1 minute read

Tayo sa Ferris Wheel

Next Article
How can I ?

How can I ?

D'Authentic

Habang tayo ay papalapit Dibdib ko’y sumisikip Kaba, saya at takot ang namumuo Tila, parang tatalon ang puso ko

Advertisement

Biglang huminto at may bumaba Tayo ay sasakay na pala Ng pataas na ng pataas Ako’y biglang napakapit sa braso mong naninigas

Ramdam ko ang mainit mong kamay Habang tayo ay pataas-pababang nakasakay Sa Ferris Wheel na kasing tibay Ng pagkakaibigan nating tunay

Ako’y napayakap ng mahigpit Samantalang ikaw ay nakapikit Tanaw ko ang mga bituin sa langit Parang ikaw, kay ganda’t bait

Napasigaw ako ng todong-todo Ngunit ika’y tulog sa braso ko Kay sarap ulit-ulitin at damhin Habang tayo ay magkayakap sa dilim

Napakagandang ala-alang binuo Nating dalawa, ikaw at ako Tunay ngang lungkot ay mapapalitan ng saya Pag ikaw ang lagi kong kasama.

This article is from: