PBHS Ang Bagong Sikat

Page 1

Pahina 5

NG BAGONG SIKAT BOMB THREAT SA PBHS

IKINABAHALA NG MARAMI

KAUNA-UNAHANG STATE OF THE SCHOOL ADDRESS (SOSA)

PBHS ARNISADORS, NIREPRESENTA

ANG QC SA ARNIS NCR 2023

Muling isinabak sa panibagong laban ang dalawang manlalaro na sina Cassandra

Pahina 3

Pahina 2

Matagumpay na inorganisa ang isang pagpupulong noong ika-5 ng Mayo sa ganap na alas-nuebe ng umaga sa Ponciano Bernardo Covered Court na pinamunuan ni Gng. Dominga P. Cabadin (Principal II), punongguro ng Ponciano Bernardo High school na may temang 1st state of the School Address (SOSA) na kung saan ay layunin nitong ibahagi ang mga proyekto, programa at planong naisagawa na at isasagawa palang para sa paaralang ito.

KALUSUGAN SUSI SA KINABUKASAN

P. Rangasa at Jalile Romel O. Estuesta ng Ponciano Bernardo High School sa larangan ng isport Arnis na kung saan ay kanilang ini-representa ang Quezon City kasama ang iba pang arnisador na nakakamit ng gintong medalya noong Division Meet mula sa iba’t ibang distrito sa ginanap na ARNIS NCR

PALARO 2023 na nagsimula noong Sabado, ika-15 ng Abril sa Oreta Sports Complex sa Malabon.

BUMIDA SA SIPNAYAN, UMANGAT SA IKATLONG KARANGALAN

TATLO BUONG-ARAL

GULAY PAMPAHABA NG BUHAY HANDOG NG ADMU BRIGADA ESKWELA: BAYANING PAGTULONG PARA SA PAGSULONG
OUTDOOR CAMPING NG BSP QUEZON CITY COUNCIL, NAKIISA ANG MGA SCOUTS NG PONCHING
Pahina 16 Pahina 5 Pahina 3 Pahina 18 Pahina 2 Pahina
10
TAONG PANURUAN: 2022-2023

BOMB THREAT SA PBHS, IKINABAHALA NG MARAMI

Nabulabog ang mga guro't estudyante ng paaraalang Ponciano Bernardo High School sa bomb threat na ipinadala sa pamamagitan ng Facebook account na pag-aari ng isang nagngangalang Bob Key Ser noong Enero 27, ika 9:10 ng umaga, mabilis na ipinaalam ng guro sa mga awtoridad matapos matanggap ang mensahe mula sa Facebook page ng paaralan.

Ani ni Mrs. Melanie Santos, isa sa mga head coordinator ng paaralan na napagalaman niya ang bomb threat nang sinend sa kaniya ni Mr. Marlon Trinidad ang screenshot ng message mula sa page ng paaralan at ipinaalam niya agad ito sa punong guro upang gumawa ng agarang aksyon.

BALITA

OUTDOOR CAMPING NG BSP QUEZON CITY COUNCIL, NAKIISA ANG MGA SCOUTS NG PONCHING

Nakilahok ang 13 na iskawt ng Ponciano Bernardo High School sa isang camping na isinagawa ng Boy Scout of the Philippines (Quezon City Council) noong ika 21 hanggang 24 ng Disyembre upang salubungin ang pagdating ng pasko.

Ani ni G. John Philip Torres, isa sa mga gurong sumama sa mga batang iskawt na hinding-hindi niya makakalimutan ang karanasan dahil karamihan sa kanila ay hindi pa nakapunta sa ganitong klaseng camping trip.

“Napakasaya talaga na maranasan ang ganitong okasyon na isinagawa ng Boyscout of the Philippines sapagkat ito ang isa sa mga pinakahihintay ko na maranasan nang sumali ako sa Boyscout ng aming paaralan, may mga aktibidad na nagbigay ng magandang aral sa amin, sobrang sulit talaga yung naranasan ko rito,” ani ni Earl John Carranceja, isa sa mga iskawt na sumali sa outdoor camp.

na ikinatuwa ng ilang guro sa PBHS at ang mga ilang iskawt sa iba’t ibang paaralan sa kanilang inihandang sayaw.

Dagdag pa ni Carranceja ay marami siyang naging kaibigan mula sa iba’t ibang paaralan ng Quezon City at nagkaroon siya ng kaalaman ukol sa mga survival hacks, nagpapasalamat din siya sa mga guro na gumabay sa kanila sa buong camping trip.

Sumali sina Princess Ysabelle Albano at Earl John Carranceja sa Scout Got Talent

“Nagpapasalamat ako sa mga mag aaral na lumahok sa ganitong uri programa ng BSP at ikinalulugod ko na nakibahagi ako kasama ang mga responsableng iskawt, sana ay mas marami pa ang sasali sa susunod na outdoor camping,” pahayag ni Mr. Torres matapos bigyan ng sertipiko ang mga iskawt.

“12 am sinend yung message sa facebook page ng school,dahil isa ako sa mga admin, nagising ako ng 6am at binuksan ko yung account, nag pakita sa notifications ko yung threat nga,” sambit ni Mr. Trinidad, ang unang nakakaalam ng bomb threat.

Nagdesisyon ang punong guro na si Mrs. Dominga P. Cabadin kasama ang mga head coordinators na ipaalam agad ito sa PNP kasama ang mga bomb experts upang matukoy kung may bomba nga ba sa loob ng paaralan. Pinababa ng mga guro ang mga estudyante upang pumunta sa court at hindi sa inaasahan ay nagpadala na naman ng mga mensahe si Bob Key Ser na ititigil niya lamang ito kung magbibigay ng pabuya na 100,000.

Nagsagawa ang Cubao Police Station 7 ng isang inspeksyon kung mayroong bomba sa loob ng paaralan at para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Sa ulat ng pulisya, naging negative ang kinalabasan ang naisagawang inspeksyon ng bomba sa buong paaralan at ginawa nila ang precautionary measures upang masiguro na ligtas ang lahat sa paaralan.

Nahuli na ng pulisya ang hinihinalang salarin sa bomb na nagdulot ng panic sa Ponciano Bernardo High School sa Quezon City noong ika- 23 ng Enero, kinikilalang salarin ay isang 22 taong gulang na estudyante mula sa Alternative Learning System.

KAMPAY SA TAGUMPAY

Nagsagawa ng inspeksiyon sa Ponciano Bernardo High School noong ika 23 ng Marso na binubuo ng mga doktor at nars na nagmula sa Division Office parte ng polisiya ng DEPED na may titulong " Policy and Guidelines for the Comprehensive Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WinS/ Wash in School) Program " na tumutukoy sa Kalinisan sa bibig at wastong paghuhugas ng kamay; Pagkakaloob ng ligtas at sapat na suplay ng tubig; pagkakaloob ng palikuran, paghuhugas ng kamay, at mga pasilidad ng paagusan; Kalinisan sa kapaligran (kabil

ang pag-aalis ng mga lugar ng pag-aanak ng mga lamok. na nagdadala ng dengue virus) at pamamahala ng solid waste; Kalinisan ng pagkain; Pamamahala ng Kalinisan sa Panregla; Pang-deworming; at Edukasyon sa kalinisan at kalinisan sa paaralan.

Ayon kay Bb. Corine Ular ang mataas na marka na nakamit ng paaralan ay sa mga pasilidad ; sanitasyon at kalinisan na kabaliktaran ng " 1 star " na marka na nakuha sa Deworming dahil sa rason na nasa humigit sa 30 lamang ang bilang ng nag pa deworm na mag aaral dulot na ang karamihan ay nagpa-deworm na sa barangay

na kinabibilangan nito at pangamba ng magulang sa mga gamot na pinamimigay sa paaralan sa kadahilanan.

“Nagresulta naman ang inspeksiyon na ito ng mataas na marka o " 3 star " rating para sa eskwelahan nang naipakita nito na ang bawat pasilidad na kinakailangan ng mag-aaral ay natugunan, napapanatiling malinis ang tubig pagpapakita ng Edukasyon sa kalinisan,” sambit ni Bb. Corine Ular.

Layunin ng programang ito ay siguraduhing tiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng bawat mag-aaral sa paaralan gayunpaman ito ay magsisimula sa ating sarili at ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pangangalaga ng kalusugan.

Isinulat ni Princess C. Albano Isinulat ni Cassandra P. Rangasa Isinulat nina Sarah E. Lozada Elijah James C. Muyrong
02
NG
BAGONG SIKAT

BALITA BAGONG SIKAT

BRIGADA ESKWELA: BAYANING PAGTULONG PARA SA PAGSULONG

Isinagawa ng mga mag aaral, magulang at guro ang Brigada Eskwela noong ika-walo ng Agosto sa Ponciano Bernardo High School upang mag tulong-tulong ang bawat isa sa paglilinis ng buong paaralan.

Ayon sa Co-head na si Armida Anota, ang organisasyong ito ay pinagplanuhan nang matagal at pinag isipan mabuti bago ito ipalaganap.

"Syempre mahirap din ang prosesong pinagdaanan nito dahil maraming kinailangan asikasuhin tulad ng paghikayat sa mga magulang at mga bata" ani ni Gng. Anota

Ayon din kay G. Peter Dela Cruz ay medyo mahirap mag organisa nito sapagkat bakasyon ng mga estudyante noon at mahirap magtawag ng atensyon, kailangan gamitin lahat ng mapagkukunan.

gulang na makilahok dito, mapa-online man o pagtawag sa personal, naging matagumpay ang pagpapatupad ng Brigada Eskwela sa paaralan para sa tamang kalinisan.

MGA

MANUNULAT,

KINILALA AT PINARANGALAN SA KAHANGA-HANGANG

TAGUMPAY NG KANILANG NATATANGING AKDA SA IBA'T IBANG KATEGORYA

Brigada Eskwela upang maging mabisa ito," sambit ni G. Dela Cruz ukol sa pagpapatupad ng programa.

Nagkaroon ng iba't ibang paraan ang mga taong nakatalaga sa programang ito upang mahikayat ang mga mag-aaral at ma-

Pinarangalan ng Gawad Kaagapay Award sina Gng. Armida Anota at Gng. Yvette Maestre na hindi nag-atubiling tumulong sa Brigada Eskwela, na napakahalaga para sa pangangalaga ng kalusugan ng lahat sa pamamagitan ng pagtiyak sa kalinisan ng paaralan.

Pinahayag ni Gng. Anota na ika-4 na taon na isinasagawa ang ganitong pagbibigay gantimpala sa mga taong lubos na sumusuporta sa ganitong okasyon ng paaralan at pinakilala sina Gng. Anota at Maestre bilang Brigada Eskwela Partners, nagpapasalamat sila na naging matagumpay ang programa para sa kaligtasan ng lahat.

Lumahok at nakakuha ng karangalan ang tatlong manunulat ng Ponciano Bernardo High School Filipino Journalism Ang Bagong Sikat noong Disyembre 10, 2023 sa ginanap na District IV Secondary Schools Press Conference na may temang "Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged" sa Paaralan ng Eugenio Lopez Jr. Center For Media Arts Senior High School.

Nagpakita ng gilas at talento sa pagsusulat ang mga mag-aaral sa kani-kanilang napiling kategorya kaya naman sila ay nakakuha ng karangalan at ito ay sina Jaztine Zedrick M. Dela Cruz na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain, Princess Ysabelle C. Albano na nakakuha ng ika-8 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain at Phoebe Valerry Paner na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Paglalarawang Tudling.

Nagbigay din ng pagbati ang Punongguro na si Ma'am Dominga Cabadin at mga Head Teachers sa mga manunulat ng PBHS Ang Bagong Sikat dahil sa pinakitang kahusayan at kagalingan sa sa larangan ng pamamahayag.

Isinulat ni Alaala G. Romana Isinulat ni Jaztine Zedrick M. Dela Cruz
03
Isinulat ni Princess C. Albano
NG

BAGONG SIKAT

BALITA

PAARALANG UMAARANGKADA: MATATAG NA PLANO SA PAGSULONG NG KAUNLARAN!

Matagumpay na inorganisa ang isang pagpupulong noong ika-5 ng Mayo sa ganap na alas-nuebe ng umaga sa Ponciano Bernardo Covered Court na pinamunuan ni Gng. Dominga P. Cabadin (Principal II), punongguro ng Ponciano Bernardo High school na may temang 1st state of the School Address (SOSA) na kung saan ay layunin nitong ibahagi ang mga proyekto, programa at planong naisagawa na at isasagawa palang para sa paaralang ito.

Inanyayahan ang lahat ng magulang mula ika-pito hanggang ika-sampung baitang upang ibatid sa kanila ang mga nangyayari sa loob ng paaralan at mga proyekto, okasyon at planong inorganisa ng paaralan.

Ikinilala ang paaralan bilang kauna-unahang pampublikong paaralan na nagsimula ng "faceto-face classes" dahil mayroon itong sapat na pwesto at mga silid-aralan. Nagtakda ng isang dual and easy enrollment portal project o DEEP, na kung saan ay maaring mag enroll ang mga estudyante mapa-online o onsite.

Ayon sa kanilang pagtatala, mayroong 0% drop out rate ang paaralan ngayon mula una hanggang ika-apat na markahan.

Patuloy na lumalago at gumaganda ang pamamalakad ng mga club at iba pang organisasyon na nakikiisa sa pag unlad ng paaralan kaya naman ay mayroon pang mga proyekto na isusulong at ito ang pagpapaganda ng avr, partnership kay Del monte at Capt. Dong Cheng, papataasan ang perimeter fence, Imelda building, 4 storey 20 classroom, at iba pa.

Nagpasalamat naman ang punongguro sa mga tumutulong sa pagsulong at pagunlad ng paaralan sa paggawa ng mga proyekto, plano at pag organisa ng mga okasyon bawat buwan. Ilan sa mga ito ay ang mga Barangay, School Governance Council (SGC), General Parents-Teachers Association (GPTA), Alumni, at Rotary Club.

Binigyan naman niya ng papuri ang mga mag-aaral na lumalaban mula district hanggang regional mapa-edukasyon man o pampalakasan na kung saan ay talaga namang bumibida ang mga estudyante ng PBHS. Mayroon namang 10 guro na na-promote at may 2 guro na dumating at 1 head teacher.

Isinulat ni Cassandra P. Rangasa
04
NG

GULAY PAMPAHABA

NG BUHAY HANDOG NG ADMU

BUMIDA SA SIPNAYAN, UMANGAT SA IKATLONG KARANGALAN

Nagsasagawa ng Food Augmentation Program ang Ateneo de Manila University na kung saan ay nagbabahagi sila ng 250 food packs kada batch, isa ang Ponciano Bernardo High School ang maswerte nabigyan ng programang ito para ipalaganap ang tamang kalusugan.

Ani ni Gng. Melanie Santos ay isa ang ating paaralan sa buong Quezon City ang mapalad na nakikinabang sa programang ito at ang food pack ay kadalasang binubuo ng mga gulay, root crops, at prutas na direktang galing sa mga magsasaka sa Mountain Province, Nueva Ecija, at Bulacan.

“Kada seksyon sa bawat baitang pumipili ang mga guro ng 10 estudyante na bibigyan na sa tingin nila ay nangangailan nito at ang tanging kinakailangan lamang bilang patunay ay litrato na nagbababa ng gulay, pinamimigay ang gulay, niluto ang gulay, at kung sino ang mga estudyanteng nakakatanggap ng gulay kasama ng lagda ng estudyante na katunayan nakuha ng maayos ang gulay,” wika ni Gng. Santos. Dagdag pa niya, kapag naluto na ang ibinigay na gulay ay kinakailangang kuhanan ng litrato bilang ebidensiya na naluto ang gulay, kinain ng bata ang gulay at hindi binenta o ipinamigay.

Layunin ng Food Augmentation Program na ito ay pakainin ang pinakamaraming bansot o malnourished na mga mag-aaral sa pampublikong paaralan upang mapabuti ang mga resulta ng edukasyon at ang pangunahing layunin ng programang ito ay tumulong sa iba't ibang school na walang hinihinging kapalit, tanging kawanggawa lamang.

Inirepresenta ng apat na mag-aaral ang paaralang Ponciano Bernardo High School na pinili mula ika-pito hanggang ika-sampu na baitang upang ipakita ang husay at galing sa sipnayan sa ginanap na Tagisan sa Sipnayan v2. 3.1416 na may temang "Mathematics For Everyone" noong ika- 28 ng Marsosa Paaralan ng San Bartolome High School.

Ani ni Jessie Jones Enego, isa sa mga pambato ng paaralan sa patimpalak "kinakabahan ako kasi kasama ko lahat ng magagaling sa math sa ibat ibang school."

Dagdag pa ni Enego "Sobrang saya halos maluha luha na ako kasi unexpected na makakasali ako sa top 3."

"Sobrang hirap talaga makipag sapalaran sa mga

taong likas na matalino sa larangan ng sipnayan kaya isang malaking pagsubok ang pagsali ko rito," wika ni Jessie Jones.

“Noong araw na iyon, halo-halong mga emosyon talaga yung nararamdaman ko sa puso ko kasi syempre sino ba naman ang hindi matatakot sa mga kalaban mo na galing sa pribadong paaralan at sobrang dami na nilang nalalaman sa mga ganitong paksa. "Pakiramdam ko noon ay parang bumabaw yung self-esteem ng sarili ko dahil ramdan ko sa galing ng mga kalaban

na hindi ako karapat-dapat na maging representative ng grade level ko kumpara sa galing ng mga kalaban ko," ani naman ni Steven Arzel Pancho, estudyante mula sa ika-8 na baitang na lumahok sa paligsahan.

Pinalad naman si Enego at nakapag uwi na ikatlong puwesto, kahit na hindi pinalad na makatungtong sa Division, ay naging masaya ang kanilang paglahok sa nasabing patimpalak.

NEWLY ELECTED SSG, GPTA AT CLUB OFFICERS, NAKI-ISA SA MASS OATH TAKING CEREMONY

Pinangaralan ang Newly Elected SSG, GPTA at mga Club Officers ng Ponciano Bernardo High School sa ginanap na Mass Oath Taking Ceremony noong ika 30 ng Setyembre kasama ang punong guro na si Gng. Dominga P. Cabadin, head teachers, Capt. Christopher Dong Cheng, Councilor Irene Belmonte, Action officer Al C. Flores at mga kagawad ng Rotary Club.

Ani ni Gng. Dominga P. Cabadin ay naging matagumpay ang naganap na eleksyon sa pagtala ng SSG Officers at

inaasahan niya sa mga es tudyante bilang kanilang tungkulin sa paaralan.

“ Maraming salamat sa pag imbita sa ganitong okasyon ng paaralang Ponciano Bernardo High School at binabati ko ang mga Newly Elected SSG, GPTA at Club Officers, inaasahan ko na maging instrumento kayo sa pagkakamit ng kaayusan at kapayapaan, magawa niyo nang maayos ang mga tungkulin na ibinigay sa inyo,” wika ni Capt. Dong Cheng sa kaniyang pagbibigay ng talumpati sa lahat.

Dagdag pa ni Dong Cheng

ay handa siyang tumulong sa mga programa ng mga officers at officers at bibigyan niya ng suporta ang mga ito sa bawat hakbang na kanilang gagawin para sa kaayusan ng bawat kasapi ng paaralan. Nagbigay naman ng kaunting donasyon si Councilor Irene Belmonte para sa mga programa at aktibidad na nais gawin ng mga organisasyon ng paaralan at magiging katulong din siya ni Capt. Dong Cheng sa pagbibigay ng suporta sa PBHS.

Isinulat ni Sarah E. Lozada Isinulat ni Jaztine M. Dela Cruz
Tagisan
Jessie Jones Enego, nakamit ang tansong medalya
sa
ng Sipnayan
05
NG
Isinulat ni Princess C. Albano
BALITA BAGONG SIKAT

MAPANGHAMONG KAPALARAN, SWERTE KUNG MAIWASAN

saan sakay ng na-aksidenteng bus ang isang guro na nasawi at 46 na elementary school teachers sa Quezon City ang natagpuang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan na school bus sa kadahilanang nawalan ng preno sa Vicinal Road, Brgy. Tala, pasado alas-11 ng umaga.

Marami na ang nagiging balita tungkol sa mga aksidenteng nangyayari sa bangin na kadalasan ay ang mga nakakaranas nito ay mga bus na dumadaan dito. Katulad na lamang nung nangyari sa Orani Bataan noong ika-5 ng Nobyembre na kung

Nanggaling ang mga guro sa isang seminar na inorganisa ng ahensya na ginanap sa Payatas Elementary School sa Quezon City upang dumalo sa Capacity Building and Wellness Activity na

kung saan ay ngayon nalang muli nagsama-sama ang mga Gender And Development Coordinators sa kabila ng 2 taon ng pandemya. Ayon sa dalawang guro ng Ponciano Bernardo High School na sina Cassandra Vilacorte at Christine Joy Jabagat, itinuturing na nila na pangalawang buhay na nila iyon matapos nila matuklasan na ang isang kasama nila na bus ay nahulog sa bangin. Ayon sa kwento ni Bb. Vilacorte, mayroong 3 bus na sasakyan ang mga guro na kung saan sa bawat bus ay may dalawang divi-

sion na magkasama at sila ay dapat magkikita kita sa division office. Sila raw ay dapat nakasakay sa naaksidenteng bus. naaksidenteng bus. Pinasakay sila sa unang bus ngunit pinalipat din sila agad sa pangatlong bus.

"Noong nasa byahe kami, napansin ng ibang nakasay na isa sa mga bus namin yung nahulog.Nung una ay 'di pa naniwala tapos noong hininto nila ang bus para tignan ay doon namin napagtanto na isa nga sa bus namin" sinambit ni Bb. Vilacorte. Umiyak ang ilan

sa kanila sapagkat nakasakay doon ang iba nilang kasama.

Dagdag pa niya, nagbigay ito ng trauma sa kanya dahil sa tuwing sumasakay siya bus ay naaalala niya ang nangyari sa aksidente idente. Tila ba ang swerte nila sapagkat hindi sila nakasama sa naaksidenteng bus. Napaisip siya na kung siya ay nandon ay sa tingin niyang hindi niya talaga kakayanin kung babasehin sa kondisyon niya na mahina ang pangangatawan. Isinulat ni Cassandra P. Rangasa

Sa loob ng Ponciano Bernardo

High School mula Agosto 2022 hanggang Pebrero 2023, hindi nagpatalo ang bawat estudyante sa mga patimpalak na inihanda ng iba't ibang organisasyon at clubs ng ating paaralan.

Hindi lamang nagtagumpay sa larangan ng akademiko, kundi pati na rin sa mga kultural at palakasan na patimpalak. Sa tuwing may patimpalak, handa silang ipakita ang kanilang mga natatanging disenyo at mga talento. Ang kanilang malalim na kaalaman at husay sa mga larangan tulad ng matematika, agham, panitikan, at iba pa, ay naging basehan ng kanilang tagumpay.

BUWAN NG WIKA

"FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA"

KAGANABUWAN

Sa buwan ng Agosto, ipinagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang "Filipino at mga katutubong wika: kasangkapan sa pagtuklas at paglikha". Ang mga tao ay nagpakitang-gilas sa kanilang mga tradisyunal na kasuotan tulad ng baro't saya, filipiniana, at barong. Ito'y isang makahulugang pagsasaalang-alang sa ating kultura at kasaysayan. Ang mga kasuotang ito ay talagang nagdala

ng kahalumigmigan at kagandahan sa okasyon. Bukod sa mga kasuotan, nagningning din ang mga estudyante sa pagpapamalas ng kanilang mga talento. May mga nagpakitang gilas sa pag-awit, pagtula, at pagsulat ng sanaysay. Ito'y isang patunay na ang ating wika ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag ng ating mga damdamin at kaisipan.

Cassandra Villacorte
"Itinuturing ko na talagang pangalawang buhay ko ito"
06
BAGONG SIKAT NG
BALITA
Isinulat nila Rowena Kenneleen L. Dull at Cyril Leonido

BALITA BAGONG SIKAT

Isinagawa ang buwan ng Araling Panlipunan sa buwan ng Oktubre na may temang “International Year of sustainable Mountain Development”, nagpakita naman ng pagiging malikhain ang mga lumahok para sa slogan at poster making. Ang nagwagi naman sa slogan making ay sina, Desa Denise Jarlego (1st place) mula sa gr 10 aguinaldo, Princess Sarah Lozada (2nd place) mula sa 9 Banatao, at si Kheniel Gaile Kadusale (3rd place) mula sa 7 Magalang. Para naman sa Poster making, ang mga nagwagi ay sina Marco Soriano (1st Place) mula sa 7 Magalang, Romana

Alaala (2nd place) mula sa 9 Banatao, at si Hans Legaspi (3rd place) mula naman sa 8 Kamagong.

AP MONTH

"INTERNATIONAL YEAR OF SUSTAINABLE MOUNTAIN DEVELOPMENT"

Hindi rin mawawala ang sumali sa United Nations na namili ng mga bansa na kanilang irerepresinta sa araw na iyon, nagwagi ang limang estudyante sa United Nations na sina, Jascha Dionisio (Ms. Photogenic) mula sa 10 Del Pilar, Princess Sarah Mae Lozada (3rd runner up) mula sa 9 Banatao, Queinn Haileyri Santos (2nd runner up) mula sa 8 Narra, Samantha Jorillo (1st runner up and best in cos-

tume) at Maria Ysabelle Kim (Ms. United Nations 2022) mula naman sa 7 Maagap.

Hindi rin nagpatalo ang ating fur babies na lumahok at nagpagandahan ng mga suot ng kanilang mga alaga sa patimpalak para sa ap month at ito-ito naman ang nagwagi, Lei Dumo (1st place) mula sa 7 Matapat, Joem Elijah Domingo (2nd place) mula sa 9 Del Rosario, at si Princess Maxine Maestre (3rd place) mula naman sa

ENGLISH MONTH

Ginanap naman ang English month sa buwan ng Nobyembre na may temang “Reliving the past and embracing the future through Philippines literature”. Nagpakita at naglabas ang mga lumahok ng kani-kanilang mga kagalingan sa Iba’t ibang aktibidad kagaya ng, Literary Impersonation Contest, spelling bee, essay writing, impromptu speech, Best in Creative Story, at shempre ang choir speech na inihanda ng mga guro sa 3nglish na nilahukan ng mga mag aaral mula baitang 7 hanggang 10.

Ang katibidad naman na improptu speech na nilahukan ng mga nasa baitang 9 na nagpakita ng kani-kanilang galing sa paglahad ng kanilang sagot, ang mga nagwagi naman ay sina Jude Advincula mula sa 9 Aguilar na nakakuha ng 1st runner up, para sa 2nd place ay nakuha ni Alfonso Adonis, at para naman sa 3rd runner up ay si Joen Elijah Domingo mula sa 9 Del Rosario.

Sa kategoryang Essay writing naman na nagpabonggahan ng pagsulat ng kani-kanilang mga sanaysay at nilahukan ng mga nasa ika-10 baitang, ang mga nagwagi para sa 1st runner up ay si John Vincent Manatad mula sa 10 Aguinaldo, para sa 2nd place ay si Janell De Belen mula sa 10 Mabini at para naman sa 3rd place ay si Derick Manansala mula sa 10 Bonifacio.

Para sa aktibidad na Literary Impersonation ang mga nagwagi ay sina, Beatrice Gueverra Sayco na nakakuha ng 3rd place, si Chloe Marie O. Tañedo na nakakuha ng 2nd place, si Derick Manansala na nakakuha ng 1st place, at ang itinanghal na BEST LITERARY IMPERSONATION ay si Jarred Lumibao mula sa 9 Del mundo.

At ang huling aktibidad na isinagawa para sa pagtatapos ng English month ay ang speech choir na kinalahukan ng lahat ng seksyon mula baitang 7 hanggang sa baitang 10. Nagpakitang gilas ang bawat seksyon. Bawat seksyon ay nagtulong tulong upang magawa ang kanilang presentasyon sa speech choir at talaga namang naging matagumpay ang kanilang representasyon at matapos mamili ng bawat guro sa bawat seksyon na lalaban sa lahat ng baitang ay ginanap naman ito ng matagumpay at matiwasay. At ito ang mga nagwagi para sa speech choir, 7 Magalang para sa 3rd runner up, 8 Acacia para sa 2nd runner up, 1st runner up naman ang 10 Aguinaldo at ang hinirang sa kampyon ay ang 9 Aguilar.

Sa aktibidad naman na spelling bee, na nilahukan ng mga nasa ika-7 na baitang, at talaga namang nagpakita ng kanilang kagalingan at narito ang mga nagwagi, para sa 1st runner-up ay si Cylar Caleb Bernal mula sa 7 Matapat, ang 2nd runner-up naman ay si Christian Paul Abalon 7 Maagap at para naman sa 3rd runner-upay si John Ayein Carticiano mula sa 7-Maagap.

Para naman sa creative story telling na kinalahukan ng mga nasa baitang 8 at nagkaroon ng nag iisang panalo na si Ayyellah Freya Salvosa mula sa 8 Kamagong.

"RELIVING THE PAST AND EMBRACE THE FUTURE THROUGH PHILIPPINES LITERATURE"
07
NG

BALITA

Naganap ang malaking event sa paaralang

Ponciano Bernardo Highschool noong ika-2 ng disyembre upang gunitahin ang 54th Founding Anniversary ng paaralan, na talaga namang pinaghandaan ng mg a estudyante.

Sa paghahanda sa peprerasyon, ang mga club ay may mga inihandang booth na talaga namang nakakaaliw. Ikinatuwa ng mga estudyante ang mga booth na inihanda ng bawat club, at ang mga booth ng bawat club ay marriage booth mula sa ssg, blind date mula sa Filipino club, jail booth para sa TLE club, love trial para sa Science club, dedication booth para sa ESP club, photobooth para sa Math club, art/

FOUNDATION DAY

54TH FOUNDING ANNIVERSARY

Todo hataw ang mga estudyante sa pagsayaw kasama na ang mga guro na talaga namang napakagaling. Bawat baitang ay pinakita ang kanilang galing at energy sa pagsayaw. Itinanghal na kampyon ang baitang 9 sa kanilang ginawang sayaw. Umuwing may ngiti ang mga nasa baitang 9 nang malaman nila ang panalo at matanggap ang trophy.

ESP MONTH

"MAGANDANG KAUGALIANG PILIPINO: ISABUHAY AT PAGYAMANIN TUNGO SA MATIWASAY AT MAUNLAD NA KINABUKASAN"

kanilang ginamit upang makabuo ng malaking parol at belen. Bawat seksyon ay may kani-kanilang kagalingan sa pagiging malikhain gamit ang mga gamit na nareresiklo.

At ang mga seksyon na nagwagi sa parol making ay ang 8 Kamagong na nakakuha ng 1st place, ang 10 Mabini na nakakakuha ng 2nd place at ang 7 Matapat na nakakuha ng 3rd place. Para naman sa belen making ang mga seksyon na nanalo ay 10 Mabini na nakakuha ng 1st place, 10 Bonifacio na nakakuha ng 2nd place at 8 Acacia na nakakuha ng 3rd place.

Ang aktibidad naman na slogan at poster making na madaming nakilahok at nagpakita ng kani-kanilang mga kagalingan sa pagsulat at pagguhit. Nagwagi naman sa paggawa ng slogan sina Excel Sean Labrador mula sa 10 Aguinaldo na nakakuha ng 3rd

place, Antonette Crigler mula sa 9 San Juan na nakakuha ng 2nd place, at Jessabel Dela Cruz mula sa 10 Bonifacio na nakakuha ng 1st place. Para naman sa Poster making, ang nagwagi naman ay sina Myvian Ira Benosa mula sa 8 Kamagong na nakakuha ng 3rd place, angel atuan mula sa9 Aguilar na nakakuha ng 2nd place, at si Chloe Marie Tañedo na nakakuga ng 1st place. Sa patimpalak naman na Christmas Card making na nagpakita ang bawat estudyante na lumahok dito ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng card. May idiniklara ring panalo sa patimpalak na ito at ito ay sina, Jachin Jewry Morales mula sa 7 Matapat na kakakuha ng 3rd place, Ephraim Peñaflor mula sa 10 Bonifacio na nakakuha ng 2nd place at si John Vincent Manatad mula sa 10 Aguinaldo na nakakuha ng 1st place.

Ang himiganap naman na aktibidad na ginanap sa sari-sariling silid-aralan ng bawat seksyon sa baitang 7 hanggang 10 na nagpakita ng kagalingan sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento. Itinanghal na kampyon ang Aguinaldo para sa baitang 10, sa baitang 9 naman ang itinanghal na panalo ay ang seksyon Aguilar, Acacia naman ang kampyon sa baitang 8, at seksyon Magalang naman ang nagwagi sa baitang 7.

Matapos ang pag gunita sa 54th founding anniversary sa loob ng paaralan, isinagawa naman ang pagsalubong sa esp month na pinangunahan ng mga miyembro sa esp club at ang mga guro sa esp. para sa kanilang opening, sila’y nag labas ng mga patimpalak kung saan puwedeng salihan ng mga estudyante mula baitang 7 hanggang 10. na may temang “Magandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay at pagyamanin tungo sa matiwasay at maunlad na kinabukasan” slogan making, poster making, christmas card making, parol making, belen making at himiganap na talaga namang kinalahukan ng karamihan.

Para sa parol at belen making, ang mga estudyante bawat seksyon ay pininarada ang kani-kanilang mga gawa sa loob ng paaralan upang ipakita sa lahat ang ginamit na materyales na kanilang ginamit upang makabuo ng malaking parol at belen. Bawat seksyon ay may

love letter booth para sa English Journalism at game booth para sa Filipino Journalism. Nagpakita ng kani-kanilang mga talento sa pagsayaw na inihanda ng mga guro at mga estudyante na ipe-presenta sa araw ng kaganapan.
NG
08 BAGONG SIKAT

BALITA BAGONG SIKAT

uwan ng Enero nang ganapin ang Math Month na may temang “Mathematics for everyone!” na may mga patimpalak na inihanda ng mga guro sa matematika na sinalihan ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Nakiisa naman ang lahat sa mga inihandang patimpalak at mag ginita ng mga nanalo sa bawat patimpalak.

Para sa patimpalak na Zumbayawit na sinalihan ng mga estudyante kada seksyon na mula baitang 7 hanggang baitang 10. Ito’y kanilang ponaghandaan ng ilang linggo upang iprisinta sa mga gurong manonood sa kanila sa kani-kanilang silid aralan. Ang mga nanalo naman ay ang, 8 Narra na nakakuha ng 3rd place, sumunod ang 7 Masunurin na nakakuha ng 2nd place, 9 Aguilar na na-

MATHEMATICS MONTH

kakuha ng 1st place at ang kampyon ang ang seksyon 10 Aguinaldo

Nagpakita ng kagalingan at katalinuhan sa matematika ang mga sumali sa mathematics quiz bee at ang mga nagwagi naman ay sina, Phoebe Valerry Paner, Nicole Magno, Princess Albano na nakakuha ng 2nd place, para naman sa nakakuha ng 1st place ay sina Jascha Renee Kurt Dionisio, Deyniel Angelique Avila, Dennis Ortiz, Matthew Andrei Ortega Aquino, at ang kampyon naman sa mathematics quiz bee ay sina John Vincent Manatad, Jaztine Zedrick Dela Cruz, Steven Arzel Pancho, Albert.

Sa katergoryang DaMath naman na kinalahukan ng nasa baitang 9 at 10 na nagpagalingan sa larangan ng matematika. Para sa baitang 10 na nagwagi sa damath ay sina, Jessie Jones Eñego na nakakuha ng 2nd place, 1st place naman si James Philip G. Quiday, at ang kampyon ay si John Vincent Manatad. Para naman sa baitang 9, ang mga nagwagi ay sina, Deyniel Angelique Avila na nakakuha ng 2nd place, 1st place naman si John Carlo Landicho, at ang kampyon naman ay si John Romar Agbayani.

Hindi mawawala ang patimpalak sa poster making na sinalihan ng mga estudyante na talaga namang pagkamalikhain. Ang mga nagwagi ay sina, Shamielle Salmo na nakakuha ng 2nd place, Jewi Morales naman ay nakakuha ng 1st place at ang kampyon naman ng poster making contest ay si Chloe Tañedo.

MAPEH MONTH

Malugod na ipinagdiwang ng mga estudyante ang Mapeh Month nitong Pebrero na may temang "Ani ng Sining bunga ng Galing." Matagumpay at masigla ang naganap na paligsahan na inihanda ng mga guro sa Mapeh, kung saan nagningning ang husay at talento ng mga mag-aaral sa iba't ibang disiplina ng isport. Hindi lamang ito isang pagpapakita ng kagalingan, kundi pati na rin ng kanilang dedikasyon at determinasyon na magtagumpay.

Subalit hindi lamang sa paglalaro ng mga laro umikot ang selebrasyon. Nagpakitang-gilas rin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa isport. Kasabay ng mga paligsahan, iba't ibang seksyon ng mga mag-aaral ay nagtanghal ng kanilang mga napiling isport, naglakad ng may suot na sports equipment na nagpapahayag ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa mga laro.

Bilang bahagi ng Mapeh Month, hindi rin nawala ang tradisyunal na patimpalak na Mr. & Ms. Intramurals. Sa nag-aalab na patimpalak na ito, sina John Benidict Indon at Jascha Renee Kurt Dionisio mula sa Grade 10-Del Pilar ang nagpakitang-gilas at nagwagi ng 2nd Place. Gayundin,

naghatid ng karangalang makamit ang titulo ng 1st Place sina Neil Brandon De luna Vildad at Princess Ysabelle Albano mula sa 9-Aguilar. Ngunit ang tunay na bituin ay sina Jim Cesar Soriano at Desa Denise Jarlego, ang pinakamahusay na nagpakita ng kanilang husay at nagwaging kampeon ng patimpalak na ito pinakamahusay na nagpakita ng kanilang husay at nagwaging kampeon ng patimpalak na ito.

Sa pamamagitan ng Mapeh Month, ipinakita ng mga estudyante ang kanilang mga talento at husay hindi lamang sa mga isport kundi maging sa iba't ibang aspekto ng sining. Ang kanilang pagkakaisa, dedikasyon, at husay ay naging pundasyon ng kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal. Ang tagumpay ng Mapeh Month ay nagpapatunay na patuloy na binibigyang halaga at suporta ang sining at isport sa loob ng paaralan.

Lubos na pinapurihan ang mga mag-aaral sa kanilang tagumpay at pagpapakita ng kagalingan sa Mapeh.

Sumabak sa iba't ibang laban ang mga estudyante. Sa kategoryang Volleyball, mga kampeon ang mga mag-aaral mula sa Baitang 10, habang sa Basketball, matagumpay na nagwagi ang mga estudyante mula sa Baitang 9. Sa huli, ang Badminton ay nagresulta sa isang maigsing patas na laban, kung saan lahat ng mga kalahok ay nagkamit ng sertipiko bilang gantimpala.

"MATHEMATICS FOR EVERYONE!"
"ANI NG SINING BUNGA NG GALING"
09
B
NG

TATLO BUONG-ARAL

Inanyayahan ang paaralang Ponciano Bernardo High School na mapanood ang isang theater production na pinamagatang “Tatlo Buo The Second Chance” sa panulat at direksyon ni Rommel “Chaps” Manansala upang magbigay aral at kasiyahan sa mga guro at estudyante nitong noong ika-19 ng Pebrero sa SM North Skydome, Quezon City.

“Halo-halong emosyon may malungkot, may masaya, may nakakaiyak.” saad ng gurong si Marlon Trinidad na isa sa nakapanood nito.

“Dapat mag patawad ka lalo na sa magulang, siyempre dapat mahal natin sila kahit anong mangyari ’di ba? ’yung Diyos nga nag papatawad, magulang pa kaya?” komento pa nito ukol sa aral na kaniyang natutunan mula sa napanood na teatro.

“Magkaroon ng time sa family mo, especially sa mga time na kailangan ka talaga nila, parang ’yun talaga ’yung pinaka-main point na aral na nakuha ko.” banggit ng isang estudyante.

Tatlo Buo “The Second Chance” dinaluhan ng mga estudyante sa PBHS

Ayon pa rito, excitement kaagad ang kaniyang naramdaman noong nalaman niyang manonood sila ng isang teatro at siya’y excited sa plot na mangyayari sa mapapanood na kwento.

Talaga namang sulit ang pagpunta at panonood ng mga estudyante sa obra maestra na ito dahil ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga tao na maaari nating iugnay sa ating magiging karanasan tulad ng paglutas ng mga problema o pagsubok sa buhay.

Makikita talagang hindi nasayang ang oras ng mga guro at estudyanteng naglaan ng oras pumunta at manood ng Tatlo Buo “The Second Chance”, dahil tumatak sa kanila ang mga eksenang naganap sa teatro na ito, isa na ring dahilan nito ang mga magagaling na aktor na gumanap at nagbigay ng halo-halong emosyon sa mga manonood.

" ’yung Diyos nga nag papatawad, magulang pa kaya?"
-
Marlon Trinidad
“Magkaroon ng time sa family mo, especially sa mga time na kailangan ka talaga nila.”
- Carl Parrosa
EDITORYAL 10 BAGONG SIKAT NG
Isinulat ni Mikhaela Louise Asistio

BAGONG SIKAT

PAGBABAGO O PANGANIB , ALIN ANG HAHARAPIN?

Patok na patok sa ngayon, ang

AI model na ChatGPT, na nakabatay sa teknolohiyang GPT-3.5 ng OpenAI. Ang GPT ay nangangahulugang "Generative Pre-trained Transformer". Sinanay sa malawakang impormasyon ang nasabing teknolohiyang at nagkaroon ng kakayahan na likhain ang mga tugon sa mga katanungan, magbigay ng impormasyon, magpakita ng mga ideya, at makipag-ugnayan sa mga tao nang natural at makabuluhan. Ito ay maaaring magamit mapa estudyante ka man o trabahador, ang model na ito ay kayang magamit ng lahat.

Kung ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence ay hindi nakakatulong upang umunlad ang kasanayan o kaalaman at ginagamit lang para sa pandaraya, hindi ito inuudyok na gamitin, lalo na sa pagpapasa ng mga assignments, projects, at research.

Malaking pagbabanta rin ito sa mga trabaho sa kadahilanang maaaring ang mga robots nalang ang pumalit dito.

Masasabing aprubado lamang ang paggamit ng AI kung ito ay sinasanay ka upang ika'y mas maging dalubhasa sa

paglikha. Kung patuloy man na napapanahon ang paggamit nito, inaanyayahan na gamitin ang AI model nang wasto para sa ikakaganda ng Mundo.

Tunay nga namang nakakamangha ang AI, at sa puntong ito, tila posible na ito na mismo ang maging kapalit ng mga tao. Hindi pa tiyak ng lahat kung dapat bang malaki ang posibilidad na magkakaroon ng pagkabahala sa pagtukoy kung ang isang gawa ay mula sa isang tao o sa AI model na ito. Ang labis na pagbabago ay maaaring magdulot ng kawalan ng tiwala at kalituhan sa pagitan ng mga tao o isang malaking matagumpay na bagong imbento.

KASAKAY-SAYAN

Paano na ang mga estudyante kung wala na ang mga jeep? kapag sinabing Pilipinas ang maiisip mo kaagad ay ang magagandang isla na matatagpuan dito ; kultura ; kaugalian at pampublikong transportasyon nito tulad ng tricyle at ang jeep na tinaguriang ‘’Hari ng Kalsada “ kung saan ang jeep ay nagkaroon ng malaking parte sa ating kasaysayan na isang tunay na tatak Pilipino , gayunpaman paano kung nawala sa mga kalsada ang mga Hari na ito makikilala mo paba ang Pilipinas?

Nagplano Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iphase out o tanggalin na ang mga lumang dyip sa kalsada at palitan ng makabagong dyip o modernization , nilalayon nila na isagawa ang modernization ng masolusyonan ang nakakalasong usok mula sa mga karag-karag na dyip.

Gayunpaman hindi pumapayag ang mga tsuper sa layunin na ito ng LTFRB sa kadahilanan na napakamahal ng mga makabagong dyip umaabot ng dalawang milyon samatalang ang mga luma ay umaabot lamang.

SULAT PARA SA MGA EDITOR

Mahal naming mga mamba basa,

Meron ka bang mga opinyon tungkol sa lahat ng kagana pan sa ating paaralan? Hali na't ibahagi na!

Ang Bagong Sikat ay mul ing nagbabalik pagkatapos ng mahigit 12 taon. Kasabay nito, mayroon tayong "Sulat para sa mga Editor," isang ba hagi ng pagbibigay ng mga opinyon at lathalain mula sa buong komunidad ng Poncia no Bernardo High School.

Ang lahat ay inaanyayahang magpasa ng kanilang mga liham kung saan ang pokus ay ang mga saloobin, ideya, opinyon, at reaksyon mula sa mga mambabasa, gayundin mga kaalaman ninyo mula sa mga kaganapang pam paaralan.

Gayunpaman hindi pumapayag ang mga tsuper sa layunin na ito ng LTFRB sa kadahilanan na napakamahal ng mga makabagong dyip umaabot ng dalawang milyon samatalang ang mga luma ay umaabot lamang

Hindi lang ang mga tsuper ang mga naapektuhan dito, kundi pati na rin ang mga estudyante, dahil marami sa mga estudyante ang gumagamit ng pampublikong sasakyan tulad ng dyip dahil sa abot kayang presyo nito, kung ito ay ma phaphase out mahihirapan sila humanap ng kanilang masasakyan patungo sa kanilang eskwelahan.

Hindi ako pabor sa jeepney phaseout na ito dahil maraming mahihirapan at maninibago ang mga tao dahil ang nakikita nila dati na makukulay na mga dyip ay mawawala na sa kanilang mga paligid at sakanilang mga paningin, isa pa ay mahihirapan din ang mga tsuper dahil sa pamamasada nalang ng dyip sila umaasa para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya tapos tatanggalin pa ng gobyerno sakanila ang mga ito.

Ang Bagong Sikat ay nais pakinggan ang bawat boses ng mambabasa nang sa gay on matulungan namin kayo ibahagi ang iyong mga nai isip na magandang ideya na pwede pagpulutan ng aral. Layunin din namin na mat ulungan ang bawat estudy ante ng Ponciano Bernardo High School sa mga bagay na kinakailangan ng agarang solusyon o paraan, kami ay handa unawain ang bawat na tatanggap naming mga plano o suhestiyon galing sa kapwa namin mag-aaral. Hangad namin maghatid ng serbisyo at hindi namin kayo bibiguin. Ipagmalaki natin ang PBHS, paaralang napupuno ng tal entado at magagaling na es tudyante, handang lumaban sa anumang hamon na may diskarte at tiyaga.

Muli, kami ANG BAGONG SIKAT, sumisikat ang serbisyo sa bawat indibidwal lalo na ang mga kapwa naming es tudyante at hindi kailanman magpapalubog sa mga bagay na humahadlang sa amin.

bagongsikatjournalism@ gmail.com

Lubos na gumagalang, Ang Bagong Sikat

Isinulat at iginuhit ni Phoebe Valerry Paner Iginuhit nina Phoebe Valerry Paner at Nathalie Pintoy
EDITORYAL 11
Isinulat ni Jaztine Jaztine M. Dela Cruz
NG

SAYAW DITO, KANTA DOON

PAGTAKAS BA ANG SOLUSYON O KAILANGAN LANG NG TAMANG DESISYON?

Madalas nating naririnig ang mga salitang "Anak, bili mo nga ako nito" o "Anak, huwag kang palaging nasa cellphone, mag hugas ka naman" sa tahanan kapag nakikita ng mga magulang ang kanilang mga anak na abala sa mga selpon nila. Utos doon utos dito, di na alam kung ano uunahin sa bawat utos sa'yo. Sa paaralan naman ay halos proyekto ang madalas inaatupag. May reporting, pag ensayo ng mga sayaw, pagsusulit at iba pang aktibidad sa paaralan. Para sa'yo, ano ang mas nais mo, sa tahanan o sa paaralan?

Kringggg! “Recess na!” “lunch na” “kain na tayo,” yan ang karaniwan mong maririnig sa iyong mga kaklase kapag tumunog na ang bell, pero na rinig mona ba ito kapag recess niyo na? “huy beh tiktok tayo may bagong trend ngayon oh” sigurado ako narinig mona yan sa iyong mga kaklase at di na bago sa'ting pandinig.

“Ay tara beh bet ko yan!” makikita mo na lang sila nasa hagdan, nasa isang sulok o kaya naman ay nasa Covered Court, sayaw dito sayaw diyan lipsing

dito lipsing diyan mapa-babae man yan o lalake.

Alam mo ba kung bakit maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng tiktok? bakit nga ba? may ideya ka ba? Dahil ito na ang naging libangan ng mga tao simula noong naranasan natin ang dalawang taong pandemya na halos nasa loob lamang ng tahanan para sa kaligtasan kaya naman nauso ito sa Pilipinas at sa buong Mundo.

Halos dito na ibuhos ang buong oras ng mga kabataan ngayon, scroll lang nang scroll sa tiktok mayroon na ngang ibang

ibang kabataan ngayon na ayaw nang lumabas ng tahanan dahil gusto na lang mag selpon at mag tiktok.

Pero teka lang! may mapupulot ka ba na aral dito sa tiktok na ito? meron nga ba? Siguro nga ay meron dahil hindi lang ang mga trending ang kinagigilawan ng mga kabataan, kundi ang pagkatuto sa mga bidyo na tiyak na may kinalaman sa kanilang pag-aaral katulad ng paano gumawa ng isang essay o sanaysay, paano resolbahin ang isang komplikadong math equation at marami pang iba. Kahit maik-

siguradong may matututunan ka at may mapupulot kang aral, Ika nga gumawa ng paraan sa lahat ng problema at wag ito iyakan. Bagkus ito'y idaan sa masaya at mabisang pamamaraan.

Iba na nga talaga ang mga Kabataan, selpon na ang bagong lata ngayon samantalang dati kahit tanghaling tapat ay naglalaro ng tumbang preso, piko, patintero, holen at marami pang mga laro na ang sarap balikan at laruin.

DEJA VU

Do you get déjà vu?," ani ng isang Filipino-American Singer na si Olivia Rodrigo sa kaniyang kantang Deja Vu na talaga namang sumikat sa buong mundo. Pero ang salitang "DEJA VU" ay pwede natin maiuugnay sa kalagayan ng mga mag aaral sapagkat may inihandang supresa ang DEPED para sa mga ito. Handa ka na ba buong kantahin ng Deja Vu ni Olivia Rodrigo este ang ASYNCHRONOUS CLASSES ng DEPED?

Nararamdaman mo na ba ang init ng panahon o hindi kaya ang init ng dugo mo dahil muling ibabalik ang asynchronous classes? Hay nako! Ang sobrang init ng panahon naman ang naging dahilan kung ipinapa-

tupad ng DEPED ang asynchronous classes sa loob ng dalawang linggo. Mukhang hindi muna magkakaroon ng baon at hindi na naman ligtas sa mga gawaing bahay. Naiinip na nga tahanan, gusto pa ipagpatuloy ang pag-aaral sa bahay.

Nitong mga nakaraang linggo labis na tumataas ang temperatura ng init na higit pang tumataas sa bawat araw na lumilipas , ani nga ng mga tao ay lumalapit ng dahan dahan ang araw sa Pilipinas. Kapag tayo pumapasok sa paaralan, sumasabay ang init ng panahon sa ating pag-aaral kung kaya ay nasisingit natin makihiram ng mahiwagang pamaypay upang maibsan ang kainitan. "Beh, pahiram nga ng pamaypay mo ang init kasi e," reklamo ng mga estudyante sa sobrang init ng panahon. Isa sa mga pangarap natin ang magkaroon ng air conditioner o mas kilala bilang aircon sapagkat nagtataglay ito ng malalamig na hangin upang malabanan ang kainitan. Pero ano nga ang epekto ng mainit na panahon sa mga magaaral? Ang epekto nito ay umaasim ang simoy ng hangin, biro lang baka may matamaan!

Malaki ang naging epekto nito sa mga mam-

Bilang anak at estudyante, kailangan mong maging masipag at matiyaga sa ano mang gawaing nakaatas sa'yo. Iba ang gawain sa tahanan at iba rin ang gawain sa paaralan. Ngunit kadalasan ay nahihirapan tayong balansehin ito. Halimbawa na lamang nito ay uuwi ka nang pagod galing sa paaralan dahil sa maraming ginawa tulad ng pag eensayo ng sayaw at pag kumpleto ng mga proyekto. Ika'y pagod na pagod na ngunit pag-uwi mo naman sa tahanan ay may responsibilidad ka parin bilang anak na gawin ang gawaing bahay. Minsan ay tinatamad nang gumalaw dahil sa pagod at gusto nang magpahinga ngunit pinapagalitan naman kapag hindi sumunod.

Kadalasan, mas gusto ng mga estudyante na tumambay o manatili nang matagal sa paaralan pagtapos ng klase. Ito ay para magkaroon sila ng oras na makasama ang kanilang mga kaibigan, sapagkat pagdating nila sa tahanan, hindi na sila pinapayagang lumabas o kaya magkaroon ng panahon para sumaya matapos ang nakakapagod na araw sa paaralan. Ang iba naman ay ito ang paraan upang makatakas sa mga gawaing bahay sa tahanan pero meron din iba na ayaw pa talaga umuwi nang maaga dahil sa "family problems" na nararanasan sa tahanan.

Sa kabilang banda, mas nais umuwi ng mga estudyante nang maaga dahil gusto nila maglaro sa gadgets o kaya naman gusto makapagpahinga at makatulog sa hapon. Meron ding mga estudyante na kinakailangan umuwi dahil maraming takdang aralin na binigay ng mga guro.

Iba't-iba ang pananaw ng bawat isa ngunit pero-pareho parin ang ating nararanasan at iyon ang makaranas ng pagod sa paaralan man 'yan o sa tahanan. Kinakailangan nating maging matatag at responsableng tao sa pag-aasikaso ng mga gawain pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na pwede mag pahinga. Kinakailangan mo rin maglaan ng oras sa iyong sarili para mapanatili ang lakas at resistensya sa pagharap ng pagsubok sa bawat araw. Masarap damdamin ang bunga o tagumpay kung tunay mo talaga itong pinaghirapan.

Isinulat nina Cassandra P. Rangasa Aurora Francesca C. Gallego
LATHALAIN 12 BAGONG SIKAT NG
Isinulat ni Jaztine Dela Cruz

LATHALAIN 13 BAGONG SIKAT

amayan lalo na sa mga mag-aaral kung saan maraming mga estudyante ang nahihilo, pagdurugo o nahihimatay sanhi ng sobrang nararamdamang init. Hays, ano kaya pwedeng maging hakbang ng DEPED o Department of Education upang mabigyan ang solusyon ang ganitong sitwasyon sa loob ng paaralan? May magagawa ba sila? Maganda ba ang magiging hakbang nila para masolusyunan ito?

Ayon sa DEPED, ipapatupad nila dalawang linggo asynchronous classes na kung saan ay gagawing Lunes , Martes at Miyerkules na lamang ang pasok ng mga estyudante at modyular naman sa Martes at Huwebes na magsisimula ika-8 hanggang ika-19 upang hindi maging sagabal ang init ng klima sa kanilang paaralan at pati na rin sa kaligtasan ng lahat. Magandang balita ito sa mga mag-aaral ngunit may kumakaway na gawaing bahay na inuutos ng kanilang nanay. Awit sayo, ikaw na nga laging inuutusan at wala pang baon dahil walang pasok ng dalawang araw. Kalahating kasiya-

han dahil tatlong araw lamang ang araw ng pagpasok sa eskwelahan, kalahati naman ang kalungkutan dahil pwede ka na naman utusan sa tahanan at mawawalan pa ng baon nang panandalian. Dumako na naman tayo sa mga paraan upang mapangalagaan ang sarili mula sa matinding init ng panahon sa ating bansang Pilipinas.

sa matinding init ng panahon sa ating bansang Pilipinas.

Bagamat gumawa ng paraan ang paaralan na matulungan ang mga mag-aaral na maibsan ang init na nararamdaman sa pamamagitan ng pananatili na lamang sa bahay ay huwag sana nating kalimutan na pangalagaan natin ang ating sarili , uminom ng tubig ng maibsan ang pagkauhaw at maligo kung kinakailangan ng mabawasan ang init na nararamdaman ng katawan ng mapangalaagan ang kalusugan kahit sa panahon ng tag-init. Ika nga, "Ligtas ay may alam." Kung wala kang alam, simulan mo na pag-aralan ang ganitong uri ng paksa nang sa gayon magiging handa ka sa susunod na namang pagsubok sa buhay.

HINDI KO NA KAYA!

Maraming isyung pangkalusugan ang kinakaharap ng bawat isa sa lipunan. Isa na rito ang Mental Health na kung saan ito ay tumutukoy sa takbo ng ating pag iisip na binubuo ito ng ating emosyonal, sikolohikal, at social na kalusugan. Pero ang tanong ngayon ng iilan, lagi bang malusog ang kalagayan ng ating kalusugang mental?

Madalas ang mga kabataan ang nasasangkot sa mga problemang pangkaisipan, nagbibigay sila ng mga rason kung bakit ganoon ang kanilang nararamdaman. Abuso, trauma galing sa pamilya, pagiging mapag-isa at marami pang dahilan na hindi kayang bilangin gamit ang kamay. "Bakit ganito ang nararamdaman ko parang ang bigat sa loob," mga salitang madalas na naririnig sa mga taong nakakaramdam ng mabigat na problema na dumadamay sa kanilang kaisipan.

Mahirap i-resolba ang ganitong sitwasyon, karamihan ay ayaw magpakonsulta sa doktor sapagkat gagastos daw sila sa isang maliit na bagay o kaya naman ay mas pipiliin na lamang nila i-sarili ang problema dahil natatakot silang masabihan na nagi-inarte o gumagawa ng isang drama. Nagdadrama lang ba talaga o sadyang nadarama lang ang lubos na kalungkutan?

Ayon sa WHO o World Health Organization, ang depresyon ay isa sa mga

pangunahing sanhi ng kapansanan. Ang pagpapakamatay ay ang ikaapat na nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga 1529 taong gulang. Sa madaling salita, kabataan talaga ang laging nadadamay sa ganitong uri ng problemang pangkalusugan. Nagkakaroon ang isang tao ng mga suicidal thoughts sapagkat hindi niya na alam ang magiging solusyon sa problemang kaniyang hinaharap, halos mabaliw na siya sa kaniyang lubos na pag-iisip sa mga negatibong bagay na nagsasanhi ng suicide o pagpapakamatay.

Hindi rin naging malusog ang paligid na kaniyang

Hindi rin naging malusog ang paligid na kaniyang kinagagalawan, halimbawa nalang dito ang ay mga nangyayaring problemang pam-pamilya. Pwede rin ito maging sanhi ng kaniyang kalungkutan na maaari pang lumalala kung hindi pa ito maaagapan.

Nararamdaman din niya na walang sino man angumiintindi sa kaniya o di kaya ay hindi niya mabatid kung sino pwede niyang masabihan ng problema upang matulungan siya. Hindi ito nakakapag-isip ng maayos dahil walang tumutulong at gumagabay sa paggawa ng desisyon niya sa mga problema.

Hindi natin masisisi kung bakit nga ba ganoon ang kanilang dinadama. Sadyang hindi natin nakikita ang ugat ng kanilang kalungkutan, sa halip ay sinasabihan natin silang maarte o walang alam sa pagiisip ng mga tamang hakbang upang matugunan ang iniindang suliranin.

Ilalahad ko sa inyo ang nangyari sa isa sa mga mahal ko sa buhay na nagkaroon ng mabigat na suliranin at hindi niya naagapan kaya ay ikinitil niya ang sarili niyang buhay. binata. Nakilala ko siya nung kami'y nagbakasyon sa aming probinsya. Siya ay isa mga masiyahing tao na nakilala ko, madalas nung sa probinsya pa ako, gumagawa siya ng mga biro na lubhang nagpapasiya sa akin.

Nakatabi ko pa siya matulog kasama ang isa naming pinsan. Ito ang isa sa mga memorya na hindi ko malilimutan kailanman. Pero nakalipas na ang matagal na pahanon simula ng aking pagkikita. Nag-uusap kami gamit ang isang sikat na Messenger upang magkamustahan sa isa't isa. Sinasabi niya na turuan ko raw siya sumayaw.

Pero ang gumuho ang mundo ng aking pamilya nang malaman namin na sumakabilang buhay na ang aking pinsan. Agad naming tinanong sa kamag anak namin kung ano ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan, nagulat kami sa kanilang sinabi na ikinitil niya ang sarili niyang buhay. Nagsulat daw siya ng liham bago niya ginawa ang pagpapakamatay. Sobra kaming nagsisisi sapagkat hindi man lang nakapunta sa probinsya ulit upang kamustahin ang kaniyang pamilya. Huli na ang lahat at nangyari na ang kinatatatakutan.

Walang masamang lumapit sa mga taong komportableng kausapin tungkol sa mga problema. May mga matalino rin tayong mga doktor upang matukoy ang kalungkutan at palitan ito ng kasiyahan. Ani ni John Green, " There is hope, even when your brain tells you there isn’t isn’t".

Isinulat ni Princess C. Albano Isinulat ni Princess C. Albano
NG

BUHAY SEKON-DEMYA, GRADWEYTS NA

Sa loob ng apat na taong pagsisikap at pagtitiis sa pagaaral ay magtatapos na ang mga estudyanteng nasa ika-sampung baitang sa darating na hulyo. Ano nga ba ang nararamdaman ng mga kabataan na kung saan ay ga-graduate sila na halos online class ang naranasan sa buong buhay high school nila?

Hindi pa natatapos ang school year noong sila'y nasa grade 7 pa lamang naranasan at nangyari ang pangyayari na talagang nakapagpabago ng pamumuhay ng karamihan at ito ang pandemya na kung saan ay kinakailangang manatili sa tahanan para sa kaligtasan ng bawat isa. Yung inaakala nating dalawang linggo lang na suspensyon na nagbigay tuwa sa mga kabataan ngunit sa 'di inaasahan ay inabot na ng dalawang taon. Dalawang taong nakakulong sa tahanan at nabago rin ang proseso ng pag-aaral dahil ginawa itong online class para lang mapagpatuloy ang edukasyon ng mga kabataan.

Bukod sa ligayang nararamdaman dahil sa tagumpay na nakayanan nila sa apat na taong pag-aaral sa sekondarya, mas labis na nararamdaman ng bawat isa ang kalungkutan dahil nasayang ang dalawang taon nila na sana ay naranasan nila ang masayang buhay high school. Iba pa rin talaga ang karanasan kapag aktuwal sa paaralan isinasagawa ang pag-aaral. Bukod sa may baon, nakakasama mo rin ang mga kaibigan mo at sama-samang ipinagdidiwang ang mga okasyon sa loob ng paaralan. Mas mapapadali rin ang pagkatuto ng bawat mag-aaral dahil nababantayan sila ng mga guro.

Labis na nanghihinayang ang marami sa dalawang

taon na 'yon dahil maraming nasayang na oportunidad na sana nagawa na at napagtagumpayan nila kung hindi nangyari ang pandemya. Nakakalungkot isipin na aalis ang mga estduyante sa paaralan na walang gaanong masasayang memorya na maaari nilang balikan. Katulad nga ng sinasabi ng iba na ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante ay mararamdaman mo ng lubos sa buong highschool life mo.

Mabuti na lamang ay nabigyan pa rin sila ng pagkakataon na maranasan ang face-to-face ngayong huling taon sa sekondarya. Naranasan muli ang mga bagay na matagal nang 'di nagagawa tulad ng gigising ng di pa sumisikat ang araw para maligo, kumain, at mag ayos ng sarili dahil papasok na, sunod ay naglalakad o sasakay ng sa lahat poker face na mukha ng mga guro na mas nakakapagbigay kulay sa buhay estudyante namin dahil dito mas pokus ang pagkatuto at siguradong lalabas kami ng paaralan na may natutunan. Gayunpaman kung eksperiensya bilang mag-aaral ang pag uusapan kahit papaano ay nabigyan at naparamdam sa mga estudyante ang buhay ng isang highschool. Bitin man ngunit napunan pa rin ng kaligayahan ang mga puso.

Mga karanasang di tulad ng mga nagdaang magaaral sa sekondarya subalit kaya pa ring ipagmalaki at ipagsigawan na "success kami" dahil di lang buhay highschool ang napagtagumpayan namin kundi pati hamon ng buhay lalo na ng panahon ng pandemya. Masayang magtatapos at haharapin ang mga panibagong hamon sa mga susunod na kabanata ng aming buhay bilang estudyante at indibidwal.

Isinulat ni Cassandra P. Rangasa

EDITORIAL BOARD

CASSANDRA P. RANGASA

PUNONG PATNUGOT

PRINCESS YSABELLE C. ALBANO

PANGALAWANG PATNUGOT

PRINCES SARAH MAE E. LOZADA

TAGA-PAMAHALANG PATNUGOT

JAZTINE ZEDRICK M. DELA CRUZ

TAGA-PAMAHALANG SIRKULASYON

ROWENA KENNELEEN AIRA L. DULL

TAGA KUHA NG LARAWAN

CASSANDRA P. RANGASA LAYOUT ARTIST

SECTION EDITORS

CASSANDRA P. RANGASA

PATNUGOT NG BALITA

CASSANDRA P. RANGASA PATNUGOT NG PALAKASAN

PHOEBE VALERRY PANER

NATHALIE M. PINTOY

TAGA GUHIT NG LARAWAN

PRINCESS YSABELLE C. ALBANO PATNUGOT NG LATHALAIN

PRINCES SARAH MAE E. LOZADA PATNUGOT SA AGHAM AT KALUSUGAN

CASSANDRA P. RANGASA

PRINCESS YSABELLE C. ALBANO

TAGAULO AT TAGAWASTO

TAGAPAGBALITA

ELAIJAH JAMES C. MUYRONG

MIKHAELA LOUISE F. ASISTIO

ROWENA KENNELEEN L. DULL CARL JOSHUA JALIMAO

CASSANDRA P. RANGASA

PRINCES SARAH MAE E. LOZADA

ANTHONETTE FAELDO CYRIL LEONIDO AURORA FRANCESCA C. GALLEGO

ALAALA G. ROMANA

PRINCESS YSABELLE C. ALBANO

JAZTINE ZEDRICK M. DELA CRUZ

MARK JOSEPH JAMBALOS

TAGAPAYO

JOHN PHILIP TORRES

PINUNO NG KAGAWARAN NG FILIPINO

DOMINGA P. CABADIN

PUNONGGURO

LATHALAIN 14
NG
BAGONG SIKAT

BAGONG SIKAT

KALINISAN PARA SA KAUNLARAN

Sa isang magiting na pagkilos, sinagawa ng mga mag-aaral, guro, opisyal, at iba't ibang organisasyon ang malawakang Clean Up Drive sa Ponciano Bernardo High School (PBHS) na sinimulan noong ika-11 mg Nobyembre na kung saan ay ang layunin nito ay ang pangalagaan ang kalinisan ng paaralan at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa mga sakit lalo na sa dengue at Covid-19.

Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay pinangunahan ng ilang opisyal at organisasyon na nagkakaisa para maging bahagi ng paglilinis. Kasama sa mga naglaan ng kanilang oras at lakas sa araw na iyon ang RC Murphy, Station 7 PNP, DC Pumper ng Brgy. Kaunlaran, mga opisyal ng PTA, Student Government Council (SGC), Boyscouts, at Supreme Student Government.

Nakibahagi ang bawat organisasyon sa isang partikular na lugar na kanilang lilinisin. Bilang prayoridad, pinili nilang simulan ang paglilinis sa covered court dahil ito ang pinakamalawak na espasyo sa paaralan. Upang mapadali ang paglilinis, dumating ang grupo ng mga bumbero upang magbigay ng kanilang tulong. Ginamit nila ang kanilang mga fire hose upang buhusan ng malinis na tubig ang paligid ng court at matanggal ang alikabok at dumi.

Hindi lamang ang mga bumbero ang naglaan ng oras at pagsisikap sa proyektong ito. Nagtulungan din ang iba pang mga grupo sa paaralan tulad ng mga club upang ipagpatuloy ang paglilinis. Sa mga sumunod

na araw, patuloy na isinasagawa ang ganitong uri ng proyekto upang mapanatiling malinis, ligtas, at kaakit-akit ang paaralan.

Ang mga estudyante, guro, at kawani ng paaralan ay nagbahagi ng kanilang sama-samang adhikain na mapanatiling malinis at kaaya-aya ang kanilang paaralan. Ipinakita nila ang kanilang pagkakaisa at ang kanilang pag-aalay ng oras upang palakasin ang kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na paglilinis at pagmamalasakit sa kapaligiran, naglalayon silang itaguyod ang kabutihan at kagandahan ng paaralan.

Sa isang patuloy na proyekto, ang mga kasapi ng Bernardians Boyscout ay patuloy na nagtutulong-tulong. Pinangunahan ni Scout Edison Carranceja ang mga scout sa aktibidad na ito, na may layuning mapanatiling malinis ang kanilang kapaligiran.

Ayon kay Scout Edison, ang cleanliness ay isa sa mga prinsipyo ng Boy Scouts na dapat sundin at isabuhay ng bawat kasapi. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ipinakita ng bawat scout ang kanilang pagiging maaasahan at pagiging responsableng mamamayan. Nagpamalas sila ng matinong pagganap ng kanilang tungkulin para sa ikabubuti ng kanilang bayan. Ang kanilang dedikasyon sa paglilinis ay isang magandang halimbawa na dapat tularan.

Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, maaaring mahikayat ang iba pang mga paaralan at organisasyon na isagawa ang mga katulad na proyekto upang mapanatiling malinis at kaakit-akit ang kanilang mga espasyo.

Ang ganitong mga pagsisikap ay nagpapakita ng halaga ng pagkakaroon ng isang malinis at ligtas na kapaligiran sa paaralan. Bukod sa pagpapaganda ng pisikal na hitsura ng paaralan, ang mga gawaing ito ay nagbibigay rin ng positibong epekto sa mga mag-aaral at iba pang miyembro ng komunidad. Sa isang malinis at maayos na kapaligiran, mas madaling mag-focus at mag-aral ang mga estudyante, mas ligtas sila sa mga sakuna o aksidente, at mas nagiging kaaya-aya ang kanilang karanasan sa paaralan.

15 AGHAM
NG
Isinulat ni Cassandra P. Rangasa

BAGONG SIKAT

KALUSUGAN SUSI SA KINABUKASAN

Sa kasalukuyan ang Feeding Program ng paaralang Ponciano Bernardo High School ay mayroong 35 na kabuoang bilang ng estyudante na binubuo ng ika-7 at 8 baitang na mag-aaral na naglalayong masolusyonan ang malnorisyon at kakulangan sa timbang ng mga bata.

Dalawang beses sa isang linggo isinasagawa ang feeding na inihahanda ng GPTA officers , tinatayak ang bawat pagkain na ihahain sa mga mag-aaral ay masustansiya at hindi naprosesong pagkain.

Sa pagsulong ng programang ito mayroong mga grupo ang sumusuporta at nag iisponsor dito tulad ng GPTA officers na naghahanda ng pagkain na ihahain para sa mga bata ; The Rotary of Murphy Cubao na nagbibigay ng ulam at kanin sa mga mag-aaral na parte ng feeding program tuwing huwebes at ang TLE Department na nangangasiwa nito.

Ayon sa datos na ibinigay ni Ginoong Marlon Trinidad; ang bilang ng mag-aaral na malnourished at kulang sa timbang noong Setyembre ng taong 2022 ay 8 sa ika-7 baitang at 3 sa ika-8 baitang na bumababa naman nitong Marso taong 2023 na ang bilang na lamang ay 3 sa ika-7 baitang at 2 sa ika-8 baitang.

Pangunahing layunin ng pampaaralang programang ito ay maitaguyod ang mabuti at wastong kalusugan ng bawat mag-aaral na nag lalayong makapagbigay sigla at saya sa bawat mag aaral nang makapag-aral ang mga ito ng mahusay gayonpaman , disiplina sa sarili at tamang pangangalaga sa kalusugan ay ang susi sa kinabukasan.

MASUSTANSIYANG GULAY, MALUSOG NA MAG-AARAL

Isinagawa sa Paaralang Ponciano Bernardo High School ang proyektong

Gulayan sa Paaralan kung saan magtatanim ng isang uri ng gulay na iniatas ng guro ng agham sa kaniyang mga magaaral sa ika-9 at 10 baitang, nagsimula ngayong taong panuruan 2022-2023 na ginawang "performance task".

Ayon kay Gng. Susana Zamora, guro sa agham na nagbigay ng proyektong ito sa magaaral ng ika-9 at 10 baitang na kanyang tinuturuan " Ang proyektong ito ay kasama sa mga pamantayan na kakailanganin nila upang maipasa ang kaniyang asignatura ngunit lingid sa kaalaman ng mga estyudante , na ang kanilang gulay na itinanim ay siya ring aanihin at iuuwi sa kanilang tahanan para dagdag pagkain na ihahain sa kanill-kanilang hapagkainan.

Nakakatulong ang proyektong ito sa mag aaral kung saan may pangunahing layunin na mabigyan ng karagdagang pagkain na ihahain sa kanilang hapagkainan ang mga es-

tyudante gayunpaman wag nating kalimutan na kumain ng gulay sapagkat ang pagkain ng gulay ay magreresulta ng mahabang buhay at magandang kinabukasan.

Base nga sa "site" na Mediko.ph , ang gulay ay nagtataglay ng mga mineral at bitamina na makakatulong sa katawan na ang halimbawa naman nito ay ang mga gulay na kamatis na mayroong mataas sa bitamina A ; mustasa na nagtataglay ng mataas na bitamina C ; repolyo

na mayroong bitamina B at marami pang iba na hindi gulay ngunit puno ng sustansiya tulad ng prutas na makakapagbigay sa atin ng kinakailangan na sustansiya kung kaya huwag nating kalimutang kumain ng masustansiya sapagkat ang masustansiyang pagkain bawat sakit ay kakayanin.

Isinulat nina Elaijah James Muyrong, Princes Sarah Mae Lozada, Anthonette Faeldo, Cyril Minglanilla, Carl Joshua Jalimao.

AGHAM 16
NG
Isinulat ni Elijah James Muyrong

BASKETBALL AT CHESS, NAKIISA SA PROGRAMA NG FEU

Talagang pinatunayan ng mga estudyante ng Ponciano Bernardo High School ang kanilang galing at talento sa sports sa kamakailang pagdiriwang ng "First Camp Tamtam Sports Edition" ng Far Eastern University High School. Ito ay naganap noong ika-29 ng Abril sa Alfredo Reyes Hall Gym.

Sa kategoryang Basketball 3v3, ang koponan ng PBHS na binubuo nina Anthony James Se gui, Jim Cesar O. Soriano, Johnpaul Malicdem, Justine Soliven, at Shellbyn Mandolado ay nagwagi ng ikalawang pwesto. Lumaban sila nang matapang laban sa mga koponan ng Poter and Clay Christian School at Camp General Emilio Aguinaldo High School. Ang kanilang husay sa paglalaro ng basketball ay nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagsasanay at team collaboration.

PBHS ARNISADORS, KAMPEON SA ARNIS DISTRICT AT DIVISION MEET

Naglabas ng walang kapantay na galing at husay ang mga manlalaro ng Ponciano Bernardo High School sa hilig na larangan ng arnis. Kamakailan lamang, nagwagi sila sa ginanap na Arnis District and Division Competition 2023 na nagaganap sa Ernesto Rondon High School noong ika-12 ng Marso.

Sa Arnis District Competition, hindi matatawaran ang tagumpay na nakuha ng mga arnisador mula sa Ponciano Bernardo High School. Nakamit nila ang kabuuang siyam na gintong medalya at isang pilak na medalya. Ang bilang na ito ay nagpapakita ng kanilang kahusayan at pagsisikap sa pampalakasan.

Hindi naman sila nagpatinag at patuloy na nagpakitang gilas sa Arnis Division Competition. Limang mag-aaral mula sa Ponciano Bernardo High School ang nakakuha ng gintong medalya sa patimpalak na ito. Ang mga nagwagi sa gintong medalya ay sina Janine F. Negrillo, Cassandra P. Rangasa, Alaala G. Romana, Jalile Romel Estuesta, at Ericson L. Carranceja. Bukod pa rito, may tatlong pilak na medalya na nakuha rin ng mga arnisador na sina Edison Carranceja, Jefferson Berba, at Jaztine Zedrick Dela Cruz. Samantala, isang tansong medalya naman ang nakuha ni Ayesha Kiarra O. Anota.

Ang limang manlalarong nagkamit ng gintong medalya ay itatalaga bilang mga kinatawan ng pampublikong paaralan at maglalaban-laban sa darating na Dual-Meet laban sa mga pribadong paaralan.

Naganap ang Dual Meet noong ika-18 ng Marso sa Belarmino Sports Complex. Sa patimpalak na ito, nagharap ang mga arnisador mula sa Ponciano Bernardo High School at ang mga nagwagi sa nakaraang division meet mula sa pribadong paaralan. Ang laban na ito ang magtatakda kung sino ang magiging kinatawan ng Quezon City sa Regional Competition.

Bilang karagdagan sa kanilang kahusayan, nagkamit ng pilak na medalya si Alaala G. Romana sa kategoryang Featherweight para sa kababaihan at si Ericson L. Carranceja naman sa kategoryang Featherweight para sa kalalakihan. Sa kabila ng matinding kompetisyon, nagtagumpay sina Cassandra P. Rangasa (Bantamweight Secondary Girls) at Jalile Romel O. Estuesta (Extra Lightweight Secondary Boys) na makaangat sa Regional Competition dahil hindi nakapasok sa line-up ang kanilang mga kalaban.

Sa larangan ng Chess, si Jeremy Hesita ay nagkamit ng ikatlong pwesto. Nakipaglaban siya nang mahusay sa mga manlalaro mula sa mga paaralang Ramon Magsaysay High School Manila, Camp General Emilio Aguinaldo High School, at Lakan Dula High School. Ang kanyang pagkapanalo ay nagpapakita ng kanyang katalinuhan at diskarte sa laro ng Chess.

Napakahalaga ng mga kompetisyon tulad ng "First Camp Tam tam Sports Edition" hindi lamang sa pagpapakita ng galing at talento ng mga estudyante, kundi pati na rin sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at karanasan sa isport. Ang mga ganitong pagkakataon ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro upang magpakita ng kanilang husay at makipagkumpitensya sa iba't ibang paaralan.

14 GINTONG
PILAK
TANSONG MEDALYA 17
NG
MEDALYA 4
NA MEDALYA 1
ISPORTS BAGONG SIKAT

BAGONG SIKAT

2 ARNISADORS, NIREPRESENTA ANG QC SA ARNIS NCR 2023

Isang matagumpay na laban ang ipinamalas ng dalawang magiting na manlalaro, sina

Cassandra P. Rangasa at Jalile Romel O. Estuesta ng Ponciano Bernardo High School, sa patimpalak ng Arnis NCR Palaro 2023. Kasama nila ang iba pang mga arnisador na nakamit ng gintong medalya mula sa Division Meet ng iba't ibang distrito ng Quezon City. Ang nasabing paligsahan ay naganap sa Oreta Sports Complex sa Malabon simula noong Sabado, ika-15 ng Abril.

Matapos ang dalawang taong paghihintay, matagumpay na isinagawa ang ARNIS NCR PALARO 2023 na lubos na pinaghandaan ng bawat manlalaro. Isa sa mga naghandog ng kahanga-hangang performance si Cassandra P. Rangasa, na matagal nang nagnanais na muling makasali sa mga ganitong paligsahan. Ayon sa kanya, excited na excited siyang makipaglaban at muling irepresenta ang Quezon City sa NCR PALARO, lalo na't hindi ito natuloy noong 2020 dahil sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

Ang mga matatapang na arnisador ng Quezon City mula Elementary hanggang High School ay nagpakita ng kanilang husay at galing mula sa unang araw ng laban, kabilang na rito ang kategorya ng Anyo. Matagumpay na tinanghal ni Cassandra ang "Individual Solo Baston Performance," habang si Jalile naman ay nagpakitang gilas sa "Individual Doble Baston Performance."

Noong ika-23 ng Abril, Linggo, nagsimula ang mga laban sa "Combative Sports" o "Full Contact Event." Nagwagi si Cassandra sa kanyang unang laban laban sa kinatawan ng Manila sa ilalim ng "Bantamweight Category Girls." Sa kabilang dako, nagtagumpay rin si Jalile sa laban niya kontra sa kinatawan ng Caloocan sa ilalim ng "Extra Lightweight Category Boys."

Sa ika-apat na araw ng kompetisyon, nakuha naman nina Cassandra (Bantamweight Category) ang ika-5 na pwesto laban sa Valenzuela, habang si Jalile (Extra Lightweight Category) ay nagwagi rin kontra sa Pasay, na ginanap sa Caloocan High School noong ika-24 ng Abril.

"Nakakamanghang isipin na kahit ilang buwan pa lang ako sa Arnis ay nakatapak at nakaranas nang irepresenta ang Quezon City sa NCR PALARO," ani ni Jalile.

Napakahalaga rin ng suporta mula sa mga matiyagang guro at coach ng Ponciano Bernardo High School na sina Armida O. Anota at Corine Ular, na patuloy na gabay sa mga manlalaro ng arnis.

ISPORTS 18
NG

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.