SIWALAT
BALITA Bagong lider ng SG, proklamado na; SSC, pamumunuan ng B1
Idineklara na nitong ika28 ng Abril sa E-Library Amphitheater bilang bagong halal na Supreme Student Council (SSC) ang partidong BulSUONE (B1) matapos dominahin ang Katipunan Student Movement (KASAMA) sa katatapos lamang na Student Government Elections noong Abril 18.
Matatandaang umani ng kabuuang 9,075 na boto ang bagong SG President at Student Regent na si Arianna de Jesus habang ang katunggali nito mula sa KASAMA na si Reina Reyes ay nagtamo ng 6,080 boto.
Kasabay nito, iprinoklama rin ng UCSE ang runningmate ni de Jesus na si Jerson Robles na nakakuha ng 7,816 boto matapos ang dikdikang laban sa pwesto na lumamang lamang ng 721 boto kay
JR Rafa (7,095) ng KASAMA. Ang tandem ni de Jesus at Robles ang pangalawang tandem ng B1 na magsisilbing sandigan ng buong SSC matapos manalo ni Allyson Madrigal at Jefferson Andaya noong 2021.
Samantala, nanguna sa senatorial race ang incumbent senator na si Althea Trinidad (6,667) kasama ang anim na senador mula rin sa partidong B1 na sina Alyha Marcelo (6,197), Ervin Jay Arellano (5,844), Carlos Miguel Salamat (5,404), Rosenda De Jesus (5,362), Marvin Sambilay (5,197) at Kien Ramos (5,054).
“I think kayang-kaya nating harapin ‘yung [mga] hamon kung sisikapin natin talagang lumubog sa masa,” ani de Jesus sa isang panayam.
BALITA
OPINYON
LATHALAIN
Ang mga Tinig sa Likod ng mga Blangkong Balota
Special Issue
@BulSUPacesetter medium.com/pacesetter ISSUE NO. 01 TOMO LVII MARCH - APRIL 2023
Pacesetter’s
for Student Government Elections
Mababang politikal na partisipasyon, lumutang sa ACM 2023
02 04
10
LILANAIAH REYES AND RON JERIC FAUSTINO
The University Commission on Student Elections (UCSE) proclaims the student government that will lead and serve the student body for the Academic Year 2023-2024. In photos are the Supreme Student Council – headed by its President and Student Regent Arianna de Jesus, Vice President Jerson Robles and the Senators. (Photo by Angeline Marcelino)
Hamon sa Susunod na Konseho
BALITA
Mababang politikal na partisipasyon, lumutang sa ACM 2023
Lumutang ang mababang politikal na partisipasyon ng mga BulSUan sa nagdaang All Candidates Meeting (ACM) noong ika-27 ng Marso sa Activity Center ng Bulacan State University (BulSU).
Inorganisa ng University Commission on Student Elections (UCSE) ang nasabing programa na dinaluhan ng mga tagasuporta at mga kandidato ng partidong BulSUONE (B1) at Katipunan Student Movement (KASAMA) .
Ngunit lumabas sa panayam ng Pacesetter na may bahagi pa rin ng populasyon ng mga BulSUan ang hindi batid ang kasalukuyang kaganapan hinggil sa Student Government Elections.
“Ako kasi, parang wala akong pakialam sa ganiyan. Sa ngayon kasi gumagawa ako ng thesis. Hindi namin siya mapagtuunan
ng pansin. Tapos parang wala ring nagsasabi sa amin na may gano’n pala. Nakikita na lang namin sa FB na may gano’n [SG Elections] na pala,” saad ni Rona Claveria, isang broadcasting student.
“Nakaka-disappoint na may maca-cancel na class, tapos ‘yung mga estudyante hindi naman sila pumupunta sa event na ‘yun para mas maging aware sila kung sino
ang deserving na iboto,” ani Jairalene Cruz mula sa College of Hospitality and Tourism Management.
Sa kabila ng mababang partisipasyon ng mga BulSUan, natapos ang programa sa sabayang panunumpa ng mga kandidato para sa isang payapa at etikal na pagbabalik ng face-to-face elections.
San Rafael campus bares first-ever LSC
BulSU San Rafael campus now has its first Local Student Council (LSC) after the Student Government (SG) Elections on April 18.
Pioneering the campus’ supreme student institution, Governor-elect Zirr Prine Manaog will lead the San Rafael LSC together with Vice Governor-elect Keilah Morales.
Manaog and Morales will be joined by elected board members
Justine Kurt Caballejo (Biology), Elexis Salvador (Medical Technology), Raingel Chico (Nursing), and Roan Jenski Candelaria (Psychology).
In an interview, Manaog told Pacesetter that the San Rafael LSC will bid to maintain the high political participation this SG Elections. For a new satellite campus, the San Rafael campus recorded a high election turnout with a percentage of 73.3%.
02 Pacesetter
OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
LUIS TOLENTINO, LEI CATIIS, AT RACHEL BELTRAN
ELYJAH JANN ROSALES
BULSUONE & KASAMA. The University Commission on Student Elections (UCSE) conducted the 2023 All-Cantidates Meeting at the Activity Center (AC).
(Photo by Mary Anne Lee C. Santos)
The Official proclamation of San Rafael Campus’ pioneer Local Student Council 2023.
(Photo by Law Francisco)
2023 SG Elections sees 38.25% voter turnout
GAIL FERNANDEZ AND JC ABUNDO
The Bulacan State University (BulSU) Student Government (SG) Elections
2023 showed improvements compared to pandemic-era elections after recording a 38.25% election turnout last April 18.
“With increased participation from every BulSUan, this election served as an opportunity to recognize each candidate and their potential as the new leader of our community,” the University Commission on Student Elections (UCSE) said in an interview.
All 40,672 bonafide students of BulSU currently enrolled under the academic year 2022-2023 make up the electorate this election, with 15,557 comprising the voter turnout.
BulSU’s Laboratory High School yielded the highest turnout in the main campus, with 643 voters out of 830 electorates at
77.47%, followed by College of Arts and Letters with 837 voters out of 1,281 electorates at 65.34%.
Despite initial concerns for the inaccessibility of the elections since majority have no classes on the election day due to blended learning, Bustos campus still delivered a 33.75% turnout at 1,665 voters out of 4,933 electorates—not far from that of the overall’s.
Although this year’s election turnout increased from pandemic-era elections, the 54% voter turnout recorded in 2019 is still significantly higher in comparison. Looking back, the 2009 elections recorded the lowest turnout at 28%.
“By promoting awareness and encouraging active participation, we aim to cultivate a culture of civic responsibility and democratic engagement within our university,” said UCSE.
A total of 132 students out of 180 electorates in the campus casted their votes in the SG Elections this year.
According to Manaog, they can make this happen by implementing a professional and humane mechanism in handling the LSC.
“Isa sa mga aksyon ng aming konseho ay pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa pamantasan, pagsasagawa ng mga proyektong bukas sa masang-estudyante, at pagpapakita sa kanila na may magandang relasyon ng dalawang
partido sa loob at labas ng San Rafael Campus,” Manaog said.
The San Rafael LSC’s first task at hand will be the lack of grade consultation and transparency during the first semester. Manaog positioned that they will need to coordinate this with the faculty members and campaign with the students.
Meanwhile, the San Rafael campus, aside from its pioneer LSC, also welcomed on Thursday, April 20, its first student publication team, Plumalaya.
CAFA 13% CAL 65% CBA 48% CCJE 40% CHTM 37% CICT 19% CIT 27% COE 37% COED 57% CON 63% CS 38% CSER 30% CSSP 45% LHS 77% @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter
SGE 2023 Voter’s Turnout
BSC 34% HGC 19% MSC 47% SRC 73% SRM 31% 03 BALITA OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE. 15, 557 of 40, 672 students 38.25% 157 VOTERS 837 VOTERS 1,337 VOTERS 630 VOTERS 777 VOTERS 475 VOTERS 538 VOTERS 1,507 VOTERS 1,470 VOTERS 580 VOTERS 734 VOTERS 112 VOTERS 739 VOTERS 643 VOTERS 1,665 VOTERS 409 VOTERS 1,434 VOTERS 132 VOTERS 1,381 VOTERS
Hamon sa Susunod na Konseho
ng totoo, walang kandidato ang nanalo.
Sa katatapos lamang na BulSU SG Elections 2023, nangibabaw ang kulay dilaw matapos dominahin ng partidong BulSUONE (B1) ang Supreme Student Council. Mula sa kawalan ng pagkakataong tumakbo noong 2022, ang dilaw na partido ngayon ang magsisilbing mayorya sa konseho. Ngunit hindi rito natatapos ang kanilang laban.
Hindi air conditioned na opisina at popularidad ang sasalubong sa pag-upo nila sa konseho— kundi ang responsibilidad at tungkulin para sa masang estudyante. Samot-saring hamon ang nakaabang sa kanila bilang bagong representante ng mga mag-aaral.
Hamon sa mga bagong halal na lider-estudyante na tumindig sa tabi ng kanilang komunidad na kinabibilangan at pinagsisilbihan. Mula sa iba’t ibang sektor ng mga mag-aaral— mga atleta, cultural performers, mga publikasyon, mga PWD, mga aktibista, mga working student, at marami pa— inaasahang isasama at ibibilang sila ng
mga pinunong pinili nila sa lahat ng kanilang laban.
Hamon para sa B1-led SSC na buksan ang konseho para sa isang tunay na inklusibo at progresibong abenida ng mga hinaing at danas ng mga BulSUan. Ngayon nila kailangang patunayan na totoo ang “progresibong” ibinihis nila sa kanilang partido noong panahon ng kampanya. Na hindi lamang sana ito damit na maaari nilang palit-palitan kung kailan nila nais kundi balat na dadalhin nila mula umpisa hanggang dulo.
Hinahamon din ang bagong SG na maging mabisang behikulo ng pag-oorganisa ng mga kabataan upang makamit ang matagal nang inaasam na pagbabagong panlipunan. Ang konseho, bilang lunduyan ng boses at interes ng masang estudyante, ay dapat tunay na kumikilos at lumulubog sa dan-
as ng kanilang mga nasasakupan. Hindi sapat ang pag-oorganisa lamang ng maraming aktibidad at pakulo para sa mga mag-aaral, ang kailangan ng komunidad ay konsehong nararamdaman ng mga sulok ng pamantasan at maging ng bayan.
At higit sa lahat, hamon sa B1led SG na patagusin ang serbisyo nila sa loob ng kampus tungong nasyunal dahil may mas malawak na labang naghihintay sa labas ng pamantasan. May mas malawak na pakikibakang nag-aabang sa kanila sa lansangan.
Kaya ang totoo, hindi talaga sila nanalo. Dahil ngayon pa lamang magsisimula ang tunay nilang laban. At bilang mga estudyante, nasa atin pa rin ang kapangyarihang maningil sa oras na biguin nila tayo sa rami ng kanilang ipinangako.
EDITORYAL
A 04 Pacesetter OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE. OPINYON
“ Ang konseho, bilang lunduyan ng boses at interes ng masang estudyante, ay dapat tunay na kumikilos at lumulubog sa danas ng kanilang mga nasasakupan.
SIPAT daan namang naging malaking sampal sa bulsa at katawan ng mga BulSUan ang biglaang pagbabago mula online classes to full-blown face-to-face classes.
CAMUSta, BulSUans?
Rachel Hannah S. Beltran
Nakadidismayang isipin na mayroong ‘Bukas na Paaralan’ ang konseho ngunit administrasyon pa
Ang pagtatapos ng termino ni Patricia Ann Camus ang siyang tunay na hahatol sa naging kalagayan ng mga BulSUan sa nagdaang taon.
Isang taon na ang nakalipas at hudyat ito ng pagtatapos ng termino ni Camus mula sa partidong KASAMA na siyang magbubukas ng pinto sa mga panibagong lider-estudyanteng manunungkulan sa komunidad.
Bago pa man opisyal na manungkulan ang susunod na SG, anong bakas nga ba ang maiiwan ni Camus bilang rehente ng mga mag-aaral?
Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Camus, tatlong mga alingawngaw ang palaging naririnig: Direktang Demokrasya, Magna Carta of Students, at Bukas na Paaralan.
Kung babaybayin, binitbit ng partidong KASAMA ang platapormang direktang demokrasya nitong nakaraang SG Elections
2022-2023 kung saan mabibigyan diumano ng pagkakataon ang masang estudyante na magkaroon ng boses at karapatan sa konseho.
Sa pagtatapos ng kaniyang termino, ang mga BulSUan ay patuloy na nakakunot ang noo sa platapormang direktang demokrasya sapagkat karamihan ay “hindi” raw
alam ito.
Kung tunay na nanilbihan ang termino ni Camus, ang boses ng masang estudyante ang siyang dapat nananaig ngunit bigong nagkaroon ng espasyo ang hinaing ng mga BulSUans sa dapat na kinalalagyan nito.
Buwan ng Hunyo taong 2022 nang naipasa ang MCOS at ilang buwan na ang lumipas ngunit ano ang nangyari sa implementasyon nito?
Hanggang ngayon ay nakararanas ng kalituhan at kakulangan ang bawat BulSUan pagkatapos maipasa ang MCOS. Ilang rebisyon at kakulangan sa konsultasyon ang inikutan nito ngunit mismong implementasyon ang malaking
rin ang nanaig.
Malinaw na hindi sinasalamin ng termino ni Camus ang tunay na dapat at para sa masang estudyante. Lumutang ang iba’t ibang isyu sa loob ng konseho at maging sa kaniyang partido. Panganib ang bitbit nito sa mga BulSUan sapagkat kung ang mga problema sa loob ng konseho at ng kanilang partido ay nagkakaroon ng malakihang komosyon, maging ang mga isyu pangnasyunal at pangkampus ay magsisilbing anino sa kung paano siya namumuno.
nagsisilbing bulag na makinarya. Nakapagtataka na buong partido ng KASAMA ang nakaupo sa konseho at ilang buwan ang nagdaan upang magbigay-lalim sa implementasyon nito ngunit malaking kuwestyon ang totoong panawagan at pagsasakatuparan dito. Matatan-
Ang pagiging lider-estudyante ay hindi palamuti; hindi ito dagdag kinang sa resume. Hindi ito isang titulo na pagkatapos abutin ay kalilimutan ang dahilan kung para saan at para kanino nga ba ito isinasakatuparan.
Boses ng masang estudyante ang tataginting sa huli at hindi ang mga bulok na panawagan ng konseho para ipantakip sa malalabnaw nilang plataporma.
05
“ Boses ng masang estudyante ang tataginting sa huli at hindi ang mga bulok na panawagan ng konseho para ipantakip sa malalabnaw nilang plataporma.
@BulSUPacesetter medium.com/pacesetter OPINYON OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
“ Ang pagiging lider-estudyante ay hindi palamuti; hindi ito dagdag kinang sa resume.
BEYOND INTERLINKS
For Fairness, In Fairness
Dexter T. Barro II
On April 18, a portion of the BulSU studentry casted their ballots in an election mired with cases of inadequacies and anomalies.
For what should be a testing ground for democratic principles, was instead inundated with practices that suggest otherwise.
Mere moments after poll precincts opened their doors to voters, irregularities were said to have been observed by Katipunan Student Movement (KASAMA) which would later prompt a protest rally against the University Commission on Student Elections (UCSE).
The party claimed that there are Board of Election Inspectors (BEIs) who personally inserted ballots instead of students. And in some precincts in the main campus and external campuses, ballots were not even inserted into their designated boxes.
On a similar note, several students also reported inconsistencies in the guidelines in each precinct, where it seems like each BEI has their own set of rules they adhere to.
In a statement on their Facebook page, UCSE highlighted that it has been three years since the last face-to-face SG Elections, saying that they are taking accountability to resolve these supposed isolated
issues.
Three years.
Three long years of preparation for the return of face-to-face elections yet UCSE managed to pull off the impossible—failing to conduct a faultless election.
With a reported budget of half a million pesos, the lack of organization within BEIs and the election guidelines is a conundrum that should not have transpired in the first place.
During the online setup, UCSE faced similar disapproval as they fell short of catering to every student in the conduct of virtual elections. And even before the pandemic, reports of anomalies reverberated throughout the years, with many questioning the integrity of each passing election.
Amidst all these issues, there’s no one to blame here than the Commission which claims to be stand in the virtues of truth, free-
student body, it acts as a training ground to immerse students into the political battlefield outside the university halls.
With all the apparent chaos and disarray in the country’s national and local elections, it’s a disgrace to witness such a phenomenon inside the learning sphere. But even then, it could just be a mirror to what has been existing in society, wherein the voting process never strived for the true essence of fairness.
The recent student elections are a poor reflection of a democratic exercise. Hence, it’s only right to pretend that everything is good, so we can just move right along and focus on the next line of elected student leaders.
Let’s pretend and turn a blind eye.
If you say you are for fairness, they will believe in fairness.
STUDENTS SPEAK
What particular problem shall the newly-elected Student Government first address?
SG must look into the comfort of our classrooms and facilities, especially during these times of summer heat. The leaders should make sure that every student has access to well-ventilated and conducive learning spaces.
- Tricia Macalindong, CSSP
dom, and fairness.
Student elections are an annual democratic practice done to elect leaders who will represent the
Our democratic rights and academic freedom shall be protected. Repression, red-tagging, police and military presence, and harassment must not be permitted in our university.
- Shelle Tamual, CAL
06 OPINYON OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
“ If you say you are for fairness, they will believe in fairness.
Inside the Political Arena: The Complexities of Governance in BulSU’s Two-Party System
GERALDINE BARCELON AND STEPHEN CASTAÑEDA
Swirling tide, beneath its surface, and into the murky depths. Hear. Here.
Peering beneath the student politics at Bulacan State University (BulSU) reveals a world beyond the glitz of flashy campaigns and catchy slogans. Days after the election, the well-intricate tarpaulins went down, and the raucous debates were already a part of the past.
On April 19, the University Commission on Student Elections (UCSE) announced the sweeping victory of BulSUONE (B1) Supreme Student Council (SSC) candidates in the 2023 Student Government Elections, besting the victors of last year’s elections, the Katipunan Student Movement (KASAMA).
A glimpse of the political players
BulSU is known for its vibrant political scene, where students are highly engaged in activities of the same nature. Those who have been avid participants in the political dealings of the
university have seen how the opposing parties have shaped the decisions and actions of the administration; and how the stakeholders have been affected by the aftermaths of these affiliations.
The two-party system at BulSU recognizes two major political parties, namely B1 and KASAMA, which are both considered liberal in promoting certain causes. These parties hold different ideologies and employ distinct approaches to address various issues concerning the institution and its learners.
These political drivers dramatically affect the university’s culture vis-a-vis the sentiments of the student body in general. This may result in more involved and knowledgeable political participants, but may also produce a limited and restrictive discussion that excludes the opposing viewpoints from people outside the political bubble.
Outside the epoch of student elections, both B1
and KASAMA still impact a vast majority of the school’s operations. Their standpoints may be reflected in campus activities and dealings such as events and student organizations.
Beyond these aspects, the parties shape the lenses that aid the students in their search for truth and integrity, helping them build their own set of values and standards of moral ground.
Split Perspectives
In an interview with newly-elected SG President Arianna de Jesus of B1, she stressed the importance of making a change and having a multi-party system where everyone would have the means, rights, and ability to maximize the students’ capacity in honing their political ideologies, standing, and principles.
“I think the two-party system is very much restraining sa karapatan ng bawat BulSUan na magkaro’n ng sarili nilang espasyo,” said de Jesus.
In contrast, KASAMA’s Vice Presidential candidate JR Rafa said stakeholders will benefit the...page 10
Pacesetter OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.LATHALAIN 07 @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter
ARIANNA DE JESUS PRESIDENT
Inclusivity, humility, proactivity, harmony, and integrity. Five adjectives that create a student leader. These five words should also solidify every student government for us to be able to fulfill our objectives, our dreams, and our goals for the present and the future of every Bulsuan.
coming term year ‘23-’24, should come forth with our battlecry Para sa Bayan, Para sa Estudyante that lingers for generations already. An estimated 133 student government leaders are being elected by BulSUans each year in hopes that there will be a truly inclusive, proactive, and progressive change within and outside of our university. We are expected to fulfill not only projects that will benefit them today, but also fulfill resolutions, ordinances, and policies that will uphold the rights, welfare, and freedom of each generation of students that pass by; this includes the consultative re-implementation of Magna Carta of Students, a Pro-Student Revision of the Student Government Constitution and ByLaws, Demands, and Lobbying of Budget Prioritization for our education,
these are some of what we will uphold. Moreover, as an inclusive student government, we will bring forth guidance and cooperation from different student political parties, student organizations, student publications, and other student sectors within our university premises to ensure that every step we make is a step that everyone
We must not let our fears deprive us of recreating and re-imagining Bulacan State University as the center of true excellence and true victor of freedom that is for the people. We must continue to fill in gaps among sectors as our term passes by and break the politically dividing stigma that prevents each party existing in our university from achieving a critical discourse that is truly for the students and for the people. We must become the instrument of a just political change, and become the ones who will elevate the level of socio-political participation and awareness of the students of Bulacan State University to the point that they are also able to harbor such nationalistic capacities and be able to hone their political abilities that in turn, will give them true democracy of being able to fight for the rights and freedom of our countrymen outside of the echo chambers of
For freedom, we must fear none. For the people, we must
08 Pacesetter OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE. TALUMPATI
JERSON ROBLES VICE PRESIDENT
Ang isang tao na hindi man lang nagtangka na tumulong at mag-ambag ng isang aksyon hinggil sa kinakaharap ng kanyang ginagalawan ay maihahalintulad sa isang kapirasong bato na tinapon lamang sa kung saan at kailanma’y hindi naging kasama sa pagbuo ng isang matatag na gusali.
Bilang bahagi ng masa at iskolar ng bayan, naging mulat ako sa mga pangyayaring pinagdaraanan ng mga estudyante at ng ating lipunan. Kasama na rito ang pagtaas ng bilihin, kakulangan sa mga kagamitan, hindi pantay-pantay na trato at oportunidad, malawakang pagkalat ng mga hindi totoong balita, at marami pang iba. At simula noong ito’y aking napagmasdan, napatanong ako sa sarili ko, “Nasaan na ba tayong mga kabataan?”
Ang mga kabataan ngayon ay sakop na ng liberalidad ng buhay. Hindi na tayo nakagapos sa masakit na nakaraan at makalumang tradisyon. Bukas na tayo sa bagong kaisipan, ideolohiya, paniniwala, at gawi lalo na kung ito ang mas madali para sa atin. Ngunit hindi naging maayos ang dulot nito sa iilan. Ang iba ay bulag na sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa. Ang iba ay bingi na sa mga panawagan at hiyaw ng mga taong pilit binubusalan at hindi pinakikinggan. Ang iba naman ay pinagtutuunan nila ng pansin ang mga bagay na wala
namang kabuluhan at hindi direktang makakatulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao maging ng kanilang sariling bayan. Marami rin ang nasa iisang tabi na lang at hindi na nais makisangkot, sa paniniwala na wala rin namang makikinig sa kanilang kuwento’t danas.
Kaya’t ang ating pangarap at layunin para sa ating pamantasan, bayan, at bawat BulSUans ay magkaroon ng boses, maging mulat, at makilahok sa mga gawaing kakalinga sa loob at labas ng ating unibersidad. Magkaroon ng boses na handang lumaban at ipagsigawan kung ano ang tama. Na kahit na tayo ay mga nasa murang edad pa lamang ay kaya nating patunayan na may kakayahan din tayong
makibahagi sa pagresolba ng mga suliranin sa ating bayan. Ang pagmulat ng ating mga mata ay ang pagiging malay rin natin sa hindi maayos na sistema at kalagayan na kinakaharap ng ating mundong kinatatayuan. Kaya’t huwag na sana ulit natin itong ipikit at magsilbi tayong mga mata, tainga, kamay, at paa ng mga nangangailangan na handang tumindig at kumilos para sa ikabubuti ng ating kapwa. Dahil ang panahon ngayon ay hindi lang laban ng isa, kundi laban ng lahat. Anuman ang mga suliranin at hamon na ating kakaharapin ngayon at bukas, kakayanin natin itong lagpasan kung tayo ay tutugon, lalahok, at lalaban tungo sa isang malaya at mapagpalayang bayan.
09 @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter TALUMPATI OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
LATHALAIN
from page 07... most through this setup since “it helps avoid personality politics in a two-party system.”
Instead of abolishment, Rafa is in favor of the system as it fosters stability within the council by preventing sudden shifts between political parties—ignoring the ideologies and principles they are expected to adhere to.
With de Jesus set to lead the next SSC, a change in the status quo is envisioned. “Bilang ako siguro, kung papalarin, kung magiging student regent, iaakyat natin muli ang SG [Constitution] to ensure na ang multi-party system
Pacesetter
OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
ay maa-uphold”, de Jesus said in an interview prior to election results.
A future of blurry pictures
With an array of differing sentiments from student leaders, the place of the two-party system is still up in the air. With B1 and KASAMA’s dominance in the political landscape, their supporters may be firm in their decision to underpin their respective ideologies.
Although the desire to run independently exists among a number of students, it is critical to acknowledge the difficulties
and complications that come with a shift that hopes toward a more inclusive political environment; especially in a university with decades of political dissensions.
In the end, being stagnant might make one fall deeper into the murky waters. Deciding not to unravel the decades-long enigma might foster longer nightmares. Now is the time to hear each other and recognize each player in this political arena regardless to ensure that power will serve its rightful master—the students. Blurry pictures may peek ahead of us, but this will become clearer as we look through black-andwhite lenses.
ANG MGA TINIG SA LIKOD NG
MGA BLANGKONG BALOTA
JAMES PIPONCO AT LILANAIAH REYES
Dalawang koponan ang nagsigawan.
Nakabibinging mga tinig, kapuwa humihiyaw marinig lamang ang kanilang
mga plataporma’t panliligaw. Sa huli, ang nais lang naman nilang masabi, “Iboto n’yo kami.”
Pagkatapos itiman ang mga pangalan ng napusuan at napaki-
nggan na kandidato, handa nang ihulog ang mga balota sa mga nakakandadong kahon.
Ngayong taon, tila makapal na bungkos ng papel ang pinunit
10
ng mga kinatawan ng University Commission on Student Elections (UCSE), ang komisyon na siyang naging punong abala sa halalan ng mga lider-estudyante sa unibersidad. Bagama’t nasa kanila ang kapangyarihan na pamahalaan ang proseso ng eleksyon, wala sa kanila ang pinal na desisyon.
Batay sa huling SG Elections noong panahon ng pandemya, kung saan mayroong proseso ng pagrerehistro bago ang pagboto at ginanap sa modang online, nakakuha lamang ng kabuuang vote turn out na 37.16%.
Ayon naman sa tala mula sa UCSE, mula sa 40,672 magaaral sa BulSU ngayong taong pang-akademiko, 15,557 lamang ang lumahok sa bilang ng mga botante gayong wala nang pagpapatala sa pagboto. Gayumpaman, naniniwala ang Vice Chairperson for Internal Affairs ng UCSE na si Jeremy Roque na naging matagumpay pa rin ang eleksyon bagama’t 38.25% lamang ang voter turn out ngayong taon.
Tila isang palaisipan ngayon ang dambuhalang bilang na 25,115 mag-aaral na piniling maglaro ng tagu-taguan sa labas ng presinto.
“Wala akong pasok [noong botohan]. So hindi ako papasok para lang bumoto,” pahayag ni Lenard mula sa kursong BS Electronics Engineering.
Isa sa pinakadahilan ng hindi pagboto ng mga BulSUan ay ang hindi tugmang iskedyul ng araw ng halalan sa araw ng kanilang klase. Abril 18, Martes ginanap ang eleksyon.
Kahawig ng tinuran ni Lenard, para kina Grace at Veron mula sa kursong BS Psychology naging mabigat ang timbang ng kawalan nila ng pasok sa araw ng botohan.
Ayon kay Grace, “Hindi [ako bumoto], kasi kung papasok ako para lang bumoto, ang mahal ng pamasahe ko P120 balikan, [tapos] boboto lang ako, [tapos] uuwi rin. So parang nanghihinayang din ako sa pamasahe ko kung boboto lang ako.”
“Wala kasing pasok kaya hindi rin po [ako bumoto]. Malayo rin kasi ako, e,” dagdag ni Veron na nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Bukod dito, isa rin sa naging dahilan ng pagtamlay ng mga mag-aaral sa pagboto ay ang nabuong duda sa mga kandidato at namumuno ngayon.
“[Wala], kasi kadalasan hindi rin naman ramdam ‘yung magagawa nila. I mean, kung meron man e hindi naman gano’n kalaki ‘yung impact. May impact kaso sa iilan lang, hindi naman pangkalahatan depende nalang kung major talaga yung improvement nila,” dagdag ni Lenard.
Tulad ni Lenard, kadalasan ng madalas na sabihin ng mga botante, mapanasyunal o pangkampus na eleksyon man, ay pare-parehas lamang ang mga politiko na hindi ramdam ang mga aksyon sa komunidad.
Bukod sa hindi tugmang araw ng pasok, salik ng presyo ng pamasahe at pag aalinlangan sa mga kandidato, nagkaroon din ng epekto ang mga lumutang na isyu sa pamantasan sa desisyon ng non-voters BulSUans.
“E ang dami po [hindi bang isyu], sa nagdaang mga araw po ang dami pong isyu na both party na lumalabas po sa internet so parang [nakakawalang-gana] po bumoto na naman. ‘Yun po ‘yung reason kung bakit undecided pa rin po ako,” sabi ni May mula sa College of Engineering.
Sa kagustuhang mapahanga ang mga botante, sari-saring
pagpapabango ng imahe ang ginawa ng mga kandidato ngunit sa pagsubok maiangat ang pangalan at partido, kasabay nito ang paglitaw ng ilan mga sikreto’t ispekulasyon.
Hindi na rin lingid sa tanggapan ng UCSE ang ganitong mga isyu. Katunayan, kapareho ng mga nabanggit, ito rin ang naiisip nilang dahilan ng mababang bilang ng boto pagtapos ng eleksyon.
“Naging malaking salik ang mga pumutok na isyu sa social media na marahil ay lubhang nakaapekto sa desisyon ng bawat BulSUan gayundin ang mga seksyon o klase na walang pasok noong araw ng eleksyon,” dagdag ni Roque.
Aminado ang UCSE na tunay na mababa ang partisipasyon ng mga BulSUan sa naganap na proseso ng eleksyon. Ngunit ayon sa kanila, ginawa nila ang lahat ng makakaya upang maipaabot sa mga mag-aaral ang silbi ng eleksyon.
Paliwanag ni Roque, “Hindi natin maikakaila na mababa pa ang politikal na partisipasyon at politikal na kamalayan ng mga BulSUan tungkol sa eleksyon kung kaya’t ginawa ng Komisyon ang lahat ng makakaya nito upang abutin ang lahat ng estudyante sa loob ng pamantasan.”
Nagtapos man ang araw ng pagpili ng mga lider at nanumbalik man ang katahimikan sa bawat pasilyo ng pamantasan, magpapatuloy pa rin ang pagbulong ng mga hinaing at pag-asa ng mga mag-aaral bumoto man o hindi. Dahil ang labis na katahimikan ay maaaring nagbabalat-kayong kaguluhan. Kaya kung may pagkakataong baguhin ang sistema gamit ang iyong munting tinig, gawin mo, BulSUan. Huwag maging pipi.
11 @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter LATHALAIN OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
aresibuhan ka na ba?
Makapangyarihan ang bawat resibo. Isang piraso ng papel kung saan nakasulat at nakatala ang mga pangyayaring lumipas na. Subalit sa paglipas ng panahon, tila may iba nang konotasyon ang resibo. Ngayon, hindi mo na nanaisin pang maresibuhan dahil ang papel na ito ang maaaring magdala sa iyo sa bingit ng kontrobersiya. Ebidensiya.
Makalipas ang dalawang taon, sa muling pagbabalik ng face-to-face Student Government Elections, mas naging matindi at mainit ang tensiyon sa pagitan ng mga magkatunggaling partido— ang BulSUONE (B1) at ang Katipunan Student Movement (KASAMA). Kaya naman humantong ito sa mas maingay na bangayan at pagpapasaring sa isa’t isa ng mga kandidato sa loob ng pamantasan hanggang sa social media.
Pahayag
Hindi pa man din noon tapos ang araw ng pangangampanya, nito lamang nakaraang ika-31 ng Marso, biglang naglabas ng opisyal na pahayag ang KASAMA isang araw bago ang espesyal na segment ng Pacesetter,
Pacesetter
OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
Resibo: Paghahalungkat Sa
Patong-Patong Na Isyu sa BulSU
SG Elections 2023
EDUARD ESCUADRA AT LYKA D. RODRIGUEZ
ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University, na Peys-to-Peys. Nakasaad sa pahayag ng partido ang kanilang rason ng biglaang pag-atras sa nasabing segment.
“In light of the overuse of virtual learning over the past two years, the party places great importance on personal interactions with the student body through in-person discussions and room-to-room visits to effectively propagate our campaign,” ayon sa opisyal na pahayag ng KASAMA.
Dagdag pa ng partido, hindi raw sila umano binigyan ng tama at maagang abiso ng Pacesetter kaya’t labag ito sa kanilang “professional protocols”.
“Lastly, we were not given proper notice by the publication, like formal invitation and giving the full details of the segment ahead of time, which goes against professional protocols that we strongly believe in.”
Mariin namang pinabulaanan at tinapatan ng Pacesetter sa pagluwal din ng opisyal na pahayag upang sagutin ito. Nilinaw ng publikasyon na ika20 pa lamang ng Marso ay inimbitahan na ang B1 at KASAMA kung anong araw maginhawa sa kanila gawin ang segment.
Napagkasunduan sa pamamagitan ng diyalogo sa dalawang partido na ganapin ito sa unang araw ng Abril, pabor sa partidong KASAMA dahil sila mismo ang naglatag ng nasabing petsa. Ngunit gabi bago ang
shoot ng Peys-to-Peys, nagsabi ang KASAMA na hindi na sila makadadalo pa.
Bilang pagsasara ng isyu, nag-iwan na lamang ng pahayag sa mga tao ang publikasyon ukol sa kahalagahan ng pagdalo sa ganitong aktibidad.
“Habang naniniwala sa kahalagahan ng mga kampanya at iba pang aktibidad ng mga kandidato ang Pacesetter, naniniwala rin ang pahayagan sa importansiya ng pagharap ng mga kandidato sa kahit na anong publikasyon at midya sa ating pamantasan bilang bahagi ito ng kanilang mas malawak na tungkulin bilang mga parte ng konseho at representante ng interes ng masang estudyante.”
Resibo
Bistadong Screenshots ng Group Chat
Kasabay ng isyu sa hindi pagdalo, tila hindi nilubayan ng kontrobersiya ang partidong KASAMA. Pumutok naman ang isang Facebook page na nagngangalang “BulSU Kasama
All” kung saan ipinakalat ng ‘di kilalang user na diumano’y miyembro din ng partido ang mga screenshot ng pag-uusap sa group chat ng KASAMA. Nakapaloob sa usapan kung paano tila pinagkatuwaan at inusig ang mga kandidato ng kabilang partido.
Dawit dito ang standard bearer ng BulSUONE at kaluluklok lamang sa puwesto na si Ari-
N
LATHALAIN
Resibo #1: Batuhan ng
#2:
anna De Jesus, at gayundin ang ilan pa niyang kapartido.
Kaya naman muling naglabas ng opisyal na pahayag ang KASAMA hinggil sa kumakalat na screenshots ng group chat.
Bumungad sa kanilang statement ang pag-ako at pagsabing “hindi edited ang kumalat na screenshots.” Isinaad din nila ang litadang, “Ang partido ay hindi perpekto at hindi hipokrito.”
Nabanggit din nila na sa halip na pagtuunan ang ganito kababaw na diskurso o tinawag nilang “petty quarrel”, ay dapat pataasin pa ang antas ng diskurso sa pagitan ng dalawang partido.
Nabanggit din na marapat lamang na higit pagpokusan ang mga problemang kinahaharap ng pamantasan sa pamamagitan ng paglatag ng mga bitbit na plataporma ng dalawang panig.
ballot boxes bago ang botohan at hindi rin daw ang mga botante ang naglulusot ng kanilang balota.
Hinaing ng KASAMA sa UCSE, “Given these irregularities, we respectfully request that the current conduct of the [SG Elections] be stopped immediately. We believe that this is the only way to ensure that the election process is fair, transparent, and credible.”
Sumabay din si Vice Chairperson of Internal Affairs Gabriel dey Vera mula sa B1 na nanawagan sa UCSE na imbestigahan ang ‘di tugmang bilang ng balota at sa kabuuan ng mga bumoto kung totoong mayroon.
“If ‘yung isang precinct ay may discrepancy sa nilabas na bilang ng balota compared sa bilang ng mga bumoto, obliged ang UCSE na i-investigate ‘yung precinct na ‘yon and make actions sa mga case na ‘yon on every precinct.”
video ang magsisilbing talaan ng mga naganap sa nagdaang eleksiyon na kailanman hindi na mabubura.
Kahit pa “election silence” na noong kasagsagan ng botohan, namataan pa rin ang pagdagundong sa pamantasan ng dalawang partido upang kalampagin ang UCSE dahil sa nakikita nilang maling gawi o “irregularities” sa botohan.
Kaugnay nito, nagsagawa ng rally ang ilang miyembro ng
KASAMA sa harap ng opisina ng UCSE upang ipahinto muna ang botohan dahil sa ilang aberya na naobserbahan sa iba’t ibang prisinto.
Nabanggit ng dating Student
Regent at KASAMA Chairperson
Patricia Ann Camus na marapat lamang munang ihinto ang pagboto ng mga estudyante dahil sa kawalang inisyal na pagpapakita sa kanilang mga poll watcher ng
Samantalang ang pagsigaw at panawagan ng dalawang partido tungkol sa irregularities ng pamantasan ay tinapatan ng opisyal na pahayag ng UCSE dahil naniniwala sila na ginagawan nila ng aksyon ito.
Sa huli, nagkaroon man ng pangangalampag ang dalawang partido sa pagpapahinto ng botohan o pag-extend sa oras ng pagboto, tuloy pa rin ang botohan at ang kanilang naging panawagan ay naging parte na lamang ng nakaraan.
Bakas ng nakalipas.
Ang mga nabanggit na isyu ay uukit na sa isipan ng mga taong nakasaksi. Ang mga post at
Tunay ngang naging masigla at aktibo ang nagdaang halalan. Tapos na ang kabanata ng pagpili ng mga lider-estudyante na magsisilbi sa masang magaaral. Uupo na sila sa kani-kanilang mga posisyon. May nagwagi at mayroon ding natalo. Ngunit ang tunay na tagumpay, kandidato man o ordinaryong estudyante, ang maikintal nila ang aral na itinuro ng mga nailahad na isyu.
Sapagkat mapa-social media man o realidad, walang undo, rewind, erase, at delete sa lente ng mga matang nakamasid sa ating paraan ng pakikitungo at galaw sa lipunang kinabibilangan.
13 @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter LATHALAIN OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
Resibo #3: Ang Komosyon sa Eleksyon
“ Sapagkat mapasocial media man o realidad, walang undo, rewind, erase, at delete sa lente ng mga matang nakamasid sa ating paraan ng pakikitungo at galaw sa lipunang kinabibilangan.
CHARIZKINGKING #1
So itetchi na ngey ang fers honoravols chika freysh na freyshh awt frem d oven. For da buena mano, sinetchi iteyy na SNR pizza (shereepp ses…cherry!!!) ney wititit ibong tiririt sa pagsawsaw hir sawsaw derrr s hapi berdeygulan s sowsyal medyas lavarnn sa ader pipoletz in d hauz. Shout awtt namern neng otherr side of the Door, na si antechonarizz nyiz ey dapat top not bottom inn becomingling da next top role mowdel sa ishtudentz… butt sarreh nat sarrehh geronimo si Esenar ey winchikeli siya as flawlessly byukineso with a hart layk Mama Merry!! (arci minuz 203 bilyown points na telege akiz akiz s heavenloo!!! huhuhu) na witembang nag-eerna postings sa
Pacesetter
By Chariz Kween
Bolder. Wiser. Truer. Nagbabalik ang Campus Blah Blah! Heyytchgee elekshen 2023 para sa mga juicy fruity chika inside da yuniversitility. Kaya naman, *insert royal trumpet fanfare at pakilatag na ang red carpentersz* tut-turutut-tuttut-tut-tut… magbigay pugay sa reyna ng kachismisan… Chariz Kween!!! From da Kingdom of Fantastica, nagLondon Bridge is falling down tu VulSu para ihatid sa inyo ang mga nagbabagang latest charizkingkaharas. Ar u redi get set gow? Lezzgoww!!
Weyt weyt weyt… before I forget, ang pahinang itechiwa ay rated-SPG istriktong patnubay at gabay para sa pikunin ang requirementalicious. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, bardagulan, dogshowan at iba pa na winchikeli angkop sa mga little miss Philippines ang pacencia…
peysbooking ni Zuckerberg. For thesis defensor santiago namen ni antechona na wit sya user ng camera 360 en PicsArt to filter ang kanyang ofinyonavility. Splooking nyaz, ich ah sens of whomore pipz!!! AHIHIHIHIHIHIHAHAHAHA!!!
Charizkingking #2
Nyolurki amanzano namern ang ishtudents of VulSu during night at the museum wen der ish efbi akawnt na naki-hashtag SIWALAT s feys. Akordingling s ngpostradamus, sya ey membrane ng wan party pipz sa VulSu. Naging liquidayshun site ang myztiryus efbi page ney nag-awt ng resits ng sss aka iskrinshats. Kalerki divah??! Anywey haywey, included sa sss on haw they beating the bash ang pipz s other party in da USA. Ayon pa sa lady whistledown, shiz sow Rico J. Puno ney sa toxicationalizms ov da sed party… kaya for da a gogo dancer na sha sa pagsplooking!!! Hmmm… overthinkerbells na rin vah kayiz ov hu is dish Benhur Luy of VulSu??? Daserb!!! In addishun to da superduperkalifragilizhtiks espiyalidocsious na hot tisyuu, itetchiwang mga sangkyot s tisyu paper ey pinagalaw ang baso-elya. Annie batongbakal ng da wan, “sss revelations na pala ang usobelchi.” En ayown namen chi sa isteytment ng organells, legit ang sss en wit sila ferpek shorts. Bilang selfie-correction tape rawchii cla, dey Apolinario
Mabini sa mga na-sey nila sa geeSi abt ader candy deyts en to da madlang pipol ov da yuniversitiliti.
Charizkingking #3
Doobidobidooo yu thinkerist nevah enapp na ang mga chizwish 107.5 por tudeys vidyoww?? op corrs not!! Sinechiwang namen dish Julet Jackson na EsEsSi Slater Young ov wan parteh na Ay thinkerbell magigingringling sewki ng Campus Vlah Vlah in dish elekshens tisyu???
Ang EsEsSi na itechiwa sayonara cochicochicochi na nagyes na yes for u sa interbyuki pero buzzer beater na tumira ng tresaloo en nagsey dat dey will kuya will not show must gow on tu d elekshen interbyuki sa peysetererr. Shokot yarn?? Charingkingking!! Opkors
14
OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
LIBANGAN
dey hab the right not left tu refuse but is dis deyr responsivility as public servants???
Soww y nman genernchi? Nagshagu shaguan maliwanag ang buwan in da interbyuki coz priority lane nila ang rum2rum visita iglesia sa ishtudentz en coz dey hab limited edition tym for campaigning at kung aner anofastrang echebureche shingalingngaling addishunal reasoning seasonings. Kayiz na ang mag judger s knila pagoda na akiz… Hmmm….wut elsa manaloto pa vahh uzto nyu manowsibalasi???
Charizkingking #4
Bato bato sa heavenloo ang masapok wag mawawarshockinglyy ha? So nappilyeverafter da sangkatuts na tisyu peyperr na jumijikot jikot lang sa VulSu merown suddenly its magic nag-apir disapir wan hap wan port na
Peyskomiks
fishyy feysbuk pages, i-hide n seek nlang naten sa namemaloo na BengBengaloo en VulSu Cheese.
Itetch Bengbengaloo ney nagpostradamus ng mga cryptic posts abt yourz truli peysetterer na bayas kineso en pa-victim lavarnn s kritik sprikitik ov da pipol in da viEsYu. Iz dis trulagen??? ibolang krystal nyiz nalungs! Basta em chillin’ layk a villin yeah ra ra ra lang sa gedli. Da hu let da dogs awt din itechiwang pipol behind da VulSu Cheese na nagpopostradamus ng mga scoopy bidoo bidoo dapdap abt nothing enap of da ukse aka kakulangan ng ukse sa organizationalism ov d heysgee elekshen twenti twenti tri. “cHaka ba me? kapalit-palit ba aketchi?? then yyyy???” —ukse, 2023. Kimi no nawaAa!!!
Haystttttt… usobels na rin pala s ViEsYu ang blengbong troolly mentalitivity. ande betsung nyiz vah magfez revelations para ebribadi hapi??? Charingkingking!!
iki-nlose nalhangs ang doorz s isang prisent para de n mashingaw shingaw ang balutin mo ako while counting stars. Wer isda tranzformency in dis?? sabi q kasi lock da door… wen u liv! hay nako navevertigo akis krissyyy!!!
Charizkingking #5
Itechiwang na ngaaa… da toy story continiu… akording tu ur friendly neivorhud VulSu Cheese, der iz a Bhie ih Ay na for da go go go s pagshout awt tu my eks ng “Bee wan phozzxc tayiz!” Trulagen kaya itechiwa?? if dis iz tru, edi dehins napanindiganchi ni Bhie ih Ay ang nutralitivility. No na no for u tayiz dyern seswang!! Derz more nestea si VulSu Cheese na
Charizkingking #6
En last but not da least, para s chizmis ng inyong Chariz Kween dahil i hab apoyntment hir s kabilang brgy wid my bingomates, da hu is dis fersona non grasa na ikakathryn bernardo ang anda ng own collagen as a revengers s nagsey sa kanye na wiz sha wentaloo s elesi. itz beri beri wrong my friennyyy!! Tsk! tsk! For da sadboi era namernchi ang imong collagen if mag win win sitchuweyshun ka s elesi.
Splookining pa ng nagpostradamus ney sila ey beeEfEf ni fersona non grasa en hi su4rth nyeskie ang mga uzto ni fersona coz hi see haw passion de amor sha in da fers place. Soww iz dis ufo na ba mga seswang?? Sayang namernchi ang pagwrite nyiz s slambook ng one anotherr. Lets lady’s choice spread luv not warshockk hir sa ViEsYu!!! Anywey haywey, dat iz ol 4 todeyy mga vakklang twoohhh!! Lets sharpening da eyes, bee mapanuri, mapagmatyag en mapangahas diteytch sa matangLawinn VulSu chizwish eddisyownnn!!!
Babaylaaaann~
15 @BulSUPacesetter medium.com/pacesetter LIBANGAN OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE.
EDITORIAL BOARD EDITOR-IN-CHIEF ASSOCIATE EDITOR MAN ED FOR FINANCE NEWS EDITOR FEATURES EDITOR PHOTOJOURNALISM COORDINATOR CIRCULATIONS MANAGER LAYOUT AND PAGE DESIGN SCAN ME! AMIEL ANTONIO DEXTER BARRO II GAIL HUMPREY FERNANDEZ DUSTIN JAMES BAYOG LILANAIAH REYES MARY ANN LEE SANTOS LANCE RENZY ANG MYLENE LOVELYN TUMAMAK WRITERS JC ABUNDO | RACHEL HANNAH BELTRAN | RON JERIC FAUSTINO | LUIS JOHN PHOL TOLENTINO | LEI CATIIS | ELYJAH JANN ROSALES | GERALDINE BARCELON | STEPHEN CASTANEDA | JAMES PIPONCO | EDUARD ESCUADRA | LYKA RODRIGUEZ ARTISTS CHRISTIAN TUAZON | JERALDINE HAYAGAN | SAMANTHA DELA CRUZ PHOTOJOURNALISTS LAWRENCE FRANCISCO | ANGELINE MARCELINO Pacesetter OUR SOLIDARITY WILL SET US FREE. THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF BULACAN STATE UNIVERSITY FINAL AND OFFICAL TALLY FOR SUPREME STUDENT COUNCIL DE JESUS, ARIANNA REYES, REINA PRESIDENTIAL RACE 9075 VOTES 6080 VOTES ROBLES, JERSON RAFA, JR VICE PRESIDENTIAL RACE 7816 VOTES 7095 VOTES