ANG BALITA AUSTRALIA

Page 1

BOLYUM 1, NUMERO 5

SETYEMBRE 2022

FILCOOP

ITAAS: Markado sa outline na dilaw ay ang iminungkahing site sa 109 Crown Street, Riverstone.

Bagong sentro ng komunidad

I

SANG bagong Filipino community centre ay maaring tumayo sa Blacktown City. Ito ay opisyal na ipinahayag ng bagong inihalal na pangulo ng Filipino Community Cooperative (FilCoop) na si Kate Andres. “Nagrehistro ng interes ang FilCoop sa Regional NSW WestInvest $1.6 billion infrastructure program para sa pagtatatag ng isang sentro ng komunidad sa Blacktown LGA sa kung saang nakahanda na silang magsubo ng kanilang “pitch” sa pangalawang pag-ikot pagkatapos na matanggap at pumasa ang kanilang mungkahi sa unang pag-ikot,” ani Andres. Ang FilCoop ay gumawa ng ‘bid’ para sa isang $8 million grant mula sa $1.6 billion WestInvest Infrastructure program upang bumili ng lupa para sa iminungkahing sentro. Para suportahan ang ‘bid’ nito, ilalagay ng FilCoop sa mesa ang kabuuang halaga ng sentro mula sa bangko na ibibigay sa pamamagitan ng kita mula sa umiiral na renta ng Hiyas Ng Bayan child centre sa Mt Pritchard, Liverpool. Ang lugar na iminungkahi ay sa 109 Crown Street, Riverstone. n

BALAGTASAN

Walang natalo ANG paligsahan na itinampok sa Balagtasan noong Agosto 13, 2022 sa NSW State Library ay ginanap bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan Ng Wikang Pambansa at ng ika-10 anibersaryo ng Tagalog Association of Australia. >BUONG BALITA SA p3

OPINYON

Ang ehemplo sa atin ng Ukraine Pananaw ni JOSEPH ORBASE

ANG pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating tinubuang lupa ay ang napakalaganap na kurapsyon. Ito ang pesteng nambubulok sa bansa ay sanhi ng patuloy > BUONG PANANAW SA p3

MIRIAM SOLO-SCOTT

Paniniwala sa kanyang sarili M

ARAMING paikot-ikot at kabiguan sa buhay ang naranasan in Marco Andre (Miko) Selorio bago nya natupad ang kanyang angkop na lugar sa pagganap ng sining bilang performing arts entrepreneur. Simula ng bata pa si Miko, ang paboritong aktibidad at interes in Miko ay sa larangan ng arts. Hilig nya ang musika at gumanap sa entablado, at gaya ng libo-libong batang Pilipino, palaro ng basketball ang aktibidad numero uno. Ang ‘highlight’ ng kabataan ni Miko, edad 10, ay ang pagganap nya bilang regular sa lingguhang programa, Kulit Bulilit, isang educational TV show ng ABS-CBN Channel 2 sa Manila. Ang Kulit Bulilit ay katulad ng Sesame Street show sa America.

Lumipat sa Sydney, Australia, noong 1989 ang pamilya ni Miko, kasama ng kanyang magulang, na sina Abet at Connie, at kapatid na sina Carlo, Angelo, at Claudia. Tinapos nya ang high school sa Hoxton Park High, Liverpool, at ang degree sa Bachelor of Commerce, major in accounting and economics sa Australian National University, Canberra. Pinakasalan niya ang kasintahan sa pagkabata na si Josephine Redoblado noong 2007 sa simbahan ng Christ The King sa Quezon City, Philippines, kung saan ipinanganak si Miko noong Enero 26, 1976. May anak na babae sila, si Anela, edad 8. Ang hanap-buhay ni Miko sa Sydney sa umpisa > TULOY SA p3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.