4 minute read

Cotton Candy

Cotton Candy Yaretzi

Advertisement

PHOTOGRAPH BY FRANZ CHRYSLER MARIE C. DELGADO

Minsan, sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Palagi ka na lang sinusorpresa sa mga kaganapan na maaaring magbigay ligaya o pighati, payapa o gulo, at higit sa lahat, pagkahilom o masusugatan muli. “Mama, gusto ko rin ng cotton candty!” nagmamaktol at mangiyak-ngiyak na hinaing ni Marie habang tinuturo ang kapwa nito bata na dumaan sa harap nila habang kumakain ng cotton candy. Pasado alas tres na iyon sa hapon sa isang ice cream parlor dito sa Amusement Park, sinamahan ko ang aking Ate Florida at ang anak niyang si Marie na mag-aliw pansamantala. "Nenet, bilhan mo nga ‘tong pinsan mo ng cotton candy at baka umiyak na yan mamaya," natatawang utos sa akin ni Ate.

“Sige Ate. Nagsasawa na siguro itong si baby Marie kakakain ng ice cream!” tugon ko sa kanya at pilyo ring tumawa. “Isama mo na yang si Marie sa pagbili upang hindi na magmaktol at umiyak yan habang naghihintay ng cotton candy,” dagdag pa nito. “Sige Ate, halika ka na baby Marie bibili tayo ng cotton candy mo,” malamyos kong tawag sa bibo kong pinsan. Habang hawak-hawak ko ang malambot at maliit na kamay ni Marie, napagtanto kong ‘tila ang bilis naman ng paglipas ng panahon at marami rin ang nagbago. Naalala kong, hindi pa pala ipinagbubuntis ni Ate noon si Marie noong kami pa ng kasintahan kong si Cristobal. Limang taon na pala ang lumipas magmula noong nagkalabuan kami at natuloy sa isang hiwalayan. “Nenet, ikaw ba talaga iyan?” napalingon ako noong may pamilyar na boses na bumangit sa aking pangalan. Hindi nga ako nagkamali, si Cristobal nga talaga iyon at ang pares ng nanlalamlam na mga matang, hindi yata nagbago sa nakaraang limang taon. “Nenet, kamusta ka na?” pero tila siya ay nakarinig ng isang magandang musika, tila lumundag ang kanyang puso sa pagkabangit lamang nito ng kanyang pangalan. Pilit niyang hinamig ang sarili kahit na hindi maipaliwanag na kahungkagan ang biglang namuo at muling naramdaman niya para rito. “Heto, mas lalong gumanda noong wala ka na,” nakangiting sabi ko pagkatapos ay marahang tumawa upang pagaanin ang namumuong, presensiyang hindi kanai-nais. Nagbago na rin naman ako at natutunan ko na ang pagpapatawad ay isa sa mga dapat gawin upang mas maging tunay na payapa at maligaya ang isang tao.

“Oo nga, mas lalo ka pang gumanda,” paggatong pa nito sa sinabi ko habang may mga ngiti sa labi na siya namang nagpasilakbo at waring nagpamula sa aking dalawang pisngi. “Alam mo bang matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito? Ang muli tayong pagtagpuin ng tadhana ng hindi sinadaya katulad noong una nating pagkikita?” may kurot ngunit may halong lambing at pangungulila sa boses nito. Ngunit hindi talaga maipagkakaila, na ganoon pa rin karahas ang pagtibok ulit ng puso niya. Katulad ng dati niyang nararamdaman tuwing malapitan niyang nasisilayan ang lalaking, siyang lubos na nagpabaliw sa kanyang damdamin at pagkatao. “Anuba!!! Baka maubos na iyong cotton candy ko!” nagmamaktol ulit at tumitiling untag ng batang si Marie sa pag-uusap ng dating magkasintahan na siyang nagpa-udlot sa dalawa. “May anak ka na pala Nenet,” nanlulumong napasulyap ito sa batang kahawak-kamay ng dalagang, minsan ay naging sa kanya, ngunit ngayon ay may sarili na pa lang pamilya. “Ay! Oo pala,” natatarantang sagot ni Nenet. Lumuhod ito sa bata at malamyos na hinawakan ang buhok nito. “Pasensiya na baby Marie. Huwag ka na umiyak. Heto, bibili na tayo ng cotton candy, ha?” Humahangos at mabilis na lumakad habang nakahawak-kamay sila Nenet at ang batang si Marie papunta sa pinakamalapit na cotton candy stall habang naiwan naman si Cristobal na nanlulumo at nakatulala. Bunga ng pinaniniwalaan niyang katotohanan na nakabuo na pala ang dati niyang nobya ng sarili nitong pamilya at wala ng pag-asa pang magkabalikan silang dalawa. Mas lalong pang lumayo ang pagitan nito sa kanya , ngunit hindi na si Nenet sa likuran lumingon pa.

Love and Carnival

Bulaks

As time passes by, Darkness spilled its hue, And the golden sky, Began to feel blue.

With the sun setting in the west, And the moon commenced its rising in the east, And soon, Different lights began to shimmer and exist.

Laughter’s began to fill the space, In a place where happiness takes place, You’ve held my hand like we are in a race, As we continued to walk at a swift pace.

You took me first on a Ferris wheel in the brisk cool breeze, A dazzling moment that felt so surreal, A lover’s flying trapeze.

And when we fell, We fell forever entwined with each other, Onto each other’s ear, Whispering, “You’ll always be my lover”.

But the dawn has come, And so is our fantasy, Of our own child’s play, We began to take hold of the reality.

You began to slip and left me alone, And I was standing there, In the midst, Like a stone.

This article is from: