AWAKEN | Intramurals 2025 Day One Newsletter

Page 1


DEMONSTRASYONG MARINGAL

COA itinanghal na kampeon sa Mass Dance dala ng natatanging tema, pulidong konsepto

DAVE MODINA, JESSIE REY RUERAS, JOHN PAUL SIAPEL

Mariing iginiit ni Al Nezar B. Ali, punong hurado na ang ipinakitang presentasyon ng College of Agriculture (COA) ay natatangi dahil sa kanilang tema at konseptong pulido, rason upang hirangin silang kampeon sa ginanap na mass dance competition ngayong pagbubukas ng Intramurals 2025 ng Mindanao State University - General Santos City (MSU-GSC), Oktubre 10.

Gayunpaman, ipinahayag niya na ang pagtatanghal ng iilan sa mga kalahok ay lumagpas sa kaniyang ekspektasyon mula noong siya ay naging hurado noong Intramurals 2023.

“I would like to commend this year [COA], better yung kanilang dance skills, performative prowess,

kaysa last year, if I grade it into 80%, now they have reached 95%,” ibinahagi ni Ali.

‘Only a few delivered’

Sa kabila ng isang malinis at pulidong presentasyon ayon sa hurado, pumapangalawa sa bilang ang College of Engineering (COE) na lubhang ikinagulat ng mga manunuod.

Ayon sa eksplenasyon ni Ali, maliban sa isang nakamamanghang panimula naghahanap din sila ng ‘’full blast” na pagtatapos mula sa Asteegs.

“Hindi siya ‘yung, ‘yung parang, tapos na, it should come to, parang still to come out until we reach

that. That is what we're looking for. And so far, only a few could deliver that,” saad niya.

Dagdag pa ni Ali, nakulangan siya sa aspetong may kinalaman sa mekanikal na kasangkapan, rason upang maging malinaw ang pagpapasya ng mga hurado.

“Samantalang sa Engineering, ang problema lang yung how they end it. Kasi kung naghahanap kami ng ethical opening, dapat naghahanap din kami ng full blast ng closing. And the closing should be in ascending order,” kaniyang paglilinaw.

Dahil dito, sinabi niyang isa sa pinakamahalagang batayan na dapat taglayin ng bawat kalahok ay

DEMONSTRASYONG MARINGAL

ang pagbibigay tuon sa konsepto ng musika, na naging dahilan upang mangibabaw ang COA.

“Kasi that makes everything, yung scenography, yung dance, much more believable, rather than sa sayaw. In the point of view of the layman's term, the conceptual value is the backbone, so if you create a dance, if your scenography, performative concept is clear, then everything would be clear,” saad ni Ali.

Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pananaliksik upang maintindihan ng lubusan ang ipinapahiwatig na mensahe ng musika at maiayon sa kabuuang tema ng pagtatanghal.

“Sa College of Agriculture, even though magsolid ang kanilang performance and everything, pero yung kanilang spectacle din sometimes, hindi siya, hindi siya tinatawag namin yung sustaining, the continued process,” ayon sa punong hurado.

Ipinarating naman niya ang kanyang antisipasyon sa isang mas “improved” na konsepto ng bawat

kolehiyo sa susunod na taon sa parehong kompetisyon.

Sinubok ng kahandaan

“Amazing,” isang salitang binitiwan ni Vic Lawrence Langreo, COA Officer-in-charge (OIC) ng mass dance competition nang maitanong kung paano niya ilarawan ang kanilang pagkapanalo ngayong gabi.

Ayon pa sa kanya, labis silang nahirapan sa proseso ng paghahanda ng kanilang kolehiyo.

”Gi-cram pa namo ang props ganinang morning and ganina lang sa likod namo gi-practice on how i-on ang light sa tanan ng props po,” saad ni Langreo.

Dagdag pa niya, para mapanatili ang podium finish sa kompetisyon, kung maaari, ang kanilang pinag-eensayuhang kapaligiran ay nasa isang komportableng set-up.

“Ang napansin ko ay magaan lamang sa

pakiramdam. Ito ang naging dahilan sa pagkakaroon namin ng tibay at lakas para kami ay maging inspirado at maihain ito sa madla,” dagdag pa niya.

tal-IBA SA LAHAT

Sa kabilang banda, pinatunayan naman ng College of Social Sciences and Humanities (CSSH) na sa sama-samang sigawan masusungkit nila ang panalo matapos maiuwi ang tropeyo ng pagkapanalo sa Parade Competition ngayong taon.

Naiuwi rin ng kolehiyo ang dalawang espesyal na parangal: Most Organized at Most Energetic.

Samantala, naiuwi naman ng College of Natural Sciences and Mathematics ang mga pagkilalang ‘’Most Participative’’ at ‘’Most Creative'’.

Sa huli, naiuwi naman ng mga Anglers ng College of Fisheries and Aquatic Sciences (CFAS) ang “Best in College Shirt” na gantimpala.

Kuha ni John Ross Sambanan

Binalot ng pula, dilaw, bughaw, kahel, berde, at iba pang kulay ang buong kampus. Tila bahagharing naglakad sa gitna ng araw. Sabaysabay na nagmartsa ang bawat kolehiyo suot ang uniporme na kanilang pagkakalinlan, bitbit ang kani-kabilang bandera. Dumagundong ang tambol at umalingawngaw ang hiyaw. Lahat ay nagtagpo sa iisang himig: ang diwa ng pagiging isang MSUan.

Sari-saring kaganapan ang nagpamangha sa bawat isa sa unang araw ng Intramurals 2025 at pagdiriwang ng ika-52 Foundation

Anniversary ng Mindanao State

Pantay ang Iba’t

University - General Santos. Hindi nagpahuli ang lahat sa laban ng lakas at husay. Iba-iba man ang kulay na kanilang nirerepresenta hindi pa rin nagkakaiba ang diwa— isang MSUan.

Hindi lang ito tagisan ng bawat kolehiyo. Sa pagkakataong ito, nabigyang-pansin din ang mga kulturang matagal nang bahagi— ang mga katutubo. Sa gitna ng parada ng mga uniporme at kulay ng bawat departamento, agaw pansinin rin ang tela ng mga kasuotang etniko.

Para kay Angela Taflan, isang 4th

year student mula sa College of Business Administration and Accountancy at kasapi ng Indigenous People’s Student Association (IPSA). Buong puso niyang ipinagmalaki ang kasuotan ng kanyang tribo—makulay, may kuwento, at puno ng dangal. Sa bawat sinulid ng kanyang kasuotan ay nakahabi ang kasaysayan ng kanyang lahi. Sa kanyang ngiti, bakas ang kagalakang matanggap, maipagmalaki, at maipakita kung sino siya—isang katutubong estudyante na pantay ang pagtingin at paggalang.

“Lipay kaayo ko as an indigenous

ANGELA ARIM

Iba’t ibang Kulay

student. Wala jud nako ginakaulaw ang akon tribo,” ani Angela, “Diri sa MSU, ginahatagan og value bisan unsa pa ang tribo. I-proud kung unsa ang aton kultura, ug i-share pud sa uban.” dagdag pa niya. Sa kanyang mga salita, maririnig ang tinig ng respeto—isang unibersidad na nakikinig at nagpapahalaga sa bawat tinig, relihiyon, at kultura.

Sa unibersidad kung saan nagsasama ang mga Muslim, Kristiyano, at Katutubo, walang naiwan sa gilid. Kahit magkaiba ng pananamit, paniniwala, at pinanggalingan, lahat ay may lugar sa entablado ng pagkakaisa.

“Kakaiba talaga ang Intrams dito sa MSU - GenSan,” ayon kay Maidiya Bangon, isang first-year student mula sa College of Education at kasapi ng Muslim Students Association (MUSA). Binigyang-diin nito na makulay, masigla, at puno ng respeto ang unang araw ng intramurals. Kahit iba-iba ng kultura at pananamit, Makikitang sabaysabay pa ring nagdiwang.

Mula sa mga katutubong tribo hanggang sa mga Muslim at Kristiyanong estudyante sa Pamantasang Mindanao walang “ikaw” at “ako”—ang meron ay

“tayo.” Lahat ay may puwang sa iisang tahanan. Walang mataas o mababa, walang dayuhan o iba— lahat ay pantay, lahat ay MSUan.

Ang Intramurals ay naging salamin ng ipinagmamalaking prinsipyo ng unibersidad: unity in diversity. Isang lugar kung saan ang bawat kulay ay hindi naglalaban, kundi nagtatagpo; at ang bawat pagkakaiba ay nagiging lakas ng komunidad. Dahil sa MSU-Gensan, ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa medalya o tropeo—kundi sa kung paanong sa gitna ng iba’t ibang kulay, nananatiling buo ang habi ng pagkakapantay-pantay.

Kuha ni Ashley Louisa Loyloy

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.