Ang Aplaya, Tomo LXXV Blg. 1

Page 1


Ang Opisyal na Pahayagan ng Oton National High School

Tomo LXXV, Blg. 1

Oton Command Center, ipinatayo sa pamumuno ni Mayor Fusin

Sa ilalim ng makabagong pamumuno, patuloy ang pag-unlad at pagpapatayo ng mga imprastraktura sa lungsod ng Oton simula nang maupo si Hon. Sofronio Fusin Jr. bilang alkalde nito noong Mayo 9, 2022.

Isa ang Oton Command Center sa mga pangunahing proyekto na itinaguyod sa lungsod sa layuning mapabilis ang pagresponde sa mga sakuna at trahedya. Ang Command Center ay isang pinagsama-samang pasilidad na magsisilbing sub-station para sa Oton Municipal Police Station, Oton Bureau of Fire Protection, Oton Search at Rescue Team na siyang unang naging proyekto ng Alkade at Bise Alkade sa lungsod.

Ipinatupad din ang Beautification and Restoration Task Force (BREST-FT), alinsunod sa Executive Order No. 81, upang mapahalagahan ang mga imprastraktura.

Kasama sa proyektong ito ang pagsasaayos ng Andres Bonifacio Shrine Island, o mas kilala bilang Oton Pugad Lawin Park na pormal na binuksan sa publiko noong nakaraang taon, Oktubre 14, sa pangunguna ng Alkalde at Bise Alkalde.

Parte rin ng programa ang pagpapaganda ng Oton plaza lagoon area na kung tawagin sa ngayon ay “Man in His Environment” na opisyal na inagurahan noong Disyembre 2, 2023.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagkukumpuni at pagpapatayo ng MultiPurpose Building (Municipal Building) at pagsasaayos ng Oton Municipal Hall, na magiging sentro ng munisipalidad pagkatapos ng restorasyon.

Dagdag pa na inaasahan ngayong taon ang opisyal na pagbubukas ng Oton Public Market matapos ang ilang taong pagsasaayos nito.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, unti-unting nanunumbalik ang sigla, kasaysayan, at kultura na nagbibigay pugay sa lungsod ng Oton.

ANGARAng DepEd

Sec. Angara, bumisita sa ONHS

Labis na pananabik ang namayani sa mga Ogtonganon nang bisitahin ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang Oton National High School para sa isinagawang Inauguration and Groundbreaking Ceremony ng dalawang gusali ng paaralan, Disyembre 13. Kasama ang mga DepEd Undersecretaries na sina Atty. Peter Irving C. Corvera, Trygve L. Olaivar,

Oton NHS,‘backto-back’champion sa RSPC

sa

Atty. Mel John I. Verzosa, and Wilfredo E. Cabral; Assistant Secretaries Atty. Marcelino G. Veloso III, Janir Ty Datukan, at OIC-Assistant Secretary Dr. Jocelyn DR. Andaya, ay kanilang binisita at pinangunahan ang naturang seremonya. Mainit naman silang sinalubong at tinanggap ng Oton NHS sa pangunguna ni School Principal IV Darwin A. Haro, CESE kasama ang Oton NHS Execom, mga kawani, at mag-aaral.

SDO Escalante, nagsagawa ng Benchmarking sa Oton NHS

Upang mapalakas ang kalidad ng edukasyon at matuto mula sa matagumpay na sistema ng Oton National High School (ONHS), bumisita ang Schools Division Office (SDO) ng Escalante City para sa isang benchmarking activity.

Malugod na tinanggap ng ONHS ang delegasyon mula sa Escalante National High School (ENHS), sa pangunguna ng kanilang punong guro na si Ginoong Darwin A. Haro, CDSA upang ipakita ang kanilang best practices sa iba’t ibang aspeto ng pagtuturo.

Ibinida ng ONHS ang kanilang Special Program in Junior High School, Night Class, Alternative

Learning System (ALS), at Special Needs Education, na kinilala bilang epektibong hakbang sa pagpapalawak ng oportunidad sa mga mag-aaral.

Ayon kay Nestor Paul Pingil, Chief Education Program Supervisor ng Curriculum and Teaching Division ng SDO Iloilo, “The growth of the school is not only limited to the number of students but is also to the number of opportunities we provide.”

Sa ganitong inisyatibo, pinatunayan ng ONHS at ENHS na ang pagbabahagi ng kaalaman at sistema ng pagtuturo ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng edukasyon sa buong rehiyon.

SHANTEL EUNICE GARCIA
sundan sa pahina 4 | Balita
NATHA CIRAM SALADO
BILIB SA TALENTO. DepEd Secretary Angara habang nililibot ang mga inihandang awtput ng iba’t ibang strand ng Oton NHS. Larawan mula sa SE+A Online Media.
Larawan mula sa Oton Info-Center.

Oton NHS, ‘back-to-back’ champion sa RSPC

Muling nasungkit ng Mataas na Paaralan ng Oton ang titulo bilang ‘Overall Champion’ sa Regional Schools Press Conference na ginanap sa Iloilo Grand Hotel, ika-26 ng Mayo, 2024. Matapos ang dalawang taong dinaranas na pandemya, nangibabaw ang Oton NHS laban sa iba’t ibang dibisyon mula sa Kanlurang Visayas bilang Regional Champion sa group category ng Regional Schools Press Conference.

Pinatunayan ng mga campus journalist mula sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting Filipino, TV Broadcasting and Scriptwriting Filipino, at Collaborative Desktop Publishing Filipino ang kanilang husay sa

nakaraang RSPC matapos nilang masungkit ang ikalawang pwesto sa kompetisyon noong Mayo. Ang panalong nasungkit nila sa taong ito ay higit na ipinagmamalaki ng kanilang mga tagasanay, school paper adviser, at ng punongguro na si G. Darwin A. Haro, CESE.

Matatandaang naipanalo rin nila sa taong 2023 ang TV Broadcasting and Scriptwriting English, TV Broadcasting and Scriptwriting Filipino, Collaborative Online Publishing English, Collaborative Desktop Publishing Filipino at Radio Broadcasting and Scriptwriting Filipino na naging dahilan upang matungtong ng TV Broadcasting group at Online Publishing team ang yugto ng National Schools Press

Conference. ng Press Conference ngayong taon ay sisimulan na ang puspusang pageensayo ng mamamahayagmga upang mahubog pa lalo ang mga susunod na sasabak sa RSPC at muling madepensahan at mapatunayan ang titulo bilang reigning champions.

Mga mag-aaral ng ABM, nakilahok sa Digital Symposium

oong Setyembre 12, sa Solana Premiere sa Mandurriao, Iloilo City, ang mga mag-aaral mula sa Accountancy, Business, and Management (ABM) strand ng Oton National High School ay dumalo sa isang pambansang digital marketing program na inilunsad ng Asia Foundation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Iloilo. Ang

Sa programang ito, dito natutunan ng mga estudyante kung paano gamitin ang mga kagamitang digital upang mapalago ang negosyo at mapabuti ang karanasan ng mga customer. Kasama rin ng mga estudyante ang kanilang mga guro upang sila’y gabayan. Isa sa mga key speaker na nagbigay motibasyon at inspirasyon

binigyan diin niya ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng

“Para sa mga mag-aaral, ang digital ay likas na bahagi ng inyong buhay. Samantalahin ang teknolohiya, ngunit huwag kalimutan ang pagpapahalaga sa mga customer”, ayon kay Lorna Bontoc, key speaker. Nangunguna ang Iloilo City sa bilang ng mga dumalo sa buong Pilipinas na may bilang na higit sa 450 katao. Sa pamamagitan ng programang ginanap, nagkaroon ng natatanging pagkakataon na matuto ang mga mag-aaral sa mga eksperto sa larangan ng digital marketing.

Mr. at Ms. Paindis-Indis 2024: Gabing Puno ng Talento at Kabighanian

naman mula sa ika-10 baitang ang Ms. Paindis-Indis 2024.

Masigabong na palakpakan at hiyawan ang namayani sa bawat kasuotan, mula sa matitingkad na disenyo at modernong paghuhubog ng tela na kanilang ibinida sa Casual Wear, Playsuit, at Formal Wear .

Bilang bahagi sa tagisan ng Talento, inihayag naman nilang dalawa ang kani-kanilang mensahe sa pamamagitan ng mga sayaw tungkol sa tradisyon at isyu sa lipunan na naging inspirasyon sa marami.

Isa sa mga pinaka-inaabangang bahagi ng paligsahan ay ang mabigyan ng pagkakataon ang bawat kalahok na magbigay ng kanilang opinyon at sagot sa mga tanong ng mga hurado sa Question and Answer portion.

“Because you need to love yourself do not be afraid of yourself, just don’t copy them be yourself and be your own character,” ito ang naging winning answer ni Cadornigara.

Ayon naman sa sagot ng kandidatang si Panique, nararapat lamang na magturo ang paaralan ng critical thinking at tamang pagpapasiya upang matulungan ang bawat mag-aaral.

Sa huling sandali ng tensyon, nasungkit ni John Gabriel Cadornigara ang parangal na Best in Talent, Best in Interview, Mr. Beautiful Smile, at Darling of the Press.

Samantala, nakuha naman ni Nicole Panique ang Best in Production Number, Best in Casual Wear, Best in Gown, at Best in Interview.

Hindi lamang kinikilala ang pageant night bilang isang kompetisyon, kundi isang instrumento ng pagkakaisa at pagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili at sa komunidad, na sa bawat hakbang sa entablado ay patunay ng tapang at kakayahan ng bawat kalahok.

TRISHA MARIE ESPOSO

5th Environmental Summit, idinaos sa Iloilo

Dumalo ang mga mag-aaral ng Oton National High School sa ginanap na 5th Philippine Environmental Summit Grand Xing Imperial Hotel Iloilo, Pebrero 19-21, 2025.

Sa temang “Ako ang Bukas: Quantum Leap to Climate Neutrality” isinagawa ang nasabing aktibidad bahagi ng selebrasyon ng ika-limang taon ng summit sa inisiyatiba ng Green Convergence for Safe Food, Healthy Environment and Sustainable Economy (GC) at ng Department of Natural Resources (DENR).

Nahati sa apat na sesyon ang programa, kung saan tinalakay ang mga paksa ukol sa pagsukat at pagbabawas ng greenhouse gas emissions, pati na rin ang mga hakbangin ng iba’t ibang sektor sa renewable energy, agrikultura, transportasyon, at waste management.

Humigit-kumulang 130 na mag-aaral mula sa Science

Technology Engineering Mathematics (STEM) ng Oton NHS ang nakilahok sa mga aktibidad na inihanda sa programa.

Ayon sa mag-aaral ng 11-Tantalum — Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) na si Princess Belle Otero, isang malaking pagkakataon ang isinagawang lektyur upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga kasalukuyang isyu.

“Marami akong natutunan sa ginawang summit, lalong-lalo na sa mga paksang Renewable Energy na siyang malaking tulong para sa mga kabataan na tulad namin na sa ilalim ng STEM Strand,” aniya.

Nangyayari isang beses sa dalawang taon ang summit na may pangunahing layunin na mapalakas ang kamalayan at aksyon ng bawat sektor, kabilang na ang mga kabataan.

Sen. Angara, itinalaga bilang bagong DepEd Sec.

Pormal nang itinalaga bilang bagong tagapagtaguyod ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara noong ikalawa ng Hulyo 2024, matapos magpasa ng resignation letter ang dating pinuno na si Vice President Sara Duterte isang buwan bago ang panunumpa ni Angara.

Ika-20 ng Hulyo nang nanumpa si Angara sa loob ng Malacañang bilang pagtanggap sa hamong pamunuan ang pinakamalaking burukrasya sa Republika ng Pilipinas.

“This significant responsibility is one I accept with humility and a profound sense of duty,” aniya.

Ipinahayag niya rin na gagawin niya ang lahat upang magiging maayos ang pamamalakad sa Kagawaran ng Edukasyon sa kaniyang pamumuno, at makikipagtulungan siya kay Presidente Bongbong Marcos upang mabigyan ng tamang serbisyo ang bawat mag-aaral at guro, nang mapaunlad pa lalo ang kalidad ng edukasyon sa buong Pilipinas.

Sa kabilang banda, kampante naman ang presidente na magagawa ng bagong DepEd Secretary ang lahat ng tungkulin dahil pinag-isipan niya nang maayos ang pagpili ng bagong hahalili sa bise presidente.

Team Dugong Bughaw Symposium, ginanap sa ONHS

TRIXIE CALANTAS

Nagsagawa ang Team Dugong Bughaw ng symposium na may titulong “Breaking the Silence: Addressing HIV/ AIDS, Stigma and Discrimination, SOGIEIC Rights, Mental Health” kaagapay ang Oton NHS Supreme Secondary Learner Government, sa Oton National High School, Oktubre 16, 2024.

Inilatag ng TDB ang kanilang adbokasiya upang turuan ang mga kabataan na mas maging mapagmatyag sa mga napapanahong isyu at lumikha ng lipunang mulat sa negatibong epektong dala ng walang kamalayan tungkol dito.

Dumalo ang humigit-kumulang 1,000 mag-aaral mula sa baitang 7-12 na nakibahagi sa interaktibong programa na pinangunahan nina Dr. Jasper Ruby Vijar at Raymart Escanlar Eufracio.

Layon nilang ibahagi ang kanilang mga kaalaman sa

mga problemang hindi masyadong binibigyang-diin sa mga paaralan, at turuan ang mga kabataan sa mga nararapat na gawin upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Inihayag din ni Dr. Vijar ang mga nararapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS). Ayon kay Vijar, importanteng alam ang mga pangunahing gawin upang maiwasan ang pagkalat nito, kabilang na rin ang nakakadulot nito at kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS. Sa murang edad pa lamang ay nakararanas na ang mga kabataan ng mga problema tungkol sa mental health, kung kaya’t nagbigay ng pahayag si Eufracio tungkol sa mga maaaring gawin upang malupig ang pag-atake ng anxiety na kung saan ay binigyang-diin niya kung papaano ito malalampasan.

TRISHA MARIE ESPOSO
NATHA CIRAM SALADO
PAGHIRANG NG PINUNO. Darwin A. Haro principal IV ng Mataas na Paaralan ng Oton ay hinirang na pinuno ng NAPSSPHIL Iloilo noong Hunyo 2024 sa Cagayan De Oro City. Larawan mula sa Oton NHS Page.

ANGARAng DepEd

Sec.

Angara, bumisita sa ONHS

Kasunod nito ay siya ring pinangunahan nina Sec. Angara at Congresswoman Janette Garin ang ribbon-cutting para sa mga bagong itinayong three-storey at four-storey building na matatagpuan sa gilid ng ONHS Gymnasium at kasalukuyang nagsisilbing silid-aralan para sa Technical Vocational Livelihood Track ng Senior High School. Isinagawa rin ang isang groundbreaking ceremony upang pagpapakahulugan ng pagsisimula

ng isang bagong imprastrakturang ipapatayo katabi ng ONHS Gymnasium at katapat ng bagong imprastraktura. Kasama ang mga miyembro ng National Association of the Public Secondary Schools of the Philippines (NAPPSPHIL) ay ginanap naman ang isang oath taking ceremony sa pangunguna rin ni Sec. Angara. Bukod pa rito, tampok din sa kanilang pagbisita ang mga booths na gawa ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang Senior High School

Oton NHS, namayagpag

PRINCESS

Bstrands at mga mag-aaral ng Special Needs Education (SNED) na kanilang kinamanghaan at kinaaliwan. Naghandog din ng isang munting sorpresa ang paaralan kay Sec. Angara sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang larawan na siyang gawa ng magaaral na si Khyle Columna. Ang pagbisita ni Sec. Angara ay isang makabuluhang kaganapan at mahalagang yugto na nakamtan ng paaralan.

sa Regional Circle Awards

itbit ang mantra ng paaralan na “Oton NHS, Be The Best”, nag-uwi ng tatlong karangalan ang Oton National High School matapos pinangaralan ang tatlong special programs sa ginanap na Curriculum and Instruction Regional Champions for Learning Excellence (CIRCLE) Awards 2024 sa Iloilo Grand Hotel, Disyembre 18. Itinanghal bilang Most Learning Focused Flexible Learning Options (FLO) ang Night Class Program ng Oton na siyang itinatag noong 2001, na may layuning matugunan ang problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbabalanse ng pag-aaral at trabaho.

Sunod na binigyang-parangal ang Special Program in Sports (SPS) at Special Program in Journalism (SPJ) bilang Most Learning Focused Interest Programs sa sekondarya.

Ayon sa DepEd Schools Division of Iloilo, may 27 paaralan na nakilahok at umabanse bilang top 3

finalist sa 2024 CIRCLE Awards.

Pinangunahan ni Principal IV Darwin A. Haro, CESE ang buong pusong pagtanggap sa karangalan kasama sina SPJ Coordinator Richel Cabrobias at MAPEH Coordinator Nicholas Gallenero.

Sa isang panayam kay SPJ Coordinator Richel Cabrobrias, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng suporta at pagkakaisa.

“Bilang SPJ Coordinator, ang puso ko ay naguumapaw sa galak at pasasalamat sa pagtanggap ng karangalan sa Regional Circle Awards. Ito ay testamento ng buong suporta at sama-samang pagpursige at dedikasyon ng mga tao sa likod ng tagumpay na ito lalong-lalo na ni Sir Darwin Haro,”

Larawan mula sa
GINTONG PLAKA. Bawat parangal na natanggap ng OTON NHS sa ginanap na Regional Circle Awards. Larawan mula sa SE+A.

G. Haro, hinirang na pinuno ng NAPSSPHIL Iloilo

Naihalal bilang presidente ng National Public Secondary Schools of the Philippines para sa Dibisyon ng Iloilo ang punongguro ng Oton NHS na si Ginoong Darwin A. Haro, CESE sa 10th NAPSSPhil Principal’s Congress na ginanap sa Cagayan de Oro City, Hunyo 2024. Naglalayon ang pagtitipong ito na mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng isang pinuno upang mapangasiwaan ng maayos ang kani-kanilang paaralan.

Nakasama niya sa conference ang daandaang mga punongguro at school heads mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Maraming pagsasanay at congress na ang naisagawa ng NAPSSPhil Iloilo sa pamumuno ni Ginoong Haro, kabilang na r’yan ang kauna-unahang NAPSSPhil Secondary School Heads Convergence na ginanap sa Punta Villa, Iloilo. Dumalo rito ang mahigit sa isang daang school heads mula sa mga paaralan sa iba’t ibang distrito ng Iloilo.

Dumalo rito ang mahigit sandaang school heads mula sa mga paaralan sa iba’t ibang

distrito sa Iloilo.

Ikinagalak din ng Regional Director ng rehiyon anim na si Dr. Ramir B. Uytico ang programang nailunsad sa dibisyon.

“After this, with all the related training na meron sila sa lahat na kagalingan na mga principals natin, we could really produce champions in Iloilo”, aniya.

Nariyan din ang Financial Procurement Training na dinaluhan ng mga school heads ng Oton NHS at ang kauna-unahang Technical Vocational and Livelihood Educators Congress na ginanap sa Aklan.

Sa kabilang banda, nagkakaroon pa rin ng mga pagpupulong si G. Haro kasama ang ibang officers niya tungkol sa mga plano nila sa hinaharap at tiyak na makakatulong ito sa lahat ng kapwa nila mga pinunong naghahangad na mapamunuan ng maayos ang buong komunidad ng kanilang paaralan.

Ipinagmamalaki naman ng buong Oton NHS ang nasungkit ng punongguro at nagmistulang karangalan ito para sa bawat miyembro ng paaralan.

Aplaycho, nakibahagi sa 15th Gusting Workshop

Nakilahok at kumasa sa hamon na may dalang determinasyon ang mga campus journalists ng Oton National High School sa 15th Gusting Workshop ng University of San Agustin (USA) na ginanap sa mismong unibersidad ika-16 ng Nobyembre, 2024.

Nakipagtagisan ang 24 batang mamamahayag laban sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang dibisyon ng rehiyon anim, mapa-public o private schools.

Dinaluhan ito ng mga bihasang guest speakers mula sa larangan ng journalism na nagbahagi ng kanilang

mga kaalaman sa iba’t ibang kategorya.

Kabilang dito sina G. Celestino Dalumpines, G. Jude Thaddeus Illedan, Ryan Zuriaga Castor at Leobert Dela Peña bilang speaker sa writing. Nariyan naman si Cartoonist Zach sa pagguhit.

Nariyan din ang GMA Public Affairs Program Manager na si G. Ian Simbulan na nagbahagi ng mensahe para sa mga batang mamamahayag.

“It’s a very hard job that requires hard work, a lot of patience sometimes and physical capacity to do the things that you have to do as broadcaster but at the end of the day it wells down to the

passion that you have. You have to keep that fire burning,” aniya.

Nag-uwi rin ng mga parangal ang mga ONHS journalist sa kompetisyon na nagpakita ng kanilang mga angking kasanayan at galing sa pagsulat at layouting.

Nagpamalas ng galing sina Shantel Eunice Garcia na nasungkit ang 1st Place sa News Writing Filipino, Beatriz Carolyn Ercilla na 4th Place sa Feature Writing English, at Chynn Trinity Villareal na 5th Place sa Sports Writing English. Nagwagi rin si Kian Andrei Esposado sa kategoryang digital art.

G. Haro, nagbigay talumpati sa WVSU Social Camp

Ipinakita ng Oton National High School Principal IV na si Ginoong Darwin A. Haro ang kanyang kahusayan bilang isang bihasang tagapagsalita, lider, at tagapagturo sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal sa leadership camp na pinangunahan ng Social Science Students’ Society.

Sa temang “Unleashing Potential: Pre-Service Social Studies Teachers as Emerging Leaders,” ang kaganapan ay isinagawa sa Pakiad Elementary School noong Oktubre 19, 2024.

Inisyatiba ng West Visayas State University (WVSU) ang leadership camp na naglalayong bigyang kaalaman ang mga guro ng Araling Panlipunan upang maging epektibong lider sa kanilang larangan.

Sa pangunahing talumpati ni G. Haro, naging tampok ang kanyang ibinahaging mga pananaw at kaalaman sa pamumuno, edukasyon, at personal na pag-unlad. Binigyang diin ni G. Haro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng positibong pananaw at ang paglalakbay tungo sa pagiging pinakamahusay.

Inihayag din niya ang mga personal na kwento at karanasan na nagbigayinspirasyon sa mga dumalo, na hinihikayat silang harapin ang mga hamon at magsikap para sa kahusayan sa kanilang mga karera sa pagtuturo.

Kalahok ang mga guro ng Pre-Service Social Studies ay kanilang natutunan ang mga kaalaman at praktikal na payo kung paano maging epektibong lider sa kanilang mga silid-aralan at komunidad.

Isang makabuluhang hakbang ang leadership camp sa misyon ng WVSU na makakabuo ng kakayahan at kapasidad ang mga guro ng Social Studies, na siya ring makapagbibigay ng positibong epekto sa kanilang mga mag-aaral at lipunan.

Tinalakay rin sa nasabing kaganapan ang kahalagahan ng patuloy na propesyonal na pag-unlad at ang papel ng mga tagapagturo bilang lider at tagapagbago.

Nagsilbing aksyon ang aktibidad para sa paglago at pag-unlad, kabilang ang pagbibigay-inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga guro ng Araling Panlipunan upang mailabas ang kanilang potensyal at umusbong bilang lider sa kanilang larangan.

JHANA NICOLE DIANO
Ang Opisyal na Pahayagan ng Oton National High School Tomo LXXV, Blg. 1
DepEd Secretary Sonny Angara sa punong patnugot ng Ang Aplaya, ika-13 SE+A Online Media.
ULAT NG KAMPEON. Tagapag-ulat na si Trisha Esposo sa kanyang special coverage sa 15th Gusting Seminar and Workshop. Larawan mula sa USA Publication.

Talo sa Giyera’t Hustisya

umanak ang dugo, maraming buhay ang kinitil. Naglaho ang hustisya na siyang kayamanan ng bansa. Sa panahong iyon, nakasalalay sa palad ng mga politiko ang buhay ng isang tao. Sa sapilitang pagpuksa ng mga kaso sa pang-aabuso ng droga, iba naman ang lumala. Lumiit man ang numero nito, tumaas naman ang datos ng mga buhay na nawala.

Nobyembre ng nakaraang taon, isinagawa ang 11th Quad Committee hearing sa House of Representatives tungkol sa War on Drugs na sumiklab sa administrasyon ng dating pangulo

Rodrigo Roa Duterte. Sa gitna ng pagdinig ng Senado, dumalo si Duterte, hindi sa layunin na mailahad ang katotohanan kundi para sa sarili niyang kapakanan.

Sa kanyang naging mensahe, inutusan niya ang mga opisyal na hikayatin ang mga kriminal na lumaban sa kalagitnaan ng pagaresto, upang bigyang-katwiran ng mga pulis na patayin sila.

“Ang sinabi ko ganito, prangkahan tayo, encourage the criminals to fight, encourage them to draw their guns. ‘Yan ang instruction ko, encourage them – lumaban, kapag lumaban, patayin ninyo para matapos na ang problema ko sa siyudad ko.”

Nasa tamang pag-iisip pa ba ang dating pangulo? Tila ginawa niya na lang na isang kwento ang buhay ng tao na may sinusunod na balangkas sa bawat yugto. Sa mga buhay na kanyang kinuha, maraming pamilya ang dumaranas ng pangungulila. Saan

iginiit ng kanyang administrasyon sa isang panayam na 6,000 lamang ang nasawi. Kabilang sa mga ito ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga, na karamihan ay nagmula sa mahirap na komunidad.

Mariing ipinagtanggol ng presidente ang kanyang giyera kontra droga sa kanyang testimonya. Hiniling niya sa senado na huwag kuwestyunin ang kanyang mga polisiya, sabay giit na wala siyang “paumanhin o paliwanag” para sa kampanyang ito.

Sa kabila ng matibay niyang paninindigan, hindi maikakaila na nag-iwan ito ng malalim na sugat sa lipunan. Habang patuloy na umaasa ang ilan na nagdulot ito ng kaayusan, hindi maaaring balewalain ang libulibong buhay na nawala, lalo na sa hanay ng mahihirap.

Gobyerno ang may tungkuling ayusin ang sistema ng pamahalaan. Subalit mismong namamalakad nito ang dahilan ng pagkasira ng nakagisnang patakaran. Ang kanilang ginagawa sa pagsugpo ng karahasan ay totoo bang nagbibigay hustisya sa bayan? O nagiging

kalayaan?

Inako ni Duterte ang responsibilidad sa mga pagpaslang ngunit itinangging iniutos niya ito, bagay na kinumpirma ni Senador dela Rosa. Gayunpaman, inamin niyang hinimok niya ang pulisya na udyukin ang mga suspek na lumaban. Bagama’t hindi niya tuwirang iniutos ang pagpatay, malinaw na ang ganitong retorika ay nagbigay ng puwang para sa kultura ng karahasan at kawalan ng pananagutan. Isang pahayag na hindi lamang nagpapakita ng pagiging pabaya sa buhay ng mga inaakusahan kundi pati rin ng isang lider na handang gamitin ang dahas bilang sagot sa suliranin ng droga, sa halip na humanap ng mas makatao at epektibong solusyon. Hindi sapat na kilalanin lamang ang libu-libong buhay na nawala sa giyera kontra droga—kailangang may managot. Hangga’t patuloy na binabalewala ang hustisya at ipinagmamalaki ang karahasan, mananatili ang takot at kawalan ng pananagutan. Panahon na upang ipaglaban ang isang sistemang pumapabor sa batas, hindi sa

pondo, hanggang sa paglagda ng mga taong walang talaan ng kapanganakan sa mga resibo. Ang higit pang nakababahalang akusasyon ay ang ‘diumano’y plano ni Duterte na patayin ang mga nangungunang pinuno ng pamahalaan, kasama si Pangulong Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Tagapagsalita ng Kapulungan Martin Romualdez.

Ito ba ang nais nating lider na mananatiling nakaupo bilang pangalawang pangulo ng bansa? Ano ang kinabukasang daratnan kung patuloy na tinatamasa ng ‘di makatarungang pinuno ang kapangyarihan?

Isang tanong, isang sagot: iyon ay ang mapatalsik si Duterte sa kaniyang pwesto. Hindi na makatarungan ang kaniyang mga gawain sa pagseserbisyo sa publiko. Nawa’y maliwanagan ang lahat sa mga nangyayaring katiwalaan sa pamahalaan sapagkat kapakanan at kabutihan ng bayan ang nakasalalay sa tungkulin na dapat buong pinamamahalaan nang may katapatan at paninindigan.

Ang tinta ng pluma ay mas

Walang saysay ang edukasyon kung ipinagbabawal ang katotohanan. Paano natin matututuhan ang kritikal na pag-iisip kung mismong mga paaralan natin ang nagtatangkang patahimikin ang ating mga tinig? Ang pagsikil sa student publications ay hindi lamang pagsakal sa kalayaan ng pamamahayag—ito ay isang tahasang pambabastos at pagyurak sa ating karapatan bilang mga mag-aaral at mamamayan ng

Sa maraming paaralan sa bansa, pilit pinapatahimik ang student press. May mga artikulong binubura, may mga pahayagang hindi pinapayagang mailimbag, at may mga mamamahayag na tinatakot ng administrasyon. Kapag hindi nila nagustuhan ang inilalathala natin, ang sagot nila ay hindi pagtalakay kundi pananakot. Ganyan ba ang edukasyon? Ganyan ba ang respeto sa malayang kaisipan?

Ngunit hindi lahat ng administrasyon ay ganito. May mga paaralan at administrador na tunay na sumusuporta sa malayang pamamahayag. Sila ang mga pinunong nauunawaan na ang mga mamamahayag ay hindi kalaban kundi isang mahalagang bahagi ng edukasyong nagpapalaya at nagpapalakas ng kaisipan. Ang mga paaralang ito ay nagbibigay ng ligtas na espasyo para sa malayang diskurso, hinahayaan ang mga estudyante na magpahayag ng kanilang pananaw, at hindi natatakot sa katotohanan. Hindi dapat maging sunodsunuran ang kabataan. Kung ngayon pa lang ay tinuturuan tayong manahimik, ano ang mangyayari sa hinaharap?

Kapag pinabayaan nating supilin ang ating pahayagan, sinasanay natin ang sarili nating tanggapin ang diktadura. Hindi tayo dapat pumayag na maging sunud-sunuran sa mga makapangyarihang gustong patahimikin ang katotohanan.

Alam natin ang ating karapatan. Alam natin na ang isang tunay na paaralan ay nagtuturo ng kritikal na pag-iisip, hindi blangkong pagsunod. Ang student press ay hindi lamang tungkol sa pagsusulat—ito ay tungkol sa paglaban para sa katotohanan, sa pagbibigay ng boses sa mga estudyanteng walang tinig. Kung ang administrasyon ay natatakot sa ating isinusulat, hindi ba’t may dapat silang ipaliwanag?

Kaya sa lahat ng estudyante— gumising! Ipaglaban natin ang ating karapatan. Hindi tayo pipigilan ng takot. Hindi tayo mananahimik. Ang kalayaang magpahayag ay hindi pribilehiyo kundi karapatan, at ang karapatang ito ay hindi natin isusuko! At sa mga paaralan at administrador na tunay na sumusuporta sa student press— salamat sa inyo. Kayo ang tunay na haligi ng edukasyon na nagbubukas ng isip at nagpapalakas ng loob ng susunod

Sa mga patuloy pa ring sumusupil sa mga pahayagan, “Ang dyaryo namin ay hindi pwedeng itiklop ng inyong takot.”

para ihanda at mahasa ang mga estudyante sa kursong kanilang nais pagtungtong ng kolehiyo. Kaya ano pa ang silbi ng K-12 kung gagawin man lang ding opsyonal ang Senior High School.

Kung nais nilang deretso na ang pag-aaral ng mga estudyante, sana inayos muna nila ang sistema sa edukasyon. Halos pinadali na lang nga ang pag-aaral ngayon at mga nagdaang taon. Iyong iba nasa bakasyon na, tayo rito nasa loob ng paaralan pa.

Kung ito talaga ang gusto nila, ano na lang ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na hindi pa handa para sa kursong kukunin nila?

Nganga?

Kaya sana, tapusin na lang nila kung ano iyong nasimulan na. Sapagkat, ang nais ng mga estudyante ay isang hakbang na pasulong, iyong pupunta ka sa tuktok hindi ‘yong hakbang na hahatak sa’yo ng pababa.

Dahil ang pag-aaral ay hindi naging opsyon para sa atin, sapagkat ito ang humuhubog sa’tin upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Laban sa oPRESSyon
Himagsik ng Pluma
Ang Opisyal na Pahayagan ng Oton National High School Tomo LXXV, Blg. 1

opinyon

Liham mula sa mga Patnugot

Sa aming mga tagapagbasa, Isang pagbati! Ngayong ika75 taong pagserbisyo ng “Ang Aplaya” sa Oton National High School, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa aming mga inililimbag na kuwento at mga artikulo na ayon sa mga napapanahong isyu. Hinihiling namin na sa paglipas ng panahon, sa bawat pagtiklop ninyo ng mga pahina, ay magbibigay ito ng makabuluhang aral na tiyak tatatak sa inyong mga puso. Hindi namin alintana ang pagod at hamon upang mailimbag lamang ang pahayagan na ‘to. Asahan ninyo, kasabay sa alon ng katotohanan ay patuloy kaming maghahatid ng kamalayan mula sa baybayin patungo sa Aplaya.

-Trisha at PX

BJANNAHLYSIS

Hauntrollment:

Bantayan ang Kinabukasan ng Kabataan

JANAH SILLA

awat taon ng pasukan—iyan ang palaging hinihintay ng mga estudyanteng punong-puno ng pangarap at determinasyon. Sapagkat, ang edukasyon ay malaking pribilehiyo kahit saan mang anggulo ang tingnan at marami pang mga kabataan ang hindi nakakapagaral dahil sa kahirapan.

Subalit, nakapanlulumo ang katotohanan, sa likod ng mga makakapal na libro ay may nakakatakot na reyalidad na naging misteryo para sa karamihan—ang kaso ng mga “ghost students”

Ayon sa ulat ng Inquirer.Net, ibinunyag ni Education Secretary Sonny Angara, na umabot ng humigit-kumulang 50 milyong peso ang SHS voucher program na sakop ng school year 20232024 at ito raw ay “potential defraudment”.

Hindi pa nga buwan ng Nobyembre pero marami nang nagmumulto sa paaralan. Mga estudyanteng nakalista lamang sa papel ngunit hindi naman aktwal na pumapasok sa paaralan. Ano ‘yong natutunan nila sa harap ng pisara, ang mambulsa ng pera?

Ang kaso ng mga ghost students ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa sistema ng edukasyon. Sapagkat, ang bawat estudyante ay may katumbas na pondo mula sa gobyerno. Tila ginagawa nilang daan ang sistema ng edukasyon bilang kasangkapan sa kanilang pansariling interes lamang.

Karapatang PanTALO

Pagkamit ng pagkakapantay-pantay ang layon, iba naman ang resulta sa bansa ngayon. Batas ang nagpoprotekta pero mismong alagad nito ang lumalabag, at tinatapakan ang Karapatang Pantao. Sa muling paggunita ng Human Rights Day, tatanggapin na lang ba natin

Ika-sampung araw ng Disyembre, ginugunita ang International Human Rights Day sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights noong 1948. Layunin nitong buhayin ang diwa ng isang bansa sa paglaban sa karapatan at katarungan ng bawat indibidwal sa mundo. Lahat ay may karapatang sang-ayon sa batas subalit tila kabaliktaran ang natatamo ng bawat mamamayang Pilipino.

Sa Pilipinas, Oktubre 28, itinaguyod ng Philippine Senate ang imbestigasyon ukol sa extrajudicial killings noong drug war sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulo, Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa mga kapulisan, 6,000 drug suspects ang walang awang pinatay ngunit batay sa pananaliksik ng iba’t ibang Human Rights group ay doble ang bilang ng nasawi sa panahong iyon. Sa pagdinig sa senado, hindi maukit sa mukha ng dating pangulo ang takot at pagkakasala sa paglagay ng hustisya sa kanyang sariling mga kamay. Hindi alintana ang halaga ng karapatang pantao na kanyang inubos sa bansang ito.

“Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do, and whether or not you believe it, I did it for my country,” saad ni Duterte sa kanyang testimonya.

Sa mga salitang kanyang binitiwan, tanging nagpapakita ito na sariling gobyerno na inaasahan ng lahat na magtataguyod ng

Ilang mga estudyante pa ba ang kailangang maghirap dahil sa mga kapabayaan nila? Ilang pangarap at determinasyon pa ang mawawasak?

Kaya, huwag na tayong magtago pa sa anino nila at sugpuin ang mga ghost students na ito. Sapagkat wala silang lugar sa ating mga paaralan. Nararapat lang na pagtuunan ng kawani ng edukasyon ang ganitong problema bagama’t ang nakasalalay dito ay ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

kaayusan ang siyang nang-aapi, kumukuha ng katarungan, at tumatapak sa bawat karapatan ng mga mamamayan. Sa kanilang pananaw tila ba isang laro na lamang ang pagkitil ng buhay ng tao.

Sa muling paggunita ng araw na ito, himukin natin ang diwa na ipaglaban ang karapatan, katarungan, at pagkakapantaypantay sa bansa lalong-lalo na sa buong mundo. Papalapit na ang eleksyon, huwag payagan na ang karapatan ay paglaruan lang ng mga gustong umupo sa gobyerno at walang hangarin na protektahan at tulungan ang masang Pilipino.

Malapit na ang eleksyon, lahat ay humihiling na sana sila ay protektado, malayo sa pang-aapi at pang-aabuso. Totoong hawak pa ba natin ang ating sariling Karapatang Pantao o talo na tayo sa “larong” ginagawa ng gobyerno?

debuhoniBelleOtero
WIENCY ANDREI MONDEJAR

Hinubog ng Daluyong, Pinakinang ng Panahon:

75 Taon ng Ang Aplaya

at Seaside

Echo

Sa pagdiriwang ngayong taon ng ika-75 anibersaryo ng mga pahayagang Ang Aplaya at The Seaside Echo (AplayCho), balikan ang mga naunang taon ng pahayagan at ipagdiwang ang mga nakamit na tagumpay nito.

Nagsimula ang Aplaya at Echo noong 1949 at marami ang naging saksi sa makulay na kasaysayan ng mga pahayagan ng paaralan. Sa loob ng 75 taong pagseserbisyo, ang Aplaycho ay patuloy pa rin sa pagsusulong ng pagpapahayag at edukasyon sa pamamagitan ng pagsusulat at pag-uulat.

Sa mga larawang ito, makikita ang mga dating editor at manunulat na nakamit ang tagumpay at naging bahagi ng pamilya ng Aplaycho na handang ipagpatuloy ang tradisyon.

Ang mga makalumang isyu ng Aplaycho ay nagsilbing alaala ng mga makasaysayang kaganapan, at ipinakita ang ebolusyon ng pahayagan sa mga nakaraang dekada. Kasama sa mga larawan ang mga makulay na pinagsamahan ng mga mag-aaral, guro, at mga tagapamahala ng pahayagan, na naging bahagi ng malaking hakbang sa kasaysayan ng Oton National High School.

Sa kabila ng pagbabago ng panahon, nananatili ang Aplaya at Seaside Echo bilang simbolo ng kahalagahan ng kalayaan sa pagpapahayag.

Pinapakita nito na ang Aplaycho ay hindi lamang inaalala bilang isang pahayagan, kundi bilang isang mahalagang bahagi ng kulturang nakapagpabago sa edukasyon sa bayan ng Oton. Bawat mamamahayag, mga tagapagsanay, mga guro, at alumni ay nagpapatunay na ang Aplaycho ay patuloy pa rin sa pagbibigay liwanag at inspirasyon sa mga darating pang henerasyon.

Sa bawat kuwento na aming iniulat at isinulat, kami ay hinubog ng mga daluyong na hinarap sa dagat ng istorya at pagbabalita. Sa 75 taon, kami ay mga dyamanteng pinakinang ng panahon.

“Ito ang aming Aplaya, babalik at babalik kami. The voice that calls us home, this is our Seaside Echo.”

- AplayCho 2025

Ang
Opisyal
na
Pahayagan
ng Oton National High School Tomo LXXV, Blg. 1

AghaMistiko!

Sa bawat patak ng alak ay may kuwento. Kuwento ng tiyaga, ng eksperimento, at ng matamis na tagumpay matapos ang mahabang proseso ng pagbuburo. Sa tahimik na bayan ng Oton, Iloilo, isang kahanga-hangang sining ang hinuhubog sa isang munting pagawaan—isang inuming mayaman sa lasa at kasaysayan.

Sa likod ng pambihirang obra na ito ay isang kabataang puno ng pangarap at masidhing hangaring pagyamanin ang isang tradisyong may halong agham at inobasyon.

Siya si Sam Agustin, isang 24-anyos na negosyante na bumabago sa sining ng paggawa ng alak sa pamamagitan ng matalinong pagsasanib ng sinaunang pamamaraan at makabagong teknolohiya.

Sa di inaasahang pagkakataon, isang simpleng aralin sa unibersidad ang naging mitsa ng kanyang masidhing pagkahumaling sa sining ng winemaking. Sa West Visayas State University, isang propesor ang nagbukas sa kanyang isipan sa mahiwagang proseso ng pagbuburo— isang tila alkimistang ritwal kung saan bawat sangkap ay may natatanging papel at bawat hakbang ay kailangang tiyakin sa tamang antas ng katumpakan.

Sa kabila ng isang masalimuot na proseso, sa halip na siya’y panghinaan ng loob, mas lalo niyang pinalalim ang kanyang pag-unawa, tinahak ang landas ng masusing pananaliksik at masusing eksperimento.

Sa kanyang puso ay lumago ang isang adhikain: lumikha ng isang inuming hindi lamang nagpapasaya sa panlasa kundi nagbibigay-pugay din sa mayamang likasyaman ng kanilang bayan. Sa pagsasanib ng tradisyon at agham, isinilang ang isang bisyon—isang pangarap na hindi lamang para sa kanyang sariling tagumpay kundi isang ambag sa pagpapakilala ng gawang Oton sa mas malawak na mundo.

Bilang isang masugid na tagapagtaguyod ng kahusayan, sinimulan niya ang proseso sa maingat na pagpili ng mga prutas—hindi lahat ay nararapat sa kanyang likhang sining. Tanging ang mga nasa rurok ng pagkahinog at may tamang antas ng tamis ang isinasailalim sa kanyang masusing pagsusuri. Gamit ang “refractometer,” tinitiyak niya ang tamang “Brix level” ng katas, isang mahigpit na batayan sa likas na tamis ng bunga.

Matapos pumasa sa maselang pagsusuri, ang mga piling prutas ay sumasailalim sa “mashing,” isang proseso ng pagdurog upang mailabas ang pinakamahuhusay na lasa at aroma. Dito pumapasok ang mahika ng “yeast,” isang napakahalagang elemento sa alkimyang ito, na siyang responsable sa pagbabagong-anyo ng asukal tungo sa mahalimuyak na alak.

Sa ganitong proseso, ang tiyempo at temperatura ay kailangang

lubusang alagaan. Upang mapanatili ang purong lasa at walang bahid na kapintasan, gumagamit siya ng “sodium metabisulfite”, isang preservative na nagtatanggol sa kanyang likha laban sa mga elementong maaaring puminsala sa kalidad nito. Hindi rin mawawala ang “airlock,” isang aparato na nagbibigay-daan sa paglabas ng carbon dioxide habang tinatabingan ang kanyang obra mula sa hindi inaasahang kontaminasyon.

Sa kanyang paglalakbay patungo sa rurok ng tagumpay, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Isa sa pinakamalaking hamon na kanyang hinarap ay ang pagpapanatili ng perpektong lasa sa bawat batch ng alak. Isang maling hakbang—isang di-inaasahang pagtaas ng temperatura, isang patak na kulang o sobra sa tamang dami ng yeast—ay maaaring makasira sa kabuuang timpla. Ngunit sa halip na matakot sa pagkakamali, ginamit niya ito bilang hagdan patungo sa mas mataas na antas ng kasanayan.

Isa pang hamon ay ang pakikipagsabayan sa malalaking negosyong matagal nang namamayani sa industriya ng winemaking. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, mas lalo niyang hinasa ang kanyang kakayahan, binigyang diin ang kanyang natatanging tatak—isang alak na hindi lamang hinulma ng agham kundi hinubog din ng matinding dedikasyon at pagmamahal sa sining.

Sa katauhan ni Sam Agustin, nasaksihan ang pagsilang ng isang bagong henerasyon ng winemaker—isang makabagong alkimista na nagsanib ng karunungan ng nakaraan at agham ng kasalukuyan. Hindi lamang niya naiangat ang isang simpleng interes patungo sa mas mataas na antas ng sining, kundi pinatunayan din niyang ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa tagal ng pananatili sa industriya kundi sa lawak ng kaalaman at pagsisikap na inilaan upang pagyamanin ito.

Mula sa isang binhi ng pangarap, kanyang itinanim, pinangalagaan, at ngayo’y kanyang inaani—isang tagumpay na magmamarka sa kasaysayan ng winemaking hindi lamang sa Oton kundi sa buong bansa. Si Sam Agustin ay hindi lamang gumagawa ng alak; siya ay lumilikha ng isang alamat ng inspirasyon, dedikasyon, at walang katapusang inobasyon.

MHYTHOSELAH CALANTAS

Hinaing sa Hinain

Sa lupaing hindi maabot ang ulap, at tila ang pag-angat ay isa na lamang pangarap, ang dalawang mukha ng katayuan ay para bang natabunan. Alapaap ang sandigan ng mga nasa itaas ng lipunan, at pikit sa katotohanan na marami pa rin ang napag-iiwanan sa laylayan. Ang patuloy na hilahang pababa sa kumunoy ng kahirapan, ay hindi na mapigilan. Kagaya na lamang ni Neneng, maagang namulat sa reyalidad at sinubok na agad ng kapalaran.

‘Ma anong ulam?’ katagang laging tanong ng karamihan sa mga kabataan. Kalam ng sikmura ay hindi pa nararanasan, at mas pinoproblema pa kung anong klaseng putahe ang ihahain sa hapag. Binabalutan ng ginto’t pilak ang pagkatao, at sa pribilehiyo ay sapat. Hindi gaya ni Neneng, sinasalubong ang bukangliwayway na may sigla at may pagaasam sa bagong pag-asa. Sa murang edad ay pagbabanat na ng buto ang inaatupag para matawid ang gutom sa araw-araw. Init ay hindi alintana, sa kanyang bawat yapak, pawis ay tumatagaktak kasabay ng pagpatak ng luha na sa sansinukob ay tumatak.

‘Wow may ulam!’ ito ang salitang labis na nagbibigay-tuwa sa kanyang mga maamong mata. Ngiting abottainga ang masisilayan kapag kumita na’t nakakita ng ulam sa lamesa. Himas niya ang rehas ng kahirapan, na tila nakakulong pa rin sa nakaraan. Pinagsasabay ni Neneng ang pag-aaral at pagbabanat ng buto, upang hindi tuluyang malugmok at lamunin ng sistema. Naniniwala siya na iihip ang hangin sa ibang direksyon at mababago ang kanilang kapalaran sa lipunan.

Si Neneng ay dala-dala ang murang edad na may malawak na pag-iisip. Pikit matang hindi pinansin ang batas R.A 9231, na naglalayong proteksyunan ang mga kabataan sa maagang pagtatrabaho. Ngunit, sinubok na ng

lipunan ang mga taong nasa laylayan, at napatunayan na ang pagtutulungan sa negosyo o trabaho ay ang makasasagip sa kanila sa bingit ng kahirapan. Maabot man ang dulo ng walang hanggan, patuloy pa rin sa paglaban sa pangarap, hanggang makamit ang hinahangad na hinaharap. May batas man na naapakan, pinili niya pa ring lumaban ng patas sa murang edad at tumulong sa mga magulang.

Wala sa edad, kasarian, kalagayan at katayuan sa buhay ang pagpapamalas ng kasipagan. Nasa palad ang swerte, pero sa iba ay natakpan na ng kalyo ng pagkayod. Tulad ni Neneng at iba pang kabataan sa laylayan, ang tanong na ‘ma anong ulam?’, ay salitang pangarap na lamang na nais makamtan. Sa dalawang mukha ng lipunan, ang nasa ilalim ay nakakanlungan ng alapaap na sinasandigan ng mga nasa itaas ng lipunan. Walang maririnig na hinaing sa hinain o tanong kung ano ang pagkain, kundi ay siyang pasasalamat sa maisusubo sa isang araw.

Patak ng Tinta't Tagumpay

Ang bawat isa sa atin ay mayroong mataas na hangarin sa buhay, ngunit hindi tayo mabubuhay upang makita ang liwanag ng ating tagumpay kung patuloy nating iisipin na walang sariling tinig ang ating tinta sa mundong magulo at puno ng panghuhusga.. Gayunpaman, lumubog man tayo sa isang magkakaibang sistema ng paniniwala, sariling dedikasyon pa rin natin ang nangingibabaw na mayroon pang mas mahigit na pagkakataon ang naghihintay sa dulo ng bahaghari na ating tinatahak na kasingganda ng pagsulat sa isang panitikang puno ng tinig ng mga mamamayan. Ang kumpas ng sining ng panitikan ay isang boses na pumupukaw sa daan-daang kabataan at mamamayan na makapagbigay sa kanila ng inspirasyon. Pinatunayan ito John Michael G. Londres, isang mag-aaral dati ng Oton National High School Special Program in Journalism at dating miyembro ng The Seaside Echo bilang isang News and Sports Editor. Nakamit ni Londres

ang prestihiyosong Carlos Palanca Memorial Award for Literature (CPMAL) para sa kanyang napakamalikhaing kumpas ng mga taludtod. Ang kanyang “Saklolo, Trak ng Bombero!,” ay hinatulan ng pangalawa sa Tula Para Sa Mga Bata Category. Tunay nga na ibinuhos niya ang kanyang dedikasyon at pawis sa kanyang pagsasanay na naghatid sa kanya hanggang sa dulo ng minimithiing tagumpay. Siya ang unang alumnus ng Oton NHS na nanalo ng malaking gantimpala na nagdulot ng malaking karangalan sa paaralan at sa buong munisipalidad ng Oton. Kagaya ng mga umaalingawngaw na mga agos ng dagat ng Oton, pinatunay rin ni Londres ang tunay na agos ng kanyang tinta para sa mga kabataan. Tulad ng mga sipol ng hangin sa dagat na umaabot sa iba’t ibang sulok ng mundo, umabot rin at pumukaw sa kabataan ang sariling panitikan ni Londres.

Sa mundong puno ng gulo, paghihirap, at diskriminasyon may isang patak ng tinta na makakasulat ng daan-daang layunin para sa mga kabataan. Ang munting tinig ni Londres ang yumakap sa mga puso ng mga mamamayan. Sinulat niya ito nang may dignidad at kahusayan, upang maabot niya ang dulo ng bahagharing magsisimula sa isang maliwanag na simula. Ang mga tagumpay na ito ay patuloy na makapagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang makamit ang isang bagay na mas malaki at magsisilbing boses para sa mga kabataan.

MERY CRIS ECOL

Lundag ng Pag-asa: Quantum Leap Tungo sa Luntiang Hinaharap

Ang ating mundo ay humaharap sa napakaraming malalalim na suliranin na may malaking epekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at sa kabuuan ng kalikasan. Ang mga hamong ito ay nangangailangan ng agarang tugon at masusing solusyon upang masiguro ang kinabukasan ng ating planeta at ng susunod na mga henerasyon.

Kaya’t ang Philippine Environmental Summit ay kinikilala ang mga isyung ito at agarang nagbigay ng plataporma na binubuo ng samu’t saring solusyon. Ang biennial event na ito, na ginaganap tuwing dalawang taon, ay nagtitipon ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang magbahagi ng kaalaman sa pagbuo ng mga konkretong solusyon na masiguro ang ng patuloy na pag-iral ng ating planeta at ng maayos na pamumuhay para sa mga susunod na henerasyon. Ito ay isang mahalagang hakbang upang matugunan ang mga malalalim at masalimuot na suliraning kinakaharap ng ating mundo.

Layunin ng summit na ito na harapin at solusyonan ang mga kritikal na suliraning pangkapaligiran tulad ng pagbabago ng klima, pangangalaga ng ating likas na yaman, at pagyakap sa mga makabagong teknolohiya para sa isang masaganang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga plenary at parallel sessions, bibigyan ang mga kalahok ng pagkakataon na matuto mula sa pinakabagong mga breakthrough, ibahagi ang mga pinakamahusay na kasanayan, at bumuo ng mga konkretong plano upang masigurong maprotektahan ang ating planeta.

Ito naman ang magdadala sa atin sa Ika-5 Philippine Environmental Summit sa temang “Ako ang Bukas: Quantum Leap to Climate Neutrality,” na ginanap sa Grand Xing Imperial Hotel sa Iloilo mula Pebrero 19-21, 2025.

Ang tatlong araw na kaganapan ay sa pakikipagtulungan ng Green Convergence for Safe Food, Healthy Environment and Sustainable Economy (GC) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na nagsilbing isang tagpuan upang manawagan ng agarang aksyon mula sa iba’t ibang sektor at indibidwal upang makamit ang isang hinaharap na may net-zero carbon emissions.

Sa buong summit, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang paksa, simula sa pagpapakilala sa Greenhouse Gas (GHG) Calculator at ang mahalagang papel nito sa pagkamit ng climate neutrality. Ipinakita sa mga breakout session ang iba’t ibang pagsusumikap ng mga entidad sa pagsukat at

pagbabawas ng GHG sa iba’t ibang antas, na naglalayong hikayatin ang mas maraming organisasyon na sumali sa kilusan. Sa ikalawang araw, ang pokus ay lumipat sa kasalukuyan at hinaharap na epekto ng pagbabago ng klima, na itinampok ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamahina sa pagbabago ng klima.

Bukod pa rito, tinalakay rin ang mga kasalukuyang hakbangin sa pagpapagaan, na may mga breakout session na nag-usisa sa apat na pangunahing sektor: renewable energy, agrikultura, transportasyon, at mga proseso ng basura at industriya. Ang huling araw ay nakatuon sa mga estratehiya ng pag-aangkop sa pagbabago ng klima. Tinalakay ng mga eksperto ang National Adaptation Plan (NAP) at sinuri ang estado ng seguridad sa pagkain. Ang mga breakout session ay sumuri sa mga pangunahing aspeto ng mga programa ng resiliency ng bansa na nahahati sa apat na subtopic: Resiliency sa Harap ng Pagbabago ng Klima, Project Transform, Mga Programang Pangkabataan, at Pagbabagong-buhay ng mga Ecosystem.

Kabilang sa mga nakilahok ay ang Oton National High School upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa mga usaping pangkalikasan. Sa kanilang paglahok, nagkaroon sila ng pagkakataong makibahagi sa mga talakayan at aktibidad na naglalayong mapalakas ang kamalayan at aksyon tungkol sa pagbabago ng klima at iba pang suliraning pangkapaligiran. Ang karanasang ito ay nagbigay-daan din upang maisulong ang mga programa at proyekto ng paaralan na naglalayon ng mas malinis at luntiang kapaligiran.

Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng diwa ng kolaborasyon at pagbabahagi ng kaalaman, layunin ng Philippine Environmental Summit na bigyan ng kapangyarihan ang mga indibidwal at komunidad na gumawa ng makabuluhang aksyon sa pangangalaga ng kalikasan. Sama-sama, malalagpasan natin ang mga hamong ito at lilikha tayo ng isang mas masustansya at matibay na mundo para sa mga susunod na henerasyon.

27.5 terawatthours ng kuryente mula sa renewable energy ang nagawa ng Pilipinas noong 2023

DONIELYN SERNICULA

Silakbo ni Kanlaon

Habang patuloy na umiinog ang mundo, hindi maiiwasan na sumiklab ang ilang mga malalaking kaganapang sakuna na malaki ang epekto sa ating buhay. Isa sa mga ito ay ang makasaysayang pagputok ng Bulkang Kanlaon. Ang bulkang ito ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa isla ng Negros sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na tuktok sa rehiyon ng Visayas, na may taas na 2,465 metro sa ibabaw ng dagat. Ang bulkan ay bahagi ng Pacific Ring of Fire at may kasaysayan ng pagputok na nagsimula pa noong 1866.

sinundan ng paghinto ng aktibidad, isang kaganapan ng makabuluhang pagbuga ng abo ang naganap muli mula sa bunganga ng Kanlaon Volcano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pinakabagong makabuluhang pagputok ay naganap noong Pebrero 15, 2025, nang ang bulkan ay naglabas ng mga plumes na umabot sa taas na 5,000 metro. Karamihan sa mga pagputok ng Kanlaon ay phreatic, na ang pagsabog ay nagdudulot ng singaw kapag ang tubig sa ilalim ng lupa o sa ibabaw ay umiinit dahil sa aktibidad ng bulkan. Ang pangyayari ay tumagal ng walong minuto batay sa seismic record at nagbunga ng 1,500 metro mula sa bunganga bago lumihis patungong kanlurang -

dapat ding magpayo sa mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil ang abo mula sa biglaang pagsabog ay maaaring maging panganib sa sasakyang panghimpapawid.

Bukod pa rito, ang mga naglalakihang alon ng abo at mainit na gas ay bumaba mula sa bulkan, naglunsad ng pagkasira sa mga kapatagan at nagbunsod ng paglikas ng mga residente mula sa kanilang mga tahanan. Ang mga kalapit na bayan sa Bago City, Negros Occidental katulad ng Barangay Mailum, Barangay Maao, Barangay Binubuhan, Barangay Abuanan, Barangay Dulao at iba pa ay nagmistulang nagdilim sa bigat ng pagbagsak ng abo.

mahigpit na mino-monitor ng Philippine Institute of Volcanology dahil sa potensyal na epekto nito

ng mabagsik at mapaminsalang pyroclastic density currents (PDCs),

Dahil sa pangyayaring ito, ang PHIVOLCS ay nag-angat ng alert level 3 (magmatic unrest) sa Kanlaon Volcano. Ibig sabihin, ang magmatic unrest ay maaaring magdulot ng mga pagbuga ng abo at maikling pagsabog na posibleng magdulot ng mga panganib sa buhay. Iminumungkahi na ang mga komunidad sa loob ng 6-km radius mula sa bunganga ay mananatiling

pyroclastic density currents o PDCs, ballistic projectiles, pag-ulan ng abo, pagbagsak ng bato at iba pang

Ang mga lokal na pamahalaan ay dapat magpatuloy sa paghahanda ng kanilang mga komunidad sa loob ng PDC hazard zone para sa posibleng paglikas sakaling lumala ang unrest at maganap ang pinakamapanganib na pagsabog. Pinapayuhan ang mas mataas na pag-iingat laban sa posibleng syneruption lahars at sediment-laden streamflows sa mga daluyan ng tubig mula sa edifice kung sakaling magkaroon ng

panahon ng unrest. Ang mga awtoridad ng sibil na abyasyon ay

Dagdag pa rito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagbagsak ng abo mula sa Bulkang Kanlaon ay nakakaapekto rin sa mga lugar sa Panay, partikular sa timog ng Iloilo. Ang mga lugar na apektado ay kinabibilangan ng Oton, Tigbauan, Guimbal, Miagao, Igbaras at San Joaquin. Ang mga residente sa mga nasabing lugar ay pinapayuhan na magsuot ng face masks at magingat upang maiwasang malanghap ang mga maliliit na butil ng abo. Mahalaga para sa lahat na manatiling nakatutok sa mga pinakabagong balita mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at sundin ang anumang abiso na inilalabas. Sapagkat, ang kalusugan ng baga ay dapat bigyang-pansin sa panahon ng ganitong mga kalamidad upang maiwasan ang mga masamang epekto sa kalusugan. Ang kamakailang pagsabog ng Bulkang Kanlaon ay naging isang napakahalagang paalala ng kapangyarihan ng kalikasan at ang kahinaan ng sangkatauhan sa harap nito. Sa kabila ng takot at panganib, ang katatagan at pagkakaisa ng mga naapektuhang komunidad ay nagliliwanag, na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at paghahanda sa harap ng mga natural na kalamidad. Habang patuloy na mino-monitor ng mga dalubhasa at tumutugon sa mga ganitong kaganapan, mahalaga ang patuloy na pagbabantay at kooperasyon upang mabawasan ang mga panganib at matiyak ang kaligtasan at pagbangon ng lahat ng naaapektuhan.

DONIELYN SERNICULA

“Papel sa Kalabasa, Luntiang Pag-asa”

Sa panahon kung kailan patuloy na nauubos ang ating kagubatan dahil sa produksyon ng papel, isang makabago at likas-kayang solusyon ang maaaring magmula sa simpleng gulay— ang kalabasa. Sino ang magaakalang ang veins ng Cucurbita maxima o kalabasa ay may kakayahang palitan ang kahoy bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng kraft paper? Ang pananaliksik na ito na ginawa ni Shehenna Ashley Tondo ay nagpapakita kung paano maaaring gawing matibay, likas-kaya, at mas murang alternatibo ang kalabasa sa industriya ng papel.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit isinasaalang-alang ang kalabasa bilang hilaw na materyal sa paggawa ng kraft paper ay ang mataas nitong fiber content. Mayaman sa cellulose ang mga ugat at vines ng kalabasa, na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng papel. Bukod dito, mabilis itong tumubo at maaaring anihin sa maikling panahon, kaya mas praktikal itong gamitin kumpara sa mga kahoy na tumatagal ng maraming taon bago maani. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring makatulong sa pagbawas ng deforestation at sa pangangalaga ng

Teknolohiyang Makabago, Para sa Sahig na Nilinis nang Todo

Nais mo bang magkaroon ng makintab at malinis na sahig nang hindi napapagod sa paulitulit na pagpahid ng wax? Nakakaubos ng oras at lakas ang tradisyunal na paraan ng pagwa-wax gamit ang mop o basahan. Minsan, kahit anong tiyaga sa pagpapahid, hindi pa rin pantay ang kintab ng sahig. Upang gawing mas madali at mabilis ang prosesong ito, isang makabagong solusyon ang naimbento ni Venice Angelyn San Agustin, ito ang Remote Controlled Liquid Floor Wax Applicator Machine—isang awtomatikong makina na kayang maglagay at magkalat ng wax sa sahig gamit ang remote control. Isang awtomatikong makina ang idinisenyo upang maglagay at magkalat ng liquid floor wax nang hindi kinakailangang gumamit ng mop o basahan. Gamit ang isang aplikasyon sa selpon na nagsisilbing remote control, madali itong gabay sa tamang direksyon, kaya hindi na kailangang yumuko o gumamit ng lakas upang pakinisin ang sahig. Tamang-tama ito para sa mga bahay, paaralan, opisina, at iba pang malalaking espasyo na nangangailangan ng regular na pagwa-wax. May iba’t ibang bahagi ang makinang ito na nagtutulungan upang maging epektibo ito sa pagwa-wax. May mga gulong na ginagalaw ng DC motor, habang ang chassis ang nagsisilbing batayan ng buong makina. Gumagana ang DC pump motor upang palabasin ang liquid floor

wax mula sa wax container papunta sa sahig sa pamamagitan ng small hose. Kapag nailagay na ang wax, isang umiikot na brush ang nagkakalat at nagpapantay dito, na pinapagana rin ng isang DC motor. Lahat ng ito ay pinapagana ng isang battery at kinokontrol gamit ang ESP32 board, na maaaring i-connect sa mobile phone sa pamamagitan ng Wi-Fi. Mas mabilis at maayos ang pagwawax gamit ang makinang ito kumpara sa mano-manong paraan. Hindi na kailangang gumugol ng mahabang oras at labis na pagsisikap para lamang makamit ang magandang resulta. Bukod sa pagbawas ng pisikal na pagod, tinitiyak din nito na pantay at propesyonal ang pagkakalapat ng wax, kaya mas tumatagal ang kintab at linis ng sahig. Nagbibigay ng malaking tulong ang Remote Controlled Liquid Floor Wax

Applicator Machine sa pagpapadali ng gawaing bahay at pagpapanatili ng kalinisan sa iba’t ibang establisyemento. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, nagiging mas mabisa ang proseso ng pagwa-wax nang hindi nangangailangan ng labis na oras at lakas. Isang patunay ito na patuloy ang pag-unlad ng makabagong kagamitan upang gawing mas magaan at mas mabilis ang ating pangaraw-araw na gawain.

MICAH ELLA DONASCO
MICAH ELLA DONASCO

Manlalangoy ng Oton NHS, namayagpag sa FCDSA ‘25

Sa muling pagbabalik ng First Congressional District Sports Association Meet ngayong taon, nangibabaw ang mga manlalaro ng Oton National High School sa ginanap na FCDSA Swimming Competition noong Enero 18-19.

Hinirang bilang 2nd runnerup sa overall results ang Oton sa sekondarya, na siyang nakabulsa ng humigit-kumulang 23 medalya sa male at women’s category.

Hindi nagpahuli sa bagsik sa larangan ng swimming ang mga manlalaro matapos makasungkit ng ginto sina Kim Leonard Poh, Robert Genon Salova, Ian Dave Gavilongso, Richmar Dave Ortega, at John Richard Ortega sa individual at relay categories.

Nagpasiklab rin ng galing ang mga manlalarong sina Diadem Joyce Amante, Syra Mae Silla, at Princess Mae Villanueva, na nakauwi ng kabuuang anim na medalya sa female category.

Anim na munisipalidad ang nagpakitang-gilas sa FCDSA 2025 swimming competition, kabilang ang Oton, Tigbauan, Guimbal, Miagao, San Joaquin, at Tubungan.

Ang mga manlalarong nagwagi at nakakuha ng mataas na ranggo ay siyang kakatawan sa susunod na yugto ng kompetisyon— ang Integrated Sports Meet.

Sa eksklusibong panayam kay Diadem Joyce Amante, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat matapos makamit ang 2nd place sa kompetisyon. Para sa kanya, ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang pagsisikap at suporta ng buong koponan.

“Daku gid ang akon pasalamat kay nakuha ko ang 2nd place. Grateful gid ako sa amon coaches, teammates, kag tanan nga nag-suporta sa amon. Ini nga kadalag-an para sa Oton kag sa tanan nga nagpatik sa amon kapasidad.”

SDobleSarah: Ang Reyna

a ibabaw ng entablado, isang reyna ang marahang naglalakad, may kumpiyansa sa bawat hakbang, habang ang suot na korona kumikinang sa liwanag ng mga ilaw. Ngunit sa loob ng ring, isa siyang mandirigmang walang inuurungan, matalas ang mga mata, matibay ang paninindigan, at bawat sipa’y tagos hanggang buto.

Siya si Sarah Eillenor Mana-ay - isang dalagitang hindi lang nagpapamalas ng kagandahan at kahinahunan bilang isang Reyna kundi isa ring bagyong nagpapayanig sa kompetisyon ng Taekwondo. Sa kanyang katauhan, magkasabay na namumuhay ang dalawang magkaibang mundo: ang kaharian ng isang reyna at ang digmaan ng isang mandirigma.

Sa unang tingin, si Sarah ay isang larawan ng kagandahan at kagandahangasal. Noong 2023-2024, siya ang itinanghal na Foundation Queen ng Oton National High School, isang parangal na sumasalamin sa kanyang tikas, talino, at malasakit sa kanyang paaralan at komunidad.

Sa entablado, mahinhin ang kanyang galaw - banayad ang kanyang lakad, puno ng dignidad ang kanyang tindig, at ang bawat ngiti’y may kasamang kumpiyansang hindi nakasasakit sa iba. Siya ang huwarang dalaga na pinupuri hindi lamang sa kanyang panlabas na anyo kundi pati na rin sa kanyang katalinuhan at pagiging mabuting ehemplo sa kapwa mag-aaral.

Ngunit sino ang mag- aakalang ang parehong kamay na sanay sa paghawak ng mabibigat na gown at korona ay siya ring kamay na humahawi ng hangin sa bawat suntok? Na ang paa niyang banayad sa paglalakad sa entablado ay siya ring paa na nagpapabagsak sa kalaban sa Taekwondo?

Sa labas ng entablado, may isa pang mundo si Sarah - ang mundo ng Taekwondo, kung saan hindi sapat ang ganda kundi kailangang may diskarte, bilis, at tibay. Dito, hindi na siya ang

Sa temang “Atletang Palaban, Nangingibabaw sa Diwa ng Makabansang Paligsahan”, tinatayang mahigit 1,500 atletang mag-aaral mula sa iba’t ibang pambubliko at pribadong paaralan sa probinsya at lungsod ng Iloilo ang nakilahok sa Iloilo Schools Sports Council (ISSC) Meet nakaraang Pebrero 7–11.

Kabilang sa mga paaralang lumahok sa paligsahan ay nagmula sa Congressional District Sports Association (CDSA) 1, 2, 3, 4, 5, Iloilo City School Sports Council Passi City, Ilo Prisaa at Iloilo National High School.

Nilahukan ng mga kabataang atleta ang iba’t ibang kategorya sa isports kabilang ang basketball, swimming, football, volleyball, track and field at iba pa.

Itinanghal na kampeon ang CDSA 3 sa Elementary Level matapos makakuha ng 30 gintong medalya, 29 pilak, at 30 tansong medalya. Samantala, sa Secondary Level, nanguna ang CDSA 2 matapos mag-uwi ng 50 gintong medalya, 53 pilak, at 39 tansong medalya.

Sa Paragames naman, naging kampeon ang CDSA 3 matapos makakuha ng 27 gintong medalya, 26 pilak, at 11 tansong medalya. Ang mga nanalo ng gintong medalya ay magiging kinatawan ng Iloilo sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2025 na gaganapin sa Marso sa probinsya ng Antique.

JHONNEL ANDREI MORONES
PRINCESS XIARENA MONTEALTO AT KIAN ANDREI ESPOSADO

Reyna at ang Mandirigma

mahinhin at mapag-kumbabang reyna - sa halip, isa siyang mandirigma na handang lumaban para sa karangalan.

Sa Iloilo Sports School Council (ISSC) Meet ngayong taon, pinatunayan niya ang kanyang husay sa pamamagitan ng pagsungkit ng pilak na medalya sa Lightweight Taekwondo Secondary Girls. Sa bawat sipa at suntok, ipinakita niya ang disiplina at tiyaga na hinubog sa loob ng matagal na pagsasanay.

Mabilis ang kanyang galaw, matalas ang kanyang mata, at matibay ang kanyang loob. Hindi niya inatrasan ang kahit anong laban, kahit pa ito ang unang beses niyang lumahok sa Taekwondo bilang isang opisyal na atleta. Sa kabila ng matinding kompetisyon, pinatunayan niyang kaya niyang sumabay, na hindi hadlang ang pagiging baguhan sa pag-abot ng tagumpay.

Mahirap pagsabayin ang dalawang mundong ito - ang pagiging isang reyna at isang mandirigma. Ang isa’y nangangailangan ng kahinahunan, ang isa’y nangangailangan ng tapang. Ang isa’y may dalang korona, ang isa’y may dalang medalya. Ngunit sa katauhan ni Sarah, pinatunayan niyang hindi kailangang pumili - dahil kayang pagsabayin ang pagiging maganda at matapang, ang pagiging mahinhin at palaban.

“Unang beses ko sa Taekwondo at hindi ko inasahan na mananalo,” ani Sarah. “Hindi ito ang main sport ko, pero natutunan kong kahit saan ka dalhin ng buhay, basta may pagsisikap at determinasyon, may tagumpay na naghihintay.”

Si Sarah ay isang reyna, ngunit sa mundo ng Taekwondo, siya ay isang mandirigma.

Saanman siya ilagay siya ay isang inspirasyon - isang patunay na walang pangarap na hindi kayang maabot, at walang limitasyon sa kakayahan ng isang taong may determinasyon.

Ang kanyang kwento ay isang pagpapatunay na ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasa panlabas na anyo kundi pati na rin sa tapang, disiplina, at pagsusumikap. Ang Kaniyang Kamahalan, Reyna Sarah, ang mandirigma ng bayan.

ONHS Basketball Boys Team, umabanse sa ISSC Meet

Taglay ang natatanging galing at liksi sa larangan ng isports, muling tumindig at bumawi ang Basketball Boys ng Oton National High School nang masungkit ang kampeonato sa First Congressional District Sports Association Meet, Enero 25. Inilaban ng Oton ang tropeyo laban sa katunggaling Tigbauan sa pangunguna ng kanilang team captain na si Jerico Helibero na naging dahilan ng kanilang pamamayagpag muli sa loob ng court.

Pambato ng Oton, pumana ng tropeyo

Sasabak na sa paparating na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet ang Oton National High School archery player na si Joshel Kate Enorme nang masungkit niya ang ginto sa ginanap na Iloilo Schools Sports Council (ISSC) Meet noong Pebrero 7-11 sa Cari Mayor Elementary School.

Umarangkada si Enorme at dinomina ang torneo dahilan upang masungkit ang ginto sa isang team event kung saan kasama nito ang iba pang manlalaro mula sa Unang Distrito.

“Nadala ako sa WVRAA, since apat kami sa isa ka team and because ga lamang amon individual points and sa

overall scores compared sa other districts [Nakapasok ako sa WVRAA dahil apat kami sa isang koponan at ang aming mga indibidwal na puntos at pangkalahatang mga marka ay mas mataas kumpara sa iba pang nakilahok na mga distrito],” saad ni Enorme sa kanyang tagumpay. Bago pa man sumabak sa ISSC Meet ay nangibabaw na ang manlalaro matapos makabulsa ng pilak sa isang archery team event sa First Congressional District Sports Association (FCDSA) Meet 2025.

Kasalukuyang pinaghahandaan ni Enorme ang WVRAA Meet na siyang aarangkada sa Antique sa darating na Marso 2.

Matatandaan na kinapos ang grupo sa panalo nang nakaraang taon matapos matalo sa host municipality na San Joaquin kung saan nagtapos sa second runner up ang koponan.

Ayon sa team captain na si Helibero, malaking karangalan para sa kanila na masungkit muli ang kampeonato at mangibabaw sa unang

“Indidistrito. ini namon mahimo kung wala ang amon teamwork, disiplina, kabudlay, kag wala untat nga pagtudlo sang amon mga coaches. Amuna nga dako gid amon pasalamat sa ila suporta. Nagapasalamat man ako sa akon mga kaupdanan sa team kay indi lang ini kadalag-an sang isa ka tawo, kundi sang bug-os nga grupo [Hindi namin ito magagawa kung wala ang aming teamwork, disiplina, pagsisikap, at walang sawang pagtuturo ng aming mga coach. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa kanilang suporta. Nagpapasalamat din ako sa aking mga kasamahan sa koponan dahil hindi ito tagumpay ng isang tao lamang, kundi ng buong grupo],” aniya. Binubuo nina Noel Benedict Basco, Vicente Rex Baylon, Rylie Ruize Billion, Megelito Dela Cruz Jr., Prince Joerimar Dionaldo, Joshua Elle, Jerico Helibero, Jamar Holleza, Wen Morbo, Stanley Chryztoff Ramos, John Patrick Samalburo, at Kenjie Vargas ang koponan ng Oton sa 5x5 Secondary Boys.

JOHN ERIC ARDALES
PUSONG PANALO. Atletang mag-aaral na
si Joshel Kate Enorme hawak ang kanyang tropeo matapos masungkit ang ginto sa
ginanap na Iloilo Schools Sports Council (ISSC) Meet noong Pebrero 7-11. Larawan mula sa Oton NHS Page
Larawan mula kay Sarah EillenorMana-ay.

ISP RTS

Ang Opisyal na Pahayagan ng

TAHANAN NG KAMPEON

FCDSA 2025, opisyal na inilunsad sa Oton NHS

ala ang dedikasyon na maiuwi ang kampeonato, buong pusong tumindig ang bawat atleta at guro ng unang distrito nang pormal na binuksan ang First Congressional District Sports Association (FCDSA) Meet para sa taong 2025 sa Oton National High School, Enero 22. Sa temang “Atletang Palaban, Nangingibabaw sa Diwa ng Makabansang Paligsahan”, ibinida ng mga kabataan ang kanilang talento, hindi lamang sa larangan ng pampalakasan kundi pati na rin sa labanan ng indak at sigawan sa bawat saludong itinanghal ng pitong munisipalidad.

Buong pusong sinalubong ng mga Ogtonganon ang mga atleta sa pangunguna ng alkalde na si Hon. Sofronio Fusin Jr. na siyang nagbigay ng pambungad na mensahe sa opening program ng FCDSA.

“We are grateful that we are finally bringing the First Congressional District Sports Association Meet sa among banwang pinalangga - ang banwa sang Oton”.

Tumagal ng apat na araw ang pagpapasiklaban ng mga atleta pati na rin ang mga kalahok ng

Literary-Musical Competition mula elementarya hanggang sekondarya kung saan limang atletang magaaral ang nangibabaw sa larangan ng isports.

Itinanghal bilang Most Bemedaled ang dalawang manlalaro mula sa Miagao na sina Marc Anthony Galvan at Hazel Fajarito sa elementarya habang sina John Christopher Tentativa, Franklin T. Catera naman ng Tigbauan sa Sekondarya. Hindi naman nagpahuli ang manlalaro ng athletics mula sa Oton na si Shine Grace Marie Panuela matapos manguna sa ranggo na may pitong gintong medalya.

Nasungkit ng Munisipalidad ng Oton ang kampeonato sa unang distrito na siyang itinanghal bilang overall champion sa First Congressional Sports Association MeetCultural at Sports competitions para sa taong 2025. Sa opisyal na anunsyo ni Hon. Sofronio L. Fusin Jr. ay nagtapos ang FCDSA Meet 2025 sa bayan ng Oton na siyang sinundan ng turnover ng 1st CDSA hosting sa Munisipalidad ng Tigbauan.

Ginto o Ginhawa: Alin ang Una? isports editoryal

a mundo ng pampalakasan, laganap ang kaisipang tagumpay ang sukatan ng kahusayan. Kasabay ng mahigpit na kompetisyon, pasan-pasan ng mga atleta ang bigat ng presyur na manalo—hindi na alintana ang kahihinatnan ng kanilang pagsasakripisyo, lalong-lalo na sa kalusugan na kanilang pangunahing pundasyon sa paglalaro. Nakakubli sa mga panalo, may sistemang baluktot na nakatago—“Win-At-AllCost”, kulturang laganap sa mundo ng pampalakasan. Isang kaisipang nakaukit na sa utak ng mga atleta sa paligsahan. Layunin man nito na magsilbing gabay at motibasyon, umuusbong pa rin ang negatibong epekto nito sa pisikal at higit sa lahat, mental na kalusugan ng mga manlalaro. Pangunahing suliranin na bumabalot sa kanilang isipan ay ang takot sa pagkatalo. Sa matinding hangaring manalo, nawawala ang tunay na diwa ng paglalaro, at unti-unting naglalaho ang kasiyahang siyang tunay na kahulugan ng isang kompetisyon. Ayon sa pananaliksik ng mga eksperto, malaking bahagi ng mga atleta, lalo na sa elite level, ang humaharap sa matinding pressure at stress. Sa naglalakihang datos na 35% at 5%, hindi biro na basta na lang isawalang bahala ang epekto nito sa kabuuang pagkatao ng bawat manlalaro.

Sa sitwasyong ito, patuloy pa rin bang ipagkakait sa mga atleta ang ginhawang nararapat para sa kanila?

Kailan man, hindi matutumbasan ng karangalan ang pagkasira ng kabuuang kalusugan ng isang tao—lalong lalo na sa mga atletang nabubulag sa kinang ng ginto at tropeo. Sapagkat sa dulo ng laban, ang tunay na kahulugan ng tagumpay ay hindi nasusukat sa panalo—kundi sa mga aral na natutunan mula sa bawat pagkatalo at kung paano nila pinapahalagan ang bawat

BATANG GILAS. Mga atleta mula sa mga bayan ng Unang Distrito ng Iloilo ang nagpakitang-gilas sa FCDSA Meet 2025 na idinaos sa Oton. Larawan mula sa SE+A Online Media.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.