3 minute read

ISPORTS

LA Lakers, nasungkit ang kampeonato sa 2020 NBA Finals

ni Yusrhina Usman

Advertisement

Nilampaso ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa Game 6 ng NBA Finals sa iskor na 106-93 na ginanap sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida noong ika-11 ng Oktubre 2020.

Sa pangunguna ng star players na sina Lebron James at Anthony Davis, pinarangalan ang Lakers bilang kampeon ng 2020 NBA Finals, kasabay nito ay ang pagsungkit ng Lakers sa kanilang ika-17 na titulo sa NBA Championship.

Pagtapak pa lamang sa Game 6 ng Lakers ay binaon na nila ang tyansang makaahon pa ang Heat at kanilang tinuldukan ang best of seven finals series sa iskor na 4-2.

Tinambakan agad ng Lakers ang heat sa umpisa pa lang ng laro. Abante na ang Lakers ng 28 puntos, 64-36, sa halftime pa lamang ng laro. Hindi rin nito binigyan ng pagkakataon ang Heat na makalamang at nangunguna pa rin ang Lakers hanggang sa ikatlong quarter, 87-58.

Muling nakamit ng Lakers ang kampeonato matapos ang isang dekada. Ang huling pagkakataon nitong sumabak sa NBA Finals ay noong taong 2010 kasama pa ang ‘the Black Mamba’ na si Kobe Bryant.

Tinanghal naman si Lebron James bilang Finals MVP sa kanyang ika-11 na paglahok sa NBA Finals. Nakapagtala ito ng 28 puntos, 14 rebounds, at 10 assists, habang si Anthony Davis naman ay

ORANGE COUNTRY REGISTER LA Lakers Rajon Rondo (9) tumira sa ibabaw ni Miami Heat forward Jae Crowder (99) noong Game 5 ng NBA Finals Biyernes, Oktubre 9, 2020.

nakapagdagdag ng 19 points at15 rebounds para sa koponan.

Sinasabing hindi naging madali ang laban ng Lakers upang makamit ang kampeonato. "It's probably been the most challenging thing I've ever done as far as a professional, as far as committing to something and actually making it through," ani ni James. "But I'm here for one reason and one reason only, and that's to compete for a championship.”

Maituturing ding makasaysayan ang NBA Finals ng taong ito dahil kahit nasa gitna ng pandemya, matagumpay nitong natapos ang 74th season ng NBA at hindi nito binigo ang libolibong tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

2020 PBA Philippine Cup, muling nagpasiklab

ni Fatma Shaheen S. Hadjirul

Ipinagpatuloy na ng Philippine Basketball Association ang mga labanan sa kinakasabikang ibalik na 42nd PBA Philippine Cup noong ika-11 ng Oktubre, 2020 sa Angeles University Foundation sa Clark, Lungsod ng Pampanga matapos itong pinatigil ng pitong buwan dahil sa pandemya.

Ipinahinto ang 2020 PBA Philippine Cup noong Marso 11, 2020 nang inanunsyo ng PBA Board of Governors na hindi muna matutuloy ang mga susunod na labanan upang sundin ang ipinatupad na mga panuntunan laban sa COVID – 19. Pagkaraos ng anim na buwan, ibinalita nila ang pagbabalik nito noong Setyembre 17. Tinawag nila itong PBA Bubble, hango sa NBA Bubble, kung saan

PBA PH Terrence Romeo (7) ng San Miguel Beer sa laro laban ang Magnolia sa Philippine Cup noong Marso, 2020.

nakalayo ang mga manlalaro sa publiko upang mapanatili silang negatibo sa COVID – 19 habang umaarangkada ang paligsahan. Sila ay pansamantalang mananatili sa Quest Hotel, Pampanga City na siyang magsisilbing bubble ng mga manlalaro.

Tig-dadalawang labanan ang magaganap bawat araw mula October 11, at inumpisahan na ang pagbabalik ng paligsahan sa maiinit na labanan ng Talk n’ Text Tropang Giga at Alaska Aces, at Barangay Ginebra San Miguel laban sa NLEX Road Warriors.

Nilamangan ng TNT ng limang puntos ang Alaska, 100 – 95, kung saan nangunguna sila sa tatlong kwarter ng laro sa tulong ni Roger Pogoy na nag-ambag ng 45 na puntos sa kanilang grupo. Nag-wagi naman ang Ginebra laban sa NLEX sa kabuoang 102 – 92 na puntos. Kasalukuyang nangunguna ang TNT KaTropa sa 12 na kuponan ng PBA na naglalaban sa Philippine Cup.

Umani ng positibong reaksyon galing sa madla ang pagbabalik ng PBA Philippine Cup. Umabot ng 60,000 na manonood ang unang stream nila sa Facebook page ng One Sports, at nag-trending din ang #PBABubble sa Twitter na karamihan ay papuri kina Pogoy at Jayson Castro, isang alas na manlalaro ng Katropa.

Magtatapos ang elimination round sa November 11, 2020, at mapapanood ang mga laro ng Philippine Cup sa TV5, One Sports, PBA Rush, at sa Facebook page ng One Sports at PBA.

2020 PBA Philippine Cup Standings

As of November 22, 2020, 4:15 PM

This article is from: