BABENTE - Ikalawa sa Balita

Page 1

LUCKY LOTTO 7/69 | 1 , 7 , 4 , 56 , 23 , 45 , 69

LUNES | ENERO 14, 2019

NGAYONG SEMANA SEASON...

XXXTRASLACION,

DINUMOG:

MGA KRITIKO, UMALMA

FILIPINO ADAPTATION? MOCHA USON, BIBIDA SA PELIKULANG "KULUNGAN NG KALAPATI, ISANG TAHIMIK NA LUGAR"

PAHINA 2

PARA MA-SOLVE ANG TRAPIK SA KALAKHANG MAYNILA…

EDSA, GAGAWIN NANG ILOG! MMDA OFFICER, NAGSALITA NG KANIYANG PAHAYAG!

PAHINA 2

'HAYAAN MO SILA' NG ExB, GINAMIT SA NOISE BARRAGE

PAHINA 4

SOCIAL MEDIA WHITE KNIGHT, IKAKASAL NA!

PAHINA 3

5TH NNFF FILM FESTIVAL, NAGBUKAS NA NGAYONG ARAW PAHINA 7

PAHINA 6

JPE: “I LOVE J.COLE”


HEADLINERS ‘YAN

LUNES | ENERO 14, 2019

MOCHA USON, BIBIDA SA PELIKULANG "KULUNGAN NG KALAPATI, ISANG TAHIMIK NA LUGAR"

METRO MANILA—Nagsimula na kahapon ang taping ng Pinoy movie adaptation ng "Bird Box" at "A Quiet Place". Ang "Kulungan ng Kalapati; Isang tahimik na lugar" na pagbibidahan ni dating PCOO Asec. Mocha Uson.

Handang-handa na si Mocha Uson para sa pagpapalabas ng kaniyang pelikula. Aniya, nakailang practice din siya ng “Pacha Padrelante” para masiguradong perfect ang kaniyang performance. (mula kay MKCJ)

"At first, sa umpisa, medyo alangan po tayo, hindi naman masiyadong alangan, sakto lang, parang alanganin po na hindi. Siyempre po, dalawang pelikula po na pagsasamahin po sa isa, medyo po mahirap na isipin po pero nasa gabay naman po tayo ni Direk Joyce. Lalo pa na siya ang nagdirek noong SONA ng aking, este ng ating pinakamamahal na Pangulong Digong," kabadong paglalahad ni Mocha.Aminado ang dating super-duper-mega sexy dancer na ang napakagandang layunin at magandang aral na imposibleng makuha ng mga manonood mula rito ang nagpapayag sa kaniya para tanggapin ang proyekto. “Mabibigyan natin ng boses ang mga walang boses sa lipunang ito at mapapamulat natin ang milyong-milyong bulag na sa katotohanan sa tulong ng pelikulang ito,” aniya. (itutuloy sa pp. 3)

PARA MA-SOLVE ANG TRAPIK SA KALAKHANG MAYNILA…

EDSA, GAGAWIN NANG ILOG! QUEZON CITY—Suhestyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawin nang ilog ang kahabaan ng EDSA bilang solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila.

Sa panayam sa bagong talagang EDSA Traffic Manager ng MMDA na si Bong Nebrija, sinabi nyang hindi na mapapalawak pa ang EDSA at lalong mas mahirap magbawas ng sasakyan na dadaan sa nasabing kalsada.

Ang huling paraan na pagdidisiplina sa mga motorista ay hindi na rin daw epektibong naisasagawa.

Ayon sa MMDA, ang expected date sa pagtatapos ng proyekto para maging ilog ang EDSA ay walang kasiguraduhan. Pansamanatala, maaaring dumaan at maligo muna ang mga tao sa dagatdagat na basura sa kalakhang Maynila. (mula kay MKCJ)

"Masyado nang matatapang ang mga tao, hindi na marunong magbigayan. Kapag sinaway kami pa ang sisigawan, tapos ang iba naghahamon pa ng away," wika nya. (itutuloy sa pp. 5)

PAHINA 2


SHOWBIZXC

MOCHA USON, BIBIDA SA PELIKULANG "KULUNGAN NG KALAPATI, ISANG TAHIMIK NA LUGAR" (cont.) “Kaya mga dilawan diyan, nood kayo!” nawala na ang kabang pagkukwento ni Mocha. Inaasahang aabot ng dalawampu’t tatlong oras ang kabuuan ng pelikula. Mahahati ito sa tatlong parte: Posting, Cooking at Imitating. "First part was all about, her posting on Mocha Uson blog Facebook page na naka-blind fold at may masking tape sa bibig. Pangalawa is magluluto siya ng adobong pusit na may blindfold at masking tape din. And the last one, re-enactment ng buong Sona ng Pangulo. Siyempre, nang naka-blindfold at masking tape," pagbabahagi ni Direk Joyce De Ramas. Dagdag pa ng direktor na hindi naging sagabal ang pagiging mag-isa ni Mocha sa pelikula. "Ang galing nga ng batang ito, mag-isa lang siyang cast pero parang ang dami kong artistang dinidirek! Sinubukan nga naming tapusin sa loob ng twenty four hours itong movie. Kasi iyong mga entry nga namin sa MMFF nila Vice Sotto at Coco Ganda natatapos lang namin iyon ng isang araw, heto pa kaya? Kaso , hindi kinaya. Pero, matatapos na namin ito ngayon. Promise!" pagmamayabang pa ng direktor. Tatagal ng isang buong taon sa mga sinehan ang "Kulungan ng Kalapati; Isang tahimik na lugar". Ipalalabas ito pagkatapos ng madugong eleksiyon sa Mayo. *** (sa ulat ni Reynand Manaois)

BALITANG SAYDLAYNS!

MMFF BOARD, MAGKAKAROON NG ILANG "PAGBABAGO" SA PAGTANGGAP NG ENTRI PARA SA MMFF 2019

LUNES | ENERO 14, 2019

SOCIAL MEDIA WHITE KNIGHT, IKAKASAL NA!

Maliban kay Nyel Castfalse, mababalitaang ikakasal din si Sicariosxz Santos sa kaniyang long-time fucking buddy na si Jonaxxdelicious (mula kay MKCJ)

METRO MANILA—Labis na ikinagulat ng libu-libong marurupok at deprezzed peeps, lalo na ng mga kababaihan, ang biglaang paganunsyo ni Nyel Ted Castfalse ng kanyang nalalapit na kasal.

Ang nasabing balita ay talaga namang kumalat at naging usap-usapin sa iba’t ibang social media sites partikular na sa Facebook at Twitter kung saan sumikat ang nasabing puting kabalyero. Matatandaang naging tanyag si Nyel Ted Castfalse sa Social Media dahil sa kanyang mga sulatin tungkol sa iba’t ibang klase ng karupukan ng mga kababaihan. Ang kanyang mga sulatin ay talaga namang sumungkit hindi lamang ng kanilang mga puso kundi pati na rin ng kanilang mga panty. Minalas na nakapanayam ng aming team si Nyel habang siya ay namamalagi sa Manila at ayon sa kaniya, napukaw daw ng kanyang fiancée ang kanyang atensyon dahil sa natatangi nitong karupukan at kaharutan. Tinanong din namin kung paano niya ito nakilala. “Nag-message siya sa akin sa Twitter. Nagandahan daw siya sa sinulat ko tungkol sa mga deprezzed peeps. Deprezzed din daw kasi siya. So dahil sa peymhor ako, naging advantage ‘yon sa akin upang samantalahin ang taglay niyang karupukan. Saka nagpalandi rin naman siya sa akin kaya ayun,” kwento niya sa amin. “Marupok siya, as in! Yung tipong di ko na kailangang gumastos kapag nag-aaway kami kasi isang gawa ko lang ng generic na malanding status na pang-socmed, okay na agad kami,” dagdag niya pa. (itutuloy sa pp. 4)

PAHINA 3


SHOWBIZXC

LUNES | ENERO 14, 2019

SOCIAL MEDIA WHITE KNIGHT, IKAKASAL NA!

(cont.) Hiningian din namin siya ng mensahe para sa kanyang mahal na fiancée, “So ayun, babe! Be thankful kasi sa dami nang marurupok na dilag na lumandi sa akin, ikaw ang napili kong pakasalan. Sa dami ng panty na nasungkit ko, sa panty mo lang ako nahumaling. Stay marupok, okay? I love you!” Nagbigay na rin siya ng mensahe para sa kanyang fans, “Hi, mga babes! Maitali man ako nang nag -iisa kong babe, tandaan niyo ako pa rin ang Nyel Ted Castfalse na handang sumungkit ng mga panty niyo sa Social Media! Don’t worry marami pa namang isisilang na peymhor at saka available pa naman ang tropa kong si Prinz Keypad! Paunahan na lang. I love you all! “ Si Prinz Keypad ay isa rin sa mga sikat na white knights ng mga mahaharot nating kababaihan sa Social Media. Siya rin daw ang napili ni Nyel bilang best man sa kaniyang kasal. Hindi na nagbigay pa ng maraming detalye si Nyel sa nalalapit niyang kasal ngunit ayon sa aming medyo reliable na source na nagtatrabaho sa isang di kilalang printing shop sa Quezon City, naghahanda raw ang binata ng isang LSM o Long Sweet Message na may di mabilang na salita para sa kanyang fiancée. “Halos masira na nga yung machine ko, e. Biruin mo 10 x 12 na tarpaulin tapos yung font style na gagamitin ay Arial na size 11 para sa long sweet message niya! Tapos gusto pa akong baratin! Piste!” anito. *** (sa ulat ni Alexiana Brazil)

'HAYAAN MO SILA' NG ExB, GINAMIT SA NOISE BARRAGE

Naging matagumpay ang idinaos na noise barrage ng mga kasapi ng Sangguniang Kabataan matapos patugtugin ang hit song ng Ex-Battalion o ExB na “Hayaan mo Sila” sa kahabaan ng EDSA nitong, Huwebes ika3 ng Enero.

KALIMUTAN MO NA ’YAN, SIGE-SIGE MAGLIBANG. Rinig sa buong area ang kanta ng ExB magmula nang gamitin ito ng ilang grupong militante na pang-noise barrage. Mukhang effective naman siya, ayon sa kanila. (mula kay MKCJ)

Ang idinaos na kilos-protesta ay kaugnay ng balitang pagtaganggal ng Filipino bilang asignatura sa kurikulum ng kolehiyo. At idinaan ng mga kabataan ang pagtutol nila rito sa isang noise barrage. Ayon sa mga nakilahok sa kilos-protesta, naisipan daw nilang patugtugin ang kanta dahil na rin sa kasikatan nito. "Ah, naisip po namin na, what if gumamit kami ng song na patok sa mga tao, and at the same time magagamit namin to annoy the police or yung government natin, so we can catch its attention," payahag ni Jesse, isa sa mga kasapi ng noise barrage. Dala ang mga naglalakihang speaker, pinatugtog ng mga Kabataan ang Hayaan Mo Sila sa harap ng EDSA Shrine at isinisigaw ang mga liriko nito. Dagdag pa rito, sinasaliw nila ang kanta na tumakot sa mga pulis. (itutuloy sa pp.6)

PAHINA 4


POWLITIKA

EDSA, GAGAWIN NANG ILOG!

LUNES | ENERO 14, 2019 (cont.)

Ang tanging paraan na lamang daw ay gawing ilog ang EDSA para hindi na madaanan ng mga sasakyan na ayon pa sa kaniya ay maaaring makatulong din upang maiwasan ang mga pagbaha sa lungsod.

"Maglalagay kami ng mga pier para sa mga ferry boat at mga bapor na kayang magsakay ng daangdaang tao. Sisimulan na namin ang mga pag-aaral at pagpaplano, hopefully bago mag-2020 maaprubahan ito ng Pangulo," dugtong pa niya.

Ayon kay Nebrija, ang nasabing ideya ay nakuha nila sa nobela ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal kung saan balak din nila na mga preso ang magsagawa ng paghuhukay.

"No'ng pagdiriwang ng kamatayan ni Rizal naalala namin ang tagpo sa El Filibusterismo kung saan nag-usap-usap ang mga pasahero sa Bapor Tabo. Naisip namin bakit di natin gawin sa panahon natin ngayon ang suhestyon ni Simoun?" paliwanag ni Nebrija. Bukas naman daw ang kanilang opisina sa mga iba pang mungkahi mula sa mga mambabatas at mga ordinaryong Pilipino ngunit hanggang wala pa, ito daw muna ang kanilang tututukan at paglalaanan ng oras.

"Challenging ang bagong trabahong ipinagkatiwala sa akin ng Pangulo kaya dapat lamang na seryosohin ko ito. Ayaw naman nating lagi na lang tayong nag-eeksperimento, panahon na para sa isang pangmatagalang solusyon," pagtatapos nya.

Sa ginawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA, mahigit 3 bilyong piso kada araw ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa traffic sa Metro Manila.*** (sa ulat ni Nestie Villaviray)

J.P.E: “I LOVE J.COLE”

Ready na ready na ang tinaguriang “imortal” na si Juan Ponce Enrile para sa kaniyang Facebook Live interview. Aniya, sa tulong ng “J. Cole”, hindi na siya mamamatay. (mula kay MKCJ)

"What's up, bitches! Y'all miss me? Well, I mess you too," pagbati niya sa mga viewers.

MANILA, PHILIPPINES—Kamakailan lang, nag-viral ang Facebook Live ng dating senador na si Juan Ponce Enrile. Libo-libong netizens ang inantabayanan ito dahil nangako umano si Enrile sa kaniyang manonood na ibabahagi niya ang kaniyang “top secret” sa kaniyang pagiging imortal. Aniya, kailangan niya itong gawin para makuha muli ang atensyon ng taong bayan na nakalilimot na buhay pa ang kupal na katulad niya. "What's up, bitches! Y'all miss me? Well, I mess you too," pagbati niya sa mga viewers.

Ikinuwento ni Enrile ang kaniyang pakikipagsapalaran sa loob ng halos isang siglo niyang pamumuhay. Nasaksihan niya ang pagbabago ng mga politika sa mga nagdaang taon. Dati raw ay buwayang ilog lang ang mga ito, ngunit ngayon ay nag -evolve na at halos lahat sila ay (itutuloy sa pp.7)

PAHINA 5


BALITA, DUH?

ExB, GINAMIT SA NOISE BARRAGE!

LUNES | ENERO 14, 2019 (cont.)

"Hayaan Mo Na 'Yan, Sige-sige maglibang" habang nakahawak ng mga plakard na may nakasulat na "Wikang Filipino, ipaglaban." Ayon sa mga naipit sa traffic, nairita raw sila nang todo dahil sa paulit-ulit at napakalakas na tugtog. Ang ilan pa sa kanila ay nagtakip na lang ng tainga. "Ayos naman yon kasi nai-voice out nila yung feelings nila, but dapat naman irespeto nila yung ibang tao sa paligid, sobrang lakas ng tugtog and dapat pumili naman sila ng mas magandang kanta," pahayag ng isang komyuter na tumangging magbigay ng pangalan. Kahit tirik ang araw ay hindi nagpatinag ang mga kabataan, ang ilan sa kanila, nagsayawan pa sa gitna ng kalsada habang kumakanta. "It turned out na effective siya, we just hope na mapapansin tayo ng gobyerno and we encourage everyone to join us," pahayag ni Jojo Mendez, isa sa mga SK Kagawad. Dahil sa matagumpay at mapayapang noise barrage, sinabi ng mga kabataan na magdaraos silang muli ng ganitong kilos-protesta, at gagamit muli sila ng mga sumisikat na mga kanta.*** (sa ulat ni Timothy Green)

QUIAPO, MANILA—Sold-out ang tickets sa concert ng sikat na American-African artist na si XXXTraslacion, ngunit inalmahan ito ng mga kritiko dahil di umano’y banta sa kapayapaan ng bansa at labag sa katuruan ng Simbahan.

Dinagsa ng fans mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, na ang iba ay lumuwas pa mula sa malalayong probinsya, masaksihan lamang ang one-day concert ng naturang singer-songwriter. Nagdaos muna ng motorcade ang binansagang “Black Lord of Music” na inabangan ng humigit-kumulang 250,000 katao, ayon sa tala ng Philippine Constabulary na pinakamalaking private army sa bansa. Nagkaroon pa ng tensyon dahil sa tulakan, balyahan at pagpupumilit ng mga dumalo sa mala-prusisyon na motorcade na makasampa at maipahid ang panyo o mahawakan ang kanilang idolo na naging tradisyon na sa tuwing dumadalaw ito sa bansa. Dahil sa dagsa ng mga tao at bagal ng daloy ng motorcade, inabot ng anim na oras bago nakarating ang kampo ni XXXTraslacion sa concert venue. Binatikos ng Commission on Human Rights ang organizers ng naturang concert dahil sa kaguluhang naidulot nito, na naging sanhi rin ng pagkamatay ng 56 katao bukod pa sa 666 na nasugatan o nahimatay dulot ng komosyong nangyari sa motorcade. Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Let Go of Waste Coalition. (itutuloy sa pp.8)

XXXTRASLACION, DINUMOG; MGA KRITIKO UMALMA

Dahil sa dagsa ng mga tao at bagal ng daloy ng motorcade, inabot ng anim na oras bago nakarating ang kampo ni XXXTraslacion sa concert venue. Napakaraming deboto ngayong taon!

PAHINA 6


BALITA, DUH?

J.P.E: “I LOVE J.COLE”

LUNES | ENERO 14, 2019 (cont.)

….model na ng Lacoste© at sila na rin ang pinakamalaking pinagkukuhanan ng leather goods. Mabuti raw ito upang maiwasan ang pork barrel scam sa gobyerno.

"Fuck yeah. Masakit sa batok ‘yang pork barrel scam na 'yan. Mabuti nga at madaling mauto ang tao kaya pinalaya ako agad. Siyempre, galawang Gloring e," natatawa niyang komento. Mapapansing masaya ang dating senador sa kaniyang paglalahad sa Facebook Live. Ngunit nangungulila umano ito sa pagkawala ng kaniyang matalik na kaaway na si Merriam Defensor Santiago. rile.

“'Wag kang mag-alala Merriam. Susundan kita d'yan sa langit," puno ng sinseridad na wika ni En-

"Ulol! Kahit sa noimpyer, tinatanggihan nilang mapunta ka d'on kaya hindi ka pa namamatay," sagot naman ng isang misteryosong himig.

"Ulol ka rin. Wag kang spoiler," batak naman ni Enrile sabay taas ng gitnang daliri nito sa camera.

Nababatid ni Enrile na si "Merriam mAHbhAbEs" ang kaniyang narinig kaya tuwang-tuwa siya nang mapansin siya ni senpai. Samantala, ibinahagi niya rin ang kaniyang paboritong mang-aawit at isa raw ito sa dahilan kung bakit "staying alive" pa rin siya. "Oh yes. I love J. Cole. I J. Cole everyday and that makes me feel empowered. I mean, I always listen to his songs, hihi," aniya.

Ito raw ang kaniyang ritwal kada ika-sampu ng gabi sa kaniyang kuwarto. Pinaniniwalaan niyang nadadagdagan ang kaniyang buhay kapag isinasagawa niya ito. Bilang patunay na "fan" siya ni J. Cole, kinanta niya ang isa sa paboritong niyang awitin ng nasabing mang-aawit.

"Real niggas don't die. My niggas don't die. Form on the plot. Real niggas don't die" pagkanta niya naghe-headbang ang dalawa niyang ulo.

Theme song umano ng buhay niya ang kantang "WDDWM". Paborito rin daw niya ang kanta ng Queen na "Who wants to live forever?" at kinakanta naman niya ito habang nagpapanata. Tinapos ni Enrile ang Facebook Live at iniwan ang sagot sa misteryong bumabalot sa pagkatao niya.*** (sa ulat ni Carissa Mae Vasquez)

5TH NNFF FILM FESTIVAL, NAGBUKAS NA NGAYONG ARAW MALL OF ASIA, PASAY CITY—Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpila sa takilya dahil ngayong araw ay nagbukas na ang NNFF o ang Non-offensive and Non-artistic Film Festival, na ngayon ay nasa ika-limang taon. Layunin ng festival na maghatid ng mga pelikulang hindi dekalibre at hindi mukhang pinagbuhusan ng oras, dedikasyon at karampatang ingat at konsiderasyon sa mga manonood dahil ayon nga sa founder ng organisasyon na si Sic Cotto, "ay gusto lang nilang kumita ng pera." Limang pelikula ang nagbukas ngayon, una; ay ang romantic vehicle nina Erik Ramsey at Honeylyn Bordado, na "All of Yououououou" na pang-anim ng installment. Sumunod naman ay ang teen slasher flick ni Bopol Lee na "Bloody Watercolor". (itutuloy sa pp.7)

PAHINA 7


FILM DAW

XXXTRASLACION, DINUMOG...

LUNES | ENERO 14, 2019

(cont.) Galit na galit ang coalition at binansagang “Trash-lacion" ang concert, dahil sa tone-toneladang basura na naiwan matapos ang motorcade. Anila, “dapat itapon ang fans sa Manila Bay dahil sa ginawa nila habang hindi pa ipinatutupad ang rehabilitasyon nito.” Matatandaang nabanggit na ng Pangulong Digong Dutae ang planong rehabilitasyon ng naturang lugar, ngunit hindi pa maaksyunan dahil abala raw ang pangulo sa comedy shows nito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at mga karatig-bansa, ayon sa tagapagsalita nito na si Bong Gago. Nagbabala naman ang Simbahan na “hindi maliligtas” ang lahat ng dumalo sa naturang concert at sinabing hindi kasang-ayon ng itinuturo ng Bibliya ang pagdaraos ng mga ganoong klase ng pagtatanghal. Mahigpit na seguridad naman ang inilatag ng Philippine Constabulary sa mismong concert venue at dinaanan ng motorcade, at nagbantang papatayin ang sinomang manggugulo o gagawa ng krimen ayon kay PC Chief Orland “Nakabato” dela Rosa. Wala pang pahayag ang nasabing artist at ang kampo nito kaugnay ng mga batikos. *** (sa ulat ni Z.K. Astronomo)

MMFF BOARD, MAGKAKAROON NG ILANG "PAGBABAGO" SA PAGTANGGAP NG ENTRI PARA SA MMFF 2019

MANILA, PHILIPPINES—Magkakaroon ng ilang "pagbabago" sa pagtanggap ng entri para sa gaganaping MMFF 2019, ayon sa MMFF Board. Ito ay matapos inanunsyo ng MMFF Board ang matagumpay na pagtatapos nang nasabing pista ng mga pelikulang Pilipino.

Biglang naglabas ng memorandum ang Chairperson na si Danilo Lim ukol sa mga pagbabago sa sistema ng pagpapasa ng entri para sa susunod na film festival. “As we celebrate 45th Anniversary of MMFF, coinciding with the celebration of the Centennial of Philippine Cinema, magkakaroon ng ilang pagbabago sa pagpapasa ng mga entri.” ayon kay MMFF Chairperson Danilo Lim. “Gusto namin makapag-produce ng mga high-class at internationally-accepted na mga pelikula, na siyempre ay pang-pamilya pa rin ang tema.” dagdag pa nito. Ito ang ilan sa mga pagbabago at karagdagang tanong sa intervention ng pelikula: Ito ba ay isang rip -off o ginaya sa isang international movie? Ano ang moral lesson? Ilan ang close-up ng camera at makatindig balahibo na sound at CGI effects? Ilan ang love teams sa pelikula? Gaano katagal ang bed scenes? (The more, the merrier!) Samantala, laking pasasalamat naman ni Vice Ganda para sa mga sumuporta't nanood sa blockbuster nilang pelikula na Fantastica. Asahan pa raw na next year ay mas "kakaiba" at mas "exciting" ang susunod niyang pelikula, at asahan din na hindi lang popcorn ang libre sa susunod, kung hindi pati condoms. Nababalita na ang next movie niya ay hango naman sa palabas ng Netflix na Birdbox na kung saan ay tatawaging "Subo Mo Bird Ko" na good for all ages— bata man o matanda.*** (sa ulat ni J.K. Bea)

PAHINA 8


FILM DAW 5th

NNFF

FESTIVAL...

(cont.) Pinagbibidahan ito ng mga up-and-coming stars na hinugot mula sa mga nanalo sa 2018 na Pinoy Big Momma Season 9. Sumunod naman ang historical epic na "Narcos: Ang Underrated na Bayani" na nagkukuwento sa dating pangulong inakusahan ng diktadurya, ngunit siniraan lang pala siya, at bagkus ay walang ninakaw na kahit ano mula sa kaban ng bayan, ngunit sinisi ng mga maninira. Ngunit ang pinakainabangan talaga ng mga tao ay ang mga pelikula ng sikat na direktor na si Benadryl Yap na "Jollible: Da Movie" at ang adaptasyon ng sikat na libro ng batikang manunulat na si Marsalot Santos III na pinamagatang "Para sa Broken Wallet". Ayon sa pahayag ni Direk Benadryl, nakuha niya raw ang inspirasyon ng kaniyang pelikula mula sa kaniyang mga short films na prinodyus ng Binladentiments na "talaga namang inspiring, at talagang puro hugot, kumbaga dinagdagan niya lang ng mga hugot pa ang short films through reshoots para lang humaba at maging feature length film." Hindi rin mahulugang karayom ang area na kung saan naman ipinapalabas ang Para sa Broken Wallet. Dalawang linggo bago nagsimula ang festival, nakausap namin si Marsalot at ayon sa kaniya ay maraming binagong elemento sa istoriya ng pelikula para mas unpredictable.

LUNES | ENERO 14, 2019

Marsalot: Actually, marami talagang binago, magkaiba na nga halos 'yung libro at pelikula. For example, kung sa libro ko ay sinabi ng karakter na si Seth na "If you love me, stay" compare sa pelikula na "If you love me, stay‌doggie." Nauna nang idinaos ang Parade na kung saan ay naglibasan ang magagandang float ng bawat pelikula, at halos 100,000 katao ang dumalaw, habang sa kabilang film festival naman na nagaalok ng magaganda at may katuturang pelikula, ay katorse lang ang sumuporta. "Kasalanan rin nila kasi iyan e," saad ni Cotto. "Puro kasi sila quality, puro sila ahrt, ahrt, artsy-fartsy chuchu yadda yadda, e wala namang manonood noon, kasi nga gusto nila e puro ganito! Enjoy lang, tapos pampamilya. Kaya nga nanonood ng pelikula kasi para malibang, marelaks, hindi para ma-depress tsaka ma -educate tungkol sa kasaysayan, mga problema ng bansa natin tsaka mga kakurakutan sa Pinas, nandiyan naman iyong mga balita sa T.V., kaya 'di umuunlad Pilipinas kasi puro problema iniisip ninyo, dapat happy lang!" Approved naman ang pangulong Honricio Latarte sa NNFF dahil sa pampamilyang elemento nito, at higit sa lahat ay "hindi sinisiraan ang gobyerno at bagkus ay pinoprotektahan pa ito mula sa mga paninirang puri at maling kritisismo." Sa katapusan ng buwang ito ay idadaos ang Awards Night sa Coco Casino and Club sa Manila.*** (sa ulat ni Dan Manjares)

PAHINA 9


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.