6 minute read

HALALAN 2020: Trump laban kay Biden

ni Tasha Eugenio

Sa ikatlong araw ng buwan ng Nobyembre, taong dalawang libo’t dalawampu (ika-3 ng Nobyembre, 2020), naganap ang Halalan ng Estados Unidos na isinasagawa bawat apat na taon. Dahil sa mga isyung nagdaan sa termino ng administrasyon ng kasalukuyang pangulo na si Donald Trump, maraming mga mamamayan ang nagsulong na huwag siyang iluklok muli sa pwesto upang hindi siya mabigyan ng karagdagang apat na taon bilang presidente. Sa kabila ng kontrobersiyang kalakip ng halalang naganap, inantabayanan hindi lamang ng mga ni Rosen Garcia pinsalang naidulot ng COVID sa Estados Unidos na kung saan kumitil na ito ng mahigit 207,000 na mga mamamayan. Ikalawa ng Oktubre nang mamulat ang mundo sa opisyal na pahayag ni Pangulong Trump sa Twitter na siya, kasama ang kaniyang asawang si Melanie Trump, ay naging positibo sa COVID – 19.

Advertisement

Inihayag ni Trump sa kaniyang tweet na taga Estados Unidos kung hindi pati na rin ng buong mundo ang naging resulta ng labanan ng dalawang partido.

Dalawang pangalan ang nagtunggali bilang kandidato sa posisyon ng pagkapangulo. Sina Donald John Trump at Joseph “Joe” Biden Jr. Si Donald Trump, na kasalukuyang presidente ng Estados Unidos, ay isang sikat na negosyante, real estate developer at ang nag-iisang mayari ng The Trump Organization. Siya ay kumakatawan sa Partido ng Republicans. Bago pumasok sa larangan ng politika, kilala si Trump bilang isang tanyag na personalidad sa telebisyon bilang may-ari ng sikat na patimpalak na “Miss Universe” at host ng isang reality television sila ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine at medikasyon at sabay nila itong lalagpasan ng kaniyang asawa. Ang tweet na ito ay umani ng samu’t saring reaksyon dahil sa dami ng maaaring implikasyon ng pagiging positibo ng pangulo.

Ang balitang ito ay naging trahedya sa White House sapagkat maraming nakasalamuha ang pangulo bago nila malaman ang resulta ng kanilang test. Kilala rin ang nasabing pangulo series na pinamagatang “The Apprentice”.

Hindi naging maganda ang pagtanggap ng publiko kay Trump dahil sa kanyang mga pananaw at paninidigan sa mga isyu ukol sa politika. Ilang halimbawa nito ay ang kanyang pagpapatupad ng travel ban sa mga mamamayan ng ilang bansang kabilang sa Middle East dahil sa isyu ng seguridad at ang pagpapatayo niya ng isang malaking pader sa border ng Mexico upang mabawasan ang ilegal na imigrasyon. Si Trump ay isang Nasyonalista at pinaniniwalaan niya ang “America First policy” na kung saan isinusulong ang ideya na ang seguridad ng isang bansa ay nakasasalay sa kalakasan at katangian ng kanyang mamamayan. Ayon sa hindi pagsunod sa protokol ng social distancing at paggamit ng face mask. Bukod dito, nangangamba rin ang White House sapagkat ang kanyang pagsailalim sa medikasyon ay maaaring makaapekto sa pagganap ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng bansa. Itinuturing nila itong isa sa mga pinakamalaking pagsubok na hinarap ng administrasyon ng Estados Unidos dahil sa banta ng pagkahawa ng mga politiko roon.

Ang pagiging sa kanya, pipigilan ng kanyang administrasyon ang pagsasamantala ng ibang mga bansa sa Estados Unidos. Ito ay kanyang ipinamalas sa pamamaraan ng pagkalas ng Estados Unidos sa ilan nitong mga kaalyansang bansa na nakita sa pagatras ng bansa sa Trans-Pacific Partnership trade negotiations, Paris Agreement para sa climate change, at nuclear deal sa Iran.

Kilala naman si Joe Biden bilang isang Amerikanong politiko na kumakatawan sa Partido ng mga Democrats. Si Biden ay nagsilbi bilang senator mula 1973 hanggang 2009 at bilang bise presidente ng Estados Unidos mula 2009 hanggang 2017 sa administrasyon ni Barack Obama. Sa kanyang matagal na paninilbihan positibo ni Trump sa nasabing sakit ay naging banta rin sa kaniyang pangangampanya para sa darating na eleksyon ngayong Nobyembre. Dahil nga ang sakit na ito ay nakahahawa, ang kaniyang pag-quarantine ay magdudulot ng pagkaudlot ng kaniyang kampanya. Naging isyu rin ang kalagayan ni Trump noong debate nila ni Joe Biden, ang kaniyang kalaban para sa pagkapangulo. May spekulasyon na positibo na si Trump sa araw ng kanilang debate. Ang sa gobyerno, masasabing malawak na ang kanyang kaalaman and karanasan sa larangan ng politika. Pinakaprioridad ni Biden ang pagsulong sa mga platapormang pang kalusugan at naniniwala siya sa kahalagahan ng “bipartisanship” o ang kooperasyon ng dalawang magkatungaling panig sa kabila ng kaibahan ng kanilang mga opinion. Ayon kay Biden, ipinapangako niya na kaya niyang ipagkaisa ang bansa at ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng administrasyon ni Barack Obama. Dahil dito, naging matunog ang pangalan ni Joe Biden sa mga botante.

Bawat halalan ay itinuturing na mahalaga dahil ito ang magtatakda ng kapalaran ng isang hindi nila pagsuot ng face mask sa kabuuan ng debate ay naging banta ng transmisyon ng COVID-19. Gayunpaman, ang mga tagasuporta ni Trump ay patuloy na sumusuporta at nananalig para sa kalusugan ng pangulo.

Nagpahayag si Sean Conley, ang opisyal na doktor ng White House, na patuloy na mananatili ang presidente sa White House at patuloy na gagawin ang kaniyang mga tungkulin kasabay ng kaniyang paggaling.

Ang pangyayaring ito bansa. Kinakailangang maging masuri at kritikal ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang ibototo dahil dito nakasalalay ang kanilang kinabukasan. Bilang isang makapangyarihan at maimpuwensiyang bansa sa buong mundo, mahalaga ang gagampanang tungkulin ng mga nahalal na pinuno dahil sa kanila nakasalalay ang kapakanan ng Estados Unidos. Si Biden ang nagwagi at hinalal ng mga Amerikano bilang pangulo, ngunit mapapantayan kaya niya o mahihigitan pa ang mga nagawa ng administrasyon ni Trump at ng iba pang mga nagdaang pangulo ng Estados Unidos? Ito ay isang katanungang tanging panahon lamang ang makakasagot.

Ang sagot ng COVID kay Trump

ni Rosen Gabriel S. Garcia

Malaki na ang pinsalang naidulot ng COVID sa Estados Unidos na kung saan kumitil na ito ng mahigit 207,000 na mga mamamayan. Ikalawa ng Oktubre nang mamulat ang mundo sa opisyal na pahayag ni Pangulong Trump sa Twitter na siya, kasama ang kaniyang asawang si Melanie Trump, ay naging positibo sa COVID – 19.

Inihayag ni Trump sa kaniyang tweet na sila ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine at medikasyon at sabay nila itong lalagpasan ng kaniyang asawa. Ang tweet na ito ay umani ng samu’t saring reaksyon dahil sa dami ng maaaring implikasyon ng pagiging positibo ng pangulo.

Ang balitang ito ay naging trahedya sa White House sapagkat maraming nakasalamuha ang pangulo bago nila malaman ang resulta ng kanilang test. Kilala rin ang nasabing pangulo sa hindi pagsunod sa protokol ng social distancing at paggamit ng face mask. Bukod dito, nangangamba rin ang White House sapagkat ang kanyang pagsailalim sa medikasyon ay maaaring makaapekto sa pagganap ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng bansa. Itinuturing nila itong isa sa mga pinakamalaking pagsubok na hinarap ng administrasyon ng Estados Unidos dahil sa banta ng pagkahawa ng mga politiko roon.

Ang pagiging positibo ni Trump sa nasabing sakit ay naging banta rin sa kaniyang pangangampanya para sa darating na eleksyon ngayong Nobyembre. Dahil nga ang sakit na ito ay nakahahawa, ang kaniyang pag-quarantine ay magdudulot ng pagkaudlot ng kaniyang kampanya. Naging isyu rin ang kalagayan ni Trump noong debate nila ni Joe Biden, ang kaniyang kalaban para sa pagkapangulo. May spekulasyon na positibo na si Trump sa araw ng kanilang debate. Ang hindi nila pagsuot ng face mask sa kabuuan ng debate ay naging banta ng transmisyon ng COVID-19. Gayunpaman, ang mga tagasuporta ni Trump ay patuloy na sumusuporta at nananalig para sa kalusugan ng pangulo.

Nagpahayag si Sean Conley, ang opisyal na doktor ng White House, na patuloy na mananatili ang presidente sa White House at patuloy na gagawin ang kaniyang mga tungkulin kasabay ng kaniyang paggaling.

Ang pangyayaring ito ay magiging isang babala sa mga mamamayanan ng Estados Unidos na walang pinipiling biktima ang COVID – 19. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga nararapat na protokol sa kabila ng dami ng bilang ng mga namatay. Patuloy ang paalala ng administrasyon na wag maliitin ang sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga wastong protokol.

This article is from: