SINAG 2023

Page 1

PATNUGUTAN

Punong Patnugot Tiffany Cosue

Nangangasiwang Patnugot Simone Culala Mieka Laciste

Patnugot ng Balita Mischa Suarez

Patnugot ng Filipino Jolie Lim

Patnugot ng Sining Suzie Sibug

Patnugot ng Lapatan Natasha Allenby

Katuwang Patnugot ng Lapatan Louise Sese

Mga Miyembro

Alliah Abad, Bianca Catane, Adrienne Collado, Andie Dalusung, Anya Dimanlig, Rianne Escorpiso, Ghia Espino, Rianna Estacio, Nicole Eugenio, Hannah Guerrero, Zyna Isla, Isla Laxa, Anne Keir Liwanag, Darwyne Manigbas, Yulla Ocampo, Naomi Rabatan, Pauline Ramirez, Althea Reyes, Samantha Sulit, Gaby Sunga

Nagsulat ng Panimula Jolie Lim

Mga Nag-Ambag na Manunulat Mikayla Mendoza, Reine Yongco

PANIMULA

Mula sa nahulog na bituin, dumating ang isang dalagang may nag-aalab na puso. Tuliro at naninibago sa pagkabigo, nandilim ang kanyang paligid. Sa pagsikat ng araw …

Sumilip sa mga ulap ang mga sinag ng ilaw, at nagdiwang ang langit sa panibagong kabanata. Namulat ang mga matang kasing tapang ng isang agila nang maramdaman ang lupang ngayo’y kinatatayuan. Tahanan. Isang pamilyar na pakiramdam ang nakapalibot sa paligid na matagal nang hindi natatanaw.

Bumalik ang nakaraan sa kanyang mga alaala; sunod-sunod na digmaan ang iniharap sa isang dalagang kaunti pa lamang ang alam sa mundo. Napilitan siyang magpatuloy; kahit mahirap, kahit siya ay nasasaktan. Sa mundong nagulo ng panlilinlang at mga sakuna, ang tangi niyang sandata ay ang espada ng paglikha; ang pag-asang maibabahagi sa pamamahayag. Ang kapaligiran ngayon ay nagbabago sa pagsulong ng teknolohiya, kaisipan, at pag-uugali. Sino ang paniniwalaan? Ano na ang katotohanan at balita? Araw-araw nilalabanan ang kapangyarihan ng panlilinlang at kamangmangan sa lipunan.

Sugatan man, siya’y naghihilom. Nahulog man, siya’y bumabangon. Dahil sa alab ng tiyaga at katarungan sa kanyang puso, handa na siyang lumaban muli. Maraming nagbago at marami pa ang magbabago sa panahon ngayon. Hindi man masiguro ang kinabukasan, magagawan ng paraan ang pagtugon sa kasalukuyan. Sa muling pagsapit ng dilim … Isiniwalat na ang mga bituing nahulog sa lupa’y katulad niya: miyembro ng kabataan, may sariling pagnanasa, at may kanya-kanyang pamamaraan ng paglikha. Bagama’t madilim na muli, ang pinagsamang sinag ng pag-asa’y nakabubuo ng sarili nilang liwanag—isang bagay na kailanma’y hindi mawawala. Sa bawat hakbang, sabay na nilang haharapin ang mundong walang kasiguraduhan; at muling isinilang ang diwa ng kanilang pagkakakilanlan.

TALAAN NG NILALAMAN

Balita

Dagdag-abala ng DSWD sa mga nangangailangan ng suporta sa edukasyon ni Adrienne Collado 04

Face-to-Face Classes: Handa na ba magsimula ang lahat? ni Andie Dalusung at likha ni Yulla Ocampo 05

Kakulungan ng silid-aralan, bumalik kasabay ng pagbabalik-eskwela ni Darwyne Manigbas 07

Yapak Tungo para sa Kinabukasan ni Rianna Therese Estacio 10 Modelong Paulipino

Project Kasa: KASAma Ng Lahat ni Samantha Sulit 11

Ugnayan at Pagdadamayan: Mithiin ng Solace ng STEM 2022 ni Rianne Escorpiso 12

Kapanganakan ng mga negosyante: Isla ng ABM 2022 ni Bianca Catane 13

Ang Sining sa Panahon ng Pasko ni Althea Reyes 14

Kalopsia: Dia Elpida – Isang Saksi sa Damdamin ng Kabataan ni Althea Reyes 15

Tampok

Kasaysayan V.2.0: Malikhaing Pagsalaysay ni Aling Marites ni Hannah Guerrero 20

Kakulangan sa asukal: Sino ang may sala? ni Jolie Lim 21

Baluktot na Katotohanan: Mulat ka na ba? ni Zyna Isla 23

Hindi Pa Tapos Ang Laban ni Liah Abad 25

Maiba… taya! Ang Kasaysayan at Kasalukuyan ng Larong Pinoy ni Anne Keir Liwanag 26

Isang Hakbang sa Nagbabagong Paradigma ni Ghia Espino at likha ni Gaby Sunga 27

Kombo-Bilao: Pagkain para sa Pilipino ni Tiffany Cosue 29

Tamis ng Pinas likha ni Anya Dimanlig 31

Kamukha Mo si Paraluman likha ni Suzie Sibug 32

Kontribusyon

Kawalang-Tiyak ni Mikayla Mendoza 01

Munting Liham ko Sa’yo ni Reine Yongco 17

Ika-anim ng Enero ni Mikayla Mendoza 33

01 Sinag / Sa paglalapat ni Nicole Eugenio KONTRIBUSYON
ni Mikayla Mendoza

Naniniwala akong pag-ibig ang puno’t dulo at dahilan ng lahat. Wala namang sigurado sa ating buhay. Walang perpekto at tiyak, wala ring nakaaalam kung saan magtatapos ang lahat. Marami sa atin ang sumusunod sa tibok ng ating puso. Patuloy nating hinahayaan na gumawa ito ng mga desisyon para sa atin; ika nga, minsan ka lang naman mabuhay.

May kasabihan tayo na ang buhay raw ay parang sugal. Walang nakaaalam ng iyong kapalaran. Oo, ika’y nagmahal pero ito ba ay magtatapos nang maganda katulad sa mga nasa pelikula, o bigla ka lang magigising at naglaho na pala ang lahat? Tanging mga siguro na nga lang ba talaga ang mananatili? Maaaring mapuno na lamang ng puro panandang pananong ang ating isipan; qinequestion ang mga pangyayaring nakaapekto sa’yo sa negatibong paraan.

Sa mundo kung saan tayo ay patuloy na nabubuhay, tayo’y nabibigo, nasusugatan, ngunit patuloy na bumabangon, at hinihilom ang mga sugat na minsa’y nahiwa ng mundong malupit. Wala namang mali sa pagsunod sa iyong puso, pero magtira ka rin para sa iyong sarili: huwag buhos nang buhos, bigay nang bigay. Ikaw mismo ang nauubos. Baka ika’y magising na lang bigla sa isang realidad na wala nang natira para sa iyong sarili.

Sa kabila ng mga kabiguan, sana’y patuloy na subukan maging mas matatag para sa mundong walang binibigay sa garantiya. Kung iisipin, baka nga hindi lang talaga tayo isinilang sa patas na lipunan. Tayo ay paulit-ulit na nasusugatan, ngunit ang iba ay patuloy na nagtatagumpay, habang ang sugatang puso ay nakabalot pa din sa nalantang dahon ng bayabas. Baka nga tama si lola; laro ng swerte ang ating nilalaro.

Kisame na siguradong masisilungan sa gabing kay lakas ng pag-ulan, ang punong matayog na tiyak na ika’y palalamigin sa tag-araw. Isang mundo sana kung saan may garantiya ang lahat. Sana’y makahanap ng tunay at mapagmahal na tahanan sa isang mundong walang katiyakan.

02 Pauliworld KONTRIBUSYON

BALITA

Sinag / Sa paglalapat ni Louise Sese

Ang proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na “Assistance to Individuals in Crisis Situation” o mas kilalang “AICS” ay isang social safety net o stop-gap mechanism. Nais nitong matulungan ang mga pamilya o indibidwal na nakararanas ng mga hindi inaasahang krisis sa kanilang pamilya o buhay.

Noong Agosto 20, 2022 sa lungsod ng Ilagan, Isabela, pumila sa ilalim ng init ang ilang mga mag-aaral buong araw. Ang mga mag-aaral, magulang, at tagapag-alaga ay nakapila sa DSWD upang makakuha ng pera para makatulong sa kanilang mga krisis sa pera. Ayon kay Jaylord Acob, isang college freshman sa Cagayan State University, i-ilang mga menor de edad at senior citizen ang nakapila para sa pamamahagi ng ayuda kahit na hindi ito hinihikayat. Hindi organisado ang buong kaganapan, kaya ilang tao ang hinimatay, kakahintay lamang sa kanilang mga ayuda. Walang mga first-aiders na nakatambay, kaya naman marami ang naapektuhan habang wala pang dumarating na mga opisyal ng pangkalusugan. Nakikita rito kung gaano ka kulang ang paghahanda ng DSWD.

Ilan sa mga magulang ang nabigo matapos ipahayag na itutuloy nalang ang kaganapan sa Agosto 27, 2022 at Setyembre 3, 10, 17 at 24 dahil sa overcrowding. Ayon sa sekretaryo ng DSWD na si Erwin Tulfo, Php 4,000 ang ibibigay sa mga mag-aaral sa kolehiyo, Php 3,000 sa mga mag-aaral sa Senior High, Php 2,000 sa Junior High at Php 1,000 naman sa mga taga-elementarya.

[2] Alcaraz, H. A. (2022, August 20). ‘unorganized’ distribution of DSWD Educational Assistance leads to overcrowding. Philstar.com. Retrieved September 2, 2022, from https://www.philstar.com/nation/2022/08/20/2203973/unorganized-distribution-dswd-educational-assistance-leads-overcrowding

MGA SANGGUNIAN:
[1] Assistance to individuals/families in crisis situation (AICS): DSWD – Field Office VI: @dswdserves. DSWD Field Office VI dswdserves. (n.d.). Retrieved September 2, 2022, from https://fo6.dswd.gov.ph/about-us/programs/assistance-to-individuals-families-in-crisis-situation-aics/
04 Pauliworld BALITA
ni Adrienne Collado
05
likha ni Yulla Ocampo Sinag / Sa paglalapat ni Natasha Allenby BALITA

Pagkatapos ng dalawang taong online learning, bumalik na ang face-to-face classes para sa S.Y. 2022-2023 na pormal na nagsimula noong Agosto 22, 2022. Gayunpaman, maraming pagbabago ang hinaharap ng mga mag-aaral sa sitwasyon ng bansa ukol sa administrasyon, kalusugan, at ekonomiya.

Umiiral pa ang iba’t ibang variants ng COVID-19 kaya ang pangunahing pagbabago ay nakaugat sa mga protokol at hakbang laban sa pagkalat at paghawa ng virus. Kinakailangan na magsuot ng face mask araw-araw, obserbahan ang wastong distanya mula sa isa’t isa, lalo na sa loob ng silid-aralan, maghugas ng kamay, kumain nang magkahiwalay, siguraduhing nakapagsuri na ng temperatura bago pumasok, at manatili sa bahay kung may sintomas.

Bukod rito, may karagdagang plano ang administrasyon at DepEd. Sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 25, nanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program bilang mandatoryong bahagi ng senior high school. Ito ay sinusuportahan ng DepEd. Higit pa rito, inanunsyo ni bise presidente at DepEd secretary Sara Duterte na ang pokus sa taong ito ay

ang akademya para matugunan ang learning gaps na dulot ng pandemya habang ang mga ekstrakurikular na aktibidad ay ipinagbabawal.

Panghuli, ang face-to-face learning ay sinasabing makatutulong sa ating ekonomiya ngunit ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ay isang isyu para sa mga pamilyang naghihikaos sa aspetong pinansyal. Pagkatapos na bayaran ang matrikula, may karagdagang gastusan para sa baon ng mga bata at kanilang pangtransportasyon.

Maraming mga pagbabago ang mararanasan ng mga mag-aaral sa harap ng iba’t ibang problema na nakikita sa ating bansa tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan, kakulangan ng mga upuan at ibang mapagkukunan ng mga kagamitan pangkalusugan para sa pag-iingat mula sa COVID-19 tulad ng pasilidad sa paghuhugas kamay, mga test kits, at iba pa, kaya kailangang siguraduhin ng DepEd na magiging maayos ang implementasyon ng kanilang mga solusyon para sa ikabubuti ng edukasyon sa Pilipinas.

[1]

[2]

Marcos to Congress: Make ROTC mandatory in senior high school. https://newsinfo.inquirer.net/1634290/ bongbong-marcos-to-congress-make-rotc-mandatory-in-senior-high-school

[3] Escudero, C. (2022, Sept 2) DepEd wants to ban extracurricular activities, so netizens push back. https://www.rappler.com/nation/filipinos-onlinereaction-deped-ban-extracurricular-activities-school-year-2022-2023/

[4] Galvez, D. (2022, Aug 15) 90% of public schools to hold in-person classes starting Aug. 22. https://newsinfo.inquirer.net/1646902/90-of-publicschools-to-hold-in-person-classes-starting-aug-22

[5] Magsambol, B. (2022, Jul 29) Parentsworryaboutcostsofreturningtoface-to-faceclassesamidrisingprices. https://www.rappler.com/newsbreak/ in-depth/parents-worry-costs-returning-face-to-face-classes-rising-prices-2022/

[6] Parrocha, A. (2022, Aug 7) In-person classes to boost PH economic recovery: Marcos. https://www.pna.gov.ph/articles/1180780

[7] Magsambol, B (2022, Aug 23) Tales of school opening: In-person classes, classroom shortage, flooded areas. https://www.rappler.com/nation/talesschool-opening-in-person-classes-classroom-shortage-flooded-areas-august-22-2022/

MGA SANGGUNIAN:
27) DepEd supports return of mandatory ROTC.
rotc
Inquirer (2022, July
https://newsinfo.inquirer.net/1635949/deped-supports-return-of-mandatory-
Mercado,
25) Bongbong
N.A. (2022, July
06 Pauliworld BALITA
07
/
BALITA
Sinag
Sa
paglalapat ni Mieka Laciste ni Darwyne Manigbas

Halos 40,000 silid-aralan ang kulang sa Pilipinas, ayon sa tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) na si Michael Poa noong ika-23 ng Agosto. Sa kabutihang palad, mas mababa na ito sa inaasahang 91,000 kulang na silid na dating inihayag ni Epimaco Densing, ang DepEd Undersecretary. Sinabi ni Poa na nabawasan ito dahil sa iba’t ibang estratehiya ng mga paaralan.

Ang kakulangan ng silid-aralan ay isa nang problema bago pa nagsimula ang pandemya. Ipinatupad ang class shifting o shifting schedules, paghahati ng mga silid, at blended learning upang maagapan ang kakulangan ng silid-aralan kasabay nang pagsunod sa social distancing at iba pang mga COVID-19 protocols.

Ayon kay Poa, umaasa sila na matugunan nila ang kakulangan ng mga silid-aralan kasabay ng pagtaas ng nakalaan na badyet ng National Government para sa Sektor ng Edukasyon. Dagdag pa nito, nagmungkahi ng P710.6B na badyet para sa DepEd ang National Government, kung saan sinabi ni Poa na ang P86.5B ay gagamitin para sa pang-ayos ng mga silid-aralan.

Ang nakalaan na badyet para sa pagtatayo ng mga silidaralan sa 2023 ay maaaring makatulong sa 34,552 na paaralan sa mga “first-to-sixth-class” na munisipalidad.

“We cannot make the lack of educational infrastructure or the inadequate number of classrooms

certain provinces another excuse to keep our children from schools” sabi ni Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte.

Gayunpaman, inianunsyo ng DepEd na naging maayos ang pagbubukas ng panibagong school year sa kabila ng mga alalahanin (ang kakulangan ng mga silid-aralan at siksikan) ‘na natugunan’ – kahit mayroon paring mga mag-aaral na nakararanas sa mga alalahanin na ito.

MGA SANGGUNIAN:

[1] Peralta-Malonzo, T. A. (2022, August 23). Philippineslacks40,000classrooms SUNSTAR. https://www.sunstar.com.ph/article/1938695/manila/localnews/philippines-lacks-40000-classrooms

[2] Galvez, D. (2022, August 23). First day of classes “orderly, peaceful” despite reports of overcrowding, shortage of classrooms. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1651465/first-day-of-classes-orderlypeaceful-despite-reports-of-overcrowding-shortage-of-classrooms

[3] Magsambol, B. (2022, August 23). Talesofschoolopening:In-personclasses, classroom shortage, flooded areas. RAPPLER. https://www.rappler. com/nation/tales-school-opening-in-person-classes-classroomshortage-flooded-areas-august-22-2022/

[3] Ombay, G. (2022, August 23). DepEd reports 40K classroom shortage nationwide even as classes start. GMA News Online. https://www. gmanetwork.com/news/topstories/nation/842441/deped-reports40k-classroom-shortage-nationwide-even-as-classes-start/story/

08 Pauliworld BALITA
in

MODELONG PAULIPINO

Sinag / Sa paglalapat ni Louise Sese

Yapak Tungo sa Kinabukasan

Masiglang inihandog ng mga mag-aaral ng Public Relations Events Management (PREM) Elective ang Elective Fair 2022, MONTAGE N8TFLIX: Through the Midst of Film, noong Marso 28, 2022. Nag-imbita sila ng iba’t ibang SPCP alumnae sa isang Zoom session kasama ang mga mag-aaral ng Batch 2026 upang talakayin ang mga Elective na maaari nilang kuhanin sa susunod na taon. Ang mga inihahandog na mga elective ay ang MedicalScience,Travel,MultimediaArts,PoliticalScience,PREM,at ang E-Commerce Isa sa layunin ng mga bumuo ng proyekto ay siguraduhing malinaw ang impormasyon na ipinapahatid sa mga manonood; kaya may nilaan na oras pagkatapos ng bawat presentasyon upang sagutin ang mga tanong ng mga manonood. Pahayag ni Aura Sison, ang tagamuno ng MONTAGE N8FLIX, inaasahan nilang pinag-isipan nang mabuti ng Batch 2026 ang mga desisyon ukol sa kanilang kinabukasan. Sapagkat pinapaalala niya sa mga Paulinian na pahalagahin ang mga oportunidad sa kasalukuyan.

10 Pauliworld MODELONG PAULIPINO
ni Rianna Therese Estacio

Sa nakalipas na dalawang taon, lubhang maraming tao ang naapektuhan ng pandemya. Marami ang mga taong nawalan ng trabaho, nawalan ng puhunan. May mga taong nakatikim ng tagumpay, ngunit marami rin ang mga nahirapang bumangon muli.

Bukod sa pandemya, marami ring pangyayari na nagdulot ng paghihirap sa mga mamamayang Pilipino. Kabilang na dito ang bagyong na nangangalang “Super-typhoonOdette” na dumapo sa timog-kanlurang bahagi ng bansa noong ika-16 Disyembre 2021. Sa pangyayaring ito, maraming nalunod sa kahirapan at napuno ng alinlangan.

Alinsunod sa pangyayaring ito, ang Grade 12 Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand ng St. Paul College Pasig ay naglunsad ng isang fundraising initiative na pinangalanang “Project Kasa.” Ang proyektong ito ay may iba’t ibang bahagi, kabilang ang isang donation drive para sa

mga lumang damit. Bukod dito, nagkaroon ng isang proyekyto: ang “Piso Galing Sa Puso.” Gayundin, ibinahagi ng HUMMS ang pagbenta ng pagkain at mga mask lanyard, upang makapag-ipon ng mga pondo para sa mga biktima ng kalamidad. Sa mga nagawa nilang inisyatibo, ang naipon nila sa “Piso Galing Sa Puso” ay umabot ng Php 5,922. Hindi pa kabilang ang mga naipon nila galing sa pagbebenta at mga materyal na donasyon.

ni Samantha Sulit

Ano ang kahulugan ng salitang “pagdadamayan?” Para kay Iya dela Torre at Abigail Wong, mga kinatawan sa STEM ng Baitang 11 at 12, nangangahulugan ito ng pagkakaisa ng mga taong may mithiing suportahan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng musika. Ito ay natunghayan sa isang pagdiriwang na isinagawa noong Marso 11, 2022.

Taon-taon, lahat ng mag-aaral sa departamento ng Senior High School ng St. Paul College Pasig ay nakipagtulungan upang maisakatuparan ang proyektong pinamagatang “i-Advocacy,” na may layuning magbigay ng tulongpinansyal para sa napiling benepisyaryo.

Noong nakaraang taon, napag-desisyunan ng mga mag-aaral na maglunsad ng isang konsyerto upang kumita ng pondo para sa “One Life Foundation” na nagsusulong sa tamang kalidad ng buhay ng mga batang may kapansanan.

Ang mga donasyon ay umabot ng Php 15,006 mula sa mga manonood at sa mga naibentang produkto sa konsyerto. Ilan sa mga nagtanghal sa programa ay ang mga bandang “Kuiper,” “Calathea,” at ang Terpsichore Jazz.

Sa kabuuan, ipinapakita ng proyektong ito na hindi lamang kagalingang akademiko ang isinusulong ng programang STEM. Natunghayan dito ang pagiging kapwa-tao at ang mabuting puso ng mga mag-aaral ng STEM. Wika ni Iya dela Torre, “Dahil sa Solace, napagtanto ko kung gaano ako kapalad sa buhay. Karamihan sa atin ay mareklamo sa buhay ngunit may mga taong mas mahirap ang pinagdadaanan pero pinipilit [nilang] lumaban mabuhay lang ng marangal.” Sa panahon ng pangangailangan, huwag mawawalan ng pag-asa: may mga taong handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

ni Rianne Escorpiso
13
Sinag / Sa paglalapat ni Isla Laxa MODELONG PAULIPNO
14 Pauliworld
PAULIPINO
MODELONG

ni Althea Reyes

Muling ibinalik ng Center for Communication Arts (CFCA) ang siklab ng damdamin sa inihandog nilang kaganapan na pinamagatang, “Kalopsia: Dia Elpida,” noong ika-26 ng Nobyembre 2021 sa Facebook Live.

Ang tema ng programang ito ay hango sa isang simbolikong karakter na pinangalanang Elpida, isang salitang Greek na may kahulugang “pagasa.” Bagama’t sa kanyang kwento, patuloy niyang hinanap ang pag-asa, nalaman ni Elpida na hindi maiwas-iwasan ang pagduda sa ating kapalaran. Si Elpida, sa kanyang kwento, ay sumasagisag sa pag-asa sa kalagitnaan ng pandemya. Sa pamamagitan ng Kalopsia: Dia Elpida, ipinamalas ng CFCA ang talentong Paulinian.

Ang CFCA Core at Kalopsia: Dia Elpida 2022 Production Team ang lumikha ng programa. “Naganyaya kami ng mga guest spoken word, mangaawit, at mananayaw. Dagdag pa rito, nagkaroon din kami ng mga partnerorganizationsat sponsors kagaya ng Teatro Baguntao ng Ateneo Senior High, at ang Schoolat, ang Student Representative Council ng De Lasalle Zobel Senior High School.

Para sa aming sponsors naman, nakipag-ugnayan kami sa Watsons Philippines at New Leaf Learning.” Ani ng pangkalahatang pinunong si Faith Dacara.

Isa sa mga layunin ng mga tagapangasiwa ay gawin itong kahanga-hanga at kapaki-pakinabang hangga’t maaari. Sa kabila ng layuning ito, hindi maiiwasan ang mga hamon at pagsubok. Ayon kay Dacara, “Nahirapan kami sa timeline ng programa dahil kami ay naipit sa oras. Mahirap ding ibahagi ang live show at ibenta ang aming mga tinda dahil gaganapin nga ito [sa] online setup. Mabuti nalang na patuloy na kaming lumikha ng mga malikhain na solusyon at panatilihin ang mabuting komunikasyon sa buong team.”

“Para sa akin, ang kaganapan na ito ay isa sa pinaka-maganda at makabuluhang konsepto at isa itong parangal kasama ang aking Co-Overall Head na si Samantha Rosario at ang CFCA Core ‘22-’23. Dahil dito, naunlad namin ang palabas at nasagawa namin ang proyekto base sa aming naisip,” dagdag ni Dacara.

Huwag kang mangamba, sa oras ng pagdilim, Gagabayan kita, kahit sa panahon ng lagim. Pagmasdan mo ang liwanag ng takipsilim.

At bitawan mo ang lungkot sa puso mo nakatanim.

Huwag magalala’t sapagkat mararating mo, Ang kapalarang nakatadhana sa’ yo. Huwag magmadali, ngunit huwag rin huminto, Sundin mo lang ang sinasabi ng iyong puso.

Kung saan ka man dalhin, hindi ka nag-iisa, Sasamahan at dadamayan kita. Kaya huwag kang mag-alala. Sa dilim, dadalhan kita ng lampara.

Ang iyong nag-aalab na pangarap, Iyong makakamit sa hinaharap. Huwag kang susuko sa kabila ng hirap, Magpahinga ka’t tumingala sa alapaap.

ni Reine Yongco

17
KONTRIBUSYON
Sinag / Sa paglalapat ni Natasha Allenby

Sa pagbukas ng bagong kabanata,

At ang hudyat ng panibagong simula. Blankong pahina para sa bawat isa, Ating sulatan at tintahan na.

Bawat kuwento’y walang katulad, Tayo ang may-akda’t taga-tupad. Ng ating kinabukasan at mga hinahangad, Sa atin nakasalalay ang sariling pag-unlad.

Ang ganda mo’y kamangha-mangha, Kakayahan mo’y kahanga-hanga. Ang galing mo’y kataka-taka, Dahil tila ba’y perpekto ka, sinta.

Kumapit ka’t huwag bibitiw, Huwag mong susukuan ang laban, giliw. Ipagpatuloy mo ang sayo’y nagpapaaliw, Mga bagay na mayroon kang interes at liliw.

Dahil sa kabila ng dilim, at sa dulo ng landas, Ang bunga ng iyong paglakbay ay ipapamalas. At narito ako mula simula hanggang wakas, Suportado sa’yong husay at talentong likas.

Sinta, ito ang pangako ko sa iyo, Para sayo’y lalakbayin ko ang dulo ng mundo. Ipagpatuloy mo ang paglalayag mo, Dahil ako’y habang buhay susuporta sa’yo…

Kaya’t tanggapin mo na itong… Munting Liham ko Sa’yo…

18 Pauliworld KONTRIBUSYON

TAMPOK

Sinag / Sa paglalapat ni Louise Sese

Kasaysayan V.2.0:

Malikhaing Pagsalaysay ni Aling Marites

“History is like tsismis,” ika ni Ella Cruz. Tsismis dito, tsimis doon! Mare, anong latest? Balita ko, may bago raw na pelikula!

Sa bawat araw na lumilipas, pakapal nang pakapal ang mga pahina ng kasaysayan (tsismis). Ika ng ating bagong mananalaysay, tsimis raw ang kasaysayan. Ang pagtupad sa tungkulin ng ating mga Marites: ang oral tradition ay naging bahagi ng pagsasalaysay ng historya. Gayunpaman, ang kasaysayan ay isang agham at hindi pawang tsismis na walang pinagbabasehan.

Bukod sa ating oral tradition, naging bahagi ang sining sa paglalarawan ng ating nakaraan. Isa na rito ang pagsulat at pagdirekta ng mga pelikula. Ang ilang halimbawa nito ay ang Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, at ang makabago at kontroberysang Maid in Malacañang na dinirekta ni Darryl Yap. Sa panahong puno ng social media, opinyon, at iba pa, paano natin mapaninindigan ang katotohanan?

Hindi natin maitatanggi na malikhain ang pagkasulat ng mga pelikulang inilalabas sa ating industriya. Ang bawat tao ay may malayang karapatang ipahayag ang kanilang opinyon. Dahil sa pagkamalikhain ng akdang Pilipino, ang mga pelikula ay nakaaakit ng mga manonood.

Ang mga palabas na ito ay pinagkukunan ng impormasyon: mga kaalaman tungkol sa sariling kasaysayan at kultura. Paano natin maiguguhit ang linya sa pagitan ng malikhaing paglalarawan ng kasaysayan at historical revisionism? Masasabi ba nating ang mga ‘Marites’ o tsimis na pala ang naglalarawan sa ating historya? Paano natin maibubukod ang pamamaraan ng manunulat, ang katotohanan, at ang pagkiling ng ating isip?

Ang panonood ng mga makasaysayang sining ay dapat tangkilikin ng may pag-iingat. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng ipinapalabas sa madla ay isinulat ayon sa pawang katotohanan. Bilang mga Pinoy, responsibilidad nating buksan ang ating isip at kumonsulta sa mga nararapat na sanggunian. Ang malikhaing obra ay hindi nagbibigay katwiran sa pagbabago ng kasaysayan.

Tsismis dito, tsismis doon! Naipasa mo na ba ang tsismis ni Aling Marites?

MGA SANGGUNIAN:

[1] Ferrer Jr., J. (2022, August 8). [OPINION]‘MaidinMalacañang’–madewithmalice?. Rappler. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-maidin-malacanang-made-with-malice/

[2] Foley, J. (2019). oral tradition. https://www.britannica.com/topic/oral-tradition

[3] iMDb. (n.d.). Maid in Malacañang. https://www.imdb.com/title/tt21279138/

[4] Marcellones, M.S. (2022, July 11). Ella Cruz stands byher ‘historyis like chismis’ remark: ‘Mali po bayung sinabi ko?’. Cebu Daily News. https://cebudailynews. inquirer.net/452359/ella-cruz-stands-by-her-history-is-like-chismis-remark-mali-ba-ang-sinabi-ko

[5] Tuquero, L. (2022, August 11). Amade-up Marcos movie: False, misleading claims abound in ‘Maid in Malacañang’. Rappler. https://www.rappler.com/life-andstyle/false-misleading-claims-maid-in-malacanang/

ni Hannah Guerrero
20 Pauliworld TAMPOK

Sa kamakailang balita, maririnig natin na nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng asukal sa bansa. Kinumpirmado naman ito ng isang pahayag mula sa mga kumpanyang Coke, Pepsi, at RC Cola na naging kapos sa Bottler’s Grade Sugar o PremiumRefinedSugar, isang mahalagang sangkap sa kanilang mga produkto. Pinasara rin ang iilang bottling plants ng CocaCola Philippines dahil sa sitwasyon. Naapektuhan dito ang mga panaderya at tindahan ng pagkain. Napipilitan silang taasan ang presyo ng kanilang mga binebenta para tuluyang makabangon mula sa pagkalugi noong pandemya.

Naging usapan sa gobyerno ang pagangkat ng asukal upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gayunpaman, kailangan din nilang isaalang-alang ang magiging kawalan nito sa mga magsasaka. Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kasalukuyan din na Secretary of Agriculture, ay pumayag sa pagpapadala ng 150,000 metric tons (MT) ng asukal mula sa ibang bansa.

Ang Kasakiman at Pananagutan

Bakit nga ba ito nangyari at sino ang dapat panagutan? May iba’t ibang opinyon ukol sa pagiging artipisyal ng kakapusan na ito. Iniutos ng pangulo sa Bureau of Customs (BoC) na tingnan ang isang bodegang pinaghinalaang nag-iimbak ng mga sako ng asukal. Isa lamang ito sa mga nadiskubreng lugar na kinalalagyan ng mga sakong galing sa Thailand. Matapos ang pag-raid ng iba’t ibang lugar, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz na:

“Ang malaking halaga ng asukal na nadiskubre ng mga awtoridad sa mga siniyasat na bodega sa Luzon ang nagbunsod sa Malacañang na ipagpalagay na ang kakulangan sa asukal ay artipisyal.” (“The huge volume of sugar discovered by authorities in the various inspected warehouses in Luzon has led Malacañang to conclude that thesugarshortageisartificial.”)

Hindi maitatanggi na kaduda-duda ang mga mangangalakal na nagtago ng malaking halaga ng asukal. Sa ngayon, wala pang ebidensyang magpapatunay na hindi ilegal ang laman ng mga bodega. Sa pag-iimbak ginagamit lamang nila ang pangangailangan ng mga Pilipino—mga kumpanya, magsasaka, at mamamayan—upang kumita sa pagbebenta nito sa mas mataas na presyo.

Ang Nakikitang Aksyon

May pananagutan din dito ang gobyerno, lalo na ang mga opisyal na nangangasiwa sa kakapusan. Mabuti man na iniimbestigahan nila ang problemang ito, hindi pa rin sapat ang kanilang ginagawa para makahanap ng maayos na solusyong hindi mapinsala sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong. Nasa kamay nila ang kapangyarihang isagawa ang mga programang kapaki-pakinabang sa ating agrikultura, at siguraduhing mapananagutan ang kasakiman ng mga mapagsamantala. Sa halip ng pag-angkat ng asukal dahil sa pangangailangan, maari nilang isaalang-alang ang pagtulong sa mga magsasaka at ang kanilang mga kagamitan upang masuportahan ang mga lokal na palay at panananim.

Bagama’t maraming magagandang aksyon ang nakita mula sa gobyerno, nagkaroon ng kontrobersya matapos sabihin ng Malakanyang na labag sa batas at hindi alam ng pangulo ang pag-apruba sa “Sugar Order No. 4” na nagsasabing maaring magangkat ng 300,000 MT ng asukal na may halagang halos P9 bilyon. Binawi agad ito nang ipaskil ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang utos sa kanilang website

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na idineklara ng Malacañang na labag sa batas ang isang desisyon mula sa Ehekutibong Sangay ng Pamahalaan. Hindi ito inaasahang mangyari sapagkat laging hinihingi ang pahintulot nila bago makarating sa mga mamayanang Pilipino.

21 Sinag / Sa paglalapat ni Naomi Rabatan TAMPOK
ni Jolie Lim

Sino ang may sala?

Sa mga ganitong sitwasyon, mahirap ituro kung sino o ano ang nagdulot ng pangyayari. Habang isinasaalang-alang natin na maaaring may iba pang mga kadahilanan sa likod ng kakulangan, hindi pwedeng malimutan ng madla ang mga mangangalakal na nagtago ng libo-libong sako ng asukal para sa sariling pakinabang. May karapatan din tayong kwestyunin o suriing mabuti ang mga aksyon ng gobyerno, lalo na sa hindi pagkakatugma ng mga pahayag at ang mga kontrobersyang lumitaw mula sa isyung ito.

Patuloy nating itaguyod ang ating karapatan sa katotohanan at pagkilos para sa ikabubuti ng ating bansa. Nilalayon nating labanan ang maling impormasyon sa mga kritikal na oras na tulad nito, at bigyan ng suporta ang mga personalidad— sa kasong ito ang mga magsasaka—na pinaka-nangangailangan at napipinsala ng sitwasyon. Bilang bahagi ng kabataan, protektahan natin ang ating agrikultura sa pangunahing pamamaraan ng pagiging edukado sa mga balita sa paligid.

MGA SANGGUNIAN:

[1] Aning, J., Ramos, M. (2022, August 22). Sugar shortage ‘artificial’ – Malacañang. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1650641/sugar-shortage-artificialmalacanang

[2] Corrales, N. (2022, August 19). Warehouse raids yield ‘suspected hoarded sugar’. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1649413/warehouse-raids-yieldsuspected-hoarded-sugar

[3] Escudero, M. (2022, August 19). PangulongMarcos,pina-‘raid’angbodegangasukalsaPampanga. Pilipino Star Ngayon. https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/bansa/2022/08/19/2203614/pangulong-marcos-pina-raid-ang-bodega-ng-asukal-sa-pampanga

[4] Fernandez, D. (2022, August 30). Sugar shortage not artificial, group says. Inquirer.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1655500/sugar-shortage-not-artificialgroup-says

[5] Rivas, R. (2022, August 16). Coke, Pepsi, RC Cola confirm sugar shortage in Philippines. Rappler. https://www.rappler.com/business/coca-cola-pepsi-arcrefreshments-confirm-sugar-shortage-philippines/

[6] Tiglao, Rigoberto (2022, August 15). Marcosgovtfacesfirstseriouscontroversy,oversugarimports. The Manila Times. https://www.manilatimes.net/2022/08/15/ opinion/columns/marcos-govt-faces-first-serious-controversy-over-sugar-imports/1854645

[7] Venzon, C. (2022, August 26). Philippinesugar‘crisis’testsMarcos’pro-farmspush. Nikkei Asia. https://asia.nikkei.com/Economy/Philippine-sugar-crisis-testsMarcos-pro-farms-push

[8] Yap, C. (2022, June 22). Sugar Shortage Hits the Philippines as Food Inflation Woes Mount. Bloomberg. https://bloomberg.com/news/articles/2022-06-22/ sugar-shortage-hits-the-philippines-as-food-inflation-woes-mount

22 Pauliworld TAMPOK

Sila Mike Enriquez, Jessica Soho, at Noli de Castro ang ilan lamang sa mga tanyag at magigiting na mamamahayag ng makatotohanang balita sa bansa. Sila’y nahasa sa pamamagitan ng matitinding karanasan, determinasyon, at katapatan sa mga mamamayang Pilipino kaya’t subok at pinagkakatiwalaan ang kanilang balita. Ngunit paano na lamang kung ang mga ordinaryong Pilipinong tulad mo ay hahangaring maghayag ng “tapat” na balita? Sapat na bang mayroon kang kilalang pangalan o identidad sa industriya ng social media upang masabing ika’y angkop at kwalipikadong mamamahayag?

Sa panahon ngayon, malaki ang kontribusyon ng social media sa mga tao lalo na sa kabataan. Malaya silang nakakapagpahayag ng kanilang opinyon at damdamin sa mga plataporma tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Dahil dito, malaki ang impluwensya nito sa kanila kung kaya’t ganon na lamang

karami ang mga taong nabibiktima ng fake news Karamihan sa mga sikat na influencers ngayon ang mas pinaniniwalaan kaya’t malaki ang papel na kanilang ginagampanan sa pagpapalaganap ng impormasyon. Nakalulungkot mang isipin ngunit halos lahat ng tao’y lubos na nagtitiwala sa mga taong ito, na tila bang mga bulag sa katotohanan.

Kung may mga tapat at totoong mamamahayag tulad nila Mike Enriquez, nagkalat rin ang mga tinatawag na trolls kung saa’y layunin nilang magpalaganap ng mali at mapanlinlang na impormasyon. Madalas ginagawa ito upang sila’y makakuha ng maraming views at kumita ng pera, o kaya nama’y upang umapila sa mga may kapangyarihan. Kaya napakahalaga ng factchecking sa tuwing tayo’y makakakita ng mga paskil sa iba’t-ibang plataporma. Hindi dapat basta-bastang pinaniniwalaan kung ano ang ating nakikita dahil hindi tayo makasisiguradongito ay mapagkakatiwalaan.

23
TAMPOK
Sinag / Sa paglalapat ni Isla Laxa

Kaya ano nga ba ang dapat nating isaisip at isaalang-alang sa tuwing tutungo tayo sa ating social media? Una, mahalagang tignan ang pinagmulan ng balita. Sino ba ang nagpaskil nito at sila ba’y beripikado? Ang kagandahan ng internet ngayon ay pati ang mga kilala at pinagkakatiwalaang mga tagalathala ng balita ay gumagamit ng iba’t-ibang plataporma upang maikalat ang makatotohanang impormasyon. Ilan lamang dito ay ang Inquirer, Manila Bulletin, Philippine Star, at marami pang iba. Sumunod nama’y dapat matuto rin tayong tumingin at magsaliksik kung ang nakita nating paskil ay makatotohanan. Dapat tayong maging kritikal na mambabasa at marunong magkumpara ng iba’t-ibang impormasyon upang ating matukoy kung ano ang totoo at hindi. At pang-huli, maaari nating tignan ang layunin ng impormasyon. Nais ba nitong makatulong o manira at mangutya lamang?

Makikita natin sa intensyon ng isang tao kung hangad nilang magbigay ng tapat na impormasyon o gamitin ito upang tayo’y linlangin at paniwalain sa kanilang mga opinyon at kinikilingan.

Lagi tayong mag-ingat at maging alerto sa kaliwa’t-kanang fake news na laganap sa panahong tinatawag na digital age. Ating tandaan na ang kasaysayan ay hindi “tsismis” kung kaya’t ganon na lamang ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon. Dapat na puksain ang kamangmangan at panahon na upang mamulat ang bawat Pilipino sa katotohanan.

24 Pauliworld TAMPOK

Ricardo “Cardo” Dalisay— isa sa mga kilalang pangalan mula sa telebisyon. Bakit nga ba tampok na tampok sa mga Pilipino ang teleseryeng AngProbinsyano? Sa una pa lamang, ang mga pangalang Fernando Poe Jr. at Coco Martin na gumanap bilang Ricardo Dalisay ay walang dudang napakahusay sa pagganap ng karakter na ito. Hindi ito isang regular na teleserye na kung saan ang daloy ng kwento ay ordinaryo. Itinatalakay dito ang mga karanasan ng mga Pilipino bilang anak, kapatid, kasintahan, at taga-lingkod sa bansa.

Bilang isang Pilipino, tiyak na nakahuhumaling subaybayan ang programang nagpapakita ng kahalagahan sa pagmamahalan, relasyon sa pamilya, at sa mga taong nakapaligid. Ito ay kumakatawan sa kaugaliang Pilipino na handang tumulong sa sinumang nangangailangan. Kahanga-hanga rin na naihahalubilo sa teleseryeng ito ang mga bagay na araw-araw nating nararanasan katulad ng mga tawanan sa loob ng tahanan, mga nakahihiyang sandali, at simpleng pagsasamahan. Si Cardo Dalisay ay isang karakter na nagpapahiwatig na bagamat may mga punto sa ating buhay na tila’y hindi natin alam kung saan tutungo, maniwala lamang tayo sa ating sariling kakayahan, at tayo ay dadalhin patungo sa tamang landas.

Nakamamangha rin na ang FPJ’sAngProbinsyanona ginampanan ni Coco Martin ay nagtagal nang halos pitong taon at ito ay patuloy na sinubaybayan ng mga Pilipino. Nasa gitna man ng pandemya, tuloy pa rin ang pagtanghal at dedikasyon ng cast. Sa orihinal na bersyong ginampanan ng namayapang Fernando Poe Jr., tunay itong minahal ng mga manonood kaya naman labis ang kasiyahan na naramdaman ng bansa sa pagbalik nito sa telebisyon noong 2015.

Ang pelikulang ito ang naging tulay sa mga Pilipino na unawain ang katotohanang na bagamat marami ang mga problemang hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan, tayo ay tinuruan ni Cardo na kaya nating maging sanhi ng pag-asa. Hindi pa tapos ang laban. Sa mga sandaling tila’y nawawalan tayo ng pag-asa, tumayo tayo muli. Nagtapos man ang pelikula, patuloy tayong lumaban katulad ni Cardo na hinding-hindi sumuko. Pagmamahal, pagkakaunawaan, tiwala, at dedikasyon ang mananaig.

TAMPOK
Sinag / Sa paglalapat ni Naomi Rabatan
ni

Patintero, tagu-taguan, sipa, piko, luksong baka, tumbang preso, sungka, pepsi 7-up, langit-lupa… Call Of Duty (COD), Minecraft, Fortnite, Valorant, Mobile Legends… Alin dito sa dalawang grupo ng “laro” ang mas kilala mo?

Sa libo-libong online games na mayroon tayo sa ating mga selpon, marahil ay hindi na natin nagagawang lumabas at maglaro ng Larong Pinoy. Noong bata pa ang ating mga nanay, tatay, lolo, at lola, lalabas sila pagkatapos ng kanilang eskuwela o siesta—isang maikling tulog pagka-pananghalian—at maglalaro hanggang puro sugat at pasa na ang kanilang tuhod. Dugo’t pawis talaga ang kanilang inilalahad tuwing sila’y sumasabak sa laro. Sa panahon ngayon, kapag nagkakaroon ng brownout, malulungkot ang mga bata dahil walang internet. Sapagkat noon, madalas magkaroon ng brownout dahil sa energy crisis sa Pilipinas. Sa mga ganitong pagkakataon, nagsisilabasan ang mga bata, tatawagin ang kanilang kapitbahay, at maglalaro

bilang larong kalye, kaya mas maluwag ang mga pamantayan nito. Ito ang larong isinasagawa ng mga Pilipino noon bago pa tayo sakupin ng mga Espanyol, kaya talagang mahalaga ito sa ating kasaysayan.

Ang isa pang Larong Pinoy na mas sikat sa kabataan ngayon ay ang larong Patintero. Mayroon itong dalawang pangkat: ang runners at ang taya (taggers). Kapag nataya nila ang mga runners o kapag nakalagpas ang lahat ng runners sa taya, hindi masukat ang saya ng mga koponan dahil ito ay isang malaking tagumpay. Iisipin mo na ang estratehiya ng Patintero ay dapat puro matatangkad at mahahaba ang kamay ng mga taya, at maliliit naman at maliksi ang mga runners. Habang minsan ito’y totoo, ang tiwala at pagtutulungan ng mga grupo ang nananaig.

Sa mundong puno ng online games, ang mga Larong Pinoy ay binabalewala na ng kabataan, subalit ang mga tradisyunal na larong ito ang bumubuhay sa ating kultura. Maswerte tayong mga mag-aaral, dahil nagtatanghal ang SPCP tuwing Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang paligsahan na tinatawag na Laro

Mahalagang mapanatili ang saya at buhay ng Larong Pinoy, dahil isa itong paalala ng pagkakakilanlan ng ating kultura. Isa itong paalala ng pagkakakilanlan ng ating kultura. Katulad ng tumbang preso na ang gamit lamang ay lata at tsinelas, ipinapakita nito kung gaano kamalikhain at mapamaraan ang

Habang napakatalino ng mga bata ngayon, iba pa rin ang tinuturo ng Larong Pilipino. Dapat maging mahusay pa rin ang mga bata sa parehong mundo. Hindi ba’t dagdag saya kung aayain natin ang ating kapatid, nanay, tatay, kaibigan, o kapitbahay, upang maglaro sa labas? Walang ibang maaaring bumuhay sa Larong Pinoy, kung ‘di tayo, ang kabataan. Kaya

TAMPOK

“Ding! Ang bato!” Iyan ang isa sa mga pinaka-sikat na linya sa buong prangkisa ng telebisyon sa Pilipinas. Malamang, kilala nating lahat kung sino ang nagbitaw ng mga katagang ito —”DARNA!” Kamakailan, ang ikalabing apat na rendisyon ng Darna ay umere na rin sa nasyonal na telebisyon. Ngunit, hindi lamang si Darna ang tumatayong inspirasyong kababaihan sa sining na ating tatalakayin. Ating pag-uusapan ay ang mga matatapang at magigiting na babaeng gumanap bilang bida sa kanilang sari-sariling mga teleserye. Dala na ng kolonyalismo at diskriminasyon, makitid ang tingin ng lipunan sa kababaihan. Madalas silang tinatawag na mahihina at dapat na nasa bahay lamang, bilang tagapag-alaga ng pamilya. Tunay na makitid ang pag-iisip at depinisyon ng pagiging isang babae sa lipunang patuloy nating sinusunod at kinabibilangan. Bilang babae, lagi tayong sinasabihan at

inaasahang maging mahinhin at masunurin. Parating mga kalalakihan ang dapat na mas nakaaangat dahil “mas malakas at matapang” daw sila. Sa pinakamatagal na panahon, patuloy nating sinunod ang ganitong pag-iisip—ngunit hindi naman kailangan magtapos iyon doon. Malaki ang impluwensya ng sining sa mga manonood at mambabasa nito, lalonglalo na sa mga kabataang inaaral pa lamang at kinikilala ang mundo sa kanilang paligid. Mahalagang mayroon silang napapanood na mga makabuluhang karakter na babae, bilang isang inspirasyon na hindi sila dapat magpaapekto sa idinidikta at inuutos ng lipunan. Isa sa mga pinakasikat na teleserye sa Pilipinas na tunay na nagpakita ng kakayahan ng isang babae ay ang “Wildflower.”* Bumida dito si Maja Salvador bilang si Lily Cruz at Ivy Aguas, na iisang tao lamang ngunit magkaiba ang pamumuhay at pagkakakilanlan.

TAMPOK
Sinag / Sa paglalapat ni Nicole Eugenio

Nang dahil sa karumal-dumal na krimen at pang-aapi na naranasan niya bilang si Lily Cruz sa kaniyang kabataan, bumalik siya sa kanyang kinalakihang baryo bilang si Ivy Aguas: isang mayaman, matapang, matalino, at makapangyarihan na binibini. Sa kanyang pagbabalik, isa lamang ang kaniyang layunin: paghihiganti sa pamilyang nagpahirap sa kanyang pamilya. Pinagisipan at pinagplanuhan niya nang mabuti ang kaiyang estratehiya sa paghihiganti at siya ay nagtagumpay rin sa huli. Bukod pa sa Wildflower, mayroon ding animated na serye mula sa komiks na sumikat hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo din. Ito ay pinamagatang Trese, ang istorya na pinangungunahan ni Alexandra Trese, isang tiktik na nagsisiyasat sa mga krimen na may pinagmulang sobrenatural. Napakaraming tao ang interesado sa mga kwentong mitolohiya sa Pilipinas nang dahil sa malikhaing pagkakabuo nito kaya naman

sumikat ang istoryang ito. Bilang isang tiktik, siya ay nagpakita ng kakaibang katapangan at katalinuhan upang harapin ang mga problema at krimen na nangyayari sa kanyang lugar. Marami pa ang maaaring halimbawa ng mga kahanga-hangang kababaihang nagpakita ng taglay na katapangan, pagmamahal, at matalas na pag-iisip sa buong kasaysayan ng sining sa Pilipinas. Patuloy na tumataas ang respeto ng lipunan sa mga babae at dahan-dahan ding umaasenso ang pagkapantay-pantay ng mga babae sa lalaki. Maraming kabataan ang naeenganyong sumubok sa paggawa ng mga bagay na hindi kadalasang inaasahan sa mga babae. Salamat sa mga palabas tulad nito, lumalawak ang kaisipan ng mga manonood at mambabasa.

*Babala:Angpalabasna“Wildflower”aymay maseselanglengguaheatkarahasanna mabigatparasailangmanonood.

28 Pauliworld TAMPOK
29 Sinag / Sa paglalapat ni Mieka Laciste TAMPOK
ni Tiffany Cosue

Ilarawan mo ang imaheng ito: gumising ka ng alas-sais ng umaga upang maghanda para sa unang araw ng pasukan. Lumabas ka ng kwarto para kumain ng almusal. Napangiti ka nang maamoy mo ang sumasamyong kape ng iyong magulang. Binati ka ng tatay mo habang isinasawsaw niya ang pirasong pandesal sa kapeng mainit. Napaisip ka: ito ay isang karaniwang pangyayari sa bahay ninyo at marahil sa ibang parte ng bansa. Ngunit, ano nga ba ang mga kakaibang kumbinasyon sa pagkain ng mga Pilipino?

Champorado + Tuyo

Marami sa atin ang nakatikim na ng masarap na tsokolateng kaning may halong gatas: ang sikat na champorado. Subalit, ang mga Pilipino ay mahilig sa tamang balanse ng matamis at maalat. Ang kumbinasyong champorado at tuyo (isang uri ng isda) ay nakabibigay ng balanseng hinahanap.

Dinuguan + Puto

Ang dinuguan ay isang Pilipinong espesyalidad na linuluto sa dugo ng baboy. Sapagka’t ito ay malasa, gustong-gusto ng mga Pilipinong sabayan ito ng pagkaing puto. Ang katamisan ng tinapay ang nagbabalanse sa malinamnam na lasa ng dinuguan.

Pancit Canton + Mayonnaise

Tuwing tayo ay namimili sa tindahan, palaging may kasamang Pancit Canton ang kart. Sino ba naman ang hindi mahilig sa mga pagkaing madaling lutuin? Upang bigyan pa ito ng munting lasa, idinadagdag ng mga Pilipino ang mayonnaise sa kanilang Pancit Canton. Bukod diyan, ang iba sa atin ay nagluluto ng itlog bilang pandagdag sa malasang canton.

Manggang Hilaw + Bagoong

Kung lumaki ka na may punong mangga, alam mo na ang pinakapaboritong kumbinasyon ng mga Pilipino sa mangga: ang bagoong at manggang hilaw (unripened green mango). Sa katotohanan, ang lasa ng manggang hilaw ay maasim at sariwa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinakain ito kasama ng bagoong (shrimp paste). Marahil, ang asin sa bagoong ang nagbabawas sa kaasiman ng manggang hilaw. Sa susunod mong pagtitipon, hanapin mo ang tanyag na kumbinasyong ito.

Hotdog + Marshmallow

Walang sinumang hindi sumasang-ayon sa sarap ng hotdog at ng marshmallow. Samakatuwid, ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay makikita sa kumbinasyong “hotdogatmarsmallowona stick.” Madalas itong nakikita sa mga pagtitipon at handaan. Kung iyong babalikan ang mga nakalipas mong pagdiriwang, siguradong may kumbinasyong hotdog at marshmallow na naganap!

Sorbetes + Tinapay

Isang sikat na pagkaing pang-meryenda ay ang sorbetes at tinapay, lalo na sa mga bata. Pagkatapos ng mahabang oras ng paglaro sa ilalim ng araw, ang “ice-cream sandwich” ang nagbibigay buhay sa kapaguran! Nilalagyan ng sorbetes ang malambot na tinapay at pagkatapos ay tinitiklop. Tiyak na mapapakuha ka ulit ng pangalawang sandwich dahil sa kasarapan nito.

Gutom ka na ba? Ito ang mga kakaibang kumbinasyon ng mga Pilipinong lutuin. Hindi ito kadalasang nakikita sa kusina at hapag-kainan ng ibang bansa. Ang mga kumbinasyong ito ay ang nagpapalakas sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Pinapatunayan nito na masagana ang ating kuryusidad sa mga bagong oportunidad at pagkakataon— na may kakayahan tayong lutasin ang mga problemang hinaharap. Gayundin, mahilig nating ipamalas ang pagkamalikhain hindi lamang sa pagkain, pero sa ibang mga larangan din. Sa katunayan, mapalad ang mga Pilipino dahil lumaki tayo sa isang mapagtanggap at mapanlikhang komunidad. Responsibilidad nating protektahan ang mga katangiang ito para sa susunod na kabataan.

MGA SANGGUNIAN:

[1] Miranda, R. (2020, September 28). All the pinoy food combos we love [Web log post]. https://www.yummy.ph/lessons/cooking/pinoy-foodcombos-a00249-20200928

[2] Lumugdan, C. L. (2022, August 3). Weirdpinoyfoodcombinations [Web log post]. https://villagepipol.com/weird-pinoy-food-combinations/

[3] Click the City. (2014, September 30). 8 unusual food combinations pinoys enjoy [Web log post]. https://www.clickthecity.com/food-drink/article/28213/8weird-food-combinations-pinoy-eaters-enjoy/

[4] Laureta, I. (2017, February 16). 20 Filipino food quirks that pinoys don’t realize are weird [Web log post]. https://www.buzzfeed.com/isabellelaureta/ weird-pemasarap

[5] Canlas, KC. (2015, January 6). 10 strange pinoyfood pairings that actuallywork [Web log post]. https://www.wheninmanila.com/10-strange-pinoy-foodpairings-that-actually-work/

30 Pauliworld TAMPOK
31
TAMPOK
likha ni Anya Dimanlig Sinag / Sa paglalapat ni Natasha Allenby

ThedazzlingstarsoftheGoldenAgeofPhilippineCinema

- Surrender – Hell! (1959)

- Dahil sa Isang Bulaklak (1967)

- Super Gee (1973)

- Gilda (1956)

- Tubog sa Ginto (1971)

- Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974)

Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe 1941-2022

- Pilipinas Kong Mahal (1965)

- Ang Daigdig Ko’y Ikaw (1965)

- Perlas ng Silanganan (1969)

- Malvarosa (1958)

- El Filibusterismo (1962)

- Igorota (1968)

likha ni Suzie Sibug Sigrid Sophia Agatha de Torres von Giese 1923-2009 Dolores Marquez Clark 1935-2016 Rosario Violeta Solis Hernandez 1935-1998
32 Pauliworld TAMPOK
ni Mikayla Mendoza
KONTRIBUSYON
33 Sinag / Sa paglalapat ni Natasha Allenby

Ika-anim ng enero

At hindi pa rin kita matawag na akin Kulang na nga lang ay madapa Kakahabol lang sa ’yo sinta

Kamusta Ako nga pala si Mikayla Ang binibining nahulog sa’yo ng sobra Ang binibining hindi alam kung may pag-asa pa nga ba

Ngunit patuloy na pinaniniwalaan Na ikaw ang magiging ilaw Sa madilim kong mundo Ang aking pahinga

Napaka daming tao sa mundo Bakit ikaw pa ang natipuhan ko? Dahil ba iyon sa napakaganda mong mga mata? O baka naman sa amoy pinipig mong damit?

Simple lang naman ang aking pangarap Ang mahulog ka sa aking mga yakap Sa ilalim ng mga asul na ulap Nang sa araw-araw ika’y aking mahagilap

Pinagtagpo tayo ng mundo Hindi para maging tayo Ngunit ikaw pa rin ang tangi kong pinapanalangin At ang habang buhay kong hihilingin

34 Pauliworld KONTRIBUSYON

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SINAG 2023 by Pauliworld - Issuu