“Experience on the field, para makapasa kami” -G. Marlon Marvilla Rank 1 NQESH NCR
Nanguna sa ginanap na National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) na ginanap noong ika-26 ng Mayo taong 2023 si G. Marlon
Head Teacher III sa Agham ng Ponciano Bernardo High School.
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Ponciano Bernardo Tomo 1. Blg. 1 | Agosto 2024 - Enero 2025
Marvilla
Rex Ann Dela Cruz, Julian Arceo, Shannon Maitum
Pilak na medalya pahina 14
PAG-AARAL
Bernardians, nagbalik eskwela
bilang ng mga estudyanteng naka-enroll sa PBHS para sa taong panuruang 2024-2025
bilang ng mga estudyante sa bawat baitang:
ika-7 baitang: 215 ika -8 baitang: 170
ika-9 na baitang: 209 ika-10 baitang: 227
“Experience
on the field, para makapasa kami” - G. Marlon
Marvilla Rank 1 NQESH NCR
anguna sa ginanap na National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) na ginanap noong ika-26 ng Mayo taong 2023 si G. Marlon Marvilla Head Teacher III sa Agham ng Ponciano Bernardo High School.
Ahas, nambulabog sa PBHS
Aldrin Carillo, Queenie Bibat, Mark Joseph Jambalos
Nabulabog ang mga estudyante at mga guro ng Ponciano Bernardo High School ng dalawang naglalakihang ahas noong ika-29 ng Oktubre, taong 2024.
Pinaniniwalaang ang mga ahas na ito ay nagmula pa sa Ponciano Bernardo Elementary School na lumipat lamang dahil nagambala ng mga personnel at estudyante ng nasabing paaralan
“Nakita ko ‘yong ahas napakalaki at nakakatakot, gumapang sa bakod ang isang ahas habang ‘yong isa naman ay gumapang sa puno ng balete, marami rin ang nakasaksi sa nangyaring pambubulabog ng ahas nung araw na ‘yon,” ani ni Porperio “Utoy” Morillo, isang gwardya ng
paaralan.
Tumawag naman agad ang pamunuan ng PBHS sa baranggay upang humingi ng tulong na mahuli ang dalawang ahas at agad namang rumispunde ang mga ito, ngunit sa kabila ng masusing paghahanap, hindi na nila ito natagpuan— sa kabilang banda, ay wala namang naiulat na nasaktan o nabiktima ng ahas.
Sinabi ng pamunuan ng paaralan na sila ay tumawag na sa ahensya na namamahala ng mga wild animals ngunit hanggang ngayon ay di pa rin pumupunta ang mga ito. Sa ngayon ay nakaantabay ang mga school personnel at mga SPTA, kasama ng barangay para sa kaligtasan ng mga bata at bawat isa sa paaralan.
Pinangunahan ni G. Marvilla ang higit kumulang sa 400 mga examinees sa buong National Capital Region sa rating na 92.1062%.
“Most o ang pinakamagandang makakatulong sa ganyang klaseng exam ay yung experience, so… base dun sa exam, konti lang talaga dun ang base sa nabasa namin, mas marami talaga kami yung
experience on the field kung ano ang ginagawa namin araw-araw, ano experience as a teacher, as head teacher, yun ang mas nakatulong para makapasa kami,”- ani
ni G. Marvilla. Pinagmamalaki rin ng Ponciano Bernardo High School ang pagpasa ng isa pang Head Teacher III mula naman sa asignaturang
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan na si Gng. Melani Santos. Ayon kay Gng. Santos “Sinabing hindi madali ang hinarap na eksaminasyon
School Governing Council, nanumpa na
Nagsagawa ng pormal na panunumpa ang mga kumakatawan sa School Governing Council matapos maihalal ang mga bagong opisyales noong ika-26 ng nobyembre taong 2024.
Layunin nitong mapaunlad ang eskwelahan sa pamamagitan ng pagpa-plano para mapaunlad at mapanatili ang kaayusan sa paaralan.
“Basically, for school improvements ang plans natin, for the surroundings, lahat yon kasama sa SGC plans, and our stakeholders” saad ni Gng. Melani Santos, Head Teacher.
“We have the best project for our school improvements, yung reading numeracy, we also have the gender development, for safety and security of the school improvements as well tsaka yung mga programs ng paaralan,” dagdag
pa nito.
Pinapangunahan ito ni G. Edgardo D. Cruz bilang Chief Executive Officer, School Principal, Kgwd. Mercedita M. Lapus bilang Co-Chairperson, G. Pedro B. Dela cruz bilang Designated Co-Chairperson, at Gng. Flourenze Michelle Montaos bilang Elected Secretary, kasama ang mga miyembro nito na sina Kathy Elsie Tan, Mark Joseph A. Jambalos, Melani R. Santos, Marlon B. Marvilla, Frederick Santino Lazarte, Kgwd. Evelyn Pelaez, at Anabelle Ariones.
“Layunin ng pagpupulong na ito upang mapaunlad at mapanatili ang kaayusan ng paaralan, na may tulong ng mga organization at barangay na nasasakupan ng paaralan,” saad ni Frederick Santino Lazarte, SSLG President, na kasama sa pagpupulong na ginanap.
Rodeliza Marcial
Rex Ann Dela Cruz, Julian Arceo, Shannon Maitum
Missy Angela Cueto
Myvian Ira Benosa
tulungan, kooperasyon, at masinsinang pagaaral ang kailangan nila para dito, selfreview, nood sa Youtube, reviewers from other coheads, and syempre collaboration with Sir Marlon!”
Humigit kumulang 22,000 mga examinees ang kumuha ng NQESH sa buong bansa. Inihayag ang mga pangalan ng mga nakapasa sa nasabing NQESH 2023 noong ika-18 ng Oktubre sa bisa ng memorandum no. 059, s. 2024 ng Departamento ng Edukasyon.
Nicole Magno, nagkamit ng karangalan sa DSPC
Francine Laurence Roncales
Nagbunga ang pagsisikap ng mga mamamahayag ng Ang Bagong Sikat sa nagdaang DSPC 2024, na naganap sa Quezon City High School noong ika-anim ng Disyembre.
Taas-noong lumaban ang 14 na mamamahayag ng Ang
Bagong Sikat na naging sanhi sa pagsungkit ni Nicole Magno ng ikawalong puwesto sa pinakamahusay na pagkuha ng larawan laban sa mahigit kumulang 200 mag-aaral mula sa bawat kalahok na paaralan.
“Mas pinaghandaan ko pa po ang DSPC dahil sabi nga po ng aming tagapayo, “malay mo sa division, makuha ka,” kaya no’ng D4SSPC medyo nangangapa palang po, kaya naman mas pinag-igihan ko pa ang pag-eensayo dahil sa nais ko muling sumubok at dahil don ay napili ako ng aming guro upang lumaban muli at mas pinagbutihan pa ito,” ani ni Nicole Magno.
Sobra ang kasiyahan ng “Ang Bagong Sikat” at ng kanilang tagapayong si Mark Joseph Jambalos dahil si Nicole ang kauna-unahang
mamamahayag na nagkamit ng parangal sa Division Level.
“Rangal para sa school natin, pero mas lalo na po sa atin na Filipino Journ, na bigyang inspirasyon and motivation na rin po siya sa iba pang Filipino journ, na pag-igihan pa nila yung kanilang napiling category po,” wika ni Chloe Tanedo isang mamamahayag ng “Ang Bagong Sikat.”
Magsisilbing inspirasyon ang pagkapanalo ni Nicole sa mga susunod na
PBHS, Ang Bagong Sikat, nag-uwi ng mga parangal sa D4SSPC 2024
Francine Laurence Roncales
Nakiisa ang mga mamamahayag mula sa “Ang Bagong Sikat” ng PBHS, sa ginanap na District 4 Secondary Schools Press Conference 2024 sa St. Paul University noong ika-5 at ika-7 ng Oktubre.
22 mamamahayag ang lumaban sa 12 na paaralan sa ika-4 na distrito, at nagpakitang gilas sa kategoryang kanilang napili— bunga nito ang pagkakamit nila ng mga parangal.
Nasungkit ni Thiara Lou Berin ang ikalimang puwesto para sa pagsulat ng Kolum, para sa pagsulat ng Agham ay ikawalong puwesto si Kurt Yuri Bulosan, sa pagkuha ng larawan ay ikalimang puwesto si
Missy Angela Cueto, at para sa paglalarawang tudling ay pumanglimang puwesto si Frederick Santino Lazarte.
Nagbunga ang pagpapakitang gilas ng Bagong Sikat Super Radyo (BSSR) nang mag-uwi sila ng iba’t ibang parangal— pumang-apat sa pinakamahusay na News Anchor at Pagsulat ng Iskrip, pumanglima naman sa pinakamahusay na Aplikasyong Teknikal— sa kabuuan ay pumang-apat na puwesto ang BSSR laban sa 12 paaralan sa ikaapat na distrito na binubuo nina Rodeliza Marcial at Leonard Atuan bilang News Anchors, Ritchie Prince Nejal at Kamilah Medrano bilang Reporters— Ayeisha Anota, Francine Roncales para sa Infomercial, at
Frederick Santino Lazarte bilang teknikal. “Naging masaya ito at may pressure din na kasama dito ngunit nagbunga naman ang aming mga paghihirap at madami kaming natutunang mga bagong learnings…sa, sa radio broadcasting at sa individual categories namin,” ani ni Frederick Lazarte, Punong Patnugot ng Ang Bagong Sikat, sa isang panayam nang tanungin ukol sa naging karanasan sa D4SSPC 2024.
Naging aral sa mga mamamahayag ng “Ang Bagong Sikat” ang nagdaang D4SSPC, kung kaya’t, patuloy ang kanilang pag e-ensayo sa kani-kanilang kategorya sa tulong ng kanilang determinasyon at ng kanilang tagapayo na si Mark Joseph A. Jambalos.
Frederick Santino Lazarte
Missy Angela Cueto
PBHS, panlaban ng QC sa National Parol-Making Event
Kean Mharl Callo, Marc Yuan Manegdeg, Mark Joseph Jambalos
Nagpakita
ng husay ang mga estudyante ng Ponciano Bernardo High School sa isang patimpalak na tinaguriang 3rd National ParolMaking Event. Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng parol gamit ang mga recycled materials na naging dahilan ng pagpili sa kanila para maging kinatawan ng lungsod Quezon noong ika-10 ng Nobyembre 2024 sa 3rd National ParolMaking Event.
Ayon kay Bb. Arianne Ticala, ang guro na nanguna sa proyekto, “Ang pinakamalaking hamon namin ay ang paggamit ng mga recycled materials, lalo na’t hindi pinapayagan ang plastic bottles.
Subalit, nagamit namin ito bilang pagkakataon para ipakita ang aming pagiging malikhain.”
Sa kabila ng limitasyon sa mga materyales, napagtagumpayan pa rin tapusin ang nasabing parol ng PBHS
“Tinutukan namin ang mga
handcraft materials at pati na rin sa pagbuo ng konsepto ng disenyo ng parol na tunay na nagpapakita ng Pasko,” dagdag pa ni Ma’am Arianne. Pinangunahan nina Linzen
Baniqued, Shamielle
Salmo, Kristine Santos, at Alia Sanchez ang paggawa ng parol sa ilalim ng gabay ni Ma’am Arianne. Hindi man nasungkit ng PBHS ang kampyonado naging daan pa rin ang proyekto sa pagbibigay inspirasyon sa ibang paaralan at komunidad upang gamitin ang mga available na materyales sa paggawa ng mga makulay na parol, na simbolo ng Pasko kasabay ng pagmamalasakit sa kalikasan.
Inanunsyo sa fb page ng Social Secretary’s Office ang nagsipagwagi sa 3rd National Parol making Contest— Pedro V. Panaligan Memorial National High School 1st place, Panabo City National High School 2nd place, Roxas City School for Philippine Craftsmen 3rd place.
INSET 2024
Teacher 1 pang Master Teacher ang datingan
Mark Joseph Jambalos
agpakitang gilas ang tatlong guro ng Ponciano Bernardo High School sa taunang In-Service Training (INSET) na ginanap noong ika 27-28 ng Nobyembre 2024.
Sa taunang INSET na kadalasang guest speaker/s o mga Master Teachers ang nagiging speaker’s para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga guro, ngunit sa taong ito tatlong guro 1 ang binigyan ng pagkakataong maging tagapagsalita sa nasabing okasyon, Sina Bb. Antonette Alvaro, Cassandra Villacorte, at G. Christian Ondoy.
Capacity of building secondary teachers on E-learning strategies and activities for 21st century education, Interactive tool for teachers, at supporting and maintaining well-being in schools ang mga naging paksa ng tatlong guro.
Ayon kay Bb. Alvaro “nung sinabi na mag speaker ako sa INSET, na excite ako kasi makakapagshare ako sa mga teacher’s ng mga bagong kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya na makakatulong sa kanila sa pagpapadali ng kanilang gawain.”
Sabi naman ni Bb. Villacorte “ang naramdaman ko ay may galak at kaba, galak dahil maibabahagi ko sa aking mga kapwa kaguruan ang aking nalalaman patungkol sa Mental Health Awareness, kaba, dahil ang
audience ay mga guro.”
“Sa kabuuan ng INSET 2024, naging isang makabuluhan at makahulugan ang bawat talakayan. Aktibo ang mga kapwa kaguruan dahil sa mga pagsasanay na inihanda para sa amin,” dagdag pa nito.
“Naging successful naman siya, syempre nahirapan sila na intindihin yung ano kumbaga sa simula naman talagang yung unang ano mahirap
pero sa mga kalaunan madali naman, kumbaga naging smoosmooth naman ang INSET,” dagdag ni G. Ondoy Para rin sa ibang teachers at HT naging mas productive ang INSET ng taong 2024
Ayon kay G. Presto Chairman ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, “wow, ang galing ng presentasyon nila tungkol sa INSET nina Maam
Gilas ng kabataan
Francine Laurence Roncales
Binigyang kulay ng mga buwanang pagdiriwang ang pag-aaral ng mga estudyante ng Ponciano Bernardo High School, na pinamunuan ng iba’t ibang kagawaran, mula sa buwan ng Agosto hanggang buwan ng Disyembre. Nag-organisa ng munting pagdiriwang ang kagawaran ng TLE noong ika-12 ng Agosto, bilang paggunita sa Nutrition Months 2024 na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!”—
nakiisa ang mga mag-aaral sa mga patimpalak na inihanda ng kagawaran ng TLE at nagpamalas ng galing sa paggawa ng poster, slogan at fruit carving.
Matagumpay na inilunsad ng kagawaran ng Filipino ang paggunita at pagkilala sa ating pambansang wika, noong ika-31 ng Agosto, taong 2024— na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” bilang pagkilala sa ating wika, naghanda ang kagawaran ng Filipino ng mga patimpalak na kung saan binibigyang
Shamielle Salmo
Antonette, at Maam Cassie, napaghandaan nila at masigasig sa paksa, marami akong natutunan at ang kanilang pagtutulungan ay tunay na nakapagbibigay inspirasyon, Magaling lahat!”
“Maganda naman no kasi nabigyan sila ng chances tapos very comprehensive mga topics nila, so naging maganda ang turn out
ng INSET natin, to all the- ano to activities, outputs submitted on time etc,” ani ni Gng.
Santos HT III ng TLE
“Very good sila ngayon compared to the other INSET kasi mas lighter ang activities pero kayang kaya gawin ng mga bagets,” dagdag pa nito.
Umaasa ang lahat na maging ganito lang kagaan ang mga susunod na INSET pero may kalidad pa rin na matututunan.
pagkakataon ang mga estudyante na maipamalas ang kanilang talento habang binibigyang pugay ang ating pambansang wika at kultura, kabilang sa mga patimpalak na ito ay ang paggawa ng poster at slogan, pag-awit ng awiting Filipino, ang “Folk dance Competition” at ang Lakan at Lakambini.
Ipinagdiwang ng Ponciano Bernardo High School ang Buwan ng Agham sa pamumuno ng kagawaran ng Agham noong ika-27 ng Setyembre, taong 2024 na may temang “ClimaQuest: Forecasting Windshifts, Charting Climate Futures,” kaya naman naghanda sila ng mga patimpalak kung saan maipapamalas nila ang kanilang talento, talino at pagkakaisa— ang mga patimpalak na iyon ay ang poster at slogan making, chemamazing race, science quizbee at
ang mr. and ms. eco tourism 2024.
Naging makulay ang paggunita ng Ponciano Bernardo High School sa United Nations 2024 noong ika-31 ng Oktubre, na may temang “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development,” na pinamunuan ng kagawaran ng Araling Panlipunan kung saan ipinakita ng mga magaaral ang kanilang talino at talento sa mga paligsahang inihanda sa kanila, kabilang na ang poster at slogan making, ap quizbee at ang Miss United Nations 2024.
Pinamunuan ng kagawaran ng Ingles ang pagdiriwang ng English month, na ginanap noong ika-27 ng Nobyembre ba may temang “The Power of Reading: Leading Towards Literacy,” mas binigyang kulay pa ang pagdiriwang
PBHS, Compliant sa COA
Marlon Trinidad
Binigyan ng compliant na grado ang Ponciano Bernardo High School (PBHS) matapos ang opisyal na pagsusuri ng Commission on Audit (COA) sa Financial Report ng canteen.
Isinagawa ni Ms. Ruth F. Jopio, Team Member, Office of the Auditor, ang pag-audit noong Disyembre 11, 2024, upang tiyakin ang pagsunod ng paaralan sa itinakdang panuntunan sa accounting at pamamahala ng pondo.
Ayon kay Ms. Ruth F. Jopio, “irerekomenda ko ang PBHS bilang modelo o benchmarking standard para sa ibang paaralan pagdating sa maayos at organisadong pangangasiwa ng financial report ng canteen.”
Ang ganitong grado ay iginagawad lamang sa mga paaralang sumusunod sa mahigpit na pamantayan, regulasyon, at alituntunin sa larangan ng pananalapi, accounting, at pag-audit.
Kasabay din sa nasabing taon ang pagiinspeksyon ng mga public school canteens upang mabantayan ng Department of Education kung ang mga eskwelahan sa buong bansa ay sumusunod sa mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng ahensya.
Sa pag-iinspeksyon na ito, may mga taong nakatalaga katulad ng mga Public Schools District Supervisors upang personal na matingnan kung ang mga school canteens ba ay nag-hahain ng mga masustansyang pagkain.
Ang Ponciano Bernardo High School - School Based Canteen Managed naman ay nakatanggap ng positibong komento galing kay Dr. Edna R. Galiza, PSDS District 4.
“Masarap at masustansya ang mga pagkaing nabibili sa ating school canteen, patunay na ang management ay sumusunod sa DepEd Order No. 13 s. 2017,” ani ni Dr. Galiza.
Ito ay ilan lamang sa mga magagandang feedback na natanggap ng PBHS Canteen sa taong panuruan 2024-2025. Maaaring ipagmalaki ng Ponciano Bernardo High School ang kanilang pagtatagumpay sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
nang ihandog nila ang iba’t ibang patimpalak, kabilang na ang Impromptu speech, Essay writing, Creative storytelling, Digital comic strip, Reading comprehension contest, at ang Book Character parade.
Matagumpay ang naging pagdiriwang ng Filipino Values months 2024 na pinamunuan ng kagawaran ng ESP— upang gawing mas masaya ang pagdiriwang, ay naghanda ng mga patimpalak ang kagawaran ng ESP na may kaugnay sa temang “Pagsulong ng Bagong Pilipinas: Ang Kabataan Bilang Pundasyon ng Pagbabago” ilan sa mga patimpalak ay ang Christmas card making, paggawa ng poster at slogan, nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa Bleachers Gimmick.
Missy Angela Cueto, Nicole Magno
Marlon Trinidad
6 OPINYON
ANG BAGONG
SIKAT
SA LIKOD NG ISANG MAGANDANG POLISIYA
Ritchie Prince Nejal
Ipinatupad ng Department
pinapaalala sa mga paaralan na wala dapat kolektahin
Sa pagkakaroon ng
PUNONG PATNUGOT
Frederick Santino Lazarte
KAPATNUGOT
Nicole Magno
PATNUGOT SA BALITA
Francine Laurence Roncales
PATNUGOT SA OPINYON
Thiara Lou Berin
PATNUGOT SA LATHALAIN
Leonard Atuan
PATNUGOT SA AGHAM
Kurt Yuri Bulosan
PATNUGOT SA ISPORTS
Cyrus John Baroro
TAGAKUHA NG LARAWAN
Missy Angela Cueto
Nicole Magno
Mathew Gabriel Ang
Myvian Ira Benosa
KARTUNISTA
Carl Zaldy Castro
Chloe Tañedo
Marco Soriano
MANUNULAT NG BALITA
Rodeliza Marcial
Rex Ann Dela Cruz
Julian Arceo
Shannon Maitum
Aldrin Carillo
Kean Mharl Callo
Marc Yuan Manegdeg
Queenie Bibat
MANUNULAT NG OPINYON
Ritchie Prince Nejal
Margarette Zoe Espina
Mary Jhoy De Belen
Lauren Ashlee Sta. Ana
MANUNULAT NG LATHALAIN
Orlando Gabriel Serrano
Martina Bulatao
MANUNULAT NG ISPORTS
Janela Jaca
KONTRIBYUTOR
Mark Joseph Jambalos
Antonette Alvaro
Marlon Trinidad
TAGAPAYO
G. Mark Joseph Jambalos
PUNONGGURO
G. Edgardo D. Cruz
No Collection Policy sa bawat paaralan ay maaring magdulot ng malaking pagbabago. Bagama’t maganda ang intensyon ng No collection policy ngunit imbis na makatulong, may masama rin itong dulot. Halimbawa, dahil sa kakulangan sa pondo, nagiging mahirap para sa mga guro na mag organisa ng mga klase na nangangailangan ng karagdagang resources tulad ng science equipments, learning materials at visual aid na makakatulong sa mas mahusay na pagkatuto. Kung walang sapat na budget ang mga aktibidad sa agham, tulad ng mga eksperimento ito ay hindi matutuloy, kaya ang mga mag-aaral ay nawawalan ng pagkakataon na matutunan
EDITORYAL
ang mga konsepto sa mas interesado na paraan. Isa na rin ang extra curricular activities. Ang kakulangan sa pondo para sa extra curricular activities at iba pang programs ay naging problema sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon.
Sa kabilang banda, may mga naniniwala na ang implementasyon na ito ay nagdudulot ng kaluwagan para sa mga magulang, lalo na sa mga magulang na gipit. Sa pamamagitan ng implementasyon na ito, nasisigurado na walang bata ang maiiwan sa edukasyon dahil sa kakulangan ng pera. Ang ganitong polisiya na walang sapilitang bayarin ay nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat, anuman
No fail policy: Tulong o perwisyo sa edukasyon?
ang estado nila sa buhay. Ayon sa ulat ng mga lokal na paaralan, ang pondo mula sa gobyerno ay hindi laging sapat para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga paaralan. Isang halimbawa na ang chalk, papel at iba pang gamit na kailangan ng mga guro at estudyante sa pang araw-araw. Dagdag pa ng mga guro ay napansin nila na bumaba ang extra curricular activities gaya ng sports o arts dahil sa limitadong pondo. Sa isang survey na ginawa ng DepEd, 65% sa mga guro ang gumagastos mula sa sarili nilang bulsa para mabili ang kulang na kagamitan sa paaralan. Maganda ang nais ng No Collection Policy
ngunit mayroon din itong disadvantages. Kung patuloy na ipapatupad ang polisiya na ito na walang solusyon na nahahanap sa mga kakulangan, maaring mas lalo pang bumaba ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralan. Kaya dapat timbangin ang epekto nito, kung makakabuti ba ito sa paaralan o hindi. Ang mga hakbang na ito ay hindi madali, ngunit sa sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang mas maliwanag at mas ligtas na digital na mundo, kung saan ang katotohanan ay mananaig at ang mga tao ay may kapangyarihang makagawa ng tamang desisyon para sa kanilang sarili at sa taong bayan.
Ritchie Prince Nejal, Margarette Zoe Espina
Ipinakilala ng Department of Education (DepEd) ang “No fail policy” sa mataas na paaralan at mababang paaralan upang masiguradong walang mag-aaral ang maiiwan sa kabila ng hirap ng pagaaral lalo na sa panahon ng pandemya, at sa kasalukuyan noong ika-21 ng Agosto, 2021. Bagamat ang “No fail policy” ay naglalayong bigyan ng suporta ang mga mag-aaral, maaari itong magdulot ng negatibong epekto sa kanilang disiplina at responsibilidad. Ang kawalan ng posibilidad na bumagsak ay maaaring maging masamang impluwensya sa mga estudyante na kahit hindi na sila mag pursige mag-aral ay makararaos pa rin sila. Dahil, ang polisiyang ito ay maaaring mag-udyok ng kawalang malasakit sa mga asignatura sa
kadahilanang alam nilang hindi sila haharap sa mabigat na consequences.
Naniniwala naman ang iba na ito ay isang hakbang tungo sa makatao o makatarungang sistema ng edukasyon. Ang polisiyang ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga magaaral na may pinagdadaanang hamon o problema tulad ng kahirapan, mental health issues o kakulangan sa access sa mga resources, upang magpatuloy sa kanilang pagaaral nang hindi natatakot sa posibilidad na bumagsak. Sa halip na parusahan ang mga estudyanteng nahihirapan, binibigyan sila ng pagkakataong makabangon at makafocus sa pagkatuto.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas, 60% ng mga guro sa mataas na paaralan ang nagsasabi na napansin nilang bumababa
ang academic performance ng iilang mag-aaral matapos ipatupad ang “no fail policy.”
Ilan sa mga guro ang nagulat na ang mga estudyante ay hindi na aktibo sa klase dahil alam nilang hindi sila babagsak. Dagdag pa rito, ang polisiya ay naging hamon para sa mga guro na gustong panatilihin ang mataas na pamantayan sa kanilang pagtuturo dahil napipilitan magbigay ng konsiderasyon kahit hindi naman nararapat. Habang mabuti ang layunin ng “No fail policy” malinaw na may mga aspekto itong dapat muling pag-aralan. Hindi dapat ipatupad ang isang polisiya na maaaring magdulot ng kasamaan sa sistema ng edukasyon kaysa sa kabutihan. Kung magpapatuloy ang ganitong patakaran, maaaring masanay ang mga estudyante sa pangkaraniwan at mawalan ng pagpapahalaga sa edukasyon.
Bagama’t maganda ang hangaring tulungan ang mga mag-aaral, ngunit hindi solusyon ang agarang pagpasa sa kanila nang hindi tinitiyak ang kanilang kaalaman, mas mapapabuti ito kung magpatupad ng mga remedial programs, tutorial sessions, at mental health support na tutulong sa mga mag-aaral na nahihirapan.
Sa pamamagitan ng tamang mga reporma at sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga guro, magulang, at komunidad, maitataguyod ang sistema ng edukasyon na hindi lamang nagpapasa ng mga magaaral, kundi naghuhubog ng kanilang kakayahan at pananagutan, dahil ang edukasyon ay pundasyon ng kinabukasan.
Ang Opisyal na Pahayagang
Filipino ng Mataas na Paaralang Ponciano Bernardo
Chloe Tañedo
Carl Zaldy Castro
LUPON NG PATNUGOT
Kabataan sa Politika: Sigaw ng Gen Z, Deadma ng Matatanda?
Thiara Lou Berin
Sa gitna ng kaguluhan sa politika, madalas na nakakalimutan ang boses ng kabataan. Mga kabataang magiging susunod na henerasyon ng mga lider, na may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbubuo ng ating kinabukasan. Ngunit sa isang sistema kung saan ang mga matatanda ang may kapangyarihan, ang kanilang mga pananaw at mga alalahanin ay madalas na hindi naririnig.
Sa bawat halalan, maririnig ang sigaw ng mga kabataan para sa pagbabago. Naghahanap sila ng mga lider na makikinig sa kanilang mga pangarap at mga alalahanin, mga lider na magtataguyod ng kanilang mga karapatan at mga interes. Ngunit ang kanilang mga boses ay madalas na nalulunod sa ingay ng politika, sa mga usaping nakasentro sa mga matatanda at sa mga interes ng mayayaman. Ang mga kabataan ay may ideya at mga solusyon sa mga suliranin ng ating bansa, ngunit hindi sila binibigyan ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga pananaw.
Sa aking palagay, bilang isang kabataan ang pagwawalang-bahala sa boses namin tungkol sa politika ay isang malaking pagkakamali. Kabataan ang kinabukasan ng ating bansa, at ang kanilang mga pananaw ay mahalaga sa pagbuo ng isang mas mahusay na lipunan. Dapat kaming bigyan ng pagkakataon na lumahok sa mga talakayan, magbigay ng kanilang mga opinyon, at magkaroon ng aktibong papel sa paggawa ng mga desisyon na makakaapekto sa kanilang kinabukasan.
Pagbibigay puwang sa mga kabataan upang
maipahayag ang kanilang mga pananaw ay hindi lamang isang moral na pananagutan, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa isang mas maunlad na hinaharap. Ang kanilang mga ideya at pag-unawa sa mga isyu ay mahalaga sa pagbuo ng isang lipunan na tumutugon sa pangangailangan ng lahat. Pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng lahat, lalo na ang mga kabataan. Sa pamamagitan lamang ng pagsasama-sama ng mga boses ng iba’t ibang henerasyon, makakamit natin ang tunay na pag-unlad at pagbabago.
Uniporme at Gupit: Balanse sa Karapatan at Disiplina
Mary
Jhoy De Belen, Thiara Lou Berin
Pagsusuot ng uniporme at pagsunod sa patakaran sa gupit ng buhok sa paaralan ay isang isyu na may dalawang panig. Naiintindihan ko ang pangangailangan para sa disiplina at kaayusan sa loob ng paaralan. Ang uniporme ay nagtataguyod ng pagkakaisa at pagiging presentable ng mga mag-aaral. Para sa maayos na gupit naman ay nagbibigay ng impresyon ng kalinisan at paggalang. Ngunit, mahalaga ring isaalang-alang ang karapatan ng mga kabataan na ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pananamit at istilo.
may kakayahang bumili ng uniporme, lalo na sa mga pamilyang may kahirapan.
Kahit na may libreng uniporme, madalas itong may suliranin sa sukat o kalidad.
Para sa lahat, ang paaralan ay pangalawang tahanan. Ngunit, sa tahanang ito, limitado ang kalayaan sa pagpapahayag ng sarili. Pagbabawal sa mga uso tulad ng baggy pants, fitted shirts, at maluluwang na damit ay naglilimita sa kanilang kakayahang maipakita ang kanilang pagiging “unique.” Ganoon din ang mahigpit na patakaran sa gupit ng buhok. Mga makabagong istilo tulad ng mullet, wolf cut, high fade, at iba pa ay madalas na labag sa mga patakaran, na nagdudulot ng pagrerebelde sa ilan. Lalo pang nagiging sensitibo ang isyu para sa LGBTQ+ community na nagnanais na ipahayag ang kanilang identidad sa pamamagitan ng kanilang pananamit at hitsura.
Bago magpatupad ng mahigpit na patakaran, dapat tiyakin ng paaralan na may sapat na uniporme ang lahat ng mag-aaral. Hindi lahat ay
Ang pagbibigay ng limitado at hindi sapat na solusyon ay
hindi makatarungan. Sa aking palagay, bilang isang estudyante ang balanse sa disiplina at kaayusan sa paaralan ay mahalaga, ngunit hindi dapat ito maging dahilan para supilin ang karapatan ng mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang sarili. Maaaring magkaroon ng mas maluwag na patakaran na isinasaalangalang ang mga uso at ang pagkakaiba-iba ng mga estudyante. Mahalaga rin ang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at mga magulang upang makarating sa isang kompromiso na nagtataguyod ng parehong disiplina at kalayaan. Ang layunin ay hindi lamang ang magmukhang maayos ang paaralan, kundi ang lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang lahat ng mag-aaral ay nararamdaman na tinatanggap at pinahahalagahan.
50.7% 49.3%
ang sang-ayon sa kasalukuyang patakaran sa buhok at uniporme sa PBHS.
Pagtulak sa malusog na kinabukasan
Lauren Ashlee Sta. Ana
Sa pagsisikap na mapanatili ang malusog na pamumuhay ng mga estudyante, inilunsad ang “No Junk Food” policy. Samot saring komento ang naririnig mula sa mga estudyante, bawat isa’y may sariling pananaw sa bagong patakaran. May mga nagsasabing masyadong mahigpit, habang mayroon ding nagsasabing para sa kanilang ikabubuti ang patakaran.
Batay sa pagsusuri, magkakaiba ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa bagong patakaran na nagbabawal sa pagbebenta ng mga pagkaing may mataas na asukal, asin, at unhealthy fats sa canteen. Sa halip, ang mga masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay, at whole grain snacks ang magiging pangunahing alok.
Sa aking palagay, layunin ng mga tagapamahala ng paaralan na gabayan ang mga estudyante upang kumain ng masustansya at maiwasan ang sobrang pagkain ng matatamis at maaalat. Layunin nitong maiwasan ang pagiging malnourished, overweight, at obese ng bawat mag-aaral. Bagama’t nakakatulong ang kaunting katamisan para sa mga estudyante, dahil sa sobrang pagkain ng matatamis, nais na ng mga supplier na iwasan ang pagbebenta ng mga ito. Samantala, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na mas makilala ang ibang alternatibong pagkain na nagbibigay sustansya sa kanilang pangangatawan. Hindi lamang ang pagbabawal ang solusyon. Dapat din magkaroon ng mas masarap at kaakit-akit na mga healthy foods na maaaring pumalit sa mga paborito nilang snacks. Ang pagbibigay ng tamang impormasyon at edukasyon tungkol sa mga nutrisyon ay napakahalaga upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang dahilan ng pagbabawal at ang mga benepisyo ng masustansyang pagkain.
53.7%
ang hindi sang-ayon sa pagtitinda ng junk food sa canteen
LIHAM SA PATNUGOT
Mahal kong Patnugot, Pangalawang tahanan nga kung tawagin, ating paaralan na magarbo at kaakit-akit, mga tao na organisado at mahusay, estudyanteng lagpas sa bituin kung mangarap, hindi susukuan ano mang alon ang dumaan sa kanila.
Sumasainyo, Shanell Mae Domingo hindi sang-ayon sang-ayon
ang hindi sang-ayon sa kasalukuyang patakaran sa buhok at uniporme sa PBHS.
Magandang Araw,
Lubos kaming sumasang-ayon sa iyong komento patungkol sa ating paaralan. Tunay ngang puno ng pangarap ang Bernardians. Nawa’y kahit gaano kalaking alon ng problema ang dumaan, hindi mawala ang liyab ng kanilang kagustuhang matuto at maabot ang kanilang mga ambisyon.
Nagmamahal, Frederick Santino Lazarte
Marco Soriano
LATHALAIN
Minsan maganda minsan masaya pero mas madaming drama. Kung ikaw ang prinsesa at prinsipeng mahilig maging bida tiyak paborito ka ng lahat ng guro ng eskwelahan, pero kung ikaw yung mala Disney princess sa ganda tiyak lagi kang laman at bukang bibig ng lahat. Lalo pa kung ikaw ang prinsipe at prinsesa na kung tawagin ay “qpal,” dahil tiyak lahat ng guro ikaw ang problema.
Sa paaralan masaya dahil nasusulit naming maging bata at maging masaya habang naghahanda maging matanda para karapat-dapat tawaging mga hari at reyna ng sarili naming kaharian, pero sa ngayon ito muna ang aming kaharian, dahil dito tao kami nagiging masaya habang natututo, umiiyak habang tumatawa, natutumba pero tumatayo gamit ang sarili naming paa.
Lahat ay paghahandaan para pangarap ay makamtan kahit ilang pagod
Leonard Atuan
Mala-palasyong kay ganda, nagtatayugang mga gusali, napapaisip ka ba kung ano ang buhay ng isang prinsipe’t prinsesa ng paaralan? Simula elementarya, hayskul at kolehiyo ikaw at ako ito, naniniwala ka ba? Sa bawat taong pag-aaral panibagong kaalaman ang matututunan, panibagong guro na siguradong kapupulutan ng aral. Mga kaklaseng makakasama sa buong taon hanggang pamilya na kung magturingan ni sa pagihi’y parang naglalambingan. Sabi ni lola masaya raw mag aral, sabi naman ni mama pinakamasayang parte ito ng buhay, pero bakit parang di naman ganito ang sinasabi ng iba.
Iba-iba ang mga prinsipe at prinsesa ng paralan lahat may kanya kanyang drama.
MAGANDANG UMAGA PO MAAAAMMMM, SSSSIIIRRRR, MABUHAAAAAAAYYYYYY! Laging bigkas tuwing mag sisimula ang mga klase, minsan masaya pero kadalasan kaba at pagkalito ang dala, pero kahit ganoon nagsusumikap maintindihan kahit na ang kwento ni maam at sir sa sarili nilang buhay, buhay na kung susuriing mabuti aba may aral pala na pwede naming asamin at pwede rin naming iwasan. Para pagkami na ang mga hari at reyna ng sarili naming kaharian at tiyak mas masaya kami kina maam at sir.
Totoo nga na di madaling maging prinsesa at prinsipe lang lalo na kung kami ang gumagawa ng sarili naming mundo.
Missy Angela
magdadala sa kanila sa tagumpay sa hinaharap.
Martina Bulatao, Orlando Gabriel Serrano
Sa buhay kolehiyo, hindi lang ang pag-aaral sa silid-aralan ang bumubuo ng karanasan—ang mga estrakurikular na aktibidad, tulad ng pamamahayag, ay nagbibigay ng kulay at halaga. Para sa mga estudyanteng mahilig magsulat at magbahagi ng impormasyon, ang pagiging campus journalist ay isang karangalan at pagkakataon upang mag-ambag sa komunidad at bansa. Bilang tagapagtanggol ng katotohanan at tagapaghatid ng mga mahahalagang isyu, nahuhubog din ang kanilang kasanayan sa pagsusulat, pamumuno, at kritikal na pag-iisip—mga kakayahang
Higit pa sa pagsusulat ng balita ang pagiging isang mamamahayag pangkampus, at hindi natatapos sa pagsulat ang pagiging campus journalist. Nagsisimula ito sa lakas ng loob na lumaban, ipakita ang iyong galing, at iulat ang katotohanan. Ang pundasyon ng pamamahayag ay ang naglalagablab na apoy sa puso ng bawat mamamahayag—isang apoy na nag-uudyok sa kanila upang lumaban para sa katotohanan at magsilbi sa kapwa mamamayan.
Isa sa mga pangunahing benepisyo ng pagiging campus journalist ay ang pagkakataong magsanay sa pagsulat. Dito, hindi lamang natututo ang mga estudyante ng mga alituntunin ng balarila at estilo, kundi pati na rin ng pagpapahusay ng kanilang kakayahan sa pag-organisa ng mga ideya, pagbuo ng malinaw at maigsi na pangungusap, at paghabi ng mga kwento na tunay na nakakabitin at nakaka-engganyo sa mga mambabasa. Ang patuloy na pagsasanay na ito ay hindi lamang makikinabang sa kanilang akademikong buhay, kundi magsisilbing mahalagang kasangkapan sa kanilang propesyonal na pag-unlad sa hinaharap. Bukod sa pagpapaunlad ng mga kasanayan,
nabibigyan din ng journalism ng pagkakataon upang makakuha ng karanasan sa tunay na mundo. Sa bawat balita, opinyon, at lathalain na gagawin ng isang mamamahayag, ang tunay na karanasan ng mga taong kasama sa mga ito ang nababasa, nagpag-aaralan at nabibigyan linaw. Ang bawat kwento na paglalaanan ng tinta at papel ang patunay ng isang lakas ng loob upang lumaban at ipakita ang katotohanan. Sa pagiging campus journalist, mapauunlad ang kritikal na pag-iisip, tumutulong sa pagsusuri ng impormasyon mula sa maaasahang pinagkukunan, at nagpapaunlad ng kamalayan sa mga isyung panlipunan. Ang pagiging mamamahayag ay hindi lamang isang aktibidad; ito ay isang pamumuhunan sa kinabukasan at pag-unlad. Hindi lamang nagbibigay ng kasanayan sa pagsulat, kundi nagdudulot
Angela Cueto
10
LATHALAIN
Sa isinulat na tula ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, kanyang sinambit ang mga katagang “Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” (The youth is the hope of the motherland). Ngunit sa panahon ngayon, bilang Kabataan, masasabi mo bang kabilang ka pa sa ating pag-asa?
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) nitong taong 2024, ang naitalang bilang ng krimen na gawa ng kabataan ay may kabuuan na 3,456. 1,666 dito ay dahil sa pagnanakaw, 789 ang may kinalaman sa pananakit, 567 na kaso ang dahil sa droga, at 434 na iba’t iba pang mga kadahilanan. Bakit ba humahantong pa sa ganitong punto ang Kabataan?
Maraming kadahilanan kung bakit nakagagawa ang mga menor de edad ng iba’t-ibang uri ng krimen. Maaaring sila ay may suliranin sa kaisipan (mental health issue), mababa ang pagkaunawa o may suliranin sa pagkatuto, may problema sa pamilya, nasa matinding uri ng kahirapan, naimpluwensyahan ng mga kaibigan, namulat sa ganitong klaseng komunidad, o naimpluwensyahan ng lipunan tulad ng pagiging mulat o exposed sa social media.
Hindi na bago ang mga ganitong karanasan, isa na marahil dulot
ito ng kakulangan sa kaalaman. Tama! Kaalaman. Sa dinami daming dahilan upang malagay sa alanganin ang isang Kabataan, maaari niya pala itong kontrahin kung mayroon siyang sapat na kaalaman. Kung ang tamang kaalaman na natutunan niya sa eskwela, karanasan, pamilya, kaibigan at komunidad ay pananatilihin sa positibong pananaw, malaki ang tyansa na mabawasan ang krimen dulot ng Kabataan, madagdagan ang matagumpay na hinaharap para sa kanila at magkaroon ng mga matitinong mamumuno sa bansa. At kung may mga bagay na hindi na kaya ng pagiging positibo at hindi na maabot ng kaalaman na mayroon kayo, mga bagay na hindi na kayang makontrol, huwag kalilimutang manalangin at humingi ng gabay upang hindi na maligaw pa ng landas. Simple lang ba? Kakayanin ba? Ikaw? Handa ka ba na maging kabahagi sa pag-asa ng bayan?
Antonette Alvaro
Sa darating na Mayo 1, 2025 ay magaganap sa buong mundo ang Mental Health awareness, upang bigyan pansin ang tamang pag aalaga sa isipan ng tao dahil sa masamang bunga nito.
Sa pagsapit ng bagong taon ay dadaan rin sa panibagong mga pagsubok ang mga guro at mag aaral, bunga nito hindi maiiwasan ang stress at matinding kalungkutan na mag bubunga pa ng iba’t ibang problema.
Ayon sa pananaliksik ng Center of Addiction of Mental Health (CAMH) ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay dulot ng Biochemical Disturbances sa utak, at matinding stress, bukod pa rito ay naniniwala ang mga propesyonal na ang sanhi nito ay kaugnay sa sikolohiko,lipunan, at kapaligiran na apektado sa pagiisip
Kapag hindi na alagaan ng mabuti ang kalusugan ng isip ay maaring humantong sa emotional and behavioral problems na sanhi ng depresyon, maaring humantong rin ito sa pagkawalan ng pag asa sa buhay o pagpapakamatay
Ayon sa mga eksperto ay mas nakararanas ng problem sa mental health ngayon ang mga kabataan dahil sa School related stressors, problema sa pamilya, at
masamang impluwensya mula sa internet o social media
isang mag aaral sa Grade 10 Aguinaldo ani niya “maayos naman ang mental health ko, dahil hindi ko iniistress ang sarili ko sa mga bagay-bagay na nagpapahirap sa ‘kin at puro positive lang ang nasa-isip ko.”
Sa paaralang Ponciano Bernardo High School ay pinahahalagahan rin ang mental health ng bawat mag aaral tulad ng ginanap na Mental Health Awareness Against Depression Program noong Nobyembre nakaraang taon upang bigyan ng pansin kalusugan ng kaisipan.
Sa panayam sa isang guro na si Ginoong Christian Ondoy ani niya “dapat laging positive outlook, para di maka apekto sa anxiety, at nag sha-share din ng problem para makagaan ng bigat.”
Upang maalagaan pa lalo ang kalusugan ng kaisipan ay nararapat na matulog ng sapat, kumain ng masustansya, mag ehersisyo, iwasan ang masamang bisyo, itigil pansamantala ang paggamit ng sosyal media at tuluyang makipag ugnayan pa sa mga mahal sa buhay.
Grade 7 sumabak sa School based Immunization program
Kurt Yuri Bulosan
Isinagawa ang School Based Program noong Oktubre paaralang sekundaryang
Bernardo kung saan tinurukan mga estudyante ng ika-7 1 vaccination, Measles, Tetanus, Diptheria (MRTD)
Pinangunahan ng School Division’s Office (SDO) medical team, at ng Local Government Unit (LGU) ang pag screen sa
bawat mag-aaral ng grade 7, upang matiyak ang kalagayan ng kalusugan ng bawat estudyante.
Isinagawa ang programang ito upang maabot ang mga estudyante na hirap maka punta sa mga health center at mga hospital, at upang mabigyan sila ng bakuna sa apat na klase ng sakit na ito.
Ito rin ay nagsisilbing booster dahil nakakuha na ng bakuna ang mga mag-aaral noon, ngunit sa paghantong sa edad ng 12
pataas ay humihina na ang lakas ng bakuna.
Ayon kay G. Marlon Marvilla “ang target palang ng SBI ay ang grades 1,4 at 7 ngunit siguro magkakaroon rin ng succeeding booster sa grades 8, 9 at 10, pero for the mean time ang target muna natin ay ang grade 7.”
Sa isinagawang programa ay halos 40 na mag-aaral pa lamang ang nag papabakuna dahil nasa magulang pa rin ang desisyon kung magpapabakuna ba sila o hindi.
AGHAM
Sa isang panayam kay Leonard Atuan,
Kurt Yuri Bulosan
Missy Angela Cueto
Nicole Magno, Mathew Gabriel Ang
HAMON: PAGBUNTIS KA, IN KA
Kurt Yuri Bulosan
Sa pananaliksik ng DOH sa 100,000 na katao 59 ang 15 anyos na nabubuntis, ito ay dahil sa kaunting kaalaman ng mga kabataan sa sexual na aktibidad na nagiging sanhi ng kanilang pagdadalang tao.
Ayon sa kanilang pag-aaral sanhi ng maagang pagbubuntis ay ang masamang impluwensya ng kaibigan, kaunting kaalaman sa aktibidad na pang sekswal, internet, at ang social economic class, kaya naman nagbubunga ito ng matinding pagdagdag sa populasyon na maaring mag dulot ng pagdami ng kahirapan sa bansa.
Sa isang panayam mula sa grade 10-Aguinaldo na si Samira Carillo “kung maaga akong mabubuntis mababalewala ko yung pinaghirapan ng magulang ko—di tayo basta-basta dapat nagpapadala sa mga tukso.”
Sa akin, may partner or wala, dapat panatilihin natin magkaroon ng self control and self respect.” Dagdag pa nito.
Sa loob ng paaralan ng P. Bernardo High School ay may mga usap-usapan na tungkol sa naturang isyu, dahil kumpirmado na may kaso na ng pagbubuntis ngayong taon, kahit na ganoon
PAG-AARAL
Sa bawat 100,000 na populasyon,
59 ang nabubuntis.
ayon sa pananaliksik ng Department of Health (2022)
sinisikap ng paaralan na miawasang mabully ang nasabing bata kaya kasama ng magulang sila ay gumawa ng isang konklusyon upang makapag patuloy pa rin ito ng pag-aaral.
Patuloy na pinapaunlad sa loob ng paaralan ang pag-aaral ng sex education sa health at science classes ng mga mag aaral, upang bigyan kamalayan ang mga ito at para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Ayon sa Population Comission (POPCOM) 24 na bata ang ipinapanganak bawat oras ng mga teenage mothers sa buong mundo kada taon, dagdag pa rito ay mayroong 200,000 na bilang ng kabataan ang nabubuntis kada taon sa buong mundo
Nakipag ugnayan na ang DOH sa Deped upang bigyan impormasyon ang bawat paaralan patungkol sa pagbubuntis upang mabawasan ang pagdami nito.
Layon ng DOH at ng Deped ay mabawasan ang bilang ng kabataang nabubuntis, dahil sa laki ng magiging epekto nito sa populasyon at sa dami ng kahirapan sa bansa, dahil dito ay patuloy na naglulunsad ang DOH at Deped ng mga programa patungkol sa Sex Education para mabigyan kamalayan ang kabataan ukol sa pagdadalang tao.
Mary Jane Cannabis: High Scores or high lang?
Malaking usapan ang paksa tungkol sa paggamit ng marijuana o cannabis ng mga menor de edad, na ikinababahala ng marami dahil sa maaring pagkasira ng kinabukasan ng bata dahil sa adiksyon sa gamot na ito.
Ayon sa pag-aaral ng National Institute on Drug Abuse, ginagamit ng tao ang cannabis o marijuana upang maging kalmado o makaramdam ng kaunting kasiyahan.
Ang mga epekto ng “Mary Jane” sa tao ay ang kakaibang pagka unawa sa oras, pagkasira ng pag-iisip, memorya, at paggalaw ng katawan, nagiging iritable at hindi rin mapakali ang kanilang sarili.
Marijuana ay nakaka adik, lalo na sa kabataan kung saan mas malakas ang magiging tama sa kanila ng drogang ito, maaaring makaapekto ito sa pag-uugali at pagiisip ng mga bata, lalo na sa kanilang pagaaral.
Sa paaralang P. Bernardo ay may mga kaso nang naitala, noong nakaraang
taon, nagpapasahan di-umano ng naturang gamot, at agad din itong nasumbong sa mga guro, base sa pangyayari pinatawag agad ang parent o guardian ng mga nasabing estudyanteng sangkot
Ngayong taon ay may mga usap usapan na may gumagamit ng naturang gamot sa mga tagong silid sa paaralan, ngunit wala pang kumpirmadong nahuhuli.
Inaalam na ng mga guro at mga opisyales ng paaralan ang mga usap-usapan na ito, kapag mayroong mahuli sa akto sa paggamit o pagkakalat ng kung ano mang ipinagbabawal na gamot ay agad na aaksyunan ito ng mga awtoridad ng paaralan, upang mapanatili ang maayos na kapaligiran para sa mga mag aaral ng P. Bernardo.
Upang mapaiwas ang kabataan o sino man sa paggamit ng “Mary Jane” dapat kausapin sila tungkol sa masasamang epekto nito sa kanilang kalusugan kung saan mas makakapinsala lang ito lalo sa kanilang kalusugan.
Kurt Yuri Bulosan
PBHS Chess Team, nagkamit ng tansong medalya
Janela Joy Jaca
pinamalas ng PBHS Chess Team ang kanilang husay at estratehiya sa larangan ng patalinuhan na may diskarte sa laro ng chess na ginanap sa Don Alejandro Roces Science-Technology High School nitong ika-5 ng Oktubre, 2024.
Inirepresinta nina
Porsche Miranda, Charmaine Sualibios, Rocky League at James Liam Catacutan ang Ponciano Bernardo High School sa District Meet ng
ika-4 na distrito ng Quezon City. Si Porsche Miranda ay nagkamit ng ikatlong pwesto sa kategoryang solo, nakipaglaban
siya nang mahusay sa mga manlalaro mula sa mga paaralang Quezon City High School at Don Alejandro Roces Science-Technology High School. At sa kategoryang team o duo ay nagkamit ng ikatlong pwesto sina Porsche Miranda at Charmaine Sualibios at nag-uwi ng tansong medalya.
PBHS Dolphins, lutang sa District Meet
Cyrus John Baroro
Umuwing luhaan ang PBHS Dolphins matapos nitong lumaban sa ginanap na District IV Meet ng Volleyball boys na ginanap sa Quezon City High School noong ika-5 ng Oktubre, taong 2024.
Simula pa lang ng unang laban ay hindi na maganda ang ipinakita ng mga Dolphins laban sa QCHS sa iskor na 13:25, 18:25, 2-0 set
Sa pangalwang laban, naging maganda ang simula ng Dolphins ngunit hindi ito naging sapat para talunin ang koponan ng MRHS, 2-0 na resulta.
Ayon sa Coach ng PBHS na si G. Mark Joseph A. Jambalos “Realtalk lang kaya sila natalo hindi dahil sa wala silang confidence, sila rin kasi parang sa pagdating sa mismong laban
PBHS Hoopers, lagapak sa semis
Umabot ng semifinals ang PBHS Basketball Team District IV Meet na ginanap sa Ramon Magsaysay High school, nitong ika-5 ng Oktubre, taong 2024. Unang game pa lamang ay agad-agad nang umarangkada ang koponang PBHS kontra sa Camp Crame High School sa iskor na 64-57 na pinangunahan ng kapitan na si James Viloria na nagtala
ng 27 points, 6 assist at 4 na rebound.
Ngunit sa pangalawang laro hindi umubra ang koponan at nagawang matambakan ang PBHS laban sa Ramon Magsaysay High School sa iskor na 94-50.
Ayon kay Mark Castro “Talagang lugi kami compare sa mga taga Ramon and then yung ibang players ay nag-uuwian dahil daw may Barangay League.”
Dagdag pa niya “Yung isang Assistant Coach namin is parang binenta na niya yung laro kasi sabi niya di ra raw kaya yon kasi malalaki nga yung mga taga Ramon.”
Ang mga miyembro ng PBHS Team ay sina James Viloria, Mark Castro, Jamir Bautista, Melvin Monterozo, Nash Ivan Bachiller, Justine Maga, Ronjay Segui, Daryl Dinglasan, Joejan Omolon, John Ray Buenaventura.
hindi nila binigay ang sarili nilang best, kasi alam kong kaya nilang talunin pero dahil nga yung mga inaasahan kong players katulad ni Baroro na naging lutang, as in lutang talaga siya.”
“Actually, lahat sila nakatunganga, parang ang nag effort lang don ay si Estañol at Abalon kaya natalo sila, kaya sana nila yun eh pero wala talaga sila sa focus sa panahon na yon,” dagdag pa niya.
Ang mga miyembro ng Dolphins ay sina, Blaiver Bartolome (Team Captain), John Marc Asia, Kieth Estañol, Cyrus John Baroro, Christian Paul Abalon, Arcel Cortez, Geillo Pacot, Einstein Bautista, Aldred Daniel Ratay, at Arvixjake Raquepo.
Cyrus John Baroro
Missy Angela Cueto
Nicole Magno
Missy Angela Cueto, Janela Joy Jaca
ANG BAGONG SIKAT
ISPORTS
PBAT, laglag sa Division Meet
Janela Joy Jaca
Laglag ang Ponciano Bernardo Arnis Team sa Division Meet na ginanap sa Ernesto Rondon High School noong ika-1 ng Disyembre 2024.
Nabigong makuha ng mga manlalaro ang inasam asam nilang gintong medalya sa nasabing labanan dahil sa pinaniniwalaang mga mali maling pagpuntos ng hurado.
PILAK NA MEDALYA
Cyrus John Baroro
Pinatunayan ng mga atleta ng PBHS Lawn Tennis doubles at singles ang husay sa pagrepresenta ng distrito kwatro sa naganap na Division Meet sa Lagro Tennis Club noong ika-7 ng Disyembre.
Pinangunahan nina
Frances Kate Peñaflor at Chloe
Jhelmae Hemady ang single A & B sa iskor na 2-8 at 0-8.
“Masyadong mahirap mag laro tas mas praktisado na yung kalaban, graduating na rin ng high school nahirapan din ako hindi nawala ang kaba dahil first time kong lumaban na puro High School na yung mga kalaban at mas magagaling at praksitado na sila,“ ani ni Peñaflor Samantala sa doubles ay sina Honey Claire Sulapas at
Thieffany Colin Sinohin sa iskor na 0-8.
Ayon kina Honey Claire Sulapas at Thieffany Colin Sinohin “Masyadong mahirap mag laro dahil may problema yung bola hindi lumilipad ng maayos tas malakas ang kalaban.”
Nakapag-uwi pa rin ng pilak na medalya ang mga manlalaro at lubos naman ang pagsasalamat ng mga ito sa kanilang Coach at tagapagsanay na si Bb. Immaville Gervacio.
Kahit na ganoon ay nakapag-uwi pa rin ng pilak at tansong medalya ang ibang manlalaro, Rodnel Griño (Team Captain) nakapag-uwi ng pilak na medalya, John Ayein Carticiano, Rain Viktor Evasco at Ayeisha Kiarra Anota para sa tansong medalya.
Sa pangunguna ito ng kanilang mga coaches na sina Jomari Bagasin at John Philip Torres kasama ng kanilang mga tagapagsanay na sina Cassandra Rangasa at Ahrmand Gatchalian mga alumni na nagensayo sa mga atleta upang mapaghandaan ang Division Meet.
SA LOOB
No fail policy: Tulong o perwisyo sa edukasyon? pahina 6