
1 minute read
Ang Tula para kay Inay
from The Seagull Official Literary Folio Of John B. Lacson Foundation Maritime University-Molo,Inc.
by The Seagull
Bulaks
Ako’y musmos pa ng unang nasilayan Ang buhay na sa aki’y iyong inilaan Sa murang isipan ika’y aking guro Na handang gumabay at handang magturo.
Advertisement
Patawad Inay kung di ako naging mabait Na minsan ako’y pasaway at ika’y nagagalit Na sa bawat sermon at iyong pangangaral Ramdam ko kung gaano mo ako kamahal.
Alam kong kulang ang salitang salamat Para sa tulad mong gagawin ang lahat Upang kami’y maging matagumpay At di maranasan ang hirap ng buhay.
Mahal kita at ito ang iyong tandaan Lahat ng maabot ko sayo ilalaan Dahil ikaw ang nagbigay ng pagkakataon At nagturo sa akin kung paano bumangon.
Balang araw ay makakabawi rin ako sayo At maipagmalaki kita sa lahat ng tao Na ikaw Inay ang bayani ng buhay ko At ako ang pinakamaswerteng anak sa mundo.