Sambuwa Salidahay 2025

Page 1


THE SEASIDE ECHO ANG APLAYA

SAMBUWA 2025 2025

Sambuwa at Salidahay 2025, idinaos sa Oton NHS

Inilunsad ang Sambuwa at Salidahay 2025 : The Oton Municipal Sports and Cultural Meet sa Oton National High School Open Field, Oktubre 6. Sa temang “Pangibabaw : Rising Above Challenges, Shaping Champions” nagtipon-tipon ang mga atleta mula sa iba’t ibang paaralan upang ipamalas ang kanilang talento at kasanayan sa larangan ng isports.

Sinimulan ang programa sa isang parada kung saan nakibahagi ang drum and lyre corps, atleta, SPTA, mga guro at iba pang organisasyon ng mga paaralan mula sa elementarya at sekondarya. Sinundan naman ito ng pambungad na mensahe ni Hon. Hyacinth Gardose, SKMF President, Munisipalidad ng Oton na nagbigay ng pagpupugay sa mga atleta.

Mahalaga ang isports sa buhay ng kabataan: ONHS Alumna, Gold Medalist

Nat’l SCUAA 2016

“Sports play a vital role in the holistic development of every learner. They mold not just the body but the mind and spirit.”

Ito ang linyang binitawan ni Atty. Dianne Maurice G. Gomez, dating mag-aaral ng Oton NHS at Gold Medalist ng National State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) sa larangan ng Chess noong 2015 sa kanyang naging mensahe sa Sambuwa 2025: The Oton Municipal Meet Sports Meet, Oktubre 6.

“Indeed ang Oton gapangibabaw gid. This is a challenge kung ano gid man kataas sang lupad sang ogtonganon. Hindi man muna ka sampaton pero may ibuga gid,” aniya.

Nagkaroon rin ng presentasyon ng mga delegado ang mga paaralan sa pamumuno ng mga punong guro kung saan kanilang ibinida ang cheers and yells bilang pagpapakita ng kanilang determinasyon sa darating na laro.

Bago pa man nagtapos ang programa, nagkaroon pa ng isang mensahe mula kay Atty. Dianne Maurice G. Gomez, Gold medalist ng National SCUAA sa larangan ng Chess noong 2015 at dating mag-aaral ng ONHS.

Ayon din sa kanya, isa sa pundasyon ng bawat kabataang atleta sa buhay ang larong pampalakasan.

“Learners who grow in sports, grow in life” aniya.

Nagtapos ang programa sa isang unity dance kasama ang mga atleta, guro, school heads at mga guest speakers na siyang sinundan ng field demo performance ng Oton NHS Senior High School learners.

FCDSA ‘25 ILULUNSAD SA TIGBAUAN

Pormal na magbubukas ang First Congressional District Sports Association Meet sa Munisipalidad ng Tigbauan ngayong taon. Pitong Munisipalidad na siyang binubuo ng Oton, Tigbauan, Guimbal, Miagao, Igbaras, Tubungan, at San Joaquin ang maglalaban-laban sa larong pampalakasan at Literary Musical.

Ayon sa kanya, ang larong pampalakasan ang humuhubog sa kakayahan ng isang kabataan.

“Sports teach discipline before deadlines, resilience before adversity, teamwork before employment, and confidence before success,” aniya.

Dating manlalaro ng Oton NHS si Atty. Gomez sa larangan ng chess, na ipinagpatuloy niya hanggang sa kolehiyo, kung saan nasungkit niya ang gintong medalya sa National SCUAA sa Tuguegarao. Nagtapos ang kanyang mensahe sa isang paalala na ang paglalaro ng isports ay higit pa sa mga gawain sa apat na sulok ng silid-aralan.

“Your sport may not be your profession but it will shape your dreams,” pahayag niya.

The Official Publication of Oton National High School Oktubre 6, 2025
Jorjette Baraña
Princess Xiarena Montealto
Princess Xiarena Montealto
SALITA AT INSPIRASYON.
Naghandog ng mensahe si Atty. Dianne Maurice G. Gomez, Gold medalist ng SCUAA noong 2016 sa isinagawang SAMBUWA 2025 - Opening Program sa Oton NHS Open Field, Oktubre 6.

Hindi niya alintana ang init na dumadampi sa kaniyang balat, ang maingay na sigabong ng palakpakan ng mga manonood ang nagbibigay din ng apoy sa kaniyang naglalagablab na determinasyon at pananabik upang ipakita niya ang ilang buwang ensayo niya sa kaniyang isports. Isa siya sa mga atletang magrerepresenta sa kaniyang paaralan para sa kompetisyong ito. Sa halos ilang buwan na pag-eensayo, tagaktak ng pawis ay hindi biro, bawat sakit at hapdi na naiuuwi niya mula sa kaniyang mga pagsasanay ay sakripisyo, at bawat minuto iniisip niya ang kaniyang pangarap na gustong maipanalo. Dala-dala ang ipinabaong suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya determinado siyang maiuwi ang tropeo. Ang pagtapak sa ganitong kompetisyon ay isang malaking karangalan para sa kahit sino mang atleta dahil dito masusukat ang kanilang galing at lakas upang sila ang susunod na magrerepresenta sa bayan ng Oton sa susunod na kompetisyon. Ang SAMBUWA 2025 ay isang malaking pagtitipon ng mga paaralan sa bayan ng Oton upang ipamalas ng kanilang mga atleta ang kanilang taglay na galing at talento sa napili nilang isports. Mula sa makulay na parada ng mga atleta na naglalakad nang kanilang uniporme, hanggang sa matitinding labanan sa larangan ng basketball, volleyball, athletics, at iba pang palakasan, bawat sandali ay tila isang obra ng pagsisikap at pangarap. Ang bawat hampas ng raketa, bawat talon sa entablado, at bawat pagtawid sa finish line ay patunay ng walang hanggang determinasyon ng mga kabataang atleta. Ang salitang “Sambuwa”, na hango sa salitang Hiligaynon ay nangangahulugang pagsasama o pagkakaisa. Hindi lamang ito tungkol sa medalya o tropeo, kundi sa pagkakabuklod ng mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan mapapubliko man o pribado na hangad maipakita ang kanilang galing at determinasyon sa larangan ng palakasan. Ngunit higit sa mga medalya, ang tunay na tagumpay ng SAMBUWA ay ang pagkakaibigang nabuo, ang disiplina at respeto na natutunan, at ang inspirasyong dala ng bawat laban. Sa bawat “Kaya mo yan!”, sa bawat tapik sa balikat, at bawat palakpak ng mga manonood, ramdam ang init ng bayanihang Ogtonganon na nagbubuklod sa mga kalahok. Sa bawat pagod na katawan at pawisang mukha, ay makikita ang diwa ng bayanihan—ang sama-samang pagsulong tungo sa tagumpay. Ang SAMBUWA ay higit pa sa isang sports meet; ito ay patunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan, anumang laban ay kayang pagtagumpayan. Sa bawat pagpupunyagi, sa bawat ngiti ng kabataan, at sa bawat alingawngaw ng sigawan sa entablado, iisa ang mensahe: Ang tagumpay ay mas matamis kapag ito’y bunga ng pagkakaisa. At sa paglubog ng araw sa kanluran napatingin siya sa imahen ng Birheng Maria, ibinulong niya sa hangin ang kaniyang panalangin na ipinangako niya sa kaniyang sarili na sa pagdating ng araw ng kaniyang pagsubok ay makakamit niya ang kaniyang inaasam na tagumpay. Isang matamis na tagumpay bunga ng kaniyang pagsusumikap at sakripisyo na walang halong pandaraya at may diwa ng pagkakaisa. At sa katahimikan ng dapithapon, habang ang simoy ng hangin ay banayad na humahaplos sa kanyang mukha, naramdaman niya ang tunay na tagumpay — hindi lamang bilang isang atleta, kundi bilang isang Ogtonganon na nagtagumpay sa diwa ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

sa “SAMBUWA’T LARO:Tagumpay Diwa ng Pagkakaisa”

Cecelia Dee Billones

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.