Berdeng Parola Tomo VI Bilang X

Page 1

BERDENG PAROLA

ONSITE CAMPUS TOUR:

ika-11 ng umaga at mula ika2 hanggang ika-4 ng hapon sa University of St. La Salle (USLS).

Kasabay ng pagpapatupad ng ‘Hybrid-Flexible (HyFlex)’ na sistema para sa taong panuruan 2022-2023, inilunsad ng Liceo Student Government (LSG)

Pinaunlakan ang nasabing programa ng limitadong bilang ng mga estudyante upang maging pamilyar sa kanila ang mga pasilidad ng pamantasan kasunod ng pag-

accompany and tour the students throughout La Salle. Furthermore, the executives were able to properly prepare the tour guides and handed out scripts for the said campus tour [...],” ani Paolo Parroco, External Vice-Chairperson ng Department of Human Resources (DHR).

Mga Booth ng Kapisanan sa Liceo Ibinida sa Club Expo 360

ang mga ito ay natugunan at nagawan ng mga solusyon.

“With this outcome, [...] we expect to learn from our past mistakes and create a more safe, fun, and further preparations in the near future in order to ensure that the events are to be handled and

Pinaunlakan ng suporta ng mga mag-aaral mula sa ika-11 at 12 na baitang ng Liceo De La Salle ang “Club Expo 360” na pinangunahan ng Liceo Student Government (LSG) noong ika-7 ng Setyembre sa Choa Co Siu Hoo Lobby ng University of St. La Salle (USLS).

Ibinandera ng bawat kapisanan at organisasyon ng Liceo ang mga ‘booth’ na kanilang binuo at dinisenyo habang ipinakita ang mga kakaibang gimik na kumakatawan ng kanilang mga adhikain.

Ayon kay Jerwen Del Cano ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) 11G, naging masaya raw ang karanasan niya sa nasabing aktibidad at ang kabilang sa mga hindi niya malilimutang karanasan ay ang pangangasiwa niya sa puwesto nila ng The Liceo Science ClubScikick, ang pagbisita sa mga kubol ng bawat kapisanan, at pakikilahok sa iba’t ibang mga pakulo.

"Naging mahalaga ito sa mga sinasalihan kong organisasyon sa paraan na maraming estudyante ang bumisita sa puwesto namin at nagkaroon ng pagkakataon na maranasan ang aming mga mithiin at mga inihandang aktibidades," dagdag pa ni Del Cano.

Hinahangad din ni Del Cano na maulit ang "Club Expo 360" dahil ito raw ay isang paraan upang magkasalubong ang mga estudyante at mga kapisanan, at sa paraang ito ay matutuklasan daw ng bawat isa sa ilalim ng iisang mithiin ang kanilang mga interes at mga magiging kaagapay nila sa loob ng paaralan.

"Ipinakita ng mga kapisanan ang kanilang iba't ibang nakakawili at nakakagalak na mga handog para sa mga estudyante," pahayag naman ni Bon Arcenas ng Arts and Design (A&D) 11A.

Nabanggit din niya na mahalaga raw ang nasabing aktibidad sa kanilang asosasyon dahil naging malaking tulong ito upang mahikayat ang mga estudyante na magboluntaryo at sumali sa kanilang layuning mapabuti ang kapaligiran.

MARIAH CLAIRE ESTELLE SIGUA
PINANGASIWAAN
LSG KATIRIKAN. Sinasamahan ng mga opisyales ng LSG, ang kapwa mag-aaral sa New IS Building. KUHA NI GABRIEL TAN JAY ANGELO OLAYRA
“Ipinakita ng mga kapisanan ang kanilang iba’t ibang nakakawili at nakakagalak na mga handog para sa mga estudyante.” ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG LICEO DE LA SALLE TOMO VI, BLG. X OPINYON Walang Luwalhati sa Panakip-Butas Ang pakikibaka sa mga kalamidad ay isa nang normal na bahagi ng buhay ng mga Pilipino... pah. 4 BALITA Inter-Cheerdance Competition sa Liceo Inilunsad Ipinamalas ng mga mag-aaral ng ika-12 na baitang ng Liceo de la Salle ang husay nila sa ‘cheerdance...’ pah. 2 PAMPALAKASAN Bangis ng UST Golden Tigresses Dinagit ng Ateneo Lady Eagles Nakipagsagupaan ang Lady Eagles laban ang Golden Tigresses sa USLS Coliseum... pah. 16 LATHALAIN Akasya: Saksi sa mga Alaala Hatid ng mga puno ang mga alaala ng nakaraan. Taglay nito ang kuwento ng bawat isa.... pah. 6 AGOSTO 2022 - OKTUBRE 2022
NG
at HANNAH GRACE ABALOS
KASALUHAN.
Gamit ang iba’t ibang pakulo, ginaganyak ng mga organisasyon ang mga mag-aaral na sumali sa kanila. KUHA NI REIBEN DENAGA

Balita

Mga Bagong Miyembro sa Bawat Koponan Idineklara

Malugod na tinanggap ng Koponang Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ng Liceo De La Salle ang mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitang sa ginanap na “House Sorting Ceremony: Ballad of the Sorting Hat” na inihanda ng Liceo Student Government (LSG) noong ika-16 ng Setyembre sa pamamagitan ng Facebook Live.

Layunin ng nasabing programa ang pagtukoy kung aling mga seksyon mula sa iba’t ibang strand ang mapapabilang sa apat na koponang maglalaban-laban sa mga paligsahan sa kasalukuyang taong panuruan.

Kinabibilangan ang Koponan ng Paris ng ABM 11B, HUMSS 11C, STEM 11A, D, F, I, at R; ang mga seksyong ABM 11C at E, A&D 11A, HUMSS 11B, STEM 11G, H, O, at P ay nasa ilalim ng Koponan ng Parmenie; itinakda bilang parte ng Koponan ng Rheims ang ABM 11A at D, HUMSS 11A, STEM 11J, K, N, at Q; itinalaga naman ang ABM 11F, HUMSS 11D, STEM 11B, C, E, L, at M, at TVL 11A sa Koponan ng Rouen.

Inter-Cheerdance Competition sa Liceo Inilunsad

Ipinamalas ng mga mag-aaral na nasa ika-12 na baitang ng Liceo De La Salle ang kanilang husay at talento sa ‘cheerdance’ bilang bahagi ng kanilang ‘first quarter performance task’ noong ika-28 hanggang ika-30 ng Setyembre sa Upper Grades Covered Court (UGCC) ng University of St. La Salle (USLS).

Humataw sa pagsayaw ang lahat ng mga mag-aaral lalo na ang mga piling seksyon na lumahok sa “InterClass Cheerdance Competition” na inorganisa ng kanilang guro na si G. Jose Karlou Santillana; itinanghal ang

STEM 12D at STEM 12N bilang mga kampeon sa nasabing timpalak, habang pumangalawa naman ang STEM 12M, at hindi rin nagpatalo ang STEM 12A at ABM 12A na parehong inuwi ang pangatlong puwesto. Ginawaran ang STEM 12D ng ‘Best in Cheer Dance Concept,’ habang ‘Best in Cheer Dance Choreography’ naman ang para sa STEM 12N, ‘Best in Face Mask’ para sa ABM 12A, at ‘Most Disciplined’ para sa STEM 12D at STEM 12N.

Ayon kay Kelly Occeño, mag-aaral mula sa STEM 12C, ang ‘cheerdance competition’ daw ay naging madali lang dahil sa tulong ng kanilang mga

NOPSSCEA Season 42’ Opisyal na Inumpisahan

Masigasig na sinimulan ang

“Negros Occidental Private Schools

Sports Cultural Educational Association (NOPSSCEA) Season

42” na may temang “Celebrating Breakthroughs” noong ika-23 ng

Setyembre sa loob ng Visayan Maritime Academy (VMA) College Gymnasium at ‘online’ sa pamamagitan ng Facebook at Youtube Live ng NOPSSCEA.

Dinaluhan ito ng mga piling

miyembro ng Liceo Dance Club (LDC), Le’ Drame Liceo Theater Club, Tulalay: Liceo Musical Group, at Arts and Design (A&D) Council ng Liceo De La Salle.

Pinangunahan ng VMA Global College (VMAGC) & Training

Centers, Inc. ang ika-42 na edisyon ng

NOPSSCEA kasama ang NOPSSCEA

Board of Trustees, NOPSSCEA Sports and Cultural Coordinators, VMAGC Admins, at mga piling mag-aaral ng 43 na pribadong paaralan sa probinsya ng Negros Occidental.

Nagtampok ang deklarasyon ng

nasabing kaganapan ng mga pahayag

mula sa NOPSSCEA Vice President na si Ms. Maureen D. Mejica; Bacolod City Mayor Hon. Alfredo Abelardo B. Benitez sa presensya ni Atty. Lyzander

“Bong” Dilag, at NOPSSCEA Treasurer

Dr. Ervie Emelda S. Gallespen, bukod pa sa anunumpa ng ‘Sportsmanship,’ pag-awit ng NOPSSCEA Hymn, pagtaas ng NOPSSCEA banner, at pagsindi ng NOPSSCEA torch.

“Well since it was my first time [...] participating in the event, I

was amazed and at the same time [entertained]. I did not expect the NOPSSCEA [participating schools] and participants to be that many and have representatives passing and lighting up the torch,” pagsasalaysay ni Spencer Milano, miyembro ng LDC.

Dagdag pa ni Milano, nagustuhan niya raw ang kalagitnaan ng programa dahil mayroon itong mga intermisyon na inihandog ng mga nakaraang nanalo sa nasabing paligsahan.

Nagpakitang-gilas din ang mga inimbitahang organisasyon sa pamamagitan ng ‘production numbers’ na itinampok ng VMA Global College Chorale, Bacolod Masskara

Dancers, Southland College Busilak Dance Theater Company, VMA Poseidon Dance Theatre, at Panamyaw Chorale ng Colegio de Sta. Ana de Victorias (CSA-V).

Habilin pa ni Milano sa isasalang na mga Lasalyano sa NOPSSCEA, “An advice I would give for my fellow representatives of USLS is to compete with utmost courtesy [to] maintain sportsmanship and win then bring home the bacon.”

guro at kaklase na pinamunuan ang kanilang pag-eensayo at mahalaga rin daw para sa kanila ang kompetisyon dahil naging paraan iyon para makapag-ehersisyo.

Pahayag naman ni Miguel Villar mula sa HUMSS 12B, “Ang aking naranasan noong ‘cheerdance competition’ ay may halong kaba at saya dahil hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng aming ‘performance’; masaya rin ang aking naramdaman nang kami ay magtagumpay, naging sulit ang aming mga sinakripisyo sa kompetisyon na ito.”

Dagdag pa ni Villar, malaking tulong din daw sa kanya bilang isang mag-aaral

ang nasabing aktibidad para mahasa ang kani-kanilang mga talento sa pagsayaw at upang makabuo ng matibay at magandang relasyon sa kanyang mga kaklase; naging matagumpay at masaya rin ang kanyang unang karanasan sa kompetisyon na ito, at siya ay umaasa na maranasan din ito ng ibang mga mag-aaral.

Isinagawa ng Physical Education (PE) Department ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang layunin na maraming bagay ang matututuhan ng mga mag-aaral mula sa ika-12 na baitang katulad ng pagkakaisa, disiplina sa sarili, tamang pamamahala sa oras, pagtitiwala sa sarili, at marami pang iba.

Nagpalabas ang LSG ng isang bidyo sa pinakaunang parte ng seremonya na pinagbidahan ng apat na ‘house coordinators’ na sina Angel Tolog, Kelly Occeño, Angelica Espuerta, at Ryba Moderacion.

Pahayag ni Tolog ng Koponan ng Paris tungkol sa kanilang mga balak para sa taong panuruan, “Ang pangunahing prayoridad ng aming koponan ay ang pagbuo ng wagas at tunay na pagsasama habang kinakamit ang tagumpay na itinakda ng Panginoon para sa aming pagsisikap. Lalaban [kami] na may pagkakaisa na karugtong ay ang pagkakaroon ng dangal at pagmamahal para sa aming koponan.”

“Ang pangunahing prayoridad ng aming koponan ay ang pagbuo ng wagas at tunay na pagsasama habang kinakamit ang tagumpay na itinakda ng Panginoon para sa aming pagsisikap...”

Hindi rin magpapahuli ang Koponan ng Parmenie dahil ayon kay Occeño, ang layunin nila ay ang pagsasanay sa mga susunod na komite upang maihanda sila sa mga responsibilidad na ipapasa sa kanila nang sa gayon ay siguradong mapapaunlad ang susunod na henerasyon ng koponan;

“This will not only help the house attain better leaders, but develop the students themselves,” dagdag niya.

Salaysay naman ni Espuerta mula sa Koponan ng Rheims, “This academic year, our house’s primary goal is to win this year’s House Cup and also bring out the best in each and everyone. [...] We want to have a friendly and healthy competition amongst the other houses and as well as maintain the relationships we’ve made.”

Samantala, ang Rouen naman ay humahangad na makabuo ng isang relasyong hindi agad-agad na matitibag at inilahad din ni Moderacion na basta’t makita lamang nila na ang isa’t isa ay masaya at naipakita ang kani-kanilang mga kagalingan sa iba’t ibang larangan, sapat na raw iyon upang sila ay matawag na mga ‘dugong bughaw.’

Lubos na inaabangan ng mga magaaral sa Liceo ang mga pangunahing kaganapan lalong-lalo na ang “Liceolympics 2023” sa darating na Pebrero kung saan magpapamalas ang bawat koponan ng kanilang kasanayan sa mga pampalakasang gaganapin ‘onsite’ at ‘online.’

BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
RITMO. Nag-iindikan sa cheerdance ang mga mag-aaral ng ika-12 na baitang para sa “Physical Education and Health (PEH3).” KUHA NINA ELLA DIVINAGRACIA AT REIBEN DENAGA SIMULA SA SULO. Pinapasiklab ng isang manlalaro mula CSA-V ang NOPSSCEA torch. KUHA NINA GABRIEL TAN AT REIBEN DENAGA HAZEIL JANE SOMBERO ALTHEA NICOLE ENTOR HANNAH GRACE ABALOS
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng
Berdeng Parola @berdeng_parola
“Compete with utmost courtesy [to] maintain sportsmanship and win then bring home the bacon.”
Parola

Special Elections

sa S.Y. 2022-2023

Naghalal ng mga

Bagong Opisyales

Inihalal noong ika-8 ng Setyembre ang mga panibagong ‘strand representative,’ opisyal, at ‘house coordinator’ mula sa ika-11 at 12 na baitang na kumandidato sa “Special Elections” para sa taong panuruan 2022-2023 na inorganisa ng Liceo De La Salle Bacolod Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng Google Forms at opisyal na Facebook Page ng Liceo COMELEC.

Inihandog ang nasabing espesyal na halalan para bigyang-daan ang iba’t ibang mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitang na kumatawan bilang ‘strand representatives,’ maghalal ng ‘house coordinator’ ng Koponan ng Parmenie, at ‘treasurer’ ng Arts and Design (A&D) ‘strand.’

Nanalo bilang ‘strand representatives’ sina Jerwen Del Cano para sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Bianca Medallo para sa Accountancy, Business, and Management (ABM), Ma. Kristel Provido para sa Arts & Design (A&D), Andrea Gargar para sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), at Ashley Pablo para sa Technical Vocational and Livelihood (TVL).

Samantala, inihalal naman si James Ramos bilang ‘treasurer’ ng A&D Council, habang nagwagi rin si Kelly Occeño bilang ‘house coordinator’ ng Koponan ng Parmenie.

“Binago ng kampanyang iyon ang aking pananaw sa mga tipikal na [pangangampanya] noong ako’y nasa ‘elementary’ patungo ‘high school’ pa lamang. Sariling sikap, inisyatiba, pagsumite ng papeles, paggawa ng mga ‘posters,’ mga [kinakailangang] ipasa sa nakatakdang oras, at pagsasanib puwersa ng mga talentado at dedikadong tao ang siyang nagpapagana upang umunlad ang isang partido [...],” ani Del Cano.

Dagdag pa niya, hindi raw naging madali at mabisa sa kanya ang panahon ng pangangampanya dahil hindi raw sapat ang oras na ibinigay sa kanila upang maghanda at magplano.

Pahayag naman ni Ramos, naging makabagbag-damdamin daw ang karanasan na ito para sa kanya dahil ito raw ang unang beses na nakapasok siya sa institusyon.

Naging tulay din daw ito sa kanya upang siya ay lumabas sa kanyang ‘comfort zone’ at makipagsalamuha sa kanyang mga kapwa mag-aaral na may parehong debosyon at pagsinta katulad niya.

“Inihahanda rin ako nito sa mas mahaba pang [mga] panahon sa pamamagitan ng pagpaparaya sa akin ng mga responsibilidad na nakalaan para sa akin kapag pinangangasiwaan ko [na] ang posisyon. Bagama’t ito ay maikli, natutunan ko kung paano maglingkod at dumaan sa proseso ng pagiging lider na mag-aaral,” isinaad ni Ramos.

Pitong Lasalyanong Mamamahayag ng Liceo Nangibabaw sa PIA Journ Talk Series ‘22

Namayagpag ang pitong Lasalyanong mamamahayag mula sa mga publikasyong Berdeng Parola at Kapawa sa "Philippine Information Agency (PIA) Journ Talk Series 2022 High School Edition" ng PIA Region 6 (PIA-6) na idinaos noong ika-11 hanggang ika-13 ng Oktubre sa pamamagitan ng platapormang Zoom.

Nakatanggap ng parangal na ‘Most Promising Writer’ sina Hannah Abalos para sa kategoryang ‘Copyreading,’ Jay Olayra para sa ‘Filipino News Writing,’ Kim Advincula para sa ‘Broadcasting,’ Leon Advincula para sa mga kategoryang ‘Copyreading,’ ‘News Writing,’ at ‘Writing for Science, Health, and Environment,’ at si Reiben Denaga para sa ‘Photojournalism’; kinilala naman bilang ‘Promising Writer’ sina Claire Chua para sa kategoryang ‘Cartooning’ at si Yla Ariola para sa ‘Filipino Sports Writing.’

“Pagkatapos ng dalawang taon ng pandemya, nagkaroon muli ng ‘talk series’ ang PIA para sanayin

ang mga ‘campus journalist’ sa buong Western Visayas, at pakiramdam ko ay pinagpala ako na nagkaroon ng pagkakataong makinig at matuto tungkol sa pagbobrodkast kung saan magagamit ko ang mga kasanayan at kaalaman; at pagkakataon din itong ibahagi ang aking mga natutunan sa aking mga kapwa tagapagbalita,” pahayag ni K. Advincula, manunulat ng Berdeng Parola na pinarangalan bilang ‘Most Promising’ sa ‘Broadcasting.’

Binanggit din niya na kanyang natutunan kung gaano kahalaga ang paghahatid ng dekalidad na balita at siya’y nagpaalala sa mga mamayan na ang mga mamamahayag ay hindi kalaban kundi sila ay katulong sa anumang bagay.

Dagdag pa niya, “Bilang isang ‘student-journalist,’ maging mulat [tayo] sa mga kaganapan na nangyayari sa ating bansa, layunin nating labanan at puksain ang mga maling impormasyon na kumakalat saang sulok man ng bansa.”

Ayon naman kay L. Advincula, Editor-inChief ng Kapawa na ginawaran ng mga parangal sa tatlong magkaibang kategorya, ang programa ng

Organizational Training sa S.Y. ‘22‘23 Inihandog ng SLO

Pinangunahan ng Student Life Office (SLO) ng University of St. La Salle - Basic Education Unit (USLSBEU) noong ika-24 ng Agosto ang isang ‘organizational training’ para sa mga Lasalyanong lider at sa mga tagapamahala ng iba’t ibang kapisanan at organisasyon ng Liceo De La Salle sa Mutien-Marie (MM) Auditorium

A ng USLS.

Naglalayon ang programa na bigyan ng sapat na kasanayan ang mga opisyales, mga miyembro, at ang kanilang mga kaukulang tagapamahala bilang paghahanda sa kasalukuyang taong panuruan.

Ipinahayag ni Hazel Uberas, kalihim ng Interact Club of Liceo De La Salle - Metro Bacolod, na mahalaga raw sa kanila ang pagsasanay na iyon upang maging dinamiko sila pagdating sa pagpapatakbo ng kanilang organisasyon at ang karanasang iyon daw ay kamangha-mangha, makabuluhan, at puno ng aral para sa kanilang lahat; umaasa rin siyang mauulit ang aktibidad na iyon sa susunod na taon.

“Ang tumatak sa akin noong pagsasanay ay ang hindi magpataw,

magdikta, mangatwiran, o ilagay sa kahon ang kalagayan ng mga tao. Dapat tayong matuto kung paano tumulong nang buong puso at maging mapagkumbaba,” pahabol pa ni Uberas.

Ipinahiwatig naman ni Flytzyl Mejia, gobernador ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) Council, na ang pagbubuklod-buklod ng mga lider ay isa sa mga pinakamahalagang salik upang mas mapaunlad pa ang serbisyong nagsisilbing ‘binding agent’ sa lahat.

“Tumatak sa akin ang sinabi ni Dr. Roseller Benjamino na ‘Do not let go.’ Bilang isang ‘student-leader,’ marami tayong pinagdaanan, sa akademiko at sa iba pang bagay bukod sa pagiging lider [...] Higit sa lahat, tawag ito ng serbisyo para sa kapwa estudyante na nangangailangan ng representasyon at gustong maiparinig ang boses nila. Kaya ‘wag kang bumitaw, ito ang magpapalakas sa iyo,” dagdag pa ni Mejia.

Inihahandog ng SLO ang programang ito taon-taon para daw matiyak na ang kaalaman ng Lasalyanong komunidad ay mabibigyan ng kinakailangan at nauukol na mga kasanayan.

PIA ay isa sa mga naging daan daw niya bilang isang mamamahayag upang mas mapabuti pa ang kanyang kakayahan sa pagsusulat.

“Dito nailahad na ang estado ng midya at pamamahayag sa Pilipinas ay lubos na nangangailangan ng mga makabago at progresibong manunulat na magtataguyod sa pagsulong ng katotohanan,” saad pa niya.

Inilunsad ng PIA-6 ang nasabing programa na may temang "Relevance and Resilience in Campus Journalism through Development Communication” na nilahukan ng mga pampaaralang publikasyon ng buong Western Visayas.

Layon nito ang mas maipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at galing sa pamamahayag sa pamamagitan ng iba't ibang talakayan sa ‘News Writing,’ ‘Feature Writing,’ ‘Writing for Science, Health and Environment,’ ‘Opinion Writing,’ ‘Copyreading,’ ‘Editorial Cartooning,’ ‘E-design,’ ‘Lay-out,’ ‘Photojournalism,’ ‘Broadcasting,’ ‘Sports Writing,’ at ‘Journalism at Algorithms.’

Kauna-unahang LLFP ng USLS-BEU Hinubog ang mga Opisyales ng IS, Liceo

Ipinagpatibay ng University of St. La Salle - Basic Education Unit (USLSBEU) ang kakayahan at pamumuno ng mga piling opisyales at mga miyembro ng organisasyon ng Integrated School (IS) at Liceo De La Salle sa inilunsad na “Lasallian Leadership and Formation Program (LLFP)” na may temang “Real

Leaders: Future-Ready” noong ika-9 hanggang ika-10 ng Agosto sa USLS Granada Eco Park.

Hinikayat ng nasabing dalawang araw na pagsasanay ang epektibong pagpapahusay sa larangan ng pamumuno ang mga bagong halal na mga tagapangasiwa at pinuno ng iba’t ibang departamento ng Liceo Student Government (LSG), mga presidente at miyembro ng Association of Clubs and Organizations (ACO), mga kasapi ng publikasyon, at iba pang mga opisyales ng Integrated School Student Government (ISSG).

Pahiwatig ni Cindy Poblador, Executive President ng LSG, na ang karanasan daw niya sa LLFP ay hindinghindi niya malilimutan dahil ito ang unang ‘leadership training’ na dinaluhan niya nang ‘face-to-face (F2F)’ pagkatapos ng dalawang taon at sa dalawang araw raw na pagsasanay, ang kanilang mga pagkakaisa ay pinatibay, ang mga pinuno raw ay muling pinagsama, at ang diwa ng pamumuno ng lahat daw ay nabuo at nag-alab.

“LLFP was the push we needed after being lost in the pandemic [...] as we were

slowly adjusting to the ShiftEd setup,” dagdag pa ni Poblador.

Binubuo ng iba’t ibang aktibidad ang nasabing programa katulad ng mga presentasyon, ‘situational analysis,’ at iba pa na nagbigay-aral at kasanayan na magagamit ng mga kalahok sa kanikanilang mga pinamumunuan.

Nagsama-sama rin sa iisang bubong ang lahat ng mga Lasalyanong dumalo sa LLFP at sabay-sabay sila sa lahat ng mga gawain para mahubog at mapatibay ang kanilang samahan.

Pahayag naman ni Jossie Abacaro, presidente ng Interact Club - Liceo De La Salle, “Ako ay sumasang-ayon na ang pagsali ko sa LLFP training ay nakatulong sa akin bilang isang ‘student leader.’ Malaki ang idinulot nito sa aking sarili bilang lider [...] at natutuhan ko rin na huwag mag-alinlangan sa kakayahan sa sarili.”

Balita 3 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
ISAIAH JACOB TERUEL CHRISTINE JOY MANGUBAT KIM GABRIELLE ADVINCULA
JAY ANGELO OLAYRA
“LLFP was the push we needed after being lost in the pandemic [...] as we were slowly adjusting to the ShiftEd setup.”
TAWAG NG SERBISYO. Nakikinig ang mga kinatawan ng organisasyon sa mga naghatid ng kanilang kaalaman ukol sa pangangasiwa ng mga aktibidad. KUHA NI REIBEN DENAGA Mga litrato mula sa Liceo COMELEC
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng
Berdeng Parola @berdeng_parola
LASALYANONG PAGPUPUGAY! Mula sa kaliwa, sina Reiben Denaga, Hannah Abalos, Kim Advincula, Leon Advincula, Jay Olayra, Claire Chua, at Yla Ariola; sila ang nakalikom ng mga parangal sa isinagawang Journ Talk Series ng PIA. MGA LITRATO MULA KINA REIBEN DENAGA, LEON ADVINCULA, AT SA PIA JOURN TALK SERIES 2022 Parola

Opinyon

Walang Luwalhati sa Panakip-butas

Ang pakikibaka sa mga kalamidad ay isa nang normal na bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Sa bawat ulat tungkol sa mga nakaraang kalamidad, madalas na makikita ang mga larawan ng mga lupaing lubog sa baha, mga sira-sirang bahay, at mga taong may dalang ngiti sa kanilang mukha sa kabila ng sakunang kanilang naranasan. Dahil dito, nabuo na sa isipan ng nakararami na ang mga Pilipino, lalo na ang mahihirap, ay matatag— gaano man katindi ang isang sakuna, nagagawa nilang bumangon muli at tumindig sa sarili nilang mga paa.

Ngunit kahit na matatawag itong ‘normal’ para sa mga Pilipino, ipinagwawalangbahala pa rin ng pananaw na ito ang mapapait na dagok na pinagdaraanan ng mga nasasalanta ng sakuna. Sa halip na patuloy na luwalhatiin ang paghihirap ng mga mamamayan, marapat lamang na magkaroon ng pananagutan ang mga nanunungkulan at mas pagtuunan ng pansin ang paghahanda at mitigasyon sa oras ng kalamidad. Noong taong 2013, matatandaang hinagupit ng Super Typhoon Yolanda ang Eastern Visayas kung saan umabot sa PHP 95.5 na bilyon ang halaga ng pinsala. Ang bagyong iyon ay isa sa mga pinakamalakas at pinakadanyosong bagyong naitala sa buong mundo, na naging sanhi ng pagkamatay ng 6,300 na katao. Bagaman nagawang bumangon ng mga apektadong komunidad sa tulong ng gobyerno, hindi pa rin ito sapat dahil sa mga sumunod na taon, makikitang bilyon-bilyon pa rin ang halaga ng pinsala sa ibang bahagi ng bansa pagkatapos tumama ng malalakas na bagyo. Isang halimbawa nito ang Bagyong Karding noong Setyembre kung saan umakyat sa halos tatlong bilyong piso ang halaga ng nawala sa sektor ng agrikultura.

Ang mga naglalakihang halaga ng pinsala na ito ay ilan lang sa mga bunga ng

kakulangan ng pokus sa ‘disaster mitigation’ dito sa Pilipinas. Sa loob ng ilang taon ng pagharap ng mga Pilipino sa iba’t ibang kalamidad, madalas na makikita pagkatapos ng sakuna ang mga boluntaryong naghahanda at namimigay ng ‘relief goods’ at kaunting donasyon sa mga nasalanta. Gayunman, ang mga aksyong ito ay hindi makakatumbas sa paghihirap na pinagdaanan ng mga biktima at kadalasa’y hindi rin ito sapat upang matulungan ang mga nasalanta na bumalik sa normal nilang pamumuhay. Sa oras na muling may dumating na sakuna, mauulit lamang ang siklong ito. Hindi naman sa sinasabing mali ang pagbibigay ng tulong para sa mga biktima ng bawat kalamidad pero hahayaan ba natin na parati na lang ganito? May karapatan tayong tumulong sa mga nasalanta upang agarang matugunan ang kanilang problema, subalit isa lamang itong panakip-butas na solusyon. Dagdag dito, sa mga nakaraang sakuna na ating naranasan, naging kulang ang mga hakbang ng ating pamahalaan upang matugunan ito dahil na rin sa mabagal na pagresponde. Ilang beses nang nagtetrending ang "#NasaanAngPangulo" sa iba't ibang 'social media platforms,' katulad na lang noong kasagsagan ng Bagyong Odette at Bagyong Karding, sa panawagan kung bakit hindi makikita na kumikilos

at pinapangunahan ng pangulo ang pagresponde at parang pinapabayaan na lamang ang mga ahensya nito. Ang kailangan ng mamamayang Pilipino ay sapat na paghahanda at wastong pagresponde, at ang pamahalaan ang may pinakamahalagang papel dito. Kung pababayaan ng gobyerno ang mga mamamayan nito, ang mga nasalanta ay patuloy na luluwalhatiin ang kanilang masasaklap na kalagayan sa buhay.

Gayunpaman, hinding-hindi matatakasan ninuman ang mga kalamidad—bagyo man, lindol, sunog, o pagguho ng lupa. Dahil din sa lokasyon ng Pilipinas, natural lamang na makaranas ng samot-saring sakuna

ang bansa. Ngunit ang hindi normal ay ang patuloy na pagluluwalhati sa kalunoslunos na kalagayan ng mga nasalanta kahit na natutunghayan na natin nang harapan ang kanilang mga sitwasyon at naririnig ang mga daing nila.

Maaaring malakas nga ang loob ng mga Pilipino, pero oras na para tapusin ang siklo ng pagkatumba at pagtindig sa sarili nilang mga paa nang paulit-ulit. Oras na para magdala ng pagbabago at nang wala nang Pilipino pa ang pilit na titiisin ang palpak na sistemang dapat nilang pagkatiwalaan ng kanilang buhay. Higit sa lahat, panahon na upang takpan ang malaking butas na iniwan ng mga solusyong panakip-butas lamang.

malakas nga ang loob

Boses ng Kabataan, Ating Pakinggan!

Ilang dekada nang naghahari ang mayayamang negosyante at mandarambong na mula sa mga makapangyarihang angkan sa politikal na istruktura sa ating bansa—mula lokal hanggang nasyonal. Hindi maikakaila na sa tagal nilang nanunungkulan, nagbunga ang samot-saring problema na ating kinakaharap tulad ng matinding paghihirap at mabagal na pag-unlad. Tumatak na rin sa isipan ng nakararami na ang usaping pampulitika ay para lamang sa mga matatanda at pilit na binabalewala ang mga opinyon at pananaw ng kabataan. Ano nga ba ang papel ng kabataan sa usaping pampulitika? Hadlang ba ang kanilang mga murang edad para makipagsabayan sa mga nakakatanda sa kanila?

Sa nakaraang Halalan 2022, tila may sumiklab na giyera sa 'social media platforms' sa pagitan ng mga tagasuporta ng iba't ibang kandidato sa pagkapangulo, lalo na sa mga panig nina dating Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo at Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Nagbatuhan ang mga tagasuporta ng parehong kampo ng kani-kanilang mga argumento at opinyon para lamang ipagtanggol ang kanilang

napupusuang kandidato. Ang mapapansin ng karamihan ay halos lahat sa kanila ay mga kabataan—botante man o hindi.

Bawat Pilipino ay may karapatan na ipahayag ang kanilang opinyon sa bawat sitwasyon o problema na ating kinakaharap dahil kalayaan nila ito bilang mamamayan ng isang demokratikong bansa. Hindi sukatan ang edad ng isang indibidwal sa kalayaan niyang magpahayag ng kanyang saloobin, lalo na kapag tungkol sa mga usaping pampulitika. Subalit, hindi maiiwasan na minamaliit at hindi sineseryoso ang mga boses nila, lalo na ng mga nakakatanda. Mahalaga ang papel ng kabataan sa usaping pampulitika. Hindi maitatanggi na sila ang nangunguna sa pakikibaka laban sa mga maling desisyon o mga programang ipinapatupad ng gobyerno. Malaki ang kanilang ambag sa tinatawag na ‘nation building’ dahil sa kanilang pagsisikap at mga gawa ay nagagawa rin nilang matulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng iba't ibang programa at adbokasiya. Sila rin ang inaasahang tutugon sa bawat problema ng ating bansa sa hinaharap. Sa dami ng mabibigat na problema na kinakaharap ng ating bansa, sa katunayan ay

kailangan pa rin ng ilang kabataan ng sapat na karanasan at edukasyon upang tuluyang makapag-ambag sa ating bayan. Ngunit, sa aking palagay, parang hindi lamang ang mga kabataan ang nangangailangan ng karagdagang kaalaman upang solusyonan ang mga isyu ng bansa. Kailangan din ito ng ilan sa mga nahalal sa pamahalaan dahil ang ilan sa kanila ay dekadekada nang nanunungkulan, subalit hindi pa rin nila nawawakasan ang mga problema ng bansa na ilang taon nang nararanasan.

Patong-patong na mga problema ang ating nasusubaybayan sa kasalukuyang panahon at hindi sapat ang mga kinikilos ng gobyerno upang ayusin ang mga ito. Parang binabalewala at hinahayaan na lamang tayong humanap ng paraan o dumiskarte na lang upang makaahon. Subalit, sa kabila ng lahat ng ito, walang duda na ang susunod na henerasyon ang magiging pag-asa ng bansa. Sa kanilang pagpupursigi ngayon upang magkaroon ng isang maayos at malinis na pamahalaan, hindi maitatanggi na makakamit din natin ito balang araw. Darating at darating din ang panahon na tatanglaw bilang mga pag-asa ng hinaharap at magsisilbing liwanag ang mga kabataan.

4 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
“Hindi maitatanggi na sila ang nangunguna sa pakikibaka laban sa mga maling desisyon o mga programa ng gobyerno.”
EDITORYAL
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola
Maaaring
ng mga Pilipino, pero oras na para tapusin ang siklo ng pagkatumba at pagtindig sa sarili nilang mga paa nang paulit-ulit.

Noong taong 2020, ang ‘Coronavirus Disease (COVID-19)’ ay mas lalong kumalat sa iba’t ibang panig ng mundo at humantong sa pansamantalang paghinto ng 'faceto-face (F2F)' at biglaang paglipat sa ‘online’ na sistema ng edukasyon. Ngunit ngayong 2023, ang mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ay unti-unti nang bumabalik sa nakasanayan nilang paraan ng pagaaral. Sa aking palagay, ang muling pagkakaroon ng ganitong 'setup' ay may malaking pakinabang pagdating sa edukasyon ng mga estudyante sapagkat sila ay mas makakapag-aral nang maayos sa tulong ng kanilang mga guro sa loob ng silid-aralan.

Matatandaan noong nasa 'online class' pa lamang, gamit ang iba't ibang ‘online’ na plataporma, ilan

Face-to-Face Classes, Muling Magbabalik!

sa mga mag-aaral ay nahirapang makakuha ng malakas na ‘signal’ upang makapasok sa kanilang klase. Bukod pa rito, iilan lang din sa mga estudyante ang may ganang makinig at magpokus dahil maraming distraksyon ang nakapaligid sa kanila kagaya ng mga gadyet, ingay sa paligid, at iba pa. Kung kaya, ang pagbabalik ng nakasanayang paraan ng edukasyon ay makakapagpabago sa mga gawi ng mga estudyante upang sila ay matutong magpursigi sa kanilang pag-aaral at muling magkaroon ng motibasyon para makapagtapos. Dagdag dito, ayon sa mga mananaliksik, ang F2F ay mas maganda kaysa sa 'online classes' dahil nakakatulong ito sa mga magaaral at guro pagdating sa pagbuo ng mas mahusay na koneksyon. Sa gayon, magiging aktibo ang lahat dahil sila ay natututukan at nagkakaroon ng oportunidad upang makadiskubre ng mga bagong gawain. Gayundin, nakatutulong din ito sa mga mag-

aaral na makihalubilo sa iba't ibang tao at mapahusay pa lalo ang kanilang kumpiyansa sa sarili.

“Magiging aktibo ang lahat dahil sila ay natututukan at nagkakaroon ng oportunidad upang makadiskubre ng mga bagong gawain.”

Ika nga ni Nelson Mandela, "Edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit natin upang baguhin ang mundo." Kaya sa muling pagbabalik ng mga kabataan sa kanilang pangalawang tahanan, panatilihin pa rin ang pagpapalawak ng seguridad, pagsusuot ng ‘face mask,’ at pagdadala ng ‘alcohol’ sapagkat hindi pa rin tayo nakakasiguro nang buo na ligtas na nga ang mundo mula sa pandemyang napagdaanan. Sa madaling salita, ang muling pagsisimula ng F2F ay magkakaroon ng pinakamalaking impluwensya sa edukasyon ng mga kabataan. Dahil sila ay malayang makakabalik sa kani-kanilang paaralan upang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa bawat asignatura na kanilang pinag-aaralan.

Kapansanan Patungo sa Kaunlaran

Ang mga pribelihiyong natatanggap ng ‘persons with disabilities (PWDs)’ ay isa sa mga mahahalaga at kapaki-pakinabang na proyektong isinasagawa ng lokal at nasyonal na pamahalaan. Hindi maipagkakaila na kabilang ang programang ito sa mga pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno, lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Dahilan ng samot-saring suliraning pangkalusugan, naging motibasyon ang pagpapalaganap ng maayos at epektibong solusyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan, higit na sa mga nasa laylayan ng sitwasyong ito—ang PWDs.

Higit at pangunahing napagmasdan ko ang pokus na naituon ng mga kinauukulan sa PWDs pagdating sa edukasyon. Hindi maitatanggi na patuloy itong pinahahalagahan at pinangangalagaan ng mga nakatataas na organisasyon, sapagkat karamihan sa mga taong kabilang dito ay nakapagtapos din ng kanilang pag-aaral at nabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho. Sa katunayan, nagbunga rin ng ilang sikat na PWDs na nagtagumpay sa larangang kanilang kinabibilangan dahil sa kanilang determinasyon na makaambag sa kaunlaran ng bansa. Kabilang sa mga ito ay sina Mary Jane Villanueva na nakasungkit ng “Opol’s Most Outstanding Award” noong 2012, ‘deaf teacher-artist’ at ‘2-time International Abilympics Gold Medalist’

Iyak ng mga Nasa Unahan

Dalawampu’t apat na oras silang nagtatrabaho para sa kapakanan ng ating bansa. Arawaraw silang nakikipagsapalaran sa kamatayan. Tatlong taon na ang lumipas simula noong sinakop tayo ng pandemyang dulot ng ‘Coronavirus Disease (COVID-19)’ ngunit hindi pa rin makatwiran ang taas ng sahod ng mga ‘medical worker’ dito sa bansang Pilipinas.

Ang kapabayaan ng ating gobyerno ay isa sa mga higit na nakakaapekto sa ‘medical frontliners’—ang mga taong nangunguna sa labanan upang matalo ang ‘virus’ na ito. Marami na ang nangyari sa loob ng tatlong taon ngunit wala pa ring pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno sa Pilipinas. Nabubulok lamang ang kanilang sistema at unti-unting nalulunod sa utang ang bansa.

Una, karapatan ng ‘medical workers’ ang makatanggap ng sahod na naaayon sa kanilang paghihirap sa mga ospital. Kung iisipin, hindi na minsan umuuwi ang mga nagtatrabaho sa ospital dahil sa kakulangan ng mga trabahador sa bawat araw. Marami ang umaalis sa kanilang mga trabaho dahil hindi na sapat ang kanilang sahod upang masustentuhan ang kani-kanilang mga pamilya.

na si Jose dela Cruz, Fatima Soriano, at iba pa.

Bukod dito, nasaksihan ko rin ang paglunsad ng gobyerno ng mga programang nagbibigay ng oportunidad sa PWDs ng karapatang magtrabaho nang naaayon sa kanilang kakayahan. Mababakas din ang pagsasaalangalang sa dignidad nila at ang pag-iwas sa anumang uri ng diskriminasyon.

Naisusulong din ang mga karapatan ng PWDs pagdating sa rehabilitasyon, kaunlaran, paninindigan, at integrasyon sa paglago ng bansa. Nasaksihang binigyang-pansin ang usaping ito sa pamamagitan ng pag-amyenda ng Republic Act (RA) 10524 ang RA 7277, o mas kilala bilang ‘Magna Carta for Persons with Disabilities.’

Gayunpaman, hindi naging madali ang proseso ng pagpapanatili ng kaayusan pagdating sa sektor sa kalusugan ng mga PWD. Bago pa ang pandemya, marami nang iniulat na ang PWD ay nanatiling isa sa mga pinakamahihina at hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa ating lipunan. Nakararanas sila ng hindi pagkakapantay-pantay, paglabag sa dignidad, at pag-agaw ng awtonomiya. Dahilan ng iba’t ibang problemang nauugnay rito, inaasahang lalala pa ang sitwasyong kanilang kinalalagyan sa patuloy na paglaganap ng pandaigdigang suliraning pangkalusugan.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng hamon at pag-aatubili, nananatiling determinado ang mga kinauukulan sa pagpapamalas ng kanilang

“Nananatiling determinado ang mga kinauukulan sa pagpapamalas ng kanilang pagmamahal at pag-aalala sa mga taong higit na naapektuhan ng nasabing krisis.”

pagmamahal at pag-aalala sa mga taong higit na naapektuhan ng nasabing krisis. Sa tulong ng iba pang eksperto sa medisina, itinaguyod pa rin nila ang kanilang organisasyon nang naaayon para sa pamayanan.

Pinatunayan din ng mga taong katulad ng PWDs na sila ay may natatanging kapasidad sa pagharap ng nakakapangambang krisis. Buong tapang nilang pinatunayan na hindi kailanman magiging balakid ang kanilang kapansanan sa isang taong handang pahusayin at hubugin ang kanilang kakayahan upang makamit ang isang mas makabuluhan, produktibo, at kasiya-siyang pamumuhay.

Pangalawa, marami ang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil mas mataas ang kinikita nila roon kaysa sa Pilipinas. Ayon sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) Perspective, “Ayon pa sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa halos sampung libong piso hanggang PHP 13,500 ang buwanang suweldo ng mga nars sa ’government-operated hospitals,’ habang ang ’average rate’ naman sa mga pampribadong pagamutan ay sampung libong piso lamang.”

Panghuli, sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno, ano pa ba ang aasahan ng mga nasa ospital sa kanila? Sa kalagitnaan ng pandemya, nagawa pa nilang manghiram ng hindi lamang milyon ngunit bilyon-bilyong perang dumagdag na naman sa bayaran ng mga Pilipino. Ilang beses nang sumigaw ang ‘medical frontliners’ para bigyang-pansin ang kanilang serbisyo ngunit nagbubulag-bulagan lamang ang ating mga lider. Binigyan na nila ng ‘Special Risk Allowance’ ang mga nagtatrabaho sa ‘medical field’ ngunit nasa pagitan lamang ito ng PHP 3,000 hanggang PHP 9,000 kada buwan kung saan hindi pa nga ito sapat sa paghihirap na kanilang pinagdadaanan sa ospital.

Sila ang mga nasa unahan tuwing lumalaban. Sila ang nagbibigay ng panibagong pag-asa lalong-lalo na sa mga mahihirap at walang kaya. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, hindi pa rin nabibigyang hustisya ang kanilang mga sakripisyo. Ano nga ba ang dapat gawin ng ating gobyerno? Magbubulag-bulagan na nga lang ba sila o kikilos na para sa mga bayani ng ating bansa?

nabibigyang hustisya ang

5 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
Opinyon
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola

AKASYA: SAKSI SA MGA ALAALA

Hatid ng mga puno ang mga alaala ng nakaraan. Bagaman ito’y taimtim at payapang namamalagi sa mundo, taglay nito ang kuwento ng bawat isa. Kahit saan ka tumingin, Akasya man o Narra, taglay ng samot-saring puno ang paligid ng University of St. La Salle (USLS). Sa palihim na paraan, nakaukit sa mga puno ang kasaysayan ng paaralan.

Sa pagpasok sa loob ng USLS, ika’y sasalubungin ng mga punong kumakaway sa paligid. Isa na ang

“Akasya” sa mga punong ito kung kaya’t ito ang makikita mo sa bawat sulok ng eskwelahan. Ang

Akasya, na kilala rin bilang “Mimosa,” ay isang simbolo ng tradisyonal na pagpili para sa mga pampublikong espasyo simula pa noong panahon ng mga Kastila. Bagama’t maraming akasya ang nakapalibot, namumukod-tanging pagmasdan ang isang punong Akasya na matatagpuan sa kuwadranggulo ng Integrated School (IS). Hindi pangkaraniwan ang punong ito dahil sa katangian at pisikal na anyo nito. Hindi kagaya ng ibang punong

Akasya sa loob, ang katawan ng punong ito ay halos napupuno na ng ugat na nagpapakita ng pag-edad sa paglipas ng taon. Kagaya nating mga tao, ang mga puno ay tumatanda rin at unti-unting namamatay.

Sa pagtanda ng punong Akasya, ito’y naging saksi sa mga pangyayari sa loob ng ilang taon sa unibersidad. Mula noon hanggang ngayon, patuloy na sinasalubong nito ang mga bago at tampok na nangyayari sa kapaligiran. Matatagpuan malapit sa silid-aralan ng mababang baitang, nasaksihan nito ang paglaki ng mga batang nagtatakbuhan sa kuwadranggulo. Sa pagpatak ng ika-4 ng hapon,

kitang-kita nito ang paglabas ng mga bata sa silid-aralan, galak na makapaglaro at makasama ang kanilang mga magulang. Nagbigay-lilim ang sanga at dahon ng puno tuwing tag-init sa mga estudyanteng gumagawa ng mga iba’t ibang aktibidad kaugnay sa paaralan. Ngayon, ang mga batang dugyot at musmos noon ay patuloy na tumatahak sa kanilang sariling landas sa buhay. Sa bawat sandaling lumilipas, lahat tayo’y tumatanda katulad ng mga puno. Habang tayo’y nagsisimula pa lamang sa pagharap sa ating buhay, ang mga puno ay taimtim na naglalaho sa ating mundo. Bagama’t matagal-tagal na ang kanilang paninirahan dito, ang anyo nila ay may dalang hiwaga at ganda sa kuwento ng iba. Hinding-hindi mawawala ang mga kuwentong bayan o kaya’y mga kababalaghang kuwento mula sa mga estudyante kapag ang pinag-uusapan ay mga lumang puno sa eskwelahan. Bagong estudyante ka man o hindi, talagang mararamdaman mo ang hiwaga at nakakapangilabot na pakiramdam tuwing nakikita mo ang punong Akasya sa kuwadranggulo ng IS. Subalit, kagaya ng mga kuwento ng matatanda, ang mga lumang puno katulad nito ay tinitirhan ng mga nilalang na hindi natin nakikita. Maaaring sila’y mabubuti na nagdadala ng biyaya at maaari ding naghahatid ng pahamak at kalupitan sa mga walang galang na tao. Minsan, sila’y nagsisilbing gabay sa mga tao at tagapagtanggol ng ating Inang Kalikasan. Hindi lamang ang puno ang nagdadala ng kuwento kundi pati na rin ang mga taong nakasaksi sa hiwaga at misteryo ng punong ito.

Sa pagdating at pag-alis ng mga Lasalyano, naging saksi ang punong Akasya kasama ang ibang

puno sa mga pagbabagong naganap. Gayundin, nakita nito ang pagbabago sa unibersidad pagkalipas ng ilang taon. Mula sa mga unang gusaling ipinatayo hanggang sa pagpapatayo ng mga panibagong gusali at imprastraktura sa loob ng eskwelahan, matatag na tumatayo pa rin ang punong ito katabi ang mga bagong edipisyo. Hindi rin nawawala sa dugo ng mga Lasalyano ang pagiging makakalikasan. Sapagkat ang punong ito ay patuloy na iniingatan at inaalagaan sa kamay ng unibersidad. Kahit na may mga gusaling ipinatayo malapit sa puno, malaki ang desisyong ginawa nila na panatilihin ito.

Sa bawat punong makikita sa USLS, lahat ay patunay na dumadaloy sa ating mga ugat ang pagmamahal ng mga Lasalyano sa kalikasan. Hindi lamang ang punong Akasya sa kuwadranggulo ng IS ang may natatanging hiwaga kundi pati na rin ang bawat isa. Kagaya rin ng mga puno, iba-iba ang paglago ng ating mga sanga at dahon at pagsibol ng ating mga ugat. Magkaiba man ang ating mga karanasan, ang mahalaga ay ang proseso sa pagsibol natin tungo sa mabuting bersyon ng ating sarili at ang mga aral na natututuhan natin.

SA BAWAT SANDALING LUMILIPAS, LAHAT TAYO’Y TUMATANDA

“CHEESE”!

Tila isang umaagos na ilog, walang katapusan ang pagdaloy ng ating mga alaala. Miyentras bumubuhos ito na parang talon, ang lahat ng mga sandali ay nag-iimpok sa isang napakalalim at walang katapusang hukay. Bata pa lamang ako, naniniwala na ako na ang pagkuha ng retrato ay nagbubuklod sa mga alaalang pinanghahawakan ng ating mga puso.

Sabi nila, hindi luntiang tunay ang iyong dugo kung kahit isang beses ay hindi ka nakuhanan ng retrato ni “Manong Bert.” Kaganapan dito, aktibidad doon— punong-puno ng mga pangyayari ang aking pagkabata sa institusyong ito. Sa unang paligsahan na aking sinalihan, ang unang bumati sa akin ay isang kamera at ang mayari nitong hawak ang sandamakmak na salaysay tungkol sa mga batang Lasalyano, tulad ko. Dahil sa kanya, nangingibabaw ang kabuluhan ng mga ngiti sa harap ng mga kamera.

Si “Manong Bert” na ngayo’y 74 na taong gulang na ay unang nagtrabaho sa loob ng anim na taon bilang isang

retratista sa kalapit na paaralan, ang L’ Ecole. Kinamamayaan ay kinuha siya ng La Salle Brothers dito sa lungsod ng Bacolod upang ipagpatuloy ang pagkuha ng mga retrato. Ayon sa kanya mula sa isang pakikipanayam, “Sang bag-o pa lang ko sa La Salle, [puwerte] ka layo [s]ang [i] tsura [si]ni [kung] [i]kompara subong.” Nakita niya ang lahat ng mga pagbabago na dinanas ng eskwelahan, at lagdaan ito ng kahabaan ng kanyang paglilingkod.

Sa katunayan, hindi kailanman lumiban si Manong Bert sa mga mahahalagang kaganapan ng institusyong ito—ito man ay maging ‘Buwan ng Wika,’ ‘Sportsfest,’ ‘PE Dance,’ ‘Holy Communion,’ at ang pagtatapos sa elementarya o ‘Transition Rites.’ Ang kanyang serbisyo ay hindi lamang sa mga pagdiriwang ito, kung hindi kahit sa mga regular na pasok. Tinanong namin siya kung may retrato man siyang kinuha na hinding-hindi niya maibabaon sa limot, at ayon sa kanya, ang lahat ng mga mukhang kinuhanan niya ng retrato ay hindi kailanman mabubura sa kanyang alaala. Sa kasalukuyan, nagpapahinga ang minsa’y ginagamit na kamera ni Manong

Siguradong maaalala pa rin ng karamihan ang kagalakan sa araw na iaabot na sa’yo ang mga retratong kinuha ni Manong Bert mula sa isang kaganapan. Sa pamamagitan ng kanyang hilig sa pagkuha ng mga retrato, itinuturo niya sa atin ang kahalagahan ng pagngiti at pagtitig sa kamera hanggang sa hudyat ng isang kislap. Maaari mong madaanan si Manong Bert sa mga bulwagan ng paaralang ito, kaya huwag mong kalimutang ngumiti sa kanya tulad ng pagngiti mo noon sa harap ng kanyang kamera.

TILA ISANG UMAAGOS NA ILOG, WALANG KATAPUSAN ANG PAGDALOY NG ATING MGA ALAALA.

‘‘
KATULAD NG MGA PUNO.
JERI MAE THERESE ESPINOSA Kuha ni Reiben Denaga
Lathalain 6 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
JULIA MARIE ACOSTA
‘‘
Kuha ni Julia Acosta berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola

KUMUSTA , HYFLEX CLASSES?

Ito ang linyahan ng mga estudyante na nagpapahiwatig na sila ay pagod at hirap sa bagong modalidad ng pag-aaral simula noong pagbukas ng taong panuruan.

Dalawang taong na ang lumipas at muling namulat ang ating mga mata sa katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang paghakbang natin muli sa mga aktwal na karanasan ng pagiging estudyante. Ngunit, hindi basta-basta lamang ang pagbabalik eskwela sapagkat mayroong ‘Coronavirus Disease (COVID-19) restrictions’ na kinakailangang sundin ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao lalo na ang mga estudyante. Kagaya ng unti-unting pagbabalik ng mundo sa normal na pamumuhay, pinakilala ang ‘HybridFlexible (HyFlex) setup’ sa mga estudyante upang ipagsama ang mundo ng ‘online learning’ at untiunting pagbabalik sa normal na pag-aaral.

Maraming kabataan ang lubhang

nahihirapan sa ‘HyFlex’ na pag-aaral. Ayon kay Sean Samonte ng STEM 12D, ang ‘HyFlex setup’ daw ngayon ay nakakapagod sa pisikal at mental na kalusugan ng tao.

“This new mode of learning takes twice the effort than of what we had pre-pandemic because we have to juggle the shifting schedules of onsite and online classes, not to mention athletes who have post-school training. Additionally, this new normal setup is less productive and more challenging due to the demanding workload of the online modality being mixed with [...] being at school. We only had a few homeworks back then—now, we have several due by the end of the week yet we can’t do much because we are at school,” saad ni Samonte.

Siyempre, hindi mawawala ang mga bagong alaala na inuukit sa bawat karanasan ng mga mag-aaral. Para kay Siason, ang paglipat ng bagong paaralan ay simula ng isang panibagong yugto ng kanyang buhay.

“Hindi naging hadlang ang aking paglipat ng paaralan para makihalubilo at makilala ang iba’t ibang mga tao. Sa katunayan, gumaan ang aking kalooban at marami akong natuklasan sa lungsod dahil sa tulong ng aking mga nakilala at naging kaibigan. Malayo man sa aking pinanggalingan, marami akong natutunan sa aking karanasan sa ‘HyFlex’ na pag-aaral. Isa na rito ay pag-aalaga [nang] mabuti sa aking sarili at [pakikisalamuha] sa iba. Muling sumabak sa buhay, ako’y lumabas sa aking sariling ‘comfort zone’,” ayon kay Siason. Dahil sa kanyang pagsali sa Bahandi: Production and Arts Club mas napag-aralan niya ang mabuting komunikasyon, pag–oorganisa ng isang programa, at ang mga responsibilidad sa trabaho.

Para naman kay Claiza Siason ng STEM 12I, parehong mahirap at nakakapanabik ang ‘HyFlex setup.’

“As a student who lives far from school [...] I find HyFlex classes to be extremely difficult. But due to this modality, it’s easier for me to adjust because I get to stay at home every other week. It was difficult at first, but it has become second nature to me. I think that HyFlex is superior to online learning since we can participate in activities with my peers and meet our lecturers in person,” ika ni Siason.

Hindi rin mawawala ang mga taglay na aral na ating makukuha sa bawat hamon at ganap na ating nalalagpasan sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Para kay Samonte, sapagkat siya’y naatasan sa pagbuo ng sayaw para sa kanilang gawaing pagganap, kanyang napagtanto ang kahalagahan ng pakikinig.

“Ito ang naging daan patungo sa pagiging mas mabuting instruktor. [Samot-saring] landas ang mayroon kami ng aking mga kaklase—ang iba ay mahilig sa pagsasayaw habang ang iba naman ay nagsisikap sa larangan. Gawa nito, ang pagbukas ng aking tainga at ang pagtanggap ng mapamuong pamumuna ang naging saligan na magkaroon ang aming klase ng sayaw na makakayanan ng lahat,” pahayag ni Samonte.

Epektibong paraan ang pagpapakilala ng ‘HyFlex setup’ para sa mga estudyante pagkatapos ang dalawang taong paggugol sa ‘online setup.’ Dagdag ni Samonte, “Mayroon itong makatarungang kabahagi ng kalakasan at kahinaan tungo sa kapakanan ng mga magaaral, ngunit nakakadismaya na ang panghuli ay mas matimbang.”

Sa ngayon, tila unti-unting bumabalik ang pagsasanay ng mga estudyante sa mga pagbabagong dala ng pandemya. Sa pagkislap ng ating mga mata, halina’t ating yakapin ang mga hamon at pagbabagong dala ng ‘HyFlex setup’ bago salubungin muli ang nakasanayang pagtuturo na ating naranasan noon.

“POGDAI NA’KO!”
“THIS NEW MODE OF LEARNING TAKES TWICE THE EFFORT THAN OF WHAT WE HAD PRE-PANDEMIC...”
“IT WAS DIFFICULT AT FIRST, BUT IT HAS BECOME SECOND NATURE TO ME.”
Lathalain 7 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
JERI MAE THERESE ESPINOSA
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola
Kuha nina Ma. Margarette Inumerables at Gee Ann Magdaleno

Nakikita natin sila sa ating araw-araw; umiiral sila sa mga lansangan at pinapalibutan nila ang lungsod upang humatid at sumundo. Hindi maaaring ikaila ang kanilang kahalagahan sa ating lipunan, noon, ngayon, at sa kamakalawa.

Ngunit, sa kasabay na usad ng panahon, tumataas ang mga pamasahe dahil din sa mga bilihin at antas ng ekonomiya. Bunsod ng mga problemang ito ay ang pagtaas ng presyo ng pamasahe. Kaya sa mga nagdaang araw at buwan na naging balakid sa atin ang suliraning ito, huwag sana nating ituon ang galit sa mga drayber—sila lamang ay naghahanapbuhay para may pangtustos sa kanikanilang mga pamilya. Gawin nating punto ang umintindi at tumulong sa kanila sa kung anumang paraan, dahil kahit kontrol nila ang lakad ng kanilang mga ruta, hindi naman nila hawak ang ekonomiya ng bansa.

Para Dito, , ,

Para sa Atin

KUHA NI REIBEN DENAGA

Pait sa Punla: Habambuhay na Kapalaran?

Lumabas ka sa Lungsod ng Bacolod at masasaksihan mo na ang kapatagan ay nababalot ng mga subdibisiyon— may mga tubo rin naman.

Habang patuloy na umiiral ang mga nagsisitaasang imprastraktura at umuunlad ang mga inaalay ng Bacolod, ang puno’t dulo ng kaunlarang ito ay dahil sa produkto ng ating mga sakada: asukal. Sa kabila ng samot-saring balakid at mga problemang dumapo para puksain ang industriya mula sa kasaysayan, patuloy pa rin silang nagsasaka at umaani upang may ipantustos sa pamilya. Hanggang kailan pa ito kayang indahin ng mga magsasaka?

Nasa ika-19 na siglo nang naging bantog ang asukal para sa karamihan ng mga tao sa probinsya. Higit pa sa pansariling gamit, naging esensyal din ito sa pangangalakal. Dahil dito, naging matagumpay naman ang probinsya sa pagsasaka at pag-aani ng asukal para sa ibang mga bansa lalo na sa kontinente ng Amerika dulot ng isang kasunduan, ang “LaurelLangley Pact” kung saan magbibigay ng asukal ang Pilipinas at susuklian nila ang ani ng malaking halaga— ngunit ang produkto ng tagumpay na ito ay pumupunta lamang sa mga mayayaman. Dagdag pa ang mga tagtuyot, tahasang tag-ulan, at paglusob ng mga balang o ‘locust,’

ay patuloy na nagugutom ang mga Negrenseng magsasaka sa mga panahong iyon.

Ngunit, humantong sa mapanglaw na rurok ang lahatlahat sa taong 1986, nang bumaba ang presyo ng asukal sa buong mundo dahilan ng pagwawakas ng kasunduan. Dumagdag pa ang mga naging desisyon ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang mga ‘di umanong pagnanakaw mula sa industriya matapos imbestigahan at naging laganap ang malawakang gutom at mga krimen sa isla. Sa pagpapalalim, itinago sa mga bodega ng inatasang puno ng National Sugar Trading Corp. (NASUTRA) ang asukal sa pag-aakalang tataas ito ng isang dolyar sa palengke. Hindi ito nangyari; patuloy na nalugmok ang kalakalan ng industriya.

Hindi na maaaring ikimkim ng mga magsasaka ang kanilang galit. Mula sa pagtrato sa kanila sa ika-19 na siglo—sa pagdadamot ng pera, hanggang sa sariling ani, hindi namumunga ang kanilang pagsisikap dahil may mga pumupuknit mula sa kanila nang walang pasabi. Taong 1985 nang payapang nagwelga ang mga magsasaka at iba pang mga katauhan sa Lungsod ng Escalante laban sa pagkadiktador ni Marcos Sr. sa bayan at lalo na sa sakahan. Sa kasamaang palad, pinaulanan sila ng bala sa ikatlong araw, at ang pangunahing dahilan

“Sa kabila ng samotsaring balakid at mga problemang dumapo para puksain ang industriya mula sa kasaysayan, patuloy pa rin silang nagsasaka at umaani upang may ipantustos sa pamilya.”

ng mga sundalo ay ang kanilang pangunguna sa dahas. Sa kabila ng masaklap na taong ito, nanguna pa rin sila sa payapang pag-aadbokasiya sa “EDSA People Power Revolution” na patalsikin ang presidente. Ngayon, ilang taong lumipas mula sa pagsasailalim sa isang diktador, halos 63 na porsiyento ng mga aning asukal ay mula sa ating probinsya. Sa kabila nito, ang mga masaganang ani ng mga magsasaka ay patuloy pa ring nalalanta. Gaya ng iba pang mga kalakalan, naging matumal din ang benta nang nagkaroon ng Extended Community Quarantine (ECQ) sa Pilipinas. Dagdag pa, nanatiling piyudal ang sistema ng mga haciendero sa mga magsasaka. Pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), naitayang nasa PHP 244.81 o USD 4.69 ang totoong ‘minimum wage’ o sahod ng mga magsasaka. Ang pagpapataw ng pantay na suweldo para sa mga magsasaka ay palaging nalilihisan ng mga amo gamit ang ‘contract labor’ o pakyawan. Sa estado nito ngayon, gaano pa ba katagal bago kakalawangin ang kanilang mga karit? Kahit hindi tayo ang may hawak ng mga karit, o humahasik ng mga supling, kailangan nating kumibo. Kailangan nating ipaglaban ang karapatan ng ating mga magsasaka sa kahit anong paraan na ating makakaya, dahil kung hindi sa kanila, magiging ganito ba kayabong

ang probinsya ng Negros Occidental? At maipagpapatuloy ba natin ang mga pagbabagong nakikita natin sa probinsya—ang mga pinapatayong mga imprastraktura, kung mawawalan tayo ng pangunahing industriya?

Kaya sa pagmamasid mo paglabas ng Bacolod, palaging tandaan na ang masasaksihang kapatagan ay namunga at patuloy na bubunga ng katubuhan kung atin itong ipaglalaban. Palaging tandaan na habang nagsisitaasan naman ang ating mga gusali, ang puno’t dulo pa rin ng kaunlarang ating natatamasa ngayon ay pundasyon ng mga sakadang hindi nasusuklian, noon at lalong-lalo na sa ngayon.

“Ang puno’t dulo pa rin ng kaunlarang ating natatamasa ngayon ay pundasyon ng mga sakadang hindi nasusuklian, noon at lalong-lalo na sa ngayon.”

Litrato mula kay
REIBEN JAY DENAGA Kim Komenich
Litrato mula sa Department of Agrarian Reform Litrato mula sa Bantayog.Org
Kuha ni Reiben Denaga
Kaunlaran 10 BERDENG
VI, BILANG X berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola
Kuha ni Reiben Denaga
PAROLA TOMO

Sa mga Haligi ng Kaginhawaan

Sa likod ng mga nagtatataasang gusali at imprastraktura sa ating mga siyudad, may natatagong realidad na hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ng karamihan. Ito ay ang buhay ng mga kababayan nating nagtitiis lamang sa pinagtagpi-tagping tirahan dulot ng kawalan ng maayos na matutuluyan.

Dito sa Pilipinas, isang pribiliheyo ang pagkakaroon ng disenteng tirahan dahil maraming mga pamilya ang lugmok sa kahirapan. Minsan nating masisilayan sa mga bangketa ang mga taong nakatira sa kanilang munting barong-barong na gawa sa magagaang materyales.

Kalimitan ding lumalantad sa ating harapan ang mga taong naninirahan at natutulog sa mga kalye at nanlilimos na lamang upang makalikom ng perang panggastos. Bukod dito, isa sila sa mga direktang naaapektuhan ng malalakas na sakuna dahil sa kawalan ng maayos na matutuluyan at kakulangan sa kagamitang ipapaayos sana ng kanilang mga tirahan. Sa oras na humagupit ang malalakas na bagyo, pangamba ang unang nararamdaman nila sa pag-aalalang baka pagkatapos

ng naturang sakuna ay liparin ng naglalakasang hangin at anurin ng tubig baha ang tanging bahay na mayroon sila. Ang mga sitwasyong ito na karaniwan nating natatanaw ay ilan lang sa mga suliraning kinakaharap ng mga kababayan nating salat sa buhay. Gayundin, ipinapakita nito na talamak pa rin sa bansa ang suliranin pagdating sa pabahay kahit ilang administrasyon na ang dumaan. Ayon nga sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), tinatayang nasa 6.5 milyong mga bahay pa ang kabilang sa ‘housing backlog’ ng bansa.

Upang unti-unting tugunan ang problema ng

Pilipinas pagdating sa pabahay, marami nang mga proyekto at programa ang ipinatupad tulad

ng Pag-IBIG Affordable Housing Program (AHP), Community Mortgage Program (CMP), Abot-Kaya Pabahay Fund Developmental Loan Program (AKPF-DLP), at Industry Development Program.

Noon lamang ika-22

ng Setyembre, inilunsad din

ng pamahalaan ng Lungsod ng Quezon at ng DHSUD

“Dito sa Pilipinas, isang pribiliheyo ang pagkakaroon ng disenteng tirahan dahil maraming mga pamilya ang lugmok sa kahirapan.”

ang “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino,” isang proyekto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naglalayong handugan ng pabahay ang higit anim na milyong pamilya sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang milyong bahay taontaon hanggang 2028. Dito naman sa probinsya ng Negros Occidental ay inilunsad ng Habitat for Humanity ang “Negros Occidental Impact 2025 (NOI25)” katuwang ang Hilti Foundation noong 2019. Layunin din ng proyektong ito ang matugunan ang ‘housing gap’ sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng 10,000 na ‘disaster-resilient’ na mga bahay sa mga piling komunidad sa Lungsod ng Silay, Lungsod ng Bacolod, Lungsod ng San Carlos, at Lungsod ng La Carlota. Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng proyektong ito rito sa probinsya. Ang mga hakbang tulad ng mga ito ay mainam upang maparami ang mga Pilipinong may disenteng tirahan nang sa gayon ay mabawasan din ang mga suliranin ng kababayan nating salat sa buhay. Bagama’t

hindi lubos na perpekto ang mga proyektong ito at marami pang puwedeng pagbutihin, kahit paano ay nabibigyanglunas nila ang problema ng bansa pagdating sa pabahay.

Sa pagpapatuloy ng mga ito, inaasahang sa hinaharap ay wala na tayong makikitang mga taong nakatira lamang sa mga munting barongbarong, nanlilimos sa kalsada, nangangambang baka mawasak ang kanilang tahanan tuwing may sakuna, at naninirahan sa mga eskinitang nakakubli sa likod ng nagtataasang mga gusali sa ating bansa. Masisilayan na natin silang nakangiti nang may dalisay na kagalakan dahil sa wakas ay hindi na sila magtitiis sa pinagtagpi-tagping tirahan, bagkus ay may permanente na silang matutuluyan.

Kaunlaran 11 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
Orihinal na Litrato mula sa Habitat for Humanity
JASPER LAGUITAN
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola
“Masisilayan na natin silang nakangiti nang may dalisay na kagalakan dahil sa wakas ay [...] may permanente na silang matutuluyan.”
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola
Dibuho nina Lean Camarista at Erine Medalla
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola

Agham at Teknolohiya

ANG PAGLALAKBAY TUNGO SA MABISANG GAMOT SA HIV

epekto ng mga peligrosong impeksyon at ilang uri ng kanser sa katawan.

lubhang nakakalalin at dumarami na rin ang impeksyon sa katawan.

Noong Hunyo 1981, naitala ang unang kaso ng “Human Immunodeficiency Virus (HIV)” sa siyudad ng Los Angeles, United States. Gayunpaman, ayon sa American Association for the Advancement of Science (AAAS), ang unang kaso raw nito ay mababakas pa noong 1959 sa Kinshasa, Democratic Republic of the Congo. Bagaman kumakalat sa mga tao, ang HIV ay hindi nanggaling sa publiko.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), sa uri ng ‘chimpanzee’ sa Central Africa nagmula ang ‘virus’ noong 1800s. Tinatawag naman itong “simian immunodeficiency virus (SIV)” sa mga ‘chimpanzee.’ Maaaring naipasa ito sa mga tao tungo sa panghuhuli at pagkain ng karne ng naturang hayop, bilang resulta rin ng pagdiit ng kanilang nahawaang dugo sa tao.

Alinsunod sa pananaliksik ng American News Today, inaatake ng ‘virus’ na ito ang ‘immune cells’ na “CD4 cells,” isang uri ng ‘white blood cell’ na nananalaytay sa katawan ng mga tao. Layunin ng “CD4 cells” na kilalanin ang mga impeksyon at mga anomalya sa ibang mga selula sa katawan. Pinupunterya ng HIV ang mga selulang ito upang lumikha ng mas maraming pang kopya ng mikrobyo. Nilulupig nito ang “CD4 cells” upang bawasan ang kakayahan ng katawang labanan ang iba pang mga sakit. Pinapataas din nito ang panganib at

Maaaring makuha ng isang tao ang HIV kapag ang mga likido sa katawan na naglalaman ng ‘virus’ ay magkakaroon ng direktang kontak sa basang ‘tissue’ at ‘permeable membrane’ ng katawan, katulad na lamang ng maseselang bahagi ng katawan. Hindi ito naipapasa sa pagkakaroon ng kontak sa laway na naglalaman ng mikrobyo, subalit maaari itong makuha sa pagdiit ng dugo, semilya, ‘pre-seminal fluid,’ ‘rectal fluids,’ ‘vaginal fluid,’ at ‘breast milk.’

Ang sintomas ng HIV ay may mga antas, subalit may mga pagkakataon ding hindi nararanasan ng mga pasyente ang sintomas ng naturang mikrobyo. Ayon sa CDC, sa unang antas ng HIV, maaaring makaranas ang tao ng sintomas katulad ng trangkaso. Sa pagkakataong ito, marami ang HIV na nasa dugo ng isang tao at ito ay lubhang nakakahawa. Sa ikalawang antas, tinatawag na itong ‘asymptomatic HIV infection,’ kung saan maaaring hindi maranasan ng tao ang sintomas ngunit nakakahawa pa rin ito at patuloy na dumarami ang mikrobyo sa katawan. Ang panghuling antas ay tinatawag na “Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)” o ang pinakamalalang punto ng impeksyon. Unti-unti nang napipinsala ang ‘immune system’ ng indibidwal at mas madali nang kapitan ng iba’t ibang sakit;

Sa kasalukuyan, wala pang agarang lunas sa HIV; gayunpaman, may bukas na medikasyon para sa HIV na makatutulong sa pagkontrol at pag-iwas ng mga komplikasyong dulot ng impeksyon. Tinatawag itong “antiretroviral therapy (ART).” Ayon sa Mayo Clinic, bawat taong nasuri na may HIV ay dapat magsimula sa ART, gaano man kalubha ang dulot na impeksyon o komplikasyon sa kanilang katawan. Ang medikasyong ito ang pinakamabisa upang mapababa ang dami ng HIV sa dugo. Para maging mabisa ang ART, mahalagang inumin ang mga gamot na iniriseta nang hindi nawawala o lumalampas sa tamang dosis. Wala mang agarang lunas sa HIV, payo ng mga propesyonal

BALANGKAS NG

SA KALAWAKAN

Pagkalipas ng 50 na taon, muling ipagpapatuloy ng mga astronomo ang hanay ng mga misyon para sa nag-iisang ‘satellite’ ng planeta. Inihandog ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang “NASA Artemis Mission,” isang serye na programa para sa mga misyon sa kalawakan at buwan.

Sa limang dekadang nakalipas simula noong unang pagtapak ng mga astronomo sa buwan tungo sa legasyong ‘Apollo,’ patuloy itong pinag-aralan gamit ang mga makabagong teknolohiya, subalit uhaw sa kuryosidad ang mga tao sa muling pagbabalik mismo ng mga astronomo sa ‘satellite.’ Noong taong 2017, ipinakilala ng NASA ang banghay ng “NASA Artemis Mission,” mga panukalang bababa sa kasaysayan.

Kasalukuyang isinasagawa ang tatlong misyon ng programang ‘Artemis’: Artemis

1, isang ‘uncrewed flight’ na lilibot at lilipad lagpas sa buwan; Artemis 2, isang biyaheng pangungunahan ng mga astronomo upang lumagpas sa lunang magdadala sa mga astronomo sa pinakamalayong mapupuntahan nila sa kalawakan; at Artemis 3, ang misyong dadalhin ang unang babaeng astronomo at unang ‘person of color (POC)’ sa buwan, kasangkot ang paggugol ng isang linggong pagsasagawa ng mga siyentipiko upang pag-aralan ang buwan. Noong ika-16 ng Nobyembre, matagumpay na nailunsad ng NASA ang ‘Artemis 1’ sa ‘pad’ 39B ng Kennedy Space

Center pagkatapos ng apat na bigong pagpapatupad ng plano. Ang misyong ito ay isang malawak na pagsubok ng “Space

Launch System (SLS)” o ang ‘rocket’ na magdadala ng “Orion module,” o ang ‘spacecraft’ sa kalawakan para sa programang ‘Artemis.’ Ito ay tumagal ng 25.5 na araw at natapos noong ika-11 ng Disyembre lamang. Sa nakatalagang oras para sa misyon, umikot ang mga ‘spacecraft’ ng 400 na kilometro sa ibabaw ng buwan bago nagpatuloy sa humigitkumulang 64,373 na kilometrong biyaheng

“Itinuturing na gintong tiket ng

NaSA ang tagumpay ng kabuuan ng

‘Artemis 1.’”

lampas sa lilim ng kalawakan. Nagwakas ang misyon at bumaba ang ‘module’ sa karagatang Pasipiko malapit sa California, United States of America.

Itinuturing na gintong tiket ng NASA ang tagumpay ng kabuuan ng ‘Artemis 1’ dahil dito nakasalalay ang tagumpay ng buong serye ng programa. Ang SLS ng ‘Artemis 1’ ay tumulong sa pagdala ng mga instrumentong kakalap ng impormasyon upang makatulong sa ‘Artemis 2,’ kung saan sasabay na ang mga astronomo upang umikot sa ‘lunar sphere’ at sa lapad ng kalawakan. Inaasahang mailulunsad ang ‘Artemis 2’ sa taong 2024; para sa kasalukuyang

na makakabuti sa nakakaranas ng HIV na maagapan ang impeksyon sa mas maagang antas ng paglabas ng sintomas. Nakamamatay ang impeksyong ito at kapag umabot na sa AIDS, kadalasang nabibigyan na lamang ng tatlong taon ang mga taong nasuring nasa pinakamalalang punto ng impeksyon. Walang masama sa pagpapasuri kung ang isang tao ay may HIV at wala ring dapat ikahiya kung positibo man sa impeksyon ang isang tao. Nararapat na bukas ang isip ng lahat kapag kalusugan na ng mga tao ang nakasalalay.

serye ng programa, ang ‘Artemis 2’ ang magbibigay-daan sa ‘Artemis 3.’ Masasabing ang ‘Artemis 3’ ay isang mapaghangad na misyon sa serye ng ‘Artemis Program.’ Isang legasyon sa 2025 na maaaring mapunan ang kontrobersiya ukol sa mga bakas na naiwan ng mga astronomo ng ‘Apollo’ ilang dekada na ang nakalipas. Isa sa mga layunin ng NASA ang paglunsad ng pagkakapantay-pantay, tungo sa pagpapadala ng unang astronomong babae at POC sa buwan. Dagdag pa rito, layunin din nitong palawakin pa ang teknolohiya upang magbigay-daan para sa susunod na mga misyon sa kalawakan. Marami pang hinahangad ang NASA, katulad na lamang ng makabagong kaalaman at mga deposito ng kayamanan sa buwan na magiging posible lamang kung matagumpay na maipapatupad ang balangkas ng programang ‘Artemis.’ Ang NASA ay hindi lamang naglalayong ulitin ang programang ‘Apollo,’ bagkus ay saklaw ng programang ito ang pumunta sa buwan at manatili na roon. Sumasaklaw ang ‘NASA Artemis Mission’ ng pagsisiyasat sa posibilidad na magtatag ng mga ‘base’ sa ‘orbit’ ng buwan at sa buwan mismo. Kalakip din sa seryeng ito ang paglalatag ng saligan para sa posibleng hinaharap ng sangkatauhan sa planetang ‘Mars.’ Sabi nga ni Reid Wiseman, punong astronomo sa Johnson Space Center ng NASA, “I just want everybody in the room and everybody watching to remember our sights are not set on the moon. Our sights are set clearly on Mars.”

14 BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
GRACE BIÑAS
PAGLALAKBAY
MAKASAYSAYANG
GRACE BIÑAS Anyo ni Grace Biñas
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola

Pampalakasan

PAGGUNITA sa buwan ng wika:

INTERBARKADA LARONG PINOY COMPETITION

UMARANGKADA

Naglaban-laban ang iba’t ibang mga manlalaro at koponan sa “Interbarkada Larong Pinoy Competition” na inihandog ng Liceo Student Government (LSG) bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika noong ika-31 ng Agosto sa loob ng University of St. La Salle (USLS). Kinabibilangan ang paligsahan ng mga indibidwal na laro ng ‘Jackstones’ at ‘Piko’ habang ‘Batuhang

Bola,’ ‘Chinese Garter,’ ‘Hilahang Lubid,’ at ‘Tagu-Taguan’ naman para sa pangkatang kategorya.

Pumailanlang ang mga manlalaro ng ABM 12A sa mga indibidwal na patimpalak matapos na waging napasakamay ni Shane Ballarta ang panalo sa ‘Jackstones’ sa kanyang bilis sa pagsalo ng bola at ‘jacks’; namayagpag din ang galing ni Ysabel Jordan sa ‘Piko’ sa bawat pagtalon sa mga hakbang ng laro.

Ginulantang ng “Team SentJo” ang lahat ng kalaban sa kanilang

lakas at liksi sa ‘Batuhang Bola,’ na nagresulta sa paghari ng koponan na binubuo nina ‘captain’ Adrian Hernandez, kasama ang kanyang mga kasapi na sina Kevin Berondo, Romero Claridad, Chreschan Dumada-ug, Jonh Lorejo, Ashley Lopez, Kristine Marina, Micaella Maraña, Angel Tolog, at Megan Tayson. Dumadagundong naman ang buong palaruan sa taas ng paglundag ni ‘mother’ Gabriel Montaño, nang akayin ang

kampeonato sa ‘Chinese Garter’ sa tulong ng kanyang mga kakampi na sina Alexandra Belarmino, Risha Cadeliña, Chrishyrine Ladrido, Angela Molino, at Ellien Pacilan. Napabagsak din ang lahat ng mga katunggali sa ‘Hilahang Lubid (Girls’ Category)’ sa lakas ng puwersa nina Elianah Dorado, Raizen Famoso, Janna Ledesma, Alessandra Tupas, at Glenzie Villarosa; habang sumiklab naman sa ‘Hilahang Lubid (Mixed Category)’ ang koponan nina

PAGKARERA: SA

Katirikan ng araw nang umugong ang mga gulong. Atras, abante; ito ang hila ng laro sa mga tagapagmaneho nito. Sa paglagpas nila sa dulo ng panalo, binalot ng hiyawan ng madla ang buong sirkito.

Hindi maipagkakaila na ang Formula 1 (F1) Racing ay isa sa mga hindi pangkaraniwang uri ng pampalakasan kapag pinaguusapan ang larangan ng isports, ito ay kadalasang isa sa mga interes na tanging mga ‘die-hard fans’ lamang ang nabibilang sa mga tagapanood nito. Magmula noong 1950 kung saan unang inilahad sa publiko ang F1 Racing, patuloy itong sumisikat sa buong mundo. Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit mas naging kilala ito sa mga nakalipas na taon?

Tila naiiba sa ibang pampalakasan ang paligsahan sa F1, ito ay karaniwang nakatutok sa indibidwal na tagapagmaneho pero pwede rin itong maituturing na pangkoponan na laro. Dito, naghahalo ang iba’t ibang bahagi ng palakasan tulad ng ‘aerodynamics,’

Richmond Agnes, Ralph Lacambra, Roselyn Peligro, Jireh Reate, at Anne Tan.

Huling nanaig sa ‘Tagu-Taguan’ ang koponan nina John Arcenas, Irene Argabio, Aquilah Baja, Elijah Ballesteros, Kent Banaban, Rikki Canillo, Jun Dela Cruz, Gale Dioso, Katrina Felix, Ma. Juliana Linget, Denise Martir, Julian Morada, Alera Rosal, Jan Salceda, at Estelle Segovia matapos nilang pahirapan ang lahat ng kalaban sa kanilang mga pinagkukublian.

Ano nga ba ang dahilan?

mga makina, at ang pag-iisip ng mga masalimuot na mga estratehiya. Ngunit tulad ng iba pang isports, ang kasikatan ng isang kompetisyon ay nauugnay sa mga personalidad na nabibilang dito; kung ang atleta ay kahanga-hanga, mas maraming tao ang gustong manood at sumuporta sa kanila. Nang tanungin ang isang apisyonado kung siya ba ay naniniwala na ang mga tagapagmaneho ay mayroong malaking epekto sa kasikatan ng paligsahan, “Yes, the drivers do have a big impact on the sports’ popularity. A driver’s accomplishments or their iconic moments on the track help boost F1’s excitement which simultaneously raises its popularity amongst the masses,“ ayon kay Bwoah Räikkönen*.

“Patunay nga ang mga masigabong hiyawan na hindi matitira sa alikabok ang F1 Racing.”

lang ng kalsada sa Circuit de Monaco kung saan tila bituka ng manok na nagbubunsod ng kaba sa mga manonood at Circuit Gilles Villeneuve sa Canada kung saan maraming makasaysayan na mga pangyayari ang naganap na talagang dinadayo ng mga tao. Giit pa ni Bwoah Räikkönen*, “As a newbie myself who started watching in Azerbaijan 2021, the intensity of the first race I saw at Baku was enough to make me watch more and become a fan of F1.”

Bawat ikot at liko sa mga lokasyon ng F1 ay naiiba, kagaya na

Dala ng nakakamangha at nakakakaba na mga lokasyon na nakakaakit ng mga manonood, hindi lamang ang mga tagahanga ang nasasabik sa mga karera ng iba’t ibang sirkito. “We’re always very excited to come here because the track is amazing to drive,” ayon kay Max Verstappen, tagapagmaneho ng Oracle Red Bull Racing (RBR) sa isang

panayam ng Consumer News and Business Channel (CNBC) patungkol sa kanyang karera sa Singapore Grand Prix noong nakaraang taon. Ang bawat lokasyon ay mayroong makabuluhan at naiiba na mga katangian na siyang walang sawang dinadayo ng mga tao na nagbibigay karagdagan sa kasikatan ng patimpalak. Pahabol pa ni Bwoah Räikkönen* tungkol sa kabantugan ng isport, “On an international scale, F1 really has appealed to a wide audience. This becomes visible on race weeks where the venues such as the Red Bull Ring or Circuit of the Americas are always packed throughout a race weekend. Locally though, it has not yet reached a wide-scale audience, but there are a handful of F1-related groups here in the Philippines which unite the fans and even provide watch parties.”

Sa patuloy na paglago ng paligsahan sa mundo at paghatak sa mga madla, patuloy ring dadami ang mga dahilan kung bakit ito sumisikat. Patunay nga ang mga masigabong hiyawan na hindi matitira sa alikabok ang F1 Racing.

BERDENG PAROLA TOMO VI, BILANG X
YLA ARIOLA KatanyagaN Kuha ni Anna Valencia
berdengparola@usls.edu.ph Berdeng Parola Berdeng Parola @berdeng_parola

Mainit-init ang sahig ng University of St. La Salle (USLS) Coliseum matapos makipagsagupaan ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles at University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa isang ‘exhibition match’ bilang handog sa “First Albee Benitez Volleyball Cup MassKara 2022” na inorganisa ng GRID Athletics Sports noong ika-9 ng Oktubre.

Sukbit man ng Golden Tigresses ang galing at pagpupunyagi na manalo, hindi iyon naging sapat nang patumbahin sila ng Lady Eagles, 3-2, sa kanilang ‘5-set showdown’ na may mga puntos na 25-21, 27-25, 21-25, 22-25, at 15-11.

Inilathala sa isang panayam ni Ateneo Lady Eagles ‘head coach’ Oliver “O”

Almadro na mahalaga para sa kanilang koponan ang pagkalantad sa ganitong uri ng mga aktibidad upang mas makadaragdag ito sa lakas ng loob ng kanilang mga manlalaro lalong-lalo na sa paparating na mga laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Solidong inangkin ng Ateneo ang unang ‘set,’ 25-21, nang magpakawala sila ng walong puntos na bentahe laban sa kabilang koponan matapos tumabla sa 17 na puntos; napanatili pa rin ng Lady Eagles ang pangunguna sa madikit na labanan nang ariin nila ang ikalawang yugto ng laro sa mga iskor na 27-25.

“I cannot say that this [game] is [up] to the team’s standards because we’re still months [away] to go to the UAAP, and I pray and we are working hard that we will be peaking at the right time—[that]

we will be in 100% condition at the right time,” ani Almadro. Sunod-sunod man ang panalo ng Lady Eagles, hindi pa rin iyon naging dahilan upang bumaba ang loob ng Golden Tigresses na nagbigay-daan sa kanila para masikwat ang panalo, 21-25, sa ikatlong ‘set’; kinulang sa batak ang Ateneo nang mahulog ang kartada sa ika-apat na yugto sa mga puntos na 22-25. Dagdag pa ng ‘head coach,’ ang kanilang koponan ay malayo-layo pa sa 100 na porsiyento at nasa 30 hanggang 40 na porsiyento pa lamang pero sila ay nagsusumikap sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad para makamit ang 100 na porsiyento sa UAAP. Tuluyang nawalan ng angas ang mga tigre nang paluhurin sila ng mga agila sa ‘deciding set’ kung saan kumamada ang panghuling koponan ng mga iskor na 15-11.

Sa larangan ng isports, ito man ay tradisyonal o elektroniko, hindi dapat nawawala ang katangian ng isang manlalaro na maging isang isport at palakaibigan sa mga kakampi at katunggali dahil ito ang tunay na kakanyahan ng bawat pampalakasan.

Mahalagang magkaroon ng ‘sportsmanship’ at ‘camaraderie’ ang isang manlalaro at ang buong koponan sapagkat sila ay makikilala ng madla at ang kanilang karangalan bilang isang opisyal na manlalaro at koponan ay masisilayan. Ito ay maaaring makakabuti o makakasira ng kanilang imahe bilang isang ‘public figure’ depende sa kanilang pangangasiwa sa bawat kaganapan at hidwaan.

Base sa aking karanasan bilang isang dating manlalaro at miyembro ng

Football Club (FC) ng aming paaralan noong elementarya, sa bawat pagsasanay at pag-eensayo bilang isang ganap na koponan, dito naging importante ang

pagkakaroon ng koneksyon sa isa’t isa at ang pagkakaroon ng mabuting relasyon o pagiging kaibigan sa mga kakampi. Mahirap magkaroon ng problema sa isang kapangkat dahil kinakailangan ninyong magtrabaho nang sama-sama sa pag-ani ng panalo. Paano makakamit ng isang koponan ang pagkakaisa kung mayroong manlalarong nagkakaroon ng poot at hinanakit sa kanyang kapwa manlalaro?

Paano matatamo ng isang koponan ang panalo kung walang pagkakaisa? Sa bawat laban na kinakaharap ng isang atleta, iba’t ibang mukha ang nakikita at nakikilala sa mga laro o torneo. Maaaring kaibigan o kaaway ang makakasalamuha kaya dito natin maipapasok ang kahalagahan ng pagiging isport—ang magbigay ng respeto sa bawat kalahok ano man ang maging resulta ng laban. Mahirap magkaroon ng kaaway sa kahit anong larangan, mapaisports man ito o sa ating buhay dahil sila ang nagbibigay ng negatibong enerhiya

sa atin na maaaring makaapekto sa ating paglalaro at maging hadlang sa pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay. Ayon sa mga pag-aaral at pananaliksik, maraming mga benepisyo ang naibibigay ng pagiging isport at pakikipagkaibigan. Halimbawa nito ay ang mga karakter tulad ng paggalang, karangalan, disiplina, katatagan, tiyaga, koordinasyon, at pagsasama. Ang pagtutulungan ng bawat miyembro sa isa’t isa ay isa sa mga lakas at kalamangan ng isang koponan laban sa iba. Ito ang pinakamakapangyarihang sandata ng isang pangkat na siyang magdadala ng kanilang pagwagi sa lahat ng laban na kanilang mahaharap. Bagama’t ang pangunahing layunin ng karamihan sa mga manlalaro at koponan ay ang pagsungkit ng bawat tropeo, para sa akin,

ang pinakamahalagang bagay ay ang pagtataglay ng bawat atleta ng dangal bilang isang patas na manlalaro na magreresulta sa pagkakaroon ng maraming kakilala at mabuting koneksyon sa iba’t ibang tao. Sa pamamagitan nito, ang lahat ng karanasan at alaala ng bawat pakikibaka at tagumpay sa buong paglalakbay ng isang atleta ay magiging bunga na kanyang dadalhin at pahahalagahan habambuhay. PAMPALAKASAN YLA ARIOLA Integridad, Pakikisama: Ang Kaibuturan ng Bawat Palakasan Bangis ng UST Golden Tigresses Dinagit ngATENEO LADY EAGLES ASUL SA DILAW. Nakikipagbangayan ang mga babaeng manlalaro ng UST laban ang Ateneo sa ‘volleyball,’ ika-9 ng Oktubre. KUHA NINA GABRIEL TAN AT REIBEN DENAGA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.