Pagkadlit: Kadlit Online Magasin | November 2017 Issue

Page 1



TUNGKOL SA PABALAT. Ano nga ba ang ginagampanan ng isang milenyal na manunulat sa larangan ng pagpapalimbag? Bilang unang isyu ng KADLiT Online Magasin, ang Pagkadlit ay naglalayong tugunan ang kaganapan ng mga manunulat na milenyal, sa kabila ng kasalatan sa kakayahang makapaglimbang sa mga palimbagan, na siyang nagtutulak sa kanila upang subukan ang ‘guerilla publishing’ o ang paglilimbag gamit ang limitadong pinagkukunan.

Pagkadlit

KATIPUNAN NG ALTERNATIBONG DIBUHO, LIRIKO, AT TITIK ONLINE MAGASIN | ISYU 1 | NOBYEMBRE 2017

Lahat ng akda sa kalipunang ito ay pawang orihinal at hindi maaaring kopyahin o ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng mga may-akda at ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Nananatili ang karapatang-sipi nito sa mga may-akda at sa pamunuan ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Samantala, ang mga larawang ginamit sa disyenyo ng pabalat at magasin ay nagmula sa public domain file ng internet. Ang mga ito’y ginamit na naayon sa limitasyon ng karapatang-suri nito. Ang anomang puna, opinyon, suhestiyon, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan at sining ay maaaring ipadala sa Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Para sa karagdagang detalye, mangyaring sundan ang aming sumusunod na social media accounts:

Email Address: kadlitofficial@gmail.com Facebook Page: https://www.facebook.com/KADLitOfficial/ Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/AngKADLiT/ Wordpress: https://www.kadlit.wordpress.com Wattpad: https://www.wattpad.com/user/Ang_KADLiT SoundCloud: KADLiT Music Bandcamp: KADLiT_music YouTube: KADLiT Channel


mga dagli FIFTY SHADES OF GRAY ni John Kenneth Bea pahina 5

PANGINOON

ni Anna Patricia Adiaz pahina 6

IYAK

ni Girlie Suniega pahina 7

KAMAY NI TATAY

ni Reynand Manaois pahina 7

KING ISHTAK AND URYS ni Dan Jude Manjares pahina 8

TEST PAPER

ni John Kenneth Bea pahina 9

ITAK

ni Girlie Suniega pahina 19

ONE SAD CHRISTMAS

ni John Benedict Bagtas pahina 10

INIWAN NA NILA AKO ni Marius Carlos, Jr. pahina 10

SILAHIS NG LIWANAG AT DILIM ni Maria Kristelle Jimenez pahina 11

mga maikling kuwento OUTING

ni Andrew Manares pahina 12

KAPE’T BISKWIT

ni Dan Jude Menjares pahina 15

mga Nilalaman


MGA TULA WHEN A LONELY SOUL SPEAKS ni Michael DC Gabanit pahina 18

TULA: UNO

ni Annalyn Biagtan pahina 18

WRONG TURN

ni Maria Carmela Banay pahina 19

SADOMASO

ni Maria Carmela Banay pahina 19

ANG EBA SA ESKINITA ni Andrew Manares pahina 20

PERSONAL NA SANAYSAY BREAKFAST IN QUANTUM DREAMS ni Rhounee Ron Kevin Frany pahina 22

MGA ARTIKULO PAGKADLIT: MILLENIAL & UNDERGROUND WRITING ni Marius Carlos, Jr. pahina 24

PAGDAKO SA MUNDO NG WATTPAD ni Anna Patricia Adiaz pahina 26

STIMULI: KOLEKSIYON NG MGA OPINYON ni Mishareth Velado pahina 28

THE RISE OF SAKADA LITERATURE IN THE PH ni Marius Carlos, Jr. pahina 30



Fifty Shades of Gray DAGLI | John Kenneth Bea

“Bebeboi, try natin yung ginagawa nila Christian Grey sa Fifty Shades of Grey,” pag-aanyaya mo sa ‘kin habang naglalaro ako ng DoTA.

“Uh, Fifty Shades of Grey?”

“Oo, itatali mo ako sa kama tapos magagawa mo na lahat ng gusto mo,” wika mo nang may halong pang-aakit. Biglang nag-init ang aking pakiramdam. Diyos ko! Pagkakataon ko na ‘to. Magagawa ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap.

“Sige, payag ako.”

Kaagad akong pumunta sa iyong puwesto at sinimulan kitang itali. Bakas sa ating mukha ang pagkasabik sa ating gagawin. Hinigpitan ko pa ang pagkakatali upang ‘di ka talaga makawala.

“Handa ka na ba, bebegirl?”

Tanging ungol na lamang ang naitugon mo.

Dahan-dahan akong bumaba mula sa leeg, pababa sa dibdib, tiyan, bewang hanggang sa mapunta ako sa iyong bukiran at hita. Pagkatapos kitang romansahin ay kaagad din akong umalis at naglarong muli ng DoTA. Matagal ko na ‘tong inaasam—ang makapaglaro nang walang pumipigil sa akin.

Pagkadlit

| pahina 5


Panginoon

DAGLI | Anna Patricia Adiaz

Nasa ikatlong baitang ako nang matutunan kong magsimba. Noong una’y naglalaro-laro lamang ako sa loob ng simbahan, tumatakbo-takbo sa pagipagitan ng mga upuan, at ginuguhitan ang Biblia na ibinigay nila sa akin sa tuwing nakababagot ang misa, ngunit ‘di naglaon ay tuluyan kong naipasok sa aking sistema ang mga paniniwala ng relihiyong kinabibilangan ng establisyimentong iyon na pinapasukan ko tuwing Linggo.

Dinala ko ang paniniwalang iyon hanggang nakapagtapos ako ng kolehiyo. Nagsisimba pa rin ako tuwing Linggo at ako na rin ang nagtuturo sa mga bata ng Biblia. Pero nitong mga nakaraan, paagtaw-agtaw ang pagsisimba ko. Naging abala kasi ako sa bago kong trabaho. . . at lihim na akong tumataliwas sa mga paniniwala ng relihiyong iyon. Hindi lang ako makaalis nang maayos para lumipat sa isang relihiyon na natuklasan ko sa pamamagitan ng mga katrabaho ko.

Kung tutuusin, wala namang nagpumilit sa akin na gawing regular ang pagsisimba. Hindi ako pinilit ng nanay ko. Maski ang tatay ko. Hindi rin naman ako naimpluwensyahan ng mga kaklase ko. Kusang palo akong gumigising nang maaga tuwing sasapit ang Linggo, maliligo, at gagayak upang maging kaayaaya sa Diyos. Iyong diyos na Hesus ang pangalan.

Pero iyong sinabi ko na naging abala ako sa aking trabaho, totoo iyon. Nagtatrabaho na ako sa isang maliit na news company. Nagsusulat ako at naglalathala ng mga balita sa internet. Madalas man kaming makatanggap ng mga pambabatikos sa mga mambabasa dahil masyado raw naming pinapanigan si Pangulong Duterte, mahal ko pa rin ang trabaho ko.

Naalala ko, bago magsimula ang panambahan, pinagsasama-sama muna sa isang kuwarto ang mga bata para sa isang pag-aaral ng Biblia. Isang taon ng pagsisimba ang ginugol ko para matapos namin ang lahat ng mga mahahalagang kuwento sa librong iyon. Isang taon ng paggising nang maaga kahit walang pasok. Isang taon ng pagtitiis sa mga katabi kong bata na hindi naliligo at mga uhugin. Isang taon ng pakikinig sa mga kuwentong hindi ko naman alam kung totoo nga bang nangyari o gawa-gawa lamang. Tumatak sa akin ‘yong isa naming aralin. Iyong sinasabi na huwag daw kaming sasamba sa mga diyos-diyosan, poon, at imahen. Ang sabi kasi’y mayroon nga raw mga mata ang mga iyon, pero hindi nakakikita. Mayroong mga paa, pero hindi nakalalakad. Mayroong mga tainga, pero hindi nakaririnig. Mayroong—basta, mga bahagi ng katawan na hindi naman totoong gumagana.

Ngayon, nag-iisip ako ng paraan kung papaano ako makaaalis sa simbahang iyon. Gustong-gusto ko nang lumipat. Sa tuwing naaalala ko iyong Bible verse patungkol sa pagsamba sa mga diyos-diyosan, poon, at imahen, mas lumalakas ‘yong kutob ko na dapat na akong lumipat dahil ang diyos sa relihiyong ito, mayroong mga mata at nakakikita; mayroong mga tainga at nakaririnig; mayroong mga paa at nakalalakad; mayroong mga bibig at naririnig ko ang kaniyang tinig sa araw-araw kong pamumuhay; at kumpleto ang mga bahagi ng katawan na gumagana. Buo na ang aking pasya. Wala na akong pakialam sa iiwanan kong relihiyon. Dali-dali akong nagsign up sa www.dutertismo.com at nag-alay ng dasal kay Panginoong Duterte kagaya ng ginagawa ng mga katrabaho kong manunulat ng balita.

Matapos nito ay inilathala ko ang isang balita Doon ipinaliwanag sa amin ng aming tagapag- na naglalaman ng lahat ng kabutihan ni Panginoong turo na sa relihiyon namin, bagamat mayroon kaming Duterte, ang bago kong sasambahin at pupurihin. mga poon at imahen, hindi namin iyon sinasamba, bagkus ay ginagawa lamang namin ang mga iyon na basehan, na tunay ang aming sinasamba.

Pagkadlit

| pahina 6


Iyak

DAGLI | Girlie Suniega

Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga sandaling ito—kung magpapadaig ba ako sa inis na aking nadarama o maaawa. Hindi ako mapakali, at hindi ako makatulog. Masama pa naman sa buntis ang ganitong gawain, ang pagpupuyat. Ngunit sino ba naman ang makatutulog kung yung bata sa kabilang bakod ng aming compound ay parang baka kung ngumawa—ngawa na parang kinakatay. Kinuha ko ang unan upang itakip sa aking tainga ngunit wala itong bisa. Palakas ito nang palakas. Ang masaklap pa, madalas magdamagan ito. Hindi ko na nga alam kung anong ginagawa ng mga magulang ng bata at hinahayaan siyang ganoon.

Kinabukasan...

“Aling Mary, sino po ba ang nakatira sa bahay na ‘yan at gabi-gabi na lang kung magwala yung anak nila dyan?” tanong ko sa matandang kasama namin sa compound. “A? Naku, matagal nang abandonado ang bahay na ‘yan. Mga tatlong taon na.” Bakas sa mukha nito ang pagtataka. “A, ganoon po ba...” at patuloy nang nagsitayuan ang balahibo sa aking katawan.

Kamay ni Tatay DAGLI |Reynard Manaois

“Puro baril na lang. Sa susunod anak na natin ang hawak ko, mahal.” Umiiyak sa aking mga bisig ang ating anghel habang binabasa ko ang mensahe mong ito. Pati siya’y sabik na rin sa haplos at pagmamahal mo. “Ako ang naatasang magtayo ng bandila, ipagmamalaki mo ko at ng anak natin. Malapit na naming mabawi ang Marawi, mahal. Mapapasakamay na namin ang tagumpay!” Taimtim na ang pakiramdam ng ating anghel, ngunit ako itong parang lawa na biglang binisita ng hangin. Pagkatapos alalahanin ang huli mong mensahe, dahan-dahan kitang nilapitan. Nakauwi ka na, mahal ko. Nakakumot ang bandila ng Pilipinas; tangan ang iyong kapayapaan.

Ipinagmamalaki kita.

Pagkadlit

| pahina 7


King Ishtak and Urys FLASH FICTION |D.J. Manjares

Puzzled was the face of Ishtak Tharlos, the king of Theramycea. A recent attack of Dardaelys engulfed his rich kingdom in a vast, fiery darkness. “My king—quickly, we have to leave the kingdom,” begged his servant, Urys. “No, Urys. This kingdom is my ship; and I am the captain. Therefore, I must stay in my ship to make sure everyone is safe. I will face these intruders myself,” he replied. Before Urys can speak further, Tharlos handed him a golden key. “Here, here. Take this key. Open the secret passage in my room beside the terrace. Use this key, Urys. Save yourself. I treated you like a brother—a true brother. As much as I want to leave, my conscience states otherwise. Go on, Urys.” Tharlos said. Urys did not waste any more time, as he ran as fast as he could to the king’s room. Urys glanced at Tharlos a huge boulder shot toward the king. Urys’ eyes widened in horror but the king showed no fear. Urys ran away as the place rumbled, straining against the Dardaelysian attack. Suddenly, Urys sensed a presence trailing him. He was about to attack the source of the shadow when he recognized who it was: King Tharlos.

“My King, I thought that...?” Urys said.

“Well, I just realized, I’m not that stupid enough to sacrifice my sweet ass to a blazin’ rock fulla’ flames!” King Tharlos retorted.

Urys was stunned by the development.

“W’at ‘cha waitin’ fo’ nigga? Independence Day? Git’ yo’ ass workin’ coz’ were leavin’ tis’ muthafuckin’ crib!” the King said. “CRIB at WAR” starring DANIEL RADCLIFFE as Urys and SAMUEL L. JACKSON as King Ishtak “Mothafuckin’” Tharlos

Pagkadlit

| pahina 8


Test Paper

DAGLI |John Kenneth Bea

Masigla akong pumasok sa aking paaralan. Pagsusulit namin ngayon, at malaki ang aking kumpiyansa sa sarili na maipapasa ko ang pagsusulit na ‘yon. Buong gabi ako nagpuyat para mag-review sa pagsusulit namin. Dumating na ang oras na pinakahihintay ko. Binigay na sa akin ang test paper na aming sasagutan. Halos manlamig ang aking buong katawan nang makita ko ang kabuuan ng test paper. Hindi na ako mapakali sa aking inuupuan, mangiyak-ngiyak na ako sa sandaling iyon. Malikot ang aking mga mata, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Binasa kong muli ang kabuuan ng papel, wala akong maintindihan, tila nablangko ang aking isipan.

Nabasag ang katahimikan ng silid-aralan nang ako’y bumulyaw.

“Sir, akala ko ba Biology ang test? Bakit Chemistry ‘to!”

Itak

DAGLI |Girlie Suniega

Umagang-umaga pa lamang ay hinahasa na ni Densyo ang itak nito.

“Densyo, bilisan mo at may sasadyain pa tayo sa bayan.” sambit ni Koring, ang kaniyang asawa.

“Saglit na lang, tumahimik ka nga.” ani Densyo.

Isang pasada pa’y natapos na ito. At tuluyan na nga n’yang hinugot mula kay Koring—ang itak n’yang mamasa-masa pa.

Pagkadlit

| pahina 9


One Cold Christmas FLASH FICTION |John Benedict Bagtas

The grandmother sat there quietly, and stared at the family’s precious moment. Liza, her daughter; was giving the two kids their Christmas gifts. She could hear the laughter of her beautiful grandchildren. Liza’s husband was taking photos and videos. Liza picked up one last gift and started to go to her. A bitter realization flooded her heart, and generous tears rolled from her eyes.

“Mom, why?” Liza was worried.

“Nothing,” she said and then smiled.

you.”

“You’re a great woman, Liz. I’m glad I have

“Thanks, mom.” Liza embraced her.

“I was raped, you know,” she closed her eyes and let the tears dry up.

Iniwan na Nila Ako DAGLI |Marius Carlos, Jr.

Naninikit na ang alaala ko. Madalas kong ikumpas ang aking kamay sa harap ng aking mukha; upang masukat ang layo ng mga daliri sa aking ilong, mata, at pisngi. Lumilipad ang aking mga mata sa sementong langit at mga ibong-ipis na lumalangoy dito. Estranghero na ako sa sarili kong isip. Ang aking mga alaala’y ‘di na kilala ang isa’t isa. Nagbabangayan sila’t nagsusumbatan; umiigting ang sigawan at nagsasabunutan, hanggang sa ako’y muling maiiwan sa gitna—na malansa’t duguan. Hinihila ko isa-isa ang bawat buhok ng nakaraan upang masilayan ang sarili. Upang maalala: kung sino nga ba ako, kung bakit ako nandito? Madumi ang bawat hibla—minsa’y may maliliit na anay na gumagapang. Sa gutom at sama ng loob ay sinusubo ko ang hiblang dugyot, habang tinatantya kung saan galing ang makating tuldok sa bumbunan ng aking kamalayan.

Iniwan na nila ako.

Hindi man lang nila ako pinapakain.

Pagkadlit

| pahina 10


Silahis ng Liwanag at Dilim DAGLI |Maria Kristelle Jimenez

Tahimik na pinagmamasdan ni Romeo ang natutulog na mag-ina. Hindi na naman niya tinabihan ang kaniyang asawa, na sanang inaasahan ng lahat sa pagsasama nila. Anomang pilit niyang ituon sa pamilyang mayroon na siya, hindi niya magawa. Nababatid ni Romeo na ito ang bunga ng tukso’t libido niya—limang taon nang nakararaan. Isang supling, na siyang tumali na rin sa kaniya sa pagkakakasal sa dalaga. Ikinasal sila sa pamimilit ng pamilya ng dalaga. Isang kahihiyan daw ang magkaroon ng anak na walang pamilya, isama pa rito na parehas naman silang walang pagkakatali sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Labag man sa loob ni Romeo, itinuloy pa rin ang kasalang sibil niya kay Lou.

Marahil bukas, o sa makalawang lingon, matututunan na niyang pakisamahan ang ngayong asawa.

Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Kaliwa’t kanan niyang tinutugunan ang pangangailangan sa akademya at ngayong pamilya. Trabaho, aral, pamilya...kumitid nang kumitid ang sanang malawak na daan na nakita niya. Ni hindi na magawa ni Romeo ang kaniyang hilig sa paggawa ng iskrip at pelikula. Sa halip na ilaan niya rito’y ibinuhos niya ang atensyon sa kanilang supling, ang bunga ng kaniyang kapusukan. Ni minsan, hindi itinuring ni Romeo ang kaniyang anak na pabigat. Sadyang hindi niya kayang pakisamahan si Lou, ang noong pino na dalaga’y naging laman ang talak sa apat na sulok ng kanilang tahanan.

Puna rito, puna roon. Sisi rito, sisi roon. Kuda rito, kuda roon.

Kung mayroon lamang mga nagtatayuang orasan na siyang humahawak ng bawat panahon niya, siguro’y babalikan niya ang oras na sinukuban siya ng libido. O, kung maaari lamang ay tanggalin na lamang ang mga kamay ng orasan hanggang sa huminto’t hindi na ito umikot pa. Halos di na mabilang ang pagtatangka ni Romeo na kalabitin ang gatilyo ng baril—matapos lamang ang buhay na bangungot na sumisira sa kaniyang pagkatao. Bumabalik lamang siya sa ulirat sa tuwing naririnig ang uwa ng kaniyang anak, na para bang iniluluha ang pagbabalak ng kaniyang ama na tapusin ang kaniyang buhay. Kasabay ng paglalim ng gabi ay ang paglalim ng mga mata ni Romeo. Sawa na siya sa kaniyang huwad na pamilya. Pagod na pagod na siya sa walang humpay na pagpilit niya sa isang masaya at kumpletong pamilya. Hindi niya maipipilit sa sarili ang bagay na matagal na niyang di tinatanggap. Nang masiguradong nasa mahimbing nang pagkatutulog ang mag-ina, dahan-dahang ipininid ni Romeo ang pinto, isiniguradong hindi maririnig ang takatak ng high heels na pinagkakaingat-ingatan. Maya-maya pa’y isinuot na ang wig sabay pakandirit na iginawi ang baywang sa kotse.

Sa pagharurot nito’y ang pagkarera rin ng silahis—sa liwanag ng gabi.

Pagkadlit

| pahina 11


Outing

MAIKLING KUWENTO |Andrew Manares

Isandaang piso kada ulo at karagdagang tatlong daan kung nais naman mag-overnight sa Isla. *** “Ser, mas mainam siguro na magpaumaga na lang kayo rito sa isla,” mungkahi ng bangkero ninyo. Napilitan kayo magbabarkada na manatili sa isla dahil sa biglaang pagsama ng panahon. Tanda mo noon na umulan nang pagkalakas na may panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Hindi muna pumayag ang mga bangkero na maglayag pabalik sa aplaya sa dahilang malakas at matataas na ang alon. May posibilidad na mamatayan kayo ng motor sa gitna ng laot. Mataas na rin ang amats ninyong magbabarkada at kung sakaling tumaob ang sinasakyan ninyo—disgrasya. Napagdesisyunan ninyo na kinabukasan na lang ng umaga lumarga. Mahirap na. Kaya nasambit na lamang ng isa sa inyo na, “Tangina, marami pa akong pangarap!” Kahit papaano, may mga pasilidad ito ng pangunahin pangangailan ng tao, gaya ng mga poso, palikuran, isang maliit na tindahan at mga kubo na paupahan. Mangyari lamang, hindi na ninyo kaya pa umupa ng kubo. Maliban sa may kamahalan, limitado na rin ang iyong budget. Alanganin na ang natitirang pera. Pambayad na lamang sa bangkero at pamasahe pabalik ng Maynila. Pansamantala, gumawa ng paraan ang mga kasama mo. At sa kabutihang-palad ay marurunong sila—mga dating Boys Scouts. Nakapagtayo sila ng tent. Itinirik sa pamamagitan ng mga sanga na binubungan ng trapal. Pasalamat na lang din at may mga natira pang de-lata at bigas na maluluto para mairaos ninyo ang buong gabi sa isla. Pasado alas-dos na nang tumila ang ulan. At sa hindi malamang kadahilanan ika’y mulat na mulat pa rin. Aktibo ang iyong dugo na parang nakainom ka ng energy drink, kapeng barako at shabu na pinaghalo. Dilat na dilat. Natawa ka pa nang mapansin mong parang mga bangkay na nakahilerang natutulog ang barkada mo. Naiinggit ka dahil nagawa nilang makatulog at maghihilik sa malamig at hindi komportableng buhanginan na pinatungan lamang ng black bag. Nagtungo ka muna sa dalampasigan para mag-’sindi’ para antukin. Nagsindi ka. Humithit. Inipon sa baga. Ibinuga. Naubos mo na ang joint mo pero ‘up’ ka pa rin. Gusto mo na talagang matulog subali’t buhay na buhay pa rin ang dugo mo. Kaya napagdesisyunan mo na mag-ikot-ikot na lang muna sa isla dala ang isang maliit na flashlight at isang tea bag. Tahimik na ang langit. Nakagiginhawa ang samyo ng dagat. Malamig ang buga ng hangin na tila hininga ng aircon. Medyo umaangge-angge na nakakawili sa pakiramdam—presko. Habang naglalakad nagsindi ka ulit. Humithit nang mariin—inipon sa baga—at ibinuga ang pinatuyo at hinimay na dahon na ginagamit din noon ni Haring Solomon. Nasulit mo na naman ang ikalawang sindi. Sa kalagitnaan ng iyong paglalakbay, sa hindi mawaring biglang nagbitaw sa pangalawang pagkakataon ang langit nang malalaking patak ng ulan! Kaakibat nito ang mabagsik na buga ng hangin at makabasag-membrano tempanikong kulog at kidlat. Nagitla ka sa biglaang pagluha ng langit na samantalang kani-kanina lamang ay payapa naman. May kalayuan ka na sa tent para bumalik pa. At ang tanging nagawa mo na lamang ay maghagilap ng bakanteng kubo at doon magpatila.

Pagkadlit

| pahina 12


Basang-basa ka. Basang-basa hanggang karsonsilyo.

Ilang minuto ang lumipas, may napansin kang taong papalapit sa iyo. Hindi mo mamataan kung sino ito bukod sa madilim, lukob siya ng kanyang dalang payong. Nag-aalinlangan ka tutukan ng flashlight sa kadahilanang baka magalit ito. Pinagpalagay mo na lamang na isa ito sa mga caretakers ng isla at papayuhan ka na bumwelta na sa inyong tent. Ilang hakbang bago siya makalapit sayo ay nagpauna ka na ng pasensiya. Hindi ito tumugon. Muli kang humingi nang paumanhin nang biglang gumuhit ang kidlat dako sa iyong likuran. Nagbigay itong nang dagling liwanag sapat na para maaninag kung sino ang nasa ilalim ng payong. Ang inaasahan mong caretaker ay isang pa lang matandang babae. “Turista?” bulong na sapantaha. Naging malaking misteryo sa iyo kung ano ang ginagawa ng isang matandang turista na palakad-lakad sa dalampasigan ng hatinggabi. Nilamon ka ng katanungan dahil alam mong hindi ito basta trip lamang kaya nanaig sa iyong ang kutob na hindi kaaya-aya. Mga agam-agam na naglalaro sa iyong isipan na mas lumalim nang sandaling tumabi pa ito sa iyo. Naging isa pang katanungan kumbakit sa dinami-raming bakanteng kubo sa paligid, bakit sa sinisilungan mo pa ito nagtungo. May dala itong payong at bakit di na lang siya dumiretso sa kanilang puwesto. Kahit kailan, hindi naging masama ang tama ng halaman sa isip ng tao. Pero sa pagkakataong iyon, ginahasa ka ng tamang hinala. Gusto mo siyang kausapin at tanungin, pero ‘di mo ito magawa. At napaisip ka rin na bakit mo naman siya kukuwestiyunin sa trip n’ya? Sino ka ba? Pero, may kakaiba talaga sa matandang iyon. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan. At ang matanda nama’y hindi pa rin umiimik. Makalipas ang ilang saglit, biglang nag-iba ang pakiramdam mo. Nabasa ka’t naka-hits ka pero hindi ka dapat nanginginig at kinilabutan. Suwabe lang dapat ang tama mo at wala ka dapat naramdamang malamig sa katawan. Hindi mo mapigilan ang pangangatal ng iyong bibig. Nangangatog ang mga tuhod na parang nasa gitna ka ng naglalakihang tipak ng yelo. Pakiramdam mo, kukumbulsyonin ka, at babagsak sa kinatatayuan mo. Naisipan mong humakbang palayo sa matanda. Subalit, may kung anong bagay na pumipigil sa iyong mga binti. Nag-uumpisa ka nang mataranta. Pilit mong iginagalaw ang iyong mga paa nang kagyat kang nahirapang huminga! Nagsisikip ang dibdib mo. Napamura ka lang sa isip. May kung bagay ang umaagaw ng hangin sa iyong baga. Unti-unti na ring lumalabo iyong paningin kasabay ang pagurong ng iyong dila. Napansin ng matanda ang kakaibang pagkilos mo. Lumapit ito sa iyo at hinawakan ka niya sa braso. Puwersahan ka niyang hinila sa harap n’ya. Gustuhin mo man pumalag datapuwa’t inabandona ka ng palag. Nanigas ang iyong katawan sa hindi malamang kadahilanan. Habang hawak-hawak ka niya sa braso ay inilalapit niya kanyang labi sa iyong tainga at bumulong sa malamig at malalim na tinig—

“Makalalaya na ako.”

Pagkadlit

| pahina 13


Binitawan niya ang kaniyang payong. Tinitigan ka niya—mata sa mata at hinawakan nang mariin ang magkabila mong balikat. Bumaon ang kaniyang mga kuko sa iyong balat, at tanging nagawa mo na lamang ay umiyak.

“Shhh...tahan na.”

Nanlalabo man ang mata’y pilit mo pa rin siyang inaaninag. Pikit-dilat nang paulit-ulit. Mula sa inosenteng matandang babae ay nagbabago ang kaniyang anyo. Nanlilisik at nagkulay dugo ang kaniyang mga mata! Ang mga pupil nito’y unti-unting lumiit hanggang sa maging tuldok na lamang ito. Dahan-dahan niyang inilalapit at ibinuka ang kaniyang bibig na may nakasusulasok na amoy! At unti-unti, lumaki ang kanyang bibig at bahagya—magkakasya na ang iyong ulo. Inilalayo mo iyong mukha sa masangsang at naglalaway nitong bunganga subali’t mistulang isinimento ang iyong leeg. Ang iyong mga kamay ay tila nakagapos nang sobrang higpit. Nagdurugo ang na iyong gilagid at halos mabasag na ang iyong mga ngipin—gigil na makawala lang sa demonyo. Hinang-hina. Naghahabol sa paghinga. Hindi na mo kaya kaya’t ipinikit mo na lamang ang iyong mga mata. Naramdaman mo na ang init ng kaniyang hininga sa iyong mukha. Ang hapdi nang pagkakabaon ng kaniyang mga kuko sa iyong balikat. Pumatak sa iyong mga pisngi ang malagkit nitong laway na tila may halong asido dahil napapaso ang iyong balat. Palatandaan na ang kabuuan ng iyong ulo ay nasa loob na ng kanyang bunganga at handa nang kumagat. Tuluyan nang gumuho ang iyong pagkatao at nagblanko na ang lahat at...

...isang ingay mula sa makina ng bangka.

Tirik na tirik na ang araw.

“Tangina, ‘tol! Grabe yung panaginip ko kagabi, napaka-realistic! Kinain ka raw nang matandang sirena! Tangina! Okey lang sana kung sexy o bata pa ang kakain sa iyo pero hindi, e! Ansaklap nu’n, dre!” Natawa ka na lang sa mga tinuran ng iyong kasama, at kamo... “Tara na, sabik na akong pumun—bumalik ng Maynila.”

Pagkadlit

| pahina 14


Kape’t Biskwit

MAIKLING KUWENTO |D.J. Manjares

“Tangina, ‘tol! Kakatulog ko lang, tapos bigla mo ‘kong tinawagan? Masakit ang ulo ko, may ubo’t sipon ako. Ano ba’ng balita?” wika ni Pocoy, na agad napasugod sa bahay ng barkada niyang si Ensel ng gabing ‘yon, mga bandang alas-onse pagkaraang tawagan siya nito.

“Naknamputa ng gagong ‘yon, dito pa talaga sa lugar natin naglungga! Saan siya namataan, tsip?” Naglakad si Ensel papunta sa kusina nito. Nakasalang ang takure sa ibabaw ng maliit na Super Kalan. Kumuha siya ng dalawang tasa at ipinatong sa mesa. Hindi naman mapakali si Pocoy dahil sa mga nalaman niyang impormasyon.

“Importanteng-importante lang talaga kasi, “Barako o 3-in-1?” tanong nito sa kaibigang bistsip. Tungkol sa assignment sa ‘tin ni Chief Palisoc,” ita. sagot naman ni Ensel, habang sinesenyasan niya ang kabaro na umupo muna sa kaniyang sofa. “Barako, tsip, barako. Kailangang gising tayo ngayon,” ani Pocoy. “O, ano ba’ng balita diyan? Nahuli na si Alyas Lusak?” gulat na gulat ang mukha ni Pocoy habang Binuksan niya ang pakete ng kape at ibinuhos sinasabi niya ito. sa bawat tasa. Nilagyan niya ng asukal ang magkaparehong tasa gamit ang kutsarita. Sinilip niya ulit ang “Nahuling nagpaikot-ikot sa Barangay Mariv- pinaiinit na tubig, hindi pa rin kumukulo. eles, sakay ng motor niya,” nakapamewang nitong tugon. Pinatay niya ang ilaw sa sala—na siya namang ikinagulat ni Pocoy. Napakunot na lamang ang mukha niyaginawa, sabay sa pagkunot ang ilong niyang matangos, at ang “Tsip, ba’t namatay yung ilaw sa sala?” malago niyang bigote; kumpara kay Pocoy, na may kaitiman, dapa ang ilong, butas-butas ang pisngi dulot Hindi lang ito umimik, at nagpatuloy sa kaning nagpiyestang tigyawat sa mukha niya noong kani- yang gagawin. yang kabataan. Bukod pa roon, patse-patse ang pagkaaahit niya sa kaniyang balbas at bigote. Binuhay ni Ensel ang DVD player at ang amplifier nito. Sandali siyang naghanap ng maisasalang sa Madaling sabihin ang pinagkaiba ng dalawa: CD rack. Maya-maya pa, ay inilagay niya ang isang pangit si Pocoy, may hitsura naman si Ensel. dilaw na tape na may nakasulat na smooth jazz. Dum-

Pagkadlit

| pahina 15


aloy sa magkabilang speakers ang banayad na musika. Madulas ang tunog ng saxophone.

Hinawakan ni Ensel ang remote at nilakasan ang volume.

Patuloy na nakaramdam ng kawirduhan si Pocoy. Parang may hindi tama.

“Gabi na, Sel. Baka magising ang mga kapitbahay mo.”

Ngumisi si Ensel dito at sinabing, “Mas pipiliin nilang matulong sa ganda ng tugtugin, Pocoy.”

Bumalik sa isipan ni Pocoy ang dahilan ng pagsadya niya rito. “Akala ko ba, pag-uusapan natin ang kaso?

Biglang hininaan ni Ensel ang volume ng amplifier.

“Hindi ba puwedeng magkape’t biskwit muna tayo para magising naman ang diwa mo sa ginawa kong pang-iistorbo sayo? Tutal, naabala na din naman,” sabi ni Ensel, sabay balik sa dating lakas ng volume ng kanta.

Hindi muna nagsalita si Pocoy at piniling lasapin ang musikang animo’y minamasahe ang kaniyang ulo.

Bumalik si Ensel bitbit ang bagong kulong tubig sa takure. Ibinuhos niya ito sa magkabilang tasa, at saka isinalin ang natirang pinakuluang tubig sa kaniyang thermos. Inilapag naman niya ang mga tasa ng kape sa lamesitang nakaharap sa kaibigan. Hindi na natiis pang magtanong ni Pocoy kay Ensel. Gusto niya nang malaman ang lahat ng impormasyon kay Alyas Lusak, dahil sa totoo lang, gusto niya nang umuwi ng mga oras na ‘yon. Pero, dahil partner niya si Ensel sa kaso, hindi niya ito matanggihan.

“Sabihin mo na, ‘tol. Huwag mo nang bitinin.”

Kumuha ng bilog na upuang plastik si Ensel at tinungtungan ito upang maabot ang lata ng biskwit sa pinakataas na bahagi ng istante nito. Nagsalita ito habang nakatalikod kay Pocoy. “Ganito kasi, tsip. Namataan si Alyas Lusak dito sa mismong kalye natin kaninang alas-nuebe nitong gabi lang. Ayon, biglang tumawag si Chairman Larrazabal sa ‘kin, namataan daw na nakasakay sa motorsiklo.” Habang hawak ang isang mangkok, inilusot niya ang kaniyang kamay sa lata upang maglagay ng biskwit rito. “Teka lang, iluwa ko muna ‘tong plema ko,” sabi ni Pocoy habang pilit pinipigilang bumalik sa kaniyang lalamunan o hindi kaya mailuwa siya sa carpet na sahig ng bahay ni Ensel. Tumakbo siya papalabas, sabay dinura niya ang halak sa sementong sahig. Nakita niya ang motor ng kaniyang kaibigan—kulay itim ito at halatang alaga sa linis. Agad siyang bumalik sa loob. Nadatnan niyang tinatakpan ni Ensel ang lata pabalik sa kinalalagyan nito.

Nagsalita si Pocoy, “Ano’ng itsura daw ng motorsiklo?”

“Madilim kasi at wala nang gaanong ilaw ng mga oras na ‘yon, pero maaaring asul o itim lang ang kulay ng motor ni Alyas Lusak,” tugon ni Ansel na nakatayo pa rin sa upuang bilog. Pagkahigop ng kaniyang kape, nagsalita si Pocoy, “Gustong-gusto kong mahuli ang gagong ‘yon. May mga kuwento kasi sa istasyon na anay sa pulisya iyang Alyas Lusak na ‘yan. Mahirap kapag may gagong pulis sa isang grupo, parang kalawang ‘yan; mawisikan lang ng tubig ang mga katabi niya, tiyak na mahahawaan agad lahat.” Bumaba si Ensel ng nakatalikod, hawak ang mangkok sa kaliwa niyang kamay at sinabing, “Tatapatin na kita, nakaengkuwentro ko kanina si Alyas Lusak. Binalak niya akong patayin.”

Pagkadlit

| pahina 16


Nanlaki ang mga mata ni Pocoy at napatalon ito sa gulat. “Talaga? Nasa’n na ang kupal na ‘yon? Nasa’n na!” “Tinadtad ko ng bala, pero walang tumama sa gago. Buti na lang naubusan ng bala, napilitang humarurot,” sagot nito kay Pocoy.

“Anong hitsura niya? Namukhaan mo ba? Nakilala mo ba at nang mapa-artist sketch natin bukas?”

“Oo.”

“Ano?”

“Kamukha ko.”

Bumagsak sa sahig si Ensel. Butas ang noo, at bumulwak ang dugo mula rito. Hindi gumana ang tangkang pagpatay ni Ensel kay Pocoy—ang anay ng istasyon nila. Mas mabilis niyang naiputok ang kaniyang baril kaysa sa kaniya. Umupo ito at napansin na mayroon pala siyang tama sa tagiliran, na dahan-dahang nagdugo. Isip-isip niya, buti na lang at hindi napansin ni Ensel ang kumalat na kakaunting dugo sa sofa nito. Buti na lang at pinatay ni Ensel ang ilaw. “Lalansihin mo pa ako? Gago!” sabi ni Pocoy, sabay tadyak sa mukha ng bangkay ni Ensel.

“Buti na lang at hindi ako napuruhan kanina. Hoy, mahirap magkunwari,” dagdag pa nito.

Nasa bulsa pa ni Ensel ang bandanang pinantakip niya sa mukha niya noong nagkaengkuwentro sila noon. Agad lumabas ng eskinita si Pocoy at sumakay sa kaniyang itim na motorsiklo. Dali-dali siyang humarurot sa kanilang bahay. *** Kinabukasan, tinanong siya ng kaniyang kuya Joaquin, na hindi rin nalalayo ang mukha nito sa nakababata niyang kapatid. Nagtataka ito dahil ayaw nitong nadudumihan. Pero, nag-iba yata ang ihip ng hangin. Hindi niya na lang ito pinansin, at pumasok na lang ulit sa kanilang bahay. Winalisan ni Ensel ang buong bakod, at sinigaan rin ito sa malaking drum na yari sa lata sa gilid. Sa loob nito, may isang itim na plastic. Nilalaman nito ang mga damit na isinuot niya noong tinangka niyang patayin si Ensel sa unang pagkakataon. Tahimik na ngumiti si Pocoy at tumawa nang mahina. Maya-maya pa’y hingal na tinakbo siya ni Joaquin. Halatang gulat ang ekspresiyon niya, at walang anoano pa’y nagsalita na siya.

“Si Ensel, yung kasama mong pulis, pinatay! Puntahan natin!”

Hindi makapagsalita si Ensel, at napaupo na lamang ito sa hakbangan. Napatakip siya ng mukha, nagkukunwaring ‘di makapaniwala sa sinapit ng kaibigan. “Magbibihis lang ako, puntahan natin siya,” atubiling sabi ni Joaquin at dali-daling pumapapaitaas upang magbihis.

Nagsalita si Ensel na basagan ang boses, “Sige, kuya.”

Mistula man siyang nakayuko at lihim na umiiyak ay hindi ito talaga ang totoong nangyayari sa likod ng kaniyang mga bisig.

Nakangisi si Ensel ng may pagkakuntento habang nakatingin sa ibaba.

Pagkadlit

| pahina 17


When a Lonely Soul Speaks POEM |Michael DC. Gabanit

You are king to a humongous empty realm, With a crown of loneliness you bear, Creates a hollow space inside your chest, Yet, no one seemed to care. You tried calling out some names, Names you remembered were your friends’, But no one hears, what a shame! They don’t understand you, So no one came. And when reality finally runs you down, When you’re standing in the middle of the street, Confused which way to turn, Lost, broken, with squashed wounded feetYou’ll find yourself lying on the ground, Even worse, there’s none to pick you up, So you lay there, bones shattered, While staring up at the sky, With just yourself, Alone.

Tula: Uno TULA |Annalyn Biagtan

Bakit sa lahat ng oras nais mong maging kaaya-aya? Bakit hindi mapalagay kapag di pantay ang kutis mo sa mukha? Bakit panay ang lagay ng mga koloreteng di malaman kung pano ang tamang gamit? Bakit mas ninanais mong maging kamukha ang mga modelo sa internet? Bakit sa ilang ulit na palit ng damit ay di pa rin mapakali? Pilit pang ipinipilit ang mga masisikip mong damit. Bakit ba tinatago ang kaunting laman sa tiyan? Hangad kurbadang balakang at katawang balingkinitan. Nene, iyong titigan ang bigay sa iyo. Kumpletong katawan, mga daliri at mga braso. Isipin mo sanang ikaw ay perpekto. Di man sa lahat ng tao kundi sa mga taong totoong nagmamahal sayo. Kapintasan sa katawan huwag gawing kahinaan. Pagiging iba sa lahat ay isang kakayahan. Isang biyayang di mo mapagtatanto kung ipagpapatuloy mo pa, Ang pagbabalat-kayo na maging katulad ng iba. Ne, maganda ka.

Pagkadlit

| pahina 18


Wrong Turn

TULA |Maria Carmela Banay

Sa bawat hinagpis mo’y may halong sarap Ang bawat hagulgol, mainam mong nilalasap Sapagkat bukas, paghawi ng mga ulap Sa mga tao’y nakangiti kang haharap. Alam mo, sila’y hindi Ang mga alaalang dumudurog sa iyong kaluluwa. Alam mo, sila’y hindi Ang bawat kirot ng latigong iyong pinapalo sa sarili mong likod. Alam mo, sila’y hindi Ang pagsukob ng kadiliman sa iyong katinuan. Alam mo, sila’y hindi Ang kislap ng mga matang nawiwili sa mapaklang dagta ng hinagpis Habang silang walang latay ay binabaon ang mapurol nilang kuko sa kanilang sarili Dinurungisan ang kanilang balat ng matingkad na dugo ng bahaghari Habang silang may perpektong hubog at pinong kurba Ay pinipira-piraso ang kanilang sarili at binabarag ang bawat espasyo ng kanilang karikitan. Sino nga ba ang nakaririnig ng paghagikgik ng naglilihab na hangin? At sinong orihinal na busbos ang bungo at blankong espasyo ang utak? Ikaw na kinukubli ang marurusing na markang itinarak sayong retasong balat? O siya na gumugulong sa putikan upang gurisan ang makinis nyang kaluluwa?

Sadomaso

TULA |Maria Carmela Banay

Liwanag, Ang tangi mong magiging gabay Sa madilim na daan at Huwag mong piliting dumaan sa ruta, na hindi mo alam ang pupuntahan. Iwasan mo na lang ang direksyong tinahak nilang mga sumubok nang humanap At hindi nahagilap kung ano ang tunay na sarap. Huwag ka nang magpakapagod. Hindi ka sanay sa pagsugal, Kahit ibinubulong na ng buwan ang direksyon.

Hindi mo makikita gamit ang iyong mga mata, Dahil natatakpan ng makakapal na lente ang masalimuot na mundo. Hindi maririnig ng iyong mga tainga, Ang nakaririnding tilaok ng mga sasakyan sa kalsada. Hindi mo mararanasang maamoy, Ang halimuyak ng aspaltong nakadikit sa pisngi, sa katawan, sa kaluluwa. Dahil hindi mo ramdam ang lamig, Kahit namumutla na ang iyong balat, Sa loob ng mamahaling sapatos. Para lang ito sa kanilang mga nakukuntento, Para lang ito sa mga halos ‘di makaraos.

Pagkadlit

| pahina 19


Ang Eba sa Eskinita TULA |Andrew Manares

Dito sa eskinita, madalas nagaganap. Pundidong poste, mapanghing pader ang mga saksi na bulag. Dito ko gusto, dito masarap. Bata man o matanda, pinapatulan ko lahat. Isang gabi, nitong nakaraan. May inosenteng binata, walang muwang na dumaan. Makisig, matipuno ang kanyang katawan. Makapal niyang pitaka, ‘di ko ‘yan kailangan. Inanyayahan ko siya sa nakahuhumaling na tinig, na may samyo ng pinipig mula sa aking bibig. Mata’y nangungusap na sadyang nang-aakit. Daliri’y naglalarawan na halika at lumapit. Nang ako’y namataan, bumilog—mga mata. Malulusog kong angkin, ang naging tampulan n’ya. Nagkukumahog, sa dalisay kong bukana, Niyapos niya ako, walang alinlangan, walang alintana. Sayo na ako, sayo na ang sandali. Hagkan mo ako at sa isa ko pang labi. Laruin kuntil-butil, at diyan manatili. Mamaya, pangako, ako naman ang babawi. Ako ang iyong Eba, at ikaw ang aking Adan. Habhabin mo ang mansanas na aking nilaan. Simsimin mo ang katas sa prutas na malinamnam. Angkinin mo, pakiusap, angkinin mo ang aking laman. Heto’t naglalawa na ang aking hiyas. Ngayon na ang oras na ika’y magpamalas, Ibaong mariin, naghuhumindig na armas. Isagad sa hangganan, katawan ko’y nagniningas. Sa bawat indayog mo, siya ring ungol ko. Mukha mo’y nagliliwanag sa tuwinang pagsinghap ko. Balingkinitang katawan, pawis ang dilig mo. Kuko’y naibabaon sa dagliang tarak mo. Sige! Sige, ako’y babuyin pa! Patuwad, patagilid, itaas aking paa! Katawa’y lumilikot, sige, idiin mo pa! Idusta sa aking mukha—lahat hanggang sa huling dagta. UUUUGGHHHMMM! Magmadali, isilid mo sa aking bibig! H’wag nating sayangin ‘sang tuldok, ni ‘sang kudlit! Nananabik, sa papatak, panga’y nanginginig... Ayan na—kay tamis, nektar ng pagniniig.

Pagkadlit

| pahina 20


Lupaypay ang binatang may ngiting tagumpay. Binigay kanyang hilig, sa dibdib ko humandusay. Panahon na sa balak na pinakahihintay. Gaya ng aking pangako, akin nang ibibigay. Hinaplos kanyang pisngi, ako’y binati ng ngiti. “’Di ba sabi ko sayo, na ako naman ang babawi?” Siya’y kinilig na parang bagong ihi, ang binata’y humalinghing—at biglang napangiwi. Sinunggaban ko sa buhok, mata’y mabilis na dinukot! Humiyaw ang binata sa natamong masalimuot. Ang bulahaw n’yang sigaw nakaiingganyong musika, nguni’t ‘di pa ‘ko kuntento, may gagawin pang isa. Binatak kanyang ari, at aking kinagat. Nagpumiglas ang kawawa at napunit sa balat. Ang kawawang binata, natulala’t bumagsak; kanyang pagkalalaki, rinig n’yang aking ngasab. Kuko ko’y tumalim tulad ng isang punyal. Biniyak kanyang dibdib, winakwak mga sagabal. Nang makita ang parte, mundo ko ay bumagal. Pumapalo niyang puso, hinablot ko nang walang-asal. Ako ang iyong Eba, at ikaw ang aking hapunan. Hahabhabin ko, ang iyong puso nang dahan-dahan. Sisimsimin ko, ang dugo ng iyong katawan; aangkin ko, gaya ng aking pangako—walang masasayang. Ako ang iyong Eba; kung gusto mong lumigaya, huwag mag-atubiling...dumaan sa eskinita.

Pagkadlit

| pahina 21


Breakfast in Quantum Dreams (Or an excuse to write about a lover from the past, again) PERSONAL ESSAY | Rhounee Ron Kevin Frany

PASAKALYE: I did this (personal essay) this morning right after waking up from a dream. Hayun na nga ano: I dreamt of my ex, demonyong yun. Eros Atalia once told an audience that the best time to write was right after waking up in the morning para raw fresh pa yung mind mo, gan’un. Parang lumpia lang. Yun lang naman. *** Dreams, I have been told, are the subconscious’ way of rendering memories’ authenticity. It is only during dreams that memory is given a lasting imprint in the mind, as if to give it legitimacy. But memory betrays man every time. This morning I woke up from a dream about a past lover. In the dream, I was busy in my working area, a man cave of sorts, finishing a project. I must have been there for days. The aroma of coffee drifted in the room defeating the humidifier’s sandalwood scent. Books were laid open on the couch next to the window, which poured a generous amount of early morning light into the room. My laptop was asleep at the center table. Scribbles and sketches lay neatly next to it. These random scraps bore my chicken-scrawl, that only I could comprehend. I was hunched over my table at the far end of the room. The desktop computer whirred in agitation as it tried to keep time with my numerous keyboard shortcuts and mouse clicks on Adobe. The air-conditioning was on, full blast. The monitor projected what I was working on, it reflected on my glasses as my hooded jacket almost swallowed my face whole. My determined reverie was disturbed by the sudden opening of the door. The memory of breakfast invaded the room as the smell of garlic and fresh coffee wafted its way from the kitchen. You half-entered my room, a mug of hot chocolate in your left hand. You were wearing your bed clothes, a yellow tee with sleeves ripped off and a pair of black track pants. I looked over my shoulder and you lift your head from the mug. You gave me that look of mixed annoyance and worry. I beam with my already growing beard springing like a stretch of grass on a forgotten backyard. “I think you should pay rent.” You teased as I hit ctrl + s on my keyboard and rise from the swivel chair. first.

“I think you should move out.” I replied reminding you I got in this apartment

You roll your eyes and give a fake laugh. Both of us head to the kitchen and we smile. It must have been a Friday because Chicago was gently playing in the background. The adjacent dining area was drenched in light, just the way both of us wanted. It was a good morning indeed in our suburban apartment complex. Outside, the birds were singing and the trees sway and lean into the open windows and catch a glimpse of our commune. I raise one leg on the woven artisan chair.

“What do you want for dinner?” I asked.

Pagkadlit

| pahina 22


“Surprise me.”

“Would you like some ostrich adobo tonight?”

You raise your brow just like the way you do when you don’t like a joke. I laugh and I pass you the bowl of fried rice.

“How about your favorite?” I offered.

“Sinigang seems nice,” you reply. “Do your magic with the watermelons.”

“And you’ll be home when?”

“It’s Friday, there’s going to be a lot of people on the streets. There’s going to be traffic, so…”

“Seven o’clock, then.”

“Alright,” you reassure me as you give me the crescent moon of your smile. Our eyes meet and I felt the fleeting joy of memory. Your alabaster skin glistens on the reflected glow of the marbled surface of the table. Somewhere beneath it, the cat awakens and it starts to rub its body on my leg. It purrs and lets out a sound from the shores of its subconscious.

I open my eyes and feel the emptiness of my bed.

It still feels empty, until now.

The brilliance of colors fades into the muted gray of my room. I have almost forgotten how the real world pales in comparison to the one that I see when I am in a daze.

You see, dreams are dangerous things.

They drift aimlessly in the ashen vastness of your mind, waiting for the right moment to strike. On nights when you almost feel secure in the loneliness of your bedroom, they arrive like predators on the hunt, shooting you with waning memories of joy.

Barely a year after the break-up, you still visit me in these brief exchanges.

I know not if they are memories of the future but they are definitely not of the past. Perhaps, dreams are quantum? They provide glimpses of an alternate reality. A world where you and I escaped the war we fought against disapproving eyes— wounded, but alive. In my mind, your face still lingers and the soft baritone of your voice is still intact. I know not if I should believe in signs. I know not if I should derive more meanings from this episode. All I know is that on one fine summer morning; years from now, we will be having breakfast of fried rice, eggs and bacon. You will have a cup of chocolate to finish everything off and I will look at the bottom of my mug for coffee grounds. Right now whenever I look up from my mug, you are not there. Hear this: I will look into the depths of my mug once again, hoping that the next time I look up, I will not be left with just the ghost of your warmth on my chest.

Pagkadlit

| pahina 23


T

he stereotypical image of the “millennial� has remained unchanged for years now: the millennial, supposedly, is young, brash, clueless and ultimately, too submerged in online culture to fully comprehend the complexities of a society in turmoil. Pagkadlit, the first of hopefully many more issues of the KADLiT Online Magazine, features works from a number of millennials from various walks of life. What is interesting in the works that are featured in this issue is that none of the writers seem clueless, brash or ignorant of the world around them. What we discovered in Pagkadlit, is that millennials can be more than we expect them to be. Millennials can be extremely inquisitive, curious and poetic while at the same time, be painfully aware of the comings and goings of the various ideologies of the day. Traditional publishing has always been problematic for many, many writers of this country simply because it has always been

Pagkadlit : Millennial and Underground Writing Pagkadlit

| pahina 24


market-driven. The blossoming of “Wattpad novelists” is not new—the medium has simply changed and the avenue for demonstration has been mechanized and automatized for the convenience of potential buyers. What used to be a “hit and miss” endeavor is now estimable and easily scalable. Publishers like PSICOM simply need to look at the number of reads of a Wattpad work to determine its marketability. It is painfully simple arithmetic: if something is being read thousands of times every month, it will make the publisher even wealthier. What escapes the simplistic grasp of traditional publishers is that they are directly responsible for the dumbing down of readers. Why? Because in their negligent race to publish “top reads” on platforms such as Wattpad, they ignore the warning signs of poor writing. Or perhaps, their so-called editorial teams are simply incapable of determining if a novel or story is well-written or not. The worst-case scenario is that they simply do not care, because popularity figures and market metrics do not lie. And why would these publishing houses care about the fate of Philippine literature and its readers if they can make cartloads of profit year after year, as more and more readers are drawn to the same populist gunk being churned out weekly and monthly by mediocre writers? But all is not lost: there is a rare breed of writers among millennials who don’t care about popularity, likes or shares. There are writers who are cut from the same roots as Lualhati Bautista, Joel Pablo Salud, Jun Cruz Reyes, Amado Hernandez and the like. These young, promising, millennial writers are here to stay. And while they may not have the reach yet of “pop lit” writers, we believe that their writing will stand the test of time. Because in the vacuous space of conscientious and committed writing, they push on mightily, day after day and night after night, never tiring of the challenges that come with writing not just for pleasure, but writing with a purpose. KADLiT’s first issue, Pagkadlit is an ode and thanks to the brave writers of the vanishing present.

They are here.

And they will persevere.

Pagkadlit

| pahina 25


Pagdako sa Mundo ng wattpad Hindi pala ako nag-iisa. Iyon ang pumasok sa isip ko noong nasa ika-anim akong baitang nang malaman ko, mula sa pasimpleng pagsilip sa mga pinagkakaabalahan ng aking mga kamag-aral sa kanilang mga cellphone, na nahuhumaling din sila sa pagbabasa. Doon ko nakilala ang Wattpad. Nanabik ako sa pag-iisip na hindi lang pala ako ang namumukod-tangi sa aming klase na nagbabasa ng mga babasahing walang kinalaman sa pag-aaral, dangan lamang na ang sa kanila’y nasa anyo ng teknolohiya, at ang sa akin ay nasa anyo ng pisikal na mga aklat. Dala marahil ng inggit at pakiramdam na napag-iiwanan, nagpabili ako sa aking ama ng sarili kong cellphone. Noon, hindi ko nakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon niyon, pero dumating ang Wattpad, at ang mga tagpong ni hindi ko masabayan ang aking mga kamag-aral sa kanilang mga kuwentuhan patungkol sa isang napakaguwapo’t mayamang lalaki na umibig sa isang hindi kagandahan at mahirap na babae, na matatagpuan lamang daw sa “Wattpad World�. Mula roon ay napatunayan kong malayo sa mga nakagisnan kong babasahin ang mga nilalaman ng Wattpad. Napakalayo. Noon ako napuspos ng paulit-ulit na mga kuwento ng isang nerd na inaapi ng isang bad boy ngunit nagkaibigan din sa huli matapos dumaan ni nerd sa isang transformation; ang mga paaralang nagpapatayan ang mga mag-aaral; ang mga gangsters at mafia groups na palaging beast mode; ang mga hindi kapani-paniwalang mga mayayamang karakter na may-ari ng mga kompanya, malls, paaralan, at halos ang lahat ng buhay sa mundo; at lahat ng mga gasgas na kuwentong nagpapalamon ng pantasya sa mga mambabasa. Sa kasagsagan ng aking pagkahumaling sa Wattpad, palagi akong nakapagbabasa ng mga kuwentong kinokontra ang aking paniniwala sa tama at nakasanayan sa pagsusulat, katulad ng paggamit ng mga Wattpad writers ng mga emoticons bilang instrumento upang maipabatid sa mga mambabasa ang damdamin ng kaniyang karakter, na kaagad ko namang niyakap bilang tama, dahil ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyon ang nakasanayan sa mundong iyon? Wala rin namang nagrereklamo patungkol doon. Pagkadlit

| pahina 26


Hanggang sa hindi ko namamalayan, nangangarap na rin pala ako na maging isang manunulat. Na maging isang sikat na sikat na Wattpad writer. Ginamit ko ang formula, ang palasak, ang emoticons, ang pattern. Natuwa ang aking mga mambabasa. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagsusulat nang tuloy-tuloy hindi para sa akin kundi para sa aking mga mambabasa. Doon ko napagtanto na kaya marami ang mga palasak na akda sa Wattpad ay marami rin kaming mga manunulat na nangangarap, nagatungan nga lang ng maling panggatong. Hindi nagtagal ay itinigil ko rin ang kahibangang iyon. Sumubok na akong magsulat ng mga akdang malayo sa nakasanayan sa Wattpad. Iyong akin talaga at walang sinusundang formula. May ilang mga nagbabasa, ngunit walang-wala sa kalingkingan ng mga mambabasa ng mga sikat na sikat na akdang gasgas, na halos magtayo na ng kulto upang sambahin ang manunulat, dilaan ito sa puwet, luhuran, at pagmakaawaan para sa updates sa kuwentong kanilang pinakainaabangan. Saksi ako sa mga away nila. Sa mga pagta-trashtalk at mga argumentong wala namang sustansya’t pinatutunguhan. Kaya naging rule na sa mundong iyon na huwag na huwag kang tutuligsa sa mga sikat na manunulat dahil matitikman mo ang hagupit ng mga tagahanga. Wawasakin ka nila. Dudurugin nang pinong-pino hanggang sa magdesisyon ka na lamang na mahalin na rin ang minamahal nila. Minamahal na manunulat dahil sa “galing� nito sa pagsusulat. . . at maging sa hitsura nito. Doon ko nadiskubre na hindi lamang pala ang galing sa pagsusulat ng manunulat ang humihikayat sa mga mambabasa. Sa hindi ko malamang dahilan ay mas may hatak ang mga manunulat na guwapo o maganda, kahit na walang binatbat ang kanilang mga akda. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawala ang dati kong pananabik sa Wattpad. Kung ano ko iyong dinatnan noong ako’y nasa ika-anim na baitang ay iyon pa rin ngayon. Lumala pa nang nagsimulang ilimbag ang mga akda rito bilang pisikal na mga aklat at naging bestseller pa sa mga pangunahing bookstores. Gayunpaman, isa pa rin naman iyong paraiso. May matatagpuan pa rin namang ginto, ngunit para na lamang sa mga masisipag maghanap sa bundok ng mga akdang gasgas na mukhang tinanggap na lamang natin sa dami ng kanilang bilang, ngunit hindi naman talaga. Natabunan lamang ng tinig ng mga tagahanga ang sa atin. Sa buong mundo, pinakamarami ang manunulat at mambabasang Pilipino sa Wattpad. Paano kaya kung pataasin pa natin ang antas ng ating pagbabasa at pagsusulat at huwag lang tayo basta magpakahon sa nakasanayan sa mundong iyon? Paano kaya kung wasakin natin ang kahong iyon at lumaya nang tuluyan?

Pagkadlit

| pahina 27


STIMULI koleksiyon ng mga opinyon TROLLER SA UNCENSORED Naging administrator ako sa isang satirical page nito lang Setyembre. Sa buong dalawang buwan na iginugol ko para sa mga millenials na lugmok na sa bandwagon, as what other might called, nasaksihan ko ang behavior ng mga kabataang katulad ko sa mga bagay na nadadala ng bandwagon. Kung anong nauusong isyu ay siya namang sinasabayan nang wala nang masusing pagsusuri sa sitwasyon at sirkumstansiya nito. Masayang mabuhay bilang isang kabataan. Maihahalintulad ito sa isang halamang mura: kailangang diligan at ituwid nang mainam pagkat mura pa lamang ito. Natututo ang isang kabataan sa kung anong lipunan ang kinalalagyan nila, at kung paano makibagay dito. Conformity ang tawag dito. Para makisabay sa mga kabataan sa takot na mahuli o ma-out of place sa lipunan niya, ang tendency ay sasabay siya sa uso o hindi niya makukuha ang social acceptance na nais niya.

Pagkadlit

| pahina 28


KARAGATAN Sabi nga ni Heraclitus, Nothing is permanent, except change. Walang nananatiling katulad ng dati, lahat ay nagpapalit: mula sa pisikal na kaanyuan, personal na interes, hanggang sa pananawa tungkol sa pag-iral niya sa mundo Petmalu pero masakit na fact na yata yun: walang forever sa mundo. Kailangan mong sumabay sa agos ng panahon kahit mabuti o masama ang lagay ng alon. Kailangan mong makasabay sa tubig at maniwala, o kaya ay magdalawang-isip at malulunod ka. Tunog Jesu-Cristo sa dagat, ano? Pero hindi lahat ng alon ay dapat na sabayan. May mga along katakut-takot ang laki na nagdadala ng delubyong nakapipinsala sa kalapit na anyong-lupa. Paranoid na kung paranoid, pero mas pipiliin mo na lang na umakyat sa kalapit na kabundukan at doon magpalipas ng panahon bago makasigurong maaari nang bumalik sa baba. Lastly, mag-isip ka na kung anong karagatan ka sisisid: ATLANTIC O PACIFIC?

TRIGGERER Ang tangi kong maipagmamalaki aside sa may mga katungkulan akong hinahawakan sa social media ay naging triggerer ako. Nagsilbing stimuli ang pahinang hinahawakan ko para mabasa ko lalo ang sikolohiya nila: mas madali na silang ma-trigger sa dank memes, mga balitang hindi mo alam kung may bahid ni Mocha Uson, at mga kritisismo galing sa eksperto. Parang, kapag kinurot mo nang mahina e saka ka hahampasin at sisigawan na parang may megaphone na nakabara sa lalamunan nila. Pero tumingin tayo sa mas malalim na perspektibo. Kapag sinampal mo ang katotohanan sa kanila. bigla silang ma-be-beastmode. Sabihin na lang nating biglang bubula ng angry reacts ang bunganga nila. Dinaig pa nila ang babaeng may menopause, saka mag-ta-transform ala-Decepticons saka nila babarilin ang sinumang kontra sa kanila. Napaka-angas.

PA(G)-ASA NG BAYAN Aminin natin ang obvious, ayaw natin sa taong paasa. Tipong inaasahan mong dadalhan ka ng regalo tulad ng ipinangako niya para sa monthsary, saka niya sasabihing nakalimutan niya kaya napaasa ka nang ilang araw. Sabi ng ating repapips na si Gat Jose Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan. Nakasalalay sa mga kabataan ang magiging kahihinatnan ng bansa. Ang pagsasanay sa labis na conformity ay hindi nakabubuti sa isang bata, lalo na at kailangan niyang sanayin ang sarili ng epektibong komunikasyon sa bawat taong makakasalamuha niya. Sabagay, naalala ko pala ang sinabi ni Prof. Ose Martija sa pinaskil niya noong nakaraang taon lang: you go with the norm? What if the norm is not sane? Kung walang kaisahang mabubuo mula sa sinpleng pagtangkilik sa tugtuging maka-fuckboy o maka-Korean hanggang sa iisang kamalayang masasalamin sa ating kinaugalian, asahan na nating hindi kabataan ang pag-asa ng bayan... paasa, repa. Paasa. T-teka. Ano bang sinabi ko ulit? Pagkadlit

| pahina 29


When WP Technology, Inc. first introduced the Wattpad online writing community to users in 2006, teenagers, young adults and of course, adults, suddenly had a focused area on the Internet to self-publish their content and find new readers in a short span of time. As of this writing, the Wattpad website is now globally ranked 616th and ranks 498 in the United States alone. Keep in mind that at any time there are billions of webpages vying for attention on the Internet. Wattpad has become a beacon for writers young and old who wish to be seen, heard and read without going through the difficulties of print publishing. Since the Wattpad website caters to user-generated content, it only has to provide an evolving technological framework for its users, based on what they perceive are urgent needs of its market.

INSTANT FICTION The surge in the interest in “instant writing� eventually reached Philippine shores. Pagkadlit

| pahina 30


Young Filipino writers, usually in high school or college, began using the Wattpad platform to publish their stories, too. Like their counterparts in other countries, young Filipino writers embraced Wattpad because of its ease of use and the promise of actually being read by the public. Wattpad readers are primarily segmented into two: writers and readers who may or may not write themselves. New literature began pouring out like an endless waterfall from the fingertips of Wattpad writers. While this new literature is largely in its infancy and deals mainly with friendship, romance, childhood woes and growing-up problems, there is a huge market for it. Academicians will turn their noses up at ‘amateur fiction’ or ‘instant fiction,’ but not the reading public.

It’s obvious who has more weight in the final reckoning.

Many Wattpad stories, many of them long enough to be considered fulllength novels can garner as many as 9+ million views or reads. In a country where being published is nothing short of a miracle, Wattpad changed the reading landscape drastically by removing the need to consult with conventional gatekeepers like publishing consultants, agents, editors and proofreaders. The market itself did not care that authors are bypassing so-called traditional experts, for it was getting the stories it liked for free.

PREDATORS IN OUR MIST

Where the market moves, capital follows.

Publishing houses, both large and small, have begun locking in on the scent of new markets driven by “instant fiction” on the Internet. Tapping robust, community-driven niches makes perfect business sense.

However, things are not what they seem.

Struggling young writers still dream of seeing their work in print. What publishing houses can give these writers is the opportunity to have their works included in printed collections or anthologies, under a particular banner or brand. All seems well until you begin reading the fine print of memoranda of agreement between agents/publishers and writers: that upon acceptance of literary works, all rights to it are turned over to the publisher.

While this may seem like an ordinary agreement, how ethical is it? Pagkadlit

| pahina 31


Certain publishers even hold online competitions. They use the reach of Facebook to entice writers to send in their best work. However, these competitions often offer no compensation, complete turnover of copyright rights and the only ‘prize’ they can offer newly enslaved sakada authors are complimentary copies – exactly one copy per author accepted into a collection.

LITERARY SLAVERY Literature has always been an embattled domain. It has been decades since people have begun questioning its relevance. Every Filipino writer dreams of being published and read. For what is the use of writing if there are no readers? But what kind of environment are publishing houses creating with their often savage and predatory moves? Why are some publishing houses virtually stealing the work of young writers for no pay and merely a copy of the collection that writers are actually entitled to in the first place?

It is nothing but shameless profiteering.

Sadly, many of these agents of literary exploitation and modern slavery are writers and editors themselves. However, it appears that their direct involvement in the publishing industry has led them to forget what it was like to be a writer without a printed byline. “Freedom of speech” and “legal agreements” aside, it is unethical to not pay a writer for his work. While young writers are entering legal agreements with adults, one would think that the adults would be ethical enough to revise abusive contracts. But as I have witnessed myself in my examination of “online competitions” backed by big publishers, there is no such reprieve for young writers.

Wolves truly reside in sheep’s skin.

WRITERS VERSUS WRITERS

There are many kinds of literary predators lurking in social media.

Sadly, some of these predators are up and coming writers too, who prey on their circle of writer friends/contacts for literally free material for self-publication. There is something essentially wrong with the idea of again, handing over your work to someone for no monetary compensation and not even a complimenPagkadlit

| pahina 32


tary copy of the final output. Actual compensation is subsumed by vague concepts and entreaties, as if literature will breathe its last unless these small collections are not published with works that are, again, virtually stolen from young writers who don’t know any better. This particular writer, having relied on his craft for a decade now for his bread and butter, find these modern day practices vile and reprehensible. A reliable source who was once an active member of a popular online writing community who turned to self-publishing, recently shared the following issues with me: *Royalties (if any) will only be paid out more than three years after the signing of the contract and turnover of material. *Multiple debts to contractors involved in book design and printing. *Creditor issues *Copies are sold to authors included in anthologies – said sold copies are publicly termed ‘complimentary copies.’ *Non-transparency with the use of additional funding given to the said group by donors *Strange and often inexplicable payment requirements are also often required of authors before their accepted works are included in the print version of current projects of the writing group. It is now obvious that online writing groups who prey on their own for free material should be shut down and exposed for what they are: capitalist wannabes who are as uninformed and abusive as the people they are expected to lead, teach and help flourish. The message is clear: if there is no compensation and not even a complimentary copy, you’re dealing with a profiteer-slaver, not an agent of literary continuity in the country. Beware these unpredictable and shape-shifting creatures, for they bring not fulfillment but disappointments aplenty.

Pagkadlit

| pahina 33


Pagkadlit

KATIPUNAN NG ALTERNATIBONG DIBUHO, LIRIKO, AT TITIK ONLINE MAGASIN | ISYU 1 | NOBYEMBRE 2017

EDITORIAL BOARD chief consultant || marius carlos, jr. layout and graphic artist || maria kristelle jimenez proofreader (english) || marius carlos, jr. proofreader (filipino) || maria kristelle jimenez contributors || Rhounee Ron Kevin Frany | Ace bagtas | mishareth velado girlie suniega | andrew manares | anna patricia adiaz | john kenneth bea | dan jude menjares | maria carmela banay | reynard manaois | annalyn biagtan | michael dc. gabanit |


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.