Akda June 2021 Issue

Page 1

Tomo 1 Blg. 3

Opisyal na Pahayagan ng DepEd sa Distrito ng Nagcarlan, Nagcarlan, Laguna

Hunyo 2021

Federated GPTA Officer ng Distrito ng Nagcarlan

Nanumpa bilang Secretary ng NPTA Laguna by Francis A. Viterbo, Teacher III, Plaridel INHS

Isinagawa ang araw ng panunumpa, Hunyo 14, 2021 sa Cultural Center of Laguna, Sta Cruz, sa ganap na 9:30 ng umaga kasama si Atty. Karen Agapay Laguna Vice Governor at ang mga kinatawan ng National Parents Teachers Association. Nahirang bilang Secretary ng NPTA Laguna Chapter si Gng. Myra Notario pangulo ng GPTA ng Plaridel Integrated National High School (PINHS) noong nakaraang Pebrero 20, 2021 sa birtual na pagpupulong. “Masaya naman po ako na nakatutulong sa school sa ganito ng paraan sa loob ng 12 taon bilang

GPTA Officer”, ani Gng. Notario. Kaugnay nito, nagsimulang maging GPTA Officer si Gng. Notario taong 2009 bilang Auditor, naging Ingat yaman taong 2010 hanggang 2017, kasunod nito ang pagiging pangulo ng GPTA at FEDPTA Board Member taong 2018 hanggang sa naging pangulo ng

FEDPTA taong 2019 hanggang sa kasalukuyan. Samantala, hindi maiiwasan ang mga nagiging suliranin lalo nat malaki ang populasyon ng paaralan marami ring pasaway. Sinisigurado po naming na lagging nakahanda ang GPTA upang tumulong sa ikakaunlad

ng ating paaralan para rin sa ating mga anak. Dagdag pa rito, talagang kina kailangan ang “patience “ mahabang pasensya lalo nat may mga singilin, hindi kakayanin kung may maliit na anak sapagkat mahabang oras ang inilalaan sa school “, pahayag ni Gng Notario.

Edukasyon sa gitna ng pandemya SOSA 2020-2021, inilunsad by Chelo S. Castro, Teacher III, Plaridel INHS

Nagsagawa ang mga paaralan sa Distrito ng Nagcarlan ng State of the School Address (SOSA 2020-2021 ) upang iulat sa mga mag-aaral, magulang, guro, at iba pang community stakeholders ang naging mga katagumpayan ng bawat paaralan sa panahon ng pandemya — sa panahon ng bagong normal. Isa sa mga ito ay ang Plaridel Integrated National High School (PINHS) noong nakaraang Hunyo 10, 2021 sa pamamagitan ng birtwal na komunikasyon, na dinaluhan ng mga Punong Barangay at konsehal na nakatalaga sa lupon ng edukasyon. Inihain ni G. Romeo M. Suliguin EdD Punungguro II ng PINHS ang lahat ng naging plano, solusyon tungo sa tagumpay ng edukasyon sa panahon ng pandemya katuwang ng mga taong kaagapay sa pagyabong ng paaralan. “Hindi madaling yakapin ang pagbabago ngunit sa ating mga positibong pananaw ay nagiging posible ang lahat. Makasaysayang karanasan ang sandata upang iangkop sa susunod na kakaharapin, “ani G. Suliguin.#mapapagod ngunit hindi susuko #pinatatag ng pagbabago #pagpapatuloy ng edukasyon sa mga tahanan sa panahon ng pandemya #sulong edukalidad #Lago Laguna #Bayanihan sa Plaridelian’s upang maiangat ang edukasyon ng mga kabataan.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng mensahe si Gng. Myra Notario President ng General Parents Teachers Association (GPTA) na kung saan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng GPTA Officers kasama ang mga magulang ng mga mag-aaral nakalikom ng pondo upang magkaroon sila ng proyekto na magagamit ng mga bata sa paaralan. “Patuloy po nating suportahan ang ating mga anak sa pag-aaral maging matiyaga po tayo sa pagtuturo at paggabay,”pahayag ni Gng. Notario. Dagdag pa rito, isang mensahe ang naiparating nang Punong Kapitan Kgg. Dante Monteagudo ng Brgy Banago na isa sa katuwang ng PINHS mula “face to

face” hanggang sa bagong sistema ng edukasyon naging saksi sa mga gawain ng mga guro, ang pagdalo ng flag ceremony tuwing Lunes ng umaga, pag-update sa mga mag-aaral at higit sa lahat ang pagsasagot ng module. “Kahit anong hirap ng sitwasyon natin maraming paraan upang matugunan ang pag-aaral ng kabataan ang mahalaga hindi masayang ang isang taon kailangang magtulong tulong ang bawat isa, ani G. Monteagudo. Kalinsabay nito, nagpahatid din ng makabuluhang mensahe si Kgg. Konsehal Edilberto Sotoya, Municipal Councilor buhat sa lupon ng edukasyon na nag-iwan ng mga katanungang nauukol sa pagyabong ng nasabing paaralan. “Sa

kakayahan ng mga namumuno sa Plaridel makakaasa tayo na ang ating mga anak at ang paaralan ay nasa mabuting pangangalaga, saad ni G. Sotoya. Gayundin, “Walang sawa akong susuporta sa adhikain ng bawat paaralan tungo sa ikakaayos, ikakaasenso at ikagaganda ng pangarap ng bawat isang kabataan ng Nagcarlan, mensahe mula sa Ina ng bayan ng Nagcarlan, Hon. Lourdes T. Arcasetas . Patuloy ang pagsasagawa ng PINHS sa pagpapayabong ng edukasyon sa tulong ng mga magulang, mag-aaral at iba pang stakeholders upang ipagpatuloy ang tunay, tapat na serbisyo at maisulong ang kalidad ng edukasyon sa gitna ng pandemya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.