Berdeng Parola Online Newsletter Tomo IV Bilang VI

Page 1

NILALAMAN

shiftED ipinakilala sa Lasalyanong Komunidad

EDUKASYON SA BAGONG HENERASYON. Ibinahagi ni Br. Francisco “Sockie” V. de la Rosa VI, FSC, ang kanyang mensahe sa mga mag-aaral tungkol sa “shiftEd: School-Home Integration for Flexible and Tech-Enhanced Education.” -KUHA NI EUGENE EARL DRUA

BEA MARIE TABLIGAN

Sa mga hindi inaasahang panahon, kailangang mag-isip ng mga solusyong angkop o babagay sa nangyayaring pagbabago. Ito ang tila naging basehan ng Liceo de La Salle sa pagpalit ng mga klase mula tradisyonal hanggang sa ‘online’ ngayong akademikong taon na tinawag na “shiftED” upang maipagpatuloy lamang ang edukasyon kahit nasa gitna ng pandemya.

Ayon sa punongguro sa ‘Basic Education’ na si Br. Francisco de la Rosa VI, FSC, nabuo ang pangalan na “shift” habang naguusap sila ni Hector Gloria, ang direktor ng Center for Marketing and Communications (CMC), kung paano ihahatid ang ‘online education’ ngayong taong 2020. Ipinahihiwatig ng salitang “shift” sa “shiftED” ang pagbago ng pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto habang

nangangahulugang edukasyon naman ang salitang “ED.” Bilang karagdagan, makikita rin sa sagisag o disenyo ng nasabing konsepto ang isang “wi-fi logo” na nais ipabatid ang mahalagang gampanin ng ‘internet’ at saklaw din dito ang unti-unting pagbago ng kulay luntian at ang kapal at espasyo ng mga letra. Marami ring mga hamon o hadlang sa proseso ng pagbuo ng nasabing konsepto at ani pa ni Br.

de la Rosa, “Ang unang hadlang ay ang teknolohiya. Alam namin na mahihirapan ang mga estudyante at guro rito kaya minabuti namin na mag-aral ang lahat ng mga guro kung paano gumamit ng Canvas.” Inanunsiyo na nang maaga ng administrasyon ng unibersidad sa mga mag-aaral ang patungkol sa bagong pamamaraan ng edukasyon upang mas lalong silang makapaghanda at iginiit din ang gagamiting plataporma

na “Canvas,” isang ‘learning management system’ na gawa ng kompanyang “Instructure” sa Estados Unidos. Naghabilin rin ng isang mensahe si Br. de la Rosa para sa buong Lasalyanong komunidad na sana maging bukas ang lahat sa mga sitwasyong tulad nito, maging pasensyoso sa isa’t isa, at magtulungan na lamang na ayusin at pagandahin ang programa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.