SUHAY June 2019-July 2020 Issue

Page 12

ng MASIPAG ICA Unit

H

indi na bago sa atin ang problema sa pagkain at agrikultura. Hindi pa man tumatama ang pandemya, milyong Pilipino ang nakararanas ng kronikong kagutuman, habang karamihan, lalo na ang mga batang Pilipino, ang nakararanas ng matinding malnutrisyon. Sa hanay ng mga magsasaka, marami sa kanila ang hindi makawala sa pagkakatali sa programang Green Revolution na naglubog sa kanila sa utang, at nagdulot ng problema sa kalusugan at kapaligiran. Sa pagtama ng pandemyang COVID-19, higit pang nailantad ang malalim na problema sa pagkain at agrikultura. Ayon sa datos ng Social Weather Stations, halos dumoble ang bilang ng mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman, o 3.9 milyong pamilya. Pinakamatinding tinamaan ang mga maralita sa Metro Manila, na tinaguriang sentro ng pandemya sa bansa.

Ayon sa datos ng Social Weather Stations, halos dumoble ang bilang ng mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman, o 3.9 milyong pamilya.

Sa kabila ng ayudang ibinibigay ng gubyerno, nananatiling kulang ang nasabing tulong para sa araw-araw na pangangailangan ng mamamayan, laluna sa pagkain. Sa kabilang banda, dahil sa matinding restriksyon sa pagbyahe ng produkto at barat na presyuhan, maraming produktong agrikultural ang itinatapon na lamang ng mga magsasaka.

Mabagal ang pagdating ng tulong sa mga magsasaka. Target ng DA na bigyan ng financial subsidy ang halos 591,000 beneficiaries. Ngunit ayon kay Neri Colmenares, na nagsalita sa isang webinar ng Bantay Bigas, umabot lamang sa mahigit 52,000 beneficiaries ang nabigyan ng tulong noong Abril 14. Matapos ang dalawang buwang lockdown, saka pa lamang inulat ng DA, na nakaabot na ang tulong na Php 5,000 cash aid sa 89% ng target beneficiaries o halos 525,478 magsasaka ng palay.

Plant, Plant, Plant ng DA – ayuda para sa magsasaka? Para matugunan ang nararanasang kahirapan ng mga magsasaka bunga ng pandemya, inilatag ng Departamento ng Agrikultura (DA) ang programang ALPAS COVID o mas kilala sa Plant, Plant, Plant. Layon nitong bigyang ayuda umano ang sektor ng agrikultura upang makaagapay sa pangangailangan ng mamamayan sa pagkain.

Sadyang maliit pa rin ang bilang ng nakatanggap ng nasabing ayuda. Nasa 2.7 milyon ang kabuuang bilang ng mga magsasaka at manggagawang bukid na nagtatanim ng palay. Sa kabuuang budget ng DA para sa pandemya, na nagkakahalaga ng 51 bilyong piso (P20 bilyon para sa food logistics at P31 bilyon para sa ALPAS COVID), tinatayang 6% lamang ng nakalaang pondo ang para sa social amelioration program (SAP) sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng nasabing programa, 31 bilyong pisong supplemental fund ang ilalaan para sa ayuda sa mga magsasaka gaya ng binhi, gamit pansaka at relief.

Hindi rin maayos ang sistema kung paano ipapaabot ang ayuda. Ayon sa mga ulat, kinakailangang rehistrado ang mga magsasaka sa DA upang maging kwalipikado sa ayuda. Tinitignan bilang benepisyo ang SAP sa halip na ayuda na para sa lahat ng nangangailangan. Sa panahon ng kalamidad, dapat unibersal ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan para maharap ang kawalan ng kabuhayan. Ngunit dahil benepisyo ang pagturing ng pamahalaan, targeted o nakatiyak lamang sa iilang benepisyaryo ang ayuda, na

Gayunman, nakikitang pagpapatuloy lamang ito ng mga kasalukuyang programa ng DA, na pangunahing nakatuon sa malawakang importasyon ng produktong agrikultural, pagpapalakas ng kontrol ng mga korporasyon sa pagkain at agrikultura, tinutulak ng pamilihan, at hindi para sa kaseguruhan sa pagkain. Walang malinaw at agarang tugon para tulungan ang mga maliliit na mga magsasaka.

HUNYO 2019 - HUNYO 2020 |

11


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.