EXTRA EXTRA EXTRA EXTRA EXTRA
‘THE GIRL IN THE BARRELL’
Ina ang diwa ng ng kanyang libro
INILUNSAD ng isang tanyag na abogado sa Blacktown ang bago nyang libro, The Girl In The Barrel, sa Kowboy Bar & Grill, noong Enero 19, 2024.
Akda ni Attorney Linda Geronimo-Santos ang libro, sa ilalim ng pen name Andrealinda de Santos
Sabi ng may akda na ang kanyang ina ang nagbigay inspirasyon so pagsulat ng The Girl In The Barrell.
“Binigyan ako ng inspirasyon ng inay na ikwento sa mga kabataang henerasyon na matupad ang kanilang mga pangarap, panganib sa kahirapan sa buhay ng isa’t isa at ng ating pamilya,” ani Linda.
PAGBABAWI ni Felix Orcullo Bato Bato sa Langit
SA KOLUM ko ng Marso 2024 sa isyu ng Ang Balita, isinulat ko na si Presidente Ferdinand Marcos Jr ay isang drug addict.
At ang kanyang pagiging addict ay itinulad ko sa pagkaing polvoron. Tinawag ko pa siyang Pangulo ng Polvoron.
Ito pala ay hindi totoo.
Kaya ito ay binabawi ko at humihingi ako ng paumanhin sa mga taong naapektuhan ng aking kolum.
Isinulat ko rin na ang pamahalaan ay pinapatakbo ng First Lady at ni Speaker Martin Romual
> BASAHIN BUO SA p2
PELIKULA
Di siya gaanong kilala
SIYA ay isang Filipino Australian actress, model, television host, entrepreneur, recording artist na binansagang Asia’s Multimedia Superstar.
Si Anne Curtis-Smith, kilala bilang isa sa pinakamatagumpay na artista ng 21st Century sa Pilipinas, ay isinilang sa Yarrawonga, Victoria, Australia, kina Carmencita Ojales, isang
> BASAHIN BUO SA p4
Taos puso ang ibibigay sa anumang tungkulin
DI LAMANG siya tapat sa serbisyo nang buong puso sa larangan ng education bilang senior academic programs officer sa University of Technology Sydney, si Josefina Cervantes Musa ay masigasig sa community service.
At sa kabila ng kanyang abalang pamumuhay, nakatuon siya sa pagbibigay ng mga pagpapahalaga at tradisyon na Kristiyano at pamilya sa kanyang mga anak, abot pa sa pagaalaga sa mga apo bilang baby-sitter kay sina Cienna, Chelsea, Caylen at ang pinakabagong karagdagan sa pamilya na si Paul.
Si Josie at ang kanyang asawa na si Gerry ay
nagpalaki ng apat na anak: si Geffin, Austin, Jocytte, at Josanne.
Naging radio broadcaster-producer siya ng Radio Kawayan program sa radio station SWR FM 99.9 sa Blacktown at sa Radio Adhika sa WOW FM 100.7 sa Penrith bilang boluntaryong nakatuon sa multikulturalismo
Kinilala ng NSW Govenment ang serbisyo ni Josie at binigyan ng parangal na 2015 Woman Of The Year for Riverstone
Tinayo ni Josie ang Adhika Inc kasama ng ilang radio broadcaster, at dito siya nagsimula
>
JOSEFINA ‘JOSIE’ CERVANTES MUSA
2024 BOLYUM 4, NUMERO 7
MARSO
> TULOY SA p3
LINDA GERONIMO-SANTOS: Pumipirma sa kanyang mga libro ng inilunsad sa Kowboy Bar & Grill sa Blacktown.
TULOY SA p3
Ulat ni MARILIE BOMEDIANO
Talaga ba na kaya mong i-translate kahit anong Filipino word into English?
EDITORIAL
JAIME K PIMENTEL Editor
Easy, luv. Shoot!
O, eto nga... SAYANG. LINTIK. SUKI. KAMPAG.
Pagbabawi
SA KOLUM ko ng Marso 2024 sa isyu ng Ang Balita, isinulat ko na si Presidente Ferdinand Marcos Jr. ay isang drug addict.
At ang kanyang pagiging addict ay itinulad ko sa pagkaing polvoron. Tinawag ko pa siyang Pangulo ng Polvoron.
Ito pala ay hindi totoo. Kaya ito ay binabawi ko at humihingi ako ng paumanhin sa mga taong naapektuhan ng aking kolum.
Paghingi ng paumanhin
SADYANG at taos puso nating binabalikan ang lahat ng alegasyon, paghuhusga, interpretasyon, at komentong iniugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos jr ng Pilipinas sa kolum na BATO BATO SA LANGIT sa pahina 2 ng unang isyu ng Sandigan Reporter na may petsang Marso 2024.
Tinatanggal namin ang lahat ng kopya ng publikasyon, digital at print edition, mula sa sirkulasyon.
Ang maling paghuhusga ng editor na ito ang nagbigay daan sa nilalaman ng kolum na makapasa sa pagsubok ng kredibilidad nang hindi sinusuportahan ng katotohanan at tamang katangian.
Kaya naman inilalathala namin ang EXTRA edition na ito ng Sandigan Reporter na may sariwang kolum ng BATO BATO SA LANGIT ng ating mamamahayag na si Felix Orcullo.
Muli, ang aming taos pusong paghingi ng paumanhin kay Pangulong Ferdinand Marcos jr. n
KURO-KURO
Isinulat ko rin na ang pamahalaan ay pinapatakbo ng First Lady at ni Speaker Martin Romualdez dahil sa kawalan ng kakayahan ng Pangulo.
Ito ay binabawi ko rin at humihingi ako ng paumanhin sa lahat sa mga sakit at pinsalang dulot ng aking kolum. n
Kaso ng mga supermarket
KATULAD nang halos lahat ng tao sa Australia, ako ay nakakadama rin nang malaking pagtaas ng mga bilihin lalung-lalo na sa pagkain at mga groserya. Magmula noong pandemic, napakalaking itinaas ng presyo na ibinebenta ng dalawang higanteng supermarket: Coles at Woolworths. Colesworth sa madaling sabi. May mga alegasyon na ang Colesworth daw ay gumagawa ng ilegal at sikretong sabwatan sa presyo. Ginagamit din daw ng dalawa ang kanilang lakas para mabraso ang kanilang mga suppliers. Kaya naman pumasok ang gobyernong Pederal Marami na kasing reklamo ang mga mamimili dahil sa taas ng presyo. Lalo pa na ang Colesworth ay nagdeklara ng napakalaking tubo. Tinitingnan ng gobyerno kung totoong may sabwatan sa presyo at iba pang mga ilegal na aktibidad. Kahit na ang mga Greens ay gustong bigyan ng malaking karagdagang kapangyarihan ang ACCC para mapuwersiya ang Colesworth na baklasin ang kanilang negosyo kung mapapatunayan na sila ay gumagawa ng mga ilegal na aktibidad na hindi ayon sa batas ng anti-competition. n
SULAT SA
Nakakatulong ba ang ating mga samahan?
Ano ang mapapala mo sa mga community organisation? Napakaraming mga samahan sa komunidad ng mga Pinoy sa Australya.
May mga jokes nga na mas marami daw ang mga organisasyon kaysa mga tao.
Pero sa totoo lang, maraming magagandang ginagawa ng mga organisasyon.
Nasasagot nito ang ibat-ibang mga hilig: mga aktibidad na pampalipas ng oras lalo na para sa mga matatanda, katulad ng sama-samang pamamasyal sa mga magagandang lugar, mga sayawan at ibang sosyalan, pagkakataong magbihis ng maganda, makapag-gentle exercise, magkumustahan upang makapag-alaman tungkol
SA TINGIN KO
Bsa estado ng kalusugan, pagtutulungan sa paggawa ng mga pangkawanggawa katulad ng pagkolekta ng mga donasyon para maibigay na ayuda sa mga nasalanta ng mga sakuna o nahihirapan sa buhay, pagsama-sama sa pagsamba, katulong sa pagkakaroon ng mapagtrabahuan, murang pabahay, ayuda at ibang pang-angat sa buhay.
Dapat tayong tumulong at makilahok sa pagpapasigla ng mga ganitong organisasyon.
Mahirap din talaga ang nabubuhay na banyaga. Lalo na kung ikaw ay nag-iisa o mapag-isa. Dahil sa maraming
isinalin sa Pilipino
ni RUBEN AMORES ni TOM BAENA
Ugaling Filipino na dapat pagiingatan
ILANG Filipino, ang ating kultura at pagpapahalaga ang nagdidikta, paggalang sa mga matatanda, pagpapakumbaba, pagiging palakaibigan, mapagkasunduan at marami pang iba tulad ng utang na loob.
Sa pamumuhay sa Australia, napagtanto natin ngayon na, oo, ang paggalang ay maaari pa ring ibigay sa kung ano ang nararapat ngunit hinihikayat din tayong maging
> TULOY SA p3
assertive. At ito ay totoo sa ating mga anak tulad nang natutunan nila mula sa paaralan. Para sa ating mga Filipinong lumaki sa Pilipinas, ito ay hindi naiisip ng pakikipag sagot sa magulang, sa mga matatanda, lolo at lola, tiyuhin at tiyahin, at maging sa mga nakatatandang kapatid.
> TULOY SA p3
EDITOR
Ginoong Editor, Maraming salamat po sa iyong pagbahagi ng Balitang Pinoy sa Australia. Sa tagal ng aking pamumuhay dito, medyo nahirapan na akong bumasa sa Tagalog
Dinala ko ang aking buong pamilya dito sa Sydney mula pa nuong 1995. Pinahanga mo ako sa iyong dalubhasang pagbuo ng pahayagan sa wikang Pilipino, lalo na sa buong gilas mong abilidad sa teklonohia.
Ako, sa idad kong 79, ay di hamak na nakababata sa iyo. Pero tinatamad na akong makabuo ng pahayagan, lalo pa’t sa ating sariling wika.
Hanggang dito na lamang dahil ina-antok na ako.
Bahala na po kayo, kuya, kung gusto ninyong ilathala itong munti kong sulat.
DINO CRESCINI Ang dating Editor ng Philippine Sentinel at Philippine Tribune
2 ANG BALITA PANANAW PILIPINO
ni FELIX ORCULLO
BATO BATO SA LANGIT
SiSi ‘Hershey’ ang Int’l Queen ng Mardi Gras
‘Hershey’, ng Filipino community sa Sydney ang na crown 2024 Miss International Mardi Gras ng Sydney sa colourful pageant na ginanap sa The Orion centre, Campsie, NSW noong Sabado, Pebrero 24, 2024.
Ang ika-14 na pageant ay binubuo ng mga kandidata mula sa mga komunidad ng South East Asia sa Sydney at inorgasnise ng Flagcom (ang Filipino Lesbian and Gay Community) upang ipagdiwang ang 46th Gay and Lesbian Mardi Gras festival ng Sydney sa pagitan ng Pebrero 16 hanggang Marso 3.
Mahigit na 500 katao mula sa iba’t ibang ethnic community ang nanuod sa masayang na libangan at makulay coronation program.
Labindalawang kandidato na nakadamit masiklab ang gumanap sa enablado, at ang nagwagi ay si ‘Hershey’ na in sinakay sa luxury car at
LANGUAGE
INTERNATIONAL QUEEN ng 2024 Mardi Gras: ‘Hershey’, paluhod na nagpapasalamat sa madla. sinundan ng 2024 Rainbow Princess, ‘Melanie’, ng komunidad ng Vietnam; at 2024 Pink Triangle Princess, Nursajat, ng komunidad ng Malaysia, at siyam pa na kandidata. n
Huwag sana ikahiya ang inang wika
JIHAD DIB
NSW
Minister for Customer Service and Digital Government
> MULA SA p1
Taos puso ibinibigay ...
ng maraming kapuri-puring proyekto bilang suporta sa mga natural na kalamidad, sakuna, aklatan ng paaralan; scholarship program para sa mga batang nag-aaral, tulong sa mga orphanage, taunang pagbibigay ng regalo at mga proyektong apostolado sa Australia at Pilipinas.
Nag-graduate si Josie sa Bicol University, cum caude, sa Pilipinas at naging associate professor sa Bicol University ng 19 na taon.
Una siyang dumating sa Australia noong Enero, 1990 bilang AIDABEMMS Australian Government Scholar sa Univesity of NSW.
Natapos niya ang MSc degree sa Biological Science (UNSW) at Master of Arts in Education.
Siya ay founding president ng Maharlika Inc, nilunsad ang first Bicol Grand Reunion Group na ngayon ay Bicol Communities Leagues; co-founder siya ng Australian Devotees of our Lady of Penafrancia , miyembro ng Governing Board ng Ethnic Communities Council of NSW, secretary at director ng Philippine Community Council of NSW.
Aktibong supporter si Josie ng Gawad Kalinga sa pamamagitan ng proyekto ng Young Ambassador kasama ang kanyang pamilya mula noong unang bahagi ng 2000 hanggang ngayon, pinapanatili ang kanyang mga koneksyon at suporta sa mga nayon ng Gawad Kalinga sa Bicol at iba pang bahagi ng Pilipinas. Para bang imposible na makakita at iba pang kaakit-akit at maliit na babae, tulad ni Josefina ‘Josie’ Cervantes Musa, na may diwa at simbuyo ng damdamin patungo sa napakaraming mga pangako sa buhay. n
HUWAG nating ikahiya ang ating inang wika, ayon sa NSW Minister for Customer Service and Digital Government sa NSW, Jihad Dib.
Kamakailan ay sinabi ni Mr Dib sa isang taunang teachers’ conference sa wika ng komunidad na dati ay nahihiya siya sa kanyang pangalan at sa wikang ginagamit ng kanyang mga magulang.
“Lahat ng iba pang mga bata sa paaralan mula sa Griyego, Italyano at iba pang mga European background ay ganoon din,” sabi ni Mr Dib.
Sinabi niya sa kumperensya na inorganisa ng NSW Federation of Community Language Schools sa University of Technology Sydney, na ang kanyang magulang ay idina-drop off siya sa isang Arabic Language School tuwing Sabado, pero hindi siya pumapasok.
Isang araw, ay nakilala ng kanyang magulang ang guro at tinanong nila kumusta naman ang pagunlad ng kanilang anak.
“Ang sagot ng guro ay hindi daw niya ako nakikita,” sabi ni Mr Dib. Opisyal na pagbubukas ng kumpe-
Ina ang inspirasyon ...
Siya ay kasalukuyang abogado sa opisina Geronimo & Associates, sa Blacktown, at isa syang experienced teacher - nagturo si Linda ng mga asignatura ng batas at mga kursong diploma sa negosyo at pamamahala.
Ang may-akda ay nagsusulat ng isang regular na newspaper column, Legal Na Mga Tala, sa isang
> MULA SA p1
tanyag na pahayagan sa komunidad, Philippine Community Herald, na nagbibigay ng pananaw para sa isang layko kung paano tutugunan ang mga hamon ng batas sa pang-araw-araw na buhay.
Pinagsasama niya ang kanyang pagmamahal sa pagsusulat sa kanyang pagmamahal upang makatulong sa mga tao, lalo na sa Filipino-Australian community. n
Ano ang mapapala natin ....
> MULA SA p2
dahilan katulad ng pagkamahiyain, walang pera, may kapansanan o walang kaibigan o kamag-anak ay nahihirapang sumanib sa mga grupo. Sila ay nagiging mapag-isa, nalululong sa bisyo, magdamagan sa mga pasugalan, nakakatulog sa lansangan at nagkakasakit na walang nakakaalam o nag-aasikaso sa kanila.
Pero marami rin tayong mga napapakinggan na mga isyu tungkol sa mga ilang samahan. Ginagamit daw nila ito sa pagkomersyo o sa pansariling kapakanan ng mga lider, ginagamit na pampulitika o pag-satisfy sa mga maladambuhalang ego at iba pa.
Sa palagay nyo ba nakakatulong sa inyo ang mga samahan? n
Ugaling Pilipino na dapat
.... > MULA SA p2
Hindi ka sumagot o igiit ang iyong mga karapatan.
Ito ay isang bit ng ‘cultural shock’ sa mga unang henerasyon ng mga Pilipino sa Australia, at pagkakaroon upang tiisin ang kanilang mga lumalaking mga bata na nagsasalita pabalik at paggigiit ng kanilang mga karapatan mali man o tama.
Gayunpaman, hindi ito ang tunay na problema, dahil sa paglipas ng panahon bilang mga Pilipino ay nakikilala na madali silang makapag assimilate at mag ampon.
Kaya, kailangan lamang na maging assertive tayo. n
rensya noong nakaraang taon na may higit sa 550 guro sa wika ng komunidad, sinabi ng Minister: “Ngayon ito ay ang kumpletong kabaligtaran, na may mga bata masigasig na pag aaral ng mga wika ng kanilang mga magulang at pagyakap sa kanilang mga kultura.
“Ang aking sariling mga bata ay napakalaki ipinagmamalaki ng kanilang multilingual kakayahan at ang kanilang pangalan ng pamilya.
“Ang mga guro sa wika ng komunidad ang dahilan ng malaking pagbabagong iyon.”
Sa pagtanggap sa mga kalahok sa kumperensya, sinabi ng Pangulo ng Federation, Lucia Johns: “Ang Federation at ang mga paaralang miyembro nito ay may mahalagang papel sa pagtuturo ng mga wika at kultura sa NSW at Australia at ang wika ay isang mahalagang kadahilanan sa pagsasama at pakikilahok sa lipunan.
IMIGRASYON
ANG Albanese Government ay naglalayong ihati ang net migration ng Australia sa loob ng dalawang taon upang putulin ang taunang paggamit mula sa isang record high ng 510,000 sa pamamagitan ng pagpapataw ng mas matigas na mga pagsubok sa mga magaaral sa ibang bansa at pagtalikod sa mga manggagawa na may mababang kasanayan. Ang bagong strategy ay magpipilit sa mga mag-aaral na makapasa sa mas malakas na pagsusulit sa wikang Ingles at kakailanganin nilang patunayan na sila ay tunay na mga mag-aaral bago sila pumasok sa bansa, habang ginagawang mas mahirap para sa kanila na manatili kung hindi sila makahanap ng mga trabaho na tumutulong sa pagtugon sa mga kakulangan sa kasanayan. n
Ang mga paaralan ng wika ng komunidad ay tumutulong sa mga mag aaral na matuto at gumamit ng kanilang wika sa komunidad. Bukas din ang mga ito sa sinumang mag aaral na nais matuto ng bagong wika.
Ang NSW Federation of Community Language Schools ay kumakatawan sa humigit-kumulang na 250 paaralan na may higit sa 460 na lokasyon statewide.
Iisa lamang ang paaralan ng wikang Filipino, at iyon ay ang Penrith Community Filipino School: makipag ugnayan kay Alexis Leones sa 0421 602 424. n
ANG BALITA 3
SHOW BUSINESS
DITO AT DOON
MISS UNIVERSE PHILIPPINES AUSTRALIA
Dalawang bituwin
DI LAMANG isa kundi isang pares ang ilalaban ng Filipino Australian community sa 2024 Miss Universe Philippines pageant sa Mayo 24, 2024 sa Philippines. Sila ay si KIMBERLEE STREET at si JENINA LUI.
Ani KIMBERLEE: “ANG Miss Universe Philippines ay higit pa sa isang pageant, ito ang aking plataporma upang gumawa ng pagkakaiba, na nag iiwan ng isang pamana na lampas sa korona. n
Ani JENINA: “ANG prestihiyosong plataporma ay isang pagkakataon na ipakita hindi lamang ang aking kagandahan at katalinuhan kundi pati na rin ang kanyang adbokasiya para sa pagpapahalaga sa kultura at serbisyo sa komunidad sa pangmundong entablado. n
DI SIYA NATIN GAANONG KILALA SA AUSTRALIA
SIYA ay isang Filipino Australian actress, model, television host, entrepreneur, recording artist na binansagang Asia’s Multimedia Superstar.
Si Anne Curtis-Smith, na kilala bilang isa sa pinakamatagumpay na artista ng 21st Century sa Pilipinas, ay isinilang sa Yarrawonga, Victoria, Australia, kina Carmencita Ojales, isang Filipina mula sa Bolinao, Pangasinan, at James Ernest Curtis-Smith, isang abogado sa Australia. Si Anne ang kauna unahang Pinoy celebrity na umabot sa 20 million followers sa Instagram at nag ipon ng milyon-milyon pa sa ibang social media.
Subalit hindi siya gaanong kilala ng mga Filipino-Australian at ng mga Australian mainstream ngayon. n
Ehemplo ng Mindanao sa inter-faith harmony
ISA sa mga guest speaker sa Interfaith Harmony Week sa Sydney noon Pebrero 3, 2024 ay ang Filipino-Australian photojournalist at community radio broadcaster na si Maria Eftekharhastroudi, ng Pyrmont, Sydney.
Si Maria (pen name sa media Marilie Bomediano) ay na imbita sa event bilang media ambassador ng Heavenly Culture World Peace Restoration of Light (HWPL) na nakabase sa South Korea, at ang pinuno nitong organisasyon ay si Lee Man-Hee.
Ang layunin ng Interfaith Harmony Week ay itaguyod ang pagkakasundo sa pagitan
ANG BALITA Australia
ng mga mamamayan ng mundo.
Sabi ni Maria: “Sinimula ng Korean War veteran na si Man-Hee Lee ang mga bunga ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpalit ng mga armas na paninira sa buhay at kasangkapan.
“Noong Enero 2014, nailagdaan ang isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga kinatawan ng Islam at ng Simbahang Katoliko na nangangakong hindi magdudulot ng mga salungatan.
“Ang kasunduan ay nagbukas ng bagong panahon ng kapayapaan para sa Mindanao.” n
SPONSORS
Mga opinyon na ipinahayag ng mga mamamahayag at mga nag ambag dito ay hindi sumasalamin yung mga opinion ng publisher.
4 ANG BALITA
MARIA EFTEKHARHASHTRUODI
Publisher JAIME K PIMENTEL Lidcombe NSW AUSTRALIA EDITOR JAIME
PIMENTEL 0423
REPORTER SERNA LADIA MARILIE BOMEDIANO COLUMNIST FELIX ORCULLO RUBEN AMORES JOSEPH ORBASE SUBEDITOR FELIX ORCULLO MARILIE BOMEDIANO
K
358 747
WAIVER
ANNE CURTIS-SMITH
KIMBERLEE:
JENINA