INScapes Volume 1, Issue 3

Page 25

Ilang gabing ako’y dinalaw ng pangláw; sa aking lamesa, tahimik ang lungsód. May sariling batas ang dilim: ’sang bákod ng mga bagahe’t multong nakapákaw. Liberasyon, ikaw na ba ’yang sumingáw na puting entidad na humahalughóg? Ilang gabing ako’y dinalaw ng pangláw; sa aking lamesa, tahimik ang lungsód. Nakamata pa rin ang ginto na buwán, may kung ano siyang ipinapaarók. Mahaba ’tong gabi bago nga sumábog ang araw sa rabaw ng lunang kay súkal: sa aking lamesa, tahimik ang lungsód.

16


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
INScapes Volume 1, Issue 3 by insphofficial - Issuu