisya sa mapayapang pagtitipon ng kanyang mga supporters at mga kaalyadong grupo. “Bilang resulta ng sapilitang pagbuwag ng aking mga tagasunod, marami ang nasugatan sanhi ng tear gas at truncheon. Nagdurugo ang aking puso sa kanila, pero kasabay nito ay mahalaga ang kaligtasan at kapakanan ng ating mamamayan kung ano ang
kasalukuyang pamunuan ay patuloy na uupo sa ilehitimong kapangyarihan ng sapilitan,” ani FPJ. Ayon kay Makati Mayor Jejomar Binay, campaign manager ni FPJ, na hindi man lang nakipag-usap sa kanila si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Directo Ricardo de Leon samantalang namataan ito na dumating sa Rotonda at panay ang “Yes Sir” sa kung sino kausap sa kanyang cellphone. “Nagpapalapad ba ng papel si De Leon at gusto niyang ipakitang siya ang pinakamasunuring tuta nitong iligal na rehimen?” tanong ng
“OVERKILL”. Buong tapang na sinagupa ng mga FPJ supporters na nagmartsa simula sa Mabuhay Rotunda, Quezon City ang pulutong ng mga pulis na armado ng truncheon at panangga habang binobomba sila ng water canons at sinundan pa ng pagpapasabog ng tear gas kaya maraming nasugatan. Kuha ni JOSEPH MUEGO
DITO PO SA BAYAN KO Ang bangkaroteng republika Nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin. Sabi nga nila si GMA na lang daw ang hindi tumataas sa gitna ng lahat na lang ng bagay sa bansa ang tila walang humpay ang pagtaas ng presyo. Yan ata ang naging campaign promise ni GMA sa business community ang pangalagaan ang kanilang tubo.
Kawalan ng trabaho. Magiging simple lang daw ang gaganaping inagurasyon ng kanyang panguluhan… dapat lang ‘no! Paano hindi magiging simple, e tila yata inubos na nila ang kaban ng bayan na nagamit sa kampanya noong nakaraang eleksyon. Hindi lang mga foreign dignitary ang dadalo sa kanyang inagurasyon, sasalubong din sa kanya ang limang milyong mamamayang walang trabaho sa kasalukuyan. Kasama na rito ang kanyang mister na wala ring trabaho sa ngayon.
mga rallyista. Napaulat na pinupuntirya ni De Leon ang pinakamataas na posisyon ng PNP kapag nagretiro na si Director General Hermogenes Ebdane Jr. bilang hepe ng pambansang pulisya. Ibinulgar naman ni retired Gen. Pedro Navarro, isa sa mga lider ng Alliance of Generals for Poe (AGPOE), na nakatanggap sila ng “reliable info” na nasa Malacañang “war room” sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Gen. Jose Almonte, dating National Security Adviser Roilo Golez at National Security Adviser Norberto Gonzales at dinidiktahan umano ang PNP at AFP na buwagin ang rally sa Rotonda sa kahit anong paraan at kasuhan ang mga rallyista ng terorismo. Kapuna-puna na ang karamihan sa mga anti-riot police ay walang nameplate, samantalang may mga SWAT team na armado ng armalite rifles at teargas canisters. Hinakot din ang mga malaking pulutong ng pulis mula sa karatig lalawigan katulad ng Bulacan, Pampanga at Zambales, samantalang dumating din ang ilang six-by-six trucks na lulan ang mga sundalo ng Philippine Army. Umalingawngaw ang sigaw na “FPJ tunay na pangulo” at “Gloria pekeng presidente” habang papalabas si FPJ sa isang fastfood sa Rotonda. Bakas sa kanyang mukha ang determinasyon na ipaglalaban ang kagustuhan ng taongbayan. “Babalik kami, mas marami! Umpisa lang ito sa pagbagsak ni Gloria!” ang sigaw ng libu-libong rallyista.
Balitang Bayan
HUNYO 30, 2004
Civil disobedience ilulunsad HINILING sa mga miyembro ng bagong tatag na May 10 Movement na maglunsad ng kampanya ng civil disobedience at magsagawa ng malawakang boykot ng mga produkto ng mga negosyong na ang nagmamay-ari ay mga tagasuporta ni Pangulong Arroyo. Sinabi ni dating Solicitor General Frank Chavez, convenor ng kilusan, na ang mga taktika ay makakapagpatalsik kay Mrs. Arroyo sa dahilang hindi siya ang lehitimong halal ng taongbayan kung kaya’t isang ilehitimong pangulo. Sa kanyang pagsasalita sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Chavez na dapat tumigil ang mga Pilipino sa pagbili o pagtaguyod sa mga produkto ng mga kompanya o negosyo na pag-aari ng mga taong identified bilang supporters ng Pangulo. Ayon kay Chavez, dapat tumigil ang taongbayan sa pagbayad ng kanilang singil sa tubig at kuryente na pag-aari ng pamilya Lopez na sumuporta kay Mrs. Arroyo noong nakaraang eleksyon. Maaari ding ipakita ang kanilang pagsuway sa gobyerno sa hindi pagbahayad ng kanilang buwis at iba pang singilin. Isang kandidato sa pagka-senador noong eleksyon sa ticket ni presidential candidate Raul Roco, nagsampa si Chavez ng mga kasong pandarambong laban kay Mrs. Arroyo at ilan sa mga opisyal nito dahil sa maling paggamit ng public funds para palakasin ang kanyang kandidatura. Gayunman, nagreklamo si Chavez na ang mga kaso ay natutulog sa Office of the Ombudsman. Nagbigay-daan ang press conference sa anunsiyo ni Atty. Ed Araullo ng Ang Bagong Umaga movement sa pormal na pagsisimula ng serye ng protesta ng multi-sectoral groups laban kay Mrs. Arroyo at sa kanyang administrasyon. Sinabi ni Araullo na dalawang lugar ang itinakda sa mga rali at ito ay ang Welcome Rotonda at sa harap ng Sto. Domingo Church na kapwa nasa Quezon City.
P430-B ibabayad lang ni GMA sa utang MAHIGIT P430 bilyon o $ 7.76 bilyon ang nakalaang pambayad sa utang panlabas. Ito ang ibinulgar ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kasabay sa pahayag na ang mabilis na solusyon sa krisis pampinansiyal ng gobyerno ay ang pagpapataw sa publiko ng karagdagang mataas na buwis. Subalit ipinagangamba ni Marcos na baka mauwi lamang sa korupsiyon ang makakalap na pondo mula sa pagbubuwis sa mamamayan. Dahil sa kakapusan ng pinagkukunan ng pondo at mataas na paggastos ng gobyerno, ipapareho na lamang sa national budget ngayong taon ang para sa susunod na taon, ani Marcos. Sinabi ni Marcos na sa harap ng krisis ng bayan, wala nang gagawin ang House Appropriations Committee kundi kopyahin na lamang ang 2003 budget. Binigyang diin ni Marcos na umabot na sa P77 bilyon ang naging gastos ng gobyerno sa unang limang buwan ng taon dahil hindi nito nagawang ibaba ang budget deficit at naging magastos din umano ang kampanya sa eleksiyon. Danilo Ramos
3
Bagong Umaga
People Power, ikinasa na! Ni Monique del Monte
IKINASA na ang paglulunsad ng isang “people power” ng iba’t ibang progresibo at citizen’s group upang mahigpit na tutulan ang panunumpa ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo ngayon, Miyerkules,(Hunyo 30). Ginawa ang panawagan sa paglabas sa kalye bilang bahagi ng malawakang protesta upang isulong ang hustisya, katotohanan at demokrasya sa People’s Summit na inilunsad sa University of the Philippines (UP), Bahay ng Alumni, Quezon City. Ibat ibang progresibo at citizen’s group ang nagsanib at lumahok sa naturang malaking pulong na tumagal ng apat na oras. Kabilang sa mga samahang dumalo ang Uno Poe, Sanlakas, People’sUnited Front, Freedom from Debt Coalition, Coalition for Hope,Partido ng Mamamayan, Assalam, Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid, Progressibong Alyansa ng mga Mangingisda sa Pilipinas, Alternatiba, Kalayaan, Young Officer’s Union, FPJPM, Batang Panday, Partido ng Mangangawa, Christian Nationalist Union (CNU) at marami pang iba. Nagpaliwanag sa pulong sa kalunos- lunos na sitwasyong pulitikal at ekonomya sina Louis Sison, Bangon Pilipinas; Sonny de los Reyes, Coalition for Hope; Frank Chavez; Millet Morante, Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya; Rep. J.V. Bautista, Sanlakas; Ana Maria Nemenzo, Freedom from Debt Coalition; Rep. Rene Magtubo, Partido ng Manggagawa; at Ka Pablo Rosales, Kilusang Mangingisda. Dumalo din sina Niño Muhlach, Rez Cortez, Armida Siguion Reyna, direktor Boots
Privatization. Dahil said na nga ang pondo ng gobyerno nakaisip kaagad ang mga “bright boys” sa palasyo ng solusyon. Bakit nga naman hindi na lang ibenta ang mga ariarian ng gobyerno para makabawi sila sa mga ginastos sa eleksyon. Kung kulang pa rin, simple lang ang solusyon nila ang tatadtarin ng kung anuanong buwis ang mamamayan, o di ba?
PEOPLE’S SUMMIT. Ibat-ibat samahang progresibo, pulitikal at relihiyon ang lumahok sa people’s summit sa UP, Bahay ng Alumni, Quezon City kung saan nag-aalimpuyong napagkasunduan ang paglulunsad ng malawakang protesta upang ilantad ang katotohanan sa nakalipas na halalan. Kuha ni JIMMY DOMINGO
Plata, at director Carlitos Siguion Reyna. Sa kanilang Declaration of Unity, nanawagan ang koalisyon sa taongbayan na huwag matakot na kumilos upang ipursige ang isang lehitimong mithiin at manindigan upang matamo ang tunay na pamamamahala sa lipunan na ligtas sa korupsyon, pandaraya. Naninindigan ang koalisyon na si GMA ay hindi ang pinili ng taongbayan at siyang iniluklok at ang pagproklama sa kanya ng joint session ng Kongreso ay huwad kaya siya ay isang bogus President. Inihayag din ng koalisyon na ilihetimonng pangulo si GMA dahil sa sistemako at malawakang pandaraya na ginawa ng kanyang mga alipures na nakipagkutsyabahan sa militar,kapulisan , Commission on Elections at Namfrel. Nauna dito, ibinunyag ni Wilson Fortaleza ng Sanlakas na hindi nila tatantanan ng rali si
Deficit. Mas malaki ang nakaw, este, gastos ng rehimeng GMA kaysa kinita ng kanyang gobyerno. Kaya ang suma-tutal malaking budget deficit ang nangyari. Again, simple lang ang solusyon ng mga “bright boys” sa problemang ito ang magbawas ng empleyado sa lahat ng sangay ng gobyerno upang makatipid sa budget. Para nga naman hindi mabawasan ang kanilang mananakaw sa budget hahayaan na lang nilang mamatay sa gutom ang mga kawani sa gobyerno.
Gng. Arroyo at sasalubungin nila ang kanyang inagurasyon ng matinding protesta . Mabigat ang implikasyon ng pagka-ilehitimo ni Gng. Arroyo samantalang ang taongbayan ay nagugutom, dagdag pa ni Fortaleza. Binigyan diin naman ni Atty. Chavez na kailangan na lumabas sa kalye ang mga naniniwala na huwad na pangulo si GMA sangayon sa isinasaad ng probisyon ng Konstitusyon. “Sovereignity resides in the people,” ayon kay Chavez sa pagtutukoy sa isinasaad sa Saligang Batas. Ipinaliwanag pa ni Chavez na upang matamo ang “good governance” ay kailangan na patalsikin na ang isang ilehitimong pamahalaan. Wala umanong pag-asa na ireklamo ang dayaan sa Korte Suprema o sa Comelec dahil maibabasura lang ito at maililibing sa limot, dagdag pa ng dating Solicitor General.
Bagong Umaga
Opinyon
HUNYO 30, 2004
4
EDITORYAL
Ang BAGONG UMAGA ay inilalathala ng People and Advocacy, Inc. na may tanggapan sa 6F Lansbergh Place, Tomas Morato Ave., Quezon City. Telefax 372-8560 SUSAN TAGLE Chairman of the Editorial Board JOEL PAREDES Editor-in-Chief • JUNEX DORONIO Managing Editor JOE GALVEZ Metro Editor • ISKHO F. LOPEZ Entertainment Editor BENJO LAYGO Art Director • NANIE GONZALES Associate Art Director JOSEPH MUEGO Photo Editor ROJA SALVADOR Research Head • ROSE BINGAYEN Editorial Assistant NATY GUERRERO Marketing Manager • RAINNIER TAVU Circulation Manager
Ang Buhay Nga Naman Joel Paredes
Nakaw na sandali K
UNG sa tingin ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na mabubunot na ang mga tinik sa kaniyang rehimen matapos ang kaniyang inagurasyon ngayong araw, siya ay nagkakamali. Hindi basta-basta maiaalis ang bahid sa kaniyang integridad hanggat hindi nakukumbinsi ang taongbayan na siya ang nagwagi noong nakaraang halalan. Hangga’t hindi nailalabas ang katotohanan sa nakararaang halalan, nariyan pa rin ang batik ng isang magnanakaw. Sayang, at nauna ang takot ng Pangulong Arroyo sa mga nilalaman ng mga election returns. Kung wala silang itinatago, sana ay pinagbigyan na nila ang oposisyon. Ang tingin tuloy ng taongbayan sila ay ninakawan ng boto. Marahil pinili niya ang kaniyang inagurasyon sa Cebu dahil na rin sa malaki ang kaniyang lamang dito. At kundi dahil daw sa Cebuano, marahil ang manunumpa ngayong araw ay ang popular na kandidato ng oposisyon na si Fernando Poe Jr. Panay ang depensa ng mga mambabatas sa Cebu na sa kanilang bayan ay walang nagyaring dayaan. Ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pang naproproklamang gubernador sa Cebu? Ang balita nga namin ay halos magpatayan na ang mga magkakalabang pulitiko dito dahil sa malawak na dayaan ‘di lamang sa halalang pagkapangulo, kundi sa iba’ibang mga pwestong lokal. At lalo sigurong matakot ang Señora dahil minsan ang butihing Cardinal Ricaro Vidal ay nagsalita na “ayon sa moral na prinsipyo ng pamahalaan na sumasakop at pinanatili ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pandaraya ay walang moral na batayan sa kanyang pamamahala.” Ang pandaraya, ayon sa butihing Cardinal, ay “kahalintulad sa sapilitang pananakop sa kapangyarihan at kailanman ay ‘di makakahikayat ng katapatan ng mga mamamayan.” Dagdag pa niya, “Kung ang pamahalaang ito ay hindi kusang loob na magtuwid sa kasamaan na naidulot sa mga mamamayan, pangunahing tungkulin nating lahat bilang mamamayan na ituwid ang pagkakamaling ito.” Maaring balewalain ng pekeng Pangulong Arroyo ang babala ni Cardinal Vidal. ‘Di rin siguro niya aaminin na siya ay bahagi ng malawakang pandaraya. Nabanggit na nga niya na dahil anim na taon pa siyang magiging pangulo, siguro naman lahat ng problemang ating hinaharap ay kaya na niyang lutasin bago matapos ang kaniyang termino. Tumagal na mahigit 20 taon ang dating Pangulong Marcos. Sa tingin niya ay isang diktadurya ang sagot sa mga problemang kinahaharap ng bayan noong 1972. Ngunit sa bandang huli, napilitan siyang lumisan, kasama na ang kaniyang buong pamilya. Sundan sa pahina 5
Pambansang pagluluksa N
GAYON pa ma’y nakakintal na sa isipan ng ating mga mamamayan ang magiging “inagurasyon” ni Gng. Arroyo. Sumusumpa siya bilang lider ng isang demokrasyang bansa, ngunit sa paligid niya ay nakabantay ang libu-libong armadong sundalo at pulis. Hindi ito isang inagurasyon — ito’y deklarasyon ng pag-agaw ng pinakamataas na tungkulin sa pamahalaan ng Pilipinas at pagbubukas ng isa na namang rehimen ng kaguluhan, pang-aabuso, at kahirapan para sa mga mamamayan. Kaya’t sa kabilang dako, sa buong kapuluan ang okasyong ito ay panimula ng isang pambansang pagluluksa. Ipinagluluksa natin ang pagkamatay ng demokrasya at pagkitil, sa pamamagitan ng pandaraya sa eleksiyon, sa karapatan ng mga mamamayan na pumili ng kanilang mga pinuno. Ang pagkarami-raming mga sundalo at pulis na nagbabantay para sa seguridad ng inagurasyon ay patunay lamang ng matinding takot ni Gng. Arroyo sa magiging damdamin ng mga mamamayang nilinlang niya at niyurakan ang karapatan at dangal. Tulad ng isang tinutugis na hayop, si Gng. Arroyo ay nagtatago sa salansan ng mga armalite, grenade launcher, tear gas, machine gun, at mga tangke-militar. At tinatakpan niya ang kanyang takot ng pagpapakita ng armas at kamay na bakal laban sa di-armadong mga mamamayan. Ngunit pagluluksa nga lang ba ang nararamdaman ng mga mamamayan ngayon? Bakit natatakot na
Ang Say Ko Bibeth Orteza
‘Sino Ang tunay na talunan?’ A
NG say ng marami-rami na rin namang nagbabasa ng kolum ko rito, nagtataka raw sila kung bakit ilang isyu na nila akong di nakikita sa dati kong espasyo. Pumasok na raw sa isip nilang baka tutoo nga ang mga kumakalat na bali-balita na meron na raw nangagsi-suko sa dating grupong Fernando Poe Jr. Ang say ko, nawala lang akong saglit dahil galit ako. At bumalik akong muli dahil lalo na akong galit, sa maraming bagay, kabilang na ang chismis, lalo na iyong mga ikinakalat nang mga nagsasabing nanalo raw sila sa eleksyon. Ang cheap kasi, di ba? Nanalo na nga sila’t lahat, ayon sa sarili nilang mali at nakapandidiring pandaraya, tapos, on top of everything, kung anu-ano pang alimuom ang mga ikinakalat nila? Aba, naman. Tingnan n’yo lang, kung ano ang mga ibinabando nila: Si Susan Roces, Mrs. FPJ, na isa na sa kokonting talagang disenteng babae sa showbiz, nakikipag-deal na raw sa Malacañang, humihingi na raw ng reimbursement ng campaign expenses, kapalit ng pananahimik nilang mag-asawa sa isyu ng electoral fraud. ‘Susme.’ Alam kong dahil inilabas ko ito rito, maaaring sabihin ng iba na I am dignifying the rumor. Pero hindi iyon ang intensyon ko. I am merely underscoring just BAGONG UMAGA joins the people of Tacloban City in celebrating the feast of Sto Niño on June 30.
parang nasusukol na daga si Gng. Arroyo? Hindi natin ito lubusang alam. Mas alam ng hintakot na hayop ang hinaharap nitong panganib. Sa tahimik na kapaligiran naaamoy niya ang lagim ng mga darating na sandali. Mula sa kanyang lungga, nararamdaman niya ang matinding poot na nanggagaling kung saan-saan. Bukod sa pakiramdam ng isang daga, alam niya sa kanyang matalinong kaisipan na ang pagluluksa ng bansa ay isang panimulang damdamin lamang. Napapalitan ito ng alab ng paghihimagsik ng mga mamamayang kanyang sinampal at dinuraan sa mukha noong ika-10 ng Mayo. how low the supposed winner of the May ‘10 election is willing to go, para lang siya magmukhang pinakahigh and mighty sa lahat ng high and mighty. Hindi si Mrs. Poe ang tipo ng babaeng magbebenta ng prinsipyo. Minsan, noong kampanya at kailangan niyang manuyo ng mga botante, naramdaman niyang natsa-tsansingan siya sa isang motorcade, ano bang suyo-suyo? Sinapak niya ang tsansingero. Patunay iyon, para sa akin, kung gaano katapang si Mrs. Poe. Ipaglalaban niya muna ang kanyang dignidad bilang babae at bilang tao. Kung napaiba siguro siya, magsasawalang-kibo na lang siguro sa ginagawang pambabastos sa kanya. Pero siya nga si Susan Roces, anak ni Dr. Jesus Sonora at Purificacion Levy. Pinalaki ng tama ng kanyang mga magulang, marunong gumalang sa gumagalang din sa kanya, at higit sa lahat, marunong lumaban kung kinakailangan. Isa pang chismis: Lumipat na raw sa kampo nila si Richard Gomez, dahil inalok ng puwesto ng dating kalaban ni Ping Lacson, pero tila yata best friend na ngayon. Nakausap ko mismo si Goma, at mahigpit niyang pinabulaanan ang nasabing kuwentong kutsero. Magaling anya silang mag-spin doctor, at mag-imbento ng kung anu-ano. Chismis pa uli: Si President Erap daw, nakipagunder the table negotiation na rin sa Palasyo. Ang conduit daw, si Senadora Loi, na pumayag daw maging go-between, kapalit naman ng pangakong hindi ilalaglag ng administrasyon ang anak na si Jinggoy mula sa Magic 12, noong bilangan. Siyempre pa, kapag tinanong ang PTB, o Powers That Be, magde-deny silang sa kanila nanggaling ang mga bali-balita. Di naman dapat sila asahang umamin, dahil sa dami ng kasalanan nila sa bayan, wala pa tayong nababalitaang inamin nila kahit isa. Tulad na rin ng napabalitang taxes sa text messages. Pumutok iyan sa diyaryo. Inamin ba ng pamunuan na isa ang panibagong buwis na ito sa mga gimik nila para mapunuan ang budget deficit? Dehins. Ayan ang NAPOCOR, nagpaparamdam na na Sundan sa pahina 5
Opinyon
Kidlat Junex Doronio
Ang tagapagtanggol ng taongbayan B
ILANG manlalakbay, hangad ko lagi ang katotohanan. Sariwa pa sa aking ala-ala ang nangyari noong 1986 nang biglang bumaligtad sina Gringo Honasan at kumalaban sa diktadurang Marcos. Buong yabang pang sinabi ng ilang loyalista ni Makoy, ‘di raw magtatagal ang mga RAMboys na nakubkob sa kampo Crame at Aguinaldo, at uubusin sila ng mga bata ni General Ver. Pero kinain nila ang kanilang kahambugan dahil bumuhos sa kahabaan ng EDSA ang milyun-milyong Pinoy at doon nag-umpisang gumuho ang emperyo ni Ferdinand Marcos. *** Nagsimula bilang misteryosong “We Belong” sa loob ng Philippine Military Academy, ang RAM ay noong una pinaniwalaang puro reporma lang ang hinahangad sa loob ng hukbong sandatahan ng bansa. Matapos ang garapalang pandaraya rin ni Marcos sa snap elections noong 1986, kumilos ang RAM na nagsilbing mitsa ng pinakaunang “People Power” sa bansa. Ngayon, naulit ang kasaysayan. Tulad ni Cory noong 1986 ay dinaya rin nitong nakaraang eleksyon si Fernando Poe Jr. ***
Pasaway Joe Galvez
Takot sila sa multo nila N
GAYON ang araw nang inagurasyon ni Ate Glo sa Luneta at sa Republic of Cebu. Ang araw ding ito ang matatagurian nating “araw ng kadiliman” ng sambayanang Pilipino. Ngayong araw din magdiriwang ang mga demonyo sa impiyerno at luluha naman ang mga anghel sa langit. Bagamat malaking boto daw ang binigay ng mga Cebuano para manalo si Ate Glo sa Republic of Cebu ay hindi naman daw siya dadalo sa kanilang inihahandang “street party” mamyang gabi. Takot na si Ate Glo sa kadiliman ng gabi. Natatakot na siya sa anino ng kanyang pekeng pagkapangulo. Minumulto na siya ng kanyang konsiyensya. Tiyak na lagi na lang sina Fernando Poe Jr. at Loren Legarda ang laman ng panaginip niya. Alam nyo ba na ang tawag ngayon sa Republic of Cebu ng mga taga Luzon at Mindanao ay “Paradise of Cheaters” at “Fraud Capital of the Philippines?” Mukhang tanggap na ng ilang mga Cebuano ang paratang na ito sa kanila ng mga taga ibang lalawigan dahil ipinagmamalaki pa ito ng ilang lider nila doon. Nakakahiya pero yan ang realidad. Mababait at tapat ang karamihan sa mga Cebuano pero yung mga lider nila na gumamit at nagsamantala sa kanilang mga boto para lamang ipanalo sa pamamagitan ng pandaraya si Ate Glo at Kayabang Noli ang mga dapat parusahan ng batas. Kung nais man ng mas nakararaming mga Cebuano na linisin ang pangalan nila ay dapat manindigan na at tumulong sila sa pambansang kilusan upang ilabas ang katotohanan sa nagdaang halalan imbis na mag “street party” lang sila para ipagdiwang ang talamak na dayaang naganap sa kanilang republika. Pero, kung ako sa mga robot ni Ate Glo ay
HUNYO 30, 2004
Mabuti pa nga noong 1986 dahil alam ng buong mundo na diktador si Makoy at kanyang rubber-stamp lamang ang Batasang Pambansa. Pero ngayon ay nagkunwaring demokratiko ang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo at nagpakaplastik ang kanyang mga tuta’t garapata sa Kongreso. Natatapalan din ng pera ang ilang mga kasamang dating lumalaban sa diktadurang Marcos. Bagaman, ala-ala na lamang ang RAM at ‘di mahagilap ni anino ni Gringo, sa ginanap na “People’s Summit” nitong Lunes ay kabilang ang Young Officers’ Union (YOU) sa mga organisasyon at partidong nagtatakwil sa pekeng panguluhan ni Gloria Macapagal Arroyo. *** Ayon sa isang retired military general, hindi lamang sapat ang mga pagtitipon na ang mga dumadalo at nakikinig ay parehong kumbinsido na. Mas higit na importante, aniya, ang pagpunta mismo sa mga pampublikong lugar upang doon ay mahikayat na kumilos ang mga ordinaryong tao na ‘di pa gaano naliwanagan sa mga pangyayari. *** Ang mga isyung dinadala ng RAM at ng susunod na henerasyon ng mga repormistang sundalo ay patuloy pa ring umiiral hanggang sa ngayon. Habang nasa labanan at gumagapang sa putik ang mga pobreng kawal, ang iilan sa matataas na opisyal ay nasa air-conditioned na tanggapan at ‘di hamak na mas mataas ang suweldo at mga benepisyo. Ganundin sa hanay ng pulisya. Sistemang palakasan at bulok na mga kagamitan kung kaya hirap sila sa pagsugpo sa kriminalidad. Tahimik lamang ang mga kaibigan sa loob ng AFP at PNP. Ito kaya ang tinatawag sa wikang English na “lull before a storm” o ang makahulugang mata ng sigwa? papayuhan ko siya na pagbigyan niya ang mga taga Republic of Cebu sa kanilang “street party” para naman makilala din ni Ate Glo ang mga drug lords at gambling lords na diumano ay nagpondo ng kanyang pagkapanalo sa nasabing republika. Yung tatlong kilalang Cebu druglords na may letrang “L” at “C” at “O” ang simula ng kanilang mga apelyido ay balitang maimpluwensiya sa nasabing republika. Kaya dahil dito ay dapat huwag isnabin ni Ate Glo ang paanyaya ng mga nagpondo ng kanyang pagkapanalo dito sa Republic of Cebu. Pero tignan niyo ang kaguluhang nilikha nang talamak at malawakang dayaan sa Republic of Cebu. Hanggan ngayon pala ay wala pang proklamadong gobernador at mayor ang Republic of Cebu dahil sa malawakang dayaang naganap doon maging sa botohan para sa mga local na kandidato. Susumpa si Ate Glo ngayong tanghali sa isang republika na wala pa palang mayor at gobernador. Nakakatuwa ‘di ba. Ito na marahil ang simula ng karma ni Ate Glo dahil sa walang sawa niyang pag-agaw ng pinakamataas na pwesto sa bansang Pilipinas. Tama ang sinabi ni dating Senador Francisco Tatad na dalawang uri ang ginawang pag-agaw ni Ate Glo sa kanyang trono – isang judicial-assisted coup noong January 2001 at isang congressional-assisted theft noong Mayo 10, 2004. Galit at gising na ang taongbayan. Nasa lansangan na sila at naghahanap ng hustisya at katotohanan. Kinakabahan na si Ate Glo at Kayabang Noli. Pati militar at pulis ay praning na rin. Tangke at teargas, armalite at bombero, truncheon at torture inilabas na nila para ipangsagupa sa ordinaryong mamamayan na walang mga armas kundi tanging karapatan at boses lang ang sandata. Takot sila sa tao. Takot sila sa multo ng pandaraya. Takot sila sa Kilusang Mayo Diyes. Para sa inyong liham, puna at suhestyon mag-email lang poe sa bagongumaga04@yahoo.com.
5
Bagong Umaga
Diskarteng Kalye Jess Santiago
Bala’t Bula Away-bata, diumano, ang umpisa Ng barilang kailan lang ay naganap. Sa palitan ng text message daw nagbuhat Ang palitan ng sisentang mga bala. Mga sangkot ay “bigatin” na gladiator, Kapwa galing sa pamilyang “may pangalan”; Isa’y anak ng “succesful” na businessman, Kinatalo’y anak naman ng senator. Fourteen years old na anak ng negosyante Ang alalay ay santambak na armado. Anak naman ng senador ay gwardyado Ng kapatid at barkadang de-kalibre. Mahigit nang isang linggo ang lumipas Hanggang ngayon ang kaso ay usad-pagong. Mga saksi’y natatakot na magsumbong Baka kasi madamay pa pag nangahas. Hindi pa rin nagsasampa ng demanda. Ang dalawang partido na nasasangkot At parehong sa media lang nagrereport Kapwa ayaw magreklamo sa pulisya. Kasi naman, pati pulis pala’y sabit: Mga pulis ang bodyguard ng teenager, Opisyal pa ang dalawang mga owner Ng sasakyang sa barilan ay nahagip. At ang kaso ay lalo pang lumalabo. Paraffin test ay wala ring ibubunga Pagkat wala na ang bakas ng pulburang Sa namaril ay dapat sanang magturo. Sagupaa’y saan kaya magwawakas? Demandahan? O benggansang walang humpay? Sakali mang lahi nila’y mag-ubusan Baka baya’y matawa pa nang malakas. Hindi nga ba’t ang ganitong mga kaso Kadalasa’y nauuwi lang sa wala? Hindi kaya maglaho ring parang bula Ang nakuhang animnapung mga basyo? Hindi kaya sagupaan sa Saisaki’y Matabunan ng iba pang mga krimen Hanggang ito’y malimutan at ituring Na kaylanman ay di tunay na nangyari?
Paredes
Mula sa pahina 4
‘Di na natagalan ng taongbayan ang ginawang pagnanakaw sa kabang-bayan ng rehimen. Maraming dugo na rin ang umapaw, ngunit ang huling punyal na kumitil sa kaniyang rehimen ay ang malawakang dayaang na naganap noong 1986. Hangga’t ‘di lumalabas ang katotohanan sa nangyaring halalan, ’di talaga matatahimik ang pag-aalangan ng taongbayan kung si pekeng Pangulong Arroyo nga kaya ang nagwagi, o nagnakaw muli ng kapangyarihan sa tunay na lider ng bayan.
Orteza
Mula sa pahina 4
magtataas sila ng singil, pagtataas na of course naman, papatong sa singil sa atin ng MERALCO. Ano ang sabi ng Babaeng May Nunal sa Mukha? Di raw siya papayag na mangyari ito. Sa kabila ng kanyang pahayag, walang naniniwalang poprotektahan niya ang interes ng mga consumer. Bakit ‘kanyo? Babae siyang kaduda-duda. Minsang nag-anunsyong di tatakbo sa pagka-pangulo, tumakbo rin. Minsang nagpatutsada laban sa mga artistang pumapasok sa pulitika, kumuha rin ng mga Bong Revilla at Lito Lapid. At ngayong siya na nga raw ang lehitimong nanalo, sige pa rin ang mga alipores niya sa pagkakalat ng mga pekeng balita. Say ng Lola ko n’ong araw, ang chismis ay gawain ng pikon at talunan, ng mga hindi makalaban ng parehas, kaya pailalim kung sumaksak. Base rito, ang say ko: kung susuriin ang disinformation na ikinakalat ng kampo ni Bulilit, malinaw nga kung sino ang tunay na talunan.
Bagong Umaga
6
Balitang Bayan
HUNYO 30, 2004
GMA ugat ng pagkakawatak-watak – KNP INAKUSAHAN ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) si Gng. Arroyo na ugat ng pagkakawatak-watak ng bansa sa panunumpa nito sa tungkulin sa Cebu City. Ang ginawa ni GMA ay magbibigay pansin sa kanyang partisan consideration sa halip na pambansang interes at pagkakaisa bukod sa pangamba ng bayan sa pagiging lehitimo ng kanyang pagkakahalal, anya ng KNP. Sa isang press statement, sinabi ng KNP: “Bilang kanyang unang
aktibidad sa kanyang kuwestionableng ikalawang administrasyon, manunumpa si Mrs. Arroyo sa Cebu City bilang kabayaran sa mga mamamayan nito na bumoto sa kanya noong May 10 election, kahit may hinala sa isipan ng publiko kung ang resulta ng eleksyon sa Cebu City at sa lalawigan ay tunay na damdamin ng pangkalahatang tapat, makabayan, nararapat at kahanga-hangang mga Cebuano. “Liban sa legalidad ng kanyang pagkakahalal, ang inagurasyon ay taliwas sa
tradisyon hindi lamang ng bansa kundi ng mga modernong bansa at demokratilong republika kung saan ang panunumpa ng isang pinuno ay laging tradisyunal at sa opisyal na national capital para ipahiwatig ang pambansang pagkakaisa at kumakatawan sa isang lider bilang simbulo ng pambansang kasarinlan at hindi “regional supremacy.” “Hiniling ni Mrs. Arroyo ang pambansang pagkakaisa at rekonsilasyon matapos ang eleksyon, isang makatwirang kilos makaraan ang isang matapat at
‘Di kami aatras sa laban’ HINDI aatras ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, ang pinakamalaking opposition group sa presidential at vice-presidential elections. Ito ay naging malinaw sa power point presentation ng KNP sa malawakang dayaan noong eleksyon, di-mapapantayang karahasan at pagabuso ng government resources ng administration party sa ginanap na forum ng Kapihan sa Maynila kanina. Kapwa sinang-ayunan nina dating Solicitor General Frank Chavez, na nagsagawa ng presentation at dating Senador Kit Tatad na ang di-mapapantayang dayaan, karahasan at maling gamit ng government resources ay nakawasak sa lahat ng pangunahing institusyong demokratiko ng bansa. Hiniling ni Tatad kay Pangulong Arroyo na “isuko ang presidential office nito at tumulong na bumuo ng transitional government para pangasiwaan ang lahat ng aktibidad ng bansa habang ipinatutupad ang mga kinakailangang reporma para mahilom ang sugat na natamo noong eleksyon.” Sinabi ni dating presidential adviser Amina Rasul, na kumandidato sa pagka-senador sa ilalim ng KNP ticket, na kahit iprinoklama ng Kongreso si Mrs. Arroyo bilang halal na pangulo noong May 10 elections, “batid ng mamamayan kung sino ang tunay na nanalo.” Tinukoy ni Rasul si KNP presidential candidate Fernando Poe Jr. na siyang tunay na nanalo sa pagkapangulo.” Sa joint congressional canvass,
nakakuha si Mrs. Arroyo ng kabuuang 12,905,805 boto habang si FPJ ay nakatanggap ng 11,782,232 boto. Pero base sa election returns, sinabi ni Chavez na si FPJ ang aktuwal na nanalo ng mahigit 1.5 milyong boto kungdi nagkaroon ng dayaan, kasama dito ang dagdag-bawas na nakabawas sa mahigit 1.5 milyong boto ni FPJ at idinagdag kay Mrs. Arroyo. Sa Maguindanao, labing isang munisipalidad ang hindi nakapagdaos ng eleksyon pero merong returns na 99 hanggang 100% kay Mrs. Arroyo. “The spectre of Gloria Arroyo-led conspiracy to thwart the will of the electorate in the presidential election of 2004 is haunting the nation,” pahayag ng mga miyembro ng oposisyon sa Kongreso sa kanilang minority report sa canvassing. Mariing tinukoy ni Chavez, kumandidatong senador sa ilalim ng Alyansa ng Pas-asa, ang US Declaration of Independence na nagsasaad na kapag ang isang gobyerno ay hindi na tumutugon sa tunay na damdamin ng taongbayan, may karapatan itong palitan ang kanilang gobyerno. Bukod sa dayaan sa eleksyon, sinabi ni Chavez na nagkaroon ng malawakan at ilegal na paggamit ng bilyun-bilyong piso sa public funds mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang Department of Agriculture, Public Works, Local Government, Pagcor, Health at iba pang ahensiya para palakasin ang kandidatura ni Mrs. Arroyo.
Walang mass defection – FPJPM “WALANG mass defection sa kampo ni Fernando Poe Jr.” Ito ang pahayag ni Boots Cadsawan, pangulo ng FPJ for President Movement (FPJPM) sa gitna ng mga ulat na binabaha ngayon ng mass defections ang kampo ni KNP presidential candidate Fernando Poe Jr. at vice presidential candidate Loren Legarda. “Solido ang grupo namin kay FPJ at Loren dahil naniniwala kami na sila ang tunay na halal na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa,” wika ni Cadsawan. “Kami ay nagkakaisa sa pagsuporta kay FPJ sa
kanyang pakikipaglaban para sa katotohanan.” Inakusahan ni Cadsawan ang administrasyong Arroyo ng pagsasagawa ng “psy-war campaign” sa publiko para hikayatin ito na si Pangulong Arroyo ang lehitimong nahalal noong eleksyon samantalang ang katotohanan ay may bahid ng malawakang pandaraya ang halalan na nagpanalo sa kanya pero hindi isang pagkapanalo na nasa puso at boto ng taongbayan. Sinabi ni Cadsawan na hindi ito ang kauna-unahang beses na nagpakalat ng maling ulat ang
propaganda machinery ni Mrs. Arroyo tungkol sa malawakang depeksyon mula sa kampo nina FPJ at Loren. ‘We will never abandon FPJ at Loren because we believe that their cause is just and that they are the real winners in the election,” ani Cadsawan. Idinagdag ni Cadsawan na lahat ng mga miyembrong merong card ng FPJPM ay solidong nasa likod ng organisasyon at lalahukan ang lahat ng legal at mapayapang aktibidad para ipagbigay-alam sa taongbayan ang tunay na resulta ng nakaraang eleksyon.
maayos na eleksyon pero kahinahinala at hindi legal, kung saan malaking bahagi ng populasyon ay batid na ang tunay na resulta ng eleksyon ay sinikil, at kung saan ang nahalal na lider ay pinapahalagahan na ibalik ang pabor sa mag supporter sa halip na ipakita sa lahat, supporter o hindi, ay dapat tratuhin ng pantay-pantay.” “Kung malalim at malawak ang sugat ng labanan, sa halip na mapagaling ito, mali ang hakbang ni Mrs. Arroyo at mahihirapang matiyak ang political at social stability matapos ang eleksyon.”
‘Jose Pidal Bloc’ babanggain si JDV HABANG nalalapit ang pagbubukas ng 13 th Congress, nagsusulputan naman ang iba’t ibang bloke ng mga kongresista na gustong makopo ang liderato ng Mababang Kapulungan. Isa na rito ang tinaguriang Jose Pidal bloc na pinamumunuan ni Ignacio “Iggy” Arroyo, bagong halal na kongresista ng Negros Occidental. Si Iggy Arroyo ang umaming siya si Jose Pidal upang iligtas sa gusot ang kapatid nitong si First Gentleman Mike Arroyo na idiniin ni Senador Panfilo Lacson sa sunud-sunod na expose sa Senado. Kasama ni Iggy sa naturang bloc sina Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Antipolo Rep. Ronaldo Puno. Kinumpirma ni Sorsogon Rep. Francis Escudero na nagpupulong na ang nabanggit na grupo na naglalayong masungkit ang malalaking komite sa Kongreso. Nais umano ng “Jose Pidal bloc” na pagbotohan sa plenary session ang mga itatalagang chair sa iba’t ibang komite. Dapat na umanong matigil ang nakagawian na tanging ang mga paborito lamang ni House Speaker Jose de Venecia, Jr. ang nakakukuha sa mahahalagang komite ng Mababang Kapulungan. Danilo Ramos
Plunder cases ‘tinutulugan’ ng Ombudsman? NATUTULOG lang ang mga kasong pandarambong na isinampa ni dating Solicitor General Frank Chavez laban kay Pangulong Arroyo at ilan sa mga opisyal nito sa Office of the Ombudsman. Sa ginanap na Kapihan sa Manila media forum sa Manila Hotel noong Lunes, sinabi ni Chavez na kailangan pang hilingin ng Ombudsman sa mga akusadong opisyal na pinangungunahan ni Mrs. Arroyo na magharap ng counter affidavits at pormal na sagutin ang reklamong pandarambong laban sa kanila. Ayon kay Chavez, sa ilalim ng batas ay kailangan ng mga government prosecutors tulad ng Ombudsman na hingin sa mga nahaharap sa kasong sibil at sa mga akusado sa kasong kriminal
na sagutin ang reklamo na iniharap laban sa kanila bago isagawa ang isang preliminary investigation. Sinabi ni Chavez na kailangan pa niyang tanggapin ang katugunan sa kanyang petisyon na i-diskwalipika si Ombudsman Simeon Marcelo na dinggin ang kaso laban kay Mrs. Arroyo at sa mga opisyal nito sa dahilang “delicadeza” at posibleng “bias.” Aniya, ang pagkakaantala sa prosekusyon ng kasong pandarambong laban kay Mrs. Arroyo at sa mga opisyal nito ay katarungang ipinagkait sa taongbayan. Idinagdag ni Chavez na ikinalulungkot niya ang kalidad ng katarungan sa ilalim ng susunod na administrasyong Arroyo.
Entertainment
HUNYO 30, 2004
7
Bagong Umaga
Ang mahiwagang Mr. D ni Dina at ni Kris H
Proud na proud ang Pangulong Joseph Estrada at Senadora Loi sa naganap na panunumpa ng bagong halal na Senador Jinggoy Estrada. JOSEPH MUEGO
Loi at Jinggoy sa Senado MAY ngiti sa labi at puspos nang siglang nabanggit ni Fr. Larry Faraon sa kanyaang homily noong Linggo ng umaga na maaring maihalintulad sa Mother and Child na nagligtas sa sa sanlibutan sina Senator Loi Ejercito at Senator-elect Jinggoy Estrada. Ang nasabing misa ay kaugnay ng panunumpa sa tunkulin ni Jinggoy bilang halal na senador ng bansa. Ginanap ang misa sa kapilya sa dating farm lot ni President Joseph Estrada sa Tanay, Rizal na ngayon ay mistulang isang resort. Isa si Fr. Faraon sa apat na nag-alay ng misa ng araw na iyon. Ang magiging tandem nina Senators Loi at Jinggoy sa senado ay palatandaan na magiging bahagi sa sasagip sa napakalubhang problema ng bansa,” ayon pa kay Fr. Larry. “Tulad din ng Mother and Child sa Kristiyanismo, meron ding mother and child sa senado,” aniya ng pabiro pero may bahid ng katotohanan. “Na kay Jinggoy ang lakas ng kabataan,” patuloy ni Fr. Larry, kapag kuwa’y tumingin kay Senator Loi, ngumiti at nakatawang
Teka muna Ni Kuya Mar
nagtanong. “Bakit po kayo nakatingin sa akin?” aniya na ang tinutukoy ay ang pagkakasabi niya ng “kabataan.” Tuluyang ng nagkatawanan dahil napahalakhak si Senator Loi at maging si President Erap sa kanyang kaliwa. Mataposa ang misa, sumakay na si Pres. Erap sa golfcart na siya ang nagmamaneho. Sa kanan niya si Senator Loi, nasa likuran ang mag-asawang Atty. Nards at Tita Midz Seguion-Reyna. Papunta sila sa gym na pagdadausan ng panunumpa kasunod ang mga maagap na media, TV crew at photographers. Sa pagsisimula ng seremonya, tinawag si Jinggoy na susumpa at si Senator Loi na siya na ring magpapasumpa. Kasama nila si Pres. Erap, Precy at tatlong anak, si Jackie at Beaver, at Capt. Jude bilang mga witnesses. Sa kanyang maikling talumpati, nagpasalamat si Jinggoy sa lahat, unanguna sa kanyang ama at ina, at ngakong ipagpapatuloy
ang laban ni President Erap. Tulad ng dati, Pangulo pa rin ang trato kay Pres. Erap ng mga nagmamahal sa kanya. Sabay-sabay na tumindig ang lahat nang tawagin siya para magsalita at inihatid siya ng kanilang palakpak hanggang sa mikropono. Damang-dama ni Pres. Erap ang kasiyahan ng mga sandaling iyon. “Kung ako ay nagkasala, baka wala rito ang halos lahat ng aking gabinete, kabilang na si Sec. Pardo,” aniya bilang patunay na ang akusasyon sa kanya ay para lang siya paalisin sa puwesto at ipalit ang rehimeng ito na ngayo’y di masikmura ng sambayanang Pilipino. Bandang alas dos ng matapos ang simpleng seremonya ng panunumpa na sinundan ng isang masaganang pananghalian na inihanda para sa mga dumalo. Ilan sa mga naroroon sina Sen. Loren Legarda, Sen. Kit Tatad, Rep. Digs Dilangalen, Manay Gina de Venecia at kapatid na si Chona, Atty. Jose Flaminiano at maraming iba pa. Congratulations, Jinggoy!
INDI mapigilan ni Kris Aquino ang bibig niya. Siya na mismo ang nagpahiwatig na nagkaroon sila ni Vic Ni Ronald K. Constantino Sotto at Jay Manalo ng “nakaraan” daw. Guest Columnist Nang mag-guest si Dina Bonnevie sa The Buzz, di maiwasang mabanggit ang kanyang ex-husband, si Vic Sotto. Sabi ba naman ni Kris ay inagaw niya kay Dina he can’t afford to support his children, lumabas uli siya sa TV at pelikula. si Vic, sabay ang malakas na tawa. Magkasama sina Dina at Kris sa Magaling siyang artista, multi-awarded pa. Kaya lang, magbaba siya ng presyo Hiram, isang TV soap na mapapanood sa at huwag nang masyadong ma-kiyeme ABS-CBN. Tungkol naman kay Jay Manalo, sa role. Kahit na bida-kontrabida ay ibinalita sa The Buzz na sinugod ng Misis, tanggapin na niya. Isa pa, kapag nasa set si Raisa Austria, si Denise Joaquin sa na ay huwag na siyang makialam sa diisang restaurant. May tsismis kasi na rector at sa acting ng mga co-stars niya. Of course, hindi dapat inaapi si Kuya mag-on daw si Jay at Denise. Sabi ni Kris ay mabuti na lang daw at Ipe sa billing. Tama ba, Kris? hindi siya ang sinugod. Agad na sinalo ito xxx ni Boy Abunda at sinabing “Tapos na kasi.” Tumawa na naman si Kris, implying na may “nakaraan” sila ni Jay? Aba, bago ito. While the subject is on the love life of Kris Aquino, isa-isahin nga natin ang mga napabalitang nakarelasyon niya: Eric Quizon (puppy love), Alvin Patrimonio (first love), Gabby Concepcion (infatuation), Anjo Yllana (intrigu- Dina Bonnevie Diether Ocampo ing affair), Robin Padilla Kwentong California - mga nasagap (crazy love), Philip Salvador (Joshua’s dad), Joey Marquez (scandalous ro- sa Los Angeles at San Francisco nang magbakasyon doon ang inyong mance), and Mark Lapid (madness?). The latest na nali-link kay Kris roman- kolumnista. “Hanggang may telepono ay may trabaho tically... is Quezon City Mayor Sonny siya.” Ito ang makahulugang sagot ng isang Belmonte. Guess who else? In her conversation doctor nang tanungin siya kung ano ba talaga with Dina Bonnevie on the show, Kris ang hanapbuhay ng isang dating actress na mentioned having someone that she and sa L.A. nga ngayong naka-base. Siguro sa isang call center nakahanap Dina are likely sharing daw, a fondness ng trabaho? for a guy whose initial is the letter D. Nang magkaroon ng chance itong Since ayaw ni Kris ibigay ang pangalan isang magaling namang singer na ng guy, e di hulaan natin. One possible clue? Di ba minsan nang makapunta sa Tate, agad sumumpa daw na-link si Dina Bonnevie kay Diether ito na hindi na siya uuwi ng Pilipinas Ocampo? Siya kaya ang mahiwagang si hangga’t di niya napapasok ang mainstream music market sa America. Mr. D? Baka hindi na niya masilayan ang Magsalita ka, Diether. bansang sinilangan kasi halos sampung xxx Ang bagong show ni Lorna Tolentino taon na siya sa Amerika pero hanggang sa GMA ay 30 Days, kung saan binibigyan sa mga small bars at jazz joints palang ng bagong pagkakataon ang mga laos. siya nakaka-kanta. Yung pangarap niyang mabigyan siya Puwede ring title ng show ay Mga Bituing Nawalan ng Ningning or Nawawalang ng break sa recording ay nanatiling pangarap lang. mga Bituin. Isa namang actor-singer na madalas Sa totoo lang, marami tayong mga aktor at mga singer na dapat mai-revive mag-concert sa West Coast ay may ang mga career dahil sa ang gagaling nila. reklamo laban sa isang promoter. Noon Halimbawa: Chad Borja, Karla daw, kapag may offer sa kanya to sing in Estrada, Lester Llansang, Janna Victoria, a restaurant, sinusuyo pa siya ng proEric Fructuso, Via Velosa, Cris Villanueva, moter. Ang tawag pa nga sa kanya ay Romnick Sarmenta, Paolo Rivero, Ynez “prestigious, award-winning stagemovie-TV actor.” Veneracion, at iba pa. Nang di sila magkasundo, masyado xxx Balik tayo kay Kris Aquino. Tama ang na siyang binabarat ng promoter. Bale ba, payo niya kay Phillip Salvador. Instead bago na ang tawag sa kanya nito: “Cheap of crying on national television because bomba actor.”
TILAMSIK
8 HUNYO 30, 2004
Taon1 Blg.19
Kahit gamitin ng rehimeng Arroyo ang mga instrumento ng karahasan, hindi kayang supilin ang galit ng taongbayan sa pagkakaproklama ng pekeng pangulo. Mga larawang kuha nina JOSEPH MUEGO, JOE GALVEZ at ROBERT ROXAS.