KAMPUS FCLNHS, bumida sa Sci-Fair SILIP
Dr. Alip, itinalagang bagong ama...
Pahina 2
Pahina 2
Editoryal
Tugon
Salamat sa Iyo
Pahina 3
Pahina 10
Laro ni Juan, Ating balikan... Pahina 15
Hamon ng makabagong panahon, patuloy na tinutugunan ng DepEd Ni Rinalitte A. Ang
AKSYON AT SOLUSYON: Agad nagsagawa ng seminar ukol sa bullying si G. Michael Santos.
Natatanging Ulat
Anti-Bullying Act, pirmado na ni PNOY FCLNHS GC, todo aksyon agad Ni Christian R. Santiago
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na mahigpit nitong ipatutupad ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 matapos itong ganap na maisabatas nang lagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Setyembre 12. Kasunod nito ay inilabas na rin ng ahensya ang DepEd Memo no. 180 s.2013 na nag-aatas sa lahat ng paaralang elementarya at sekondarya na magkaroon ng mga polisiya upang maiwasan at matugunan ang mga kaso ng pambubully. Itinatakda rin nito ang pagbabawal ng mga paaralan sa pambubully, paghihiganti laban sa sinumang nagsumbong ng kaso ng pambubully at pagbabalangkas ng mga karampatang parusa laban sa mga nambubully. Kasabay nito agad namang ikinasa ng Guidance Center (GC) ng FCLNHS ang ‘Tigil Bully’ , isang maigting na kampanya na naglalayong mapangalagaan ang mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pambubully. Nagsagawa rin ang GC ng isang seminar /lecture na pinangunahan ni G. Michael Santos, guidance counselor, layon ng seminar na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral at maging ang mga guro kung anu-ano ang mga salik upang matawag na pambubully ang ginawa ng isang mag-aaral. Prayoridad din ng GC ang pagtutok sa mga kaso ng severe bullying kung saan isa sa mga nagiging problema ay ang pagtatala ng kaso ng mga nabubully dahil ang iba ay ayaw lumantad bunsod na rin ng matinding takot. “Kung magtutulong-tulong tayo sa kampanyang ito, ‘di magtatagal ay magiging bully free ang ating paaralan,” pahayag Santos.
Kauna-unahan sa Bulacan
Bunsod ng layunin ng Department of Education (DepEd) na maiangat ang kalidad ng edukasyon at makatugon sa hamon ng makabagong panahon, isa ang Felizardo C. Lipana National High School sa mga paaralan sa buong kapuluan na napagkalooban ng E-Classroom Package. Tumangggap ang paaralan ng mga kompyuter na tinatayang aabot sa P.5 milyon sa ilalim ng DepEd Computerization Program (DCP) noong Agosto 6. Bago ang pagkakaloob ng naturang E-Classroom Package ay dumaan sa validation process ng
ICT-Technical Commitee ng rehiyon ang mga target na paaralan upang masiguro na ang mga ito ay handa at nakasunod sa mga nakatala sa School Checklist Form ng DCP. Sumailalim din sina Bb.Ruth Cervantes,Information and Computer Technology (ICT) Coordinator, G. Michael Santos, Gng. Regina C. Verde at Gng. Rossini N. Magsakay, mga guro ng ICT sa oryentasyon kaugnay ng mga tinanggap na kompyuter na pinangunahan ni G. Jian Glynis Pascual ng Science and Computer Technology (SCICOMTECH). Binubuo ang nasabing
E-Classroom Package ng 8 host PC, 42 desktop, 42 LED monitor, 42 keyboard at mouse, 1 wireless broadband router, 1 switch at 1 printer. Tutugunan ng DCP ang computer backlogs sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga hardware, software at mga pagsasanay sa simple trouble shooting ng kompyuter. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 88% na ng paaralang sekondarya at 51% naman ng paaralang elementary ang nagbenipisyo na mula sa DCP.
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino Mataas na Paaralang Nasyunal ng Felizardo C. Lipana
TOMO 12
. BLG 1
OKTUBRE-DISYEMBRE 2013
FCLNHS, may Mandarin Class na Ni Christian R. Santiago
Sa buong dibisyon ng Bulacan tanging ang Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana ang nabigyan ng pribilehiyo na magkaroon ng Mandarin Class sa ilalim ng Special Program in Foreign Language (SPFL). Kaugnay ng adhikain ng programang K-12 ng administrasyong Aquino na maihanda ang mga magaaral na Pilipino upang maging globally competitive ay idinagdag sa kurikulum ng mga piling paaralang sekondarya ang Special Program in Foreign Language (SPFL). Nauna nang itinuro sa mga piling paaralan sa buong bansa ang Spanish, Japanese at French noong taong pampaaralan 2009-2010, nang sumunod na taon ay idinagdag sa pagtuturo ang German at noong 2011-2012 ay isinama na ang Arabic at Mandarin. Bilang paghahanda rito, sumailalim sa Special Language Program for Teachers na ginanap sa Confucius Institute Angeles University Foundation sa Pampanga sina Bb. Ruth Cervantes at Bb. Virginita S. Ibaňez noong Mayo 12-Abril 12. Sa naturang seminar ay binigyan ang mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo tulad ng flashcards, tsart at 40 librong magagamit ng mga mag-aaral. Sa pagbubukas ng taong pampaaralan 20132014 ay ganap nang sinimulan ng paaralan ang pagtuturo ng Mandarin sa mga pilot sections (grade 7-Sampaguita at 8-Diamond). Sasailalim ang mga naturang mag-aaral sa SPFL sa loob ng dalawang taon. Itinuturo ang Mandarin bilang kapalit ng CPTLE apat na oras kada linggo, kung saan ang unang taon ay nakapokus sa Basic Mandarin at ang susunod na taon ay sa Intermediate Mandarin. Sa ilalim ng SPFL kinakailangang makakuha ang mga mag-aaral ng final grade na hindi bababa sa 85% (proficient) sa Mandarin Class at markang hindi bababa sa 80% (approaching proficiency) sa iba pang mga subject
ANGAT SA IBA: Nabigyan ng pambihirang pagkakataon ang mga piling mag-aaral ng FCLNHS na matuto ng Mandarin sa ilalim ng SPFL Program ng DepEd.
upang makapagpatuloy sa programa. “Maganda ang SPFL ng DepEd, ngayon sa patuloy na pagsulong ng ekonomiya ng China, ang Mandarin ay ginagamit na sa buong mundo kaya isang malaking bentahe na matuto nito ang mga mag-aaral,” pahayag ni Ibaňez, guro ng Mandarin.
2 Lipanians, wagi sa National Water Rocket Competition Ni Christian R. Santiago
Naiuwi ng FCLNHS ang ikalimang pwesto sa prestihiyosong National Water Rocket Launching Competition na ginanap sa Gawad Kalinga, Enchanted Farm sa Angat Bulacan noong Oktubre 8-10. Nakipagsabayan sina Angela U. Fariñas at James V. Soriano sa mga mag-aaral mula sa walong pinakamahuhusay na paaralan sa lalawigan gayundin sa mga mag-aaral mula sa Philippine Science High Schools sa Luzon at Visayas. Ang naturang kompetisyon ay kaugnay ng taunang pagdiriwang ng World Space Week (WSW), ang pinakamalaking space event sa buong mundo na pinangungunahan naman sa Pilipinas ng Science Education Institute (SEI). Layunin ng kompetisyong ito na itaas ang interes ng mga kabataan ukol sa space science sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga fun-learning experience sa pag-aaral ng agham at teknolohiya. “Dahil sa pagpasok ng ating paaralan sa top 5 ay muling mabibigyan ang ating paaralan ng pagkakataon na makalahok sa National Water Competition sa susunod na taon,” pahayag ni G. Marlon S. Caluag, gurong tagasanay nina Fariñas at Soriano.
SA GALING NAKILALA: Matagumpay na naiuwi ng FCLNHS ang ikalimang pwesto sa National Water Rocket Competion
Pinahabang PE Class isinulong ng DOH
67 % Lipanians aprub sa panukala Ni Iveta T. Alonzo Lumalabas na pito sa bawat sampung mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School ang pabor sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na mas pahabain ang oras ng klase sa Physical Education (PE). Base sa isinagawang pagsasaliksik ng patnugutan ng Ang Hardin, umabot sa mahigit 402 mag-aaral mula sa 600 respondents ang naniniwala na makatutulong ang dagdag na 30 minuto sa PE Class upang sila’y maging aktibo at mapanatili ang magandang kalusugan. Ayon kay DOH Assisstant Secretary Dr. Eric Tayag, hindi problema ang kakulangan sa espasyo ng mga paaralan upang maisakatuparan ang inirekomendang dagdag 150 minuto na ehersisyo kada linggo sa physical activity ng mga bata sapagkat maaari naman itong gawin sa loob ng silid-aralan. Idinagdag pa niya na malaking tulong ito upang mabawasan ang
lumalaking bilang ng mga batang nagiging sakitin dahil sa kakulangan ng ehersisyo lalo na at karamihan ay nalululong sa mga computer games at matagal na panonood sa telebisyon. Bagama’t maganda ang hangarin ng programang ito, masusi munang pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) bago ito ganap na maimplementa sa bansa.