Issuu on Google+

‘Glorya’ ng Demonyo INAAKALA na ng Administrasyon na wala nang sagabal sa proklamasyon ni Gng. Arroyo bilang pangulo, matapos nilang isalpak nang buong kawalang-hiyaan at pwersa ang canvassing sa joint committee ng Kongreso. EDITORYAL Glorya na, anila. Ngunit, glorya ba na yurakan ng kampo ni Gng. Arroyo ang loobin at desisyon ng mga nakararaming mamamayan? Glorya nga ba na ubusin nila ang badyet ng gobyerno sa pamimili ng boto at pandaraya noong nakaraang eleksiyon? Glorya ba ang paninikil sa Oposisyon at sa tinig ng katotohanan at katarungan? “Glorya” ba ang turing sa resulta ng panlilinlang at pagsisinungaling sa Sundan sa pahina 4

Rudy Galang: ‘Di kaya ng konsenya ko

BENJO LAYGO

www.bayanangbida.com

Kuha ni JOSEPH MUEGO


Bagong Umaga

2

Balitang Bayan

HUNYO 23, 2004

INUTIL NA KONGRESO

BUKSAN ANG KATOTOHANAN! Ni Junex Doronio

TAKOT ang rehimeng Macapagal Arroyo na buksan ang election returns dahil sa malalantad ang sistematiko at garapalang pandaraya sa ilalim ng “Oplan Mercury.” “Hindi kami ang takot sa katotohanan. Kayo ang takot sa katotohanan,” direktang sinabi ni Sen. Edgardo J. Angara kay administration Sen. Joker Arroyo na mahigpit na tumututol na buksan ang mga ER. Minadali ng joint committee na matapos ang canvassing noong nakaraang araw ng Linggo sa kanila ng detalyadong pagbulgar ni Sanlakas Rep. JV Bautista sa maraming kaso ng “dagdagbawas” pabor kay Gloria Macapagal Arroyo. Ayon sa mga independent observers, inutil ang Kongreso dahil sa binaboy ng mayorya ang Konstitusyon at ang pinaiiral ay ang kanilang katapatan sa dominanteng partido, hindi sa taongbayan. “Kung talagang wala silang tinatago, bakit di nila buksan ang mga ER para walang pagdududahan pa,” anila. Nanindigan ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa pangunguna ni KNP standardbearer Fernando Poe Jr. na kinakailangang buksan ang mga ER dahil mahirap dayain ang mga ito. Maging ang Bangon Pilipinas Movement (BPM) ni Bro. Eddie Villanueva ay naniniwalang dapat buksan ang mga ER. Nauna rito ay kinumpirma ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na inamin sa kanya ni Senate Presi-

dent Franklin Drilon mismo na mabubura ang ipinagmayabang na lamang ni GMA kay Ginoong Poe, sa sandaling maikumpara ang mga ER at statements of votes (SOVs) sa mga botong nakasaad sa certificates of canvass (COCs) sa apat na probinsiya. Noong Lunes ay buong tapang na lumantad ang negosyanteng si Rudy Galang at isiniwalat ang sistematiko at garapalang dayaan sa ilalim ng “Oplan Mercury” na kinasangkutan mismo ni First Gentleman Mike Arroyo, Comelec Chairman Benjamin Abalos at presidential adviser on media and ecclesiastical affairs Conrado “Dodie” Limcauco. “Isang bala ka lang” ang panakot umano ni Limcauco kay Galang nang gustong magpaalam ang huli sa kanilang grupo matapos “magpagamit” sa malawakang dayaan sa Mindanao. “Nababagabag ako ng aking konsensiya,” pahayag ni Galang. Pinuna ni Angara na kung pinagbigyan ng administrasyon ang kahilingan ng oposisyon na buksan ang mga ER, magiging maayos na sana ang canvassing at maaalis ang anumang pagdududa. Kanyang ipinamukha sa mga maka-administrasyon na mambabatas na ang dayaan noong nakalipas na eleksyon ay isinagawa sa pamamagitan ng mga COC. “Let’s be realistic. When you cheat, you do it wholesale,” aniya. “We are witnessing here the hypocrisy of the highest order. I could not stand the hypocrisy,” pahayag naman ni Maguindanao

Rep. Digs Dilangalen matapos mag-walkout noong Linggo. Sumunod ding nag-walkout si Bautista at sinabing wala nang pag-asa ang joint committee dahil sa supresyon at paninikil ng mayorya. Ayon kay Sen. Sergio Osmeña III, sa nakalipas na tatlong lingo ay lagi na lamang binabara ng joint committee ang kahilingan ng oposisyon na buksan ang mga ER. Inihalimbawa ni Sen. Tessie Aquino-Oreta ang nangyari sa isang presinto sa Sulu kung saan nakakuha ng 1,932 boto si Gloria Macapagal Arroyo batay sa ER, pero sa SOV ay nakatanggap raw ito ng 5,204 boto. Samantala, si FPJ ay nakakuha ng 9,397 boto batay sa ER pero naitalang tumanggap lamang ng 2,339 sa SOV.

STALWARTS. Ipinaglaban nina (mula sa kaliwa) Sens. Tessie Aquino-Oreta, Ed Angara, Serge Osmeña at Aquilino “Nene” Pimentel ng KNP na mabuksan ang Election returns (ERs) upang ilantad ang katotohanan sa gitna ng paggamit ng mayorya ng taktika ng “tyranny of numbers.” Kuha ni JOSEPH MUEGO

Lead ni GMA, ‘wipeout’ ‘pag binuksan mga ER, SoV - Drilon INAMIN na rin sa wakas ni Senate President Franklin Drilon na maglalahong parang bula ang malaking kalamangan ni Pangulong Arroyo kay Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) presidential candidate Fernando Poe Jr., sa sandaling mabulatlat ang mga election returns (ERs) at statement of votes (SOVs). Ayon kay Sen. Aquilino Pimentel Jr., ito mismo ang inamin sa kanila ni Drilon matapos maipit kung bakit tutol ang mayorya ng joint canvassing committee na maikumpara ang mga boto sa ERs

at SOVs sa binibilang na mga certificate of canvass (COCs). “Alam ninyo, (oposisyon) hindi kami papayag diyan sa iniisip ninyo na buksan yung COCs sa Iloilo, Cebu, Pampanga, Bohol, sapagka’t kapag nabuksan yung mga COCs, ma-wipe out ang lead ni Mrs. Arroyo,” pahayag ni Drilon sa harap ni Pimentel at iba pang miyembro ng oposisyon. Idinagdag pa ni Pimentel na dalawang beses pa umanong inulit ni Drilon ang pag-amin sa harap ng iba pang mga mambabatas matapos nila itong kulitin kung bakit ayaw pabuksan ng mga lider ng Kongreso ang mga SOVs at ERs kahit nakasaad ito sa sinusunod na regulasyon ng canvassing committee sa pagbibilang ng mga boto.

DITO PO SA BAYAN KO Paano manalo ang natalo? Ang proklamasyon ng Kongreso sa talunang presidente. Nagmistulang isang malaking karnabal ang Kamara nang pwersahang tapusin ng mga kumag na mga pro-GMA na mambabatas ang canvassing at ideklarang nanalo ang natalo. Naging matagumpay ang kakenkuyan nina Kiko “Noted” Pangilinan, Frank Drilon, JDV at Raul Gonzales. Dahil sa epektibo nilang pagpapatawa nalingat ang oposisyon sa pagbabantay ng canvassing.

Bulag, pipi at bingi. Hindi lang mahusay na komedyante ang mayorya sa canvassing committee, marami sa kanila ang sadyang nagbubulag-bulagan, nagpipipihan at nagbibingi-bingihan (no offense meant sa mga disabled). Hindi lang mahusay sa pagpapatawa at mahusay na madyikero ang mga kumag na kapanalig ni GMA, kundi mahusay din mang-insulto sa mga may kapansanan.


Balitang Bayan

HUNYO 23, 2004

3

Bagong Umaga

Dayaan sa Mindanao binuking Hindi pa tapos ang Ni Joe Galvez

KINUMPIRMA ng isang negosyante ang pandaraya ng administrasyon noong May 10 elections sa pamamagitan ng pagdoktor sa resulta ng halalan sa pakikipagsabwatan sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), pagsuhol sa mga kandidato ng oposisyon at hayagang paggamit ng government resources. Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan, Metro Manila, sinabi ni Rodolfo L. Galang, isang negosyanteng nakabase sa Mindanao, na siya’y miyembro ng “Operation (Oplan) Mercury,” isang planong binuo ng administrasyon para dayain ang eleksyon. Sa isang affidavit, sinabi ni Galang na base sa kanyang nalalaman, gumastos ang administrasyon ng P100 hanggang P200 milyon na pera ng gobyerno habang ipinatutupad ang Oplan Mercury sa Central Mindanao lamang. Sinabi ni Galang na misyon ng Oplan Mercury na makakalap ng 2 milyong boto para kay Pangulong Arroyo. Sapat na diumano and bilang na ito para matakpan ang initial margin ng kanyang kalaban na si Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino presidential candidate Fernando Poe Jr. Ayon kay Galang, ibinunyag niya ang sabwatan dahil nakokonsensiya ito. Sinabi ni Galang na nalagay sa panganib ang kanyang buhay makaraang bantaan siya ni Dodi Limcaoco, presidential adviser on media and ecclesiastical affairs, nang magpapaalam na siya sa grupo ng “Mercury.”

“Don’t cross the bridge yet. It won’t take an army to get you. It only takes one man to fire a bullet,” pahayag ni Galang sa sinabi ni Limcaoco sa kanya. Iniharap si Galang sa media ng Task Force AntiElection Fraud (TFAEF) na pinangungunahan ni dating Solicitor General Frank Chavez na naunang nagharap ng kasong pandarambong laban kay Mrs. Arroyo at ilan sa mga opisyal nito sa paggamit na umano ng milyun-milyong piso na pera ng gobyerno para isulong ang kanyang kandidatura noong nakaraang eleksyon. Dahil sa mga pagbubunyag ni Galang, sinabi ni Chavez na pinag-iisipan niyang magharap ng karagdagang kasong pandarambong laban kay Mrs. Arroyo at mga opisyal nito. Sinabi ni Chavez na ipinatupad ang “Oplan Mercury” sa maraming bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ilang linggo bago mag-eleksyon. Sinabi ni Galang na si Limcaoco ang nag-recruit sa kanya na sumama sa “Oplan Mercury. Aniya, una niyang trabaho ay kausapin si Bro. Eli Soriano ng “Ang Dating Daan” para kumbinsihin ito na suportahan si Mrs. Arroyo pero hindi ito natupad. Sumunod aniya, hiniling sa kanya ni Limcaoco na tumulong sa pagbalangkas ng “Oplan Mercury” na pagtutuunang pansin ang Mindanao kung saan ipinapakita sa mga surveys na kulelat si Mrs. Arroyo laban kay FPJ sa mga survey ratings. Idinagdag pa ni Galang, dating may banana processing plant sa Maguindanao, na siya ang itinalaga na makipag-ugnayan sa mga lider sa Mindanao, laluna ang mga oposisyon, para kumbinsihin sila na suportahan si Mrs. Arroyo.

“If there is no truth, how can there be reconciliation?” – FPJ ITO ang deklarasyon ni KNP standard bearer Fernando Poe Jr sa isang panayam sa mga mamahayag sa lungsod ng Makati kahapon. Hiningi din ni Ginoong Poe sa mga mambabatas na ilantad ang katotohan dahil ito ang isinisigaw ng bayan. “Kung bakit hindi nila mailabas, mayroon silang itinatago,” ang pahayag ni Poe. “’Pag katotohanan ang pinaglalaban mo, walang Musmos na pulitiko. Ipinaubaya ng mga kampon ni GMA sa isang musmos na pulitiko ang napakaselang pagbibilang ng boto sa Kongreso. Sa madaling salita, hindi talaga seryoso ang rehimeng GMA na bilangin ng tama ang mga boto ng mamamayan. Dahil dito ibinasura ni G. Kiko “Noted” Pangilinan ang lahat ng mungkahi ng oposisyon na magkaroon ng patas na labanan sa canvassing ayon siyempre kay Sharon, este, ayon sa amo n’yang si GMA.

katapusan ‘yan,” ayon pa sa kanya. Ibinasura din ni Ginoong Poe ang alok ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na rekonsilasyon. “We are always for reconciliation, where there is truth there can be no reconciliation. But if there is no truth, how can there be reconciliation?”paliwanag ni Poe. Binigyan diin ni Poe na hindi siya tatanggap ng ano mang

posisyon sa pamahalaan sa ilalim ng liderato ni GMA. Walang balak si FPJ na ihain ang protesta sa Presidential Electoral Tribunal gaya ng ipinapayo ng mayorya sa Kongreso. “You know what is going to happen there,” wika pa niya. Itinanggi din ni Poe ang ano mang planong destabilasyon laban sa kasalukuyang pamahalaan. Dinedma lang niya ang pagpabor ni Sen. Panfilo Lacson sa rekonsilasyon . “He has shown his true color,” ayon sa kanya. Monique del Monte

laban – Legarda “HINDI pa tapos ang laban. Ito’y napunta lamang sa Kongreso.” Ginawa ni Sen. Loren Legarda, vice presidential candidate ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), ang deklarasyon nang dumalo ito sa Kapihan sa Maynila forum noong Lunes. Sinabi ni Legarda na ang pagbibilang ng election returns (ERs) ng joint canvass committee ay hindi naging makatarungan, transparent o kapani-paniwala. Sinabi niya na kukuwestiyunin ng KNP at iba pang partidong oposisyon ang legalidad ng canvassing ng joint committee kapag nag-convene ang Kongreso bilang national canvassing board para tanggapin ang rekomendasyon ng komite. Tinuran ni Legarda ang mayorya sa komite na otomatikong tinanggihan ang lahat ng mga pagsisikap ng oposisyon para patunayan ang malawakang dayaan. “Takot sila na maisiwalat ang katotohanan,” diin ni Legarda. Tinawag ni Legarda ang nakaraang eleksyon na “ p i n a k a m a r u m i , pinakamagastos at pinakamarahas.” Sinabi ni Legarda na siya mismo ay natalo ng mahigit isang milyong boto sa “dagdagbawas” operation. Kung binuksan ang mga ERs, nagpahayag ng pagtiwala si Legarda na siya at ang running mate niya sa pagkapangulo na si Fernando Poe Jr. ang panalo. Nagbabala si Legarda na kapag naulit ang ganitong uri ng eleksyon sa mga darating na panahon, mawawalan na ng tiwala ang taongbayan sa demokrasya.

Gipitin ang mga abogado. Mukha tuloy nagpapanggap lang na eksperto sa Election Law si Attorney Mac (tila ‘ata nagulangan niya si GMA) dahil sa tila palpak na pagtatanggol sa kanyang amo. Kinasuhan na lang tuloy ang mga abogado ni FPJ ng kung anu-anong kaso upang pilayan ang oposisyon sa pagtatanggol ng katotohanan.

Legarda

Gayunman., sinabi ni Legarda na igagalang niya ang desisyon ng mayorya sa Kongreso pero ang paggalang sa tunay na damdamin ng taongbayan ay hindi nangangahulugan ng pagatras. Idineklara ni Legarda na handa ang oposisyon na kuwestiyunin ang rekomendasyon ng mga miyembro ng mayorya sa joint committee sa resulta ng canvassing. “Lalaban kami hanggang sa maresolba ang isyu,” ani Legarda. Binigyang-diin ni Legarda na walang tinatalakay ang oposisyon kaugnay ng paglulunsad ng EDSA uprising, tulad ng mga kaganapan sa EDSA na nagpatalsik kina dating Pangulong Marcos noong 1986 at dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001. “Iginagalang namin ang Konstitusyon,” pahayag ni Legarda. “Pero itutuloy namin na mailabas ang katotohanan.”


Bagong Umaga

Opinyon

HUNYO 23, 2004

4

EDITORYAL

Ang BAGONG UMAGA ay inilalathala ng People and Advocacy, Inc. na may tanggapan sa 6F Lansbergh Place, Tomas Morato Ave., Quezon City. Telefax 372-8560 SUSAN TAGLE Chairman of the Editorial Board JOEL PAREDES Editor-in-Chief • JUNEX DORONIO Managing Editor JOE GALVEZ Metro Editor • ISKHO F. LOPEZ Entertainment Editor BENJO LAYGO Art Director • NANIE GONZALES Associate Art Director JOSEPH MUEGO Photo Editor ROJA SALVADOR Research Head • ROSE BINGAYEN Editorial Assistant NATY GUERRERO Marketing Manager • RAINNIER TAVU Circulation Manager

Ang Buhay Nga Naman Joel Paredes

Punong mapaniil D

ITO lang siguro sa Pilipinas makikita ang pulitikong ipinagmamalaki pa sa taongbayan kung paano nila dinadaya ang halalan. Tingnan mo na lang itong vice mayor ng Sto. Tomas, Pangasinan. Lumabas pa sa telebisyon para sabihing talagang binokya nila ang kandidato ng oposisyon sa pagka-presidente. ‘Di lang naman daw si Fernando Poe Jr. – na tubong Pangasinan – ang unang kandidatong na-zero sa kanilang munting bayan. Ganito rin daw ang nangyari kay Corazon Aquino nang siya’y tumakbo laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986. Simple lang ang kaniyang paliwanag. Para daw silang isang pamilya sa bayan nila. Kung ano ang sabihin ng kanilang meyor na deka-dekada nang naghaharian sa kanilang bayan, ay sunod ang lahat. Ganyan daw magpakita ang taongbayan ng pagmamahala sa kanilang punong bayan. Kaya lang talo pa rin siya sa gubernador ng Maguindanao. Dahil sa pitong bayan nito ang na-zero si FPJ, siya ay naging panauhing pandangal sa Malakanyang. Nakakahiya. Ito ang mga modelong pulitiko ng ating mahal na Pangulo. Ito ang mga pinagmamalaking lider ni Pangulong Arroyo. Kung kayang manakot ng mga political warlord sa kanilang mga lugar, ganoon din ang kanilang amo at maaring higit pa. Pinakita na ni Gng. Arroyo na gagawin niya ang lahat manatili lamang sa Malakanyang. Dahil na rin sa takot sa galit ng taongbayan, inunahan na niyang iutos na paggugulpihin ang lahat ng mga taong nagprorotesta sa ginawang malawakang pandaraya noong nakaraang halalan. Kayat ‘di nakapagtataka kung walanghiyain ng kaniyang mga mambabatas ang canvassing sa Kongreso. At ngayon araw sila’y muling magpupulong at tiyak na pipiliting iproklama ang Senora dahil maniwala man kayo o hindi, mahigit daw isang milyon ang kaniyang lamang kay FPJ. Kahit anong pakiusap ng oposisyon na buksan ang ibang mga election returns sa mga bayang garapalan ang ginawang dayaan, ipinilit pa rin nang tropang pinangunahan nina Senador Kiko Pangilinan at Rep. Raul Gonzales na tama daw ang certificates of canvass (CoC). Balita nga namin apat na milyon pa ang gustong lamang ng Señora kaya lang baka ‘di lang mga patay, kundi pa mga isda at hayop na sa buong kapuluan ay maisama na sa talaan ng mga bumoto kay Gng. Arroyo. Sa tingin ni Speaker Jose De Venecia, ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw ay pagpakita ng kalusugan ng demokrasya sa ating bansa. ‘Di baling matawag na “bogus” o “peke”, basta si Gng. Arroyo ay nanalo sa tingin ng kaniyang mga Sundan sa pahina 5

‘Glorya’ ng Demonyo Mula sa pahina 1

bayan? Glorya ba ang darating na mga paghihirap ng mga mamamayan sa ilalim ng maka-demonyong administrasyon ni Gng. Arroyo? Binaligtad na ng Administrasyong Arroyo ang tunay na kahulugan ng glorya. Sa buhay ng bansa at ng mga mamamayan nito, ang glorya ay nangangahulugan ng mga biyayang orihinal na nanggaling sa Diyos at naging konkretong benepisyo sa pamamagitan ng mabuting gawain, tulad ng malinis na halalan, matapat na panunungkulan, at matinong pagsasakatuparan ng serbisyo at katarungan para sa kapayapaan. Subalit sa ilalim ng Administrasyong Arroyo ang gloryang natatamo at patuloy na matatamo ng bansa at ng mga mamamayan ay malawakang paglatag ng dilim at kasamaan. Ang pagdaralita ay nagsisimula na – tumaas na ang presyo ng gasolina, gas na pangluto, pamasahe sa jeep at bus, at ang presyo ng iba pang bilihin. Limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho, at ilang milyon pa ang pa-ekstra-ekstra lamang sa kanilang trabaho. Marami nang nagsarang mga maliliit na negosyo. Dahilan sa na-bankrupt na ang gobyerno, nabawasan na ang mga serbisyo sa mga pampublikong ospital at klinika, eskwelahan, pampublikong gawain, at pautang para sa mga magsasaka at manggagawa. Dahilan sa pangungurakot noong kampanya, nawalan nang milyon-milyong piso ang OWWA, Sweepstakes Office, Departamento ng Agrikultura, at Pagcor. Wala na munang retirement benefits mula sa SSS at GSIS. Mahigit na limang trilyong piso na ang mga utang ng Pilipinas, na kailangang bayaran ng mamamayan, ngayon at ng mga susunod na henerasyon. Kasabay ng paghihirap ng ekonomiya ay ang mabilis na pagpapairal ng isang uri ng martial law na nagsisimula nang magtayo ng mga checkpoints sa mga probinsiya, naninikil sa mga karapatang pangtao, nangaapi, nananakot, at aktwal nang nang-aaresto ng mga taong ibig ipaglaban lamang ang kanilang mga karapatan at karangalan. Pinapatay na nila ang

The Chair’s Notes Susan Tagle

Gagged G

LORIA Macapagal Arroyo has so much to an swer for. That is why so much is being kept under cover. That’s why so many are being gagged, told to shut up. The election was fraudulent. It was not enough that, as no less than Bishop Teodoro Bacani claims, millions of voters were disenfranchised, particularly in Metro Manila, where he lost miserably. There was also rampant cheating as testified to just yesterday by Rodolfo Galang who “had been hired by an adviser of President Macapagal Arroyo to implement a plan to ensure her victory in vote rich Mindanao. Hadn’t Congressman Dilangalen vehemently protested FPJ’s zero vote in his hometown? That is why GMA’s cohorts in Congress adamantly refused to open the electoral returns that will prove the tampering of many certificates of canvass. They also effectively gagged the opposition by the tyranny of numbers. Moreover, the DOJ has moved

demokrasya sa ating bayan. At kapag pinapaslang ang demokrasya, naghahari (o nagre-reyna) ang kabuktutang may basbas ng demonyo. Habang may panahon pa ay hilingin natin na masugpo ang ganitong tumitinding kasamaan sa maraming panig ng ating lipunan dala ng Administrasyong Arroyo. Sa mga opispo ng Simbahan, sana ay muli nilang tingnan ang daang matuwid; sa mga nanatiling malinis na opisyal at kawani sa ilalim ng gobyerno ni Gng. Arroyo, hadlangan sana nila ang pagnanakaw sa kaban ng bayan; sa mga pulis at sundalo, ipagtanggol sana ninyo, imbes na sikilin, ang loobin ng mga mahihinang mamamayan; sa mga malalaking mangangalakal, tigilan na sana ninyo ang pagsasamantala sa inyong mga manggagawa at mga konsumer; sa bawa’t marangal na mamamayan, magkaisa tayo sa paglaban, sa mapayapang paraan, sa mga kasamaang inilalatag ng Administrasyong Arroyo. At kay Gng. Arroyo, humanda ka at salubungin ang poot ng mga mamamayan. to silence the KNP lawyers by accusing them, of the illegal detention of an opposition witness exposing poll fraud. Because of the profligacy of her campaign, the flagrant use of government resources, the government is in a “fragile financial situation.” The fact is that the government has spent P199.9 billions more than what it generated in 2003. When word got out that the government may impose a tax on text messages to help pare down the burgeoning budget deficit, a gag order on the issue was imposed by Malacañang. Now, the gag order has spread into the withholding of fiscal data as well as the barring economic managers from revealing details of the government’s tax plan. This does not bode well for the economy which, for all we know may be in ruin. The people are also being gagged. Protest actions have been met with violent dispersals and the opposition has been continually harassed by accusations of destabilized moves. Meanwhile many are waiting in the sideline like vultures, waiting to cash in on GMA’s political debts. Those who went out of their way to ensure her victory by hook or by crook are expecting juicy government positions. Their ambitions and greed are palpable. Will there be stealth on their appointments too as she continues to screw up the nation? Kawawa naman tayo. Dinaya na sa election, dadayain pa sa pamamalakad.


Opinyon

Ang Say Ko Bibeth Orteza

Ang tao at prinsipyo A

NG say sa akin ng kapatid kong duktor na angat na ang buhay, at masasabi nang nakaririwasa, itigil ko na raw ang pagsasama sa mga rally, pagsasalita at pagsusulat hinggil sa talamak na pandarayang kaugnay ng eleksyong kararaan. In short, manahimik na raw ako. For my own good daw, and safety. Ang say ko naman sa utol kong iyon, na best friend ko at best enemy noong kami’y lumalaki, hindi ako maaaring tumahimik. Hindi ako maaaring magkunwaring walang nangyayari. Kung noong bata pa ako’t wala akong access na kahit paano sa media, hindi ako sinagilahan ng takot na magsasama sa kilos-protesta, ngayon pa ba ako uurong? Pero may mga anak ka, giit niya. May mga anak nga ako, ‘kako. May mga anak ako, kaya gusto kong mailagay sa record na hindi ako nakiisa sa lokohan, at sa halip ay tumutol. Ayokong magising na lang bigla isang araw, para malamang nandaya ang mga anak ko sa isang exam sa school, at pagka sinita ko, sagutin nila ako: “But we always thought you would condone cheating, because you don’t even complain about it in an election!” Tandaan ninyo ang mga mukha’t pangalan ng mga kasama sa panloloko sa taongbayan. Hindi na sila kailangang isa-isahin pa, nakabuyangyang ang mga mukha nila sa TV, markado pati panluluwag ng butas ng kanilang mga ilong sa tuwing pinaiikutan nila ang oposisyon. May sasambulat na pangalan mula sa angkan ng mga iyan, ilang taon mula ngayon. Magdadaya sa iskwelahan para pumasa. Magdadaya sa opisina, para ma-promote. At, komo ang anak ng pulitiko malamang sa hindi ay nagiging pulitiko rin, magdadaya rin ang mga anak na iyan para mahalal. Salamat kay Bulilit at sa kanyang mga alipores, magiging institusyon na ang pandaraya. Cheating will be our way of life on a much, much grander scale, way beyond Ferdinand Marcos, who at least bothered to de-

Kidlat Junex Doronio

Ang kuwentong kutsero ni Cuenco at Macalintal BAKAKON? Sinungaling? First of all, batiin muna natin ng belated Happy Father’s Day si Cebu Congressman Tony Cuenco, ang “bright boy” na hindi raw nakakaintindi kay Maguindanao Digs Dilangalen kapag ito ang nagdidiskurso sa wikang pambansa na nakabase sa Tagalog. Huling-huli siyang nagbigay ng P500 sa isang “hakot girl” matapos itong mag-abot sa kanya ng bulaklak sa gallery ng Batasan noong araw ng Linggo at ang palusot ni Tony Cuenco ay pang-snacks lang daw. Kitang-kita rin si Tony Cuenco na nakipagbulungan kay Grace Maduramente, ang abogada ng K4 na daig pa si James Bond sa bilis dahil siya ang unang nakakuha ng kopya ng kasong “serious illegal detention and grave coercion” daw laban kay KNP lawyer Harriet Demetriou. Nakakatawa, dahil mismong si Demetriou ay hindi mabigyan ng kopya ng PNP Criminal Investigation and

HUNYO 23, 2004

clare martial law and install a dictatorship. Hindi siya nagtago sa likod ng demokrasya na tulad ng Babaeng May Nunal sa Mukha na hindi man lang nangiming ibando na ang eleksyon daw ng May 10 ay “triumph of democracy.” Ang masakit ay mismong kalaban ni Marcos noon ang siyang ka-alyado ni Nora Aunor look-alike ngayon, mapuwera sa mangilan-ngilang Nene Pimentel at Digs Dilangalen. Hindi ko malimutan ang binitiwan ni Bono Adaza sa Debate sa TV, three weeks ago. Kasama raw niya ang mga nasa kabilang panig noong 1986, noong siya ang “starter” sa Batasan at “Asterix!” ng “Asterix!” Magkakasama pa rin daw sila noong 1998, sa isyu ng pagbubukas ng second envelope. Pero ngayong magkahiwalay na sila, nakatayo pa rin daw siya sa prinsipyo, pagka’t “Principles do not change.” Tunay ka, hindi nagbabago ang prinsipyo. Tao lang ang nagbabago. Ang mga dating matatag sa pakikibaka laban kay Marcos ay narahuyo na at nabatu-balani ng salapi at kapangyarihan. Feel na feel nilang tama ang kanilang ginagawa, dahil matatalino sila’t mga inglisero. Marami sa kanilang umaamin na, oo na nga, corrupt si Ate Glo, pero maigi na raw ang corrupt kaysa sa “stupid” at siyempre pa, ang tinatawag nilang stupid ay si FPJ dahil hindi raw nakapagtapos man lang ng high school. But tyranny is tyranny. And here in this case, the tyranny of the English-speaking is just as reprehensible, perhaps even more so, dahil responsibilidad ng mga supposed to be matatalino ang hanguin ang bansa sa pagkakalugmok. Itong ginagawa nilang panunupil at patuloy na pagtatago ng tunay na bilang ng mga botong tinanggap ay hindi lang kahiya-hiya, ito ay walang kapatawaran. Hindi pa tapos ang paghahabi ng kasaysayan ng bansa, at sa kabuuan nito’y nagkakaroon tayo ng pagkakataon bilang mamamayan na mamili sa alin sa dalawa: Ang sumama sa agos o sumalungat dito. Ganito noong panahon ni Marcos, ganito pa rin sa ilalim ng kasalukuyang diktaduryang Gloria MacapagalArroyo. Ang sakit ng haplit ng truncheon noon ay walang ipinag-iba sa sakit ng haplit ng truncheon ngayon. Ito ang say ko. Detection Group nang pumunta siya sa tanggapan ni Director Art Lomibao. Worshipful sir, belated Happy Father’s Day rin! Sa ginawa ng aking paisano (kababayan) na si Tony Cuenco ay naalala ko tuloy ang sinabi ni FPJ: Ang kapatid ng sinungaling ay magnanakaw. *** Kung ako lang si JV Bautista, ang kinatawan ng militanteng party-list na Sanlakas, ay binato ko na sana ng bulok na kamatis si Mulong Macalintal, ang abogadong de kampana ng K4, dahil sa harapharapang pang-insulto sa katauhan at kakayahan ng dating anti-Marcos street parliamentarian. Biruin mo, kahit anong bulatlat ni JV sa harap ng joint committee noong Sunday tungkol sa kaso ng “dagdag-bawas” pabor kay Gloria Macapagal Arroyo sa maraming lugar ay nagbingi-bingihan lamang sina Macalintal, Joker Arroyo, Manny Villar, Juan Flavier, at maging ang “sosyalista” na si Congressman Butch Abad. Sa halip na kanilang ikonsidera ang ibinulgar ni JV ay tinawag pa ni Macalintal na kuwentong kutsero raw. *** Samantala, hindi rin malaman kung ano talaga ang battleplan ng retired Marines general na si Sen. Pong Biazon. Pumapel pa siya noong Linggo na kung pagbibigyan ng komite si Bro. Eddie sa kahilingan nitong buksan ang mga ER (election returns) sa tatlong ballot box ay

5

Bagong Umaga

Diskarteng Kalye Jess Santiago

Tapos na ang Boksing? “Tapos na ang boksing!” sabi ng referee, Alyas Congressional Canvassing Committee, “Panalo ang kampyong si President Gloria Kaya kanya pa ring hawak ang korona. “Kampo ng kalaba’y sobrang mareklamo At ayaw tanggaping sila ang natalo. Kesyo dinaya raw ang kanilang idol Ng aming pambatong ismol-bat-teribol!” “Okay, sabihin n’yong tapos na’ng eleksyon,” Sabi ni Senator Angara ng Quezon, “Pwede na rin ninyong itakda ang petsa Para ang manok n’yo ay maiproklama. “Pero proklamasyon ay ano ang silbi? Ang pagtatawana’y kayo’t hindi kami. Mabuway ang tindig ng inyong tagumpay Pagkat ang panalo’y sa daya dinaan. “Sambayanang Pinoy, sana ay magising, Tunay na istorya’y kanilang alamin. Nakatagong lihim sa election returns, Malao’t madali’y tiyak ding lalabas.” “Di kami hihinto,” dagdag ni Pimentel, “Sa aming krusada’y di kami titigil. Tiyak, sa debate sa plenary session Titirisin kami ng administrasyon. “Muli’y paramihan ang magiging laro, Partidong mayorya’y muling manduduro. Pero tuloy pa rin ang laban ng bayan Hanggang masiwalat ang katotohanan. “Tapos na ang boksing at nanalo kayo? Sabi nga’y ‘lokohin ninyo ang lelong n’yo!’ Anumang tagumpay na galing sa daya, Walang karangala’t dapat ikahiya!” dapat na rin daw pagbigyan ang kahilingan ng KNP na busisiin ang mga ER mula sa 20 CoCs (certificates of canvass). Naturalmente, ayaw ng mayorya, lalo na ang dalawang mambabatas na pinangakuan daw ng Cabinet position ni GMA. Pero aminin man o hindi ni Pong, naii-insecure siya dahil baka masilat pa ni Sen. Bobby Barbers ang 12th slot ng Senado at maging biktima uli ng “dagdagbawas.” Alam kasi niya at ng lahat nang butiki sa Kongreso na “napakalakas” ni Barbers kina Tabako at Joe de Bola.

Paredes Mula sa pahina 4 kasamahang mambabatas. Ngunit panalangin nga ng yumaong Senador Jose W. Diokno na sana maipagtanggol ng ating mambabatas ang taongbayan laban sa pagyurak ni Pangulong Marcos sa ating demokrasya nang kaniyang ideklara ang batas militar noong 1972. Ang mga halal na mambabatas daw ay dapat na tagapagtanggol ng sambayanan Pilipino. Ngunit huwag daw sana silang magkaroon ng ilusyon na sila ay kakailanganin ng taongbayan. Isang araw ay talagang mananaig ang hustiya. ‘Di man daw mabuo, tiyak na manunumbalik ang katinuan ng ating lipunan at muling bubuhayin ang kagandahangasal sa ating buhay.


Bagong Umaga

6

Balitang Bayan

HUNYO 23, 2004

Pasaway Joe Galvez

Hindi pa tapos ang tapos T

APOS na ang canvassing sa Kongreso. Tapos na ang kinatatakutan ng sambayanan. Bagamat inaakala ng mayoryang sipsip kay Gloria na matagumpay ang kanilang panlilinlang sa taongbayan ay nagkakamali sila. Hindi pa tapos ang laban. Mahirap naman yata para kay FPJ at Loren Legarda na tanggapin nang bukas palad ang alok ni Speaker Jose De Venecia na pagkakaisa o “unity and reconciliation” dahil ang tunay na nanalo sa presidential at vice-presidential elections ay si FPJ at Loren Legarda. Hindi matatanggap ng taongbayan kahit kelan na sa Gloria ang tunay na nanalo. Kung pinayagan lang sana nina robot Kiko at robot Raul na mabuksan at mabusisi ang mga election returns na nakasilid sa 3 ballot boxes ay pwede pa nating masabi o maalis sa isipan ng taongbayan na talagang malinis at walang kadudaduda ang pagkapanalo ni Gloria. Baka sakaling tanggapin din ni FPJ at Loren Legarda ang pagkapanalo ni Gloria kaso, hindi nga ganun ang nangyari. Una sa lahat ay winalanghiya at binaboy ng mayorya ang canvassing dahil sa lantarang pagtanggi nila na busisiin ang mga election returns mula sa 23 lalawigan. Hindi ito matatanggap ng taongbayan. Nilapastangan ng nasa mayorya ang sagradong boto ng mamamayan. Ninakaw ng mga robot ni Gloria ang boto ng nakararami. Naturingan pa namang mga respetado at kagalanggalang ang mga ito. Sinong magaakalang si Senador Juan Flavier, dating sekretaryo ng Department of Health at hinahangaan sa kanyang katapatan at integridad ay walang ginawa sa canvassing kundi ang itaas ang kanyang kamay tuwing nagkakabotohan para ituloy ang canvassing. Si Senador Ramon Magsaysay Jr. ay wala ding ginawa kundi ang itaas ang kamay para bumoto pabor kay Gloria. Mauunawaan ko pa kung sina Senador Ramon Revilla, Ralph Recto, Joker Arroyo at ang paru-parung si Rodolfo Biazon ang magtataas ng kanilang kamay para bumoto pabor kay Gloria pero…sila Flavier at Magsaysay? Hindi ko na babanggitan ang iba pang mga walang kasaysayang mambabatas na nagbingibingihan at nagbulagbulagan para lang mailukluk muli ang reyna sa nakaw niyang trono. Kung pwede nga lang bang magmura sa pahinang ito ay gagawin ko dahil suklam na suklam na ako sa mga robot ni Gloria. Nakakadiri at nakakasuka kayo! Maging ang Santo Papa sa Roma ay nanghinayang sa kahihinatnanan ng bayan natin dahil sa tindi ng katalamakan ng mga pulitiko dito. Pero hindi sila Magtatagumpay. History will repeat itself. Lalabas at lalabas ang katotohanan ng kademonyohan nila. Dahil tulad ng sinabi ni Atty. Frank Chavez sa Club Filipino: “GMA resign or face the power of the people!” Tama si Chavez. Taongbayan ang nagluklok sa mga halal ng bayan kaya taongbayan din ang magpapatalsik sa kanila ‘pag hindi nila itutuwid ang kanilang kawalanghiyaan.

HIGIT pa dito ang handang lumabas sa kalye upang iprotesta ang malawakan at garapal na dayaan sa nakalipas na halalan at ilantad ang tunay na nagwagi.

FPJ supporters aapaw sa kalye Ni Monique del Monte

LALUNG nag-iinit ang pangigigil ng milyong mga supporters ni Fernando Poe Jr na lumabas ng kalye upang iprotesta ang huwad na proklamasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Binigyan diin ni G. Boots Cadsawan ng FPJPM na sa dami ng sumusuporta kay FPJ ay tiyak na mapupuno ang kalunsuran. “Baka umapaw ang Metro Manila kung papayagan natin sila na lumuwas dito,”ang babala ni Cadsawan. Idinagdag pa nito na sa ngayon ay patuloy lang ang pagdaraos ng prayer vigil ng mga sumusuporta kay Ginoong Poe at nananatili ang kanilang pagmamahal sa pinili nilang

maging lider ng bansa sa mga susunod na dekada. Layunin ng prayer vigil na mamayani ang katotohanan hinggil sa tunay na inihalal ng taongbayan. Naninindigan naman si G. Manuel Portes ng FPJM na ang nagwagi sa halalan ay si FPJ at lumitaw lang na nanalo si GMA dahil sa isinagawang malawakan at sistematikong dayaan. Nananatili na buo ang mga supporters ni FPJ at idinaraos nila ang prayer vigil sa ibat ibang lugar sa Metro Manila. Nagbabala naman si Sen. Edgardo Angara na hindi huhupa ang pagdududa ng taongbayan sa resulta ng halalan kung patuloy na magmamatigas ang mayorya na ipagkait ang pagbubukas ng Elec-

tion Returns (ERs). Inihayag ni Angara na lubos na dismayado na ang mga tao kaya inaasahan na hindi huhupa ang galit ng tao at sa imbis ay lalung lalawak ang protesta laban sa resulta ng halalan. “It (the protest) will continue to grow than recede,” ayon pa kay Angara. Nalulungkot si Angara na hindi pinagbigyan ng mayorya ang huling hirit at apela ni Bro. Eddie Villanueva na buksan ang ERs. “It’s a cry in the wilderness,”ayon pa kay Angara. Nairita naman si Senadora Tessie Aquino Oreta sa mayorya na patuloy na manhid sa katotohanan at pinagpipilitan sa kanilang lalamunan ang proklamasyon ni GMA kahit na kwestiyonable ito.

Final report ng joint committee:

Dadaan sa butas ng karayom DADAAN sa butas ng karayom ang final report ng joint committee na isusumite sa joint session ng Kongreso. Ito ang pahayag ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos. Ayon kay Marcos sa kabila ng ginawang pambabraso ng joint panel upang madaliin ang pagka-canvass ng mga boto para sa presidente at bise presidente, malalagay sa gusot ang mga kaalyado ng Malakanyang sa sandaling pagdebatehan na ang committee report sa plenaryo. “Kung iniisip nilang tapos na ang laban, aba’y nagkakamali sila (administrasyon). Kung tutuusin, simula pa lang ang tunay na labanan dahil hindi naman nila pinansin kahit isang beses man lang ang mga kuwestiyon na inihahain ng minorya noong binubuksan pa lamang ang mga certificates of canvass,” ani Marcos.

IMEE Marcos

Tinuligsa rin ni Marcos sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Jose De Venecia dahil sa pagkukubli ng mga ito sa mga anomalya sa canvassing sa pamamagitan ng pamumulitika at propaganda. Binigyan diin pa ni Marcos na ang debate sa plenaryo tungkol sa final report sa canvassing ang huling

tsansa ng 12th Congress na ipakita ang pagiging parehas at pagiging tapat ng mga miyembro nito bilang mga halal ng bayan. “Lahat tayo,maging mayorya o oposisyon ay dumaraan sa mapanuring mata ng taongbayan,” ayon pa kay Marcos. Sa katunayan isa ito sa dalawang baraha ng oposisyon upang maudlot ang proklamasyon ni GMA sa nalalapit na sagupaan ng mayorya at minorya.. Inaasahan din ng oposisyon na ipapawalang bisa at idedeklarang illegal ang pagpapairal sa joint committee. Lubos na pinaghahandaan ng oposisyon ang pagluto ng Kongreso na maiproklama ang nanalo at ang paggamit ng mayorya ng taktika na “tyranny of numbers.” Pinagsamang ulat nina Danilo Ramos at M.V. De Leon


Balitang Bayan

HUNYO 23, 2004

7

Bagong Umaga

MOMENT OF TRUTH? Ipinapaliwanag ni Sanlakas Rep. J.V. Bautista ang pruweba ng pandaraya sa Mindanao at kung paano tinakot ang watchers ng KNP ng mga alipores ni GMA. Katabi niya si Rep. Digs Dilangalen at Sen. Ed Angara. Makikita sa larawan sa kanan si House Speaker Joe de Venecia na binabasa ang CoC mula sa Basilan habang matamang nakikinig sina (mula sa kaliwa) Sen. Angara, Senate President Franklin Drilon at Sen. Nene Pimentel.

FIREWORKS. Naninindigan si Sen. Tessie Aquino-Oreta na dapat mabuksan ang mga election returns upang mailantad ang katotohanan sa nakalipas na halalan. Sinusuportahan siya ng buong koponan ng oposisyon kabilang sina Sens. Angara, Serge Osmeña at Pimentel. Ito ang tensyonadong drama sa loob ng Kongreso habang sa labas ay nagngangalit ang mga FPJ supporters sa pagkondena sa sistematiko at talamak na dayaan na naganap. Taliwas dito ang eksena ng pulutong ng mga sundalo na natutulog at dedma lang sila sa mga nangyayari. Mga kuha nina JOSEPH MUEGO at ROBERT ROXAS

JOSEPH MUEGO

Tilamsik

MANAY Ichu Maceda

Kuya Mar

Mula sa pahina 8

hindi pa siya nagiging father, nabigla si Paolo at napaamin siya. Hindi nga lang niya binaggit kung sino yung sana’y naging ina sana ng kanyang anak at age 22. “Huwag na lang yun,” pagsusumamo niya. Madalas na mapa-link si Paolo sa kung sinusinong babae pero

walang kinahihinatnan ang mga tsismis na yon. Kung minsan tuloy ay kinukwestyon ng mga intrigero ang kanyang gender, bagay na ipinagkikibit lang niya ng balikat. Si Paolo ang host ng isa sa may pinakamagandang format na mga shows ng GMA, ang Extra Challenge na kung saan-saang dako ng mundo isinasagawa.

Mula sa pahina 8

nagsasabi si Albert daw hindi marunong makisama at wala pang naipunla. At si Leo Martinez naman daw, may pagka-antipatiko. Granting na totoo, dapat pa rin suportahan ang local Oscars. Sana dumating lahat ang mga nominees at mga naimbitahang maging presentors ng mga trophies, pati na mga guests. Sana dumating sila on time at tapusin ang seremonya. Huwag yung after an hour or so, tumatakas na. At ang entertainment media, sana magbihis din kayo ng ayon sa okasyon. Huwag yung naka-T-shirt at maong kayo sa isang pormal na okasyon. xxx May malaking problema ang isang actress na married to the son of a magnate. May sakit ang isang malapit na kamag-anak at siya ang gumagastos. Ang laki ng hospital bills, pero limitado naman ang pondo niya dahil semi-retired na siya. Ayaw ni mister na mag-full time siya sa showbiz. E bakit hindi siya humingi ng tulong sa kanyang filthy rich husband? Nahihiya umano ang actress. Ayaw nga niyang sabihin sa asawa ang problema. Hindi naman daw duty ng mister na ipagamot ang kamag-anak ng kanyang misis. May katuwiran at delicadez ang actress. Pero dapat humingi si actress ng permiso sa kanyang mister, kung ayaw niya ng pera, permiso man lang na payagan siyang lumabas uli sa pelikula at telebisyon. xxx

Nakausap ko ang beauty expert na si Jay P. Delgado at ayon sa kanyan kailangan talaga na salain ng mabuti ang mga representative na ipinapadala ng Pilipinas sa mga international beauty pageants na katulad ng Miss Universe, Miss World, at Miss International. Siguraduhin daw na matangkad, makinis, mabango, shapely and sexy. And, of course, they should be beautiful. How about intelligent? Jay says di naman kailangan na summa cum laude or magna cum laude material ang mga beauty titlists na ito. It is enough that she be smart - and not really Bobbita Sanchez (as in nothing between her ears). She doesn’t even have to be fluent in English, kasi pwede siyang magkaroon ng interpreter. It’s enough na mag-stand out ang kanyang personality. Look at Melanie Marquez. Sabi pa ni Jay, ang mga nananalo at ang kanilang mga runners-up sa local beauty pageants natin, kailangan ng masusing training in developing poise and personality. They don’t have to be trained in Venezuela or Colombia (bansa ni Stella Marquez-Araneta ng Bb Pilipinas Foundation). Madaming qualified na magbigay ng ganitong training sa mga potential international beauty queens dito mismo sa atin. Isa pang suggestion ni Jay P. Delgado, itigil na daw ang pagdadamit ng “pintado-inspired” costumes para sa mga kandidata natin kapag sumasama sa parade of national costumes. Mas maganda naman ang ating terno or Maria Clara, o kaya’y Muslim-inspired na damit.


Entertainment

RICHARD Gomez

ROSANNA Roces

LOLIT Solis

8 HUNYO 23, 2004

Taon1 Blg.16

Mapapakiusapan Ibalik ang bang manahimik si glamour sa Rosanna Roces? FAP awards FRIDAY nang makausap ko si Richard Gomez sa radio program ko sa RMN Manila. Naitanong ko kung paano at nadamay siya sa alitan nina Rosanna Roces, Lolit Solis at Dra. Vicky Belo. “Hindi ko nga malaman, e,” sagot ni Goma, tawag kay Richard ng malalapit na kaibigan. Nagtataka siya kung bakit ang gusto ni Osang ay ipagtanggol niya ang huli. “Bilang nasa media kapag may kontrobersyang ganito nagsisikap tayo na makuha ang pahayag ng magkabilang panig,” katuwiran ni Goma. Kabilang ang aktor sa mga host ng S-Files sa GMA tuwing Linggo, kasama nina Joey Marquez, Paolo Bediones, at Janice de Belen. “Dalawang araw bago ko ma-interview si Lolit, hinagilap ko na siya (si Rosanna) pero di niya sinagot ang tawag. Pati si Tito (asawa ni Osang), hindi rin sinagot ang tawag ko.” Ayon kay Goma, nakakasama niyang madalas si Tito sa target shooting at itinuturing niyang kaibigan. “Pero nang kailangan ko siyang makausap ay di ko siya mahagilap,” patuloy ni Goma. Bakit daw hindi mo ipinagtanggol si Osang

gayong magka-puso pa naman kayo sa GMA? “Kung meron man akong ipagtatanggol sa pagitan nina Lolit at Osang, uunahin ko si Lolit. Mas malalim ang pagiging magka-puso namin,” paliwanag ni Goma. “Pero sa ngayon wala akong pinapanigan sa kanila, ang hanap ko ay katuwiran nila kapwa. Nagkataon lang na si Lolit ay nagkaroon kaagad ng panahong magpainterview sa akin.”

Teka muna Ni Kuya Mar

umiral na naman ang kapilyuhan ni Richard Gomez. Akalain niyo ba namang matapos na ibalita na si Vanessa del Bianco ay palihim na dumating, at palihim ding umalis ng bansa, ay binalingan nito ang cohost na si Janice de Belen. “Sakaling magka-

“Kung meron man akong ipagtatanggol sa pagitan nina Lolit at Osang, uunahin ko si Lolit. Mas malalim ang pagiging magka-puso namin,” – Goma. Sa pagtatapos ng aming usapan, nakiusap si Goma kay Osang. “Kuya Mar, pakiusap ko na lang kay Osang, manahimik na lang muna siya. Mas makabubuti yon para di na lumawig pa ang gulong ito. Maliit lang ang mundo ng showbiz at malamang na sa malao’ymadali, magkasalubong ang landas nila. Kesa madamay pa ang kung sinu-sino, tapusin na nila ito,” ang tila pagsusumamong sabi ni Goma. Napag-uusapan din lang yang pagsasalubong-ng-landas, noong Linggo sa S-Files,

salubong kayo ni Vanessa, ano ang gagawin mo,” tanong ni Goma sa medyo nabiglang si Janice. Napabalitang si Vanessa del Bianco ang girlfriend ni John Estrada, dating asawa ni Janice. Napangiti si Janice, ngiting pilit, sa ginawang pangungulit ni Goma. “Siguro babatiin ko ng ‘Hi,’ Yun lang,” sagot ni Janice. “Alangan namang makipagtsikahan pa ako sa kanya,” nakatawa pero halatang nagngitngit si Janice. “Nakita na ba ni John ang boyfriend mo?”

patuloy nang hirit ni Goma. Parang hiyang-hiya si Janice at hindi naka-imik, nakatingin kay Goma na parang humihingi ng konting habag. “Biro lang,” bawi ni Goma at niyakap si Janice na parang inaalo. Umiiwas talaga si Janice na mapag-usapan ang tungkol sa suitor o boyfriend niyang bukod sa pagiging law student ay aktibong miyembro ng isang kapatirang pang-relihiyon. Hindi naman naitatago ang kanilang relasyon sa nasabing kapatiran dahil nakikita silang magkasamang sumasamba. Bagama’t napawalang bisa na ang kasalang John Estrada at Janice de Belen, hindi ganoon kadali para sa kanila na ipagsigawan sa lahat ang kanilang pakikipag relasyon sa iba. Marahil nagkakahiyaan pa sila. Sa S-Files pa rin noong Linggo, hindi sinasadyang umamin si Paolo Bediones na sa gulang na 22 ay muntik na siyang maging ama. Kaya lang ay nalaglag daw ang bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Father’s Day presentation ng show at sa pabirong pagtatanong ni Joey Marquez kung bakit Sundan sa pahina 7

P

AKIUSAP ni Albert Martinez sa Ni Ronald K. Constantino mga tagaGuest Columnist pelikula, mga kapwa niya artista, mga director, producer, scriptwriter, at iba pa, na bigyan ng all-out support ang Film Academy of the Philippines awards night na gaganapin sa CCP sa July 3. Ibig ni Albert, na siyang nakatalagang mamahala sa awards night sa taong ito, na maibalik ang glamour sa nasabing okasyon. Ang FAP award ang local equivalent ng Oscars sa Hollywood dahil sa pagpaparangal ito ng movie industry sa mga tagaindustriya. Ito ang tinatawag na pagkilala ng mga taga-industriya sa kanilang mga kasamahan o peer award. N o o n g panahon ni Manay Ichu Maceda in the early ’80s, bongga ang FAP awards night. Bihis na bihis ang mga z e in rt T Ma artista at deserving ang mga ALBE R winners. But after Manay Ichu, nawala na ang glamour, kasama pati credibility nito bilang award-giving body. Nakapanghihinayang ito kasi dapat lang na maging most coveted FAP award. Nasa pamumuno ni Leo Martinez ang Film Academy, kasama si Albert Martinez, at sabit sila sa mga punang hindi kaaya-aya. May mga

TILAMSIK

Sundan sa pahina 7


Bagong Umaga