BOLYUM 3, NUMERO 6
NOBYEMBRE 2023
UNAHING BALITA
Mga sagabal sa pagtapos ng ating sentro A
NG mga plano na kumpletuhin ang istruktura ng Filipino community multipurpose centre sa 50 Forge Street, Blacktown – para gamitin ayon sa inaakala ng Philippine-Australian Community Foundation (PACF) management board – ay tumama sa ilan pang mga sagabal. Kasunod ng isang inspeksyon sa pagsulong ng Blacktown City Council kamakailan, ang senior building assessment co-ordinator na si Chris Gregory ay naglabas ng isang detalyadong ulat sa isang opisyal na liham kay PACF spokeswoman Minerva Santos. Sa madaling sabi, hinaharangan ng pagtatasa ang mga plano sa pag-unlad ng istruktura ng PACF, na binabanggit ang hindi pagsunod sa mga kinakailangang pagbabago alinsunod sa mga “inaprubahang plano ng DA at CC” ng konseho. >TULOY SA p3
IBABAW: Patuloy ang trabaho sa loob ng MPC.
Dumami ang dating ng turista sa Pinas KASUNOD nang kasagsagan ng pandemya Covid-19 noong 2021-2022, tumaas kamakailan ang mga turistang dumating sa Pilipinas mula Australia. Ang kabuuang bilang ng mga turista mula sa buong mundo ay nasa 2,734,000 noong nakaraang taon. Sinabi ng Philipppine Tourism Attache na si Purificacion Suanding-Molintas na ang bilang ng mga mga turistang mula sa Australia ay pumangatlo na may mga 135,000, ang mula sa USA ay pumangalawa na may mga 500,000 at ang mula sa South Korea ay nasa unang pwesto na may mga 681,000. n
Paskuhan sa Blacktown ANG 2023 Philippine Christmas Festival ay gaganapin sa Blacktown Showground mula Biyernes, nang Nobyembre 24 hanggang Linggo, Nobyembre 26, 2023. Ang pagpasok sa Showground sa Richmond Road ay walang bayad. Kabilang sa mga aktibidad ay isang Pasko Festival Parade, isang Lantern Making Competition, isang Children’s Drawing Competition, isang Folk Dancing Competition, isang Singing Choir Competition, isang Oratorical Competition, isang Impersonation Contest, isang Raffle, mga Entertainment, at natural, maraming tindang pagkaing Pilipino. n
OLIVER GADISTA
‘Day job’ sa larangan ng agham, pero ang pagnanais ay musika A
NG pinakadakilang ambisyon ng isang kilalang musiko sa Sydney ay sumulat ng mga kontemporaryong awit sa mga pangunahing wikang Pilipino, kahit na ang hanapbuhay nya ay sa larangan ng agham. Ang day job ni Oliver Gadista ay bilang scientist sa Australian Nuclear Science and TechnologyOrganisation. “Pangarap ko ay makabuo ng ilang Filipino-Australian bands at mag-release ng kani-kanilang album sa wikang ilocano, bicolano, cebuano, Ilonggo, chabacano, at tagalog,” ani gitarista Gadista. Di sya ngabibiro. Katapos lamang makumpleto ni Gadista ang sarili nyang Mojo Sound Studio sa Merrylands NSW. Ang unang proyekto nya sa Mojo Sound Studio ay ang bagong recording sa CD ng Mga Awiting Pasko, gamit ang boses ng ilan sa mga myembro ng Filipino Pres of Sydney.Ang pondo mula sa pagbenta ng CD at Spotify ay hinandog sa Rapplee news website sa Filipinas.
Ipinanganak si Oliver sa Maynila, Pilipinas, at lumaki sa Sta Cruz, Laguna. Sa edad 14, lumipat siya at mga magulang sa Australia at nagtapos ng mataas na paaralan sa Arthur Phillip sa Parramatta. Bilang isang self-taught musician, natutong gumitara ng sya ay nasa grade 3 pa lamang, pinasigla ng kanyang kapatid na babae. Natapos ni Gadista ang isang Diploma of Comtemporary Music noong 2001 sa Narimba College, sa western Sydney. Nakatanggap sya ng parangal na Outstanding Guitarist at Achiever sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Ang kanyang unang seryosong pakikipagtagpo sa musika ay sa Parramatta noong 1987, nang makilala niya ang isang Pilipino na kaklase na marunong tumugtog ng electric guitar. “Ako ay nabighani; first time kong makakita ng kaedad ko na nagmamay-ari,” ani Gadista. n