
1 minute read
PROLOGO 3
from E-Portfolio(Honda)
by Kyoko Honda
Ang napiling pamagat ng awtor para sa kanyang portfolio ay “Ang Tinig ng Literatura”. Ito ang kanyang napili dahil sa pamamagitan ng kanyang mga obra, nagkaroon siya ng boses o tinig para maipamalas ang mga likha ng kanyang isipan. Ang pagsusulat ng iba’t ibang uri ng literatura tulad ng tula, tuluyan, at talumpati ay ang kanyang naging paraan upang ipakita sa mga tao ang kanyang pagkamalikhain. Ang literatura rin ang naging tuntungan niya upang mapagtanto na ito ang nakatulong sa kanya sa pagtaguyod ng arawaraw niyang pamumuhay bilang isang estudyante.
Ang mga nilalaman ng portfolio na ito ay ang iba’t ibang nilikha ng awtor batay sa paglikha ng panukalang proyekto, bionote, katitikan ng pulong, adyenda, at talumpati. Maliban sa mga nabanggit, nilalaman din nito ang kanyang naging repleksyon sa sarili ukol sa mga naging karanasan niya sa pagsusulat, pag presenta, at iba pang pinagdanasan niya sa loob ng kursong Filipino sa Piling Larang.
Advertisement
Nais ng awtor na pagpasalamat sa kanyang mga naging kapangkat sa ikaapat na termino dahil sa tulong at suporta binigay nila sa bawat pangkatang gawain. Isang malaking pasasalamat din ang nais niyang ibigay kay Sir Andrie Penalba dahil sa suporta na ibinigay niya sa buong klase sa bawat gawain sa klase at sa pagbibigay ng panibagong kaalaman sa kanyang mga estudyante.