Page 1

W

ALANG matinong mamamayang tatanggapin ang ideya ng isang pekeng presidente ng Pilipinas. Lalong hindi matatanggap ninuman kung ang nasabing ay maging isang EDITORYAL ideya masaklap na realidad. Inaasahang bago mangyari ang huli - ang iproklama si Gng. Gloria Arroyo ng kanyang kampo bilang presidente nila - ay hindi lamang magdarasal nang mataimtim kung di gagawan

Mga kuha ni JOSEPH MUEGO at JOE GALVEZ

Sundan sa pahina 4

HAMBALOS at water canon ang sumalubong sa mga raliyista na nagtipon sa Mendiola noong Biyernes upang ihayag ang damdamin ng bayan laban sa pagsiil ng pamahalaan sa totoong resulta ng eleksyon.


Bagong Umaga

2

Balitang Bayan

HUNYO 21, 2004

BRUTAL NA REHIMEN! – FPJ Ni Junex Doronio

MARAHAS na eksena sa Mendiola.

Kuha ni JOSEPH MUEGO

MARIING binatikos ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) standard-bearer Fernando Poe Jr. ang brutal na pagbuwag ng mga kagawad ng Western Police District sa mapayapang protesta laban sa garapalang dayaan ng nakaraang eleksyon bilang tahasang pagsikil sa mga karapatang sibil ng mamamayan. “Aming binabatikos ang marahas na pagbuwag ng pulis sa rali sa Mendiola na bumabatikos sa malawakang dayaan sa nakalipas na eleksyon,” pahayag ni Poe ilang sandali matapos maiulat ang dispersal ng FPJ supporters. Siyam na rallyista, kabilang ang tatlong kababaihan, ang iniulat na hinuli at binugbog ng mga pulis noong Biyernes sa paratang na ang mga ito ay sangkot sa destabilisasyon laban sa rehimeng Macapagal Arroyo. Isa sa mga nahataw ng truncheon ng anti-riot police ay si Baby dela Cruz, pangulo ng Masa, isang pro-FPJ group, sa paanan ng Chino Roces Bridge (dating Mendiola) patungong Malakanyang. “Naniniwala kami na ito’y isang direktang pag-atake sa karapatan ng mamamayang Pilipino sa mapayapang pagtitipon at i-petisyon ang mga hinaing na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon. Nauunawaan ko na marami sa mga kasama sa rali ay nasugatan habang sila’y pinagpapalo ng truncheon at pagbobombahin ng water jet. Nakikisimpatiya ako sa mga biktima,” ani Poe. Bandang alas 2:25 ng hapon noong Biyernes nang magsimulang magtipun-tipon ang ilan daang FPJ supporters sa pangunguna nina dating MTRCB chair Armida Siguion-Reyna, premyadong scriptwriter Bibeth Orteza,

Martial law na ba?

Overkill na supresyon NI MV De Leon

PUNUNG-puno na ang mga militanteng grupo sa ginagawang panunupil at supresyon ng rehimeng Arroyo laban sa mga kilos-protesta ng mamamayan. Binatikos ni SANLAKAS National President Wilson Fortaleza si Pangulong Gloria Macapagal-

Arroyo sa umano’y pakubling pagpapatupad nito ng martial law para ipagtanggol ang sariling interes laban sa lumalawak na protesta sa pandaraya sa eleksiyon. “Susupilin rin lang naman ang pasya at karaingan ng taumbayan, e bakit pa nageleksiyon? Sana nagdeklara na

lang si GMA ng Martial law para magkalinawan na,” pahayag ni Fortaleza. Ayon pa kay Fortaleza, kung ang martial law ni Marcos ay ibinase sa mga scripted scenario, tila ganito na rin ang nangyayari ngayon dahil sa kaliwa’t kanang bogus scenario na pinalulutang ng mga alipores ng Malakanyang. Dagdag pa nito, “kung may sistematiko at malawakang dayaang naganap noong nakaraang eleksiyon, may sistematiko at malaganap ding

DITO PO SA BAYAN KO Ang nagbabantang mga protesta Sumapit na ang tag-ulan at tila hindi lang pagbuhos ng ulan ang nagbabadya sa masamang panahon kundi isang paparating na unos ng mga kilos protesta. Ngunit dapat nating linawin na hindi ang oposisyon ang nag-uudyok ng mga kilos protesta laban sa rehimeng GMA kundi ang estado mismong ito ang nagtutulak sa mamamayan na lumabas sa lansangan para isagawa ang tunay na paghahatol sa nakaraang halalan.

Ms. Annabelle Rama at dating PCSO official Linggoy Alcuaz at bigla lamang silang pinasiritan ng malakas na puwersa ng tubig-bumbero ng mga pulis na nasa likod ng barbed wires. Hindi pa nakuntento ang mga pulis ay hinabol pa nila ng hataw ng truncheon ang papaatras na mga rallyista hanggang sa kanto ng Morayta. Pinasok ng mga pulis ang Jollibee at McDonald at pinapauwi ang mga kumakain sa pag-akalang kabilang sila sa mga nagprotesta laban sa pandaraya ng rehimeng Macapagal Arroyo. Binubuwag din ang nakikitang mga grupo ng lima at anim katao na ikinabigla ng maraming nagdaraan na walang kamuwang-muwang sa nangyaring bayolenteng dispersal sa tulay na malapit sa Palasyo. Bukod kay dela Cruz, kinilala ang tatlong biktima ng karahasan na sina Maria Dalo, Emmy Lonar at Nanay Felipa, na pawang kasapi ng isang militanteng urban poor group na nakiisa sa FPJ supporters sa pagtuligsa sa talamak na dayaan noong nakaraang eleksyon. Pahayag ni Poe: “Tayo’y bumabalik sa isang makapangyarihang pamumuno at brutal na pagsikil ng civil liberties na isinasagawa ng isang rehimen na nangangamba sa hatol ng May 10 elections at determinado sa lahat ng paraan na panatiliin ang mga ilehitimong kapit sa kapangyarihan anuman ang magiging mapanganib na resulta sa ating bansa at mga mamamayan. “Muli akong umaapela sa aking mga tagasunod na manatiling kalmado. Umaapela rin ako sa ating mamamayan na maging mapagbantay sa panganib na masikil sila sa kanilang civil liberties at karapatan ng mga taong nais manatili sa kapangyarihan nang walang lehitimong pagsang-ayon ng taongbayan.”

supresyon para supilin ang mga ebidensiya ng pandaraya. Naniniwala rin si Fortaleza na mistulang moro-moro na lamang ang nangyayaring canvassing sa Kongreso dahil niluluto na ng administrasyon sa pamamagitan ng mayorya sa joint committee ang proklamasyon ni GMA. “Ang malungkot nito kapag ang naproklamang Pangulo ay naluklok dahil sa dayaan at hindi totoong nabigyan ng mandato ng halalan, anim na taon nitong lolokohin ang mamamayan sa anim na taon nitong panunungkulan.” Dagdag

pa ni Fortaleza. Ganito rin ang pahayag ni Teddy Casino, incoming Bayan Muna representative, na nagsabing dapat pagbigyan ang kahilingan ng minorya sa Kongreso sa ngalan ng “transparency and truth”. Nagbabala si Carino na ang pambabraso ng mayorya ay maaring mauwi sa malaking protesta sa lansangan katulad ng nangyari sa pagtanggi sa pagbubukas ng 2 nd envelope noong impeachment trial laban kay Pang. Joseph Estrada.

Na-edsahan tayo: Naging matagumpay ang sambayanang Filipino sa pamamagitan ng people power na tuluyang nagpatalsik sa diktadurang rehimeng Marcos. Matatandaang nagsimula din sa malawakan at sistematikong dayaan sa canvassing ng mga balota sa Batasang Pambansa sa pangunguna ni G. Yniguez – na siyang chairman noon ng canvassing committee. Malamang uhugin pa si G. Kiko “Noted” Pangilinan noong mangyari ang mga ito, kaya feeling niya na isang dignified na tungkulin ang ginagawa niya bilang pawn ni GMA na pagtakpan ang mga pekeng CoCs sa Kongreso.

Walk out: Sadyang ikinakalat at ini-intriga ng Malacañang ang oposisyon na ang huli ay maglunsad ng walk-out sakaling di masunod ang kanilang kahilingang mabuksan ang mga CoCs sa canvassing. Napakahusay talaga ng mga “Bright Boys” ni GMA sa palasyo mistulang showbiz kung mang-intriga, may duda akong pinalitan na ni Lolit Solis si G. Norberto Gonzales bilang psywar tactician.


Balitang Bayan

HUNYO 21, 2004

3

Bagong Umaga

‘GMA, sumuko ka na!’ Ni Joe Galvez

ITO ang silakbong sigaw ng Katolikong pari na si Fr. Joe Dizon ng grupong Patriots nang magsalita siya sa harap ng mahigit na 15,000 taga-supporta ni Bro. Eddie Villanueva sa Cuneta Astrodome. Mainit at matatag ang panawagan ni Fr. Dizon sa mga taga-supporta ni Villanueva na huwag isusuko ang laban nila sa paghahanap ng katotohanan. Binatikos ni Fr. Dizon ang aniya’y maanomalyang pangangampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang talamak na dayaan noong nagdaaang Mayo 10 halalan. Sinabi ni Fr. Dizon na wala nang karapatan si GMA na magtagal pa sa Malakanyang dahil wala na umano siyang mandato sa taongbayan. Inakusahan din ni Fr. Dizon si GMA na siyang utak sa malawakang dayaan na naganap noong nakaraang halalan. Pinalibutan ng mga armadong tauhan ng militar at mga pulis ang nasabing prayer rally na ikinagulat

ng mga dumalo sa nasabing lugar. Sa kabila nito hindi naging hadlang ang presensya ng mga military at pulis upang lalung batikusin ng mga dumalo sa nasabing thanksgiving at prayer rally ang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. “Si GMA ay bagsak sa atin dahil nabigo siyang bigyan tayo ng isang eleksyon na maari nating ipagmalaki sa buong mundo,” sigaw ni Fr. Dizon. “Sa halip ay puro kahihiyan ang binigay niya sa sambayanang Pilpino!”

“Nabigo din si GMA na bigyan tayo ng eleksyon para magkaisa tayong lahat at sa halip ay lalu tayong nagkawatakwatak,” dagdag na paliwanag ng pari. “Nabigo si GMA na bigyan tayo ng eleksyon para umusad tayo tungo sa pagunlad at sa halip ay ginamitan tayo ni GMA ng terorismo, pananakot, panggigipit, intimidasyon at pagpatay para lamang manatili siya sa kapangyarihan.” Hindi nakitaan ng lungkot ang mga taga-sunod ni Bro. Eddie sa mga binigkas na salita ni Fr. Joe Dizon at sa halip ay buong pagsangayon at sigla silang nag alay ng mga awitin at salaysay para sa kanilang lider. Kapunapuna din na bakas sa mga mukha nila ang kagalakan at kasiyahan kahit na natalo si Bro. Eddie sa nagdaang halalan. Ayon kay Bro. Philip Castillo, Chairman ng Bangon Kabataan, ang katotohanan ay hindi para sa kahit kaninong kandidato ngunit ito ay para sa sambayanang Pilipino. “Ang malawakang dayaan at paglustay sa kaban ng bayan ay isang karumaldumal na gawain na

BRO. EDDIE at Fr. Joe Dizon.

Kuha Ni JOE GALVEZ

dapat pagbayarin,” sabi ni Castillo. Sinabi din ni Castillo na ang mga kabataan ngayon ang higit na naapektuhan ng paglustay ng milyun-milyong pondo ng gobyerno na ginamit lang sa nakaraang halalan. “Tignan nyo ang kalagayan ng mga kabataan ngayon na pumapasok ng walang libro, walang upuan, walang classroom at walang teacher,” sabi ni Castillo.” Hanggan kailan tayo magtitiis? Hanggan kailan tayo magbubulag-bulagan sa usaping kalagayan ng bayan?” Hindi rin pinalampas ni Bro. Eddie Villanueva ang init ng

hinagpis ng kanyang taga-sunod at mga panauhin at binatikos din niya ang rehimeng Arroyo dahil sa lantaran at talamak na dayaan sa nagdaang eleksyon. Nagpasalamat din si Villanueva sa mga panauhin niya mula sa simbahang Katoliko na kinabibilangan nina Fr. Joe Dizon at Fr. Leonardo Polinar na nagbigay din ng makatotohanang mensahe sa kanila. Nanawagan din si Bro.Eddie Villanueva sa kanyang mga tagasunod na laging daanin sa panalangin ang paghahanap nila sa katotohanan at huwag isusuko ang laban.

‘Bayan Ang Bida’ website nanalo sa disenyo ANG www.bayanangbida.com website ng FPJ Communication Group at ng tabloid na Bagong Umaga ay nanalo ng BEST WEB DESIGN sa 9th Graphic Expo 2004 na ginanap sa Philippine Trade Training Center (PTTC) Pasay City. Naging paborito nang mga judges at viewers ang naturang website dahil naghahayag ito ng mensahe sa mga Pinoy cyberspace habitués dahil sa kakaibang graphic design at impormasyon na taglay nito. Ayon kay Susan Tagle, editorial board chair ng Bagong Umaga na ang pagkapanalo ng website sa kompetisyon ay testamento ng walang pagod na pagsisikap ng mga staff sa pamumuno ng art director at webmaster na si Nanie Gonzales, political cartoonistsatirist Benjo Laygo, website editor Armin Alforque at editor-in-chief Joel Paredes.

Tulad ni Cory Aquino noong EDSA 1 wala ring pundamental na pagbabago kay GMA nang mailuklok siya sa kapangyarihan bunga ng EDSA 2. Sa halip na pagsilbihan ni GMA ang mamamayan na siyang nagluklok sa kanya sa kapangyarihan lalo niya pa ‘tong binusabos at nilugmok sa kumunoy ng kahirapan. Sa halip, naging abala siya sa pangangampanya para sa susunod na eleksyon simula noong unang araw pa lang niya sa palasyo. Tila ata nalasing sa kapangyarihan at ayaw nang bumitaw si GMA sa poder at kahit na binabagyo ito ng mga kilos protesta ng mamamayan lalo itong kapit tuko sa kapangyarihan.

Sinabi pa ni Tagle na ang pagkapanalo ay hindi inaasahan ng grupo na hanggang sa ngayon ay walang humpay sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa bilihan ng boto, dayaan sa eleksyon at iba pang iregularidad sa halalan. “No tampering of the voting results attended this big win for us,” sabi pa ni Tagle. Pinamunuan ng sikat na iskultor na si Ramon Orlina ang 8-kataong miyembro ng judging committee na bumoto para sa www.bayanangbida.com. Mahigit sa isang-daang digital art groups at mga artists ang nakilahok sa prestishiyosong taunang kompetisyon. Ang nasabing kompetisyon at eksibisyon ay inorganisa ni Norelyn Babiera ng Fiera de Manila, Inc. (FMI). Ang iba pang isponsor ay ang eArt Phils., Epson, Senco Link, Phil Metro.

Ipaglaban ang kalayaang sibil: Ipinabubuwag ng rehimeng GMA ang anumang kilos protesta laban sa kanya dahil ito raw ay paglabag sa batas may permit o wala. Madam GMA ‘yung EDSA 1 ba may permit sa gobyerno noong inilunsad ng mamamayan laban sa diktadurang Marcos, nagtatanong lang poe? Hindi lang pala mahina sa Economics si GMA, mahina rin siya sa History. Kung ganoon, paano siya naging presidente? Dapat siyang ibalik sa prep hindi dahil sa height kundi dahil sa isip niya.

Tinanggap nina (mula sa kaliwa) editor-in-chief Joel Paredes, webmaster Nanie Gonzales at political cartoonist/satirist Benjo Laygo ang plake sa pagkakapanalo ng bayanangbida.com ng top prize sa web design competition ng 9th Graphic Expo 2004 sa Philippine Trade Training Center.

Ang nagbabadyang unos ng malawakang kilos protesta. Ipinagkakalat ng palasyo na may napipintong destabilisasyon na gagawin ang oposisyon upang di matuloy ang proklamasyon ng natalong kandidato bilang pangulo, Nay, nakatakot nga! Madam ex-President hindi na kailangan ng oposisyon na magpasiklab ng kilos protesta laban sa inyong rehimen dahil matagal na pong ubos ang pasensiya sa inyo ng mamamayang Pilipino hindi lang sa pandaraya niyo kundi ang kahirapang sinasapit nila sa inyong pamumuno.


Bagong Umaga

Opinyon

HUNYO 21, 2004

4

EDITORYAL

Ang BAGONG UMAGA ay inilalathala ng People and Advocacy, Inc. na may tanggapan sa 6F Lansbergh Place, Tomas Morato Ave., Quezon City. Telefax 372-8560 SUSAN TAGLE Chairman of the Editorial Board JOEL PAREDES Editor-in-Chief • JUNEX DORONIO Managing Editor JOE GALVEZ Metro Editor • ISKHO F. LOPEZ Entertainment Editor BENJO LAYGO Art Director • NANIE GONZALES Associate Art Director JOSEPH MUEGO Photo Editor ROJA SALVADOR Research Head • ROSE BINGAYEN Editorial Assistant NATY GUERRERO Marketing Manager • RAINNIER TAVU Circulation Manager

Ang Buhay Nga Naman Joel Paredes

Bakit ‘di makatulog si GMA? M

AY malaking problema si Gloria Macapagal Ar royo, at ito ang dahilan kung bakit hindi raw ito makatulog nang mahimbing simula noong Mayo 10. Batay sa mga nakalap ng ating mga espiya sa Palasyo, inabot nang higit 3 oras ang pahihintay ng ilang amiga ni Gloria para mananghalian nang libre as Malakanyang. Ang dahilan? Hindi makaupo si Gloria dahil kung sinu-sinong taga Comelec ang kausap sa cellular, lalo na yung mga nakadestino sa Mindanao. Ganyan pala talaga itong si Gloria. Sinisigurado niya na magtatrabaho ng maayos ang mga election officers. Hands-on management daw ang tawag niya rito. Importante ito sa kinabukasan ng bayan dahil hindi nga pala makapagtrabaho si Comelec chairman Ben Abalos. At dahil sobrang sipag ng Señora, siya na rin pala ang tumatayong chairwoman ng Comelec! Lalong hindi makakatulog si Gloria matapos na wasakin ng mga pulis ni Supt, Manolo Martinez ang mga demonstrador sa Morayta, Mendiola, San Sebastian Church at iba pang lugar. Napakagaling nitong si Tio Pando, dahil pati nagtitinda ng yosi, turon at barbecue ay hinataw din ng mga guapitong rookies na nakatalaga sa istasyon niya. Para sa kaalaman ng buong bansa, itong si Martinez ay lonely sa Pilipinas dahil ang pamilya pala nito ay stateside na. Kaya libre rin siyang mambambo ng inosenteng sibilyan at pati na rin ang mga makatwirang nagpoprotesta. Ang gusto yata nitong si Manolo ay maulit ang masaker sa Mendiola. Mabalik tayo kay Gloria. Ang mga doktor na ating nakapanayam ay nakikita ang napakataas na antas ng distress nitong si Gloria. Patong-patong na ang eyebags nito at sakbibi ng lungkot ang kanyang kutis porselanang mukha. Aba, Ginang Arroyo, hindi maganda ang ganyan. Handa si Ricky Reyes na pagandahin ka. Di ba, siya ang tagapagpaganda ng mga lola? Sa totoo lang, kabi-kabilang problema ang humahataw kay Señora dahil hindi makapaniwala pati ang Washington sa resulta ng eleksyon at sa malawakang pandaraya na nangyari noong Mayo 10. Isa lamang ang hiling ng State Department at ni President Bush—na maging credible ang eleksyon- dahil kapag hindi credible ang resulta nito, tiyak na hindi na susunod ang bayan kay Gloria. Hindi siya matatanggap kahit na tawagin pa n’ya na siya si Gloria Muchacha. Dahil sa panggigipit na ginagawa ng mga bata ni Pangulong Gloria, simula sa pagyurak sa karapatang sibil at pulitikal, ang pagbabantay pati sa seremonyas na relihiyoso, at pati na rin ang bulag na pagbibilang ng kanyang kapanalig sa Kongreso, lalong hindi makakatulog itong si Mrs. President. Mahirap ang kinalalagyan ni Señora. Pero bakit mahimbing ang tulog ni FPJ? Walang karma ito. Hindi naman siya naglustay ng salapi ng bayan at lalong hindi siya nandaya.

Karumaldumal na krimen Mula sa pahina 1

ng aksiyon ng nakararaming Pilipino na hadlangan ang pinaka-karumaldumal na krimen na gagawin ng Administrasyong Arroyo laban sa pamayanang Pilipino. Ang anumang pagpuproklama na isasagawa ng mayorya sa Kongreso ay maghahamon lamang ng galit ng nakararaming botante. Pagkatapos magdaya ang kampo ni Gng. Arroyo sa eleksiyon, nire-railroad ngayon ng Kongreso ang canvassing ng mga boto, at desididong iproklama ang nandayang kandidato. Walang lugar sa bansa ang isang pangulong mapagpanggap at bogus. Anong kasalanan ng mga totoong mamamayan para parusahan silang tanggapin ang isang pekeng presidente? Lahat ng karapatan ay nasa mga mamamayan na iligtas ang kanilang sarili sa mga kapahamakang magiging resulta ng isang bogus na pamamahala. Iniulat na nating lahat kamakailan ang mga ito – ang naghihintay na pagbagsak ng ekonomiya, ang paghihirap na daranasin ng mga tao (5 milyon ngayon ang walang trabaho, ayon sa National Statistics Of-

The Chair’s Notes Susan Tagle

Nakakanginig S

ATURDAY’S papers contain disturbing reports of the administration’s “barefaced harassment” of FPJ and his allies. First, FPJ’s top lawyers, former COMELEC Chair Harriet Demetriou and former Immigration Commissioner Rufus Rodriguez, were charged in court by the CIDG of allegedly kidnapping an election official on Basilan Island. The political “harassment and bias” constrained the KNP lawyers to withdraw their appearance from the Congressional canvassing as they denounced the filing of charges as dastardly acts. Second, a protest rally against election fraud was violently dispersed. Members of the crowd were beaten by truncheons and the group was water cannoned. There are even reports of women who were arrested and sexually harassed. Third, the military and the police have once again concocted an imagined NPA plot to assassinate FPJ, which CPP spokesman Ka Roger Rosal has vehemently denied. As Ka Roger says, “this ominous talk is an insidious attempt to silence the KNP standardbearer in the hope of shutting him up in the same way that the administration has been attempting to shut up opposition legislators from exposing massive electoral fraud during the Congress canvassing.”

fice), ang paglobo ng budget deficit, ang suko sa langit nating mga utang sa ibang bansa, ang pagbagsak ng piso, ang mangyayaring “civil disobedience” o pagtutol ng mga mamamayan sa mga pamamalakad ng rehimen, ang susunod na serye ng korupsiyon sa gobyerno, ang patuloy na rebelyon, ang pangaabusong naghahamon ng kontra-abuso, at pag-aaklas ng mga pwersang ibig isulong ang mga pagbabago. Sa madaling salita, namiminto ang isang malaking kaguluhan sa lipunang Pilipino. Lahat ng karapatan ay nasa mga mamamayan na tugisin din si Gng. Arroyo hanggang Malakanyang, kung magtatagumpay ang kanyang mga kabig na iluklok siyang muli doon sa gitna ng malawakang protestang magiging resulta ng isang pekeng proklamasyon. Sa harap ng ganitong prospekto, walang ibang magiging payo ang nakararaming mamamayan kay Gng. Arroyo kungdi aminin niya ang kanyang mga kasalanan noong nakaraang eleksiyon, at tanggapin ang kanyang pagkatalo. Bumaba na siya upang maiwasan ang pambansang trahedya. Fourth, persons distributing leaflets on election fraud were arrested by the police for no justifiable reason. After several hours and members of the media arrival, the police were forced to let them go since they could not think of anything that could be charged against them. The arrogant Suzette Pido’s note that contemptuously bade Congressman Dilangalen to “shut up” has taken frightening proportions. During Friday’s Congressional canvass, Dilangalen was once again not only told, but made to shut up by the turning off of his microphone each time he attempted to expound on his position – the votes from his home province of Maguindanao were being canvassed so he had more than every right to express his view on how the elections were conducted in his province. Pero walang pakialam ang mga administration congressmen. Patuloy ang railroading ng panalo ni GMA. Shutting up the opposition lawyers is a more serious scenario. Here is a truly blatant act of railroading, particularly since, after the KNP lawyers’ withdrawal, “a motion by the administration to continue the canvass without the presence of the lawyers was put to a vote and the majority won.” The claim of a plot to assassinate FPJ should put us all on guard. His assassination blamed on the NPA would be the ultimate :shut up” scenario. And the detention of innocent civilians for merely displeasing the administration portends the further curtailing of basic rights. Is the Philippines still a democracy? Is there still freedom of movement and speech? Will the opposition be completely silenced and shackled, no matter what it takes? Is martial law about to come upon us again? The developments are frightening.


Opinyon

Kidlat Junex Doronio

Pulis-tolongges S

A MAHIGIT 22 taon ko nang nasa media, ngayon lang ako nakakita ng mga pulis na tolongges. Biruin mo, hindi pa nakapag-umpisa mag-rally ang mga FPJ supporters sa Chino Roces bridge, ang makipot na tulay patungong Malakanyang, ay kaagad dinispers sila ng mga pulis-Maynila sa pamamagitan ng malakas na puwersa ng tubig-bumbero. Di pa nakuntento ang mga esmiringhoy, hinabol pa nila ng hataw ng truncheon ang mga rallyista hanggang sa kanto ng Morayta at pati mga kumakain sa Jollibee at McDo ay kanilang sapilitang pinapauwi sa akalang kasama sila sa mga nagprotesta laban sa garapalang pandaraya ng rehimeng Macapagal Arroyo. Kapuna-puna na marami sa mga humahabol at nanghataw na pigoy ay sadyang inalis ang kanilang name plate. ‘Wag na tayong magtaka kung di nila kayang maglakad nang mag-isa na walang dalang batuta o boga. *** Ayon sa aking bubuyog, ang bright boy na nagorder sa naturang dispersal ay walang iba kundi si Sr. Supt. Manolo Martinez, ang station commander ng Western Police District Station 4 na sumasakop sa Mendiola Bridge at buong university belt area. Mukhang nagpapalapad ng papel itong si Martinez kay Gloria. Atat na atat ka na bang palitan si WPD director, Chief Supt. Pete Bulaong, at ganyan ka na lang kasipsip, este, kasigasig sa pagpapatupad ng iyong “tungkulin”? *** Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng sobrang

Pasaway Joe Galvez

Pangit pa rin L

IMANG milyon sa ating mga kababayan ay walang trabaho ngayon. Ang tanging kadahilanan kung bakit lalong nasasadlak sa kahirapan ang bansa natin ay dahil na rin mismo sa maling pamamalakad ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang mga robot sa Kongreso at Malakanyang. Tumaas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Tumaas ang halaga ng dolyar sa piso. Tumaas ang presyo ng gasolina at langis. Tumaas ang mga tuition fees sa mga paaralan. Tumaas ang krimen. Tumaas ang dami ng mga hayok sa droga. Tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at lalong tataas pa ang singil sa kuryente at tubig. Galit na galit na ang taong bayan pero wala silang magawa dahil magaling humilot ang mga kampon ni Gloria. Marunong silang mag-alaga ng mga taong kayang magpaikot nang ordinaryong mamamayan. Pera lang ang katapat, ika nga. Pero bakit nga ba ganito ang buhay nating mga Pinoy sa ilalim ng rehimeng Gloria? Napakamalas naman natin at isang maliit na Gloria lang pala ang aagaw sa lehitimong pamunuan ni Erap. At isang maliit na Gloria pa rin ang pilit at garapal na kumakapit sa nakaw na trono kahit alam na ng buong mundo na si Fernando Poe Jr. at Loren Legarda ang

HUNYO 21, 2004

pagka-OA na dispersal ng isang mapayapang protest rally. Naalala ko tuloy noong kasagsagan ng martial law nang magkober ako sa mga rally bilang police reporter ng opposition tabloid WE Forum. Kahit gaano kakulit na ang mga nagra-rally ay buong pasensiyang pinagbibigyan sila ng pagkakataong mag-disperse nang kusa ng matataas na police officials tulad nina Brig. Gen. Narciso Cabrera ng WPD, Brig. Gen. Fred Lim (ngayon ay senador na!) ng Northern Police District, at Brig. Gen. Alfred Yson ng Eastern Police District. Sila ang ehemplo ng mga propesyunal na police officials at wala ka sa dumi ng kanilang kalingkingan, Martinez! *** Sabagay, hindi naman talaga lahat nang pulis ay tolongges at batay sa aking karanasan bilang police reporter sa mahabang panahon ay marami-rami pa rin ang talagang matino at mapagkakatiwalaan. Ilan sa mga matingkad na halimbawa ng matapat na pulis ay sina Cpl. Pete Gara at Cpl. Manny Siocon ng Quezon City Police. Nagbuwis ng kanyang buhay si Pete nang lumaban siya sa mga holdaper ng isang passenger jeep habang papauwi matapos ang kanyang evening class sa MLQU School of Law. Kailanman ay hindi nasangkot si Pete sa anumang kabulastugan at kahit ang mga aktibista sa MLQU ay sumaludo sa kanya dahil ni minsan ay hindi siya naniktik sa kanila at tahimik lang ito sa kanyang pagiging imbestigador at law student at the same time. Si Manny naman ay kailanman ‘di umabuso sa kanyang tungkulin bilang desk officer. Hindi siya nangurakot at kapag nagkainuman kami noon ay kasama siya naming mga reporter na nagpatak-patak at lagi kaming pinaalalahanan na hindi dapat abusuhin ang anumang pribilehiyo o katungkulan. Hanggang sa masawi si Manny sa isang vehicular accident ay nanatili siyang simple at malinis sa kanyang tungkulin. tunay na mga nanalo sa May 10 presidential at vicepresidential elections. Kaya nga napapailing na lang ako kapag napapanood ko sa Channel 4 ang mga interview ni Freddie Abando sa mga kakampi ni Gloria sa Kongreso at ibang pribadong taga-suporta niya pero ni minsan ay hindi ko siya napanood na naginterview ng oposisyon. At dahil ditto, sinasayang lang ng Channel 4 ang pera ni Juan dela Cruz sa mga propaganda nito pero buti na lang at walang masyadong nanonood dito. Alam naman kasi ng taumbayan na puro papogi points lang kay Gloria ang mga opinion at interview sa nasabing istasyon. Ilan sa mga ininterview ay nagsabi na kailangan daw matapos na ang canvassing para maiproklama kaagad ang bagong pangulo dahil kung hindi ay mawawalan daw ng presidente ang ating bansa at magkakaulo daw. Magkakaroon diumano ng constitutional crisis at military junta pag walang naproklamang presidente at bise-presidente sa Hunyo 30. Bakit? Hindi ba dati ng magulo ang bansa natin? ‘Di ba simula ng maupo si Gloria sa Malakanyang ay lalong naghirap ang bansa natin? ‘Di ba puro kamalasan na ang inabot natin sa ilalim ng rehimeng Gloria? ‘Di ba parang may military junta na tayo dahil paglabas mo ng tahanan mo ay puro mga swangit na militar at pulis ang makikita mo? ‘Di ba pangit pa rin? Kaya sana ay tigilan na yang sarswela sa Channel 4 at ipokus na lang nila ang mga kamera nila sa proseso ng bilangan at huwag ng magpalabok pa dahil wala ng naniniwala sa ipinapalabas dito. Alam naman ng taumbayan na puro propaganda

5

Bagong Umaga

Diskarteng Kalye Jess Santiago

Nasira ang Ulo “Kung sa tingin ninyo ay nakakabanas Ang takbo ng ating congressional canvass, Baka mas mabuti,” hamon ni Arroyo, “Na ngayon pa lamang, mag-walkout na kayo.” Pumalag ang asar na asar nang Sotto, “Naghahanap ka ba ng gulo, panyero? Naisip mo na ba ang pwedeng mangyari Kung saka-sakaling mag-walkout nga kami? “Kapag nag-alisan, buong minority, Wala kayong quorum, di sapat ang dami. Sa palagay mo ba’y paniniwalaan, Magiging resulta ng inyong bilangan?” Si Senator Kiko “Sharon” Pangilina’y Nagtangkang awatin, napipintong away. Medyo napalakas ang pukpok ng maso, Sa lakas ng palo’y natanggal ang ulo. At naghagalpakan ang lahat ng tao Laking katuwaan sa buong kongreso. “Sabi na sa iyo,” sermon ni Angara, “Paghawak sa maso ay mag-iingat ka. “Kita mo’ng nangyari, ulo’y umalagwa. Palagay ko, iya’y senyal ng trahedya.” “Di naman nasira,” palusot ni Kiko, “Ulo’y natanggal lang sa pagkakapako.” Pakli ni Angara, “Muli mang mabuo, Di na ‘yan ang masong dating ipinalo. Sir Tagapangulo, ano pa ang rason, Ano pa ang silbi para magpatuloy? “Lahat ng reklamo naming oposisyon, Di n’yo dinidinig, ‘noted’ lang ang tugon. Bakit kayo takot matuklaw ng ahas Kung walang ulupong sa election returns?”

lang ang mga palabas dito para malisya ang isipan ng mga Pinoy sa tunay na isyu ng dayaan sa nakaraang halalan. Kung ako kay direk Ed Finland ay aatasan ko si Freddie Abando na gumawa ng mga dokumentaryo tungkol sa karma na sinapit ng Pilipino sa ilalim ng rehimen ni Gloria. Dapat ipalabas sa Channel 4 ang tunay na kalbaryo ng mga Pilipino na lalong nasadlak sa dusa ngayong bangkarote na ang pondo ng gobyerno dahil ginamit ni Gloria sa kanyang kampanya. Bakit hindi subukan ng Channel 4 na gumawa ng dokumentaryo tungklol sa magigiting na abogado ng oposisyon na ngayon ay nag-withdraw na ng kanilang pakikibahagi sa canvassing dahil sa panggigipit kay Atty. Harriet Demetriou ng mga sipsip at robot ni Gloria. Bakit hindi magsagawa ng investigative documentary ang Channel 4 tungkol sa nangyaring dayaan noong nakaraang halalan? Bakit hindi nila i-feature si FPJ at ang mga oposisyong mambabatas? Bakit hindi nagbubunyag ng mga anomalya sa gobyerno ang Channel 4? Buti na lang at may cable tv na sa pilipinas kundi ay magtyatyaga pa rin tayong mga Pilipino sa kung anoanong lason sa isipan na ipapakain sa atin ng Channel 4. Kaya kahit anong pagtsutsumikap ang gawin ng Channel 4 kay Ate Glo ay talagang pangit pa rin sa Pilipinas dahil puro pangit at bulok ang namumuno sa atin. Ang malas talaga ng Pinoy.


Bagong Umaga

6

Entertainment

HUNYO 21, 2004

FPJ, My President U

MARANGKADA na naman ang barbero kong Bikolano. Papasok pa lamang ako sa kanyang airconditioned na barberya ay tinanong na niya ako, “How’s my president?” Ito’y habang winawalis ng tuwalya ng batok ng patapos na niyang ginugupitan na aking susundan. President who? Pagmamaang-maangan ko gayong alam kong ang tinutukoy niya’y walang iba kundi si Fernando Poe Jr. Sa akin pa nga siya humingi ng posters ni FPJ na hanggang ngayon ay nakapaskel pa sa loob at labas ng kanyang barberya. Matapos magbayad ang parokyanong katatapos niyang gupitan ay ako naman ang isinalang. “Alam mo, ano man ang mangyari, si FPJ pa rin ang presidente ko,” sabi niya habang isinasakag sa leeg a ng maliit na tuwalyang puti at ibinalabal sa aking ang malaking telang puti di na halos ulo ko na lamang ang nakalabas. Tinanong ko siya, “Paano kung hindi si FPJ ang maproklama?” “Maproklama o hindi, si FPJ pa rin ang aking president,” matatag niyang naitugon. Naniniwala ba siya na si FPJ ang nanalo? “Kahit na sino pa, basta FPJ is my President,” pagmamatigas niya. “Basta wala akong kikilanng presidente kundi siya,” dugtong pa niya at napansin kong bumubilis ang pangatngat ng kanyang gunting at dinig na dinig ko ang kalatis ng gunting na tulad ng mga nakaraan, nakaaantok. Bakit ba si FPJ ang dapat manalo? Pambubuyong na tanong ko, bagama’t nang mga sandaling ‘yon ay parang mabigat na ang talukap ng aking mga mata. Para sa ‘kong ipinaghehele ng tunog ng kanyang gunting

Teka muna Ni Kuya Mar

at ng malumanau na hagod ng kanyang suklay. “Una, halatang may itinatago ang mga administration senators at congressmen sa canvassing. Kung wala, bakit ayaw nilang pabuksan ang election returns. Di ba doonibinabase ang tinatawag na CoC? “Ikalawa, nagdududa ang tao. Kung ang maipuprokalamang siyang nanalo ay kadudaduda, e di kadudaduda rin ang magiging pamamalakad niya. “Pangatlo, may dayaan talagang nangyari. Isipin mo, may presinto, bokya o zero si FPJ? Sino ang maniniwala diyan? Hindi ko na namalayan ang... “Pang-apat... Panlima... Pang-anim... Paampito... Pangwalo... Pang-siyam... “ Hindi ko na alam kung nakailang kadahilanan siya’t nakatulugan ko ang kanyang pagpapaliwanag. Nagkamalay ako ng basain niya ng Vaseline ang aaking batok at patilya para ahitan. “Di ba tama ako?” pangungulit niya. Korek, pagsang-ayon ko. Di na ako nakipagtalo pa. Matapos akong magbayad, nagpasalamat siya. Umalis na ako. Nagtatanong. Ilan kaya silang katulad ng barbero ko. Ilan nga kaya silang buo ang paniniwala na si Fernando Poe Jr. ang nanalo sa naka-

raang halalan? Ilan ka silang nagkakaisa sa pagsabing, “FPJ, my President?” Ano kaya ang mangyayari sakaling iproklama si GMA? Pera ang puno’t dulo On leave si Rosanna Roces sa GMA at nababalitang tila wala na itong balak na bumalik pa sa nasabing network. Sa karibal na network naman, mabilis na kumalat ang balitang diumano’y “nililigawan” ng management ang kontrobesyal na actress-TV host para lumipat sa ABS-CBN. “Sakaling bumalik si Osang sa Dos, lilipat ako sa Siete,” ‘ika naman daw ng kaibigang AiAi de las Alas. Magsisilbing banta ito mula kay AiAi sa management ng ABS-CBN. Para na rin niyang sinabi, “Huwag kayong magkakamaling kunin si Osang, kundi ay...” Mukhang matindi pa rin ang sama ng loob ni AiAi sa dating kaibigan na noon ay madalas niyang kasama sa mga shows. Natatandaan ko na ang pinag-awayan ng dalawa ay may kinalaman sa hatian ng pera. Kumbaga, nagklamangan, bagay na halos ganyan din ang nangyayaring hindi pagkakaunawaan nina Osang, Lolit Solis at Dra. Vicky Belo. Malinaw na pera ang puno’t dulo ng gulo. Ganyan kalakas ang kapangyarihan ng pera. Kahit sa pagkakaibigan o sa pagmamahalan, namamagitan pa rin ang pera.

KAPANAYAM ni FPJ, Loren Legarda at abogado nila.

Nagbabadyang unos Mula sa pahina 8

Ang mga samut-saring kaganapan nito ang nagbubuo sa isang namumuong unos na wawasak sa rehimeng mapanupil at mapagkunwari. Nagngangalit na ang mga tao sa garapal na dayaan lalu ang brutal na pagbuwag sa mapayapa namang rali na ang hangarin lamang ay ilantad ang katotohanan.

Marami ang nagsasabi pati na mga mambabatas katulad ni Rep. Jacinto Paras at Aquilino Nene Pimentel na ang nangyayaring agarang pagbuwag sa mga rali lalu ng mga FPJ supporters ay pruweba lamang ng umiiral na batas militar o martial law. Ayon kay Atty. Demaree Raval, isa rin sa mga abugado ng KNP, ang mga ballot box mula sa Cebu at Maguindanao ay mistulang Pandora’s box na sasabog sa mukha ng mga mandaraya.

ERIC Quizon

ONEMIG Bondoc

KRIS Aquino

Ayaw ni Onemig, Okey kay Eric... gumanap sa role ng isang bading K

ATAKOTAKOT na kahihiyan ang tinitiis ni Carlos Agassi sa kanyang pagiging host ng reality-based TV show na Victim sa ABS-CBN. Minsan binatok-batukan siya ni Dina Bonnevie matapos na ma-biktima ang huli sa nasabing show... with the cooperation of Dina’s daughter, Danica Sotto. Sa nasabing episode ng Victim kung saan naging main target si Dina Bonnevie, pinalabas na lesbiana si Danica. Ang naging setup ay ang pagtatapat ng anak sa kanyang mother dearest tungkol sa kanyang pagiging isang lesbiana. Walang kamalay-malay si Dina Bonnevie sa takbo ng pangyayari na ayon na rin sa format ng programa. Hindi siya aware na ilang hidden cameras pati na si Carlos ang tahimik na nakaabang sa kanyang magiging reaction. Natural worried at na-depress si Dina sa ginawang seryosong pagtatapat ni Danica sa kanyang pagiging tomboy at pag-amin na na-in love nga siya sa kapwa babae. Sa ending, nagwala si Dina nang malaman na ginudtaym siya sa nasabing show. Sa naramdamang pagka-inis ang agad na binalingan niya ay si Carlos. Binatukan ng sunod-sunod ang Victim host. Di ba dapat na magalit din si Dina sa kanyang anak? Minsan naman, pinahirapan sa show na ito ni Carlos si Alessandra de Rossi at mga kasama nito. Sa episode na yun, gumamit sila ng ahas na prop na pinabitin-bitin sa mga pobreng guest. Sa galit ng isang talent manager, sinigawan nito si Carlos. “Hoy, bakla, papatayin mo ba ang alaga ko sa halagang P15,000?” Walang magawa si Carlos kundi pairalin ang pagiging good sport niya. Lahat ng problemang gaya ng nabanggit ay di talaga maiiwasan dala ng format ng show at kaya nga Victim ang title ng show. It’s all in a day’s work. xxx Ayaw na ni Onemig Bondoc gumanap sa papel ng isang bakla. First and last na raw niya ang bading role niya sa Buttercup na weekly drama noon ng ABS-CBN. Pero nilinaw niya na okey na sa kanya ang sexy role, kahit may nudity pa. “Basta in good taste. Magaling ang director, maganda ang istorya, at okey ang ka-partner,” sabi pa ni Onemig.

Naku, Onemig, matagal ko nang narinig yan. Di ba yan ang kadalasang sinasabi ng lahat ng mga naging bold star? xxx Iba ang pananaw ni Eric Quizon. Okey na okey sa kanya ang role ng bading. Ngayong taon lang ay tatlong beses na siyang nag-mujer. Isa na yung comedy na ginawa niya sa GMA, kasunod nito ang pelikulang I Will Survive, at pangatlo ang kasalukuyang sinu-shoot niya kasama si Kris Aquino, ang Que Sera Sea, sa direksyon ni Joel Lamangan para sa Regal Entertainment. Years back, isang bading ang role ni Eric Quizon sa Pusong Mamon. Sinundan ito ng Markova, kasama si Dolphy at nakababatang kapatid niyang si Jeffrey Quizon. Idagdag pa ang telesineng Ang Lalaki sa Buhay ni Flor, na inspired by Ang Tatay Kong Nanay, pelikula ni Dolphy sa direksyon ni National Artist Lino Brocka. xxx Kris Aquino is the busiest star in town, both on the big screen and on the home screen. Sa TV, mapapanood siya weekdays sa Good Morning Kris, at tuwing Sunday afternoon sa The Buzz. Sisimulan na rin niya ang isang soap, Hiram, at sa ABS-CBN pa rin ito mapapanood. Sa pelikula naman, tinatapos niya ang Fung Shui for Star Cinema, kung saan si Chino Roño ang kanyang director. At gaya ng nabanggit na, sisimulan niya ang Que Sera Sera for Regal Entertainment. Paano na ang lovelife with Pampanga Governor-elect Mark Lapid, who’s eight years younger than she? Pwede pa rin daw isingit. Paliwanag ni Kris, she has to work doubly hard being a single parent to Joshua who has special needs. Enrolled si Josh sa isang special school kung saan ang fees aabot ng milyones at kailangan pa rin niya ng expensive therapy. In which case, go right ahead Kris. Work, work, work!

Pati si dating Cebu Gov. Lito Osmeña ay nagpatunay na nagkaroon ng malawakang dayaan sa kanyang probinsya pabor kay GMA. “Sa Cebu lamang ay 510,00 boto ang dinaya kay FPJ,” ani Raval. Kabilang ang Cebu sa hinihinala ng oposisyon kung saan naganap ang wholesale fraud. Ang iba ay ang mga probinsya ng Maguindanao, Bohol, Agusan, Surigao, Pampanga, Romblon at Sulu.

Dinugtungan pa ito ni Rodriguez na tinatayang tatlong milyong boto ang dapat panalo ni Poe kay Arroyo. Ibinunyag din ni Demetriou na maging ang Philippine National Police, partikular ang ilang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group, ay sabit sa pandaraya nang mag-deliver ito ng 5,000 huwad na balota sa Davao Oriental. Pinagsamang ulat nina Gerry Baldo, Monique del Monte at Danilo Ramos

TILAMSIK Ni Ronald K. Constantino Guest Columnist


Balitang Bayan

HUNYO 21, 2004

7

Bagong Umaga

Asin’s Pendong Aban at Lolita Carbon

cccc Anak ng Bayan rap group

Konsyerto Para sa Katotohanan Ni Joys Mirasol Ancheta Photos by Gil Nartea

at Lolit Carbon na bumubuo ng ASIN sa pagbubukas ng konsyerto pagkaraang tugtugin ng mga myembro ng Pagasa Elementary School Drum ang Lyre Band ang BISPERAS ng kapanganakan ni Jose Rizal, dakilang bayani pambansang awit. na minsa’y nagsabing ang kinabukasan ng ating bayan ay Binatikos naman ni Jess Santiago, isang batikang nakasalalay sa mga kabataan. manunulat at mang-aawit, ang napipintong tax sa text na Umuulan nang gabing iyon ng Biyernes, Hunyo 18 sa pakana ng administrasyon Arroyo sa pamamagitan ng isang bahagi ng Quezon City sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas. tula bago niya “pinuri” ang “imperiyalistang” si George W. Libong kabataan ang dumagsa para sa isang Bush, na pinanigan ni Gng. Arroyo sa digabi ng malikhaing pamamahayag – awit, tula makatarungang panggigyera sa bansang Iraq. at sayaw — para sa pagtataguyod ng “Huwag ninyo akong turuang pumatay,” rock katotohanan at kabuhayan. and roll naman ng grupong Einstein Chakras at Ang paglulunsad ng konsyerto ay isa mga nanawagan sila ng “abolition of private propprograma ng Coalition for HOPE (National erty” sa kanilang mga inawit ng gabing iyon. Coalition for HOnest and Peaceful Elections), Ang malamig na loob ng UP Theater ay lalo Concerned Artist of the Philippines at CRY for pang pinalamig ng boses ni Susan Fernandez HOPE, isang bagong buong alyansa ng mga sa kanyang rendisyon ng “Kundiman ni Abdon”. grupong kabataan. “Huwag tayong tumigil na At may mga nag-indakan sa rap (ala Eminem at ipaglaban ang katotohanan,” pahayag ni AnSalbakuta) ng apat na kabataan mula sa Anak tonio delos Reyes, director ng Coalition for ng Bayan na nangutyang “…di na binoboto, HOPE, sa kanyang maiksing talumpati. pero nananalo…” Inilunsad ang konsyerto sa kabila ng mga Pagkaraang umawit ang grupong Pula, ang Antonio Reyes “ebidensiya ng malawakang pandaraya ng indayog ng katawan ng mga myembro ng Hope Director administrasyon ni Gloria Arroyo” sa nakaraang SinagBayan nagsalimbayan sa kanilang tangan eleksyon na ipinakita sa isang ipinalabas na video na inihanda na bandilang pulang-pula. ng Task Force Anti Electoral Fraud. Hanggang magsindi ng kandila ang mga manonood bilang “Ang magnanakaw ay mapagsamantala/madaling simbolo ng pakiki-isa. At unti-unti, dalawang malalaking magkunwari, madaling makilala/balatkayong ginagamit kahit streamer ang tila sumanib sa andap ng mga kandila. hindi sa pirata/magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya.” Ang nakasulat: ITAKWIL ANG MGA PAHIRAP SA Umalingawngaw ang boses ng tambalang Pendong Aban BAYAN! MANINDIGAN PARA SA KATOTOHANAN!

Grupong Pula

Sayaw Para sa Katotohanan

Susan Fernandez

Jess Santiago

Pag-asa Elementary School Drum n Bugle Corps

Einstein


8 HUNYO 21, 2004

Taon1 Blg.15

SA KABILA ng pananakot ng rehimeng Macapagal Arroyo kasabay sa determinado nitong pag-railroad sa canvassing sa Kongreso upang maiproklama si GMA bago sumapit ang Hunyo 30, nagbabadya ang isang malakas na unos na resulta ng nagngangalit na mamamayan dahil sa ninakawan sila ng kanilang kahuli-hulihang pag-asa para sa isang makabuluhang pagbabago. Ang brutal na pagbuwag ng pulisya sa mapayapang pagtitipon ng mga FPJ supporters at mga kaalyadong grupo noong nakaraang Biyernes (Hunyo 17) ay nagsilbing mitsa para sumabog ang illegal at imoral na rehimen. Sinabayan pa ng malisyoso at walang batayang akusasyon laban kina Atty. Harriet Demetriou at Atty. Rufus Rodriguez ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ng reklamong illegal detention na isang non bailable na kasalalan. Ito ang nagtulak kina Rodriguez, na dating commissioner ng Immigration, at Demetriou na isang dating matapang at maprinsipyong hukom at Comelec chairwoman, at ibang mga abogado ng KNP, na lisanin ang joint committee ng Kongreso kung saan laging ibinabasura ang kanilang makatwirang kahilingan na buksan ang mga Election Returns (ERs) para matiyak ang tunay na nanalong presidente at bise presidente. Naayon naman ang naturang kahilingan na patuloy na kinukulit ng oposisyon sa batas at panuntunan na napagkasunduan ng joint congressional canvassing committee. Binigyan diin naman ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na nakasalalay ang kinabukasan ng bansa sa kamay ng joint panel kaya kailangan na tiyakin nito na malinis, matapat at kapani-paniwala ang resulta ng canvassing dahil kung hindi ay “maaaring mauwi ito sa rebolusyon.” Nangangamba naman si Makati Mayor Jejomar Binay na matinding problema ang kakaharapin ng bansa kung ang umaalingasaw na dayaan sa nakalipas na halalan ay hindi reresolbahin. “Ang provincial canvass ay minagic ‘yan. Hindi totoo ‘yan,” ayon kay Binay. “We have to remove the cloud of doubt. Let us listen, and go over the documents. Habang pinipigilan, hindi masosolve and problema. Bakit hindi natin tignan kung wala tayong itinatago,” ayon kay Binay. Nagbabala si Binay na hindi mapipigilan ang mga tao na lumabas sa kalye pag umabot na sa sukdulan ang pagdududa ng bayan sa resulta ng eleksyon. Bukod kina Rodriguez, Demetriou at Sixto Brillantes , hindi rin nakatiis si Atty. Sal Panelo, na malumanay at gentleman na sa lahat ng abogado, na mag alsa balutan. Si Panelo ay abogado ng Bangon ng Pilipinas kung saan ang standard bearer ay si Bro. Eddie Villanueva. Patuloy kasi ang pambabara at pambubuska kay Panelo ni House committee co-chairman Raul Gonzalez. Patraydor din ang pananalita ng mambabatas mula sa Iloilo na dapat daw ipapahuli si Panelo. Binigyang-diin ng mga KNP lawyer na iligal ang pagpatuloy ng canvassing sa mga araw ng Sabado at Linggo dahil sa isinasaad sa panuntunan nila na mula Lunes hanggang Biyernes lamang ang canvassing mula alas diyes ng umaga hanggang alas sais ng hapon. Sundan sa pahina 6

ATTY. Brillantes pagkatapos mag-withdraw sa canvassing.

SI FPJ habang nilalagdaan ang withdrawal ng kanyang legal counsels na kinabibilangan nina Atty. Rufus Rodriguez at Atty. Harriet Demetriou sa Kongresyonal canvassing, na siya namang kanilang ipinaliliwanag sa isang presscon sa Club Filipino noong Biyernes. Makikita rin sina Mel Chionglo, Joel Lamangan, Armida Siguion-Reyna at Bibeth Orteza bago ang marahas na pagdispersa ng kanilang rally sa Mendiola na kanila namang ipinagpatuloy sa Welcome Rotunda. Kuha nina JOSEPH MUEGO, JOE GALVEZ at ROBERT ROXAS

BRO. EDDIE at mga kasama sa rally sa Cuneta Astrodome.

Bagong Umaga  

June 21, 2011

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you