Lakbay
LITERARY ZINE 2024 VALENTINE’S SPECIAL
Panimulang Kalatas Nakakatakot naman kasi talagang bumiyahe. Nakasusuka sa bus. Nakahihilo ang mga van. May mga kawatang nakaabang para hablutin ang pitaka. At higit sa lahat, kahit all roads lead to Cubao, palaging nakaamba ang pagkaligaw. Pero kung may itinuro man ang paminsan-minsan kong pagbiyahe, iyon ay ang bawat estrangherong minsang nakausap sa jeep at nakasabay sa MRT ay ibibiyahe ulit ng mga kalsada patungo sa akin. Para bigyang saysay ang mga lugar na hindi ko dinapuan noon ng tingin. Ngunit isang pitik at kaya ng mga kalsadang gawing estranghero ulit ang mga pasyalan at kainan, saka pagbuhulin ang mga daan at trapiko para hindi pagtagpuin ang mga minsang pinagdugtong nito. Hindi nito ibubulong ang dahilan, pero ano’t ano pa man, alam kong gusto lang ng kalsadang matuto tayong bumiyahe. Kahit nakasusuka sa bus, kahit may kawatan, kahit posible pa rin ang pagkaligaw—para magkaroon ng saysay ang bawat paghahanap sa paglalakbay. Makararating din ako sa paroroonan.
MGA NILALAMAN 07
HOW TO TRAVEL FROM SAN RAFAEL TO BULAKAN
08 911 11
TAHANAN KO ANG PARESAN
12
SHAKESPEARE’S PSEUDO-SONNET
15
VISITA IGLESIA
16
A DATED MAP
19
SHORTCUT
STO . NIÑO
20
RUSH HOUR
23
THE TRAVELER
24
PEACE BE WITH YOU
27
EVEN IN PAPER TOWN WE’RE FOUND
28
BIYAHE
31
SA MINSANG PAG-IYAK KO SA BUS
35
Tula
How to Travel from San Rafael to Bulakan Bibingcow “Galing akong San Rafael, ano’ng gusto mong pasalubong?” Dumampot ka ng bibingka’t ibang kakanin, wala namang katangi-tangi kundi simbahan nina Basilio’t Crispin. Ibinaba ka ng dyip sa gasolinahang terminal sa Baliwag, piyesta ng Buntal kaya’t humingi ka ng pang-souvenir. “Isuot mo nga ‘to pagdating ko’t nangingitim ka na sa pagragasa sa bukid!” Pagtuntong sa Plaridel saka humagilap ng proben, ipinabalot mo sa sarsa’t tinangan sa bayong na bitbitin. Saka humarurot tungong Balagtas at bumili ng bulaklak, nagpahinto sa tsuper doon sa Bulakan bayan sa placard sa harap. Kayrami mong abubot—kahit kailan ka! Hindi naman mahalaga lahat ng ’yan. Ramdam ko na ang San Rafael hanggang Bulakan, ikaw ang pasalubong na parating inaasam.
07
08
Tula
911 Fidelity What’s your emergency? I answer the phone with a sense of urgency, as if your life or death depended on it. Mine certainly did, for it would kill me to know that you were wounded. I spent so much time giving cure I caught a curse, a soldier seeking healing in the arms of a nurse. You drive a tank in love’s battlefield, and come the time you get hurt, I’ll wheel and wail in my ambulance to clear all the pain that lurks. When you’re all patched up and good to run, I know you’ll join the war again, and once more, when other warriors give you a slit, I’ll be your first-aid kit.
Tula
Tahanan ko ang Paresan Alon-Agos
Paresan ang nagiging tagpuan sa tuwing darating ang uwian mula sa school, iikot muna sa conve dahil ang totoo’y ayaw pang umuwi; hawak naman kasi sa palad ang tahanan, ’di na kailangang kumatok sa pinto, ’pagkat bukas lagi ito kung darating ako. At panatag ako sa espasyo sa piling mo; tila nagiging langit ang impyerno. Para nga akong turista. Kahit araw-araw kang nakikita, ikaw pa rin ang paboritong pasyalan na ulit-ulit kong pupuntahan. Palagi pang may uwing litrato, parang walang kasawaan— ganiyan ako sa ’yo; mula sa ngiti mo hanggang sa kung pa’nong pinaikot nito ang buong mundo nang tatlong segundo. Kung puwede nga lang, dibdib mo na lang ang tulugan. At kagaya ng paresan tuwing uwian, sa mga labi mo ako mananahan.
11
12
Tula
Shakespeare’s Pseudo-sonnet Casting Crowns You caressed my hair from the train’s slumber to ease your heartache and motion sickness, but it was I you had healed—with laughter —from disdain, longing, and mundane madness. I took your palms and stepped into tempest as our merged warm bodies survived the cold; you weaved the retired Paris streets as quest to mend my minced heart as your eyes unfold. I sauntered into wine and fireplace floors, enthralled, you had made this youthful love brim; midnight sun saw how I was marked as yours, and how my oath was deeply carved through your skin. A nymph, a goddess, witchcraft in your lips I was a wizard—spellbound by such kiss.
Tula
Visita Iglesia Watusi
Pinipithaya kita. Mula sa munting altar naming pinapalamutian ng nakasusulasok na sampaguita, walang mintis kitang isinisingit sa aking mga dalangin; gabi-gabi kasama ang nanyayapos na simoy ng hangin. Handa akong umakyat sa bundok ng Samat; magninilay-nilay at taos-pusong ika’y ipagpapasalamat. Maninikluhod sa harap ng Poon ng Nazareno; marinig ko lamang ang pinakamatamis mong “oo”. Susuungin ko ang trapik at lubak ng Bulacan; Sa Barasoain, ako’y magtatapat ng nararamdaman. ’Di bale nang madapa o maghintay pa ng dekada, daanan ko man nang paulit-ulit labing-apat na estasyon tuwing sasapit ang semana santa; naniniwala akong sa huli— sa simbahan pa rin tayo magkikita.
15
16
Tula
A Dated Map Lilith Grief is merely love with nowhere to go. And I have grieved an endless death in the form of your absence through love still wholly belonging to you but could only slip past you. For while this love adrift recognizes how you are its only end destination, it now has lost its course, and harbors directionlessness. It will always know where to go, but in turmoil, no longer how. And so—my grief, then, is love lost in and with the wind, living off chances to land back to you.
Tula
Shortcut Fidelity There’s a shortcut we can take from our campus to our houses— an adventure we venture on, so we can be home before sunset, But I can’t take that path anymore. What for? I can’t climb the fence without your knees nor pass the creek without your shoulders. I don’t know which track is solid and which is mud or which weeds are safe to walk on and which ones can cut. Without you, I tread the long road— the one everyone takes not because I can’t be alone but because the old trail reminds me of your face. how can i forget it though if as soon as I get home, I see it at my neighbors’ lawn beside flowers blooming and candles lit on.
19
20
Tula
Sto. Niño Arahabaki Nakayapak. Nakayakap. Tila’y sunog na ang balat sa tirik ng araw dahil ilang metro na ang ating inikutan. At sa pagbalik ng simbahan, sa altar na minsan mong ipinangako kung saan mo ako palakasalan, napatingin ako sa poong kanina ko pa hawak-hawak, kanina ko pa iwinawagayway kasabay ng malakas na sinulog. Ilang beses nang nagtatagpo ang ating paningin. At sa tuwing nagtutugma ang pagsayaw natin, ayaw kong amining nahuhulog nang muli— sa ’yo, ang kapareha ko sa pag-indak habang karga si Sto. Niño. Ilang fiesta pa ba ang kailangan ko para lang tayo ay magtagpo? Ngunit kahit ikutin natin ang bario, balikan ang simbahan at ang nakaraan, wala na akong pag-asa sa iyo.
Prosa
Rush Hour Selene Dawn on a Friday, the wind felt different. For once, the bus ride to the city was not messing with my head. Maybe it’ was because you have my hand in yours, your thumb tapping my palm with the beat of the Goo Goo Dolls song blasting in our shared earphones. For once, the queue to the MRT was not vexing. Maybe it was because you were making jokes about every signages that you see inside the terminal, your fingers fixing my hair every now and then like it was a muscle memory. For once, manong tsuper’s “o, kasya pa dalawa!” was the least of my worries. Maybe it was because you have your arm wrapped around my waist, drawing tiny little circles because you know I get overwhelmed in crowded places. The hustle and bustle of Cubao was unexpectedly quiet today. Maybe it was because every sense that exists in my being only listens to you. That Friday night, my heart was beating differently. And maybe it had the same rhythm as yours.
23
24
Dagli
The Traveler Ligaya
Bata pa lang ako, laging umaalis si Tito Lucas sa bahay. Kapag umaalis si Tito, walang nagtatanong kahit si Mama o si Papa, pati si Lola. Natatandaan ko kung paano ko siya nakita sa unibersidad namin noon, doon din kasi sila nagkolehiyo ni Mama. Kausap niya ang guard at nakikipagtawanan. Nakasuot ng puting polo si Tito Lucas; kung tutuusin, para siyang isa na rin sa mga estudyante kapag tiningnan mo sa malayo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko naman siya sa museo kung saan kami nagpunta ng mga kaibigan ko. Nakatingin lang sa litrato ng isang babae na nakatalikod. Hindi rin nawala si Tito Lucas noong magpunta kami sa Tagaytay. Mag-isa lang ito, nakasuot ng jacket noong kasama ko ang boyfriend ko. Lalapitan ko na sana pero nakita kong malayo ang tingin niya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kapag uuwi naman, minsan naaabutan kong nakapila pa ito sa terminal. At kahit gaano kahaba ang pila, hindi ko nakitang naburyo o nainip si Tito. Mukhang masaya pa nga ito habang naghihintay. “Tito, sino’ng pinupuntahan mo kapag umaalis ka?”
“Si Carmela, ang tita mo.” First time ko lang marinig ang pangalan na iyon pero parang nakilala ko na ang buong pagkatao nito tuwing makikita at maaalala ko ang mga lugar na pinupuntahan ni Tito. Pero sinabi ni Mama matagal na raw patay si Tita Carmela, huling taon nila sa kolehiyo nang mangyari iyon. “Pero wala na po si Tita, bakit umaalis pa kayo?” “Ayaw ko kasing makalimot.” Iyon ang mga huling salita na naalala ko na sinabi ni Tito Lucas. Kaya heto ako ngayon, dala-dala ang gamot para sa Alzheimer’s nya.
Dagli
Peace Be With You Lumiere
Hindi ko makalilimutan kung paano ko minahal ang mga simbahan. Tuwing ika-11 kasi ng bawat buwan ay niyayaya mo ako sa iba’t ibang parte ng Maynila para lamang bumisita sa simbahan ng Quiapo o kaya naman lumibot sa Intramuros at dumaan sa katedral ng Maynila. Alam mo kung paano ako mabighani sa pagpapaliwanag mo sa bawat ibig sabihin ng mga sagradong palamuti nito. Hindi naman ako relihiyosong tao, pero natuto akong manalangin sa mga bagay na alam kong walang kasiguraduhan. Isang araw, habang nakikinig sa misa, sumusulyap ako sa ‘yo at doon ko nakita kung paano mo sineseryoso ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng pari noong Linggong iyon. Taimtim kang nagdarasal na tila naghahangad ng kasagutan na matagal mo nang hinihintay sa Maykapal. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata habang ibinubulong sa Kaniya na hindi pa kita kayang pakawalan. Kaya ngayon, masakit man sa loob kong tanggapin ang pagsagot mo sa tawag Niya, wala akong magawa dahil una pa lamang ay alam ko nang magiging ganito ang wakas nating dalawa. Pinagmasdan kitang maiigi, at tulad ng dati, taimtim ka pa ring nagdarasal, ang kaibahan nga lang ay sa harap na mismo ng altar. “Peace be with you,” ani mo habang nakatayo ka na sa pulpito. Mayroon pa bang paraan para maging mapayapa kung wala na akong pagkakataon muli na mahalin ka, Father?
27
28
Blog
Even in Paper Town We’re Found Alon-Agos
As I looked down the heavy traffic building up chaos on the ground, I suddenly wondered how people were brought together. What kind of strings does this storymaker make to let these people’s paths cross to one another? Of all the beings existing in the universe, I happened to share the same temporary space I am taking up inside a jeepney with these strangers I don’t even know the names of. Why did I meet these people in public toilets washing hands in an open faucet, in convenient stores waiting for the displayed fried chicken to heat up, and in the same street where our clothes momentarily brushed to each other? Of all the sea of strangers, I have come to find a destination—you.
Inyeon is a Korean word that means providence or fate. It’s an inyeon when two strangers get inside the same bus, another layer of inyeon is when they needed to share the same seat, a further layer to make their eyes meet, or possibly create a conversation along the ride. And perhaps, there are 8,000 layers of inyeon over our lifetimes as to why we ̶h̶a̶p̶p̶e̶n̶e̶d̶ ̶t̶o̶ were destined to converge in the same premise, unite amidst uncertainties, recolorize empty horizons above, breathe the similar air as we form our own definition of love in peeling off oranges. Of the long travels, luggage full of names carried, lost cities wandered, woods escaped, we mapped our way to each other, even in this mess. Even in paper town, we’re found. A blessing granted. A journey fulfilled. And as you sing my name while I am staring down the heavy traffic while I reflect over the mundane things, I wonder how many layers of inyeon do we still need to make you wear this ring if I kneel into the ground? Nevertheless, I kneeled.
Blog
Biyahe
Mahiwagang Bansay Maraming nangyari sa araw ko. Maraming nakita. Maraming narinig. Maraming naalala. Ngunit isa lang ang lubusang tumatak at nakilala. Ikaw. Hindi pa man pumapatak ang alas-siyete ng umaga, sakay na ako ng jeep na patungo sa unibersidad—bitbit ang lakas ng loob na makapagtapos sa pag-aaral, pasan ang determinasyon na makuha ang mga pangarap, at sisilip-silip ang kagustuhan na may makilalang bagong kaibigan. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang umandar ang jeep patungo sa dulo ng Wakas. Nakakatawa at nakamamangha kung bakit sa biyaheng ito, sa salitang “wakas” agad magsisimula. Sana hindi malungkot. Sana ay masaya at puno ng mahika. Huminto ang dyip upang magkaroon ng bago na namang makakasama sa paglalakbay na ito. Ganoon naman talaga ang buhay at pag-ibig: may aalis, may mananatili, at may bagong makasasalamuha. Sa mismong pag-angat ng mata kita nakita. Suot ang puting uniporme pamasok sa eskuwela, siguradong bitbit at pasan din sa balikat at likod ang mga bagay na dala ko rin ngunit hindi ako sigurado kung pati ba ang huli ay gusto mo rin. Sa biyaheng ito, alam ko ring nakita mo na ako. Hindi kita matingnan nang diretso dahil kasabay ng pagkalabog ng tambutso, ganoon din ang puso ko. Itim na usok, mainit at ilang oras na uupo upang makadating sa ating destinasyon ang kahaharapin natin. Totoo na mang nakapapagod ang bumiyahe ngunit masasabi ko na sana sa huli ay maging sulit. Pagdating ng Guiguinto, doon mo na ako kinausap. Nagtanong ng ilang simpleng bagay. Doon mo pa ipinaalala na sabay tayong ipinakilala sa isa’t isa ng isa nating malapit na kaibigan at doon nagsimula ang ugnayan.
31
;
32
Blog
Hindi ko alam ang mararamdam ko sa tagpong iyon, ang ganda ng mga mata mo; nakahahalina at maganda rin ang hugis at kulay ng labi mo. Masasabi ko ring katulad ng dinaraanan natin ang nakikita ko sa iyo hindi ka katulad ng ibang daan, walang pasikot-sikot at ibang pasakalye, diretso lang at hindi nakalilito. Sa puntong ito, hindi ko alam kung sa paanong paraan ako hindi tuluyang mahuhulog sa ‘yo. Ilang minuto na lang at malapit na tayo sa Kapitolyo, doon mo na hinawakan ang mga kamay ko at sinabing sana sa biyahe ng buhay na ito ay makasama mo ako. Hindi ko alam ang isasagot sa oras na iyon. Tila naging estatwa ang buo kong pagkatao. Litong-lito at hilong-hilo sa nangyari sa umagang iyon ngunit nang makapa na ang sarili, sinabi kong pag-iisipan pa at sa isipan ay humiling na sana ay huwag kang maghanap ng makakasamang iba sa paglalakbay na ito, sana’y hintayin ako upang sabay nating puntahan ang magiging destinasyon ng nagsisimulang pagibig na ito. Pagsapit ng uwian, nagsalubong ang ating mga tingin at tila may sariling isip ang mga binti’t paa upang magtungo sa kinaroroonan ng bawat isa, at doon ko nasabing baka hindi naman masamang pakawalan na ang damdamin, hawakan ang mga kamay mo at sabayan ka patungo sa kahahantungan ng biyahe ito, patungo sana ulit sa Wakas, iyong tipong sa huli ay tayo pa ring dalawang ang magkasama. Tayong dalawa.
Maikling Kuwento
Sa Minsang Pag-iyak Ko Sa Bus Eonic Curist
Damn it. Hindi na ako dapat bumalik dito. What was I thinking? Tatlong buwan na rin ang lumipas mula noong makipaghiwalay ang boyfriend kong si Charles sa ’kin, sa mismong araw pa talaga ng monthsary namin. Sa mismong amusement park pa talaga kung saan kami unang nag-date. Siraulo. At ito ako ngayon, sa parehong amusement park, punong-puno ang utak ng mga tanong na paulit-ulit ko nang pinipilit ang sarili ko na sagutin—na tila ba magbabalik ang lahat sa dati kung sakaling magawa ko ngang masagot ang mga ’yun, na tila ba magiging okay na ako ulit. Fell out of love? Tangina naman, saan ba ako nagkulang? Was I not enough? Kailan pa siya hindi masaya? Paulit-ulit. I’d scream, pero magmumukha lang akong tanga in front of all these people. Tumunog ang phone ko mula sa ’king bulsa. Malapit na rin palang magalas-diyes, kailangan ko nang umalis at baka ’di ko na maabutan ang last trip ng bus pabalik ng Bulacan. *** Big sigh of relief. Buti naman at naabutan ko pa ang huling biyahe pauwi. Kinuha ko ang huling bakanteng upuan sa likod ng bus, katabi ng isang lalaking may suot na headphones na natutulog habang yakap ang isang malaking bag.
35
Nakayuko siya, pero I would assume na halos magkaedad lang din kami. Probably about a year older, ang sabi ko sa sarili ko. Hindi nagtagal ay lumarga na rin ang bus kasabay ng pag-iikot ng konduktor para maningil ng bayad. Sinubukan kong tumingin sa bintana para pagmasdan ang park kahit sa huling pagkakataon. Baka hindi na rin kasi ako bumalik dito. Ayaw ko na. Bago kami lumagpas sa park ay nagsimulang magpatugtog ang driver gamit ang speaker ng bus. Napatigil ako sa narinig ko. “Sa pagkumpas ng ’yong kamay . . . aking landas, ginagabay . . . .” Bawat Daan? Talaga? Pambihira naman. Sa dinami-dami ng puwedeng i-play ng driver, ’yung theme song pa talaga namin ni Charles dati. Damn it! And there it went–sa pagdating ng chorus. Ang kaninang nangingilid lang na mga luha sa mata ko ay tila ba kusang tumulo na lang na parang rumaragasang tubig na pinakawalan sa dam. I burst into tears. I couldn’t help myself. I just sat there, crying. Para bang bumalik sa isip ko lahat ng mga kinikimkim ko sa nagdaang tatlong buwan. Lahat ng mga inakala kong sagot sa mga tanong ko sa sarili ay parang hindi na nagtutugma ngayon. Tumingin ako sa paligid and surely, pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero sa bus. Damn it. Damn it all. *** Patapos na rin ang kanta nang mapansin kong nakatingin na rin sa ’kin ’yung katabi ko. Walang imik-imik. Kita ko ang parehong concern at discomfort sa mga mata niya–iniisip niya siguro ngayon, “Sino ba ’tong iyak nang iyak na ’to?” Noon pa lang ako tila nag-snap back to reality. Sinubukan kong punasan ang mga luha ko gamit ang aking mga kamay dahil na-conscious na rin ako. “I’m sorry,” bulong ko sa kaniya. “Nakakahiya.” “Uhm, okay lang,” mabilis naman niyang tugon. Bumaling siya sa bintana ng bus para siguro umiwas ng tingin sa ’kin. Patuloy pa rin ang pagpunas ko sa mga luhang hanggang ngayo’y patuloy pa ring tumutulo. Napatulala na lang ako. Hindi pa rin siya nakatingin sa ’kin dahil baka nahihiya na rin siya, pero maglabas ang katabi ko ng isang asul na panyo na iniabot niya sa ’kin. May pag-aatubili ko naman itong kinuha sa kaniya. Nagpasalamat ako sa kaniya at mahinang tango lang ang isinukli niya rito. “Ano, uhm . . . okay ka lang ba?”
Nagulat ako nang biglang nag-initiate siya ng usapan. Alam kong puwede ko na lang tapusin ’yon sa isang simpleng ‘oo’ o ‘hindi’, pero ewan ko ba. Baka nga makatulong na ilabas ko lahat ng nararamdaman ko for once. Hindi akong makuwentong tao. And yet here I was, telling my whole story to some stranger on the bus. Ikinuwento ko sa kaniya kung paanong ang matagal ko nang kaibigang si Charles ay nagtapat ng pag-ibig niya sa ’kin, at kung paanong matapos ang dalawang taon ay siya rin mismo ang tumapos nito. “. . . I’ve always feared to love dati, dahil alam kong palagi na lang siyang magtatapos sa ganito. I just . . . want to stop hurting. Gusto ko na lang makalimot. I’d take indifference over all this hatred that I feel,” pagtatapos ko. At kung anong haba ng sinabi ko, gano’n naman katipid ang naging reply niya sa ’kin. “But . . . was it worth your while?”
Was it? Dagdag na naman sa mga tanong na uulit-ulit sa isip ko. ’Di naman nagtagal bago ko siya nasagot. “Well, naging masaya naman ako. I did everything to keep us together no’n, ngayon napapatanong ako kung totoo ba talaga lahat ng pinagsamahan namin.” Napalingon na lang ako sa aisle. For some reason, parang hindi ko kayang tingnan ang kausap ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Baka naman tama lang na nag-let go siya. Just so the both of you will stop hurting,” sagot naman niya. “Pero ang sakit-sakit pa rin. I gave him everything.” Humigpit ang paghawak ko sa panyo na bigay niya. Nakaramdam na naman ako ng resentment. Kay Charles. Sa sarili ko. *** Awkward silence. Pakiramdam ko, napasobra na yata ako ng kuwento sa kanya. I gritted my teeth. Lumingon ako pabalik sa kaniya matapos niyang suklian ng katahimikan ang sinabi ko. I gave him an asking look. “Mali ba ako?” Mahina lang ang naging sagot niya, pero ramdam ko ang conviction sa pananalita. “No. Ang gusto ko lang sabihin, hindi mo kailangang ubusin palagi ang sarili mo para lang mapasaya ’yung mga taong hindi naman kayang suklian ’yung love
38
Maikling Kuwento
that you’ve got to give,” sambit niya. “Kung pakiramdam mo na nasasaktan ka na lang sa pagkapit mo, maybe . . . maybe sign na rin ’yun para bumitiw ka. For yourself.” Alam kong tama siya kaya hindi na lang din ako sumagot. Instead, dinama ko na lang ’yung moment ng katahimikan na ’yun na kasama siya–which was absurd, considering na ni hindi ko nga kakilala itong lalaking ’to. Ilang minuto ang nakalipas nang mapansin kong nakasilip siya sa bintana. Para bang may malalim na iniisip. Shortly after, biglang huminto ang bus. Tumayo siya at isinukbit sa likod niya ang malaki niyang bag saka lumingon pabalik sa akin. Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. He lowered himself towards me and gave me a tight, tight hug. Nang humiwalay siya sa, nakita kong nahiya siya bigla dahil sa ginawa niya. “Uhm, sana matutuhan mo ring piliin ang sarili mo. Learn to love yourself sometimes, even if others are not willing to.” Iyon ang huling sambit niya sa ’kin bago siya tuluyang bumaba ng bus. Sinubukan ko siyang tawagin. Sinubukan kong tumayo para pigilan siya, but I found myself frozen to my seat. Hindi. Hindi ’to fair. Ni hindi ko pa alam kung ano’ng pangalan niya. Nang magawa ko nang tumayo sa kinauupuan ko, wala na siya. Ang tanging natira ay ang asul na panyo na naiwan niya sa ’kin. Damn it. Sino ba siya? Isa na namang tanong na uulit-ulit sa isip ko. At saka nagpatuloy sa pag-andar ang bus.
“We are two cars meeting at a road but is bound to crash.” Photo by Words by
Angelika Joyce Medrano Likhanara
“May espasyo pa banda rito, hindi kita kilala pero sana ikaw ang umupo.” Photo by Words by
Hennessy Tan Chua Alas-tres
“Presensya mo ang nagpapabagal sa usad ng nagmamadaling siyudad.” Photo by Words by
Hennessy Tan Chua Aza
“Pikit-mata kong iiwasan lahat ng karatulang pabalik sa’yo.” Photo by Words by
Symon Agulto Casting Crowns
“Hindi tayo panandaliang kanlungan ng mga kaluluwang ‘di sigurado.” Photo by Words by
Angelika Joyce Medrano Casting Crowns
“Ngayong wala na tayo, hindi mo na kailangang alamin kung nakauwi na ba ako.” Photo by Words by
Charisse Alvarez Watusi
LITERARY ZINE PATNUGOT NG PANITIKAN
PUNONG TAGA-ANYO AT DISENSYO
MGA MANUNULAT
PUNONG DIBUHISTA
Melchi Pagdanganan
Mark David Silencio Anedrei Manalaysay Adrian Justin Ramos Kurt Husty Victoria Stephen Castañeda Victor Batongbakal Jannes Magayon Airi Martin Mikaela Calixto Anel Barja Celine Sacdalan Felicia Joy Polecios Hennessy Tan Chua Rachel Hannah Beltran
KASAPI NG PATNUGUTAN Amiel Antonio Dustin James Bayog Rachel Hannah Beltran Ron Jeric Faustino John Paolo Gatdula John Rhey Piamonte Kristel Anne Vadal Leonard Andrei Cabalona Felicia Joy Polecios Hennessy Tan Chua Nathaniel Valles
TAGAPAYO
Dr. Romulo Mercado Jr.
Mylene Lovelyn Tumamak
Jeraldine Hayagan
MGA DIBUHISTA
Elian Maru Carlos Clark Anthony Maglaque Shaina Ashley Faustino Jonelle Caparas Juliene Zoe Landayan Francheska Sayo Art Julius Castro
MGA LITRATISTA
Symon Agulto Angelika Joyce Medrano Charisse Alvarez Hennessy Tan Chua