

Unova, Johto, and Paldea teams capture slots in PDC 2025 grands; highlights new generation of discourse
Through logical reasoning and critical thinking, Unova A and B from the College of Social Sciences and Humanities (CSSH), Johto A from the College of Education, and Paldea A from the College of Engineering (COE) reached the grand finals in the Parliamentary Debate Championship (PDC) 2025, promoting healthy discourse in presenting arguments and mechanizations at the Mindanao State University – General Santos City (MSU-GSC) Y-Building conference room, October 14.
Discussing the motion about ‘the lamentation of hyperfixation of MSU in becoming a globally competitive institution,’ the debaters brought their matters to the battlefield, strengthening their best and worst-case scenarios into action.
‘Debaters are unified’
As one of the members of the Chief Adjudicating Panel (CAP), Engineer Jefferson Quipit expressed that the teams and the motions were impressive, making him weigh numerous arguments to fully grasp their decisions.
“They generated a lot of arguments to make sure that it’s balanced, and I think it was visible to the audience that they prepared on their own,” he expressed.
Furthermore, Quipit shared that the new
generation of debaters was unified, unlike in past years when the competitive spirit was so high that it caused division.
“I think that was one of the primary reasons why the PDC was established back in our days — to make sure that it is novicefriendly,” he added.
faculty intervention.
“As much as there was a steering committee headed by Sir Monlouie Sorzano, all of the things — from preparation, to hosting, to the live stream — were done by them, ensuring that the teams were prepared, and such,” he shared.

This served as a testament that the debate society was alive, debunking the idea that
“It was because of fear of public speaking, or they thought that debating was just for angry nerds talking about, I don’t know, smart stuff. But no, debating is actually very
Quipit explained that debate tackled a lot of aspects such as pop culture, gaming, politics, international relations, finance,
“To all the people who want to join debating and MGDS, you can join — it’s a fun community to be in. It is competitive, but at the same time, you can really consider it as a family,” he pressed.
As announced by the organizing committee, the results for PDC 2025 will be revealed on the Literary Night of Intramurals 2025 on October 15.
art by Silv3rArtz, Arwen Sendico, Seith Ortega, MGDS
JOHN PAUL LADIANA SIAPEL
Larawang Nakukunan sa Katahimikan
Angela Arim, Isobel
Unti-unti nang dumausdos ang pawis mula sa sentido. Yumaka p naman sa balat ang init ng araw at alikabok sa paligid. Bitbit ang kamera, panulat, at kuwaderno, nakapako lamang ang atensyon sa kaganapan. Ramdam pa ang hingal matapos kumaripas ng takbo upang makatungo rito. Hinahabol ang bawat segundo upang makuha ang perpektong larawan, at maitala nang akma ang mga detalye nang mabilisan.
Habang ang iba ay abala sa panonood ng mga patimpalak, may isang tahimik na nagmamasid, sinusunod ang mga batas ng propesyon— katotohanan, integridad, at pananagutan. Mga mamamahayag na alam ang bigat ng bawat titik, ang lakas ng bawat salita, at ang delikadong manipis na linya sa pagitan ng impormasyon at opinyon. Kaya’t bawat detalye ay sinisiyasat, bawat pangalan ay tinitiyak, bawat larawan ay kinukuha na may respeto. Hindi ito basta pamamahayag lamang—ito ay sakripisyo paninindigan.
Ngunit kahit anong husay, kahit gaanong ingat, palaging may panghuhusga:
“Bakit ‘yan ang headline?”
“Bias!”

“Late upload!”
“Wala lang man mi gi post!?”
Tila wala nang puwang para sa pagkakamali, kahit sa mga nagtataguyod ng katotohanan. Lingid sa kanilang kaalaman, sa likod ng bawat ulat at impormasyon ay may mga gabing isinasakripisyo ang tulog, mga tanghaling nalilipasan na lamang ng gutom, at mga katawang nagmistulang makina na kahit pagod ay walang karapatang magpahinga.
Sandali lang...
Bakit sa bawat puna na nakikita, tila buong pangalan na ang hinahatulan? Nakalimutan na ng ilan, marahil, na ang may hawak ng panulat ay tao rin—may limitasyon, may puso, may bigat sa dibdib na hindi na kayang isulat. May etika sa pamamahayag—oo. Katotohanan, balanse, patas. Ngunit wala sa anumang manwal ang leksiyon kung paano itago ang luha kapag nasabihang, “Hindi naman kayo magaling.”
“Hanggang kailan ba huhusgahan sa halip na maunawaan?”
Isang katanungan na nais nang matuldukan. Sapagkat sa kanilang panata, hangga’t may
katotohanang dapat isiwalat, hangga’t may istoryang dapat iulat, magpapatuloy sila. Iyon ang sinumpaang pananagutan sa kanilang propesyon—hindi upang mapuri bagkus ay upang magsilbi.
Ang katotohanan ay may mukha rin ng pagod. Minsan, ito’y nauupo rin sa gilid, humihinga nang malalim bago magpatuloy. Minsan, ito’y nagdadalawang-isip kung may nakikinig pa ba. Ngunit kahit na ganoon, patuloy itong maninindigan—sapagkat kung hindi, sino ang gagawa?
Kaya sa susunod na makita mo ang isang larawan, marinig ang isang ulat, o mabasa ang isang artikulo, sandali lang. Bago ka magkomento, bago mo sabihing “mali,” subukan mong isipin: Kung alam niyo lang ang inialay na pagod at sakripisyo. Kung gaano karami ang dinaanang proseso bago mailathala at kung paanong pinanindigan ito nang buo.
Bakit hindi niyo subukang alamin muna ang kalagayan? Dahil kung pipiliin ninyong magmasid, baka kaya niyo nang maunawaan na sa likod ng bawat puna, may boses na umaasang, minsan man lang, ay maintindihan—mga larawang nakukunan na lamang sa katahimikan.
art by Michael Angelo Villanueva



Kapag chismis,
DANIELLA DOCE, JESSIE REY RUERAS

Anon gusto, real account ayaw? Tila ba isang pagkukubling pasaring na lamang ang nangyayari sa tuwing may mga maaanghang na isyung binabato sa public Facebook page na Buhay MSUan . Nasa Ika-apat na araw na ng pagdiriwang ng Intramurals 2025, patuloy pa rin ang kompetisyon, kaya dahil diyan hindi pa rin tapos ang iba’t ibang girian ng isang kulay na naging sentro ng kontrobersya. Ang bughaw na ayon sa kanila ay tila naging simbolo ng pag-aangkin, paglilimos ng kredito, at paglimot sa kontribusyon ng Senior High School. Aasa na nga lang ba tayo sa paglalaro ng re-yal or fa-ke o nagpapakasasa na lamang sa mga walang kabuluhang posts na ang tanging hatak ay for clout only?
Ano pa’ng saysay ng social media kung ginagamit ito para magpalaganap ng maling impormasyon? Sa halip na gamitin ang plataporma para sa pag-uusap, ito’y nagiging larangan ng pasaring. “Do better,” sabi ng ilan—pero hindi ba’t mas makabubuting “know better” muna bago magparatang? Ang mga kulay na nagrerepresenta sa bawat Kolehiyo ng Pamantasan sa pubmats sa mga posts sa Bagwis ay hindi basta-basta pinipili; may mga direktibang sinusunod, may mga opisyal na proseso, at may mga taong may responsibilidad na magpatupad nito.
Context muna tayo: ang branding ng Bagwis para sa College of Education (COEd) at Senior High School (SHS) ay nagsimula bilang bughaw at rosas. Ngunit may opisyal na abiso mula sa pamunuan ng kolehiyo noon Sabado, ika-11 ng Oktubre—bughaw na lamang ang gagamitin with an accent of pink. Subalit, nang dumating ang Academic Night kung saan bughaw ang kulay ng pubmat na na-i-post ng publikasyon kahit pa mula sa SHS ang kalahok, umani ito ng sari-saring paratang at pasaring sa Facebook. Kung kaya, kinabukasan ay nakatanggap na ng malinaw na komunikasyon mula sa pamunuan ng SHS para sa final signifiers ng kolehiyo. Muli, ang mga tagapagpatupad ay sumunod, dahil ito ay bahagi ng patakaran ng kolehiyo. Hindi ito
pagsasantabi sa SHS, kundi pagkilala sa bagong kaayusan. At kung may pagbabago, ito’y dahil sa utos ng mga opisyal at hindi dahil sa personal na kagustuhan. Kung ang mga lider ng SHS at COEd ay nagkakaisa, bakit may ilan pa ring ayaw tumanggap sa desisyon ng kinauukulan?
Hindi na bago sa COEd ang tagumpay. Sa mga nakaraang Intramurals, pumapangalawa na ito sa may pinakamagaling na performance kasunod ng College of Engineering. Ngunit sa halip na magmayabang, pinipili nilang magtrabaho nang tahimik. Ang SHS, bilang bahagi na ng COEd, ay kasama sa tagumpay. Hindi ito pag-aangkin, kundi pagkilala.
Binigyang kalinawan ng Special Order No. 1128-25C na inihain noong ika-19 ng Agosto na ang SHS ay bahagi na ng College of Education. Hindi na sila hiwalay na departamento. Sila ay laboratory school Kaya’t ang kulay na bughaw ay hindi pag-aangkin, kundi pagsunod. At kung ito ang utos ng administrasyon, sino tayo para tumanggi?
Isa itong maliit ngunit importanteng desisyon na mula sa maiging konsiderasyon at pagiisip ng mga taong trabaho ang siguraduhin na tama, tumpak at makatotohanan ang balita’t datos na ipinapahayag. Tiyak na magiging mainit sa mata at dahilan sa pagbugso ng damdamin maging ang pinakamaliit na detalye, sa puntong humahantong na sa palitan ng salitang nagpapakulo ng dugo o kaya nama’y pagkuda kahit na wala nang balang maipintas.
Sa panayam kay Director Jorgelyn Rivera, malinaw ang pahayag: “Hindi na kami separate identity…we are now unified with the CETDSenior High School under the College of Education.” Mismong pamunuan ng SHS ang nagsabing sila’y bahagi na ng COEd.
Dagdag panggatong sa kaguluhan ang mga posters at senders na ipinapadaan ang mga hinaing sa Buhay MSUan at MemeSU. Sa halip na lumapit sa tamang mga tauhan at opisyales, mas pinipiling na lamang na mag-ingay online. Sa bawat post na walang beripikasyon, sa bawat komentong hinahayaan lang, mas lalong lumalala ang apoy ng hindi pagkakaunawaan. Kailan kaya tayo magiging responsable? Sa halip na magsilbing plataporma ng pagkakaisa, nagiging tagapamudmod pa ng kaguluhan.
Kung iisipin, dito nga naman nabubuhay ang engagement ng mga naturang Facebook page
at groups. Walang matatamong katanyagan kung wala namang dramang huhugot sa mga mambabasa, na siyang magiinteract at higit na dadagdag pa sa reach ng mga ito.
Sa katunayan, hindi nagtatapos sa mga anonymous na posts at shout outs sa mga nabanggit na groups at pages ang mga May iilang matapang na nagpost pa sa sariling mga accounts nila patungkol sa mga hinaing na iniipon, hindi para ilapit sa kung sino mang kinauukulan, kundi para lamang mailabas kung ano ang kanilang naiintindihan, ‘di bale na kung tama, mali, o kulang nga ba ang kanilang nasagap.
Napakahirap mawari na kahit gaano ka pa kachronically online, napakadali paring humanap ng kulang-kulang o kaya nama’y napakamaling balita. Walang makakapigil sa karapatan mo sa freedom of speech, ngunit sana naman, hindi ka lamang putak nang putak at bagkus ay gumugol ng ilang sandali upang matamasa din ang iyong karapatan sa freedom of information. Pramis, hindi mo ikamamatay ang magbasa ng ilang talata sa halip na simpleng sabihin nalang na, “I ain’t reading allat.”
Mas masarap ba ang clout kapag hindi mo alam kung saan galing ang info? Sa sobrang dami ng sabi nila at feeling ko lang, parang Intrams na rin
ang comment section na may bardagulan, may pa-cheer, at may pa-boo.
Pero real talk, kung gusto mong maging parte ng usapan, dapat handa ka ring maging parte ng solusyon. Hindi pwedeng puro anon sa drama pero ghost sa responsibilidad. Hindi pwedeng G ka sa chismis pero AWOL sa fact-check. Kung tunay kang MSUan, hindi ka lang dapat magaling sa paligsahan—dapat champion ka rin sa tamang impormasyon, respeto, at pagkakaisa. Kasi sa Intramurals man o sa buhay, ang tunay na panalo ay hindi sa dami ng likes—kundi sa lalim ng alam. Bakit ba mas madali ang mag-post kaysa magtanong? Mas exciting ba talaga ang tea kapag walang source?

JAMES VICTOR TALAY
art by Rayjie Carillo
Wizards survive elimination after rout over Asteegs for championship berth in womens triples darts
BERJAN PAGADATAN
In a make-or-break showdown, the College of Natural Sciences and Mathematics (CNSM) Wizards bounced back from their earlier upperbracket loss, outdueling the College of Engineering (COE) Asteegs in a thrilling 2–1 victory in the women’s triples darts match held at the University Gymnasium on October 14.
The Wizards opened strong, asserting dominance early in the first leg with stellar precision and accuracy to take a 1–0 lead.
Refusing to go down easily, the Asteegs regrouped and clawed back in the second leg, capitalizing on the Wizards’ missed doubles to level the series at 1–1.
In the decisive third leg, COE initially surged ahead, extending their lead to 216–20 with a barrage of bogey shots.

However, the Wizards steadily chipped away at the deficit, cutting the score to 181–20 and then 84–20 in consecutive throw-offs.
Channeling their composure from last year’s run, the CNSM trio trimmed the gap further to 40–20 as the Asteegs struggled to close the leg.
In a dramatic finish, Sarah Dequito of the Wizards, who threw a dust-off on her first attempt, nailed a double-out 20 to seal the match, 2–1.
With the victory, the Wizards clinched the final championship ticket, joining the College of Business Administration and Accountancy Tycoons and the College of Education Legendary Mentors in tomorrow’s title showdown.
The crucial points that the Wizards’ chased to keep their hopes alive and fuel their comeback for a championship ticket.
Double-Out 20
The winning strike that sealed the Wizards’ victory and rewrote the women’s darts narrative.
Asteegs forge diamond dynasty, seal historic 3-peat over softball

JOSEPH CARL ESTRERA
Blasting across four bases, the Asteegs of the College of Engineering unleashed hammering home runs, flawless pitching, and airtight defense to overpower their longtime rivals, the Legendary Mentors of the College of Education, 6–2, cementing their dynasty with a triumphant three-peat championship victory in a five-inning softball clash at the University Softball Field today on October 14.
Backed by a twice-to-beat advantage, the Asteegs stormed through the first two innings with precise swings and steady command from the mound, highlighted by Sandy Salili’s masterful pitching that left the Mentors grasping for offense and momentum, turning every throw into a display of control and championship poise.
Entering the fourth inning, the Legendary Mentors mounted a brief comeback, scoring two crucial runs to close the gap, but the Asteegs refused to flinch, tightening their defense and relying on steady pitching to preserve a commanding lead heading into the final frame.
In the last and decisive inning, the tension reached its peak as the Legendary Mentors fought desperately to extend the game, yet the Asteegs’ composure stood unshaken, shutting down every swing to seal a 6–2 victory and
complete their remarkable championship run. “Overwhelming sya samaoa kay grabe ang pressure kay nasugdan namo sya since last last year, and naga-expect ang tanan saamoa — labaw na ang mga professors and ang Asteegs, mao to sya gipaningkamutan namo,” shared Salili, describing the weight of expectations and the determination that fueled their three-peat triumph.
Reflecting on their rivals, the Legendary Mentors, Salili noted that the game was a true test of composure and skill, saying both sides were loaded with talent and even varsity-caliber players, making every inning a battle for pride and legacy.
Team captain Marian Fe Guiñares also shared,
“As a captain, gi-lead nako ang team na full of sacrifices — bawat isa saamo kay nanglisod mag-balance sa acads tas naa pay buhaton sa balay, pero gi-lead gyud nako sila ato.”
She expressed her heartfelt gratitude for the support and funding the team received throughout their campaign, adding that they’ll carry the same fire and teamwork as they aim for another victorious season next year.
