7 minute read

LKonektibidad sa Ibayong Seguridad: “Wag Kayong Mag-alala”

ni Fatima Marwa A. Fadzlulkarim

Marami na ang nasasabik sa papalapit na operasyon ng Dito Telecommunity bilang ikatlong pangunahing Telco sa Pilipinas. Ngayong nasa bagong normal na pamumuhay kung saan ang karamihan ay gumagalaw sa digital na mundo, ang trapiko sa internet ay mas mabigat pa kumpara sa daloy ng trapiko sa EDSA. Tayong mga Pilipino ay umaasang may magbibigay ng mas maayos na serbisyo na babakli sa duopoly ng Globe at PLDT. Ngunit saan pa ma’y lahat ng pag-asa ay may katumbas na kapintasan na nagpipigil sa atin sa pagkonsumo ng Telco na 60% pag-aari ng Pilipino, ngunit 40% Intsik. Tiyak na tayo ay mag-aalangan na pumili sa pagitan ng mas mahusay na konektibidad at kaduda-dudang seguridad.

Advertisement

Dito Telco o dating kilala bilang Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (MISLATEL) ay nagkaroon ng prangkisa mula sa kongreso sa ilalim ng RA 8627 noong 1998. Ngayong taon, binigyan ito ng House of Representatives ng 25-taong prangkisa bilang pangatlong pangunahing telecommunication ng bansa upang magtayo, mag-install, magtatag, magpatakbo, at magpanatili ng mga wired at/o mga wireless telecommunication system. Ito ay matapos kilalanin ng Department of Information and Communications Technology ang pagkapanalo nito sa bidding noong 2018. Nangako itong magtatakda ng mahigit kumulang 20mbps sa 37 milyong Pilipino sa unang taon. Sa pagtatapos ng ikalimang taon, hinahangad nitong maserbisyuhan ang 84.01% ng populasyon ng may bilis na 55Mbps. Sisimulan nito ang paglulunsad sa komersyo sa Marso 2021.

Ang Dito ay isang consortium na pinamumunuan ng Davao-based business tycoon na si David Uy. Ito ay binubuo ng MISLATEL, Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings at ang panghuli na siyang nagnakaw sa atensiyon at pag-aalala ng nakararami, ang state-owned China Telecom Corp. Ltd na nagmamayari ng 40% ng kabuuang consortium.

Ang pagiging parte ng pangunahing Telco ng isang bansa ay nangangahulugang pagkonekta sa malaking bahagi ng populasyon. Lalo na sa isang institusyon na sinusuportahan ng isang banyagang bansa na may hidwaan sa teritoryo, tama lang na alahanin natin ang ating cybersecurity. Ang seguridad ay nananatiling kinukuwestiyon dahil sa mga isyu na ang mga Chinese companies tulad ng Huawei (na nagpapagana rin sa imprastraktura Sabi pa ni Bello na ang empleyado. ng DITO) ay minsan nang naibalita sa paglabag ng Data Privacy Act. May mga batas ang gobyerno ng China gaya ng National Intelligence Law, at National Counter-Espionage Law na may diin sa ideya na ‘lahat ay responsable’ sa pagtiyak ng seguridad ng estado. Isang Australian magazine ang sumulat tungkol sa papel ng responsabilidad ng mga resident na sumunod sa batas ng estado. Pinapahiwatig ditto na isang legal na tungkulin at obligasyon ang pakikilahok ng mga mamamayan sa “intelligence work”. Sa madaling salita, ang mga Chinese ay kailangang makipagtulungan sa gobyerno sa pagpapalaganap ng “public security.” Gayunpaman, pinipilit ng mga Chinese critics na nagdudulot lamang ito ng hindi kinakailangang kontrobersya laban sa batas at hindi batay sa katotohanan.

Ang takot sa pang-iispiya ng China ay nadagdagan nang ipinahiwatig ni Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana na may pahintulot ang Dito na magtayo ng cellular tower sa loob ng military camps. Himok naman ni Senator Grace Poe na ang security concerns ay hindi dapat binabalewala. Sagot naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon,

RTVM Pangulong Duterte iginawad ang sertipiko na nagpapahintulot ng operasyon ng Mislatel sa businessman na si Dennis Uy sa Malacañang Lunes, Hulyo 8, 2019.

“We have inputted provisions for national security in the entry of third main player… Kaya secured po ’yan, secured. Wag kayong mag-alala.” “If this agreement passed the muster of the Armed Forces of the Philippines, the Department of National Defense and the National Security Adviser, I think we should put some trust that this agreement will not be a vehicle for spying,” pahayag naman ni Dito Chief Administrative Officer Adel Tamano.

Upang malutas ang takot sa potensyal na paniniktik, inilista ng Dito ang kumpanya ng Fortinet mula sa Estados Unidos bilang pangunahing kasosyo sa cybersecurity. “If you don’t trust Chinese equipment, maybe you trust U.S. cybersecurity solutions,” pahiwatig ni Dito Chief Technology Officer Rodolfo Santiago.

Ang Dito Telecommunications ay nangakong susunod sa etika ng matapat na establisimyento, at magbigay ng serbisyo alinsunod sa Free Mobile Disaster Alerts Act. Kung sakaling mabigo ito sa pagsunod sa usapan, maaaring kunin ng gobyerno ang Php 14 billion performance bond na nagsisilbing

Suportang Mithiin Binalak Alisin

ni Fatima Riesa A. Karay

Ang taunang 13th month pay ay nakasaad sa Presidential Decree No. 851, S. 1975, na pinamagatang “Requiring All Employers to Pay their Employees a 13th-Month Pay”. Dahil sa kagustuhan ng gobyerno ng Pilipinas na suportahan ang mga mamayanan ng Pilipinas sa panahon ng pasko, isinabatas nila ang taunang 13th month pay. Ngunit ngayon ay nasa kalagitnaan tayo ng pandemya, plano ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) na ipagpaliban ang pagbayad ng mga naluluging negosyo ng 13th month pay sa kanilang mga

“Sa batas, may exemption of payment pagka ‘yong business establishment is characterized as distressed,” ayon ito sa Sekretarya ng DOLE na si Silvestre Bello III noong Oktubre 05, 2020 sa isang press briefing. penalty sa paglabag sa pangako.

pagsasatupad ng 13th month exemption na ito ay makakatulong sa mga naluluging negosyo at maari na lamang nilang ibigay ang 13th month pay sa susunod na buwan sa kanilang mga empleyado o di kaya;y humingi pinansyal na tulong sa mga bangko ng Pilipinas. Upang magawan ng hustisya umano ay susuriin ng DOLE ang mga negosyong nangangailangan ng pag-exempt ngunit bago maipatupad ang tinatawag na “exemption” na ito ay kailangan munang bigyang kahulugan ang katagang “distressed business” na tinutukoy ni Bello. Hinimok ni Bello ang mga may ari ng naluluging negosyo na patunayang sila ay nangangailan upang mapakinabangan nila ang exemption na ito. “But instead of going to that (pagsasaad na ito’y distressed) why don’t we consult labor and management, pagusapan na lang nila na medyo mahirap ngayon ang panahon, medyo hindi tayo kumikita, baka naman pwedeng i-defer” dagdag pa ni Bello. Dahil sa pahayag ng kumpanya ng DOLE, mayroong ibat-ibang grupo ng Paggawa (Labor groups) tulad ng The Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na nagkomentong nakasaad umano sa PD 851 na walang exemption o pagpapaliban ang 13th month pay. Ayon pa sa tagapagsalita ng ALUTUCP Alan Tanjusay sa isang panayam kay Rico Hizon ng CNN Philippines: “The government must continue giving subsidy directly to the workers. Once the money is given to the businesses, there’s no assurance that the funds from the government will help the workers.” Ayon naman sa tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Elmer Labog “Deferments and exemptions are not a good tune to sing amid this pandemic…Why make the workers suffer by letting them be submerged in debts here and there?” Apila naman ng Defend Jobs PH, kailangan ng gobyernong humanap ng ibang paraan upang mabigyan ng karagdagang sahod ang mga empleyado lalo na sa paparating na pasko. Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Christian Lloyd Magsoy sa isang video message: “The gifts that our workers want for Christmas are jobs, assistance, and labor rights.” Dahil sa mga komentong ito, nito lamang Oktubre 12 ay muling nagsalita ang Sekretarya ng DOLE. Saad niya sa isang televised briefing “We will not postpone, we will not defer, and we will not give an exemption to the payment of the 13th month pay,” at kanya pang idininagdag “The law says pay the workers their 13th month pay on or before December 24. ‘Yan po ang ipapatupad ng Department of Labor”. At noon nga lang ika-17 ng Oktubre naglabas ng pahayag sa isang press briefing ang gobyerno na mayroong nakalaang pondo na maaring ipahiram sa mga maliliit na negosyo upang sila ay makapagbigay ng 13th month pay. Ayon kay Bello “They are willing to share about P4 billion of that para sa mga soft loans sa mga micro and small business enterprises para makautang sila without any collateral, so that they can pay the 13th month pay of their employees,”. Dagdag pa ni Sergio OrtizLuis Jr., tagapangulo ng The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) “‘Yung mga micro, ‘di kaya talaga eh. Maraming mawawalan ng trabaho kapag piniga natin nang piniga ‘yung mga micro na ‘yan at hindi natin tinulungan,”. Kaya pati ang nangungunang organisasyon ng unibersal at komersyal na mga bangko sa bansa o ang Bankers Association of the Philippines (BAP) ay nag alok na magpahiram ng pondo para sa parehong rason. Ngayong panahon ng pandemya, lubos na nangangailangan ang karamihan sa atin. Dahil dito maraming iba’t ibang paraan ang naiisip ng iba habang ang iba naman ay umaasa lamang sa sweldong natatanggap sa kani-kanilang mga trabaho. Kaya’t hindi natin maipagkakaila na marami ang nagaabang sa kanilang 13th month pay. Marami sanang maapektuhan kung naisakatuparan ang pag-exempt na ito, hindi lamang ang mga empleyado kundi pati narin ang mga may ari ng negosyo. Mabuti na lamang at ang suportang minimithi ng karamihan ay maibibigay na ng walang eksepsyon.

This article is from: