Litaw

Page 1

LITAW

E-ZINE 2023

Setyembre 2023

PATNUGOT NG PANITIKAN

Melchi Pagdanganan

MGA MANUNULAT

Anedrei Manalaysay

Felicia Joy Poelcios

Adrian Justin Ramos

Hennessy Chua

Stephen Castañeda

Geraldine Barcelon

John Paolo Gatdula

Rhozettee Lei Catiis

Luis Tolentino

Kristel Anne Vadal

Nathaniel Valles

Kurt Dela Cruz Victoria

Eduard Escuadra

PUNONG TAGA-ANYO AT DISENYO

Mylene Lovelyn Tumamak

PUNONG DIBUHISTA

Jeraldine Hayagan

MGA DIBUHISTA

Maru Carlos

Shaina Faustino

Francheska Sayo

Zoe Landayan

Clark Maglaque

Jonelle Caparas

Art Castro

Kurt Husty Victoria

MGA KASAPI SA PAMATNUGUTAN

Amiel Antonio

Dustin James Bayog

Rachel Hannah Beltran

Ron Jeric Faustino

John Paolo Gatdula

John Rhey Piamonte

Kristel Anne Vadal

Leonard Andrei Cabalona

Dr. Romulo Mercado Jr.

TAGAPAYO

Panimulang Kalatas

Ang tagal ko nang nakapiit dito. Nilalamutak na ng mga uod ang likuran kong naninigas na. Ang mga kuko ko ay hindi na muling naranasang lumago pa dulot ng araw-araw kong pagkiskis nito sa semento sa aking ibabaw na parang kaya nitong halukayin ang daan palabas, paakyat, tungo sa ibabaw ng lupa kung saan may sariwang hangin. Kahit sariwang hangin lang dahil ilang beses na akong nagkandasuka sa hindi na sumisingaw na amoy ng ihi, dumi, at luha sa kahong semento na ito.

Sa ibabaw, palagi akong nakaririnig ng mga yabag, takbo, at pag-awit. “Ilitaw, ilitaw!” ang paulit-ulit na salitang nakararating dito sa akin kahit mahina, kahit kabog na lang sa aking dibdib ang malalakas na mga yabag.

Kaya matagal ko nang itinigil ang paghalukay sa semento, matagal ko na ring hinayaan ang mga uod na pagpiyestahan ang natitira kong katinuan.

Ayos nang hindi ako mailitaw.

Huwag lang akong makalimutan.

06 Dictator in Hell Selene Talaan ng Nilalaman 07 Fiesta Bibingcow 08 Dasalan at Tuksuhan Alon-Agos 09 Isang Linggong Paghirit Fidelity 10 Buto Alon-Agos 11 An Art Gallery Full of Thieves Dakong Kanluran 12 Anak Yata Ako ng Isang Puta Kalimba 13 Laro Tayo! Arahabaki
14 Dalangin ni Eba Casting Crowns 15 Paniniwala ng Bulag at Mulat Equinox 16 Unexposed Exposure Dakong Kanluran 18 Ang Ipinagpalit Eve 20 Ang Lolo ko’y Hardinero Bibingcow 22 Binhi ng Sinilangan Themis 23 Alingawngaw Casting Crowns 24 Of Souls Who Were Buried alive Stella 26 Nagnakaw ako ng Kwintas na Hindi Maisasangla Amping

DICTATOR IN HELL

Selene

Be deaf from the screams of the tongues you severed, alas, the one you met was not Virgil. for no penitence will ever trounce all your doings.

For tyrants like you, misery is much sweeter, so shriek all you want, burn in this ice-cold fire, and be lost as the souls whose voices you stifled.

Welcome in this circle, your place is where you beg even for a speck of freedom. That’s what you get, fool, that’s what you are for playing god.

06
Litaw
TULA

TULA

Fiesta

Bibingcow

Dinala ni Apo, ang chicharong tinusta Sinipit, inipit, at may pasong marka.

Bitbit ni Kuya ang inihaw sa kawayan Lagablab ng pampalasa, naghihiyawan. Hapag ni Mama, pinalamanang isda luto ‘Di natapos bago nga hinango’t gumuho. Nakipagtayaan naman sa bisita ang Ate Spin the bottle at itututok sa kokote. Naghunos ng pabitin ang batang ampon, Ang premyo’y sapatos at salaping kinahon.

Kapwa maingay at tahimik ang natanging pista, Pinagdiwang, pinagdusahan nang isang dekada.

07
Litaw

DASALAN AT TUKSUHAN

Alon-Agos

Buong-loob na lumuhod sa harap ng mga paa mo at isinigaw tanyag mong apelyido. pupurihin ka’t laging itataas, ginoo. tatanggapin alay mong impyerno. dinggin nawa ang dalangin ko— ang giliw na inaasam ng pusong ito, kahit ilang beses pang magrosaryo, mag-alay man ng donasyong libu-libo. o, panginoon ng bansang ito, ibalik nawa nawawalang anak ko.

08 Litaw
TULA

ISANG LINGGONG PAGHIRIT

Fidelity

Lunes, labas-masok ang ‘yong sibat. Martes, dos por dos sa ‘king balat. Miyerkules, apoy ay nilalaplap. Huwebes, tubig ay nilalanghap. Biyernes, puno ng kasiglahan. Kuryente, dumadaloy sa buong katawan Sabado, kutsilyo na ang ‘yong tinapat, at pagsapit ng linggo, gusto ko nang hindi dumilat.

O kay bilis ng iyong pagdakip, kapit sa leeg o sadyang kay sikip. Natulog ako na isang magiting, ngunit hindi na nang ako’y gumising. O kay bilis ng iyong pagbalik, parusang dala o sadyang kay hitik. Ang paghirit mo na sadyang kay lupit. Tama na po... bukas na lang ulit.

09 Litaw
TULA

BUTO

Alon-Agos

Sabi nila, kung may itinanim, tiyak na may aanihin. subalit masyadong bilog ang mundo sa mga hampas-lupang gaya ko— ng mga taong nasa ilalim ng diktadurya. diniriin ng pamilyang kahit isang barya, ipagkakait pa sa naghihikaos na madla. sa mundong bilog na ito, ang mga umaani lang ay mga payaso. gapos-gapos nila ang batas, pinatigil ang paglagaslas sa kanila ng mga kaso. magtanim. umani. sumagana. iyon naman talaga ang inaasam ng lahat, ng mga taong lugmok sa pagkasalat— magtanim ng mga buto sa lupa upang may aanihin ang kapwa, hindi magtanim ng mga buto ng kapwa upang umani ang huwad na bathala ng mga ekta-ektaryang lupa.

10 Litaw
TULA

TULA

AN ART GALLERY FULL OF THIEVES

One of many things I am is classy, I guess that’s why she likes me. From strokes to simple lines Emotions can be shown, But your conscience. But why does she have to lie for me? I’m an art that people need to see. Hiding me is a crime, Self-proclaimed queen, I beg you, set me free. As much as I am like a tempting diamond, No one should lock me hidden, My maker didn’t create me to be forbidden, My price is more than the wealth that’s ill-gotten, Illegally acquired by you is more than insulting.

11 Litaw
Dakong Kanluran

ANAK YATA AKO

NG ISANG PUTA

Kalimba

Sa gabi ay kumpol ng daing at ungol ang naririnig, mga nagbabagsakang gamit, halushos at tinig, hindi naman makapagtanong kay Ama, hindi rin mabuksan ang bibig; makamundong mga ingay na nakatutulig.

Kaya nang umalis siya at nanahimik ang silid, nagplano ng pagpuslit para aliwin ang sa isip ay kumakalabit: magpaakit sa pinto, buksan nang walang langitngit.

Silya de elektrika sumalubong sa aking aninag, mga bakal na makinang, sa kalawang hindi matitinag, de kalibreng mga kahoy na may bahid ng dugo, katawang malapit nang maagnas, dilat na mata’y nagsusumamo.

May larawan sa dingding, mukha ni Ama, nakatali siya’t mukhang dating biktima. Limbag sa pahayagan ay batas militar— ngayon ay isa nang puta.

12 Litaw TULA

LARO TAYO!

Arahabaki

Nakasisinag ang araw; balat, nalulusaw. Dumadanak ang pawis; tumatakbo nang mabilis. Hindi pa siya humihinto, mahuli lang ang salarin.

Nagsimula na ang mga manlalaro; kapwa tupa’t lobo. Sa takipsilim dumudungaw ang taya, inaabangang mapain ang takot na tupa.

Sampung segundo—may mga tumulo na dugo. Dekada sitenta pa nagwawagi—ang mga pasimuno.

13 Litaw TULA

DALANGIN NI EBA

Casting Crowns

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, maging sa huwad na puri sa akin ng bala; Aba, sa ginoong tumabas ng kamiseta, habang inuukit ng dahas ang bawat tagpo at sa matuling pagsulyap niya sa aking belo: “Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.” Bukod ba akong pinagpala sa babaeng lahat, dahil buhay pa bagaman kibit-balikat; kaya Santa Maria, ina ng diyos, dinggin nawa ang hiyaw naming mga kapos, pakawalan kami sa nakasusukang mga halik at haplos; ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at sa paulit-ulit kong pagkamatay, sa kamay ng berdugo’t lumbay, amen.

14 Litaw TULA

ANG PANINIWALA NG BULAG AT MULAT

Equinox

Isa kang bulag

Kung hindi ka maniniwala

Noong Martial Law

Payapa ang Pilipinas

Hindi

Totoong magulo ang paligid

Lahat ‘yon ay kwentong barbero

Noong Martial Law

Payapang gumala ang mga tao

Walang kriminal, Walang dinukot, Walang inosenteng pinaslang, Disiplinado ang mga pulis, Kinilala ang karapatang pantao

Hindi totoong

Pangit ang pamumuno ni Marcos

Ito ay walang halong biro

Kung paniniwalaan mo ito

Isa kang mulat

(Basahinpaitaas)

15 Litaw TULA

UNEXPOSED EXPOSURE

Dakong Kanluran

“Kay guwapong bata.”

Nakakahiya. Ilang beses ko na ‘yang narinig nitong mga nakakaraan sa mga bisita sa amin at nakakikita ng larawan ko. Hindi ako makaimik. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon at papuri.

“Matalino rin ‘yang bata. May laman talaga ang ulo. Napalaking maayos nina kumare at kumpare,” gatong pa ni ninong sa ninang.

“Siyempre naman, ni hindi ko nga iyan pinadadapuan ng langaw.” Lumapit si Nanay sa mga kaibigan. “Nakakahawa ang mga ngiti, ano?” Tumawa ito. “Pinag-aartista ko nga ‘yan, mare, kaso talaga focused siya sa pag-aaral at gustong-gusto talaga ang pagsusulat.”

Natawa ako nang bahagya. Si Nanay talaga! Ayaw bitiwan ang pagpilit niya sa akin na mag-artista. Kinumbinsi nya na nga rin akong mag-broadcaster para kahit papaano raw ay makikita niya ako sa TV pero–

16 Litaw DAGLI

“Hindi nIya talaga hilig ang magsalita sa maraming tao at lumabas ang mukha niya sa mga public appearance. Sulat-sulat lang. Idol si Rizal, eh,” saktong singit ni Tatay sa usapan na inakbayan si Nanay at piniga nang mahigpit ang braso nito tanda ng pagmamahal.

Saglit natahimik ang bahay kaya binuksan ni Kuya ang telebisyon na pumukaw sa atensyon ng mga bisita.

“Isang taon matapos ang makasaysayang EDSA People Power na naghinto sa siyam na taong kalupitan ng Batas Militar ay pinaghahanap pa rin ang mga nawawalang mga sibilyang pinaniniwalaang puwersahang pinatahimik dahil sa pagtuligsa sa pamumuno ng napatalsik na administrasyon.”

“Nako. Sigurado ako na nanggagalaiti ‘yung si bunso dahil kung saan-saan na nakarating ang fliers na may mukha niya at ayan, nilalabas sa telebisyon ang pangalan at mukha niya,” komento ni Kuya na sinuklian ng mapait na tawa ng mga bisita nina Nanay at Tatay.

“Guwapo talaga,” puri ni Nanay sabay pahid ng luha.

Kung sana ay nakikita lang niya ang anyo ko ngayon. Puno ng sugat at pasa sa mukha. May paso ng yosi sa likod kahit sa ulo.

17
Litaw

ANG IPINAGPALIT

Malala talaga ang takot ko sa tuwing naririnig ko ang salitang “palit.” Nag-iiba ang pandama ko sa tuwing nasasaksihan ko kapag may pinapalitan—bagay man ito o tao.

Isang beses na akong ipinagpalit at ayaw ko na ulit maulit. Oo, kahit pa bali-baliktarin ang mundo, hindi ko mapipilit ang sarili kong tanggapin ang salitang palit. Kahit bigyan pa ako ng magagarbong kasuotan, magagarang kotse, at malawak na lupain e hindi ako mapakakalma niyan.

Ramdam ko pa rin ang pait kahit ilang dekada na ang nakalipas nang minsan na akong ipagpalit. Alalang-alala ko pa rin iyon at nanginginig pa rin ako sa galit.

Isa ako sa mga pinalayas sa aming isla—umaasa pa ring makabalik kahit pa imposible dahil nandoon pa rin ang mga hayop na sami’y ipinalit.

10 Litaw
Eve
DAGLI
Litaw 19

ANG LOLO KO’Y HARDINERO

Bibingcow

Excited na ako ngayon dahil sa event na ginagawa ngayon, Family Day! Sa wakas ay maipagmamalaki ko na rin sa mga klasmeyt ko ang mabait kong lolo na nag-alaga sa akin simula baby pa ‘ko. Aakyat kasi kami sa stage tapos ikukuwento trabaho ng pamilya na gusto naming ipakilala.

“Ang tatay ko ay isang bumbero, pumapatay ng apoy gamit ang tubig!” sabi ni Emmie. Kamukha rin pala ni Lolo dati ang tatay ni Emmie, kaso gumagamit naman siya ng tubig sa pagdidilig.

“Ang nanay ko naman ay isang teacher, nakauniporme siya lagi kapag pumapasok,” ngiting-ngiting sabi ni Irish. Gaya-gaya, parang si Lolo lang ulit, nakauniporme rin sya sa trabaho niya, sobrang blue pa nga. Siguro dahil nag-aalaga ng kapaligiran si Lolo kaya gano’n.

20 Litaw DAGLI

Hay! Ang tagal ko naman! Gusto ko nang ipakilala si Lolo sa mga klasmeyt ko, eh. Sumigaw bigla si Ferdie sa mic, “Ang tatay ko naman ay isang karpintero. Pukpok dito, putol doon, baon dito, at kung ano-ano pa!” Ang galing naman! Pero mas malupet ang lolo ko kaya sa wakas, ako na rin! Ang layo naman kasi ng apelyido ko, eh!

“Ang lolo ko ay dating hardinero, nakasuot ng blue na polong sobra sa plantsa. Meron siyang kakaibang paraan ng pagtatanim . . . maghihintay siya ng katulong sa kanto saka niya ilalabas ang gamit niya para sa pagpunla. Makinig kayo, uy, ito ‘yung gamit niya, may kinakalabit lang siya, tapos may lalabas doon sa kabilang dulo na buto na bumabaon.

“Parang magic nga, eh, kasi pagkabaon nu’ng buto, kusang madidiligan ‘yun. Naglalawa bigla sa tubig ‘yung lupa. Kinabukasan, kasi tuwing gabi madalas magtanim ang lolo, may iba nang magdidilig ng buto. Iniisip ko nga kung kilala nila si Lolo, pero ibang pangalan naman ang tinatawag nila. Ang gara naman. Maraming dumadating du’n sa pinagpunlaan, nagbubuhos ng balde-baldeng pandilig doon.

“Tinanong ko nga minsan si Lolo kapag kinukuwento ‘yun, kung namamatay ba ‘yung mga halaman niya dahil laging sobra ‘yung dilig.

“Ang sabi niya, oo raw, palaging namamatay.”

21 Litaw

BINHI NG SINILANGAN

Themis

Alam mo ba kung bakit nakapiring si Hustisya? Sabi kasi nila’y dahil walang sini-sino ang batas.

Maaaring tama sila, pero hindi sa konseptong pantay ang lahat sa batas. Kundi dahil sa katotohanang kahit may sala o wala, kaya nitong ikastigo. Ang kamay ni Hustisya ay para na lamang roleta—kung kanino matapat, ikaw ang pinalad.

Marahil ding mali ito.

Dahil hindi batas ang walang sini-sino—kundi iyang mga peligrosong demonyo na nag-anyong tao’t nakuha pang bihisan ang sarili ng palamuti’t pabango, medalya, at titulo. Marahil ay piniring ni Hustisya ang sarili niya dahil parehas lang din namang dilim ang makikita sa pagkakapiring at sa tunay na mundo.

Sa totoo lang, ilang taon na rin akong nakahiga. Lapat na lapat na ang likod ko sa higaan. Kung titingnan nga’y parang parte na lang din ako nito. Matagal na rin kasi akong tinakasan ng emosyon. Ayaw ko na rin namang manumbalik pa ito ‘pagkat katumbas nito’y muling pagbalot ng galit at takot sa bakal na kamay na siyang sa aki’y dumukot. Piniring, binusalan, tinabunan, at saka kinalimutan.

Oo, ako si Hustisya, ang bersyon noon.

Pero wala rin naman akong ipinagkaiba sa Hustisya ngayon. Ginagawa pa rin nila akong simbolo para sa ilusyong imahe ng katarungan. Ngunit sa katotohanan, isa na lang naman akong manikang menikaniko base sa nosyon ng nakaluklok.

Ilang bersyon ko pa kaya ang dudukutin at ibabaon nila? Hindi naman ako binhi na ibabaon para magbunga ng kapayapaan. Lalo kung dugo ng mga biktima ng karahasan ang gamit para ako’y diligan. Huwag ninyo nang hilinging ilitaw nila kami, baka marumihan ang mga uniporme nila sa pagbubungkal nitong Lupang Hinirang—bayan ng magiting na sila mismo ang sumisiil.

22 Litaw PROSA

ALINGAWNGAW

Casting Crowns

Hindi ako nakakikita ng mga multo, ngunit naririnig ko sila.

Nakapilipit na sa bituka ko ang paghabi ng mga kuwento, ang pagbuklat ng mga misteryo, at ang pagsalaysay ng katotohanan. Naging tunay at marilag ang marahan kong pag-akyat sa hagdan ng kumpanyang pinagsisilbihan ko. Dakila ang tingin ko sa mga katulad nilang mamamahayag ng bayan; gaano man kakitid ang landasin, pinilit kong maipanalo ang himagsikang pinasok ko – at hindi naglaon, tagumpay.

Hindi pa rin ako nakakikita ng mga multo, subalit malinaw kong naririnig ang mga kaluluwang ligaw at ang pagsamo nila ugat ng kamatayan. Bahag ang buntot ko sa mga ganitong bagay, pero naging kapaki-pakinabang ang kakayahang ito sa pag-uulat ko ng balita. Matulin kong nahuhukay ang katotohanan sa likod ng: kawatan umano na tinaniman ng droga, pinaputukang binatilyong nanlaban, ginahasang dalagita, dinukot na mga aktibista, at pagtutukoy-pula sa pinira-pirasong mga tagapagbalita.

Ngunit ang pinakamahirap pakinggan ay mula sa mga kaluluwang hindi makapagsalita, na dahil tulad ko, literal na pinutulan sila ng dilang nakasusugat sa rehimeng pahirap at pasista. Hindi ko maisatitik ang nais nilang sabihin sapagkat ang tanging naririnig ko ay kaluskos ng galit at hikbi ng paghihiganti.

Walang nakaaalam na naririnig ko sila; naaaninag ngunit hindi nakikita. Mabuti na nga rin ito dahil hindi siguro kakayanin ng mahinang loob ko ang pagkukunwaring hindi ko sila nasisilayan.

Hindi ko pa rin sila makita nang klaro, ngunit lalong lumakas ang nakabibinging ulyaw ng mga multo ng karapatan at katarungan. Sinupalpalan sila ng diktadurang banghay ng pamumunong pinag-isang dibdib ng kasakiman. Hindi ko man sila muling maaninag dahil sa pagkabalot nila sa pinagtagpi-tagping kasaysayan, hindi tuluyang nagpadaig ang alingawngaw ng mga multo mula sa inanod na dalampasian ng tunay na nakaraan.

23 Litaw
PROSA

OF SOULS WHO WERE BURIED ALIVE

Stella

Isn’t it too wicked to think that your bright chapters may end in a snap? Twice blink and you’re gone and you know there could be nothing more tormenting than vanishing and not being able to return— from yourself, from your loved ones, and from the world you thought would be kind enough to unfortunate souls like you.

It’s scary how sometimes, the things that used to be our comfort can no longer be our hideout when uncanny feelings and bad break hatched a plot. It’s just you and Hiraeth that share the struggles of surviving the terror and silence of the dusk ‘til dawn.

While most ever wanted to disappear at times when shame swallowed their entire, some wished otherwise.

To be found—alive.

Cases of disappearances from Marcos dictatorship remains one of the most terrifying traces in Philippine history. Even scarier as it is, these instances continuously rise in numbers and no, it can’t die. Even the blood of those who came before us proved that we’re still far from stopping it. Still beyond the stretch of imagination.

During Marcos dictatorship, approximately 926 souls became victims of enforced disappearances with majority, if not all, were subjected to torture and injustices. 51 years later, another Marcos went to power and only to prolong their legacy of hunting innocents while offenders wander free.

24 Litaw ESSAY

While the public demanded the concern to surface the ‘desaparecidos’, it appears that the regime turned a blind eye and preserved the facade of good governance.

Coincidentally, days after the International Day of Victims of Enforced Disappearances, two young environmental defenders, Jhed Tamano, 22 and Jonila Castro, 21, from our institution itself went missing and were allegedly abducted by armed men. Past one week and silence keeps echoing the gruesome state of the country’s system, and to no surprise, despite great quantities of cops, no lead has been reported and confirmed.

The first year of the dictator’s son is a clear manifestation of the still existing terror and abuse of power, with over 23 individuals reportedly disappeared with no traces.

Imagine the torture of being buried alive, except that the spade is being woke and the grave is in the filthy hands of the powerfuls. Imagine the muddling urge in finding those who were enforced to be dispelled. Imagine the anguish of attempting to digest the fact that most of the time, those who vanished either remained lost to sight or found lifeless.

Martial Law is quite a nightmare to remember but looking at where we are now, is there any more spine-chilling than realizing we’re all still standing in the same place, still screaming the same chants, and still fighting the same foe who endlessly rips the concept of justice and human rights?

Who knows? Maybe all of it was mental but are they, really?

Although the persisting battle to defend truth, justice, and humanity is still far from reality, I sometimes wonder why we’re still holding that hope after harrowing from failed attempts to hold the oppressors accountable.

Maybe, just maybe, it’s our defense mechanism and it’s what convinces us that our fellows, regardless of being noble or rogue, are still human, enough to feel affliction, still prone to feel guilt.

25 Litaw

Nagnakaw Ako ng Kwintas na ‘Di Maisasangla

Amping

‘Di ko maiwasang mangiti habang namamangha sa kinang ng kwintas ni Ina. Minsan, bago sumapit ang bukang-liwayway ay napasakin ito.

Ako ay ulila ng ama, bagama’t nito lang iyon nangyari at sa totoo lang ay masakit pa. Ginabi siya sa pagkakarpintero sa kaniyang amo sa may Kyusi at hindi na nakauwi pa. Higit isang buwan na ang nakalipas, kinailangang tumuloy ang aming pakikibaka upang mabuhay. Naghanap ba kami ng hustisya? Sa panalangin ay oo. Ngunit ng pabigkas ay para saan pa kung patatahimikin ka lang rin naman ng mga awtoridad na ‘di nakauniporme. Sabi ng aking apo, ang tawag raw sa mga taong nawala tulad ng Itay ay ‘desaparecidos’. Walang huling paalam. Walang bangkay. Walang katarungan. Isa alamang siya sa 783 na mga kataong naglaho base sa tala ni William S. Richardson mula sa Unibersidad ng Hawaii. Maliit na porsyento mula sa 101,458 na biktima ng batas militar ni Apo.

Ang sabi ng panahon, magmove-on na lang daw kami. Eka pa nila ay masyado kaming nanatili sa dilim ng aming kahapon. Past is past, sabi nga nila. Madali itong sabihin kung hindi ikaw ang nanakawan ng kabataan, kinabukasan, dignidad, at pag-asa. Napakabata ko pa nung nag-umpisa ang diktadurang Marcos, lumagpas na ang edad ko sa kalendaryo noong matapos ang rehimen niya.

Isa sa mga ‘di ko makakalimutang ka ganapan noon ay kapag kailangan ko nang mangamuhan ng bigas na ilalaman-tiyan namin sa tanghaling tapat. Mahaba ang pila sa libreng bigas na may kasamang mais, na hindi mo mo masisikmura kung ikaw ay maselan dahil parang mga reject na ito ng mga rice milling. May kapatid akong nakapila sa rasyon na iyon habang ako’y umiikot sa bawat eskinita upang makikatok sa mga may mabubuting loob. Kahit dalawang gatang lamang. Kahit pinaglamigan. Kahit tirang ulam.

Hindi naman kami tamad. Kumakayod ang nanay ko upang matustusan ang pamumuhay namin. Kung pupuwede lang siyang maglaba, magplantsa, at mangatulong ng beinte kwatro oras, ginawa na niya. Huminto kami sa pag-aaral, pangarap ko pa namang makapasok sa UP. Nakakawala ng pag-asa para sa mga pangka

26 BLOG

raniwang taong tulad namin. Kaya rin kapag kinukwento ko ito, nakakalungkot kapag tinututulan dahil maayos naman raw sila noong mga panahong iyon. Marahil, para sa kanila, oo. Ngunit sa punto de vista ng mga tulad kong tipikal na Pilipino, ang bawat araw sa dalawampu’t-isang taon ay pakikipagsapalaran para mabuhay.

Hanggang sa dumating sa puntong hindi ko na kinaya pa ang araw-araw na hikahos. Tinahak ko ang daan patungong palasyo. Lumipad na raw si Apo. Inakyat ng mga pangkaraniwan ang matayog na pintuan ng kaniyang kaharian. Sa isang madilim na pasilyo sa loob ng magarbo nilang tulugan, na kahit pagtrabahuhan ko sa aking tanang buhay ng triple ay marahil ‘di ko mahihigaan. Nakalilis sa gilid ng kabinet ang isang makinang na kwintas. May perlas sa gitna at napalilibutan ng diyamanteng hindi ko alam kung ilan at magkano ang halaga.

Ibinulsa ko ito nang nanginginig sa poot. Kapalit ng kwintas na ito ay ang buhay ng aking ama, ng lahat ng pinatay, ginahasa, ninakawan, at niyurakan. Kumilos nang magisa ang dalawa kong mga paa na tila may sarili itong kapangyarihan at isip. Natapos na siguro ang aking kalooban sa pagtitiis at pagtitimpi. Sa isip ko ay sasapat ang mapagsasanglaan nito upang tustusan ang susunod na mga taon ng aming pamumuhay. Hindi na maglalabada ang nanay. Hindi na siya mapapaso kakaplantsa sa kamiseta ng mga taong hindi siya kilala at kinikilala. Hindi na rin kami pipila ng ilang oras sa rasyon na tira-tira lamang.

Ngunit hindi ako pinalaki ng aking mga magulang na magnanakaw. Alam kong sanayan lang ang pagpatay at pangangamkam, pero kahit kailan ay hindi ko ata masisikmura ito. Kaya’t habang habol ang hininga ay napahinto ako sa tabi ng tulay, sa ilalim ay ilog na tahimik at banayad ang pag-agos. Nagwawala ang aking puso na parang gusto nitong dukutin ko siya palabas sa aking mga tadyang.

Mahigpit ang pagkakayapos ng aking mapapayat na daliri sa perlas at diyamanteng kwintas na tumutusok na aking kayumangging palad. Hawak ko na ang makapagtataguyod sa aming buhay ng ilang taon, makakapag-aral na kami ulit, at makakakain sa tamang oras. Pero pera ng bayan ang ipinambili sa kwintas na ito. Pawis at dugo ng mga gaya kong pangkaraniwang tao. Kaya’t paano ko magagawang maatim na sarilihin iyon para sa pansarili kong interes?

Kaya’t lumipad ito palayo sa aking palad, patungo sa agos ng ilog Pasig. Lumubog man ito, ngunit hindi ang pag-asa kong balang-araw ay babalik rin ang kwintas na ito sa mamamayang Pilipino. Babalik ito sa anyong hindi na bubulsahin pa ang kaban ng ating Inang Bayan.

Hindi ko naisangla ang kwintas dahil ang perlas ng silanganan ay nabibilang sa Kapilipinohan.

Higit limampung taon na ang nakalipas, binuksan ko ang telibisyon gaya ng arawaraw kong ginagawa. Isang pribilehiyong hindi namin danas noon. Nirarayuma na ko’t napapanot, nangulubot na ang aking balat, at pumanaw na rin ang aking ina. Naninirahan sa banyagang bansa at harinawa ay makabalik pa sa bayang sinilangan.

Umugong ang telebisyon at lumabas ang mukha ni Ina. ‘Di ko maiwasang mangiti habang namamangha sa kinang ng kwintas na suot niya. Minsan, bago sumapit ang bukang-liwayway ay napasakin ito. Pero ‘di gaya ng minimithi ko, hindi nahanap ng kwintas ang daan niya pabalik sa aking mga kababayan.

27
Manila Film Center Tragedy, 1981.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.