Vol. 21, No. 26 | June 27 - July 3, 2016

Page 1

June 27 - July 3, 2016 | Vol. 21, No. 26 | Php 12.00/copy balikasonline@yahoo.com | 0912.902.7373 | 0977.839.5547

Like us: www.facebook.com/Balikas

Read us online: www.balikas.net

INISA-ISANG bigyang-diin ni Kagawad Kristine G. Blames (nasa podium sa kanan) ang mga puntong umano’y naging batayan ng Committee on Environment, Urban Development, Land use and Zoning pinagbatayan ng rekomendasyong aprubahan ang locational clearance application ng panukalang coal-fired power plant sa Batangas City, na inihanay naman ni Kag. Gerry dela Roca (kaliwa).| JOENALD MEDINA RAYOS

N

AUNSYAMI ang daan-daang Batangueño na pumuno sa gallery ng session hall ng Sangguniang Panlunsod dito nang tuldukan na ng mayoriya ng konseho sa botong 6-4-1 ang mahigit isang taong nakabinbing aplikasyon ng JG Summit Holdings, Inc. para sa locational clearance ng panukalang 600MW Coal-Fired Power Plant sa Brgy. Pinamucan Ibaba, sakop ng lunsod.

Sa ikalawa bago ang kahuli-hulihang regular na sesyon ng konseho, pinagbotohan na ang Committee Report ng Committee on Environment, Urban Development, Land Use and Zoning para sa nasabing aplikasyon sa pagtatayo ng planta ng kuryente. Bumoto ng YES sina Kagawad Sergie Rex Atienza, asawa nitong si Kag. Allyza CruzAtienza, Kag. Armando Lazarte, Kag. Gerry Dela Roca, Kag. Julian Villena at ABC president Angelito Dondon A. Dimacuha. [Si Dela Roca ang Chairman ng naturang Committee,

>>>PLANTA... sundan sa P/2 ......................................................................................................................

Ilagan, nanumpa sa loob ng kulungan; asawang bise upang punumbayan? MATAASNAKAHOY, Batangas – NANANATILING palaisipan sa maraming residente ng bayang ito kung paano uupo ang kanilang alkalde o kung sino talaga ang mauupong alkalde mula sa Huwebes ng tanghali, Hunyo 30, ang pagsisimula ng termino ng mga bagong halal na opisyal ng bayan, batay sa idinatadnan ng Local Government Code. Ito’y matapos makapanumpa na sa loob mismo ng kaniyang kulungan ang nanalong

alkalde rito na si re-electionist Jay Manalo Ilagan sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Cell sa Tacloban City. Nanumpa si Ilagan sa harap ni Punumbarangay Marife Diaz ng Barangay 59 ng naturang lunsod, at sinaksihan nina Atty. Daniel Raul Mariano na siya ring nagnotaryo upang patunayan ang legalidad ng panunumpa ng alkalde.

>>>OPISYAL... sundan sa P/2

SA ikalimang pagkakataon, muling nasungkit ng Pahayagang BALIKAS ang 2015 Best in Environmental Reporting Award, isa sa hanay ng mga pagkilala sa prestihiyosong Civic Journalism Community Press Awards ng Philippine Press Institute (PPI) – ang kinikilalang National Association of Newspapers simula pa noong 1964. Ang Civic Journalism Community Press Awards ang kauna-unahan at ngayoy’y nag-iisang pagkilala sa mga community newspapers na naglalayong maitaas ang antas ng pamamahayag sa bansa lalo na sa mga lalawigan at kumikilala sa mga pampamayanang pahayagan hindi lamang sa larangan ng editorial excellence, kundi bilang mga catalysts for community development. Unang inilunsad noong 1997 sa pagtutuwang PPI at ng Konrad Adenauer Foundation (KAF) at ng Philippine Association of Community Educators (PACE). Noong 2008, humalili sa KAP ang The Coca-Cola Export Corporation at simula noong 2014 ay ang Nickel Asia Corporation. Unang tinanggap ng Pahayagang BALIKAS ang Best in Science and Environment Reporting (Weekly Category) noong taong 2001. Naulit ito 2002, 2007 at 2008. Noon ding 2008, tinanghal ang BALIKAS bilang Best Edited Community Newspaper. Sa ilalim ng kasalukuyang pangasiwaan, muling kinilala bilang Luzon winner noong 2014. At para sa taong 2015, muli ngang nasungkit ng BALIKAS ang Best in Environmental Reporting. Sa daily category, ang award ay nakuha ng The Freeman na nakabase sa Cebu. Ang pagkilala ay isinagawa sa ikalawang araw ng 20th National Press Forum at 2016 Annual Membership Meeting ng PPI sa Century Park Hotel sa Maynila noong Hunyo 22-24. Ang iba pang kinilala sa iba’t ibang kategoriya ay ang sumusunod: Best Edited

>>>PAGKILALA... sundan sa P/8

Follow us: @Balikasonline


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Vol. 21, No. 26 | June 27 - July 3, 2016 by Pahayagang Balikas - Issuu