SIKAT ANG BAGONG




LIWANAG SA DILIM:
Pagpapatupad ng Catch-up Fridays sa PBHS, umarangkada
Umarangkada ang pagpapatupad ng Catch-up Fridays sa Ponciano Bernardo High School noong ika-12 ng Enero 2024.
Ito ay ang bagong program pang-edukasyon ng Department of Education na nais pang palakasin ang pundasyon, panlipunan, at iba pang kasanayang kinakailangan upang maisakatuparan ang layunin ng basic education curriculum.
Sa pag-implementa ng programa na ito ipinagkakaloob ang araw ng Biyernes ng buong taong panuruan para sa Catch-up Fridays na may pagtuon sa pagpapatakbo ng National Reading Program (NRP) sa unang kalahati, at pagpapaunlad ng edukasyon sa pagpapakatao, kalusugan, at kapayapaan para sa ikalawang kalahati ng araw, kasama na rito ang Homeroom Guidance Program.
Ayon sa punong-guro ng paaralan, nang maibaba sa kanila ang mga alintuntunin sa implementasyon ng Catch-up Fridays, naging magandang
bagay na bago maibaba sa kanila iyan nagkaroon ang mga guro ng in-service training (INSET) at doon nila pinaghandaan ang iba’t ibang mga kinakailangang materyales na kanilang gagamitin upang mapaganda ang implementasyon ng Catch-up Friday sa paaralan.
“Nung ibaba sa amin yung policy about the implementation of Catch-up Fridays good thing na prior to that nagkaroon tayo ng in-service training for teachers, so yung guidelines on how to conduct the Catch-up Fridays diniscuss namin iyan sa teachers, so ayun before the INSET ended nagkaroon ang bawat grade level ng collaborative meeting on how to conduct the Catch-up Friday, they come up with one teaching guide for each grade level, following the time allotted and topics allotted from DepEd,” ayon kay Bb. Dominga P. Cabadin Punong-guro ng paaralan.
Sambit ni Bb. Cassandra Villacorte, guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa PBHS, nung am-

EDITORYAL
BASAHIN
ing nakapanayam siya patungkol sa kaniyang mga naranasan na paghihirap sa implementasyon ng isinulong na Catch-up Fridays ng DepEd. Nagpahirap sa amin ito kasi nabawasan ang oras na pagtuturo namin sa bawat asignatura, tu- lad ako sa ESP yung mga natamaan na klase sa araw na iyon nabawasan Bb. Villacorte Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao
“Isa sa mga nagpahirap sa amin ay nabawasan ang oras na pagtuturo namin per subject, like ako sa ESP yung mga natamaan na klase sa araw [Biyernes] na iyon nabawasan,” Sambit ni Villacorte.
Ani ni Deyniel Angelique Avila mula sa ika-10 baitang, natutunan niyang mga bagong kaalaman ay ang mga katotothanang impormasyon pa-
tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata, naranasan niya ring makinig ng mabuti sa mga opinyon ng kapwa kamag-aral niya at kung paano niya rin maibibigay ng malinaw at maayos ang kaniyang mga opinyon sa ibang tao.
Dagdag pa niya “nakatulong talaga ng sobra sa akin ang Catchup Fridays dahil may mga unfamiliar words akong alam, na ngayon ko lang nalaman at naintindihan, and also sa pagbabasa ko nahahasa rin yung vocabulary ko at saka confidence.”
Itong programa na ito ay hindi kasama sa pagbibigay grado sa mga estudyante dahil ang layunin nito ang palakasin ang pag-aaral, ang pagunlad ng indibidwal ay dapat na subaybayan sa pamamagitan ng journal, pagsasama-sama ng mga karanasan sa pagbabasa, pag-aaral, at pagpapahalaga sa edukasyon sa pagpapakatao, kalusugan, at kapayapaan.

ISPORTS
LATHALAIN Katotohanan hanggang sa kamatayan Panulat | Princess Albano BASAHIN SA PAHINA 10 PAHAYAGANG TAONG PANURUAN: 2023 - 2024 Jeepney, kulturang babaklasin Panulat | Rowena Kenneleen Aira Dull at Lyca Cuz SA PAHINA 6 Matapos ang ika-55 na taon, PBHS Men’s Volleyball team sumabak na! Panulat | Jalile Romel Estuesta at Jaztine Dela Cruz BASAHIN SA PAHINA 12 AGHAM Christmas Trees ng mga kabataan: DepEd’s National Tree Planting Project Panulat | Arnie Justine Anota BASAHIN SA PAHINA 11 PBHS, tagumpay idinaos ang Brigada Eskwela 2023 DepEd’s 236,00 Trees—A Christmas Gift for the Children: PBHS, nakiisa! BASAHIN SA PAHINA 3 BASAHIN SA PAHINA 2 LARAWAN | Eunice Althea Razon PANULAT | Neil Brandon VidadBALITA

Nakiisa ang Ponciano Bernardo High School sa inilunsad na proyektong “DepEd’s 236,000 Trees—A Christmas Gift for the Children” noong Miyerkules, ika-6 ng Disyembre sa taong 2023.
Pinangunahan ng Punong-guro ng paaralan na si Dr. Dominga P. Cabadin, sinundan ng Faculty and Facilitating Personnel Organization (FAFPO) sa pangunguna ni G. Mark Joseph A. Jambalos, sumunod naman ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa pangunguna ni G. Neil Brandon DL Vildad, at tinapos ng Boys scout ng PBHS ang pagtatanim ng puno.
Naging malaking tulong ito sa mga estudyante at sa paaralan dahil natuturuan nito ang mga mag-aaral kung ano ang importansya
ng pagtatanim ng puno at pag-aalaga sa kapaligiran ng kanilang paaralan.
Mula sa opisyales ng isang organisasyon na nakatulong ang programang ito sa kaniya dahil sa kaniyang ginawang kilos napapakita niya na posibleng makapagtanim ang mga kabataan na tulad niya at nabigyan din siya ng mga kaalaman kung ano nga ba ang kahalagan ng puno sa ating kalikasan.
“Nakatulong ito sa akin dahil naipakita ko kung gaano kaposible bilang estudyante na magtanim sa ating mga tahanan, sa ating mga paaralan ng isang puno, na kung saan yung mga puno na iyon ay makakatulong sa ating mga environment o kalikasan,” ito ang saad ni Princess Ysabelle C. Albano ang Pangalawang Pangulo ng SSLG.

School Orientation, isinagawa sa PBHS
PANULAT | Jarred Lomibao at Andrea Espeña
Isinagawa ang School Orientation sa Ponciano Bernardo High School (PBHS) noong ika-11 hanggang ika-12 ng Enero, 2024.
Ang oryentasyong isinagawa ay para sa mga mag-aaral sa ika-10 baitang upang makatulong na magkaroon sila ng ideya sa kung saang paaralan sila mag-aaral at kung anong strand o track ang kanilang pipiliin para sa SHS.
Ayon sa aming nakapanayam na isang mag-aaral ng PBHS malaking tulong ang oryentasyong ginanap dahil nabigyansilangideyakungsaansilamakakapag-aral para sa senior high school.
“Helpful po siya lalo na as a student like me na hindi alam ‘yung school na pupuntahan, nakatulong siya kasi nalaman namin ‘yung mga schools na pwede kaming mag-enroll at pwedeng makatulong saming future” pahayag ni Kay-
cee Tolentino isang mag-aaral ng PBHS.
Dagdag pa niya ay labis na nakatulong ang oryentasyon dahil magkakaroon ang mga mag-aaral ng kaalaman sa kung anong magagandang karanasan ang mayroon ang bawat paaralan na ito at kung saang paaralan pasok sa ang interes ng bawat mag-aaral
May ilang mag-aaral na may napusuan nang paaralan at pumukaw sa kanilang interes, ayon sa isang magaaral mula sa ika-10 baitang, Samson ang kaniyang napiling paaralan dahil sa mga benipisyong mayroon ang paaralan na ito.
Ani Jude Advincula, “Ang nakakuha po sa aking interest ay yung sa Samson, libre na nga tuition may mga other benefits pa siya, malapit pa siya samin, may libreng uniform, cellphone, hindi naman yung habol ko is cellphone, syempre sa education din so ang TVL din nila narinig ko, maganda raw don”

Libreng uniporme, handog ni Marvin, Imee Rillo
PANULAT | Neil Brandon Vidad Nakakuha ng libreng uniporme ang mga mag-aaral ng Ponciano Bernardo High School na handog ni Congressman Marvin Rillo at Councilor Imee Rillo noong ika-8 ng Setyembre taong 2023, sa covered court ng paaralan.
Naging masaya ang mga mag-aaral ng Ponciano Bernardo High School dahil naging malaking tulong ito sa kanila at nakabawas sa kanilang gastusin sa pagbili ng kanilang bagong uniporme.
Ani ng isang mag-aaral sa PBHS na naging malaking tulong ito sa kanila dahil sa inilulunsad na patakaran ng paaralan na kung saan kinakailangan ng bawat magaaral na nakasuot ng tamang uniporme palagi.
PAG-AARAL
Bernardians, nagbalik eskwela
“Mas nakakatulong para sa aming mga estudyante lalo na sa mga walang uniporme, dahil sa school na ito nirerequire na nila mag-uniform, kapag hindi ka nag-uniform may violation, so mas nakakatulong sa amin ito,” Ani ni Jalile Estuesta mag-aaral ng PBHS.
Saad naman ng isang magulang sa PBHS na nabawasan ang kaniyang problema sa susuotin na uniporme ng kaniyang mga anak at nakatipid siya ng pera dahil sa handog na libreng uniporme ni Congressman Marvin at Councilor Imee.
Saad ni Jeniffer P. Racaza magulang sa PBHS “dahil sa binigay na uniform hindi ko na iisipin ang susuotin ng mga bata next year at sa mga susunod pa na year, kaya ayun nakatipid ako kasi pwede naman nila gamitin ulit.”

843
bilang ng mga estudyanteng naka-enroll sa PBHS para sa taong panuruang 2023-2024
Ika-7 baitang: 172
Ika-8 baitang: 219
Ika-9 baitang: 235
Ika-10 baitang: 217

Biktima ng AIDS, iginunita sa PBHS
40.4M
ang namatay sa sakit na aids mula sa itinalagang datos noong 2022.
Pinagmulan: World Health Organization
Jeepney, kulturang babaklasin

PBHS, tagumpay idinaos ang
Brigada Eskwela 2023
PANULAT | Neil Brandon Vidad
Tagumpay na idinaos ang Brigada Eskwela 2023 sa Ponciano Bernardo High School, na may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan,” noong ika-14 hanggang ika-19 ng Agosto 2023.
Sa nagdaang Brigada Eskwela ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, guro, panauhin, at boluntaryo kung saan sila ay nagbayanihan upang mapanatiling malinis at maayos ang paaralan para sa pagbubukas ng klase para sa taong panuruang 2023-2024.
Mula kay Mark Jospeh Jambalos guro ng ika-10 baitang, na kahit dumaan ang lahat sa pandemya at nagkalayo-layo
napanatili pa rin ng mga tao ang kanilang pagbabayanihan para sa paaralan.
“Dito pinapakita parin na kung saan kahit after pandemic after maglayolayo at hindi magkita-kita muli, dito pinapakita yung eagerness ng bawat isa na magkaroon ng isang maayos at malinis na paaralan para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mag-aaral sa paaralan,” sambit ni G. Jambalos.
Nagkaroon din ang bawat asignatura ng iba’t ibang masasayang aktibidad na kung saan nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman patungkol sa pagpapakatao, kalusugan,
kapayapaan, karapatan, at pageensayo sa utak ng mas magisip ng mas kritikal.
Mula sa isang mag-aaral ng ika-10 baitang, na naging masaya ang mga aktibidad na inihanda ng bawat asignatura sa ginanap na Brigada Eskwela, dahil marami siyang nalikom na bagong kaalaman.
Ani ni Jarred Lomibao mag-aaral mula sa ika-10 baitang, “naging masaya yung iba’t ibang aktibidad na ginawa ng bawat asignatura nung brigada eskwela kasi nagkaron kami ng dagdag kaalaman, halimbawa nalang nung sa fire extinguisher, may iba’t ibang klase pala ito at kung saan ginagamit
Bernardians, nakiisa sa Club Recruitment 2023
LARAWAN | Alfonso Adonis
ang iba pang uri nito, meron ding mga palaro gaya ng sa ginawa ng asignaturang filipino kung saan naisip nila ang bugtong na gagamit ng compass.”
Isa ito sa mga naging masayang kagapan bago magsimula ang eskwela sa Ponciano Bernardo High School, dahil napapakita talaga ang bayanihan ng bawat mag-aaral, guro, magulang, at boluntaryo na mapanatili ang kalinisan sa paaralan.
Scholarship, handog ng PBHS Alumni Association

Naiikisa ang Bernardians sa inihandang Club Recruitment ng Supreme Secondary Learner Government ng Ponciano Bernardo High School noong ika-10 ng Nobyembre 2023.
Sa araw ng Club Recruitment mahigit walong organisasyon ang nagbukas para tumanggap ng mga bagong mag-aaral sa kanilang clubs, ang mga nag bukas na clubs ay Kalingaf, GAD/LINK, Bagwis, Mathematics, TLE, English, Mapeh, at Science club.
Alinsunod dito naging bukas ang isinagawang Club Recruitment

sa lahat ng mag-aaral ng Ponciano Bernardo High School mula sa ika7 baitang hanggang ika-10 baitang.
Naging matagumpay at maganda ang daloy ng programa dahil sa mga masisipag na miyembro ng Supreme Secondary Learner Government na kung saan siniguro nila na mapanatili ang kaayusan ng mga estudyante.
Ayon kay Earl John Carranceja, na naging masaya siya sa ginanap na kaganapan dahil naging totoo ang isa sa mga pangarap niya na makamit ang posisyon na pangulo sa kahit anong
organisasyon na mayroon sa paaralan. Aniya “masaya, kase binoto nila ako at pinagkatiwalaan nila ako dito sa posisyon [Pangulo] na ito. Masarap sa feeling na makakatulong ako sa school na ito, dahil ayun yung isa sa pangarap ko, kaya nag papasalamat ako sa mga bumoto sa akin, alam kong mahirap ang posisyon na ito kaya gagawin ko ang best ko para sa sa school na ito.”
Isa sa mga hindi malilimutan ito ng mga estudyante dahil isa ito sa mga pinakahihintay nila na makasama sa iba’t ibang organisayon na meron ang Ponciano Bernardo High School.
PANULAT | Neil Brandon Vidad Naghandog ng scholarship grant ang Alumni Association sa mga piling mag-aaral ng Ponciano Bernardo High School simula noong Disyembre 2023.
Ang binigay na scholarship grant ng Alumni Association ay para sa mga nangangailangang mag-aaral sa PBHS upang makatulong sa kanila kahit na sa maliit na paraan lamang.
Ayon kay Kyna De Leon magaaral ng ika-10 baitang, malaki ang pagbabago nang mabigyan siya ng scholarship dahil hindi lamang daw siya natulungan pinansyal ngunit pati na rin sa mental, dahil nabawasan ang problema niya pag dating sa pera.
Dagdag pa niya “In a way na maipapakita ko na thankful ako sa pagbibigay ng iskolar sa akin is pag-aaral ng mabuti, kasi bukod sa natulungan na ako ako nito pinansyal, kailangan ko ring suklian sila ng magandang mga grades sa mga ginagawa ko.”
Naging malaking tulong sa mga piling mag-aaral ng PBHS ang scholarship grant na handog ng Alumni Association dahil sa ipinagkakaloob nilang 1000 pesos kada-buwan na kanilang pantustos sa kanilang baon at mga kailangan sa paaralan.



Ang Bagong Sikat, sumungkit ng karangalan sa DSPC 2023
Nasungkit nang ilang mamamahayag ng Ang Bagong Sikat ang iba’t ibang karangalan sa nangyaring District School Press Conference 2023 sa paaralang Holy Family School of Quezon City noong ika-9 ng Disyembre.
19 na mamamahayag ang nakipaglaban sa iba’t ibang kategorya at iba’t ibang eskuwelahan, Nagbunga naman ang paghihirap ng mga mamamahayag.
Nakuha ni Russel Anne Loveria ang ika-anim na puwesto sa pagsulat ng balita.
Ika-limang puwesto ang nakuha ni Eunice Althea Razon at ika-anim na puwesto kay Missy Angela Cueto sa pagkukuha ng larawan.
Para naman sa pagsulat ng kolum, Nasungkit ni Thiara Lou Berin
ang ikalawang puwesto, ito ang pinakamataas na puwesto na nauwi ng Ang Bagong Sikat at ikawalong puwesto naman kay Elaijah James Muyrong.
Ika-siyam na puwesto naman ang nauwi ni Arnie Justine Anota sa pagsulat ng agham.
Ikatlo sa pinakamahusay sa Infomercial sa Radio Broadcast-
ing, ika-apat sa pinakamahusay sa pagsulat ng iskrip, ika-apat sa pinakamahusay sa aplikasyon ng teknikal sa Radio Broadcasting, Ika-lima sa pinakamahusay sa Radio Braodcasting ang nauwi ng Ang Bagong Sikat Super Radyo na binubuo nina Jalile Estuesta, Brandon Vildad, Princess Albano, Arnie Justine Anota, Wilson Jhon Dee.

gawain ang mga Scouters, Nawawalan na sila ng oras para maghanda ng pagkain kaya’t sila manlang mga Outfit Advisors ang gumagawa non para sa mga Scouters at mas kailangan nalang nilang bigyang-pansin ang kanilang kailangan gawin kaugnay sa mga aktibidad.
PBHS Scouters, nakilahok sa 18th National Scout Jamboree LARAWAN | John Philip Torres
Lumahok ang apat na estudyante ng Ponciano Bernardo High School (PBHS) sa ginanap na 18th National Scout Jamboree sa Passi, llo-ilo noong ika-11 hanggang ika-17 ng Disyembre 2023
Isa sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay ang 16 kilometers hiking, ito’y inabot ng mahigit tatlong oras na paglalakad at ito rin ay may apat na istasyon, bawat istasyon ay may mga iba’t ibang aktibidad at istorya na nagmula sa llo-ilo.
“It’s one of the event that i enjoyed and i appreciate how the boyscouts handled the situation, In the campsite, it’s very challenging because imagine we are not in the comfort of our home and we get to be there for how many days and one of the challenging activities is that we have a difficult way and time of preparing foods not only that, we also have a difficult time of taking a bath” saad ng isa sa mga Outfit Advisors.
Dagdag pa niya, Dahil maraming
Bernardians, sumabak sa 2023 Indoor Camp
Matagumpay na sumabak ang mahigit kumulang 100 na studyante sa ginanap na tatlong araw na indoor camp sa loob ng paaralang Ponciano Bernardo High School noong ika-24 hanggang ika-26 ng Nobyembre 2023.
Pinamunuan ni Scouter Jayson Torres kasama si Scouter Edison Carranceja na kapwa alumni ng PBHS, dating SPL Amir Quirino, at mga kaguruan ang pagsilbi sa paghahanda ng mga espesyal na aktibidad at umantabay sa seguridad ng mga nakilahok.
Ayon sa pahayag ni Ginang Saycon, isa sa mga outfit advisor ng paaralan “Surely, there will be another indoor camp kasi it has become a tradition of our school na yearly an indoor camp will be held for aspiring scouts.”
Dagdag pa niya, mas papaigtingin pa nila ang pagtutok sa kalusugan ng mga mag-aaral na lalahok sa susunod na indoor camp dahil sa nangyaring insidente sa paaralan.
Bago magkaroon ng matagumpay na pagtatapos ang nasabing camp, ilang studyante ang nakaranas ng hy-
perventilation at asthma attack habang isinasagawa ang bonfire na agad namang binigyan aksiyon ng mga namamahala sa naganap na camp, dalawa naman ang naiulat na pinauwi.
“They stayed late at night, they need to attend the discussions, and there are a lot of activities given to them. The adult leaders, which are the outfit advisors they need to find out who among the students are physical fit and will be able to stand regardless of what time they are going to sleep and how many activities are given to them.”
rekomendasyon ni Ginang Saycon.
Binuo ng mga diskusyon at mga aktibidad gaya ng caterpillar, pusa at daga, paglilinis, find your teammates, compass reading, flag folding, trails, campfire, at marami pang iba ang indoor camp na sinubok ang disiplina at katatagan ng mga studyante kasama ng kani-kanilang grupo.
Ani ni Dolot, isa sa mga estudyanteng nakilahok “masaya ako sa tatlong araw na iyon kasama ang mga kaibigan ko, marami rin akong ibang nakilalang tao, at yung mga activities lalo na yung caterpillar na sinubok ta-
Saad naman ni Alaala Romana, isa sa estudyante na nakilahok, Unang niyang naranasan ay ang pagsakay ng eroplano at ang lahat naman ng aktibidad ay naging maayos at masaya at siya ay nagagalak na na nakilahok dito.
Dagdag pa ni Romana, Sobrang nakatulong ito sa kanya at marami siyang natutunan na paraan para mabuhay sa ganong lugar at mga basic skills na hindi lang sa loob ng paaralan magagamit pati na rin sa hinaharap at sa ating lipunan, Isa rin ang natutunan niya at ito ay ang pagalis sa kanilang ‘comfort zone’ at makipaghalubilo sa ibang tao at Sa isang linggong yun, Marami siyang napagdaanang hirap sa kabila ng hirap na yun ay napalitan ng saya at tawa ng kanilang grupo.
laga ang pagkakaisa naming grupo.”
Sabi pa niya, kung ang mga aktibidad ang titingnan mas naging masaya ang nangyaring indoor camp sa taong 2023 kaysa noong 2022.
Ngunit sa magkaibang perspektibo ni Albano, mas nagustuhan niya ang 2022 indoor camp dahil mas naging maganda ang naging resulta ng kanilang cheer sa campfire dahil nagkaroon sila ng sapat na pag-ensayo dahil na rin sa mas kaunting aktibidad na nangyari.
Sambit pa niya, mas marami ang lumahok noon at mayroon ding mga magaaral mula sa Pedro Tuazon Senior Highschool ang nakasama nila na nagbigay ng karagdagang gabay at aral sakanila.
Sa magkaparehong pahayag, pareho nilang hiling na mas dumami pa ang lalahok at mga aktibidad habang pinapanatili ang kaayusan at seguridad sa 2024 indoor camp.

PBHS 55th Grand Alumni Homecoming, isinagawa na!
PANULAT | Neil Brandon VildadIsinagawa ng Ponciano Bernardo High School ang 55th Grand Alumni Homecoming na dinaluhan ng alumni mula sa batch 1972-2000, noong Sabado, ika-2 ng Disyembre sa taong 2023, sa covered ng paaralan.
Ang matagumpay na 55th Grand Alumni Homecoming ay inorganisa ng Ponciano Bernardo High School Alumni Association sa pangunguna ni Pangulo Rolando Portes.
Ayon kay Olivia Lazarte Auditor ng PBHS Alumni Association, mahalaga raw ang kanilang inorganisa na kaganapan dahil naging malaking tulong ito para maisulong nila ang kanilang adbokasiya para sa mga kabataan na nagaaral sa Ponciano Bernardo High School.
Aniya “Mahalaga itong 55th Grand Alumni Homecoming dahil dito nasimulan ang advocacy ng pagtulong para sa kapakanan ng mga scholars.
Sa ginanap na 55th Grand Alumni Homecoming nagkaroon ng patimpalak ng Lakan at Lakanbini na kung saan ito ay isang fund raising para sa mga iskolars ng PBHS, ang patimpalak ay napanalo nila Lakan Charlie Samson mula sa batch 82 at Lakanbini Alma Lica mula sa batch 80, sila ay nakalikom ng mahigit kumulang 200,000 pesos.
Dagdag ni Auditor Lazarte, na ang nalikom nilang pera ay gagamitin nila upang pangtustos sa mga iskolar na estudyante ng Ponciano Bernardo High School.

Naamyendahan ang feeding program sa Ponciano Bernardo High School para sa mga mag-aaral ng ika-7 baitang na kulang sa timbang noong Pebrero 2024, sa Technology and Livelihood Education room.
Naisagawa ang feeding proram na ito sa tulong ng mga tauhan sa likod ng mga organisasyon ng School Parent-Teacher Association, Rotary Club of Murphy-Cubao, at Alumni Association, kung wala ang mga organisasyon na ito hindi mailulunsad ang feeding program.
Naging malaking tulong ang feeding program na ito para mga mag-aaral ng ika-7 baitang na kulang sa timbang, sapagkat nakakatulong ito sa kalusugan ng mga bata sa paraan ng pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng pagkain.
Ayon kay Crystal Mae Aguilar mula sa ika-7 baitang Masunurin, na naging malaking tulong daw sa kaniya ang feeding program ng paaralan dahil tipid daw sa pera at nakakatulong ito sa kaniyang kalusugan.
“Naging tipid po ito para sa akin at sa aking pamilya dahil hindi ko na kinakailangan masyadong gumastos para sa pagkain at nakakatulong po ito para sa pagpapaganda sa aking kalusugan,” saad ni Aguilar.
PBHS Feeding Program, inamyendahan

Nakakatulong po ito para sa pagpapaganda ng aking kalusugan
Crystal Mae Aguilar
Mag-aaral ng ika-7 baitang
Mula kay Nathalia Taleño ang feeding program coordinator, na dapat daw noong pagkasimula pa lamang ng taon ay nagsimula na rin ang feeding program, ngunit naging balakid nila ang pondo pambili ng mga kasangkapan para sa mga ipapakain sa bata.
Dagdag pa ni Taleño, na hanggang sa pagtatapos na raw ito ng taon, at malaki ang pasasalamat nila sa mga tao sa likod ng mga organisasyon na tumulong para maisagawa ang feeding program.

Pampaaralang organisasyon ng PBHS, nanumpa na!
Isinagawa ang seremonyang panunumpa sa Ponciano Bernardo High School noong ika- 20 ng Nobyembre ng mga opisyales ng School Parents Teachers Association (SPTA), Homeroom Parents Teachers Association (HRPTA), Faculty and Facilitating Personnel Organization (FAFPO), Supreme Secondary Learner Government (SSLG), School Governing Council (SGC) at iba’t ibang organisasyong pampaaralan.
Ayon sa Punong Guro ng Ponciano Bernardo High School na si Gng. Dominga P. Cabadin, na blockbuster ang seremonyang panunumpa dahil dumalo ang ang mga kapitan ng bawat barangay, ang anak ni Ponciano Bernardo na si Sonny Bernardo, Presidente ng Rotary Club of Murphy, Police Station 7
commander at Atty. Vincent Belmonte.
“This is the right venue para po tayo’y magsama sama. Ito ang araw na magiging opisyal na ang kanilang panunungkulan, ang kanilang pagtulong sa ating paaralan. Alam naman nating lahat hindi pa official ang mga elected officers ay talagang functional na sila, gumagawa na sila ng kanilang programa at proyekto para sa ating paaralan, ganyan sila ka aktibo at ganyan sila ka cooperative sa ating paaralan na kahit hindi pa sila official officers ay ginagawa na nila ang kanilang trabaho” Ani ni Dominga P. Cabadin, Principal II ng Ponciano Bernardo High School. “It takes a village to educate and raise a child, so ito na iyon, opisyal na talaga na you’re able to convince our village to help our students and the school as
PBHS, binigyang kulay ang buwanang pagdiriwang!
Binigyang kulay ng iba’t ibang Buwanang Pagdiriwang ang mataas na paaralan ng Ponciano Bernardo na inihanda ng mga kagawaran mula sa iba’t ibang asignatura simula noong Agosto 2023 hanggang Enero 2024.
Layunin ng bawat kaganapan na buhayin ang pagkilala ng mga mag-aaral ng PBHS sa bawat asignaturang itinanghal at nagbigay daan din upang ipamalas ng mga studyante ang kanilang angking galing sa ibat ibang kompetisyong itinampok sa Buwanang Pagdiriwang.
Bumuo ng iba’t ibang kompetisyon ang kagawaran ng asignaturang
Filipino para sa Buwan ng Wikang Pambansa, na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” noong ika-lima ng Setyembre 2023, na sinalihan ng mga mag-aaral na handang makipagtagisan ng kanilang mga talento at ilaban ang kanilang seksiyon, gaya nina Eunice Razon at Brandon Viladad mula sa ika-sampung baitang na kinilalang kampeon sa pagwawangis o cosplay, si Ma. Kharol Tocoyo na galing sa ika-siyam na baitang, nanalong kampeon sa makabayag awitin, at sina Althea Campomanes at Salyanna Delos Ama na parehong mula sa ika-sampung baitang, hinirang kampeon sa awiting pilipino.
a whole” dagdag pa ni Gng. Cabadin. Pinangunahan ni Atty. Vincent Belmonte ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales sa iba’t ibang organisasyon.
“Lahat ay magtulong tulong para sa ikagaganda at ika uunlad ng ating paaralan lalo na sa ika uunlad ng mga mag-aaral dahil ika nga ang mga mag-aaral ng Ponciano Bernardo ang maaaring maging susunod na lider ng ating mga lugar, na mas lalo pang magpapaunlad sa ating paaralan at pamayanan. Bilang bagong elect na Presidente ng faculty, sinisigurado po namin sa inyong lahat, kasama ang kaguruan ng Ponciano Bernardo High School na Ang bawat Gawain na aming pag-uusapan o pagkakasun-
Maraming kompetisyon ang ginanap para sa pagsulong ng Buwan ng Agham na may temang “SIYENSIYA, TEKNOLOHIYA AT INOBASYON: Kaakibat sa matatag, maginhawa at panatag na kinabukasan” na idinaos noong ika-29 ng Setyembre 2023 at mas binigyang pansin ng mga magaaral ang programang Mr. and Ms. Ecotourism na isang kompetisyon ng pagsusuot at pagrarampa ng kasuotang gawa ng mga mismong estudyante ng iba’t ibang seksyon at baitang gamit ang mga recycled materials.
Inihanda ng kagawaran ng Araling Panlipunan na may temang “Equality, Freedom, and Justice for all” na ginanap sa Ponciano Bernardo High School noong ika-27 ng Oktubre taong 2023, itinanghal bilang Ms. United Nation 2023 ang mag-aaral mula sa 10Aguinaldo na si Deyniel Angelique Avila.
Dinaos ang Buwan ng Pagbabasa at Ingles na may temang “Learning, Empowering, and Transforming our Society Through Reading” noong ika-30
duan o ilulunsad ay para sa lahat ng ikabubuti ng ating mga mag-aaral.” Ani ni Mark Joseph Jambalos ang bagong halal na Presidente ng Faculty Club.
Pinasalamatan ni G. Jambalos ang bawat barangay, pribado at pampublikong organisasyon at sa mga pribadong individual na dumalo sa seremonyang panunumpa dahil ika nga raw ng buong komunidad ng Ponciano Bernardo High School na ‘Basta sama-sama, kayang kaya’ ‘Para sa bata, Para sa bayan’.
Natapos ang seremonya sa pananalita at pagbati ni G. Pedro Dela Cruz at ang bawat organisasyon ay opisyal nang maglilingkod para sa ikabubuti ng paaralang Ponciano Bernardo High School.
ng Nobyembre 2023, at mas pinagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang kompetisyon sa Disney Cosplay na ang tinaguriang kampeon ay sina Irish Jen Eñosa at Arnie Justine O. Anota.
Tinanghal na kampeon ang ika-10 baitang sa Field Demonstration na ginanap noong ika-1 ng Disyembre taong 2023 sa pagdiwang ng 55 taong anibersaryo ng paaralang Ponciano Bernardo High School.
Isinagawa ang pagdiriwang sa Buwan ng asignaturang Edukasyon sa Pagpapakato (ESP) na may temang “Matatag na Edukasyon, Matatag na Karakter: Kaakibat ng Maayos na Kinabukasan“ noong ika-14 ng Disyembre 2023, kung saan pinaghandaan ng mga mag-aaral ang kompetisyong Himiganap na nagkampeon ang 10-Aguinaldo.
Asignaturang sipnayan na may temang “Playing with Math” noong ika-23 ng Enero taong 2023, nagwagi ang ika-10 na baitang seksyon Aguinaldo sa patimpalak na Mathuklas na may konseptong Solar System.
LARAWAN | Angelica Sanje PANULAT | Russel Anne LoveriaBALITA

PBHS, tuloy ang panalo ng kalinisan sa WinS
PANULAT | Neil Brandon Vildad at Jarred Lomibao
Tuloy ang panalo ng kalinisan sa Ponciano Bernardo High School matapos maki-isa sa WinS o Wash in Schools noong ika-12 ng Marso, 2024.
Sa pangunguna ng kagawaran ng MAPEH at pakikiisa ng mga estudyante, naging makabuluhan at maayos ang pagsasagawa ng WinS sa PBHS.
Sa isinagawang Wash in Schools nakatulong ito sa mga magaaral upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang katawan habang sila ay na sa kanilang ikalawang tahanan.
Upang maisakatuparan ang WinS sa paaralan, pinayuhan ng mga guro sa MAPEH ang mga mag-
aaral na magdala ng kani-kanilang sarilong toothbrush at toothpaste.
Ani ni Joem Elija Dominga mula sa ika-10 baitang seksyon Aguinaldo, natutunan niya kung paano ang maayos na paghuhugas ng kamay at pagsisipilyo ng tama.
“Dahil sa programang WinS, Natutunan ko kung paano ang maayos na paghuhugas ng kamay. Hindi lang ako kundi pati na rin ang mga estudyante dito sa paaralan, para mapigilan ang mga bakterya at mga sakit na nakakapinsala sa mga estudyante” Pahayag ni Domingo
Dagdag pa niya, “nakatulong din itong programa sa akin
upang matutunan ko kung paano nga ba ang tamang pagsisipilyo.”
Ayon sa isang guro ng MAPEH, nagsimula sila gawin ang WinS noong nakaraang dalawang linggo pa at marami pa silang balak gawin sa paaralan na pasok sa alituntunin ng WinS.
Ayon kay Immavile Gervacio “Nagsimula na kami mag start ng WinS last two weeks, so ‘yung mga mapeh teacher dito sa Ponciano is nagsimula na magpa handwashing and toothbrushing and also, marami pa kaming gagawin upcoming sa WinS dito sa ating school.”
Ani pa niya na, ang hangad lang ng DEPED WinS Pro -

Handover ceremony ng flagpole sa PBHS, natuloy na!
Natuloy na ang handover ceremony ng flagpole para sa Ponciano Bernrdo High School na handog ng Rotary Club of Murphy Cubao noong Marso 11, 2024, sa covered court ng paaralan.
Pinangunahan ng Rotary Club of Murphy Cubao President Victoria De Castro ang seremonya ng pagbibigay ng bago at mas magandang flagpole para sa PBHS sa pangununan ni Punongguro Dominga P. Cabadin kasama ang mga kaguran at estudyante.
Ayon kay Gng. Melani Santos punong kagawaran sa TLE, ang paaralang Ponciano Bernardo High School ay adopted school ng Rotary Club of Murphy at ang donasyon ay isa sa kanilang proyektong inihanda.
“It was donated by Rotary Club of Murphy last year tapos na sustain lang ngayon. Dati kasi walang turn over properly, di pa siya naayos, so aayusin pa ng ating presidente ng SGC at Rotary Club of Murphy.” Ani ni Gng. Santos.
“Wala sa level ang flag pole natin, so according dun sa rule na dapat mas mataas siya sa mga building na malapit sa kaniya.” dagdag pa ni Gng. Santos.
Sa ginanap ding handover ceremony ipinasalamatan ni Dr. Dominga P. Cabadin Pungguro ng PBHS ang bagong pangulo ng Rotary Club of Murphy Cubao na si Victoria De Castro sa patuloy na pagbibigay supporta at tulong sa kanilang paaralan.
“So ang hangad lang naman ng DEPED WinS Program is walang country lalo na sa ating bansa na ma leleft behind and na mga student, mga learners when it comes to safe drinking water, functional toilets, and proper hygiene sa lahat ng schools lalo na sa PBHS.” Dagdag pa ni Gng. Gervacio

Nagtanghal ang Smashed Philippines sa entablado ng Ponciano Bernardo High School nitong ika-19 ng Marso 2024.
Sa kanilang pagtatanghal sila ay nagbigay ng mahahalagang aral sa Bernardians patungkol sa epekto ng alkoholismo sa kabataan.
Pinagbidahan ito nina James Ramada (PJ), Shun Mark Gomez (Micko), Nickea Covar (Gela) na gumanap bilang magkakaibigan na nakakaranas ng peer-pressure sa pag-aaral at pamilya na nahanap ang kaligayahan sa alak.
“Marami akong natutunan dito specially sa alcohol and tinuro sa atin na lahat ng gagawin natin may consequences na kailangan rin nating pagsisihan.” ani ni Angel Brianna Divinagracia ng ika-10 baitang, Bonifacio.
Para naman kay Kaycee Tolentino mula sa 10-Bonifacio, isa itong masayang paaraan upang magturo sa mga bata.
Dahil sa napanood na pagtatanghal, hindi lamang nabusog sa samut-saring kaalaman ng mga mag-aaral, dahil namahagi rin ang Smashed Philippines ng juice at biscuit sa lahat ng studyante.
ANG BAGONG
SIKAT
OPISYAL NA



PAHAYAGANG FILIPINO NG
MATAAS NA PAARALAN NG PONCIANO BERNARDO
LUPON NG PATNUGOT
Punong Patnugot:
Neil Brandon Vildad
Pangalawang Patnugot:
Princess Ysabelle Albano
Taga Pamahalang Patnugot:
Russel Anne Loveria
Taga Pamahalang Sirkulasyon:
Kris Nicole Tamayo
Taga Patnugot sa Editoryal:
Rowena Kenneleen Aira Dull
Pagsulat ng Opinyon:
Rowena Kenneleen Aira Dull Lyca Cuz
Pagsulat ng Kolum:
Thiara Lou Berin
Elaijah James Muyrong
Irish Jen Eñosa
Patnugot sa Balita:
Neil Brandon Vildad
Pagsulat ng Balita:
Neil Brandon Vildad
Jarred Martin Lomibao
Russel Anne Loveria
Andrea Dennise Espeña
Kris Nicole Tamayo
Rizza Mae Buena
Patnugot sa Palakasan: Jalile Romel Estuesta
Pagsulat ng Isports:
Jalile Romel Estuesta
Jaztine Dela Cruz
Paglalarawang Tudling: Arcel Cortez
Merrielle Lagrimas
Frederick Santino Lazarte
Patnugot ng Lathalain: Jaztine Zedrick Dela Cruz
Pagsulat ng Lathalain:
Princess Ysabelle Albano
Wilson John Dee
Jaztine Zedrick Dela Cruz
Patnugot sa Agham at Kalusugan: Arnie Justine Anota
Pagkuha ng Larawan:
Alfonso Adonis
Missy Angela Cueto
Althea Eunice Razon
Angelica Sanje
Layout Artist: Frederick Santino Lazarte
Tagapayo: Mark Joseph Jambalos
Punongguro: Dr. Dominga Cabadin
opinyon

Jeepney, kulturang babaklasin
“Laban ng tsuper, laban ng komyuter” ang madalas nating nakikita at naririnig sa sosyal midya. Hindi maitatanggi na hindi lamang tsuper ang naapektuhan sa krisis na Ito. Minsan na nga sila ang daan natin papunta sa destination natin, ngayon naman, sana sila naman ang ihatid natin patungo sa karapatan nilang magtrabaho ng marangal.
Unti-unting tinutuligsa ng kagawaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang samahan ng mga jeepney driver sa bansa na nagdudulot ng strike na syang naging dahilan ng pagkawala ng karaniwang sinasakyan ng mga studyante patungo sa paaralan. Naging dahilan din ito ng kanilang pakikibaka pagkat ang strike na ito ay naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng mga tsuper. Kaya naman maraming naapektuhan sa pagtutuloy ng jeepney phased out.
Nauunawaan naman na ito ay para sa ating atmosphere at para sa seguridad ng mga sumasakay, ngunit dahil sa taas ng presyo ng isang jeepney, hindi ito agarang mabibili lalo na at hindi naman malaki ang sinasahod ng mga tsuper. Kahit na ibuhos nila ang lahat, hindi pa rin Ito dapat.
Marami ang nahuhuli sa kanilang mga trabaho, maraming mga di nakaka abot sa tamang oras sa kanilang klase kaya naman masasabing napakalaki ang epektong dulot nito. Mga estudyanteng nahirapang mag commute lalong lalo na yung mga estudyanteng nakatira sa malalayo at tanging jeep lang ang transportasyong ‘available’.
Magandang ideya ang naisip ng gobyernong palitan ang mga dating jeep dahil nakakatulong Ito sa ating kapaligiran dahil sa usok na nilalabas ng jeep. Kung saan ang usok na yon ay maaaring
magdulot ng polusyon sa hangin at sakit na pwedeng makuha sa maduming usok. Nakakatulong din ito na pataasin ang seguridad at maging komportable ang mga pasahero, ngunit ang presyo nito ay umaabot ng 1.4 hanggang 1.5M. Hindi Lang ang mga tsuper ang mahihirapan na mag-adjust sa ginagawang pagpephased out kundi ang mga komyuter din.
Ang pamasahe ay maaring umabot ng 40-50 pesos. Talagang magmamahal ang mga ito dahil sa mga materyales na ginamit dito dahil ito ay galing pa sa ibang bansa. Sapagkat mahal ang materyales, mahal din ang benta sa modern jeep, mahal din ang pagiging pasahe.
Pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go “Kapag wala na pong jeepney, parang wala na po tayo sa Cubao, parang wala na tayo sa Quezon Avenue, wala na tayo sa Pilipinas.” Dahil ang mga pampublikong jeep na ito ang isa sa mga bagay na nagpapakilala na tayo ay isang Pilipino. Ang pampublikong sasakyan na ito ay naging bahagi na rin ng ating kultura at mga tradisyon.
Dahil sa phased out na ito magkukulang ang pampublikong transportasyon at maaaring lalong madadagdagan ang krisis na kakaharapin ng bansa. Magdudulot din ito ng malaking problema sa pamilya ng tsuper dahil maaaring matigil ang pag aaral ng kanilang mga anak dahil sa pinansyal na problema.
Nagsagawa kami ng surbey para sa mga estudyante ng Ponciano Bernardo High School (PBHS) patungkol sa Jeepney phased out upang malaman ang kanilang mga opinyon. 14.35% ng mga estudyante ng Ponciano Bernardo High school ang sumagot sa ginawang surbey.
Sa mga guro naman ng Poncia-
no Bernardo High School ay may 50% ang malugod na nagsagot ng surbey.
14.35% ng mga estudyante ng PBHS na sumagot ng surbey ay hindi sumasang ayon sa pagkakaroon ng phased out pagkat marami umano ang mawawalan ng trabaho at maaapektuhan ng malaki ang mga komyuters. Para naman sa mga guro nasa 50% ang hindi sumasangayon sa pagpapatupad ng jeepney phased out sa kadahilanang mahihirapan silang mag komyut at isa pa ay mahihirapan silang puntahan ang mga lugar na tanging jeepney lang ang maaaring transportasyong magagamit.
Hindi dapat ituloy ng gobyerno ang pagtanggal sa mga tradisyunal na jeepney, sapagkat hindi lamang kasaysayan ang kanilang binubura kundi pati rin ang pagkain sa bawat mesa sa tahanan ng mga tsuper.
Sana hindi ituloy ng gobyerno ang jeepney phased out, sapagkat bukod sa kultura na gusto nilang tanggalin, baka pati pagkain sa mesa ng mga pamilya ng mga drivers ay mawala din. Kaya mabuting mag isip pa ang gobyerno ng mas mabisang paraan at mga program na hindi makakaapekto o na may maliit lamang ang epekto sa mga drivers at operators, para walang maiwan sa lugmukan at upang makasama ang lahat sa pag unlad ng bansa.
PAHINA 7 PANULAT | Rowena Kenneleen Aira Dull at Lyca Cuz DIBUHO | Arcel Noel CortezPagwatak ng isang bituin
PANULAT |
Thiara Lou BerinNoong Enero 31, 2024, muling umugong ang usapin ng paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagmungkahi ng ideyang ito sa isang pulong balitaan sa Davao. Ang Mindanao, na pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas, ay binubuo ng anim na rehiyon na may iba’t ibang
kultura at tradisyon. Ang paghihiwalay ng Mindanao ay isang malaking hakbang na maaaring magdulot ng malalim na pagbabago sa pagsasama ng Mindanao at ng buong bansa.
Maraming reaksiyon ang nagmula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang ilang grupong Muslim tulad ng MNLF at MILF, pati na rin ang Bangsamoro Chief Minister na si Murad Ebrahim, ay tutol sa ideya ng paghihiwalay. Ganito rin ang sentimyento ng ilang mga senador tulad nina Juan Miguel Zubiri at Carlito Galvez Jr. Ang kanilang pangunahing argumento ay ang pangamba na ang paghihiwalay ay maaaring magdulot ng kaguluhan at hindi pagkakaisa. May mga nag-aalala din na ang paghihiwalay ay maaaring magdulot ng pagkawala ng mga opor-
Mabigat na po sa bulsa!
PANULAT | Rowena Kenneleen Aira Dull at Lyca Cuz
Sa panahon ngayon, parang piso nalang ang isang libo dahil sa sobrang pagtaas ng bilihin. Sobrang naapektuhan ang lahat ng naninirahan sa loob ng bansa. Sa trabaho, sa tiyanggi lalong lalo na sa paaralan, naapektuhan ng implasyon.
Madalas na hinaing ng mga estudyante ang mataas na presyo ng kantina. Pagdating sa mga pagkain, sobrang namamahalan ang mga esturyante dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang kanilang baon. Magugulat ka nalang sa mahal!
Naiintindihan naman na patuloy ang implasyon sa loob ng bansa, ngunit hindi naman masisisi ang mga estudyante sa reklamo nila tungkol sa presyo. Hindi naman ganoon kalaki ang baon ng isang mag aaral. Kaya kung minsan, hindi na sila bumibili at nag aantay nalang ng uwian para makakain.
Sa minimum na baon na 50 pesos kada araw, kulang pa ito para makumpleto mo ang isang tanghalian. Sa
presyo na 35-45 sa isang pagkain na may kasamang kanin, kasama nito ang palamig na may presyo na 15 pesos. Kung mamamasahe pa ang isang estudyante, kulang ang 50 pesos nilang baon.
Kung iisipin natin, hindi lang pagkain ang kailangan bayaran ng isang estudyante, iba pa rito ang gastusin para sa ambagan sa loob ng klase. Kapag nabawasan ang 50 pesos, siguradong ito’y kukulangin.
“Bakit yung iba 50 pesos lang naman ang baon pero napagkakasya nila?” maaaring mapagkasya nila ito dahil mayroon silang dalang extrang baon o hindi kaya naman ay hindi na kailangan ng pamasahe dahil sinusundo o pinipiling maglakad sa initan. Maaari ring nanghihingi sila sa kanilang mga kaklase ng pagkain upang mabusog at dahil nga hindi kasya ang 50 pesos.
Dito na papasok ang mga diskarte ng mga estudyante upa-
tunidad at benepisyo para sa Mindanao.
Bilang isang kabataan, nakikita ang potensyal na epekto ng paghihiwalay ng Mindanao sa buong bansa. Ang paghihiwalay ay isang radikal na hakbang na maaaring magdulot ng malalim na pagbabago sa ating bansa. Sa isang banda, ito ay maaaring magbigay daan para sa Mindanao na magkaroon ng mas malalim na kontrol at autonomiya sa kanilang mga yaman at pamamahala. Sa kabilang banda, ang paghihiwalay ay maaaring magdulot ng kaguluhan at hindi pagkakaisa, lalo na sa mga taong may malalim na ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mahalagang maging maingat at mabusisi sa pag-aaral ng mga posibleng epekto ng paghihiwalay at isipin ang pangmatagalang kapakanan
ng lahat ng mga rehiyon sa Pilipinas. Sa kabuuan, ang usapin ng paghihiwalay ng Mindanao ay isang komplikadong isyu na nangangailangan ng masusing pag-aaral at diskusyon. Bilang kabataan, mahalaga na maging aktibo tayo sa mga usaping ito at magbigay ng ating mga saloobin at ideya. Ang ating mga desisyon at aksyon ngayon ang magiging batayan ng ating kinabukasan. Dapat nating isipin ang mga potensyal na positibong epekto ng paghihiwalay, gayundin ang mga posibleng hamon at kahihinatnan nito. Ang paghihiwalay ay isang desisyon na dapat pag-isipan at pag-aralan ng mabuti, na may layuning makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran para sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas.

ng makakain at makabili ng pagkain sa kantina. Kani-kaniyang tinda ng mga pagkain sa murang halaga o ‘di kaya naman ay nanghihingi sila ng tig 5 sa bawat kaklase o kakilala nila. Gagawin ang lahat malagyan lang ng laman ang sikmura.
Bagama’t hindi natin makokontrol ang presyo dahil sa implasyong
Seguridad ng pangalawang tahanan, kaligtasan nga ba’y natutugunan?
PANULAT | Elaijah James Muyrong at Irish Jen Eñosa Pagpatak ng unang araw ng Enero ngayong taong 2024 ay nagkaroon na ng uniformed security guards ang Ponciano Bernardo High School. Hakbang na isinagawa ng eskwelahan para sa sinasabing proteksiyon ng paaralan. Ngunit sa mga bagong sekyu na ito ay may magbabago na nga ba?
Nitong nakaraang taon ay nagkaroon ng nakawan sa eskwelehan at ang pag-atake ng magnanakaw na ito ay isinagawa pagsapit ng gabi. Ang tanging oras na makakasigurado ang kahit sino na walang tao sa paaralan kung kaya nga ay nagkaroon na ng mga security guard. Ayon kay Punongguro Dominga P. Cabadin noong nakapanayam ko siya, matagal na raw nag rerequest ang eskwelahan ng uniformed guard ngunit ngayon nga lang raw nagkaroon dahil nga sa nakaraang insidente ng nakawan kung saan ay nakuha ang laptop ng isang guro na naiwanan sa paaralan. Kung kaya nga kahit Bagong taon ay may mga guard ng idinestino at dalawa sila. Ang isa ay bantay sa umaga na mag sisimula sa 6 am hanggang 6 pm at ang isa naman ay sa gabi na sa 6 pm hanggang 6 am. Ginawa nila itong salitan na ito para makasigurado na di na maulit ang pangyayari gaya nito. Sa lahat ng mga pagbabago ay mas malaki ang naging epekto nito sa aming mga magaaral. Kasabay din kasi ng pagkakaroon ng mga guwardiya ay mas pinahigpit nga nito ang pagpapatupad ng mga patakaran tulad ng pagsusuot ng uniporme at sa mga gupit ng mga lalaki. At ako bilang isang estyudante ay naramdaman ko naman ang simoy ng mga pagbabago na ito ngunit diba kasabay dapat ng pagbabago ay pag-unlad? Kasi kung tutuusin ay may nagbago naman pero walang pag-unlad. Unang una yung “pagchecheck” ng mga bag para masigurado na walang maidala na kontrabando o kung ano mang kagamitan na ipinagbabawal ang isang estyudante. Pero yung ginawa lang ng guard sa pagcheck tuwing papasok kami ay bukas ng zipper ng bag tapos kahit di nakatingin, “ok pasok ka na”. Yan yung nangyayari sa
gate at kahit mismong mga Boy Scout na kasama sa gate ng guard sa pagchecheck ay ganoon din ang ginagawa. Isang silip sasara na agad nila tapos papasukin na . Kaya huwag sila magtaka kung bakit may nakakalusot parin na mga vape sa eskwelahan.
Nitong nakaraan ay nakausap ko si kuya Utoy na dating nagbabantay sa gate noong wala pang mga guard. Kinamusta ko siya at tinanong na rin kung ano nararamdaman niya na ngayong hindi na siya ang nagbabantay. Bakas sa mga mata niya ang lungkot habang siya ay aking kausap. Sabi niya nga ay huwag itanong sakanya ang mga bagay na ito kasi lahat naman ng pinapatupad ngayon ay ginagawa niya rin naman noon. At nung tinanong ko siya ulit kung ano ang pagbabago na napansin niya, ang sinagot niya sa akin ay” may nagbago ba? “.
Sa pag-uusap na ito marami akong realisasyon. Ang konklusyon na aking nabuo ay mas maigi pang nagrequest na lamang sila ng dagdag
nangyayari, lahat tayo ay naapektuhan dito. Lahat ay biktima ng pagtaas ng presyo, pero sana naman hindi ito gawing rason ng iba para taasan pa lalo ang presyo at magkaroon ng konsiderasyon na intindihin ang sitwasyon. Pero sana ay hindi lang tayo maging makasarili, dahil hindi naman madali makakuha ng pera sa panahon ngayon.
na isang sekyu na madedestino tuwing 4 ng hapon pag may pasok ang nga esyudante at buong araw na pagbabantay naman kapag Sabado at Linggo. Sa sitwasyon kasi kapag siya ang nagbabantay ay parang may isang magulang na naroon. Isa nga sa mga sinabi niya noong kausap ko siya ay, “ magulang din ako kaya alam ko ginagawa ko “. Ngayon ko lang napagtanto na pinapahalagahan niya pa kami higit pa sa aming nakikita. At nakakamiss rin kasi metal detector niya. Mas epektibo pa nga ito sa totoo lang pero sana may baterya na sa susunod pag ginamit niya ulit sa bag ko. Tapos yung pangalawang guard na magiging kasalitan ni Kuya Utoy ay sa hapon na kung saan ay sa pag-uwi niya ay mayroong magbabantay mula sa oras ng pag-uwi ni Kuya Utoy hanggang sa umaga. Mas epektibo kapag ganito ang ginawa nila sapagkat maliban sa mas magiging tahanan ang pakiramdam sa tuwing ako’y papasok dahil sa mayroong isang ama na sasalubong ay mapupunan padin ang seguridad na kailangan ng paaralan tuwing gabi para di na muling maulit ang insidente ng nakawan. Sa kabuuan ang nais lamang ipabatid ng kolum na ito ay sa pagbabago ay dapat may pag-unlad. Hindi kasi porket may pagbabago ay magkakaroon na ng resultang positibo. Ang paaralan kasi na ito ay maituturing ko ng aking pangalawang tahanan.

Sulit ba ang oras sa lahat
PANULAT | Thiara Lou Berin
Sa bawat oras ito ay isang mahalagang yaman na hindi maaaring bawiin. Sa bawat sandali ng ating buhay, bawat minuto ay may halaga at kahalagahan. Sa loob ng isang paaralan, kung saan ang oras ng mga magaaral ay malimit na nakalaan sa pag-aaral at iba pang gawain, dapat ba nating isipin kung sulit ba ang oras na ginugugol sa pagtatayo ng isang foundation?
Pagkakaroon ng foundation sa isang paaralan ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago at benepisyo sa mga mag-aaral. Ito ay nagbibigay ng dagdag na suporta at oportunidad para sa kanila upang maabot ang kanilang potensyal at magkaroon ng mas malawak na kaalaman at karanasan. Ang foundation ay maaaring magsagawa ng mga programa at proyekto na naglalayong mapalakas ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan, tulad ng liderato, pagiging aktibo sa komunidad, at iba pa.
Hindi matatawaran ang halaga ng pagkakaroon ng foundation sa isang paaralan. Ang foundation ay isang mahalagang salik sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral at paghubog sa kanilang mga kakayahan. Sa pamamagitan ng foundation, nagkakaroon ang mga magaaral ng mas malawak na kaalaman at karanasan sa iba’t ibang larangan. Ito ay nagbibigay sa kanila ng mga oportunidad na hindi nila makakamit sa loob ng kanilang mga regular na klase.
Sa foundation ay hindi lamang nagbibigay ng karagdagang kaalaman, kundi nagpapalawak din ng mga kakayahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto na isinagawa ng foundation, natututo ang mga magaaral na maging lider, aktibo sa komunidad, at makipag-ugnayan sa iba. Ang mga ito ay mga kasanayang mahalaga sa kanilang paglago bilang mga indibidwal at bilang bahagi ng lipunan.
Bukod pa rito, ang foundation ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang mga natutuhan sa pamamagitan ng mga aktibidad at proyekto. Ito ay nagpapalakas sa kanilang kumpiyansa at nagbibigay ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga talento at kakayahan. Sa pamamagitan ng foundation, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng mga espasyo at pagkakataon upang magpakita ng kanilang husay at galing.
Sa isang paaralan ang foundation ay hindi lamang tungkol sa paggugol ng oras, kundi tungkol sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa mga magaaral na magpatuloy sa kanilang pag-unlad at paglago. Ang bawat minuto na ginugugol sa pagtatayo at pagpapatakbo ng foundation ay may halaga at kahalagahan, sapagkat ito ay naglalayong magbigay ng mas malawak na kaalaman, kasanayan, at pagkakataon sa mga mag-aaral. Ito ay isang mahalagang bahagi ng paghuhubog sa mga mag-aaral upang maging responsable at aktibong miyembro ng lipunan.
Puksain ang sugalan, tigilan ang pustahan opinyon
PAHINA 9 PANULAT | Rowena Kenneleen Aira Dull at Lyca CuzKitilin ang masamang bisyo ng mga kabataan, ang pagsusugal at pustahan. Nakakasira ng buhay, nakakapurwisyo sa pag aaral, sugal na minsan may hatid sa kabataan ng saya, ngunit dulot din nito ang pagkahumaling at pagkatalo.
Tukso ito para sa mga kabataan, sa dami ng kahilingan at gustong bilhin ng isang tao, may posibilidad masisilaw sila sa premyo na kanilang mapapanalunan sa sugal. Lasong nakikita at napagdedesisyonan kung kakagatin ba o pipiliing iwasan.
Maraming bagay ang pwedeng maging pasugalan sa loob ng paaralan, puwede dito ang isports na ginaganap sa loob o ang paunahan sa lahat ng bagay, gaya ng paunahan matapos sa gawain at maraming pang iba.
Mahirap ng maiwasan pag nasimulan na lalo na kung makaadikan ito ng mga genz, sapagkat para itong isang droga o isang alak na mahirap pigilan kung malulong ka na sa ganitomg bisyo. Maaring
magkaroon ng mga pinansyal na problema kung sakali mang magtuloy tuloy ang gawain na ito. Alam naman natin na hindi sa lahat ng oras ay panalo ang nararanasan.
Ang simpleng pustahan ay pwedeng humantong sa matinding bakbakan, dahil di maiiwasan ang pandarayanng magkaibang kampo. O maari ring dulot ito ng pikunan dahil sa asarang nagaganap habang nagsusugal. Kung tutuusin hindi maiiwasan ang mandaya lalo na’t kung ayaw mong magpatalo o kaya kung gusto mong makuha ang premyo.
Tunay na masama ang pagsusugal at pag pustahan, bagamat may dulot itong saya sa mga estudyanteng gumagawa nito, mas malaki parin ang dulot nitong sama. Lubhang nakakaadik at mahirap ng pigilan. Marahil dahil nakaka enganyo ang papremyo kapag nanalo ka, ngunit malaki din ang kuha sayo. Depende nalang din kung ano ang pinagpupustahan, kung malaki ang pustahan tiyak malaki din kapag nanalo na.
Bagama’t hindi natin tuluyang mapupuksa ang pagsusugal sa loob ng paaralan nang mabilisan. Dahil kapag may nahuhuling nagsusugal o nagpupustahan, mas ginagalingan pa nila ang pagtatago. Nagiging maingat ang mga nagsusugal para hindi sila mahuli dahil alam nilang bawal ito pero itoy kanila pa ring ginagawa.
Dahil nga hindi madaling puksain ang bagay na ito, maaari tayong mag sagawa o mag organisa ng isang programa upang mapigilan ito, ang gawaing Ito ay mag lalayun na sabihan o ipabatid sa mga mag-aaral kung ano ang bagay na ito at ang masamang dulot nito sa atin. Dahilan kung bakit dapat iwasan at kitilin ang ganitong gawain at wag pairalin sa paaralan.
Sabi nga ni Gat Jose Rizal “Ang kabataan ay ang pag asa ng bayan”, kung kaya’t dapat hanggang maaga pa ay tulungan natin ang mga kabataan tungo sa tamang daan, dahil baka mapunta sila sa malubak na daan at mahila sila papunta sa kangkungan.

Ako ang nag-aaral, hindi ang buhok ko
PANULAT | Elaijah James Muyrong
Edukasyon ay isa sa pundasyon sa pagbuo ng hinaharap at pagkamit ng pangarap. Maari mang tayo ay mag-aaral sa elementarya, sekundarya at kolehiyo; makakasigurado ako na pangunahing prayoridad ng isang estyudante ay ang pag-aaral nito. Kung kaya nga ay di ko maunawaan ang magiging epekto ng buhok namin sa aming pagaaral. Ano ba ang pinaka pinapahalagahan ng Haircut policy na ito?
Kami ba o buhok namin? Kapag aking tinatanong ang isang guro kung bakit mahalaga ang polisiya na ito, ang kanilang karaniwang sinasagot ay para mag mukha raw na disente ang isang estyudante; parte ng kanilang pangangalaga sa sarili; nagsisilbing disiplina sa isang indibidwal at panghuli, ito ay isa na ring paraan para sa paghahanda sa hinaharap at preparasyon na rin sa reyalidad. Kung ilalagay natin sa sitwasyon tulad ng pagpasok sa Business World ay hindi naman natin diba hahayaan na kung lalaki tayo ay long hair tayo. Sapagkat parte ito ng pangangalaga sa sarili at sang-ayon naman ako dito.
Subalit sa pamamaraan ng implemintasyon ng paaralang ito na kay higpit ay masasabi ng brutal. Pagpapatupad na nagmistulang pamwemwersa sa mga mag-aaral. Hindi manlang nagkaroon ng konsiderasyon at ang pinaka naapektuhan sa panukala na ito ay kaming mga kalalakihan. Kung ako nga na bagong gupit nga lang ay di pinapasok dahil sa mahaba na raw ang aking buhok kahit hindi pa naman talaga. At sa paglipas ng oras ay marami pang mga mag-aaral ang kanilang hinarang na kung saan karamihan dito ay aking mga kaklase na lalaki. Nakakapagtaka nga na kahit ang isang bagong gupit na estyudante na nakita ko noong araw na iyon na maayos naman ang gupit ay hinarang padin. Tapos nung nalaman ko ang dahilan ang sabi raw sakanya ay “Mahaba pa” ang buhok niya na ito. Ano ba ang depinisyon nila ng disenteng gupit dapat ba 2 by 3 ba o Military cut? Diba nga noong nagsabi sila patungkol dito, ang nabanggit lang ay malinis na gupit o clean cut. Tapos bibiglain nila kami ng 2 by 3 at ang pangatwiran nila sa amin ay sinabihan naman raw nila kami. Oo mukha mang itong simpleng problema ngunit ang buhok ng isang indibidwal ay parte ng kompyansa sa sarili at marami pang aspeto ang maapektuhan.
Mas maiging ibalik na lamang nila sa clean cut ang batayan kaysa sa 2 by 3 na gupit kasi wala namang ganitong binanggit sa memorandum ng DepEd. Katulad nga ng sinabi ko, mayroong mga bagay na kailangan ikonsidera. Unang-una di lahat ay may kakayahang mag pagupit. Wag sana nilang kalimutan ang mga magaaral na nasa laylayan na sapat lamang ang perang pantustos sa araw-araw para may maihain sa hapag; Sunod ay ang oras, na nakakaapekto sa ibang mag-aaral na walang sapat na oras mag-pagupit sa kadahilanang tumutulong ito sa magulang sa negosyo o trabaho; at sa panghuli ay ang kompyansa na parte ng pribadong buhay ng isang indibidwal lalo na kaming mga parte ng LGBTQA+ community. Layunin ng kolum na ito na sana’y pakinggan ng kataas taasan ng paaralang ito ang boses naming mga mag-aaral. Tandaan sana nila na sa eskwelahan na ito ang mga nasa loob ay mga estyudante at hindi sundalo. At Sa edukasyon na natatanggap ko, ang nag-aaral ay ako at hindi ang buhok ko.
DIBUHO | Arcel CortezSIKAT ANG BAGONG



IKAW LANG SAPAT NA
“Nalalamang kaalaman ay sapat na ba para sa tatahaking bagong daan?” walang kasigaruduhan, hindi tiyak ang nasa harapan. Nagdududa kung sapat na ba ang nalalaman para sa pangarap na ipinaglalaban. Pagpasok sa paaralan, sinisigurado na may bagong matutunan, pero ang tanong, sapat na ba ito para sumabak sa matinding digmaan?
“Handa na ba ako sa bagong yugto ng aking pag-aaral?” tanong ng mga mag-aaral sa kanilang sarili habang iniisip ang plano sa panibagong kabanata ng kanilang pag-aaral sa kanilang pangalawang tahanan. Minamasdan ang mga letra sa pisara kasabay ang taimtim na pag-alam sa mga bagay na bago sa mga kabataan. Maingat na pinapakinggan ang bawat salita para hindi ito agad na makalimutan. Grabe! Sana all nalang marunong makinig sa mga pangako ng jowa ay este sana all marunong makinig sa mga aralin sa paaralan.
Alam natin na ang pag-aaral ay para sa magandang kinabukasan. Ngunit ito nga ba ay sapat upang ang pangarap ay maisakatuparan? Sa panahon ngayon, maraming mga kabataan ang naka-
BERNARDO
katuklas ng mga bagong kaalaman sa pagtapak sa Highschool. Isa na rito ang tamang paggamit sa mga kagamitan at materyales sa “Home Economics”, pagkatuto sa kasaysayan ng Pilipinas, pagtuklas sa mga dating siyentipiko na may malaking ambag sa mundo, at marami pang iba. May mga namamangha, mayroon ring mga natawa lalo na sa tinatawag nating “Reproductive System”. Aba sa murang edad din ay nag-iiba ang isip mo at isa ka na rin dun aminin mo. Jusko at kay rami talagang matututunan sa paaralan!
“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan”, katagang sinasabi ng karamihan. Sa pag-aaaral ay hindi mo rin malalaman kung sapat ba ang iyong natutuhan kung hindi mo ito magagamit sa iyong hinaharap. Ang kaalaman na natututunan sa paaralan ay mahalaga at maaaring maging pundasyon ng iba’t ibang kakayahan at kasanayan sa buhay. Ngunit hindi sapat na batayan ang kaalaman sa paaralan lamang. Ang pangunahing layunin ng paaralan ay hindi lamang magbigay ng
10 LATHALAIN
kaalaman kundi maging gabay sa pagpapaunlad ng kabuuan ng isang estudyante. Nakakalito diba?, dahil minsan oo at minsan hindi ang sagot. Wala tayong kasigaraduhan sa mangyayari sa hinaharap pero kailangan pa rin nating alalahanin ang kasalukuyan dahil maaaring mapalitan ang kinabukasan sa isang pitik lang.
Sa bawat laban na nararanasan ng bawat estudyante sa pag-aaral, ang kanilang pagod at pagtitiyaga ay tiyak magkakaroon ng magandang bunga. Ika nga nila, ang pagkakaroon ng mahabang pasensya sa edukasyon ay isa nang malaking bagay upang ang tagumpay ay tuluyang makamtan. Marami pang mga bangka ang kailangang sakyan upang makarating sa patutunguhan. Marami pang bagay ang dapat isaalang-alang para mailagay ang tamang desisyon sa mga patlang. Ngunit ang katanungan, sapat pa ba ang mga natutunan sa eskwelahan o ikaw mismo ang problema kung bakit hindi ka pa handa sa bagong kabanata?
KATOTOHANAN HANGGANG SA KAMATAYAN
“Maghahatid na nga lang ng balitang totoo, nakakapit pa sa matulis na pako,” dugo at pawis ang kapalit sa mga katotohanan na iguguhit. Gamit ang mahiwang lapis na nakakasulat at isang magiting na manunulat. Sa kabila ng kapakanan sa kaligtasan, hindi sigurado kung aabot pa sa hangganan. Nais bigyang halaga ang mga kasaysayan, kasaysayan maaaring gamitin sa paghubog ng makabagong kinabukasan.
“Hindi ko isusuko ang katotohanan sa kabila ng kaguluhan na nararanasan,” ani ng mga mamamahayag na may malakas na loob at kasinungalingan na impormasyon ay kaya nilang itaob. Walang katumbas ang kanilang tapang sa pagpapahayag ng katotohanan, hindi kagaya ng jowa mo na hindi ka kayang panindigan. Masarap daw magmahal ng isang journalist dahil ang tunay na pagmamahal ay kaya nilang ibigay. Huwag mo sila lolokohin baka batok ng katotohanan ang iyong aanihin. Ikaw handa ka na ba magkaroon ng kasintahan na journalist o ikaw nalang ba ang magiging isang journalist?

Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan ang nakaabang sa paningin pandinig ng mga mamamayan. Impormasyon na may kakayahang magpabatid, magkapagturo, makapagkilos at makapagmulat ng pananaw ng isang tao. Ito ay maaaring gamitin bilang sandata sa mundong lubog na lubog na sa kasinungalingan. Garantisado dapat ang isang balita ay makakatotohanan at walang kinikilingan, hindi kagaya ng chismosa mong kapitbahay na walang ginawa kundi magdakdak ng kasinungalingan sa buong barangay. Ika nga nila, “ Toto, pumanig ka sa totoo.”
Kumikilos ang ating magigiting kapwa para
sa paghahatid ng mga balitang walang inaatrasan, isabak mo sila sa gitna giyera, tuloy tuloy pa rin ang kanilang paglilingkod sa bayan. Segundo, minuto ay hindi nila inaaksaya, bawat oras sa paggawa ay kailangan nang isagawa. Sa bawat paggising sa umaga, pagod ang mga kamay kakasulat at mga mata’y namamaga. Hindi mailarawan ang kapaguran ang nararamdaman, wala nalang ito pansinin dahil ang tungkulin sa bayan ay hindi dapat sukuan. Magdamag nakatutok sa kanilang mga sulatin, ang iba’y gumagawa upang maiayos ang kanilang nakuhang larawan. Kapag sila’y nagkaroon ng oras para magpahinga, kama ang hinahanap ng kanilang pagod na katawan. “Sarap talaga magpahinga habang buhay kaso may nakapasan pa aking likuran na trabaho para ialay.”
Tungkulin nila’y bigyan ng katarungan ang bawat impormasyon na kanilang ipapahayag, walang bahid ng kasinungalingan ang ilalatatag. Maski estudyante man ay may kakayahan nang magpabatid ng balitang walang kinikilingan at walang prinoprotektahan. Sa murang edad pa lamang ay naeensayo na ang kaisipang mulat sa reyalidad at ibabangon muli ang mundong nakasanayan ang pagiging baliktad. Hanggang sa pagtanda ay dala dala pa rin ang ipinakong pananagutan sa bayang tinubuan.
Bagamat sila’y may kakayahang magsulat ng isang kasaysayan, hindi naman nila kakayahan baguhin ang kanilang laylayan. Walang tiyak ang kanilang kaligtasan sa kanilang trabaho, mabilis tumakbo ang oras kung kaya hindi natin alam kung kailan ba sila kukunin upang tuluyan nang maglaho. Para bang may nakatali sa leeg nila, maglaho lang ang kanilang kinatatayuan, tuluyan na silang magpapaalam sa sangkatauhan. Ingat ingat baka ika’y malinlang ni kamatayan!
Halimbawa na lamang ay ang mga reporter na nakikita natin sa ating telebisyon na isinasabak sa mga giyera upang maghatid ng balita sa mga manonood. “ Matira matibay nalang talaga’” ani ng mga matatapang ang sikmura at may lakas ng loob. Dala dala nila ang kanilang kagamitan na kailangan nila sa paghahatid ng balita habang naririnig ang bawat putok ng baril na umuulan sa kanilang pwesto. Sisigaw ng “PARA SA BAYAN, AKO AY LALABAN!” Ipasa-Diyos nalang talaga ang magiging desisyon kung nararapat lang bigyan sila ng pangalawang buhay o tapos na ang kanilang paghahatid ng serbisyo para sa mamamayan. Makikita sa bawat kilos ng isang mamamahayag ang kaniyang paninindigan na dapat ilatag. Panindigan ang paglaban para sa katotohanan. Sulat, bidyo, at mga litrato na sumisimbolo ng kanilang katayuan at kahalagahan sa isang lipunan. Hindi mo malalaman ang mga makatotohanang isyu kung walang magsusulat para sa iyo. Hindi mo mapapanood ang mga makakatotohanang isyu kung hindi interesado ang isang tao para lumikha ng bidyo para sa iyo. Hindi mo mailalarawan sa iyong isip ang tunay na istura ng makatotohanang isyu kung walang kukuha ng litrato para saiyo.Walangkatotohananangnangingibabaw sapwesto na kinatatayuan mo kung walang journalist sa buhay mo.
Buong tapang haharapin ng mga mamamahayag ang kanilang kapalaran basta mailatag nila ang katotohanan sa mundong lubog na sa kasinungalingan. Handang ialay ang dugo basta ang katotohanan ay hindi na muling ibibilanggo.
Handa ka na ba maging sugo ng bayan, Ka-TOTO?
PANULAT | Princess Albano“Wala akong ginagawang masama” sikat na linyahan ng aktres na si Vilma Santos sa pelikulang “Bata bata, paano ka ginawa?” nasusundan naman ng aktor na si Carlo Aquino sa linyang “Pero meron, meron, meron!” Mga linyahang tumatak sa puso’t isip ng madla, na sa panahon ngayon ay halos gamitin na rin ng mga bata’t matanda. Sa bawat pagtakbo ng buhay kinakailangan nating may pinapatunayan, patunay na tama ang ating ginagawa. Ngunit may mga tao talagang di kuntento at gagawan ka ng kwento na sa huli ikaw ay magiging masama at titignan mo ang iyong sarili bilang kaawaawa. Sa mundong ibabaw di mo matatakasan ang tinatawag na paaralan, dahil lahat dito ay magpupuntahan. Simula pagkabata hanggang tumanda paaralan ang isa sa kakalinga at huhubog sa buong pagkatao
PAANO AKO? PAANO KAMI?
ng isang likha. Sa dating panahon mga kabataan ay may respeto’t paggalang sa kanilang kaguruan simpleng takdang aralin at pag ika’y wala, tiyak na manginginig ka sa takot dahil mangangambang ikaw ay mapagalitan. Maduming kuko sa daliri “aguy wag po” tiyak na lalabas sa iyong bibig dahil ikaw ay titikim ng hagupit ng patpat na manipis. Sa sobrang kulit at ingay tiyak na si guro ay mapapakaway at sabay sigaw ng “labas! Tumayo ka dyan sa labas,” kakamot sa ulo pero pag labas magbubungisngisan at para bang gusto pa nilang sila ay napalayas sa silid aralin. Pagnagsumbong kay nanay tiyak may round 2 pang magaganap at sasabihing” kasalanan mo yan.”
Habang lumalago ang mundo madami ring nagbabago sa tulong ng mga inobasyon tulad ng teknolohiyang kinababaliwan mo, baliw sa paggamit nito sa araw araw na halos ayaw nang magpaawat mga daliring nagtitigasan mapindot lang ang inaasamsam. Kabataan ng makabagong panahon tinuturing na aesthetic ngayon, bawat kilos ay naglalayon ng magandang ayos o itsurang ibibilad sa nayon. Sa paaralan sila ang boss sila dapat ang masususnod,
Kwentuhan, halakhakan, mga naghaharutan, at marami pang iba. Mga kaganapang kadalasang nangyayari sa kantina. Ito lang naman ang pinaka paboritong asignatura ng lahat. Hindi maipagkakaila dahil kasama ka rin diyan. Kantina ang tambayan lalo na’t para sa hapag-kainan. Kahit mahal ay kailangang bumili upang ang tiyan ay bumuti. Aba! Kaya saan ka pa? Nandirito ang Magik Tindahan para sa lahat!
Itong school canteen lang naman ay isang importante at popular na lugar sa karamihan ng mga paaralan. Madalas itong nagsisilbing tambayan at kainan ng mga estudyante. Minsan mag papaalam para mag cr pero sa Canteen talaga pupunta HAHA alam na nating isa ka na doon! Hindi na matiis ang kagutuman kaya nag-isip na nang matalinong galawan. Huwag magpapahuli sa guro, ingatan ang bawat galaw baka ipasulat ka sa dalawang buong papel at ang nilalaman nito ay “Hindi na pupunta sa canteen kapag may klase.”
yan ng kantina upang punan ang pangangailangan mo na hindi magawa ng jowa mo, ay biro lang!
Halos lahat na ng kailangan mo nariyan na. Uhaw ka na ba dahil sa init sa Pilipinas? Pwes may palamig sila diyan na sa sobrang sarap ay parang biyaya na ng Diyos at Diyosa. Ma-papa yummy ka talaga sa malinamnam ng mga pagkain!
Sa paglipas ng panahon, nakita natin ang pagbabago sa menu ng school canteen. Mula sa simpleng mga ulam hanggang sa mas masustansyang pagkain. Huwag ka dahil hindi lang puro tsitsirya ang mayroon sila kundi patuloy na pinapahusay ang kalidad at kalusugan ng mga inaalok na pagkain. Ang pagkakaroon ng mas malawak at masusustansyang menu ay nagbibigay daan para sa mas mahusay na nutrisyon sa mga estudyante. Halatang may mapapasabi na naman ng “Edi sana all healthy.”
PANULAT | Mark Joseph Jambalosmga guro dapat sa kanila’y lumuhod dahil sila ay may boses na ngayon. Pag sila ay kinanti’t pinagalitan ng guro tiyak na magsusumbong sa magulang ito, dalidali ang magulang ay susugod at sisigawan ang nagalit na guro. Katakot takot na pananakot tatanggalan ng lisenya, itutulfo, ipapabarangay, ipapadswd at katakot takot na batas ang ilalahad ng mga ito para sa huli ang guro ay pipilitin ng paaralang halos lumuhod at humingi ng tawad sa mga Kabataang feeling mga boss. Dahil kung hindi tiyak na kung saan saan pa ito aabutin dahil sa batas ngayon bata ang papanigan kahit bata ang may kasalanan.
HINDI KO KAKAYANIN KAPAG WALA KA!
Sa bawat paaralan, isa sa pinakapayak at pinakamahalagang lugar ay ang school canteen. Ito ang sentro ng kalakalan, kasiyahan, at sustansya para sa mga estudyante at guro. Dito natin makukuha ang ating pangangailangan sa paaralan. Nandiyan ang pagkain para magkaroon ng gana sa pakikinig sa mga aralin. Nandiyan din ang mga school supplies na kadalasang ginagamit sa paaralan kung sakaling kailangan ito. Mula sa iyong silid-aralan, onting lakad, makukuha mo na ang hinahanap mo. Mapapakamot ka na lang talaga sa mga presyo ng bilihin sa kantina, nagkaroon ata ng implasyon kung kaya butas agad ang bulsa.
Wala ka bang pagkain, tubig, o kaya naman ay kulang sa school supplies? Pwes, sagot na
“Hala naiwan ko yung manila paper ko sa bahay” , mga salitang halos araw-araw mong naririnig sa klase. Madadamot ba mga kaklase mo sa isang pirasong papel? Huwag malungkot dahil ang kantina ang tutulong sa iyo. Hindi ka na muli maiiyak dahil nandyan ang kantina upang isalba ka tuwing ika’y nagkakaroon ng problema sa reporting galing sa iyong guro. “Buti na lang may manila paper sa canteen, kapag talaga wala ito sa canteen, iyak talaga malala dahil sa reporting.”
Bawat karanasan sa kantina ay may iba’t-ibang memorya. Lalo na sa bawat tulakan,siksikan, at isama mo na rin ang halo-halong amoy. Yung tipong ikaw ang bumili ng pagkain pero nariyan ang mga buraot mong mga kaibigan. Mapapaluha na lang talaga ang bulsa mo
Noble Profession kung tawagin ang pagiging guro, pero bakit halos nababawasan na dahil parang ramdam na ng karamihan na laging guro na lang ang may kasalanan, kasalanang tinuturing na ang layon lang naman ay disiplinahin ang kabataang pinalaki ng teknilohiya at inuudyok ng media. “Wala akong ginagawang masama” sigaw ng guro na ang tanging hangad lang ay magturo at humubog ng kabataan, ngunit meron pa ring “akala mo lang wala, pero meron meron meron” sigaw ng Kabataan hindi kuntento hanggat nagnanais na sila dapat ang masusunod o sa kanila dapat papabor ang mundo. Pangalawang magulang ang turing pero halos alipin ang gustong gawin. Unfair kung tawagin sa mga batas na sa bata lang ang tingin, kahit na marami pa ring nagsusumikap na magturo at itayo ang mga hangaring humubog na tutupad at magpapaganda ng kinabukasan ng lipunang pareho naming ginagalawan. Kaya sigaw ng guro paano naman kami?
PANULAT | Wilson Jhon Dee


sa kanila. Ayaw marinig ang “May 10 ka diyan? Penge naman para makabili ako ng ice candy sa canteen,” mga salitang ayaw mapakinggan baka ang bulsa ay uuwi nang luhaan. O kaya naman ay ikaw itong buraot sa mga kaibigan mo dahil mas magandang mag-ipon habang nakakakain o sadyang kuripot ka lang talaga, oops joke lang ulit! Huwag magalit at baka kuminis pa ang puwit. Kahit na ganito, hindi pa rin malilimutan ang mga pangyayari at nakatatak ito sa ating puso. Napakalaking tulong pa rin ng kantina sa ating mga estudyante. Dahil bawal lumabas sa paaralan, kantina ang sagot para diyan! Hindi talaga kakayaning mawala ang kantina. Diba gan’yan sinasabi niyo sa inyong mga jowa? Ay hala, biro lang ulit! Naging malaking parte na ng eskwelahan hanggang ngayon ang kantina, maging sa mga estudyante na rin. Karamihan din sa mga guro na hindi pa nakakapag almusal o walang dalang baong pagkain ay nakikisuyo na rin sa kanilang paboritong estudyante na bumili sa kantina ng masarap at tiyak na nakakabusog na pagkain. Baka sa sobrang busog nito ay biglang magpa long quiz agad! Oops! Huwag mo muna igalaw ang baso Ma’am/ Sir, kakain muna ang mabait mong estudyante para may maisasagot siya sa pagsusulit niyo. Bili sa canteen saglit, iyak na sa quiz ulit! Sa panahon ng pangangailangan at kagipitan, ang “Mini Grocery” ang tagapagligtas ng sambayanan. Mahirap itong kalimutan, mahirap rin itong iwanan. Talagang “Hindi ko kakayanin kapag wala ka!”, madrama mang pakinggan ngunit ito ang katotohanang hindi natin maipagkakaila. Paano kaya ang eskwela kapag walang kantina? Ikaw? Handa ka bang maglaan ng pera para sa iyong tiyan na sinisikmura?
AGHAM
Ang Artificial Intelligence; Ang Double-Edged Sword sa Mundo ng Pamamahayag

PANULAT | Arnie Justine Anota
Sa panahong nangunguna ang teknolohikal na pagsulong, ang artificial intelligence (AI) ay kilala bilang parehong malaking tulong at isang nakababahalang banta sa tradisyonal na pamamahayag. Masasabing nag-aalok ang AI ng kahusayan sa pagsusulat, automation, at mga makabagong kakayahan sa pagkukuwento, ang pagpasok nito sa mundo ng pamamahayag ay nagdudulot ng mga alalahanin tungkol sa etika, kredibilidad, at sa hinaharap ng pag-uulat na nakatuon sa tao. Ang Bayaning Artificial Intelligence
Sa unang sulyap, ang AI ay parang isang superhero, na pumapasok upang mapadali ang buhay ng mga mamamahayag sa pamamagitan ng pag-automate ng mga gawain at pagtuklas ng mga nakatagong insight sa loob ng napakaraming data. Subalit, katulad ng mga kwentong superhero, ay mayroon itong banta, ang pagsalungat nito sa tradisyonal na pamamahayag at sa moral na prinsipyo nito.
Kahinaan ng Isang Bayani
Kung ito ay isang superhero ay may tinataglay itong kapangyarihan at kahinaan. Ang Artificial Intelligence
ay nakakatulong ito sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng mabilis pagsaliksik ng impormasyon, mahusay na pagsusuri ng katotohanan, at baguhin ang balita nang natutugunan ang kagustuhan ng mambabasa, na magpapahusay sa pakikipag-ugnayan at karanasan ng mga mambabasa sa balita. Dagdag pa dito ay may malaking tulong sa pagbibigay-daan sa mga mamamahayag na tumuon sa malalim na pag-uulat, pagsusulat at pagsusuri.
Bantang Etikal ng A.I
Sa pagpasok ng A.I sa mundo ng pamamahayag ay mayroong aalalahanin. Isa rito ay ang bias na nasa loob ng algoritmo ng Artificial Intelligence o ang mga batas na sinusunod nito, sapagkat ang Artificial Intelligence ay natututo mula sa makasaysayang datos, maaari at hindi nito sinasadyang gumawa ng hindi pantay na paghuhusga sa pamamagitan ng mga pamantayang pangkultura. Maaari itong magresulta sa mga baluktot na salaysay, maling representasyon ng mga marginalized na komunidad, at pagpapalakas ng mga stereotipo sa saklaw ng balita.
Ang Potensyal na Pagsakop sa Mundong Journalism
Sa pagbilis ng paggawa ng A.I ng mga balita ay may lumalaking alalahanin ito sa potensyal na pagpalit nito sa mga mamamahayag. Dahil sa kakayahan ng Artificial Intelligence na gumawa ng mga balita sa napakabilis na oras di tulad ng mga tradisyonal na mamamahayag, ay may potensyal itong tumungo sa pagkawala ng kanilang mga trabaho bilang mamamahayag, na magbabawas sa malawakang perspektibo sa Journalism. Hindi lang ito, ang pag asa sa mga likha o gawa ng Artificial Intelligence ay maaari ring tumungo sa pagkawala ng makataong elemento sa pagk-kwento, empatiyang nararamdaman ng mga mambabasa, konteksto, at ang malalim na pagaanalisa na mga mamamahayag na tao lamang ang makakagawa.
Paghanap sa Balanse
Sa kabila ng mga paghihirap na haharapin ng pamamahayag sa pagpasok ng A.I, ay may mga oportunidad ang ating journalists na maihasa ang paggamit ng teknolohiya habang patuloy paring naisasagawa ang pagpapahalaga at etiko ng pamamahayag. Ang pagkakaroon ng bukas na mata ay susi para matugunan ang mga bantang nakapaloob sa mga likha ng Artificial Intelligence. Dapat ay naipapaalam
Christmas Trees ng mga Kabataan:
DepEd’s National Tree Planting Project
PANULAT | Arnie Justine Anota
Lumahok ang Ponciano Bernardo High School sa bagong ipinatupad na Deped Memorandum na “DEPED’S 236,000 TREES – A REGALO PARA
SA MGA BATA” kasama ang punongguro ng paaralan, head-teachers, mga boy-scout at ang Supreme Secondary Learner’s Government noong ika-anim ng Disyembre 2023 sa pagtatanim ng mga puno na naglalayong mabawasan ang polusyon at pagbutihin ang kalidad ng hangin sa paaralan.
“A Christmas Gift For The Children”
Noong ika-anim ng Disyembre 2023, magkakasabay na inilunsad ang pagtatanim ng puno sa 47,678 na mga pampublikong paaralan ng DepEd na ang bawat paaralan ay magtatanim ng hindi bababa sa 5 puno na makaka-ambag sa layuning magtanim ng mahigit 236,000 puno sa buong ban-
sa. Ang proyektong ito ay may layuning mapangalagaan ang kapaligiran at itanim ang responsibilidad sa kapaligiran sa mga kabataan. Itong proyekto rin ang nagsilbing regalo ng DepEd upang isiguradong malinis at maayos na kapaligiran para sa estudyante at sa mga darating pang henerasyon.
Ang Tulong ng Regalo
Maliban sa pagiging regalo, and proyektong pagtatanim ng mga puno sa paaralan ay nakatulong rin sa mga estudyante, sa pamamagitan ng paggawa ng angkop na kapaligiran para sa pagaaral, ang pagkakaroon ng mga puno ay nakatulong upang magkaroon ng kapaligirang may pinabuting kalidad ng hangin para sa mas kaayaayang karanasan sa pag-aaral para sa mga mag-aaral. Naging tulong na rin ito sa paglutas sa karaniwang isyu ng mga paaralan, ang init na nararanasan ng mga estudyante sa loob ng paaralan
at nagpaganda na rin ito sa paaralan.
Atsaka, ang pagtatanim ng mga puno ay maraming benepisyo, ang mga puno ay may kakayahang humigop ng mga nakakasirang pollutant ng hangin at naglalabas ito ng oxygen. Nagreresulta ito ng malusog na paligid para sa mga estudyante, mga guro, mga staff, at iba pang mga personnel at napapababa nito ang mga panganib na magkaroon ng sakit sa paghinga at isulong ang pangkalahatang kaligtasan.
A Principal’s Response
Ayon sa principal ng Ponciano Bernardo High School na si Dominga P. Cabadin, ang naganap na pagtatanim ng puno ay “form of discipline for the students para malaman ng mga estudyante kung gaano kahalaga ang pagtatanim ng halaman”.
Dagdag ng punong-guro, “ang
ng mga organisasyong tagapagbalita kung kailan ginagamit ang A.I sa pagbabalita nang sa gayon ay mabigyan ito ng konteksto para sa mga mambabasa, at malaman ang pagkakaiba ng mga balitang gawang-tao at gawang-A.I.
Samakatuwid, dapat hindi basta basta ang mga Journalists sa malalim na pagsusuri sa mga awtput ng mga sistemang A.I, mga bias, at pagsisiguradong patas at tama ang ibinabalita. Ang pagsasama ng mga mamamahayag at mga eksperto sa teknolohiya ay may malaking tuloy sa pagsasagawa ng A.I na nagpapalakas sa etiko at tradisyon ng Journalism. Sa kabuuan, ang pagsasama ng Artificial Intelligence at ang mundo ng Pamamahayag ay parehong may oportunidad ng pagsulong at paghihirap na haharapin. Habang may potensyal ang A.I na baguhin at palakasin ang paghahanap ng impormasyon at pagkkwento, ang maling paggamit nito at nagbabantang masira ang integridad, maging ang mundo ng Journalism. Dapat ay masiguradong mabuti ang mayroon sa A.I, tayo ang kiluban ng isang double-edged sword, tayo ang kikilala kung ang A.I ba ay isang kaibigan, o isang kalaban.
pagtatanim ng puno ay nakakaprevent ng landslides, nakakatulong para ang air pollution ay malessen, also nakakatulong rin ito sa kapaligiran para maging malamig, maging maganda ang atmosphere natin lalo na ngayong may climate change. Ang mahalaga doon ay nagiging disiplinado ang mga bata, nagiging responsible dahil kahit estudyante kayo ay nakakatulong kayo sa kapaligiran. Dagdag rin shade kapag mainit ang panahon, k apag ang paaralan ay maraming puno kagaya natin, mas masarap mag stay, mas masarap mag s tay sa school kesa sa bahay kasi maraming puno”. Sinabi rin ng punongguro ang potensyal na bunga nito, “kung ito ay madevelop sa sa atin ang pagtatanim ng puno, ay may dagdag rin itong income sa paaralan”.
Bagama’t limang puno lamang ang naitanim sa mga paaralan, ay malaki na rin ang naging epekto nito. Naipapakita ng proyektong ito na sa puno ay may bungang disiplina, responsibilidad, kagandahan at mabuting sa paaralan. Ang proyektong ito rin ay nagsilbing aral sa mga estudyante, sa gitna ng mundong tumutubo na ang teknolohiya ay may matututunan pa rin natin alagaan ang ating agrikultura.
ISPORTS


Matapos ang ika-55 na taon, PBHS Men’s Volleyball sumabak na!
Sumabak na ang kauna-unahang pangkat ng volleyball sa PBHS matapos ang 55 na taon, at sinubukan ng mga ito na makuha ang panalo sa ginanap na Division Meet sa Paaralan ng Judge Juan Luna High School noong nakaraang Biyernes, ika - 9 ng Pebrero.
Matapos ang ang nasabing taon, ay nakabuo at nagkaroon na ng pangkat ang PBHS sa larangan ng Volleyball, na inilaban sa division meet at ito ay pinangunahan ni G. Mark Joseph Jambalos.
Pumili si G. Jambalos ng mga mahuhusay na estudyante mula sa iba’tibang baitang upang isalang ito sa mga ensayo at ma-ilaban ang mga ito sa divi-

sion meet at iba pang mga kompetisyon.
Pinangunahan ni Jerionne Kent Abalon ang pangkat at siya ang napili bilang maging kapitan ng mga ito.
Nang piliin siya bilang kapitan ng pangkat ay naging masaya si Abalon, sapagkat ito ay isa sa mga pangarap niya sa buhay at malaki ang pagpapasalamat niya kay G. Jambalos dahil sa pagpili sa kaniya.
“Ang aking naramdaman ng inihayag ni ginoong Jambalos na ako nga ang mamumuno o team captain ng kaniyang binuong volleyball team ay napakasaya dahil hindi ko akalain na ako ang
Jalile Estuesta, sumabak sa Batang Pinoy 2023!
PUGAY!
Sumabak ang isa sa manlalaro ng Arnis sa Ponciano Bernardo High School na si Jalile Estuesta sa ginanap na Batang Pinoy 2023 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay, noong ika17 hanggang ika-24 ng Disyembre.
Makapanindig balahibo ang itinanghal ni Estuesta nang ipinakita nya ang pinaghandaang non-traditional anyo, doble espada, nakalaban niya ang iba’t ibang manlalaro ng arnis sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Sa loob ng isang minutong pagtatanghal niya sa kaniyang kategorya ay nakabuo siya ng 27 na puntos mula sa limang hurado na nag-
Dati pinapangarap ko lang maging kapitan ng koponan kahit isang beses lang sa buhay ko, at nagpapasasalamat ako kay sir Jambalos dahil tinupad niya iyon
Jerrione Kent Abalon
Kapitan ng Dolphins
mapilili sa dami ng mahusay na manlalaro ng PBHS, at sa mga oras na yun medyo naluha din ako to be honest kasi it’s dream come true, dati is pinapangarap ko lang maging team captain kahit
ing dahilan upang masungkit niya ang ika-40 na puwesto laban sa 52 na lumahok sa nasabing patimpalak.
Sambit ni Jalile Estuesta, na kinabahan siya sa kaniyang laban sa batang pinoy dahil unang pagkakataon pa lamang niya iyon na lumaban sa pambuong bansa.
“Kinabahan ako dahil yun ang aking unang pagkakataon na makasali sa ganong klaseng kompetisyon lalo na’t ang batang pinoy ay pang buong bansa,” sambit ni Estuesta
Dagdag niya na naging masaya siya na irepresenta ang Quezon City sa buong Pilipinas, dahil sa dinamidami ng mga atleta na nag tryout isa pa raw siya na napili.
Bago makalaban si Estuesta siya muna ay lumahok sa tryout na isinagawa ng Batang Pinoy Quezon City noong ika-7 ng Oktubre 2023, at isa siya sa mga napiling manlalaro ng Arnis.

PBHS ARNIS nabigong makapasok sa NCR MEET
Dumaan sa matinding pag-eensayo ang koponan ng Arnis sa Ponciano Bernardo High School, nagkaroon sila ng pagkakataon upang mapaghandaan ang laban nila sa Division Meet.
Pinangunahan sila ng mga mahuhusay na alumni na sila Cassandra Rangasa at Arhmand Gatchalian sa kanilang pag-eensayo, ibinigay ng mga ito ang kanilang mga nalalaman at tinuruan ang mga manlalaro ng Ar-
nis sa PBHS upang mas maging maganda ang laro nila sa kanilang laban.
Ngunit nabigong masungkit ng mga manlalaro ng arnis sa Ponciano Bernardo High School ang gintong medalya sa ginanap na Division Meet, sa paaralan ng Ramon Magsaysay Cubao High school nitong nakaraang biyernes ika-16 ng Pebrero.
Ayon sa kanilang tagapagturo nabigo ang mga ito na makapasok sa NCR sa kadahilanang nagkaroon ng mga pagkakamali sa pagpupuntos ng mga hurado.
“Nabigo ang PBHS Arnis Team sa kadahilanang maaring lamang ang kalaban sa pag eensayo at dahil sa maling pag puntos ng hurado” ani ni Gatchalian ang tagapagturo ng mga manlalaro ng arnis sa PBHS.
Kahit na ganon ay nag-uwi pa rin ng mga pilak at tansong medalya ang mga ito, ang mga nag-uwi ng pilak na medalya ay sina Jalile Estuesta ang kapitan ng pangkat, Rodnel Griño at si Alaala Romana, ang mga nag-uwi naman ng tansong medalya ay sina Jefferson Berba, Jhonaz Baligasa at Jaerizz Tumaliuan.
LARAWAN | Eunice Althea Razon
once lang sa buhay ko, and nag papasasalamat ako kay sir Jambalos for make it happend,” ayon kay Abalon ang kapitan ng pangkat ng Volleyball sa PBHS.
Pinangalanan nila ang kanilang pangkat na dolphins na siyang magrerepresenta sa kagalingan ng bawat miyembro nito sa larangan ng volleyball.
Binubuo ito sa pangunguna ng kanilang kapitan na si Jerrione Kent Abalon at ang mga miyembro na sina Jalile Estuesta, John Emanuel Torculas, Aaron Lasarte, Aldred Ratay, Arnie Justine Anota, Blaiver Bartolome, Carl Joshua Jalimao, Cyrus Baroro, Marc Yuan , at si Roshaun Esgana.

PBHS lawn tennis doubles, babawian ang Ateneo?
Nagkaharap muli sa kampeonato ang PBHS Lawn Tennis Doubles na sina kambal Jef-Rey Alegria at Reyem Alegria laban sa Ateneo sa naganap na division meet nitong ika-17 ng Pebrero.
Sa pagsimula ng laban ay naging dikit ang palitan ng iskor ng bawat koponan, unang nakakuha ng puntos ang Ateneo at bumawi naman ang PBHS na naitabla sa 3-3.
Sa hindi inaasahang pagkakamali na nagawa ng kambal, nakalamang ng dalawang puntos ang koponan ng Ateneo upang mailagay ay iskor nila sa 5-3.
Nahirapan nang muling makahabol ang kambal matapos ang kanilang pagkakamali, na naging pabor sa koponan ng Ateneo dahil nanguna sila ng 4 na puntos, 8-4.
8-4 na ang huling puntos na nalikom ng dalawang koponan, ang iskor na ito ay pabor sa dating kampeon.
Muling nakuha ng koponan ng Ateneo ang kampeonato sa Lawn Tennis Doubles at sila muli ang kakatawan sa Lungsod ng Quezon para sa NCR meet.
PBHS Intramural 2024, tagumpay inilunsad!

Tagumpay na nailunsad ang PBHS Intramurals kasama ang mga sumusunod na kaganapan na pinaghandaan ng bawat estudyante mula sa iba’t-ibang baitang noong ika-13 ng pebrero, 2024.
Narito ang mga sumusunod na patimpalak para sa buwan ng intrams: Mr and Ms Intramurals, Volleyball, Basketball, Badminton, Paggawa ng Poster, at ang panghuli ay ang Palarong Pinoy na kasama ang Patintero, Batuhang Bola, Sipa, Sack Race, at Kadang Kadang.
Sa unang araw ng intrams ay nagkaroon ng eliminasyon sa larong basketball at volleyball.
Sa larangan ng panlalaking volleyball dinurog ng ika-10 baitang ang ika-9 na baitang sa iskor na 25-15, 22-25, at 15-10, tinalo naman ng ika-8 baitang ang ika-7 baitang sa iskor na 25-19 at 25-16.
Para naman sa pambabaeng volleyball nanalo ang ika-9 na baitang sa laban nila sa ika-10 baitang sa iskor na 25-19, 12-25, at 15-11, dinurog naman ng ika-8 baitang ang ika-7 baitang sa iskor na 10-25, 25-20, at 15-10.
Sa larangan ng basketball nagwagu ang ika10 baitang laban sa ika-7 baitang sa iskor na 81-70, sa kabilang banda nanalo ang ika-8 baitang laban sa ika-9 na baitang sa iskor na 87-86.
Sa ikalawang araw ay ginanap naman ang pangwakas na laro sa larangan ng volleyball.
Para sa panlalaking volleyball nagwagi ang ika-10 baitang laban sa ika-8 baitang sa iskor na 18-25, 25-19, at 15-10, nanalo naman ang ika-9 na baitang laban sa ika-7 baitang sa iskor na 25-16, 22-25, at 15-06.
Hinirang na kampeon ang ika-10 bai-


tang, pumapangalawa ang ika-8 baitang, pumapangatlo ang ika-9 na baitang, at pumapangapat naman ang ika-7 na baitang.
Sa ikatlong araw isinagawa naman ang pangwakas na laro sa larangan ng basketball.
Nagharap ang ika-10 at ika-8 baitang para sa pwesto ng kampeon, nagwagi ang ika8 baitang laban sa ika-10 baitang sa iskor na 96-88, naipanalo naman ng ika-7 baitang ang laban sa ika-9 na baitang sa iskor na 73-68.
Hinirang na kampeon ang ang ika-8 baitang, pumapangalawa ang ika-10 baitang, pumapangatlo ang ika-7 baitang, at pumapangapat ang ika-9 na baitang.
Sa ikaapat na araw naglaban naman ang bawat baitang sa larangan badminton.
Para sa badminton doubles hinirang na kampeon ang ika-10 baitang, pumapangalawa naman ang ika-8 baitang, pumapangatlo naman ang ika-9 na baitang, at pumapangapat ang ika-7 na baitang.
Sa badminton singles naman nagkampeon ang ika-7 baitang, pangalawa ika-9 na baitang, pangatlo ika-8 baitang, pangapat ika-10 baitang.
Sa ikalimang araw o ang kuminasyon ng PBHS Intramural 2024 isinagawa ang mga patimpalak na Palarong Pinoy, All Star Game sa larangan ng Volleyball at Mr. and Ms Intramurals.
Para sa laro ng batuhang bola nagwaging kampeon ang ika-10 baitang, pumapangalawa ang ika-7 baitang, pumapangatlo naman ako ika9 na baitang, at pumapangapat ang ika-8 baitang.


Hinirang kampeon ang ika-10 baitang, pumapangalawa naman ako ika-9 na baitang, pumapangatlo ang ika-7 baitang, pumapangapat naman ang ika-8 na baitang sa laro ng sack race.
Naipanalo ng ika-10 baitang ang kampeon sa larong sipa laban sa ika-9 na baitang.
Nagtagumpay sa pwesto ng kampeon ang ika-10 baitang sa laro ng patintero, pumapangalawa naman ang ika-7 na baitang, pumapangatlo ang ika9 na baitang, at pumapangapat ang ika-8 baitang.
Sa laro ng kadang-kadang nagkampeon ang ika-9 na baitang, pumapangalawa ang ika-10 baitang, pumapangatlo ang ika-7 baitang, at pumapangapat ang ika-8 baitang.
Matapos ang Palarong Pinoy nagkaroon din ng All-Star Game sa Volleyball ang mga guro, naunang naglaban ang mga guro mula sa ika-7 at ika-8 baitang na kung saan nanalo ang ika-8 baitang, sumunod naman ang ika-9 na baitang laban sa ika-10 baitang, nagwagi naman ang ika-10 baitang.
Para sa pinakahuling kompetisyon ng PBHS Intramurals 2024 ay ang Mr. and Ms. Intramurals 2024.
Hinirang na Mr. and Ms. Intramurals 2024 sina Joejan James Omolon at Gerille De Lara mula sa ika-8 baitang Acacia, pumapangalawa naman sina Carl Zaldy Castro ng ika-9 na baitang Aguilar at Claire Andrea Romero ng ika-9 na baitang Zara, pumapangatlo naman sina Vince Andrei Obregon ng ika-8 baitang Acacia at Richelle Andaya ng ika-10 baitang Aguinaldo, at pumapangapat naman sina Frinz Eugenio ng ika-9 na baitang Zara at Anthonette Faeldo ng ika-10 baitang Mabini.



8 GINTONG MEDALYA
Gymnastics
Earl John Carranceja - 3 gintong medalya
Alia Sanchez - 3 gintong medalya
Robert Charles Gabronino - 2 gintong medalya
Gyll Kyla Tahamid - 1 gintong medalya
7 PILAK NA MEDALYA
Robert Charles Gabronino - 1 pilak na medalya sa Gymnsatics
Gyll Kyla Tahamid - 1 pilak na medalya sa Gymnastics
Jef-Rey Alegria - 1 pilak na medalya sa Lawn Tenis
Reyem Alegria - 1 pilak na medalya sa Lawn Tennis
Jalile Estuesta - 1 pilak na medalya sa Arnis
Alaala Romana - 1 pilak na medalya sa Arnis
Rodnel Griño - 1 pilak na medalya sa Arnis
3 TANSONG MEDALYA
Arnis
Jefferson Berba - 1 tansong medalya
Jaerizz Tumaliuan - 1 tansong medalya
Jhonaz Andrei Baligasa - 1 tansong medalya
PBHS Aero Gymnastics nabuksan ang pinto para sa NCR!
Binuksan ng Ponciano Bernardo High School gymnastics ang pinto sa NCR nitong nakaraang division meet at nakasungkit ng mga pilak at gintong medalya, naganap ito sa paaralan ng Commonwealth High School noong nakaraang sabado ika-17 ng Pebrero.
Ito ang kauna-unahang koponan ng PBHS sa larangan ng gymnastics sa pangunguna ng kanilang tagapagturo na si Bb. Antonette Alvaro, at tumingin ng mga mahuhusay na estudiyante upang isabak sa Division Meet.
Ito ang mga napili at nakitaan ng husay ni Bb. Alvaro, sina Earl John Carranceja, Robert Charles Gabronino, Alia Sanchez at Gyll Kyla Tahamid, sa kanilang pag-eensayo palang ay binibigay na nila ang kanilang buong husay at nagkakaroon din sila ng ensayo kasama ang Ponciano Bernardo Elementary School.
Unang nagpakitang gilas si Gabronino sa nasabing patimpalak at binigay ang kaniyang husay sa kaniyang kategorya na “Individual Male” at nakamit ang pilak na medalya.
“Hindi lang paghahanda ang gi-
nawa namin, pati na rin ang pag enjoy sa aming ginagawa para mabawasan ang aming mga pagod at makakuha kami ng panalo,” sambit ni Gabronino.
Nasungkit naman ni Carranceja ang gintong medalya nang siya na ang sumabak upang maipakita ang kaniyang kagalingan sa larangan ng gymnastic.
“Sa aming maikling panahon na pag eensayo ay determinado akong manalo at binigay ko ang lahat ng aking makakaya at buong husay para makuha ko ang gintong medalya sa aking kategorya,” ani ni Carranceja.
Hindi rin nagpahuli si Sanchez dahil sa kaniyang mga paghahanda at pag-eensayo sa kaniyang kategorya na “Individual Female” kaniyang makuha ang kumikinang na gintong medalya para maka-abante sa NCR.
“Mahirap ang paghahanda na aking ginawa, lalo na ang individual, dahil kami lang mismo ang gagawa ng steps and sa loob ng 1 minute and 15 seconds kailangan namin itong makabisado, kaya hindi ko masyadong napag-handaan ang aking individual, dahil na rin sa lack of time at hirap sa pag gawa ng steps, kaya nag freestyle nalng,” ayon kay Sanchez.
At ang huling nagtanghal naman ay si Tahamid kagaya ng kaniyang
mga kasama ay binigay niya rin ang kaniyang husay at ginamit niya ang kaniyang mga natutunan sa kanilang mga pag-eensayo na naging dahilan ng kaniyang pagkapanalo at nakuha ang pilak na medalya.
“Pinaglaanan namin ng oras ng ang aming pag eensayo at pagsasanay, nagkaroon kami ng disiplina sa aming pagkain at pahinga para mapanatili ang aming kondisyon, at nagtutok sa pagpapabuti ng aming mga kasanayan at nag sikap ng husto upang maging handa para sa division meet,” sagot ni Tahamid.
Nagtulungan naman sina Carranceja at Sanchez sa kanilang kategorya na” Mix Pair, “ pareho silang nagpakitang gilas at binigay ang kanilang buong makakaya at ginawa nila ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga paghahanda at pagsasanay at ito rin ang naging dahilan ng kanilang pagkapanalo at pagkuha nila sa gintong medalya.
Binigay naman nila Gabronino at Tahamid ang kanilang buong makkaya ngunit naging bitin ito dahil pilak na medalya ang kanilang nakuha pero masaya pa rin sila sapagkat, nakapagtanghal sila at binuhos ang kanilang husay para makapasok pa rin sa NCR.
Dito sa huling kategorya na kanilang nilabanan ay ang “Aero Gymnastics” na kung saan tatlo sila Carranceja, Sanchez, at Gabronino ang nagtulungan at dito ay binigay na nila ang kanilang husay para masungkit at maiuwi ang gintong medalya sa kategoryang ito.
Naging masaya ang apat na pambato ng PBHS sa gymnastics kasama na ang kanilang tagapagturo, dahil sa kanilang unang pagsabak sa ganitong laban ay nakuha pa rin nilang makapag uwi ng mga medalya.
“Labis kaming natutuwa na nakakuha ang lahat ng mga medalya hindi lang ginto pati na rin pilak, lalo na ito ang unang mga representative ng PBHS sa larangan ng Aero Gymnastics, kasama rin naming mag ensayo ng matindi ang PBES na kung saan combine, kaya ayun happy sa naging resulta ng kanilang laban,” ayon sa kanilang tagapagturo na si Bb. Alvaro.
Patuloy pa rin na naghahanda ang apat na kasama sa Aero Gymnastics para na rin sa papalapit na NCR meet dahil ang makakatapat nila dito ay ang mga nananalo rin sa iba’t ibang lugar sa NCR.
“Patuloy pa ring nag eensayo ang mga pambato natin na sila Tahamid, Carranceja, Gabronino at Sanchez, actually itong mga batang ito ay hindi sapat ang kanilang experience sa aero gymnastics, pero nandoon pa rin ang kanilang pagsisikap para mapaghandaan at maipanalo nila ang kanilang mga sumusunod na laban,” ani ni Bb. Alvaro

