8
Opinion | Editor's Corner
Tax Avoidance against Tax Evasion
W
e have heard about the Tax Avoidance and Tax Evasion. What is the difference between these two? In Philippine decrees, what are the penalties for not paying taxes? Tax avoidance is a completely legal way to lower taxes using tax benefits. Whereas, in tax evasion, the individual is purposely dipping tax liability by means of deceitful or omitting figures when filing taxes. Likewise, it includes systems beyond lawful means resulting in civil or criminal liabilities of the taxpayer. These are two ways used by taxpayers in order not to pay taxes or pay reduced taxes. NIRC SEC. 255. Failure to File Return, Supply Correct and Accurate Information, Pay Tax Withhold and Remit Tax and Refund Excess Taxes Withheld on Compensation. - Any person required under this Code or by rules and regulations promulgated thereunder to pay any tax make a return, keep any record, or supply correct the accurate information, who willfully fails to pay such tax, make such return, keep such record, or supply correct and accurate information, or withhold or remit taxes withheld, or refund excess taxes withheld on compensation, at the time or times required by law or rules and regulations shall, in addition to other penalties provided by law, upon conviction thereof, be punished by a fine of not less than Ten Thousand Pesos (P 10,000) and suffer imprisonment of not less than one (1) year but not more than ten (10) years.
LEGAL CHIKA
Raquel P. Getigan Earned Bachelor of Laws degree at Manila Law College and Bachelor of Arts in Psychology at Philippine Normal University. She’s an educator by profession and Apprentice at Atty. Romeo Sese Law office.
Any person who attempts to make it appear for any reason that he or another has in fact filed a return or statement, or actually files a return or statement and subsequently withdraws the same return or statement after securing the official receiving seal or stamp of receipt of internal revenue office wherein the same was actually filed shall, upon conviction therefor, be punished by a fine of not less than Ten Thousand Pesos (P 10,000) but not more than Twenty Thousand Pesos (P 20,000) and suffer imprisonment of not less than one (1) year but not more than three (3) years. In addition, Annex A of Revenue Memorandum Order (RMO) No. 7-2015 provides for the Revised Consolidated Schedule of Compromise Penalties for Violations of the National Internal Revenue Code (NIRC),
ALBERTA FILIPINO JOURNAL JULY 2022 from page 4, Talangka
pumunta ay makakatagpo ka ng “Chinatown!” Ito ay sa kadahilanan na sila-sila ay naghihilahan din tulad ng mga talangka. Ang kaibahan nga lamang, kapag may naunang nakaakyat sa kanila sa bunganga ng basket; at kapag nakita niya na may matatamong liwanag at mas malaking oportunidad para umasenso sa labas, kaagad niyang iniaabot ang kanyang kamay sa kanyang mga kasamahan upang hatakin paitaas. Magkakasama silang aakyat para sa pangkalahatang layunin upang makamtan ang tagumpay at kaunlaran. Tayo, anong meron tayo? Paano tayo naghihilahan? Mas namamayani yata sa ating mga puso ang selosan, inggitan, pabonggahan, at payabangan kesa sa suportahan. Kung kaya nga, kapag lumakad tayo, kung hindi man grupohan ay solohan—lumalakad tayo bilang magkaka-alyado: Depende sa kung ano ang rehiyon, probinsya at Pilipinong-grupong kinaaaniban mo. Kinakailangang may sikat na grupo. May patalbugan at pabonggahan. Okey lang naman sana kung maiiwasan lamang na magsalita ng makasasakit laban sa iba. Okey din naman na tumaas ka, tiyakin mo lang na di mo natatapakan ang iba. Di po ba? Kelan ba tayo kikilos bilang iisa o nagkakaisang mga Filipino at sino ba talaga ang mamumuno para dito; samantalang, para bang hirap na hirap tayong tanggapin ang kahusayan ng iba. Ano bang pinag-aagawan? Meron bang kayamanan o para may maipagmayabang lamang? Kredito ba? Aba, eh di ikaw na! Kaya lamang, may mabubuo ba kung ganyan ka? (Kasali na ako!) Hindi po kaya posibleng sa Pilipinas pa lamang ay isama na sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) o sa embahada pa lamang, na ang sinumang lalabas ng ating bansa ay kinakailangang iutos na sa atin ang pagbibigay-pugay (courtesy call) sa opisina ng Konsulado ng Pilipinas sa mga probinsya ng Bansang ating pupuntahan, nang sa gayun ay makilala at malaman natin kung sino at saan ang wastong ahensiya na ating pupuntahan sa anumang oras na makaranas tayo
ng di inaasahan. Mas mainam na nakasentro tayo sa kung ano mang programa na meron ang Konsulado ng Pilipinas. At, mas pinaka-mainam na nakatututok din naman ang opisina ng Konsul sa mga Temporary Filipino Workers (TFW), lalo na sa oras ng pangangailangan. Sa ganitong pamamaraan, magkakalakas ng loob ang sinuman dahil mararamdaman natin na meron tayong isang bahaykanlungan na malayo sa tunay nating tahanan, at mayroong kumikilalang nanay o tatay na tunay na maglilingkod at gagabay. Posible din kaya na, isang araw ay magkita-kita at magkatipon-tipon tayo sa isang lugar na tatawagin nating: Philippine Cultural Center of Alberta (PCCA) sa Edmonton o kaya ay ang itinataguyod na ngayon na Edmonton Philippine International Center (EPIC)? Wala po itong ipinagkaiba sa Philippine Cultural Center of Manitoba (PCCM) sa Winnipeg. Ang mga Korean, hindi natin sila marami sa Edmonton, pero, meron silang Sejong Hall? Ang mga Polish, meron silang Polish Halls. Ang Ukrainian, meron silang Ukrainian Halls. Kung nagawa nila, bakit hindi natin magawa? Mahirap po ba kaya hindi natin ginagawa o hindi lang natin ginagawa kaya nagiging mahirap? Nakakatawa po akong mangarap ano? Sa pagbabasa mo pa lang ng article kong ito, tiyak na mayayabangan ka na agad sa akin. At, may posibilidad, na makatikim ako ng pagkutya sa oras na makaharap mo ako. Tiyak ko, ito ang linyang sasabihin mo: “Hoy, Lito, kelan ka lang ba dito? Matagal na kami dito, at binalak na naming gustong gawin ‘yan pero walang nangyari. Mabibigo ka lang. Ginawa na dati yan at walang nangyari. Siguradongsigurado, hihilahin ka pababa ng mga kritiko!” Mistulang basketball din nga lang ang buhay sa Canada. Para bang merong pa-liga at kailangan mong magpalista sa talaan ng mga kalahok. Subalit hindi lahat ng nagpalista ay nagiging kalahok dahil may tanggalan din naman (pre-trial or process of elimination). Ang mga nakapasa lamang sa paunang pagsubok ang makakaanib o makakalahok upang makapaglaro hanggang finals. Kung kaya naman, iilan lamang ang
sumisikat. Ang tanong: “Sino nga ba ang mga hurado para husgahan ang pagka-panalo at pagka-talo. Minsan pa nga, hindi ka pa naglalaro ay may husga na—kahit di pa nila nakikita kung paano mo i-shoot ang bola. Tila yata tayong lahat ay mali? Kapag hindi natin tinantanan ang balyahan sa paglalaro, hindi tayo magwawagi ng may kalakip na ligaya sa ating mga puso. Iyan ay dahil sa hindi naging makatarungan at patas ang ating paglalaro. Wasto naman talaga na sa buhay sa Palakasan o Sports ay may nagwawagi at meron din namang sawi. Ngunit, tandaan pa rin natin, ang paligsahan ay nagbibigay kulay lamang sa buhay--hindi ito ang mismong buhay. Kung kaya nga tinawag natin itong LARO, di ba? Ang tanong: Naiwasan na ba nating maghilahan pababa? Kelan mo hindi siniraan ang iyong kapwa upang buoin ang iyong sarili? Kalian ba ang huling araw na kinagat mo sa likod ang iyong kaibigan (back-biting) 0 kaya naman ay pinagbintangan mo at bigla na lamang sinuntok sa harapan ng iyong mga kababayan? Itinuring mo pang kaibigan, huh! Kailan mo ba naaala-ala na ipinagtanggol mo ang lahing Pilipino sa pamamagitan ng mabuting halimbawa sa pinagtatrabuhan mo, sa pakikitungo sa kamanggagawa, at kapit-bahay mo? Kapwa Filipino lamang ba ang dapat igalang? Huwag mong kalimutan na, “Ang tao ay kapatid ng kapwa tao!” Gamitin natin ang pagkaFilipino sa paggawa ng kaaya-aya at sa pagrespeto. Igalang ang karapatan ng ibang lahi na maging Malaya. Napakasarap gumalaw sa lipunan bilang isang tunay na may KAGANDAHANG-ASAL at MARANGAL, gawin ang nararapat at iwasan ang di makatarungan. Uunlad lamang ang sambayanan ko ang bawat-isa ay lalabas sa butasbutas na basket. Natatanaw mo nga kung ano ang nasa sa labas; subalit di ka makalabas dahil sa paghahatakang walang wakas. (Para sa inyong mga mungkahi at puna, maaari n’yo akong kontakin sa litovelasco65@yahoo.ca)
B. For late filing of Tax Returns with NO Tax Due to be paid, the compromise penalty will be imposed upon filing of the Tax Return based on the following:
Remember the life-blood doctrine, taxation is necessary to the existence of government in order to function and operate. www.AlbertaFilipinoJournal.com
ADVERTISE WITH US 780-916-7677 publisher@albertafilipinojournal.com THE PULSE OF THE FILIPINO COMMUNITY IN THE PROVINCE OF ALBERTA, CANADA