BULITIN
“Matumal na Benta ng Bigas”
Nag-ugat umano sa Mataas na Presyo
Ikinadismaya ng isang namumuhunan sa bigas ang patuloy na pagtaas ng presyo nito, kung saan ibinahagi niya na halos dumoble na ngayon ang kaniyang puhunan. Ito umano ang dahilan kung kaya’t nagiging matumal na ang bentahan ng bigas sa kanilang lugar.
Ayon sa naging panayam kay Gng. Rochelle Puma, 36, mula sa Barangay Buboy, sa kaniyang limang taon ng pagnenegosyo ng bigas, mula sa dating maibebenta ng P3845 per kilo, umakyat na ng P55-60 kilo ang presyo ng bigas.
1.2B Badyet, nakalaan sa patubig –Nagcarlan
Waterworks
Iginiit ng Nagcarlan
Waterworks na pinaghahandaan ng bayan ang pagpapalaki ng suplay ng tubig sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking badyet dito sa mga susunod na taon.
Sa kasalukuyan, tinatayang 1.2 bilyong piso ang itinalaga ni Mayor Elmor Vita sa Waterworks upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagsasaayos ng mga sirang tubo at linya ng patubig.
Pahayag ni Forman Leonardo Enriquez Osuna, “Kulang ang supply natin ng tubig kaya naglaan ng mas malaking badyet para dito. Meron tayong 1.2 bilyong badyet na gagamitin ni Mayor para mabigyan ng tubig ang buong Nagcarlan.”
Sa kabila nito, patuloy pa rin na nararanasan ng ilang barangay sa naturang bayan ang iregular na pagsu-suplay ng tubig. May nakatakda umanong araw at oras ng pagsu-suplay sa kanilang lugar.
Dagdag pa rito, inihinaing ng ilang mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Plaridel na nagmula sa may kataasang lugar, kagaya ng Abo at Bukal ang problemang kinakaharap nila kaugnay ng kakulangan sa tubig.
Small business owners, ikinakabahala mga bayarin sa pagkuha ng permit
Hannah Faye Banjaon
Inihayag ng isang small business owner ang umano’y naging mataas na bayarin upang makakuha ng business permit para sa kasalukuyang taon.
Ayon sa panayam sa isang senior citizen na may-ari ng isang maliit na tindahan sa Barangay Yukos, Nagcarlan na si Gng. Romana Salamat, 67, pataas umano ang pagbabayad ng permit habang naging mahirap at mahabang oras ang kailangang gugulin sa pagkuha ng mga kinakailangang dokumento.
Dagdag pa rito, ang pagpo-proseso ng registration o renewal ng mga dokumento ay ginanap sa likod ng munisipyo, katabi ng Municipal Gymnasium. Tinawag itong 2024 Business One Stop Shop (BOSS). Kung saan, makikita ang maliit na puwesto at nagsisiksikang mga taong nag-aasikaso ng mga dokyumento. Binubuo ang BOSS ng tatlong “Window” kung kaya’t maraming pila ang makikita sa lugar. Isa pang hamon na kinakailangang lagpasan kung sakaling senior citizens ang magpo-proseso ng mga dokumento.
“Malaking epekto sa akin ‘yung pagtaas ng presyo, unang-una, halos doble na yung puhunan ko nung nagsisimula pa lang ako. Tsaka tumumal na ngayon, dahil mataas ang presyo, hindi na kayang bumili ng sako sako ang ibang costumer. ‘Yung ibang costumer kilo-kilo nalang kung bumili,” pahayag pa ni Gng. Puma.
Ibinahagi rin niya na iyon umanong nakukuha niya dati na P800-900 per 25 kilo, sa kasalukuyan ay pumalo na sa P1.2k hanggang P1.3k.
Sa kabilang banda, itinuturo ng gobyerno ang mga rice smugglers,
hoarders at price manipulators bilang salarin sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Ipinahayag ng Presidente na ang ganitong mga gawain ay hindi pupwede sa kaniyang administrasyong Bagong Pilipinas.
Bagamat aminado ang Pangulo na ang naturang mga isyu ay hindi madaling masu-solusyunan ng gobyerno, inihayag ng pangulo na determinado ang kaniyang administrasyon na puksain ang mga namamayagpag na ilegal na mga operasyon.
Ipinabatid ng Pangulo sa lahat ng mga opisyal, awtoridad, at
ahensya ng gobyerno ang layunin nitong wakasan ang panlalamang ng mga rice smugglers at hoarders sa Pilipinas, sa kanyang talumpati sa San Andres Sports Complex sa Manila. “Gaya nang sabi ko noong namahagi tayo ng bigas sa Camarines Sur noong isang araw po: sapat ang supply ng bigas dito sa Pilipinas. Ang kailangan lamang po ay ang maayos na pamamahala ng produksyon at bentahan nito. Sa katunayan, mas malaki ang ani natin noong second quarter ngayong taon kaysa sa second quarter ng nakalipas na taon,” ani ng Pangulo.
Suplay ng tubig sa PINHS Building B, hindi umaakyat sa bawat palapag
Nagcarlan Waterworks, inamin ang kakulangan ng suplay Hannah Faye Banjaon
Patuloy na pinuproblema ng mga mag-aaral sa mataas na paaaralan ng Plaridel ang kulang na suplay ng tubig na nagiging sanhi ng hindi pag-abot nito sa mga palikuran sa matataas na palapag.
Hinaing ng mga estudyante, malaking ‘hassle’ ito bilang kinakailangan pa nilang magpabalikbalik pag-iiigib mula sa unang palapag hanggang sa kanilang ginagamit na mga palikuran.
Sa panayam ng isang mag-aaral sa Baitang 12-Quisumbing, Prince Carl Lucido, ibinahagi niya na nagmistulang work-out ang pag-iigib ng tubig dahil sa bigat at malayolayong lakarin.
Aniya, “Nasa third floor kami ng Building B. Ibigsabihin medyo malayo-layo pa. Nag-iigib kami ron
Ssa canteen. Minsan malakas-lakas naman ‘yung tubig, pero minsan medyo mahina rin. So hihintayin pa namin ‘yun, mga ilang minuto siguro 5-10 gano’n. Bubuhatin namin ‘yon tapos parang magiging work-out na rin. Building B, third floor, tapos medyo malaki rin ‘yung balde.”
Samantala, iginiit naman ng mga mag-aaral sa ‘Main’ ng paaralan na hindi na pinu-problema rito ang patubig buhat ng mga tangke na katabi ng mga gusali. Pinangungunahan ng mga nonteaching personnel sa paaralan ang pag-aasikaso nito, kung kaya’t mula Pebrero 5 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-akyat ng tubig hanggang sa ika-apat na palapag.
Kaugnay ng isyu sa tubig, inamin ng Nagcarlan Waterworks ang
kakulangan sa suplay mula noong taong 2018 dahil sa kondisyon ng water dam na mayroong mababang lebel ng tubig.
Habang inihayag ni foreman Leonardo Enriquez Osuna na kasabay ng muling pagtaas ng lebel ng tubig ang pag-abot ng tulong sa iba pang mga bayan na nangangailangan ng suplay.
Aniya, “Noong pandemic lang nagsimulang tumaas ang tubig dito sa dam. ‘Yung isa pa ngang waterworks ay humihingi ng supply sa amin kasi nga kulang kaya binibigyan namin, tinutulungan namin sila.”
Sa kabila nito, nabanggit ni Osuna na sa kasalukuyan ay kulang pa rin ang suplay ng tubig sa Nagcarlan. Bagamat tinutulungan ng bayan ang ibang Waterworks na
Jet matrics installment, solusyon ng paaralan upang mapaakyat ang tubig sa gusali
a isang panayam sa Punong guro ng mataas na paaralan ng Plaridel ay hinarap nito ang alegasyon tungkol sa hindi umaakyat na tubig sa mga gusali ng paaralan at iginiit na sinusolusyunan ito sa pamamagitan ng jet matrics. Ibinahagi ni Plaridel INHS Principal Romeo M. Suliguin na noong bago-bago pa ang mga gusali ay hindi naging problema ang pag-akyat ng tubig hanggang sa ika-apat na palapag subalit umusbong ang problemang ito matapos ang pandemya. Aniya, “Tinesting namin ‘yan noon, noong pandemic. Gumagana ‘yon at nakakaakyat naman ang tubig hanggang 4th floor. Nito lang, sinasabi nga sa akin ng mga teachers na gano’n
‘yung sitwasyon. Pinapa-inspection ko ‘yan. At ang sabi sa akin, nasa linya na raw ng tubig ang problema.”
Dagdag pa niya, “Nakabaon sa buidling mismo ‘yung connection ng water pipe. Kaya out of maliit na badyet ay pinag-iisipan kung paano mare-reconnect-an ‘yung diperensya.” Iginiit din ni G. Suliguin na nakipag-ugnayan na ang paaralan sa mga opisyal ng Barangay Banago, ang barangay na kinatatayuan ng paaralan at iminungkahi rito na ilipat ang linya ng tubig ng paaralan. Ngunit inamin din ng mga ito na may kahinaan talaga ang tubig sa lugar. Pahayag nila, sa kasalukuyan ay mababa ang tubig sa pinagkukuhanang dam. Bilang alternatibo, binahagi ng Punong guro na nagpalagay ang paaralan ng
“Kakaunti ang kita.. Kaya kailangang paghandaan ang pagbabayad nito. Lalo’t may kasama pang apartment. Isama pa ang pagbabayad ng buwis ng bahay at sasakyan,” dagdag pa ng ginang.
Kaya nalamang lalo pang nababawasan ang kita ng mga maliit na negosyante, dahil sa pagtaas ng bayarin na nakalaan para sa pagpoproseso ng renewal at registration. Isang produkto na mayroong maliit na kita ay ang bigas, ugat ng tumataas na presyo nito dulot ng implasyon.
Sa mahigit kumulang 23 taon nitong pagtitinda, kapansin-pansin umano ang pagtaas ng mga bayarin. Hindi lamang ang business permit, maging ang presyo ng mga buwis.
Kung noong nakaraang taon ay P1, 1440 ang binayaran ng ginang sa business permit, ngayon ay inabot na ng P1, 835 ang kaniyang nagastos upang ma-renew ito.
Bagamat P395 lamang ang itinaas ng presyo ay malaking bagay na rin ito, lalo pa’t ani ng ginang ay kakaunti lamang ang kanilang kinikita. Isang bagay pa ang pagkakasangkot ng implasyon.
Sa kabilang banda, ayon sa pahayag ng Acting Municipal Treasurer, Delma Armamento, bagamat hanggang Enero 20 lamang ang deadline nito, kadalasan ay na-e-extend ito hanggang sa unang linggo ng Pebrero.
nangangailangan.
Iginiit ng foreman na patuloy ang paggawa ng paraan ng Nagcarlan Waterworks upang matugunan ang pangangailangan ng buong bayan, sa paggamit ng Gravity Spring.
jet matrics sa mga gusali na nagresulta sa ngayon ay pagdaloy ng tubig hanggang ika-apat na palapag ng Old SHS building at Building A. Habang patuloy pa rin na pinuproblema ito ng Building B. Tinukoy din ni G. Suliguin ang hindi sapat na badyet ng paaralan at bagamat mahalagang isyu rin ang patubig ay pinaprayoridad muna ang mga pangangailangan sa pagtuturo at edukasyon ng mga mag-aaral. “Sa dami ng pangangailangan ng school ay iniisa-isa, dahil hindi puwedeng sabay-sabay. Bukod sa infastracture na ‘yan, though secondary, alam nating kailangan. Pero mas marami pa ring pangangailangan sa direct teaching na kinakailangang paglaanan ng budget.”
School Principal: Pagkasira ng mga gamit, pumapatak sa usapin ng disiplina balita 2
NMPS: Kuryosidad at barkada, dahilan ng paggamit ng droga balita 3
Pumalo sa 558 ang kabuuang bilang ng mga Insidente sa Nagcarlan balita 4
TOMO XXXVI BLG. II NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024 PLARIDELIAN
PLARIDEL INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG
NAGCARLAN, LAGUNA
Hannah Faye Banjaon
Hannah Faye Banjaon
Hannah Faye Banjaon
I2 balita
PLARIDELIAN BULITIN
School Principal: Pagkasira ng mga gamit, pumapatak sa usapin ng disiplina
giniit ng punungguro ng mataas na paaralan ng Plaridel na naka-angkla sa disiplina at pagpapahalaga ng mga mag-aaral ang itatagal ng mga kagamitan at imprastraktura sa paaralan, kaugnay ng isyu sa mga sirang pintuan ng ilang palikuran.
Sa panayam kay Dr. Romeo M. Suliguin, tinukoy niya na regular ang pag-iikot at pagmo-monitor niya sa mga palikuran ng paaralan, kung saan kinukuhanan niya ng litrato ang mga ito kung hindi malinis at pinaaalalahanan ang mga guro ukol dito.
Aniya, “Actually prinovide ang mga gamit, buildings, sa mga estudyante nang maayos. Ako ay napaka particular sa bagay na ‘yan. Ako ay lagi, sa mga group chat ng mga guro, ay nagmo-monitor. Pinipicturan ko, isine-send sa mga guro. Hindi naman ako ‘yung tila janitor na ako ang gagawa at maglilinis.”
Binigyang diin ng Punungguro na nakadepende sa mga estudyante ang pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan, “S’yempre nakadepende ‘yan sa manpower, development na nasa bata. During non-class hours, with the supervision ng mga adviser na direktang nagpapa-ayos ng cleanliness. Nasa attitude ng mga estudyante, hindi ko nilalahat, sa pagpapahalaga ng mga bagay. Meron nga ron, parang pi-nunching bag. Kaya pumapatak din diyan ‘yung disiplina. In Spite ng mga pagpapaalala, hindi siya masisira kung talagang iniingatan.”
Bukod pa rito, sinabi ni Dr. Suliguin na hindi maaaring paayos nalamang nang paayos ng mga nasisirang gamit, limitado ang badyet ng paaaralan at dapat
Hannah Faye Banjaon
umanong pahalagahan ang mga ito.
“Parang ang unfair naman na paayos nang paayos ang paaralan. Tapos hindi napahalagahan, sisirain ng students. Ang budget ng government, dapat maintindihan ng mga mag-aaral na ‘yung perang nilaan do’n, binibigay ng gobyerno, ay precious.”
Dagdag pa rito, iginiit din ng punungguro na bilang mahigpit ang badyet, inilalaan ito ng paaralan sa direct teaching upang mapatugunan ang pangangailangan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Samantala, tinukoy ni Dr. Suliguin na ang pagsira sa mga kagamitan at impraktrakturang ipinagkaloob ng gobyerno ay tila pag nanakaw sa pondo ng pamahalaan.
Aniya, “Sino ang nakadagdag ng pagsira? Kung narepair ulit, tapos nasira ulit at bumabalik ‘yung epekto.. Sino dapat ‘yung bigyang tuon kapag bumabalik ‘yung ginawa ay ibinabalik sa sistema ng paaralan? Nakakalungkot lang kasi hindi naman natural ‘yung pagsira. Pag may puwersang galing sa labas na sumira. Numanakaw tayo ng pera ng gobyerno.”
Kaugnay nito, “Lahat tayo ay may role dito. Hindi taga pagsira kundi tagapag ingat ng lahat ng gamit na mayroon,” giit ng punungguro.
Iginiit ng punungguro ng mataas na paaralan ng Plaridel na naka-angkla sa disiplina at pagpapahalaga ng mga mag-aaral ang itatagal ng mga kagamitan at imprastraktura sa paaralan, kaugnay ng isyu sa mga sirang pintuan ng ilang palikuran.
Sa panayam kay Dr. Romeo M. Suliguin, tinukoy niya na regular ang pag-iikot at pagmo-monitor niya
sa mga palikuran ng paaralan, kung saan kinukuhanan niya ng litrato ang mga ito kung hindi malinis at pinaaalalahanan ang mga guro ukol dito.
Aniya, “Actually prinovide ang mga gamit, buildings, sa mga estudyante nang maayos. Ako ay napaka particular sa bagay na ‘yan. Ako ay lagi, sa mga group chat ng mga guro, ay nagmo-monitor. Pinipicturan ko, isine-send sa mga guro. Hindi naman ako ‘yung tila janitor na ako ang gagawa at maglilinis.”
Binigyang diin ng punungguro na nakadepende sa mga estudyante ang pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan, “S’yempre nakadepende ‘yan sa manpower, development na nasa bata. During non-class hours, with the supervision ng mga adviser na direktang nagpapa-ayos ng cleanliness. Nasa attitude ng mga estudyante, hindi ko nilalahat, sa pagpapahalaga ng mga bagay. Meron nga ron, parang pi-nunching bag. Kaya pumapatak din diyan ‘yung disiplina. In Spite ng mga pagpapaalala, hindi siya masisira kung talagang iniingatan.”
Bukod pa rito, sinabi ni Dr. Suliguin na hindi maaaring paayos nalamang nang paayos ng mga nasisirang gamit, limitado ang badyet ng paaaralan at dapat umanong pahalagahan ang mga ito.
“Parang ang unfair naman na paayos nang paayos ang paaralan. Tapos hindi napahalagahan, sisirain ng students. Ang budget ng government, dapat maintindihan ng mga mag-aaral na ‘yung perang nilaan do’n, binibigay ng gobyerno, ay precious.”
Dagdag pa rito, iginiit din ng
Suliguin: Nasa may katawan ‘yan
Binigyang diin ng punong guro ng mataas na paaralan ng Plaridel na hindi dapat ikabahala ang pagkakaroon ng “common CR” sa mga establisyemento bilang aniya ay naka depende naman ito sa respeto at disiplina ng mga gagamit nito.
Sa isang panayam sa Sanghaya Plaridelian, iginiit ni G. Romeo M. Suliguin na dapat ihanda at i-orient ang mga magaaral sa paggamit ng common CR bilang ngayon, sa usapin ng gender sensitivity ay hindi na bago ang pagkakaroon ng ganitong uri ng palikuran.
Pagbabahagi niya, “Hindi ko lang alam kung nakahanda ang mga tao sa paggamit nito. Kung nakahanda o matured ang mga taong gagamit na ang purpose lang naman ng CR ay for comfort, kung may maiihi o madudumi. At kung alam mong may tao pa, respect din eh, kapag alam mo na may tao. Kung mature sila, na napunta lang dahil kailangang gumamit, wala namang masama ron eh.”
kalakip ang kapusukan.
“ Ang kinakatakot natin ay yung walang kahandaan ang mga tao, na kung yung CR gagamitin ng babae at lalaki at sila ay nakaisip ng hindi magandang paggamit ng CR. Pero based on my observation, dala pa rin ng disiplina sa paggamit ng tao. Sa akin, okay naman. Basta’t ipoporma ang tao sa paggamit nito. Tayo ay nasa gender equity ‘yun ngang sinasanay na unisex ang mga ganiyan na bagay.”
Pagpapalawig niya, “Kaya lang nagkakaroon ng kung ano ay nasa tao na mismo kung ano yung sitwasyon. Sasabihin ng tao, eh kasi pareho ng CR at babae. Ano naman? Ang purpose lang naman ng CR ay sa pangangailangan. Pero kung may ibang bagay na ginawa pa rin, nasa may katawan na yan.”
Samantala, sinabi ng punong guro na kahit na paghiwalayin ang palikuran ng mga babae at lalaki ay nakakakita pa rin siyang hindi sumusunod dito.
IKontrolado
Inilahad ni Dr. Suliguin ang kasalukuyang suliraning kinakaharap ng paaralan, Pebrero 12 Kuha ni: Cyrus Mattew edquila
punungguro na bilang mahigpit ang badyet, inilalaan ito ng paaralan sa direct teaching upang mapatugunan ang pangangailangan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Samantala, tinukoy ni Dr. Suliguin na ang pagsira sa mga kagamitan at impraktrakturang ipinagkaloob ng gobyerno ay tila pag nanakaw sa pondo ng pamahalaan.
Aniya, “Sino ang nakadagdag ng pagsira? Kung narepair ulit, tapos nasira ulit at bumabalik ‘yung
epekto.. Sino dapat ‘yung bigyang tuon kapag bumabalik ‘yung ginawa ay ibinabalik sa sistema ng paaralan? Nakakalungkot lang kasi hindi naman natural ‘yung pagsira. Pag may puwersang galing sa labas na sumira. Numanakaw tayo ng pera ng gobyerno.”
Kaugnay nito, “Lahat tayo ay may role dito. Hindi taga pagsira kundi tagapag ingat ng lahat ng gamit na mayroon,” giit ng punungguro.
Isang beses sa isang buwan na pag-pick-up ng basura, pinuproblema ng Banago
Hannah Faye Banjaon
Kaugnay nito, tinukoy ng punong guro kung ano ang nakakatakot para sa kaniya kaugnay ng isyu sa common CR, kagaya nalamang ng mga sensitibong usaping
Hannah Faye Banjaon
IBukod pa rito, ibinahagi niya na regular ang kaniyang pagmo-monitor ng mga palikuran subalit may mga nakakandado at sinabi niyang hindi niya na alam kung ano ang nangyayari sa loob nito.
siniwalat ng isang konsehala sa Barangay Banago na walang lugar na mapagtayuan ng MRF na nagiging alternatibo ng barangay kapag hindi nahahakot ang basura, bilang isang beses lang sa isang buwan kung hakutin ito.
Sa panayam kay Konsehala Nenet Catahan, ibinahagi niya ang problemang kinakaharap ng barangay sa basura, pagtikular kapag hindi segregated ang mga ito.
Aniya, “Pinakamababa ‘yung tatlong truck o higit pa isang tonelada sa buong Barangay ng Banago kasama ang basura ng dalawang paaralan, kaya mahirap talaga, lalo’t isang beses lang sa loob ng isang buwan. Ang multa, ang start ay 300 hanggang sa umabot ng 750. Kapag ang basura ay hindi segregated, iiwan na ‘yan. Kaysa kami ay pagmultahin. Kaya kaming mga nasa barangay, kami na ang gumagawa ng paraan. Ise-segregate, tapos itatapon sa mga sagingan ‘yung mga nabubulok.”
Pagbabahagi ng Konsehala, isa sa ginawang paraan ng barangay ay may itinalaga silang taga monitor ng basura kada purok. Aniya, dalawang basurero ang nagsisiguro kung segregated pa ang basura at ma-trace kung saan ito galing.
Samantala, iginiit niya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam ng barangay na magkakaroon ng pick up dahil hindi agarang ipinaalam ng
munisipyo.
“Ang problema lang din sa munisipyo, minsan hindi inaa-announce na magpi-pick up. Mag a-announce kaso ura-urada. Ang nangyayari nalang kapag ganoon na hindi namo-monitor nang maayos, iniiwan yung basura, kung sinong konsehal ang may hawak doon sa purok na ‘yon, siya yung mananagot. Sila ang bahalang magtapon, magsegregate niyan. ‘Yung nabubulok, inilalagay namin sa isang lugar na hindi mabahay, para mabulok. Made-decompose naman. Tapos ‘yung mga hindi nabubulok, ilalagay namin sa MRF para kapag pumick up ulit, makukuha na,” anang Catahan.
Pagpapalawig niya, “Ang ginagawa kasi tayo ay kinokolektahan ng munisipyo once a month. Ang nangyayari ay dalawang araw. Unang araw, ‘yang along the road, pini-pick up nila. Habang ‘yung daan pataas naman sa ikalawang araw. ‘Yang andiyan sa MRF, ‘yan ‘yung naiiwan. Sine-segregate namin para iimbak diyan. Mga plastic lang na well segregated.”
Dagdag pa niya, “Ang nagiging problema kasi kung minsan, kahit sinasabing schedule na this month, ang mangyayari ay ipi-pick up ay aabot pa ng mahigit isang buwan. Ibigsabihin yung volume ng basura, dumodoble. Kaya yung along the road, imbes na isang beses lang, nagiging dalawa. Kapag maliit yung dumating na truck, hindi nagkakasya, tapos minsan kasali pa yung basura ng school.”
Sex education, magandang simulan mula elementarya – Konsehala
namin ng isang konsehalang namamahala sa lipon ng kalusugan sa Barangay Banago na bagamat maliit lamang ang bilang ng teenage pregnancy sa lugar ay lubos pa rin ang kanilang pagkabahala sa kalagayan ng mga kabataan sa lugar.
Sa isang panayam sa Sanghaya Plaridelian, tinukoy ni Konsehala Inah Cueto ang pakikipagbarkada bilang isa sa mga dahilan ng maagang pagbubuntis.
Aniya, “Minsan sa barkada, kapag matigas yung ulo. Hindi nila naiisip yung epekto ng barkada, kapag nag-iinuman.”
Bukod pa rito, sinabi ng konsehala na hindi lamang sa sekundarya, bagamat maging sa elementarya ay dapat ng ituro oi-orient sa mga kabataan ang konsepto ng sex education. Pati na rin ang family planning.
Pahayag niya, “Ngayon, yung edad na kahit Grade 6 pa lang, kapag hindi mo naalagaan, hindi nalinaw sakanila, minsan sa mga
pinapanoood sa cellphone, kapag hindi napaliwanag sakanila na hindi dapat, hindi pa sila nasa edad na dapat gawin ‘yon, edi mahirap. Kaya kailangan talaga dapat magkaroon ng pag-aaral.”
Paglilinaw niya, “Sa aking palagay ay hindi naman marami ang teenage pregnancy. Sa aming monitoring ay hindi naman marami, nakalagay sa aming record ‘yon. Pero dapat monitoring talaga kapag young mom ‘yung nagbubuntis.”
Bukod pa rito, tinalakay ng Konsehala na mayroong mga
programa ang barangay, pati na rin ang munisipyo upang makatulong hindi lamang sa mga young moms kundi sa lahat ng nagdadalang tao, kabilang na rin dito ang buwanang check-up.”
“Kami ay may monthly check-up ng buntis. Talagang chine-check up, tinuturukan, mapuwera nalang kapag hindi nire-report kapag buntis,” anang Cueto.
Sa kabilang banda, ibinahagi ng Konsehala na mayroong pailan-ilang kaso ng depresyon sa Barangay Banago na karamihan ay sa
kabataan na bunsod ng stress sa pag-aaral.
“Mayroon kaming tatlong kaso ng depression. Kadalasan recovery stage naman na, kapag nagkukulang sa gamot. Hindi naman masyadong madami, kadalasan ay naagapan, napapa check up ng magulang. Hindi naman nakakapinsala ng iba. Minsan hindi nakakatulog, hindi makakain, ang isip ay natakbo na parang hindi na maayos. Sa ngayon naman ay parang sa pag-aaral kadalasan,” ani Konsehala Cueto.
II |
2023 -
2024
Opisyal na Pahayagan ng Plaridel Integrated National High School - Nagcarlan, Laguna Tomo
XXXVI Bilang
Nobyembre
Pebrero
Hannah Faye Banjaon
Opisyal na Pahayagan ng Plaridel Integrated National High School - Nagcarlan, Laguna Tomo XXXVI Bilang II | Nobyembre 2023 - Pebrero 2024
INMPS: Kuryosidad at barkada, dahilan ng paggamit ng droga
Hannah Faye Banjaon
Patuloy na ikinababahala ng mga magulang ang mga isyu kaugnay ng paggamit ng mga ilegal na droga sa mga paaralan, na siyang kinumpirma ng Nagcarlan Municipal Police at iginiit na ‘curiosity’ at sa pakikipagbarkada napupulot ng mga mag-aaral ang gawaing ito.
Sa panayam kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Moises
Cawa-it Cuadla, kinumpirma nito ang paggamit ng ilang mga mag-aaral sa sekondarya ng marijuana, bagamat hindi nito pinangalanan ang mga paaralang pinapasukan ng mga ito.
Tinukoy ni Cuadla na pangunahing ginagamit ng mga mag-aaral ang marijuana bilang mas mura ito kaysa sa ibang mga ipinagbabawal na gamot.
Aniya, “‘Yung iba, pinagkakakitaan naman itong pagbebenta ng droga. Madalas gumagamit ng droga ‘yang mga kabataan dahil sa kanilang curiosity at minsan, naiimpluwensiyahan sila ng mga
Nagcarlan MPS, Muling
giniit ng isang pulis mula sa Nagcarlan Municipal Station (MPS) na hindi umano nawala ang curfew sa munisipalidad. Sa halip ay lalo lamang umano itong pinag-igting matapos ang dumaraming bilang ng lumalabag dito.
Naitala noong 2022 na 285 kaso ng paglabag sa curfew habang noong 2023 naman ay naitala ang 298 na paglabag.
Matatandaang nagtamo ng mahigit kumulang 3k reaksyon mula sa mga mamamayan ang isang litratong ini-post sa Facebook account ng Nagcarlan MPS nitong Disyembre 20, 2023.
kasama o kaibigan.”
Dagdag pa niya, “Dumadaan muna sa case study itong mga kabataan para malaman kung naiintindihan ba nila yung ginagawa nila at kapag napatunayan na alam nila ito saka ito bibigyan ng kaso.”
Kaugnay nito, ibinahagi ng NMPS na pumalo na sa 71 katao ang naitayang gumagamit ng droga sa Nagcarlan noong nakaraang taon, mula sa dating 46 kaso noong sinundang taon. Sa kasalukuyan, binalaan ng pulisya na huwag ng simulan ng mga kabataan ang paggamit nito.
Samantala, isiniwalat din ni Cuadla na kinakaharap ng kanilang istasyon ang paulit-ulit na pagusbong ng isang gang sa hindi pinangalanang paaralan.
Pagbabahagi niya, “May isang gang na magkakasamang nambubully ng mga mag-aaral. Hindi naman namin puwedeng ipoint-out at hulihin kasi hindi naman kami sigurado kung miyembro talaga sila.
Pinag-igting ang Curfew
bilang paalala sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa naturang bayan.
Ipinatupad ang ordinansa alinsunod sa Ordinansa Bilang 2001-60 at Ordinansa Bilang 2001-61 mula sa Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan. Kung saan itinakda ang oras ng curfew sa mga kabataan edad 18 pababa mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga, habang para sa pangkalahatan, anumang edad ay 12:00 ng umaga hanggang 3:00 ng umaga.
Inireregulate namin itong kaso lalo sa mga kabataan para malaman natin ang magiging parusa sa kanila.”
Pinangalanan ng pulisya ang gang bilang True Brown Style (TBS) na lumalaganap pa lamang sa Barangay Talangan.
Anang Cuadla, “Ang masasabi ko sa mga kabataan ay huwag kayong magjoin sa mga ganyang samahan kasi hindi magiging maganda ang buhay niyo,” bilang
payo sa mga kabataang nagbabalak na sumali sa anumang gang o fraternity.
Makikita sa larawan ang litrato ng ilang kabataang nahuling lumalabag sa itinakdang curfew na umani ng katatawanan mula sa madla. Ang pagpapasa ng litrato sa media ay nagsilbi
NAng sinumang mapatunayang lumalabag sa mga naturang ordinansa ay mapapatawan ng pagpapa-blotter sa tanggapan ng Pulisya at sa barangay kung saan nahuli, sa unang paglabag. Sa ikalawang paglabag ay mapapatawan ng P200 o serbisyo komunidad. Habang P500, arresto menor, o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa 30 araw.
Sa kabilang banda, ibinahagi ni Police Chief Master Sergeant (PCMS) Moises Cawa-it Cuadla ang isinasagawang paghihigpit ng kanilang istasyon sa mga bumabyahe ng walang lisensya.
Aniya, “Talagang mahigpit ang pagbabantay namin lalo na noong New Year para mahuli yung mga lalabag. Kaso kahit anong higpit namin may nakakalusot pa rin. Sinisigurado naman namin na walang nagmomotor ng walang lisensiya lalo na sa mga kabataan para masiguro yung kanilang kaligtasan.”
Dagdag pa niya, “Pinagmumulta ‘yung mga nahuhuli naming walang lisensiya, P500 sa unang paglabag tapos siyempre mas malaki na sa susunod na paglabag.”
Bukod pa rito, tinukoy ni Cuadla na lalo’t higit ang kanilang pagbabantay sa mga motorista bilang mas ‘prone’ ito sa mga aksidente.
Walang Pami-pamilya
7 Kaso ng Rape, Naitala sa Nagcarlan
aitalang bumaba ng dalawang bilang ang kaso ng panghahalay noong 2023, mula sa siyam na naitalang kaso noong 2022. Bagamat nagkaroon ng pagbaba, nagdulot ng pagkabahala sa mga mamamayan kung sino ang nasa likod ng mga naturang krimen.
Sa pitong kasong naitala, lumitaw ang isang kaso ng panghahalay na isinagawa ng ama ng biktima. Ayon sa mga pulisya na naka-istasyon sa Nagcarlan Municipal Police Station (MPS), mismong biktima ang sumasailalim sa pagsusuri at interograsyon.
“Hindi naman sila umaamin,” pahayag ni Police Staff Sergeant (PSSG) Marienell Magadia na nakatalaga sa Women’s and Children desk, patungkol sa interogasyon ng mga pinaghihinalaang salarin.
Ayon kay PSSG Magadia, kahit umano ang biktima ay walang ideya kung ano ang naging motibo ng ama ng biktima upang gawin ang krimen. At mahirap din umano sa mga biktima na aminin sa sarili nila na sila ay nagahasa.
Habang ilang kaso rin ang naitala sa pagitan ng step-father at step-daughter, at madalang umano
ang sa pagitan ng minor sa minor.
Ayon naman kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Moises Cuadla, ilan sa mga kadahilanan kung bakit naisasagawa ang panghahalay ay dulot ng impluwensya ng alak at droga. Habang may mga pagkakataon umano na tawag ng laman.
Iginiit din ni PCMS Cuadla na isa rin ang kapabayaan ng mga magulang sa kinahihinatnan ng mga biktima. Dahil sa ipinagkakatiwala ito sa ibang tao upang mapangalagaan.
Dagdag pa rito, ibinahagi rin ng pulisya na wala naman
umanong kaso ng gang rape sa munisipalidad. Iminungkahi ni PSSG Magadia na iwasan din ang uminom upang makaiwas sa mga motibo ng masasamang loob.
Kaugnay din nito, ibinahagi ng mga pulisya na wala umanong criminal liability ang mga salarin na may edad 13 pababa. At kung sakali ay mapapasailalim lamang sa rehabilitasyon.
Habang ang may edad 17 pababa ay diretsahang dadalhin sa Bahay Pag-asa, kung saan napapapunta ang mga kabataang itinuturing na child in conflict with the law (CICL).
No Segregation, No Collection Policy muling pinaigting sa bayan ng Nagcarlan
Mahigpit na ipinatupad ang No Segregation, No Collection Policy sa lahat ng barangay sa bayan ng Nagcarlan matapos na ipagsawalang bahala umano ng nakararami ang pagtatapon ng basura.
Kaugnay nito, hindi na umano kokolektahin ang mga basura kung hindi ito segregated. Inaasahan umano ang kooperasyon ng mga mamamayan. Paghihiwa-hiwalayin ang basura bago ito kulektahin ng Solid Waste Team ng kaniya-kaniyang lugar.
Dagdag pa rito, isang beses na lamang ang pag-ikot ng mga kolektor ng basura sa bawat barangay.
Iginiit din ng Nagcarlan Public Information Office (PIO) noong Enero 5 na inumpisahan na rin umano ng Environmental Task Force na siyang namamahagi ng “leaflets”.
Naglalaman umano ang mga ito ng mga kaalaman tungkol sa mga batas o ordinansa tungkol sa problema sa basura.
Pinapayuhan ang mga mamamayan na pag bukod-bukurin ang mga basurang nabubulok, hindi nabubulok, basurang residwal, at toxic o hazardous waste.
Sa barangay Banago, inamin ng mga konsehal ang kakulangan ng mga pasilidad sa barangay upang tanggapin ang mga basura at ilagak sa Materials Recovery Facility (MRF) ng
barangay.
Ayon sa pahayag ni Barangay Banago Konsehal Kgg. Nenet Catahan, ang isang beses na pag-ikot ng mga kolektor ng basura ay itinakda ng munisipyo.
Ibinahagi rin niya na ang mga basura na nakatambak sa mga highway ay naiipon sa kadahilanan na mayroong mga pagkakataon na maliit na garbage truck ang gamit ng mga kolektor.
Kung saan, hindi napagkakasya ang mga basura at hindi na binabalikan ng mga kolektor. Habang minsan ay hindi ito segregated kung kaya ito ay hindi pini-pick up, na nagiging sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng mga basura.
Dyip, nawalan ng preno, 4 estudyante nadamay
Dalawa ang patay habang 14 naman ang naitalang sugatan matapos mawalan ng preno ang sinasakyang dyip na umararo sa isang e-bike at pampasaherong tricycle. Ayon sa gurong rumesponde, apat na mag-aaral ng mataas na paaralan ng Plaridel ang nadamay.
Lulan ng pampasaherong tricycle ang mga estudyante na at dalawa rito ang nangangailangan ng atensyong medikal habang ang dalawa ay sumailalim sa pagkuha ng x-ray.
Sa panayaman ng Nagcarlan Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber habang binabagtas nito ang highway patungo sa Nagcarlan town proper mula sa Barangay Bambang nang nawalan ito ng preno.
Bunsod nito, unang nabangga ng pampasaherong dyip si Henry, 45-anyos na tumawid, at si Sandra 2-anyos na nabangga ang sinasakyang e-bike.
Sa kabilang banda, sinabi ng gurong rumesponde, Gng. Alelyn D. Viterbo na nabalitaan lamang nila kung ano ang nangyari sa pagdating ng asawa ng kaniyang katrabaho. Ibinalita nito na mayroong insidente sa hanay ng Avenida.
Pahayag niya, nabahala siya matapos na ibalita ng kaniyang asawa na nakita nito ang tricycle ng kanilang kapitbahay na tumaob matapos maararo ng dyip, sa pag-aalala ay agad na pumanhik sa ospital.
“Kami ay pabayan noon, at ang amin nga ay puntahan. Dahil sabi niya na sa sira noong tricycle ay nag-aalala siya kung anong nangyari roon sa kapitbahay namin. Pagpunta namin ng ospital, hindi ko alam na may estudyante talaga ron. Habang bumabyahe, sinasabi na rin sa gc namin na may mga estudyante involved. Gano’n nalang ‘yung pagaalala dahil alam na namin na awasan nga ng oras na ‘yon at maaring estudyante nga po ng Plaridel. Pagkarating namin do’n ang sabi ay ang sakay niya raw ay mga estudyante nga ng Plaridel,” anang Gng. Viterbo.
Pagbabahagi ng guro, nagulat umano siya matapos na makitang maraming mga naka-uniporme ng Plaridel sa emergency room. Aniya, kinuhanan niya ng litrato ang mga ID ng mga mag-aaral upang ibalita sa mga kapwa guro at magulang.
Kaugnay nito, iginiit ng guro na hindi gano’n kalubha ang natamong pinsala ng ibang mga mag-aaral, habang ang isa ay tinahi sa may bandang kilay nito. Habang nagpaabot ng tulong pinansyal ang paaralan sa tulong mga guro at mag-aaral.
PLARIDELIAN BULITIN
balita 3
Kenneth Carl Ponteres
Royze Kylle C. Barba
Kenneth Carl Ponteres
Royze Kylle C. Barba
Inilahad ni PMSgt. Moises Cuadla ang istatistika ng kabataang nawiwili sa paggamit ng illegal na droga. Enero 9. Kuha ni: Cyrus Mattew edquila
Iwasan
2023, Pumalo sa 558 ang kabuuang bilang ng mga Insidente sa Nagcarlan
Hannah Faye Banjaon
Pumalo sa 558 ang kabuuang bilang ng mga insidenteng naitala ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) noong taong 2023.
Tinatayang 215 ang kabuuang bilang ng vehicular accident o mga aksidente gamit ang iba’t ibang sasakyan sa buong taon ng 2023.
Kaugnay nito, naitala ng MDRRMO na ang buwan ng Mayo ang may pinakamaraming aksidente na may 28 na bilang.
“Sa vehicular accident, mas madalas na narerespondehan namin na motor ang gamit dahil kadalasan sa mga nagmamaneho ay nakakainom o lasing,”
pahayag ni Anelyn O. Magsinop, Officer in Charge ng MDRRMO.
Sa kabilang banda, naitala na sa 261 ang mga naging medical emergency noong nagdaang taon. Pinakamaraming bilang ng naitala ang buwan ng Disyembre na 35.
Binigyang linaw ni Officer Magsinop na nakapaloob sa medical emergency ang mga kaso tulad ng mga engkwentro ng pananaksak, panggugulo o pagkakasalanta ng mga kalamidad at sakuna na may kinalaman sa usaping pang kalusugan.
Samantala, naitala sa 62 ang bilang ng kaso sa ambulance assistance at 20 sa iba pang mga insidente na may kabuuang 558 na kaso sa lahat ng klase
ng insidenteng naitala. Tinatayang pumalo sa 46.50% ang porsyento ng bilang ng mga insidente kada buwan.
“Pagdating sa usapin ng ambulance assistance, madalas na nirerespondehan namin ang mga tao na dumadalo sa simbang gabi. Kadalasan ay nahihimatay dahil walang kain o hindi naman kaya ay hindi kaya ang masyadong crowded na lugar,” dagdag pa ni Officer Anelyn.
Pinalawig din ni Officer ang iba pang detalye sa pamamagitan ng pagbabahagi na lagi’t lagi nilang kaagapay sa pagresponde ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Umaasa ang MDRRMO sa pagbaba ng bilang ng mga insidente sa taong 2024.
MDRRMO: Insidente kada buwan, pumalo sa 46.5% patuloy na ikinababahala ng mga Nagkarlangin
Tinatayang 558 ang kabuuang bilang ng mga insidenteng naitala ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa buong duarasyon ng nakaraang taon na siyang pinangangambahan matapos pumalo sa datos na 46.5 porsiyento kada buwan.
Kaugnay nito, tinukoy ng Officer in Charge Anelyn O. Magsinop na vehicular accident o mga aksidente gamit ang iba’t ibang sasakyan sa buong taon ng 2023 na umabot sa 215.
Aniya, “Sa vehicular accident, mas madalas na narerespondehan namin na motor ang gamit dahil kadalasan sa mga nagmamaneho ay nakakainom o lasing.” Tinukoy din niya na madalas na pataas ang bilang nito lalo’t higit sa pagsapit ng
tag-init.
Alinsunod dito, ilulunsad ng MDRRMO ang Oplan SumVac na masugpo ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa tag-init. Anila, “Mayroon tayong Oplan SumVac dahil mas marami ang naitatala naming insidente tuwing summer dahil nga sa mainit ang panahon at marami ang lumalabas ng bahay para mamasyal kaya mas nagiging prone ang mga tao sa insidente.”
Ibinahagi rin ni Officer Magsinop ang pagpopost ng mga flyers at iba pang anunsiyo sa social media upang mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan, at mabigyang kaalaman sa kung saan ang mga lugar na delikado sa panahon ng tag-araw upang maiwasan o makapag-ingat ang mga
DepEd 236k Trees— A Christmast Gift for the Children Maaaring tugon sa Illegal Logging
NAGCARLAN— Bilang tugon sa patuloy na ikinakabahalang problema ukol sa ilang mabibigat na kaso ng ilegal na pagpuputol ng puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay isinagawa ng kagawaran ng edukasyon ang programang DepEd’s 236k Trees — A Christmas Gift for the Children na alinsunod sa DepEd Memorandum #069 series of 2023.
Kinondena ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) mga pulis Lumin-awa ang nasabat na mahigit kumulang 130k halaga ng inabandunang Narra lumber sa probinsya ng Kalinga nitong Oktubre 23. Habang natagpuan naman sa Brgy. Kiling, Alfonso Lista, Ifugao ang tumataginting na 900k halaga ng lumbers lulan ng isang malaking trak.
Ang mga naturang kaso ay lumabag sa Presidential Decree (PD) 705 or the Revised Forestry Code of the Philippines na katumbas ng hanggang 12 taon na pagkakakulong.
Ibinahagi ng isang guro ng mataas na paaralan ng Plaridel ang kaso ng isang estudyanteng napupuno ng sandamakmak na tattoo ang katawan, kung saan pinagsabihan lang ito upang maiwasan na makaimpluwensya sa ibang mag-aaral.
Sa isang panayam ng Sanghaya Plaridelian, ibinahagi ni Gng. Maria Cristina Ortiz ang isang interaksyon sa isang mag-aaral na tila naging hobby na umano ang pagpapatattoo.
Aniya, “Based doon sa
Isinasaad din na sa bawat punong
puputulin ay marapat na magtanim ng sampo pa bilang kapalot nito. Layunin umano ng programa na isulong ang environmental preservation at itanim sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng environmental responsibility.
Nakibahagi ang 47, 678 na paaralan dito, kabilang na ang mataas na paaralan ng Plaridel.
Limang puno ang itinanim ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang
organisasyon: Supreme Secondary Learner's Government (SSLG), Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), National Disaster Risk Reduction (NDRR) at Girls Scout, kaagapay ang Punong-guro ng paaralan, G. Romeo M. Suliguin at ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Nagcarlan.
Kabilang dito ang kinatawan ng Punong Bayan, Mayor Elmor V. Vita, G. Eldin C. Casabal ng Public Information Office, Kgg. Lawrence M. Sombilla ng Sangguniang Bayan at nakatalaga sa Lupon ng
turista kung ito ay papasyalan.
Bukod pa rito, siniguro ng MDRRMO na naghahanda ang kanilang ahensiya sa paparating na Marso, ang fire prevention month, upang umalalay sa pagsasagawa ng mga seminar at symposium pati na rin ang Earthquake Drill sa mga paaralan.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng mga pananaliksik at pag-aaral ang mga kasapi ng ahensiya upang makapagbigay ng maaasahang serbisyo sa mga mamamayan ng Nagcarlan.
Ayon kay Officer Magsinop, palaging nakaalalay at handang rumesponde ang opisina ng MDRRMO sa mga aksidente at iba pang ahensiya kagaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Rural Health Unit (RHU).
Edukasyon at Isports, at Kgg. Brgy. Chairman Hermis Albarico ng Banago. Kung saan, binigyang diin ng bawat opisyal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng naturang programa, hindi lamang sa paaralan, maging sa buong bansa. Sabay-sabay na idinaos ang DepEd's 236k sa 47.6k paaralan nitong Disyembre 6.
Isyu sa basura, kailangan ng partisipasyon ng mga paaralan – Konsehala
Hannah Faye Banjaon
Sinalungat ng isang konsehala sa Barangay Banago ang pagpapatupad ng “Bring your waste home Policy” sa mga paaralan bunsod ng pagtatapon ng mga estudyante sa tabi ng kalsada. Panawagan niya, makiisa ang mga paaralan sa mga barangay at turuan ang mga kabataan ng tamang pagtatapon ng basura. Sa isang panayam ng Sanghaya Plaridelian, iginiit ni Konsehala Nenet Catahan ang kaniyang saloobin sa mga mag-aaral na nahuhuli sa CCTV na nagtatapon ng basura sa kung saan saan.
Aniya, “Ang problema niyan, iko-consider natin na hindi lang basta sa barangay ‘yan, pati rin sa eskuwelahan. Kasi kung well disciplined din ang mga bata, well trained sa proper segregation, alam naman nila ‘yung plastic at mga nabubulok. Syempre dapat ‘yung learning makikita din muna nila sa school.” Bukod pa rito, ibinahagi niya na muntikan nang mapagmulta ang Barangay dahil sa hindi nakasegregate na basura ng mga paaralan.
“Nung nagkaron ng maraming problema, pati ang school ay hindi nagsegregate. ‘Yung mga pinagbalatan ng gulay, plastic, magkasama sa iisang plastic. Dapat may participation sa segregation sa waste. Ang laki ng bilang ng mga estudyante, syempre marami ang makokonsumo nila at magiging basura. Galing sa canteen, baon ng estudyante,” anang Catahan.
Pagbabahagi pa nito, parehong elementarya at hayskul ay ipinapauwi ang basura ng mga estudyante noong una-una pa.
“Nakikita sa CCTV na iniiwanan nila (noong mga estudyante) rito sa unahan. Walang naging penalty. Ang ginawa nalang sa mga school ay sinabihan na hindi tama ‘yung pagpapauwi ng basura sa mga estudyante. Kasi iniiwan din nila along the way na sila ay pauwi na, diyan nila binabagsak sa kalsada. Kaya hindi rin maganda ‘yung bring your waste home”.
Estudyante ng Plaridel, sinita matapos na makitaang may tattoo
interview ko sa bata, naengganyo lang siya noong kaibigan niya around 15 years old palang siya. Without knowing nung parent niya, nagpatattoo siya. Then mayroon din silang kamag-anak na nagta-tattoo. Kaya ang nangyari, naimpluwensyahan siya ng hobby noong relative niya. Nagta-tattoo na rin siya. Tinanong ko kung bakit nagtutuloy pa rin siya ng pagtatattoo sa sarili niya.”
Dagdag pa rito, ibinahagi ng estudyante na mayroon itong tattoo sa leeg, parehong braso, harapan at
likuran na pakpak.
Sa kabila nito, iginiit ng magaaral na wala siyang ginagawa obalak na masama. Sadyang hinanap-hanap lang umano ng kaniyang katawan ang pagpapatattoo.
“Napapadalas lang daw kapag may event daw sila. Nagpapalitan sila ng designs ng co-artist niya. Nung Grade 10, wala pa siya sa leeg. Naging aware naman ako sa mga estudyante noong ‘yung dalawa kong estudyante ay
nagpatattoo. So, hindi naman siya na-guidance dahil sa may masama siyang ginawa. Dahil lang sa tattoo niya, at sa habitual tardiness niya,” anang Gng. Ortiz.
Dagdag pa rito, ibinahagi ng guro na ang sadya lamang niya ay ang ipaliwanag ang sitwasyon.
“Pinaliwanag ko sakaniya na ang una kasing tingin sa mga tattoo ay mga may gagawing masama, mga na-involved sa gang. ‘Yun lang. Nagbigay ng warning para hindi siya maka-impluwensiya
sa mga mas bata sakaniya – sa mga junior high school. Baka kasi sabihin na ang mga Plaridelian, mga may tattoo kasi pinapayagan ng school.”
Kaugnay nito, “ Nakasaad naman sa rules and regulations natin na bawal ‘yung mga ganoon. Bukod sa may tattoo, mayroon din siyang cut sa kilay. Minsan kasi ang teachers, napapafocus lang sa teaching, kaya ‘yung mga behavior ng mga estudyante ay nagwoworse. Lalo na sa senior high school.”
PLARIDELIAN BULITIN
XXXVI Bilang II | Nobyembre 2023 - Pebrero 2024 4
Opisyal na Pahayagan ng Plaridel Integrated National High School - Nagcarlan, Laguna Tomo
balita
Kenneth Carl Ponteres
Royze Kylle C. Barba
Isinalaysay ni MDRRMO Chief Annielyn Magsino na ang may pinakamaraming naitilang aksidente ay Mayo 2023
DISGRASYA sa buwan ng Mayo Kuha ni: Cyrus Mattew edquila
Hannah Faye Banjaon