6 minute read

Ang mga mungkahi ni Leni Robredo sa gobyerno, hindi pinansin at tinanggihan

ni Almira Almiñana

Ika-30 ng Enero, taong kasalukuyan nang unang naitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Samantalang noong ikapito naman ng Marso unang ibinalita ang unang lokal na kaso ng transmisyon ng naturang lasong galing sa impeksyon na siyang kumitil ng milyong buhay sa buong mundo. Dahil dito, linggo, ika-15 ng Marso, iprinoklama ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unang araw ng lockdown sa buong Metro Manila upang sansalain ang pag-usbong ng kaso ng noo’y tinawag na novel coronavirus disease na siyang kalaunan ding tinawag at ngayo’y mas kinilala bilang COVID-19.

Advertisement

Sa pagdaan ng mga araw, sa paglipas ng bawat linggo at maging sa paglagaslas ng mga buwan, ay ni Wisey John Democrito humaharap sa matinding dagok na walang pinipiling susunggaban, apektado lahat ng mamamayan nasa itaas o ibaba man nang kubyerta ng buhay. Pandemyang magpahanggang sa ngayon ay tinuturuan tayo ng leksiyon, may natututunan nga ba talaga tayo o nagbubulagbulagan pa rin?

Nagkaisa ang tatlumpu’t pitong bansang miyembro ng World Health Organization Regional Committee for Western hindi maipagkakailang mas lalong dumarami ang umuusbong na positibong kaso ng naturang pandemya. Maraming patuloy na natatakot at naaalarma sa pagdami ng pagkalat ng sakit sa iba’t ibang sulok ng bansa. Hindi rin naiwasang umusbong ang takot at pangamba ng mga nakararami lalo na’t habang tumatagal ay tila nawawalan na ng pag-asa ang iilan na magpatuloy pa sa kani-kanilang mga naiwang buhay. Isa sa mga pangunahing sanhi nito ay ang kawalan ng trabaho at pagsasara ng napakaraming establisimyento dulot na rin ng ipinatupad na lockdown. Dulot ng kawalan ng trabaho at pangkabuhayan na pagkakakitaan ay karamihan sa mga pamilyang Pilipino ay umaasa na lamang sa ayuda mula sa lokal na pamahalaan. Ngunit Pacific na iluklok sa isang taong termino bilang tagapangulo ng komite ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na si Francisco T. Duque III.

Ang naturang komite ay nagpupulong taontaon upang pag-usapan ang mga programa, ulat, polisiya at proyektong pangkalusugan para sa hinaharap. Ngunit sa taong ito ang pagtutuunan ng pansin ng komite ay ang paghanap ng lunas sa COVID-19 na kasalukuyang laganap parin sa buong daigdig.

Bawat bansa ay habang tumatagal ang pagpapatupad ng lockdown sa buong bansa ay tila mas lalong nawawalan na ng pagasa ang nakararami dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng pagkain at kawalan na rin ng konkretong plano sa lumalalang kaso ng pandemya sa ating bansa. Kung kaya’t hindi na rin napigilan ng Pangalawang Pangulong Leni Robredo na magsalita at magmungkahi ng mga plano na siyang angkop upang matugunan ang mga kakulangan ng ating Pamahalaan.

Sa loob ng isang personal na liham na ipinadala ni Robredo sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, iminungkahi ng nauna na mapabubuti lamang ang tugon ng Pamahalaan sa pagresolba sa pandemya kung ito ay maglalathala ng tumpak at konkretong may kani-kaniyang estratehiya at paraan sa pagsugpo sa pandemyang bumabalot sa atin ngayon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang naturingang pagong sa pagpapatupad ng mga desisyon at mahinang estilong pangkalusugang seguridad laban sa COVID-19, malayo sa ating mga karatig bansa na unti-unting nilalabanan ang nasabing virus.

Kaya palaisipan sa mga kritiko ng Administrasiyon pati na rin ng iba pang mambabatas at mamamayan ang pagpuputong datos na siyang naglalaan ng pagkakaugnay ng mga patakaran sa bawat bahagi ng sangay ng gobyernong kumakatawan sa pagtugon ng naturang krisis. Ngunit sa halip na tugunan ito ng Administrasyon ay tila katulad ng mga naunang sagot nito sa mga suhestiyon ng Bise-Presidente ay mistulang nabahala lamang ito sa paraan ng pagpapahiwatig ng nahuli. Animo’y itinuring lamang ito ng Administrasyon bilang isang hakbang ng Oposisyon upang sirain ang kanilang politikal na pangalan sa mga tao. Sa halip, sa isang pahayag ay pinabulaanan lamang ni Roque si Robredo na kung saan ay isinaad ng nauna na kung gusto marahil ng Bise-Presidente na makita ang konkretong pana-panahong paguulat ukol sa COVID-19 ng mas mabigat na responsibilidad kay Duque. Hindi maikakaila na nawawalan na ng tiwala ang sambayanan sa Kagawaran sa kabila ng pagtatanggol at pagtatakip na ginagawa ng administrasyong Duterte.

Tayo nga bang mga Pilipino at mga lider ng karatig-bansa sa rehiyon ay tuluyan nang nalinlang ng isang huwad na medikong sumumpa sa serbisyo publiko? Panahon na upang isiwalat kung ano nga ba ang mga nakabinbing kababuyan sa sistemang Pangkalusugan ng bansa.

Anong sakuna, giyera, ay maaari lamang itong magtungo sa pahina ng web ng Kagawaran ng Kalusugan. Ani pa ni Roque ay nakapaloob rin sa nasabing pahina ng web na iyon ang mga ulat ng Opisina ng Pangulo patungkol sa Bayanihan Act.

Ngunit bakit nga ba tila isang malaking sampal para sa administrasyong Duterte ang mga inilathalang pahayag ng BisePresidente patungkol sa krisis na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon? Ganoon na lamang ba ang kawalan ng tiwala ng Pangulo sa lider ng Oposisyon at hindi nito magawang pagbigyang pansin ang opinyon ng nahuli? Hindi nga ba’t nararapat lamang na paunlakan ang mungkahi ng Pangalawang Pangulo gayoong makakatulong ito para sa ikabubuti ng nakararami? Ilan lamang ito sa mga delubyo at problema pa ba ang magmumulat sa atin sa kamalayan? Hanggang kailan tayo magtitiis sa hindi epektibong mga estratehiya ng gobyerno? Ang kalusugan ay maituturing kayamanan samu’t saring ingay na nagsilabasan sa iba’t ibang mga pahayagan. Maraming komento at batikos ang natanggap ng Administrasyon ukol dito. Ayon sa mga iilang netizen ay nararapat lamang na pakinggan ang boses ng BisePresidente at isantabi na muna ang usaping politikal sapagkat buhay ng nakararami ang nakataya rito. Subalit tila naging taingang kawali ang Administrasyon patungkol dito at sa halip ay ipinagpatuloy pa rin nito ang kanilang sariling pamamaraan ng paghawak sa krisis ng pandemya kahit na unting unti nang nalalagas ang iilang kawani ng gobyerno dulot na rin ng samu’t

DUQUE: Mapagkakatiwalaan pa ba sa Pangkalusugang Seguridad?

ni Wisey John Democrito

Lahat tayo ay humaharap sa matinding dagok na walang pinipiling susunggaban, apektado lahat ng mamamayan nasa itaas o ibaba man nang kubyerta ng buhay. Pandemyang magpahanggang sa ngayon ay tinuturuan tayo ng leksiyon, may natututunan nga ba talaga tayo o nagbubulag-bulagan pa rin?

Nagkaisa ang tatlumpu’t pitong bansang miyembro ng World Health Organization Regional Committee for Western Pacific na iluklok sa isang taong termino bilang tagapangulo ng komite ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na si Francisco T. Duque III.

Ang naturang komite ay nagpupulong taon-taon upang pag-usapan ang mga programa, ulat, polisiya at proyektong pangkalusugan para sa hinaharap. Ngunit sa taong ito ang pagtutuunan ng pansin ng komite ay ang paghanap ng lunas sa COVID-19 na kasalukuyang laganap parin sa buong daigdig.

Bawat bansa ay may kani-kaniyang estratehiya at paraan sa pagsugpo sa pandemyang bumabalot sa atin ngayon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang naturingang pagong sa pagpapatupad ng mga desisyon at mahinang estilong pangkalusugang seguridad laban sa COVID-19, malayo sa ating mga karatig bansa na unti-unting nilalabanan ang nasabing virus.

Kaya palaisipan sa mga kritiko ng Administrasiyon pati na rin ng iba pang mambabatas at mamamayan ang pagpuputong ng mas mabigat na responsibilidad kay Duque. Hindi maikakaila na nawawalan na ng tiwala ang sambayanan sa Kagawaran sa kabila ng pagtatanggol at pagtatakip na ginagawa ng administrasyong Duterte.

Tayo nga bang mga Pilipino at mga lider ng karatig-bansa sa rehiyon ay tuluyan nang nalinlang ng isang huwad na medikong sumumpa sa serbisyo publiko? Panahon na upang isiwalat kung ano nga ba ang mga nakabinbing kababuyan sa sistemang Pangkalusugan ng bansa.

Anong sakuna, giyera, delubyo at problema pa ba ang magmumulat sa atin sa kamalayan? Hanggang kailan tayo magtitiis sa hindi epektibong mga estratehiya ng gobyerno? Ang kalusugan ay maituturing kayamanan na iniingat-ingatan, ngunit sa panahon ng malawakang sakit, sino ang dapat na pagkatiwalaan?

This article is from: