
1 minute read
Pitong Letra
from The Seagull Official Literary Folio Of John B. Lacson Foundation Maritime University-Molo,Inc.
by The Seagull
Aer
Pag-ibig, pitong letra Libo-libong emosyon ang nakapinta Nakakalito at nakakatanga Kung bakit sa dinadami, siya pa? Pag-ibig, pitong letra Ngunit paano nga ba? Paano mapapalitan ang salitang ako Sa salitang tayo, at atin ito? Pag-ibig, pitong letra Pero ano ang konsepto mo dito? Ito ba ay tama? O di kaya'y masama? Pag-ibig, pito lamang letra Pero madalas nag-iiwan ng maraming marka Masasakit man o magagandang ala-ala Ang mahalaga,minahal niyo ang isa't-isa.
Advertisement