NILALAMAN BALITA
2
EDITORYAL
3
LATHALAIN
5
PALAISIPAN
10
PAMPALAKASAN
12
HOUSE SORT ING 2021: Mga Koponan Nadagdagan ng Panibagong Miyembro TREXIE PIA VILLAROSA
Malugod na tinanggap ng mga Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ang mga mag-aaral ng ika11 na baitang mula sa mga strand ng Accountancy, Business, and Management (ABM), Arts and Design (A&D), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), at Technical Vocational Livelihood (TVL) ng Liceo De La Salle sa taunang ‘house sorting’ noong ika24 ng Setyembre na pinangunahan ng Liceo Student Government (LSG) sa kanilang opisyal na Facebook page. Nakuha ni Thea Law-a, ‘house coordinator’ ng Koponan ng Paris ang STEM-A, F, M, P, at Q, ABM-B at HUMSS-A; Samantala, naging parte ng Koponan ng Parmenie sa ilalim ni Sheloe Treyes ang mga estudyante mula sa STEM-C, E, I at O, HUMSS-C, A&D-A, at ABM-A;
Sa pagbubukas ng House Cup 2022, itinatag ang House Sorting bilang pagdagdag sa mga bagong kasapi at kaakibat sa labanan sa pagkamit ng kampeonato sa darating na kompetisyon sa iba’t ibang aktibidad ng LSG. Maswerteng naging parte ng Koponan ng Rheims ang mga seksyong STEM-B, J, K at L, ABM-E at F, at HUMSS-B na pinamumunuan ni Mikko Demaulo; at STEM-D, G, H, at N, ABM-C at D at TVL-A naman ang mga naging bagong kaanib ng Koponan ng Rouen sa gabay ni Monica Parcon sa pagkamit ng tagumpay para sa taong ito. Matatandaang naiuwi ng Koponan ng Rheims ang ‘House Cup’ noong akademikong taon 20202021; pangalawang puwesto naman nakaraang taon ang nakamit ng Koponan ng Rouen; sumunod ang Koponan ng Paris sa pangatlong puwesto at Koponan ng Parmenie bilang pang-apat sa puwesto.
APAT NA PANIG. Gumamit ng Facebook Live ang Liceo Student Government (LSG) upang maanunsyo ng mga koordinator ng bawat koponan ang mga seksyong magiging bahagi ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen. - KUHA NI REIBEN JAY DENAGA
KOPONAN NG PARIS
Nanaig sa Buwan ng Wika
JOHN ROSH MACASERO
Sa pagkakaisa ng publikasyong Berdeng Parola (BP) at Liceo Student Government (LSG), matagumpay na nanguna ang ‘golden chimeras’ ng Koponan ng Paris sa “Panitikang Nasyonal: Bigyan natin ng Diin at Dangal,” isang linggong patimpalak sa paggunita ng Buwan ng Wika noong ika-30 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre, taong 2021 gamit ang platapormang Facebook. Ibinida ng mga kalahok mula sa mga Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ang kanilang angking talento sa mga aktibidad na Vocal Solo, Vocal Duet, Pagsasatao o Karakter Impersonasyon Poster at Video. “May mga pagbabago sa Buwan ng Wika ngayong taon, dinagdag namin sa Vocal Solo at Vocal Duet ang patimpalak sa Karakter Impersonasyon Poster at Video, kasama na rin ang Lasallian Press Conference na inihanda ng Berdeng Parola at LSG Executive
Board; Isa itong paraan upang bigyang halaga ng LSG ang mga talento at kakayahang taglay ng mga mag-aaral sa Liceo de La Salle.” ani ni Veronica Aruta, Executive Vice-President ng LSG. Kinilala si Edrian Kyle Verzosa ng Koponan ng Rheims bilang Kampeon sa patimpalak na ‘Vocal Solo’; Nakuha naman ni Alzel Carmona ng Koponan ng Parmenie ang pangalawang pwesto; Sinundan naman ito nina Dominic Rivera ng Koponan ng Rouen at Van Andrin ng Koponan ng Paris sa pangatlong pwesto bilang bahagi ng okasyong Buwan ng Wika 2021 noong ika-31 ng Agosto. Nasungkit nina Therese Law-a at Thea Law-a mula sa Koponan ng Paris ang unang pwesto sa naganap na paligsahan sa Vocal Duet; Pumangalawa naman sa nasabing patimpalak sina Julie Eve Navares at Cindy Bat-og mula sa Koponan ng Rouen, na sinundan sa pangatlong pwesto ng mga kalahok na sina Carlos Lorenzo Villalva at Robyn Ashley Jornadal ng Koponan ng Parmenie, at nina Gleisa Valencia at Xylon Biñas mula sa Koponan ng Rheims sa panghuling pwesto noong ika-1 ng Setyembre.
Dagdag pa ni Aruta, Bilang paghahanda sa aktibidad, nagkaroon ng mga pagpupulong ang mga miyembro ng LSG at BP, pagpapasuri ng mga patakaran, pagpapatupad ng no ‘faceto-face interaction’, at isang ‘test run’ para sa Lasallian Press Conference. Inuwi ng Koponan ng Paris ang unang pwesto sa patimpalak na Karakter Impersonasyon Poster; Siniguro naman ng Koponan ng Rouen ang ikalawang pwesto sa naturang kompetisyon, habang nasungkit naman ng Koponan ng Rheims ang sumunod na pwesto; at hindi naman nagpahuli ang Koponan ng Parmenie sa paghatak ng pang-apat na pwesto noong ika-2 ng Setyembre. Tinaguriang kampeon ang Koponan ng Rouen na nilahukan ni Georgeth Ciocon bilang si Alexandra Trese ng sikat na ‘animated series’ na Trese sa kompetisyong pagsasatao o ‘character impersonation’, ang panghuling patimpalak ng selebrasyong Buwan ng Wika; Sumunod naman sa pangalawang pwesto ang Koponan ng Paris sa karakter ni Flerida ng tanyag na panitikan na Florante at Laura, na isinalaysay ni Danielle Bancal; Pumangatlo naman sa naturang
patimpalak ang karakter na si Donya Maria Blanca, na isinabuhay ni Jewil Perez, kinatawan mula sa Koponan ng Parmenie; at nakuha naman ng Koponan ng Rheims ang pang-apat na pwesto kung saan binigyan ng katangian ni Angel Magbanua ang karakter ni Sisa mula sa akdang pampanitikang Noli Me Tangere noong ika-3 ng Setyembre. “Bago pa nagsimula ang pandemya, ang mga mag-aaral mula sa Liceo de La Salle ay nagsusuot ng Kasuotang Pilipino at nanunuod sa mga pagpapalabas sa Coliseum. Ngayon, gumamit tayo ng Facebook Page ng LSG na makarating sa libolibong Pilipino para maihandog ang mga namumukod-tangi na talento ng mga Koponan.” dagdag pa ni Aruta. Sa kasalukuyan, pinangunahan ng ‘golden chimeras’ ng Koponan ng Paris ang daan patungo sa pagkamit ng ‘House Cup’ sa puntos na 225; Pumangalawa ang ‘mighty griffins’ ng Koponan ng Parmenie sa iskor na 210; Hindi rin nagpahuli ang ‘blue-blooded hydras’ ng Koponan ng Rouen sa kanilang puntos na 200; Sumunod naman ang ‘mighty phoenixes’ ng Koponan ng Rheims sa iskor na 190.
MGA LITRATO MULA SA HOUSE OF PARIS COMMITTEE
FA C E B O O K . C O M / L I C E O B E R D E N G PA R O L A
B E R D E N G PA R O L A @ G M A I L . C O M