Skip to main content

SINAG 2021

Page 1

PATNUGUTAN Punong Patnugot Jana Alexi Torres Nangangasiwang Patnugot Laurein Marielle Mateo Claudia Durban Patnugot ng Balita & Tampok Alexandra Ypil Luna Coscolluela Gaby Martinez Patnugot ng Filipino Jolie Mathea Lim Patnugot ng Sining Veronica Angeles Patnugot ng Lapatan Frances Angeles Katuwang Patnugot ng Lapatan Natasha Allenby Mieka Laciste Punong Tagapayo Bb. Paulyn Navarrete Mga Miyembro Liah Abad, Loreiz Abanez. Christina Albarracin, Sophia Alejandro, Patricia Balinong, Alexa Bentilanon, Paula Calingasan, Uzziel Camacho, Tiffany Cosue, Shannen Crespo, Rebecca Cristobal, Andie Dalusung, Cheska Del Rosario, Maya Erfe, Ghia Espino, Rianna Estacio, Janina Esteban, Angelene Garcia, Grace Imbao, Angela Imbuido, Elise Laxa, Aisha Manginsay, Ryan Shyane Mendoza, Theo Purificacion, Tony Rilloraza, Cheska Del Rosario, Mikayla Sanchez

Mga Nag-Ambag na Manunulat Ckalista Baldemor, Cheska Del Rosario, Isla Laza, Franchesca See


TALAAN NG NILALAMAN Balita 04

SONA 2021: Ang Pagtalakay sa Rehimeng Duterte

05

Ang Pambansang Programa ng Pagbakuna Laban sa COVID-19

ni Paula Calingasan

ni Aura Sison

Modelong Paulipino 08

Amarela: Pag-asa at Boses ng Kababaihan

09

Ang Pag-angat ng Kababaihan para sa Kinabukasan

10

WALANG LIMITADO

11

Amare at Buona Salute

12

Ang Mga Inisyatibong Panghustisya at Kapayapaan ng HUMSS 2021

ni Andie Dalusung

ni Angelene Garcia

ni Rianna Estacio

ni Laurein Mateo

ni Paula Calingasan


Tampok 16

Kalma RC Cola lang ‘to

17

MODULE-19: Laban ng Virus o ng Pribilehiyo?

18

Mga Hardinero ng Kulturang Pilipino

19

Ang Kulay ng Piesta sa Gitna ng Pandemya

21

Huwad na Demokrasya: Iiwang Pamana ni Duterte

22

Hala, Halalan na!

ni Uzziel A. Camacho

ni Mikayla Sanchez

ni Patricia Angela E. Balinong

ni Tiffany Cosue

ni Loreiz Abanes

ni Janina Esteban at Sining ni Rilloraza

33-34

Kinabukasan ng Pelikulang Pilipino, Pandaigdigang Musika

35-36

Pagdidiit ng Baro sa Nakaraan at Kinabukasan, Baybayin ang nakaraan para sa Kinabukasan

ni Aisha MAnginsay, Liah Abad, at Sining ni Erfe

ni Ghia Espino, Ryan Mendoza, at Sining ni Cristobal

Kontribusyon 01

Gintong Karalangan Alay sa Perlas ng Silangan

13

ANINO

29

NAGTATANGING LIWANAG

31

SALAMIN

37

Ang Mundo sa Likod ng mga Salita

ni Isla Elise L. Laxa

ni Franchesca See

ni Ckalista Baldemor

ni Aisha Manginsay

ni Paula Calingasan


01

Sinag / Inilapat ni Sophia Alejandro


KONTRIBUSYON Pauliworld

02


Balita 03

Sinag / Inilapat ni Mieka Laciste


ni Paula Calingasan Sa palapit na Halalan sa 2022 at sa kritikal na kondisyon ng bansa, inabangan ng sambayanang Pilipino ang ika-anim at huling State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26. Inasahan ng marami na hindi lamang tatalakayin ng Pangulo ang kaniyang mga naging tagumpay, ngunit mabigyang pansin din niya ang kaniyang mga naging pagkakamali at pangakong napako. Ibinahagi ng Pangulong Duterte ang kaniyang mga naipatupad, ang mga hamon na kaniyang hinarap, at pasasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya. Saklaw nito ang libreng edukasyon, universal health care, laban sa ilegal na droga at krimen, mga priyoridad na panukalang batas, ugnayan sa ibang bansa, ang ekonomiya at pangkabuhayan ng marami, proteksyon ng mga sundalo at pulis, pagpuri sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at sa iba pang mga opisyal, sa rehabilitasyon ng Marawi, sa ‘hindi masusugpong korupsiyon,’ sa pagsara ng ABS-CBN, at sa kalagayan ng bansa at mga inisyatibong isinagawa laban sa COVID-19. Itinalakay ng Pangulong Duterte ang pagdagdag sa mga pasilidad at ang banta ng bagong Delta Variant. Ika ng Pangulo na “kailangang manaig tayo at hindi maparalisa sa takot pagkabalisa dahil sa banta ng COVID19…. Baka kailangan nalang nating magdasal para sa ating kaligtasan” Ilang sandali lamang makatapos ng kaniyang address, napuno ang iba’t ibang plataporma ng mga ‘fact check’ at opinyon sa ilalim ng #SONA2021. Sa kabila ng kabiguan ng marami, nagdagsaan ang mga paalala at panghihikayat upang magparehistro para sa parating na eleksyon. Importanteng makaboto ng maayos at tama sapagkat lubos na nangangailangan ang Pilipinas ng kaunlaran at pagkakaisa sa pamumuno ng mbubuti at karapat=dapat na mga manunungkulan.

JANNIELYN ANN BIGTAS,GMA News. (2021, July 26). SONA 2021: A quick summary | lifestyle |. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/ content/796889/sona-2021-a-quick-summary/story/ Rappler.com. (2021, August 2). BUOD: State of the nation address 2021 ni pangulong duterte. Rappler. https://www.rappler.com/nation/filipino-language-summaryduterte-sona-2021 Baizas, G. (2021, July 26). Why were netizens dissatisfied with duterte’s final SONA? Rappler. https://www.rappler.com/nation/filipinos-online-reaction-dutertesona-2021

Pauliworld

BALITA

SOURCES:

04


BALITA 05

Sinag / Inilapat ni Frances Angeles


ni Aura Sison

ni Aura Sison Sa pagsampa ng bansa sa huling hakbang tungo sa kawan ng kaligtasan sa sakit o herd immunity, nagtatag ng kanya-kanyang programa sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan upang tiyakin ang maayos na pagpapatakbo nito. Layunin ng programang maabot ng bansa ang herd immunity sa pinakamabilis na paraan upang tuluyang mabawasan ang pagkalat ng sakit at bumaba ang bilang ng mga malalang kaso nito. Bukod sa kanya-kanyang pamimili ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor ng bakuna, nagsisilbing malaking tulong ang mga donasyon nito galing sa Tsina, Amerika, Japan, at UK. Dahil dito, umaabot na ang pagbabakuna sa higit 700,000 na katao araw-araw ngayong Agosto. Sa tulong ng mga priority groups na itinatag ng Kagawaran ng Kalusugan, nailalaan nang maayos ang panustos at nabibigyan ng prayoridad ang mas nangangailangan nito tulad ng mga medical frontliners, mga nakatatanda, mga mamamayang may comorbidities, o mga empleyadong frontliner sa mga mahahalagang sektor. Ngunit, mayroong mga kaakibat na suliranin na pagsasagawa ng programa ng ito tulad ng prosesong pagrehistro online na hindi tiyak na nagagamit ng lahat ng mamamayan sa madaling paraan. Ito ay nagsisilbing hadlang para sa maraming Pilipino na nais magpabakuna. Ang tuluyang pagsasaayos ng programa upang matanggal ang hirap sa proseso at pagpapatuloy ng inokulasyon ay kinakailangan upang makamit ang herd immunity, na makakamit lamang kung mababakunahan na ang pitompung porsyento ng populasyon at ipagpapatuloy ng mga mamamayan ang pagsunod sa mga patakarang pangkalusugan

health protocols para sa kaligtasan. [1] Bonquin, C. (2021, July 13). Covid-19 vaccination: Sourcing the shots that save. cnn. https://cnnphilippines. com/news/2021/7/13/COVID-19-vaccination-Philippines-SONA-Duterte.html.

BALITA

[2] PH records highest single-day 702,013 doses administered. (2021, August 5). Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1149438

Pauliworld

06


modelong Paulipino 07

Sinag / Inilapat ni Mieka Laciste


ni Andie Dalusung

Mula sa ideya na ang pagtatalik, reproduktibong pangkalusugan, at birth control ay nangangailangan ng higit na pagtatalakay, itinatag ang organisasyong Amarela Philippines na pinangungunahan ng kabataan. Sa Pilipinas, ang pagtatalik ay hindi normal na pinaguusapan dahil sa stigmang mayroon ang paksang ito. Dito pumapasok ang Amarela na nagtataguyod ng pagsulong ng sekswal at reproduktibong pangkalusugan. “Ang mga suliranin sa pangangalaga ng sekswal at reproduktibong kalusugan ay hindi nawawala kapag hindi pinaguusapan,” ani ni Sam Veguillas, isa sa mga tagamuno ng Amarela na kabilang ng Batch 2021. Alinsunod sa pananaw na magbigay ng malawakang oportunidad ang mga tao na magkaroon ng kaalaman tungkol sa edukasyong pansekswal, tuloy-tuloy na nagsisikap ang Amarela sa kanilang mga proyekto. Kabilang dito ang paglilikom ng pondo at donation drives na itinatawag na AmaRELIEF kung saan binigyan nila ng kagamitang panregla ang kababaihang nasalanta ng kalamidad. Inilunsad din nila ang webinar series na pinamagatang “Amarela Talks”. Binuksan ito sa publiko at tinalakay ang mga paksa tulad ng mga karapatan ng mga transgender, legalisasyon ng aborsiyon, at pangangalaga ng na umiiral tulad ng paglobo ng populasyon, kawalan ng pagplaplano ng pamilya, at iba pa ay makatutulong sa maayos na pagpapasya tungkol sa ating sarili,” wika ni Sam. Gayunpaman, may mga hamon sa pagpapatakbo ng Amarela. Hindi lahat ay sumasang-ayon sa kanilang adbokasiya, subalit hindi ito hadlang upang makamit ang kanilang mga layunin. Ayon kay Veguillas, ang nararamdaman nila para sa kanilang adbokasiya at ang pagtulong nila sa ibang tao ang nag-uudyok sa kanila upang makapanaig. Ang Amarela ay nagsisilbing pag-asa para sa kababaihan sa Pilipinas. Sa mga Filipina na nais rin lumikha ng pagbabago, hinihikayat kayo ni Sam na umaksyon bagama’t may mga pagsubok. “Sa palagay ko, kung alam mo na ang pagbabago na ginagawa mo ay makatutulong sa mga tao sa kinabukasan, umaksyon ka sa kasalukuyan,” diin ni Sam.

Pauliworld

MODELONG PAULIPINO

reproduktibong kalusugan sa panahon ng pandemya. “Ang pagiging edukado tungkol sa ating katawan at sa mga problema

08


Ang Pag-angat ng Kababaihan para sa Kinabukasan ni Angelene Garcia

Tuwing isinasaad and kababaihan at kinabukasan,

Katuwan ng adbokasya ng ABM track, naniniwala

madalas ay linalagyan ito ng linya ng pagkakaiba, ngunit

ang mga estudyante na walang limitasyon ang kanilang

naniniwala ang Accountancy, Business, and Management

potensyal bilang mga babae para ipayaman ang kulturang

(ABM) track, na ito’y magkaugnay sapagkat ang kababaihan

Pilipino at sustentuhan ang ating mga kapwang Pilipinong

ay isa sa mga susi sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng

negosyante. Dahil dito, ipinagpatuloy nila ang ABM Bazaar

kaligirang at ispasiyong sagana ang kulturang Pilipino.

na pinamagatang na “Kinaadman: Embracing Culture and Identity.” Ito ay naganap noong buwan ng Abril hanggang

Noong buwan ng Marso, binuo ng mga estudyante ang

Mayo sa iba’t ibang plataporma ng social media.

“Femme Forte: Women in Reign,” isang proyekto na nakatuon sa mga kababaihan ng Misereor, General Natividad. “Aking

Ayon kay Camille Castro, ang pinuno ng proyektong

natanto ang kakulangan ng mga produktong pambabae sa

Kinaadman, “Mahirap pamunuan ang aking mga kapwa

mga naninirahan sa Misereor. Malayo ang kanilang tahanan

estudyante sa panahon ng pandemiya. Walang katiyakan

sa siyudad kaya nahihirapan silang lumakbay sa kalagitnaan

sa mga pangyayari kaya kinailangan naming

ng pandemiya,” sabi ni Hannah Castillo, isa sa mga pinuno ng

harapin ang mga hamon sa daan.”

proyekto. Hindi maikakailang ipinakita ng mga Upang makamit nila ang hangarin nilang matulungan

estudyante mula sa ABM track na malugod

ang mga kababaihan ng Misereor, General Natividad, sila

nilang naibigay ang tulong sa kanilang mga kapwa

ay nagbenta ng mga produkto kagaya ng reusable napkins,

babae. Bukod sa pagsuporta nila sa mga lokal na

statement t-shirts, mga pulseras, mask strings, at kwintas.

mga Pilipinong negosyante, natuto silang makiramay

Bukod pa rito, nagbukas sila ng tanggapan para sa nais

sa sitwasyon ng madla sa oras ng matinding kawalan

magbigay ng donasyon. Nagtapos ang proyektong Femme

ng pag-asa. Buong-pusong ibinigay ng mga estudyante

Forte sa isang diskurso hinggil sa pangangalaga ng kalusugan

mula sa ABM track — ang pag-asa at supporta na

at pagsisimula ng iba’t ibang sining na may maaring kita sa

kinakailangan lalo na sa gitna ng isang pandemiya.

panahon ng pademiya.

MODELONG PAULIPINO 09

Sinag / Inilapat ni Louise Sese


WALANG LIMITADO ni Rianna Estacio

Sa pagwakas ng unang taon sa online learning, ipinakita

“Every one of us is capable of exercising our right to

ng A&D strand ng SPCP, na kasama ang tulong ng kanilang

spread the word through various talents.” wika ni A&D 12

mga sponsor, ang mga kagilas-gilas na inisiyatibo at proyekto

Track Representative Arriana Astorga. Pinagpapatuloy niya,

na kinompleto nila sa loob ng bahay lamang.

“A healthier environment will always be a better place to live in.”

Noong Enero hanggang Pebrero, nag-setup ng dalawang proyekto ang A&D 12 para sa kanilang inisiyatibo, “ADhikain”

Inamin rin ni Astorga na noong una, hindi madali ang pag-

na binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aalaga sa

plano nito pero gamit ang tamang iskedyul, komunikasyon, at

kapaligiran ng walang limitado. Binuo nila ang “Maskagana”,

ang sapat na pasensya, natapos nila ang inisiyatibo sa loob ng

isang fundraising proyekto na nagbenta ng face masks ng

limang buwan.

kanilang dinesenyo. Ginamit ang sustainable at biodegradable na materyal sa paggawa ng mga malikhain at eco-friendly

Samantala, ang A&D 11 ay nagdala ng ilaw sa mga

facemasks na iyon. Kumita sila ng P22, 700 at lahat nito

madidilim na panahong ito. Noong Abril, nagtayo ang mga

ay pumunta sa kanilang kapwa pamayanan, St. Paul

estudyante ang donation drive na tawag “PRISM”. Nakalikom

Misereor, General Natividad, Nueva Ecija.

sila ng P2,500 na Gcash para sa mga pamilya ng Misereor.

Ang pangalawang proyekto na kanilang binuo ay ang

Ayon kay Gabby Castillo, A&D 11 Track Representative

“LIKHA”, isang visual protest na tumagal ng limang araw sa

at isa sa mga pinuno ng “PRISM”; “bagama’t malayo tayo sa

A&D Twitter account. Naglayon ito magdala ng kamalayan

isa’t isa ngayong pandemya, ang posibilidad ng pagbabalik

tungkol sa mga problema ng kapaligiran sa mundo ngayon.

[ng kabaitan] at pag-aabot kamay sa mga nangangailangan ng

MODELONG PAULIPINO

tulong ay hindi kailanman mawawala.”

Pauliworld

10


Amare at Buona Salute ni Laurein Mateo

Hindi nagalinlangan ang STEM strand ng SPCP Batch 2021 at 2022 na gumawa ng sariling inisyatibo para maghatid ng serbisyo sa komunidad at magbigay pag-asa sa gitna ng pandemya. Nagsagawa sila ng dalawang proyekto, Amare at Buona Salute, na naglalayong makalikom ng donasyon upang mag-abot ng tulong sa kapwang Pilipino na naghihirap dahil sa kasalukuyang krisis.

“Walang masbubuti pa sa pusong mapagmahal at mapagbigay.” Inihandog ng STEM 2021 ang benefit concert na “Amare: One with Love” noong ika-13 ng Pebrero 2021. Isang kolaborasyon kasama ng Batch 2022, ang pagbuo ng Amare ay naging paraan upang maanyayayahan ang mga miyembro ng pamayanan na ibahagi ang pagmamahal sa lahat, lalo na sa panahon ng paghihirap. Napasaya ng mga tampok na mang-aawit at banda ang mga puso ng tagapanood sa mga matamis at malambing nilang pagharana. Nagsimula ang Amare bilang hangarin na itaguyod ang adbokasiya na protektahan ang dignidad at buhay ng tao; kaya, ang napiling tema para sa proyektong ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Naging batayan din ang kanilang adbokasiya sa pagpili ng benepisyaryo na ang St. Arnold Jansen’s Kalinga Center, isang organisasyon na nakatuon sa pag-aalaga at baguhin nang unti-unti ang mga buhay ng mga mahihirap ng Maynila. Sa kabuuoan, nakalikom ng P36,771 ang Amare para sa donasyon, higit pa sa nilalayong P25,000 na itinakda ng grupo.

Pagtataguyod sa kahalagahan ng mabuting kalusugan

MODELONG PAULIPINO 11

Sa pagtatapos ng taon, inihandog din ng STEM 2022 ang “Buona Salute: A Way to Good Health” noong Abril 1-26 upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino na maging handa at paunlarin ang agarang pagtugon para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Gamit ang mga donasyon, nag-abot ng first-aid kits at ibang mga pangunahing pangangailangan ang grupo. Nagsagawa rin ng isang talakayan upang magbigay kaalaman tungkol sa COVID-19---paano makaiwas at ano-anong gagawin kung sakaling makuha ang sakit na ito. Ang benepisyaryo ng Buona Salute ay isang komunidad sa Nueva Ecija. Ang pangunahing layunin ng proyekto ay paunlarin ang kakayahan ng mga pamilya rito na makamit at mapanatili ang mabuting kalusugan sa pamamagitan ng sapat na kaalaman at pagbigay ng maayos kagamitan. Sa kabuoan, nakalikom ng P8,070 ang proyektong ito. Kahit hindi umabot sa inaasam na halaga ng grupo, sinabi ni Grade 12 STEM Representative Alea Olores na lubos silang nagganyak nang nakita ang pagpapasalamat ng mga pamilya sa tulong na ibinigay ng Buona Salute.

Sinag / Inilapat ni Anya Imbuido


Ang Mga Inisyatibong Panghustisya at Kapayapaan ng HUMSS 2021 ni Paula Calingasan

Isang dedikadong taong lubos na makabayanihan at walang takot na ipinaglalaban ang kanyang pinaniniwalaan. Isang Modelong Paulipino. Sa panahon ngayon ng pandemiya, higit na nangangailangan ng hustisya at kapayapaan ang sambayanang Pilipino, dalawang bagay na sa simula pa lamang ay itinataguyod na ng track ng Humanities and Social Sciences (HUMSS). Alin lamang sa mga dakilang “Modelong Paulipino” ngayon ay sina Jana Torres at Mary Apuhin, ang mga Track Representative ng HUMSS 11 at 12.

Samantala, noong Abril ng 2021, naisagawa ang Alpas: Pagtuklas ng Kaalaman, Patungo sa Kapayapaan, isang podcast na naghangad na mabigyan ng tulong at pagkilala ang KARAPATAN, isang alyansang nagtataguyod para sa mga karapatang pantao. Sa pamumuno ni Mary Apuhin at pagpapatupad ng HUMSS 12, hinihikayat ng proyektong ito na magsalita at tumulong ang lahat para sa pag-unlad at pagkakabuklod ng Pilipinas. Malaking karangalan rin ng HUMSS 12 na maitampok sina Atty. Chel Diokno at Philip Jamilla, isang kinatawan ng KARAPATAN sa podcast na ito. Kakaiba ang lakas na taglay ng kabataan para sa kinabukasan. Ang Alpas at Project Alon ay nagsisilbing tulak para sa progreso ng HUMSS at ng mga proyekto nito sa mga susunod na taon. Nais nina Jana at Mary, maging na rin ng buong HUMSS 11 at 12, na mas malayo pang mga lugar at mas marami pang mga Pilipino ang maabot at matulungan ng HUMSS.

Pauliworld

MODELONG PAULIPINO

Mula Pebrero hanggang Mayo ng 2021, ang buong HUMSS 11, sa pamumuno ni Jana Torres ay nakilahok sa pagplano at pagpapatupad ng Project Alon. Isinagawa ng proyekto upang makapaglikom ng pondo para sa mga tao ng Misereor, General Natividad. Dahil sa kakulangan ng ayuda at tulong mula sa gobyerno, ang kanilang tubig na pang-inom, panglinis, at panghugas ay matagal nang nakompromiso. Gayunpaman, naging hangarin ng HUMSS 11 na ayusin ang kanilang panustos ng tubig at mapabuti ang kanilang paraan ng pamumuhay sa gitna ng mahirap na panahon na ito.

12


ni Francesca See

KONTRIBUSYON 13

Sinag / Inilapat ni Natasha Allenby


Kasakiman nasa puso Pinupuri kahit tuso Lahat nasa kanyang panig Ng mga matang nakatitig Tila kakaibang tao Anino binubuo Bahag ang kanyang buntot Masaya basta’t sangkot Nais niya’y mabilang Sa mundong ginagalawan Ngunit paano magiging tapat? Kung tapang ay hindi sapat Huwag maging taong maitim ang budhi Kung ayaw mo ika’y magsisi Mahalagang sarili ay makilala Upang ika’y maging masaya Itaga sa bato totoong ikaw Puso’t damdamin nagsusumigaw Ang ating buhay ay maikli lamang

KONTRIBUSYON

Sariling tunay isaalang-alang

Pauliworld

14


Tampok 15

Sinag / Inilapat ni Mieka Laciste


Ni: Uzziel A. Camacho

Mahusay na mga bida, maparaang balangkas. Kung isa itong pelikula, tiyak ubos na ang tiket sa haba ng pila. Ganito kung ilalarawan ang naging tugon ng karamihan sa inilabas na mga komersyal ng RC Cola noong nakalipas na mga buwan. Kaakibat nito ang samot-saring opinyon at emosyon na lumaganap sa ibat-ibang plataporma. Sa mga nagdaang taon ng Pilipinong komersyal, malawak at direkta ang mga paksang inilalahad sa madla. Ang mga ito ay sumusunod sa mga patakarang inilatag sa kanila kung kaya’t mahihimigang may pagkakahalintulad sa iba. Ngunit sa kaso ngayon, hindi direkta ang paksa, samahan pa ng kakatwang eksibisyon kung kaya’t mabilis na kumalat at naging trending lalo na sa mga kabataan. Umikot ang tema ng mga komersyal sa salitang basta, dahil ang henerasyon ngayon ay mas malaya kung kaya’t mas malawak din ang kapasidad ng ating utak na lumikha at paunlarin ang depinasyon ng ating sining. “The art of now” ang katagang sumasalamin sa gawain ng mga Pilipino dahil sa sentimentong hindi kailangang pakahulugan ang mga bagay-bagay na ating ginagawa sa pang araw-araw sapagkat kumikilos ang ating katawan base sa kagustuhan at pinaniniwalaan nito ngunit naroon pa rin ang kagustuhang makipag-ugnayan sa kapwa, resulta ng mataas na presensya ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya na siya namang nakaapekto sa tradisyunal na anyo ng media. Sa ganitong paraan ay nahihikayat tayong pahalagahan ang salitang “ngayon”. Sa ating kinakaharap na pagsubok ay napagtagumpayan ng RC Cola na ilagay tayo sa isang espasyo kung saan hindi alintana ang problemang mayroon ang bansa upang maipalamas na lahat ng ideya ay balido at katanggap-tanggap. Naipakita ito nang maraming memes at tweets na kumalat dahil madalas ay ginagamit ito bilang kasangkapan ng pagpapahayag ng kanilang mga pananaw sa mga seryosong isyu gamit ang isang nakakatawang paraan. Kumatawan ito upang ang lahat ay uudyok sa atin upang pakahalagahan ang “ako” at sariling koneksyon sa iba. Kagulat-gulat at kataka-taka man ang mga lumabas na komersyal, naitaguyod parin ang isang tema—relasyon sa kapwa. Katulong ang media, ipinakita nito ang likas na katangian ng sangkatauhan— ang sapat na katapangang sumubok at ang pagkamalikhain sa anumang paraan na siya namang nagbibigay sulyap sa kayamanan at natatanging kulturang Pilipino.

Pauliworld

TAMPOK

maging bahagi at mapabilang sa komunidad kung saan malayang maipakita ang ating pagiging patawa at mga talento na nag-

16


ni Mikayla Sanchez COVID-19. Limang letra at dalawang numero ngunit milyon-

Dito ipinamalas ng COVID-19 ang kakulangan sa kalidad

milyong buhay ang kanyang nakain sa inuunti-unting kagat. Sa tulis

ng edukasyon sa Pilipinas. Isang scroll lang sa social media ay

ng kanyang mga ngipin ay nasagip na rin ang mga estudyanteng

bubungad na agad ang libo-libong problema tungkol dito: mga

malaki ang mga pangarap. Dahil dito, napilitang sumailalim sa

post ng mga guro at estudyanteng nanghihingi ng pera para

online set-up ang mga paaralan o sa tinatawag nilang “pandemic

sa online set-up, at mga post ng mga estudyanteng umiiyak

schooling.”

sa talakasan ng mga kailangang gawin. Iilan lamang ito sa mga

Ang “pandemic schooling” ay ang bagong pamamaraan ng edukasyon, hindi lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Sa

nakatago.

kagamitan ng mga modyul at makabagong teknolohiya, ito ang

Sa pagtapak ng pagkaka-isang taong simula nung itinupad

kinikilalang bagong henerasyon ng pag-aaral. Ngunit, maraming

ang online set-up, kalat-kalat ang mga opinyon ng nakarami sa

problemang tumindig nang ipinatupad ito noong nakaraang

“open the schools” at hybrid learning o face-to-face classes.

taon. Iilan lang sa mga problema na umiiral sa online set-up ay

Lahat naman ay nais nang bumalik sa nakasanayan dahil ang

ang sumusunod: mahinang koneksyon sa internet at kalinawan

pagkawalang katiyakan ng sitwasyon ay ang humihila sa atin

ng audio, nagloloko at nagkukulang na kagamitan at software, at

pababa, kaya’t maraming mga guro at estudyante ang nagnanais

kagipitan ng pera upang bumili ng mga materyales na kinakailangan

ibuksan na muli ang mga paaralan. Ngunit, marami rin ang

sa klase.

tumututol dito, sapagkat sa laki ng kagustuhan na bumalik sa

Dulot ng mga naisaad, bumuga ang maraming negatibong epekto. Ang mental health ng mga estudyante at guro ay naapektuhan dahil sa pressure at stress na kanilang nararamdaman. Marami ang wala nang gana pumasok sa klase dahil napapagod humarap sa isang screen na hindi kasama ang mga kakalase ng harap-harapan. Sa iba namang tao, ang pera na pambili ng bigas ay naisasantabi dahil kailangan ng load para sa kanyang klase. Ang 100 pesos na pambili ng bigas ay nalalaan sa 100 peso promo load.

Development o ang OECD, dahil sa pandemya ay 1.7 bilyong mga bata at ang kanikanilang

mga

pamilya

dati ang lahat, tumitimbang pa rin ang mga problema. Mas tumitimbang ang bigat ng pagkalat ng I at ang iba’t ibang variant na dali nito. Kung ipatutupad man ang face-to-face classes, dapat siguradong handa na ang lahat. Sapat na ang bakuna sa mga bata, mga guro, at iba pang mga kawani. Kung bubuksan ang mga paaralan, ay dapat buksan ang mga mata sa sitwasyon at buksan ang tainga sa pakikinig. Hangga’t makabalik tayo sa makalumang nakasanayan, kinakailangan nating gumawa ng mga paraan upang mamuhay

Mula sa Organization for Economic Cooperation and

ang

naapektuhan sa proseso ng kanilang pag-aaral. Ang mga nagiging tanong ay: praktikal

kasama ang virus, imbis na layuan lang ang sitwasyon. Tamang alokasyon ng mga pondo para sa edukasyon, likas na pagsustento sa mga mag-aaral at guro ng mga kagamitang kinakailangan

sa

klase,

at

pakikinig sa mga nais na sabihin ay iilan sa mga paraan upang

o ideal lamang ang patuloy na

matulungan ang isa’t isa sa

pagtupad ng online set-up?

sitwasyon ngayon.

Praktikal ba ang pagsasagawa nito o ideal kakayahan at koneksyon sa lipunan? Labanan ba ito ng virus o

TAMPOK

ng pribiliheyp?

17

problema na makikita, ngunit marami ring mga problema ang

“Prevention

better

than cure,” ika nga nila. Kaya’t kung hindi man aalis ang virus, ay dapat ‘di rin nating alisin ang isang kinabukasan na maayos din ang lahat.

Sinag / Inilapat ni Cristina Albarracin

is


Mga Hardinero ng Kulturang Pilipino ni Patricia Angela E. Balinong

Alam niyo ba? Nasa loob ng tahanan ng mga Paulinian masisilayan ang isang komunidad ng mga hardinerong walang pagod na nagpapakahirap na alagaan, patatagin, at palakasin pa lalo ang halamang taglay ang yaman ng ating bansa—ang halaman ay walang iba kundi ang ating kultura. Sa pagpasok ng paaralan makikilala ang isang komunidad na walang sawang pinahahalagahan ang kagandahan ng ating kulturang Pilipino— mapa pagdiriwang man, grupo o proyekto at kahit mga aralin tiyak na inuugnay ng SPCP ang ating kultura dito Ang SPCP ay tapos pusong nagbibigay ng mga pampataba sa ating kultura at patuloy itong inaalagan sa maraming paraan. Isa na dito ang asignaturang Integrating the Elements and Principles of Organization in the Arts (IEPOA) na nakalaan para sa mga aralin tungkol sa ating mga katutubong sining. Dito pinapagaralan ng mga kasapi ng Arts and Design Strand ang mga katutubong kwento, kanta, sining, at alamat ng ating bansa. Sila rin ay inaatasan gumawa ng makabuluhang proyekto na nakapokus sa pag-upcycle ng mga bagay sa kani-kanilang bahay at pag-disenyo nito ayon sa napili nilang katutubong paksa. Nakakabilib hindi ba? Alam niyo rin bang noong wala pang pandemya mayroong isang kapansin pansin na proyekto ang mga mag-aaral ng HUMSS? Ito ang Baybayin workshop. Sa workshop na ito, hindi lamang natututo ang mga mag-aaral na magsulat ng baybayin, natututo rin silang pahalagahan ang ating katutubong pagsusulat sa kritikal na panahon kung saan unti-unti na itong naglalaho. Ang maingat na pag ikot ng baso sa kanilang mga kamay, ang mga elegante galaw, at ang pagsayaw sa iba’t ibang musika ng bansa. Nakikilala niyo ba sila? Sila ang Cultural Dance Troupe ng SPCP, mga tagapagtatag ng ating kultura sa pamamagitan ng pagtugtog at pagsayaw. Dito natututo ang mga miyembro ng mga katutubong sayaw tulad na lamang ng sua-ku-sua, at polka sa nayon, natututo rin silang tumugtog ng mga katutubong instrumento tulad na lamang ng kulintang at dabakan. Mayroon ding pagdiriwang sa SPCP na nagaganap sa buwan ng Agostong higit na inaabangan ng buong komunidad ng SPCP, mapaonline set up man o hindi. Ito ay ang buwan ng wika kung saan ipinagdidiriwang ang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng paggunita sa ng mga pambansang laro, pananamit, at tradisyon na unti-unti nang naglaho dahil sa modernong mundo ngayon. Dahil sa malugod na pagdiriwang ng SPCP sa buwan ng wika— sa paggamit man ng interaktibong mga post ngayong pandemya o pagdiriwang ng Laro ng Lahi noong COVID-19 ay wala pa— nagliliyab ang mga pusong Pilipino at muli, namumulat tayo sa kagandahan ng ating pagkakakilanlan at sa kulturang sariling atin.

TAMPOK

Sa mga gawaing ito lubos na napatatatag ng komunidad ng SPCP ang ating kultura? Namumulat muli tayo sa kagandahan nito at

lalo natin napapalalim ang ugat ng kulturang Pilipino sa ating kasaysayan. Tayo rin ay nakakatulong sa matatag nitong paglago sa lupang marahil sabi ng iba’y tuyo na. Hanggang sa huli, papangalagaan ng komunidad ang hardin na may halamang tayo lamang sa buong mundo

ang mayroon, ang halamang tayo lamang ang maaaring mag-alaga, ang halamang tayo lamang ang maaaring magpatatag, ang halaman ng kulturang Pilipino.

Pauliworld

18


ni Tiffany Cosue

“Ayan na ang mga Reyna Elena!” Ang kapaligiran ay

Ayon kay Marlou Parro, lider ng youth council na nagplano ng

puno ng tunog ng kampana at sapatos na umaapak sa kalmadong

pageant, ay naglapat sila ng patakaran na dapat ‘purely home-

bilis. Hawak ang mga rosaryo at bibliya, nagsigalawan ang madla

made’ ang mga materyales na gagamitin sa disenyo upang

habang hinahangaan ang mga nasa prusisyon. Maraming mga

mabawasan ang gastos sa paggawa.

pista at rehiliyosong pagdiriwang ang ating naging kasanayan bilang mga Pilipino. Para naman sa ating Muslim na komunidad,

Sa mga lugar ng kapistahan tulad ng Baguio City o ang inang

ang Eid al-Fitr ay isang mahalagang pagdiriwang at pagsasalamat

bayan ng Panagbenga, nakahanap ng solusyon ang Baguio Flower

kay Allah dahil sa isang matagumpay na Ramadan.

Festival Foundation Inc. at ang Department of Foreign Affairs. Mapapanuod dito ang buod ng kanilang online Panagbenga. Isa

Malakas ang mga hiyaw at tugtugin sa iba’t-ibang pista tulad ng Sinulog, MassKara at Panagbenga. Ang mga pananamit

sa mga aktibidad na hinanda para sa mga bisita at madla ay ang “flower-making,” bilang paggalang sa diwa ng Panagbenga.

at kagamitan sa pagdiriwang ay naging sagisag ng tunay na talentong Pilipino. Gayundin ang mga malalaking ngiti at diwa na ipinapadamdam ng mga masiglang mamamayan.

Maliban sa mga pista, isa sa mga tradisyonal na pagdiriwang ay ang pagtatapos ng isang miyembro ng pamilya ng highschool o kolehiyo. Marahil sa mga aralin ng mga magulang ay ang

Ngayon, kitang-kita pa rin ang mga ngiting ito, bagama’t

kahalagahan ng edukasyon at pag-aaral ng mabuti. Nais ng isang

sa isang livestreaming o kaya naman sa isang YouTube video. Sa

magulang na makita ang anak na masipag at may awa sa kanyang

pagdating ng pinsalang COVID-19 sa bansa, maraming pista at

kinabukasan. Dala ng pandemya ang online school sa bansa, at

pambansang pagdaraos ang napilitang magbago ng paraan ng

dito nagsimula ang bagong kurikulum para sa mga mag-aaral

pagdiriwang.

at guro. Bunga nito ang “online graduation,” kung saan ipinakita ang mga pangalan at pormal na larawan ng mga magtatapos sa

‘Share, Like, at React’ ang pumalit sa mga kaugalian na

isang mahabang bideo. Sabay-sabay nanubuod ang mga pamilya

ipinapamalas ng masa. Kung dati ay nakikita mo ang buong eksena

at pagkatapos naman ay kakain ng simpleng handaan sa sari-

sa anumang direksyong pagtuunan mo, ngayon ay nakikita ang

sariling pamamahay.

lahat sa isang screen o Zoom call. Malaki man ang epekto ng COVID-19 sa bansa natin, Gayunman, sa tulong ng lokal na gobyerno at pagtutulungan

malinaw pa rin ang layunin ng diwang Pilipino. Hindi nagbabago

ng miyembro ng komunidad, ang mga pagdiriwang katulad ng Flores

ang diwang ito, at hahanap tayo ng paraan upang ipasigla ito.

de Mayo at Santacruzan ay binigyang buhay sa pisikal na kaligiran.

Bagama’t ito ay nasa selpon o telebisyon, nasa puso natin ang

Ito ay sumisimbolo sa respeto na mayroon ang mamamayan sa

dalisay at tunay na pagkakakilanlan bilang miyembro ng isang

mga nakasanayan sa paglipas ng taon. Napakayaman ng kultura at

maganda at mayamang komunidad sa kultura at tradisyon. Ang

tradisyon ng ating bansa, kaya naman mabigat ang pakiramdam

komunidad na ating bukas-loob na ipagmamalaki, ngayon, bukas,

bunga ng epekto ng pandemya sa pagdiriwang nito.

at nang walang hanggan.

Sa nakaraang taon, may hindandang ‘online pageant’ na bukas sa publiko bilang pagdaraos ng Santacruzan. Nagsilbing malaking tulong ang progamang ito sa mga tagagawa ng mga

TAMPOK

damit at make-up na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

19

[1] Regalado, Francesca. Filipinos keep religious fiestas alive under lockdown. Nikkei Asia. (June 26, 2020). Retrieved, https://asia.nikkei.com/Life-Arts/Life/Filipinos-keepreligious-fiestas-alive-under-lockdown [2] Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines. Fiesta Filipinas: Panagbenga Festival. (March 5, 2021). Retrieved, https://fb.watch/7jM37PWo5C/

Sinag / Inilapat ni Alexa Bentilanon


TAMPOK Pauliworld

20


Huwad na Demokrasya

Iiwang Pamana ni Duterte Ni Loreiz Abanes

Pangakong sagana, dusa at pasakit pala. Isang

pamumunong

nakabatay

sa

kaharasan

at

pananakot. Iyan ang kabuuang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Duterte. Bukod sa palpak na pagtugon sa pandemya ng COVID-19, laganap na korapsyon at mararahas na retorika, ang panunupil sa malayang pamamahayag at mga extra-judicial killings ang iiwang tatak ng kanyang administrasyon. Naghihingalong demokrasya ang dinaranas ng bansa bunga ng pang-aabuso sa kapangyarihan, ang malawak na kontrol ng pulis at militar sa gobyerno, at pagsikil sa mga kritiko. Hindi maitatanggi ang malubhang pagpapabaya ng administrasyong Duterte sa soberanya at mga demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino. Malinaw na ang pamamalakad ni Pangulong Duterte ay nakasentro sa mga kapulisan at militar dahil sa labis na kapangyarihang ibinibigay sa kanila. Mapapansing maraming sangay at ahensya ng gobyerno ang pinangangasiwaan ng mga pulis o militar. Kasalukuyang 12 miyembrong retiradong militar ang nasa gabinete. Mga retiradong heneral ang siyang mga nakaupo sa mahahalagang puwesto katulad ng task force sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19. Ang pulisya ang inatasang mamuno sa madugong giyera laban sa droga na nagresulta sa libo-libong extra-judicial killings. Ayon sa Commission on Human Rights, naniniwala silang maaaring aabot sa 27,000 ang bilang ng naging biktima nito. Ipinagwalang-bahala ng gobyerno ang tamang proseso ng batas o due process na isang pangunahing katangian ng demokrasya. Naging abusado ang kapulisan sa pagpapatupad ng batas at malakas ang loob nila sapagkat suportado sila ng pangulo. Katulad ng patakaran sa kampanya laban sa droga, “shoot them dead” and utos ng pangulo sa pulisya at militar na gawin para sa mga lumalabag sa quarantine. Sabi ng ilan na isa lamang ito sa mga retorikang pananalita ng presidente subalit hindi ito naging hadlang sa maraming kasong naitala ng pang-aabuso ng pulisya at militar ngayong pandemya. Ang mga tiwaling pulis ay namihasa sa pagmamalupit sa mga sibilyan at karamihan sa kanila ay hindi napaparusahan. Mahina na ang kapasidad sa pagbabantay at pagbatikos sa gobyerno dahil sa mga sistematiko at agresibong pag-atake ng pamahalaan sa mga oposisyon, hudikatura, at midya. Simula ng maupo sa puwesto si Pangulong Duterte ay 61 hukom na ang pinaslang habang mahigit 100 naman ang naitalang insidente ng pag-atake sa mga taga-midya. Kabilang sa mga kasong ito ang 19 na mamamahayag na pinatay. Isa ring banta sa mga kritiko ang pagsasabatas ng Anti-Terror Law na nagpalawak sa depinisyon ng terorismo. Marami na ang ni-red tag, inakusahang komunista, inaresto, at may ilang mga aktibistang pinatay simula ng maipatupad ang batas na ito. Ang pagsasara ng ABS-CBN at pagsasabatas ng Anti-Terror Law ay isang malaking dagok sa malayang pamamahayag. Ang panggigipit sa paghahatid ng mahahalaga at makatotohanang impormasyon at kaalaman sa mamamayan ay napalala pa ng pagpapakalat ng mga pekeng balita at mga propaganda ng “Duterte trolls” na nakasisira sa pananaw ng publiko. Ito ang uri ng demokrasyang pamana ng pamahalaang Duterte. Puno ng pagpatay, pananahimik, kapabayaan, at kultura ng kawalan ng katarungan. Nakalulungkot na isiping ganito na ang kalagayan ng bansa -- malayongmalayo sa kanyang mga ipinangako.

Sa darating na eleksyon, nasa kamay ng mamamayan ang desisyon para sa pagbabago. Maging mapagmatiyag at makilahok sa paghahangad ng magandang kinabukasan ng bansa. Bigyang wakas ang pagyurak at pagbalewala sa demokrasya. Antonio, R. (2021, February). Duterte praises 12 ex-military men in Cabinet. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2021/02/24/duterte-praises-12-ex-military-men-in-cabinet/ Conde, C. H. (2021, March). Record High Killing of Philippine Lawyers. Human Rights Watch. https://www.hrw.org/news/2021/03/15/record-high-killing-philippine-lawyers Robertson P. (2020, Aug). Two More Philippine Activists Murdered. Human Rights Watch. https:// www.hrw.org/news/2020/08/18/two-more-philippine-activists-murdered

TAMPOK 21

State agents linked to over 100 attacks, threats against PH media under Duterte admin. (2021, May). Philippine Center for Investigative Journalism. https://pcij.org/blog/1105/state-agents-linked-to-over100-attacks-threats-against-ph-media-under-duterte-admin Tomacruz, S. (2020, April). ‘Shoot them dead’: Duterte orders troops to kill quarantine violators. Rappler. https://www. rappler.com/nation/duterte-orders-troops-shootkill-coronavirus-quarantine-violators

Sinag / Inilapat ni Grizz Imbao


Hala, Halalan na! Ni Janina Esteban Ilang buwan na lang ang natitira at ang isa sa mga importanteng kaganapan sa taong 2022 ay nalalapit na. Ang mga iba’t-ibang materyales na gagamitin sa maligalig na pangangampanya ang Magpalibot muli sa bawat sulok at pader ng mga establisyemento.

Parating na ang Halalan 2022! Ang mga nasa legal ng edad ay mabibigyan ng pagkakataon upang makapili ng mga magiging pinuno sa susunod na anim (6) na taon. Naiiba ito sa mga nakaraang halalan sapagkat ito ay maaring mangyari ang nasyonal at lokal na eleksyon sa kalagitnaan ng pandemiya. Sa mga panuntunan na iiral para sa eleksyon, dapat tayo ay maging mapanuri sapagkat hindi lang sa mga panuntunan tayo maghanda kundi sa mga nararating din na mga suliranin na tatahakin sa bagong paraan ng halalan sa susunod na taon. Isa sa mga kaunaunahang problema ay kung ipalaganap ang eleksyon online: mismong taong bayan na ang nagsasabi sa maaaring kahinatnan ng buong botohan kung isasagawa ito online. Magkakaroon ng awang sa mga taong may alam sa pagboto gamit ang internet at ang mga taong nanatiling papel at

Ni Rilloraza

lapis pa rin. Isa pa sa mga problema ang pagkawalang-kilos ng internet (latency) sa bansa. Kasabay nito, hindi pa alam ang patutunguhan ng eleksyon dahil sa ngayon, marami pa rin ang pwedeng mangyari sa bansa. Ayon sa isang podcast episode ng Rappler kung saan ay tinahak ng mga patnugot, manunulat at mga ulat ang mga posibleng problema na tatahakin sa Halalan 2022. “Darating ang 2022 na

uncertain ang mga bagay-bagay and we don’t want that to happen. Kasi if many things are uncertain, people might be discouraged to exercise their right to vote.” ani ni Dwight De Leon, isa sa mga Rapper Comelec reporter. Hindi lang limitado ang mga problema sa mismong botohan kundi pagkatapos nito. Ang bagong administrasyon na haharap sa bansang pilit na bumabangon sa hatid na malubhang sakuna ng pandemiya. Isa lamang ang COVID na hinaharap natin sa mas malalaking suliranin na tatahakin ng mga nanalong pinuno. Nakatala sa ulat ng Philippine Star noong Abril 20, 2021 - tungkol sa mga kritikal na isyu sa parating na halalan, “Kasama dito ang patuloy na war on drugs, encroachment of territories at ang pagbubuhat ng ekonomiya ng

bansa sa mga susunod na taon.” Sa ngayon ay wala pang opisyal na programa ngunit para sa mga kandidato, ito ay kasama na sa mga platapormang ihahandog nila sa oras ng kampanyahan. Bilang mga kabataang na tinuturing na pag-asa ng bayan, mas maganda kung pag-aaralan natin ang mga nakahilerang kandidato. Tanungin natin ang sarili natin kung ano ba talaga ang kanilang paksa para sa bansa, paano nila ito makakamit, mismong paraan para sa layunin na nakalahad. Iwasan nating maakit sa mga palabas at mapakinabangan ang pusong mapang-awa ng mga Pilipino. Kailangan natin alalahanin na ang eleksyon na ito ay maituturing na isa sa mga kaganapan na pwedeng magbago sa pamamaraan ng pamamalakad sa Pilipinas.

TAMPOK

Maging mausisa at linawin ang ating opiniyon sa parating na Halalan 2022. Ika nga ng mga netizens, “Vote smarter next time.”

Pauliworld

22


ni Ckalista Baldemor

KONTRIBUSYON 29

Sinag / Inilapat ni Natasha Allenby


Ang aking mundong palaging talo, Binago mo kahit sandali. Pinaramdam mo sa akin na ako’y panalo, Mga alapaap iyong pinawi nang saglit. Nais kitang abutin, Na madama ang iyong sigla at ningning, Na tila ikaw ang nag-iisang kalutusan Sa mundong suklob ng sakim. Sa bawat ilaw na maaari kong masaksihan, Sa bawat kalumbayan na aking tatakbuhan, Hangad ko lamang na sa’yo humantong Ang aking litaw na daanan. Patuloy mong inihahambing ang iyong sarili sa iba, Ngunit ikaw ang natatanging ilaw, Ang marilag na sinag, Na palaging nakagapos sa aking mga mata. Ikaw ang natitiyak sa isang libong duda, Ang iyong kislap ay umaakay sa mababagsik na simula, Nagbibigay saysay sa walang katuturan na bagay,

KONTRIBUSYON

Ikaw ang natatanging liwanag sa aking lagim na buhay.

Pauliworld

30


ni Aisha Manginsay

“Sino ka?”

Isang simpleng katanungan, Upang ika’y kilalanin. Maaaring sagot ay propesyon, O simpleng ang iyong ngalan.

“Sino ka?”

Isang katanungan, Mas mahirap pa sa sipnayan; Oras ang kalaban, Sa paghanap ng kasagutan.

KONTRIBUSYON 31

Sinag / Inilapat ni Alexa Bentilanon


O kay hirap ilarawan, Sariling mga katangian. Aking pagkatao, Para sa aki’y kay labo.

Kilalanin ang isang tao, Di lalampas ng ilang minuto. Sa mga paniniwala’y magkasundo, Napagkakatiwalaan sa mga sikreto.

KONTRIBUSYON

Ngunit itong nakikita sa salamin, Tila ang hirap basahin. Imaheng ito’y mahigpit na yakapin, Bago sa hangin ito’y tangayin.

Pauliworld

32


Kinabukasan Ng Pelikulang Pilipino ni Aisha Manginsay

“Hindi na ako bata,” ang linyang tumatak sa mga

pangmasa, nailahad nito ng mahusay ang nais nitong

manonood ng “Fan Girl”, isa sa sampung pelikulang sumabak

maiparating. Napapanahon ngayon ang pag-iidolo sa

sa ika-46 na Metro Manila Film Festival (MMFF) na

mga artista sa kadahilanang habang nakatuon ang

naganap simula Disyembre 25, 2020 hanggang Enero 7,

buong atensyon sa mga iniidolo, nakawawala tayo sa

2021. Habang tumatagal, ang mga pelikula sa MMFF ay mas

realidad ng buhay. Ito ang katotohanan sa karamihan ng

nagiging bukas sa iba’t ibang paksa na sumasalamin sa patuloy

kabataan at iba’y nakalilimutan ang limitasyon ng pagiging

na pagbabagong nagaganap sa ating lipunan.

“fan girl/boy” na siyang pinagtuunan ng pansin sa buong pelikula. Bukod dito, mula simula hanggang dulo, inilarawan sa iba’t ibang paraan na higit na nakatataas ang mga lalaki

Sa lahat ng mga gawang inilahad, hindi mapagkakaila ang pagpupunyagi ng bawat kasapi sa proyekto, ngunit iilan lamang sa mga ito ang nagpakita ng tunay na kalagayan ng ating kasalukuyan. Unang-una ang pelikulang “The Boy Foretold The Stars” na nasa temang Boys’ Love na noong mga nakaraang taon ay bibihira at kadalasa’y hindi katanggap-tanggap sa publiko, ngunit ngayo’y nabibigyan na ng pagkakataon. Ipinakita nito ang katotohanan ng isang lalaking may gusto sa kapwa lalaki at kanilang mga dinaranas para lamang matanggap sa ating lipunan. May magandang rason naman kung bakit ang pelikulang “Fan Girl” ay humakot ng mga parangal. Bagaman ito’y hindi pelikulang

kumpara sa babae, isang pag-iisip na patuloy na nilalabanan ng ating lipunan. Sa kabilang banda, may iilang mga pelikula naman ang naging hadlang sa hinahangad na magandang pagbabago sa ating lipunan. Ang mga pelikulang “Mang Kepweng: Ang lihim ng bandanang itim” at “Pakboys Takusa” ay parehas na pinagbidahan ng mga sikat na artistang patuloy nagbibigay kasiyahan sa nakararami at ang kanilang mga pelikula ay sinusubaybayan ng masa. Ngunit tayo’y nasa panahong inaasahan na mas maging sensitibo sa mga salita sapagkat natutunan na natin ang bigat at epekto ng bawat salitang binibigkas, at sa mga pelikulang iyon, marami pa rin ang kanilang natamaan na salungat sa layunin nilang magbigay kasiyahan. Iba’t ibang tauhan ang kumatawan sa sari-saring istoryang hangad magsilbing kasiyahan, aral, at inspirasyon sa mga manonood. Nang dahil sa mga ito, nabibigyan ng panibagong perspektibo ang mga manonood, at nagbibigay rin ng magandang pangitain na ang mundo ng pelikulang Pilipino

TAMPOK

ay patuloy na humuhusay.

33

Sinag / Inilapat ni Tyrelle Tebangin


Pangdaigdigang Musika ni Liah Abad

Ang mga Pilipino ay tunay na malikhain at may taglay na

dahil ito ay bago lamang para sa atin. Ngunit, dahil sa kanilang

maraming talento. Tayo rin ay kilala bilang mga mahuhusay na

pagsusumikap, paunti-unti nilang nakukuha ang atensyon ng

mang-aawit dahil sa ating malawak na saklaw sa mga tuntunin

mga tao. Ang Ppop, tulad ng Kpop ay mayroong mga kantang

ng musika. Habang tumatagal, hindi hamak na marami tayong

sinasabayaan ng mga masisiglang koreograpia kaya’t sadyang

mga bagay na sinisayasat upang bumuo ng bagong tugtugin at

hindi ito isang biro lamang at kinakailangan ng matinding

sa paglipas ng panahon, mas naipalalago natin ang ating iba’t-

pagsasanay. Madali mang sabihin, ngunit mahirap talaga itong

ibang mga kasanayan sa mga awiting Pilipino. Sa kasalukuyang

gawin kaya’t tunay na bunga ng sakripisyo at pagsasanay ay

panahon, hindi maitatanggi ang laki ng epekto at impluwensya

tagumpay.

ng musika mula sa iba’t-ibang mga bansa at sa katunayan, lalo na ang Korean Pop o ang tinatawag na Kpop. Madalas ay makaririnig ka na ng tugtugin ng Kpop kahit saang lugar ka man mapunta kaya’t isa itong patunay na ang musika, ano man ang kategorya, uri, o wika, ay para sa lahat. Dahil sa tinatawag na Hallyu Wave, nagkaroon tayo ng inspirasyon na gumawa ng ating sariling estilo gamit naman ang ating sariling wika at kakayahan, patuloy na pagpapatunay na kahanga-hanga talaga ang talentong Pilipino.

Ngayon naman, patuloy na nadadagdagan ang mga Pinoy Pop na grupo tulad ng BINI, BGYO, pati na rin ang Alamat. Kahanga-hanga dahil sa pagdaan ng oras ay patuloy silang sumisikat at maraming tao ang natutuwa sa kanila. Hindi man katulad ng Ppop ang mga kilalang mang-aawit tulad nina Sarah Geronimo, Gary Valenciano, o Moira Dela Torre, ang bawat tipo ng musika ay mayroong sariling estilo, hindi nililimitahan ang nais nitong maipahayag o maiparating sa iba’t-ibang tao, dahil ang lahat ng ito ay bunga ng walang kupas na paghihirap.

Ilan lamang sa mga sumisikat na grupong Philippine

Halintulad sa awit ni Hajji Alejandro, “Kay ganda ng ating

pop o Ppop ay SB19, na kilala bilang kauna-unahang grupong

musika,” ang musika ay musika kaya’t sana’y suportahan natin

Ppop na nabubuo ng limang miyembro. Sa katunayan, hindi

ang natatanging sining ng bawat isa.

TAMPOK

agad-agad naakit ang katanyagan tulad ng mga Kpop na grupo

sining ni Erfe

Pauliworld

34


sining ni Cristobal

35


36


“Magandang hapon sa inyong lahat!” Ang narinig ng bawat mag-aaral at tumunog ang huling kuliling ng PA, ang senyas ng pagtatapos ng araw sa paaralan. Sa gitna ng lahat ng ingay sa loob ng silid galing sa mga mag-aaral na hindi makahintay na tumambay kasama ang barkada, tahimik na lumabas ang batang babae. Kahit blangko ang ekspresyon niya at halatang gusto lang maka-uwi, sa looblooban ay kumukulo ang mga emosyon na galit, sakit, at kalungkutan sa kanyang isip na nais niyang isigaw. Kaya naman, habang naglalakad, hindi siya nababahala sa kaluluwang nakatayo sa kabilang banda ng koridor. Kakaiba ang dating niya at sa mga paningin ng mga taong nakakakita sa kaniya, iisipin nilang siya’y mahinhin at kalmado. Nakatulala lamang ang aparisyong ito, tinititigan ang bata na abalang-abala sa sarili niyang problema at saloobin.

KONTRIBUSYON 37

Huling taon ko na pala, ang pangunahing muni-muni niya sa kanyang isip. Ang pagwakas ng kanyang buhay sa sekondarya, kung saan pinagninilayan ang mga tagumpay at hindi malilimutan na karanasan; mararanasan ang lungkot dahil maraming kaibigan ay mapapalayo; at inaabangan ang hinaharap na may panibagong determinasyon. Nararamdaman niyang masyadong

mabilis lumipas ang mga buwan. Sa palagay niya, ang pagsisimula ng bagong kabanata sa kanyang buhay ay hindi niya mapapakinabangan at walang maidudulot para sa kanyang kabutihan. “Hindi pa ako handa,” ang sinasabi ng damdamin niya. Naguguluhan na ang kanyang utak tuwing iniisip ang nalalapit na araw na kailangang piliin ang aaraling kurso sa kolehiyo.

Haaaaah, ang nilabas na buntonghininga ng batang babae sapagkat siya’y napapagod din sa mga nararamdaman niya. Nagulat siya sa malakas na tawa ng ilang tao at napagtanto niyang nakarating siya sa harap ng kanteen ng paaralan. Napatingin siya sa grupong nag-uusap, iniisip ang dati niyang malapit na kaibigan na palaging may baon na nakakaaliw na kwento at nagsisimula ng iba’t ibang kakulitan sa klase. Hindi niya inaasahang agad-agarang silang mapapahiwalay dahil pumili silang lumipat ng paaralan o, para naman sa mga naiwan, magkaiba na ang klase nilang magkaibigan at halos walang oportunidad magsama. Napilitan siyang magpaalam sa mga sandaling iyon, na ang maiiwan na lamang sa kanya ay mga alaala. Nakaramdam siya ng kaunting pagkainggit sa mga kamag-aral niya na ngayon ay nananabik pag-usapan ang kanilang plano para sa kanilang karera at sa buhay kasama ng mga barkada nila.

Sinag / Inilapat ni Shannen Crespo

Pinagmasdan niya ang mga pananabik at tiwala sa sarili na kitang-kita sa mukha ng kanyang mga kamag-aral. Inisip ng batang babae sa sarili niya-- kung napakadali para sa kanila, bakit ako’y naghihirap pa rin maunawaan kung saan dapat ako patungo sa buhay hanggang ngayon? Pinilit muna niyang ibalik ang sarili sa realidad para makarating sa paradahan ng susundo sa kanya. Masikip ang daanan dahil sa dami ng mag-aaral na dumadaan at kailangang bagalan ang kanyang mga hakbang, ngunit hindi ito ang nagpatigil sa mga kaisipang lumiligalig sa likod ng isip niya. Sa gitna ng malawak na bukid ng mga namumulaklak na rosas na punong-puno ng buhay at tingkad, siya naman ay isang nalalantang rosas na nag-iisa na lamang ang talutot nito at unti-unting nawawalan ng kulay. Habang dahan-dahang naglalakad ay marami siyang nakikitang pamilyar na mukha--- mga matatalinong kamag-aral at mahuhusay na atletang palaging nanalo sa iba’t ibang patimpalak at paligsahan. Sila ang mga mukhang nakikita niya sa mga poster na nakapaskil sa mga koridor tuwing pumapasok siya sa umaga at pumupunta sa silid niya. Tunay na naramdaman niya ang agwat sa pagitan niya, isang karaniwang mag-aaral, at ang


ni Cheska Del Rosario

“Nay, Tay, naka-uwi na po ako!” ang sigaw ng bata pagbukas ng pinto ng bahay niya. Hindi na siya nag-alala na walang sumagot sa pagbati niya sapagkat sa simula, umaga hanggang gabi, ay nakaupo sa kani-kanilang mesa ang kanyang mga magulang at nagtatrabaho. Hindi na siya nagtataka tuwing minsan ay kumukuha siya ng tanghalian at nakalabas na ang kakainin niya dahil nasa gitna pa ng pagpupulong ang nanay niya at nakapokus ang buong pansin ng tatay niya sa pagaayos ng dokumento. Palagi naman nangyayari ‘to, walang nagbabago, ang bulong ng batang babae sa kanyang sarili bago naglakad paakyat ng hagdan patungo sa kanyang silid. Pagkatapos ilapag ang kanyang gamit, binagsak niya ang buong katawan sa kama dahil sa pagod mula

sa saloobin na hindi kayang alisin sa isip niya. Nais na lang niya matulog para sa wakas ay makapagpahinga, makaramdam ng ginhawa sa kanyang kaisipan, at magkaroon ng kalayaang managinip tungkol sa mga masasayang bagay. Pumipikit na ang mata niya sa antok ngunit mula sa gilid ng paningin ay nakita niya ang kanyang koleksyon ng librong nakahilera sa ibabaw ng mesa niya. Tumayo ang batang babae, pinagmamasdan ang mga librong isinulat ng ilan sa mga paboritong niyang mayakda: Francisco Balagtas, Amado Hernandez, Nick Joaquin, at iba pa. Ilan sa mga librong ito ay mga kilalang pamagat, ngunit para sa ibang tao, hindi nila maunawaan nang mabuti ang mensahe at pangyayari sa kwento sapagkat hindi rin sila naglaan ng mahabang oras upang pag-isipan mabuti ang mga kahulugan ng bawat salita ng may-akda. Subalit, para naman sa batang babae, hinahangaan niya ang pamamaraan ng mga manunulat na lumikha ng mga kwento na mayroong mapamihag at maayos na daloy ng pangyayari at nakikitang masusing pinagisipan ang bawat salita na gagamitin. Natatandaan pa rin niya kung paano sinalaysay ang kwento ng mga tauhan na iba-iba ang pinanggalingan at karanasan, at binigyan ng buhay sa pamamagitan

ng pagsalaysay tungkol sa kanilang araw-araw na pamumuhay, ang kanilang mga layunin at pangarap, at pati mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanila. Hinahangaan niya ang husay at talento ng mga paborito niyang may-akda na kayang impluwensiyahan ang mga damdamin at kaisipan ng mambabasa sa pamamagitan ng pagsusulat. Ang kanilang husay ay nagbigay opportunidad para sa dalaga na, para sa ilang saglit lamang, mawala sa loob ng mundo ng mga kwento nila. Puno ng panibagong determinasyon, handang wakasan na ng batang babae ang mga negatibong saloobin na nararamdaman niya. Totoo na hindi siya magiging kasing-galing at kasing-lakas ng mga atleta sa paaralan niya, at hindi rin niya mauunawaan ng mabilis ang mga konsepto sa agham at matematika, ngunit alam niya may lugar siya sa mundo ng literatura. Napagtanto niyang mahahanap niya ang kanyang mga pangarap at pagnanasa sa ibang lugar o sa nalalapit na kinabukasan. Sa wakas, natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang mundo sa likod ng mga salita.

KONTRIBUSYON

mga mahuhusay at kahanga-hanga niyang kamag-aaral. Pagdating niya sa bus at naupo, saglit na pinikit ng batang babae ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigo. Ano naman ang laban ko sa kanila na may ilang taong pagsasanay at kaalaman sa kanilang mga larangan? Sa taong ito, may pagkakataon pa kaya akong ipakita ang talento at kakayahan ko? Dumagdag pa lalo ang pagunawa nito sa mga damdamin ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa sarili na kasalukuyang nararamdaman niya.

Pauliworld

38


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
SINAG 2021 by Pauliworld - Issuu