E-Portfolio(Honda)

Page 1

Ang Tinig ng Literatura

Filipino sa Piling Larang

STM112

Pamantasang De La Salle Dasmarinas

Senior High school SY: 2022-2023

Filipino sa Piling Larang

ANG TINIG NG

LITERATURA

Ipinasa ni : Kyoko Honda

Ipapasa kay: Sir John Andrie Penalba

0 2

PROLOGO 3

Ang napiling pamagat ng awtor para sa kanyang portfolio ay “Ang Tinig ng Literatura”. Ito ang kanyang napili dahil sa pamamagitan ng kanyang mga obra, nagkaroon siya ng boses o tinig para maipamalas ang mga likha ng kanyang isipan. Ang pagsusulat ng iba’t ibang uri ng literatura tulad ng tula, tuluyan, at talumpati ay ang kanyang naging paraan upang ipakita sa mga tao ang kanyang pagkamalikhain. Ang literatura rin ang naging tuntungan niya upang mapagtanto na ito ang nakatulong sa kanya sa pagtaguyod ng arawaraw niyang pamumuhay bilang isang estudyante.

Ang mga nilalaman ng portfolio na ito ay ang iba’t ibang nilikha ng awtor batay sa paglikha ng panukalang proyekto, bionote, katitikan ng pulong, adyenda, at talumpati. Maliban sa mga nabanggit, nilalaman din nito ang kanyang naging repleksyon sa sarili ukol sa mga naging karanasan niya sa pagsusulat, pag presenta, at iba pang pinagdanasan niya sa loob ng kursong Filipino sa Piling Larang.

Nais ng awtor na pagpasalamat sa kanyang mga naging kapangkat sa ikaapat na termino dahil sa tulong at suporta binigay nila sa bawat pangkatang gawain. Isang malaking pasasalamat din ang nais niyang ibigay kay Sir Andrie Penalba dahil sa suporta na ibinigay niya sa buong klase sa bawat gawain sa klase at sa pagbibigay ng panibagong kaalaman sa kanyang mga estudyante.

TALAAN NG NILALAMAN

Bionote Panukalang proyekto Adyenda Katitikan ng Pulong Talumpati Epilogo Rubriks Sariling Bionote 5 6 9 10 12 13 14 15

BIONOTE

Bionote ng Napiling Personalidad

Si Liwayway Arceo ay isang sikat na Pilipinong manunulat. Isa sa mga kilala niyang nobela ay ang Canal de la reina na naipalimbag noong taong 1973, at kilala din ang likha niyang maiikling kwento tulad ng Mga Kwento ng Pag-ibig. Kinilala bilang ikalawa sa Pinakamabuting Maikling Katha ng 1943 ang kanyang likha na Uhaw ang Tigang na Lupa sa Japanese Imperial Governmentsanctioned. Bukod pa sa pagiging manunulat, siya rin ay isang pangunahing aktres sa isang Japanese at Filipinong palabas na nagngangalang “Tatlong Maria” na naipalabas noong panahon ng ikalawang pandaigdigang digmaan. Isa rin sa kanyang mga maiikling kwento, ‘Lumapit, Lamayo ang Umaga’, ay ipinamalas sa isang palabas na ginawa ng isang national artist na si Ishmael Bernal. Marami na ang natanggap niyang pagkilala at panalo para sa kanyang mga likha, tulad ng Carlos Palanca Award for Short Story in Filipino at ang Philippine National Centennial Commission award para sa kanyang mahuhusay na ambag sa larangan ng literature.

Pamantasang De La Salle -Dasmariñas

Dibisyon ng Senior High School

Filipino sa Piling Larangan

Akademiko

ANG KABATAAN SA LANSANGAN

I. Titulo ng Proyekto

Panukala: Pagsasagawa ng Kampanyang Adbokasiya tungkol sa maagang pagbubuntis ng kabataan sa gitna ng kahirapan

Organisasyon: UNICEF

Petsa at Lugar: Mayo 20-Hulyo 20, 2023, Brgy 105 Tondo Manila

II. Abstrak

Sa ating bansa, maraming mga kabataang babae ang nabubuntis at halos lahat sila ay hindi handa sa malaking responsibilidad na kanilang haharapin Ang panukala ng proyektong ito ay ang pagkaroon ng kampanya upang mapagbigyan ng kamalayan tungkol sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan, sapagkat ang layunin ng proyektong ito ay mabigyan ng kaalaman ang mga kabataang walang akses sa edukasyon ukol sa pakikipag talik bilang isang minorya at upang mabawasan ang kaso ng teenage pregnancy sa Tondo. Ang proyektong ito ay isasagawa sa Brgy. 105 Tondo

Manila na sisimulan sa Mayo 20 hanggang Hulyo 20, 2023 na ipapangasiwa ni Board Director Carl Magpantay na may suporta galing sa organisasyon ng UNICEF. Itong proyekto ay may tinantyang badget na ₱300,000 na gagamitin sa pagkuha ng mga tauhan, kabilang ang mga doktor, ushers, at mga tagapagsalita sa seminar. Ang seminar ay gaganapin sa iba’t ibang parte ng Tondo sa loob ng tatlong linggo. Ang mga ushers ay mag-iikot sa bayan ng Tondo at mamimigay ng mga fliers upang imbitahan ang mga kabataan na dumalo sa magaganap na seminar. Ang mga tagapagsalita ay mga propesyonal at may kaalaman ukol sa paksa at sila din ang tagapag daloy ng programa. Pati na rin ang mga doktor na magbibigay kaalaman ukol sa sex education at sa mga posibleng epekto ng teenage pregnancy.

III. Katwiran ng Proyekto

Isa ang Barangay 105 sa Tondo, Manila sa maraming Lugar ang nakakaranas ng teenage pregnancy mula sa kanilang mamamayan Mula sa dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo nakikita natin ang masamang kalagayan ng mga "teenage moms". Mula sa masama ang kalagayan ng kapaligiran, kahirapan ng buhay nila, at walang karanasan sa pagpapalaki o pag aalaga ng isang sanggol hindi natin maitatanggi na mahirap ang sitwasyon nila Isa rin sa malaking isyung panlipunan sa bansa ang teenage pregnancy na matagal ng isyu ngunit hindi masolusyunan o mapigilan.

Layunin ng proyektong ito na magbigay ng malalim na pang unawa tungkol sa teenage pregnancy at kahalagahan ng pagtatayo ng isang pamilya at pagpapalaki ng isang bata, ang brgy 105 ay isa sa mga lugar sa ating bansa kung saan nakakaranas ng labis na kahirapan na ang karaniwang dahilan ay ang teenage pregnancy at pagpapamilya sa murang edad Ang pangunahing dahilan ng teenage pregnancy ay ang kawalan ng kaalaman tungkol sa sex education at family planning Kung ang proyektong ito ay ma-apruba, tiyak na matutulungan ang mga mamamayan ng Brgy. 105 at pati na rin ang ibang komunidad.

IV. Layunin

Ang layunin ng proyektong ito ay ang makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan sa Tondo ukol sa importansya ng proper family planning na kasama ng sex education upang maiwasan ang dumadaming kaso ng teenage pregnancy sa laylayan Lalo na’t isa sa mga pinakamalaking kontributor sa kahirapan ay ang teenage pregnancy, kaya’t isang malaking tulong ang paglawak ng akmang kaalaman tungkol dito.

V. Target na Benepisyaryo

Ang target na benepisyaryo ng proyektong ito ang mga kabataan na naninirahan sa Tondo, Maynila sa pagiging mas maingat sa pakikipagtalik habang sila ay nasa minoryang edad pa lamang at nasa estado kung saan wala pa silang kakayahan na tumustos para sa kanilang mga sarili

VI. Implementasyon ng Proyekto

ADYENDA

ADYENDA

Lokasyon: Unibersidad ng De La Salle Dasmariñas SHS Complex

Rm / 136

Petsa: Ika-3 ng Mayo taong 2023

Oras: 3:00n.h. hanggang 5:00n.h.

Tagapangasiwa: Board Director Carl Martin Magpantay

Introduksyon

Pambungad na pananalita

II. Pagtatala ng mga dumalo: Ang lahat ng miyembro ay nakadalo sa pulong.

III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda

1. a. Teenage Pregnancy

Pagpresenta ng isyung panlipunan

2. Open Forum

a. Pagbibigay ng mungkahi

Pagbibigay ng ideya

IV. Karagdagang impormasyon

V. Pangwakas na salita

TALUMPATI

Langit-lupa, Sino ang Taya?

Handa ka na bang makipag taya-tayaan? Sa mundong may konsepto ng langit at lupa na higit na sumasakop sa mentalidad ng lipunan, ang pakikipag laro ng langit-lupa ay hindi kaaya-aya dahil hindi na tayo mga bata; hindi na tayo ang mga mangmang na naka angkla sa kasiyahan na naibibigay ng larong taya-tayaan Tanggalin ang mga piring, mag bilang nang malakas, at kumaripas ng takbo tungo sa kalangitan. Ngunit tandaan, huwag magpahuli dahil ang muling pag-angat ay walang kasiguraduhan.

Naririndi na ang aking mga tenga sa kada salita na lumalabas sa bibig ng nagbabalita. Sa bawat pagbuka ng kanyang bibig, mamumulat ang iyong isipan sa kalunos-lunos na mga pangyayari dahil sa higanteng pagitan sa gitna ng mga mahihirap at mayayaman Muli, mayroong ordinaryong mamamayan ang binawian ng pangarap at buhay dahil sa maling hinala. Ang mga hinalang tila ba’y sa mahihirap lang naipagpapasya, samantalang ang mga taong napupuno ng ginto ang bulsa ay nananatili sa langit nang hindi binibilangan ang kanilang bawat hakbang kahit na ay ito ay napupuno ng dugo at karahasan Pare-pareho tayong naglalaro sa mundong ibabaw, ngunit hindi lahat ay maaaring maka apak sa ginhawa ng kalangitan.

Isa sa mga halimbawa ay ang pribilehiyo ng mga mayayaman sa batas Isang bigkas ng isang kilalang pangalan, ang mga posas sa kanilang kamay ay nawalan na ng silbi at ang kanilang kasalanan ay biglang naglaho na parang bula. Ngunit kapag hinatulan ang isang ordinaryong mamamayan, sila ay halos magkandarapa para makamit lamang ang kanilang karapatan Matagal nang hindi patas ang laro ng langit-lupa, ngunit dapat nalang ba natin itong hayaan? Sabi nga nila, kasalanan na ang muling pumikit kapag ikaw ay dumilat na sa katotohanan.

Isa pang halimbawa ay ang higit na lamang ng mga nakapag-aral sa kilala at mamahaling paaralan kumpara sa mga nag-aral sa mga pampublikong paaralan sa paghahanap ng trabaho Hindi ibig-sabihin ay mahusay na magagampanan ng isang indibidwal ang kanyang trabaho dahil lang siya ay nakapag-aral sa kilalang eskwelahan. Ngunit, aminin man natin o hindi, mas mataas ang tsansa na makamit ang pwesto kung daladala mo ang pangalan ng isang sikat na unibersidad sa iyong mga balikat. Sa pananatili ng ganitong pananaw sa ating lipunan, masasabi nating totoo ang linyang “Mas yumayaman lang ang mga mayayaman at mas humihirap lang ang mga mahihirap”.

Bakit pa nga ba mayroong langit at lupa sa mundong ibabaw? Bakit pa natin kailangan pumili ng magiging taya kung tayo ay nabubuhay sa mundo na puno ng kadayaan? Simula’t sapul, hindi naging patas ang labanan, kaya’t muli nating pag-isipan ang daloy ng ating lupang ginagalawan. Hindi na tayo bata, gulpihin ang ideya ng langit at lupa, at ibaon sa hukay ang katagang “Langit-lupa, sino ang taya?”.

EPILOGO

Ang kursong ito ay naging paraan upang maipamalas ng awtor ang kanyang hilig sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng likhang panitikan. Kanyang napagtanto ang importansya ng pag-aaral ng sariling kultura, ang kultura na makikita sa pagsulat gamit ang ating sariling wika. Isa pa sa kanyang napagtantuhan ay ang ating wika ay isa sa mga importanteng yaman ng ating bansa na dapat pangalagaan upang maipamalas din ito ng mga susunod pang henerasyon.

Ang pagsulat ay hindi basta pagsulat, dahil kasama rito ang kritikal na pagiisip at wastong paggamit ng wikang Filipino. Higit na pagkalugod ang nararamdaman ng awtor dahil siya ay nabigyan ng pagkakataon na matutunan ang mga paksang sakop ng kursong ito, at dito ay mas nakilala niya pa nang lubusan ang sariling wika. Ang pag-aaral ng kursong ito ay hindi lamang nakapag bigay sa kanya ng bagong impormasyon, ito rin ay nakatulong sa kanya na pagbutihin pa ang kanyang pagsulat, lalo na’t siya ay isang awtor sa isang student organization ng kanyang paaralan.

13

BIONOTE

Sarilinig Bionote

Si Kyoko Honda ay isang Pilipino-Hapones na dalaga. Siya ay labing pitong gulang at nag-aaral bilang isang Senior High school sa kursong Science, Technology, Engineering, at Mathematics sa unibersidad ng De La Salle Dasmariñas. Isa siyang miyembro ng organisasyong mag-aaral na nagngangalang ‘La Estrella Verde’ sa ilalim ng seksyon ng literatura kung saan naipapamalas at naipapabuti pa niya ang kanyang hilig sa pagsusulat ng mga tula at tuluyan, at nailimbag na ang isa sa kanyang mga gawa sa broadsheet ng organisasyon.

Taong 2019, isa sa kanyang mga hilig ang pagsasayaw na naipamalas niya sa entablado noong ginanap ang konsyerto ng Gforce na isang kilalang grupo ng mga propesyunal na manananayaw sa Pilipinias. Bukod sa pagsasayaw at pagsusulat, hilig niya din ang pagbabasa at pangongolekta ng mga iba’t ibang uri ng mga libro na higit na naka impluwensya sa kanyang pagsusulat ng mga likhang literatura.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.