ICON 2019

Page 19

Panitikang Pilipino ISINULAT NI LOREIZ NICOLE R. ABANES

Naghahatid ng makabuluhang mensaheng pampulitikal, panrelhiyon, panlipunan, pang-

The Woman Who Had Two Navels (1961) – Nick Joaquin

kultura, at pang-ekonomiya ang iba’t ibang anyo ng panitikang Pilipino. Ito ay sumsalamin sa

Ibinibida ang paglalakbay ng isang babae tungo sa kalayaan mula sa kanyang madidilim at

kasaysayan ng Pilipinas at ang ating identidad bilang isang Pilipino. Ito rin ay nagsisilbing daan

traumatikong nakaraan, ang The Woman Who Had Two Navels ay isinulat ng pambansang manunulat

upang iugnay ang nakaraan sa ating kasalukuyan. Nakatuon din ito sa tunay na kalagayan ng lipunan at reyalidad ng buhay ng mamamayang Pilipino. Narito ang mga limang tanyag at klasikong nobelang isinulat ng mga Pilipinong manunulat:

Noli Me Tangere (1887) – Dr. Jose Rizal Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang kanilang mga kasakiman, korapsyon, at hindi makatarungang pamamahala ay inilarawan sa nobelang ito. “Huwag mo akong salingin” sa wikang Filipino, ang Noli Me Tangere ang unang nobelang sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Naging malaki ang impluwensiya nito sa pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Isiniwalat sa aklat na ito ang mga kasamaan at pang-aabuso ng mga prayle na noon ay itinuturing na mas makapangyarihan pa sa

na si Nick Joaquin. Ang pangunahing karakter na si Connie Escobar ay may delusyong mayroon siyang dalawang pusod upang siya ay matanggap bilang katangi-tangi o espesyal na tao. Ang kanyang imahinasyon ay sumisimbolo sa kanyang pagnanasang makatakas mula sa masasamang karanasan. Sinasabing si Escobar ang kumakatawan sa bansang Pilipinas, habang ang kanyang nakaraan ay sumisimbolo sa mga digmaan at pananakop na naganap sa bansa.

Mga Ibong Mandaragit (1969) – Amado V. Hernandez Ang Ibong Mandaragit ay isang sosyopolitikang nobelang isinulat ng aktibistang panlipunan na si Amado V. Hernandez. Kinikilala rin ito bilang karugtong na nobela ng El Filibusterismo. Nakatuon ang aklat kung paano ginagamit ang ekonomiya, pampulitika, at pang-kultura upang maimpluwensyahan at manakop ng bansa. Inilalarawan din ng aklat ang mga karanasan

lokal na alkalde. Ang paggamit ng mga prayle sa relihiyong Katoliko upang sakupin at

ni Hernandez bilang gerilya, ang epekto ng industriyalisasyon sa

gawing alipin ang mga Pilipino ay tinalakay rin sa libro.

Pilipinas na dala ng Amerika, at ang mga suliranin at kagipitang pinagdaanan ng nakararami sa panahon ng pananakop ng mga

Banaag at Sikat (1906) – Lope K. Santos Tinaguriang bilang bibliya ng mga manggagawang Pilipino at isa sa mga pinakaunang nobelang nailimbag sa wikang Filipino, ang Banaag at Sikat ay

Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Dekada ’70 (1983) – Lualhati Bautista Isang pagsasalaysay ng mga pangunahing saksi sa mga pangyayaring naganap sa

umiinog sa buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe na mayroong magkaibang

partikular na madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ang Dekada ’70 ay hinggil

idelohiya kaugnay sa sosyalismo. Tinatalakay dito ang iba’t ibang paksang

sa mga karanasan ng isang pamilyang nasa gitnang antas ng lipunan sa panahon ng

panlipunan katulad ng sosyalismo at kapitalismo. Tumutukoy din ito sa

pamamahala ni Marcos. Tinalakay ditoang mga sunod sunod na trahedyang nangyari

posibilidad ng malaking pagbabago sa lipunan kaugnay sa distribusyon ng

at mga paglabag sa karapatan ng mamamayang Pilipino na nagpa-usbong sa kanilang

kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan. Ito ay nagsilbing pamukawkasiglahan sa kilusang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.

pakikibaka laban sa gobyerno. Inilarawan din ang pagpupumiglas ng mga kababaihan sa panahong ito dahil sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito ay nagsisilbing pamulat sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, sa tunay na naging kalagayan ng Pilipinas sa rehimeng Marcos. Tunay ngang mayaman ang panitikang Pilipino. Bagama’t iilan lang ang nakalahad sa listahan, napakarami pang iba’t ibang panitikan na nagsilbing apoy sa damdaming makabayan. Nawa’y patuloy nating tangkilikin at ipalaganap ang panitikang Pilipino.

32

FILIPINO

FILIPINO

33


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.