1 minute read

12 PANLIBANGAN

Kuweba ni Annsel Magno

Kung ang isang bahay ay hindi isang tahanan, ito’y kuwebang dala ang mga ala-alang pilit na nililimot. Isang malaking palatandaan ng isang buhay na pilit binabaon. Isang lugar na marka ng mga pangyayaring kinahihiya.

Advertisement

Walang ibang pagpipilian kundi ay doon tumira; paulit-ulit na masusulyapan ang mga panahong kinasusuklaman. Tuwing pumapasok sa pintuan ay parang isang mandirigma; sasabak sa giyera ng nakaraan, kasuklam-suklam ngunit kailangan.

Kapag nakakalabas naman ay tila isang bagong laya sa kulangan, pilit kinikilala ang pagkataong kinalimutan. Dinarama ang init na bigay ng bukang-liwayway, na sa mga patay kong mata’y nagbibigay ng buhay.

Ngunit sa paglubog ng araw ay babalik sa kuwebang pinanggalingan. Maaalala muli ang mga giyerang pinaglaban, Kung anong sarap ng tanaw sa labas ay kasing lupit ng sa loob na parang isang bankang lumalayag at tumataob.

Ang pagpasok at paglabas ay isang paulit-ulit na siklo. Kung ano ang nagpapatinag ay siya ring gumuguho. Ngunit nagimbal ng isang pangyayari na ang mundo kong gumuguho di na natinag muli.

Isang epidemya raw ang biglang sumulpot Ang noong kasiyaha’y nabalot ng lungkot Muli ay haharapin ang demonyo ng kahapon, Ang tanong sa nakaupo, “kailan ba ito matatapos?”

Sa bawat araw na nagdaang nasa loob ng kuweba ang tanging hiling ko lamang ay ang maging masaya, Na sa aking paglabas ay hindi na malibutan ng takot ang aking pagkataong punong-puno ng lungkot

KOMIKS

MENTAL HEALTH BREAK

Dibuho ni Ayana Dawn Atis

Hanggang sa muli, Aking Sinta

Dibuho ni Miso

This article is from: