Kutitap: Kadlit Online Magasin | December 2017

Page 1

KUTITAP IKALAWANG ISYU | KADLIT ONLINE MAGASIN Bilang 2, Unang Isyu | Disyembre 2017


TUNGKOL SA PABALAT. May kislap pa rin bang taglay ang simoy ng Kapaskuhan? Sa ikalawang isyu ng KADLIT Online Magasin, ninanais na ipasulyap ang mukha ng Kapaskuhan sa isang third-world country.

KUTITAP

KATIPUNAN NG ALTERNATIBONG DIBUHO, LIRIKO, AT TITIK ONLINE MAGASIN | ISYU 2 | disyembre 2017

Lahat ng akda sa kalipunang ito ay pawang orihinal at hindi maaaring kopyahin o ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng mga may-akda at ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Nananatili ang karapatang-sipi nito sa mga may-akda at sa pamunuan ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Samantala, ang mga larawang ginamit sa disyenyo ng pabalat at magasin ay nagmula sa public domain file ng internet. Ang mga ito’y ginamit na naayon sa limitasyon ng karapatang-suri nito. Ang anomang puna, opinyon, suhestiyon, pahatid, at mga kontribusyong pampanitikan at sining ay maaaring ipadala sa Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Para sa karagdagang detalye, mangyaring sundan ang aming sumusunod na social media accounts:

Email Address: kadlitofficial@gmail.com Facebook Page: https://www.facebook.com/KADLitOfficial/ Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/AngKADLiT/ Wordpress: https://www.kadlit.wordpress.com Wattpad: https://www.wattpad.com/user/Ang_KADLiT SoundCloud: KADLiT Music Bandcamp: KADLiT_music YouTube: KADLiT Channel


Talaan ng Nilalaman INTRODUKSYON

Liwanag. Busilak. Kutitap ni Marius Carlos, Jr. pahina vi

DAGLI

Napunding Ilaw ni Maria Kristelle Jimenez pahina 2 Piring ni Marius Carlos, Jr. pahina 3 Proposal ni John Kenneth Bea pahina 3 Regalo ni Reynand Manaois pahina 4 Kuweba ni Kimberly Dela Cruz pahina 5 KIB-ibliya ni Mishareth Velado pahina 5 Bisita ni Marius Carlos, Jr. pahina 6

MAIKLING KUWENTO

Mga Elisi at Mga Diwa ng Pangarap na ‘Di Makalipad-lipad ni Maria Kristelle Jimenez pahina 9 Ice ni Daniel Jude Manjares pahina 12 Pasko ni Lolo ni John Benedict Bagtas pahina 13 KUTITAP || iii


TULA

Ang Paglaya Mo, Ina ni John Kenneth Bea at Kayce Adriene Leigh Samonte pahina 19 Kabilugan sa Ilalim ng Buwan ni Gladez Garcia pahina 21 Si Aling Washing Machine ni Dexter Gragasin pahina 21 Sa Kahabaan ng Gabi ni Anna Patricia Adiaz pahina 22 Mula sa Lata ni Dexter Gragasin pahina 22 Innocence ni Mishareth Velado pahina 23 Ekspidisyon ni Dexter Gragasin pahina 23 Ru(g)bylita ni King Vincent Salazar pahina 24 Kaibigan ni John Kenneth Bea pahina 25 Number of Razors Inside ni Mark Emmanuel Rodriguez pahina 25 Today I hope the Sky Opens and Destroys my World ni Rovenier Mago pahina 26 Demon of Hunger ni Mark Emmanuel Rodriguez pahina 27 Sa Dako Roon ni Girlie Suniega pahina 28

KUTITAP || iv


SANAYSAY

Five Effective Steps to be a “Lodi-Petmalu Manunulat” ni John Kenneth Bea pahina 30

TAMPOK NA KATHA

Pantasya sa Bansa kong Tingi-tingi Unang Karangalan, ika-9 na Saranggola Blog Awards Sanaysay: Sachet ni Marius Carlos, Jr. pahina 33 Fix ‘Yon, Fiksyon! Unang Karangalan, ika-9 na Saranggola Blog Awards Ispesyal na Kategorya: Fake News ni Maria Kristelle C. Jimenez pahina 36

PROSA

Detalye ni Reynand Manaois pahina 39

PIKSYON

A Letter for Pamela ni Daniel Jude Manjares pahina 41

REBYU

The Solace System: Music Review ni Mishareth Velado pahina 43

INTERBYU

Da Komik Kronikels: Sa Likod ng Witty Jepot panayam sa komikerong si Jeff Dizon ni Maria Kristelle C. Jimenez pahina 46 SAMU’T SARI: Pitik-Guhit Koleksiyon ng mga larawan at guhit mula sa mga miyembro ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik pahina 49 KADLIT Buletin Mga kaganapan, paanyaya, at imbitasyon mula sa Facebook Group ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik pahina 53 Mga May-Akda Mga Editor KUTITAP || v


INTRODUKSYON Liwanag. Busilak. Kutitap.

Ang tradisyunal na Paskong Pilipino ay nakasentro sa selebrasyon ng pamilya ng Kapaskuhan; ibig sabihin, hindi lang isang araw ang selebrasyon mismo. Mahaba ang Pasko sa Pilipinas. Pagpasok pa lamang ng mga buwan na may -ber sa dulo ay ramdam na ang tuwa sa puso ng mga tao at darating na ang pinakahihintay na Pasko. Nagsasabit na ng mga ilaw at ibang dekorasyon bilang paalala sa lahat sa darating na okasyon. Sabi nila, ang Pasko raw ay punong-puno ng pag-asa. Bakit kaya? Kung titingnang mabuti ang tunguhin ng ating bayan, isa talagang mahalagang elemento sa ating patuloy na paglaban sa araw-araw ang pag-asa. Pag-asa na sana’y bukas, mas maluwag ang pinansiya, at mas mabuti ang buhay. Nagsisilbing tanglaw ang bawat isa sa kadiliman, sa mga oras na kinakalimutan natin ang ating mga indibidwalistikong pananaw at inaalala ang bawat isa. Komunidad tayo. Ang ating mga pamilya ay hindi maaaring mahiwalay sa mas malaking bayan na kinabibilangan. Walang Pasko kung wala ang bayan. Dahil buong bayan ang nagdidiwang sa pagsilang ni Hesus. Tuwing Pasko rin nating inaalala ang mga bagay na busilak at masaya. Kailangan din nating gawin ito at tayo’y napapalibutan ng lungkot at trahedya. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng sunog sa isang mall sa Davao kung saan halos 30 na katao ang namatay. Bago pa ito’y dinahas ng Bagyong Vinta ang ilang bayan din sa Mindanao. Ang buntong-hininga ng mga tao: Pasko pa naman. Oo, wala talagang pinipiling panahon ang sakuna at trahedya. At para sa ating bansa na mahirap at patuloy ring dinadahas ng nasa poder, ang karahasan at sakuna ay tila naging pangkaraniwan na lamang. Kaya kailangan nating tumingin sa bagay na busilak at malinis, para kahit papaano, maalala rin natin na hindi naman kailangang ganito ang ating kalagay o kondisyon. Hindi natin kailangan tiisin na tinatapaktapakan tayo. May bayan naman tayo, hindi naman tayo nag-iisa. Sama-sama, tayo’y may kapangyarihan na tunay na baguhin ang ating mga hinaharap. Ang isa sa mga di ko malilimutang karanasan noong bata ako ay ang panonood kung paano gumawa ng isang electric parol. Matagal ang proseso ng paglalapat ng capiz sa kahoy na frame. Mabusisi at maingat ang mga kamay ng mga gumagawa. Hindi maaaring madaliin, ngunit hindi rin naman binabagalan at kailanga maka-quota. Ang huling hakbang sa paggawa ng electric parol ay ang paglalagay ng mga pailaw. Ikalawang suson ito ng gawain ng isang parolero. Elektrisyan din siya. At kapag tapos na, ang iba’t ibang materyales, akalain mo, magiging parol pala! Ganito ko nakikita ang mga Pilipino sa kabuuan. Na sa ating pagsasama-sama para sa mga mahahalagang layunin, kaya nating maging kutitap sa kadilimang ilang dekada nang bumabalot sa ating bayan. Kaya natin ito. Kailangang kayanin natin. At sa pagbubukas na naman ng Bagong Taon, tayong lahat ay nakatingin sa hinaharap na walang kasiguruhan at nababalot pa minsan ng pangamba. Hindi pa rin alam kung kailan titigil ang mga pagpatay sa mga sibilyan. May pangamba pa ng Martial Law. Ngayon kailangang-kailangan­g magkapit-kamay ng lahat upang manatiling buhay, sa ating bayan na tuwing Pasko lamang pilit na lumiliwanag.

MARIUS D. CARLOS, JR. Founder, Head of Literature


DAGLI

| napunding ilaw | proposal | piring | regalo | kuweba | kib-ibliya | bisita


Napunding Ilaw ni Maria Kristelle Jimenez

Sunod-sunod ang aking paghithit ng pipa. Ngising-ngisi ang ngipin kong naninilaw at punung-puno ng nikotina. Dehado na ang computer user sa nilalaro kong ahedres sa aking pinaglumaang phone tablet. Nanlaglagan na ang hubad na mani’t kornik sa bilugan kong pangangatawan na halos inakupa na ang bawat kanto ng aming sofa. Ayaw kong bumangon. Nakatatamad. Ano pa ba’t binansagan akong Batugan? Humampas ang mag-asawang usok at alabok sa aking katawan. Napabahing pa ‘ko sa nakayayamot na paghaplos ng mag-asawang ‘yon sa ‘king sarat na ilong. Kinusot-kusot ko na lamang ito. Nakatatamad kumuha ng tissue.

“Wala ka ba talagang balak palitan ang ating ilaw?”

Nakapamewang na naman ang aking asawa habang binabalandra ang kaniyang pamosong litanya. Isang buwan na kasing kikirat-kirat nang ilaw sa aming salas. Tinatamad akong palitan. At heto na naman siya—humihingi ng tulong. Ayaw kong tulungan. Nakatatamad. Ano pa ba’t binansagan siyang Kasipagan? “Kaya mo na ‘yan...” nahihikab kong tugon “...mahal kong Reyna.” sunod ko pa habang ikinilos ko na ang Reyna ng ahedres. Tumaob na ang lahat ng aking Kawal. Tanging ang Hari at Reyna na lamang ang nalalabi kong piyesa. Natatalo na pala ‘ko sa ‘king laro.

“Puñeta ka, Batugan! NaMamagod din ako!”

Napikon ako sa pagsagot ng aking asawa. Pikon na pikon.

“Alam mong deputa ka, ‘wag ka nang magreklamo! Kaya nga binuo ang reyna ay dahil sa hari. Galing ka lang sa tadyang ko. Pagsilbihan mo ‘ko, Kasipagan! Ano pa’t naging babae ka?” Isang lumalagitik na sampal ang kaniyang sinagot. Agad kong naramdaman ang nag-iinit na kirot sa aking pisngi. Sinipat-sipat ko muna ‘to bago pa man bumawi sa ginawa niya. Nagdilim ang aking paningin. Naghuramentado. Hinablot ko ang kaniyang ulo, sabay sabunot sa mahaba niyang buhok. Sobrang hablot. Halos humiwalay na ang mga hibla ng buhok sa kaniyang anit. Dinurog ko ang aking nagbabagang pipa sa kaniyang impis nang mukha. Binalibag ko siya nang malakas sa pader ng aming sala. Hanggang sa mabagok at magdugo ang kaniyang bungo. Eksaktong kilos upang makain ng aking katunggali ang aking Reyna at mapalibutan ang aking Hari. Ang Hari ko na lamang ang natitirang piyesa—na naturingang pinuno ng monarka ngunit limitado lamang ang kilos. Ngawa lang nang ngawa, wala namang nagagawa.

Nakita ko na lamang ang Hari na kahit anong munting hakbang sa kaniyang kinalalagakan ay walang kawala-wala.

Isang perpektong matê.

Kasabay ng pagtingin ko sa nakahandusay na Kasipagan ay ang unti-unting pagdilim ng paligid.

Napundi na nga nang tuluyan ang ilaw ng aming sala.

Pero, nanaig pa rin sa akin ang pagiging batugan. Ayaw ko pa rin talagang palitan. Nakatatamad!

KUTITAP || pahina 2


Piring ni Marius Carlos, Jr.

Nagpaalala muli ang mga boses sa babaeng nakapiring:

Pag-isipan mong mabuti, bago ka magdesisyon. Maraming umaasa sa iyong pasya.

Isang tren ng mga boses, sitwasyon at imahe ang paulit-ulit na tumakbo sa kaniyang isip. Nanatili ang piring sa kaniyang mukha. Hindi siya nakakakita, sapagkat hindi kailangang makita ang pisikal na hulma at pagkakakilanlan upang timbangin ang kondisyon at mga pangyayari. Madalas siya’y nakikinig lamang, at sa limitadong espasyo ng kaniyang pagkakabuo sa mundong napakarumi at napakagulo, siya’y napipilitang magpasya. Sa maraming pagkakataon, ang kaniyang pasya’y resulta ng pagpilipit sa kaniyang mga braso o di kaya’y pagbunot ng kaniyang mga kuko, gamit ang plais.

“Pero paano kung ayaw ko na? Paano kung mula’t sapul, hindi naman pala ako ang dapat nagpapasya?”

Malungkot ang tinig ng babae, na segu-segundo nagbabago ng tono. Iba’t ibang boses ang lumalabas sa kaniya tuwing siya’y nagsasalita. Minsan, ang boses niya’y garalgal, na tila boses ng matapang na propesor na nagbabaon ng bagong karunungan sa mga bungong matigas at walang laman. Sa ibang pagkakataon, ang boses niya’y maliit at hapis, katunog ng babaeng ilang araw nang hindi umiinom o kumakain.

“Hanggang kailan kaya ako laruan?”

Sa isip niya’y pabilis nang pabilis ang tren ng imahe, boses, at sitwasyon. Hindi na siya naguguluhan. Bagkus, lalo nang lumilinaw ang mga signos na magbibigay sa kaniya ng tatag upang magpasya.

Haharap siya sa atin sa huling pagkakataon bilang kanilang alipin.

At magsasalita siya sa unang pagkakataon bilang ating alagad.

“Ako si Hustisya, at kamatayan ang hatol ko sa kanilang lahat.”

Proposal ni John Kenneth Bea

“W-will you marry me?” tanong ko kay Anna habang nakaluhod at may hawak na singsing.

Napatingin s’ya sa hawak ko at nabaling naman agad ang tingin nito sa mukha ko. KUTITAP || pahina 3


Walang anomang reaksyon ang mukha nito.

Balot ng tensyon ang buong katawan ko noong mga sandaling iyon.

Makalipas ang ilang segundo, narinig ko ang isang ‘di inaasahang sagot mula sa kaniya.

“No,” diretso at walang alinlangang tugon niya.

“B-b-but why?” pagtatanong kong muli, gusto kong malaman ang dahilan. Sa mahigit pitong taong naming pagsasama bilang mag-nobya, hindi pa ba sapat iyon para pakasalan niya ako at sabay kaming bubuo ng aming pangarap na pamilya?

Napamura na lamang ako sa naging tugon niya.

“Sabi kasi sa post ng Hi Baby, hindi raw magkakatuluyan ang pangalan may A at J.”

Regalo ni Reynand Manaois

“Parang ang daming laman niyan, a.” Magaling ka pa ring mag-obserba, napansin mo agad ang dala kong bag.

Pinuno ko ito ng ating mga alaala: sulat, mga tula, kuwintas, lumang larawan, mga balat ng tsokolate, at iba pang bagay na ibinigay mo sa akin sa loob ng pitong taon nating relasyon.

“Anniversary gifts,” maikli kong sagot sa’yo.

Hindi normal ang Sabadong ito. Anibersaryo natin, ngunit iniwan na ako ng galak at takam.

“Talaga? Ang dami naman niyan! May regalo rin ako sa’yo!”

May ibibigay ka na naman.

“Sige, akin na at isama natin dito sa bag na dala ko,” tugon ko sa’yo. Bitbit ang mga gamit na siyang isasauli ko sa’yo, patuloy ang takbo ng aking isip. Sawa na ako sa lahat. Hindi na kita mahal. Wala na ‘kong gana. Ayoko na. Gusto ko nang makawala sa relasyon nating ito. Tuwang-tuwa kang inabot sa akin ang isang parihabang maliit at puting bagay. May dalawang guhit, na parang kumakaway sa akin, sa gitna nito.

“Ito ang gift ko sa’yo. Happy anniversary, Honeypie!”

Kapit-kapit ang inabot mong regalo, agad akong natigilan.

KUTITAP || pahina 4


Kuweba ni Kimberly Dela Cruz

Ipinasok ko ang sandata—sagad hanggang sa kasukdulan niya. Tumulo ang likidong pula, tanda na naaarok ko na ang kaluw-

alhatian n’ya.

Ako na ang kahuli-hulihang makakapasok sa kan’yang kuweba. Wala nang makaaari sa kan’ya. Sa huli niyang paghinga, sabay kong hinugot ang patalim na itinusok ko sa kan’ya.

Ngayong gabi, hindi na s’ya matitikman ng iba. Hindi na s’ya kailanman magiging puta pa.

KIB-ibliya ni Mishareth Velado

Nahagip ng mga mata ng isang dalaga ang itim na libro na nasa istante ng book shop. Tiningnang mabuti ang pabalat at kapagdaka’y maluha-luhang kinuha ang libro na nakabalot pang mainam kaysa sa anomang makikita roon.

“Shucks, banal na libro! Excited na akong makabasa nito! Amen!”

Dinakot niya ang phone sa bulsa matapos bilhin ang nasabing libro, at nag-selfie na hawak-hawak ito.

“Sa wakas!”

Binuklat na niya ang libro, at tinandaang parang unang bersikulo sa Genesis ang linya ng nakasulat sa pabalat.

“Once you enter, there is no turning back.”

Taos-puso niyang sinamba ang libro; ang libro na tinuring na niyang. . .

KIB-ibliya.

KUTITAP || pahina 5


Bisita ni Marius Carlos, Jr.

“Kumusta naman ang pahinga mo mula sa biyahe?” tanong ko sa bisitang pupungas-pungas pa mula sa mahaba-habang paglalayag. Isang maghapon ding natulog ang aking bisitang si Manolo, kaibigan ko na mula noong Grade Two.

“Masyadong matagal. Nakakangawit. Mahirap pala’ng bumiyahe papunta dito. Nabigla ang katawan ko’t ‘di na sanay.”

Hinaluan ko ng dalawang kutsarang asukal ang umuusok na kape. Pinanood ko ang paglusaw ng mainit na tubig sa mga granyulang matamis. Nilubog ko ang kutsara at binilang ang paghalo. Isa, dalawa, taktak. Isa, dalawa, isa pang taktak sa labi ng tasang itim. Kailangan lahat ng bagay ay nakasaayos. Sa ganitong paraan lang ako napapanatag sa mga bagay-bagay.

“Jerwin! Matagal pa ba ‘yan? Halika na’t magkape na tayo. Sabik na sabik na ako sa kape. ‘Tsaka may biskwit ka ba d’yan?” “Sandali lang, kukuha ako.”

Tinungo ko ang kusina at binuksan ang pridyider. Wala na pala ito halos laman bukod sa isang supot ng pan na medyo inaamag na. Mamerde-merde’t maasim-asim na ang tinapay. Puwede na siguro ‘to. Magiging mapili pa ba, kaysa walang makain sa agahan. Paglingon ko, nakita ko ang aking bisitang si Manolo na inaamoy-amoy ang mga tasa ng kape. Talagang hindi na siya makapaghintay. Laging sabik sa inumin at pagkain ang aking mga bisita. Naupo ako sa tapat ni Manolo. Suot pa rin niya ang kamisong puti at itim na pantalon na hiniram niya dati sa akin. Naalala ko tuloy noong binalita sa akin na naaksidente siya sa motorsiklo. Nasira naman noon ang hiniram niyang 501 na jeans. Hindi na ako nagalit at malubhang-malubha ang naging lagay niya. Parang kalabisan na, kahit sa parte ng nagpahiram, na singilin pa ang nasirang pares ng pantalon. Nilagay ko sa tapat ni Manolo ang supot ng tinapay. Nanlaki ang mata niya at inamoy-amoy niya ang tinapay. Parang bata. Gusto siyang biruin na mukha siyang batang nabigyan ng regalong Pamasko. Pinagbukas ko siya ng botelya ng pan de coco at ipinagpahid ng palaman. Inilapit ko ang tinapay sa bibig niya at marahan siyang kumagat.

BUHEK! BUHEK! BUHEK!

Inihit ng matinding ubo ang aking bisita. May nalaglag sa sahig mula sa kaniyang bibig. Isang ngipin.

“Kung sana’y may pustiso ako, masasabi kong ‘Danao ireng letsugas na ipin na ire.” Natawa kami pareho. Nahirapan siya lumulon ng tinapay kaya tinulungan ko pang uminom mula sa tasa. Halos di makita ang kape sa sobrang usok nito.Bagong kulo kasi. Kinilig si Manolo.

“Ah, heto talaga hinahanap-hanap ko doon! Salamat ha, Jerwin?”

Tumango ako. Sa gilid ng aking mata’y nakita ko ang walang patid na paghahabulan ng mga kamay ng orasan. Gusto ko mang makasama nang mas matagal si Manolo, hindi pwede at kailangan na rin niyang umalis ulit Mamaya.

“Manolo, kumusta sila Mama at papa? Nakita mo ba sila doon?”

Nagliwanag ang mukha ni Manolo sa paraang kaya nito. Nang maaksidente kasi siya sa motorsiklo, nakaladkad siya’t halos mabura ang kaniyang bibig at pisngi. KUTITAP || pahina 6


“Oo, pare. Masaya naman sila doon. May maliit na bahay sila, laging nagkukuwentuhan. Madalas ko silang bisitahin kapag tapos na ang mga nakaatang saking mga gawain. Di naman mahirap trabaho ko doon, nasa parang kuwan, reception area ako. Ako ang gumagabay sa mga bagong salta. Pag marami sa isang bugso, tour guide na rin ako. Nakakayamot minsan pero okey na rin.”

“Hindi ba nila ako nababanggit?”

Pinatag kong pilit ang boses ko’t ayaw kong isipin niyang lumalambot na ako. Nang huli kaming magkausap ng aking Mama at papa kasi, galit ako sa kanila. Galit pa rin naman ako, pero hindi ibig sabihi’y di ko gustong malaman ang kalagayan nila, lalo pa’t nasa ibang bansa ako nang sila’y lumisan sa amin. “Ang Papa mo, makuwento. Si Mama mo laging nag-aalala kung kumakain ka daw ba sa oras. ‘Yon lang naman. Wala naman silang ibang nababanggit sa’kin.”

Napanatag na ako sa wakas, at natahimik.

Malapit na rin matapos ang aming oras na magkasama. Napakabilis. Parang masamang biro sa igsi, ngunit gano’n talaga, hindi lahat ng bagay ay posible. Kinuha ko ang medalyong luma mula sa bulsa ng aking pantalon. Antigong medalyon ito na niregalo pa sa akin ng isang puting mambabarang mula Alemanya.

Nakita ito ni Manolo at marahang tinanong:

“Oras na ba pare? Bat-si na ba ako?”

“Oo, e. Baka kasi mahirapan kang makabalik ‘pag lumampas ka sa tinakdang oras.”

“Sige kapatid, ayos lang. Nag-enjoy naman ako sa piging ng tinapay at kape. Dalawang taon na rin akong hindi kumakain e.”

Binulungan ko ang Medalyon ni Auguer at pinatagos ang aking musmos na dasal sa pinunit na tela ng Sansinukob. Sumagot ang Hati na siyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at ng mga pumanaw na. Nakiusap akong buuin muli ang siklo ng buhay at kunin ang kaibigang namatay na dalawang taon na ang nakalilipas. Inalay ko ang isang putol ng natitira ko pang buhay bilang kapalit ng aking panggagambala sa natural na ayos ng Sansinukob. Kapalit ng pagkikita naming magkaibigan ay lima hanggang sampung taon ng aking buhay. Ayos lang, basta alam kong nasa maayos sila. Uminit ang aking pakiramdam at nakita ko ang mga espiritung gumabay kay Manolo pabalik sa lupain ng mga buhay. Madilim lahat ng mukha’t walang pagkakakilanlan. Maya-maya pa’y unti-unting nalusaw na rin ang mukha at katawan ni Manolo at naging kamukha na rin niya ang ibang kaluluwa. Hinipo niya ang aking mukha at alam kong masaya siyang babalik sa kabilang buhay.

Paalam, Manolo. Salamat sa pagbabalita.

KUTITAP || pahina 7


MAIKLING KUWENTO | mga elisi at mga diwa ng pangarap na ‘di makalipad-lipad | ice | pasko ni lolo |


Mga Elisi at Mga Diwa ng Pangarap na ‘Di Makalipad-lipad ni Maria Kristelle Jimenez

Madalas, makikita ang pagpilit ng maliit na biyas ni Diwa—maliit para sa kaniyang edad—na hakbangin ang mga baitang ng

hagdanang bato sa simbahan ng San Bartolome. Kung ano ang kinaugaliang pagbisita ng mga deboto ng simbahan, siya rin namang kinaugalian ni Diwa na mangolekta ng esperma. Bago pa man malusaw ang mga nakatirik sa kandelabra—nakalahad na ang labi ng kaniyang lata sa papabadyang luha ng kandila. “Itong dalagitang ire, pupunta la’ang dine, mangunguha pa ng inalay sa Diyos!” saad ng ilang hermana ng simbahan—na kung hindi mapaiiling ay napapa-antanda na lang. Isa lamang ito sa samu’t saring raket ng dalagitang mangangalakal. Hindi pa man pumuputok ang araw ay makikita na si Diwa sa lansangan ng Nagcarlan. Tuwing umaga, napupuno ang kahabaan ng Lopez Jaena ng ingay mula sa kinakaladkad na sakong doble ang sukat ng batang paslit. Bakas sa butuhang balikat nito ang bunga ng arawang pagtatatrabaho. Tinagpian ng iba’t ibang retaso ang kaniyang gula-gulanit na damit. Pinamugaran na ng balakubak, lisa, kuto, at libag ang buhok na ‘di nadampian ng suklay ni minsan. Nakakuwintas ang makakapal na libag sa kaniyang leeg; mga libag na ginalugad hanggang sa pinakamaliit na sulok ng kaniyang daliri sa paa. Kung ‘di man mapalalayo sa umaalingasaw na amoy ni Diwa, ang mga tao’y umiiwas at umaalis. Ni hindi nila kayang suklian ng pipisuhing barya ang ngiti ng dalagang may naninilaw na ngipin. Saan man siya mapadapo, ito ma’y sa kalsada o sa simbahan; nariyan ang bugawin siya na parang langaw dahil sa nakasusulasok niyang amoy. Babaligtad ang sikmura ng sinoman kay Diwa: halo-halo sa kaniyang katawan ang singaw ng bulok na durian, isda, at karneng hilaw. Matapos mangolekta ng mga natunaw na kandila sa simbahan, agad na tumutungo si Diwa sa gilid ng kainan ni Aling Greta na matatagpuan sa baybayin ng sementeryo. Iba’t ibang tao ang lumiligid sa kainan ni Aling Greta. May ahente ng mga food supplement, may 5-6 na kibit-kibit ang mga pinauutang na kulambo’t kumot sa motorsiklo, may supulturero’t tagalilok ng mga lapidang marmol, at mga katulad ni Diwa—mga batang mangangalakal. “Dito ka na naman tumambay? Nako, nako—kaya hindi ako bil’han ng mga suki ko ngayon, e. Ba’t ba nandito ka pa? P’ede bang umalis-alis ka sa istante ko? Ano’ng bibilhin mo, adobo o—umalis nga sabi kayo, e! Naknamputa—nilalawit mo pa ‘yang dila mo sa aking animal ka? Oy, puta ka—’di mo pa bayad utang mo tapos extra rice ka na naman? Ang dungis mo, ang ba—aba, hindi ka ba nakikinig sa akin—wala nga sabing malamig na tubig at wala pang yelong tinda, sa kabila ka na bumili. Isa pang sermon ko sa iyo, ipadadampot na talaga kita sa mga tanod. Aba—talaga namang—Hoy! Umalis ka na sabi, a? Mahiya ka...” Ipinagpatuloy na lamang ni Diwa ang pagtunaw ng mga namuong kandila sa gilid ng kainan. Nang makabuo ng kalan mula sa tatlong malalaking tipak ng sirang hollow blocks, kumuha siya ng ilang nagbabagang kahoy sa kalan ng tindera. Sa araw-araw na ginagawang siklo ng Sansinukob kay Diwa, tila manhid na ang dalaga sa pagtalak ng bungangerang matanda. Papasok sa kaliwang tenga, lalabas sa kabila. Balik na naman sa dati niyang gawi. Sa wakas, natunaw sa lata ng gatas ang nalikom na kandila ni Diwa. Marahan na ibinuhos ng dalaga ang likido sa nakaantabay na mitsa ng panibagong kandila. Paulit-ulit na itinutubog at itinatanggal ang mga mitsang nakatali sa sanga hanggang sa makuha nito ang sapat na taba at haba. Ganito ang raket ni Diwa: mangongolekta ng mga natunaw na kandila sa kandelabra, tutunawin, saka gagawing kandila upang maipanglako muli. Naibebenta ni Diwa mula lima hanggang sampung piso ang mga kandila—depende sa laki, kulay, at disenyo nito. KUTITAP || pahina 9


Sumasabay sa panahon ang pagbuo ng kandila ni Diwa. Kung ang panaho’y mainit at mahangin, agad na natutuyo ang mga ito. Sa kabilang banda, kung ang panahon na ang araw ay nagtatampo’t sinusuyo ng ulan, matagal kumapit ang likido sa mitsa nito. Kapag ganito ang sitwasyon, agad na itinututok ni Diwa ang mga mitsa sa bentilador. Maaliwalas man ang panahon, bumuhos pa rin ang ulan dulot ng binuong cloud seeding. Para sa mga magsasaka, ito’y biyaya sa gitna ng tagtuyot. At siyempre, para sa mumunting dalaga, ito’y hadlang para sa kaniyang raket. Bago pa man isilong ni Diwa ang kaniyang mga paninda ay agad siyang hinarang ng garalgal na boses ni Aling Greta. Sa halip na muling ilulob ang sarili sa mahabang sermon ng matanda, mas pinili ni Diwa na tunguhin muli ang simbahan ng San Bartolome. Itinuring na ni Diwa na ikalawang tirahan ang simbahan. Noong bata pa lamang siya, madalas siyang dalhin ng kaniyang ina sa kapilya ni San Bartolome. Nababanaag pa rin niya ang mga panahong binubuhat pa siya, dahil ang mga paa niyang hindi pa kayang lumakad. Isang dekada na lumipas noong huli niyang nakasama ang ina. Kung nasaan man ang kaniyang ina ngayon, hindi niya alam. May nakapagsabing namatay sa isang aksidente, at may ilang nagbabalita na nakapangasawa na raw ng Hapon at nanirahan na sa ibang bansa. Alinman sa dalawa, batid ni Diwa na hindi na niya muling nasilayan ang kaniyang ina—kahit ilang saglit lang. Nagsimulang mamuhay mag-isa si Diwa noong napagdesisyunan niyang lumayas sa naging ina-inahang laman ng bawat mahjong-an sa Nagcarlan. Bukod sa lagi na lamang siyang pinauulanan ng sisi sa tuwing natatalo sa pakikipag-mahjong, nariyan ang ituring siya ng mas malala pa sa alagang pusa. Minsan pa nga, mas mukhang pagkain ng tao pa ang iniaabot ng ina-inahan ni Diwa sa mga alagang pusang laog kaysa sa kaniya. Nang siya’y lumayas, naging malawak na tanghalan ni Diwa ang parkeng malapit sa simbahan. Tanghalan, dahil dito niya naibubuhos ang bawat pait ng buhay na idinikta sa kaniya ng magsing-irog na Tadhana at Panahon. Napagkakakitaan noon ni Diwa ang panlilimos sa paMamagitan ng pag-awit at pagsayaw. Kun’di nga lamang dumami ang mga manlilimos—na ‘di hamak na mas malambot ang baywang at mas malamig ang boses sa kaniya—marahil ay isa pa ring hamak na manlilimos si Diwa. Dahil sa dumaraming homeless settlers sa parke, marami-raming manlilimos ang pinagtabuyan ng sangkatanudan—kabilang na rin ang dalagang si Diwa. Simula noon, nagpasalit-salit ng matitirhan si Diwa. Nariyan ang matulog siya sa ilalim ng garbage truck tuwing maaraw, o dili naman kaya’y sumilong sa saradong tindahan tuwing gabi. Ngunit madalas, pinalilipas ni Diwa ang antok sa isa sa mga sementadong upuan sa labas ng simbahan. Kapag may natitirang limos kay Diwa, nariyan ang basain niya ang buong katawan at damit sa paid public cubicles. Masuwerte na kung may natirang sabon o shampoo sa isa sa mga cubicle roon. Bibihirang may masobrang kuwalta kay Diwa upang makapaligo siya sa public cubicle. Sa apat na public cubicles na nakapuwesto malapit sa simbahan, isa lamang doon ang maaaring pagliguan. Sampung piso ang bayad. Maliit lamang ang paliguan—sapat ang puwesto upang makatayo’t makasalok ng isang latang tubig sa lumang container ng pintura. Tuwing sasapit ang pagkakataong makapaligo siya, nariyan ang ibuhos nang ibuhos niya ang nag-uumapaw na tubig sa nanggigitatang katawan. Napupuno ang tiles ng restroom ng kulay-lupa na tubig. Ang mestisang balat ng dalaga ay nalalantad mula sa nakapatong ng hile-hilerang libag at tubig. Dumadaloy ang tubig sa nabasang bestida ng dalaga; sapat upang bumakat ang malulusog na dibdib at mapupulang utong, umbok na puwitan, at balingkinitang pigura. Ilang hakbang lamang ay natumpok na muli ni Diwa ang simbahan ng San Bartolome. Agad niyang tinuptop ang hinihingal na dibdib, sabay punas sa butil-butil na pawis gamit ang likod ng kaniyang palad. Nang makapasok na sa pasilyas ng simbahan, agad niyang tinungo ang upuang malapit sa bentilador. “P’ede na siguro ‘to,” saad ni Diwa matapos ilapag ang pinatutuyong kandila sa direksyon kung saan nakatutok ang umiikot na bentilador. Binabasag ng maluwalhating katahimikan ang umiingit-ingit ang lumang bentilador. Sandaling pinagmamasdan ni Diwa ang bentilador. Kapansin-pansin ang nangangalawang na nitong balangkas at naninilaw na elisi. Kung hindi siya nagkakamali, ito pa rin ang nakakabit na bentilador noong isinasama siya ng kaniyang ina sa lingguhang misa. KUTITAP || pahina 10


Sa muling panpanhik ng ulo ng bentilador sa kaniyang kinauupuan ay ang sabay na pagpanhik ng kaniyang mga luha. Naalala ni Diwa ang lahat—kung paano ang kaniyang diwa ay nilakbay ang init ng yakap ng kaniyang ina habang nakakiling ang kaniyang mumunting ulo—pinipilit abutin ng tingin ang umiikot na bentilador. Sa mata ng batang Diwa, ito’y isang umiikot na tsubibong nakapagkit sa kisame. Kung paano naging kaaliw-aliw sa paningin ng isang paslit ang bagay na hindi niya nahahawakan, hindi ito maipapaliwanag. Nabasag lamang ang kaniyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang pagbagsak ng lumang paso. Pagkawasak; na para bang inilarawan ng mga bitak-bitak na bahagi ng paso ang bawat piraso ng kaniyang pagkatao. Katahimikan. Nakamata lamang si Diwa sa nabasag na paso, namuo ng parang bato ang buo niyang katawan, namanhid ang pakiramdam—para maunawaan niya ang lahat. Sa ganitong sitwasyon siya naabutan ni Pari Castillo, ang kura-paroko ng simbahan ng San Bartolome. Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay na pinagigitnaan ng mga gatla. Galit. Napatingin ang pari sa nabasag na paso. Galit. Sabay dako sa nakaupong dalagita na nakamata rin sa nabasag na paso. Galit.

At sa isang bigla, hinatak ng pari ang dalagita patungo sa kumpisalan.

“Ano’ng pangalan mo, hija?” “Diwa.” “May magulang?” “H-hindi ko alam.” “Edad?” “H-hindi ko na alam.” “Tirahan?” “Wala po.” “Ikaw ba ang bumasag ng paso?” “Y-yata po.” “Ano?” “O-opo, a e, h-hindi ko po alam.” “Uulitin ko, hija. Ikaw ba ang nakabasag ng paso?” “O-opo. Opo, ako po.” “Marunong ka bang bumasa ng iskripto?” “H-hindi po ako marunong.” “P-paano ka malilinis sa iyong kasalanan?”

Pinili ni Diwa na itungo ang ulo kaniyang ulo sa katanungang hindi niya alam ang isasagot.

Katahimikan.

Nananatiling nakatungo, hinawi ng pari ang manipis na kahoy na bumubukod sa kanilang dalawa. Sa unang pagkakataon, nakita ni Pari Castillo ang pigura ng dalagang kinakastigo. Sandali niyang nilakbay ng tingin ang bawat bahagi ng pangangatawan ni Diwa. Ang alon-along buhok na mula sa matagal na pagkakapuyod, ang mahabang pilikmata, ang mapulang labi na bumabagay sa bilugang biloy ng dalaga; at ang detalyadong balagat sa pagitan ng mapayat na braso, na nakapaimbabaw sa malulusog na dibdib ng dalaga. Sapat na ang natatanaw ng pari upang hubarin ang abito’t ilantad ang kaniyang salawal. Mula sa pagkakatungo ng dalaga, napansin nito ang pagbaba ng puting abito ng pari—na siyang nagpatingala sa kaniya.

Nanlamig ang katawan ni Diwa sa kaniyang nakita. KUTITAP || pahina 11


“Isubo mo ‘to.” “P-po. . .?”

Sa halip na tumugon, ipinasok ng pari ang tarugo sa bibig ni Diwa.

Halu-halong takot, kaba, at galit ang umiikot sa diwa ng dalaga—na hindi maipakita sa kaniyang pagkakabato mula sa pagkakaluhod. Naluluhang ipinikit na lamang ni Diwa ang kaniyang mga mata habang patuloy na inilalabas-masok ng pari ang kaniyang ari. Halos mabilaukan na ang dalaga sa ibinabarena sa kaniyang bibig. Bumabaligtad na ang sikmura ni Diwa sa pait-asim na dulot ng pinagsamang dumi at pawis ng matanda. May kung anong puwersa ang umiinog sa dalaga; mga busal na tumatakip sa kaniyang bibig, mga kadenang pumupulupot mula sa leeg, braso, patungong hita at paa, mga bilog na bakal na tumitigil sa kaniya sa paggalaw at paghingi ng tulong. Gusto ni Diwa na tumigil na ang takbo ng oras, gustong-gusto niya. Halos maubusan na siya ng luhang hindi maihikbi, na natatabunan ng ingay mula sa umiingit na lumang bentilador. Napatingin ang dalawang mata ni Diwa sa bentilador. Kahit may elisi’t makina ito, hindi ito makaaalis katulad ng mga nagliliparang eroplano sa bughaw na langit. Habambuhay itong mapipigilan ng kurdon. Magkatulad sila ni Diwa, na kahit anong lipad ng kaniyang diwa—hindi pa rin niya magagawang pigilan ang lahat.

Mananatiling di-makalilipad ang kaniyang diwa.

Ice

ni Daniel Jude Manjares

The freezing tundra conquered the barren lands of Tiksi. All the people gathered their supplies for the unusually ferocious cold weather that has begun to surround them. Wolves and tigers escaped to the south, in the hopes of escaping the white, cold hell that slowly approached the region. Birds flew eratically, seeking refuge from the cold death. Trees shed their leaves and hibernated – like the giant bears that now slept in stony caves. A few types of fish were able to repel the icy death, thanks to bodies that can resist freezing temperatures. Seals rejoiced in the weather, as they waited a long time for it. Fishing will now be easy for them, as penguins cannot live in the vast north. Eskimos favored the tundra on the Alaskan Peninsula, Norwiegians tied their reindeers inside stables. Inuits on Kajuittog were delighted by the coming snowstorm and packed their harpoons and oil lamps early. Walruses sought someplace to hide from predators: sea lions, seals, and even other blubbers on their clusters. People were either frightened senseless or overjoyed by the approaching snowstorm. Soldiers of Novaya Zelmya slept happily in their barracks because of the impending storm. Their commander, Nikolai Yeltsin, canceled the nuclear bomb testing that day. It was heaven for them. To sleep in peace for almost twenty-four hours undisturbed was a blessing. A sweet reward. Personnel in Svalbard’s Seed Bank shut their doors, which automatically meant a day off from work. They were already dreaming about sleeping as they locked the doors of the Seed Bank. One person dreamt of transforming into a brown bear sleeping out of hibernation. A few residents of the icy islands took shelter in their basements. Hotel Longyearbyen advised its guests to stay inside and turn on their heaters. One wealthy man on vacation turned on the television at the hotel lounge and watched the news. He cannot understand it, as the news was in Russian. The hotel bartender, who KUTITAP || pahina 12


was born in Petropavlovsk, offered to translate for the guest. He thanked the bartender. While drinking scotch, the bartender translated the news for him: he said that a massive snowstorm, with an estimated power of 430 kilometers per hour, will circulate the whole northern region of Earth and it was the strongest snowstorm recorded in the history of mankind.

The guest just shrugged at the news.

Scientists based in Alert, Queen Victoria, Thule, and Godthab barricade their stations with steel bars and thick walls of ice blocks. They knew that they will either die because of the ferocity of the impending snowstorm or their station will be destroyed first before they all died of hypothermic shock. They were still hoping. For a miracle. The snowstorm quickly engulfed Tiksi. The winter animals ran for their lives. Birds were taken away by the massive winds caused by the storm. Trees can no longer grip the frozen soil with their woody roots because of strong winds. They eventually gave up, one by one. The trees were pulled up and about, then hurled far, far away. Even the thick-scaled fishes froze to death. Seals was now in sorrow as they die in the cold, while penguins are lucky, and bathing under the sun on the south. Eskimos slept inside their makeshift houses and igloos as the storm was slowly erasing their existence. They were wrong in what they expect. Instead of crying, they wholeheartedly accept their demise. Inuits froze while walking towards the frozen sea.

Walruses and sea lions watched the storm as it swallowed them into oblivion.

The seals were more melancholic.

The soldiers in Novaya Zelmya will never be able to wake up again, as the nasty snowstorm destroyed their came. It dragged all of their bodies and flung them to unknown locations. The cold killed them instantly. The nuclear bomb in the camp became unstable and a meltdown ensued. Personnels in Svalbard may never escape the Seed Bank as almost eight feet of snow covered the main entrance, now for good. It is now the quest for survival for all of those inside the underground place. The basements were never helpful, it only made the residents suffer a slow, painful and freezing death as thirteen feet of snow was above them. The dreaming personnel finally fulfilled his dream of becoming a brown bear who will hibernate for eternity. The snowstorm crumpled Hotel Longyearbyen like a wad of gum inside a newspaper. The wealthy guest gulped the remaining scotch in his glass before being destroyed by the storm.

Pasko ni Lolo ni John Benedict Bagtas

I.

Apo

Sa loob ng kulungan na iyon, sabi ni Mama, nabubulok na si Lolo. Dahil sa sibol ng Kapaskuhan, kailangan namin tugunan ang paminsan-minsang pagdalaw. Iyon ang pagkakataon na muling nabanggit ni Mama si Lolo. Binihisan niya ako ng magarang bestida, ibinili ng bagong sapatos, at inayusan para raw presentable sa mata ni Lolong hinihimas ang mga bakal na rehas. KUTITAP || pahina 13


Tahimik na babae si Mama. Hindi siya mahilig magkwento, kaya wala rin akong masyadong alam tungkol kay Lolo Densyo. Ang alam ko lang, sabi ni Mama, nakapatay ng tao si Lolo kaya siya nakulong. Si Mama raw mismo ang nagsuplong sa kaniya sa pulisya.

“Ma, alam ba ni Lolo na pupunta tayo sa kaniya?” tanong ko.

“Hindi, ‘nak. Sosorpresahin natin siya,” sagot ni Mama.

Nakangiti siya, pero pakiramdam ko, pilit iyon. Hindi umaabot sa mata niya ang saya.

“Batiin mo siya, anak, ha?” sabi niya.

“Opo, ma.”

II.

Kakosa

Sa pagdating niya rito sa Munti, hindi siya gaanong nagsasalita. Madalas, nasa sulok lamang siya. Hindi rin siya pinasiyang pagtripan ng mga kakosa namin no’ng bagong dating siya rito.

“Ano’ng kaso mo?” sabi ng warden.

“Nakapatay daw iyan,” sagot ng parak na naghatid kay Mang Densyo.

“Naku,” naisagot na lamang ng warden.

Sa loob ng ilang taon na narito siya, hindi siya masyadong nakihalubilo sa mga kosa. Madalas na ako lang ang kausap at kasama niya. Sabi niya, wala siyang anak na lalake, at kung sigurong nagkaroon siya, magiging kaedad ko ang anak na iyon. Kaedad ko daw ang anak niyang babae, si Christine.

“Mang Densyo, matanong ko lang, bakit parang ‘di ka ‘ata dinadalaw ng anak o asawa mo?”

Sabi niya, patay na ang asawa niya, at ang anak niya, hindi na niya alam kung nasaan. Iilang bagay lang ang nababanggit niya tungkol kay Christine.

“Magandang bata iyon. Mabait. Siguro, e me asawa na ngayon iyon.”

“Di niyo ho ba gustong malaman kung may apo na kayo?”

“Malamang meron na,” sagot niya.

Sa bawat pag-uusap namin tungkol sa anak at posibleng apo niya, parang mas nalulungkot siya. Malungkot sa Munti, pero kay Mang Densyo ko mas nakikita ‘yong kalungkutan na ‘yon. Ako man, nalulungkot sa kinahinatnan ko. Simpleng pagnanakaw, pero para akong basura kung ituring ng mga kamag-anak ko. Kita ko ‘yon sa mga mata nila kada pagdalaw nila sa ‘kin.

“Nga pala, Mang Densyo, meri krismas!”

Ngiti lang ang isinagot niya sa ‘kin. Parang may kahalo pang pait.

III.

Pagdating namin sa kulungan, hindi ko kaagad nakita si Lolo. Tinawag pa raw siya ng pulis. Hindi raw nasabihan na may dalaw

Apo KUTITAP || pahina 14


ang Lolo. Naupo kami sa mahabang lamesa, kung saan inilapag ni Mama ‘yong mga regalo namin kay Lolo. Nakakatakot ‘yong mga pulis, pero mas nakakatakot ‘yong mga preso. Sabi ni Mama, dito raw dinadala ‘yong mga masasamang tao.

“E ‘di, masamang tao si Lolo?”

Sabi ni Mama, nagkamali lang daw si Lolo. Pero dapat daw pagsisihan niya ‘yon. Matagal na daw nakakulong si Lolo.

“Hindi pa po ba siya tapos magsisi?”

Bago pa makasagot si Mama, nailabas na ng isang pulis si Lolo.

Matanda na nga siya. Kulubot ang balat, makintab ang mga mata, at medyo mabagal kumilos. Nakakalbo na rin siya; paubos na ang mga puting buhok sa ulo niya. Tumayo si Mama’t tumayo rin ako. Tahimik sila. Nagtinginan muna, pagkatapos ay umakap si Mama kay Lolo. Agad ding kumalas si Mama bago pa maitaas ni Lolo ang kamay niya para gumanti ng yakap kay Mama. Nagmano ako.

“Ito na ba’ng apo ko?”

“Batiin mo siya, ‘nak,” sabi ni Mama.

“Merry Christmas po, Lolo!” sabi ko, saka umakap nang mahigpit sa kaniya.

Nakita ko na lang na umiiyak si Lolo, pagkatapos, si Mama. Nag-iyakan sila. Hindi ko alam kung bakit. Pero karamihan ng mga nasa kuwartong ‘yon –mga bisita at preso –umiiyak din.

IV.

Anak

Dalaga ako nang mabuntis.

Nag-aaral ako no’n. Third year college. Nursing. Hindi kami ganoon kayaman, pero hindi rin naman kami sumasala sa pagkain. Laging may handa tuwing Pasko. Sabi nila, kung tutuusin, medyo maykaya kami. Si Papa kasi, may-ari ng automotive parts at talyer. Kung susumahin, malakas ang kita niya. Namatay si Mama pagkapanganak sa akin. ‘Di na ulit nag-asawa pa si Papa. Ang sabi niya, mahal na mahal daw niya ang Mama. Hindi raw niya ipagpapalit ito sa ibang babae. Kung meron man daw siyang ibang babaeng mamahalin, ako raw ‘yon—ang kaniyang kaisa-isang anak. Walang bisyo si Papa. Hindi umiinom at hindi naninigarilyo. Maituturing nang bisyo ang minsanang paglabas niya sa ‘kin, dadalhin sa mall, pakainin sa iba’t ibang restoran, at bilhan ako ng mga laruan. Mula pagkabata, lagi niya akong sinasamahan kung saan-saan. Maraming gabing magkasama kami sa kuwarto, kung saan kinukwentuhan niya ako tungkol kay Mama habang pinapatulog ako.

Pasko no’ng magbago ang tingin ko sa kaniya.

Hinihintay namin no’n ang noche buena. Sabi ni papa’y matulog muna raw ako at siya raw ay matutulog na muna rin. Gano’n ang ginawa ko. KUTITAP || pahina 15


Maingay sa labas nang dumilat ako. Madilim ang aking kuwarto. Naririnig ko ang ingay ng mga tao’t paputok sa labas. Alas onse na pagtingin ko sa orasan. Babangon na sana ako napansin ko na nakatayo pala si papa sa harapan ng pinto.

Hindi niya binuksan ang ilaw nang lumapit siya sa akin.

“Merry Christmas, anak,” sabi niya saka humakbang palapit. Sinara at kinandado niya ang pinto.

“Pa?” tanong ko. Hindi na ako bata no’n, may isip na ‘ko. At pakiramdam ko, hindi ang papang kilala ko ang kausap ko sa ngayon. Nag-umpisa akong kabahan. Maraming mga naglalarong pangamba sa isip ko. Ginapangan na rin ako ng takot.

“Pa, b-b-bakit po?”

“Sandali lang anak, may pag-uusapan lang tayo.”

Naupo siya sa gilid ng kama. Hindi ko maaninag ang mga mukha niya. Pero pakiramdam ko’y hinuhubaran niya ako isip niya. Hinawakan niya ang buhok ko, pagkatapos ay hinaplos nang dahan-dahan ang pisngi ko pababa sa leeg ko.

“Sandali lang ito, anak.”

Nagpumiglas ako, pero malakas si Papa. Inihiga niya ako sa kama, habang puwersadong tinatanggal ang mga damit ko. Nakasando lang ako at manipis na short noon. Malamig ang gabi, na lalong pinalamig ng takot ko at nginig. Nagmakaawa ako, pero hindi ako pinakinggan ni papa.

Masakit at mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko at ramdam ko ang bigat niya.

“Saglit lang ito, anak. Pamasko mo na kay Papa,” sabi niya, na lalong nagpanginig sa akin. Umaagos na ang luha sa mata ko. Sumigaw ako, ngunit nilunod lang ng putukan sa labas ang boses ko. Naramdaman ko ang pagpasok niya sa akin. Masakit. Puwersado. Nanghina ako, at sinamantala niya ‘yon para ituloy ang pagsasamantala sa ‘kin. Malakas ang langitngit ng kama dahil sa galaw niya. Iyak at ungol lang ang naiganti ko sa bawat pagtaas-baba ng katawan niya. Pabilis nang pabilis. Gigil na gigil si Papa.

Nang matapos ang lahat, bumangon siya’t tinakpan ako ng kumot. Hinang-hina at balot ako ng takot.

Lumabas siya, walang sinabi, sabay sara ng pinto.

V.

Ama

Sa ilang taong pagkakakulong ko rito sa Munti, ngayon pa lamang ako dinalaw ng anak ko. Hindi ko siya masisisi. Pagkatapos ng nangyari, sino ba ang kakayanin akong patawarin? Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Pasko noon, at kahit na hindi ko gusto, napainom ako. Sino ang nag-udyok sa akin? Ang kapatid ko. Ang totoo niyan, matagal na kaming hindi nagkita. Nang makipagsapalaran ako sa Maynila, siya nama’y nanatili sa bayan namin sa Bulacan. Matagal na panahon ang lumipas na wala kaming balita sa isa’t isa. No’ng gabing iyon, pinatulog ko ang anak ko habang naghihintay ng noche buena. Hindi ko na siya ginising nang dumating si Kadyo. Nagkuwentuhan kami. Ang sabi ni Kadyo ay hindi ganoong kaunlad ang buhay niya sa Bulacan, kaya nagpasiya siyang sundan ako sa Maynila, pero hindi niya alam kung sa’n ako matatagpuan. Nagpalipat-lipat siya ng lugar, hanggang sa matagpuan niya nga ang KUTITAP || pahina 16


tirahan ko. Sabi niya’y mag-isa lang siya sa buhay at medyo marami ang nakakaalitan. Ang sabi ko nama’y maari siyang tumuloy sa amin kung gusto niya. Sa paglalim ng gabi at pag-ingay ng paligid, naramdaman ko na rin ang tama ng alak na iniinom namin noon. Malakas uminom si Kadyo. Tulog ako kaagad. Paggising ko, pawisan si Kadyo na palabas ng kuwarto ng anak ko. May kakaiba sa itsura niya, at kahit na wala siyang sabihin, nabasa ko ang kasalanang ginawa niya nang gabing iyon. Hindi ako nagsalita, at hindi ako kumilos. Hindi ko rin alam kung ano ang nabasa ng kapatid ko sa mukha ko, pero nagtuluytuloy siya papunta sa pinto palabas ng bahay, at ‘di nag-atubili na tumakas. Pumasok ako sa kuwarto ng anak ko, at nakumpirma ko ang kinatatakutan ko. Ginahasa ang anak ko, na noo’y halos wala nang malay at may pasa sa mukha. Nilapitan ko siya at niyakap, pero nang matauhan siya’y nanginig at itinulak ako palayo. Bakas ang takot at galit sa mga mata niyang namumugto. Wala siyang saplot.

“Anak, patawad,” sabi ko, habang naluluha din.

Galit na galit ako kay Kadyo, pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagawa ko siyang patakasin.

Nang sumunod naming pagkikita, pagkatapos ng ilang taong pagtatago ko sa mga parak (isinuplong ako ng anak ko sa mga pulis, na hindi nakinig sa paliwanag ko), hindi ko na pinatakas pang muli si Kadyo. Gamit ang basag na bote ng Red Horse, ginilitan ko siya sa leeg, ang hayop na sumira sa pagkatao ng nag-iisa kong anak. ‘Di bale nang mabulok sa bilangguan at habambuhay na mapagbintangan—ang mahalaga’y mabigyan ko nang hustisya ang nangyari sa aking anak.

VI.

Anak

“Merry Christmas, pa,” sabi ko kay Papa.

“M-merry Christmas din, anak.”

‘Yon na ang huling Pasko na nakita ko siya. Huling Pasko na rin niya—bago siya binawian ng buhay sa loob ng kulungan.

KUTITAP || pahina 17


TULA

| ang paglaya mo, ina | kabilugan sa ilalim ng buwan | si aling washing machine | sa kahabaan ng gabi | mula sa lata | ekspidisyon | ru(g)bylita | kaibigan | number of razors inside | today i hope the sky opens and destroys my world | demon of hunger | sa dako roon


Ang Paglaya Mo, Ina ni John Kenneth Bea at Kayce Adriene Leigh Samonte

Maraming nagdidiwang,

Maraming nagluluksa, Sa iyong kinalalagyang sitwasyon— Aking inang bayan. Mas piniling kumapit sa banyaga, kahit pa mabitag tayo ng kanilang kataga. Nakalulungkot ang kinasadlakan mo, ang pag-asa kaya’y kailan mo muling matatamo? Nagpalinlang sa matatamis na pangako, Sinuko ang ‘yong perlas ng silanganan, Sa mga abusadong dayuhan, Maraming nagsakripisyo ng buhay, Maipagtanggol ka lamang. Saksi ako kung paano ka nila lapastanganin, Lubha na lamang kung ika’y kanilang tratuhin, Parang hindi ka isang ina sa kanilang mga paningin, Kailan ba ang araw na ang pag-asa nama’y iyong daranasin? Lumipas ang taon, Naghilom ang sugat ng kahapon, Ngunit nanatili pa rin ang mga pilat Na dulot ng nakaraan, Naging mapayapa ang lahat, Ilang administrasyon na rin ang lumipas, At makalipas ang tatlumpung taon, Nagbalik siya! Nagbalik ang bangungot ng kahapon, Sa katawan ng ibang tao, Nagbago ang lahat, Nangamatay ang mga inosente, Na hindi nabigyan ng tamang daloy ng hustisya, Nagpakain na naman sa kasakiman, muling nagnais na ang kayamanan ng bayan ay muli nilang matikman ang akala ko’y tunay na ang kalayaan ngunit hindi pa rin pala Nagpatuloy pa rin sila sa pagsira sa’yo, mga pangakong hindi na ginawang seryoso Nasaan na ang karangyaan? Na pangako niyo no’ng kami’y inyo pa lang nililigawan? Tila sa kasamaan ay tuluyan na akong nagpatangay,

KUTITAP || pahina 19


paano na ang piping inang bayan na umaasa sa inyong gabay? Ano nang nangyari sa’yo—O, bayan ko? Matutulad ba ako kay Elias; Na hindi man lang masisilayan, Ang pagbukang liwayway ng aking bayan, Bago ako Mamatay? Lagi bang gano’n magwawakas ang kabayanihan? Laging kamatayan ang kahahantungan? Mali bang ipaglaban ang mahal na bayan? Laban sa kamay ng mga mapagalipustang dayuhan at sariling mga kababayan? Pilipinas, sana’y matamo mo na ang iyong kalayaan. Hihintayin ko ang pag-usbong mo bayan ko, Hihintayin ko ang mga pagbabagong mangyayari sa’yo, Alam kong darating ang panahon, Na mapupunta ka sa nararapat na mamuno sa’yo. Hindi sa kamay ng mga taong gahaman, hindi sa kamay ng mga taong dulot sa’yo’y kapahamakan. Ipaglalaban ka naming mga manunulat, Sa tanikala ng masamang kahapo’y tuluyan ka nang tatakas, ang mga salita namin ang sa kanila’y magmumulat upang ika’y hayaan na nilang umalpas Sa ngayon, ako muna ang magliligtas sa’yo, Gamit ang aking lumuluhang pluma at matibay na papel, Magiging tagapagsalita mo ako, Isusulat ko ang mga gusto mong iwika sa mga kababayan ko, Nang sila na ay mamulat sa pagMamalupit ng administrasyon, Magiging kasangga mo ako, Hanggang sa huling hininga ko, bayan ko! Ilalatag ko ang mga utangal mong hindi nila marinig, ako ang magsisilbi mong tinig, upang makamit mo ang paglayang ipinagkait nila, Ako ang delubyong hahampas sa kanila, wawasakin ang mga maling paniniwala, At ang kapangyarihan nila sa’yo’y tuluyang mawala. Babangon kang muli, Pilipinas! At ang mga kanser sa lipunan ay magkakaroon na rin ng lunas! Ang lahat ay tuluyang magwawakas, sa paglaya ng isang ina na matagal ding inagawan ng lakas.

KUTITAP || pahina 20


Kabilugan sa Ilalim ng Buwan ni Gladez Garcia

Nangungulila sa iyong paglisan

Pilit na inaalala ang lahat-lahat Pilit kumakawala sa iyong sistema Ang aking sarili na puno ng pagdududa. Sanay naman akong mag-isa noon Pero bakit hindi ko na kaya ngayon? Ano bang nakain ko at nagkaganoon? Nalunod na ng tuluyan sa panahon. Hindi na halos makaahon— Sa iyong pagMamahal Na pilit binabaon— Sa limot at takot, tuluyang naigapos. Hininga ko ay kinakapos, Hindi na mairaos, Alam kong hindi pa tapos ang pagtutuos. Landas pa rin natin ay magkukrus. Maaalala mo sana, kung gaano ka kahalaga? Dahil kahit anong sabihin mo, mahal pa rin kita! Ngayon hanggang sa pagsapit ng umaga; Bilog na buwan ang aking kapara. Mananatili ka sa puso ko, sinta. Umaasang sa huli, ikaw ang makakasama.

Si Aling Washing Machine

ni Dexter Gragasin

¬¬Mahigpit talaga ‘tong si Aling Washing Machine, ‘pagkat mga damit kaniyang pinipilipit habang umiikot-ikot sa mabulang sabon-tubig. Mabibilib ka kung paano niya linisin, alisin ang kumapit na dumi sa gusgusing uniporme, pantalon, blusa, at maong. Pagkatapos noon, pupuwede nang hanguin. Banlaw na lang ang kailangan at maaari nang isampay sa sampayan. Mabuti na lang at nariyan; itong si Aling Washing Machine at paglalaba ni Inay ay bumilis. Naalis ang kaniyang pagkabagot. KUTITAP || pahina 21


Ikaw ba naman ang maghapong magkusot, tingnan natin kung ‘di ka mapapagod!

Sa Kahabaan ng Gabi ni Anna Patricia Adiaz

palaging mahaba ang gabi,

at pinaniniwala ako nito na dagat ang aking kama. kailangan kong hanapin sa mapagbalat-kayong kapayapaan ng asul na tubig ang aking hininga bago tuluyang malunod. hindi bumibigat ang talukap ng aking mga mata. alamat ang paghimbing sa pang-aakit ng dilim. sumayaw siya hanggang umaga sa saliw ng kaniyang bulong. nakinig ako at naniwalang hindi sumikat ang araw. palaging mahaba ang gabi, at pinaniniwala ako nito na wala itong katapusan. naghahanap pa rin ako ng hininga sa palalim nang palalim na dagat at nalulunod na ako.

Mula sa Lata ni Dexter Gragasin

mula sa lata lumabas ang sardinas na naliligo sa sarsa nagpupumiglas sa saya matapos pagbuksan ng abrelata nagbubunyi sa pagkakaalpas mula sa latang lalagyan

ngunit sa kagalakan hindi namamalayan biglang nadulas diretso sa pinggan bilang ulam ngayong hapunan. KUTITAP || pahina 22


Innocence

ni Mishareth Velado

december eve winds were cold as the days the sunlight kissed. those cold gazes of thousands of eyes singing christmas carols. a bang was heard. and the siren called. deck the halls! the eve was spoiled. the stranger calls, while snakes coiled beneath their skins hissing silently— they tucked ‘neath blue sleeves, the guns so easily.

Ekspidisyon ni Dexter Gragasin

Sisimulan ko na naman ang paghahanap sa malawak na dagat. Hahanapin ka sa mga bangka, sa salbabida, sa mga isda at mangingisda, sa mukha ng mga lumalangoy na turista, pero wala. Hindi kita matagpuan. Umaasa akong babalik ka pa; ang iyong katawan ng mga alon patungong pampang.

Tatlong araw na ring palutang-lutang, pasagwan-sagwan ang mga coast guard para ika’y mahanap, pero wala. Nasaan ka na ba? Huwag mo naman akong pinag-aalala; huwag mo namang ipinararamdam na sisimulan ko na naman hanapin ang iyong malamig na pagtatapos. KUTITAP || pahina 23


Ru(g)bylita ni King Vincent Salazar

Kumaskas

ang lata sa aspaltadong kalsada gula-gulanit na bestida ang suot ng batang si Rubylita. May dalang puting supot sa ilalim ng nagurisang saplot: suminghot, nanuot huminga, lumanghap humanap, inamoy Sirit na! Lumutang sa alapaap ang nabasag na diwa. Marahang tinawid ang daang tinatawag na tuwid— Sa gilid ng riles ng tren kung saan naroon ang lubid: sira-sira dikit-dikit wasak-wasak barung-barong na pawid. Nakadungaw ang karalitaan Kumakaway ang kahirapan Nakangisi ang mga gahaman Nagtatago sa alikabok ang karahasan. Kumaskas ang lata sa baku-bakong kalsada gula-gulanit na bestida ang suot ng batang si Rubylita. May dalang puting supot sa ilalim ng nagurisang saplot: nangatal, nagmasid umiyak, suminghot tumingala, humagulgol

sa inosenteng nakalimot. Marahang pumasok sa kulungang nakasusulasok: naroon ang demonyo naroon ang anghel naroon ang tahanan ng lagim. Rubylita... Bakit po ‘tay? Sa‘n ka galing? ‘Dyan lang po sa tabi. Kuwentuhan tayo... Ayoko po. Rubylita... Huwag po ‘tay! Ssssshhh... Tama na p— Huwag kang maingay! Um... Rubylita... Salbahe kayo! Bakit ka umiiyak? Maawa po kayo... Laro tayo. Hihihihi. Tumigil po kayo. Rubylita... Pagod na po ako. Mabait naman ako... Lumayo ka po sa akin! Sabing huwag maingay! Aray! Kumaskas ang lata sa makalat na kalsada gula-gulanit na bestida ang suot ng batang si Rubylita. May dalang puting supot sa ilalim ng dumudugong saplot.

Tama na! Bumalatay ang takot

KUTITAP || pahina 24


Kaibigan ni John Kenneth Bea

kaibigan,

kailangan mo ng tulong? hayaan mong tulungan kita, kaibigan, kailangan mo ng karamay? handa akong makinig sa mga daing mo, kaibigan, lumaban ka, pakiusap ‘wag mong hayaan na kitilin ka ng iyong problema, nandito ako, nakahanda ang bisig kong yakapin ka, nakahanda na ang damit ko na matuluan ng mga luha mo. pakiusap, lumaban ka, sabay nating harapin ang kinabukasan, sabay nating suungin ang dagat ng kalungkutan, nakahanda ang mga kamay kong alalayan ka, tutulungan kita, kaibigan, pakiusap, gumising ka sabay pa nating haharapin ang problema, gumising ka, walang magagandang dilag diyan. gumising ka, pakiusap, gumising ka.

Number of Razors Inside ni Mark Emmanuel Rodriguez

One, two and three,

to the prisoner of my ribcage: You can now go and be free, ‘cause you are now completely ruined and tortured by the rampage. You are the treasure in my chest, I’ll be numb without you, I’ll become relentless And I will die too. KUTITAP || pahina 25


Can I bury you deep down, in my flesh? I’m incomplete in this emptiness. Four, five, six, to the meatball in my head. Can you tell me what this feeling is, like I am undead? I don’t want to wake up, I live in my bed. There’s a thing that I keep overthinking, that’s the reason I weep. Seven, eight, I hate— that it’s too late to change. I still have faith, that you won’t take your bloody revenge. I’m dreamin’ while I’m awake, I’m drowning in my soul’s lake. Nine and ten, I’ll break the burden inside me, just see I’ll restart, to zero to avoid the mistake, then let me rebuild, once again.

Today I hope the Sky Opens and Destroys my World ni Rovenier Mago

Today I hope the sky opens and destroys the world

or perhaps just our house. No, what I meant, is just my room as I lay here breathing—dry and cold. Today, am looking forward to a tragic event. So excited that my story, this life— will now finally come to its most-awaited end. KUTITAP || pahina 26


Today I pray to fade away and leave this strife. Enough of being bold. Don’t want to fight anymore; I don’t want to make it out alive. Today, outside is the sun; but, oh, I see no light! It’s dark, it’s dark, inside me, it’s dark! I’m lost, I’m nowhere—wandering like a cordless kite. Today, am still on my bed searching for a spark, a spark for my collapsing mind and heart. I swear I would aboard should there be a ship embark to the gates of hades. So I wouldn’t be a part any longer of this decaying world. Today is just another day. Restart. Restart. Restart. Today, I hope the sky opens and destroys the world. Today, I hope the sky opens and destroys my world!

Demon of Hunger

ni Mark Emmanuel Rodriguez

Yeah, to all of us

Who can’t count the golden dust Who can’t fulfill their lust And who will not stop to ask. Our fulfillment is temporary. While hunger is a permanent demon Heaven or hell trip, still you need a coupon. You will die, you can’t live eternally. With your stomach and brain. Like a music box—singing for food. The drought will come, all crops will perish and waters of the land will drain. You will feel it in your throat This kind of hunger cannot be aborted. Somehow it can trigger your anger. Drink the whole of Knowledge River, still can’t fulfill your thirst.

KUTITAP || pahina 27


Sa Dako Roon ni Girlie Suniega

S

a dako roon ay nakita ko ang isang bata Gutom at uhaw sa karapatang hindi matamasa. Kay dungis na parang walang Inang kumakalinga Malaya nga ba kung sa lansangan siya’y nakatira? Sa dako roon ay nakita ko ang isa pang ale, Humihingi ng tulong sa bawat sulok ng kalye Nakalahad ang mga kamay sa isa pang babae, At sa huli’y iniwanan ng walang pasabi. Sa dako roon pa’y may isang Mama Nag-aabang ng mga taong mabibiktima. Sukbit ang patalim sa nanggigitatang bulsa Magnanakaw sa iba para ang anak ay maisalba. Sa kabilang dako ay may isa namang matanda Nakaupo sa gilid ng isang tambak na basura, Malapit sa isang sikat na kainan sa Ermita Naghihintay ng limos at pagkain na tira-tira. Lumingon ako sa magkabilang dulo kapagdaka’y napagtanto Ano bang mayroon sa mundong ginagalawan ko? Mga taong mataas pa ang ihi sa kabayo At mga taong lubog na lubog na ang kanilang pagkatao. Samantalang ang mga taong nasa bakod na mataas Patuloy na kasakiman ang kanilang ipinaMamalas Sa puwestong kinauupuan ay hindi makaalpas-alpas Sapagkat sa buhay, kapangyarihan ang tanging alas. Alas—upang ang mga Mamamayan ay patuloy pang apihin Lakas—upang ang mga tao’y patuloy pang utuin Inaabuso na tayo’y nagbubulag-bulagan pa rin Ano na lamang ang kinabukasang parating para sa atin? Nakapatay na sila’t lahat, todo pa rin sa pag-angat Ng kanilang mga mukhang ‘di matinag sa kunat Inaapi ka na nga’t lahat, sa pagkain ay sobrang salat Ngunit patuloy pa ring piring ang mga mata mong dilat. Isa kang puta ng bayan, bilanggo ng mga ulupong Hawak ang iyong nguso, sa pag-usad ay pagong Isinadlak ka na sa hirap, kanin mo’y laging tutong, Ang nakahain sa mesa’y laging tuyo at bagoong. Nais kitang yugyugin mula sa iyong pagkakahimbing Pilipinas, bangon! Bangungot na ay tapusin. Iyong pag-isahin ang bawat naming mithiin Na makamit ang inaasam na kalayaan ng lahi natin.

KUTITAP || pahina 28


SANAYSAY | five effective ways to be a “lodi-petmalu” manunulat |


Five Effective Steps to be a “Lodi-Petmalu Manunulat” ni John Kenneth Bea

“Lodi, how to be a petmalu writer po?”

Para sa mga katulad kong milenyal na manunulat na nahihirapan gumawa ng isang akdang pampanitikan, maraming hadlang sa pagsusulat. Aminado ako, kahit ang inyong lingkod ay nahihirapang sumulat, kahit maraming kumukonsulta rin sa ‘kin. Tila laging may pagtatalo sa pagitan ng aking utak at katawan: gusto ng katawan kong magsulat, pero wala namang maisip na tema o plot. Narito ang limang bagay na hindi lamang maari, bagkus kailangang taglayin bilang isang manunulat. Maaari itong gawin kung nagnanais gumawa ng isang akda; o karagdagang-tulong sa susunod pang pagsusulat.

1. MAGBASA Basic requirement ang pagbabasa, lahat ng mga iniidolo mong manunulat ay nagsimula rin sa pagbabasa. H’wag kang tumulad kay Marcelo Santos na hindi nakahiligan ang pagbabasa, pero patok sa masa ang ka-shit-an. Kahit noong bata ka pa, bago ka pagsulatin ng nanay mo ng iyong pangalan, tinuruan ka muna niyang magbasa. Siyempre, paano mo maiintindihan ang sinusulat mo, kung hindi ka naman pala nagbabasa. Tandaan, sa pagbabasa nagsisimula lang ang lahat. Maging masipag sa pagbabasa (at all times). Siyempre, sasamahan mo rin ng pag-intindi at pag-unawa ang pagbabasa mo. Himayin ang akda, suriin ang bawat detalye, alamin ang mga elementong nakapaloob dito. Kailangan nauunawaan mo at naiintindihan mo ang binabasa mo. Pag-aralan nang mabuti ang akda.

‘Pag nagawa mo ‘yan, congrats! Maari ka nang magtungo sa ikalawang hakbang.

2. MAGSULAT This time, lahat ng natutuhan mo sa pagbabasa ay ia-apply mo ngayon sa pagsulat mo. Isulat lahat ng ideyang nasa utak (kung cp ang gamit, i-type). Palawakin mo ang ‘yong imahinasyon. H’wag mong hayaang ma-tengga ang mga ideya at plot na naiisip mo. Lahat ng natutuhan mo sa pagbabasa, gamitin mo. Palawigin ang utak. Maging witty at creative sa pagsusulat. Laging pagkatandaan: WRITE NOW, EDIT LATER. Hayaan muna ang typographical error. Kung accomplish na ang pagsusulat, tumungo na sa ikatlong hakbang.

P.S.: Magsulat, hindi kumuha ng sulat ng iba. Bad ‘yon. Okay? Okay.

3. CRITIQUE H’wag mong itago ‘yang akda mo, beshywap. Aamagin lang ‘yan. H’wag kang matakot na ipapuna ‘yan sa mga kilala mong writer. Kung natatakot ka sa na laitin ang akda mo, it’s okay. Lahat ng writer ay dumaan sa gan’tong stage. Hindi ka gagaling at huhusay sa pagsusulat kung hindi ka tatanggap ng puna para sa iyong akda. Walang perfect sa simula. Kung anuman ang ibigay nila sa iyong payo, tanggapin nang maluwag sa puso. Next time nagagawa ka ulit ng akda, gamitin mo ang mga natutuhan mo sa kanila. KUTITAP || pahina 30


Pero, mga teh at mga kyah, h‘wag ka namang hambog. H’wag kang magagalit sa mga nagbigay ng puna sa gawa mo. Hindi mo lang nagustuhan ang punto-asintado niyang puna, iiyak ka na kaagad, o kaya naman, buburahin mo komento niya? H’wag gano’n. Itinatama nila iyan dahil may mas alam sila sa gan’yan. Kung ayaw mong mapuna ‘yan, mas mabuti ngang itago mo na lang ‘yan at patubuan ng lumot.

4. REVISE Ngayong nabigyan na ng puna ang akda mo, simulan mo na siyang i-revise. Bumalik ka sa umpisa, gamitin ang mga payo upang mapaganda ang akda. Umisip pa mg ibamg paraan para mas mapaganda ang akda. This time, double effort na dapat! TIMES TWO na pagpapalawig ng ideya ang gawin, mas bigyang pokus ang mga detalye na alam mong mahina ka. Palakasin lalo ang akda. Sa pagrerebisa ng akda, kailangan mo ng mahabang pasensya, napakahabang pasensya. Dahil iyong akala mong ‘okay na’ ay hindi pa pala sapat para sa standards ng iilan. Mag-research para mas lumawak ang iyong pag-unawa at para mas mapalawig mo pa ang iyong akda. Mas marami kang guguling oras para sa pagrebisa ng isang akda. Dahil dito mo mas hahasain ang talim ng iyong akda. Dito rin sa stage na ito, ang maraming beses mong pagpapalit ng mga salita. Kaya kailangan mo talaga ng napakahabang pasensya. Study harder.

5. BE HUMBLE Hindi porke’t gumaling ka sa pagsusulat, kailangan mo nang magyabang. Hindi porke’t naisama ang akda mo sa anthology book, ay itataas mo ang ego mong ukinam ka. Be humble, bes. Tanawan ng utang na loob ang mga taong tumulong sa’yo at naging kasangga mo sa ‘yong writing journey. Dahil kung wala sila, malamang hanggang ngayon ay nasa kangkungan ka pa rin nagsusulat. Iilan lamang iyan sa mga bagay na dapat taglayin ng isang manunulat. Laging tandaan lang ‘yan apat na ‘yan, at for sure, gagaling ka. TANDAAN: MAGBASA, MAGSULAT, CRITIC, REVISE, AT BE HUMBLE are the basic ways to be a good writer. Huwag mawalan ng pag-asa, balang araw ay titining din ang tinta ng iyong panulat at magiging katulad ka na ng mga lodi-petmalu mo sa pagsulat. Padayon!

KUTITAP || pahina 31


TAMPOK NA SULATIN | pantasya sa bansa kong tingi-tingi | fix ‘yon, fiksyon! |


Pantasya sa Bansa kong Tingi-Tingi Unang Karangalan, ika-9 na Saranggola Blog Awards, Sanaysay ni Marius Carlos, Jr.

Sa introduksyon ni Neferti Xina Tadiar sa kaniyang librong “Fantasy Production: Sexual Economies and Other Philippine

Consequences for the New World Order,” inilarawan ng kritik na si Tadiar ang pagkanta ng “We Are the World” ng isang prominenteng politikal na pamilya noong dekada sitenta, habang sila’y nakasakay sa isang pribadong yate. “We are the world, We are the children.” Ang pag-awit ng sikat na kanta na ito ay brinodkast sa telebisyon at napanood ng milyun-milyong Pilipino, sa panahon ng Martial Law. Ayon kay Tadiar, ang mga imahe ng prominenteng pamilya na ito habang sila’y kumakanta ng “We Are The World” ni Michael Jackson ay simtomatiko ng tinatawag na “fantasy production” sa isang Third World country. Bagamat marami na ang tumutuligsa sa terminong “third world” dahil matagal nang bumagsak ang USSR at ang Soviet communist bloc (na siya namang itinuturing na Second World), marami pa ring mga eksperto sa akademya ang patuloy na gumagamit sa terminong ito bilang pangmarka sa mga bansang tila naiwan na ng panahon pagdating sa industriyalisasyon, pag-unlad, at ang pinakamahalaga sa lahat ang pag-ahon sa kahirapang bunsod ng neokolonyalismo.

Ano nga ba ang fantasy production at bakit mahalaga ito sa pag-unawa sa isang bansa tulad ng Pilipinas?

Ang pagpapantasya, daydreaming o kahit pananaginip na lamang, ay isang paraan upang mailugar ang sarili at kapwa sa naiibang kondisyon at sitwasyon. Kadalasan, ang isang tao ay nagpapantasya upang takasan ang masasamang aspekto ng pisikal na realidad.

Posible bang magpantasya ang isang buong bayan?

Oo, at makikita ito sa iba’t ibang artefakt ng kultura tulad ng panitikan, social media, at mass media.

Ang pantasya ng pag-unlad at pagiging First World ang pinakamatinding pantasya ng ating bansa. Nakikita ito sa maraming aspeto ng pamumuhay ng Pilipino, mula sa sistema ng edukasyon na nakahulma upang manilbihan sa internasyunal na labangan ng murang paggawa’t manggagawa, hanggang sa lokal na kultura ng ‘tingi’ na ilang dekada nang naMamayagpag at walang senyales ng paghina.

Ano nga ba ang kulturang tingi?

Ang ‘kulturang tingi’, bukod sa pagiging paraan ng merkado upang makuha lahat ng klase ng mamimili, mula sa pinakamayaman hanggang sa pinakamahirap, ay bahagi rin ng fantasy-production ng bansa: na sa kaunting pera lamang, mapasasaiyo ang mga bagay na hindi mabili-bili ng bultuhan—dahil nga, hindi abot-kaya. Maraming bagay ang nasasakop ng kultura ng tingi. Sino nga ba ang hindi pa nakakikita ng anunsyo sa website, radyo, telebisyon, o diyaryo tungkol sa bagong sabong pambalat o pang-damit; na may taglay na di-mapantayang bango? O di kaya naman ay anunsyo tungkol sa bagong sigarilyo o alak na mas mura ngunit di-mapapantayan ang suwabe?

Lahat ng mga anunsyo at/o advertisements na ito ay saligan ng kulturang tingi, na kung titingnan mula sa malayong sipat ay KUTITAP || pahina 33


tila pagtanggap na lamang na hindi na makasasampa kahit kailan ang sambayanang Pilipino sa jeep na biyaheng Masagana, sa kanto ng Progreso at Kaunlaran. Ang ikonikong sachet ay emblematiko sa kulturang tingi sa Pilipinas. Ang sachet ay maliit, madaling bilhin, bitbitin, at ipamahagi. Bawat yunit ng sachet na tinitinda sa masang Pilipino ay may dalang pangako ng ginhawa, bagamat mahigpit ang sinturon at kailangang magtipid. Halos lahat ng personal na pangangailangan ay naititingi at naipapasok sa kapirasong sachet. Kendi, tsokolate, palaman sa tinapay, ulam, suka, toyo, mantika, paminta, shampoo, toothpaste, sabong mabango, sabong panlaba, mabangong pangbanlaw—walang katapusan ang mga bagay na isinisilid sa sachet. Isama na rin natin sa listahan ang ilegal na droga, tulad ng marijuana at shabu. Sino ba sa atin ang hindi pa nakabasa, nakarinig, o nakapanood ng balita tungkol sa mga nagtutulak o gumagamit ng droga tulad ng shabu? Ang ispektakel ay iisa tuwing may natitiklong gumagamit o nagbebenta: ang mga sachet ay ilalagay sa lamesa, at tatayo sa likod ng mesa ang mga nahulihan ng droga. Madalas, nakakahel na kamison na at nakaposas. Minsan, pasa-pasa rin ang mukha ng mga hinuli, ngunit hindi na pinapansin ito. Ang mahalaga, maipapakita sa taumbayan ang mga sachet na droga at makakapagtalumpati na ang hepe ng istasyon na nakipagtunggali sa mga puwersa ng kadiliman—ang mga taong gumagamit o nagbebenta ng shabu. Sa kasalukuyang daloy ng kasaysayan ng Pilipinas, masasabi natin na wala na sigurong mas kukulay pa sa ‘war on drugs’ na naglalayon daw na linisin ang bansa sa ilegal na droga o shabu. Kung ang pagbabasihan ng pananaw ay social media; maaaring sabihin na maraming natutuwa sa giyera na ito, at “salot” nga naman ang tinutugis ng pambansang kapulisan. Ngunit kung titingnang mabuti, ang giyera nga ba’y tungkol talaga sa mga sachet ng shabu na kinukumpiska ng mga pulis sa mga gumagamit o ang nagtutulak nito? Ganoon nga ba kasimple ang solusyon sa problema ng droga, sa bansang nagpapantasyang maging First World ngunit lugmok sa mga realidad ng bansang Third World? Sa aking sipat, ang ‘war on drugs’ ay nakasunod rin sa kultura ng tingi—na sa bawat operasyon ng kapulisan kung saan ang pakay ay mga sachet ng droga, naglalapat din ng ‘tingi-tinging’ solusyon ang estado sa sistematikong suliranin ng nasyon. Ang inilalahad lamang sa tuwina ay mga imahe ng mukha ng mga nagkasala sa lipunan. Ngunit ang tingi-tinging ebidensya ng tagumpay ay madalas nalulunod sa karumal-dumal na mga balita ng di-maipaliwanag na patayan. Madalas ang mga naMamatay ay nagmumula sa hanay ng hikahos sa buhay. Ang mga punerarya’y napupuno ng mga katawang hindi makuha-kuha ng mga kaanak dahil walang pambayad sa serbisyo. Bawat umaga, bumubulaga na lamang sa atin ang mga katawang iniwan o itinapon kung saan-saan; mga katawang madalas itinatali at ibinibigkis, bago lagyan ng karatula upang ipaalam sa lahat kung ano ang ‘kasalanan’ ng namatay. Kung pagtatabi-tabihin ang mga bangkay ng libu-libo nang pinaslang mula nang magsimula ang ‘war on drugs,’ siguro’y mapaiisip ka na lang din: tila hinahainan ang bayan ng mga sachet ng mga katawan ng mga maysala, dahil lahat sila’y binigkis, pinangalanan bago ipamahagi ang mga imahe nila sa sambayanan. Maraming nagagalit sa mga pumupuna sa ‘war on drugs.’ Marami ring nagsasabi na mainam ang karahasan, sapagkat natatakot ang mga ‘pusher’ at ‘adik’ na kumilos, dahil gusto pa nilang mabuhay. Natatakot ang tao na isilid din siya sa sachet ng karahasan at sa huli, pagkalimot.

Walang nakaaalala ng ngalan ng huling namatay dahil sa ‘war on drugs.’

At dahil ang mga taong naMamatay ay laging sinasabi “may koneksyon sa ilegal na droga,” maaari nating sabihin na walang ligtas, sapagkat lahat tayo ay maaaring sabihan na ‘pusher’ o ‘adik.’ Nagkukubli sa mga personal na interes at politika ang mekanismo sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Tayong lahat ay nakaasa na lamang kung ano ang kayang ibalita ng mga tunay na journalist. Kung tutuusin, maliit ang sipat

KUTITAP || pahina 34


natin dahil nakaasa lamang tayo sa kung ano ang kayang saliksikin at ibalita ng pribadong Mamamayan na nagkataon lamang na nagtatrabaho bilang mga tagapagbalita.

Hanggang saan kaya tayo kayang buhayin ng kultura ng tingi-tingi, at mga solusyong “band-aid� o pansamantala lamang?

Hanggang saan natin kayang tiisin na binubuhay tayo ng tingi-tingi ngunit ang ating pambansang pantasya ay maging First World? Siguro, kailangan munang suriing mabuti ang mga dahilan kung bakit tayo ganito. Nang sa gayon, makahanap na tayo ng mga solusyong akma sa aktuwal na mga problema.

Hindi yung tingi-tingi lahat—pati pag-asa ng pag-ahon ng bansa.

KUTITAP || pahina 35


Fix ‘Yon, Fiksyon!

Unang Karangalan, ika-9 na Saranggola Blog Awards, Ispesyal na Kategorya ni Maria Kristelle Jimenez

May Mga Taong Umaalma Na Ang Blog Site Na Ito \ Ay Nagbabahagi Ng FAKE NEWS; Pinapatunayan Na Hindi Iyon Totoo! | [100% REAL] = [LEGIT] = [NO HOAX] <CLICK NOW> ni Admin Mouh Kah

MANILA, PHILIPPINES—Kaliwa’t kanan ang pasaring ng ilang ‘netizens’ tungkol sa pagbabahagi ng blog site na ito ng mga fake news. Pinapatunayan ko ngayon na iyon ay hindi totoo. Ang mga ito’y pinapakalat lamang na akusasyon at ispekulasyon ng mga taong tumututol sa tamang pagbabahagi ng balita. Blogger lamang ako, hindi isang journalist. Pero, nakapagbabahagi ako ng tamang balita hindi tulad ng mga nasa media. Ang mga taong nasa likod ng media ay ginagawa lamang ang paglalahad ng “balita” para sa kanilang pansariling interes. Madalas nilang pulaan ang bawat bagay na nakikita nila; dinudungisan ang mabuting ehemplo ng mga namumuno, nililinisan ang kanilang mga kasangga sa paghahatid ng mga pekeng balita. Maliban sa pagpanig nila sa kanilang pinaniniwalaan, wala na sila naibahagi na mabuti. Naging biktima na rin ako ng fake news. Lalo na yung sinasabi nila sa EJK at pagsigaw ng ilang tao ng ‘human rights’ dahil sa panonokhang? Nakasasama ng loob. Hindi pa rin nila nababatid na ito ay isinasagawa upang sugpuin ang krimen. Kung may mga naMamatay man na mga inosente, hindi iyon kasalanan ng ahensya at sangkapulisan. Kasalanan ito ng kapabayaan sa sarili. Nababatid naman ng lahat na ang paligid ay naging huntahan na ng panghuhuli, bakit lumalabas pa rin? Kapag may naMamatay na adik, galit. Bakit hindi kayo magalit kapag may napapatay ang mga adik? Pero, hindi ako nagbabahagi ng pekeng balita—nagbabahagi ako ng tamang balita. Balitang tama sa administrasyon. Balitang tama sa masa. Balitang totoo at walang kinikilingan. Marami akong mambabasa. Madalas, ang mga mambabasa ko na rin pumuprotekta—este tumutuligsa sa mga pasaring ng ilang netizens. Marami rin sila kung gumawa nang social media accounts kaya dumudoble’t tumitriple pa ang sakop ng ‘online community’ ko. Kaya ang siste, dumarami ang nakababasa ng mga artikulong swak sa masa. Hindi ba’t ito naman ang batayan ng pagiging totoo ng isang balita? Na kapag marami na ang mambabasa’t naniniwala, totoo at reliable na rin itong maituturing. Lalo na kapag nagiging ‘trending’ na ito sa Facebook! Naku, napakarami pa man ding Facebook account ang mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Hindi pa kasama rito ‘yong mga dummy account na—a, e, basta ‘yon. Maraming naniniwala sa akin kaya totoo ang mga ipinapahayag ko. Ibinabalita ko ngayon sa lahat na ang blogsite na ito’y hindi kabilang sa tagapaghatid ng fake news. Hindi ko na para sundin pa ang ginagawang porma sa mga dyaryo, magasin, palabas sa telebisyon, at iba pa—dahil iyon ay para sa akademiko lamang. Hindi na kinakailangang maging pormal ang pagbabalita ko. Dahil ang pagbabalita ko nama’y pagpapasa ko lamang ng saloobin ko sa isang isyu. Tutal, gusto ko rin namang iparating ang nadarama ko sa aking mga mambabasa. Hindi ko para gayahin ang mga taong nasa media. Para saan pa ba ang byline? Para saan pa ba ang headline? Para saan pa ba ang realiable photographs? Para saan pa ba ang maayos na lead? Para saan pa ba ang fact-checking? Para saan pa ba ang concrete detailing? Ang lahat ng iyo’y ginagawa lamang sa ngalan ng pormalidad. Mga balitang sumusunod sa tagubilin at porma nito. Paano na lamang ang mga balitang may layunin na makapaglibang at maghatid ang pansariling opinyon?

Heto ang balitang inihahatid ko sa inyo. Isang uri ng balitang isinisiwalat, kadikit ang pansariling opinyon at ideyolohiya. Heto KUTITAP || pahina 36


ang balitang alam ko, na nalalaman na rin ng lahat. Taliwas man ito sa napapaskil sa mga tabloid, ang mahalaga’y may mga mambabasa ako. Ayon sa Wikipedia (realiable source ito dahil online), ang fake news ay isang uri ng ‘yellow journalism’ (take note: Y-E-L-L-O-W) o propagandang binubuo ng sunod-sunod na maling impormasyon o ‘hoaxes’ na ipinapakalat sa paMamagitan ng paglilimbag o pagpapaskil sa social media. Mayroon ding tinatawag na fake news websites na nagpapaskil ng mga pekeng balita na sumasalungat sa tunay na balita. Hindi katulad ng mga satirikong balita, ang mga artikulo sa fake news websites ay kinokonsiderang totoo at mahalaga. Hindi na kataka-taka kung bakit maraming websites ngayon na maituturing na ahente ng mga pekeng balita. Mabilis namang malaman kung ano ang totoo sa hindi, di ba? Isa sa pinakamagandang halimbawa ng isang balita ay ang blog site ko. Maliban sa paglalagay ng makatawag pansin na pamagat (na binabansagan ng ilan bilang ‘clickbaits’), ang mga balitang inihahatid ko’y limitado lamang ang datos. Hindi na rin naman kasi kailangan ang mga ganoong detalye. Dagdag-ligoy lamang sa balita. Mas mahalaga na nakapokus lamang ang mga balita sa dalawang oposisyon: pagpuri at paglait. Dalawa lamang ang mukha ng balitang inihahatid ko. Maaaring itutok ko ito sa tingin ng pagpupugay sa kabutihan ng isang tao o ahensya; at maaari ko ring itutok ito sa pagkundena sa kanila. Hindi na kailangang ilatag ang pagpapalitang-kuro sa isyu. Ang isyu ay dapat sa prominenteng tauhan ng balita lamang nakatingin. Minsan, nilalagyan ko rin ng ilang istatistiko ang mga balita ko. Yung nadadampot ko lamang online. Bakit ko naman kailangang gawin pa ang field work, di ba? Kaya nga nabuo ang teknolohiya, e. Para tulungan ako sa isinusulat ko. Kesehodang hindi na ako matapatan ng sinag ng araw at matilamsikan ng tubig-ulan. Sa paglalagay naman ng mga larawan, hindi ko na rin kinakailangan na sumalang sa mismong lugar upang kumuha ng larawan. Napakaraming public domain pictures na internet. Malawak naman ang pang-unawa nila sa kasalatan ko ng tumpak na larawan at ang paggamit na lamang ng simbolismo nito. Mas importante naman ang artikulo. Higit kaysa sa mga larawan. Makatawag-pansin ang mga headline na ginagamit ko. Sinisiguro ko kasi na mapukaw ko ang mga interes ng mga mambabasa upang i-click at basahin nilang mabuti ang isinusulat ko. Kung mali mang maituturing ang mga headline na ginagamit ko, nakatitiyak akong mas mali ang balarila ng ilang nasa media. Lalo na yung naglalabas ng maling detalye sa pamagat pa lamang. Katulad na lamang ng pekeng balita na diumano’y pupugutan ng ulo pagkalabas. Hindi hamak na masama ito kaysa sa mga headline ko. Pinatutunayan ko lamang sa makababasa ng blog site ko na ito’y hindi fake news. Laganap na ang mga content na maaaring magbahid sa inyo ng maling impormasyon. Maraming mga balat-kayo, nagtatago sa imahen ng magandang layunin ngunit may kasula-sulasok na gawain—na kung ilalagay sa balangkas sa social media ay tutumbas sa relasyon ng fake news websites at fake news writer-bloggers. May ilang tinig na nakahimlay sa mga burak, na ang layon ay kutkutin ang kokote ng mga mambabasa hanggang sa matapik nito ang switch na magbubukas at magpapakita sa kanila ang kaibahan ng totoo at hindi. Ang mga mapanuring mata ay nababatid ang tunay at totoo. Ang paggamit ng obhektibo, rasyonal, at radikal na lente sa mga kritikal na usapin ang siyang magwawaksi sa dilim na hatid ng huwad na mga balita.

Ang lahat ng isiniwalat ko hinggil sa fake news ay—teka, ano nga ba yun?

na.

I invit—I invad—I involv—I invoke my rights against self-discri...di...d­iscrimination? Ay, oo nga pala. Incrimination po. Pasensya

KUTITAP || pahina 37


PROSA | detalye |


Detalye ni Reynand Manaois

Naaalala ko pa.

Kung kailan, saan at paano.

Kung kailan himbing ang higa sa parihabang karton. Kung saan tumatae ang triyanggulong sistema.

Kung paano ka bumulong sa mga santo’t santa.

Naalala ko pa.

Kung kailan isinabit sa iyong leeg na parang medalya, ang kuwadradong karton.

Kung saan ka inagawan ng iyong mumunting karapatan.

Kung paano sinagot ng mga pinakawalan nilang bala ang pagmamakaawa mo.

Naaalala ko pa.

Puyat na pasado alas onse.

Sa laspag na eskinita.

Nakaluhod, pinasabog ang iyong mga musmos na ideya.

Naaalala ko pa ang kailan, saan at paano.

KUTITAP || pahina 39


PIKSYON | a letter for pamela |


A Letter for Pamela ni Daniel Jude Manjares

2309 Khomeini St. Al-Qasif District, Rufaah Sana’a, Yemen P.O. Box 12980 1228 Mayelewa Drive Me’tla Rd. Hallesutra, Noakchot, Mauritania Pamela, How’s our son Mundiswa doing? Can he walk now? Can he count numbers? Recite the alphabet? Send me a picture when he finally goes to kindergarten. The weather is good here, so the people. They are very friendly, and we just had a feast yesterday at the quarters. On my stay here for almost a year, they taught me the true meaning of our mission and agenda, and I myself admitted, that our fight is really worth fighting for. After it, we all kissed our flag—which is black in color and bearing the words “Muhammad is the prophet of God”. We are also trained to use weaponry, how to blend in a crowd, navigating places without the use of any GPS, only maps. Our scout leader, Muhammad Julkifli Ibn-Sayyad al-Waadi, taught us on how to make an improvised remote controlled device. My friend, Salman, will go to Paris this week with his device attached to a vest concealed in a jacket with random sharp objects. While the crew is attaching the vest with lots of components and wires on it, he jokingly said that he will be turning as the first living ‘Terminator android.’ The feast is dedicated to him. After that, a group of videographers arrived at our place and recorded Salman while he wears the device. He mentioned several passages in the holy Quran and Salman talked about what he will be doing in Paris, and he just said that he was thankful in doing the act and he was so happy because finally, Allah will be so proud of him. The video will not be released on public until Salman’s mission is finally accomplished. After that, Salman hugged me and bids goodbye to me, and said that we will meet again in heaven. I smiled at him as he take his journey to Paris for the grand “explosion” that will happen and we are all sure that Salman’s mission will be the talk of the world for months and as an instrument for Allah to show our loyalty to him. Next week, I am going to New York for my long-awaited mission, at last. At last Pamela, I am going to meet the mighty Allah. Take care of yourself and promise me that once Mundiswa grows up, approach him, tell and convince him, to be like me. And after him, you can be a Jihadist too. Watch the news tomorrow, I believe that Salman will fulfill his mission. So am I. My lovely Pamela, see you in heaven. Tell Mundiswa that I love him always. And soon we will all meet each other again in the hands of Allah. For Allah and country, Ramedi

KUTITAP || pahina 41


REBYU | the solace system: music review |


The Solace System: Music Review ni Mishareth Velado

Once na naging fan ka ng symphonic metal, manghihinayang ka na lang kung bakit hindi nasama ang ‘The Solace System’ at ‘Wheel of Destiny’ sa ikapitong album nilang ‘The Holographic Principle’. BACKGROUND INFORMATION Ang extended play na ito na kamakailan lamang ay ni-release ng bandang Epica mula sa Netherlands ay binubuo ng anim na awiting hindi nakapasok sa opisyal na tracklisting ng ‘The Holographic Principle.’

LYRICAL COMPOSITION Gusto kong itampok si Simone Simons (bokalista) sa bahaging ito dahil I’ve witnessed her writing progress magmula noong debut album pa lang ng banda. Obviously, naging mas malalim na ang viewpoint niya when it comes to virtual realities at sosyo-kultural na sitwasyon kumpara dati, and the title track itself — na siya ang nagsulat — says it all. Naging matalinghaga ang pagpapaliwanag niya ng sikolohikal na pinagdaraanan ng mga tao sa tuwing may bumabagabag sa kanila (salamat na rin sa ‘Architect of Light’ niya na patungkol naman sa mga personal na bangungot). Sa kabilang banda, na-generalize masyado ang konsepto ng reyalidad at pagsubok sa mga sinulat niya kung kaya’t hindi nabigyanghustisya ang birtuwal na reyalidad ng siyensiya: hindi ito nakapasok sa album nila. Gusto ko ring purihin si Mark Jansen dahil sa natatanging lirikong mahigpit kong nirerekomenda sa mga manunulat sa KADLiT— ang Wheel of Destiny. Naging ‘yin’ ito ng ‘yang’ na ginawa ng Divide and Conquer sa album nila. Tungkol ito sa mga manunulat na binubuwis ang buhay nila sa paMamahagi ng totoong balita at panunuligsa sa sosyo-pulitikal na termino. Masasalamin dito ang ilang katotohanang nagaganap sa mundo lalo na sa bansang Pilipinas kung saan nababatikos ang mga Mamamahayag. KUTITAP || pahina 43


“We have to bear the weight of truth We have to deal with all our moral sense That is how life has to be Let’s spin the wheel of destiny.”

RATING: 4.5 stars sa lirikal na komposisyon. Malaki na nga ang pinagbago nila

MUSICAL COMPOSITION If I would be chosen between the two eras of Epica music—The Quatum Enigma or The Solace System—I would rather choose the latter. The music are rich and complex in nature, and the excessive use of real-live instruments and synthesizers creates a promising musical composition. Once you removed Simons and Jansen’s vocals, the music are highly-recommended for video games with adventure and epic themes. Versatile and complex—dalawang salitang masasabi ko sa The Solace System. Maipagkukumpara ko ito sa Karmaflow video game pero in much sense na mabigat ang mixing sa pagitan ng metal at classical music. May angking bigat ang metal na masasalamin sa riffs at leads ni Isaac Delahaye pero hindi rin patatalo ang orkestral na komposisyon ni Coen Janssen. Nabago nang husto ang musika ng Epica dahil bukod pa sa naging highlight na nila ang lead ni Isaac, ay mas madalas na silang gumamit ng chorus at backing vocals. Parang may nagpasabog ng bomba sa kalagitnaan ng dula sa Broadway Theatre, salamat sa mixing ni Jacob Hansen. Sa kabilang dako, gusto ko ring ipunto dito ang ilang butas pagdating sa mixing. Una, ay natatabunan ng orchestral strings ang gitara at bass, which is unlikely dahil signature na ng Epica na hindi matabunan o matatalo ang isang bahagi nila. Pangalawa ay ang pag-mix sa vocals ni Simone. Natatabunan ito ng instrumentals at tila ba naging ka-level na lang niya ang choirs at backing vocals. Pangatlo, ay ang komposisyon ng track na ‘Immortal Melancholy.’ Na-release ang berysong akustiko, klasikal, at piano kung kaya’t may ekspektasyong may angas ang orihinal na bersyon nito, na siya namang pinabulaanan ng lead acoustic strumming ni Isaac. Speaking of Isaac, kudos nga pala sa songwriting skills niya. Pinatunayan niyang isa siya sa framework ng musikang Epica. Catchy at hindi redundant ang pagkakagawa niya sa musika na inayos ng banda mismo at ng prodyuser nilang si Joost van den Broek. Sa huli’t huli, sila ang makakapagsabi kung maganda nga ba ang ginawa nila. Ika nga ng isang rebyuwer, “Ang banda naman ang naglagay ng standards nila sa musika magmula noong naging matagumpay sa buong mundo ang The Quantum Enigma” nila. Aabangan ko lalo ang Epica Versus Attack on Titan EP nila.

RATING: 4.3 stars sa musika nila. Kaunting mixing pa. Maestro si Isaac Delahaye.

HIGHLY-RECOMMENDED TRACK/S: The Solace System at Wheel of Destiny

UNDERRATED TRACK/S: Immortal Melancholy

KUTITAP || pahina 44


INTERBYU | ‘da jepot kronikels: sa likod ng ‘witty jepot’ |


‘Da Jepot Kronikels: Sa Likod ng ‘Witty Jepot’ interbyu kay Jeff Dizon ni Maria Kristelle C. Jimenez

Patok na patok sa iba’t ibang social media sites ang pagku-comics. Iba’t ibang banat ng makulit na imahinasyon ang nabubuo sa ilang kahon ng isang comic strip. May ilang nakatatawa. May ilang nakalulungkot. May ilang mapaiisip ka kung paano nabuo. Isa sa mga papausbong komikero ay ang Witty Jepot. Marahil ay may ilan na sa inyong nakakikilala sa kuwelang comic strip na kinatatampukan ni Jepot, Makata, at ng mag-amang Ely at Jeff.

Heto ang naging daloy ng online interbyu kay Jeff Dizon, ang komikero sa likod ng kronikels ng Witty Jepot:

Out of the topic, ha? Noong nauso ‘yong “T*ng*na mo, Jepoy Dizon,” ni minsan ba’y na-offend ka?

Sino si Jeff Dizon sa tunay na buhay?

Yes. Ayokong-ayoko (kasi) ng mura, lalo na ‘yong PI.

Ay teka, si Jeff sa tunay na buhay? Nakatatakot akong lapitan kasi nakakunot lagi noo ko. Mukhang suplado at seryoso. Well, seryoso naman talaga ko. Pero kapag kinausap mo na ‘ko, tsaka mo makikita ang mga dimples ko na apat. Tigdalawa sa isang pisngi. Kidding aside, siguro pinanganak na ‘kong komedyante. Lahat kaming magkakapatid, (may pagka)komedyante. Mahilig ako sa musika. I appreciate all the genres. I make music, I compose. Pero frustrated singer ako. I do drums and guitar. KUTITAP || pahina 46


Kailan ka nahilig sa pagku-comics?

Elementary pa ‘ko nahilig sa komiks, mga 1998 onwards. Kasi nga, wala pang social media noon. Lahat sa papel. At saka ‘yong libre sa philippine star nuon twing linggo. Atsaka kapag nagpapabili ang nanay ko ng dyaryo, kinukuha ko yung lifestyle kasi andun yung komiks

Ano ang iyong unang comics? Kailan mo ito ginawa?

Unang komiks ko (ay) noong grade 5 ako. That’s 1999. Ang title, “Butot.” Na nagkaroon ng tatlong volume.

Naranasan mo bang mahirapan sa pagbabalanse sa oras bilang komikero’t ama? Ano-anong problema ang iyong naranasan hinggil dito?

Hanggang ngayon inaaral ko magbalnse ng tatlong bagay: passion (including music and arts), family, and work. Weekdays si trabaho, Sabado si passion, Linggo si family. Paano mo kino-conceptualize ang iyong komiks? May proseso or ritwal ka bang ginagawa? Pagko-concept? Kung ano makita kong bagay, on-the-spot ko gagawan ng kuwento at joke. Halimbawa, ulam ko sa lunch itlog maalat. Ayun, magagawaan ko na siguro ng kuwento iyon na nakakatawa. Mga everyday routines, gagawan ko ng kwento. Meron ako laging dala na notebook and pen to jot it down kasi makalilimutin din ako.

Kailan sumagi sa iyong isipan si Jepot Pototot? Saan mo nakuha ang inspirasyon na magkaroon ng hyperrealistic approach—kung saan nakakapag-interact ang comic strip segment sa mismong komikero nito? A month ago, nag-join ako sa GUHIT Pinas out of curiosity. Sinubukan ko mag-post ng artworks and okay naman ang approach ng mga ka-GUHIT. Then nu’ng nag-post ko ng isang comic strip, ayun humataw. Someone suggested na gumawa raw ako ng page kasi may mga naghahanap kung may compilation daw ba. Gumawa ako. Kaya ayon, isinilang si Jepot. Sa approach naman, actually hindi ako ang original ng ganiyang approach. Kung fan kayo ng Marvel Comics, matagal nang ginagawa ‘yan ni Deadpool, nung komiks pa ito. Maski nu’ng nasa movie na ito. Nagfo-fourth wall break na ito (Deadpool).

Ano ang maipapayo mo sa mga nagnanais sumubukan ang pagku-comics? Sa mga nahinto sa pagkucomics? Payo? Tulad ng lagi kong sinasabi, “Palibutan mo ang sarili mo ng mabubuting tao, mga masasayahing tao. Punuin mo ang puso mo ng mga positibong bagay, at magpasalamat sa Panginoon.”

Saan namin matatagpuan ang ilan mong likha?

Maliban sa Facebook page na “Witty Jepot,” ang mga iba ko pong likha ay nasa personal Facebook page ko na JEFF DIZON. May mga albums po doon katulad ng “pens, pencils and papers” at may album din na “level up” na doon po makikita ang mga tattoo works ko po.

KUTITAP || pahina 47


SAMU’T SARI

| koleksiyon ng mga larawan at guhit mula sa mga miyembro ng katipunan ng alternatibong dibuho, liriko, at titik |


SUNSET

| mobile photography | carvin jorge |

WHAT THE...SMOKE? | mobile photography | joey crisan landingin | KUTITAP || pahina 49


LARUAN SA APLAYA | mobile photography | reynand manaois |

KUTITAP

| crayon and pencil art | glades garcia |

BOHEM

| mobile photography | joan manaois | KUTITAP || pahina 50


LARO

EKSPIDISYON

| mobile photography | dexter gragasin|

| mobile photography | joan manaois |

PROSTITUSYON | acrylic painting | jehannie mae francisco |

CORAL LIFE!

| mobile photography | marius carlos, jr. |

KUTITAP || pahina 51


KADLIT BULETIN

| mga kaganapan, paanyaya, at imbitasyon mula sa facebook group ng katipunan ng alternatibong dibuho, liriko, at titik |


ANO ANG DYIPNILAKBAY? PAGPAPASADA TUNGO SA LITERATURA’T SINING

Ang DYIPNILAKBAY ay ang kauna-unahang jeepney tour event na ilulunsad ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Naglalayon ang DYIPNILAKBAY na pagbuklod-bukludin ang mga manunulat, mangguguhit, maging ang mga nasa larangan ng teatro sa pamamagitan ng pagtungo sa iba’t ibang lugar na may kinalaman sa literatura’t sining. May mga magaganap na pagtatanghal, pagbisita sa mga museyo’t book warehouse, paglulunsad ng mga album at merch, at marami pang iba. Sa mga nais makilahok sa DYIPNILAKBAY, magkakaroon ng 250 pesos na registration fee. Ang nasabing bayad ay gagamitin sa pagrerenta ng pampasaherong dyipni na siyang gagamitin sa paglibot sa iba’t ibang lugar. Ang pampasaherong dyipni ay ilalagak malapit sa MRT Cubao Station. Ang pick-up station ay siyang magiging drop-off station din. Para sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik o mag-email sa kadlitofficial(at)gmail(dot)com. Halina’t makiangkas sa aming paglalagalag sa iba’t ibang ruta ng literatura’t sining!

KUTITAP || pahina 53


MGA MAY-AKDA | mga manunulat sa likod ng ikalawang isyu ng kadlit online magasin |


Marius Carlos, Jr.

| kontributor ng kadlit online magasin | head of literature ng kadlit fb group | founder | kritiko | mananalaysay | piksyunista |

Marius Carlos, Jr. is a freelance writer, literary critic and novelist. He spends all of his time worrying about the world and how it’s losing its head.

Maria Kristelle Jimenez

| kontributor ng kadlit online magasin | head of theater and arts ng kadlit fb group | mandudula | artista | kritiko | piksyunista | mananalaysay |

Si Maria Kristelle C. Jimenez ay isang patatas. Nagkukubli sa sagisag-panulat na Espermarya. Madalas tulog, bibihirang magsulat. Nagsulat ng bionote kasi kailangan.

John Benedict “Ace� Bagtas

| kontributor ng kadlit online magasin | head of music ng kadlit fb group | mang-aawit | kompositor | piksyunista |

Si Ace Bagtas ay isang writer, sociopath, patatas, mascot, rapper, porn addict, private stripper, at professional procrastinator na nakawala sa isang kulungan sa Asgard. Marami na siyang istoryang hindi naisulat at mga sanaysay na walang saysay. Mahilig siyang matulog at managinip nang gising, at trip din niya ang manghusga at manlait nang patago, at trip din niya ang laitin ang sarili niya, at trip din niya ang jowa mo. Kasalukuyan siyang nakahiga at iniistalk ang mga mahal mo sa buhay. Dodrawingan ka niya ng etits sa mukha kapag naging fan ka niya.

Anna Patricia Adiaz

| kontributor ng kadlit online magasin | reader-critic ng kadlit fb group | campus journalist | piksyunista | mananalaysay |

Si Anna Patricia Adiaz o marahuyo_ sa kaniyang sagisag-panulat ay isang teenager na maraming hanash sa buhay kaya pagsusulat ang binalingan. Kung hindi siya nagsusulat o nagbabasa ay sinusuyod niya ang social media sa paghahanap ng mga memes na nakadaragdag sa kaniyang will to live. Sa kasalukuyan ay wala siyang jowa dahil sapat na sa kaniya ang love-hate relationship nila ng kaniyang panulat.

Daniel Jude Manjares

| kontributor ng kadlit online magasin | reader-critic ng kadlit fb group | direktor | kritiko |

Si Daniel Jude Manjares ay isang slacker na nakatira malapit sa isang cheap na KTV Bar. Si Ishtak Stern. Si Sphinx. Si No Name. Bukod sa pagiging kupal, wala na siyang ibang alam na gawin.


Mishareth Velado

| kontributor ng kadlit online magasin | secretary of music and literature ng kadlit fb group | piksyunista |

“Anuman ang lumalabas sa bibig ng isang tao ang siyang nagpapasama sa kaniya ... and Gsas wept.” — Saikopatu 6:66 (International Zagan Edition) Matagal nang nasusunog ang kaluluwa ni Mishareth Q. Velado, o mas kilala bilang si Sai o Saiyee sa dummy world, kung pagbabasehan ang nasabing bersikulo. Malas lang nila na taliwas sa nakaugalian nitong magmura at mag-astang basura, palakaibigan at mahilig siya sa emojis. Bukod sa pagiging hayop sa Uncensored Philippines, nagbubuti-butihang anak-anakan ito ng KADLiT. Minsan kritiko, madalas mambabasa. Minsan manunulat, madalas takapakinig.

John Kenneth Bea

| kontributor ng kadlit online magasin | reader-critic ng kadlit fb group | piksyunista | mananalaysay |

Si John Kenneth Bea o mas kilala bilang si Juan ay isang feeling professional writer, readercritic ng ilan sa mga writing orgs sa bansa. Isa sa mga contributors ng KADLiT Online Magazine, kung saan natatampok ang mga akda niyang nanggaling sa simpleng pagkadyot ng ideya sa kan’yang utak. Ang kan’yang mga dagli, tula, maikling kuwento, at sanaysay ay natatampok sa mga sikat na magazine at antolohiya sa bansa, tulad ng Liwayway at Manila Times. Pero siyempre, lahat ‘yon ay hindi totoo. Siya ay pausbong pa lamang na manunulat at wala nang balak matulog dahil laging puyat. Siya rin ay isang malaking palamunin sa bahay nila. Siya ay kasalukuyang Grade 10 student ng San Jose National High School, at balak kumuha ng kursong Education. At siya rin ay gumawa ng bionote dahil kailangan daw, sabi ng all-parents.

Ang KADLiT ay itinuturing na niyang ikalawang pamilya.

Girlie Suniega

| kontributor ng kadlit online magasin | reader-critic ng kadlit fb group | fictionist | poet |

Si Gelai ay isang maambisyong kamote na ginagawa ang lahat upang maabot ang karurukrurukan. Mahilig siyang kumain at magluto. Mahilig din siyang magbasa ng mga katatakutan kahit na alam niyang pwede niyang ikamatay ito. Pagsulat ng tula ang kaniyang paboritong gawin. Isa siyang guro sa Ingles ngunit mas maalam sa pagsulat ng Tula sa Wikang Filipino. Mahilig din siyang tumawa at magsalita mag-isa kaya’t minsan ay kinakausap niya ang papel at pluma. Isang seener sa KADLiT dahil masyadong busy ang kamoteng ito. Ngunit babalik din kapag yumaman. HAHAHAHA!


Glades Garcia

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | guro | makata | piksyunista |

Si Glades Garcia ay simpleng tao na naninirahan sa dulo ng Pilipinas. Nangarap na makahanap ng kaibigan na magiging kaniyang sandalan. Sa paghahanap niya, nakita niya ang papel at panulat.Sumubok siyang magbahagi para ilabas ang kaniyang sarili sa mundo ng realidad.Gusto niya munang lakbayin ang ibang mundo. Doon nahanap niya ang mga katulad niyang uhaw sa bugso ng pagsusulat. Naging masaya siya dahil sa wakas, nakagawa rin siya ng akda na maipapakita sa iba ang tunay na siya. Taong puno ng pangarap at matatag kahit dumating pa ang sigwa.

Kimberly Dela Cruz

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | makata | artista | piksyunista |

Si Kimberly De la Cruz ay isang ordinayong tao na kung saan naligaw sa mundo ng pagsusulat. Isa siyang buhay na panulat at naninirahan sa lugar kung saan kandila ang kanilang simbolismo. Namamahala sa iba’t ibang birtwal na grupo sa larangan ng pagsusulat. Sa iba’t ibang perspektibo nakahanap ng mga inspirasyon sa pagsulat. Kinahiligan ang paglalakbay para sa pagpapalawak ng imahinasyon. Ang KADLit ang naging tahanan sa pagpapalago at pagtuklas sa iba’t ibang klase ng mga istorya.

Reynand Manaois

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | makata | piksyunista |

Nanganak ang pusa niyang si Meowsy. Pinangalanan niya ang mga ito ng Creepi at Creepo. Kapag mangangamoy ebak na ng kuting ang kanilang bahay ay pagagalitan na siya ng kaniyang Nanay. Huwag tularan si Reynand.

Rovenier Mago

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | makata | piksyunista |

Rovenier Mago is an aspiring writer and a poet. When he’s not writing, he’s reading while listening to his classic rock or jazz playlist—but when he’s not doing all of this, he’s playing with his cat or/and with stray or other’s cat/s.

Dexter Gragasin

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | makata |

Si Dexter Gragasin ay mangangatha ng tula. Nagkukubli sa sagisag-panulat na kaliwete. Madalas siyang makisalimpusa sa iba’t ibang wricon sa Facebook. Di-gaanong aktibo bilang KADLiT member. Masipag magpaskil ng mga akda. Tamad magrebisa.


Mark Emmanuel Rodriguez

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | makata | piksyunista |

Mark Emmanuel Rodriguez as Em Rodriguez is a fool frustrated writer who wanted to reach to the top using ladder while not steppping on humans. He keep being a low profiler ‘cause of his appeal to the crowd. He is a poet, trying hard short story writer, dying hard novelist — he keep trying to write some novel even though failure is his friend he will never stop dying until he break his limits, and he write some fucking essay too. He is very novice, he didn’t join to any WriCon personally, he had a 1 one attempt to join a spoken word poetry in people’s park but he choose not to join and read “Stainless Longganisa” ‘cause of his fish bone in his throat, he will definitely choke will saying a word. Overall his a dreamy writer. His immature skill still keep nurturing in process while in KADLiT Fam. He still a fool, wanted to gain knowledge in his horizon.

He is little bit emotionless and he hate emojizz, bitches!

King Vincent Salazar

| kontributor ng kadlit online magasin | miyembro ng kadlit fb group | campus journalist | makata | piksyunista |

Si King Vincent Gaudine G. Salazar o Hari Salazar sa kaniyang sagisag-panulat ay isang makata na tubong Oriental Mindoro. Siya ay kumukuha ng kursong Bachelor of Library and Information Science sa City College of Calapan at Literary Editor (S.Y. 2016-2017) ng The Innovators sa nasabing paaralan. Sa pagitan ng pag-aagaw-kulay ng liwanag at dilim sa mahiwagang daigdig, tiyak na doon mo matatagpuan si Hari Salazar. Namamangka sa nakulob na mga kaisipang nilamon ng talinhaga at gunam-gunam. Sa saliw ng kritisismong mga alon, makikita mong tahimik siyang namamalakaya ng mga letra upang makalikha ng mga katangi-tanging obra na ipapatianod sa rumaragasang ilog ng mundo. Mga obrang nagsisilbing liwanag sa pusikit na karimlang pinanday mula sa silakbo ng mga kamalayan. At sa pagitan ng kahapon at kasalukuyan, makikita mo ang liwanag na nagtutumining sa karimlan—umaapoy sa loob ng kan’yang puso at isipan.


MGA EDITOR | mga editor sa likod ng ikalawang isyu ng kadlit online magasin |


Marius Carlos, Jr.

| kontributor ng kadlit online magasin | head of literature ng kadlit fb group | founder | kritiko | mananalaysay | piksyunista |

Si Marius D. Carlos, Jr. ay isang kritik, awtor, at ereheng mahilig kumain. Tubong Cabanatuan City, Nueva Ecija, siya ay kasalukuyang consultant para sa isang kumpanya sa New York at kontributor-editor din sa iba’t ibang pambansang diyaryo at magasin.

Siya rin ang All-Father ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik.

Maria Kristelle Jimenez

| kontributor ng kadlit online magasin | head of theater and arts ng kadlit fb group | mandudula | artista | kritiko | piksyunista | mananalaysay |

Si Maria Kristelle C. Jimenez ay isang freelance blogger, editor, at proofreader ng ilang independent publishing groups sa kahabaan ng Laguna patungong Maynila. Naging proofreader at layout artist din siya ng ilang nailimbag na aklat ng Lapis sa Kalye Publishing, Eight Letters and Three Words, at Balanggiga Press. Sa ngayon, pina-practice na niyang maging mabuting maybahay at ina.

Siya rin ang All-Mother ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik.


KUTITAP

KATIPUNAN NG ALTERNATIBONG DIBUHO, LIRIKO, AT TITIK ONLINE MAGASIN | ISYU 2 | DISYEMBRE 2017

E D I T O R I A L

B O A R D

CHIEF CONSULTANT || MARIUS CARLOS, JR. LAYOUT AND GRAPHIC ARTIST || MARIA KRISTELLE JIMENEZ ILLUSTRATIONS || GLADEZ GARCIA | JOAN MANAOIS | REYNAND MANAOIS | JOEY CRISAN LANDIGIN DEXTER GRAGASIN | JEHANNIE MAE FRANCISCO | CARVIN JORGE PROOFREADERS || MARIUS CARLOS, JR. | MARIA KRISTELLE JIMENEZ CONTRIBUTORS || JOHN BENEDICT BAGTAS | MISHARETH VELADO | GIRLIE SUNIEGA JOHN KENNETH BEA | ANNA PATRICIA ADIAZ | DANIEL JUDE MANJARES REYNAND MANAOIS | DEXTER GRAGASIN | ROVENIER MAGO | KIMBERLY DELA CRUZ KAYCE ADRIENE LEIGH SAMONTE | KING VINCENT SALAZAR | EMMANUEL RODRIGUEZ



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.